Scorching Love – Kabanata 13

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 13

Kabanata 13
In Love

“I have it now. I still don’t have a flight, Snow. Kaya hindi pa ako sigurado kung kailan. Ipapadala ko na lang ito sa’yo kung hindi ako makaabot…” ani Tita Marem sa telepono.
“Sige po. Maghihintay ako. Thank you, Tita.”

Buong oras na nagyo-yoga ako kanina, naiisip ko ang pamilya ko.

The weekend has been an eye opener, a reminder to me…

Umalis si Mama dahil may nahanap siyang iba. Iniwan niya kami. Hindi niya kami pinili. Kael didn’t make her stay. She was more concerned about her heart than our heart. I’d like to think that she’s just being selfish. That we weren’t important to her so she left.

Tita Marem, on the other hand, stayed even when she’s not happy with her marriage anymore. She stayed with Tito even when she’s also jumping from one man to another. Hindi iyon sekreto. Alam din iyon ni Tito ngunit tinanggap niya parin si Tita Marem.

My family is like some sick TV show. Maybe the reason why my views about romantic love is a bit crooked.

We are rich. We are living in abundance, yet our lives aren’t as perfect as it seems. Hindi tulad nina Sibal. Nawala ang nanay nila dahil namatay ito. Their father remained with them and they are trying to live their lives simply. Their family story is better than ours. That’s probably why they say money isn’t everything. We can be a complete happy family, but my Mama did not choose it. Money can’t buy her loyalty. Same goes with Tita Marem.

Biglang may kumatok sa aking pintuan. Bumukas iyon at pumasok si Omar dala ang prutas na gusto ko bilang snack.

For the past weeks, si Omar na ang bumibisita sa akin para maghatid ng pagkain. Hindi na si Sibal. Mukhang iniiwasan niya akong makasalamuha. Hindi naman ako nagrereklamo. Nagsimula yata ito noong nag island hopping kami ni Sibal. Noong sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. He wants a gap in between us maybe because he’s truly loyal to Katarina. Minsan lang ‘di ko naiintindihan tuwing masyado siyang over protective sa akin.

“President, may pinadala nga pala si Sibal sa akin…” ani Omar pagkatapos ilapag ang mga pagkain.

Nilagay niya sa aking lamesa ang isang envelope. Naroon ang isang box ng mechanical pencil ko, at naroon na rin ang napakagandang guhit ni Sibal.

“Thanks… I’ll check that later. Sabihin mo sa kanya, “salamat” na rin.”
“Sige, President…” sabi ni Omar.

Ilang saglit niya pa akong tiningnan bago siya umalis. Nang sinarado niya na ang pintuan ay ‘tsaka ko binuksan ang envelope para makita ang ginuhit ni Sibal.

He’s good at this. Lahat ng detalye maayos ang pagkakagawa. Plus his handwriting looks good, too. Kinulayan niya pa ng colored pencils yata iyong ibang parte. Even the lines of the arrows are very straight.

Naalala ko ulit ang mga disenyo niyang building sa cork board. Magaling talaga siya!

Nang nag alas onse na ay nagsisimula na naman akong kabahan. Kahit na madalas ay wala namang nangyayari dahil puro tingin lamang ako sa aking cellphone buong byahe.

Nakababa na ako at dumiretso na sa Expedition. He’s holding the door for me so I went inside.

“Salamat nga pala sa drawing…” sabi ko.
“Walang anuman, Miss President…” aniya at sinarado na ang pintuan.

Kinuha kong muli ang cellphone ko. I stalked my friends on Instagram to busy myself while he’s driving.

“Kung may ipapaguhit ka pa, sa akin ka na lang magpagawa. Huwag kay Jack…” ani Sibal sa kalagitnaan ng byahe.
“Okay…”

Hell, I won’t, of course! Hindi na ulit, syempre. Hindi ba ay iniiwasan niya nga ako? Nagsasakripisyo lang siya dahil sa trabaho? Ayaw ko na siyang bigyan pa ng sakit ng ulo.

Tuwing natatapos nga kami sa klase ay hindi na siya nag-aantay sa akin, e. Si Kuya Lando na lang ang nag-aantay sa akin at nasasanay na ako kaya hindi niya na kailangang magmagandang loob pa.

