Sands of Time – Simula

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Simula

Simula

Luck.

It is a very powerful word. The one thing that could change anyone’s life forever. It is brought to us by chance. Isang patunay na hindi natin kayang kontrolin ang kahit ano sa buhay na ito.

Tumingala ako sa langit, dinadama ang marahang init ng panghapong araw. My view of the sky is dotted with the leaves of the tall trees. And each time I step, ang malutong na tuyong dahon ang naririnig ko.

I spread my arms like frail wings. Tumingala ako at unti-unting dinama sa aking balat ang marahang init na dala ng sinag ng araw. Umikot ako ng marahan sa bawat hakbang. Nahahagip ko ang iilang halaman sa paligid pero binalewala ko iyon, gaya ng madalas kong ginagawa.

I have always wondered who decides our destiny. Who gives us luck? Who decides that you will be born in a happy family? Who decides that you won’t?

Patuloy akong umikot. Hindi ko na namalayan ang ngiti ko.

I don’t always get a day off but when I do, I overdo it. Dumilat ako at nakita kung saan na ako pinadpad ng mga paa ko. Nangiti ako nang nakita ang sapa na kinalakhan ko. If I follow this route, it will lead me to the road. At sa kabilang dako ng kalsada ay isang kulay abong simbahan na madalas kong binibisita sa ibang dahilan.

I was seven years old when I got introduced to the life that is destined for me. Ang sabi ni Papa, ako raw ang magdedesisyon sa lahat ng iyon. Ako ang magsasabi kung sino ang swerte, ako rin ang magsasabi kung sino ang hindi. Ako raw ang ipinadala ng Liwanag ng Panginoon sa mundong ito para bigyang basbas ang mga taong naniniwala.

Can you believe it?

At an innocent age, my mind was filled with those thoughts, instilled by my own father.

“Uy! Andyan na si mangkukulam!” sigawan nang nadaanan kong mga kasing edad na bata.

Nagtatawanan ang ilan. Nagtatakbuhan naman ang iba, sa takot sa akin. I saw kids trying to hide behind the big trees, scared of me.

I smiled and waved at them pero imbes na makita nilang ayos lang ako, mas lalo lang silang nagtago. Napawi ang ngiti ko.

Why am I expecting a different reaction all the time? I should be used to it by now.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may mga putik na tumama sa aking mukha. Napapikit ako at agad na inekis ang mga maliliit na braso para pigilan ang iilan pang tinatapon ng mga bata sa akin.

“Mangkukulam ka!” sigaw nila.
“Umalis ka rito!”
“Bruha! Mangkukulam!”
“Aswang!”

It was too late when I decided to run for it. Puno na ng putik ang aking mukha, maging ang aking damit. Mas lalo kong binilisan ang takbo habang patuloy ang pagbabato sa akin at ang pagsisigaw nila ng mga pangalang hindi na rin naging iba sa akin.

My breathing was labored when I finally got away. Tumigil ako sa tabi ng sapa at lumapit para makapaghugas ng maputik na kamay.

Kanina, nag-ayos ako ng mabuti. I took a bath and combed my long and loosely curled brown hair. Nilagyan ko ng polbo ang aking mukha, to cover up some showing freckles on my nose. I put on powder on my neck, too. I wore my favorite floral and lacy dress at ang madalas kong sandals bago tumulak palayo sa aming bahay.

I saw my reflection on the stream. Nadismaya ako nang nakita ang putik sa aking mukha. I washed it with water but along with the removed mud is the appearance of the four or five small freckles along my nose.

Huminga ako ng malalim at tinanggap na lamang iyon. Sa damit naman ako ngayon nagsimulang mag punas para matanggal din ang putik. Sayang. This is my favorite dress. I wear it only during Sundays. Most especially during summer since I was nine years old.

I am eleven now and I’m still doing it like a routine. Pero hindi gaya ng routine, lagi akong excited tuwing ginagawa ito. Minsan, hindi ako makatulog.

I will probably never get satisfied with my look now. Kahit anong basa ko sa damit ko, nariyan parin ang bakas ng putik. Sa huli, ang buhok ko naman ang nilinisan. In the end, I gave up. Ito na ang pinakamalinis kong itsura sa ngayon.

Tumayo ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ang rumaragasang sapa, ang huni ng mga ibon, at ang tunog ng nagsasayawag mga dahon ng puno lamang ang naririnig ko habang naglalakad. And as I walk closer and closer to wherever I’m going, nag-iiba rin ang itsura ng lupa.

