Scorching Love – Kabanata 12

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 12

Kabanata 12
Ulan

Dinala ni Sibal iyong tinutukoy niyang orange juice. Nagsalin siya sa isang baso at nilapag sa tabi ko. Hindi ko na masyadong pinagbigyan iyon ng pansin. Nanatili ang mga mata ko sa screen para makapagtype at nang matapos na rin kami.

“May iba rin akong nakuha rito galing sa isang album ng paborito kong banda…” ani Polly sabay pakita niya ng notebook kay Jack.

Kinuha iyon ni Jack para basahin. Nilingon ko ang katabi ko para na rin sana mabasa ang tulong ni Polly para sa aming ginagawa nang nahagip ko si Sibal sa duyan. Tuwid siyang nakaupo roon habang tinitingnan kami.

Nagtaas lamang ako ng kilay at nagpatuloy sa pagtingin doon sa pinakita ni Polly.

“By the way, Jack. May nagawa ka na ba assignment sa Biology? Patingin!” ani Polly.

Now I remember that stupid assignment. Kailangan daw naming iguhit ang isang cell at lalagyan pa ng label. Iguhit, ibig sabihin ay gagamit ng bondpaper at lapis o kahit anong panulat.

I tried doing that, alright. Nag print ako ng picture ng isang cell at ipinatong ko ang bondpaper doon para maitrace ko iyong guhit sa likod pero hindi gumana. I suck at drawing, I admit it. So I’m here to ask Jaxon to draw one for me.

“Meron na…” ani Jack sabay kuha noong envelope sa ilalim ng laptop niya.

Ipinakita niya sa amin iyong ginuhit niya and man it’s very good. All the details were there. The labels were written in an all caps black signpen. Parang hindi pinaghirapan pero perpekto.

“Pakopya, huh?” ani Polly sabay kuha na rin noong sa kanya.

Nakita ko ang kay Polly. It’s not bad, too. Mine looked like a rotten avocado. Nilingon ko si Jack.

“I don’t understand why our prof thinks we’ll learn better when we draw a cell and label it…”
“Ang sabi nila, mas matututo ka kung naisulat mo…” tumango tango si Ruben.
“Mayroon na ba sa’yo?” tanong ko sa kanya.
“Nasa bahay, President. Sa’yo?”
Nilingon ko muli si Jack. The evil smile is already spreading on his lips. “Can you do me a favor, please?”
“Magpapaguhit ka?” tanong niya.
“Please?” malamig kong sinabi.
“Iyan na ba ang pagmamakaawa mo?” he laughed. “Parang nang-uutos ka lang, e.”
“I said “please”, Jaxon. Nagmamakaawa ako… Or are you so interested with humiliation?”
“Hindi iyan humiliation, Snow. It’s accepting that I can do something you can’t…”

Umirap na lamang ako. Ayaw ko nang makipagtalo dahil kailangan ko nga ang tulong niya sa subject na ito.

“I have bond paper inside our car and all kinds of pencil, if you want. I can get them…”
“Sige. Kunin muna natin para hindi ko makalimutan.”

Nagulat ako nang tumayo si Jaxon. Kinuha ni Polly ang kanyang laptop. Tumayo na rin ako para sundin ang gusto ni Jack. Agad-agad talaga? Sige na nga at nagpapatulong naman ako.

We both went to my car in front of their house. Nasalubong pa namin si Katarina na patungo sa tabing-dagat. Sinundan niya kami ng tingin.

Binuksan ko ang Expedition at kinuha ang envelope kung nasaan iyong iilang bondpaper at isang box ng magagandang lapis pang guhit.

“May mechanical pencils ka?” tanong ni Jack nang nakita ang isang box.
“Oo. It’s in my office and I figured it’s good for drawing. Hindi nga lang ako marunong kaya hindi ko nagagawa…”

Tumango si Jack at tiningnan ang mga lapis, isa-isa. Dumaan si Sibal papasok sa kanilang bahay. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang pumasok siya. Sinarado ko ang pintuan ng sasakyan bago bumaling muli kay Jack.

