Sands of Time – Wakas

March 16, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Wakas

Wakas

Tumingala ako at pumikit. The stream covered my lower extremeties with cold water. Tinukod ko ang aking mga siko sa mga ugat ng kahoy at hinayaan ang sariling damhin ang ginhawa na dala ng paligid.

My friends are noisy. Well, I can’t blame them. We all want to have fun.

Dumilat ako para tingnan ang pagbagsak ng iilang babaeng kaibigan malapit sa akin. Sumabay ako sa tawanan ngunit dumaan ang tingin ko sa malayong kakahuyan nang hindi sinasadya. The rays of the sun are like steady rain trying to reach the ground, dotting the dark forest with light. At may gumalaw na nagpapawi sa aking ngiti.

I saw someone behind a far tree. Puting bestida, kulot at maliwanag na buhok, at isang matang maamo na agad nawala para magtago sa likod ng puno. I sighed, I know that young girl.

Nakita kong tumakbo siya palayo. Sumasayaw ang kanyang mahabang buhok at nang napadpad sa mas malaking puno ay muling nagtago.

“Sino ‘yon?” Bethany asked when she noticed the moving leaves behind.

Nakita rin yata nito ang batang babae. Muli akong tumingala at pumikit dahil ang atensyon ng mga kaibigan ko ay nabaling na roon.

“Ah. ‘Yong batang madalas dito…” si Kajik.
“Naninilip na naman?” si Peter.
“Yan ‘yong kasali sa kulto, ‘di ba? Iyong mangkukulam at aswang?” kumpirma ni Bethany.
Sumipol si Trev at humalakhak. “Gandang ganda ako sa batang ‘yon! Lapitan natin, Peter.”

Dumilat ako at mabilis na hinampas ang tubig para mabasa si Trev na nasa gilid lamang ng sapa at hindi dapat maliligo. Napawi ang ngisi niya dahil sa ginawa ko. Tinawanan siya ng mga babae.

“Yuck! Bukod sa bata pa ‘yon, Trev, mangkukulam pa kaya baka mapahamak ka lang!” si Sophia.

Tumawa si Zamiel habang pinapanood ako. Kunot noo akong umahon ng tahimik. Pinalagpas ni Trev ang ginawa ko at hinarap ang panghuhusga ng mga babae. I lifted my body up at mabilis na kinuha ang tuwalya para magpunas sa buhok at katawan.

“Do you seriously still think that those things exist today?” si Zamiel na inaasar na ngayon si Sophia sa mga pinapaniwalaan.
“Oo nga! Ang ganda ganda ng batang ‘yon para sabihing aswang!” si Trev na naghuhubad ng t-shirt dahil sa pagkakabasa.
“Paano mo masasabing hindi ka nga kinukulam ngayon? Baka naman ginagayuma ka na kaya mo ‘yon gusto?”
“Tsss…” iyon lamang ang naging reaksyon ni Trev sa sinabi ni Sophia.
“Shut up, Sophia. Naiinggit ka lang, e. Totoong maganda ang batang iyon. Kapag nagdalaga ‘yon, lalo na, sigurado…” si Peter naman.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Kunot-noo kong pinagmamasdan ang pagtatalo.

“Hindi n’yo ba talaga naririnig ang mga sinasabi ng mga tao? May kulto diyan sa ‘di kalayuan. Nayon na puno ng mga aswang at mangkukulam at kilala n’yo kung sino ang sinasamba nila na patrang Panginoon? Iyong batang iyon! Why do you think you are both drawn to that kid, huh?” si Bethany naman.
“Ask Raoul. Kanilang lupain ito,” natatawang sinabi ni Zamiel. “Totoo bang may kulto rito, Rao?”

Napabaling silang lahat sa akin, all curious if the rumors are true.




“There’s a community beyond the woods,” tanging nasabi ko.
“So, totoo ang kulto?” si Bethany ulit. “Ang mga aswang?”
“Iba lang ang paniniwala nila sa atin, Bethany. They are not harming you so stop thinking about them.”
“Oo nga. Tama si Raoul, Bethany,” dagdag ni Peter.

Alam kong pumapanig siya sa batang iyon pero hindi ko gusto ang paniguradong dahilan niya. I looked at him with sharp eyes and yet he was oblivious with what I was thinking.

“Imposibleng ang magandang bata na ‘yon ay mangkukulam.”
“Oh, Rao’s on the girl’s side. Baka pati ikaw, ginayuma?” Bethany smirked.

Hinaplos niya ang braso ko ng marahan. Alam ko agad kung ano ang gusto niyang marinig pero umiwas ako at nagpunas na lang sa katawan.

“Quit it, Bethany. It’s not funny…” tanging nasabi ko dahil totoo, hindi na nakakatuwa ang lahat ng ito.

The girl looks innocent. No, she is very innocent. Alam ko dahil noong nakausap ko siya, naramdaman ko na walang bahid ng kasamaan sa kanya.

Nakita ko kung paano niya tinanggap na lamang ang pang-aasar ng ibang bata sa kanya. Kung paano siya nagmakaawa na tumigil na sila, nang hindi lumalaban at hindi rin nagagalit. Somehow, I worry for her. Ano ang ginagawa niya sa gubat na ito? Paano siya naging lider ng grupong iyon? Alam niya ba ang ginagawa niya? Totoo ba ang paniniwala nila? At kung hindi’y hindi ba siya makakatakas man lang?

“K-Kaya ko ‘yang gamutin,” she said in a hesitant voice.

I don’t believe the rumors about their religious beliefs. I don’t believe that she’s a witch of some kind, at lalo na ang pagiging aswang niya ‘di umano. Ayaw ko mang makaabala sa kanya, mas lalong ayaw kong isipin niya na tinanggihan ko siya dahil iniisip kong kukulamin niya lang ako.

“Paano? May gamot ka riyan?” tanong ko.

Nilingon ko siya. Nakasunod na siya sa akin patungo sa kamalig. Her scared and guilty eyes told me everything about her thoughts. Nag-aalala siya dahil iniisip niyang siya ang dahilan kung bakit nasugatan ako. I saved her from those mean kids. Ngayon iniisip niyang utang niya sa akin iyon, na kailangan niyang pagbayaran sa kahit anong paraan.

“Uh…”

Sabay kaming napabaling sa mga dahong dala niya. Ni hindi ko namalayan kailan niya iyon pinagpipitas.

I dragged a wooden chair loudly. Naupo ako roon at pinalis ang dugong naramdaman kong tumulo. I don’t want her to think that I’m like the rest of them. Hindi ako naniniwalang masamang tao siya. Lalo na dahil kailanman, wala siyang ginawang masama sa amin.

“Is that herbal?”

Sinundan ko siya ng tingin. Nilatag niya ang dahon sa lamesa. Nanginginig ang kamay niya, halatang kabado. Ngunit nang naglakad bahagya ay para siyang hangin sa sobrang gaan. Her brown curly hair and white dress gently moved with her. At ang concentration niya sa mga dahon ay totoong totoo na ultimo takot niya ay naramdaman ko.

“Uh, n-nabasa ko sa library na epektibo i-ito pang gamot sa sugat.”

Now I see what they are talking about. She’s very pretty for someone as young as her. Walang kapintasan ang kanyang itsura na animo’y diwata na. She’s, not paper white, but fair. Her skin is like milk.

“K-Kuha lang ako ng tubig.”

Ang kanyang kilay ay kakulay ng kanyang buhok. The bridge of her nose were dotted with smooth light brown freckles but they are not very visible especially when she’s away. ‘Tsaka lang kapag ganito ka lapit, ngayong ginagamot niya ang sugat ko.

Her lips are pink, nasa tamang sukat at kumukurba na para bang arko. Her chin is small and cute. Her eyes were almond shaped at mataas at makurba ang pilikmata. Maliit at matangos ang kanyang ilong, nababagay sa kabuuan ng itsura. Minsan, kapag tinititigan mo siya, hindi mo maiisip na bata pa. With her gentle movements and the way she carries herself, she looks like a maiden, older than her age.

Pumikit ako para pigilan ang pag-iisip. Naramdaman ko ang marahang haplos ng kanyang mga daliri habang ginagamot ako. Biglang tumunog ang aking cellphone at kahit paano’y ipinagpasalamat ko iyon.

“Yes.”
“Hello, tol, nandyan ka na?” si Peter.
“Bilisan n’yo na. Ang bagal n’yo…” I chuckled.

Dumilat ako at natanaw muli siya sa aking harapan. Naramdaman ko ang pagkakailang niya sa lapit namin pero nagpatuloy siya sa pag gamot.

“Ang bagal kasi nitong si Sophia, e. Pero malapit na kami.”
“Sige. Bilisan n’yo.”

Binaba ko ang cellphone at ibinigay sa kanya ang buong atensyon ko. She sighed heavily.

“Tanggalin mo. Tingnan mo kung malaki ba ang sugat.”

She nodded. Sinunod niya ang sinabi ko.

“Hindi naman malaki. Tumigil na rin sa pagdugo,” marahan niyang sinabi.

Hinawakan ko ang tinanggal niya. Nakita ko ang bahagyang pamimilog ng kanyang mga mata at ang pagkakagulat sa biglang pagsayad ng kamay ko sa kanya.

“Aayusin ko lang ang mga dahon,” nag-aalinlangan niyang sinabi at mabilis na kiniskis ang mga palad.

Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya.

“Bakit mo hinayaang awayin ka noong mga bata?”
“Ah. Sanay na ako,” she said.

Somehow, it made me furious. Sanay siya?