Break time ko noong napadaan ako sa klase nila at nakita kong nagsasalita siya sa harap. Everyone in their classroom is looking at him like he’s the best visual aid. I wonder what it’s like to be his classmate?

Nilagpasan ko ang classroom nila. Pupunta na lang ako ng library para makapag-aral. Magmi-midterms na!

Papasok ako ay nahagip ng paningin ko ang bulletin board ng Engineering Department. Nakalagpas na ako ay umatras pa ako para lang tingnan kung anong mayroon doon.

Dean’s List.

Mula baba hanggang taas ay binasa ko ang mga pangalan. Napaawang ako nang nakita ko kung sino ang nasa taas.

“Percival Archer Riego… He’s a dean’s lister!”

Lutang ako nang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa library. He’s a Civil Engineering college student and he’s also a dean’s lister! Kung ipagpapatuloy niya iyan hanggang sa gumraduate siya, he’ll be so frigging successful!

Pagkatapos noong plant cell na pinadrawing ang animal cell naman ngayon. Wala yatang katapusang cell ang ipapadrawing ng propesor namin. Hindi ba magkapareho lang ang mukha noon?

Early morning of Saturday, I’m struggling to draw another rotten avocado!

Nagkanda bali ang mechanical pencils na meron ako dahil sa hirap kong magdrawing. I even skipped yoga class for this thing because today I want to rest and then, ganito pala kahirap?

Hindi pa ako naliligo. Maliligo ako ngayon sa swimming pool buong umaga habang magrereview kaya kailangan kong tapusin ang isang ito!

Huli na nang napagtanto kong may schedule nga pala si Sibal tuwing umaga sa kwarto ko. Sa sobrang tagal ko na siyang hindi nakikitang naglilinis dito ay nakalimutan ko na! Magliligpit na sana ako ng gamit nang biglang may isang katok at tumunog agad ang door handle.

The door opened and it revealed Sibal with the cleaning materials! Pati siya ay nagulat nang nakita ako roon sa loob. Nasanay na rin yata siya na wala ako sa kwarto.

“Babalik na lang ako mamaya, Miss President?” tanong niya.
Umiling ako habang nagmamadaling ibalik iyong mga mech pencil sa kanilang lalagyanan.

Pumasok siya sa loob at tiningnan ang papel na nasa sahig ko. Agad ko iyong kinuha at inipit sa magazine doon sa lamesa.

“Maglinis ka na at mags-swimming ako.”
“Nagda-drawing ka?” tanong niya.
“It’s just practice,” sabi ko.
“Iyong animal cell?” he asked.

Tapos na yatang magpadrawing ang ulupong na si Jaxon sa kanyang kuya kaya alam nito ngayon ang suliranin ko.

“Well…”
“Ako na lang ang gagawa…”

His offer is so tempting. Kung hindi lang matayog ang ego ko.

“Hindi ko pwedeng iasa sa ibang tao ang lahat…”

Habang nagsasalita ako ay kinuha niya iyong papel na pinagdrawingan ko sa ilalim ng magazine. Ngumuso siya habang tinitingnan iyon. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon. Agad ko iyong sinubukang bawiin ngunit inilag niya sa akin.

“Akin na…” My president heart got a little hurt.

How can this bellboy do that to me?

“Kaya kong gawin ito, Miss President.”

Kahit nakalahad ang kamay ko ay sa lamesa niya binalik ang aking drawing! Agad ko iyong kinuha at nilukot! Nakakainis!

“Fine!” iritado kong sinabi. “Pagkatapos mong maglinis ay gawin mo ang assignment ko. Iyon ang gusto mo…”

Inayos ko ang bathrobe na suot at hinagilap na ang sunblock sa aking kama. Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong sinusundan niya na ako ng tingin.

“Saan ka magsi-swimming?” tanong niya.

Wow. Bakit? Babantayan niya ako? E mahigit isang buwan nang ‘di niya ako pinupuntahan sa opisina? Ngayon pa siya nagkainteres?

“Sa pool, bakit? Mag antay ka na lang sa front desk pagkatapos…” sabi ko.
“’Tsaka lang ako nag aantay doon pag nasa opisina ka. Kapag nasa labas ka, sasamahan kita.”