“Tara… puntahan na natin si Kuya…” ani Jack ng wala sa sarili.
“Huh? Si Sibal? Bakit?” tanong ko.
“Siya ang gumawa noong assignment ko, e. E ‘di, siya rin gagawa sa’yo…”

My jaw dropped. This is a completely different story. Pipigilan ko sana siya ngunit nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanilang bahay.

“Wait, Jaxon!” tawag ko sabay habol.

Mabilis siyang pumasok sa kanilang bahay, tinatawag ang kanyang kapatid. Iyong abokado na lang ang ipapasa ko, ‘no!

“Jack…” ani Sibal sungaw ng kanyang ulo galing sa kanyang kwarto.

Umaakyat na si Jack patungo roon. Ako naman ay nanatili sa sala, softly calling Jack’s name to stop him from doing it.

“Jack… Uy…” sabi ko.

Lumipat ang tingin ni Sibal sa akin. I don’t know why but I can see anger in his eyes. Binalewala ko iyon. All I care about is stopping Jack from doing that.

“Si Snow kasi wala pang assignment noong sa Biology namin. Papaguhit sana sa’yo. May magagandang mechanical pencil din siya rito…”

Kinuha ni Sibal ang envelope na hawak ni Jack. Hawak niya na rin iyong box kung nasaan ang mga lapis ko.

Hindi ko na kayang tingnan iyon. Naglakas loob na akong umakyat. Ilang hakbang lang naman ang hagdanan nila kaya agad din akong nakarating sa gilid ni Jack.

From where I am standing, I can clearly see his room. White see-through curtains, white bed sheets, some sketches on the wall, and books.

“Huwag na… Akala ko kasi si Jack ang nagdrawing. Ayaw kong makaabala…” Ngumiti pa ako para hindi mamalayan ang nararamdamang awkwardness.
“Kung si Jack ang magdo-drawing, hindi mo ba siya maaabala?” ani Sibal.
Nilingon ako ni Jack. His smile makes me want to roll my eyes.

Tinalikuran kami ni Sibal at malaking binuksan ang kwarto. Nakita ko ang kabuuan doon. Sa isang cork board na malaki ay naroon ang naka pin na mga sketches ng buildings. Maraming linya at may maliliit na sulat na numero. Hindi ko maintindihan. Nakita ko rin ang drawing table na may lamp shade sa paanan ng kanyang kama. At sa harap ay isang malaking bookshelf kung nasaan ang napakaraming libro.

Kumalabog ang puso ko. I don’t understand why but, damn it, why do I feel something strange at the sight of it.

“May mechanical pencils din ako rito. May mas magandang papel ako sa’yong bond paper. Gagamitin ko ba itong sa’yo o hindi?” ani Sibal sa loob ng kanyang kwarto.

“Uhm…” Kinakabahan ako. What the hell?

Tinulak ako ng lintek na si Jaxon patungo sa hamba ng pintuan. Gusto ko siyang sigawan ngunit nalingunan na ako ni Sibal kaya pinigilan ko ang sarili ko.

“You can use mine. I’m asking a favor. Ayaw kong maging pabigat…” mariin kong sinabi.

Nagtaas ng kilay si Sibal at nilagay sa isang lamesa ang aking envelop kasama ang isang box ng mechanical pencil. Iginala ko ang mga mata ko sa loob.

May dalawang bookshelf roon. Isa sa gilid ng pinto, isa sa harap ng kanyang kama. Walang salamin kahit saan. May gitara malapit sa drawing table at may mapuputing unan. Hindi aircon ang kanyang kwarto ngunit hinihipan naman ng hangin ang mga puting kurtina.

Tinitigan ko iyong mga nakapin na mga gawa niyang buildings doon. Ang gaganda!

“Lalagyan ba ng label?” tanong ni Jaxon sa aking likod.
“Huwag na, ako na ang gagawa. Dagdag trabaho lamang iyan…” sabi ko.
“Jack. Ba’t kayo nariyan sa kwarto ni Sibal?” boses ni Katarina sa baba ang narinig ko.

Umatras ako at lumabas na sa kwarto ni Sibal. It’s like a wake up call from a trance. Nakaawang ang bibig ni Katarina nang nagtama ang mga mata namin. Umakyat agad siya roon.

