Sands of Time – Kabanata 4

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 4

Kabanata 4
Ritual

Pagkatapos kong itali ang kambing sa puno ng molave ay dumiretso na ako sa mga tiangge sa may bayan. Sumakay ako ng tricycle at hinatid naman ako agad ng driver doon.

Noong una, inisip ko pang pupunta na rin kina Ma’am Avila, kaso kung gagawin ko pa iyon, tunay na gagabihin na ako. Natigil ako nang nakita ang isang stall ng hotcake. Namangha ako sa paggawa at pati na rin sa amoy nito. Nakakagutom.

“Gusto mo nito?” the familiar old man offered me one when he realized that I’m staring at it for too long.

Tiningnan ko siyang mabuti. His messy and dirty-looking hair reminded me of Papa. May kung ano sa kanyang mga mata at ekspresyon na nagpailing sa akin. Ngumiti ako kahit na hindi ako kumportable sa kanyang titig.

“Bakit? Sige na, hija. Matagal na kitang nakikitang naglalaway sa paninda ko. Ibibigay ko ito sa’yo ng libre, kung gusto mo…”

Umiling ulit ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. I heard him call me. His voice changed from tender to sudden anger.

“Sige na! Libre na nga, oh! Alam ko namang gusto mo nito, e! Lagi kang nakatingin!”

I heard his footsteps behind me. Mabilis akong naglakad hanggang sa naiwala ko ang sarili ko sa biglaang dami ng tao sa tiangge. Huminga ako ng malalim at nilingon muli ang pinanggalingan. I saw him looking for me in the sea of people. I ducked more hanggang sa tuluyan na akong nakalayo roon.

Kung hindi ganoon ang trato ng iilan sa akin, malupit naman ang iba.

“Iyan ‘yong sa kulto…” bulungan ng mga tindera nang nakalapit ako sa isang tiangge na puno ng mga damit.

Namili ako ng maganda pero bago pa makahanap ay tinulak na ako ng babaeng tindera.

“Magnanakaw ka lang dito, e. Umalis ka na nga!”
“May pera po ako. Bibili po sana ako ng damit.”
“Wala kaming pakealam! Umalis ka na!”

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa iba pang tindahan. Kung hindi ako napagkakamalang magnanakaw, nalalaman namang ako iyong sinasamba ng mga tao. They’d feel disgusted and scared. Dahilan iyon para ayawan ako sa pamimili.

I never thought buying things could be this hard. Sana pala nagpasama na lang ako kay Ma’am Avila, kung ganoon.

“Bantayan mo ‘yang paninda natin. Andyan ‘yong taga kulto ng mga aswang, e. Mananakawan na naman tayo!” sabi noong tindera sa loob nang nakitang natapat lang ako sa tindahan nila.

Tumingala ako para hagilapin ang araw. It’s almost sunset at wala pa akong nabibiling kahit ano para sa aking sarili. Though, eventually, I figured how to do it. Sa malayo, mamimili ako ng damit. Hindi ko na isusukat dahil paniguradong papaalisin ako. Kapag nakapili na, ipapakita ko ang pera sa tindera at ituturo ko na lang ang damit pagkatapos.

I had one successful transaction that way. Siguro na rin dahil kilala ko ang tindera bilang nanay ng isa sa mga kaklase ko kaya hindi na naging mahirap. I stayed there for a while after I bought a dress. Nakasunod ang isang tindera sa akin, ayos lang. Basta hindi ako pinapaalis habang namimili, hindi ako nagreklamo.

“May pera ka pa ba?” tanong ng tinderang nakasunod.
Tumango ako. “Meron pa po.”

