Sands of Time – Kabanata 9

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 9

Kabanata 9
Kiss

The next days flew like a whirling wind. Siguro, ganoon talaga. Kapag daw masaya ka, mabilis ang oras.

Pinitik ko ang hourglass. Pumikit ako ng mariin at dinasal na sana bumagal naman ang oras ngayon. Sana ang bawat buhanging nahuhulog ay kokonti at ang leeg ng hourglass ay kumipot. Kung noon, hinihiling ko na bumilis para lumaki na ako, ngayon, bumagal naman. I love my each passing day.

I love going home and interacting with Raoul. I love talking and laughing with him.

I love his advices and his intense eyes. I love it even when he looks pissed and angry. I love his kindness and humility. I love my everyday.

“Raj…” I whispered slowly.

Nakaluhod ako sa kanyang gilid ngayon. Biyernes at sobrang aga ng aming pag-uwi. Nang nagkita kami kanina, binalita ko sa kanya na babalik lang agad ako. I’ve noticed how he wants to see my pet goat kaya inagahan ko ang pag-uwi at sinabi kong babalik lang ako.

Ngayon, nakahiga siya sa damuhan sa gilid ng sapa. Basa ang kanyang buhok at kumikinang din sa basa ang kanyang katawan. Mukhang kaliligo niya lang. He covered his head with forearm giving me a full view of his armpits and his firm upper body.

Ngumiti ako at kinagat ang labi. He’s sleeping. Alam ko dahil marahan ang paghinga niya at kahit anong tawag ko sa pangalan niya ay hindi siya gumagalaw. Hindi ko rin naman siya tatawagin ng ganoon kung hindi ako siguradong tulog siya.

“Raj…” I whispered softer.

Lumapad pa lalo ang ngiti ko. Nakakagaan sa loob ang pagtawag sa kanya ng ganoon.

Dinungaw ko siya. Beads of freshwater stayed on his body. His lips were reddish. It looks soft. Medyo makurba rin ito dahilan ng minsa’y pagkakatutulala ko kapag nagsasalita siya. There’s just something about his lips.

My eyes trailed on his body. His muscles look full but not very much. Just the right fullness of it. It matches his light tan coloring. I can imagine him taking on so many boys with just his arms and his moves. Ang sabi’y magaling talaga siya sa Mixed Martial Arts. He graduated and remained undefeated. He’s just not interested to pursue it as a career. Maiintindihan dahil may mas importante pa siyang kailangang gampanan at iyon ay ang business nila.

“Raj…” I said in an undertone.

Humiyaw ang kambing sa tabi ko. Mabilis namang gumalaw si Raoul dahilan ng pagtayo ko ng biglaan at ang paglayo ko sa kanya.

Napaka wrong timing naman talaga ng kambing! I tugged his rope a bit just to stop him from his bleating but he only cried louder.

Naupo si Raoul sa damuhan. Ang putik ng lupa ay dumikit sa kanyang braso. Iyon sana ang pupunahin ko para mawala ang katotohanang maaaring napansin niyang masyado akong malapit kanina.

“S-Sorry. Nagising ka ng k-kambing…” sabi ko sabay pakita ulit sa aking alaga.

He nodded a bit, still sleepy. Bumaling siya sa sapa at nagpahulog na roon. Habang nasa ilalim pa ng tubig ay sinimangutan ko ang kambing na patuloy sa paghihiyaw.

“Sige ka. Liliguan ulit kita gaya kahapon…”

Niligo ko kasi ito kahapon pagkauwi para sa paghahanda ngayon. Ayaw niya ng nababasa kaya iniisip kong matatakot siya kung sakaling babanggitin ko.

I saw him swim nicely. Ngumuso ako at lumapit sa silya para makaupo na, mag-aantay na umahon siya. Nang ganoon nga ay ipinakita ko muli ang lubid ng kambing sa kanya. He put the towel on his shoulders. Ang isang kamay ay pinupunasan ang basang-basang buhok.

“Buti at naisipan mong ipabisita rito.”

He smirked.

