Scorching Love – Kabanata 11

July 3, 2016 By In Scorching Love Comments Off on Scorching Love – Kabanata 11

Kabanata 11
Orange

Papa wants me to see a doctor to make sure I’m fine. I already am. Kaya hindi ko sinunod ang gusto niya. Naisip ko lang na baka kulang ako sa exercise kaya madaling magkasakit. Maybe I shpuld work out or do something else.

That day, I only want to relax. Ang sabi ni Papa ay kailangan ko rin iyon kaya hindi naman siguro masamang mag relax na lang muna kahit maraming trabaho.

I spent the whole afternoon roaming around the hotel. I went to the spa to relax and experience a hot jacuzzi. Pagkalabas ko roon ay mag gagabi na.

Sa malayo ay nakikita ko ang pag-aagawan ng araw at ng dilim. Malamig ang ihip ng hangin, hinihipan nito ang palda ng suot kong dress at ang buhok ko.

Instrumental music field my ears. Nasa pangalawang palapag ako ngayon kung nasaan ang fitness center kasama ang malapad na hall na ito. Some guests are enjoying yoga. I want to do it too pero siguro’y bukas ng umaga na ako magsisimula. Palilipasin ko muna ang sakit.

Natutulala ako sa ganda ng dagat. Iilang yate ang naglalayag, siguro’y galing sa ibang pulo o ‘di kaya’y sa mga karatig resthouse. How can one be so stressed even when the environment is like this?

Uminom ako sa orange juice na nasa aking gilid. Maybe because I don’t really stop and appreciate nature while I’m here. All I think about is work…

Kinagabihan ay nakihalo ako sa mga kumain sa Seaside. Nasa labas ako, pinagmamasdan ang bonfire. May ibang guests na nagsisimula ng conversation sa akin, kinausap ko naman sila. Hindi ko alam kung bakit parang nawala ang mabigat na nakadagan sa aking puso.

Maybe I needed the fresh air. Thank God for it.

May isang bandang kumakanta sa harap ng bonfire. Their songs were old and about love. Tinitigan ko lang ang redwine sa aking harap habang nakikinig sa himig ng kanilang kanta.

Kinanta ng kanilang lalaking vocalist ang isang classic na love song. Naiisip ko kung paano nag-iba ng sobra ang ihip ng hangin para sa akin simula noong dumating ako rito. For barely two months, I already feel different.

“Breathe…” mahinahong sabi ng instructor habang nagyo-yoga ako, Lunes ng umaga.

Alas sais y media nang nagsimula iyon. Maaga akong gumising para lamang doon. Pinanood ko pa ang pagsikat ng araw.

Now that I’ve told Sibal about what’s bothering me, panahon na para pigilan pa iyon. Madali lang iyon. Paano ako tumagal ng almost eighteen years sa mundong ito ng hindi nakakaramdam ng malalim na pagtingin, kung ganoon? Siguro’y napigilan ko noon. Mapipigilan kong muli ito.

Hindi na ako umakyat nang nag alas syete y media. Dumiretso na ako sa Seaside para makakain ng breakfast. I have some work to do after this. May mga iniwan akong dapat gawin kahapon kaya ngayon ko iyon gagawin.

“Juice, President?” tanong ni Omar na ngayon ay may dalang isang pitsel ng tubig.

His smile weirded me out. But I understand that that’s the way he smiles… I should get used to it.

“Orange, please…” sabi ko.

Tumango siya at nilisan ako para kumuha ng gusto kong juice.

Siguro’y naglilinis si Sibal sa kwarto ko ngayon. I’m not usually up that early. Aaraw-arawin ko na ito. Mainam din para hindi kami magpang abot sa kwarto. Mahirap na. May gusto siyang iba, ayaw ko nang makealam pa roon.

Ngumiwi ako sa sariling pag-iisip. I can hear the evil voice inside my head telling me how divine my thoughts are! Dammit! Oo na, I’m a bit mad and annoyed by that thought but it’s not time to pursue someone, alright! I have things to do. And it’s not my nature, for Pete’s sake! Bakit ko pa ba ito naiisip?

Pursue? What the? Did I really think about that? Excuse me, my name is Nieves Solanna Galvez. Above all, elegance.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkain. Nagsalin ng juice si Omar sa aking baso at ngumisi ulit. Kulang na lang ay sisantehin ko siya dahil sa ngisi niyang iyan. Hindi ko na lang siya tiningnan.

