Scorching Love – Kabanata 10

July 3, 2016 By In Scorching Love 1 Comment

Kabanata 10
Alone

He’s silent the whole trip back. Panay naman ang puna ko sa kagandahan ng dagat nang ‘di siya tinitingnan. Ayaw kong ipahalata na naguguluhan ako ngayon. Kung tama ba ang ginawa kong pag-amin o hindi.

Ginawa ko iyon dahil tingin ko’y iyon ang magtatapos ng kahibangang ito. Ngunit tingin ko’y mali dahil sa tensyong nararamdaman ko galing sa kanya. I can sense that he’s uncomfortable with me now. Not that he was ever comfortable…

Una siyang bumaba nang tumigil na ang bangka. Naglahad siya ng kamay kahit na tingin ko’y hindi na kailangan. I can do it. But so he wouldn’t feel the awkwardness, I let him help me.

Nang nakababa na ako ay agad kong kinalas ang kamay ko sa kanya. He didn’t speak so I feel like I need to.

“Thanks. Babalik ako sa hotel para isend sa designer itong mga kuha ko. Are you coming or are you going to put your boat back?” tanong ko.
“Miss President, hindi pa tapos ang duty ko kaya mamaya ko na ibabalik ang bangka…”
“Oh, right! I just thought that’s more important…”

Hindi ko na dinugtungan iyon. Naglakad na ako pabalik ng hotel. I am aware that he’s behind me, too. Gusto ko na lamang lamunin ng buhanging inaapakan. God, it’s probably wrong move after all!

Mabilis ang lakad ko. Binabalewala ko na nga ang mga guests na bumabati ng “Good Morning” sa akin. I don’t know if they’re aware that I own the resort or what but sometimes, I think foreigners are more polite than the locals here so that’s not odd.

Pumasok na ako sa hotel. Dumiretso ako sa elevator. Sibal didn’t come with me anymore. Siguro ay nagpaiwan na siya sa Seaside restaurant o pumuntang locker para magbihis ng kanyang uniporme.

Pagkasarado ng elevator door ay humilig na ako sa dingding at pumikit ng marahan. Literal na sumasakit ang ulo ko sa nangyari! Magbababad na lang ako sa trabaho para makalimutan ko ang lahat!

Hindi na ako nagbihis kahit na maglagkit ang pakiramdam ko. Dumiretso ako sa office at sinaksak na ang memory card sa aking laptop para macopy na iyong mga pictures. Thinking about the content, Sibal’s pictures, made me hate myself.

“Bakit ko pa iyon ginawa?”

Padarag akong humilig sa backrest ng swivelchair. I need to pause for a while to think about it again.

I like Sibal as my bellboy. Yes! That’s it. That should mean that way! Kapag magtatanong si Sibal tungkol sa sinabi ko, iyon na ang sasabihin ko. Hindi ko pwedeng icorrect ang sinabi ko dahil ayaw kong maramdaman niyang bigdeal iyon sa akin. It’s not fucking big deal. if it’s a big deal, I shouldn’t have said that!

I copied the files without looking at the images. Binasa ko na lang ang mga papeles na galing kay Mrs. Agdipa. About the maintenance schedule of the villas, the weekly check ups of the clogged bathrooms, reviews sa Agoda.com, at mga letters from unsatisfied guests.

Hindi ko namalayan na alas onse y media na nga pala. Kalagitnaan ng pagsusulat ko ng reply sa isang guest na hindi nagustuhan ang stay niya, kumalam ang sikmura ko.

Ayaw kong bumaba. Well, hindi dahil ayaw kong makita si Sibal kundi dahil gusto kong tapusin ang sinusulat ko para sa guest. Kinuha ko ang telepono para makapagrequest na lang ng pagkain doon.

“Hello?” sabi ko nang sinagot ng kabilang linya.
“Yes, President Snow, how may I help you?” it’s the usual sweet voice of the front desk.
“Esme, can you please inform the kitchen na ipapahatid ko na lang ang lunch ko rito dahil may tinatapos ako…”

Why do I need to freaking explain, by the way?

“Sige po, I’ll inform Sibal, President Snow…”
“Th-Thanks…”

Oo nga pala. Nakalimutan kong tuwing tumatawag ako ay specific kong sinasabing si Sibal ang maghahatid. Anyone would do as long as my food is delivered. But that would feel like I’m bitter or something!

