Sands of Time – Kabanata 40

March 16, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 40

Kabanata 40
Alaala

Pababa ako sa hagdanan nang nakita ko ang tahimik na umaga sa bahay ng mga Avila. I saw Raj outside the house, mukhang nag-aayos ng mga plorera sa front yard ng mga Avila. Si Ma’am naman ay nasa kusina at kung hindi niya ako palihim na tinawag ay baka lumabas na ako para lapitan si Raj.

Ma’am Avila waved at me. Pagkatapos ay bumaling siya sa labas na tila ba tinitingnan kung nakatingin ba si Raoul o hindi, at nang nakumpirmang hindi ay ‘tsaka lang nang usyoso.

“Nakakahiya, Leil. Nakapagluto na si Raoul ng almusal para sa atin bago pa ako nagising. Baka hindi nakatulog ng maayos sa sofa…” bulong ni Ma’am.
“Ganoon po ba?”

Nilingon ko ang nakahanda nang almusal sa lamesa. Pagkatapos ay inabot ko ang pitsel ng tubig para makapagsalin at makainom na ako.

“Leil, hindi pa tayo nakakapag-usap! Paano nangyari ‘to? Hindi ba…” Parang sumakit yata ang ulo ni Ma’am kaiisip kung paano nangyari ang lahat.

Naupo ako sa silya at nagpasya na panahon na siguro para ikwento ko ng buo sa kanya.

“Okay,” kinalma ni Ma’am Avila ang kanyang sarili. “Noon, alam kong crush mo siya. Naramdaman ko na may kung ano siyang pagtingin sa’yo pero hindi ko naisip na posible ito. Lalo na sa lahat ng nangyari… Nagulat ako, anak!”

Natatawa na naiiyak si Ma’am Avila sa pagsasabi sa akin. So I spent almost the rest of my first waking hours telling her what happened. Tumigil lamang kami nang pumasok na si Raoul at nagpasya na rin si Ma’am Avila na ayain na kaming mag-agahan.

Tumulong ako sa kay Lola Brosing. Today, she can already talk very well. At kanina sa pagbangon niya’y naabutan namin na siya na mismo ang naglakad patungo sa kanyang wheelchair. We all got worried but in the end we all laughed about it.

Kuryoso ang bawat tingin ni Ma’am Avila sa amin ni Raj. Lalo na nang naglagay ako ng mga plato at kubyertos sa hapag at si Raoul ay sinusundan ako habang abala.

“Where’s my morning kiss,” Raj said naughtily, kanina ko pa tinatanggihan.
“Mamaya na nga. Hindi pa ako n-naliligo…” sabi ko habang iniiwasan siya kahit pa panay na ang hawak niya sa siko ko.

He smirked at that. Hindi ko alam kung inaasar niya lang ba ako o ano. Nang nakita kong nanonood si Ma’am Avila sa amin ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Ma’am smirked at me before pushing Lola Brosing’s wheelchair to the kitchen.

Nagtitigan kami ng ilang sandali ni Raoul. I gave him a warning look. He gave me a forlorn expression but in the end, he managed a playful smile. Umiling na lamang ako at hinila na siya patungo sa kanyang silya.

Tumikhim si Ma’am Avila na para bang inanunsyo na nandyan na sila.

“Ang sweet sweet naman…” sabay hagikhik ni Lola.

Ngumiti lamang ako kay Lola. I’m happy to see her this way. Nanunukso na at mukhang masaya.

Naupo na kaming apat sa lamesa at nasabi na rin ni Ma’am Avila ang mga plano niya para kay Lola. At syempre, tutulong ako sa kung ano man ang kakailanganin. Isa iyon sa pinag-usapan namin sa hapagkainan kung hindi lang nang intriga na rin si Lola Brosing.

“Sinong mag-aakalang kayong dalawa?” si Lola sabay hagikhik.
“Mama…” pigil ni Ma’am Avila.

Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang nakita ang kuryosong tingin ni Ma’am Avila sa amin. Sa huli ay pagod na ngumiti si Ma’am Avila sa akin bago siya tumingin kay Raoul.

“Nagtataka l-lang ako paano nangyari, Luz…” sabay ngisi ni Lola habang nananatili ang mga mata sa amin ni Raoul.
Ngumiti ako kay Lola Brosing.
“Ay naku, Mama. Ikukwento ko na lang sa’yo mamaya.”
Tumawa ulit si Lola Brosing. “Noo’y tinutukso ko pa itong si Soleil dahil halatang gustong gusto ka, hijo…”

Raoul smirked then looked at me. Tumawa na lamang si Ma’am Avila sa pamumuking ni Lola sa akin. Nang bumaling si Ma’am sa akin ay puno na ng pag-aalala ang mga mata.

“Ano ang plano n’yo ngayon, Raoul, Leil?” she sighed. “Alam kong alam n’yo ang maaaring kalabasan nito? Anong plano n’yo sa araw na ito?”

I can sense that Raj is ready to answer that question kaya inunahan ko na siya.

“Dito lang po ako, tutulong sa inyo. At… bibisita rin sana ako kay Papa… kung maaari…” sabay baling ko kay Raoul.

Nanatili ang mga mata ni Raoul sa akin, tila may gustong sabihin. Nauna na si Ma’am sa pagsasalita.

“Alam mo, Leil, ayos lang ako rito. Bibisita naman ang iilang estudyante ko at tutulong din ang isang kapitbahay na pinag-aaral ko. Kaya ko na rito kaya huwag mo nang alalahanin. Gusto kong ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin. Kung gusto mong bisitahin si Balthazar, pumunta ka roon. At kung kailangan namang pumunta sa mga Riego…”

Bumaling si Ma’am kay Raoul.