“Cake, President?” tanong ni Omar.

Gusto niyang mag cake ako sa breakfast? Sinubo ko ang watermelon at nginuyang mabuti. Hilaw na ang ngiti niya dahil hindi ko siya agarang sinagot. Nagkunwari akong hindi siya narinig bago siya binalingang muli.

“My dessert is fruits, Omar…” sabi ko.
“Oh! Yes, madame! Pasensya na… Magpapahatid ka ba ng cake sa opisina para sa meryenda?”
Ngumiti ako. “Hindi pa ako tapos kumain ay magmemeryenda na ako. I’ll call when I’m hungry. Thanks for the concern…” malamig kong sinabi.
“Yes, President…”

Tumango ako at tumayo na. At exactly eight in the morning, dumiretso ako sa opisina. Maliligo ako mamayang mga alas onse bilang paghahanda sa klase. Ayaw kong pumasyal sa kwarto at baka magpang-abot kami.

Nagbabad ako sa trabaho ng ilang oras. Sinunod ko ang schedule na alas onse ang pagligo. Pinahatid ko na lang sa kwarto kanina ang tanghalian at nang bumalik na ako ay naroon na iyon.

Pagkatapos kong maligo, magbihis, at kumain ay tumawag na ako sa front desk para ihanda ang sasakyan.

If Sibal wants to take a break from his duties, I’d understand.

“Hello…” sabi ko, medyo kinakabahan.
“Yes, Miss President…” si Sibal.
“Ihanda na ang kotse at bababa na ako,” sabi ko sa isang malamig na tono.

Kahit na wala namang nakakakita ay pilit akong tumuwid sa pagkakatayo para ipakita na hindi ako natitinag.

“Handa na… Hinihintay na lang kita.”

What the hell? Fine! Breathe, Nieves Solanna. Please!

“Thanks. I’ll be there in a minute…”

Binaba ko agad ang tawag. Hinarap kong muli ang salamin bago tuluyang bumaba.

Humahakbang ako sa hall at nakikita ko siya sa gilid ng front desk ay ‘di ko parin siya nilingon. Nanatili ang mata ko diretso sa bukana ng hotel. He moved towards me… Sinulyapan ko siya.

“Tara na…” sabi ko at binalik muli ang mata sa aming Expedition.

Mabilis ang lakad ko patungo sa sasakyan. Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan sa likod. Sinarado ko iyon at pinagmasdan siyang umikot patungo sa driver’s seat. Then when the door opened, I scrolled at my phone para may pagkaabalahan ako.

Sa buong byahe ay nakatingin lamang ako sa aking cellphone. Tumigil lamang noong nagpark ang aming sasakyan sa eskwelahan. Bumaba na agad ako at tinanggal ang sun glasses sa aking mga mata.

Naglakad na ako patungo sa aking classroom. Sibal’s behind me. I can actually tell him to go now. Huwag niya na akong ihatid. But that would be bitter so I didn’t…

Pumasok na lang ako sa classroom nang ‘di nagpapaalam sa kanya. Nakatingin na si Jack sa akin papasok pa lamang ako. I didn’t ask him what he’s staring at. Taas noo lamang akong umupo sa aking silya at nilapag ang aking bag sa desk.

“Nagkasakit ka raw?” may bahid na panunuya sa kanyang boses.
“Yes…” I said calmly.
“Sa hotel natulog si Kuya?” now he sounds dirty.

Nilingon ko na siya. Nahagip ng mga mata ko si Sibal na nanatili sa labas. Why the hell is he still there. Mumurahin ko sana si Jack ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nilunok ko na lang ang dapat ay isasagot ko.

“Ano?” dagdag pa ni Jack.

I licked my lips and then I took my phone out. I should text my friends to keep myself busy. For real.

I texted Brenna and Cissy. Maging si Bronson ay nagawa ko pang kumustahin.

Nag-angat muli ako ng tingin at nakita kong wala na si Sibal doon. Pagkatapos ay nilingon ko si Jack na nakataas ang kilay sa akin ngayon.

“Oo dahil trabaho niya iyon…”
“Huh? Off niya na noon. Overtime na si Kuya.”
Slow motion ang pagpikit ko para pigilan ang pagbuga ng apoy kay Jaxon. “Babayaran ko siya para sa overtime niya kaya no worries, Jack.”
“Saan siya natulog kung ganoon?” he asked.