“Hay naku, siguradong galing sa pagnanakaw ang pera niyan. Ginagawang negosyo ng mga ‘yan ang paniniwala ng mga tao, e.”
“Oo, balita ko iilan din talaga sa kanila magnanakaw.”
“Duda ako, sindikato ang mga ‘yan…”

Umalis ako nang hindi na nakaya ang pamimili dahil sa mga usap-usapan ng iilan sa katabing tiangge. Bagsak ang aking balikat nang nagpasyang uuwi na ako. Ayos na itong pinamili ko. Hindi ko rin naman kailangan ng marami pa.

I felt guilty spending the money of the people who believed in me. Iyon ang naging tanging laman ng isipan ko habang inaayos ang tali ng kambing pagkadating ko sa bukana ng gubat. I have conformed too much with my father’s ways for the past years that I did not think about this anymore.

“Alam mo ba?” sabi ko sa kambing nang nagsimula na kaming maglakad sa madamong bahagi ng gubat.

Isang oras na lakad patungo sa sapa ang gagawin namin at isang oras ulit galing sa sapa hanggang sa village. Palubog na ang araw kaya nasisiguro akong gagabihin kami pauwi.

“Bumili ako kanina ng mga pagkaing nasa loob ng lata. Kapag aalis si Papa, ipapamigay ko ‘yon sa mga tao.”

Humiyaw ang kambing. Alam kong aalis si Papa bago ang seremonyas sa pang apat na buwan ng taon kaya naisip kong gawin iyon. The people will give us their prized possessions when the moon is full this month. Ayaw ko man, paniguradong magagalit si Papa kapag tinanggihan ko kaya namili ako ng para sa mga tao. Kanilang pera naman iyong pinambili ko kaya dapat sila rin ang nakikinabang.

Tumingala ako. Maliwanag pa pero ang hating buwan ay kita na sa langit. Pati ang mga bituin. Iyon ang magiging tanglaw ko kung dumilim na sa paglalakad. Isa pa, siguradong nasa sapa na ako sa mga oras na iyan. The half moon reflected on the water of the stream is enough to light my way until the village.

“Isa lang ang nabili kong damit. Hindi rin kasi ako makapamili, e. Pero ayos lang. May iilan pa naman akong natanggap galing kay Ma’am noong nakaraan. Hindi na kasi kasya ‘yong ibang damit ko. Tumangkad yata ako ng konti…”

I smiled. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pakikipag-usap sa kambing. Ang madalas na tunog ng gabi ang naririnig ko habang naglalakad. Nag-uunahan ang tinig ng mga gangis at kung anu-ano pang hayop. It’s peaceful even with their noises. It calms my heart even when I know there might be dangerous wild animals somewhere.

Bahagyang natigil ang paglalakad ko nang narinig ang kakaibang tunog. Something unnatural in the forests. Parang may dumagan sa puso ko nang nakita ang malayong tapat. It is well lit, unlike all the other parts of the forest. I heard the slight strum of a guitar and voices of men.

Hindi ako kailanman ginabi noon sa panonood sa mga kaibigan ni Raoul kaya hindi ko alam kung ginagabi nga sila. Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakakita ko sa grupo nila na hindi pa nakakauwi kahit pa madilim na.

Apat na kabayo ang nakatali sa malayong parte ng gubat, hindi gaya kapag nariyan ang halos lahat ng kaibigan niya. Madalas kasi, mas maraming kabayo, hindi lang apat. Sino kaya ang mga nagpaiwan kung ganoon.

Humiyaw ang kambing, mas maingay pa sa kahit anong naririnig na tunog sa buong gubat.

“Shh!” sabi ko kahit wala na akong magagawa pa.

Natigil ang pagkaskas ng gitara at iilang pag-uusap. Huminga ako ng malalim. Siguro’y naisip nila na may kambing na gumagala pa kahit na gabi na.

Palapit ako ay nakita ko nang may iilang nakatingin na rin sa akin. Raoul’s closest friend is sitting in front of a man holding a guitar. Tumikhim ako at marahang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kamalig.

“Ginabi ka…”

Halos napatalon ako sa bigla biglang pagsasalitang iyon. A shadow moved somewhere near the dark part of the barn house. Nang nasinagan ng ilaw ay nakita kong si Raoul iyon.