“Sanay ka na? Hindi magandang rason ‘yan,” seryoso kong sinabi.
“Pasensya nga pala at nadamay ka…” tanging nasabi niya.

I want to talk about how wrong it is to just let other people treat her that way pero mas pinili niyang humingi ng pasensya dahil sa pagkaka “damay” ko? Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ng pagdating ng mga kaibigan.

The sepia colored scene. The woods and the greenish brown leaves on the ground. The rays of the sun. The splash of the water. The barn house. And the girl running away from me, with her long curly hair dancing harshly. Gustong-gusto lumayo at ayaw paawat!

Hindi ko maintindihan ang galit na naramdaman ko. Iyon ang gumising sa akin sa isang umagang mainit. Muntik ko nang makalimutan na nakahiga ako sa hita ni Claudia. Tinanggal ko ang braso kong nakatabon sa aking mga mata at mabilis akong bumangon.

My heart is beating wildly, remnants that dream. At hindi ito ang unang pagkakataon. I’ve been dreaming about that randomly. At ngayon, kahit sa idlip ko rito, napapanaginipan ko na!

“Ayos ka lang?” Claudia asked when she noticed my sudden movement.

Hinawakan ko ang aking batok at bahagyang ginalaw iyon para mas lalong magising. Kaliligo ko lang sa dagat at bumalik ako rito para makapagpahinga. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa kandungan ni Claudia, at iyon pa ang panaginip ko.

“We’re going to the barn house this afternoon, right?” Zamiel said while looking at me.

Naliligo ang iba naming kasama at kaming lima lang ni Bethany, Claudia, Zamiel, at Sophia ang nasa lilim. Nandito kami sa beach ng aming mansyon. Tama man ang gusto ni Zamiel, parang nagbago ang plano ko.

“Sa inyo na lang muna tayo,” sabi ko dahil napapadalas ang panaginip kong ganoon.
“Tsss. I’m bored. That’s my view everyday. I like the barn house better,” si Zamiel.
“Huwag na dun. Tama si Rao, Zamiel. Andun na naman iyong mangkukulam,” sabay tawa ni Bethany.

Patayo na ako nang narinig ko iyon. Bumaling ako sa kanya, galit ang mga mata.

“Stop talking about that girl, Bethany!” banta ko.

Kita ko ang gulat sa kanila. Ngumisi si Bethany.

“Tingnan mo ‘to, nagamot lang, tagapagtanggol na. Baka nagayuma ka, Rao?” she said jokingly.
“I said stop talking about it! Or I’ll throw you out of here!” napigtas ang pasensya ko sa paulit-ulit na sinasabi ni Bethany.
“Whoa! Chill, Raoul! I’m sorry… Okay?” si Bethany.
“Rao, calm down…” ani Claudia sa isang malambing na boses.

Nagtagis ang bagang ko at iniwan na sila roon para makaligo na ulit sa dagat. I want to wash away the anger I’m feeling. Nasisiguro kong hindi lang ito para kay Bethany. Pagkagising ko pa lang kanina sa munting panaginip ay galit na ako. Dinagdagan lang ng mga sinasabi ni Bethany.

“Ayos ka lang?” salubong ni Zamiel sa akin pagkabalik ko sa kanila.
Tumango ako at uminom na lamang ng tubig. Pinanatili ko ang aking tingin sa malawak na dagat ng Costa Leona.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung totoo ba ang usap-usapan o hindi. What is happening to me? Is this really sorcery?

“Pasensya na talaga…” banayad na sinabi ni Mama habang kumakain kaming tatlo sa hapag.

Lately, the crimes in town rose. Ang sabi’y madalas na suspetsado ay kabilang sa kumunidad sa aming lupain. May isang araw na ang limang insidente ng pagnanakaw sa isang araw ay tanging galing sa kumunidad na iyon.

“I still believe that Balthazar will one day stop this nonsense,” si Mama, kinakausap ni Papa.

I don’t have much information about everything but I know that Balthazar Cervantes, the father of that girl, is my mother’s friend. Iyan ang dahilan kung bakit hindi kayang paalisin ni Papa ang mga taong iyon sa lupa namin, bukod pa sa hindi naman namin ginagamit ang parteng iyon.

“I will talk to him one of these days, Hade… We’ll talk to him.”
Tumango si Papa bago bumaling sa akin. “What do you think, son?”

Ganito siya palagi. Palaging gustong marinig ang masasabi ko sa halos lahat ng bagay. Sa negosyo man o sa mga ganitong sitwasyon. Maybe that’s his way of knowing about my ideals in life.

“I think they all just need to be educated. That way, they will later understand that their way of life is outdated. Na pwede silang magtrabaho ng maayos, hindi iyong nakadepende sila sa pananim sa bukid at lupa natin.”
“Do you think we should get rid of them?” he probed.
“Hindi naman natin ginagamit ang lupain sa ngayon kaya ayos lang na naroon sila. I just don’t like it when they cause crimes in town.”
“I know, son,” si Mama. “Bukod pa riyan ay mukhang baluktot din ang paniniwala nila. They give their hard earned things to their god or goddess sa pag iisip na mas pagpapalain sila kapag ganoon. I mean, it’s fine that way, Raj, but if they all resort to stealing and all, mali na iyon. Maling turo na ayos lang magnakaw kung ibibigay naman sa Panginoon!”
“Bakit hindi kayang pigilan ni Balthazar iyon?” tanong ni Papa. “Paano ang lider nila?”
“Their goddess is Balthazar’s child. Iyong batang minsan niya nang dinala rito? They all believe that she can heal and curse people pero ayon sa mga nagpunta na roon at naniniwala, it’s all a fraud. At tanging ang mga walang alam ang nabibiktima.”
“So you’re telling me that the child is making them do all of that?”

I shifted on my seat. Napatingin silang dalawa sa akin. Umiling naman si Mama kay Papa.

“No. The child is innocent. Sunud-sunuran sa ama. I mean, sa murang edad tingin mo may alam siya sa lahat ng ito? Wala, Hade, she’s being manipulated. At sarado ang utak ni Balthazar tuwing pag-uusapan namin ito. Siguro ay tinatamad lang siyang magtrabaho at nakitang pwedeng pagkakitaan ang anak.”

Pinanood ko silang pinag-uusapan ang tungkol doon. Kaya mas lalong hindi natanggal sa isipan ko iyon.

Kaya naman, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pagtatanong sa mga taong maaaring may alam.

Nasa kuwadra ako nang naabutan si Mang Lucio. Matagal na itong nangangalaga sa iilang lupain namin at hindi ako magtataka kung may alam ito sa lahat.

“Kababata ni Felicia si Balthazar, Raoul. At noon pa man, ang alam ko, may gusto ito sa Mama mo,” ani Mang Lucio.

I did not dwell at that much. Lalo na dahil ilang taon na siguro ang lumipas at may anak na silang pareho. Pinanood ako ni Zamiel. He’s crossing his arms, waiting for me to be done so we can leave and go to the barn house. Hindi nga lang ako nag-iisip na matatapos na ito dahil sa dami parin ng tanong ko.

“Si Mama ba, nagkagusto minsan kay Balthazar?” tanong ko kay Mang Lucio.
Tumawa si Mang Lucio at umiling. “Hindi kailanman. Hades was your Mom’s first and only love. Hmm. Speaking of your father, si Solene Villegas din ay may gusto sa Papa mo.”

I shifted my weight. Who is Solene Villegas? Nakita siguro ni Mang Lucio ang tanong sa aking mga mata kaya hindi niya na hinintay na magtanong pa ako.

“Iyong asawa ni Balthazar? Patay na ‘yon pero ang alam ko, mayaman iyon noon sa Iloilo. Nabankrupt lang ang pamilya. Maganda,” Mang Lucia laughed a bit. “And I mean… she’s really pretty. Spanish and chinese blood, halos banyaga tingnan. Mana ang anak na sinasamba ng kulto ngayon.”
“Ano pong nangyari? Nagkagusto rin ba si Papa kay Solene Villegas?”
Umiling muli si Mang Lucio. “Ang gusto lang ni Hades ay si Felicia, Raoul. Nang nakilala ng ama mo, hindi na ulit lumingon sa iba. Kaya kawawa nga iyong si Solene. Siguro…” nagkibit ng balikat si Mang Lucio. “Sa pagsisikap na mapansin, nakilala nito si Balthazar na malapit din kay Felicia… at doon sila nagkatuluyang dalawa.”

I’ve seen Balthazar Cervantes. Hindi ko makita ang resemblance nila ni Soleil, ang anak. He’s very thin, tila kalansay. Siguro ay mana si Soleil sa kanyang Mama?

“Hmm…” nakisali si Zamiel. “Talaga bang Papa niya ‘yon? Hindi sila magkamukha. Sobrang payat ng lalaking iyon, muka nang may sakit o adik. Marumi pa ang itsura palagi…”
“Hm!” Mang Lucio slightly mocked a laugh. “Maganda si Solene Villegas, Zamiel. At isa pa, hindi ko alam ano ang nangyari kay Balthazar pero noong kabataan niyan, magandang lalaki at makisig din. Malinis ang itsura niyan at sobrang layo sa itsura ngayon.”

Ilang sandaling nagtagal ang titig ko kay Mang Lucio. Mariin at seryoso ko siyang tiningnan, pinoproseso ang lahat. My eyes drifted on Zamiel’s curious eyes. Tumuwid ako sa pagkakatayo at iniwas ang tingin sa kanila para makuha na ang aking kabayo.

