Sands of Time – Kabanata 7

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 7

Kabanata 7
Date

Ang sabi sa nabasa ko, para makalimutan ang isang tao, kailangan abalahin ang sarili. Play sports, hang out with friends, learn a new hobby, at marami pang iba.

Paano naman kaya iyon sa aking konteksto?

For five consecutive days, I have consistently seen and interacted with Raoul near the barn. Pauwi ako, naliligo o ‘di kaya’y nakaupo siya at nagpapahangin. Iba-iba rin ang reaksyon namin araw-araw.

For Tuesday, there’s not much interaction. Tumango ako at ngumiti. Ganoon din siya at hinayaan na akong umuwi. I was so scared to interact with him dahil sa nangyaring pag-iyak ko kahapon kaya ganoon lang ang nagawa ko.

Pagkadating ko sa village, sising sisi ako. Nababaliw na ba ako? Ni hindi ko man lang siya binati ng magandang hapon? O ‘di kaya’y tinanong kung ayos ba ang araw niya? O busy ba siya? O kahit ano?

That was one weird encounter. Kaya naman naghanda ako para sa pagkikita namin pagdating ng Wednesday. But then I was so nervous the whole day, hindi na ako makapagconcentrate sa kahit ano.

“So, sure ka na, Leil ha?” si Ma’am Avila nang nagkasabay kami sa corridor.

May meeting yata ang mga teachers habang kami nama’y pauwi na. I was so preoccupied the whole day that I am sometimes spacing out.

“N-Na ano po?” tanong ko nang hindi nakuha ang ibig sabihin ni Ma’am.

Nakapamaywang siyang dismayado sa akin. Tumango agad ako nang natanto ang ibig niyang sabihin.

“Oo, Ma’am, sa Sabado.”
“Oo. Mabuti. Dahil naghahanda ang Lola Brosing mo ng magiging meryenda mo kapag bumisita ka. Unang bisita mo pa ‘yon sa taong ito.”
“Ah… Hindi na po dapat nag-abala si Lola. E, bibisita na ako lagi.”
“Asus-”
“Leil, tapos ka na?”

Napatingin ako sa nagtatanong. Bahagya akong nataranta nang nakita si Gasper doon. Muntik ko nang makalimutan na niyaya niya nga pala ako ngayon. Sasabayan niya raw ako sa paglalakad pero sinabi kong dapat hanggang sa kalsada lang siya. Pumayag naman siya kaya pinaunlakan ko na. Besides, it’s a friendly gesture gaya ng ginagawa ni Ronald sa akin.

“Oo.”
“Magandang hapon, po, Ma’am Avila,” bati ni Gasper kay Ma’am Avila nang nakitang istriktang nakatingin na sa amin si Ma’am.
“Ah, Ma’am, magsasabay lang po kami ni Gasper sa paglalakad pauwi…”

Matalim akong tiningnan ni Ma’am Avila. Tumango rin siya kalaunan pero hindi nagbago ang kanyang reaksyon.

“Leil!” narinig ko sa malayo ang isang pamilyar na boses.

Sabay kaming lumingon ni Gasper. Ngumiti ako at kumaway nang nakita si Ronald. Napawi naman ang ngiti ni Ronald nang nakita ang isang kasama ko.

“Ronald, sasabay si Gasper sa paglalakad natin pauwi…”
“Ah…” medyo matamlay na sinabi ni Ronald.

Bumaling ako kay Ma’am Avila. Tagilid na ang ulo niya at nanliliit ang mga mata. Ngumiti ako.

“Papanhik na kami, Ma’am. Sigurado po ako sa Sabado.”
“Sabado?” si Gasper nang narinig ang sinabi ko.
“Oo. Pinapapunta ko siya sa bahay sa Sabado. Sige na. Tumulak na kayo at gabihin ka pa, Leil.”

Tumango ako at naglakad na pagkatapos ng pagpapaalam. So the whole time we are walking beside the road, iyon ang naging topic. Ang pagpunta ko kina Ma’am Avila sa Sabado.