Wearing a white v-neck t-shirt, faded jeans, he moved out of the dark, revealing himself to me. Hindi ko alam kung alin doon ang ikinakaba ko. Nakapamulsa siya at mukhang kanina pa nakahilig sa dingding ng kamalig, tahimik na naghihintay ng kung ano.

“Uh, o-oo.”

Ipinakita ko ang mga dala ko. Bumaba naman ang tingin niya roon.

“Marami kasi akong binili.”
“Do you always do this?” he asked.
“M-Minsan lang…”

Lumingon siya sa mga kaibigang nakatingin. Pagkatapos ay dumiretso ang tingin niya sa daanan pang tatahakin ko pauwi.

“Ilang minuto pa bago ang bahay n’yo?” tanong niya.

Isang sipol ang narinig ko galing sa kanyang mga kaibigan. It was like a secret code or something. Raoul ignored it and then turned to me.

“Uh, tatlumpong minuto pa, pero sanay na ako. ‘Tsaka, walang masamang tao riyan…”

My heart is beating so fast and loud. May isang ideya akong ayaw nang pasukin pa dahil imposible naman iyon. There are thoughts I forbid myself to think about and it is one of those.

“You don’t have any flash light or something to light your way?”

Bago pa ako makasagot ay nilingon niya ang mga kaibigan. His closest friend is already looking at us like we’re some puzzle he intends to solve. Pero nang nakita ang senyas ni Raoul ay may kinuha ito at hinagis agad sa kaibigan. Nang natanggap ni Raoul ay sinubukan niya agad na pailawin. Mabilis na tatlong beses ang pag click niya bago inilahad sa akin.

“Maliwanag naman ang buwan ngayon kaya…”

He chuckled mockingly bago muling iminuwestra ang nilahad. Dahan-dahan ko iyong tinanggap.

“Ihatid kaya, Raoul?” biglang sabi ng naggigitarang lalaki.

Mas lalo lang akong kinabahan. Hindi pa ito natatapos magsalita ay umiling ba ako ng paulit-ulit sa takot. I cannot imagine them discovering the village and the people. I cannot also imagine the villagers or my father seeing me with them. Lubusan ang takot ko na hindi pa nakakapagsalita si Raoul ay nagsimula na ako sa paglalakad ng mabilis.

“H-Huwag na. Kaya ko. Kailangan ko nang umalis. Sige… Salamat… dito…” sabay pakita sa flash light na tinanggap at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Tinakot mo…” said Raoul’s closest friend.

Umiling ako at ngumiti para pabulaanan ang sinabi ng kanyang kaibigan. I saw Raoul slowly walking behind me, with eyes wary and mysterious.

“Ayos lang ako. Makakauwi akong mag-isa,” anunsyo ko.
“You sure?” Raoul’s low voice thundered past me.

Mabilis akong tumango at tumigil sa pagmamadali. Huminga ako ng malalim at hinarap siya para masagot ng mabuti.

“Makakauwi ako ng maayos,” sabi ko.

He nodded slowly. I smiled for goodbye before I turned my back on them. Nilingon ko ang kambing na tahimik namang sumunod sa mga lakad ko.

Ilang sandaling paglalakad, hindi pa nakakalayo ay ‘tsaka ko pa lang narinig ang parang tambol na habulan ng aking puso. I smiled weakly, defeated by the intensity of my heart’s content. You’re crazy, Leil. You’re going crazy.

Hinawakan ko ang aking puso para makalma pero mas lalo lang itong lumakas nang dinama. I sighed and continued walking, never looking back.

Mahigpit kong hinawakan ang supot ng pinamili nang pagkatapos ng ilang minuto’y nakita na ang mga ilaw galing sa kabahayan ng village. Hindi ko na kailangan lingunin ang pinanggalingan para makita ang kamalig dahil sa layo ng nilakad ko, ni ilaw o konting bakas noon ay hindi ko na makikita pa.