Now my brain is infested with images of her on Sibal’s bed. Why is she always here, anyway? Live in ba sila? Saan ba ang bahay nito at mukhang dito na tumitira?

“May ipapaguhit lang si Snow, Kat. Kumusta ang grupo ko? Maayos ba ang ginagawa?” tanong ni Jack.
“Ayon, nagtatawanan na si Ruben at Polly, e.”
“Hay naku… Sige, babalik na kami ni Snow at nang matapos na namin iyon… Snow…” tawag ni Jack.

Nauna pa ako pababa. Sa gilid ng mga mata ko ay ramdam ko na naman ang titig ni Katarina sa akin. Binalewala ko muli iyon.

“Are you mad at Katarina?” tanong ni Jack nang nakalabas na kami sa kanilang bahay.
“Hindi. Ba’t ako magagalit?”
“Nararamdaman ko kasi. Nagagalit ka dahil sinabi kong mahal niya si Kuya…”

Tumigil ako sa paglalakad halfway papuntang tabing dagat para harapin si Jaxon. Why is he making this a big deal, anyway? Tinutukso niya lang ako palagi. Parang ikinasisiya niyang nakikita akong naiirita.

“I don’t care who loves your brother, Jack. Ganito lang talaga ang mukha ko. Mukhang laging naiirita… And why is she always in your house? Wala ba siyang bahay?”
“May bahay siya. Kapitan ng Costa Leona ang tatay niya. Madalas lang siya sa amin kaya parang kapatid na namin siya…” aniya.
“Kaya rin nagkainlove-an sila ni Sibal? Ideal girl, right?”

Umupo na ako sa harap nina Ruben. Tama si Katarina at nagkukwentuhan na ang tatlo. Kinuha ko ang laptop at hinarap para makapagtipa na ulit ako. Umusog ako para makatabi si Jack sa akin.

“Ideal girl because she sticks. Kahit na minsan ay nagseselos iyon kapag may nakakalapit si Kuya, umiiyak, hindi niya parin iniiwan.”
“Didn’t know your brother is such a casanova…” may bahid ng panunuya sa boses ko.

Napatingin si Polly sa amin kaya bumulong si Jack sa akin.

“Casanova agad? Hindi ba pwedeng malapit na kaibigan lang ang ibang babae?” bulong ni Jack sa akin.
“So… you’re saying that she’s just jealous? That’s understandable. What’s not understandable is her staying even after all the girls, tulad ng sinabi mo.” sabi ko.
“Kaibigan lang kasi, Snow. Are you saying that if you’re in her shoes, hindi pwedeng makipagkaibigan?”
“Sino ba iyang pinag-uusapan n’yo?” tanong ni Polly.

Tumuwid kaming dalawa sa pagkakaupo ni Jack. Nagpasya ako tumigil sa pakikipagkwentuhan tungkol doon.

Binigay ko ang laptop kay Jack para iyon naman ang pagtuonan niya ng pansin. Nagkatinginan kami nang dumaan muli si Sibal sa harap at umupo muli sa duyan. Lagi ba iyang tumatambay diyan?

Sumunod si Katarina at umupo siya sa duyan kung nasaan si Sibal. Well, what a nice view right?

That’s a more acceptable date than watching television!

“Saan tayo pag outing?” tanong ni Nora.

Seriously, before we think about the end, we should think about what’s more important. Itong ginagawa namin nI Jack na pang midterms!

“Sa isla na lang tayo. Maligo. Tapos magdadala tayo ng pagkain…” ani Ruben.
“Sige, ayos rin ‘yan. Dadalhin ko ‘yong Una…” ani Jack.
“Kaya lang, maulan ngayon. Ayos lang ba?” tanong ni Polly sabay tingin sa langit na dumidilim na nga sa nagbabadyang ulan.
“Ayos lang ‘yan. Magaling naman ako…” ani Jack sabay tawa.
“Aww. Oo nga pala…” Humagikhik si Polly.

Seriously… Fuck boys and the way girls react!