“Pumunta kayo.”

Umiling ako. “Nagkausap na po kami ng mga Riego. Sa ngayon, tanggap ko po na sariwa parin ang lahat kaya hindi ko po muna ipipilit ang sarili ko.”

Pagod na ngumiti si Ma’am Avila sa akin. Ramdam ko ang awa niya para sa akin kaya ngumiti ako. I want to assure her that I know what I’m doing. I know all the consequences and I will face it all head on.

Hinawakan ni Raoul ang kamay ko.

“Inilipat na kagabi sa syudad ang Papa mo, Leil. Pupuntahan natin kung gusto mong bumisita,” ani Raoul.
Tumango ako at ngumiting muli. “Bibisita rin sana ako sa nayon…”

So we plotted what we have to do for that day. Konti lang naman at sa huli’y babalik din kami rito. Hindi na rin ako niyaya ni Raoul na pumunta sa kanila, I think we both agree to that part at least.

Ang una naming plano ay ang bumisita muna sa nayon. Pagkatapos doon ay ‘tsaka kami tutulak para mabisita ko si Papa sa presinto. I actually told him that it’s okay if I go alone at siya nama’y umuwi pero hindi siya pumayag.

Katatapos ko lang maligo. I prepared a small bag for our planned short trip. Siya naman ang naliligo ngayon at naghihintay na lamang ako na matapos siya nang may hindi inaasahang bisita sa mga Avila.

Kabadong kabado kong pinagbuksan ng gate. Lalo na nang kita kung sino ang naroon. Ang dalawang Riego ang naroon, isang babaeng tingin ko’y asawa ni Radleigh Riego ang pangatlo sa kanila.

Rad’s eyes bore into me like a hot steel. I am not sure if that’s because he’s angry or he’s just that way, just like how Raoul watch people.

“M-Magandang umaga… P-Pasok kayo.”
“Leil?” tawag ni Ma’am Avila galing sa bahay, mukhang nakita na kung sino ang bisita.

Umatras ako at pumasok ang mga Riego. The woman’s eyes bore into me with curiosity bago binalik sa asawa.

“Good morning! We’re wondering if Rao is here?” sabi ni Sibal Riego.
“No, he’s here, of course,” Radleigh interrupted bago bumaling muli sa akin. “Pwede ba namin siyang makausap?”
Maagap akong tumango. “Naliligo pa siya. Tatawagin ko lang.”
“Sino ‘yan?”
“Magandang umaga, Ma’am…” sabi ni Sibal sa parating na si Ma’am Avila.

Umatras ako para makatalikod at mapuntahan na si Raoul pero naunahan ako ng tawag ni Radleigh.

“Kung ganoon, pwedeng ikaw muna ang kausapin namin?”

It was followed by a long stretch of silence. Narinig ko na lang ang pag-aalinlangang pagpapaalam ni Ma’am Avila. Nagyaya siyang pumasok ang mga Riego, Sibal assured her that they will go inside after the talk. Sa huli ay naiwan kaming apat doon sa lilim ng mga puno sa bakuran ng mga Avila.

“I believe we haven’t been formally introduced, yet? Radleigh Riego. This is my wife, Zariyah Riego…” anito sabay lahad ng kamay sa akin.

Kabado kong tinanggap ang kamay ng dalawa. At sa pahabol pag papakilala ni Sibal sa akin. Kilala ko na sila noon pa pero kung pormal na pagpapakilala’y hindi nga.

“Soleil…” marahan kong sinabi.
“We’re sorry for what happened yesterday at Casa Riego,” ani Radleigh.
I smiled for assurance then I shook my head. “Naiintindihan ko iyon.”

Naisip ko kung ano maaari ang dahilan ng pagpunta nila rito. Will they tell me hurtful words again? Beg me to stay away from Raoul? Ano kaya?

Bago may makapagsalita sa amin ay nakita ko na ang sabay nilang pagtingin sa likod ko. Nang nilingon ko’y nakita ko si Raoul, bagong ligo at handa na rin sa lakad naming dalawa. Sa tinginan ng magpipinsan, pakiramdam ko may sariling mundo silang hindi ko malaman. At nang naglapit ay nagpahayag ng pagkakasundo at pagbati ang mga ito.

Sumulyap si Radleigh sa akin bago nagsalita.

“You’re called at home,” anito.

Tumango ako sa aking sarili. Maaaring maantala ang lakad naming dalawa. Ayos lang naman at mananatili muna ako rito sa bahay kung ganoon. Maghihintay na lang ako sa kanya.

“I will be home but not today. Baka may asikasuhin ako para sa kaso,” ani Raoul.
“Just a quick visit, I guess? Before you go and do what you need to do?” agap ni Radleigh.

Raoul sighed. I can sense his disapproval.

“Rao, Papa is worried about you. You should at least assure them,” sabi ni Zariyah.

Hinawakan ko ang braso ni Raoul para malipat ang kanyang atensyon sa akin. Bumaling siya sa akin. Naramdaman ko rin ang pagbaling ng tatlong Riego sa aming harap.

“Sige na. Hihintayin kita rito. Tutal ay gusto ko rin naman talagang tumulong muna kina Ma’am Avila.”
“And I mean you two…” agap ni Zariyah pagkatapos marinig ang sinabi ko.