Kasama ko si Kajik at Zamiel patungo sa kamalig, isang tahimik na hapon. Nag-aasaran ang dalawa habang seryoso kong iniisip ang mga impormasyong nalaman galing kay Mang Lucio.

Drops of water dripped on my hair. Hindi ko na inabala ang sarili sa pagpupunas dahil sa dami ng iniisip ko. Nasa sapa si Zamiel at si Kajik ay tumatawa sa biro sa kapatid. Tulala ako habang nakaupo sa isa sa mga monoblock chair na naroon.

“Tss… Look who’s watching us…” ani Zamiel sa isang natatawang boses.

Nag-angat ako ng tingin kay Zamiel. Mabilis kong nilingon ang madalas niyang pagtaguang puno at doon ko naabutan ang kanyang buhok. Sa gulat ko’y ilang sandali pa ako bago nakatayo.

“You know, I think she likes someone,” si Zamiel ulit.
“Sino naman?” si Kajik.

Sumilip ulit siya at nang nakitang nakatayo na ako ay tumakbo siya pabalik, dala-dala ang isang maliit na puting kambing. Ngumuso ako at sinundan ng tingin ang imahe niyang tumatakbo, madalas pareho sa mga panaginip ko.

“It’s so obvious. That girl likes you, Raoul,” Zamiel said. “Sa paraan ng pakikipag usap niya madalas sa’yo… Sayang, hindi ba, at bata pa.”
Kunot-noo kong nilingon si Zamiel nang nakawala na iyon sa aking tingin.
“Baka type mo ‘yon, Raoul?” biro ni Kajik.
“Shut up. Anong akala mo sakin?” agap ko.
Tumawa si Zamiel sa kapatid. “Gago ka pala! Alam mong pareho naming gusto ‘yong kasing edad lang. Hindi kami gaya mo!”
Nakisali ako sa tawanan bago bumaling ulit sa kakahuyan, kung saan naroon siya kanina.
“Ewan ko sa inyo!” iritadong sinabi ni Kajik sabay balik sa kamalig para siguro sa pagkain.

Tumatawa pa si Zamiel at nang-aasar pa habang tahimik na akong nag-iisip. Bumabalik ang isipan ko sa lahat ng impormasyon.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bahagyang sinubukan ni Zamiel na sumisid. Nang umahon ay umiling sa akin habang sinusundot ang tainga.

“Baka naman totoong nanggagayuma ‘yon, tingin mo?” seryoso niyang sinabi.

Nagtagis ang bagang ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan iyon pero sa huli ay narealize ko kung bakit niya alam.

“You believe that it’s possible?” I asked.

Umahon siya at mabilis na kumuha ng tuwalya sa lamesa. Nanatili ang mga mata ko sa tubig.

“I don’t. Pero bakit ka nagkakaganito para sa babaeng hindi mo naman talaga tipo?”

Huminga ako ng malalim at tumayo na lang. Ayaw ko nang pag-usapan ito. Tinapik ko ang kanyang balikat at iniwan na siya roon.

Maybe, I’m just curious and that’s all. Kaya naman sa dami ng naging interaksyon ko sa batang iyon, nakita ko rin kung paano talaga siya sa nayon, mas lalo kong pinipilit na ilayo ang loob ko. When I’m in Manila, I make sure I’m occupied in all the aspects of my life.

Sports, women, work, school, lahat. Kaya naman.

“Are you sure you want to study the Riegosteel? Pwedeng sa VHRV ka agad, Raoul,” si Papa.
Umiling ako. “I want to try Riegosteel, Pa.”

After passing the board exams, iyon na ang diretso kong pinagkaabalahan. Noong nag-aaral pa kasi ako, sa VHRV ko binuhos ang pagtatrabaho. Doon ako kumita ng pera at doon ko rin natutunan paano talaga ang pinakamababang trabaho sa kompanya. Only during summers, I manage the Riegosteel. Kaya hindi ko masyadong napag-aaralan iyon. Kaya iyon din ang gusto kong pag-aralan ngayon.

Napatuwid ako sa pagkakatayo nang nakita ang pamilyar na imahe sa malayo. I can see Soleil sashaying her way past the barn house, siguro pauwi. Mabilis akong umahon at marahang naglakad para sana sa lamesa.

Tumigil ang masayang paglalakad niya. Bumagal iyon at mas naging pormal. Kumapit siya sa kanyang lumang bag at tipid na ngumiti.

“Magandang hapon,” she greeted.
I nodded. “Afternoon…”

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagbabawal niyang tumitig sa akin. Tumitingin siya gamit ang gilid at kapag nakita ang titig ko’y bumibitiw. Nagpatuloy siya sa paglalakad, parang excited na umalis.

“Did not see you around that much again…” agap ko.

Nilingon niya ako. Bumagal ang kanyang paglalakad.

“Ah… Uhm… Oo nga.”
“Dumalang ang pagbisita mo sa teacher mo?”

Dumiretso ako sa isang upuan. She really looks tensed. Ayaw kong ganito.

“M-Medyo. Uh… Ikaw? Dumalas ka roon?” hindi siya makatingin.
“Ngayong pasko lang. Noong nakaraang summer din,” sabi ko para maalala niyang sinabi ko iyon noon. Iyon nga lang, hindi na ulit siya nagpakita. O baka mali lang lagi ang timing ko.

She nodded. Ramdam ko ang kawalan niya ng sasabihin. Konti na lang at magpapaalam na siya ulit.

“You got busy or you found another way around the forest?” agap ko para humaba ang usapan.
“Uhm… Busy lang.”

Nagkatinginan kami. It’s painful to see how much she wants to go. Para bang naiintimidate ko siya o tinatakot ko siya, pero ayaw niyang makita iyon kaya magsisikap siya na tabunan iyon.

“Uh, d-dito kayo nagpasko?”
“Oo. Magtatagal din ako para sa planta.”

Nauutal siya. Naramdaman ko na huli nang subok niya sa tanong iyon. Aalis na ito kapag hindi pipigilan.

“Galing kang school?” pigil ko.
“O… o…”
“May ibang daanan ka?” I said casually.
“Uh, wala naman. Minsan sa… gubat.”
“Bakit? Ginagabi ka kapag dadaan ka rito?”

Kunot-noo na ako habang iniimagine siya na naglalakad sa gubat. Alam ko ang itsura ng gubat. Maraming naglalakihang ugat at mga puno. Marami ring baboyramo at iba pang hayop.

“Uhmm… Minsan. Kapag… matagal ang dismissal.”

Not to mention some other high school kids making the huge trees their hide out. Noong nakaraan ay may naabutan ako sa gubat, apat na senior high, naninigarilyo at nag-iinuman. Paano kung iyon ang maabutan niya?

Fuck!

“Anong oras ba kayo umuuwi madalas?”
“Uhmm… Three thirty or Four? Pero minsan may school activities kaya…”
“Kapag maaga ka, dito ka na dumaan…” mataman kong sinabi.

Tumawa siya na para bang ‘di seryoso ang pagyaya ko.

“Ah… Minsan naman meron ding naliligaw na baboyramo rito kaya medyo sanay na ako… Noong nakaraan nga meron diyan malapit…”
“Nandito ako kapag hapon kaya hindi mo na dapat iniisip pa ‘yon,” agap ko.
“Uh… Hindi ka uuwi ng Maynila?”
“No. I’ll really stay…”

She smiled genuinely while nodding over and over again. Para akong nabunutan ng tinik, hindi ko alam kung bakit. Natawa siya.

“Dito ka dumaan kapag maaga ka…” I said with conviction.
“Okay…”

Itinuro niya ang daanan patungo sa kanilang nayon. I can’t help but notice how much she changed. Tumangkad siya ng konti. Her body matured but her face looked the same. Only with a different gleam in her eyes from before. Kung noon ay batang bata pa siyang tingnan, ngayon, hindi na. There’s a different feel in her eyes, I couldn’t quite describe it.

“Uh, tutulak na ako. B-Baka gabihin pa ako…”
“Okay. Mag-ingat ka…”

Humakbang ako palapit. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang lapitan pero tumigil din kalaunan. Nilingon niya ako, hindi pa nakakalayo. She smiled awkwardly and pointed at the barn house gently. Ramdam na ramdam ko ang kaba niya na pati ako’y kinakabahan na rin.

“Mag-isa ka?”

Of course, I’m alone. Isang kabayo lang ang nakatali, hindi ba? I’m not with a friend. Or are you thinking that I’m with a… hmm…

“Oo.”
“Uh… delikado kasi… kung… gabihin ka… Pero… kung may darating… ayos lang siguro.”

Umangat ang sulok ng aking labi. I don’t know why I find this funny. Lalo na nang nakita ang pagkakabalisa ng mga mata niya at ang pag-iwas ng tingin kapag nagkakatitigan kami. She blushed profusely. Her movements are so fragile that I’m scared I might intimidate her more.

“Walang darating,” banayad kong sinabi.

Tumango siya at nag-iwas ng tingin.

“Aalis din ako. Hindi na magpapagabi,” I assured her. Kinakabahan ako.

Napawi ang ngiti ko. I have never been this nervous around a girl.

“Buti na lang…” she sighed. “Uuwi na ako.”

Hindi ako natanggal sa kinatatayuan ko kahit pa nawala na siya sa paningin ko. Pagkaraan ng ilang sandali ay nilingon ko ang umaagos na sapa, tempting me to try and dip my body again but… I remember what I told her. Aalis din ako. Hindi na magpapagabi.

Hinagilap ko ang mga gamit ko sa lamesa at umiling sa sarili. This can’t be good. I’m screwed!