“So… pwede ka palang lumabas kapag Sabado?” tanong ni Gasper.
“Hmm. Oo, kung hindi abala sa nayon.”
“Nagkita nga tayo noon sa tiangge, Leil, ‘di ba?” si Ronald naman ngayon.

Ngumiti ako at tumango.

“Yayayain sana kitang lumabas. Kahit sa may dagat lang, alam mo na… Ligo… kain… simple lang…” nahihiyang sinabi ni Gasper.
“Ah… Kailan ‘yon?” tanong ko, medyo nagdadalawang isip.
“Uh, syempre, kung kailan ka pwede na Sabado. Kung mahihirapan ka sa pagpapaalam, makakapaghintay naman ako kung kailan ka papayagan. ‘Tsaka, marami tayo. Mga kaibigan ko.”
“Naku, Leil, baka dahil diyan, ‘di ka na makapunta sa Prom ah?” si Ronald naman ngayon.

I am seriously not thinking about those things. Masaya naman ang gusto ni Gasper. I assume he’ll be with his girl friends. Hindi ko nga lang sigurado kung ano ang mga magiging reaksyon nila tungkol sa pagsama ko.

May tama rin si Ronald. Baka magalit si Papa at isiping maglalakawatsa ako. Sa huli, baka hindi pa ako makasama sa prom.

“Susubukan kong magpaalam muna,” sabi ko sa huli.
“Sige!” Gasper said in an enthusiastic tone.

Pansamantala kong nailipat ang atensyon doon. Kaya naman nang nagpaalam na ako kay Gasper, bumalik ulit sa aking isip ang mangyayaring pagkikita namin ni Raoul ngayon sa may kamalig.

Okay, breathe in, breathe out. I need to relax and think about my questions! I don’t want to be rude like what happened yesterday. Dahil lang kabado ako, ganoon na ako makikitungo sa kanya? Kailangan hindi rin ako magpapahalata na kinakabahan ako.

Tanaw ko na ang kamalig at pakiramdam ko’y mahihimatay na ako sa sobrang anticipation. Paulit-ulit sa utak ko ang gagawin. Hindi maganda iyon. Mas lalo kasi akong kinakabahan kapag ganoon kaya papalapit sa kamalig, inalis ko ang lahat sa isipan ko.

Raoul is sitting on a chair in front of the stream. Mag-isa siya, gaya kahapon at noong Lunes. Isa lang din ang kabayo. I can hear the slight strumming of guitar and I’m sure it’s him.

Tumigil iyon at nakita ko ang pag-angat niya ng tingin. Ilang saglit ang lumipas ay nagpatuloy ang paggigitara pero ang mga mata niya’y nanatili sa akin.

Tumikhim ako nang nasa tamang distansya na para marinig.

“M-Magandang hapon.”

Unang sinabi ko pa lang, nauutal na ako. Tumigil ako sa paglalakad para makalma ang sarili. Hinawakan ko ang aking shoulder bag at sinubukang ngumiti.

Itinabi niya ang gitara at ibinaling na ang buong atensyon sa akin.

“Ah… Hindi na… Sige, magpatuloy ka…” nahihiya kong sinabi nang napansin ang pagtigil niya.

Tumayo siya at umiling.

“It’s okay. Done with school?”
“Oo…”

Awkward na naman. Nakalimutan ko lahat ng inensayong tanong. Kailan ko ba maitatama ito? Ayaw kong umalis dahil natatakot akong magsisi ulit ako gaya kahapon.

“Great. Kailan ba madalas maraming activity ninyo? Friday?”
“Uh… Oo.”
“Kaya sa Friday, sa gubat ka dadaan, ganoon?”
“Ganun na nga… Uh, gagabihin kasi ako kung dito pa dadaan.”
“I have a bigger flashlight… and… I will also be here so…”
“Ah… Huwag na, nakakahiya naman.”
“No, it’s okay. If it’s that scary, I can also… lead you till your village.”

Nanlamig ang mukha ko. Naalala ko ang nangyari noong hiyang-hiya ako dahil sa nasaksihan niya at ng kanyang kaibigan! Hindi ko na kayang maulit pa iyon!