Sa kwarto but what the hell? Sa mukha ni Jack ay kung aamin ako, magkakaroon agad siya ng konklusyon.

“Ewan ko. Sa kitchen? Malay. May sakit ako kaya paano ko malalaman?”

His eyebrow is still up like I’m telling a lie. Umirap na lamang ako.

“What do you want to hear, then? By the way…” I found a way to divert the talk. “Pumunta si Katarina roon ng umaga. She’s looking for Sibal… Hindi mo pala nasabi na naroon siya?”
“Nasabi ko sa kanya noong gabi. Hindi nga halos nakatulog iyon, e. Gising siya noong papatulog na ako, pag gising ko, gising parin iyon.”
“Oh, like a wife waiting for her husband to come home…” I just couldn’t hide the sarcasm. Dammit.

Humagikhik si Jack. Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi.

“I did not ask him to stay for the night. Hell, I can take care of myself.”
“Okay… Okay…” natatawa paring sinabi ni Jack.
“Sana ay hindi sila nag-away dahil lamang doon. I don’t want to be involved…” Yuck. Did I really say that?
“Medyo lang? Hindi ako sigurado. Mapapatawad din ni Katarina si Kuya. Mahal na mahal niya iyon, e…”

Well, if that happens to me, I would never forgive. Good thing it will never happen. No girl can ever make my man… Well, Snow, apparently this is different! Si Sibal ay isang empleyado kaya may obligasyon siya! Are you saying na hindi mo mapapatawad ang lalaking ginagawa lamang ang obligasyon?

Hindi. Iyon ang totoo. Walang rason ang magpapabago sa prinsipyo ko.

“Good for Sibal…” sabi ko ng wala sa sarili.

Hindi ko na pinatulan ang mga hagikhik ni Jack sa gilid ko. Wala akong pakealam sa iniisip niya. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Sibal ang nangyari sa isla sa kanya o ano. Wala na akong pakealam. Magpapatuloy ako sa lahat ng ginagawa ko.

Pagkatapos ng klase ay si Kuya Lando ang nag-antay sa akin sa labas.

Dinalaw ako ng pag-iisip na maaaring umiiwas si Sibal sa akin ngunit hinayaan ko na iyon. That’s better, I guess. I don’t want to be the one to request him out of his exclusive duties to me. Kung gusto niyang kumalas, e ‘di kumalas siya. Walang problema.

Days passed and Omar’s been my waiter at Seaside. Hindi rin ako nagrerequest ng meryenda para maubos ang posibilidad na pumunta si Sibal sa aking opisina.

“I’d like some fresh fruits…” sabi ko sa West Coast, hapon ng Sabado.

Sinasadya ko na ang mga ganito. Ayaw ko nang magpahatid. At nagpatuloy ako sa pagyoyoga kaya hindi rin kami nagkikita ni Sibal sa kwarto.

“Eto po ba, President?” tanong nI Kristina.

Nilapag niya sa harap ko ang mga prutas na hindi pa nababalatan. Nanatili ang mga mata ko roon. May nilapag agad siyang isa pang plato.

“O, e-eto, President?” I can hear the tension in her voice.
Ngumiti ako at kinuha iyong mga prutas na hindi pa nababalatan. “Eto na lang…”
“Okay…”
“Thanks…” sabay ngiti.

Kitang kita ko kung gaano namangha si Kristina sa pagngiti ko. Hinawi ko ang buhok ko at tinalikuran na siya para makaakyat nang muli sa opisina.

Nagtaas ako ng kamay, isang araw, sa klase para mag suggest sa aming propesor.

“Yes, Miss Galvez…” tawag niya sa akin.
“For this activity, I suggest we break the groupings and let us find another groupmates-”

Hindi pa ako natatapos ay umaangal na ang mga kaklase ko! Nagkibit ako ng balikat sa kanila. Iilang nagmumukhang nagwewelga ang sumisigaw sa akin. I can picture out employees wanting raise with their faces.

“Huwag na! Iyan na ang grouping dapat.”
“Nagbibiro ka ba, Snow?” ani Jack. “Ayaw mo ba samin?”
“Maganda ang naging takbo ng activities natin, Snow. Bakit gusto mo sa iba?” tanong ni Polly.

I was merely suggesting for a better learning experience. These people think only about themselves… Well, I can’t blame them. Ako rin naman selfish.