I said I have no choice. I need to run the Riegosteel from here and I am bored every afternoon kaya libangan ko ang barn house, at hindi ako uuwi ng Manila. I have no choice, right, I lied to myself.

Kahit na sa totoo lang, sinasadya ko talaga. Naroon talaga ako sa kamalig lagi sa tamang oras. Kahit konting silay lang, ayos na.

She’s not my type, I said. And it’s true. Libangan lang habang nandito ako sa boring na probinsyang ito. Pampatanggal ng alalahanin, talaga ba? Bakit parang mas dumami ang inaalala ko ngayon? Kay simpleng bagay, pinoproblema ko na! Kahit mga nagkakagustong lalaki sa kanya, malaking problema ko na!

She’s not a normal teenage girl, I realized that everytime we talk. Wala siyang kaibigan dahil kilala siya bilang lider ng kulto. Hindi siya mulat sa kasamaan ng mundo at lagi niyang iniisip na lahat ay may kabutihan.

Well, that might be true but sometimes the light in us is swallowed by the darkness. Minsan, mas malakas ang kasamaan sa ating lahat.




“Uh, sorry… N-Naghintay ka raw kina Ma’am Avila. E, hindi ko alam na lalagpas kami…”

Lumangoy ako patungo sa kanya at umahon na. Kumuha ako ng tuwalya.

“It’s okay,” malamig kong sinabi.

Gusto kong makipagkaibigan siya para naman mamulat siya sa mundo. Normal ang lahat ng ginawa niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit simpleng paghalik niya sa kaklase ay hindi ko matanggap.

Today, darkness swallowed the light in me. Hindi talaga ako kasing bait ni Papa. Kung ako siya at alam kong may gusto kay Mama ang lalaking pinapatira nito sa lupain namin, matagal ko nang pinalayas iyon. Gaya ngayon. Gusto kong makipagkaibigan si Soleil, alam kong normal na ligawan siya o kahit halikan man lang, pero ayoko.

Sinubukan niyang lumapit sa akin pero hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa damuhan, sa paanan ng sapa at hinayaan ang paa na mabasa sa tubig.

I should get a hold of myself. Baka matakot ‘to. Baka dahil sa galit ko, iisipin niyang lumayo. Pero hindi ko kaya pang pigilan ang galit ko. Nakita ko lang naman siyang hinalikan iyong manliligaw niya! Tama ba iyon? Hindi niya naman iyon gusto!

Naupo rin siya malayo sa akin. I sighed and did not look at her. Bumaling siya sa akin, sobrang rahan ng bawat galaw. Ibang-iba siya sa kilos ko. My movements are often precise, fast, and strong. She’s always soft, gentle, and hesitant.

“Galit ka?”

Nagtagis ang bagang ko.

“How was your date?”
“Ayos lang naman.”

Ayos, huh? Gusto mo rin?

“Sinagot mo na?” diretso ko.
“Hindi!” naramdaman ko ang pagkakataranta niya.

My mouth twitched. Hindi? Ba’t mo hinalikan?

“Why’d you let him kiss you, then?”

Bumaling ako sa kanya. Kitang kita ko ang kaba niya. Dapat lang. Akala ko ba… tsss…

“Uh… Laro lang naman iyon. ‘Tsaka sa pisngi lang.”
“Tss…” I scoffed.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pisngi lang? Lang? Hindi mo gusto pero nagpapahalik sa pisngi? Kung ganoon, sa crush mo, pwedeng higit pa?

“Hindi niya naman ako pinilit. Naglaro kasi kami ng Truth or Dare. Lahat naman, nakagawa ng pinagawa sa kanila. Dare kasi ang pinili ni Gasper at mahirap kasing tanggihan ang mga kaibigan niya. Sa pisngi lang naman…” paliwanag niya.

My brow shot up. A malicious and leery smile stayed on my lips when I realized what they were playing.

“What was asked of you in that game?”
“Truth…”

I knew it.

“Gusto ko ba raw si… Gasper. Syempre, sabi ko, oo…” dagdag niya.

Well, can you believe it? Alam kong inosente siya kaya kailangan kong pigilan ang galit ko! If she were living a normal life, we won’t go through this! She won’t do that and I won’t get mad at her! I have to face it. Mahihirapan talaga ako dahil sa sitwasyon niya pero hindi ibig sabihin noon na susuko ako! Kahit pa nakakainis na minsan.

Luck. Something that will never come to me. Alam ko, dahil simula pa lang dito, hindi ko na kailanman naramdaman iyon.

Little by little, no matter how much I try to deny it, I fell for a girl years younger than me. Alam kong hindi maganda iyon. That’s a sin in all aspects so I tried hard to keep myself away from her, to remain her friend, and guard her with all that I have.

Doon pa lang, hindi na pumanig ang swerte sa akin. At sunod-sunod pang hindi pumanig ito.

“Rao, nasaan ka?” tanong ni Mang Lucio sa cellphone. “May nangyari. Pumunta ka sa planta, ngayon din!”

That one fateful night, everything crumbled down.

Kung noon, oras lang ang kalaban ko, ngayon dumami pa. And I accepted everything, my fate, my lack of luck, and the darkness that’s consumming me.

My body numbed when I saw my father, lifeless. Ang galit ko, lumagpas pa nang nakita ang ayos ng umiiyak na ina. Binalot ng duguang kumot habang umiiyak sa paanan ng walang buhay kong ama.

“Sino ang gumawa nito?!” galit na sigaw ng kamag-anak.
“Iyong kulto…”

Halos hindi ko na maproseso ang lahat ng sinabi. Maging ang ipinakitang ebidensya, kung paano nilapastangan si Mama. Maraming tao roon pero nang paunlakan ni Mama si Balthazar na pumasok sa opisina ay wala ring nagawa ang lahat. They talked for a while but eventually he started his plans. Ang kanyang mga tauhan sa labas ay pinigilan ang walang kaalam-alam naming tauhan.

Father arrived on time. He fought some of Balthazar’s men. Duguan na pagpasok pa lamang sa opisina at mabilis na sinuntok ang nakapatong kay Mama.

My mother cried but she tried to stand up and run to my father. Para akong pinapatay habang tinitingnan ang lahat. Kayang kaya ni Papa na labanan si Balthazar but the man had a gun. Bago pa makuha ni Papa ang baril sa pinagtaguan ay nauna nang nagpaputok ang lalaki ng ilang beses bago ito tumakbo paalis.

Umapaw ang galit ko. My first instinct was to kill every last one of those ungrateful bastards!

Pinatira at hinayaan sila ni Mama sa lupain namin at ganito ang ginawa nila? Nilapitan ko ang duguang katawan ni Papa. The hard expression was etched on his face reminding me of how angry he was before he died.

“Hade… Please, gumising ka! Please, ako na lang… Mahal na mahal kita…” my mother cried hysterically.

Without warning, my tears fell. My father is an honorable man. Wala siyang kalaban at laging iniisip ang kapakanan ng ibang tao! Hindi ko maiisip na may gagawa sa kanya ng ganito! Mas kaya ko pang isipin na ako ang gawan ng ganito!

And my mother… my beloved mother was violated painfully.

“Hindi ko kaya, Hade. Huwag mo ‘kong iwan, p-please… Hindi ko kakayanin…” bigong bigo na iyak ni Mama.

“Raoul! Ano? Sasama ka? Pupuntahan namin ang nayon na ‘yan!” anyaya ng ilang tauhan, galit sila, kitang kita iyon. Pero ako, wala yatang paglalagyan ang matinding galit ko ngayon.

My anger sees no justice or fairness. I don’t care about the right way of dealing this, the only thing I care about is revenge! To get back at them! To kill back! To torment them more than how they tormented my family!

“Paalisin ninyo ang lahat sa kultong iyon,” Tito Achilles commanded.

Hindi ako gumalaw dahil higit pa ang gusto kong gawin doon.

“Sunugin ang kabahayan. Patayin ang makita,” dagdag ng mga tauhan.

I watched everything slowly actualized. Nangabayo kami patungo sa bayan, may dalang sulo para masunog iyon. May dalang baril para patayin ang lahat ng naroon.

Pero habang palapit kami, nakita ko na ang isa sa mga kubong nasusunog. Lahat ng tao, nasa labas na, nagyayakapan at tinitingnan ang bahay na nasusunog. Walang pag-aalinlangang tinapat ng mga tauhan namin ang mga sulo sa iba pang bahay.

I maneuvered my horse to stop. I saw my relatives pointing the gun at one of the oldest female member. Tito Achilles was holding his gun a bit far from them pero alam ko ang kakayahan niya, kahit gabi at malayo, kaya niyang asintahin ang kahit ano.

The large orange fire filled my eyes. Ang baril na hawak ko ay gusto ko na ring itutok sa mga taong naroon. Umaatras at nag-iiyakan ang mga matatanda, babae, mga bata, habang tinutulak sila ng baril sa iisang banda. Their defeaning cry did not touch my heart at all. The anger was too much na kahit ang iyakan at pagkakasunog ng kabahayan ay maliit na bagay lang para sa akin.

“Wala po kaming alam! Ang sabi lang po sa amin sugo ng diwata ang lahat. Naniniwala po kami kaya hinayaan namin ang lahat-”
“Tumahimik ka! Nasaan si Balthazar at ang mga lalaki rito!?” sigaw ni Mang Lucio.
“M-Maglalakbay raw sila-”
“Sino ang tinutukoy na diwata?” tanong ni Achilles.
“N-Nasa eskwelahan p-po…”

Parang may humawak sa aking puso. Mabilis kong naibaba ang baril ko. For a few moments of anger, I forgot something.

