Sands of Time – Kabanata 39

March 16, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 39

Kabanata 39
Decision

Kinakalma ko ang sarili ko palabas ng gate ng mga Riego. Tahimik kong nilakad ang kahabaan ng kanilang bakuran. Tahimik din akong lumabas doon at sa kabutihang palad ay mayroon namang dumaang tricycle.

Pumasok agad ako roon at nagsabi na ng pupuntahan. Pinunasan ko ang mga luha ko at tahimik na lang pinagmasdan ang mga naiiwang tanawin habang umaandar ang aking sinasakyan.

“Galing ka sa Casa Riego, ah. Anong balita? Pinatay ba ‘yong kriminal?”

Gulat ako sa interaksyon ng driver sa akin. Naiintindihan ko na paniguradong usapan sa buong bayan ang tungkol sa nangyari pero hindi ko inasahan na itatanong sa akin ito.

“U-Uh…”

Hindi ako makahanap ng salita. Nagtagal ang tingin ng driver sa akin. Kumunot ang kanyang noo, tila may naiisip. Nag-iwas ako ng tingin at nag-isip ng isasagot pero bago pa ako nakapag-isip ay naunahan niya na ako.

“Sandali nga lang…” anito at unti-unting binagalan ang andar ng tricycle.

Napalunok ako roon. Unti-unti ring gumapang ang kaba sa akin.

“Ikaw iyong anak ni Balthazar, ah?” he said in an alarmed tone.

Mabilis ang naging pangyayari. Hindi pa nakakatigil ang tricycle ay halos tumakbo na siya palabas doon para umikot at hilahin ako palabas. My wrist hurt at his sudden forceful move.

“Tang ina mo, malas ka, ah! Tahimik ka pa iyon pala anak ka noong kriminal!” sabay turo ng lalaking gigil sa galit sa akin.

Sobra-sobra ang kaba ko. Mabuti na lang at pinakawalan niya naman ako at nakaatras ako ng napakalayo para lang maprotektahan ang sarili kung sakaling may gawin man itong masama.

“Diyan ka na!” deklara ng driver bago bumalik sa kanyang tricycle.

He murmurred more hurtful words at me until the tricycle is gone. Suminghap ako. Sa bilis ng nangyari ay ngayon lang bumuhos ang takot at sakit para sa akin.

Humakbang ako ng isang beses. Iniisip ko kung kukuha ba ako ng tricycle o maglalakad na lamang pauwi. But then when I saw where I was, the options blurred.

Katabi ko ang masukal na kagubatan ng Costa Leona. Isang parte na alam na alam ko kahit pa ilang taon na ang nagdaan. Ang mga pamilyar na puno ay mas lalo pang tumayog habang ang iba’y pumayat tumanda tingnan.

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa naglalakihang mga ugat ng mga puno roon. Bawat paghakbang ko, maraming alaala ang naiisip ko. Noong bata pa ako hanggang sa panahong tinakbo ko ito habang umiiyak, durog sa nalamang nasusunog ang nayon.

Hindi ko alam kung ano ang susunod kong hakbang pagkatapos ng nangyari. Mahal ko si Raoul pero alam ko rin na hinding hindi ako matatanggap ng pamilya niya kaya paano kaming dalawa? I won’t ask him to walk away from his family. Alam ko ang pakiramdam ng pangungulila sa pamilya at ayaw kong maranasan niya iyon. Though I doubt he’d do it, too. Raj is an honorable man to his family. He loved them dearly. And that’s probably one of the reasons why I adore him so, his love for his family.

Mas posible at mas madali na ako ang umalis. Mas madaling itulak siyang palayo. Madaling ipagkait sa akin ang kasiyahan ko. But then if Raj will tell me that I can make him happy, iyon ang mahirap.

Mahirap tanggihan ang taong mahal. Mahirap siyang pagkaitan ng pagmamahal na alam kong kaya kong ibigay.

So all I’m hoping now is for him to give us up. For him to realize that I was only a tool for him to get justice and nothing more. For him to understand that I set his family free from all the pain my father caused them. I set him free from that same pain which almost turned him into a barbaric and savage person. I set them free.

