Sands of Time – Kabanata 6

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 6

Kabanata 6
Stay

“Salamat,” sabi ko kay Gasper nang hinatid ako sa faculty room.

Tuwing ganitong araw kasi, dumadaan ako sa kay Ma’am Avila. Nakasanayan ko na. Minsan, tumutulong ako sa pagchi-check sa mga test papers. Minsan naman, nagpapahinga lang kasama si Ma’am.

Sinalubong ako ng nahihiwagaang tingin ni Ma’am Avila. I smiled as a greeting for her.

“Kumain ka na?” tanong niya.
I nodded.
“Sinong kasama mong kumain?”
“Si Gasper, po.”

Kababalik lang namin sa eskwela pagkatapos ng short break noong December. Tulad noong summer, hindi rin ako nakagala sa kanila Ma’am noong Disyembre. Inabala ko ang sarili ko sa village. Nagbaon din ako noon ng napakaraming libro para kapag mabagot ay hindi ko na maisipan pang umalis para manghiram.

“Kaibigan mo? Grade twelve iyon, ah?”
“Ah. Opo. Nagpaturo iyon sa akin noong isang taon. Wala kasi siyang kasamang kumain kaya nagkasama na po kami.”

Umupo si Ma’am sa kanyang lamesa, hindi ako tinitingnan. Naupo naman ako sa harap na upuan. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang desk para makita kung may ichecheck bang papel o ano pa man para makapag offer na ako, wala naman sa ngayon.

“Kailan pa kayo nagsimulang maging close noon? Siya ba ang dahilan bakit hindi ka nakabisita noong pasko o ‘di kaya’y noong nakaraang summer, Leil?”

Iyon lagi ang tinatanong sa akin ni Ma’am. Kung noon sa summer lang, ngayon, nadagdagan pa ng pasko.

Ngumiti ako. “Ngayon lang po kami nagkasamang talaga, Ma’am. ‘Tsaka bakit naman magiging dahilan ang kaibigan para hindi na bumisita sa inyo ni Lola?”

She sighed. She looked relieved. Sa huli ay pagod siyang ngumiti.

“Naisip ko lang, Leil. You are really growing fast. Years ago, you come to our house almost everyday to visit. Ngayon, madalang na. Minsan, hinahanap ka na ng Lola Brosing mo.”

My heart ached at that. Ngayon ko lang natanto na hindi lang pala dapat sarili ko ang iniisip ko. Last summer, siguro’y sa loob ng dalawang buwan, limang beses lang akong nakabisita sa kanila. Sa pasko naman, kahit isang beses ay hindi na.

“Hija, pinagbabawalan ka ba ng Papa mo na bumisita ulit sa amin?”

Umiling ako dahil iyon ang totoo. Hindi na ako pinagbawalan kasi nakikita naman ni Papa na hindi na rin ako madalas umalis. Pinili ko ang hindi pagbisita. My heart ached so much that I needed a hug for warmth. Niyakap ko si Ma’am Avila. Agad kong naramdaman ang paghalakhak niya at bahagyang pagkakataranta.

“Pasensya na, Leil. Hindi naman sa nagtatampo ako. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo lalo na dahil ilang oras pa ang lalakarin mo bago ang bahay. Gusto ko lang gawan ng rason para may masabi ako sa Lola mo…” nanginig ang boses ni Ma’am.
“Sorry, Ma’am. Siguro naisip ko lang kung gaano ka iba ang buhay ko sa buhay ng mga tao sa inyo-”
“No, hija. Parehas lang. Iba lang kayo ng paniniwala at mga tradisyon. Hindi ako nanunumbat sa’yo, ha. Gusto ko lang malaman kung may manliligaw ka ba o naging mga kaibigan na para maubos ang oras mo sa ibang bagay imbes na roon?”
Tumawa ako at umiling. Naupo ulit ako sa silya. “Wala po, Ma’am.”
Tumango siya. “Naisip ko lang. Noong bata ka pa, gustong gusto mo si Raoul. You try hard to see him. Nang mga panahong hindi mo na kailangang magsikap para makita siya, wala ka naman…”

Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kilay.

“Po?”
“Well, people change preferences. Baka iba na ang tipo mo. Besides, Raoul is way older than you are so I understand the change of your feelings…”

Hindi ko maintindihan ang pagpapatuloy ni Ma’am dahil sa naunang sinabi.

“Anong hindi ko kailangang magsikap, po?”
She laughed a bit. “Noong pasko kasi, halos araw-araw si Raoul sa amin. Sayang nga at hindi ka nakapunta.”

