Sands of Time – Kabanata 5

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 5

Kabanata 5
Kaba

“Magmeryenda ka muna, hijo,” si Lola Brosing pagkatapos nilapag ang kakalutong chocolate cake sa lamesa.

Tuwid na tuwid ang upo ko at diretso lang ang mga mata sa aking baso. I held on to my glass like it’s the only thing holding my sanity together. Pilit akong tumakas kanina pero nang hilahin ako ni Ma’am Avila at sinabing ayos lang, siya ang bahala, wala na akong nagawa.

Bukod sa naririnig ang usapan namin, tinawag pa ako ni Lola Brosing galing sa loob. Leaving would only shame me more. Kaya naman nandito ako ngayon sa hapag, nagdarasal na lang na sana matapos na ito. Sana… lumipas na agad ang oras.

Unti-unting lumapit si Raoul sa lamesa. Mas lalo lang akong nanigas sa pagkakaupo. Humigpit na rin ang kapit ko sa baso. I can sense his eyes on me as he walks towards the rectangular dining table.

“Kayo po ang nagluto?” he asked but his eyes never left mine.
“Ah, eh, oo, hijo.”

He dragged a chair out of the table para makaupo. Naupo naman si Ma’am Avila sa tapat ko, smiling towards me.

“E, sigurado ka ba talagang hindi ngayon?” tanong ni Lola Brosing habang isa-isang nilalapag ang mga platito sa harap namin.

Nanatili ang mga mata ko sa baso. My heart is completely rocking my body. I can sense my body slightly beating because of my violent heartbeats.

“My mom and her friends are in the library today so I’m sure they want it done tomorrow,” diretsong sagot niya kay Lola Brosing.
“Ganoon ba. O sige, bukas ng umaga kung ganoon?” si Lola Brosing, tinutukoy ang pag-aayos ng library.
“Opo,” sagot ni Raoul.
“Si Leil nga pala, Raoul,” si Ma’am Avila ang nagpakilala sa akin.

Nanigas muli ako at sumulyap lang sa kamay ni Raoul na malaya at marahang nakahawak sa kanyang platito.

“Yeah, I know her.”

My heartbeat doubled. Para akong nahihilo sa sobrang kaba. Muli kong binalikan ang naging desisyon kanina. Dapat talaga pinilit ko na lang si Ma’am na umalis ako. Dapat sinabi ko na lang na may lakad ako. Though of course she knows why I’m suddenly leaving. Pagkatapos kong sabihin ang kwento ko, hindi ko na maitatanggi pa ang kahihiyan.

“Do you come here often?” tanong niya, hindi parin tinatanggal ang tingin.

I am overthinking! Wala lang sa kanya ang nakita! Wala lang sa kanya dahil maaaring wala lang naman talaga siyang pakealam sa nangyayari. Nahihiya ako para sa aking sarili kahit na wala lang sa kanya iyon.

“O-Oo…”

Humalakhak si Lola Brosing habang naghihiwa ng cake. Sa ibang pagkakataon, tutulong ako. Ngayon, I am just too stunned to move.

“Ay naku, Raoul. Estudyante ko si Leil noong elementary at medyo napamahal na sa amin kaya dito iyan naglalagi madalas,” si Ma’am Avila.
Raoul nodded.
“Soleil, sasama ka ba bukas, kung sakali?” si Lola Brosing ang nagpaangat sa tingin ko.
“P-Po?”

I want to lie and tell Lola that I have things to do. Pero ngumiti si Lola at tumango, alam niya na tatanggi ako kaya iniencourage niya akong hindi. Alam niya ang ikinakahiya ko pero gusto niya paring pumunta ako.

“Huwag kang mag-alala, hija. Kasama mo naman ako,” dagdag niya na parang idudugtong pa ang ikinakahiya ko kaya naman inagapan ko na.
“O-Opo! Sige po…”
“Hay, mabuti at nakapag desisyon ka. Kanina lang ay ayaw mong sumama noong niyaya kita. Akala ko hindi ka na ulit sasama,” dinagdag ni Lola.

Pumikit ako ng mariin, natatakot sa maaring idugtong pa.