Ilang sandali ang lumipas ay tumayo si Sibal at lumapit sa aming lamesa.

“Maghahanda na ako ng hapunan. Jack, lumipat na kayo sa sala at mukhang uulan…” ani Sibal.
“Sige, Kuya. Tatapusin lang namin ito…”

Sumunod si Katarina kay Sibal. Hobby na yata nila ang sumalida sa harap namin. Hinawi ko ang buhok ko at nagpatuloy sa pagtipa.

Ang mga girls ay nagplano sa magiging outing samantalang si Jack at si Ruben ang seryoso naman sa aming proyekto. Nang medyo dumilim at nagsimulang pumatak ang ambon ay nagpasya na kaming pumunta sa bahay nina Jack.

Naabutan naming nagluluto si Sibal samantalang si Katarina ay naglalagay ng mga pinggan sa kanilang dining table. I’m thinking of going back to the resort now. I can’t eat with them. It’s awkward.

“Jack, aalis na ako dahil gabi na at umuulan…” sabi ko.
“Dito ka na kumain…” ani Jack. “Nagluto si Kuya.”
“Hindi na-”
“Ang lakas ng ulan!” biglang sabi ng Tatay nina Sibal.

Sabay-sabay kaming lumingon sa pintuan. Kadarating niya lang at medyo basang basa siya sa ulan. Ngumiti siya sa akin at dumiretso na sa hagdanan.

“Magbibihis muna ako. O… saan ka pupunta, Snow?” tanong niya nang nakita akong nagliligpit ng gamit at tumatayo.
“Aalis na raw siya…”
“Mamaya na at malakas pa ang ulan. Dito ka na maghapunan. Nagluto si Sibal. Tinawag ko na ang bodyguard mong si Lando at dito ko na rin siya pakakainin…” sabi niya.

Para akong natameme sa sinabi niya. Gusto kong igiit na aalis ako ngunit masyadong mahirap tanggihan iyon. Umakyat na siya at pumasok sa kwarto.

Padarag muli akong umupo. Naabutan kong nakatingin si Sibal sa akin habang nilalapag sa lamesa ang luto niya.

“Sabi sa’yo, e…” ani Jack.
“Lalakas lang lalo ang ulan kapag nagtagal ako rito,” bulong ko.
“Palusot mo lang ‘yan. Ang sabihin mo, ayaw mong kumain kasi-”
“Oo na nga! Kakain na ako rito!”
“Tapos n’yo na ba ang ginagawa n’yo?” biglang singit ni Sibal.

Ngumuso ako at bahagyang lumayo kay Jaxon.

“Tapos na, Kuya. ‘Yong isa na lang ang kailangan.”

Marahang tumango si Sibal sabay turo sa lamesa.

“Kumain na tayo… Umupo na kayo rito…” sabi niya.
“Mabuti pa nga at gutom na kami!” ani Ruben sabay tawa.

Muli ay nagkatinginan kami ni Jack. He raised his brows and winked at me bago tumayo. Nilingon ko ang pintuan nila kung nasaan si Kuya Lando, na may dalang puting payong.

“Kuya, dito na lang tayo kumain…” sambit ko.
“Sige, President…”

Ngumiti ako at nilahad na sa kanya ang lamesa. Nagkasya naman kaming lahat. Sa harap ko ay si Sibal at Katarina ang nakaupo. Sa isang tabi ay si Jack, at sa isa ay si Ruben. Si Kuya Lando ay nasa dulong gitna. At isa pang upuan sa gitna para sa tatay nila. Ang dalawang girls ay magkaharap sa tabi ni Ruben at ni Katarina.

Tinola at pritong isda ang ulam. Kumuha ako ng konting kanin. Abala ang lahat sa pagkuha ng kani kanilang sabaw. Medyo maingay dahil tawa nang tawa sina Ruben at ang mga girls. Sumasali pa si Jack sa asaran nila.

Kumuha ako ng bowl para magsalin na rin ng sabaw para sa aking sarili pero nilapagan ako ni Sibal ng isang bowl na may laman na.

Our eyes met. Nilapag ko na lang ang bowl na kinuha ko at nilapit sa akin iyong nilagyan niya.