Napakurap-kurap ko. This is new. Hindi ko pa narinig kailanman na nariyan ang mga Riego sa ibang bakasyon bukod sa summer. Well, minsan sabi raw nandyan pero hindi magtatagal iyon ng ilang araw. Probably just for the Christmas day?

“Po? Bakit?”
“Tapos na ata iyong mag board at medyo napag-aralan na ang pamamahala sa mismong kompanya kaya nandito iyon para naman sa planta nila.”

Hindi ako nakagalaw.

I admit it. Iniiwasan ko talaga ang mapadpad sa kamalig o ang makita man lang ang mga kaibigan ni Raoul dahil ayaw ko nang maging kumplikado pa.

“Hmm…” She smirked. “May ibang crush ka na pala, ha? Baka naman nagdidate kayo niyan kaya ka hindi na bumibisita?”
Mabilis akong umiling. “Hindi po. At saka, ‘di ko po crush si Gasper. Magkaibigan lang po kami. May dating girlfriend po iyon.”
“Dating girlfriend? Tinanong mo ba kung bakit nagbreak?”

Kumunot ang noo ko, hindi makasunod sa panunukso ni Ma’am Avila. Masyado akong ukupado sa huli pang sinabi tungkol kay Raoul.

“Hay, Leil. Naglilihim ka ba sa akin? Sabihin mo nga. Noong nakaraang taon pa bumabalik sa akin ang mga dati kong estudyante para magpatulong sa panliligaw sa’yo. Hindi na kita tinanong dahil akala ko mag oopen up ka kalaunan sa akin. Pero hindi ka kailanman nagsabi ng kahit ano…”

Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi ni Ma’am. Natatawa ako at hindi ko talaga alam ang sasabihin.

“Wala naman, po.”
“Noong nakaraan, nakita kong magkasama kayo ni Dixon.”
“Ah! May hiniram lang po siyang kopya ng dating project ko, Ma’am.”

Umirap si Ma’am Avila, hindi kontento sa naging sagot ko.

“Totoo po…” giit ko.
She smiled. “No need to really explain it, Leil. I’m just pointing it out because you are too innocent to think beyond friendship.”

Magsasalita pa sana ako pero inunahan ako ni Ma’am.

“Boys of your age, even older, is attracted on you. You should be careful. Maganda ka. Magandang maganda.”
“But I’m weird, Ma’am. Alam mo naman sigurong pinandidirian-”
“How would you explain Brody, then?”
“Brody?” sabay angat ko ng isang kilay.

Isa siya sa mga batang nagtatapon ng putik at mga bato sa akin noon. Magkasing edad lang kami, iba nga lang ang section.

“Bago mag break, nagtanong iyon sa akin kung paano raw ba mag apologize sa’yo sa lahat ng ginawa niya noon. Bakit kaya?”
“Para malinis ang konsensya? At walang taong maaapakan. Pero… wala na iyon sa akin. Matagal na rin naman silang tumigil at-”
“Because he’s attracted with you. Leil, boys your age are very self centered. They won’t just say sorry because they want to clear their conscience. May iba pang dahilan iyan.”
Umiling ako, ayaw maniwala.
“O sige. Kung ayaw mong maniwala sa akin, simula ngayon, magtatapat ka sa akin kung sakaling may magyaya sa’yo ng lunch o kahit ano. Hindi ka exposed sa mga kaibigan at wala kang mapagtatanungan kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo makuha ito.”

Now that I think about it, paano nga ba? Love novels taught me how a man pursues a woman. Minsan, gusto nila palaging nakikita at nakakausap. Minsan din, nagtatampo kapag nakitang may kasamang ibang lalaki ang babae. And… sometimes, they caress… hold hands… kiss…

Uminit ang pisngi ko sa huling naisip. An image of Raoul’s massive back and a beautiful girl’s sleepy eyes filled my brain. Ganoon. Kiss and do tender things in private. That’s how we’ll know if men or women like each other.

In real life, hindi naman siguro ganoon kalayo ang diperensya ng nobela. Kung ganoon ang reaksyon ng mga lalaki para sa babaeng gusto nila, ganoon din siguro sa totoong buhay. So if Ma’am Avila’s right and these boys are trying to pursue me… which is impossible… they all think I’m a witch and monster of some sort… they should try and make time for me, right? Hindi ko alam.