“Wala kang dapat ikahiya, hija. Isa pa, mabait ang mga Riego. Siguro naman ay napatunayan mo na ‘yan sa ilang taon mong pagsama sa akin, hindi ba?” patuloy ni Lola.
Hilaw na humalakhak si Ma’am Avila, pinuputol ang mga sinabi ni Lola para masalba ako. “Palagi kasi itong sumasama kay Mama, Raoul, kapag nag-aayos sa inyo.”
“Really?” he said with so much curiosity. “Nakapunta ka na sa amin, kung ganoon?” His question is now directed at me.
Tumango ako at bumaling ulit sa kalalapag na cake sa aking platito.
“Kaya nga, hijo. Ilang taon na rin ‘yang laging sumasama sa akin, at kanina lang naisipang tumanggi…” patuloy ni Lola Brosing.
Tumawa si Ma’am Avila para pigilan muli ang matanda. “Kumain ka na, Raoul. Hindi ka madalas nakakadalaw. Mabuti at napunta ka ngayon.”
“Oo nga po, e. Medyo abala rin po kaya ganoon. Mabuti nautusan ako ni Wanda ngayon.”
“Lumalaki na talaga ang negosyo ninyo, ano? Balita ko sobrang lago na sa Maynila? Mabuti at hindi ka naman pinapag-aral magtrabaho roon?”

Nagsimula na akong kumain sa cake. I am thankful for their conversation. I hope this goes on. Hindi ko ata kakayanin kung dadako pa sa akin ang topic o ‘di kaya’y matahimik sila.

“Hindi po. Mas gugustuhin ko pong pag-aralan muna ang mga maliliit na trabaho rito bago iyong pamamahala. Nakapagtrabaho na po ako roon sa construction kaya ngayon, etong planta naman ang pinag-aaralan ko.”
“Balita ko mataas ang mga marka mo. Naku, Raoul! Ang swerte talaga ng mga Riego. Matatalino at mga gwapo ang mga apo,” natatawang sinabi ni Ma’am Avila. “Magkakandarapa ang mga manilena sa’yo.”

He growled a laugh. The table vibrated at bahagya akong nagulat. His laugh is so genuine and manly, with no reservations or whatever. I’ve never seen a person that genuine and true.

Hiniwa ko ang maliit na parte ng cake bilang pagpapatuloy pagkatapos ng bahagyang pagkakamangha. I glanced at his and I realized he is almost finished. He likes sweets? Or he’s hungry?

I smiled inwardly, a bit happy to know more things about him. Small things.

“Hindi naman po.”
“Asus! Pa humble ka pa. Kung ang mga babae nga rito’y balita ko mabilis na nagkakagusto sa’yo, roon pa kaya. Binabalita ni Gloria na iyong apo niyang si Harriet, patay na patay umano sa’yo.”
“Ah! Magkaibigan lang po kami noon. Si Tita talaga…” ani Raoul.

I remember seeing him with a girl inside their barn house years ago. Pinilig ko ang ulo ko nang naalala iyon. Kung dati’y nabibisita ko ang alaalang iyon para isipin ang iilang detalye sa kanya at para punahin ang nakakahiyang ginawa, ngayon, hindi ko na kaya. Ano ang nagbago sa nagdaang panahon, hindi ko alam.

“Buti at hindi ka minamadali ng Papa mo, Raoul? Na mag-asawa?”
“Bata pa naman po si Papa kaya hindi naman iyon nagmamadali. Isa pa, mas inuuna ko ang pag-aaral sa pamamahala.”
“Oo nga at ikaw ba ang magmamana ng dalawa?” tanong ni Ma’am Avila.
“Gusto ko sanang tanggihan ang VHRV, naroon naman ang mga pinsan ko pero walang may interes sa kompanya kaya…” nagkibit siya ng balikat.

Sumulyap ako sa juice niyang nangalahati na. Naabutan niya akong nakatingin doon. His eyes is suddenly fixed on me for a moment. Para akong pinipigilang huminga ng kanyang titig kaya umiwas ako.