I hope he will realize that it was the only reason why we met. To set them all free.

Suminghap ako nang namataan na ang pamilyar na tanawin sa harap. The shades of sepia. The small rays of light shining through the leaves of the big trees. This is a view I miss the most. Ang banayad na lagaslas ng tubig at ang indayog ng mga dahong hinihipan ng panghapong hangin, ang payapang ito ay matagal ko nang gustong maramdaman ulit.

Mayroon nga bang nagbago?

Wala.

Marahan akong naglakad patungo sa kamalig. It is the usual. After all, it is owned by the Riegos. For sure the barn house is made with premium hardwood, na magdaan man ang panahon, hindi masisira o mabubulok man lang.

Walang nagbago dahil gaya noon, ako parin ang batang si Soleil. The girl who loved a Riego so much that it hurt her young heart. The girl who knew that she can never touch his world, and yet still keeps on dreaming. Dreams are free, after all.

Naaalala ko noon. Nagtatago ako sa kakahuyan habang pinagmamasdan siya – masaya kasama ang mga kaibigang may masasabi sa sosyedad. People who were confident with their lives. I was their audience. At habang tumatagal ko silang pinagmamasdan, mas lalo kong naiisip na ito ang mundong hindi ko kayang hawakan man lang. I couldn’t be that girl sitting with them laughing, or that girl swimming with Raj and talking to him.

It is impossible.

And right now, it is still impossible.

Kaya walang nagbago. Ako parin iyon. Ang nanonood sa kanila. Nangangarap ng tahimik pero tanggap na ang lugar ko sa mundong ito.

And while I watched them have fun, I knew that after all the smiles I had, sa huli tatalikod din ako at aalis patungo sa aming nayon, kung saan ako nababagay at kung saan ako nararapat.

Lumapit pa ako sa kamalig at sa paghakbang sa unang baitan ng hagdanan ay muli kong nilingon ang maingay na daloy ng tubig. This was where my dreams started to grow. This was where I started to talk to him. Dito ko siya nakilala ng husto, hinangaan pa ng husto, at minahal pa ng husto.

Nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob. The doors weren’t locked. Pumasok ako at nakita ang looban. Pareho parin ang ayos nito sa huling alaala ko. At sa itsura ng lugar ay mukhang inaalagaan ito. No traces of dust and cobwebs anywhere.

Pinagtuonan ko ng pansin ang mga palamuti sa tanggapan doon. And my eyes stopped at a familiar hourglass. I once owned that give away from Felicia Riego’s birthday years ago and to me it was a treasure.

The hourglass that tells time. I remember how I wished so bad for the sand to fall faster so the time would pass faster, para lumaki na ako, para maabot ko si Raoul… para mapalapit ako… para malaman ko kung sa pagdaan nga ba ng panahon ay may pagbabago.

Ngayon, nagdaan na ang panahon at ang tanging nasabi ko lang ay wala. Walang nagbago.

And to me, it became clearer now. I will be in a far away place when Raoul decides to marry someone else. I will be very broken but I will never be angry at him. I will be happy for him but I will choose not to know more about his life. At kung magiging miserable man ako, I will try my best to find joy in other small things.

At sana mabilis ang paglimot. Kung hindi pala ito para sa akin, sana huwag akong pahirapan sa paglimot sa pagdaan ng panahon.

Ilang sandali akong nanatili roon bago nagpasya na lumabas para makita na rin ang sapa. At maaaring maging ang nayon, sa huli sanang pagkakataon.

Lumapit ako sa sapa. Gaya ng dati, malinaw parin ito. Kita parin ang mabato nitong sahig at ang bilis ng daloy nito patungo sa mas malaking anyo ng tubig sa hindi kalayuan.

Ang katahimikan ng lugar ay biglaang nabasag nang narinig ko ang iilang yapak ng kabayo sa ‘di kalayuan. Sa kaba ko’y hindi ko alam saan lilingon lalo na’t hindi ko rin alam saan nanggaling iyon. Bago ko pa nalaman ay nakita ko na si Raoul patungo sa akin.