“Ano?”
“Nakakahiya naman po ‘yon, Ma’am…” sabi ko.
“Hay naku! If you think I’m your mother, then treat me that way, Leil. Mothers guide their daughters even with things like that.”

Ngumiti ako. I appreciate Ma’am Avila’s kindness. Naguilty rin ako sa hindi na gaanong pagbisita sa kanila. I shouldn’t foget about them just because I’m trying to avoid the hurting.

At bakit nga ba iniiwasan ko na si Raoul ngayon? Matagal ko nang alam at tanggap na paghanga lang talaga ang pwede sa kanya. Bukod pa sa mas matanda siya ng ilang taon sa akin, nasisiguro ko ring may girlfriend na iyon. Maraming nakaaligid sa kanyang babae at siguro sa Maynila, meron siya roong naghihintay na girlfriend.

I can taste the bitterness in my tongue as I pictured him out with a tall and sophisticated girl. I can imagine his hand around her. I can imagine him whispering sweet words and promises.

“Babalik ako ng Maynila. I just have work to do in Costa Leona. Will you wait for me?”

Pinilig ko ang ulo ko para walain iyon sa pag-iisip. My heart hurt thinking about it. Lalo na dahil alam kong hindi iyon malayo sa totoong buhay.

“Wala naman pong pumuporma, Ma’am.”
“Ang paghatid noong Gasper dito sa’yo, porma na iyon, Leil. Kahit wala pa siyang sinabi tungkol sa panliligaw o ano…”

Wala akong masabi. Ayaw kong pag-isipan ng masama ang lahat ng nakikipagkaibigan sa akin. They are just kind and friendly. I am just lucky to know them.

“But don’t overthink. Parte iyan ng pagiging teenager, hija. Parte ng paglaki mo. Enjoy it. Kung may manligaw sa’yo, kung gusto mo naman, enjoy the feeling.” Ma’am Avila smiled. “I want you to live like a normal girl. Girls your age explore friendship and a little bit of love. Huwag ka lang masyadong magseryoso. ‘Tsaka na pag nasa tamang edad ka. Ang gusto ko lang naman ay maging mulat ka at hindi maging iba sa mga batang kaedad mo.”

Tumango ako at ngumiti. Maybe Ma’am Avila is right. Naisip ko tuloy na magbasa ng mga ganoong libro. I kind of heard a great book about relationships and growing up. Hindi naman na nagbabasa ang mga kaklase ko ng ganoong libro, siguro dahil hindi naman nila kailangan dahil nararanasan na nila iyon. O baka may gumagabay naman sa kanila.

Nagulat ako nang bago tumunog ang bell para sa ala unang klase ay naroon pa sa malayong gilid si Gasper. Ngumiti ako at pinuntahan agad siya.

“Oh?”
“Uh, hinintay kita. Ihahatid sana kita sa classroom mo…”

Bumaling ako sa pintuan ng faculty room. I saw Ma’am Avila smiling at me. Like telling me that she’s right all along. I smiled back at her.

“Thank you,” sabi ko nang nakaalis na kami roon at nakarating na sa pintuan ng classroom.

Nagkamot sa ulo si Gasper at binagsak ang mga mata sa sahig. Nahihirapan siyang mag-angat ng tingin kaya hinuli ko ang mga mata niya.

“Thank you, Gasper,” ulit ko.
“Walang a-anuman. May cellphone ka ba?”
Umiling ako. “Wala, e. Bakit?”
“Ah… Sige… Eh, itetext sana kita para m-makapagkita tayo kung sakali…”
“Pasok na raw sa loob. Malapit nang dumating ang teacher, Leil,” isang boses ng lalaking kaklase ang narinig ko.

Lumingon ako roon at nakitang si Jeff iyon. He eyed Gasper from head to foot. Tumango ako kay Jeff bago bumaling ulit kay Gasper.

“Pasensya na. Puntahan mo na lang ako rito kung gusto mo. Wala kasi akong cellphone. Papasok na ako. Pasok ka na rin…”
“S-Sige…”

Kumaway ako nang umalis na si Gasper. Pagkabaling ko sa mga kaklase ay nakita ko agad ang mga nagtatagong nagbubulung-bulungan habang tinitingnan ako. I smiled at some girls but most of them ignored me.

“Ginagayuma na siguro ‘yan. Kaya nakipagbreak ‘yong si Gasper sa girlfriend…” narinig ko habang nakaupo kami at naghihintay sa teacher.

Yumuko ako at tinitigan na lang ang ballpen.

