Sands of Time – Kabanata 8

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 8

Kabanata 8
Smile

Alas kuatro ng madaling araw ay gising na ako. Kaya kong magluto ng pagkain ngunit noon pa man, may nakatakda nang magluto para sa akin. Of course, my father takes advantage of his power over the villagers.

“Ako na po…” sabi ko sabay kuha sa platong pinaglagyan ng almusal ko bago pumasok ng school.

Yumuko ang matanda bilang pagpupugay sa aking kabaitan. Magsasalita pa sana ako pero nanatili siyang nakayuko bago tumalikod at umalis na.

Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at nagsimula na akong kumain. Tapos na akong maligo. Sobrang lamig pa. Lalo na dahil basa pa ang buhok ko. Kaya naman medyo mabagal ang mga galaw ko tuwing ganito.

Huminga ako ng malalim. Kagabi, tinanong ko si Papa tungkol sa prom.

“Wala kang mapapala sa mga ganyan. Gagastos ka lang sa walang katuturan! Huwag ka nang sumali diyan! Pasalamat ka nga’ng hinahayaan kitang mag-aral!”

Hindi na ako nagpumilit pa. Ayaw kong maisip niyang patigilin ako sa pag-aaral dahil lang gusto kong sumali sa prom. I just want to live like a normal girl my age. But I guess I just have to look for the “normal” things in different ways. Hindi na iyong prom. Sigurado akong malulungkot si Ma’am Avila kapag ibinalita ko ito sa kanya.

Alas singko y media nang magsimula akong maglakad. Sa gubat ang tungo ko. Most of the wild hogs are nocturnal kaya kapag malapit nang mag-umaga, wala na masyadong ganoon.

Ito ang araw-araw kong ginagawa simula nang nag-aral ako. Minsan, umuulan kaya nagdadala ako lagi ng malaking payong. Minsan, kapag bagyo na talaga, wala akong magagawa kundi ang mag-absent. Sa dalas ng bagyo lalo na kapag tag-ulan, marami-rami rin ang aking absences. Bukod pa riyan, may iilang mamahaling project ang hindi ko natutugunan, iilang activity na hindi ko rin nasasalihan, kaya ano man ang marka ko sa mga tests, bababa rin iyon dahil sa kakulangan.

I’m an honor student. But I have never been to recognitions and moving up exercises. Hindi na raw kasi mahalaga iyon, sabi ni Papa. Pasalamat na dapat ako na pinapag-aral niya ako kaya huwag na akong humingi ng sobra.

Papasikat ang araw, nasa gubat ako, naglalakad. Mga huni ng pang-umagang ibon, at kung anu-ano pang hayop ang naririnig.

Iba ang amoy pagdating sa kalsada, kumpara sa gubat. Mas puro ang amoy ng lupa at mga puno roon. Sa kalsada, nahahalinhinan na ng usok, pero mas malakas ang alat galing sa dagat hindi kalayuan.

Yumuko ako para pagpagan ang medyas at ang saya. Sa mahabang lakad na iyon, laging nadudumihan ang uniporme at sapatos ko. Pagkatapos doon ay naglalakad na ako patungo eskwelahan. Minsan, papara ng tricycle kapag hindi punuan.

Papasok ako sa gate ng eskwelahan, nagulat ako at nakasabay ko si Jeff sa paglalakad. I smiled at him. Tipid naman siyang ngumiti pabalik.

“Maaga ka palang pumapasok,” aniya.
Tumango ako. “Maaga ka ngayon…” I smiled again.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi na muna ako lumiko patungo sa aming building dahil nakagawian ko nang magpunta kay Ma’am Avila bago pumasok. Kunot noo na si Ma’am, malayo pa lang ako. Nagpapagpag siya ng rug nang nakita niya ako. Kumaway ako sa kanya.

“Uh, hindi ka pa papasok?”
“Mauna ka na. Pupunta ko pa kasi muna si Ma’am Avila.”

He nodded. Nagpatuloy naman ako at dumiretso na kay Ma’am. Nang nakarating ako’y binati ko si Ma’am at nagpaalam na sa pag kuha ko na ang walis para mawalisan ang labas ng kanyang classroom.

Nanatili ang mga mata ni Ma’am sa pinanggalingan ko.