He squatted in front of me, where the goat is. May kinuha siyang damo roon sa malapit at ipinakita niya sa kambing. The spoiled goat ate from it.

I pouted when I remembered something. Kanina ko dapat iyon itatanong pero sa pagmamadali kong makuha ang kambing, hindi ko nagawa.

“Hmm. Nagtanong nga pala iyong kaklase ko kanina. Si Jeff?”

Nag-angat ng tingin si Raoul sa akin. His eyes is all the same – as dark as the night and as mysterious as a storm. For the rest of the week, whenever we see each other here, I try his phone out for Facebook. Hindi naman talaga ako interesado pero gusto ko iyong nakikita ang kanyang account. On Wednesday, my account was logged out and his was on. Mas matagal pa ang pagba-browse ko gamit ang account niya kesa sa account ko.

“In-add niya ako sa Facebook. Hindi ko pa iyon nakikita pero hindi ko raw inaaccept. Baka… nakita mo?” tanong ko.
“I don’t remember…” he said.

Kumuha ulit siya ng halaman at ipinakain sa kambing. Matakaw namang kinagatan ng kambing iyon. He pat my goat’s head. He’s smiling and very preoccupied with the goat.

“Ganoon ba? Sasabihin ko na lang sa kanya na i-add ulit ako. Baka nagkamali lang siya.”

Tumayo si Raoul at nilapitan ang lamesa. Inilahad niyang muli sa akin ang kanyang cellphone.

“Check it. Just log out my account,” aniya.

Tinanggap ko iyon. Ngayong sinabi niya na account niya ang naroon, hindi ko na alam kung ich-check ko nga ang tungkol kay Jeff. I really like browsing using his account. I’d rather do that than confirm if I really did decline Jeff’s request.

I browsed his account. Wala namang bago roon pero ipinagpatuloy ko ang paghahalungkat ng dating mga pictures. Raoul squatted in front of me again to pet the goat.

“May pangalan ba siya?” he asked, distracting me from looking at some photos with girls.
“Uh… wala…”

Ngumuso ako. Nagbaga ang aking puso nang nakita ang iilang pictures sa isang madilim na lugar. Maraming tao pero ang katabi niya’y isang babae. The girl is hooking her hand on his arms. Itinatago nito ang mukha sa leeg ni Raoul. Raoul is smiling but the girl looks sad and weary.

I browsed more and I saw almost similar pictures of them that way. Kahapon, may nakita akong picture niya kasama ang iba namang babae. Sa linggong ito, pangatlong babae na ito. Sa lahat naman ng nakita ko, ito ang pinaka intimate.

Very intimate that I kind of felt the hurt somewhere in my chest.

“Your lady is going on a date tomorrow. You think she should go? O baka masama talaga ang pakay noong lalaking iyon?”

My goat cried. Pilit akong ngumiti nang narinig ang tawa ni Raoul pero hindi maalis sa isipan ko ang picture niya.

“The goat says you’re not allowed to go on a date. Masama ata ang pakiramdam niya sa lalaking iyon,” aniya.

Mabilis kong nilog-out ang account niya. Lalo na nang nag-angat siya ng tingin sa akin at napawi ang ngiti niya.

“What’s your problem?”
Umiling ako at nilapag ang cellphone niya sa lamesa.

Tumayo siya at kinuha iyon. Ilang sandaling browse ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Tumayo naman ako at hinila palapit sa kakahuyan ang kambing.

“Ayaw mo bang sumama ako kay Gasper?”

The goat bleated softer. I equalled Raoul’s stares. Ngumisi ako para itago ang nararamdaman pero kita sa kanyang itsura ang hindi pagkakatuwa.

“What did you see on my Facebook?” aniya.
“Wala naman…” sabi ko.
“You did not open yours. The notifications are still here. Facebook ko ang tiningnan mo kanina?” mataman niyang sinabi.

Ngayon ko lang natanto. He sounds serious and almost dangerous. Maybe he got angry that I browsed his account. Hindi niya naman alam iyon at ngayon, buking na yata ako! Oh no!