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Really? Is there a rule like that? My office is safe because of all the security alarms and CCTV and the pool isn’t?

“Labas ng opisina?” natawa ako ng bahagya. “Kailan pa may rule na ganyan? Come on, Sibal. Ayos lang.” Alam kong iniiwasan mo ako. “Nasa second floor ako tuwing umaga para sa yoga, wala ako sa opisina roon pero hindi ka naman sumasama.”

Damn it! I didn’t mean to sound bitter but I want to remind him how inconsistent he is with his rules!

“Alam ko. Pinapanood kitang nagyoyoga tuwing umaga…”

I think I blushed more because of that! Kay hirap lumunok. Hindi ko mahagilap ang tamang mga salita.

“Just… finish your work. I’m heading for the pool…”

Kinuha ko iyong libro at tumulak na para makaalis doon. I remember my yoga routines. Napapikit ako ng mariin. Seryoso ba siya? Pinapanood niya ako?

Nasapo ko na lang ang noo ko at pinindot na ang elevator door para makababa sa swimming pool.

Naghanap ako ng magandang parte sa mga swimming pools namin. Iyong wala masyadong tao. Nang nakahanap ako ay nilapag ko sa lounger ang cellphone at libro ko. Naglagay ako ng sunscreen at ilang sandaling nagbasa ng libro bago nagpasyang pumunta sa shower.

Pagkatapos mag shower ay lumangoy na ako sa swimming pool. Nagtawag pa ako ng tauhan para kunan ako noong swan floater para makapagbasa ako mamaya. Nang dumating ang floater ay umahon na ako para magpatuyo gamit ang tuwalya.

Kadarating lang ni Sibal. Dala niya ang isang lapis, isang bondpaper, at iyong pinaggayahan ko noong cell.

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na siyang magbantay, tulad ng sinasabi niya. Kinuha ko ang aking sun glass at lumapit na sa swan floater para makasakay. Medyo nahirapan pa ako dahil gumagalaw iyon at may dala akong libro. Ayaw ko namang mabasa iyon!

Hinawakan ni Sibal ang ulo ng swan para sa akin at naglahad siya ng kamay para may mahawakan ako. Tinanggap ko ang tulong na iyon at nakasakay din sa floater.

Nilingon ko siya at nakita kong bumalik siya sa lounger ko at kinuha na niya iyong bondpaper. Diyan pa yata siya gagawa ng assignment ko.

Hinayaan ko siyang gumawa noon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa nitong libro para makapag review. May isang papel din ako ritong reviewer para mas madali.

Minemorize ko ang mga terminologies. I need to also review for the major subjects.

Palutang lutang ang swan. Hindi masyadong mainit dahil medyo maulan these past few days kaya hindi na ako nag-abalang magpasilong.

I’m wearing an all black one piece bikini. Nakatali na ang buhok ko into a bun ngayon. Nang tumalikod ang swan sa mga lounger at naharap ko si Sibal ay nakita ko na nakatingin siya sa akin.

Para siyang natitigilan habang nagda-drawing. Pinilig niya ang ulo niya at yumuko ulit para makaguhit. Hindi halatang nakikita ko siya dahil naka itim na wayfarer ako ngayon.

Binaba ko ang libro at inayos ko ang sarili ko sa Swan para makapagpahinga. Nakita ko siyang napatingin ulit sa akin. Mariin siyang pumikit at yumuko ulit para sa aking drawing.

“Naku… ayusin mo ‘yan…” bulong ko at binaba ang isang paa para maramdaman ang tubig ng pool.

Ilang sandali ang nakalipas ay lumapit ang Swan sa gilid ng pool. Hinagis ko ang libro at papel na naroon sa tabi ko. Napatingin muli si Sibal sa akin. Kagat niya ang pang-ibabang labi mukhang kagagaling sa matinding unos ng pagdadrawing.

Tumagilid ako para bumagsak sa pool. I’m done. I need t study my majors so I’ll take a dip now.

Umahon ako at nakita ko siyang nakatayo na ngayon. Parang nag-aalala sa akin. Kinalas ko ang bun sa buhok ko at hinagilap ang wayfarers na bumagsak din sa pool.