“Hindi ako pinayagan ni Papa sumali ng Prom, Ma’am. Hindi naman siguro iyon makakaapekto sa grades ko, hindi po ba?”

I traced her line of vision. Nakita kong nakatayo pa si Jeff doon sa pinag-iwanan ko sa kanya, bago pa lumiko sa senior high building. Umiling si Ma’am bago bumaling sa akin.

“Hindi naman, Leil. Pero sayang ‘yon. Iyon dapat ang isa sa mga event na mararamdaman mo na normal na high school student ka. Baka magbago pa ang isip ng Papa mo. Kausapin mo ulit. Maghahanda ako ng damit para sa’yo, kung gusto mo. Ako na rin ang magmimake up.”

I smiled widely at that. Kahit pa sa tono ni Papa kahapon, parang hindi na magbabago ang isip niya.

“Eh, gabi iyon, Ma’am. Baka mahirapan akong makauwi sa amin.”
“Pwede kang matulog na lang sa amin sa gabing iyon. Kung hindi naman papayag ang Papa mo, sigurado naman akong willing si Raoul na ihatid ka.”
“Po?!” medyo napalakas ang boses ko roon.

Whenever I hear his name, think about his face, and our possible interaction, I can’t help but panic and blush profusely. I notice it’s been so defined and intense these past few days. Hindi ko rin maintindihan kung bakit noon, sabik akong makita siya at hangaan, ngunit ngayon, nababahiran na ng hiya at kaba ang nararamdaman ko.

“Huwag na po!”

Nanliliit na mga mata ang iginawad ni Ma’am Avila sa akin. Pagkatapos ay sumulyap siya sa pinanggalingan ko kanina.

“Bakit? Dahil, marami naman ding mukhang maghahatid sa’yo, kung sakali?” makahulugan niyang sinabi.
“Wala naman po!”
“Si Jeff na naman pala ang kasabay mo ngayon. Magsabi ka ha, kung may pauunlakan ka sa mga date ng mga manliligaw mo, Leil. Huwag na huwag kang maglilihim!” pagbabanta ni Ma’am.

Mabilis na lamang akong tumango. Gulat ako sa gigil ng pagbibilin niya. Kinuha niya ang hawak kong walis.

“Sige na. Pumasok ka na at hinihintay ka ni Jeff o!”

Binalingan ko ang kaklase. Nagkatinginan kaming dalawa. Tipid itong ngumiti bago nagmamadaling mag-iwas ng tingin. Tama si Ma’am, nag-aantay nga si Jeff.

Sa huli ay iniwan ko nga si Ma’am pagkatapos magpaalam.

“Sana hindi mo na ako hinintay. Nakakahiya naman…” sabi ko nang nagtagpo ulit kami ni Jeff.
“Ayos lang. Wala parin naman yatang tao sa classroom, e.”

Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aming classroom. Sa malayo pa lang, kita ko na ang isang senior na nag-aabang sa aming pintuan. Namukhaan ko kaagad iyon kaya nagmadali na akong lumapit. Nang namataan niya ako’y agad siyang umahon at lumapit.

“Uh, Leil, isosoli ko lang ang hiniram kong ballpen sa’yo noong nakaraan,” anito sabay lahad sa akin ng ballpen.
“Ah! Nag-abala ka pa. Sana hindi mo na binalik, marami pa naman akong extra…” sabi ko kahit na tinanggap parin naman ito.

He smiled shyly. I smiled back.

“Sorry. Hindi ko maalala ang pangalan mo. Ikaw si?”
“Ah ako si…”
“Leil, tara na…” ani Jeff sabay hila sa akin palayo sa lalaki.

Sa gulat ko’y napabaling ako kay Jeff. Nakita kong medyo busangot ang mukha niya. Bumaling ulit ako sa lalaking medyo nahiya at naglakad na lang palayo.

“Jeff-” magpoprotesta sana ako.
“Huwag kang papaloko sa mga ganyan. Kunwari lang ‘yong isosoli ang ballpen,” anito.

Sumulyap ako sa paalis na senior. Inabangan siya ng iba pang mga kaklase. They tapped his shoulders and told him something bago bumaling sa amin na tila nahihiya at nangingiti rin.