“Uh…” nanginig ang labi ko sa takot na madismaya siya sa akin. “Hindi ko naman sinadya. Tiningnan ko lang ang photos… uh… mo… Sorry.”

Kabadong kabado ako ngayon. Nanatili ang mga mata ko sa kanya. I feel like I disappointed him. The happiness I felt for the whole week immediately came crushing down like a broken brick wall. Lumapit ako para suyuin siya at humingi ng paumanhin.

Lumapit din siya sa akin.

“Sorry. Curious lang ako. Iyon lang. Wala naman akong ginawa o inayos. Wala rin akong message na binasa o kahit ano…” I am already panicking.

Nilahad niya sa akin ang kanyang cellphone, parang binabalewala ang aking sinasabi.

“I don’t care. You may browse my account. Alin diyan ang hindi mo nagustuhan?” aniya.

Sumulyap ako sa cellphone niya at nakitang inopen niya muli ang kanyang account. Inilahad niya sa akin iyon na tila ba naghihintay kung alin ang ituturo ko. Somehow, the pain from it all lessened. Takot akong madismaya siya sa akin. Mali ang pagtitingin ko sa kanyang account kaya ang malamang hindi iyon big deal sa kanya ay nagpagaan sa loob ko.

“Uh… Wala naman. Sorry…” sabi ko, mas kalmado na ngayon.

He browsed on it in front of me. He went through his messenger and then his notifications.

“Wala naman…” sabi ko ulit pero hindi siya nakuntento.

Then he clicked the photos part. Nag-iwas na ako ng tingin. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kambing.

“These are just my friends in Manila. We go to bars… you know… Iyong mga pupuntahan kapag may party sa gabi.”
“Alam ko ‘yon. Nabasa ko iyon sa libro,” sabi ko nang ‘di siya nililingon.
“Some close friends are a bit touchy so…”

Ngumiti ako para ipakita sa kanyang ayos lang. Ayos nga lang. Ayos lang.

Deep inside, I know it’s different. Iba sa naramdaman ko noong nakita ko siyang may kahalikang babae sa kamalig. I was young back then. I was just eleven years old. I adore him like a hero of some kind and it did not affect me this way. Now that I’m sixteen, maraming nagbago. Kasama na roon ang pagtingin ko sa kanya. This is not the simple adoration anymore.

Mali iyon. Dapat alam ko kung hanggang saan lang ako. Alam ko na. I learned it the hard way but I can’t stop myself from hurting. Lalo na pag nakakita ng ganoon. Kung noong bata pa ako’y ayos lang na makita ko siyang may kasamang iba, ngayon, iba na.

Pinilit kong ayusin ang reaksyon ko. To the point that I am almost over reacting my laugh and smile.

“Wala naman… Alam ko ‘yang mga ganyan. Nababasa ko iyan sa libro. Nagsasayawan diyan, ‘di ba? Parang prom lang na mas natural at mas mature ang naroon?” sabi ko, tunog natutuwa.
He remained silent. Tila nananantya sa sinabi ko.
I smiled overly again. “I’ve read one book. Iyong leading lady, nakilala niya ang leading man sa isang bar. Doon nagsimula ang nobela. Alam ko ‘yan…”
“It only happens in books and some miracle cases. It’s not true all the time…” aniya.
Natawa ako. “Pumupunta kaba roon para makahanap ng-”
“Of course not! These are already my friends from college. Hugging is just normal to us. Pero depende siyempre kung gaano ka reserve ang kaibigan.”

Marahan akong tumango. For some reason, I felt better. Inilahad niyang muli ang cellphone niya. The photos part is seen. It’s like he’s giving me access to that part of his phone.

“Browse more, if you want. Let me walk the goat around while you do it…” aniya sabay kuha sa lubid ng kambing.

Tinanggap ko ang cellphone niya. Iyon nga lang, imbes na magbrowse ay pinagmasdan ko na lamang siya na iginigiya ang kambing sa kahit saang maraming damuhan. His hair is a bit damp and it looks longer than when it’s dry.