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng email. I’m gonna give her a one day stay here in The Coast to compensate for her ugly experience. Syempre, ibibigay ko lamang iyon kung tingin ko’y may kasalanan nga ang aming hotel. This time, mayroon.

Hinilot ko ang sentido ko pagkatapos magtipa. Masakit ang batok ko at pakiramdam ko’y sisipunin ako. Ngayon pa talaga?

I massaged the bridge of my nose until I heard a knock. Tumuwid ako sa pagkakaupo, anticipating his arrival.

Nilingon ko ang pintuan. Umilaw ang door handle at bumukas ang pinto. I saw the cart for the food and then the man bringing it.

I saw Omar’s bony face and curly hair holding the tray.

“Your lunch, Miss President…” he smiled.

Nilingon ko ang lamesang pinaglalagyan ni Sibal ng pagkain. Pumasok si Omar at nilapag sa lamesang iyon ang aking pagkain.

Omar smiled shyly at me.

“Enjoy your lunch!” aniya.
“Thanks, Omar…” sabi ko, hindi makagalaw.

Gulat parin ako na iba ang nagdala. Nasaan si Sibal? Nagtatalo na naman ang mga desisyon sa utak ko. Kung magtatanong ba ako kay Omar kung bakit siya ang naghatid o hindi? Syempre, dapat hindi! Basta ba mahatid ang pagkain ko, ayos na! The hell with Sibal!

Nakangisi si Omar sa akin habang unti-unting sinarado ang pintuan. Nang napag-isa ako roon ay huminga ako ng malalim at humilig na lang muli sa backrest ng swivel chair.

Masakit lang siguro talaga ang ulo ko kaya ako naguguluhan ng ganito. Maybe I should eat my lunch properly!

Umalis ako sa aking lamesa at nilapag ang tray ng aking pagkain sa isa pa para doon na kumain. Una kong tinikman ang asparagus soup na halos hindi ko malasahan. Kalagitnaan ng pagkain ay naramdaman ko nang talagang magkakasakit na ako.

Oh damn, it’s because of the trip, I think. Nabasa ako. Natuyo. Mainit. Malamig ang tubig. I should drink medicine. Ayaw kong masanay sa gamot, pwedeng mag water therapy pero dahil may pasok sa Lunes, kailangan kong maging maayos ng mabilisan.

Or maybe this will be gone after taking a hot bath?

Pinakuha ko iyong tray ng pinagkainan ko sa malapit na housekeeper at pumunta na lang sa aking kwarto. I need to rest a bit. Kung magiging maayos ako bukas ay bukas ko na lang tatapusin ang aking mga trabaho!

Naligo ako pagkarating sa kwarto. I turned the aircon off because I feel like it’s too cold even at 28 degrees. Pagkatapos kong maligo ay mas lalo lang yatang sumakit ang ulo ko. Inuubo at sinisipon ako.

May tatapusin pa sana akong trabaho ngunit kailangan ko talagang magpahinga at uminom ng gamot!

Panay ang inom ko ng tubig galing sa aking ref. Halos maubos ko ang isang pitsel doon.

Naka pajama at racerback shirt ako nang humiga sa kama at tinabunan ang katawan ng comforter. It’s still cold. We don’t have a heater here because it’s a tropical country. Mawawala rin ang lamig mamaya.

Pinikit ko ang mga mata ko. Maybe I should take a quick nap but… seriously, Snow, medicine!

Inabot ko ang telepono at nilagay ang receiver sa aking tainga. I blindly dialed the front desk at mabuting iyon din naman ang sumagot.

“Yes, President Snow?” bati niya.
“Can I ask for cough and colds?”
“Saan po ihahatid? Sa inyong opisina o sa kwarto?”
“Sa kwarto, please. Thank you…”
“No problem, President…” maligaya parin ang tono ng front desk.

Binaba ko ang telepono at tinabunan na ng kumot ang mukha nang biglang tumunog ang telepono.

Is this from the front desk? Anong nakalimutan kong bilin?