So the rest of the day remained normal. Normal din sa akin pati ang pagsubok na bumili ng softdrinks sa canteen. Sa labas pa lang, pinagtitinginan na ako ng mga babae, mapa senior man o ka batch ko lang.

“Ayan na naman siya. Ginagayuma niya mga kaklase natin. Manghingi kaya tayo, ‘no?” sabay tawanan.

Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung sino ang tinutukoy nila. Alam kong ako ‘yon. The keywords are: gayuma, mangkukulam, aswang, kulto… at marami pang related words na ganyan. Hindi ko na lang sila nililingon dahil nasanay na rin ako. Sa iilang taon ba namang ganito, hindi na ito bago.

“Sabi nga raw ng ate ko, marami talaga ‘yang nagayuma. Alala mo ‘yong crush ng Ate kong si Finn? Iyong barkada nina Zamiel Mercadejas, patay na patay daw diyan, nahawakan lang ‘yan sa kamay.”

Napabaling ako roon nang narinig ang pangalan ng malapit na kaibigan ni Raoul. Nang nakita nilang napatingin ako ay nagsiirapan lang sila.

Kinuha ko ang softdrinks at mabilis na lamang na umalis doon. Like usual, my spot on that large tree is really fine with me. Ngayon nga lang, sinabayan ako ni Gasper. Pagkalabas ko’y nagyaya agad siya na sumama sa akin. Pinaunlakan ko naman dahil wala namang masama sa pagsama sa akin habang kumakain.

May baon ako. Siya naman, bumili sa canteen kanina pa siguro. Tinulungan niya ako sa pag-aayos ng sarong na madalas kong ilagay. Pagkatapos namin doon, naupo na ako at nagsimula nang ilagay ang baon at ang biniling softdrinks sa tabi.

“Gusto mo? Bumili ako ng sobrang ulam,” ani Gasper sabay lahad ng kanyang pagkain.
“Sige. Konti lang…” sabi ko sabay tusok sa kanyang ulam. “Kuha ka rin ng sa akin… kung gusto mo lang.”

Masaya ako na may nakakausap kahit paano. Kahit pa gusto kong magkaroon ng babaeng kaibigan, kontento at masaya parin ako na si Gasper ay sinusubukang makihalubilo sa akin.

“Hmm. Nakapagpaalam ka na ba tungkol doon sa sinabi ko?” Gasper asked after a long conversation about some hard subjects.
Ngumuso ako. “Hindi pa, e. Pero, pinapayagan naman akong umalis kapag Sabado. Huwag nga lang akong magpagabi…” sabi ko.
“Naku! Hindi na tayo gagabihin! Syempre, umaga tayo at hanggang kahit lunch lang.”

I suddenly got interested. I have never been to things like this. Lagi kong iniisip na kakainin ang buong araw mo kapag sasama ka sa mga “outing”. Ngayong narinig ko na hanggang alas dose lang naman, papayag na ako.

“Talaga?”
“Oo! Excited nga pala sina Pinky na makasama ka. Nagagandahan daw sila sa’yo at nahihiya lang makipagkaibigan.”

Pinky is one of the achievers of their batch. Nagulat ako na binanggit iyon ni Gasper. Lalo na dahil sinabi niyang gusto nitong makipagkaibigan.

“Talaga? E… Uh… Sige, sasama ako!”
“Sige! Saan kita susunduin?”

Ngumuso ako. Nahihiya akong kailangan pa akong sunduin.

“Hindi na. Sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo pupunta.”
“Hindi. Susunduin kita! Kahit sa may pinaghahatiran ko sa’yo tuwing hapon. Ano?”

Ngumiti ako at tumango na lang. Masaya ako at kontento sa naging desisyon ko.

Nang naghapon, napag-alaman ko na simula ngayon mag-iiba ang schedule ang mga klase namin. Iiksi ang mga panghapong klase dahil sa practice ng prom.

“Soleil, sigurado ka bang hindi ka sasali? Malaki ang puntos nitong prom. Pinagbabasehan namin ito bilang proyekto sa lahat ng subject kasi ang socialization ay importante sa lahat.”
Umiling ako. “Sorry, Ma’am…” sabi ko sa aking adviser.
Tumango siya at huminga ng malalim. “Nasabi nga ni Ma’am Avila sa akin. Pero kung sakaling magbago pa ang isip ng guardian mo, sabihin mo lang sa akin. Kahit na hindi ka sumali sa practice at wala ka sa listahan, mapapapasok kita at maki-credit naman ang magiging pagsali mo.”
“Okay po. Salamat, Ma’am.”