“Ang lamig ngayon!” anang tatay ni Sibal sabay upo sa kanyang upuan.

Kumuha agad siya ng kanin at nagsalin na rin ng kanyang sabaw.

“Kumain ka pa, Snow. Kumakain ka ba nitong ulam namin?” sabay tawa niya.

Halos mabilaukan ako sa tanong. Napatingin silang lahat sa akin.

“Nagluluto naman ng ganito si Papa noon. Pati si Tita Marem… kaya nakakakain po ako ng ganito…” sabi ko.
“Oh? Marunong nang magluto si Maria Emilia?” tanong ng tatay nila.
Tumango ako. Nilingon ni Sibal ang kanyang tatay tapos bumalik muli sa akin.
“Magkakilala po kayo ni Tita?” tanong ko.

Nag-iwas ng tingin ang tatay ni Sibal sa akin.

“Sinong hindi nakakakilala kay Maria Emilia, Snow…” ani Polly.

I blushed. Somehow, medyo nahihiya ako dahil kilala nilang lahat ang tita ko dahil lamang sa pagiging terror niya.

“Ganoon parin ba iyon?” tanong ng tatay ni Sibal.

Hindi ko alam kung alam ko ba ang tinutukoy niya. Ilang saglit kong inisip ang tanong niya.

“Istrikta parin po…” I said.
“And her cheating issues?” tanong ni Nora.

Napainom ako ng orange juice sa biglang tanong nito. Natahimik silang lahat. Jaxon hushed her but it’s too late.

“Sorry…” ani Nora.
Ngumiti lamang ako. “It’s not a secret…”
“Ayos lang ba ang anak niya, kung ganoon?” tanong ni Katarina sabay tingin sa akin.

Alam kong alam siguro ng buong Costa Leona, or worst, buong Nabas ang tungkol kay Tita Marem. Pero ngayon ko lang napagtanto na parang nakakaoffend pala na kaswal akong tanungin tungkol sa isyu ng pamilya ko.

“We don’t make it a big deal in our family…” iyon lamang ang nasabi ko. “Iniwan kami ni Mama at sumama siya sa ibang lalaki, naging maayos naman kami ng kapatid ko. Tita Marem won’t do that no matter what because she cares for her family. So it’s not a big deal to my family…”

Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko maiangat ang tingin ko.

“Hindi ko na alam kung alin ang mas mahirap, ang manatili kahit na alam ng lahat na nagchi-cheat o ang umalis…” sabi ni Katarina.

Bahagyang kumunot ang noo ko ngunit nagpatuloy ako sa pagkain. Why are we talking about this?

“Ang umalis, syempre. Ang mawala…” ani Tito. “Nawalan ng nanay si Sibal at Jack, sa murang edad, Katarina. Mahirap sa kanila iyon…”

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. He smiled at me.

“Nawala po?”
“Namatay ang nanay nila, Snow. At naging mahirap sa aming tatlo ang pagkawala niya…”
Tumango ako. “I’m sorry po…”
“Kaya tingin ko ay mas mabuting nanatili si Marem kahit na hindi na siya masaya. Para na rin sa anak niya.”
“Pero, Tito, hindi po ba masama ang manlalaki? Kapag kasal ka na, dapat committed ka, hindi ba?” tanong ni Katarina.
“Syempre, masama iyon. Pero sa punto ni Marem, ang iniisip niya na lang ay hindi ang sarili niya, kundi ang anak niya…”
“What’s your stand about cheating, Polly?” Katarina asked.
“Syempre, hindi maganda iyon! Dapat iiwas sa temtasyon ang mga kasal na. O kailangan umiwas sa taong nakatali na, hindi ba?”

The awkward conversation died when Jack opened up about their plan when were done with midterms. Halos magpasalamat ako sa kanya dahil hindi ko nagustuhang pag-usapan namin iyong tungkol sa aking pamilya. Certainly not. Especially while eating.

“Tapos ka na?” biglang tanong ni Sibal habang malalim ang iniisip ko.
Tumango ako at uminom na lamang ng tubig.
“Dagdagan mo pa, Snow…” sabi ng tatay nila nang napansin kami ni Sibal.
“Hindi na po. Busog na po ako…” sabi ko.