“You think it’s a good idea for her to go out with that boy?” he asked the goat.

Ngumisi ako. Mas lalo na nang sagutin siya ng hiyaw ng kambing. Bumaling si Raoul sa akin at umiling. He looks disappointed.

“Nakausap ko na ‘yan. Pumayag naman siya…” agap ko.
Umangat ang gilid ng kanyang labi. “Payag daw. H’wag lang sagutin ang manliligaw. H’wag ring papahalik…”

I put his phone down on the table. Nilapitan ko sila at ngayo’y dinungaw na ang aking kambing.

“Hindi ko naman talaga sasagutin si Gasper. Pagkakaibigan lang ang gusto ko roon. Lalong hindi ako papahalik…” sabi ko.
“Hindi na kailangan magdate kung gustong makipagkaibigan,” ani Raoul.
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. “Iyon naman ang normal na ginagawa ng mga ka age kong babae, hindi ba? Nag eentertain ng manliligaw?”
“Oo. Pero kung hindi mo naman talaga gusto, pwede mong diretsuhin para hindi na humaba pa…”

Now that he mentioned it, he’s right. Paano nga kung umasa masyado si Gasper sa amin? Maaga pa naman para sabihin iyon dahil hindi pa naman nag-iisang linggo simula nang sinabi niyang manliligaw siya… pero…

“Paano ko sasabihin?” lito kong tanong.

He shifted his weight. Now he looks so attentive and alive.

“Just tell him immediately. Pwedeng huwag mo na ring siputin bukas.”
Ngumuso ako sa ideya ni Raoul. That’s too harsh. “Nagkasundo na kami. Ayos lang naman siguro. Maaga pa naman. Paano kung magustuhan ko siya kalaunan, ‘di ba?”

Umigting ang kanyang panga. Dumilim din ang kanyang mga mata. I can’t help but smile even when I’m kind of nervous whenever I see him this way.

“You won’t like him. I’m sure of that.”
“Bakit?”

Nag-iwas siya ng tingin. That questioned remained unanswered. Gusto kong malaman bakit ganoon ang opinyon niya. Sa sarili ko, alam ko na maaari ngang tama siya. Hindi ko magugustuhan si Gasper gaya ng intensidad ng pagkakagusto ko sa kanya. Why is his opinion the same with mine, I don’t understand.

The smell of incense and heated sage filled the whole village. Everyone’s been diligently praising me longer these days. Iniisip kong dahil iyon sa nalalapit na namang summer, ang pag-aalay ng mga kayamanan. But the men are claiming that they’re seeing visions in their dreams.

“Sabayan mo na lang kasi! Ang mabuti pa, sabihin mo rin na may nakikita ka na sinusugo ng liwanag sa’yo! Mas malaki makukuha natin sa kanila, Leil, kung sa ispiritual na parte ng buhay nila’y napapatunayan nila na tama ang turo mo!”

It’s depressing. Lagi kaming nag-aaway ni Papa tungkol diyan. I am so sick of all the lies. Hindi niya na ako maloloko.

In my private daydreams, I always include my baptism with another religion. I know it’s the same God, but I want a different tradition. Iyong hindi nagsasabing ako ang sugo. Iyong hindi nagsasabing kailangan mag-alay sa akin. Iyong walang kasinungalingan. Iyong hindi ko na kailangang magsinungaling pa.

Maaga si Gasper sa kalsada. Ngiting ngiti siya nang nakita niya ako. Naamoy ko rin ang pabango niya. He smells really good. Magaan din siyang tingnan ngayong hindi siya naka uniporme.

Nahihiya ako. Wala kasi talaga akong ibang maisuot kundi itong mga dress. Mayroon naman akong pants pero sa dalang ng pagsuot ko noon, pangit na ito. My nice clothes are all dress. Sa ngayon, isang royal blue na off-shoulder ang suot ko. Isa ito sa mga binigay ni Ma’am Avila sa akin. Ganoon ang mga ibinibigay niya dahil siguro’y kita niya ang madalas kong suot.

