Scorching Love – Kabanata 16

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 16

Kabanata 16
Suyo

Sibal helped the night shift waiters. Iyong ibang pagkain na ‘di naubos ay inalis nila roon sa aming lamesa. Tuwing wala siya ay ninanakawan ko ng tagay si Jack. Jack is too drunk to even realize that. He’d dance behind a laughing Polly.

Nakitawa na lamang ako. Gusto kong tawagin si Mrs. Agdipa para bigyan sila ng tig iisang room pero tingin ko’y nakaalis na iyon. Madaling araw na kasi.

“Baldo…” tawag ko sa isang waiter na pumasok.

Pumikit ako at hinilig ang batok sa likod ng sofa. Maingay sina Jaxon habang kumakanta ng isang maingay na OPM.

“Paki handa ng dalawang rooms para sa kanila. O ‘di kaya’y family room, isa…” sabi ko.

Nakangiti ako na parang wala sa sarili. It took him so long to respond that I need to open my eyes.

Nang dumilat ang isang mata ko ay nakita ko na may sinasabi si Sibal kay Baldo. Narito na siya! Tapos na atang magligpit ng gamit.

“Miss President,” si Sibal. “Uuwi sila. Ipapahatid ko sila kay Baldo, iyon ay kung payag ka…”
“What? My friends can stay here in my hotel, Sibal. I can pay for it… I own this hotel…”
“Hindi na at dagdag gastusin lang iyon. Kaya pang umuwi nina Jack. Noon pa man, umuuwi na naman iyan kahit na sobrang lasing na…”

Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya ay hinawakan ko na ang labi ko. I want to puke everything that I ate. Hindi ko ata nagustuhan ang pinampares nina Jack sa Black Label.

Tumuwid ako sa pagkakaupo. Sibal watched me, his expression is very cold. Ngumiti ako at pumikit muli. The urge to puke subsided.

Damn. Hindi talaga ako sanay uminom ng hard liquors. I only drink wine. Nakainom na ako ng mga ganito pero hindi palagi. And based on my experience, I feel nauseous everytime.

“Miss President, magbanyo ka muna…” ani Sibal.

Iritado akong dumilat. I really hate it when someone decides for me. I don’t need someone else’s decision. Mataman ko siyang tiningnan.

“I will. You don’t have to tell me…”

I put my index finger up in the air then slowly I tried to stand. Nang nakatayo ako, positibo na akong lasing na nga ako. Good thing I don’t get unconscious when I’m drunk. I just tend to have lesser mouth filter.

Binaba ko ang index finger ko at agaran nang lumabas doon. Nang nasa bulwagan na ng restaurant ay napansin kong wala nang tao roon. Syempre, madaling araw na nga.

Dire diretso ang lakad ko kahit na parang mas maalon pa sa dagat ang paningin ko. Straight, I went to the elevator. I pushed the button up. Pagkatapos noon ay humilig ako sa dingding para mag antay sa elevator.

Luckily, wala masyadong guest kaya mabilis iyong bumaba. Pumasok ako, half asleep.

Pinindot ko ang pangatlong palapag para makapunta na ako sa kwarto ko at doon magbathroom. Pero bago pa iyon naisarado ay tumambad na si Sibal sa aking harap.

Umusog ako para hindi kami magtabi. Sa gilid ng mga mata ko ay kita kong nakatingin siya sa akin. Shameless staring. Pumikit ulit ako at humilig sa dingding ng elevator.

“Saan ka pupunta? Hindi ba’t sabi mo’y magbabanyo?” tanong niya.
“Sa kwarto…” wala sa sarili kong sagot.
“Hindi ka gagamit ng banyo sa restaurant?”

Oh… Now that he mentioned it. Bakit nga ba ako pupuntang kwarto para roon magbanya? ‘Tsaka ko lang napagtanto ang kamalian ko nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako.

Lumabas na lamang ako. Tutal ay nasa palapag na iyon na ako. Doon na lang ako tutuloy. Bababa na lang ako mamaya para tingnan sina Jack. I need to make sure they’re okay. In the mean time, I need to really go to the bathroom or something! Or sleep a bit, maybe?