I doubt that the boys were attracted with me. They all think I’m a witch. Mas posible pa siguro na pinagkakatuwaan lang ako. If so… I would be sad. Nasisiyahan kasi ako kapag may nakikipagkaibigan. Nakakalungkot namang isipin kung nagpapanggap lang ang mga ito.

“Pinopormahan ka noong Grade twelve?” narinig ko sa likod ko, kung saan nakaupo si Jeff.

Nilingon ko si Jeff. Umiling ako.

“Narinig ko ang usapan sa team noon. Crush ka raw noon. Popormahan ka talaga yata kaya nakipagbreak sa girlfriend.”
Umiling ako. “Hindi naman siguro. ‘Tsaka… kung totoo man, wala pa sa isip ko ang ganyan. Masaya ako na may kaibigan…”

Nagkatitigan kami ni Jeff. Kita sa mga mata niya ang bahagyang gulat sa sinabi ko. Nagulat siguro siya na malaking bagay sa akin ang pagiging magkaibigan. Syempre, bukod sa kambing, hindi ko alam kung may matatawag pa ba akong ganoon. Sa amin sa village, lahat ay hindi halos nakikipag-usap sa akin habang nakatingin sa mga mata. They all think I’m a goddess of some sort and that they are unworthy of looking at me.

“Kaibigan mo ako…” aniya.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. To make friends with people who once bullied me is an amazing thing. Tumango ako para kumpirmahin iyon sa kanya.

“Simula ngayon kaibigan mo na ako…”
“Sige…” nangiti kong sinabi.

Well, like I said, it’s not that hard to be friends with boys. Pero hindi yata talaga ako kuntento. May assurance man na kaibigan sa mga lalaking kaklase at ibang schoolmate, natutuwa parin ako habang tinitingnan ang barkadahang babae.

“Malayo ba talaga ang inyo?” tanong ni Ronald nang nagsabay kami sa paglalakad pagkalabas ng gate.

For today, I’m walking. Noong pasko kasi, naubos ko ang ipon ko kaya kailangang mag-ipon ulit. Kung dadaan pa ako sa gubat, sa layo noon, kailangan kong magtricycle kumpara sa sapa na ilang kilometro lang ang layo galing sa aming paaralan.

“Oo.”
“Dalawang oras talaga ang lakad?”
“Oo.”
“Hindi ka ba natatakot?”
“Sanay na ako. Ilang taon na rin akong naglalakad doon, e.”
“Kaya yata ang payat payat mo, e. Exercise ka nang exercise…” sabi niya sabay ngiti.

Ronald is a bit chubby and fun to be with. Malapit lang ang bahay nila sa school kaya nakakasabay ko siya sa paglalakad kapag sa sapa ako dadaan.




Hinawakan niya ag palapulsuhan ko gamit ang mga daliri para sukatin ang kapayatan ko. Humagikhik ako nang nakitang sobrang liit ng sukat niya. Tumigil kami sa paglalakad at nagkatitigan.

“Kumakain naman ako ng marami,” sabi ko.

For some reason, he blushed profusely and evaded my eyes. Napawi ang ngiti ko.

“Bakit?”

Napakurap-kurap siya at mabilis na tinanggal ang kamay sa aking palapulsuhan.

“W-Wala…”

I massaged my wrist, kung saan niya sinukat ng mahigpit. Nakita ko kasing namula ang libya ng kanyang daliri roon.

“A-Ang bilis mong mamula.”
“Oo nga, e,” sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

I combed my hair using my fingers. Halos hanggang baywang na ang haba ng buhok ko. Pinuputulan naman ni Papa ito, ayaw ko lang na palagi dahil pinagbibili niya pati iyon. Sinasabi niyang gayuma ang buhok ko at nakakabighani raw iyon ng swerte.

The mermaid curls of my hair loosened up. Parang walang siglang alon ng talon galing sa aking ulo hanggang baywang.

“B-Bawal din ba sa relihiyon ninyo ang prom?” tanong ni Ronald nang nakaabot na sa paglalakad.
“Hmm. Hindi naman. Bakit?”
“Kung ganoon, sasali ka? May damit ka na?”
“Hindi ko pa naisip iyon, e. Magtatanong pa ako sa kay Papa. Kung papayagan ako, wala akong damit na maganda kaya siguro magpapatulong ako kay Ma’am Avila.”
Tumango siya. “May dating damit ang kapatid ko. Baka gusto mong suotin?”
“Nakakahiya naman…” I chuckled.