In fact, hindi ko alam bakit lumipas ang ilang taon at ilang interaksyon ay hindi niya na binanggit pa iyon. Hindi siya nagtanong kung anong ginagawa ko o kung ano talagang meron doon. Maybe he didn’t want me to feel uncomfortable.

Ganoon din yata ang gagawin niya ngayon. Siguro, kita sa mukha ko ang naging reaksyon sa alok niya kaya maagap siyang dumugtong.

“Well, kahit sa malayong parte lang para hindi ka na matakot.”
“Uh, hindi na… S-Sa gubat na lang ako dadaan kapag Friday.”

He nodded slowly, like he’s taking it all in.

Nakakabinging katahimikan ulit ang bumalot sa amin. Ni hindi ko na namamalayan ang sariling paninitig sa kanya. I missed him so that today I indulged myself. Pinagmasdan ko ang mga bago sa kanya at muling sinaulo ang lahat ng detalye.

He’s wearing a faded jeans and a black t-shirt. Hindi yata siya mags-swimming ngayon. Naka botang itim din siya gaya ng madalas na suot.

“Your goat still with you?” umangat ang gilid ng kanyang labi.

Nagulat ako roon. Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon.

“Oo. Nasa… bahay.”
“Have not seen it for a while now. Hindi mo na sinasama sa mga lakad mo?”
“Uh, hindi na masyado. Mabigat na kasi siya at… mahihirapan na ako dahil sa mga ugat sa gubat.”
“How about if you let the goat walk till here. Huwag na sa gubat para hindi na mahirapan?”

Kitang-kita ko ang pag-asa sa tanong niya noon. Napakurap-kurap ako habang nangangapa ng sasabihin.

“Uh… Pwede rin. Uh, sa ibang araw. Next week, siguro. Kapag… weekend na.”
“Oh. You have things to do this Saturday?”

Hindi ako nakasagot agad. Nanunyo ang lalamunan ko sa biglaang mga tanong niya.

“It’s okay, really… Don’t bother…” he nodded and chuckled a bit.

Seryoso akong bumaling sa kanya. Tumango na rin ako para tuldukan na iyon pero may pahabol pa.

“Baka sa susunod na Sabado.”
Tumango siya. “Great… then…”

Kabadong kabado parin ako kahit ngayong nagbabalik tanaw na lang ako sa mga nangyari. Thursday, we chatted a bit, too. Naligo siya noong dumating ako, hindi pa umaahon kaya nagkaroon ako ng guts na magtanong tanong sa araw niya.

“Kanina ka pa rito?” tanong ko nang nakitang sinubukan niyang lumangoy patungo sa kabilang parte ng sapa.
“Around two thirty.”
“Anong oras pala natatapos ang trabaho mo?”
“Two. Ako lang naman ang gumagawa ng limit sa sariling trabaho pero maaga ako araw-araw kaya pwede nang umalis sa ganoong oras. How about you? How’s school?”

Nagulat ako sa tanong na iyon. ‘Tsaka lang ako nakasagot nang nakabawi na.

“Ayos lang. Uh, masaya…”

Pinikit kong mariin ang mga mata ko nang naalala ang lahat ng nangyari sa linggong iyon. I have been too awkward the whole time! Sana kainin na ako ng lupa ngayon! O ‘di kaya’y makalimutan ko ang lahat?

“Ayos ka lang, Soleil?” si Lola Brosing pagkatapos ilahad sa akin ang cake na niluto.

Sabado na ngayon. Hindi kami nagkita ni Raoul kahapon dahil gaya ng sinabi ko, may activities kami sa school kaya sa gubat ako dumaan. Nanghihinayang ako pero tuwing naaalala ko naman ang mga konting usapan namin, nahihiya naman ako.

“Ayos lang po…” miserable kong sinabi sabay hilig sa likod ng upuan.
“Bakit parang may bumabagabag sa’yo?”

I sighed and cleared my mind. Nandito na nga ako kay Lola, ganito pa ang inaasal ko. Minsan na nga lang ako rito, kung anu-ano pa ang iniisip ko.

“Lola, dadalaw na po ulit ako rito madalas. Siguro… mga Sabado…” sabi ko para gumaan lalo ang loob ni Lola sa akin.
“Oh… mabuti naman kung ganoon. Hmm…” tumaas ang kilay niya.