“Hmm. It’s only right. You are the first born of your generation,” si Ma’am Avila.
“Leil,” si Lola. “Nakapasyal ka na ba sa planta nila rito? Dulo pa ng farm iyon pero baka sakaling napuntahan mo na?”
Umiling ako, kinakabahan sa biglaang pagtutungo ng topic sa akin.
“H’wag mong bigyan ng ideya, Mama. Malayo iyon at baka delikado.”
“Delikado nga. Bukod sa maaring may mga bandido, marami pang mga ilap na hayop kaya sana ay huwag na lalo kung galing sa kanila,” si Raoul.
“Ah…” pahisteryang tumawa si Ma’am Avila.
“Gusto ko lang namang makakita ang batang ito ng mga gusali. Iyon ata ang pinakamalaking gusali, maaari rito sa Costa Leona.”
“Nakakita na po ako, Lola, sa mga libro…” sabi ko.
“Iba parin iyong sa personal, apo. Magbabago ang pananaw mo sa mundo kapag nakita mong posible ang mga ganoong gusali. Hindi puro gubat at maliliit na kubo lamang,” si Lola.
“Pwede ko kayong samahan mamasyal tungo roon,” si Raoul, hindi parin tinatanggal ang titig sa akin.

Hindi ako sumagot. Gusto ko na ayaw. Hindi ko alam kung bakit ganito ka nakakalito ang nararamdaman ko.

“Pwede rin…” sabay tawa ni Lola Brosing. “Lumalaki na iyon ng husto. Kailan mabubuksan iyong pangatlong gusali?”
“Sa susunod na taon. We actually offer more jobs for the people here in Costa Leona. Kung may kilala po kayo na pwede nating ipasok, gagawan ko ng paraan.”
“Ah? Kailangan ba iyan ng kurso o kahit senior high, hijo?”
“May iilan po kaming bakante na tatanggap basta masipag lang magtrabaho,” he turned to me, I didn’t. I’m too scared to watch him.
“Ganoon ba? Mabuti. Sige, magtatanong ako sa kakilala at baka makatulong tayo.”

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Tahimik lamang ako habang ganoon, nakikinig at kontento na roon.

“Hindi na nga rin po ako magtatagal.”

Napaangat ako ng tingin sa gulat. I saw him watch me closely. Binagsak ko kaagad ang aking mga mata para iwasan ang titig niya.

“O, trabaho?”
“Opo. Salamat sa meryenda.”
“Naku, sayang naman at hindi ka makakapagtagal,” si Ma’am Avila.
“Sa susunod po.” Then Raoul turned to me again. “Dala mo ang flash light?”

I panicked. How could I not think about it! Dapat dinala ko iyon! Hindi iyon sa akin! Hinayaan ko lang sa altar iyon kasama ang hourglass! Dapat ay sinusoli ko ang mga ganoon!

“H-Hindi. Uh, pero isosoli ko iyon. Bukas. Iiwan ko na lang sa inyo,” sabi ko.

Parang binalewala niya ang sinabi ko. Sumulyap siya sa relong nasa palapulsuhan. Tiningnan niya ang oras, bahagyang busangot at halos magkadugtong ang kilay.

“Anong oras ka uuwi?” tanong niya.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko masagot ng diretso dahil iniisip ko pa kung ano nga.

“M-Mga hapon,” tanging nasabi ko.
“Huwag kang magpagabi, hindi mo dala ang flash light. At huwag mo nang isoli iyon.”

I nodded. Hindi na siya naghintay ng sasabihin ko pa. Nagpaalam na siya agad sa mag-ina. Tumayo sila para ihatid si Raoul sa pintuan. Napatayo na rin ako pero hindi gaya nila, hanggang sala lang ako para tingnan ang pagsampa niya sa kabayo.

Wearing a black t-shirt, faded jeans, and a black boots, he proceeded. He rode the horse smoothly. He maneuvered it with such skill I only see in some movies.

“Salamat po.”
“Walang anuman, Raoul. Bisita ka ulit sa susunod.”

He nodded and smiled to the old Avila before his eyes searched inside. Kumaway si Ma’am na nasa pintuan. Nagtama naman ang tingin namin sa pamamagitan ng bintana. My heart jumped a bit. Pagkatapos ay tumulak na siya.

Aamin ako, sa hindi malamang rason ayaw kong gabihin. Gusto kong sundin ang payo niya.

But then again, I wonder what he thinks of me. Mangkukulam? Weirdo? Aswang? Kulto? Sigurado akong hindi diwata… hindi naman totoo iyon. Sigurado rin akong hindi siya naniniwala na sugo ako ng Liwanag.