Kinapa ko ang gilid ng damit ko at napagtanto kong naiwan ko nga pala ang bag ko sa exclusive room! How clumsy, Snow!

Tumunog ang door handle dahil nabuksan iyon ni Sibal. I almost forgot he’s with me!

“Thanks…” sabi ko at dumiretso na sa loob.

Imbes na sa banyo ay binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama. I lay there face down, feeling so comfortable. Thank God! I’ll sleep for a minute… Just a bit…

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkagising at pagtulog nang naramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko. I can hear Sibal’s voice saying something but I didn’t get it because I’m too preoccupied with my body.

Mabilis akong tumayo dahil sa naramdaman kong pagkakasuka. Mas lalo lamang tuloy akong nahilo!

I was concerned with my bed so I stayed away. Pupunta na sana ako sa banyo nang bigla akong naakit sa isang upuan.

I hate vomiting. Pakiramdam ko ay pati ang intestines ko ay lalabas kaya kung maaari ay pinipigilan ko. Nakapikit ako habang naroon. Dinalaw muli ako ng antok.

“Snow…” tawag ni Sibal.

Halos mapatalon ako roon. Iritado akong dumilat. Pagkadilat ko ay agad sumabay ang pagbaliktad ng aking sikmura!

Pakiramdam ko ay may humahalukay sa aking tiyan. Agad bumaha ang suka sa aking dibdib, sa aking braso, sa aking kamay. Ngumiwi ako at nagmura.

“What the hell?” sabi ko.

Gusto kong tumayo at dumiretso sa banyo ngunit ang nararamdaman kong pandidiri ay masyadong matindi kaya hindi muna ako gumalaw.

“Miss President, kailangan nating pumunta sa banyo…” sabi ni Sibal sabay lapit sa akin.

Kumuha siya ng isang rolyo ng tissue sa aking banyo. Pumikit ako at hinilig na lamang ang ulo sa dingding habang nararamdaman kong nililinisan niya ang aking damit, braso, at kamay. Pakiramdam ko’y pati pa ang sahig.

“I want to remove my shirt…” sabi ko.
“Nagtawag na ako ng gagawa niyan…” ani Sibal. “Baka dumating na ang isa sa mga house keeper para tumulong…”

Oh my! Is he serious? I feel so damn sticky and I’ll wait for the housekeeper to remove it? I can damn remove it myself!

Hinulog ko ang strap ng aking dress sa aking braso. Pati ang kabila.

“Antayin natin ang housekeeper, Snow…” malamig niyang sambit muli.
“Tulog ang mga housekeeper ngayon. Gusto ko nang maligo at magbihis!” sabi ko at tumayo na.

Muli ay umalon ang paningin ko. The throbbing on my head feels so pronounced now. I can’t hardly stand.

Bumagsak ang aking dress sa sahig. I don’t know if Sibal successfully cleaned everything on the floor but that’s the last thing I could care about.

I stepped out of my dress. Suot ko ngayon ang pangalawang bikini ko. Nakapikit ang isa kong mata habang pumupunta sa banyo ngunit bago pa ako makalapit sa pinto ay naduwal muli ako! Napahawak ako sa door handle para suportahan ang sarili at napasuka muli roon sa mismong tinatayuan ko.

“Shit!” sigaw ko.

Sibal groaned and then I felt his hand just below my waist. Hinawakan niya rin ang kamay ko at dinala niya ako sa loob ng bathroom.

Nang nakaharap ko na ang inidoro ay halos yakapin ko iyon.

“Miss President…” tawag ni Sibal sabay patayo sa akin.

Ayaw niya yatang lumuhod ako sa toilet. Umaalon ang paningin ko at gusto ko nang sumuka roon.

Pilit niya akong tinayo.

“Mas lalo kang masusuka kapag ganyan…” ani Sibal.

Ilang sandali akong nanatiling nakatayo roon. Minsan ay nawawala si Sibal sa aking tabi. Siguro’y inaayos ang kalat ko malapit sa pintuan. At minsan naman ay nasa gilid ko siya.