Napabaling ako sa kanila. She looked at me with pure assurance and kindness in her eyes. She tried to give me a small smile. I gave her one back, too. Maganda man ang intensyon niya sa pag iimbita sa akin, alam kong hindi magiging maganda ang resulta kung pupunta ako.

“Okay lang na si Raoul lang ang pumunta.” Bumaling ako kay Raj. “Hihintayin na lang kita rito. Pwede ring bukas na lang tayo tumulak para mas mahaba ang oras mo roon.”
“No, you’re invited, too…” Radleigh said, looking at me.

Bahagya akong nagulat sa sinabi nito. Hindi ko alam kung sino ang nag-imbita sa akin. Whoever it is, he or she might be out of his or her mind. If it is because they want to discourage me, then I can go and hear it all out. Pero dahil alam ko na ano man ang rason ng pag imbita sa akin, masama man o maganda, masama parin ang magiging epekto ko kay Felicia Riego.

Forgiveness is not easy to give. And it is not mine to take, pero alam ko na wala man akong kasalanan, kailangan ko parin ang kanyang kapatawaran. Hindi ko rin aasahan na magiging madali o mabilis iyon. Ni hindi ko na iniisip na mangyayari pa, but in my most private dreams I’d hope that she will eventually heal. Not for myself, but for her peace of mind.

“Salamat pero alam ko ang magiging epekto ng presensya ko sa Mama ni Raj. Gustuhin ko mang sumama, ayaw kong maalala niya ang mga napagdaanan niya. Raj can go with you. Dito na lang ako…” sabi ko.

Hinila ako ni Raoul. His hand snaked on my waist. Pagkatapos ay pinatakan ako ng halik sa sentido.

“You can come with me to our house. I won’t stay long,” bulong niya sa akin.
“Paano? Sa sasakyan lang ako maghihintay? Pwede rin…” bulong ko pabalik sa kanya, naiisip na pwede naman din iyon basta huwag lang akong makita.
“Rao, si Tita Fely ang nag imbita sa inyo…” agap ni Zariyah pagkatapos ng ilang sandali.

Sa gulat ko’y napabaling ako sa kanila. Kinabahan akong bigla. Gustuhin ko man na maisip ang pangarap kong matanggap, alam kong hindi ito iyon. Alam kong maaring may ibang pakay ang pag imbita, hindi ang pagtanggap sa akin.

“Saglit lang ako,” anunsyo ni Raoul.
“Sa labas lang ba ako? Sa sasakyan na lang ako…” medyo natataranta kong sinabi.
“You can go in with me…” he said.

Parang nakalimutan ko na may nakatingin at nakikinig sa amin. Masyado akong nagulat sa reckless na desisyon ni Raoul. I know he doesn’t want to hurt his mother. I would understand if he asks me to stay in the car.

“Ayokong maalala ng Mama mo ang lahat…”
He nodded. “I don’t want my mother to hurt, too. But if this is her decision to try, then this is our chance to try, too.”
Umiling ako. “Gusto ko iyon, Raj. Pero napakaimposible na sa ganoon kaliit na panahon ay ayos na siya…”

He nodded at me again. “I don’t expect her to be okay with this, too. But I want to think that she’s trying to fix it. I don’t want to hurt her or to cause her pain, Leil, but I want her to heal.”

Kinagat ko ang labi ko. Sa huli ay napabaling ako sa mga nanonood sa amin. Kitang-kita ko ang titig ng tatlo sa akin. Uminit ang pisngi ko nang natantong nakita nila ang pagkakataranta ko.

“Susunod kami ngayon,” ani Raoul sa kanila.

Radleigh nodded, looking assured. Tinapik naman ni Sibal ang balikat ni Raoul bago nagdesisyon ang grupo na umalis na. Nagpaalam sila kay Ma’am Avila at kami naman ni Raoul ay bumalik sa loob para kunin ang iilang gamit. Sumunod ako sa kanya habang maraming tanong sa isipan.

Kabadong kabado ako. Kaya naman kahit paliko na kami sa Casa Riego ay hindi ko parin tinantanan ang kaisipang hindi na ako aalis sa sasakyan. Na rito na lang ako maghihintay kay Raoul hanggang sa matapos sila sa pag-uusap.

The last minute, I offered him that again.

“Dito na lang ako,” sabi ko ulit.

If there is a need to face his mother, I would. But I also don’t want to hurt her so I’d rather stay here. Litong-lito na ako na tanging ang desisyon na lang ni Raoul ang pinagbasehan ko sa sariling desisyon.

He said we should go so we did. Kahit pa takot akong makasakit, mas kilala ni Raoul ang kanyang ina. Alam kong gusto niya mang matanggap kami, hindi rin siya mamimilit dahil naiintindihan niya ang pinagdaanan ng ina.

Pareho kaming tahimik papasok pa lamang ng mansion. Banayad niyang hinanap ang aking kamay at hinawakan ng marahan habang papasok kami. Nilingon niya ako ngunit sa kaba ko’y huli na nang lingunin ko rin siya.

Ngayon ko lang napansin ng nakakabinging katahimikan sa buong mansion. Ang kaonting tunog ng ultimo kutsaritang tumatama sa tasa ay rinig na rinig kahit sa pintuan pa lang. At gaya nang nadatnan ko kahapo’y nasa parehong ayos sila sa lamesa.

Nakatayo ang mga batang Riego na tila ba papaupo pa lamang. At may dalawang vacant seat sa kanang bahagi lamang ni Felicia Riego. My eyes darted on Raj’s mother. Nagkatinginan kami ng ilang saglit bago ito bumitiw at bumaling sa katabing si Relani Riego. She slowly sipped on her glass of water. Hindi ko namalayan ang paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Raoul.