From deep red mud to brown red. Nalalaman kong palapit na ako nang makitang unti-unting naging mabuhangin ang lupa. The thick shrubs are thinning and there are more coconut trees than any other trees unlike what we have back in the mountains.

Mahigit dalawang oras na paglalakad ay naririnig ko na ang ingay galing sa mga makina ng sasakyan sa malaking kalsada na madalas ko ring tinatawiran.

When I got nearer, I immediately marveled at the concrete houses nearby. Ang inggit na naramdaman ko para sa mga nakatira roon ay palaging nagpaparamdam tuwing narito na ako. Ngunit hindi iyon masamang klase ng inggit. I envy them and I look up at them. I want to have that kind of life but I don’t blame them for it.

Namamangha at nangangarap ako pero hindi ko kailanman inisip na aagawin ko ang buhay na meron sila. Maybe it’s my innocence. But I am like that in almost all things.

Gaya pa ng ibang bagay bukod sa magandang buhay. Nilingon ko ang simbahang tinutukoy. Pagkatapos ay luminga-linga sa kaliwa at kanan bago tumakbo patawid ng kalsada.

“Pop corn? Hot cake?” tanong ng matandang lalaki na nagbibenta roon.

He eyed me from head to foot. His eyes were sticky as he looked at me. I smiled innocently at him and continued walking. Hindi na ulit siya nagtawag ng mga mamimili at hindi ko na inisip pa kung bakit.

Iilang bata ang nagkakasiyahan sa labas ng simbahan. Bubbles were blown from their neon colored containers. Some parents are bringing their crying children outside of the church to avoid commotion.

Ngumiti ako habang tinitingnan ang mga bihis na bihis na ginang at ginoo habang tinatahan ang kanilang umiiyak na anak.

I never experienced that. Nilingon ko ulit ang simbahan at dahil sa bagal kong kumilos kanina, batid kong patapos na ang misa rito.

Tumayo ako sa madalas kong tinatayuang corner ng simbahan. Doon, makikita ko kung sinu-sino ang mga lalabas. At doon din, alam ko dadaan ang taong maituturing kong swerte sa buhay ko.

Nagkantahan ang mga tao. Tumingala ako sa imahe sa harapan ng simbahan.

Sometimes I wonder if what I hear at school is true. Na iisa lahat ng sinasambang Panginoon ng mga tao. Ang relihiyon lang ang naiiba. Kung tama iyon, does that mean that I am The Lord’s daughter? Were you the one who sent me here?

But… why is Papa angry with you? And… why are the people fighting over the “one true religion”? Hindi ko alam. But in another life, I hope it the people will all agree to each other. Dahil kung ganoon, walang mambabato ng putik sa akin. Walang tatawag na mangkukulam. At hindi ko nanaisin pang baliin ang lahat ng gusto ni Papa.

“Leil?! Nandito ka na naman!” sabi ng isang may katandaang ginang na pamilyar sa akin.
“Magandang umaga po, Lola Brosing! Si Ma’am Avila, po?” nangingiti kong bati.

Ang matandang si Lola Brosing ay ang nanay ng teacher ko na si Ma’am Avila. Ubanin na ang matanda at ang mga isinusuot na damit ay laging terno. Gaya ngayon. Isang kulay dilaw na blusa, ang kapares ay slacks sa parehong kulay at textura. Her sandals were flesh colored and her wooden fan is of the same color, too.

Hinila ako ng matanda palapit sa kanya. Ang maliit kong katawan ay walang nagawa.

“Anong ginagawa mo rito?” she whispered again.
“Bumibisita lang po,” sabi ko.

Ma’am Luz Avila’s eyes widened when she saw me. Isang mas batang bersyon lang ni Lola Brosing si Ma’am Avila. Hindi siya makapagsalita kahit pa nakalapit na siya sa akin. Ngumiti ako pero yumuko si Ma’am at mukhang nagdasal.

I slowly crept out of them to return to my usual spot. Hinayaan naman ako ng matanda. Nilingon na lamang ako ni Ma’am nang tapos na siyang magdasal.

Nagsimula nang lumabas ang mga tao. Mas lalo akong nagtago sa takot na baka may makakilala sa akin.