“Nasusuka ka pa ba?” he asked.
Umiling ako at pumikit muli. “I want to shower…”

Didiretso na sana ako sa loob ng shower. Mabuti na lang at hinila ako ni Sibal pabalik at hindi ako nauntog sa salamin ng pintuan. Pumasok ako roon at agad akong humilig muli sa dingding.

Kinapa ko ang para sa shower ngunit hindi ko mahanap. Si Sibal yata ang nag on ng shower dahilan kung bakit nabasa ako ng paunti-unti.

“Sorry for bothering you…” I said as the cold water washed all the dirt I’m feeling.
“Miss President, narito ang sabon at ang shampoo kung gusto mo…”

Ngumiti ako sa sinabi niya. Clearly, Snow… These are all just because you’re a respected acting CEO of the whole hotel and nothing more. Don’t be too full of yourself. There are some things you just can’t touch and this is one of them.

“Miss President, huh? Miss President…” bumungisngis ako habang inuulit ulit iyon. “Paki lagyan nga ako ng shampoo at sabon. I’m too numb to feel or touch anything…”

Isa iyang utos bilang ako, Miss President Nieves Solanna Galvez. Let’s see if my bellboy slash bodyguard slash housekeeper slash waiter Percival Archer Riego can fulfill my bidding.

Naamoy ko ang halimuyak ng aking shampoo. Mas lalo lang lumapad ang aking ngiti.

He gently massaged my head with it. Pumikit ako lalo. His hands are talented. Like it can heal with its very touch. Wala na ba siyang hindi nagagawa?

Why do I find him so attractive when he’s only… what the hell? Do I really bring that up? A part of me is telling me that I shouldn’t judge him with his status. And that’s actually the larger part of me. Dahil kung ang parteng nanghuhusga sa kanyang status ang paiiralin ko ay malamang kahit isang sulyap ay ‘di ko na siya napaunlakan!

I moaned at the feel of his hand gently caressing my hair. Dumilat ako at nakita ang kulay beige na tiles ng aming bathroom. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

Ang kanyang maong ay medyo basa na dahil sa tubig galing sa shower. Ang kanyang damit na ngayon ay t-shirt na kulay maroon ay ganoon din. His expression almost pained. His jaw is tightly clenched.

Ngumiti ako.

I wonder how can he resist me? Not that I want him to be tempt but… He must be really in love with Katarina? How lucky…

Hinawakan ko ang string ng aking bikini sa aking batok. Maagap niya namang pinigilan ang kamay ko sa gagawin.

Nagkatinginan kami. Seryoso ko siyang tiningnan. For the past minutes, I’ve never been this focused with something. I can sense burning anger in his eyes. Why? Because we’re in this situation? He must really hate me. He’s only doing this because I pay him. I pay him even more kapag over time.

Don’t worry, Sibal. I’m gonna pay you tonight, too.

“Oh, right. You’re loyal so I don’t need to tempt you… Don’t worry, I don’t intend to show you my body, too…”

Natawa ako sa sarili ko at naglahad ng kamay.

“Give me the soap…” nakapikit ako.

Naramdaman kong pinatong niya iyon sa aking kamay. Agad ko iyong ipinahid sa aking braso at pinabula.

“You can leave now. I can take care of myself… Thanks…” sabi ko.

Nilagyan ko ng sabon ang aking leeg. Bahagya akong dumilat at nakitang nasa harap ko parin siya. Ganoon parin ang ekspresyon. And I swear God made him this beautiful to serve as a standard. I wouldn’t be surprised if he’s more beautiful than Apollo!

Why this greek God in front of me is a question. Now that I think about it, Katarina is pretty, too. Just between fair and bronze skin, long jet black hair, oval shaped face, arched eyebrows, upturned eyes, and sharp lips. She’d be a goddess with a little make up. No wonder Sibal’s crazy over her.

The thought of him crazy over her made my heart ache. Napawi ang ngiting kanina ko pang suot. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nangingiti ako.

“Why are you still here? Don’t insult me…” sabi ko sabay iling.

Pinadausdos ko ang sabon sa aking hita pababa. Pagkatapos ay binalik muli iyon sa lalagyanan. Ni hindi ko sigurado kong nailagay ko nga bang mabuti.

Dinilat ko ang mga mata ko. I can definitely feel how hooded my eyes are right now. Nasa harap ko parin si Sibal.

