Scorching Love – Kabanata 15

July 3, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 15
Masakit

I would rather be with Ruben and Jack than the girls. Panay kasi ang picture ng mga ito, sinasali ako at medyo nakakairita na.

Naghanap ng magandang mauupuan sina Ruben at Jack. Pinagtabi nila ang iilang sun lounger para magamit namin ang mga malalaking payong ng mga ito. Dahil basa na si Ruben, nagyaya na siya sa amin na maligo na.

Hindi na gaanong tirik ang araw ngunit gusto kong magpahinga ng saglit bago maligo. Pagkatapos nilapag ni Sibal sa isang lounger ang bag ko ay lumayo na agad siya.

“Jack, tara na!” ani Polly sabay hila kay Jack.

I saw how Jack resisted her. Kasi naman inaayos niya pa ang mga pagkain namin. Tumatakbo na si Nora patungo sa dagat.

“Saglit lang, Polly. Ilalagay ko lang dito ang pagkain…” ani Jack.

Humiga ako sa isang sun lounger at napatingin sa Facebook. Maraming notifications dahil sa mga posts ni Polly at Nora na mga pictures namin.

Nagulat din ako at maraming chat sa Facebook Messenger. I clicked it and saw Brenna and Cissy flooding me on our group chat! May picture pa roon ni Sibal. Stolen shot!

Brenna: Who is this? Oh my God!
Cissy: He’s hot, Snow! Kaya ba hindi ka na masyadong nagpaparamdam?
Brenna: Where are you?
Brenna: Is that the local?
Brenna: He knows how to maneuver a boat?
Ako: Nasa isang isla ako…
Brenna: Oh? Sino iyang gwapo? Iyan na ba ang dahilan kung bakit ka bothered the last time we talked?
Brenna: And what happened?
Ako: Nothing.

“Snow, ‘di ka pa maliligo?”

Nakatayo na si Jack ngayon. He removed his top. Ngumiti lamang ako at umiling.

“Susunod din ako. Magpapahinga lang…”

Sumulyap siya sa kung nasaan si Sibal. He’s under a coconut tree not far from us. Nakaupo siya roon at nakatingin sa karagatan.

Iniwan ako ni Jack sa kung saan ako nakaupo. I continued chatting with my friends.

Brenna: How can he be so hot? Hindi mo aakalaing bellboy siya sa inyo.
Ako: They said may part foreign blood siya. I don’t know how true.
Brenna: He seriously should try coming here in Manila. May future siya sa show business. Damn, he’s even hotter than the current idols!
Cissy: Maraming mas gwapo sa mga artista, Bren. Pero seriously, why is he a bellboy? If he’s part foreign, where is his father or mother or who?
Ako: I’ve seen his father. And I must say his features were definitely from him. I’ve seen his mother, too. Sa picture. Just the softness of his eyes, that’s all. But his jaw, forehead, hair, body, all from his father.
Brenna: So his father must be the foreigner?
Ako: I am not sure but it could be…

“Paki sabi kay Jack na iikot lang ako…”

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang nagsalita si Sibal galing sa aking likod. Nanginginig ang kamay kong sinarado ang aking phone at itinago sa aking bag.

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay at sumulyap sa bag ko kung nasaan ang phone. Mukhang namalayan niya pa ang pagkakataranta ko.

“Okay. I’ll tell him…”

Tumayo agad ako at nagsimulang mag-ayos ng strap sa likod ng aking bikini top.

“Mags-swimming ka?” tanong niya.
“Oo…” hindi ko na siya nilingon.

Umalis din naman siya agad. Napahinga ako ng malalim pagkaalis niya. Muntik na akong atakehin doon, ah! I feel so guilty for talking behind his back even when I clearly want him to feel that he doesn’t matter.

Hinubad ko ang dress na suot ko at inayos ang bottom ng aking damit. Nagsimula na akong maglakad patungo sa dagat.

“Lika na, Snow!” sabay kaway ni Nora sa akin.

Sumipol si Jack. The same kind of whistle his brother gave me the first time we met. Umiling ako at nagpigil ng ngiti.

Sumipol ulit siya, ngayon nakisali na si Ruben. Tumawa ako nang nakalapit na sa kanila. Hanggang baywang ko na ang tubig.

Nang hanggang balikat ko na ang tubig ay lumangoy na ako patungo sa kanila.