Ngumiti ako at niyakap ang baywang ni Lola. She smirked. Hinaplos niya ang buhok ko. We stayed like that for a moment until I heard their gates open. Si Ma’am Avila ba iyon? Dumating ako rito kanina, wala si Ma’am, e.

“Si Raoul na siguro iyon…” si Lola at kumalas na sa akin para puntahan ang kung sinong tinukoy na dumating.
“P-Po?” namilog ang mga mata ko.

Narinig ko na ang boses ni Ma’am Avila galing sa pangalawang palapag ng bahay. Tumayo ako para sumungaw sa kung sino ngang dumating at nang nakita ang pagbaba galing sa kabayo ay napaupo ulit ako.

Bakit nandito siya?

Ngayon pa talaga na halos pagsisihan ko ang lahat ng nangyari?

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko malaman ang gagawin. Natataranta ako. Sa huli ay pinili kong magsimula na lang sa pagkain para hindi masyadong halata ang pagkakataranta.

“Nandyan na si Raoul, Ma?” si Ma’am Avila na bumababa na ngayong may dalang mga papel.

Ma’am Avila smiled at me. Kumaway ako at nilagpasan niya para tingnan ang kadarating lang na si Raoul.

“Pasok ka…” naririnig ko.

Patuloy ang pagkain ko sa cake. For sure aanyayahan nila itong kumain ng cake. Pagkatapos ng pagkain ko, magdidilig na lang ako ng halaman para may ibang gawin naman.

“Pasensya ka na, Raoul. Ikaw pa talaga ang pumunta rito. Kami na nga ang humihingi ng pabor,” si Ma’am.
“That’s okay. Wala rin naman po akong gagawin ngayon.”
“Naku! Pasok, hijo! Tamang tama at nakapagluto ako ng meryenda. Nandito rin nga pala si Leil…”

Sumulyap ako. Nagkatinginan kami ni Raoul. Ngumiti ako sa kanya kahit pa kabadong kabado ako. He nodded and smiled a bit, as well.

Hindi ako naging matagumpay. Nangangalahati pa lang ako sa cake nang naupo si Raoul sa lamesa at nilagyan na rin ang cake ang kanyang platito. Nag-usap sila ni Ma’am Avila.

Apparently, Ma’am Avila has few recommendations for the jobs their company will soon offer for the region. Tatlo yata ang nirekomenda niya at mukhang makukuha nga ni Raoul iyon.

He assured them. Nagpasalamat naman si Ma’am Avila at Lola Brosing sa tulong ni Raoul. Nagpatuloy ako sa tahimik na pagkain nang bumaling si Ma’am sa akin.

“Buti natuloy ka?” panunuya ni Ma’am.

Nasulyapan ko si Raoul na ngayon ay magsisimula pa sa kanyang pagkain pero nakatingin na rin sa akin. Naiintindihan ko ang pagiging kuryoso niya. Masyadong malakas at madrama ang sinabi ni Ma’am Avila kaya nalingon din si Lola.

“Bakit? Hindi ba dapat iyan tutuloy, e, kasasabi niya lang na lagi na raw siyang dadalaw rito? Tuwing Sabado.”

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko matingnan ng diretso si Raoul lalo na dahil nakatingin na siya sa akin.

“Hmm. Akala ko may ka date na ‘yan, e, kaya hindi na dumadalaw rito.”

Pakiramdam ko’y dumoble ang init ng pisngi ko. I can literally feel the smoke come out of my ears because of that!

“Wala po!” agap ko.
“Asus! Nakwento nga ni Luz na may mga manliligaw ka raw!” Naku!!!” gigil na sinabi ni Lola.

Nilingon ko si Ma’am, baka sakaling pigilan niya si Lola gaya ng ginagawa noon pero ngumisi lang siya ngayon at nagpatuloy sa paghiwa ng kanyang cake.