Sina Lola Brosing at Ma’am Avila ay nakipag-usap sa iilang kilala. Tawanan at hagikhikan dahil tapos na ang linggo-linggo nilang routine sa pagsisimba.

I ducked when I saw Hades Riego. My heart started beating so fast. Napasandal ako sa brick wall ng pinagtataguan kong corner. To see Hades Riego’s cold dangerous eyes is like seeing his son directly, too. At wala nang mas nakakakaba pa sa titig ng anak nito

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at umahon muli para tingnan ang mga naroon.

Luck is certainlyon my side at this moment. Raoul Vesarius Riego walked behind his parents, palabas ng simbahan. Sa tabi niya’y iilang kaibigang lalaki at babae.

Rao or Raja for his closest friends and relatives is the most beautiful man I’ve ever seen in this life. Beautiful not in a girly manner, but in a masculine and powerful way. I’ve seen handsome men on television. Stars in the Philippines and abroad but I must say that they are no match for Raoul. Tingin ko rin, ganoon ang opinyon ng nakakarami.

Girls paraded behind him, laughing and smiling, wanting for his attention.

Raoul’s spanish ancestry was evident in his light tan coloring, and in the definite, strong bones of his face. His thick dark hair is a bit longer than those clean cuts of his friends, making him a bit different and more dangerous looking.

He’s tall and massive. He’s taller than all of his friends and the way his muscles protruded at an early age told me that he’s athletic. Ang sabi nga ni Lola Brosing, athletic si Raoul. Sa Maynila, naglalaro raw ito ng basketball. Bukod pa roon, narinig ko na magaling daw ito sa Mixed Martial Arts.

At first, I didn’t know what it was so I researched at Ma’am Avila’s library. Nabasa ko roon na ang Mixed Martial Arts or MMA ay isang matinding combat sport kung saan pwedeng gamitin ang teknik sa pagboboxing at wrestling.

Wow! I imagine Raoul being good at taking people down. Probably the reason why his veins are showing on his arms. Umiinit ang pisngi ko tuwing naiisip ang paraan niya, maaari, ng paghihila ng makakalaban at ang pagbagsak niya rito. He’d be covered in sweat and he’d still look so damn good!

He was featured in their school’s magazine as one of the best students of his year despite the involvement in sports and other activities.

“Hindi iyan binibigyan ng pera ng ama,” ani Lola Brosing nang nagtanong ako noon kung marangya bang mamuhay si Raoul sa Maynila.

Ang sinabi ay nagtatrabaho raw si Raoul para magkaroon ng pera. All his expenses and other things are the fruit of his hard work. Kung saan nagtatrabaho? Sa ilalim ng construction site ng mga naglalakihang building na pinapangunahan ng pamilya niya.

Yes. They are filthy rich. They are the richest family here in Costa Leona. With their real estate company and their number one leading steel corporation in the country, they are clearly even one, if not the most, richest family in the Philippines.

Mas lalo lang akong humanga sa mga kwento ni Lola Brosing tungkol kay Raoul. He’s rich but he’s never a brat. He earns his keep and he’s good in school.

Sinalo niya ata lahat ng swerte sa mundong ito. To be high born and honorable is just perfect! All his friends are lucky to be his friends. All the people around him is so lucky to know him.

At sa sitwasyon ko ngayon, swerte parin ako, dahil nasisilayan ko siya kahit paano.

I take another peak to see if he’s still there. I saw him talking to two girls. Sa tabi niya ay iilang kaibigang lalaki. Naglalakad sila palabas ng simbahan.

Sinundan ko ng tingin ang mga ito hanggang sa tuluyan nang nakalabas. When he looked my way, I ducked again. Abot-abot ang tahip ng puso ko.

He knows me. We’ve been introduced when I was nine years old, the first time I saw him, the first time I adored him. Simula noon, sinundan ko na lahat ng nangyayari sa buhay niya. Halos alam kong lahat ng mga papuri sa kanya at mga nangyayari sa kanilang pamilya. Madali lang mangalap ng impormasyon. They are the talk of the town so it’s easy to ask about their background and all those things.




But lately, naisip ko, bakit kaya hindi ko kailanman naitanong ang tungkol sa lovelife niya?

Seeing him now chatting with girls made me adore him more. Is he comfortable around his opposite sex? Does he have a crush on someone? Nasubukan niya na bang manligaw? Nagkaroon na ba siya ng girlfriend? Nakahalik na ba siya?