I heard a loud cry from one of the huts. Nakita ko rin ang iilang mga lampara na nagsisipuntahan doon, hudyat na iilan ang nagpunta at nag-aalala.

“Wala, e. Anong gagawin natin ngayon?” narinig kong iyak.

Itinali ko sa isang maliit na puno ang kambing.

“Dito ka lang, ha. May nangyari na naman yata…” sabi ko habang nakikitang nagkakagulo na nga sa isang dampa.

“Mahal na Diwata, mabuti at dumating ka na…” said an old woman as she bowed before me.

I tapped her shoulders as a sign that I acknowledge her respect, isang bagay na nakasanayan ko nang gawin noon. Hindi man ako sang-ayon. Umahon siya pero hindi diretso ang tingin sa akin, gaya ng ginagawa ng lahat.

“Ang apo ko po’y inatake ng baboyramo pauwi galing pagsasaka. Duguan po siya at hindi namin alam ang gagawin. Ang iyong Mahal na Ama ay kasalukuyang umalis kasama sina Pedring.”
“Po?”

I knew it. Madalas galante at mabait si Papa sa akin sa mga araw na nagbabalak siyang umalis. Ngayong palapit ang seremonyas, sigurado akong makakauwi rin iyon ng mas mabilis sa dati. Dalawa o tatlong araw lang siguro iyong mawawala.

“Saan po?” tanong ko.
“Sa bahay po, pero ilalatag namin siya sa gitna nang makita mo ng mabuti…”

Maagap kong ibinigay ang supot sa isang nag-aabang na bata at inutusan itong ilagay sa aming bahay. Iginiya ako ng iba pang mga tao, syempre kasama ang respeto at pagyuko tuwing nakikita ako.

I want to ignore all their routines but they were trained not to rise without my attention so I had to tap them all or nod in approval. Dumiretso ako sa dampa ng matanda para makita ang mabilisang paglilipat ng mga ito sa gitna ng village. In the open space, just beneath the moon, nakaratay ang isang kasing edad kong lalaki, duguan ang tuhod at tiyan. I saw blood violently coming out of his body, I immediately turned cold.




Yumuko ang lahat at umatras nang nakita ang paglapit ko. Iniinda ng lalaki ang sakit ng mga sugat. Umalis ang kanyang kamag-anak sa tabi ng kama para bigyan ako ng espasyo.

Hindi na kailangang utusan pa, ang mga tagalingkod na babae’y agad nang kumuha ng mga kakailanganin ko. Isang palanggana na puno ng mainit na tubig, mga tela, mga dahon, matatabang kandila. Ang isa’y nagsimula nang maglagay ng belo sa aking mahabang buhok, bilang tradisyon.

As much as I want to skip the traditions, I am more concerned of the boy’s wounds.

I ordered for needle and thread while I am starting my usual rituals. Hindi man ako sigurado kung mabisa ito, ayaw ko namang kaligtaan. Any ritual that would probably lead me to saving someone else’s lives, no matter how fraudulent they are, I will exercise and believe. Takot akong may hindi masalbang buhay dahil lang sa kawalan ko ng paniniwala at sariling pagdududa.

Gamit ang basang tela ay pinunasan ko ang sugat. Mabilis ko ring idiniin ang isang tela para maibsan ang pagdurugo. Ganoon din ang ginawa ko sa ibang sugat.

Tahimik ang buong nayon. Tanging ang pag-aalab lang ng lampara ang naririnig ko. Lahat ng nakatingin sa labas ng dampa ay nakayuko at nagdadamayan. Lahat ay unti-unting lumuluhod at nagdadasal ng mga dasal na gawa gawa ni Papa.

Pumikit ako nang binalikan ang isang sugat. Kumuha ako ng dahon at itinapad sa mainit na kandila. I muttered my usual incantations, clear in my mind. Narinig ko, sa gitna ng katahimikan, ang mga yapak ng kabayo kung saan.