“Oh, maayos naman ang tungo sa’yo, ‘di ba?” si Ma’am Avila nang napuna ang katahimikan ko.
Ngumiti ako. “Mabait lang po talaga siya.”
“Mabait nga iyon. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano.”

I wish I can stop thinking about it, though. People in this town are actively hating us… me, most especially. They think we’re an abomination, fraud… salot… sa lipunan. Iilan sa mga kaklase ko, ganoon ang tingin sa akin, masyado lang mabait para sabihin ng harapan kaya imbes ay tahimik lang at kaswal akong pakitunguhan.

Alam ko pero hindi ko na iniisip pa. I’m just thankful that they have the decency to be casual with me, unlike the others. Ganoon din kaya si Raoul? Ganoon nga siguro.

Pagod akong umuwi sa amin. Nakapangalumbaba kong tiningnan ang dalawang bagay na naibigay ni Raoul sa akin. Una ay iyong hourglass, ang isa ay flashlight.

Pinitik ko ang salamin ng hourglass at nakita kong bumilis ang buhos ng buhangin galing sa taas patungo sa baba. This indicates time. And I cannot wait to turn it upside down over and over again just so I’d grow up fast and learn about my destiny.

Ganito na lang ba talaga ako?

Umaatras ang sikmura ko nang maalala kinabukasan ang pangako ko kay Lola Brosing. Bago ako umalis kahapon, nagrereklamo si Lola tungkol sa masakit niyang balakang. Umo-o naman ako sa pagpunta sa library ng mga Riego pero napilitan lamang ako roon. Ngayon, nagdadalawang-isip ulit ako pero mas pupunta kesa hindi.

Hindi ko hahayaan si Lola Brosing na mag-isa lalo na’t masakit ang balakang niya. Isang beses lang naman ulit, hindi ba? Isa pa, abala naman yata si Raoul kaya baka wala siya sa kanila. He’s probably busy.

Maaga akong umalis sa amin. Sinigurado ko kasing sa long cut ako dadaan. Ayaw kong mapagod sa katatakbo kung sakaling may umatakeng baboyramo.

Imbes naman na umaga, hapon ang gusto ni Lola Brosing na pumunta. Nahihiya kasi siya kapag umaga. Ayaw niyang doon kami magtanghalian kaya pupunta kami pagkatapos ng tanghalian.

Eight in the morning, I’m already starting to walk. Alas diez pasado siguro ang dating ko, kung sakali kaya may panahon pa para magpahinga. Doon na rin ako manananghalian sa mga Avila.

Kabado ako palapit sa kamalig. I instantly regret wanting to pass through here. Maingay at may nagtatawanan. Sigurado akong narito sila. Si Raoul at ang kanyang mga kaibigan.

“Wohoo!” sigawan nila.

My stomach hollowed. Sobrang kabado ko na pero hindi na ako makaliko pa. Didiretso na lang ako. Siguro naman magiging maayos din ito sa huli, hindi ba?

Natahimik nang namataan ako. Yumuko ako at diretso lang ang lakad.

“Ayan na ang mangkukulam,” the whispering started.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Unconsciously, hinanap ko sa grupo si Raoul ngunit tanging dalawang pamilyar na mukha lang ang nakita ko.

“Connie,” a familiar man said warningly.

Sumulyap ako sa pamilyar na tinawag at nakitang schoolmate ko iyon. She’s two years older than me. Nakahalukipkip ito at simangot na nakatingin sa akin.

“Aswang… Aswang…” tawag ng isa pang kasing edad ni Connie.

Sumulyap ako roon at nagtawanan sila.

“Stop it, Vene,” sabi naman ng isa sa dalawang kaibigan ni Raoul na nakasaksi sa akin sa village.

Yumuko ako sa kahihiyan nang nagtama ang tingin namin.

Humagalpak sa tawa ang ilan, outnumbering those who are trying to stop them. Connie went near me dahilan ng pagkakatigil ko.

“Hindi, Kajik, ang aswang na ‘to. Nanggagayuma ito. Sigurado ka bang hindi mo ito pinagtatanggol dahil nagayuma ka?”
“Nababaliw ka na ba?” sabay sugod noon sa babae.