“Miss Galvez, I understand your sentiments but I agree with your classmates. I know you can all work better with the team you’re used to…” sabi ng aming propesor.
“Ano ba, Snow?” ani Jack sabay tawa.
Umirap lamang ako.

We are going to have this group study again at their house. At medyo mahirap pa dahil grade sa midterms ang nakasalalay kaya kailangan magseryoso!

“I know we can have another 1 for this, Snow. Kaya huwag ka nang mag request ng ganyan!” ani Jack sabay tawa.

There’s no doubt about that. He’s good at this. I can work with him… but…

“Pagnakuha natin, outing tayo para mag celebrate…”

Muli ay umirap ako sa ideya ni Jack. Papatayin ako ng kaklase namin kung itutuloy ko pa ang gusto kong mangyari kaya nagpatianod ako sa kanilang desisyon.

“No, thanks. I have work to do…” sabi ko.
“Sus. Ang bata mo pa, ang tanda mo nang umasta. Loosen up minsan, Snow…” ani Jack.

I can loosen up but please, no Sibal in that outing.

Wala na rin naman akong magagawa at magpapatuloy ang groupings. Which means that I’ll be going to their house again for group studies and preparation for our midterms.

Hindi ko nilingon si Sibal nang siya ang naghatid ng meryenda ko nang nag Sabado. Mamayang hapon ay bibisita ako sa kanila para sa study namin nina Jack.

“Tawag ka lang kung may kailangan ka pa, Miss President…” ani Sibal bago niya unti-unting sinarado ang pintuan.

I don’t want a conversation with him. Hell, I don’t even want to look at him. Naiirita lang ako tuwing nakikita ko siya.

Hapon nang tumulak ako patungo sa kina Sibal. Si Kuya Lando ang pinag drive ko ng Expedition. Hindi rin yata alam ni Sibal na may group study kami. O baka ayaw niya lang talagang mag presinta. Baka ayaw niya lang na siya ang maghatid sa akin dahil paniguradong siya ang mag-uuwi.

Parang may kirot akong naramdaman sa aking dibdib. I ignored it… tanga, Snow.

Pumarada ang sasakyan namin sa labas ng bahay nina Sibal. Walang tao roon. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana’y nagdidate sina Sibal at Katarina kung saan para hindi na kami magkita rito.

Dumiretso ako sa pintuan para makita kung sino ang nasa loob ngunit laking gulat ko nang wala akong nakita sa sala.

“Tao po?” marahan kong sinabi.

May naririnig akong kwentuhan galing sa kanilang kusina. When I heard Sibal’s baritone, halos maestatwa ako.

“Snow?” salubong ng tatay nila sa akin.

Nagpupunas siya ng kamay habang humaharap sa akin. Sumungaw ang ulo ni Katarina sa likod ng TV at nakita ko ang imahe ng katawan ni Sibal na patungo na rin sa tabi ng kanyang ama.

“Sina… Jack po?” tanong ko.
“Nasa tabing dagat. Ayaw daw nila rito kaya doon sila nag-aral. Ihahatid na kita…” sabi ng tatay nila.

Ngumiti ako at napatingin kay Katarina at kay Sibal. Lumapit si Katarina kay Sibal. Tipid akong ngumiti at nag-iwas ng tingin.

“Hindi na po. Alam ko naman yata ang dadaanan. Hindi ba ay dito iyon…” sabay turo ko sa alam kong dadaanan.
“Ikaw talaga, hija. Hayaan mo nang ihatid kita…” sabi niya at lumabas na ng bahay.

Sumunod ako sa kanya. I put my sunglasses on as the rays of the sun hit my eyes. Nalingunan ako ng tatay nina Sibal at nanatili ang tingin niya sa akin.

“Andyan lang pala sila…” sabi ko nang nakitang nagtatawanan silang lahat sa ilalim ng isang puno.

May isang duyan doon at isang wooden table. Tunay ngang mas maganda roon kaya lang ay sa sobrang ganda, makakalimutan mo nang mag-aral.

“Snow…” ani Jack sabay usog para mapaupo ako sa kanyang gilid.

Kaharap niya ang kanyang laptop. I turned to his father.