Alam kong ayaw ng Mama ni Ronald na sumasama siya sa akin. Gusto man nito na pahiramin ako ng damit, nasisiguro kong hindi siya papayagan ng Mama niya. Ayaw ko ng ganoon. Hindi na dapat siya mag abala pa.

“Huwag na. Magagawan naman ng paraan ni Ma’am. Tsaka, ‘di pa ako sigurado kung sasama nga ako. Hindi pa ako nakakapagpaalam.”

Girls are already planning their proms. Sa February na iyon. Ako, ngayon ko lang naisip nang binanggit ni Ronald. Baka kasi gaya ng Christmas party, bawal din ako. Ayon naman kay Ma’am Avila, socialization ang dahilan ng prom at hindi ang pista ng kung anong santo ng mga puso. I will explain that to Papa next time.

Pagliko ko sa damuhan, mag-isa na lang ako. Lunes ngayon at may pagsamba mamaya kaya kailangan kong maghanda. Nagsisimula na kasing maghanda rin para sa pang apat na kabilugan ng buwan. The crime rates of Costa Leona is rising again because of that. Kailan pa kaya matatapos ito?

Tumingala ako pagkaliko ko sa sapa. Tiningnan ko ang pagsisimula ng pagsakop ng mga naglalakihang puno at ang mga siksik na dahong nagpipigil sa liwanag. Kahit na maaraw pa naman, dumidilim talaga kapag nasa sapa na dahil sa nagtatayugang mga puno.

Hinawakan ko ang puting telang shoulder bag na suot ko at nagsimula nang maglakad papasok doon. Nilingon ko ang sapa, hindi ako kailanman nagsasawa sa lagaslas ng tubig.

Ilang sandaling paglalakad ay narinig ko ang isang bagsak sa tubig. My breathe hitched. I stopped my steps.

Gaya ng palagi ang itsura ng kamalig. Red and brown, mixed. Sa malapit sa sapa ay ang mga pinaglumaang upuan at lamesa na madalas inuupuan ng mga kaibigan noon ni Raoul.

The experience of coming here and hearing sounds from people is traumatic for me. Lagi akong natitigilan kahit na minsan ay gawa lang ng ahas o ‘di kaya’y mga ibon. Hindi ito iba ngayon kaya ako natigilan. Pero hindi gaya ng mga nakaraang araw, hindi ako agad nakabawi dahil sa mga nakita.

May mga gamit sa lamesa, isang bagay na ‘tsaka lang magiging ganoon ang ayos kung may tao. May kabayo ring nakatali sa malayong puno. May tao. May tao…

Nilingon ko ang sapa. Bago ko pa tuluyang maproseso ang lahat, nakita ko na ang kaaahong Raoul Riego.

Umawang ang labi ko para mapakawalan ang paghingang napigilan kanina. His hair remained the same but it looks longer now that it’s dripping wet. Hindi ko na alam kung tumangkad siya o ano. Ang alam ko lang, may nag-iba ulit sa katawan niya na mas lalong nagpakaba ng husto sa akin.

His eyes bore into me in silence. His movements were like that of a big cat, precise and silent. Lalo na nang nilagay niya ang tuwalya sa balikat at nagsimulang magpunasa sa mukha at buhok.

Umihip ang hangin sa kagubatan. Hinawakan ko ang aking buhok para mapigilan sila sa pagsayaw. Ang tanging naririnig namin ay ang pag-agos ng sapa at ang tunog ng sumasayaw na mga dahon.

Tinikom ko ang bibig ko at binaba ang kamay. I smiled normally.

“Magandang hapon,” banayad kong sinabi.

Tumango siya, his eyes remained a bit estranged and dark. Lumunok ako at ginawang pahiwatig ang simpleng pagbati niya bilang pagtatapos. Nagsimula ulit akong maglakad. Alam kong nakatitig parin siya sa akin.

“Did not see you around that much again…” aniya na siyang nagpabagal at nagpatigil muli sa akin.

Inayos ko ang bag ko at nilingon ulit siya.

“Ah… Uhm… Oo nga.”
“Dumalang ang pagbisita mo sa teacher mo?” he asked casually.

Naglakad siya palayo pa sa sapa at palapit sa isang upuan.

“M-Medyo. Uh… Ikaw? Dumalas ka roon?” I asked.

He opened a bottle of water. Natigil iyon sa ere para masagot ako.

“Ngayong pasko lang. Noong nakaraang summer din.”
Tumango ako. My heart is beating violently that I feel like it’s an earthquake.