He slowly pushed Connie back pero imbes na tuluyang magawa ay inabot ako nito at nahila ang damit ko.

“Who wears those damn clothes, anyway?” sabay tawa niya ngunit agad napawi nang sinigawan ng kaibigan ni Raoul.
“Tama na, Connie. Pasensya na…” another man said apologetically.

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad ngunit nang natapat sa isa pang babae ay nahila ako sa palapulsuhan.

“Kulto! Haba ng buhok mo, para kang lilipad kapag gabi. Pangit pa ng damit mo. Nanggagayuma ka, ‘no? Kaya ba ang mga lalaki rito-”

Pinigilan ulit siya ng parehong lalaki ngunit ang nakawalang si Connie ay nangalmot sa akin. Namilog ang mga mata ko nang nakitang luhaan siya at sobra sobra ang galit.

Boys went to stop her hysterics. The other one panicked. Hinawakan ako sa braso para tingnan pero sa takot ko’y iniwas ko iyon at lumayo.

“I’m sorry. I’m sorry…” paulit-ulit na sinabi noong isa.
“Matagal nang mang-aagaw ang aswang na iyan! Nababaliw na kayo! Pinagtatanggol n’yo ‘yan, Kajik dahil ginayuma kayo niyan!”
“Nakakahiya! Anong iisipin ng mga magulang natin kung sasabihin nating pinagtatanggol natin ‘yang kultong ‘yan! Demonyo ‘yan! Nabibighani kayo niyan kasi nga demonyo! May mga orasyon ‘yan para ipagtanggol n’yo!”
“Kadiri!”

Nanginginig ang tuhod kong umalis at lumayo roon habang nagtatalo na sila. Namamanhid ang kaliwang braso ko. Sinulyapan ko iyon at nakita ko ang kalmot sa likod na bahagi ng braso. Mahapdi ang tatlong marka ng kuko. Blood trickled a bit, just enough to stain in my clothes.

Nanginginig ang labi ko sa takot. I know people hate me. I know they can be very violent. Noon pa man, nadadanasan ko na ang lahat ng ito pero lately, puro mga salita na lang. Wala na muling naging ganito ka bayolente, ngayon pa lang ulit.

Naupo ako sa bato, malayo na sa kamalig. Suminghot ako at dahan-dahang pinunitan ang palda ng damit ko. Tinitigan ko ang puting bestida, isa sa marami kong ganito.

Sabi ko makakadating ako ng alas diez kina Ma’am Avila, matatagalan pa yata ako. I sighed. Binasa ko ang telang pinunit bago binalingan ang mga dahong kinuha para magamot ang sarili kong sugat.

Demonyo raw ako.




Nagpatuloy ako sa paggamot sa sarili. Gusto ko nang umuwi. Dadaan na lang ba ako sa gubat? Paano si Lola? Hindi ako pwedeng umuwi. Masakit ang balakang ni Lola. Kawawa si Lola kung hindi ko siya tutulungan. Kailangan kong tumupad sa usapan.

Kinagat ko ang kabilang dulo ng tela para maitali iyon pagkatapos lagyan ng dahon.

Wala si Raoul kanina. Sinasabi ko na nga bang abala nga siya. I wonder if it turns that way kapag naroon siya? Or he’s secretly disgusted with the village and its people but he’s too kind to tell me?

Tulala ako habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa sapa.

How unlucky. And you can’t accept your fate immediately, huh? Dapat tanggap ko na talaga ito. This summer, I’ve been very reckless. Sa huling dalawang summer ko, maayos naman ang naging buhay ko. Simple. Sa summer na ito, nagugulo ako.

Tumayo ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Tatapusin ko lang itong pangako ko kay Lola. From here on, I will concentrate on the village and nothing more. That should be my only concern.

Maayos ang naging pagkakatali ng tela sa aking sugat. Ni hindi napansin ng mag-inang Avila. Ang sabaw na niluto para sa amin ay sobrang nagpagaan ng loob ko kaya halos nakalimutan ko rin ang nangyari.