Mas maaga na ang mga pag-alis namin sa hapong iyon. Pwede na akong umuwi kaso naiinggit ako sa mga nananatili para magpractice para sa prom. Kaya naman nagpaiwan muna ako at tiningnan ang kanilang practice sa malayo.

Napapangiti ako tuwing may kantyawan. Tinatawag kasi ang mga magiging magpartners at iilan ay parang hinihiyawan ang lahat.

I wonder what it feels like to belong in a large group of friends who support each other? Iyong tipong alam ng lahat kung sino ang crush mo at itutulak ka ng mga iyon, susuportahan ka, at patatatagin ang loob mo. Natawa ako nang nakitang nagbibiruan na sila sa covered court. Pati ang mga teachers ay nakikisali. Lalo na nang tinawag si Gasper at mukhang iyong batch kong may gusto sa kanya ang naging kapartner.

“Maaga tayo ngayon dahil first day of practice. Bukas, matatagalan tayo kaya mas mabuting magbaon kayo ng snacks,” anunsyo ng adviser ko sa lahat.

Napatalon ako roon. Hindi ko namalayang talagang tinapos ko pala ang practice nila sa araw na iyon para lang makita ang mga mangyayari. Inayos ko ang gamit ko at nagsimula nang maglakad. Bago uuwi, magpapaalam muna ako kay Ma’am Avila.

Hindi ko rin inasahan na maaabutan pa ako ni Gasper at Ronald.

“Buti naghintay ka…” si Gasper.
“Natutuwa kasi ako sa practice n’yo.”
“Bakit ka kasi hindi talaga sasali?”
“Ayos lang ‘yan, Leil. Hindi ko nga masyadong gusto sana sumali kaso baka bumaba ang grades ko kapag hindi…” si Ronald naman ngayon.
“Sabi ni Ma’am, kung magbabago ang isip ni Papa, pwede pa naman akong sumali kahit hindi nakapagpractice.”
“Talaga?” natutuwang sinabi ni Gasper.

Sabay ulit kami sa pag-uwi. Pero alam ko, bukas, hindi na ganito. Syempre, hindi na ako magtatagal para silipin sila sa practice. Iinggitin ko lang ang sarili ko, kung sakali kaya huwag na.

“Nagtanong nga pala ako kay Mama, Leil, kung pwede ko bang ipahiram ang damit ng kapatid ko. Pumayag siya. Kaya sabihin mo lang sa akin kung sasali ka nga. Ipapahiram ko iyon sa’yo!” excited na sinabi ni Ronald.
“Naku salamat, Ronald! Nakakahiya pero kung sakali, pwede nga. Eh, nag offer si Ma’am Avila sa akin na sagot niya ang magiging damit ko. Kaso baka mapabili pa si Ma’am. Nahihiya kasi ako pag napagastos pa… Mas gugustuhin kong manghiram…” sabi ko, ngayon kay Ronald na ang mga mata.
“Masaya ako para sa’yo, kung ganoon. Pero sa Sabado, huh? Wala na iyong bawian, Leil…” si Gasper naman ngayon.
“Sabado?” si Ronald na mukhang nalilito.
Natawa ako. “Niyaya niya kasi ako sa lakad nila. Hindi naman ako bawal umalis ng Sabado, huwag lang gabihin kaya pupunta ako.”
“Ah…” sabay tango ni Ronald.

Ngumiti ako kay Ronald. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

“Excited na ako. Sagot ko na lahat sa’yo sa Sabado, ha? Kaya huwag ka nang mag-abalang magdala ng pera para sa pagkain. Ako na ang bahala.”
Tumango ako. “Hindi ba sabi mo maliligo tayo? Saan naman iyon?”
“Ah! May maliit na resort diyan may pampang. Nakapunta ka na ba riyan?”
Umiling ako. Nagulat siya.
“Pero nakapunta ka na ng beach, hindi ba?”
“Sa may likod ng simbahang katoliko, oo. Pero hindi pa diyan sa sinasabi mo.”