“Yes.” bati ko…
“Snow? What are you doing?” Tita Marem’s voice made me open my eyes.
“Tita…”
“It’s Saturday, one o’clock in the afternoon and you’re in your room? Tumawag ako sa opisina mo ngunit walang sumagot. You should be working these hours!”
“Tita, I know… Sinisipon ako kaya nagpahinga lang saglit.”
“Sinisipon? Uminom ka ba ng gamot? Mag-isa ka riyan at walang mag-aalaga sa’yo, Snow. Alagaan mo ang sarili mo…”
“Nagpahatid na po ako ng gamot ngayon. Itutulog ko na lang ito ngayon. Why did you call po, by the way?”
“Ah! It’s just about this conference here in Manila. I got invited and I want you to join since it’s going to be a good meet with some of the top hoteliers, Snow. And there will be top engineers and architects there, too. Si Kuya sana kaso nagpapagamot pa kaya I’m inviting you to join.”
“Tita, I need to manage the hotel kaya hindi ako nakasisiguro na maaari kong gawin iyan. But you’re right… that’s a great event! I’ll think about it.”
“Decide today. They will need your RSVP. I can go there to represent you, of course, but it’s different if you met these people first hand…”
“Thanks, Tita Marem. I really appreciate it but I must say na kung wala akong choice, mas mabuti pang ikaw na lang ang dumalo para sa hotel. I will run through the email after this call and reply to tell them that you’ll represent the Coast.”
“But darling, mas maganda kung tayong dalawa ang dumalo.”
“I know, Tita. It’s just difficult now that I’m managing and going to school at the same time.”
“Oh right…” now she sounds upset. “Well then. Magpahinga ka riyan. I’m gonna call you again to check on you. I might pay a visit there this month or next month.”
“Okay, Tita. Thank you very much.”
“Rest well, Snow…”

Pinutol na ni Tita Marem ang linya sa gitna naming dalawa. Binaba ko ulit ang phone at tinabunan ang mukha ko ng kumot.

A trip to Manila… that might be a good thing. But what about school? Tama bang nag-aral pa ako gayong sobrang busy ko bilang presidente nitong kompanya? Hindi kailanman magiging mali ang pag-aaral, I think.

My thoughts drifted to my lunch. And how Omar was sent to give me the food. Who sent him, by the way? Ayaw ba ni Sibal? Hindi ba siya pwede? At bakit dumating dito ang iniisip ko gayong iba naman ang pinag-usapan namin ni Tita Marem.

Snow, hindi ka makakatulog kung ganito kagulo ang isipan mo!

I cleared my thoughts and believe me, it’s almost impossible to knock my brain down. Kung hindi lang knocked out ang katawan ko ay paniguradong hindi ako naidlip.

A warm feeling on my forehead woke me up. Gusto kong dumilat pero gusto ko ring manatiling tulog.

“Hello…” mababang boses ni Sibal ang narinig ko.

Dumilat agad ako at nakita ko siyang nasa telepono at nakatingin sa akin.

“Magrerequest ako ng cold compress at gamot para sa flu o ‘di kaya’y lagnat… At thermometer.” aniya.

Why is he here? Nilingon ko agad ang orasan at nakita kong 2:15pm na! Siya ang naghatid ng gamot? Nakita ko ang mga gamot sa gilid ng telepono. Binaba niya iyong receiver at umupo siya sa gilid ng aking kama.

“Miss President, nilalagnat ka…” aniya.
“Dahil lang ‘to sa sipon… at ubo…” sabay singhot ko at ngiti.

I’m too seek to feel awkward. I don’t care what he thinks this time. ‘Tsaka ko na iyon pagkakaabalahan kung maayos na ako.

He touched my forehead again. His hand is gentle against my skin. Napapikit ako.

“Iinom lang ako ng gamot at matutulog…” sabi ko.
“Maling gamot itong pinakuha mo. Hintayin natin iyong para sa lagnat, Miss President…”
“Okay… Hihintayin ko.”

Alas dos na at pwede na siyang umuwi. Gusto kong punahin iyon pero hindi ko ginawa. He’s merely extending his time so he can wait for the right medicine. Kapag masyado akong nag-iisip, namamali ang mga ideya ko. He’s only doing my every whim because he’s my employee and nothing more. Maybe I’m confusing it!

May kumatok sa aking pintuan. Tumayo agad si Sibal at binuksan iyon. Babae ang kausap niya. Hinuha ko’y si Kristina ang naghatid.

“Salamat…” ani Sibal at bumalik na sa tabi ng kama ko.