They were fun to be with. Masyadong palabiro si Jack at si Ruben. Niloloko nila si Polly at Nora. And the two girls never got mad. Kung ako pa ang biniro nila ay napikon na ako. The reason why they’re not trying me, huh?

Lumapit si Jack sa akin at ngumiti siya. Ang tubig-dagat sa dulo ng kanyang buhok ay unti-unting tumutulo.

“Nagkausap na kayo ni Kuya?” tanong niya.
“Oo naman…” I said without sounding like it’s a big deal.
“Oh? Anong sinabi niya?”
“Nagtanong siya kung mags-swimming ba ako…” sabi ko.

Tumawa siya at umiling. Nagkibit lamang ako ng balikat.

“Huwag mo nang itago, Snow. Alam ko…”
“Jack, anong alam mo? Hindi ko kasi alam… Isa pa, bakit parang big deal sa’yo ang pag-uusap namin ni Sibal gayong empleyado ko lang naman siya…”
“Ouch… Right!” nangingiti parin siya.
“No… You got me wrong… I mean, there’s nothing important to talk about besides my needs… in the office, I mean…”
“Nag-away sila ni Katarina…”
“Oh… Such a useful information…” Aalis sana ako sa harap niya dahil masyado nang lumalalim ang usapan.
“Snow…” humagikhik ulit siya.
“You know what, Jack? Ano man ang meron kay Sibal at Katarina, kanila na iyon. I’m not interested…”
“Kung iyan ang sinasabi mo… You’re trying hard to hide it but it’s obvious!”

Kinawayan ko lang siya at lumangoy nang muli.

Mahigit isang oras kami roon. Naglalaro na sila. Inaangat nila ang girls tapos hinuhulog din. Tawanan at biruan ang nangyari. Nilingon ako ni Ruben, mukhang nagdadalawang isip na ayain akong iangat tulad nina Nora kanina.

“Huwag na si Snow, baka suntukin ako ni Kuya…” ani Jack.
“So funny, Jack…” sabi ko. “Ayaw ko rin naman niyan… I’m fine just swimming…”

Pagkatapos ay napag-usapan namin bigla ang first impressions nila sa akin. Syempre dahil iyon kay Ruben. Biglang naging emosyonal ang mokong sa akin.

“Akala ko talaga istrikta ka noong una kitang nakita, President, sa restaurant. Ipinakilala ka noon tapos pakiramdam ko bawat tinitingnan mo kailangan yumuko sa’yo…”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Ruben. I’ve never heard someone say that my entire life!

“Ako, unang kita ko pa lang kay Snow, naisip ko na agad na mayaman siya. Hindi lang dahil sa pananamit kundi sa kilos mismo…” sabi ni Polly sabay lapit sa akin. “Dagdagan pa ng maganda at malalim na mata, matangos na ilong, manipis na labi… Masyado ka pang tipid kumilos…”

Wow. I take that as a very nice compliment!

“Unang kita ko naman sa’yo, President Snow, naramdaman ko na agad…” makahulugang ngumiti si Jack sa akin.
“Don’t start this one, Jack… Though, yeah, I may be very serious at times pero hindi naman ako ganoon tulad ng iniisip n’yo. Marunong din akong magbiro at normal din naman akong tao tulad n’yo…”

‘Tsaka lamang yata kami umahon nang napansin namin ang pag-iiba ng kulay ng langit. Malapit nang lumubog ang araw.

Pagkalapit namin sa sun lounger ay lumayo agad si Jack sa akin. Si Sibal ay nakaupo sa lounger na inuupuan ko kanina. Para tuloy’ng hindi ako naging kumportable sa suot ko dahil nariyan siyan.

Agad kong kinuha ang tuwalya para magpunas. Kinuha ko ang bag at pinili na magpunas na lamang sa likod ng lounger para hindi sa harap ni Sibal.

“Hindi ka maliligo, Sibal?” Polly asked while eating a sweet potato.
“Hindi na. Sinamahan ko lang kayo rito…”
“Nga pala, iiwan ko lang ang Salmo sa bahay pero pupunta kami kina Snow…” ani Jack.
“Saan? Sa Coast?”
“Oo, Kuya…” ani Jack sabay sulyap sa akin.

I promised them that we can have our own private room where we can eat, sing, and drink.

“Iinom kayo?” tanong ni Sibal.

Ideny mo, Jack!