My breathing hitched at that. Sa gulat ko’y hindi ko na alam ano ang gagawin ko. Mabuti na lang at ilang metro ang layo ay tumigil siya sa paglalakad, siguro’y kita ang pagkabalisa ko.

I heard more horses. May narinig din akong nag-uusap ngunit sa huli ay nawala rin ito kasabay ng unti-unting pagkawala ng mga yapak ng kabayo.

My heart is almost on my throat sa sobra nitong likot sa paghuhuramentado. Hindi ko inasahan na magkikita pa kami pagkatapos ng pag-alis ko sa kanila. And how did he find me here is a big question to me, too. Tapos na ba ang ginagawa niya? Napakulong na ba si Papa? Galing ba siyang mansyon? Sinabi ba ng mga Riego ang mga huling salita ko? For sure they told him that, right? They want him to stop seeing me so they must tell him what I told them!

His eyes bore into me and I saw both pain and sorrow in it. Para saan kaya iyon? I secretly wish that it is because he is guilty. That he wants to set me free now but he’s just too guilty to do it which explains the pain and sorrow in his eyes.

“T-Tapos na ba sa presinto?” I asked awkwardly.

Kinakalma ko ang sarili ko at para mangyari iyon ay dapat kalmado lang din ang pag-uusapan naming dalawa.

“Yes. He’s in prison.”

Napatingin ako sa kanyang mahabang binti. Humakbang siya patungo sa akin at sa pagkakaalarma ko’y napaatras agad ako ng iilang hakbang palayo sa kanya.

Sumulyap ako sa kanyang mukha at nakitaan ko ng galit at pagsusumamo sa kanyang mga mata. It was like he knew what I was doing and he was pissed about it and he can also beg just so I’d stop doing it. Tumikhim ako at inayos ang sarili.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Tanging ang hangin, indayog ng mga dahon, at lagaslas ng tubig lamang ang naririnig. His eyes bore into me like I could escape from his grasp if he didn’t watch me closely. At ako’y hindi malaman kung titingin ba o aayaw sa kanya.

“N-Nag-usap nga pala kami… ng Mama mo,” sabi ko nang narealize na wala na kaming patutunguhan dito kung mananatili akong tahimik.

He relaxed a bit. He advanced a step once.

“And?”

Muli pa siyang gumawa ng hakbang at mas nagkalapit kami. Umaatras ako pero paunti-unti lamang at ang kanyang hakbang ay mas lalo lang nagpakaba sa akin.

“P-Pwedeng huwag ka munang lumapit sa akin?” sabi ko nang hindi na nakayanan ang kaba.

I sound so frustrated that I almost begged him. Mas lalo ko lang nakita ang galit at sakit sa kanyang mga mata. His jaw clenched repeatedly at imbes na sundin ako’y lumapit pa siya ng husto.

My heart pounded harshly. Lalo na nang hindi niya sinunod ang hiningi ko. Lalo na nang tumulo ang mumunti kong luha at sinalo ko na lang ito gamit ang aking mga palad. I covered my face with it and I felt his warm embrace shielding me.

“Sabing huwag mo muna ako l-lapitan!” iritado kong sinabi sa kanya kahit na nanghihina na
“Why can’t I, huh?” he equalled my frustration with his.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Nakakapanghina. Lalo na kapag nariyan siya, malapit sa akin. Lalo na ngayong niyayakap niya ako.

I can’t help but notice how comfortable he feels. Parang wala akong pangamba kapag ganito kami. I feel at peace whenever we’re together. And I wonder if I make him feel this way, too? That in the midst of all the chaos of his life, I make him feel at peace?

Nanghihina ko siyang hinampas ng paulit-ulit. I feel so frustrated that I couldn’t even form my own words. I couldn’t even exactly explain what I’m feeling. And it is because I love him so dearly! Hirap na hirap ako!