“Ang putang inang ‘yan. Paano naging tama ang pagpatay, huh?!” a relative pointed a gun at the woman who answered us.
“Akala po namin-”
“Kahit ang mga pinaka bobong tao, alam na hindi magandang pumatay! That’s a fucking basic thing! Pero naniniwala parin kayo na tama iyon dahil lang utos ng putang inang diwata ninyo?!”

I looked at them all mercilessly. The anger swallowed whatever sympathy I should have right now.

Nag-iyakan pa sila lalo.

“Pietro…” banta ni Tito Achilles.
“Papatayin namin ang sinasamba ninyong diwata at tingnan natin kung sino sa inyo ang sasalangit!” sigaw ng isa ko pang kamag-anak.

Papatayin.

Si Leil.

“Put your guns down. These are women, old people, and children. Their men are not here. Gustuhin man nating gumanti, tanggapin nating maling mga tao ang pagbabalingan nating lahat,” si Tito Achilles.
“At sino ang pagbabalingan natin? Puntahan na natin ang diwata nila, Achilles!”

Wala akong masabi. I feel like everything is falling apart for me that I no longer have the power to decide properly.

My father is died. He was murdered! My mother was defied.

Unti-unti kong inangat ang baril ko, itinutok sa mga taong naroon. Nag-iyakan sila nang nakita nag pagtutok ko. Nagyakapan, nanginginig at iniilawan ng lumalaking apoy ng kanilang mga bahay.

I cocked the gun.

“Raoul!” Pietro called with a shaking voice.

Sa galit ko, kayang kaya ko itong iputok. Kayang kaya kong pumatay.

“Huwag natin silang pagbalingan! Ang mabuti pa, hanapin natin ang lider nila. Iyon dapat ang hinuhuli dahil iyon ang nag-utos!”

For a few moments, I thought I could do it. I can certainly pull the trigger. Lalo na tuwing iniisip ko si Balthazar. Ang video na nakita ko. Ang iyak ng Mama. Ang duguang si Papa. Lahat.

Binalik ko sa dating ayos ang baril at mabilis kong binaba iyon. The anger was too much that if they all defied me, I’d shoot them all.

“Umalis kayong lahat sa lupa namin! Bilisan n’yo at kapag nahabol namin kayo, papatayin ko kayong lahat!” sabi ko sa sobrang galit.

Nagkukumahog at nag-uunahang tumakbo ang mga tao patungo sa gubat, mas malalim pa at palayo sa Costa Leona. Mabilis ang hininga ko habang yumuyuko at hinaharap ang nasusunog na nayon. Pinanood namin ang mabilis nilang pag-alis habang tahimik kaming nanatili roon.

I directed my horse back to the woods, sa side patungo sa Riegosteel, takot na baka bumalik ang mga iyon doon. Sumunod ang mga tauhan sa akin at muli naming binalikan ang planta.

Habang nangangabayo ay panay ang usapan nila na pupunta ng eskwelahan kung saan marahil ang diwata. Bumalik kami ulit sa nayon nang narinig na sa eskwelahan ang tungo ng mga hayop na kulto.

Doon sana kami dadaan kung hindi ko lang nakita…

The poor and lonely goat is standing near the largest burning house of the village. Wala sa sarili kong tiningnan ang kambing habang tinututukan ng baril ng mga kasama ko. Nagpatuloy sila sa pagtatalo. Walang bumabaril, naghihintay sa sasabihin ko.

“Tangina nila. Hindi dapat binabaril agad! Dapat doon, pahirapan pa! Unti-unting putulin ang mga daliri!”
“I’ll take her eyes out first!”
“Babalatan ko ang putang ‘yan!”
“Gagawin kong alipin ‘yang putang diwatang ‘yan!”
“Maganda ba at papahirapan ko muna, tingnan natin kung totoo bang may kapangyarihan,” sabi ng isa sa mga tauhan namin sa galit.

Alam kong pareho kaming galit. Galit na galit din ako. But I can’t seem to associate my sweet and innocent Soleil. I can’t seem to understand how is this related to her.

Inangat ko ang baril ko at itinutok sa tauhang pinakabastos. Pagilid kong itinutok iyon sa sobrang panggigigil. Mabilis na inilag ni Tito Achilles iyon at pumutok sa kawalan.

Pinahanap ko siya pagkatapos ng gabing iyon, hindi para makita siya ulit pero para magkaroon ng impormasyon. In my search for justice, I need her. It was her father who killed my father, after all. At tuwing naiisip ko iyon, nagdidilim ako sa galit.

Ako ang tumayo para sa aking pamilya. With my mother grieving so much, needing the emotional attention, I feel like I could not get past everything.

Alam ko kung nasaan si Leil. Alam kong kayang kaya ko siyang puntahan at dalhin sa Costa Leona para masagot ang mga tanong pero alam ko rin, na gaya ng sabi ng mga Avila, wala siyang alam sa lahat. The Avilas refused to tell Soleil’s whereabout, though, I don’t need information from them because I know where she is.

Nakatakas ang kanyang ama at ilang taon naming pinaghahanap. We manage to track his number but failing miserably when he’s on the mountainous part of the regions, kung saan hindi na matatrack.

“Do you communicate with your father?” tanong ko pagkatapos ng ilang taon, at sa muling pagkikita naming dalawa.

Her physical appearance changed. Nanatili at mas lalong gumanda ang maamong mukha at ang katawan ay hindi na sa isang dalaga ngayon. She looked like a full grown women even when she’s still in college.

“Hindi…”
“Give me your phone,” I commanded and she obeyed.

The first time we saw each other again, I knew what was gonna happen eventually. I know I could never fool myself again. She’s innocent. Hindi niya pwedeng pagbayaran ang kasalanan ng ama. At mas lalong hindi ko pwedeng pagbayaran iyon sa pamamagitan ng pagpipigil.

Radleigh pushed me with all his force in the office. Kakameeting lang at nalaman niya ang lahat dahil sinabi ni Tito Ares iyon. I accepted their decision. And I will face the consequences…

“I can’t believe you!” he growled angrily.

Hinayaan ko siyang itulak ako. Inayos ko ang damit at mataman siyang tiningnan.

“She’s innocent, Rai-”
“Oh, yeah! We both know that! Pero paano ang Mama mo? Hindi mo ba inisip si Tita Felicia? After all those years of trying to make it all okay again, you’ll ruin it through this?”

Hinilot ko ang sentido ko. Humilig ako sa aking lamesa at nilingon na lang ang lalagyanan ng alak. I poured some on a glass to calm my nerves.

Alam kong mangyayari ito. Haharapin ko. Tatanggapin ko na kasalanan ko. Tatanggapin ko ang lahat ng sisi.

“Tinanggal sa’yo ang mga kompanya pero alam kong ipagpapatuloy mo ‘to, Raoul!”
Natawa ako roon bago matalim na bumaling sa pinsan. I know he’s basing this on experience.
“Fuck you, man! Sa dami ng babae mo, sa kanya ka pa talaga…” Pumikit siya ng mariin, kasing frustrated ko sa lahat ng nangyayari.
“If only there’s a way to separate her from those people, Rad…” bigo kong sinabi habang pinaglalaruan ang alak.

“Engineer Riego, sorry to disturb you but your mother wants to see you,” sabi ng intercomm.

Nagkatinginan kami ni Radleigh. He eyed me seriously before leaving the office. At nang umalis siya’y alam ko na kung ano ang kahihinatnan nito.

I tried to kiss my mother’s forehead, gaya ng dati, pero iniwas niya iyon. Tumikhim ako at pinanatili ang mga mata sa baso. Isang lagapak ang narinig at naramdaman ko sa aking pisngi. Napapikit ako at nanatili sa kabilang direksyon, hindi makabawi sa sakit.

“How dare you do this, Raoul!” ani Mama.

Suminghap na lamang ako at tumuwid sa pagkakatayo. Inangat ko ang tingin sa kanya.

I don’t want to hurt my mother. I don’t want her to remember it all. I don’t want her to go through that pain again but everytime I see Soleil, para akong natutunaw. Nahihirapan ako pero gusto kong umasa na maaayos ito.

It’s cruel and selfish. I can just waste this life. Just be unhappy until the end, enjoy it while it lasts, and just go through it all. Pero tuwing nakikita ko talaga si Soleil, parang kaharap ko ang lahat lahat na makakapagpakontento sa akin, pero hindi ko maabot.

“Please tell me you are just using that girl for information!” umiiyak na sinabi ni Mama.

Ngayon ang dating niya galing Costa Leona. Narinig niya ang desisyon ni Tito Ares. Matagal niya na ring naririnig ang tungkol sa akin at kay Leil pero ngayon niya lang tuluyang napatunayan. I tried to tell her before pero nagalit siya at umasa na titigil ako. Ngayon, nalaman niyang ipinagpatuloy ko ang lahat.

“She’s not like her father,” maliit ang boses ko nang sinabi ko iyon.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin, Raj?” sigaw ni Mama.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya. Umaatras siya, gulat at hindi makapaniwala sa naririnig galing sa akin.

“You don’t care for me at all! Hindi mo ba naiisip na mahirap sa’kin ‘to?”

My heart twisted painfully at that. Alam kong mahirap kay Mama. Mahirap din ito sa akin. Mahirap tanggapin dahil parehong importanteng mga tao ang naaapektuhan pero… paano?

“Then what do I do? Leave her?” napapaos kong sinabi.

Hindi iyon tanong na kayang sagutin nino man, para sa akin.