“Ang ganda m-mo…” unang bati ni Gasper sa akin nang nakita ako.




He blushed and stuttered slightly whenever he speaks. Kaya naman sinusubukan kong magsalita ng magagaan para hindi na masyadong maging tensyunado sa gitna namin.

Sumakay kami ng tricycle. Ang sabi niya, nag-aantay na ang mga kaibigan niya sa bukana ng pupuntahang maliit na resort. Nadaanan namin ang malawak na lupain ng Casa Riego sa seaside, kung nasaan ang bahay nina Raoul.

Lumagpas pa roon ang byahe at tumigil sa isang maliit na karatulang “Shell Beach”.

“Maliligo ka ba roon?” tanong ni Gasper.
Umiling ako. “Hindi naman ako marunong lumangoy at wala rin akong dalang ibang damit. Baka kasi magduda si Papa kapag nagdala pa ako ng damit.”
“Ah. Oo nga pala. Ayos lang!” aniya.

He’s right. His friends are already there. Kami na lang ang hinihintay nila. May dala pa silang mga plastic na mukhang may lamang pagkain. Nahiya tuloy ako dahil wala akong dalang pwedeng iambag sa kanila.

“Uh, may pambili ako ng softdrinks dito,” sabi ko kay Gasper.
“Huwag na. Hindi ba sabi ko ako ang bahala sa’yo?”

He introduced me to his friends. Boys and girls. That is one of the highlights. Tinandaan ko talaga ang mga pangalan nila lalo na dahil palangiti at mukhang mababait ang mga ito.

“Ang ganda mo talaga. Alam mo, crush na crush ka ng kuya ko…” sabi ni Pinky.
“Huwag na, Pink. Magseselos na si Gasper niyan!” sabay tawanan ng mga lalaki.

Nangiti ako. I feel like I’ve been dreaming for that kind of moment and today it’s coming true. Hindi man ako sigurado kung magpapatuloy ito, pero masasabi kong masaya na ako ngayon palang.

Naghiyawan sila sa panunukso kay Gasper. Tumawa lang si Gasper sa kanila.

Nagsabay kaming lahat sa paglalakad patungo sa entrance ng resort. Medyo may kalayuan pala iyon.

“Ito iyong mansion ng mga Riego, hindi ba? Tabi nito?” sabay turo ng isang kaibigan ni Gasper sa kaliwang side ng nilalakaran namin.

Bumaling ako roon. It is their land but definitely not yet their mansion. Their mansion is miles away within the whole area. I doubt if it’s that near.

“Malayo pa. Nasa gitna ang mansion nila.”
“Ang sabi ng Ate ko, madalas daw naliligo ang magpipinsan riyan.”

Wow. They are talking about the Riegos.

“Sampung minuto ata galing mansion, makakababa na sa sea shore. Ang layu non! Sobrang laki pala talaga ng lupain nila.”
“Paano nakita ng Ate mo?”
“Magkaibigan ‘yan sila. Sina Zamiel Mercadejas at Raoul Riego. Naging tropa rin ng ate ko ‘yon. Sobrang yaman talaga ng mga ‘yan.”
“Syempre, ikaw ba naman maraming factory sa buong Pilipinas, ‘di ba?” nakisali si Gasper.
“Isa lang ‘yang nandito nila. Pinakamaliit pa ‘yan, ha. Iyong malalaking planta nila ay iyong nasa Mindanao at iyong sa Luzon din. Dito, ginagawang farm lang ang iba sa sobrang lawak ng lupain nila.”

I can’t believe we are talking about these things. Kahit pala sa mga kaibigan ni Gasper, napag-uusapan parin ang ganito.

“I really like Raoul Riego. He’s so hot…” sabi noong isa pang kaibigan ni Pinky. “Do you know that he’s topnotcher in the Engineering board? He earned scholarships for masters in big universities abroad! Grabe!”