Yumuko siya at pinulot ang sabong hindi ko nga nailagay ng maayos. Pagkatapos niyang ilagay iyon sa lalagyanan ay kumuha na siya ng tuwalya galing sa labas.

Tumawa ako at hinayaan ang tubig sa aking katawan. He’s probably so amazed with his pay check that he swears he’ll do everything for me, huh?

“One day, I’m gonna fire you…” wala sa sarili kong sinabi. “Para wala ka nang pakealam…”
“Iyan ba ang dahilan kung bakit tinatanggal mo na ako ngayon sa posisyon ko?” tanong niya.

Ngumisi ako at pinatay ang shower.

“Hindi kita tinanggal. You’re still a bellboy here in The Coast, don’t worry, I’m not harsh…” malambing kong sinabi.
“Bakit hindi ka pumapayag na kukunin ko ang night shift-”
Inunahan ko na siya. “Bakit mo kukunin? Ganoon ba ito ka importante sa’yo?”

Pahablot kong kinuha ang tuwalya at tinalikuran ko siya para makapaghubad na ako ng top. Nang naibaba ko ang string sa batok ay kusang kumalas ang bra. I tried to reach out for the sting at the back but I can’t properly get it. I’m too groggy. Naramdaman ko ang pagkalas ni Sibal noon.

Uminit ang pisngi ko. Hindi dahil sa kahihiyan kun ‘di dahil sa ibang nararamdaman. I feel so damn insulted! Nakakairita! Pakiramdam ko ay napigtas na nga ang litid ko sa ginawa niya.

Agad kong itinapis sa aking sarili ang tuwalya at hinarap siya. Tears started to form below my eyes. I can hear my heart beating very fast and loud.

“Ngayong may girlfriend ka na, iyon na ang pagtuonan mo ng pansin! At hindi mo pwedeng isuko ang pag-aaral mo para sa trabaho dahil hindi ko maiintindihan iyon! Your priorities should be…” Nanginig ang labi ko. “Family, Studies, Girl, and then work! Kaya dapat hindi ito ang uunahin mo!”

Magmamartsa na sana ako palabas nang bigla akong nadulas sa tira tirang sabon sa sahig. Napatili ako nang muntikan nang bumagsak. Hinawakan ako ni Sibal iginiya palabas doon. Laking gulat ko nang may mga malinis na damit na ako sa sink. Kahit ang mga underwear ko ay naroon na. Nilingon ko siya.

“Magbihis ka. Aantayin kita sa labas. Huwag kang madudulas ulit…” banta niya at lumabas siya sa banyo.

Matalim kong tinitigan ang pintuan at padabog ko iyong sinarado!

Hinarap ko ang salamin at nasapo ko na lamang ang ulo ko. I can’t wait for all of these to be over. I can’t wait to just suddenly leave Costa Leona. I want it tomorrow. Kung kaya ko lang talaga. Kung kaya na sana ni Papa.

Half asleep akong nagbihis. Lumabas agad ako at nakita ko siyang inaayos ang aking kama. Medyo mabuti-buti na ang pakiramdam ko pero sobrang hilo parin ako. Umayos lamang ang aking sikmura pagkatapos kong magtoothbrush.

Umupo ako sa aking kama at pumikit na lamang. He’s not done making sure my pillows were arranged so I stayed like that.

“Humiga ka na, Miss President…” sabi ni Sibal.

Hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang sakit na naramdaman ko nang narinig ko sa kanya iyon. The term… Miss President. I feel like he’s all just doing these all because I’m his boss. But then I feel like he’s not, too. But of course he is… may girlfriend na siya.

Dumilat ako at matalim siyang tinitigan ngayon. Pagkatapos ay humiga ako sa aking kama. Hulog ang dalawang paa ko sa sahig.

“Miss President…” ani Sibal. He’s probably bothered with my position.

Ilang sandali ang lumipas ay hinawakan niya na ang likod ko at ang baywang ko para maingat ng maayos sa mga unan. Agaran ay dumilat ako at ikinulong ang kanyang batok sa aking braso para madampi ko ang aking labi sa kanya.