Our conversation went on and on. Tumigil lang kami saglit nang nagpaalam na si Ronald para sa kanilang bahay. I waved at him while he waved sadly back. Tumalikod siya kaya nagtagal ang tingin ko sa kanya.

“Ayos lang kaya si Ronald?” sabi kong wala sa sarili.
Humalakhak si Gasper kaya napatingin ako sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
“Naku! Nagseselos ‘yon,” ani Gasper.
“Selos? Bakit naman?” napangiwi ako.

He smirked. Tiningnan niya ako tila hindi makapaniwala.

“Hindi mo ba nahahalata? May gusto ‘yon sa’yo…”
“Huh? Eh, kasabayan ko lang ‘yon pag-uwi, e. ‘Tsaka… hindi naman siguro, Gasper.”
“May gusto ‘yon sa’yo. Wala lang guts na pumorma. Natotorpe…” kibit balikat niya.
“Hindi naman siguro.”
“Mabuti na nga lang din, e…” sabay hawak niya sa batok at iwas ng tingin sa akin. “Mabuti na lang babagal bagal ‘yon. Baka maunahan pa ako.”

Nagulat ako roon. Nanatili ang tingin ko sa kanya at unti-unting sumilay ang aking ngiti. I don’t want to assume that I get what he is saying but… I’ve read too many love novels not to realize the advances.

“Anong ibig mong sabihin?” nangingiti kong sinabi.

He smiled awkwardly. Hinarap niya ako at tiningnan ng diretso sa mga mata.

“Crush kita, Leil. At kung ayos lang sana, manliligaw ako…”

Oh. Well… I don’t know what to say. I mean… I have never done this thing.

Nanatili ang ngiti ko. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin. To be admired by someone is a nice feeling. I just don’t know what’s next to it.




“H-Hindi kita minamadali, huh? Alam kong hindi pa masyadong matagal ang pagkakaibigan natin. Sinasabi ko lang sa’yo. Natatakot akong maunahan, e…” sabay halakhak niya.
Marahan akong tumango.
“S-Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin, Leil…”
“Hindi naman. Hindi ko lang alam paano mag react. First time ko kasi ito na-”
“Hindi ako naniniwala! E sabi ng mga kalaro ko sa basketball, marami ka nang binasted!” aniya.
“Huh? Wala naman…” sabi ko.
“May senior nga namin na crush ka. Sabi binasted mo raw!”
“Sino?”

Hindi ko naaalala na may nagsabi na sa aking pwede ba akong ligawan. I just know some seniors who asked me out but I was too scared or too doubtful to say yes. Wala pa kailanman ang nagsabing manliligaw sa akin. Si Gasper pa lang.

“Humble ka lang, e…” tukso ni Gasper.
Umiling ako. “Totoo. Wala pa akong manliligaw…”
Umiling din siya, hindi naniniwala.

The smile did not fade away the whole time. Kahit pa noong umalis na si Gasper at nagpatuloy na ako sa pagtahak doon sa damuhan. My mind flew so high thinking about the doors that are opening for me. Pakiramdam ko, unti-unti na akong napapalapit sa mundong noon pa man ay itinataboy ako.

Belonging to a group of friends in the future feels good for me. Hindi ko pa nga lang naiisip ang tungkol sa panliligaw ni Gasper pero ang isiping may isang taong humahanga sa akin gaya ng paghanga ko siguro sa kay Raoul ay masarap sa pakiramdam.

“You’ve been smiling the whole time, huh?”

Halos mapatakbo ako sa biglaang narinig ko. I jumped a bit and saw Raoul tying a nest on a tree’s lower branch. His eyes lingered on me like a hawk. His expression is too uptight and intense but I’m too shocked to process it.

“Ikaw pala ‘yan!” I said relieved.

Hawak ko ang dibdib ko para damhin ang tumalong puso. Akala ko talaga baboyrami. Hindi pa naman ako naging maingat sa paglalakad dahil sa kakaisip ko sa mga nangyari. Napalinga-linga ako sa daanan. I’m still halfway away from the barn house. Confident akong huwag siyang isipin muna dahil sa distansya pero narito siya?