Usually, our men will turn and try to defend the village. Ngunit dahil mapayapa at nagdarasal ako, walang ni isang gumalaw para harapin ang paparating.

Beads of sweat trickled down my forehead. Nakita ko ang sugat nang tumigil ito sa pagdurugo. Hindi malaki ang sugat sa tuhod ngunit ang sa tiyan ay kailangang tahiin. Father taught me how to do it and I’ve been doing things like that for years.

Una kong nilagyan ng dahon ang mas mababang sugat. I muttered the incantations while doing so. Paulit-ulit ko iyong ginawa kada lagay ng dahon. When satisfied, itinali ko ang tela at inayos. Pagkatapos ay bumaling ako sa mas malaking sugat. I performed the stitches fast dahil sa sobrang sakit, iyak at sigaw ang ginawa ng batang lalaki.

Pagkatapos noon ay mas lalong lumakas ang mga yapak ng kabayo. Kinabahan ako. I rose for the leaves. Itinapat kong muli sa kandila at sinabi ang mga dasal bago itinabon sa sugat na nasa tiyan.

Umahon ang ilan nang narinig ag hiyaw ng mga kabayo. hindi ako lumingon sa kung sino ang dumating ngunit ang iilan sa aming mga lalaki ay humarap na sa likod para makita iyon.

Nang nasa tamang lugar na ang dahon ay muli kong iginapos ang katawan ng lalaki gamit ang tela. Nag-angat ako ng isang sulyap at nakita kung sino ang nasa harap.

Hindi na kailangan pang magtagal ang tingin ko para makumpirma kung sino nga iyon. Tatlong lalaki kasama ang tatlong kabayo. Nakababa na ang mga ito pero dala ang kabayo sa gilid.

Raoul and his two friends are here! Parang may bumagsak sa puso ko nang natanto kung ano maari ang iniisip nila habang nakikita ako ngayon sa gitna ng lahat ng mga taong ito.

“Maraming salamat, Mahal na Diwata. Pagpalain ka ng Liwanag…” sabi ng matanda nang yumuko ako para ipakitang tapos na ang ginagawa.

I washed my hand with water from a cleaner basin. Dahan-dahan ang ginawa ko. Nakalutang ang sikmura, takot sa haharaping katotohanan.

They all started their chants and praises for me. Gusto ko silang pigilan pero hindi na ako nagsalita. This is the life I live in. No matter how much I want to conceal it, this is the truth. I was born and trained this way. Hindi ko alam kung bakit lubusan ang kagustuhan kong tanggihan ang katotohanang ito ngayon.

Dahil ba nakakahiya? Dahil alam kong hindi ito tanggap ng lahat? Dahil natatakot akong hindi ito maiintindihan ng lahat?

No, Leil. Hindi lahat ang gusto mo, hindi ba? Just a few people. Just the approval of a few people… actually… just one.

Bumaba ako roon at agad na yumuko ang lahat.

“Pagpalain ang Mahal na Diwata ng Liwanag!” sabi ng matanda.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko na rin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa harap at nakitang napaligiran si Raoul at ang kanyang mga kaibigan ng aming mga lalaki.

His friends were looking cautiously at our men whiel Raoul’s eyes is fixated on me. Mas lalo ko lang iyong ikinahiya… pero sa huli, tinanggap ko.

“We mean no harm!” sabi ng matalik na kaibigan ni Raoul.

Raoul did not react at all. Nanatili ang tingin niya sa akin, siguro’y hindi naiintindihan ang kahibangang ito.

“Kaibigan sila,” sabi ko.

Some lowered their spears and knives. Umatras naman ang iba.

“Tara na, Rao. She’s safe, anyway…” sumampa sa kabayo ang isa.

I smiled weakly at Raoul whose eyes remind on me, parang walang naririnig.