“Tapos mo na?” tanong ko.
“Malapit na…” aniya at umupong muli sa aking lounger.
“Manananghalian ako ngayon at mag-aaral ako sa kwarto pagkatapos.”
“Ipapabigay ko na lang ito kay Omar pag natapos ko na…” aniya.

Ipapabigay kay Omar. Okay. E ‘di umiwas ka. Ang hirap mo ring intindihin, e, ‘no?

Umahon na ako. Napatingin siyang muli sa akin. Kinuha ko agad ang aking bathrobe at sinuot ng mabilisan. Sinulyapan ko ang ginawa niya at nagulat ako kung paano naging straight ang bawat linya gayong wala naman siyang ruler.

“Alis na ako. Ipadala mo na lang ‘yan kay Omar…”

Iniwan ko siya roon. I don’t need to be bothered by him today. I need to study.

So the whole Saturday, I didn’t see him again. True enough, pinadala niya nga kay Omar ang sketch niya noon. Tinitigan ko iyong mabuti. I can’t help but appreciate it. Ang galing, galing niya talaga!

That next week is our midterms. Hindi masyadong hectic ang schedule. Hindi kailangang umalis ng alas dose dahil iba-iba naman ang schedule. Minsan, umaalis kami ni Sibal ng ala una o alas dos, depende sa oras ng exam naming dalawa.

Huling araw ng exams at natapos din ako. Marami nang estudyante sa labas. Medyo magulo dahil na rin siguro huling exam na nila iyon sa araw na iyon.

I felt relieved. I was about to go out of the campus when I saw Sibal’s group. May ilang kaklase siya sa isang lamesa malapit sa pathway palabas. Nakita ko rin si Jack doon kasama si Polly at Nora. Naroon din si Ruben at Ryan. Kumaway si Polly sa akin dahilan kung bakit nagpasya akong lumapit.

Nakita ako ni Jack at kumaway agad siya, aambang sasalubong. Papalubog na ang araw noon.

Nagtawanan ang mga kaklase ni Sibal. Nahagip ng mga mata ko ang pagtayo niya. Nakipaghigh five siya sa limang lalaking naroon. Nakita ko rin si Katarina na nakikipagtawanan sa kanila. Siya lamang ang babae sa tropa ni Sibal.

“Sandali lang, sandali lang!” ani Katarina dahil masyadong maingay ang grupo.
“Kumusta ang exams?” salubong ni Jack sa akin pagkatapos ay nilingon niya ang tinitingnan ko.
“Maayos naman. Ikaw? Tapos ka na?”
“May exam pa ako mamaya, e… Nga pala, iyong outing natin bukas ha?”
“Sinasagot ko na si Sibal!” ani Katarina. Ito ang dahilan kung bakit naibalik ko ang tingin ko sa kanila.
“Whoa!” nagsigawan ang limang lalaki sa baritonong boses.

Nagtawanan sila. Nilingon ni Sibal si Katarina. Kahit nakatalikod siya ay kita ko ang pagkagulat niya. His body stiffened. Katarina smiled widely at him.

Napasinghap ako roon.

“Alis na ako, Jack…” sabi ko.
“Huh?” Bumaling si Jack sa akin pero huli na ang lahat.

Umalis na ako roon. Mabilis ang lakad ko palabas ng eskwelahan. Naririnig ko ang tawag nI Jack sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Malamig. Malamig ang naramdaman ko sa aking tiyan. Nanlalamig ako.

Pumasok agad ako sa aming sasakyan. Tulala ako sa loob habang pinapaandar ni Kuya Lando.

Sumasakit ang dibdib ko habang paulit ulit kong naaalala ang saya sa mukha ni Katarina at ang gulat sa mukha ni Sibal. I have never really liked someone that much to be so damn speechless. Hell, I didn’t even remember being courted that way!

Bronson and I kissed. Iyon na ang sagot ko at naging kami na. He was sweet to me but I never really thought much about it because I cared more about us being a couple than us being in love with each other. It’s more of a “just for show” in the social media. Kaya noong naghiwalay kami, hindi ako nasaktan.

