Scorching Love – Kabanata 14

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 14

Kabanata 14
President

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya iyong magiging desisyon ko. Ayaw ko ring isipin niya na nagdesisyon ako noon dahil alam kong sila na ni Katarina. He did not see me that time but I think he knew that I was there. Panigurado’y sinabi ni Jack iyon.

Tumayo ako at ni roll ang yoga mat. Nilingon ko iyong counter kung saan madalas ang empleyado namin at naabutan ko si Sibal na paalis na roon.

Talaga palang pumupunta siya rito. Is he done cleaning my room? Probably…

Kagabi, habang nag-iisip ako tungkol sa ginawa kong desisyon, pinatawag ko si Kuya Lando at si Kuya Viktor. Humilig ako sa aking swivel chair habang ang dalawa kong bodyguard ay nakatayo sa aking harap.

Si Kuya Viktor ay retired army. Wala na siyang asawa at may dalawang anak siyang pinapaaral. Si Kuya Lando naman ay asawa noong mayordoma ng mansion nina Tita Marem sa Maynila.

“Tell me, po. Do you want to go home to your families right now?” tanong ko.

Of course they’d want to go home. I just want to know if they’re that eager to go to sacrifice their bread and butter. Ayaw kong magpakaharsh ngunit alam ko ring wala akong maaaring pamalit sa kanila kung sakaling umalis sila para bumisita sa pamilya.

“Miss Galvez, ayos lang ako…” ani Viktor.

Siya pa naman ang pinakainaalala ko.

“Ikaw Kuya Lando?” tanong ko.
“Ayos lang din ako. Magpapaalam ako kung sakaling gusto kog umalis pansamantala para bisitahin ang Maynila…”
“Good. I appreciate that, Kuya. How about your schedule, are you fine with that?”

Again… I think I’m learning a lot. The rule is when you are the employer, you must impose on your employees pero sa totoo, to keep the employees happy, you also need to hear their opinions.

“Ayos lang din…” anilang dalawa.
“Anong masasabi n’yo kung sakaling ibahin natin ang schedule ninyong tatlo ni Sibal para naman ay hindi ka laging sa gabi duty, Kuya Viktor. At ikaw din, Kuya Lando…”
“Magandang ideya po iyan, Ma’am…”

Ganoon ko ginawa ang desisyon. Una kong pinag-isipan ang tungkol kina Kuya Lando at Kuya Viktor bago ako pupunta kay Sibal.

“Yes, President Snow. How may I help you?” tanong ni Esme sa kabilang linya.
“Paki sabi kay Sibal na kakausapin ko siya. Nasa opisina ako…”

Aalis ako mamayang ala una. Hindi pa tapos si Sibal sa mga oras na iyon kaya kampante akong hindi namin siya makakasama sa outing mamaya.

Pupunta daw kami sa isang sandbar. Magluluto sila ng pagkain at mga ala una ay tutulak na kami. Bago naman lumubog ang araw ay aalis na kami roon. Simpleng outing lang.

Hindi na nga sana ako sasama kaya lang ay kailangan ko namang makisama sa kanila. I owe Jack most of our grades and besides, I also need a time to relax a bit.

May kumatok sa opisina ko at agad na umilaw ang door handle. Nanatili ang mata ko sa screen kahit na alam kong papasok na si Sibla.

Huminga ako ng malalim at binagsak ang likod sa swivel chair bago siya binalingan.

“Maupo ka…” I commanded and pointed at the chair in front of my table.

Sumunod naman siya sa utos ko. He’s wearing the same curious and amused look in his eyes. I really can’t help but wonder what that expression is for. Minsan kapag dumidilim ang mga mata niya ay nagiging malupit ang ekpsresyon na iyan.

“Kuya Lando and Kuya Viktor wants to shift their schedules…” sabi ko.

Kailangan ko rin siyang pagdesisyonin dahil ayaw kong mapagtanto niyang talagang tinatanggal ko siya rito para sa iisang dahilan.

“Si Kuya Lando, gusto ng umaga, si Kuya Viktor naman ang sa hapon. Alam kong hindi ka pwede sa hapon dahil may pasok ka. Samantalang sa gabi naman, I trust you’re also not available since nangingisda ka nga sa madaling araw, hindi ba?”