I am terribly nervous. Palapit kami’y ‘tsaka nag si upuan ang mga nakatayo. Tumikhim si Ares at pagkatapos ay mas lalong tumahimik ang lahat. Raj dragged the chair beside him. Napasulyap muli ako sa mga matandang Riego sa aming harap at nakita ko ang panonood nila sa ginawa nito.

My heart is pounding hard. Naupo ako at agad naramdaman ang pagkakamali ng pagpunta rito. Dito pa lang, naramdaman ko na na dapat ay wala ako… na hindi pwedeng narito ako.

Raoul then went to his mother. He kissed her forehead. Tahimik at seryosong tinanggap ni Felicia Riego ang halik bago bumaling sa akin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa takot na pati iyon ay hindi pwedeng gawin. I am not allowed to watch her or interact with her.

“I heard you are going to be busy today, Rao?” si Ares nang paupo na si Raoul.

Tumango si Raj. Nagsimula na ang pagsasalin ng tubig sa aming mga baso at nilapag na rin ang pagkain sa kani kanilang mga plato.

“Yes, Tito. I will check the case again and talk to our lawyer.”

Hindi ko maalis sa isipan ko na kaya ako tahimik na nakaupo parin dito ay dahil kay Raoul. Iginala ko ang mga mata ko sa mga batang Riego na tahimik ding nakikinig sa pinag uusapan.

“I-Itutuloy mo ba, Raj?” banayad ang boses ni Felicia Riego nang tanungin noon ang anak.

Nakita ko ang pagbaling ng iilan sa kanila sa akin. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan na lang ang pagkain. Tapos na kaming mag almusal sa mga Avila pero nakakahiyang tumanggi rito lalo na sa sitwasyong ganito.

“Yes,” Raoul said with no hesitations.

Sumulyap si Felicia Riego sa akin.

“This will be a quick justice for sure…” Relani Riego said.

Sumulyap ako sa babaeng nagsalin ng juice sa baso ko.

“Salamat…” I smiled at her.

Tumango naman ito at ngumiti rin pagkatapos ay kay Raoul naman nagsalin. Raj raised his hand bilang pagsasabing huwag na siyang bigyan ng ganoon. Pagkatapos ay bumaling ito sa pinggan kong puno ng pagkain. Nagkatinginan kaming dalawa. Alam ko kaagad ang iniisip niya bago niya pa isatinig.

“You want your food replaced with sweets instead?” he asked.

Nanonood na ang lahat. Mataman ding tumitig si Felicia Riego sa amin at hindi ko maiwasang maramdaman ang tensyon nito. Tumikhim ako. Nagtatanong lang si Raoul sa akin pero pakiramdam ko’y hindi iyon pwede.

“Hindi na. A-Ayos lang ‘to,” sabi ko dahil ayaw kong makaabala pa.




He nodded. Yumuko ako at tinitigan na lamang ang pagkain. Nahihiya ako sa ibinibigay na atensyon ng lahat.

Nang muli akong sumulyap ay nakita ko ang pagtagal ng tingin ni Felicia Riego sa aking kamay na may hawak na tinidor. Napatingin din ako sa kung ano ang maaaring tinitigan niya. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Lalo na nang nagkatinginan ang dalawang babaeng Riego na tila ba alam ang iniisip ng isa’t-isa.

Bahagya kong binaba ang kamay ko. Both the two jewelries Raoul gave me were on that hand. Ang bracelet at ang singsing ang paniguradong tiningnan nila. Ang singsing… Mas lalo kong binaba iyon at itinago nang natanto kung ano maaari ang iniisip nila ngayong nakita ang singsing.

“I do not doubt your decision for this issue, Raoul…” baritono ang boses ng matandang Riego. “Alam kong itutuloy mo ang kaso pero…” his eyes went to me for a few moments bago ibinalik sa kausap. “Talaga bang…”

Hindi niya man tinuloy ang sasabihin ay para akong nailagay sa hotseat. Si Raoul man ang tinanong, pakiramdam ko ay ako dapat ang sumagot. Raj looked at me with assurance in his eyes. Hindi siya sumagot. Tila ba tinutulak ako ng mga mata niyang sumagot sa tanong na iyon. Ngunit siguro’y nakita niya ang kaba ko kaya inunahan niya na.

“I will seek for justice, Tito. For my parents… For us…” he said firmly.

Malungkot na ngumiti si Felicia Riego. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinawakan ng ginang ang kamay ni Raoul. Raoul squeezed it gently and smiled reassuringly to his mother. Bumuntong hininga ako. Nang muli akong nag-angat ng tingin ay nasa akin na ang mga mata ni Relani Riego.

“How about you, hija?” She shifted on her chair.




Nakita ko ang pagsulyap niya kay Raoul, tila ba may kaonting takot sa sariling tanong. Mas lalong bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko. I know my stand for this but I don’t want to cause anything dahil lang nagsalita ako.

Nagkatinginan kami ni Raoul. Kung kanina’y mukhang tinutulak niya akong magsalita, ngayon nagdilim ang kanyang mga mata. I don’t know why his mind changed. Maybe because the question was too direct for me. Maaring ayaw niyang pilitin akong sagutin iyon lalo nang alam niyang nagdadalawang isip pa ako kanina.

“K-Kailangan pong pagbayaran ang kahit anong kasalanan,” tanging nasabi ko.
“So you’re on our side…” pahabol nito.