Ilang sandali pa silang nag-usap-usap. I never left the dining table until Ruben declared that he’s full. Kinuha niya ang kanyang pinggan at dinala sa lababo. Tumayo na rin ako para dalhin iyong akin doon ngunit tumayo si Sibal at kinuha ang aking pinagkainan.

“Ako na nito…” aniya.

Hindi na ako nakipagtalo. Binigay ko na sa kanya ang aking pinggan.

I don’t know what’s up with Katarina and Sibal but I know that’s not friendship. My stand about cheating is not the same with Tita Marem’s stand. Hindi ibig sabihin na magkaugali kami ay pareho na rin kami ng landas na tatahakin.

I know where’s my place. I know what to do. I know they are both committed with each other.

“Aalis na po kami, Tito. Hindi na kami magtatagal dahil may aasikasuhin pa ako sa hotel…”

Hindi ko alam pero parang natamaan ako sa pinag-usapan. Masama ang pakiramdam ko.

“Ganoon ba? Kaya lang ay umuulan pa…” sabi ni Tito.

Tumayo si Kuya Lando at pinakita ang aming payong.

“Isa lang ang payong n’yo?” Sibal asked.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya at mukhang handang sumama sa paghatid sa akin.

“May isang payong pa kami rito. Kuya Lando, ako na ang magpapayong kay Miss President. Gamitin mo iyong payong namin…”
Ngumiti ako. “Huwag na, Sibal. Hindi mo obligasyon iyan. Kasya kami ni Kuya Lando sa payong at ilang metro lang naman ang lalakarin namin.” Nilipat ko ang mga mata ko sa aking mga kaklase at sa tatay nina Jack. “Paalam po. Hindi na kami magtatagal…”

Tumayo si Jack kahit na kumakain pa. Sumunod siya sa amin at tinapik niya ang balikat ko.

“Pasensya ka na sa tanong ni Nora,” aniya.
“Ayos lang ‘yon. Sanay na ako…” sabay tawa ko.

Nasa pintuan na kami. Luminga linga agad ako para hanapin si Kuya Lando at ang kanyang payong ngunit nagulat ako nang may ibang payong na siyang dala patungo sa Expedition.

Mainit ang palad ni Sibal nang dumampi iyon sa aking baywang. Bumuka ang payong at hinila niya na ako.

“Tara na…” aniya, medyo pagalit.
“Huh?”

Nalito ako kung si Jack ba ang titingnan ko o ang kanyang kapatid. Nagkibit ng balikat si Jack at sa tulak ng kamay ni Sibal ay nagpatianod na ako.

“Hindi ba sinabi kong hindi na kailangan ito?” medyo iritado ko nang sinabi.

Pinagbuksan ako ni Sibal ng pintuan sa passenger’s seat. Hindi siya nagsalita. Mabilis akong pumasok dahil sa lakas ng ulan.

Kitang kita ko kung paano niya tiniklop ang payong at nilagay sa tabi ko. Iyon ang dahilan kung bakit basang basa siya pagkasarado ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ko.

Tinapik niya ang salamin pagkatapos ay bahagyang kinaway ang kamay. Nagmamadali siyang sumilong sa bahay nila pero sobrang basa niya na. Hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko.

Fuck. Please, help me understand!

Huminga ako ng malalim kasabay noon ang paghikbi ko. Nilingon ko siyang muli at sa tabi niya ay si Katarina na may dalang tuwalya para sa kanya. Hindi niya nilingon iyon. Nanatili ang mata niya sa aming sasakyan.

“President Snow, ayos lang ba kayo?” tanong ni Lando sabay tingin sa akin.

He did not move the car. He was just worried about me and why I’m suddenly emotional.

“Kuya, umalis na tayo! Bilisan mo naman!” sigaw ko sabay palis sa lintek na luha.
“Sorry, President. Heto na…” aniya at niliko na ang sasakyan para makaalis na kami roon.

I don’t remember being this emotional for a fucking boy.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Comments are closed.