Uminom siya ng tubig. The water from his damp skin dripped on his chest down. Umiwas ako ng tingin, dahil mas lalong umigting ang ingay ng puso ko.

“You got busy or you found another way around the forest?”
“Uhm… Busy lang.”

Tumango siya. Nagkatitigan kami saglit. I can almost hear the crickets between us. I have to talk about something. I have to think! I have to say something! Mas lalo akong kinabahan sa mga iniisip ko.

“Uh, d-dito kayo nagpasko?”
“Oo. Magtatagal din ako para sa planta.”

Tumago ako at natahimik ulit kami. My heart is slowly aching and violently beating. Lalo na kapag natatahimik.

“Galing kang school?”
“O… o…”
“May ibang daanan ka?” aniya at nag-iwas ng tingin para masarado ang tubig at mailapag sa lamesa.
“Uh, wala naman. Minsan sa… gubat.”
“Bakit? Ginagabi ka kapag dadaan ka rito?”
“Uhmm…” napapaos na ako. “Minsan. Kapag… matagal ang dismissal.”
“Anong oras ba kayo umuuwi madalas?”

Ngumiti ako kahit na medyo nahihirapan. My heart is really beating so loud that it is hurting me.

“Uhmm…” nanginig ang boses ko. “Three thirty or Four? Pero minsan may school activities kaya…”

Nagkatinginan kami. Tumikhim ako para mapigilan ang panginginig ng boses.

“Kapag maaga ka, dito ka na dumaan…” aniya.

Humalakhak ako. Alam kong naaawa siya sa akin. Alam kong iniisip niya lang na may mga ahas at baboyramo kapag sa gubat ako dumaan.

“Ah… Minsan naman meron ding naliligaw na baboyramo rito kaya medyo sanay na ako…” Itinuro ko ang kamalig. “Noong nakaraan nga meron diyan malapit…”
“Nandito ako kapag hapon kaya hindi mo na dapat iniisip pa ‘yon.”

Napasinghap ako at napatango ng mabilisan sa pagkakaintindi sa sinabi niya.

“Uh… Hindi ka uuwi ng Maynila?”
“No. I’ll really stay…”

I feel so stupid nodding over and over again. Naisip ko ang naisip kanina. The way he assured a girlfriend that he’ll be back. Inalis ko iyon sa isipan ko. Hindi ko na dapat pa pinapakealaman iyon.

“Dito ka dumaan kapag maaga ka…” ulit niya.

Hindi ako nakapagsalita. Tumango lang ako ng mabilis. Kanina pa ako ganito. Nababaliw na ba ako?

“Okay…”

Itinuro ko ang daanan patungo sa aming nayon. Alam niya agad ang ibig kong sabihin. His jaw clenched and he stepped forward for a bit, giving me a clearer view of him. I know what has changed on him overtime. Clearly he’s matured so much. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng malubhang pagkabigo nang nakumpirma iyon.

“Uh, tutulak na ako. B-Baka gabihin pa ako…” sabi ko.
“Okay. Mag-ingat ka…”

I smiled and nodded once more. Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Pumikit ako ng mariin. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit nanginginig ang labi ko.

Marahas ko siyang nilingon nang hindi na nakayanan. I saw him standing and still watching me leave.

I tried to smile awkwardly. Tinuro ko ang kamalig.

“Mag-isa ka?”
“Oo.”
“Uh… delikado kasi… kung… gabihin ka…” nag-aalala kong sinabi. “Pero… kung may darating… ayos lang siguro.”

Umangat ang sulok ng labi niya, tama lang para ipakita ang bahagyang pagkakatuwa sa kung ano.

“Walang darating. Aalis din ako. Hindi na magpapagabi.”
Lumaki ang mga tango ko. “Buti na lang…”

Itinuro ko ulit ang likod ko.

“Uuwi na ako.”

He nodded once. Tinalikuran ko agad siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad na parang nakalutang. Nakalutang. Kahit nang alam kong ‘di na ako tanaw sa kamalig at nakarating na sa nayon, para parin akong nakalutang.

Napaluhod lang ako nang nakarating na sa pinagtalian ng kambing. I hugged my goat so tight and I don’t understand why my tears are falling fast and effortless.

“Nababaliw na yata ako…” I cried and embraced my goat tightly.

Nababaliw na talaga yata ako. Pinalis ko ang mga luha, walang pakealam kung ang kahel na langit ay nanunuod at ang aking kambing ay tahimik na nakatayo, hinahayaan akong yumakap.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.