Uminit ang pisngi ko. Leil! Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan! That’s too much! That’s private!

But then, I can’t help it now. Something has changed since the first time I adored him. I was nine then, now that I’m eleven, nagiging mas malikot na ang pag-iisip ko.

Unti-unti kong nilebel ang mga mata ko sa dingding upang makapagnakaw ng tingin kay Raoul. Raj, in my deepest and most private daydreams. Like I’m calling him that way because we are very close friends.

He smiled devilishly at one girl. Nagligpit ng tikwas ng buhok ang babae sa likod ng tainga at nakita ko ang ngiti niya pabalik para kay Raoul.

“Hay nako, Leil! Kapag may nakakita sa’yo rito… ‘tong batang ‘to talaga. Sumama ka sa amin at ipagluluto kita ng meryenda,” si Lola Brosing nang nakita ako sa sulok na iyon.

Tumango ako ngunit nanatili ang titig ko kay Raoul. He combed his hair with his fingers, his usual mannerism everytime. His mouth twitched and his head tilted arrogantly. Parang nagsslow motion sa akin lahat ng ginagawa niya. It’s like I’m in a trance, drawn so much by his vivid movements.

Dumaan si Ma’am Avila sa harap ko. My eyes adjusted from blur to clear when I saw her face.

“Leil!” she snapped.

I craned my neck to see a better view of Raoul but I saw him holding the elbow of the girl he’s with. Ngumuso ako at tumigil sa pagtingkayad. Inilipat ko ang tingin kay Ma’am Avila.

“Po?”
“Tara na! Ang mabuti pa, sa bahay ka magpalipas ng hapon. Ang dumi-dumi mo at iyan lang ang damit mo habang ilang oras kang naglakad papunta rito?”

Napatingin ako sa damit ko. Wala namang problema roon. Just a few smudges from the mud. Manipis na baby bra dahil iyon lang ang meron ako kahit pa minsan tingin ko walang silbi lalo na kapag masikip ang suot ko.

Nang tuluyan nang nawala si Raoul kasama ang mga kaibigan ay ‘tsaka ko pa lang nilingon si Ma’am Avila at si Lola Brosing. Sumama ako sa kanila, gaya ng madalas kong ginagawa tuwing nakikita nila akong palaboy sa kalsada.

Hindi man kasing yaman ng mga Riego, may disenteng tahanan ang mag inang Avila. Si Ma’am Luz Avila ay hindi na nakapag-asawa. Siya ang nag-aalaga sa matandang Avila, si Lola Brosing. Luma at gawa sa kahoy ang kanilang bahay. Malaki ito at may silid na puno ng libro.

Their library is my favorite hang out. I like reading their books. Kung anu-ano ang naroon. Minsan, nag-uuwi pa ako ng ilan at sa susunod na linggo ay binabalik ko naman.

Tiningnan ko ang tatlong librong napili kong iuwi sa linggong ito. Nasa hapag ako habang nagluluto si Lola Brosing at si Ma’am Avila naman ay umiinom ng kape, nakatitig sa akin.

“Ayos ka lang ba?” Ma’am Avila asked. She always asks that. I mean… literally always. Para bang may dapat akong problema.
“Opo. Ayos lang, Ma’am. Kayo po?”

She sighed at my almost automatic reply. Umiling siya at binaba ang tasa ng kape. Nilingon ako ni Lola Brosing, may dala pang sandok sa nilulutong kung anong sopas.

“Inaway ka na naman ng mga bata?”
Nagkibit ako ng balikat. “Naiintindihan ko naman po.”
“Hindi ibig sabihin na dahil naiintindihan mo, ayos lang,” si Ma’am Avila, seryoso.

Ngumisi ako para maibsan ang tensyong nararamdaman pero hindi nangiti ang mag-inang Avila. Ngumuso ako at hinawakan ang mainit na tasa ng tsokolate sa harap. The heat feels so good.

“Ayos ka lang ba sa inyo? Hindi ka ba ginugulo ng tatay mo?” tanong ni Ma’am Avila sa pang ilang beses sa linggong ito.
“Ayos lang, Ma’am. Sanay naman po ako.”

She looked at me with eyes full of sorrow and hurt. I smiled to assure her that I am really okay.