Ala una nang tumulak kami patungo sa mga Riego. Like my first time, I adored the scenery of the mansion and its land. Mas napapansin ko rin ang kaibahan ng mga tanim malapit sa gate at ang mga tanim na matatanaw sa likod ng mansion. Behind the mansion were the coconut trees. Makikita rin ang ibang lebel ng lupa sa likod at sa malayong likod nito, tila ba pababa o bangin.

“Ako na po, Lola,” sabi ko nang nakitang dala-dala ni Lola ang isang grupo ng aklat para mailagay sa shelf.
“Salamat, apo,” aniya.

Napaigtad ako nang naramdaman ang hapdi sa aking braso dahil sa sugat. The pain is hurting but it’s easy to get used to it. Patuloy akong tumulong hanggang sa hindi ko na halos maramdaman pa iyon.

Nagpatuloy kami hanggang sa hinatid ang meryenda. Isang oras na kaming nag-aayos ni Lola at pinaghintay na ang pagkain dahil sa pagiging abala.

The door creaked open. Akala ko’y kasambahay ulit, may nakalimutang ihatid sa meryenda. Hinintay kong makita ang kasambahay. Dala ang anim patong ng makakapal na libro, tumayo ako sa gilid ng bookshelve diretso sa pintuan para makita ang pagdating.

Isang mabigat na yapak ay nakita ko agad si Raoul. His large, brooding frame claimed the pathway between the large shelves. Para akong biglaang nasundot sa bahagyang pagtalon.

“Kanina pa kayo?” he asked.

I nodded, panicking. Mabilis akong naglakad ng diretso pabalik para maihatid na ang mga aklat. Nakalimutan ko pa kung saan ang tungo ko dahilan ng pagbalik ulit sa pinanggalingan.

“Magandang hapon po. Akala ko umaga ang dating ninyo, Lola,” narinig ko ang mababang boses ni Raoul sa pagbati kay Lola Brosing.
“Pasensya na, hijo. Natagalan nga kami, e.”
“Kumain po muna kayo ng meryenda,” anang boses.

Wala na akong aklat. Kailangan ko nang bumalik kay Lola para sa utos niya pero parang ayaw ko na naman dahil nariyan siya. Am I going crazy? I want so bad to see him before all of these. Ngayon, para na akong nakakakita ng multo pag nariyan siya. Ano ang nagbago?

“Mamaya na, hijo. Kapag natapos na ito. E, pareho naman kami nitong si Leil na ‘tsaka na magpapahinga kapag tapos na ang lahat.”

Tumawa si Raoul.

“Ganoon po ba? Kung ganun, lalamig itong kape…”
“Ay naku! Ayos lang! Leil? Eto pa…” tawag ni Lola.

Huminga ako ng malalim at dumiretso na roon. Kinalma ko ang sarili ko lalo na nang nakitang nakatingin na si Raoul sa akin pagkaliko pa lang.

“Medyo mabigat ‘yan,” si Lola habang iminuwestra ang mas malalaking patong ng libro.

Tumayo si Raoul. Nakuha ko agad ang gagawin niya kaya inunahan ko na. Hawak ang grupo ng librong iyon ay inangat ko na. He tried to steal it away from me. Umiling ako at ngumiti.

“Ayos lang. Kaya ko. May mas mabigat pa nito noong huli,” sabi ko.

He opened his mouth to protest but instead, his eyes suddenly got fixed on something. Huli na nang natanto ko kung ano iyon. Medyo marahas niyang hinawakan ang aking braso para makita ng tuluyan.

“Anong nangyari rito?” tanong niya.
“Ah… Uh… Nagkasugat lang,” sabi ko at mabilis na umalis habang distracted pa siya.

Half running, I went to the high shelves just to get away from him. Ang mabibigat na yapak ng kanyang bota ay mas lalong nagpakaba sa akin. Lalo na nang narinig kong nakasunod iyon sa akin, ano man ang takbo ko at pagkakalito.

“Saan ka galing ‘yan?” tanong niya, nakasunod lang.
“Uh… Sa gubat lang.”
“Bakit nagkasugat sa gubat?”
“S-Sa mga sanga,” maagap kong sagot habang isa-isang pinapasok ang mga aklat sa shelf.

Nahirapan pa ako sa isang malaki. Hinawakan niya iyon at siya na mismo ang nagpasok ng walang kahirap hirap. Inagaw niya rin sa akin ang iba at ganoon din ang ginawa. I turned to him, slightly nervous.