“Pakawalan mo na lang ako…” mangiyak-ngiyak kong sinabi.
“No,” namamaos niyang balik.

Umiling ako. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Hindi ko na kailangan ipaliwanag. He knows what’s going on. He knew this from the very beginning kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinagpatuloy niya.

“Alam mo namang hindi talaga tayo pwedeng dalawa, ‘di ba? Kahit nahuli na si Papa… alam mong hindi pwede-”

He hugged me tighter. Ang kanyang haplos sa aking buhok ay nakakapangulila. Mas lalo lamang akong umiyak. Gustong gusto ko siya. Mahal na mahal ko siya. Kahit ang haplos niya, naaamo ako ng husto.

I pushed his chest away to tell him what I told his mother a while ago so he’d understand. I pushed him so he’d stop winning me back through his touch!

“Mahal n-na mahal kita, pero ang hirap hirap na, Raj. Napapagod na ako s-sa kapipilit sa sarili k-ko sa mundong hindi para sa k-kin…”

I heard his heavy sigh. He pulled me back to him again like my words don’t matter. And then his lips touched my hair until I heard him whisper desperately.

“Hindi pa ako pagod, Leil.”

Parang nilulukot ang puso ko sa desperasyon at pag-asa sa tinig niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib.

Those words were very simple but somehow it calmed my confused heart. Ganoon ang kaya niyang gawin sa akin.

“Baby, if you are tired, then let me be our strength now. Please. We can’t give this up.”

I cried more. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung paano makakawala sa kanya. Hindi ako ganoon kalakas para muli siyang saktan. Hindi ko kayang pagkaitan siya ng pag-ibig na kayang kaya kong ibigay.

“Let me do the rest.”

He scooped me from where I was. Kahit kinabahan ay hindi ko na nagawang umapila o tumili sa gulat. Hinayaan ko siyang iangat ako. I covered my face with my palms and his chest. I let him lift me up. Naglakad siya patungo kung saan. Hindi ko na tiningnan kung saan niya ako dadalhin o anong mangyayari. Hinayaan ko siya sa lahat.

Hindi ko alam gaano ka tagal bago ako kumalma. I just know that I am now leaning on his chest while we were sitting somewhere. Nang dumilat ako’y nakita kong nasa loob na kami ng kamalig.

He was slowly and gently stroking the strands of my hair habang nakahilig ako sa kanya. Kalmado na siya, ayon sa tibok ng kanyang puso. At bahagyang kalmado na rin ako pero mahapdi ang mga mata ko sa pag-iyak kanina.

I sighed. Hinawakan ko ang kanyang braso para sana maangat ko ang sarili ko pero natanto kong masyado parin akong mahina para umahon. Kaya pinanatili ko na lamang ang kamay ko roon.

“Raj…” tawag ko.
“Yes, baby,” he said very gently.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na siya nilingon para kumpirmahin ang kanyang atensyon.

“Makakahanap ka pa ng ibang mamahalin,” sabi ko.

He stopped stroking my hair for a few moments then he sighed heavily again.

“I won’t,” mataman niyang sinabi.

Bigo ko siyang nilingon. His eyes bore into me and it was too much. Mariin ang kanyang titig, may halong galit at kawakasan. Tila ba hindi siya tatanggap ng ibang opinyon. Nagtaka pa ako. He’s always been this way. I wonder if his mother is fine with his decision?

Probably not? Of course not!

Nag-aaway kaya sila? At dahil pa talaga sa akin.

“Hindi pwedeng makaaway mo ang pamilya mo dahil lang dito,” sabi ko.
“Stop worrying. Let me handle that.”

Galit ang pamilya mo sa akin, sasabihin ko sana pero hindi ko tinuloy. That’s a given fact now. He knows that.

“Hindi na maaayos ito. Hindi na magbabago ang katotohanang anak ako ng taong sumira sa pamilya ninyo. Alam kong naiintindihan mo ang Mama mo sa opinyon niya sa akin.”
“They will eventually understand us,” he said in a controlled voice.
“At tayo? Kailan natin sila iintindihin? Kailan natin maiintindihan ang gusto nila? Na talagang hindi ako pwede dahil magpapaalala ako ng sakit at pait ng nakaraan?” gumaralgal ang boses ko.