Ngumuso ako roon. Suminghap ako at nagpatuloy lang sa paglalakad na parang hindi nagulat sa narinig. I know he’s an achiever but I never thought… wow…

Kalaunan ay nag-iba rin ang topic. Lalo na nang dumating na kami sa resort. Sampung piso lang ang entrance fee. Sinubukan kong magbigay ng pera kay Gasper pero hindi niya naman tinanggap.

Isang parihabang mesa ang ibinigay sa amin. May malaking payong ito bilang lilim, bukod pa sa malaking niyog sa taas.

Kokonti lang ang taong naroon. Syempre, kung maraming libreng beach sa Costa Leona, bakit dito pa pupunta, hindi ba?

Nilingon ko ang kaliwang bahagi ng beach resort. Beyond it is a more peaceful and cleaner shores. Malawak din ang nasasakupan ng talahib at niyugan. Paakyat ito at kitang limestones ang pangunahing pundasyon ng daanan.

The diagonal slope is also very visible. Diyan yata dadaanan. Tumingala ako at nakita ang matabang lupain pagkatapos ng tatlong diagonal slope pataas. Hindi naman kalayuan pero siguro’y aabutin nga ng sampung minuto kung lalakarin. Lalo na dahil paakyat iyon.

Their mansion is not even seen from there. Just some flowers and many trees.

“Ligo tayo, Leil!” anyaya ni Pinky sa akin nang nakitang masyado na akong nakatitig sa kabilang dako.
“Wala siyang damit. Hindi na siya maliligo,” sagot ni Gasper para sa akin.

Naupo siya sa tabi ko.

“Ganoon ba? Pwede kitang pahiramin,” si Pinky.
Umiling ako. “Hindi na. Wala naman talaga akong planong maligo, e. Ako na lang magbabantay ng gamit ninyo rito.”
“Sigurado ka?” si Gasper na ngayon ay mabilis na nag hubad ng t-shirt.
Tumango ako at nag-iwas ng tingin.
“Hindi ako magtatagal, ha? Babalikan agad kita. Maliligo lang ako.” He smiled.
“Sure… Ayos lang.”

Ilang beses pa akong concern na tinanong ng iba niya pang kaibigan. Panay lang ang iling ko at ngiti sa kanila.

Nagmamadali sila sa pagpunta sa dagat. They all swim good and they’re all having fun. Maingay sa tawanan ang kanilang grupo at malapit din ang mga babae at lalaki.

I feel like I belong. Kahit pa mag-isa naman ako rito sa lamesa para magbantay ng gamit nila pero may pakinabang ako kahit paano, sa grupo nila.

Bumaling ulit ako sa kaliwang bahagi ng shore. Sa malayo, may nakita akong dalawang lalaki. One, I know it’s a Riego. I’m sure I’ve seen him before. The other one, I know is a Mercadejas.

Napabaling ako sa kalayuang diagonal slope. I saw another man. Sa layo ay hindi ko na makita kung sino iyon. Napansin ko ring natahimik ang maingay na barkada ni Gasper. Tiningnan ko sila at nakita kong naroon na ang atensyon nila sa naliligo sa kabilang parte nitong resort.

The thought of seeing Raoul with them excites me. Pero nagdaan ang ilan pang minuto, iyon lang naman ang nagpakita.

Binaling ko ang atensyon sa mangasul-ngasul na dagat ng Costa Leona. I remember seeing this place for the very first time long ago. At tuwing nakikita ko ang laot, naaalala ko talaga kung gaano kalaki ang mundo. Seeing the wide horizon gives me hope… of a better looking world… and a better future.

Ngumiti ako. I am enjoying it here, even when I’m alone and just sitting.

Dalawang oras ang itinagal nila sa pagligo. Si Gasper, pabalik balik sa akin para masiguradong hindi ako nababagot. I always tell him to go with his friends. Lalo na’t tinatawag siya ng mga lalaking kaibigan.

Alas onse nang nagbalikan ang mga kaibigan niya. Hinanda nila ang pagkain kaya tumulong ako. One brought bananas and sweet potatoes. May nagdala rin ng kanin, adobo, at inihaw na isda. May mga prutas gaya ng hilaw na mangga, mayroon ding watermelon.