Matalim ang kanyang tingin nang bumaba sa isang ugat. Tumingala ako para tingnan ang pugad ng ibon. Nakita kong dumapo ang isang ibon doon. He rubbed his hands together to shake off the dust on them.

“Bakit ka nandito?” sabi ko, tinutukoy ang distansya ng kamalig sa tagpuan namin.

Bumaling ako sa pinanggalingan. Galing dito, kita ko pa ang kalsada sa malayo. Kung kanina pa siya rito, ibig sabihin nakita niya ako roon kasama si Gasper.

“Is that your classmate Jeff?” he asked.

I knew it! He saw me with Gasper. Umiling ako.

“Ah… Si Gasper ‘yon…” sabi ko sabay tingala ulit.

He helped a bird with its nest? Ngumuso ako at natuwa sa ginawa niya. Humanga. Humanga na naman sa konting ginawa niya para sa isang walang muwang na hayop.

He inhaled violently and started walking. Ang mga tuyong dahon ay nagsusumigaw ng pagkakawasak sa bawat yapak niya. Sumunod ako, bahagyang tumakbo para maabutan siya.

“Inayos mo ang pugad ng ibon?” tanong ko, nakatitig lang sa likod niya.

He’s wearing a gray plain t-shirt now and his dark jeans with his usual black boots. He looks like a soldier. Kahit iyong hubog ng katawan niya, tila ganoon din – toned and fine. Bumilis ang pintig ng puso ko habang tinititigan siyang ganoon at pinagmamasdan.

I ran a bit again para lang mapantayan ko ang kanyang paglalakad. Ang mga kamay ko’y nasa likod at pinipisil ang isa’t-isa para mapigilan ang damdamin ko.

“Nahulog kaya inayos ko. Is that the boy who asked you out?”

He diverted the topic like it’s nothing. We should spend more time talking about his kindness to animals but I think he doesn’t think it’s a big deal.

“Uh, oo…” Uminit ang pisngi ko.

Sumulyap siya sa akin. I gave him a shy smile but he wasn’t humored by it. Kinabahan tuloy ako. Hindi ba sinabi niya na ayos lang? Iyon ang advice niya sa akin. Sinabi niya nga lang na huwag sagutin kung hindi ko naman gusto pero pwede ko namang pagbigyan para subukan.

“Pwede tayong magsabay patungo sa teacher mo sa Sabado. Bring your pet goat too so I can see it again.”

Natigilan ako roon. Naramdaman niya kaya tumigil din siya para seryoso akong tingnan. I smiled awkwardly.

“Uh… Kasi… may gagawin ako sa Sabado. Pwede bang sa susunod na Sabado na lang?”

His jaw was clenched so tight I can see it moving. He nodded forcefully before starting to walk again. Bahagya akong tumakbo para maabutan ko ulit siya.

“So you said yes when he asked you out, huh?”
“Hmm…” nanatili na naman ang kamay ko sa likod, nagpipisilan. “Oo. Kasama namin ang mga kaibigan niya.”
“Is that why you were smiling the whole time?” mapanukso ang tinig niya nang tinanong iyon.
I chuckled. “Hindi naman… Pero… first time ko kasing sumama. Naisip ko, ayos lang ‘yon. Hindi kasi ako makakasama sa prom kaya at least makakasama ako sa kanila at maramdaman kong… uh… medyo normal naman ang buhay ko.”

He grew silent. Tumitig ako sa kanya ngunit sa bilis ng kanyang paglalakad, hindi ko halos makita ang kanyang ekspresyon.

Ilang saglit ang katahimikang lumipas. Tanaw na namin ang kamalig pagliko. Naisip ko tuloy kung may nagawa ba akong masama o may nasabing hindi maganda.

“Bakit? Sa tingin mo ba hindi magandang ideya iyon?”

He sighed heavily before responding.

“Huwag kang magtitiwala agad. Iba-iba ang mga intensyon ng mga tao.”
“Mararamdaman ko naman siguro iyon, kung sakali.”
“How will you know? You’ve never dated anyone.”

Lumalayo ang agwat ng sagutan namin. Malalim ang iniisip ko bawat salitang naririnig sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

“Hindi ko alam. Pero siguro naman… mararammdaman ko, ‘di ba?”

The silence stretched again. Tanging ang mga dahon lang ang naririnig namin.