Luck, I say. I wasn’t lucky enough to be born somewhere better. Minalas ako sa parteng iyon pero positibo ako na balang araw, makakaahon ako sa kamalasang ito. Positibo ako na kaya nating lahat hawakan ang ating tadhana. Luck will only interfere when it realizes that the things you are reaching aren’t for you. Kaya habang walang sinasabi na hindi iyon para sa’yo, mananatili tayong mangarap at magsikap.

I adore Raoul for being born that lucky, with skills that much, but with the humility to start from scratch gaya ng mga narinig ko sa mga tao rito sa Costa Leona. Ganoon daw siya. Hindi umaasa sa mga magulang. Nagsisikap sa lahat. Kaya anong karapatan kong sumuko sa mahirap kung buhay kung ang mayaman nga ay nagsisikap parin?

“Sanay na ano?” Ma’am Avila sighed. “Leil, matanong nga kita… Sana ay hindi sumama ang loob mo.”

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Bumaling si Lola Brosing sa amin, mariin akong pinagmamasdan sa tsinita at kulubot na mga mata.

“Naniniwala ka ba sa ginagawa mo?”

I am forbidden to say my opinions about it. Father will kill me for it. Noong bata pa ako, naniniwala ako. Habang nagkakamulat sa mas malaking mundo, hindi ko na alam.

“All I know is we all worship the same God,” tanging nasabi ko.
Namilog ang mga mata ni Ma’am Avila. Napabaling siya sa matandang ina bago tumingin muli sa akin. “You are very brilliant, Leil. Kaya natitiyak ko na alam mo, ngayon pa lang, na may mali sa lahat ng ginagawa sa’yo.”

Hindi ako nagsalita. Truly. I know. Deep inside, I know. But do I have any other choice when I don’t have anything but my father and his people?

“Luz, tama na. Bata pa siya…” si Lola Brosing na ang nagsabi.

Pilit akong ngumiti para makita nilang ayos nga lang sa akin. I’m used to the opinion of other people. Sumimsim ako sa mainit na tsokolate at muling nawala sa pag-iisip.

Pinalipas ko ang tensyong iyon. Kalaunan ay nawala rin naman agad lalo na noong tinanong na ako ni Ma’am Avila kung ano ang gusto kong maging paglaki ko.

“Hindi ko pa alam, Ma’am. Sana ay malaman ko kung ano pagdating ko ng Senior High.”
“Mm. Baka naman kukuha ka ng pang negosyo, a?” malisyosang sinabi ni Lola Brosing.

Alam ko kaagad kung bakit ganoon ang tono niya roon. She knows I’ve been asking about Raoul’s studies for the past weeks. Maybe thinks I’m interested with business because of him?

“Kung gugustuhin ko po, bakit hindi?”
“Hay naku, Leil!” sabay iling ng matanda.

Tapos na ang niluluto. Nagsalin siya sa isang bowl ng para sa akin. Isang minatamis na ginataan. Mainit pa ito kaya hinipan ko habang inaabala ang sarili sa mga tanong para kay Lola Brosing.

“Honor student parin po ba si Raoul?” tanong ko.
“Hay!” the old woman sighed again. “Oo naman! Iyon pa ba?”
“Naku! Baka magbago iyon pag nagkagirlfriend na. Huwag naman po sana, ano po?” sabi ko.
“Girlfriend? Anong alam mo roon?” si Lola Brosing.
“Nagkaroon na iyon, Leil. Kaya walang magiging pagbabago sa pag-aaral niya kung sakali,” si Ma’am Avila naman ngayon.
“Talaga po? Sino?” mangha kong tanong.
“Ewan ko. Taga Maynila?” si Ma’am.
“Eh sino iyong hinawakan niyang babae kanina sa simbahan? Hindi po ba iyon?”
“I don’t know, Leil. But one thing’s for sure, kung mayroon man siyang karelasyon, one woman at a time iyon. The Riegos are known for that.”
“Baka naman po may nirereto sa kanya?” kuryoso kong dagdag.
“Ay nakung bata ka! Saan mo ba ‘yan natutunan, ha? Wala ‘yon. Hindi ganoon ang mga Riego.”

Ngumiti ako. So that means he’s allowed to marry anyone he likes, huh? Pero bakit nga ba iyon ang iniisip ko? Uminit ang pisngi ko habang naiimagine si Raoul na naghihintay sa altar para sa isang napakagandang babae. Matangkad, kasingkulay niya, maganda ang hubog ng katawan, at mapupula ang labi. And I’m on the sidelines clapping for them, in awe of everything. Adoring their lives from afar.