I find it adorable. They all made an effort to make this outing successful. Nakakahiya nga lang dahil wala akong dala. Si Gasper, may dalang softdrinks.

“First time mo bang sumama sa outing?” tanong ng isang babaeng kaibigan.
“Oo, e.”
“Naku! Sana naligo ka para mag enjoy ka!” si Pinky.
“Masaya naman ako kahit nakaupo lang. Natutuwa ako sa kakanood sa inyo.”

Umupo si Gasper sa tabi ko. Abala na ang lahat sa pagkuha ng mga pagkain. Nilalagay nila ito sa paperplate. Kumuha na rin ako ng akin kahit na nakakhiya talaga.

“Naku, Gasper. Gusto ko itong si Soleil, kumpara roon sa ex mo!” sabi noong isa pang babae.
“E, baliw iyon si Nellie, e.”
“Shh…” si Gasper. “Let’s not talk about her.”
“Oo nga. Baka maoffend si Leil.”
Ngumiti ako at umiling. “Hindi naman. Ayos lang…”

Nakakaaliw ang biruan nila. May isang lalaking kaibigan na nakakatawa kaya sumakit ang tiyan ko kakatawa. Gasper also made sure that I’m doing great so I feel really comfortable.

Pagkatapos naming kumain, akala ko aalis na kami. Iyon naman pala, may iinumin pa silang juice. I kind of know what it is. Alam kong may halong alak iyon. Inanunsyo naman ni Gasper na hindi ako papainumin kahit na pinilit ako ng mga girls ng isang tikim lang.

So while they are drinking that, we also played a game. Isang laro na sa malayo ko lang nakikita sa school. Pinapaikot ang bote at kapag naituro ka, tatanungin ka ng “Truth or Dare”. I want to play that game, too. Hindi lang ako naaanyayahan dahil wala masyadong kaibigan.

To play it with them right now is an honor.

“Truth or Dare!” tanong namin sa nakakatawang kaibigan nila.

Dare ang pinili nito. Nakakatawa ang pinagawa. He was asked to show his butt in public on the shore. Pumikit ako at nakisali sa tawanan nila.

I don’t think I can do any dare so I’ve decided to say Truth, kapag sa akin napunta.

“Truth!” sabi ko pagkatapos ng hiyaw nila sa parehong tanong.

Si Pinky ang huling natutukan kaya siya ang magtatanong sa akin. Naghiyawan ang lahat, mukhang maraming gustong itanong ang mga lalaki. Marami silang suggestions pero dahil si Pinky ang masusunod, siya ang huling magsasalita.

I kind of expected that they’ll ask me if I’m a witch. So I was so surprised with their question.

“Do you like Gasper?”
“Ayieee!” hiyaw nila, hindi pa nga ako nakakasagot.

I know what they mean. It’s with malice. I like Gasper but I want to say yes because we’re friends. I don’t want to ruin it by asking if it’s romantic or not.

“Yes,” sagot ko.

They all cheered for us. Lumaki ang ngisi ko kahit na medyo awkward. I just hope Gasper is still willing to take everything slow. Ngumiti lang naman siya sa akin at hindi na pinalaki pa iyon.

Isang ikot pa ulit at naitutok ang bote kay Gasper.

“Dare!” sigaw niya agad.

Nagkaisa ang lahat. Hindi ko nakita kung ano ang desisyon nila. Nagulat na lang ako nang sabay-sabay silang nagsabi.

“Kiss Soleil!”
I was so shocked that I had to shake my head! “Ha?”
“That’s below the belt. Hindi pa kami!”
“Aww! Kahit sa cheeks lang!” si Pinky sabay tango sa akin. “Ayos lang ‘yon, ‘di ba? Friendly kiss!”

Friendly kiss. That sounds okay?

I remember Raoul’s words. Hindi pa naman ako niyaya ni Gasper na mapag-isa kami. Laro lang naman ito. At Friendly Kiss lang daw, ‘di ba? Friend. Friends naman kami ni Gasper.