I kissed him. I never really remember when was the last time I kissed someone softly. Tila balahibo lamang ang dampi ko sa kanyang labi and he did not even respond… even a bit. Maybe it’s too lovely to respond at… maybe he need something that’s burning… something hot.

Nilapag niya ako sa aking unan. Nangilid ang luha sa aking mga mata. For the insults, the heartbreaks, the pain, the desperation, and everything.

I will never be probably enough to make anyone stay with me…

Kinalas ko ang aking braso sa kanyang batok. Hinayaan ko ang sariling umiyak. Hindi bale na’t nariyan siya. Mukhang nawalan na talaga ako ng kontrol sa aking sarili.

“Huwag ka nang magpumilit pa na subukan muling magsilbi sa akin, Sibal. Dadagdagan ko ang pasahod mo huwag ka na lang muli maging ganito ka lapit sa akin dahil hinding hindi ko maiintindihan ito… You have a girlfriend while I like you. I will try to stay away but I can’t promise to be so away when you’re this close…”
“Wala akong girlfriend, Miss President…”

Napadilat ako sa sinabi niya.

“Liar! I have heard what Katarina said! Sinasagot ka na niya!” sigaw ko, tunog nang-aakusa.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumayong matuwid. Bumangon ako para makitang mabuti ang kanyang ekspresyon.

“Hindi kami…” aniya.
“Pero gusto mo siya! Pero… mahal mo siya, hindi ba? The reason why you stay away because you’ve been loyal. You told me you like her right after I told you I like you, Sibal!”
“Gusto ko siya, oo, pero…” he trailed off.

Hindi niya na dinugtungan. Nag-antay ako pero wala siyang dinugtong kundi…

“Matulog ka na, Miss President-”
“Don’t fucking call me that!” sigaw ko sabay tayo para harapin siya.

His eyes widened. Umatras ang luha ko dahil galit na ngayon ang nararamdaman ko.

“My rule in life is fucking simple! If you want something, go for it. If you don’t, then… don’t! Bakit ikaw, ang hirap? Gusto mo si Katarina pero may pero ka! Hindi kayo. Pinapaasa mo ako! Paasa ka!” sigaw ko sa kanya.
“I like you, Snow!” sigaw niya pabalik.

Nanlaki ang mga mata ko at para akong nabilaukan sa lahat ng mga salitang gusto ko pang pakawalan. Nalunok ko sila ng wala sa oras.

Kitang kita ko ang frustration sa kanyang mukha. Humakbang siya palapit sa akin. Nanginig ang aking tuhod.

“I like you very, very much, Miss President…”

He closed the space between us. Hanggang bibig niya ang mata ko. Yumuko siya ng konti para magtama ang ilong naming dalawa. Hindi ako makagalaw. I never really thought it’s this stunning to hear it from him!

“At hindi dapat iyon. Hindi dapat tayo nagtatagpo ng ganito. Hindi dapat… Pero… gustong gusto kita…”
“Huh?”

Napaatras ako. Tinagilid niya ang ulo niya para maabot ang labi ko. He softly kissed me once. I am positive that I’m dizzy, not because of alcohol, but because of his kiss.

“Ang hirap iwasan ng taong gusto mo. Kaparusahang walang kapantay ang pag-iwas sa’yo, Snow…”

He kissed me again. This time, deeper. His tongue made it’s way to all the secrets of my mouth. Napaatras ang ulo ko sa atake niya ng halik. Hinawakan niya ang braso ko at agad kong naramdaman ang init. He stopped mid kiss and then he breathed heavily. He rested his nose on mine.

“Bakit mo ako iniiwasan kung ganoon?” pabulong kong sinabi.

Iyon pa talaga ang naisip kong itanong kahit mas marami pa talagang mas importanteng itanong sa kanya sa panahong iyon. Like… why did you court Katarina? Why did you say you like her? Is it because you want me to stop liking you? Were you successful, though? Fuck.

“Please, Snow… Matulog ka na muna. Lasing ka…” aniya.
“Hindi ako lasing…” inangat ko ang tingin ko sa kanya.

Ngayon punong puno na ng giliw ang kanyang mga mata.

“Please… magpahinga ka na muna…” suyo niya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.