His eyes bore into me with an agonizing pain. Ganoon din siguro ang titig ko sa kanya.

He cupped my chin with his fingers. He licked his lower lip and sighed.

“And your solution is to leave me, is that it? We both understand my family so we are going to break up, that’s what you mean?” he said stubbornly.

Kinagat ko ang labi ko. Alam kong alam niya na ganoon nga. Wala na kaming ibang sulusyon sa problemang ito.

“Hindi ko na mababago ang pagkatao ko-” umiling ako.
“God damn it, I am not asking you to change anything!” agap niya.

Tumigil ako sa pagsasalita. Pagod ko siyang tiningnan. He looked at me with both fear and longing in his eyes. Takot sa maaaring pinal kong desisyon at pang-aasam na maaayos na ang lahat ng ito.

“Kahit nakakulong na si Papa, hindi parin mabubura ang katotohanan na anak niya ako.”

He shook his head at that but I continued.

“Na… ako iyong sinasamba ng mga tao noon, na inakala ng lahat na ako ang nag-utos noon, na baliw rin ako, na kakampi ako ni Papa-”
“You are innocent! Wala kang kinalaman sa lahat ng nangyari, Leil.”
“At kahit alam man ng lahat na wala akong kinalaman, Raj, I will remain to be the face of that crime. Maaalala ng lahat ang nangyari tuwing nakikita ako!”
“It will change in time!” he said with certainty.
Umiling ako. “Para matapos ‘to, lalayo ako sa’yo at-”
“You can’t run away and stop trying! I’m gonna pursue you, Leil, until you’re exhausted! Until you stop running away from me!” agap niya habang mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.

Bumuntong hininga ako. Sobrang sakit na makita siyang nasasaktan. Para akong pinapatay habang nakikita ko ang takot sa kanya. Wala siyang dapat ipangamba. Siya lang ang mamahalin ko, maghiwalay man kaming dalawa.

“Kung pagod ka na, hayaan mo akong lumaban para sa ating dalawa! Let me do the fighting, just don’t you fucking leave me, Soleil…” he said firmly.

Dinala ko ang nanginginig kong kamay sa kanyang pisngi para damhin ang nakatiim na panga. His rough and hard jaw is very opposite with my soft and gentle hand, and yet they fit so perfectly. At alam kong ramdam niya rin iyon.

He half-heartedly avoided my hand. Suplado niyang iniwasan ang haplos ko dahil sa galit sa mga sinasabi ko. Hinabol ko ang kanyang panga at muling dinama.

How could I ever let you go, Raj? I would probably find you even in another life… and love you this way… or harder!

“Nasaktan at nawasak ang Mama mo sa nangyari at taon man ang lumipas, alam kong mananatili ang sakit. She was violated. And her loving husband was killed, Raj. Baka kung ako ‘yon, mamamatay ako sa sakit.”

His grip tightened. I can sense his anger just thinking about what I said.

“I was hurt, too…” he said in a shaking voice.

My eyes widened a bit at that. Alam kong nasaktan siya. Ng sobra sobra. Pero hindi ko inasahang sasabihin niya sa akin ito. He was always strong in front of me. He never gave me a chance to understand his emotions this way kaya ang malamang sinasabi niya na sa akin ito ay nakakamangha.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin na tila ba takot paring malaman ko ang mga kahinaan niya. Pero nanatili ang mga mata ko sa kanya.

Oh, the man I love so much. I can imagine him so broken years ago. With his mother suffering, and his father taken away from him in a brutal way!

Kung sana iba lang ang sitwasyon at binigyan ako ng pagkakataong mahalin siya sa pinakamadilim na mga panahon ng buhay niya, ginawa ko na. I would love him, all of him, until the last drop of me.

I would hurt and bleed for him just so he would feel fine for a few moments. I would gladly break myself until I make him happy again.