“If he asks you to go with him to this peaceful secluded place. Anong iisipin mo?”
“Hmm. Sasamahan ko siya. Baka may kukunin lang?”

He barked a laughter but I can’t hear humor in it. Bumaling siya sa akin, nakarating na kami sa kamalig. He dragged a chair near the stream at inilagay niya iyon sa harapan ko. Nakuha ko agad iyon.

“See? You don’t even know it’s a trick to get you alone.”

Ngumiwi ako at naupo sa ibinigay niyang silya, iniisip kung tama ba talaga siya. May mali bang gagawin si Raoul Riego? Hindi ko alam. In my mind he’s everything. He’s right. He’s the light. He’s correct. He’s all true.

Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya nakahawak na ang mga kamay sa lamesa at nakatingin sa akin. Nag-aabang siya ng marerealize ko. Napakurap-kurap ako dahil sa ibinibigay niyang ekspresyon. Those underlying darkness in his eyes is making me very nervous. He is so good-looking that he’s affecting even my breathing.

“Hindi naman siguro.”
“Why would you conclude that it’s nothing. You have no experience with dating and boys in general. Boys your age… are so…” he trailed off.

Hindi niya dinugtungan kaya tumagal ang titigan naming dalawa. My heart is pounding really hard. I am so nervous. I can’t even smile even when I am so happy deep inside.

“Kahit na. Nakabasa ako ng mga nobela tungkol sa pag-ibig. Tingin ko, medyo may alam naman ako-”
“This is very different from those love novels. And you think that boy is your leading man, huh?”

Tumigil, bumagal, at lumakas ang pintig ng puso ko. Ramdam ko ang yanig noon sa aking dibdib. His dark eyes gives off a calm but thick mystery. Lalo na ngayong tumititig at seryoso ito sa akin.

“Hindi naman…” sabay iwas ko ng tingin.
“If he asks you to kiss him, what will you do?”

What? Uminit ang pisngi ko ulit. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I saw his jaw clenched again. His eyes grew darker. Hinawakan ko ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init nito.

“Would you let him?”
“Hindi!” agap ko.
“What if he won’t ask you that? Kung lalapitan ka nalang niya at hahalikan-”
“Hindi naman siguro, Raoul. Marami naman kami.”
“You can’t expect to be with his friends the whole time. Siya ang nagyaya sa’yo kaya sigurado akong may mga oras na kayong dalawa lang.”

Ngumuso ako at nag-isip na tama naman siya. Lalo na dahil kasasabi lang ni Gasper sa akin kanina na manliligaw siya.

“Hindi naman siguro siya magpapadalos-dalos. Kung gusto niyang sagutin ko siya, hindi ba dapat mag-ingat siya sa mga kilos niya?”

He rose from the table. Ngayon tumuwid siya sa pagkakatayo. Kunot ang kanyang noo na tila ba may pagkakamali na naman ako.

“So… he’s courting you, huh?”
“Kanina lang-”
“Reason why you’re smiling the whole time?”

Ngumiwi ako, nahihiyang umamin.

“You like him?”
“Kaibigan, oo.”
“Boyfriend?”
Umiling agad ako dahil iyon ang totoo.

Tinalikuran niya ako. He murmured some familiar english curses. Nang binalingan niya ako ay nagkatitigan ulit kami. He’s just concerned about me. I’m like his younger sister. Kung ganoon, dapat mag “Kuya” ako sa kanya, ‘di ba? But that’s awkward. Especially when I think about us, I don’t call him that. I call him Raj… like I’m his equal. I smirked at that.

“You’re thinking that it’s possible to like him as your boyfriend right now?” mariin niyang sinabi.
Maagap akong umiling at itinago ang ngiti dahil sa iniisip. “Hindi. Hindi ko siya gusto ng ganoon. Sabi naman niya, hindi siya nagmamadali…”
“Even so… if he asks you to kiss him, would you?”
“Hindi…” bigo kong sinabi.
“Why do you sound sad?”
“Hindi!” ulit ko, mas maganda ang tono ngayon.

Matalim ang titig niya bago siya nag-iwas at naglagay ng cellphone at iba pang gamit sa lamesa.