“Maraming salamat po, Tito…” I calmly said.
His eyes lit up. “Walang anuman, hija. Hinahanda namin ang meryenda ninyo.”
“Oh! Thank you. I brought a pie, too. It’s in the car. I almost forgot!” nasapo ko ang noo ko.
“Nag-abala ka pa. Pero sige at uutusan ko si Sibal na kunin iyon. Ayos lang ba?”
“My bodyguard Lando is just around. Pwede mo pong sabihin sa kanya at alam naman niya kung saan iyon nailagay.”
“Sige…” sabi niya.

Umupo na ako sa tabi ni Jack para mapag-usapang seryoso ang gagawin namin sa isang proyekto.

“These are the lists I got. These are from classic novels I know. How about you?” tanong ko sabay pakita sa kanya ng aking flashdisk.
“May sa mga kanta ako rito. Kulang pa. Kay Ruben, meron sa newspaper.”

I wonder what the other two girls are for but I didn’t say a word. That’s life. Just a bunch of freeloaders. Maybe Jaxon’s past time.

“Okay. I’m going to find more… And how about our International Literature?” tanong ko.
“Iyan ang problema. I couldn’t find copies of the book I want in the internet. Ikaw, mayroon ka ba noon? Baka pupunta pa ako ng syudad para kumuha noon.”
“I’ll see if Tita Marem can help me. Nasa bookstores iyon sa Manila. Kung wala, nasa Amazon. No problem…” nagkibit ako ng balikat.
“Marem? Maria Emilia Galvez?” tanong ni Polly, bigla siyang naging kuryoso.
“Yes, my Aunt. Why?”
“Wala lang… Nakakatakot ang Auntie mo…”
“Actually, mana yata siya…” ani Jack sabay tawa.

Sinipat ko na lang ang katabi ko. Ang kulit din ng isang ito, ah?

Habang nagtatawanan sila ay nagulat ako nang may nag-angat ng bag ko galing sa lamesang kawayan. Kumunot ang noo ko at naaninag si Sibal na nakatayo sa tabi ko!

He’s holding the pie I brought. Asan si Kuya Lando at bakit ang isang ito ang kumukuha?

Tumuwid ako sa pagkakaupo at binaba ang bag ko para maipwesto niya roon ang pagkain. Natahimik ang tawanan.

“Akin na ang bag mo. Ilalagay ko sa kwarto…” ani Sibal sabay lahad ng kamay sa akin.

Parang may dumaang kirot muli sa aking puso. I couldn’t look at him straight. Kailan ko ba siya nakayang pagmasdan ng malapitan habang nakatingin din siya sa akin? Hindi kailanman. Hindi ngayon.

“Hindi na. Kaya ko na ‘to. Ilalagay ko lang dito sa gilid…” sabay turo ko sa gilid ng upuan at umusog pa ako palapit kay Jack.

Sibal’s jaw clenched. And damn why I find it so hot. His lips is cherry red and almost pouting. I cannot believe that red lips can suit a man like that! Damn!

“Malalagyan ‘yan ng buhangin,” mariin ang kanyang pagkakabigkas.

The silence from the group is deafening. I can’t help but look at their expressions. They were all looking at us like we’re in some sort of movie.

“Nandito na ang juice!” maligayang sinabi ni Katarina na may dalang isang pitsel.

Tumikhim ako at hinawi na lamang ang buhok. Nilingon ko ang laptop ni Jack. Jack looked at me intently.

“Anong flavor, Kat?” tanong ni Polly.
“Pineapple…” sagot ni Katarina.

Ngumuso ako at nagtaas ng kilay sa mga tinipa ni Jack sa Microsoft Word.

“Eto na rin ang mga baso!” ani Katarina. “Kayong lahat ba ang gusto nito?”
“Tubig na lang akin…” sabi ko at dinagdagan iyong tinipa ni Jaxon para abalahin ang sarili ko.
“May isa pang pitsel sa bahay. Orange juice…” ani Sibal.

Hindi na ako nagsalita.

“Kukunin ko. Iyon ang gusto mo, hindi ba?”

Fuck. Fuck it. Why does it have to hurt like this? Physically, really? I thought it’s a myth! I thought heart fucking break is a myth! Pero ngayon, hindi pala talaga! Totohanan pala ang salitang iyan!

Hindi ko sinagot si Sibal. Tinalikuran niya kami para gawin ang gusto niyang mangyari.

“Hindi ko alam na ayaw mo sa ibang flavor…” bulong ni Jack.
“Shut up, Jack…” habang nakatitig sa monitor ng kanyang laptop.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

21

Comments are closed.