“Raj,” his closest friend climbed his horse, too.

Tumango si Raoul at walang kahirap-hirap na ring sumampa sa sariling kabayo. Ang sunod na narinig ay ang mabilis na pagkabig ng mga ito paalis sa nayon.

Maingay akong huminga ng malalim. Tinatabunan ko ang sinag ng araw gamit ang aking mga daliri habang nakahiga sa dayaming malapit lamang sa kambing. Tulog pa halos lahat ng taga nayon dahil sa seremonyas kagabi. Ilang gabi na ang nagdaan pagkatapos noong nakita ni Raoul ang lahat ng ginawa ko at hindi parin iyon matanggal tanggal sa isipan ko.

Nakauwi na si Papa, sa tamang araw ng seremonyas at marami siyang nakuhang pera kumpara noong nakaraang taon. Maybe it’s because the people are inspired to give their all to us because of the secret sharing I gave them.

Nagtanong si Papa tungkol sa dayong pumunta noong gabing iyon at ang sinabi ko lang ay maaring naligaw lang habang nangangaso. Hindi naman nagtagal at walang ibang ginawa kundi tumingin bago umalis.

Binagsak ko ang kamay sa aking mukha para matabunan iyon. Hiyang hiya parin ako hanggang ngayon.

He must thing I’m crazy? Or that I’m a witch? Aswang? Baliw? Kulto? Lahat ng mga sinasabing masama ng mga tao!

Nakita niya! With his own eyes! Without a doubt!

I groaned dramatically. Halos saktan ang sarili para lang makalimutan ang lahat ng iyon.

Hinampas ko ang dayami. Ang maliliit at magagaang piraso ay nagsiliparan ngunit nahulog ulit sa akin. Sana ay makalimutan ko na lang ang lahat. Mas tahimik ang utak ko kung mas konti ang nalalaman.

Nilingon ko ang kambing.

“Aalis ako,” I said lazily.

Hindi ako umalis ng isang araw. I did not even dare look at the barn house to see if Raoul and his friends are there. I did not even dare walk even past the first row of trees. Hindi ako umalis sa village dahil hindi ko pa tanggap ang kahihiyan.

“Pero ‘di kita dadalhin. Mapipilitan kasi akong dumaan sa kamalig kapag kasama kita. Hindi bale na ngang makagat ako ng ahas sa gubat basta’t ‘di lang ako dumaan dun!”

Umiling ako ng paulit-ulit. Humiyaw ang kambing pero nanatilang nakahiga ang katawan. It’s also a blessing that he’s tired. Madaling araw na nakatulog kagabi dahil sa haba ng seremonyas at sa dami ng nag-alay. Pati yata ang kambing ay puyat kaya mukhang hindi rin ito interesadong gumala ngayon.

My father is happy that’s why he’s very lenient. Hinayaan niya ako nang sinabi kong may gagawin lang. Inalok niya pa nga akong mamili ng pang eskwela kahit pa sa isang buwan pa iyon.

Dumaan ako sa gubat, malayo sa kamalig. Kung pwede lang ay mas lalong maglakad pa hilagang silangan para malayo lang talaga ng husto roon. I did not mind if I heard and saw so many snakes. I did not mind that I had to run for my own life because of the wild pigs attacking.

Pagod na pagod ako nang nakarating sa kalsada. Naupo ako sa tabi at hinilot ang masakit na paa. I had to leave somehow. I’m tired of thinking about the same thing over and over again for the past few days.

Nang nakarating kina Ma’am Avila ay tulala ako habang hinahawakan ang isang baso ng orange juice, handa ng mag-ina.

“Ayos ka lang?” si Ma’am Avila sabay hawak sa noo ko, akala’y may sakit ako.
“Ayos lang po.”
“Matamlay ka…”

Ngumiti ako at sumimsim sa juice.

“May ceremony lang po kagabi. Medyo napuyat.”