“Oo…” ani Jack ng wala sa sarili.
“Ang babata n’yo pa para riyan…” ani Sibal.
“Sus, si Kuya. Para namang ngayon mo pa kami nakitang uminom. Suddenly righteous because-”
“Ayos lang kung may kasama kayong nakakatanda, Jack. Pero ang kayo kayo lang…”
“Ayos lang, Sibal,” singit ko dahil nararamdaman ko na ang gusto niyang mangyari. “Safe sa hotel…”
“Sama ka na lang, Sibal…” si Nora.
“Oo nga!” dagdag pa ni Polly.

Wow. Just. Wow!

I cannot tell him he can’t go because that would be weird especially in front of our friends kaya hindi ko ginawa. Preoccupied na ako masyado habang nagbibihis sa likod. Sasama na naman siya!

Wala akong imik nang bumalik kami sa bangka. Nauna na ako sa pagsakay para hindi niya na ako matulungan. Siya naman ang huling sumakay doon.

The girls were excited because he’ll come with us.

“Minsan lang na kasama si Sibal!” ani Nora.

Hindi ko na yata mapipigilan iyon. Anyway, they will go home so it’s okay. Not to mention, kakatapos ko lang magalit sa kanya earlier that day so there shouldn’t be much awkward moments.

Iyon ang akala ko.

Gabi na nang nakarating kami sa Costa Leona. Niyaya ko pa silang sa rock formation dumaan na alam naming mahihirapan lalo na’t madilim. Ang tanging ilaw galing sa The Coast at sa aming mga cellphone ang mayroon.

Unang tapak ko pa lang sa mga bato ay halos madapa na ako. Sina Ruben at Nora ay nauna na. Panay ang sigaw ni Nora dahil nadadapa rin yata siya.

“Nora, uy, magigising mo ang mga engkanto ng Costa!” sigaw ni Jack.

Nagtawanan kami.

“Si Ruben kasi, e. Ayusin mo naman! Tuwing nadadapa ako, nadadapa rin siya!” ani Nora.
“Paano ba naman kasi’t ang bigat ng pwet mo!” sabay tawa ni Ruben.

Nagtawanan muli kami. Narinig ko ang daing ni Polly kay Jack dahilan kung bakit hinawakan ni Jack ang kamay nito.

“Hmmm! Kung pwede lang ay buhatin na kita Polly…” ani Jack.
“Mantsa-tsansing ka lang, e…” malambing na sinabi ni Polly.
“Polly, parang ayaw mo pa, huh?” nakaganti pa si Nora.

Tumawa ako ngunit ako mismo’y muntik nang madapa muli. Jack held his hand for me but before I can reach it, Sibal took mine.

“Umapak ka sa batong aapakan ko…” aniya at nauna na sa paglalakad sa akin.

Ilang sandali ko siyang tinitigan. Unti-unti ring umusbong ang galit sa aking puso. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa lahat.

I’m trying my very best to understand that what he’s doing is just because he’s my employee. May girlfriend siya. At umamin siya sa akin na may gusto siyang iba. Right in my face after I told him that I like him… ngunit hindi ko alam kung bakit ganito ngayon! Hindi niya shift ngayon kaya sana ay ‘di niya ako tinutulungan. Kung may amor siya sa akin bilang tao, siguro ay matatanggap ko ang tulong niya ngunit ang mahirap dito ay umaasa ako kahit dapat ay hindi!

Hindi ako makatanggi dahil nakahawak na siya sa kamay ko. Naiwan na kami dahil sa bagal kong umapak batong gusto niyang apakan ko.

Kinalas ko ang kamay ko sa kanya nang nakahawak ako ng isang bato.

“Kaya ko ‘to…” sabi ko at nagpatuloy.

Isang matulis na bato ang naapakan ko sa heel dahilan kung bakit muntik muli akong natumba. Nabitiwan ko pa ang cellphone kong ginawang flashlight!

Hinawakan ni Sibal ang kamay at siko ko bilang suporta at mabilis ko namang binawi ang aking braso. Ayaw kong hawakan niya ako! Ayaw ko!

Because my phone is below us, his expression was very clear. Kitang kita ko ang pangamba sa kanyang mga mata. Pangamba at gulat na pinaghalo!

Hinawakan ko ang kamay kong hinawakan niya kanina. It’s like his touch is hurting me.

Marahan siyang yumuko para pulutin ang cellphone ko. Hindi niya pa iyon nilalahad sa akin ay binawi ko na agad iyon.

“Bilisan mo ang paglalakad at kaya kong maglakad mag-isa. Susunod lang ako sa’yo…” sabi ko.