Bumangon ako at umupo para makainom ng gamot. Kumuha si Sibal ng isang basong tubig at binuksan niya ang gamot. Umupo siya sa gilid ng kama ko at nilahad niya sa akin ang gamot.

“Thanks…”

Kinuha ko iyon, pati ang baso ng tubig at ininom. Binigay ko pabalik sa kanya ang tubig.

“I just need to rest…”

Kinusot ko ang mata ko at binaon ang sarili sa comforter. Medyo uminit ang pakiramdam ko kaya nilingon ko si Sibal.

“Can you please turn the aircon on? Babaan mo lang para hindi ako masyadong lamigin.”

Tumango siya at kinuha ang remote ng aircon. Tinapat niya iyon sa aircon sa taas at tinalikuran ko na siya.

I seriously need to rest. Sibal will go now, anyway… I don’t live to see that one happen.

Dahil na rin siguro sa sakit ng ulo ko, naging madali ang pagtulog. No thought can ever keep me from sleeping when my body is weak.

Bahagya akong nagising sa kalagitnaan ng tulog dahil sa lamig. Nanginginig ako. Kailangan kong bumangon para patayin ang aircon ngunit narinig ko ang pagkamatay nito kaya bumalik ako sa pagtulog.

Sunod na gising ko ay dahil sa pawis. Pinagpapawisan ang likod at leeg ko kaya marahan akong bumangon.

The glass window on my terrace is open and I can see someone watching the pool while holding the railings. Kinusot ko ang mga mata ko nang nakitang si Sibal iyon. He’s still in his uniform. Madilim na sa labas!

Tumuwid siya sa pagkakatayo at nilingon ako. He got slightly stunned when he saw me awake. Bahagya rin akong na conscious sa mukha ko pero hindi na ako nag-abala. He saw me so weak kanina, ngayon pa ba ako magiging conscious?

“Miss President, dinala ko na ang pagkain mo rito para hindi ka na bumaba…” aniya at pumasok na sa aking kwarto.

Tumango ako at nakita ang isang tray ng pagkain sa lamesa. Kinuha niya iyon at naglagay ng bed tray sa aking harap.

“Gutom ka na ba?” he asked, abala sa paglalagay ng kubyertos doon.

Tinitigan ko siya. Paano kaya kung isa siya sa mga kaibigan ko? Paano kung lumaki siyang mayaman tulad ko? Magugustuhan ko kaya siya? If he remains his way, maybe. And will he like me back? Pinilig ko ang ulo ko.

“Medyo.”
“May thermometer dito. Kukunin ko sana ang temperature mo kanina kaso ayaw kong gisingin ka. Kaya ngayon na lang…” sabi niya.
“Okay…”

Kinuha ko ang kutsara at tinidor para magsimula nang kumain. Again, I’m in the middle of asking him why he’s still here when his duty is over. Ayaw ko lang masira ang pangyayari kaya hindi ko ginagawa.

Wala akong malasahan sa chicken barbecue at cordon bleu na naroon. Hindi sa hindi masarap ang luto. Our restaurants have world class chefs. Wala lang talaga akong panlasa. Ngumiwi ako nang medyo nararamdamang magsusuka.

“Ayaw ko na…” sabi ko sabay tulak sa bed tray.
“Hindi ka gagaling kung hindi ka kakain…” aniya.

Binuksan niya iyong bowl sa gilid. Nakita kong may congee roon. Hinalo niya iyon at nakita ko ang usok galing doon. Mainit pa iyon. Hinipan niya. Napaawang ang bibig ko.

Please, huwag kang maalagang ganito. Fuck!

“I can do it…” halos manginig ang lintik kong boses at hinarangan ko ang kamay niyang maghahatid sana noong kutsara sa aking bibig.

Malamig niya lamang akong tiningnan. Hindi ko mahawakan ang kamay niya. Ayaw niya ring ibigay sa akin ang kutsara.

“Ako na…” malamig niyang sinabi.
“I said I can do it…” pilit ko sabay ambang hahawakan na ang kamay niya.

Niliko niya ang kutsara making its way in front of my lips.

“Just let me, Snow…” aniya sa isang matigas na ingles.

Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang binuksan ang bibig para makakain. I couldn’t even open my damn mouth properly because I’m worried he’s looking at me.