“Oo! Oo, Raoul!” she said hysterically. “If you really care for your mother, you’ve done it a long time ago!”

Kunot-noo akong tumingala at pumikit. I seriously don’t know what to fucking do. I don’t want to hurt my mother, but I don’t want to leave Soleil, too. Dumilat ako at pinagmasdan ang umiiyak kong ina.

Nilapitan ko siya at marahang niyakap. Umiyak siya habang ginagawa ko iyon.

“I’m sorry, son. I still mourn for your father. I cannot forgive them.”

I let her pour all her pain to me. Hinayaan ko siya sa lahat lahat dahil hindi ko kayang makita ang Mama ko na ganito.

Pero… paano ako? Sino ang makikinig sa akin? Who will hear my pain and soothe me?

“Hello, h-how’s your day?” Soleil’s voice echoed after a long day.

Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya lahat ng problema ko para lang makalma niya ang aking puso. Her voice can hold and tame my soul. Effortlessly.

“Fine. How ‘bout my baby?” sabi ko.
“Hmm. Ayos lang din. Boring. Kanina nanood kami ng sine ni Cresia. Lalabas pa sana kami para mag Starbucks pero tumawag na si Prince at pinapauwi na ako.”
I sighed, feeling sad for her. If only I can hold her and keep her with me she’d be more free. “Maybe next time you can go out earlier so you can spend more time with Cresia?”
“Oo nga. Try namin next time, umaga manood ng sine.” Humalakhak siya.

I feel at peace. One laugh again, please, baby.

“R-Raj…” malambing niyang sinabi.
“Yes, baby?”
“Ayos ka lang ba?”

Natigilan ako roon. How does this girl know that something is bothering me? I unbuttoned my white longsleeves at pinagmasdan ang kalakhan ng nagtatayugang skyscraper, nangangarap maabot ang langit. I smiled.

“No,” sabi ko.

Pero ayos na ako ngayon. Ayos na ako.

“Anong nangyari? Mag video call tayo. Nag-aalala ako sa’yo.”
“I’m not fine because I terribly miss you.”
“I miss you, too. Please, anong problema?”
“Let’s video call, okay? I wanna see you.”

It’s not hard to tell how ruined I was when she chose to leave me. Ang sabi niya, may mahal siyang iba. Hindi ako naniniwala pero ano pa nga ba ang pwedeng dahilan nun? Imposibleng malaman niya ang tungkol sa problema ko! My family is very private. They wouldn’t tell anyone whatever is going on with us. Kaya kung iyon ang dahilan niya, paano niya nalaman?

They say time heals everything. I hoped for that. I hoped that maybe in time, it will all be okay.

“Trying to see her again, huh?” Zamiel said while we were in a bar one night.

Nakita niya siguro kung sino ang katext ko. Soleil and I broke up but I still have my eyes with her. Umiling ako kay Zamiel.

“Nakikibalita lang, baka lang may lead.”
Tumawa si Zamiel sa sagot ko. Sumimsim na lang ako sa iniinom na alak.
“Ilang taon ka nang nakikibalita, ah? Sana mahuli mo na ang kriminal na ‘yon. I’d like to see you make excuses for all your stalking.”
“Shut up, Zamiel. Huwag kang magmalinis.”

I spend the next years developing the company and strengthening its weak areas. Nakamit ko na yata ang lahat at naging mabilis ang pag-angat ko. Maybe because I have nothing to think about but work… and a just a little bit of…

“Raj,” tawag ni Mama pagkapasok sa opisina ko.

Nilipat ko ang tingin sa kanya galing sa computer. Kagagaling ko lang sa isang malaking meeting at gaya ng dati nakuha ko rin ang lahat ng pinakamagandang deal.

“Congratulations! I heard what happened in the meeting,” aniya.
Ngumiti ako at tumango na lang kay Mama. “Thank you, Ma.”

Lumapit siya sa aking lamesa at dinungaw ang aking computer. Nagkatinginan kami dahil hindi niya naman ito madalas ginagawa.

“You know that Radleigh’s getting married, right? To Zariyah Leviste.”
Tumango ako.
“Sinong mag-aakala na silang dalawa parin talaga sa huli? After a broken engagement!” tumawa si Mama.
“Well, Rad was ready to marry that time. Let’s just say, nadelay lang ng konti…” I said lightly.

Ilang sandaling katahimikan ay muli siyang lumapit sa akin. My mother is stunning even in her fifties. She’s fashionable and elegant. Nang namatay si Papa, sobrang dami ng manliligaw niya. But she was mourning and I don’t really think she’ll love again. Father is her one and only great love. Nothing can ever beat a Riego, huh?

“Hmmm. Ikaw kaya, kailan?”
Tumawa lang ako. “I have no prospects.”

I lied. Well. Though, it’s true. She’s just out there in Iloilo, trying to live her life without me. Habang ako’y nakikibalita pa para lang makausad araw-araw. How funny.

“How about Avery? I heard you went out with her for dinner?”

Huminga ako ng malalim.

“Matagal ka nang crush non, sabi ng Mommy niya. And… no boyfriend since birth!”
“I’ll think about it, Ma…” sabu ko at nilingon muli ang computer.
“How about Claudia? You once had a thing, right?”

Mataman kong tinitigan si Mama. She smirked guiltily. Ngumiti na lang ako pabalik.

“Not interested-”
“But… you can date her?”

Pagod ko siyang binalingan ulit. Hindi iyon ang huling pagkakataon na may nilakad siya sa akin. She once invited Venice Chua in our Forbes house on a Sunday just so we could both “talk” and “date”. Pagkatapos noon, nagkita ulit kami ni Venice sa iilang party kaya lumago ang usap-usapan na kami.

Damn it! Hindi pa naman naririnig ni Soleil sa Iloilo. Thank God she’s far from this stupid social life. Full of intrigues and speculations of my cheating just because I was seen, yet again, with another random pretty girl in a party.

I hope nothing will reach her, please. Naiisip ko pa lang ang mga iisipin niya, nagwawala na ako!

“Raj…” si Mama ulit sa opisina pagkatapos ng ilan pang attempt na ireto ako sa kung sinu-sino.
“Hmm?” I said with no interest.
“I want a grandchild… Dalawa o tatlo o kahit ilan. Pero hindi pwedeng isa lang…”

Napatingin ako kay Mama. Malungkot akong ngumiti sa kanya. I know she’s lonely. Laging iniimbita si Sibal at Snow sa mansyon dahil gusto niya mag-alaga ng apo at sa amin lahat, si Sibal pa lang… well… yata? ang mayroong anak.

“For sure Zariyah’s pregnant-”
“Magpapakasal pa nga lang, e. I don’t know why the delay again but I’m sure-”
“I’m sure she’s pregnant. Riego pa…” I said nonchalantly.
“Hmm. Don’t tell me makakabuntis ka? Hindi magpapakasal? Raj, please get married first?” she said, smiling.

Natahimik na lang ako at ibinaling ang mga mata sa trabaho. May iilan akong pinirmahan pero nanatili si Mama sa harap ko.

“Your thirty. You can’t stay like this forever. Malulungkot ka lang!” nag-aalala niyang sinabi.
“Don’t worry about me, Mama,” sabay tayo ko at halik sa kanyang noo.

Nagpaalam ako dahil may meeting ako sa hapon. But that was not the last day for it. She tried again on a Sunday, bago pa dumating sina Tito Ares sa baya namin sa Forbes, para sa Brunch namin tuwing Linggo.

“Raj…” she called again while I’m sipping on my coffee.
“Hmm?”

Nilingon ko si Mama. She smiled sadly at me.

“No girl for this brunch, too? Pupunta si Zari ngayon. Isasama ni Rad.”

Tumawa lamang ako at ibinalik ang tingin sa malawak na hardin. She sighed heavily after a long silence. Sumimsim muli ako sa aking kape.

“Nasaan ba siya ngayon?” medyo pumormal ang boses ni Mama.
“Hmm?” Bumagsak ang tingin ko sa aking kape.

I know who she’s talking about but it’s almost impossible.

“Nakapagtapos ba?”

Sa gulat ko’y bumaling ako kay Mama. Ngayon siya naman ang nakatingin sa hardin, hindi makabaling sa akin.

“Sa Iloilo, hindi ba? Nakapagtapos ba siya ng college? Nagtatrabaho na?” sunod-sunod niyang tanong sabay malamyos na tingin sa akin.

I smiled bitterly at that.

“Don’t try too hard. I know you don’t like her…” tanging nasabi ko.
“Ayaw kong sayangin mo ang buhay mo ng ganito. If only there’s a way for you to like someone else-”

I gritted my teeth at that. I don’t like it when we talk about this.

“I can manage, Mama. Huwag mo nang isipin pa ito. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo-”
“But, Raj… what if-”
“I don’t want to talk about this…” sabay iling ko.

KItang-kita ko ang takot sa mukha ni Mama pero nagsisikap siyang subukan ulit.

“Baka naman-”
“I don’t want any more of this! Please?” sabi ko dahil ayaw kong masaktan pa siya.

I’m still so in love with Leil. I’m still down with her. I can imagine my future with her, at siya lang talaga. Hirap ako pero gusto kong mangyari ‘to balang araw.

Time can heal. I wish for it to fall faster para malaman ko kung maaayos ba ito. Kung tatanggapin niya ba ulit ako. Kung susugal pa ba siya kahit na ganito ang sitwasyon ko? Cuz frankly, she can just be with another man and have an easy relationship! Dahil ako? Mahihirapan siya!

It makes me so damn insecure to know that she can have a better relationship with someone else! I feel so lost everytime I think about it!