He’s still looking at me intently and I hate it so much. Nababanas na ako sa nararamdaman ko. Nababanas na ako dahil ayaw kong umasa ngunit sa ginagawa niya’y nabibigyan ako ng konti.

And we all know that the heart that loves, hopes too. It goes hand in hand. No matter how you say you’re not expecting anything in return. Come on, you may be not, but having something in return is like jackpot!

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Medyo lumayo nga siya, siguro dahil sa sinabi ko. I tried to maintain my pace but then…

“Oh my!” sigaw ko nang bumagsak ako.

Napapikit ako sa sobrang sakit ng aking pwet! Tumama iyon sa isang korales. Maging ang gilid ng paa ko ay mahapdi!

“Fuck…” malutong niyang mura at agad na dumalo sa akin.

Hinawakan niya ang baywang at kamay ko para alalayan akong tumayo. Pumikit ako sa sakit na naramdaman sa aking balakang.

“Kuya, ayos lang kayo?” sigaw ni Jack.
“Are you okay?” tanong ni Sibal sa akin.

Hindi ako sumagot. Lumapit pa siya lalo at agad akong kinarga. Gusto kong pumiglas ngunit natatakot akong mabitiwan niya ako. Mas lalong masakit ang magiging bagsak ko!

“Ibaba mo ako…” sabi ko sabay turo sa mga bato.

Mabilis agad ang lakad niya habang karga karga ako. He’s already wearing a t-shirt but the stiffness of his chest and arm is abnormally evident. Naamoy ko siya. Pinaghalong mabangong sabon at fabric conditioner.

“Huwag kang makulit!” maagap niyang sinabi.
“I order you to put me down, Sibal!” I tried to sound so authoritative.
“Miss President…” that’s with sarcasm noted! “Ibaba kita kapag nakaapak na tayo sa buhangin.”

Mabilis ang lakad niya na naunahan niya pa sina Ruben at Jack. Panay ang tawa nina Polly sa ginawa ni Sibal. I suddenly thought how this news is gonna spread like forest fire here in Costa Leona. Lalo na’t kasasagot lang ni Katarina kay Sibal!

“There!” ani Sibal at binaba agad ako nang nasa buhangin na.

Hindi ako makatayo ng maayos dahil sa hapdi ng aking paa. Hindi pa ako nakakadaing ay nasa paanan ko na si Sibal. Marahan niyang hinawakan ang heel ng aking paa.

“Gagamutin natin iyan pagdating sa hotel,” aniya. “Kung hindi mo kaya ay kakargahin ulit kita…”

Banta iyon, panigurado. Tumuwid ako sa pagkakatayo at nagsimulang maglakad ng maayos. Iniwan ko siya.

“Silly girl…” natatawa niyang bulong.

Nilingon ko agad siya. Pakiramdam ko ay ilang beses niyang sinuntok ang ego ko sa araw na ito. God, I can fire him. I can actually fire him! I can do it!

“Anong sinabi mo?”

Ngumuso siya at tumigil sa paglalakad.

“I am not a girl, Sibal. I’m almost eighteen! Thanks for giving me an idea how to grade you during the evaluation of employees!” sigaw ko.
“Almost eighteen means you’re still a girl, Miss President. Ayos lang iyan. Masarap maging bata…”
“What?!” I spat.

“Oh, anong pinag-aawayan n’yong dalawa riyan?” ani Polly nang napagtanto kong umabot na sila sa amin.

Imbes na sigawan pa si Sibal ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ayaw kong maging usap-usapan na nag-aaway kami nitong boyfriend ni Katarina. Hell, I don’t want to be involved with any relationship. I am so sick of those kind of scenarios. It’s too usual in my family. Ayaw ko nang dagdagan!

Pinabuksan ko ang isang exclusive room. Panay ang request ko sa desk ng Seaside ng mga pagkain. Gusto man nina Jack na sumali sa buffet ay mas gugustuhin kong sa isang exclusive room na lang kami kung saan may pagkain tulad noong sa buffet.

“Anong iinumin n’yo?” tanong ko kay Jack.
“Kahit ano,” ani Jack.

Kahit ano? Ano bang iniinom ng mga ito? Tanduay? Emperador Light? I know those drinks because they are so popular with some Filipinos abroad. It “tastes” like home raw. E, alin doon ang iniinom nila?