“Wala po!”
“Wala!? Eh, noong nakaraan lang niya naikwento na hinahatid ka raw sa inyo? Ano ‘yon? Hanggang gubat, Leil?”
“Ah…” Napasulyap ako kay Raoul na nakakunot na ang noo habang nakikinig. “Hindi. Si… ano lang po ‘yon… Nagkasabay lang kami sa pag-”
“Ano? Si ano? Nakalimutan mo sa dami, ‘no? Ilan ba iyong naghatid sa kanya noon, Luz?”
“Dalawa, Mama…” si Ma’am.

Naghuhuramentado na ng husto ang aking puso. Hindi ko na mapigilan ang mag-inang Avila sa mga sinasabi nila. Ayos lang naman sana pero ayaw kong naririnig ni Raoul! Ano na lang ang sasabihin niya? Baka mag-iba ang tingin niya sa akin.

“Dalawa? Dala-dalawa ang naghahatid sa’yo?”
“Hindi po. Si Gasper lang po ‘yon. Si Ronald, lagi ko iyong kasama at hindi naman ako hinahatid ng mga iyon.”
“Hmm. Naku, Leil… Dalaga ka na pero wala ka masyadong kaibigan kaya hindi mo alam kung maganda ba ang pakay ng mga lalaking iyan sa’yo…”

Umiling agad ako.

“Pagkakaibigan lang naman po…”
“Asus! Kaibigan? Sa ganda mong ‘yan? Kung hindi ka lang mahiwaga ay baka matagal ka nang nagkaroon ng boyfriend… Iyon ay kung wala pa ngayon?” Nanliit ang mga mata ni Lola.
“Wala po!”
“Eh, ang sabi noong anak ni Mang Edong, pumupunta ka raw ba rito at nang pupunta rin siya kapag nariyan ka!”
“Huh?”

Raoul chuckled. Napabaling si Lola Brosing sa kanya dahil sa tawa. Umiling si Lola, ngayon sinasali na si Raoul sa usapan.

“Dami, Mama. Naku, sa school, mga dating estudyante ko, nagpapalakad. Alam kasi ng mga iyon na malapit sa akin itong si Leil.”
“Naku, Raoul! Ikaw, lalaki ka at naranasan mo na ‘to. Anong masasabi mo?”

Kinagat ko ang labi ko at nilingon na lang si Raoul. I feel so embarassed. Ang akala kong tapos nang nakakahiyang linggo, hindi pa pala. May higit pa palang mas nakakahiya sa nangyari sa buong linggo na ‘to!

“Masyado pang bata para magpaligaw,” si Raoul.

Para akong nakalutang habang nakatingin sa kanya. He looks so mysterious. May multo ng ngiti sa kanyang labi at ang mga mata’y halos matalim na nakatingin sa akin.

“Ay, Raoul! Hindi ko alam na konserbatibo ka pala, hijo. Fifteen nga ako nang niligawan ng Papa nitong si Luz, e. Normal iyon!”
“Siguro ang sinasabi ni Raoul, Ma, ay iyong magseryoso. Eh, huwag kang mag-alala at tinrain ko na ‘yang si Leil. Hindi ‘yan agad magseseryoso lalo na’t bata pa.”

Nangigigil na ngumisi si Lola Brosing. Raoul shifted on his seat, hindi na nakapagsalita pa pagkatapos ng huling sinabi.

“Oh, ayan, ha? Kung magpapaligaw ka, patagalin mo! Kilalanin mo ng mabuti kung maayos ba. Hindi iyong agad mong sasagutin!”
“Po?”
“Oh, eh may crush ka ba sa school n’yo?” sumulyap si Lola kay Raoul ngunit binalik din ang tingin sa akin.
“Uh…” nag-isip akong mabuti dahil ayaw kong humindi.

Kapag kasi humindi ako, baka sabihin ni Lola na talagang isa lang ang crush ko? Si Raoul lang? Mamamatay yata ako sa kahihiyan kung sakali. Hinding hindi na ako aalis ng village kapag nangyari iyon.

Well, I’m attracted to some of my schoolmates. Hindi naman kulelat ang Costa Leona sa mga gwapo. Iyon nga lang, nahihiya ako sa iba dahil kung hindi anak mayaman, mapanghusga naman ang ibang kaibigan.