Nanatili ang seryoso niyang mga mata. Wala pang ni isang linya ang nagbago sa kanyang ekspresyon. What the hell?

“So… I’ve decided to give you an opportunity to stop being one of my bodyguards and continue being a bellboy here in our hotel. I will hire another bodyguard from the hotel at may posisyon na open para sa isang security guard…”

There! It’s so clever, right? My idea is so flawless you won’t even think that I don’t want to see him.

“Binibigyan mo ba ako nag pagkakataong pumili?” tanong niya.

Hell, I can also not give you that opportunity but I will because I’m not bitter!

“Pwede mong sabihing ganyan pero tingin ko rin ay wala ka nang pagpipilian. The only shift available will be the night shift which will mean you can’t fish because you’re on duty…”
“Miss President, I can compromise. Maaaring hindi ako makakatulong sa pangingisda pero papayag ako sa magiging shift ko sa’yo, kung sakali.”

What? Napalunok ako sa sinabi ni Sibal.

“Ayaw kong maging hadlang sa paghahanap buhay mo. Alam kong kailangan mo iyan kaya I’m offering this job to other people who won’t need to compromise, Sibal…” medyo tumaas ang boses ko roon. “Mananatili ka namang bellboy. You will have lesser jobs because you don’t need to attend to me. Kinausap ko na rin si Mrs. Agdipa tungkol sa schedule mo, pwede kong-”
“Idadrop ko ang subject ko, kung ganoon…” he said.
“There’s no need to drop it, Sibal. Tutal ay tinulad mo ang schedule mo sa akin dahil sa kagustuhan ko. I am willing to let you out early just so you can go to school-”
“Gusto kong kunin ang night shift ni Manong Viktor. Kung hindi ko iyon makukuha, Miss President, idadrop ko iyong Structural Design 2. Kung hanggang alas dos ako kailangan ng hotel, mananatili ako rito ng alas dos.”

Uminit ang pisngi ko at medyo kumulo ang dugo sa sa sinabi ni Sibal. How dare he defy my suggestion! I want him to drop this argument now! I want him to just continue with his shift, stop being my guard, and log out at 12 noon so he can go to school! Balato ko na sa kanya ang dalawang oras na iyon!

“Are you saying that you won’t take my advice, Sibal?” tumaas muli ang boses ko.
“Hindi ganoon, Miss President. Nag-aalala ka dahil hindi ako makakapangisda sa madaling araw. Kaya kong ipagpaliban iyon. Kaya na iyon ni Papa at ni Jaxon. Kukunin ko ang shift na iyon-”
“I am giving you an easier option, Sibal! You take the six to two. You log out at twelve noon so you can go to school for your Structural Design. The two hours I am giving you is my way of saying thank you for being patient with me for the past months. Anyway, ilang buwan lang naman iyan. Malapit nang mag second semester at mag-iiba muli ang schedule mo.”

His eyes hardened. Nag-iwas ako ng tingin.

“If you are so worried about the two hours, you can compensate if you want. You can extend your number of hours on Saturday. Iyon na lang.”

Lahat na lang ginagawan ko ng paraan basta huwag na siya muling maging bantay ko.

“Iyong hindi pagtatrabaho sa mga oras na binabayaran ako ay isang porma ng kurapsyon, Miss President.”
“E ‘di hindi na kita babayaran sa dalawang oras!” pagalit kong sinabi.
“I can take the night shift. I will apply for it. Ano ang magiging requirements para riyan?”

Fuck. Fuck why is he so hard headed!

“You have forgotten that I am the President of The Coast Group of Hotels, Sibal. And I order you to do me a favor and retain your shift so my bodyguards, my priorities by the way, can have their desired shift without bothering yours. You have forgotten who’s the boss here!” halos tumayo ako nang sinabi ko iyon.

Tumango siya at huminga ng malalim. Mabilis ang pintig ng puso ko nang natapos ko ang sigaw kong iyon.

“Kung ano ang gusto mo, Miss President. Pasensya na…”

Hindi parin kumakalma ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig. My plan is so perfect and Sibal is ruining it by telling me that he can compromise!?

Sobra-sobra ang pagpipigil ko na hindi dalhin ang personal na isyu naming dalawa kaya kailangan sumunod na lang siya sa sasabihin ko!