Pagkatapos ng pagkain at ilang sandali pang pakikipag-usap sa kay Ma’am Avila at Lola Brosing, nagpaalam na ako para makauwi. Ilang oras pa kasi ang lalakarin ko pauwi at ayaw kong gabihin sa daanan.

Parehong daanan ang tinahak ko. Maswerte na nga lang nang nakitang wala na ang mga bata sa pinaglalaruan nila kanina kaya dire diretso ang lakad ko patungo sa kagubatan hanggang sa isang maliit na sitio kung saan ang tatay ko ang lider.

I saw the smoke from the wooden huts. They are preparing for dinner. Mabilis akong tumakbo sa pag-aakalang hindi makikita ng kahit na sino ngunit nagkamali ako. Ang pinakamalaking kubo sa gitna ay dinayo ng mga tao. And father was furiously waiting for me to come back since earlier this afternoon.

“Saan ka na naman nanggaling?!” palihim niyang galit sa akin nang sinalubong.

Hindi niya ipinapakita sa lahat ang galit niya. He pulled my hand so I’d walk faster.

Father is in his late thirties. Ang sabi nila, namatay si Mama pagkapanganak sa akin. My mama was a beautiful woman of spanish and chinese ancestors. She’s originally from Iloilo. She fell for Papa and they lived here all their married life. Dito sa lupain ng mga Riego. We are the slums and the poor, squatting on their lands. At sa laki ng lupain nila, they don’t mind. Bukod pa sa matalik na magkaibigan si Papa at si Felicia Riego, ang ina ni Raoul.

So we’re fine here. Even when everyone things we are an abomination. Even if I… even I… think we are an abomination.

Isang altar na may nakasulat na iba’t-ibang sinaunang letra. Maraming kandila ang naroon at ang lahat ng nagtipon sa aming bahay ay nakaputing bestida at nakayuko. The long hair of the women were down and the men were on kneeling so hard. Wala ni isang nakatingin sa akin, bilang respeto. Si Papa lamang ang nakatingin.

Father’s messy hair and red eyes is scaring me so much. Iminuwestra niya ang naghihingalong matanda sa harap ko. Her neck is swollen for some reason.

Bata pa lang ako, itinuro na ni Papa sa akin kung anong gagawin ko kung mayroong ganyan. Kukuha ng dahon at itatapat sa isa sa mga matatabang kandila. I memorized some unknown incantations and after that I will put the heated leaf wherever it hurts. Another incantation is muttered while my eyes are closed. Pagkatapos noon ay sasabihin kong magpahinga siya ng ilang araw at magpahid ng kung anong langis.

Iyon ang ginawa ko. Everyone looked at my process in awe. Silence filled the whole wooden nipa hut. Only the candles lit the venue as the sun is slowly setting.

I murmured incantations over and over again until the old lady declared that she’s feeling better. Hindi ko alam kung milagro ba o may ibang eksplenasyon ang siyensya.

May iilang hindi ko nagagamot. Iilang namamatay. Iilang nagsasabing peke naman daw. At sa murang edad man, alam ko na kung gaano karaming kasinungalingan ang tinatago ng lahat ng ito.

“Mabuhay ang Diwata ng Liwanag!” tawag nila sa akin.
“Ikaw ang pinagpala!” they all cheered and it sent shivers down my spine.
“Sinasamba ka namin!”

Each time they utter those words, mas lalo lang akong nagiguilty. Nilingon ko si Papa. Ngumisi siya at lumaki ang mga mata. Magbabayad ang lahat ng nagamot at doon kami kumukuha ng pondo para sa lahat.

I don’t know if these are all true but I know that every little thing I tried to learn is a fraud. Gawa gawa niya lang ang lahat. At ang langis na ibinibenta niya ay langis lang ng niyog, walang ibang halo. But he’s spreading it that those are my holy tears. He’s telling everyone that my touch can heal. He’s telling everyone that I am the daughter of light. Sugo ng Panginoon. Dapat sambahin. Dapat halikan ang paa. At dapat puriin.

That was my life before. Far from the normal lives of children my age. Fucked up and almost evil.

That is why I wished the time would run faster. For the sands to thin so it would pass the hourglass’ narrow neck faster, and eventually end another chapter.

Because I’m tired of this. Because while I’m a child, I do not know what to do. I am not a master of the world. And luck will never side with me. It never did… from the very beginning.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.