“Meron naman po…” nahihiya kong sinabi.
“Yun naman pala!” maligayang sinabi ni Lola.
“Talaga, Leil? Bago ‘yan, ah? Sino?”
“Uh…” uminit lalo ang pisngi ko.

Nakita kong seryosong uminom ng tubig si Raoul. Nakakahiya. He must be very bored and unhappy because of all these petty topics.

“Hmm. Eh, gwapo naman po si Jeff. Pero… magkaibigan lang kami noon.”
“Eh si Gasper? Naku, Leil! Mas gwapo ‘yong si Gasper! Basketball player pa! Oh!” mayabang na sinabi ni Ma’am Avila. “Matalino rin ‘yon! Third honor ‘yon sa akin. Maintain din ang grades! Mabait ang mga magulang!”

Kumalabog ang puso ko. Sa bagay, tama rin si Ma’am. Kaso lang, ayaw ko roon. Maraming sabit.

“Maraming nagkakagusto roon, Ma’am.”

Tumawa si Lola habang lumapit naman si Ma’am Avila sa akin, bayolente sa kanyang mga opinyon.

“Syempre, kasi gwapo nga! Nanliligaw na ba sa’yo? O kahit, niyaya kang lumabas?”

Naalala kong niyaya nga pala ako ni Gasper noong nakaraan. Nahihiya akong umamin.

“Niyaya ka ‘no!” anunsyo ni Ma’am.
Ngumisi lang ako sabay tingin kay Raoul. Nakatitig siya sa akin at nanatiling seryoso.
“Ma’am naman…”
“Saan, hija?” usisa ni Lola.
“Hindi naman ako pumayag pa…”
“Try mo lang! Make sure lang na marami kayo at magaan ang loob mo…” si Ma’am. “Ano sa tingin mo, Raoul? I’m sure dumaan ka sa ganyan. Balita ko, marami nga talagang nagkakandarapa sa’yo mula noon hanggang ngayon. Baka may payo ka rito sa dalaga namin?”

This is so hopeless! Raoul’s lips twitched. Parang may bumagsak sa puso ko nang naisip na baka kung ano na ang iniisip ni Raoul sa akin ngayon. Pero bakit nga ba big deal iyon sa akin? I should let him think whatever he wants to think about me!

I have long accepted that our worlds will never collide that way. Mayroon akong hindi mapangalanang nararamdaman para sa kanya pero alam ko rin, at tanggap ko, na kahit anong mangyari, hanggang doon lang talaga iyon. I will accept my reality the way I accepted the reality of my life in that village.

“Huwag lang masyadong magpadalos-dalos sa desisyon.”

I saw disappointment in Lola’s face. Mukhang hindi siya naging kontento sa sagot ni Raoul kaya dumugtong pa siya.

“Pumayag ka roon sa date, ha? Tapos magkwento ka sa amin.”
“Saan naman ‘yon?” singit ni Raoul, seryoso parin.
Ngumisi ako, nahihiya. “Sa… dagat daw.”
“Just you two?”
“Uh… Marami kami. Naroon daw ang mga kaibigan niya.”
“Mga lalaki lang?” may bahid na galit ang tinig niya.
“Eh, may babae yata. May mga babae naman sa mga kaibigan ni Gasper.”
“Mabait iyon. Estudyante ko ‘yon,” giit ni Ma’am Avila.

Raoul sighed. Humilig siya sa upuan at nagtaas ng kilay habang nakatingin sa akin.

Sinundot ako ni Lola dahilan ng pagbaling ko sa kanya. Humahagikhik na siya, her wrinkles saying hello.

“Kapag kayong dalawa lang, magkaka first kiss ka na!”
“La!!!” sigaw ko.
“Asus… ganyan talaga sa edad mong ‘yan!”
“Mama naman…” si Ma’am Avila.
“Diba ganoon naman talaga? Magbabalik tanaw ka na lang kapag tumanda ka at tatawanan mo na lang ang sarili mo kung maaalala mo ‘yon… Oh… ha?” si Lola.

Pakiramdam ko, sobrang pula ko na. Umuusok sa init ang pisngi ko at parang mahihimatay ako sa kaba.

“You think it is okay for her to try and entertain boys, Raoul?” si Ma’am Avila naman ngayon.