Ilang sandali akong napatingin sa bawat isa sa kanila. Lahat sila’y hinihintay ang positibo kong sagot. Even Felicia Riego is waiting for whatever I say and I am sure that they want me to say yes. Raj sighed heavily. I was positive he’d stop it all para lang hindi ako mahirapan kaya inunahan ko na.

“Pumapanig po ako sa katotohanan. I want justice served to the people who need it. And I want those who are guilty of a crime to pay for it sa paraang ayon sa batas. No matter if he’s my father.”

Nasorpresa ako sa tapang ng pagkakabanggit ko sa mga huling salita. Nilingon ko si Raoul. He smiled at me then after a few moments ay binalingan niya ang mga kausap. Yumuko ako para magsimula na sa pagkain gaya nila.

Pagkatapos ng tanong na iyon ay bumalik na sa mga magagaang tanong kay Raoul. Radleigh Riego said he and his wife will probably stay in the mansion till the weekend. Si Sibal naman ay mukhang lilipad ng Manila kasama ang anak at asawa. Sinabi ng lahat ang kanilang mga plano habang ang mga matatandang Riego ay mananatili na rin muna sa mansyon. Si Ares Riego ay may planong bumisita rin sa presinto upang makausap ang iilang abogado.

Tahimik lamang ako habang minsan ay napapatingin si Felicia Riego. Titig lamang ang ginagawa sa akin, wala nang ibang ekspresyon na naintindihan ko naman. However, the wives of the Riegos started talking to me a bit with the simplest question. Ganunpaman, naaappreciate ko ang pagsisikap na makausap ako.

“You work under the Ledesma’s, right? Or did you already resign?” tanong ng asawa ni Sibal sa akin.
Ngumiti ako. “Naka on leave lang. Babalik ako. Bumisita lang ako sa Lola ko na… naospital.”
Then she smiled at me. “Do you really like working in hotels o dahil lang sa mga Ledesma kaya ka nakapagtrabaho roon?”
“Uh, natuto na rin akong magustuhan ang hotel dahil sa mga Ledesma. Pero gusto ko rin subukan ang ibang trabaho.”

Iyon lamang ang naging interaksyon ko bukod sa tipid na ngiti para sa kay Zariyah Riego at iilan pang tinginan sa mga matandang Riego. May kanya kanya nang usapan sa ibang topic nang nilingon ako ni Raoul. His hand rested on my thigh to get my attention.

“Let’s go?” he said.

Tumango lamang ako sa desisyon niya. Magtatanghali na ngunit hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko maipagkakaila na kahit halos ma estatwa ako rito dahil sa titig nila’y nasisiyahan akong makita si Raoul na kinakausap ang kanyang mga kamag-anak.

“We have to go. Baka gabihin kami sa byahe,” ani Raoul sabay tayo.

His mother looked at him with pure longing for her beloved only son. Raoul crouched to kiss his mother’s forehead. Nakita ko ang pagpikit ni Felicia Riego, damang dama ang halik at pagmamahal ng anak. Nang dumilat ito’y nakangiti na ang mga mata. At nang bumaba sa akin ang tingin ay napawi ang kanyang ngiti.

Tumayo ako at nag-iwas na lamang ang tingin sa kanya. Payapa akong kumain dito, kasama sila, pero alam kong hindi ibig sabihin noon na tanggap na ako. This is only a step. I don’t know how many steps are there but my decision will stay the same. My decision is to try, even if it will take me a lifetime.

“I will call…” Raoul said simply to his mother.
She nodded at him. Bumaling naman si Raoul kay Ares.
“I’ll see if I can go later…” sabi ni Ares.

Tumayo si Radleigh at nilapitan si Raoul. Nag-usap sila saglit bago tinapik ng nauna ang balikat ni Raoul. Lumapit din si Sibal at nakisali ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay hinanap na ako ni Raoul sa likod nila.

“Let’s go…” yaya ulit ni Raoul.

I slowly nodded. Bumaling ang dalawang Riego sa akin. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at pinanatili kay Raoul. He claimed my hand slowly habang naglalakad kami palabas doon pagkatapos niya ring magpaalam sa kamag-anak. Napalingon na lamang kami nang narinig namin ang banayad na tawag ng kanyang Mama.

“Raoul,” she called.

We both turned to see her. Nakatayo na ito. May bahid na pag-aalala sa mukha.

“Mag-ingat… kayo…” namutawi sa kanyang labi, ang huling salita ay tila naiwan dahil sa bagal at hina ng pagkakabigkas.
Raoul nodded at her. “I’ll come back here before leaving for Manila.”

Malungkot na ngumiti ang kanyang ina bago tumango. Yumuko ako at nagpatianod na lang nang hilahin ni Raoul palabas sa kanilang mansyon.

Tahimik kami habang nasa sasakyan. I know that it’s not yet okay. I don’t think it will be okay soon. I don’t expect it to be okay in a short time pero ayos lang. Alam ko ang haharapin ko at handa ako kung ano man ang matanggap ko rito.

Pareho yata naming inisip ang nangyari na ‘tsaka lang ako natigil nang nakitang niliko niya ang kanyang sasakyan sa daanang madalas kong tahakin patungo sa kamalig noong bata pa lamang ako. Nilingon ko siya.

“Hindi rin naman ito makakapasok, hindi ba?” sabi ko.