“Salamat. Pero kaya ko naman… Totoo…”

Binalewala niya iyon. Hinawakan niyang muli ang braso ko. Balak ko sanang iiwas iyon sa kanyang kamay but his moves were very swift and precise. Agad niyang nahubaran ang aking braso, revealing the wounds I got earlier. Nahulog sa sahig ang mga dahon at ang telang nilagay ko roon.

Nagkatinginan kaming dalawa. His jaw clenched for a moment. Luluhod sana ako para kunin ang natapong mga dahon.

“Leave that alone. It’s not your job to clean that. Gamutin natin ang sugat mo ng maayos,” aniya.
“Maayos naman iyon,” giit ko.
“Come here…” he said, ignoring my words.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya pabalik kay Lola. He dragged a chair in the middle of it all.

“Anong nangyari?” tanong ni Lola.

Iminuwestra ni Raoul sa akin ang silya. Umupo ako, abot abot na naman ang tahip ng puso.

“Gagamutin ko lang po ang sugat niya sa braso. Magpahinga ka muna, Lola,” he declared.

Lola Brosing looked so confused. Yumuko ako at sinulyapan ang sugat na nasa braso ko. Umalis si Raoul sa library at binaba naman ni Lola ang mga tiningnang libro. Kinuha niya ang isang tasa ng kape bago ako nilapitan.

“May sugat ka?”
Tumango ako.
“Paano?”
“Sa gubat lang, Lola…” tanging sagot ko hanggang sa bumalik na si Raoul dala ang iilang gamit.

I saw him wet a piece of cotton. Isang pamilyar na gamot ang binasa niya roon bago hinawakan ng marahan ang braso ko. Dahan-dahan niyang dinantay ng bulak ang sugat ko sa braso.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. He looks so serious. Ang dalawang kilay ay nagkakasalubong at ang mga mata’y titig sa aking sugat. Nilingon ko ang mga gamot na ginamit niya at minemorize iyon.

“This is for disinfection,” aniya bilang impormasyon para sa akin.

Tumango ako at nagpatuloy na tiningnan ang paggamot niya sa aking braso. Ang isang kamay niya’y mariing nakahawak sa akin para hindi makagalaw.

“Sa sanga ba talaga ‘to?” the hooded mystery in his eyes claimed mine.

Patuloy ko lang na tinitigan iyon. He sighed heavily.

“O-Oo,” sagot ko.
“Sa oras na malaman ko na iba ang dahilan nito…” he trailed off.
“Oo nga? Hindi kaya kalmot ‘yan ng mabangis na hayop, Leil?” nag-aalalang sinabi ni Lola.
Umiling ako at binagsak ulit ang tingin kay Raoul.

He did not speak again. May nilagay siyang parang puting tela roon, idinikit gamit ang tape. Marahan at maingat ang kanyang galaw, nakapagtataka dahil base sa higpit ng hawak niya sa akin, hindi ko inasahang kaya niyang maging maingat ng ganoon.

Hinaplos ko ang aking sugat. Our hands are centimeters away and I can see the big difference between us. Maybe, because I am still very young? Or maybe, he’s just massive for a man? I’m not sure which pero kung iisipin at ikukumpara siya sa mga kaibigan niya, he’s more athletic and more masculine than all of them. Explains why he’s really good at sports, huh?

“Ako na ang tutulong kay Lola,” deklara niya.
Umiling ako. “Kaya ko naman.”

He only glanced at me with soulful and brooding eyes bago kinuha ang grupo ng mga libro para maibalik sa shelf. I watch him languidly walking towards the shelves. He’s like art. A man sculpted perfectly, with hard flaws but still gentle and kind. A man of honor and nobility. A man so masculine and almost elusive…

Nakaupo lang ako. Hindi dapat nakakaramdam ng kaba dahil wala namang nakakakaba sa pagkakaupo pero sa hindi ko mawaring dahilan, narinig ko ang pintig ng puso ko.

I remember how vividly it is described on love novels. Ang sabi, pipintig talaga. I’ve heard my heart violently beat like this around Raoul, pero lahat ng iyon pwede kong matawag na kaba dahil sa sitwasyon. Pero ngayon… paano ako kakabahan kung pinapanood ko lang siyang seryosong nagsasauli ng mga libro?