“You text each other?” now he sounds more relaxed.
“Hindi. Wala akong phone…” sabay titig ko sa kanyang cellphone.
“Hm…” he mocked.
Matalim ko siyang tiningnan.
“Buti na lang,” bawi niya. “Those are the cheap tricks of boys right now. Texting their prospects because they can’t say it in person.”

Ngumuso ako. Akala ko minamaliit niya ang kawalan ko ng cellphone.

“Akala ko minamaliit mo ang kawalan ko ng cellphone,” sabi ko, nakatitig sa kanyang cellphone.

Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang cellphone at inilahad sa akin.

“Marunong ka bang gumamit.”
Tumango ako. “Minsan sa lunch, naglalaro ako sa cellphone ni Ma’am Avila. Pero hanggang doon lang. May Facebook ako, ginawa ko noon sa computer laboratory pero hindi ko laging nao-open, e.”

Inilahad niya ang cellphone niya sa akin. Kumunot ang noo ko.

“Open it here. I don’t use it that much…”

Oh?

Para akong lumilipad. Lalo na nang nahawakan ko ang cellphone niya. This means something. This feels like we’re that close na kaya ko nang hawakan ang cellphone niya. Nang nahawakan ko iyon ay agad niyang binitiwan.

Manghang mangha ako. Hindi dahil mamahalin at first time kong makahawak ng ganoong cellphone, kundi dahil para na rin niyang ipinagkakatiwala sa akin ang privacy niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He’s maneuvering a gray laptop now.

“Uh, ayos lang. Nakakahiya. Baka may mabasa akong pribadong sa’yo.”
“Tulad ng ano?” aniya nang hindi sumusulyap sa akin.
“Hmm… Message ng girlfriend mo?”
“I don’t have a girlfriend.”
“Uh, nililigawan?” sabi ko para pigilan ang pagkakatuwa.

He looked at me with lazy eyes. He seems impatient or that I look like I’m talking nonsense.

“Okay. Subukan ko kung alala ko pa ang password,” sabi ko para hindi na niya ako tingnan ng masama.

I opened the application. Hindi na ako nagulat nang nakitang profile niya iyon. Ngumuso ako at mas lalong kinabahan. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa saya. Imagine, I can even browse his profile like this. Like there’s no barrier between us.

I opened his photos at nakita ko ang mga ginagawa niya sa Manila. All from a picture with his friends in a dark place down to his looks when he’s wearing a tux. I saw the red notifications telling me of how much interaction does he have online. At ni hindi iyon napapansin. Napatingin ako sa kanya. Gustuhin ko mang tingnan, alam kong pribado na iyon.

“Hindi ka nagfi-Facebook madalas?” tanong ko.
Umiling siya. I logged out his account and typed mine. Nang nakapasok ay nakita ko agad ang iilang notifications din. Marami, pero dahil iyon hindi ako laging nakakapag-open. It beeped so many times that it got his attention.

“Ah… Maraming nag memessage,” palusot ko.

He nodded but his eyes remained on me.

“Anong oras ang alis mo sa Sabado, kung ganoon?”
“Umaga. Hihintayin niya ako sa may kalsada. Pero tapos na kami paglunch.”
“Hihintayin kita sa kina Ma’am Avila. Sabay tayong mananghalian doon.”
“Okay. Ayos lang. Sabi naman ni Gasper, tapos na kami sa oras na iyan.”
Tumango siya. “Huwag kang papahalik. Manliligaw mo pa lang iyon.”

Ngumiti ako dahil alam ko iyon. ‘Tsaka na nga naman pwede kapag boyfriend na. Wala pa naman akong planong magkaroon. He eyed me with intensity and sharpness that lingered for a while. I smiled wider because I find him very handsome lalo na kapag ganito.

He tore his eyes off me and continued with what he’s doing on his laptop.

Uminit ang puso ko sa nangyayari. I find it so hard to believe that I can hold his phone like this. Kahit ang pag-upo man lang dito katabi siya. At kahit ang normal naming pag-uusap at ang mga payo niya sa akin… lahat. I feel closer to him. I feel like I’m living some parts of my dream.

Alam kong napakaimposible ng pangarap ko pero ang makasama siyang ganito, kontento na ako. We don’t always get what we want in this life. So bits of it is fine with me. Scraps of it is everything to me.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.