Lubak-lubak ang daanan doon. At kung hindi ako nagkakamali at kung hindi nagbago ang daanan ay hati nitong dadaanan namin, hindi na makakapasok ang sasakyan dahil sa mga kakahuyan.

“We’ll just walk by then.”

Iyon nga ang ginawa namin. Iniwan namin ang sasakyan nang nagsimula na ang naglalakihang puno. Kinuha niya ang duffel bag. He draped it on his shoulders and then claimed my hand again while we start walking beyond the woods.

Tahimik, habang tumatagal. Naaalala ko ang mga panahong mag-isa akong naglalakad dito. Ngayon, kaming dalawa na. At hawak niya ang kamay ko. Tinitingnan ko siya habang nauuna sa aming paglalakad.

The swell of his smooth male muscle is reflected on his white shirt. At gaya noon, pareho parin ang tingin ko sa kanya. Kahit pa hawak ko na ang kamay niya, tila kay hirap niya paring abutin. Like he’s someone so impossoble for me… and yet, still mine.

“Are you okay?” baling niya sa akin pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Tumango ako at ngumiti. Pinanood niya ang ekspresyon ko, maaaring naghahanap ng butas na maaaring magsasabi na nagsisinungaling ako. Pero sa totoo lang, ayos lang talaga ako. Kahit pa alam kong hindi parin ako tanggap sa pamilya niya, ayos lang ako.

“Okay lang ako…” sabi ko sabay hagod ng tingin sa paligid. “Hindi ko naman ineexpect na matatanggap agad ako. Masaya na ako na napakitunguhan ng maayos. Malaking bagay na iyon.”

He pulled me closer to him. He crouched to taste my lips slowly. Uminit ang pisngi ko. Tila gatilyo ang pagiging intimate niya na agad na namungay ang mga mata ko. I am immediately melting on his arms.

Iniwan namin ang bag sa kamalig nang nakarating kami. Pagkatapos noon ay dumiretso na kami patungo sa nayon. Habang naglalakad, pareho kaming tahimik. Siguro, pareho kaming nagbabaliktanaw sa nangyari ilang taon na ang nakalilipas sa lugar na pupuntahan namin ngayon.

My mind drifted to what happened years ago. Ang paraan ng mabilis kong pagtakbo at ang pag-iyak ko habang nakikita ang nasusunog na nayon namin. Hindi ko man paborito ang mga nangyayari sa akin sa nayon na iyon, iyon lamang ang mayroon ako sa panahong iyon. I treasured it so much, with its people. I treasured everything even when I did not like it one bit.

“This is where I buried him,” ani Raoul nang palapit na kami.

Sa gitna ng isang patag na talahiban ay ang mga natitirang konkretong pundasyon ng dating nakatayong mga bahay roon. The ruins were covered with black, siguro ay galing pa sa pagkakasunog ng mga kabahayan. Wala nang bakas ng mga nasirang mga bubong o dingding. Ang tanging natitira roon ay ang pundasyon na lamang.

Kung hindi mo alam ang dating nakatayong mga bahay roon, hindi mo maiisip na mayroon nga.

Raoul turned to me when we stopped near where our house was. Ngumiti ako upang pigilan ang pangungulila at sayang naramdaman. I missed him. But I am happy that for the remaining days of his life, he spent it better than I imagined.

“A-Akala ko talaga…” hindi ko na naipagpatuloy iyon.

Maaaring ilang taon na ang lumipas nang nalaman ko ang totoo, hindi parin ako makapaniwala na sinalba nga ni Raoul ang kaibigan kong kambing. Hinayaan niya akong lumuhod para makita ang lupang pinaglibingan niya roon. Hinaplos ko ang damong nakalatag sa lupang pinaglibingan. At pagkatapos ng ilang sandali ay tiningnan ko ang buong lugar sa ganoong perspektibo.

“Dito ako lumaki,” sabi ko na tila ba hindi niya pa alam. “At bata pa ako, sinabi na ni Papa sa akin na pinadala ako ng Liwanag sa mundong ito. Na dapat akong sambahin ng mga tao.”

Tumayo ako at nilingon siya. Mapait akong ngumiti. He looked at me with serious and pained eyes. I can only imagine the rush of his judgement and opinions of me before… at kahit ngayon. Kahit tapos na ang lahat.

“Naaalala mo ba noon? Noong naabutan ninyo akong nanggagamot dito? Kasinungalingan lahat ng turo ni Papa sa akin at sa mga tao pero totoo ang pagsisikap kong magamot ang mga taong iyon.”

Bumaba ang tingin ko nang natantong hindi ko siya kayang titigan ng diretso ngayong nagbabalik-tanaw ako sa kahiya hiya kong nakaraan. Kahiyahiya pero iyon ang totoo. Without it, I won’t be the Soleil I am today.

His rough hand gently stroked my cheek and then cupped my chin.

“Others were eventually educated, Leil…”

Sa gulat ko’y mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Napakurap-kurap ako. Anong ibig sabihin noon?

“May iilan na hindi umalis ng Costa Leona. Pero marami ang lumayo rito. Those who did not leave were condemned by the people here but at the same time, they learned more about the world. Nakapag-aral at natuto rin sa ibang bagay. I have three young employees in Riegosteel who were once living here. At ang mga magulang ay minsan na ring nakapagtrabaho sa planta.”
“T-Talaga?”

He smiled and nodded.

Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Hindi niya alam kung gaano niya ako pinasaya. Bata man ako noon, pakiramdam ko responsibilidad ko parin ang nangyari.

“Gusto ko silang makita!” sabi ko.
“We’ll set another time for that, okay?”