“And angry. So angry…” he said.

Kinagat ko ang labi ko.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking baywang, tila ba natatakot siyang kumawala ako ngayong sinasabi niya na sa akin ang kanyang kahinaan.

Hinigit niya akong bigla at niyakap ng napakahigpit. Noong una’y nabigla ako at gusto kong kumawala pero nang naramdaman ang sakit niya’y nagpaubaya na ako. I hugged him tighter, as if my embrace could take all his pain away.

“My father was brutally killed while saving my mother!” he said in an angry tone.

I can almost taste his pain. Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na yakapin siya ng mahigpit. This is my Raoul Vesarius Riego. He is mine and only mine. I will have his happiness and his successes. And right now, I will have and embrace his pain and sorrow. Because he is mine.

“Gusto kong pumatay sa sakit!” he said, shaking.

Pakiramdam ko ay kayang kaya niya akong durugin sa higpit ng kanyang yakap. Kaya niyakap ko siya pabalik. I embrace all of him, his gentleness and his ruthlessness.

“Gusto kong gumanti. And I tell you, I am not as kind as my father. No matter how much I try to copy the way he is kind to others, I just can’t!”

Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. He hugged me so tight that I almost ran out of breath. Hinayaan ko siya na yakapin ako sa ganoong paraan. I will love him devotedly!

“I want so much to brutally kill the man or the people who did it to my family!”

Marahan kong pinatakan ng halik ang kanyang buhok. Slowly, I stroked his hair. Hindi na ako nagsalita. I want him to pour his feelings on me. Everything.

“Because those moments, I feel like I lost both my parents. My mother mourned heavily, and she lost herself, too. Ako lang ang tumayo para sa aking sarili at para masandalan ni Mama. I did everything to make it all at least fine, after years.”
“Alam ko…” sabi ko dahil pakiramdam ko, walang nakakita sa lahat ng ginawa niya para sa kanyang pamilya. And I feel so hurt for him.

I can only imagine the sacrifices he went through. I can only imagine him trying his best to appear strong because he’s the head of the Riegos, and he can’t be weak.

“Until now, I’m still doing my best to make everything fine for the family. At kaya kong ipagpatuloy lahat ng ito, Leil… sa halagang sa akin ka…” he whispered.

Huminga ako ng malalim. Nag-angat siya ng tingin. The profound grief in his eyes made me decide bravely.

How can he bare his soul to a woman who made his heart broken so many times? How can he love me this way despite of the hurt and pain I gave him?

His bloodshot eyes remained on me, waiting for my decision to touch my lips.

How can you love me this hard when I am a living memory of your darkest days, halos isatinig ko iyon. At tila ba narinig niya ang tanong ko nang sinabi niyang bigla ito.

“I’m in love with you, Leil. My days will continue to be dark without you,” he said huskily.

I sighed slowly and caressed his hard jaw.

“Baby, you are for me,” he whispered gently.

Ngumiti ako. Sa namumungay na mga mata ay tinitigan ko siya. He looked at me with fearful eyes, like a boy scared of his demons. And I imagine a boy this strong-looking, with eyes as dark as the storm, and with determination as fierce as his… at habang tumatagal ay natanto kong, magmamahal ulit ako.

Hinaplos ko ang kanyang panga gamit ang dalawang kamay. Dahan-dahan, dinala ko ang aking mukha sa kanya para mahalikan siya ng marahan.

Magmamahal ulit ako, Raj.

With a boy like you… the strong and dark but kind and gentle Raoul Vesarius Riego. I smiled thinking about it.

“What are you thinking?” he said with curious eyes and accusing eyes.

Ngumiti ulit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng sakit ay nakakaya kong mag-isip ng ganito ka gaan na damdamin. Siguro dahil sa sarili ko, nakapagdesisyon na ako.

Hindi ako nagdesisyon dahil lang nandito siya sa harap ko. Nagdesisyon ako ngayon dahil nasisiguro ko na hindi ko kakayaning ipagkait sa kanya ang pagmamahal ko. Not now that he gave his all to me. Not now that I’m pretty sure I’d wreck him if I leave him. Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.