Heat from the soup made me feel better, I admit it. Kumuha pa ulit siya at hinipan niya iyon sa kutsara.

“Mainit ba?”
“It’s bearable…” sagot ko.
Tumango siya at tumitig sa akin. Napatingin ako sa kanya.
“Tapos na?” tanong niya.
Tumango ako dahilan kung bakit nilapit niya sa akin muli ang kutsara. He gently gave me another of it. Ngumuso ako pagkatapos at nag-iwas muli ng tingin.

He doesn’t have to feed me, for Pete’s sake! But then… nagpatuloy siya. Patuloy ko ring tinanggap.

“I’m full…” sabi ko nang nagkalahati sa congee.
“Are you sure? O baka conscious ka lang na tumaba ka?” tanong niyang seryoso.
“I’m sure. I’m not feeling well. It’s not the time to diet!” giit ko.
He nodded. “Mabuti…”

Nilagay ko ang thermometer sa aking kilikili habang hinahanda niya ang gamot ko. Nang tumunog ang thermometer ay naglahad agad siya ng kamay.

Tiningnan ko iyon bago binigay sa kanya. I still have fever. It’s 38.2!

“Inumin mo ito…” aniya sabay bigay sa akin ng gamot.

Tinanggap ko iyon ngunit ayaw niyang ibigay sa akin ang baso. Siya mismo ang nagpainom sa akin ng tubig. Tumulong lamang ako sa paghawak ng baso sa gilid ngunit hindi niya iyon binigay sa akin.

Pagkatapos noon ay inayos niya ang mga gamit sa tray.

“Ibababa ko ang pagkain mo at ito… Magpahinga ka muna…” aniya.
Tumango ako at unti-unting humiga.

Pinagmasdan ko siyang nag-ayos ng gamit. Nang sumulyap siya sa akin ay napagtanto kong mali ang ginagawa ko. I would only inspire awkwardness. Tinalikuran ko siya at mariing pumikit na lamang hanggang sa pinatay niya ang ilaw sa aking kwarto at lumabas na.

Dilat na dilat ako kahit nakahiga. Kahit na inaapoy sa lagnat. Kahit na masakit ang ulo.

He’s going home now for sure. Nag extend lang siya ng ilang oras para maging maayos ako. Don’t overthink, Snow. And besides, he’s your employee. It’s his duty…

Hindi ko na kailangang pilitin ang sarili kong antukin. Nakatulog ako sa pagod sa pag-iisip tungkol sa mga nangyayari. Nagising lamang ako nang nakaramdam muli ng pawis. Mabilis kong hinawi ang kumot ko para makahinga ang aking katawan.

Nagulat ako nang may gumalaw sa gilid ng aking kama.

“Shit…” bulong ko nang narinig ang daing ni Sibal.

Nilingon ko agad ang orasan at kahit madilim ay nakita kong 5:20am na iyon! Madaling araw na ng Sunday?

Umupo ng tuwid si Sibal. Nakatulog yata siya sa pagbabantay sa akin! Ang ulo niya’y nasa gilid ng kama ko kanina at ngayon ay nagising na siya!

Tumayo siya at hinawakan agad ang aking noo. I couldn’t see his expression but my breathing hitched!

“Pinagpapawisan ka na…” his voice husky. “Magbihis ka ng ibang damit.”
“Uh… Oo…”
“Magbihis ka bago matulog muli…”

I don’t think I’ll do that now. Besides the fact that I feel fine, I’m also not sleepu anymore.

Bumangon ako. He opened the lamp beside me. His eyes illuminated by its light gave off another strange color.

“I’ll get another shirt and… I’m off to the bathroom. Hindi na ako matutulog muli. Maayos na ang pakiramdam ko…”

Hinaplos niya ang aking leeg. Naestatwa ako sa ginawa niya. His eyes darkened a bit more with his move. When he removed his hand on my neck, tumindig ang balahibo ko sa batok at may naramdaman akong kawalan at kiliti sa aking tiyan.

“Kukunin ko ang breakfast mo…” aniya.
“Baka nagluluto pa ngayon…” sagot ko. Masyado pa kasing maaga.
“Oo. Hihintayin ko. Huwag ka nang bumaba, ihahatid ko rito pagkatapos. Magbihis ka ng ibang damit. T-shirt. Hindi iyong ganyan…” bagaman normal ang tono ay naramdaman ko ang diin.