Matamis akong ngumiti habang tumatango.

Ilang beses akong nagdasal para sa kanila. Hindi nagdadaan ang panahon na hindi ako humihingi ng tawad sa pagiging irresponsable kong lider nila. Ilang beses akong nagsisi dahil lang sa nangyari.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas habang pinagmamasdan ko ang lugar na iyon. Umihip ang mainit na pantanghaling hangin at unti-unting hinipan ang lilim ng matatabang ulap sa itaas. Uminit lalo ang kapatagan, nawala ang konting dilim hatid ng mga ulap.

Pakiramdam ko, ngayong nakita ko na ito rito, mapapanatag na ako. Makakapagbalik-tanaw ulit ako sa kinahinatnan ng lahat pero kaya ko nang isarado ang pinto ng bahaging ito sa aking buhay.




My new beliefs taught me many other important things in this life. It taught me of letting go and acceptance. Na magsisikap tayong lahat hanggang sa abot ng ating makakaya pero sa huli ay bibitiw tayo at magpapaubaya sa kung ano man ang kahihinatnan ng gagawin. Sometimes life has better plans for us, better than what we think we deserve.

It taught me of forgiveness. It taught me how to ask for forgiveness. It is a humbling experience that I so want to do one day, to all the people I have wronged. Lalong lalo na sa mga dating ka-nayon ko, na naniwala at tinanggap ang mga kasinungalingan ko.

And above all, it taught me to forgive. Not only to those who have wronged me, but also, my self. Dahil kung hindi ko mapapatawad ang sarili ko’y hindi ako makakausad sa buhay.

Umihip ang mainit na hangin. Ang sikat ng araw ay sinusubukang manuot sa mga hibla ng lumilipad kong buhok.

I closed my eyes and prayed hard for the forgiveness of everyone. Balang araw, hihingi ako ng tawad. Sa ngayon, dito muna. Sana marinig ninyong lahat.

Somehow, leaving the village today made me feel better and lighter. Noon ko pa gustong bumalik. At kung nalaman kong ganito ang pakiramdam pagkatapos kong pumunta roon, baka matagal na akong bumalik dito.

Raoul pulled me close and hugged me sideways while we walk past the large towering trees. Ngumiti ako sa kanya.

“Magpahinga muna tayo,” anyaya ko sa kanya.

Nilingon niya ako. The worry in his eyes is evident. I smiled to assure him that I am fine. Lalo na ngayon.

“Pagod ka na?” tanong niya.
“Medyo.”
Tumango siya. “Tingnan ko rin kung may maluluto ako sa barn house para rito na tayo magtanghalian.”
“Busog pa naman ako kaya ayos lang…”

Nagkatinginan kaming dalawa. I smiled at him again. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang hawak parin ang kamay ko.

“This was where you usually walk alone everyday…” aniya.
“Oo. Memorize ko parin ang daanan kahit pa ilang taon na ang lumipas.”

Ilang sandali siyang hindi nagsalita habang naglalakad kami.

“I always worry for you, years back…” he said after a few moments.

Bahagya akong namangha sa sinabi niya. Noong bata pa ako?

“When I think about you walking alone in the middle of this dangerous forest, I always worry. Lalo na dahil minsan sa mas delikadong daanan ka dumadaan.”
Nilingon niya ako at naabutang nakangisi. “Hindi mo ba naisip na baka kaya ko namang kalabanin ang ano mang mabangis na hayop dito o masasamang tao?”

Nagtaas siya ng kilay. Kahit na mukhang suplado ay ang guwapo guwapo niya parin. Parang may mainit na kamay ang humawak sa aking puso.

“Na baka… totoo ang kwentong may power ako?”

Tumigil kami at hinarap niya ako. Kung noon ay nakakahiyang pag-usapan ang bagay na ito, ngayon kaya ko nang pagtawanan. Kahit pa may konting hiya parin akong nararamdaman tuwing naiisip iyon.

“Don’t be ridiculous. The only power I thought you have is bewitching boys…” he said while his brow was up.

Kumunot ang noo ko. My lips pouted, too.

“Bakit? Nagustuhan mo ba ako noon?”

Mataman niya akong tinitigan. Hindi siya nagsalita. Kahit pa nag-abang ako sa isasagot niya, tila ayaw niyang sabihin sa akin ang sagot noon.

“Hindi naman, ah… Wala kang sinabi,” patuloy ko nang nagpatuloy din siya sa paglalakad.

Marahas niya akong nilingon. I smirked when I saw him losing a bit of his patience because of what I said.

“Tingin mo sasabihin ko sa’yo ‘yun? You were very young! Bukod sa magkakasala ako, I don’t want to corrupt you! Besides, you are not ready for a serious relationship yet.”

Namilog ang mga mata ko. Uminit ang pisngi ko, sigurado akong namumula na ako ngayon. I chuckled. Nag-iwas naman siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Hinila ko ng marahan ang kamay naming magkahawak para makuha ang atensyon niya. Hinihila niya rin ako pabalik na tila ba ayaw akong lingunin at iritado pa.

“Tss…” he said while pulling my hand.
“Raj…” I called trying to stop my chuckles.

He sighed heavily. Mas lalo akong natawa.

“Raj… matagal na kitang gusto.”

Sinulyapan niya ako, suplado ang mga mata habang nagpapatuloy kami sa paglalakad. Hindi na natanggal sa isipan ko ang mga sinabi niya. I heard he desires women his age. I can only imagine his horror when he realized that he likes me – someone years younger than him! So it is impossible that he liked me years ago!