Sure it is easier to just let him go and give up, but it is braver to love him. And if being brave means I’d make him happy, then I don’t need easy.

“Na magmamahal pa ako, bukod sa’yo…”

His lips twisted in his usual manly way. Halos maramdaman ko ang galit niya para sa akin. Siguro ay iba ang kanyang iniisip? Na magmamahal ako ng ibang lalaki?

“Kung magkakaanak tayong dalawa ng gaya mo ulit, maaiinlove ulit ako ng sobra sobra…” sabi ko.

He stared at me intensely for a few heated moments. His eyes drifted on my body. His other hand then rested on my thigh. Bumalik muli ang kanyang madilim na mga mata sa akin.

“We can only have children if you marry me,” he said.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako pagkatapos ng ilang sandali. Kakalas na sana ako sa kanya pero hinila niya ako pabalik.

“We’re not yet done talking…”

Napawi ang ngiti ko nang naramdaman ang kamay niya sa aking baywang na tinutulak ako para mas lalong bumagsak sa kanyang dibdib. Our nose touched at kung hindi ko tinuko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib ay baka higit pa roon ang inabot namin.

My eyes drifted down on his lips. Kumalabog ang puso ko. His jaw clenched with anger coated with desperation.

“Ano pa ba?” marahan kong tanong.
“I still have my questions, remember…”

Suminghap ako at dahan-dahang tumango. Iniwas ko ang ilong ko sa kanya at nang idiniin niya ako’y matagumpay niyang nahalikan ang aking pisngi.

“You won’t leave me,” mataman niyang sinabi.

I slightly nodded at that. Kung mahihirapan ako, hindi bale na. At kung ayaw man ng pamilya niya sa akin, hindi ko ipipilit ang sarili ko.

I will love him and his family this way. The love that understands pain, and will never hurt back. The love that embraces wrath in the hopes to fill a sad heart with joy one day.

“There will be no more flings for us.”
Ngumuso ako. “Okay. Boyfriend na kita,” nahihiya kong sinabi.
“Hindi. I’m your fiance. You’ll marry me.”

Nilingon ko siya. His dark eyes told me that he’s not going to take any funny business or statement from me. Hindi niya ako pagbibigyan lalo na kapag hindi masusunod ang mga sinasabi niya.

His eyes drifted on my fingers. Inangat niya iyon at mabilis na tinutok at pinasok ang isang kulay gintong singsing na may isang bato sa gitna. It was a simple ring. Sa sobrang simplisidad nito, nagsusumigaw ito ng pagiging elegante at karangyaan.

Hindi pa lubusang mag sink in sa utak ko na sinuotan niya nga ako ng singsing. Nanatili ang mga mata ko sa aking daliri.

“Akala ko ba magtatanong ka?” malambing kong sinabi. “Bakit puro utos?”
“And lastly you’re not going to leave my sight again from this day on,” he said ignoring what I said.

I stared at him for a few moments. He really is wise, proficient, and sharp. Na kahit sa relasyon ay kaya niyang hawakan ng ganito.

I slowly nodded. Binaba ko ang kamay ko at tinitigan ang singsing doon. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago ako lumingon sa labas ng kamalig. Dumidilim na ang labas. Tingin ko’y hindi pa naman gabi pero dahil sa nagtatayugang mga kakahuyan ay mas mabilis dumilim dito.

“Gusto ko sanang bumisita sa nayon,” bigo kong sinabi at ibinalik ang titig sa singsing.
“Bukas na…” he said against my ear.
Tumango ako. “Oo nga. Kailangan ko nang umuwi. Baka nag-aalala na si Ma’am Avila.”

Ikinulong niya akong muli sa kanyang yakap.

“Let’s stay here for the night,” he said while his nose touched my ear.
I groaned. “Raj, ayokong dumagdag sa sakit ng ulo ni Ma’am. Kahit pa utusan mo ang mga tauhan mo roong sabihin na ayos lang ako, alam kong mag-aalala parin siya.”