Napatingin ako sa aking damit. What’s wrong with my racerback shirt?

“Okay… T-shirt…”
Tumango siya at tinalikuran na ako para makaalis.

Nang nakaalis na siya ay ilang sandali pa bago ako pumanhik patungo sa cabinet para kumuha ng request niyang t-shirt. I feel better so I guess I’ll take a hot shower now.

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

Ilang minuto ako sa bathroom nang may narinig na katok sa aking pintuan. If it’s Sibal, he wouldn’t knock because he has my spare card. It must be another housekeeper or what?

My heart sank at the thought na maaaring pinasa niya sa iba ang trabaho?

Naka t-shirt at maiksing shorts na ako at nagpapatuyo ng buhok nang binuksan ko ang pinto. Si Kuya Viktor, ang isa ko pang body guard at si Katarina ang nakita kong naroon. My eyes widened. Her piercing eyes darted to me as I opened the door.

“President Snow, kaibigan may itatanong lang daw siya…” ani Kuya Viktor.
“Snow, hindi raw kasi umuwi si Sibal kagabi kaya magtatanong sana ako kung nandito ba siya?” she said coldly.

Napaawang ang bibig ko. I don’t know what to say, really. She looks like she’s going to judge me for something or am I overthinking again?

“Off niya ngayon. Hindi iyon nag oovertime. Wala siya kanina noong nangisda sina Jaxon. Ang sabi narito pa raw. Hindi ko siya nakita sa locker o reception ninyo kaya dumiresto na ako rito… Is he here?” she asked in a cold tone.
“Wala siya rito. Maaaring nasa kitchen siya…” marahan kong sinabi, kinakalma ang pusong naghuhuramentado.
“Kat?” si Sibal na kararating lang.

Kasing bilis ng paglingon ko sa kanya ang pagtakbo ni Katarina patungo kay Sibal. She punched Sibal on his chest repeatedly!

“Nakakainis ka! Nag-alala ako!” her voice quievered.

Paulit ulit niyang sinuntok ang dibdib ni Sibal at nakita ko kung paano sinalo ni Sibal ang kamay niya para matigil.

“Sinabi ko kay Papa na hindi ako makakauwi,” Sibal said.
“Nag-alala ako, Sibal! Nag-alala ako!” giit ni Katarina.

Nag-iwas ako ng tingin.

From that time… I realized something… Something I thought I’ve already learned before…

“I’m sorry,” Sibal said.
“Nakakainis ka! Umuwi na tayo!”

Umawang ang bibig ko para pakawalan ang mabigat na hininga. May mga bagay na hindi babagay sa buhay mo.

Ang sabi ko noon, gamay ko na ang damdamin ko. Na madali lang ang lahat ng tungkol doon. Oo, gamay na gamay ko… Gamay ko iyon dahil hindi pa naman talaga kailanman nagrebelde ang damdamin ko sa akin. Ngayon lang. Ngayon lang talaga. Ngayon ko lang naramdamang hindi ko mapasunod ang sarili kong damdamin.

I don’t understand people who think about romantic love so much because I haven’t felt it. And now, I don’t understand myself for thinking about something I find stupid.

“Kuya Viktor, pakikuha po ang pagkain ko at ipasok na lang sa loob…”

Sumunod ang bodyguard sa utos ko. I smiled at Sibal.

It’s time to be the president of my own heart once again. To make it follow even if it’s tearing apart.

“Sibal, umuwi na kayo. Salamat sa paghatid ng pagkain. I really appreciate it…” I smiled. “I’m fine now. It’s your off.”

Nilingon ako ni Katarina. I saw unshed tears in her eyes.

“I’m sorry for the trouble, Katarina. Nagkasakit lang ako kaya hindi siya nakauwi…”

I smiled again.

Fuck.

Kailan pa ako naging ganito? Tumalikod ako at pumasok na sa kwarto. Yumuko ng bahagya si Kuya Viktor bago umalis sa kwarto ko.

“Thank you…” I said and closed my door so I can be alone.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

One Response to Scorching Love – Kabanata 10

  1. Whoa! This blog looks just like my old one! It’s
    on a completely different subject but it
    has pretty much the same page layout and design. Excellent choice of colors!