I want to assure her that I will protect her with all of me. Na kapag nahuli namin ang Papa niya, mas magiging maayos na sa amin ang lahat. I want to assure her that I will die protecting her from pain! Pero alam ko, kilala ko siya, she can’t bear to hurt someone else. She’d rather hurt than see my mother hurt… She can leave me just so she can see others happy.

Pero paano kaya ako? Kung nakita niya bang miserable ako, babalikan niya ako? Kung makikita niyang nahihirapan ako, sapat ba iyon para mahalin niya ako? Sapat ba iyon para ako naman ang isipin niya?

Fuck!

“Raj, I-I heard that she’s under the Ledesmas of Iloilo, is that true?” muling pagtatangka ni Mama, isang hapon sa aking opisina.

Pagod kong ibinaling ang buong atensyon ko sa kanya. She smiled bitterly.

“Why you were in Iloilo just this morning, right?”
Bumuntong-hininga ako at hindi na sinagot pa ang aking Mama.
“Kailan ka babalik ng Iloilo? Bukas? Next week?”
“Wala pa akong plano.” Umiling ako para mas lalong dagdagan.
“H-Huh? Bakit? What happened?”

I looked at her again. She looks scared and worried at the same time. Buong atensyon ang ibinigay niya sa akin na para bang may problema siyang aabangan.

“She found someone else?” she asked, a bit shocked.
Tumitig lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang nakumpirma niya na tama siya dahil sa pagwawalang kibo ko.
“S-Sino? Did y-you see it with your own eyes? O-Or she just told you-”
“Wala na kami, Mama. Matagal na. Ilang taon na ang lumipas, ‘di ba?” tanging nasabi ko.
“I-I know… but…” kumunot ang noo niya at nag-iisip siya. “You still communicate with her, right? For h-her father, at least?”

Nagulat ako dahil diretso niya iyong nasabi nang hindi naiisip kung sino ang pinag-uusapan.

“Hindi ba nangangalap ka ng impormasyon sa kanyang ama? From her?”
“Hanggang doon lang ‘yon,” sabi ko ulit.
Bahagya siyang natawa, kilala ako ng aking ina. “Raj… Ano? Totoo ba?” concern na concern ang tinig niya. “May iba bang gusto ‘yong babae? Bakit ‘di mo na bibisitahin sa Iloilo?”

Ngumuso ako at tinitigan si Mama. Is she serious? Is she concerned?

“Because she’s already here in Manila.”

Nawala ang concern sa mukha ni Mama. Napalitan iyon ng iritasyon para sa akin.

“Ugh! Well, then! I know what you’ll do. Uuwi muna ako ng Costa Leona. Will be back soon!” anunsyo niya sa akin.

Pinagmasdan ko siya at naisip na masyado niyang pinipilit na maging maayos ito para sa akin. While I’m trying to make it all okay for her, she’s doing her best to make it fine for me, too. I know that she’s slightly changed her stand about this pero alam ko rin na sinusubukan niya pa lang. Na nahihirapan parin siya. Whatever I do, I can’t just be reckless.

Isa sa aking pagkakamali ay ang hayaan si Soleil sa mansyon pagkatapos kong maipahuli ang kanyang Papa. The situation triggered my mother’s emotions that maybe seeing Soleil in front of her made her lose control.

“R-Raj, I-I’m sorry…” agap ni Mama pagkadating ko sa mansyon.

Wala ni isang nagsabi sa akin na umalis si Soleil na mag-isa. Walang nangahas na kasambahay na magbalita sa akin noon. Radleigh, Vincent, and Sibal were not there anymore. Zari tried to calm me down but I couldn’t think straight.

“U-Umalis siya-”
“Pinaalis mo siya?” I said harshly when I realized what is happening.
“Raoul!” agap ni Tito Ares.

Kinagat ko ang labi ko at ginulo ko ang aking buhok.

The moment when I was about to pull the trigger and kill her father, I realized how much I’ve changed because of her… and over time. She cried but she never stopped me from killing her father. She mourned but she never blamed me for it. She’s hurt but she will still love me the same.

Hindi niya na kailangan ng mahabang panahon para matanggap iyon. She was pure a long time ago and it did not change one bit today. She’s the light in my cold dark nights. Her light made all the darkness in me fade away. Her love enveloped my cold, hard soul with an unending warmth. She is the very reason why I put that gun down and let the law of men take care of it all. She is the reason why the darkness in me subside, after years of living in it.

At kung mawawala siya sa akin ngayon, hindi ko na alam kung masasalba pa ba ako.

“I-I was…” sinubukan ni Mama na mag paliwanag.

And like what Soleil would probably want me to do, I hugged my mother tight.

“I’m sorry… Alam kong nasasaktan ka pa rin. I’m sorry, Ma…” my voice broke.
She cried and nodded.

Binitiwan ko si Mama. I bowed painfully and slowly turned away from her.

“Raj, saan ka p-pupunta?” tawag niya sa nag-aalalang boses.

Tears formed in my eyes. Bumaling ako sa pinakamamahal kong ina. Ang pagod at sakit ay hindi ko na maitago.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na kailangang ipaliwanag o sabihin sa kanya kung saan ako pupunta. Alam kong alam niya kung saan ako pupunta. Kung sino ang pupuntahan ko.

“B-Baka babalik d-din ‘yon, dito…”
Mapait akong umiling. “Kung pinaalis mo, baka kahit sa’kin, Ma, ‘di na ‘yon bumalik…”

Tinalikuran ko sila at dumiretso na ako sa labas. Hinabol ako ni Zari at sinigawan ng bilin.

“Hina hanap na nina Radleigh, Sibal, at Vince! Tawagan mo, Raj!” she called.

Hindi na ako nag-alinlangan pa. Ginawa ko ang lahat na pwedeng gawin, mahanap lang siya. I love my mother, but I love Soleil, so much, too. Loving my family doesn’t mean unloving Leil. And loving Soleil does not make my love for my family invalid.

Sadyang ganito lang ang sitwasyon ko. Sadyang mahal ko lang talaga si Soleil na kahit alam kong mahihirapan ako, hindi ko parin siya kayang pakawalan.

I’ve waited for her for years. I pushed back my feelings for years, just because of so many reasons. I supressed everything for years even when I know I’d never be the same again without her. Alam kong aabot din ako sa puntong ito. Aabot ako sa panahong hindi ko na siya kayang pakawalan pa. Dahil kung pakakawalan ko pa siya, parang pinakawalan ko na rin ang buhay na ‘to.

She looked at the slowly burning city lights nervously. Kadarating lang namin sa Manila. Tumulak kami noong isang araw sa Papa niya. Hindi man ito matino na kausap ay nakita ko kung paano sinabi ni Soleil lahat ng gusto niyang sabihin. I saw how she felt lighter after that. And she saw me light up after talking to my mother about getting married with her.

“Iyong mga damit ko?” she said slowly.

Galing sa likod ay niyakap ko siya. I can claim her small waist easily. She moved closer to me nang hinila ko pa siya sa akin.

“Bibili na lang tayo ng bago.”
“Hindi naman ako matutulog sa condo ko, Raj. Bibisita lang tayo para kunin ang ibang gamit. Sayang naman. Sayang ang damit ko. Ang TV ni Cresia…”
“Hmm. Fine. But if you try to trick me again at pauuwiin mo akong mag-isa rito, bibilhin ko ang unit na ‘yon at papalayasin kita roon.”

Ngumuso siya, medyo galit sa banta ko. Ilang beses niya kasing sinabi sa akin na hindi siya pwedeng tumira rito sa akin. Sinusubukan niyang kumawala. Now, I’m kind of guilty thinking about her looking like a sad kitten thrown out by her master. At syempre, ako parin ang kukuha sa kanya at magdadala sa kanya rito.

“Hmp! Eh, kababalik lang natin sa isa’t-isa, gusto mo na akong tumira rito.”
“We’ll get married, anyway. Dagdag gastos lang ‘yang condo mo, Leil.”
Mas lalo siyang ngumuso. “Ikaw magbayad?”

Ngumisi ako at hinalikan siya sa leeg. Nakita ko ang pagpikit niya sa simpleng lapat lang ng labi ko roon.

“Ah, you know how to use our money, huh?”
Ngumiti siya. “Pwede ‘yon, ‘di ba?”
“Hindi!” pagalit kong sinabi. “I can pay for your condo but I won’t pay for it because I want you here. Stop fucking trying.”
“Paano ang mga Ledesma? Anong sasabihin nila?”

I smirked at her words. Sa araw na ito, pareho kaming bihis na bihis dahil may appointment kami, alas syete, in a restaurant just here in BGC. And she’s nervous because of it. Freaking nervous because we’re meeting with the Ledesmas.

“Let’s go and see, then?” hamon ko.

Kinuha ko sa kamay niya ang hawak na hourglass, dala niya galing sa kamalig. I still remember what she told me. How she wished for the sands to thin and pass through the tube faster just so the time will speed.

Nilapag ko iyon sa lamesa. Hindi ko maiwasang isipin na itinuring niyang yaman ang isang bagay na pinamimigay lang namin noon. It speaks so much of our differences, in status… in life.

I loved her more for that. I loved her more for finding light in the simplest things. I loved her more for staying happy and kind despite every bad luck in her life. And I’ve fallen even deeper with her when she made me this kind of person.

Alam kong kaya niyang maging masaya ng wala ako. At alam kong hindi ko kayang maging masaya ng wala siya. She stayed because she knows I will be nothing without her. She stayed because she doesn’t want me to be miserable forever. She stayed because she loved me that way.