Tumango ako at pumikit na. Gasper slowly went to me. Naghiyawan ang lahat. Iyon na ang pinakamaingay na hiyawan nila buong araw. Hanggang sa naramdaman ko ang halik ni Gasper sa aking pisngi.

Natapos din. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sila sa hiyawan. Iyon ang tila closing remarks ng outing. Kaya lang, nagsiluguan pa sila ulit bago magbanlaw at magbihis ng tuyong damit.

Hindi ko inasahan na aabutin kami ng ala una bago makapaghandang umuwi.

Sana ay nakapaghintay si Raoul kina Ma’am Avila. Alam na ni Ma’am na roon kami manananghalian. I am not hungry but I will eat again if given a chance.

“Thank you sa pagsama, Leil. Sigurado ka bang kina Ma’am Avila ka lang? Pwede kitang antayin para mahatid kita sa inyo.”
“Huwag na, Gasper. Ayos lang ako kina Ma’am Avila.”

He blushed. Nag-iwas siya ng tingin kaya hinuli ko ang mga mata niya.

“Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, ha? Pasensya ka rin sa pinagawa nila sa atin.”
“Ayos lang. Friendly lang naman iyon…” sabi ko.
He smiled. “Nahihiya nga ako sa’yo, e. Alam mong gusto kita kaya alam mong medyo…” humalakhak siya at mas lalong namula. “Nagustuhan ko iyon. Alam kong medyo na awkward ka kanina.”
“Ah! Ayos lang.”
He smiled awkwardly. “I’m happy to know that you like me…” aniya.

“Leil!” sigaw ni Lola Brosing.

Napatingin ako sa gate ng kanilang bahay. Hinatid kasi ako ni Gasper dito. Nakakahiya tuloy na nakita pa kami ni Lola.

“L-Lola!”
“Sino ‘yang kasama mo?”
“Ah! Si Gasper po… Gasper, si Lola Brosing.”

Ngumisi si Lola Brosing at kinawayan si Gasper.

“Ay ikaw pala iyong manliligaw nitong apo ko!”
“Magandang hapon po, Lola! Hinatid ko lang po si Leil…”

Tiningnan ako ni Lola mula ulo hanggang paa.

“Mabuti naman. Natagalan yata kayo? Umalis na si Raoul, Leil, nabagot yata kakahintay sa’yo…” ani Lola.

Ano?

“Ah… Eh… Hindi na po namin namalayan ang oras, Lola,” sabay tingin kay Gasper.

The awkward stare from Lola Brosing and the stretching silence made Gasper realize that he should go. Mabilis itong nagpaalam. Pinaunlakan naman ni Lola. Nang umalis ito’y agad akong hinila ni Lola sa loob ng bahay.

“Anong nangyari? Kayo na? Nahalikan ka? Natagalan kayo? Marami ba talaga kayo? O kayong dalawa lang?” sunod-sunod na tanong ni Lola.
“Leil?” si Ma’am Avila galing sa kusina ang nakakita sa amin.
“Ma’am… M-Magandang hapon-”
“Mama! Mamaya na ‘yan. Pakainin muna natin si Leil.”
“Busog pa po ako, Ma’am. Alas onse kami kumain, e…” sabay tingin ko muli sa loob.
“Umalis na si Raoul. Medyo tahimik kanina at medyo suplado. Nabagot ata kahihintay sa’yo…”
“Uh… Saan daw po? Umuwi?”
“Hindi ko alam, e. Baka… Bakit saan pa ba iyon pwedeng pumunta?”

Ngumuso ako at napaisip. Galit kaya iyon kasi hindi ko sinipot. Hindi ko naman kasi namalayan ang oras, e. Suminghap ako at sinapo ang noo. Sana nasa kamalig siya.

“Ma’am. Balik po ako rito next Saturday. Uuwi na lang po muna ako sa amin.”
“Huh? Bakit? Marami pa akong tanong, hija!” bigong sabi ni Lola.
“Magkukwento ako, La, promise sa Sabado. Kailangan ko lang po talagang umuwi…” sabi ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.