Nilingon ni Raoul si Ma’am. Unti-unti naman itong tumango. I sighed. Well, at least he thinks it’s okay. Looking back, siya nga, ‘di ba? Ilang taon kaya siya noong nakita ko sila noong babae sa kamalig? For sure, hindi rin iyon ang una! May mas nauna pa roon. At sa ilang taong nagdaan, hindi ako maniniwalang hindi na naulit iyon.

At least sa akin, titingnan lang ang posibilidad ng pagkakamabutihan. This will actually help. Maybe in time, if I get exposed like this, I will forget about the extreme feelings I have for him. I shouldn’t have that, right?

“Ayos lang. Huwag lang magpadalos-dalos. Huwag lang sagutin kung… hindi naman talaga gusto.”
Ngumiti ako, bahagyang namangha.

So does he like all the girls he kissed? Maybe he likes for a time, huh? At kalaunan, hindi na naging mabuti ang relasyon kaya napalitan? Ganoon ba? In love novels, usually both the lead characters love each other unconditionally till the end. So ibig sabihin, para kay Raoul, hindi pa iyon ‘yong huli na mamahalin niya ng walang kapantay?

“Paano ba malalaman kung gusto?” matapang kong tanong dahil sa kuryusidad.
“You don’t entertain if you don’t like the boy,” mataman niyang sinabi.
“Eh, hindi ba gusto mo nga si Gasper, Leil? So ayos lang…” si Ma’am.

Umigting ang panga ni Raoul at nanatili ang mga mata sa akin.

“Ayos lang po? Na… ano? Sagutin?” gulantang kong tanong.
“Hindi,” agap ni Raoul. “Hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo kaya hindi mo pa pwedeng sagutin iyon.”
Tumango ako. I’m learning a bit. And from him, huh! “Paano ko malalaman na sigurado na ako?”
“You’ll know… eventually,” napapaos na sagot ni Raoul.
“Kaya nga papayag ka dapat sa date para malaman mong gusto mo ba iyon,” si Lola naman ngayon.

Napalingalinga na ako sa kanila. Nakakalito ang pakikinig sa kanilang pagtatalo.

“Pwede namang hindi na magdate. You can just see each other in school. It will be safer that way…” si Raoul.
“Mas maganda ang date, hijo! Ipaexperience naman natin si Leil sa ganoon!” maintrigang sinabi ni Lola.

Ngumisi ako at umiling. Sumulyap ako kay Raoul na ngayon ay sa baso na nakatitig. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at inikot na ang mga mata dahil sa hagikhikan ng mag-inang Avila.

“Tama na po ‘yan! Nakakahiya na. Pag-iisipan ko na lang po muna. Mabuti pa, sa labas na lang po muna ako. Magdidilig lang ng halaman.”

Tumayo ako at dinala na ang platito sa lababo. Tumango naman si Lola Brosing bilang pagsang-ayon pero hindi parin sila natatapos ni Ma’am Luz sa asaran galing sa parehong topic.

Tahimik kong itinapat ang hose sa mga halaman sa bakuran ng mga Avila. Pagkatapos ng asaran, bumalik ulit sila sa usaping trabaho. Seryoso si Raoul habang kinakausap ang mag-ina. Pagkatapos noon, pinuri niya ang pagkain. Akala ko uuwi na siya pero nagpaalam siyang magpapahangin lang sa labas kaya kinabahan ulit ako.

Nanatili ang mga mata ko sa halamanan at sinulyapan na lang siya nang palapit na. Tumayo siya sa gilid ko at inayos ang nagkabuhol na hose sa likod. Sumulyap ako roon at inayos na rin ang tupi malapit sa akin.

“Salamat…” sabi ko.

He slowly rubbed his hand for the possible dirt on it. Umusog ako para madiligan ang iba pang halaman. Lumapit siya at nanatili roon.

“So… you’re determined to go on a date, huh?”

Napasinghap ako. My face heated immediately. Kailangan niya pa bang ulitin ito? Ngayon, kaming dalawa na lang talaga.

“Uh… okay lang. Mabait naman si Gasper,” sagot ko.
“Classmate mo?”
Umiling ako. “Matanda sa akin ng isang taon.”
“Akala ko ba classmate mo?”