Hindi ito kaba.

Lalong hindi takot.

This is something else. Something I have known for a long time… denied it for a long time.

Alam ko na anong nagbago, Leil. Ayaw kong maalala ang nangyari noon sa kanila noong babae sa kamalig kasi ayaw kong tumatak iyon sa aking utak.

I don’t want to clap on his wedding even when I can say I will be happy for him because… because… it will hurt, for sure.

Pagod akong ngumiti, nagsisisi na natanto ang lahat ng ito. He’s of age and I am still very young. This will pass if it isn’t nurtured. I will eventually forget this hero-complex I have for him… Eventually… Soon…

Or so I thought.

Pinalipas ko ang pang labing limang summer ko sa village. Bukod sa takot na akong dumaan sa kamalig, gusto ko na ring tigilan ang kahibangan ko.

Nagpaalam ako kay Lola at Ma’am Avila na mag coconcentrate muna ako sa mga tao sa village para mapag-aral ako ng Papa sa pasukan. Sumang-ayon naman sila.

I spent most of my days laying beside my goat, watching the sand pass through the hourglass’ neck. Sana bumilis ang oras. Sana malaman ko na kung anong mangyayari sa akin. Sana… lumaki na agad ako.

Sana lumaki na agad ako?

Hindi ko alam bakit iyon ang naging hiling ko. Who wants to grow old, anyway?

Ang sabi sa mga nabasa kong libro, growing old is a nightmare. Kaya bakit gustong-gusto ko ang tumanda na agad? To speed up time and grow from a lady to a woman?

Payapang natapos ang mga araw. Father was very pleased again. Bukod sa mukhang maganda ang takbo ng mga ginagawa niya, hindi pa ako nagrereklamo na sa lahat ng kanyang pinagagawa.

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang pagkakatuwaan ng mga kaklase sa malayo. Nasa ilalim ako ng isang puno ngayon, kumakain ng tanghalian, mag-isa.

Nothing has changed for my Grade 11 year. I still don’t have friends. Lahat ng mapapalapit sa akin, kung hindi aawayin, magagalit sa hindi malamang dahilan. It’s easier to be friends with boys but I think every girl wants a girl friend for her life? Hindi ako iba sa mga iyon.

Umihip ang pangtanghaling hangin. Nangiti ako nang nakita ang asaran ng magbabarkadang babae sa malayo. They are all trying out their lipsticks. Nakita kong nagkamali sa paglagay ang isa dahilan ng pagkakainis naman ng isa. Nagtawanan sila dahil sa nakakatawang koloreteng nalagay sa mukha. They enjoyed doing it.

Tumikhim ako at nilingon ang nakitang anino sa hindi kalayuan. Nakatayo roon si Gasper, isang Grade 12 na nakilala ko noong nagpaturo siya sa akin, isang beses sa library.

“Oh Gasper?” sabay tabi ko sa baon.

Umiling siya at namula nang nakitang medyo naglinis ako sa inuupuang sarong.

“Huwag na, Leil. Uh, magtatanong lang sana ako kung pwede bang maupo… uh… kasama ka?” he asked.

Tinagilid ko ang ulo ko. That’s very unusual. Marami siyang kaibigan. Kakabreak lang nila ng girlfriend niya. Noong nakaraan ay narinig ko pang umiiyak ito. Ganunman ay hindi ko makitang nawalan siya ng ganoon karaming kaibigan para maupo rito kasama ko.

Kahit nagtataka ako kung bakit, ayaw ko siyang tanggihan. Alam ko ang feeling na walang kaibigan at hindi ko gustong maranasan nino man iyon.

“Sure!” sabi ko.
Tumango siya at lumapit sa akin. Tumabi ako para bigyan siya ng espasyo.
“Thank you. Matagal na talaga kitang pinapanood dito tuwing tanghalian,” aniya.
“Nasaan ang mga kaibigan mo sa basketball varsity? Bakit mag-isa ka ngayon?” tanong ko.

He blushed. I smiled. It’s not an unlucky life some days, huh? Some days, I have people trying to be friendly. This should be okay.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.