Hindi ba umiiwas siya? Bakit hindi siya magpasalamat at pinadali ko ang lahat ng kailangan niyang gawin sa gagawin ko? Bakit pa siya mag ooffer na siya ang sasalo sa night shift? At bakit kailangan niya pang ipagpaliban ang pangingisda na siyang dapat ay hanapbuhay ng kanyang pamilya!

What a load of bull!

Tumayo siya.

“Kung ano ang gusto mo, iyon ang masusunod.”

Hindi ganoon! Binigyan ko siya ng oportunidad na pumili! At ang alam ko, dapat piliin niya iyong pinili ko para sa kanya dahil iyon ang tama! Pero ngayon, binibigyan niya lamang ako ng sakit ng ulo.

“Leave. I have things to do… I’ll inform you about your last day for this shift. Abang ka na lang ng memorandum…”

Nilipat ko ang mga mata ko sa laptop. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang pag-alis niya. Hindi ko na siya nilingon. ‘Tsaka lang ako nakahinga ng malalim nang lumabas na siya. Hinilamos ko ang aking kamay at ipinatong ang aking batok sa swivel chair.

“Damn it! Huwag kang makulit, please. Para rin sa inyo ito!”

Pagkatapos ng trabaho ko ay nagligpit na ako ng gamit para sa outing na pinlano ni Jack. Isang shoulder bag ang dala ko at nilagyan ng iilang kailanganin tulad ng sunglass, sunblock, tuwalya, camera, at kung anu-ano pa.

Hindi na ako magpapahatid sa sasakyan dahil shift pa ni Sibal ngayon. Ibig sabihin lamang noon, may posibilidad na siya ang maghahatid.

Ipapalinis ko sa kanya ang kwarto pagkatapos ay tutulak na ako. Maglalakad lang ako patungo sa rock formations at paniguradong makakarating na ako sa kanila.

Right after I saw him enter my room, lumabas na ako galing office at bumaba ng hotel para makaalis na.

Medyo malakas ang alon at hangin sa tabing dagat. Nakakarelax tingnan ang mapusyaw na langit at ang lawak ng karagatan galing doon.

Nilagpasan ko ang mga foreigner na nagsa-sunbathing. Sa malayo ay kita ko rin ang mga maliliit na bangka.

I wonder how it feels to grow up in a simple place like this. All you have to worry about is your food for tomorrow. Then you go fishing so you have it. Pambayad ng kuryente at tubig. Masaya ka na at wala nang problema. Iyon lang ang iniisip mo araw-araw.

Nang nakarating na ako sa rock formation ay nagsimula na akong mahirapan. Ang ideya ko ay lalapit ako sa pinakagilid para may hawakan tuwing sobrang hirap nang iapak.

Pakiramdam ko ay mapupunit ang tsinelas ko sa sobrang tulis ng mga korales. Ilang minuto ang tinagal ko roon. Minsan ay naisip kong dapat ay nagpahatid na lang ako ngunit dahil halfway na, wala na akong magawa.

Huminga ako ng malalim nang nakaapak na ako sa buhangin.

“Thank God!” sabi ko at nilingon na ang mga kabahayan.

Kita ko agad ang bahay nina Sibal. Ang duyan sa ilalim ng isang puno at ang inuupuan naming mga silya at lamesa na yari sa kawayan ay nakita ko na. Naroon na si Ruben at Jack. Nang namataan nila ako at kumaway agad sila.

Kumaway ako pabalik. Where the hell are the girls? Why are they not here yet?

“Snow! Bakit diyan ka dumaan?” tanong ni Jaxon sabay upo ko sa tabi niya.

Medyo hinihingal pa ako sa pakikipagsapalaran ko roon sa mga bato.

“Malapit lang naman, e…” I reasoned out.
“Pawis na pawis ka… Pwede ka namang magpahatid sa sasakyan n’yo. Ibig sabihin niyan ay mamayang gabi diyan ka rin dadaan?” tanong ni Jack.
Ngumiti ako. “Ihatid n’yo ako, kung ganoon…”
Tumawa si Ruben. “Tamang tama at hindi na ako uuwi ng bahay. Didiretso na ako sa shift ko…”

An idea lit up on me.