“Black Label? Jim Beam? Kung anong available…” ani Jack.
“That’s what you’re drinking when you drink?” napatanong ako.

Hindi nakapagsalita si Jack.

Ilang saglit nanatili ang mata ko sa kanya. Are those drinks common here? Hindi naman sa minamaliit ko ang isla o ang Costa Leona ngunit… okay… it’s probably available on some sari-sari stores. How will I know?

“Black Label, Rolly…” sabi ko.

Tumango ang nasa counter na empleyado. Lumapit naman si Sibal sa amin.

“Rolly, request din ng first aid kit…” ani Sibal.

Binalewala ko siya. Dumiretso na ako sa exclusive room. Pumasok agad sina Polly at Nora. Panay ang sayaw nila dahil sa music sa loob. Inayos ko ang blinds ng mirror walls para hindi kami kita sa bintana ng mga guests. Umupo naman sa sofa si Jack at si Ruben. They manipulated the flatscreen television.

Nang umupo ako sa separate couch ay nakita kong katatanggap lang ni Sibal ng request niyang first aid kit. Nagtama ang tingin naming dalawa. Bumaba ang mga mata niya sa aking paa. Ganoon din ang ginawa ko at nakita ko ang dugong naroon. Pulang-pula ang gilid nito.

“Shit…” sabi ko.

Ganoon na ba ako kamanhid upang makaligtaan iyon? ‘Tsaka ko lang naramdaman ang hapdi nang nakita ko iyon.

Hahawakan ko na sana ngunit biglang lumuhod si Sibal sa aking harap. Kinuha niya ang paa ko at nilapag niya iyon sa kanyang hita.

“Ako na ang gagamot…” sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Kumuha siya ng bulak at marahang dinampian ang gilid ng sugat. Napangiwi ako habang ginagawa niya iyon. Sumulyap siya sa akin.

“Sabihin mo kung masakit. Titigilan ko…” aniya.

Napawi ang ngiwi ko at napatingin ako sa kanya. Seryoso niyang dinampian ng bulak ang sugat. Sa sobrang rahan ng kanyang kamay ay para akong nahihilo.

Hinawakan niya ang paa ko para ipirmi. Even his palms against my foot could send me so many foreign feelings. Napalunok ako.

Nilagyan niya ng betadine ang sugat ko. Sobrang rahan ng dampi, halos kiliti lang ang nararamdaman ko.

“Masakit…” sabi ko para lang tumigil siya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumigil sa paglalagay ng gamot sa aking sugat. Tinabi niya ang betadine sa lamesa at hinawakan niya muli ang paa ko.

“Kumain na tayo! Gutom na ako!” ani Ruben. “Sa wakas! Makakatikim din ng pagkain galing kitchen! Sarap nito!”
“Sibal, Snow… ano na?” ani Nora.

Lumingon ako sa kanila at agad na sinikap na tumayo. Nanatili si Sibal sa paanan ko hanggang sa tuluyan ko siyang iniwan doon.

Tuwing lumalapit siya sa akin ay palihim akong lumalayo. Dalawa o tatlong tao ang namamagitan sa amin habang nagkakatuwaan.

“Jack, hinay hinay…” ani Sibal sa kanyang kapatid habang nilalagyan ni Jack ang aming mga baso ng shot pagkatapos naming kumain.

Kumakanta si Nora at Polly. Halos ‘di maagaw sa kanila ang microphone. Ayos lang din at mukhang hindi interesado si Ruben at Jack kumanta.

Pulang pula na si Jack pagkatapos inumin ang panlimang shot. Magdadalawang bote na kami. I can’t believe they can actually drink that thing. Uminom din ako, tulad nila. Medyo umaalon na nga ang paningin ko pero maayos pa naman.

I’ve been drunk before. I throw up but I don’t get unconscious unless I sleep so it’s fine. Umaabot lamang ako sa puntong sobrang hilo ko na ngunit hindi sa puntong nawawala na ako sa sarili.

“Lagyan mo pa ang akin, Jack…” sabi ko nang napansing pang pito na nilang shot iyon pero wala parin akin.

Nag-aakbayan na sina Polly at Nora habang kumakanta. I’m even thinking of making them stay here just so I can make sure they’re safe. Or… in our resthouse?

“Jack!” tawag kong muli ngunit tinuro lamang ni Jack ang katabi ko.

Nilingon ko si SIbal at nakita kong nakataas ang kilay niya sa akin. I don’t understand…

“Tama na…” he softly said.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 15