Stav was introduced to me by my family. We dated because it’s expected of us. We kissed because that’s how we should be in a relationship. And we broke up because we both decided to do our lives first.

I have never really liked someone this way. Ito pa lamang ang una. At hindi ko alam na masakit palang talaga.

“Good evening, President…” bati sa akin ni Mrs. Agdipa nang nasalubong ko siya sa reception. “Si Madame Maria Emilia ay nag aantay sa’yo sa West Coast para sa dinner ninyo…”

Hindi na ako nagsalita. Somehow, I felt relieved that a family member is actually here this time. I feel so homesick. Na lahat ng tao rito ay nagtatrabaho lamang sa akin dahil iyon ang kailangan nilang gawin. They never really truly cared for me. They’re here because that’s their job. And Tita Marem is here because we’re family. She cares for me… and I need that now so much.

Tumayo si Tita Marem nang nakita akong pumasok sa restaurant na walang tao. Lahat ng guest ay nasa Seaside ngayon dahil gabi na.

Her arms opened wide when she saw me to greet me with a hug.

“Darling, hindi ako magtatagal dahil may kailangan akong puntahan sa Iloilo…” she trailed off and then I hugged her tight.

Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa init ng yakap o kailangan ko lang talaga ng isang taong malapit sa akin ngayon. Mahigpit kong niyakap si Tita Marem at umiyak ako sa kanyang dibdib.

Nanginig ng husto ang aking balikat. All the emotions exploded in me.

“Snow, bakit?” she sounds so worried.
“Wala po… I-I’m just homesick…”

Hinaplos ni Tita Marem ang aking buhok. Kinalas ko ang yakap ko sa kanya at pinalis ang mga luhang lumandas sa aking mga mata. Damn, it hurts bad.

“Is this because of a boy, Snow? Who is it? Bronson, Gustav?” nagtaas ng kilay si Tita Marem sa akin.

Hindi ako nagsalita. She rested her hands on my shoulders. Hinagilap niya ang aking tingin.

“Darling, always remember. Your happiness doesn’t come from other people. Your happiness comes from you. It is your choice to be happy. You don’t need anyone to be happy with your life.”

Marahan akong tumango. Pinunasan ni Tita Marem ang luha sa aking pisngi. She smiled affectionately.

“Don’t ever let a boy affect you that way. If you do… you’ll lose yourself… and everything you worked for…”

Huminga ako ng malalim at pumikit. This is the first time I felt like this. And it’s too much… I can’t contain it.

Inangat niya ang baba ko para magtama ang tingin naming dalawa.

“Darling Snow, I’ll call your Papa. Baka hindi ka na tinatawagan noon kaya ka nagkakaganito? And I’ll ask Brenna to clear her schedule so she can be with you here…” her eyes are so full of concern.

Tumango ako pagkatapos ay umupo sa silya. Huminga muli ako ng malalim.

Ngumiti si Tita Marem sa akin at umupo sa kanyang upuan.

“Gustuhin ko mang manatili rito ngayon ay kailangan kong umalis muli. Are you going to be okay tonight?”
“Yes…” tumango ako, wala sa sarili.

I’m gonna get Sibal out from his schedule with me. Hindi ko siya pwedeng sisantehin dahil wala naman siyang ginagawang nakakasama sa resort. He only broke my heart. And I am fucking in love with him. I never thought it’s ever possible!

“Good,” she clapped once and then a waiter went to us. “Please serve our food. Give your President water, too…”

Nagsalin agad ng tubig ang waiter. Nanatili ang mga mata ko sa baso.

“After dinner, I’m gonna leave here for Iloilo. The helicopter is ready above. I came here to check on you and thank God, I did. Si Kuya talaga… sinasabi ko sa kanyang mahihirapan ka rito, Snow. Is it about the sales for the rainy season?”
“It’s a normal sale for the rainy season, Tita. It’s not that. I’m fine with work…” sabi ko. “I’m just homesick…”
“Okay then. Lumipat ka na lang sa rest house… baka gusto mo lang.”
“I will be more homesick in a very big mansion. I’d rather live here…”

I just need to get Sibal out of that schedule. I don’t need to see him every fucking day of my life.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.