Natatawa parin ako nang nalapit na kami sa kamalig. Seryosong seryoso siya at mukhang ayaw niya sa topic namin.

“Raj…” I called again.

Halos napatili ako nang mabilis niya akong hinila patungo sa kanya na tila ba naubusan na ng pasensya. Pinalupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. Mayabang niya akong tiningnan, tila ba naghahamon ng kung ano sa akin.

Napahawak ako sa braso niya.

“The only important thing here is… you’re not a child anymore…” he whispered.

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Ang kaninang excitement ko ay naglaho at napalitan ng panghihina. Hindi siya umaamin! Hindi niya inaamin kung gusto niya na nga ba ako noon pa!

Ngumuso ako at binagsak ang mga mata sa sapa habang idinidiin niya ako sa kanyang katawan.

“Huwag mo na lang palang sagutin ang tanong ko…” nanghihina kong sinabi habang binababa ang hawak ko sa kanyang braso.

Hindi ko siya matingnan pero ramdam ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata.

“Alam ko naman noon pa na may iba kang gusto. May mga dinadala ka ngang babae rito, ‘di ba? Nakikita ko naman noon.”
He sighed heavily.
“Naliligo kayo rito kasama ng iilang babae. At iniisip ko lagi na hindi ako kailanman magiging isa sa mga babaeng iyon.”
“Damn it, don’t tell me you wished to be those girls!” iritado niyang sinabi.

Kinagat ko na lamang ang labi ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Galit at pagsusumamo ang naghahalo sa kanyang mga mata.

Nagkibit na lang ako ng balikat at bumaling sa sapa.

“Nakita nga kita sa loob na may kahalikang babae…” sabi ko habang umiinit ang pisngi. “Hindi ko pa maintindihan ang bagay na iyon noong una… pero noong nagdaan ang ilang mga taon… narealize kong… nakakapagselos pala.”

Binitiwan niya ako. Nahihiya muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Alam kong dapat hindi ko na sinabi iyon pero kung ginambala ako ng alaalang ito ng ilang taon, nasisiguro kong gagambalain ako nito paulit-ulit pa.

Para akong kuting na pinapagalitan ng amo. Lalo na ngayon sa titig ni Raoul sa akin. I smiled bitterly but he only gave me an fiery gaze.

“Pero noon ‘yon,” bawi ko habang medyo awkward nang tumatawa. “Tingin ko noon, hinding hindi kita maaabot. Hindi ako pwede sa mundo mo… Kaya naman…” lumiit ang boses ko. “Kapag iyan ang isusumbat sa akin, medyo naaapektuhan talaga ako.”

Pilit ang ngiti ko habang naaalala muli ang sinabi ng Mama niya kahapon.

“Pero-” agap ko para sana iassure siyang muli na sinasabi ko lang ang insekyuredad ko, hindi para sumuko.
“You brought clothes, right?” he like patience is straining his voice.
Tumango ako.

Marahan siyang lumapit sa akin. His hand raked the hair above my nape and he attacked me with a hot kiss. Mabilis akong nanghina at nagpaubaya. Warmth flooded inside me. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan.

“Strip,” he whispered.

Hindi pa nakakabawi sa halik niya’y hindi na ako nagulat. Imbes ay mas lalong namungay ang mga mata ko.

“Maliligo tayo sa sapa. I’ll cover all your memories of me with other girls with a new one.”

He attacked my lips with another kiss habang inaangat niya ang dulo ng aking t-shirt. At ang isang kamay niya’y hinawakan ang mga palapulsuhan ko at inangat iyon. Tumigil siya sa paghalik nang inangat niya ang t-shirt ko at walang kahirap-hirap na tinanggal. He removed his t-shirt in a manly way.

He licked his lower lip. Bumagsak ang nag-aalab niyang mga mata sa aking katawan at ginawaran niya agad ng halik ang aking pisngi pababa sa aking panga at leeg.

Kinagat ko ang labi ko habang niyayakap siya. He crouched for the kisses. Binagsak ko ang tingin ko sa kanyang likod. Namimintog ang pinipwersang muscles dahil sa pagyuko at kasabikan sa paghalik sa akin.

His hand forced my pants to open and unzip. Umiwas ako para matulungan siya sa ginagawa. Pinagbigyan niya ako para lang tumulong sa akin.

Inangat niya ako. Napatili ako. Lalo na nang naramdaman ko na ang malamig na tubig na sumusugat sa aking balat, at ang init ng kanyang katawan na sumasangga sa ano mang lamig na narararamdaman ko.

He kissed me thoroughly. Pinalupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Hinawakan niya ang aking baywang at ang isang kamay ay nasa aking batok, pinipigilan akong tumigil sa paghalik. Nang bumitiw kaming dalawa sa halikan ay bumagsak ang tingin ko sa kanyang labi. Ganoon din siya sa akin.

His lips were swelling from my kisses. He looks so hot with his lips half opened and very red. At tila siya walang kontrol sa sarili nang tingnan ko siya. Namumungay ang kanyang mga mata, nagpapaubaya. He showered me tender kisses on my neck down my chest, tila ba bawat halik ay nagpapahayag ng dedikasyon, debosyon… at malamyos na pagsamba.

“P-Paano ‘yong alaala k-ko sa kamalig?” I asked shyly thinking about his kisses.
“Tingnan natin kung maaalala mo pa ‘yon pagkatapos ng gagawin ko sa’yo…” he whispered sexually that in an instant, I am crazily clinging to him.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.