“Doon na lang kayo magdinner sa hotel. Sagot ko…” sabi ko.
“Talaga? Sa buffet?” Jack sounds so happy.
“Yeah. Though, ayaw ko talagang makisali sa maraming tao pero sige… dahil kasama kayo, sige…”
“Kasama ako, President?” may bahid na panunuya kay Ruben.
“Oo naman! Treat ko na sa inyo ‘yan…”

Nilingon ko ang mga lalagyanan ng pagkain sa lamesa. May mga softdrinks din silang dala.

“Wala akong tulong sa mga dala ninyo, e. Ito na lang akin…” sabi ko.
“Ayos!”

Naghigh five ang dalawang lalaking kasama ko. Ngumiti lang ako at inayos ang buhok. Hindi pa nakakarecover sa nangyari sa rock formations.

“By the way, where are the two girls?”
“Ayon nga, e. Hinihintay pa. Hindi raw mahanap ni Polly iyong shorts niya kaya heto…”

Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang quarter to two na.

“Ano pang maaabutan natin doon, kung ganoon?” tanong ko, medyo iritado.
“Sunset pauwi. ‘Tsaka, ayos lang din kasi hindi naman tayo maliligo ng ganito ka init, Snow…” si Jack.

Kahit na. Hindi naman talaga iyon ang punto ko. Ang punto ko ay kailangan na naming umalis. Ayaw kong sumawsaw pa si Sibal at si Katarina sa lakad namin. Though, Jaxon assured me that they won’t… I still can’t let go of the thought!

Dumating ang dalawang babae eksaktong alas dos diez. Iritadong iritado na ako. Lalo na’t bumalik pa si Jaxon sa bahay nila upang magpaalam na sa kanyang tatay at makaalis na kami.

I know he just wants our safety but damn it…

Halos mapaungol ako nang bumalik siya kasama si Sibal at ang kanilang tatay. Sinasabi ko na nga ba. Isa na lang ang hinihintay ko at buo na ang kinakatatakutan ko.

Humalukipkip ako at nag-iwas na lamang ng tingin. Pinanatili ko ang mga mata ko sa mahanging dagat.

“Isama n’yo na si Sibal, Jack, at mahangin ngayon. Ikaw lang ang may alam paano patakbuhin ang bangka at iyong malaki pa ang dala n’yo…”
“Papa, kaya nga malaki para hindi ka masyadong mangamba…” ani Jack.

At least he’s actually trying to stop his Dad from doing this to us.

“Hindi na, Jack. Sasama na ako. Huwag kayong mag-alala at maglalayag lang naman ako. Hindi ako makekealam sa gagawin ninyo…” ani Sibal.
“Siya, Kuya… Ruben, tara na…” ani Jack sabay tingin na rin sa akin.

Sumunod na ako sa dalawang lalaki. The other girls were too worried about their make up. Do we even need it here, by the way? I’m more concerned about my sunblock. I believe the power of it.

Nauna si Jack at Ruben sa bangka. Naglahad agad ng kamay si Ruben sa akin. Tinanggap ko iyon para makaakyat na.

Umupo ako sa right side at inayos na ang bag ko sa baba. Pumasok ang dalawang babae, naghahagikhikan lalo na noong nakita kong tinampal ni Jack ang puwitan ni Polly.

“Jack…” saway ng tatay nila ngunit nakangiti ito.

Umirap na lamang ako at bumaling muli sa dagat. Nadatnan kong nakatingin si Sibal sa akin habang tinutulak ang bangka palayo sa shore gamit ang mahabang kawayan.

Isa pa ‘to… Iniwas ko ang mukha ko sa banda niya.

“Huwag ka ngang magulo, Nora…” ani Polly.
“Snow, picture tayo! Pang upload lang sa Facebook!” sabi ni Nora.

Tumango ako at sinunod na ang gusto nilang mangyari. Ilang click iyon hanggang sa umingay na ang buong bangka dahil sa pag-andar ng makina.

Nagsimula na itong lumayo sa pulo. Tumayo si Ruben at lumapit kay Jack na ngayon ay nasa harapan ng bangka.

Umalis naman si Sibal doon sa pinakaharap at nakita kong papunta siya sa aming tatlo.

“Pwede na bang maghubad?” tanong ni Polly.
“Pwede na ‘yan!” si Nora sabay alis ng kanyang see through dress.

Now she’s wearing only a two piece bikini. Naghubad na rin ng shorts si Polly at tanging ang puting t-shirt at bikini bottom ang suot niya. Muli ay nagpicture kami. Balot na balot pa ako.