Ang pag-ibig na kaya mang magpakawala, nananatili. Ang pag-ibig na kaya mag bumitiw, nangangako.

I owe her that. I dedicate my life to her, the angel who saved me.

Ang sabi nila, tanging ang Langit lang ang makakapagsalba sa ating lahat. Tingin ko naman, the Heavens send angels to do the saving. The Heavens sent me the Lady of the Light. Siguro alam Nito na sobrang hirap kong isalba, na maubos man ang buhangin, hindi ako magpapatawad. Na magdadaan ang panahon, magiging madilim para sa akin ang lahat. But if you send her to me… if you just show her to me… I’d forgive and heal easy.

“Kinakabahan ako,” aniya.

papasok na kami sa hotel. She’s wearing a hot black spaghetti dress and black stilletos. Wala pa kami sa VIP, may iilan na akong kilala. Some of them flocked to us to greet me. Hindi kilala si Soleil. Nilingon ko ang kasama at nakita ang bahagyang pagtatago sa gilid ko.

I snaked my arm around her waist. Kitang-kita ko ang gulat sa itsura ng iilang kaibigan.

“Oh! Girlfriend?” tanong ng lalaking wedding planner nina Radleigh.

Kasama nito ang isa sa may-ari ng hotel na ito. Nagkatinginan ang dalawa. I know the other one has connections with the lifestyle magazines where I’m usually featured. Iyong madalas na binabasa ni Leil at pinagseselosan niya pa?

“Fiancee…” sabi ko.

Humigpit ang hawak ni Leil sa akin. Humigpit din ang hawak ko sa kanya. Parang natigilan ang dalawang kausap.

“Oh! That was surprising. Akala ko girlfriend pa?” sabay tawa ni Tim.
Ngumisi rin ako. “Long time girlfriend, too.”
“Ah! Congratulations, Rao! Is it okay to publish this somewhere or?”
“My gosh! I’m kind of shocked!” deklara noong isa, hawak pa ang dibdib.

Ngumisi lang ako at nagpaalam na dahil may dinner pa kaming pupuntahan. Tumulak na kami ni Leil patungo sa iginiyang double doors patungo sa VIP room nitong restaurant.

Pagkabukas pa lang ng mga pintuan ay nakita ko na ang gulat sa mukha ng mga Ledesma. Sabay-sabay silang lumingon sa amin. Tumayo ang batang Ledesma sa gulat. Prince, is it? He looked like a shocked frog prince now.

Nilingon ko si Soleil. I leered at her cockily. Ngumiwi siya at bahagya akong sinimangutan. Lalo na nang hinawakan ko ang siko niya para maigiya sa upuan.

“Good evening, Mr. and Mrs. Ledesma…” bati ko.
“G-Good evening, Raoul…” medyo nag-aalinlangang bati ni Mrs. Ledesma.
“Primrose, Arthur…” sabay tango ko sa dalawa.

The girl Ledesma looked so shocked that her mouth remained open. Nakatayo si Prince kahit pa noong naupo na si Soleil. Naupo ako sa gitna nila at tumango ako sa gulat na si Prince Ledesma. Ilang sandali pa bago siya napakurap-kurap at natatarantang umupo.

“Uh? Leil? P-Para saan ang… uh… dinner na ‘to? Business? Meeting?” si Mrs. Ledesma.

Leil put her hand on my thigh. Sa gulat ko’y natuon ang buong pansin ko sa kanya. Kinagat niya ang labi niya at biglang namula ng husto bago nagsalita.

“G-Gusto ko lang pong pormal na sabihin sa inyo n-na… Magpapakasal na po ako.”
“Magpapakasal?!” si Mr. Ledesma.

Kitang kita ko ang pagkakabitin sa ere ng bibig ni Mrs. Ledesma, ang pag-inom ng tubig ni Primrose, at ang pagtawa ni Arthur. I turned to see Prince Ledesma’s expression. He looked at me with disbelief in his eyes. Pagkatapos ay lumipat kay Leil na tila ba nagsisinungaling ito.

“O-Opo.”
“I’m sorry for the sudden news, Mr. and Mrs. Ledesma.”

Wala ni isang nagsalita sa sobrang gulat ng lahat kaya isang opportunidad iyon sa akin.

“But after getting back with her, I don’t want to make our boyfriend-girlfriend relationship long. We are now engaged. And I don’t think it will be a long engagement either.”
“Engaged?!” si Primrose sa gulantang na boses.

Kitang-kita ang gulong itsura niya. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Leil ngunit sa huli, kay Leil.

“S-Siya ‘yong boyfriend ko… n-na sinasabi ko.”
“’Yong taga Iloilo? Hindi ba taga Iloilo, Leil?” sa wakas ay nagsalita rin si Prince.

I want so bad to block him but I’m trying my best to be kind. Though, I know I’m never kind. Especially when it comes to this.

Inangat ko ang gilid ng aking labi at binalingan ang medyo galit na si Prince Ledesma. I just hope he won’t punch me or what. I punch real hard and I’m still active with my MMA.

“I visit her in Iloilo most of the time. Pero hindi ako taga Iloilo.”

Bumagsak ang balikat ni Mrs. Ledesma. Nang bumaling ako sa kanya ay pinilit niyang ngumiti.

“W-With all due respect, Engineer Riego. But… is this really? Soleil?” si Mr. Ledesma.
My baby nodded like a little kitten, scared of things.

I leaned closer to her so I can whisper.

“Aren’t you proud of me, hmm?”
Sinimangutan niya ako. I gazed at her longingly.

I remember the first time I saw her throw a fit. I remember the first time I saw her very angry. Mas lalo siyang nagalit dahil nangingiti ako. Hindi niya alam na para sa akin, para akong nakakita ng dyosa na nagwawala. Sumasabog ang buhok, galit ang mga mata, tumataas ang boses, at malakas na sinisigawan ako. I feel like it’s a goddess’ wrath. I can’t take it seriously.

Damn!

I deity looking down at a mortal. Or maybe… a devil who’s trying to be good to reach her.

“We’ll work on that.”
“My gosh! T-Totoo ba ‘to? T-Talaga ba?” si Mrs. Ledesma na hindi parin yata makapaniwala, gaya ng buong pamilya.
I nodded. “Sa condo ko na rin po siya titira, pansamantala, habang naghihintay kami sa kasal. The wedding preparations will start shortly after our appointment tomorrow with the planner.”
“Oh! Wow! I am so shocked! I… we didn’t know. Soleil, hindi mo sinabi na siya ang boyfriend mo!” si Primrose.
“S-Sinabi ko naman, e. Hindi lang kayo naniwala.”

Ang sabi niya, lagi niyang naiisip noon na manonood siya sa kasal ko. Na papalakpak siya kapag ikakasal ako. And eventually, she realized that she doesn’t want to watch me marry someone else. That she was already jealous of the idea of me marrying someone else.

Gusto kong patunayan sa kanya na hindi siya papalakpak dahil siya ang papalakpakan. Hindi siya manonood, dahil siya ang panonoorin. At hindi ibang babae ang susunduin ko sa altar, kundi siya.

“W-Well, congratulations! I guess?” si Mr. Ledesma.

I nodded formally at the old man. Nakita kong medyo gulat pa si Prince pero nakakainom na ito ng tubig. Walang sinasabi at kunot lamang ang noo.

Soleil sighed heavily after a long awkward night with the Ledesmas. Masaya lang siya na natapos naman ni Prince ang dinner nang hindi nagagalit. While I’m happy to know that finally, she introduced me to the people who are dear to her. Not as a friend… or boyfriend… but as her soon to be husband.

The label that I wanted.

Her husband. Her only love. Her first and her last. Her heart.

I kissed her cheek. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon. It’s comforting to know that she’ll come home to me tonight. That we will never be apart again.

I kissed her neck slowly and her ear. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkakakiliti. Nang tiningnan ko siya ay sobrang pula na ng pisngi at hindi na makatingin sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. I know exactly what she’s thinking.

“Come here…” sabi ko sabay walang pasubaling hila sa kanya para makulong ko siya sa aking braso.

She blushed profusely. Pumikit siya ng mariin at sinapo ang mukha na para bang nahihiya. Alam ko talaga kung ano ang iniisip niya. Hinilig niya ang ulo niya sa akin at itinago ang mukha sa aking dibdib nang narealize na wala siyang ibang pagtataguan.

I removed her hand on her face pero mabilis niyang binalik iyon.

“Do you still remember what I did in the barn house?” I asked.

Hinampas niya ako sa dibdib. I chuckled. Ayan! Nakalimutan mo na ‘yong nakita mo noong bata ka pa, ‘di ba? Now your memories are defiled and corrupted with our new, more intense and sultry scenes!

“Don’t be shy. That’s just a start, baby…”

Umiling siya at mas lalong ibinaon ang mukha sa aking dibdib. I stroked her long hair to ease her a bit. But I’m kind of entertained with her reactions that I can’t help but tease her.

“I’m in love with you so much, Raj. Please?” I whispered playfully.

Kinurot niya ang dibdib ko. Humalakhak ako at mas lalo siyang niyakap.

“Don’t worry. I think I’m more in love with you, Leil,” anas ko bago siya pinatakan muli ng halik.

Now I wish for the sands to stay still and never leave the upper glass. I want to stop the time. Kung hindi man posible, kahit mabagalan na lang. Gusto kong dahan-dahang palipasin ang mga oras naming dalawa na magkasama.

Please, Lady of the Light. Stop the time so we can spend more and more time with each other. So I can love you longer. I can love you wilder. Please, baby.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

41

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.