Napasulyap ako sa kanya.

“Si Jeff siguro ang tinutukoy mo…”

The muscles on his face moved. Tumango siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

“Kailan ang date n’yo?”
“Hmm. Hindi ko pa alam. Hindi pa naman ako umo-o.”
“But you will?”
“Siguro…” sabi ko.

Hindi siya nagsalita na kaya nilingon ko siya.

“Bakit? Tingin mo hindi magandang ideya?”

Nagkatinginan kaming dalawa. Nag-antay ako ng isasagot niya pero hindi siya sumagot kaya dinugtungan ko pa.

“Sabi… natural lang ang mga ganyan sa edad ko. Ayos lang naman, ‘di ba? Dumaan ka rin naman sa ganyan… Hindi ba?”

He nodded silently. I can’t help but marvel on his pitch dark eyes, so mysterious and wild at the same time. Kumakabog ang puso ko tuwing nagkakatinginan kami. Hindi ko alam kung paanong nakatayo pa ako rito nang hindi hinihimatay.

“Sinong maswerte ang dinate mo, kung ganoon?”

His lips protruded. Bahagya akong nadistract doon.

“Can’t remember.”

Ngumuso ako nang natanto. Nag-iwas ako ng tingin. Marami. Sigurado ako. Ang swerte naman…

“Sa bagay… iba sa Maynila…” bulong ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes is more estranged now. Mas lalong nadepina ang kaibahan naming dalawa. Ngumiti ako nang maramdaman ang literal na kirot sa puso.

“Sabihin mo sa akin, kung matuloy kayo… Kung kailan… at saan.”

Will my feelings for him eventually fade if he continues to be this caring? Kahit pa concern at siguro’y awa lang ang nararamdaman niya para sa akin?

I chuckled to loosen up.

“Bakit? Pupuntahan mo kami?” panunuya ko.
“Oo,” mataman niyang sinabi.

Napakurap-kurap ako. Napawi ang ngiti ko sa gulat.

“We can’t trust anyone these days…” sabay iwas niya ng tingin.

Tinitigan ko siya ng husto, nagbabakasakaling makahanap ng sagot sa mga tanong sa isipan ko. Masyado siyang misteryoso kaya hindi ako makahanap ng kahit ano.

“Susunod ka?” natatawa kong sinabi. “Kahit saan kami pumunta, kung ganoon? Paano kung umalis kami na kaming dalawa lang?”

Bumaling ang matalim at madilim niyang mga mata sa akin.

“Why? Do you have plans going out with him alone?”
Umiling ako. “Wala naman. Nagtatanong lang…”

Our eyes stayed in each other for a while. Napawi ulit ang ngiti ko at napalitan lang ng matinding paghuhuramentado ng puso. His eyes is giving off an aura of dominance and darkness. Para akong nagui-guilty sa mga naiisip ko kasama si Gasper… sa mga plano ko na makipagdate. Hindi ko alam kung bakit.

I tore my eyes off him.

“If you want it so…” marahan niyang sinabi bago bumuntong hininga. “I won’t disturb, then. I’m just worried. Hindi na kita pupuntahan kapag lumabas kayo.”

Nanatili ang tingin ko sa mga bulaklak at nilingon siya.

“Baka rin… marami kang ginagawa. May trabaho ka pa… naman,” dagdag kong paliwanag para sa kanya.

His jaw clenched again. Naghari muli ang katahimikan sa amin. Sa amin. Dahil sa akin, walang ibang naghahari kundi ang ingay ng aking puso. Lalo na nang naisip kung paano siya kapag nagyayang lumabas. What it feels like to be one of those… lucky girls?

“Raoul! May kulang pala ito, hijo! Tingnan mo nga ito…” tawag ni Ma’am Avila habang nakatingin sa papeles.

Agad itong dumalo at lumayo sa akin. Yumuko ako. Hindi na dapat ako mag-isip pa ng kung ano. He’s concerned for me. Tama si Ma’am at wala akong masyadong alam sa mundo, hindi gaya ng mga kaedad ko… Raoul thinks the same way… reason why he’s worried.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.