Napawi ang ngiti ko galing sa picture nang nakita kong kinuha ni Sibal ang aking bag. Ipinakita niya iyon sa akin.

“Ilalagay ko sa compartment. Maalon ngayon. Baka mabasa…” aniya.

Hindi na ako nagsalita dahil mukhang kahit ‘di ako sumang-ayon ay gagawin niya naman. Sa ilalim ng upuan sa harap namin ay may isang compartment kung saan yata ilalagay ang mga improtanteng bagay.

True enough, nang nag-iba na ang kulay ng dagat sa baba ay lumakas na nga ang alon. Pumapasok na ang tubig dagat sa bangka. I’m a little worried but the girls were fine. Sigaw sila ng sigaw tuwing hahampas ang alon sa bangka at naalog kami.

Panay ang hawak ko sa gilid ng bangka. Nanatiling nakatayo si Sibal sa gilid namin.

“Jack, sige pa! Salubungin natin ang alon!” sigaw ni Polly.

Sinusunod naman yata nI Jack ang hinaing nila dahil talagang nasasalubong namin ang alon.

“Sibal, pakapit ha…” ani Nora sabay hawak sa hita ni Sibal habang umaalog ang bangka.

Wow ha… Kung ako ang girlfriend niyan, hinampas ko na si Lenora. Ang akin ay akin lamang. Pero dahil hindi naman ako… nanatili ang tingin ko sa dagat.

Umaahon ang dibdib ko tuwing may nakakasalubong na alon. Medyo natatakot. Is this even fucking safe by the way?

Biglang humarang si Sibal sa tinitingnan kong malaking alon. Bago pa ako makapagreact ay nakita ko nang nabasa siya sa alon na iyon. Napaatras ako para hindi ako masali.

What?

Nilingon niya ako at may kinuha siyang puting tuwalya na nakasabit sa taas ng bangka.

“Malinis ‘yan,” he said.

Kinuha ko iyon at pinangpunas sa medyo basa kong kanang braso. His whole maong pants and his maroon ripped sleeveless shirt is wet.

“Thanks…” sabi ko at humambas muli ang alon.

Tinagilid niya ang ulo niya para hindi mabasa. Pumikit siya ng marahan. His angled jaw so clear from where I am.

“Atras ka pa ng konti…” aniya.

Tumango ako at umatras para hindi mabasa.

“Takot ka bang mabasa, Snow? Hindi ka maliligo?” tanong ni Polly na siyang dahilan kung bakit ko napagtanto… Oo nga pala. Maliligo naman ako.
“It’s fine, Sibal. Maliligo rin naman ako pagdating sa isla…”
“May ibang damit ka ba bukod sa suot mo?”
“I’m wearing my bikini. Isusuot ko lang muli itong dress ko pagbalik… And I only have another spare bikini,” sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Nanatili iyong mata niya sa akin. That. Same. Fucking. Expression. Like. “Is-that-so?”

“Andito na tayo!” sigaw ni Jack.

I quickly tore my eyes off him to see the beauty of the sandbar in front of us.

Pahaba ang isla. Sa bawat dulo ay may burol na puno ng kulay green na mga halaman. May nag set up din ng sunlounger at mga payong doon. Agad kong kinuhanan iyon ng picture.

Plus… the waters were crystal clear! I can see the coral reefs from below. Bumagsak na si Ruben kahit hindi pa kami nakakalapit. Lumangoy siya roon sa may magandang tubig. Patay na ang makina at unti unti na lang nilalapit ni Jack ang bangka.

Tumayo na ako. Ganoon din sina Polly at Nora. Binaba ni Ruben iyong hagdanan at naglahad na siya ng kamay para kay Polly. Jack is still doing some things in order to secure the boat. Si Sibal ay nasa likod ko naman. Ewan kung anong ginagawa.

By the way, why is he here without his girlfriend? Not that I want his girlfriend to be around. Tanong lang.

Nagkibit ako ng balikat at tumungtong na sa dulo para makababa na. Nagulat ako nang nauna pa si Sibal sa akin. Walang kahirap hirap siyang bumaba at naglahad agad ng kamay, nag-aabang sa akin. Dala niya na ang bag kong halos makalimutan kong kunin. He’s wearing it on his freaking shoulder!

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.