Naupo si Ma’am Avila sa harap ko. Lola Brosing is baking a cake today because I’m here. They missed me. Akala nila, hindi ako masyadong dadalaw dahil summer na naman.

“Iyan ba iyong mag-aalay ang mga tao ng kayamanan nila?” maingat na tanong ni Ma’am Avila.
Ngumiti ako dahil alam ko ang balibalita. Kapag nalalapit ang seremonyas na iyon, lumalala ang pagnanakaw sa bayan.

“Leil…” she said pleadingly.

Parang may idudugtong pa siya pero hindi niya na itinuloy. Sa ilang taong pagsasabi sa akin, alam niya na siguro ang magiging sagot ko roon.

“Hija, baka gusto mong sumama at maglibang para makalimutan mo man lang ang araw-araw mong buhay. Sinabi ni Wanda sa akin na magpapaayos muli sa linggong ito ang mga Riego ng library…” si Lola Brosing pagkatapos ay dumungaw sa bintana, para bang may hinihintay.

Umiling agad ako. I like seeing Raoul. I live for it. Pero ayaw kong nakikita niya ako sa ngayon. Hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari at ikinakahiya ko iyon ng lubusan.

“Oh, bakit?” natatawang sinabi ni Lola.
Napatuwid sa pagkakaupo si Ma’am Avila, gulat sa kawalan ko ng interes sa mga Riego.
“Nahihiya po ako,” sagot ko.
“Ba’t ka nahihiya?” halos sabay nilang tanong.

Hindi ko masabi sabi. Looking back and telling them about what happened makes me almost sick.

“Hija, kailan ka pa nawalan ng interes doon? Noon, magtatanong ka agad kung kailan. Ngayon, nag-iba,” natutuwang sinabi ni Lola Brosing.

Pagod akong huminga at nangalumbaba. Hindi ko masabi ng tuluyan kung ano ang problema. Although, I intend to tell them about it. I’m just not sure how to.

“Hindi pa naman ngayon, apo. Ang sabi naman ni Wanda, pupunta si Lucio rito kapag nangailangan na. Hindi pa naman pumupunta kaya duda ko, bukas o makalawa pa.”

Hindi ako kumibo dahilan ng mas lalong pagkakakuryoso ng mag-ina. Sa huli, umamin din ako.

“Napanood po kasi ni Raoul at ng mga kaibigan niya ang paggamot ko sa isang bata sa amin.”
“Huh?” sabay na gulat ang mga Avila.

Nagkatinginan sila. Kita ang mangha at pagtataka sa sinabi ko.

“Paano?”
Nagkibit ako ng balikat. “Napunta sila roon, isang gabi.”
“Tapos?”
“Umalis din pagkatapos po akong mapanood.”

Walang nagsalita sa kanila, tila namamangha pa sa sinabi ko.

“Baka po ano nang sabihin sa akin. Baka mapagkamalan akong mangkukulam o aswang.” Umiling ako. “Nahihiya po ako.”

Pagkatapos kong umamin at sa gitna ng kuryosong tingin nila ay narinig namin ang pagbukas ng gate sa labas. Napaahon si Lola Brosing.

“Si Lucio na siguro ‘yon,” aniya at nilingon ang bintana.

Sumabay ako sa ginawa nila at nakita ang pagtatali ng kabayo sa labas. Dumiretso si Lola sa sala para dungawin kung sino iyon. Nilingon niya kami galing doon, may kung ano sa ekspresyon.

“Hijo, napadalaw ka?” aniya bago pa masabi sa amin ang ibabalita.
“Sinama ni Papa si Mang Lucio sa planta kaya ako na lang po ang pumunta rito…” Raoul’s low voice echoed in the house.

Nanginig ako sa kaba at mabilis na napatayo sa gulat.

“Oh?” gulat na salubong ni Ma’am Avila.

Tumakbo agad ako patungo sa labasan sa kusina, sigurado akong iilag ako. Hindi ko kayang maharap siya.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.