Namumungay ang mga mata niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko. I glared at him. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Hinilig niya ang kanyang ulo sa backrest ng sofa at pinagmasdan lang ako sa isang banayad at kontentong paraan. I feel like he’s fine just by watching me on him like this.

“Raj…”
“Sa inyo ako matutulog. Sa kwarto mo,” aniya.
Bigo akong sumimangot.
“Sa sala…” he negotiated. “Tutulong ako sa pag-aalaga kay Lola Brosing.”
“Kailangan mong umuwi sa inyo.”
“I will do that soon. Let’s spare this day, please?”

Well, it was a long day. Pagod siya sa nangyari at ganoon din ako. Pisikal at emosyonal na pagod.

“Magpaalam muna tayo kay Ma’am Avila,” sabi ko.

He smiled wearily. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti rin. I am so madly in love with him that even his sudden smile makes my heart leap! Napailing na lamang ako sa aking sarili.

“She’ll say yes. She loves me. Boto ‘yon sa akin…” aniya.
I playfully made a face at pagkatapos ay nagkibit ng balikat. “May iba siyang gusto para sa akin, e.”

Mabilis ang pagkunot ng kanyang noo. And can you believe it, kahit sa ganoon ay mas lalo lang nahuhulog ang loob ko? Ni hindi niya alam na sa konting pag-uusap lang namin, mas nababaliw ako sa kanya! He has no clue what he’s doing to me internally!

“Sino?”
“Iyong seaman na kapitbahay lang nila. Nirereto niya sa akin-”
“Hindi ka tumanggi?”

Nanatili ang iritasyon sa kanyang mga mata. I smiled at that.

“Mahirap iexplain kay Ma’am na tayo. Wala siyang alam tungkol sa atin kahit noon.”

Nanatili parin ang gitla sa kanyang noo. I find it really adorable. Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi.

“Gaya ng mahirap din papaniwalain ang mga Ledesma kung sasabihin kong tayo kasi…” bumaling ako sa kanya.

Do you understand, Raj? You are so high up. Kung mayaman at tanyag ang mga Ledesma, mas lalo na ang mga Riego. Lalong lalo na ang mga Riego. And he’s not just a Riego. He is that great na pangarap siya kahit ng mga Ledesma kaya anong panama ko?

“Naiintindihan mo ba?” I wondered.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo habang naghihintay sa sasabihin ko. He looked confused.

“Hinahangaan at respetado ka kahit ng mga Ledesma. Sobrang taas mo para sa kanila na kung sasabihin kong gusto kita, nakakatawa, Raj.”

He licked his lips and his eyes drifted on my lips like it’s distracting him. Hindi ko alam kung nakuha niya ba ang gusto kong iparating.

Marahan kong inangat ang aking sarili para maungusan siya. I slightly towered over him. Slowly, he parted my thighs just so I can have the strength I need to tower over him. At nang nagawa ko ay pinatakan ko siya ng marahang halik sa kanyang labi.

My heart pounded so fast and loud. Tumigil ako at napahawak sa aking dibdib para damhin ang pintig ng puso. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Uminit ang pisngi ko, lalo na nang pinalitan niya ang kamay ko ng kanya.

Mas lalo lang bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko. At mas lalo lang akong nahiya dahil siya na mismo ang nakakaramdam ng kaba at pagkakabaliw ko sa kanya. Nakita ko ang pagkakamangha sa kanyang ekspresyon habang dinadama ang aking kaba.

“Kailan pa ‘to nagsimula?” he asked like he never knew.

Alam kong alam niya. Hindi ko alam bakit pa siya nagtatanong pero sinagot ko parin.

“Kahit noon pang bata pa ako. Dito…” simple kong sinabi.

He then gave me a long deep kiss. Nakakaliyo ang kanyang halik na nang tumigil siya halos nahihilo pa ako. I arched my back. Heat conquered my stomach down my body.

“You were very young. How are you sure that it was love?” namamalat niyang tanong.

Ngumiti ako. Mas lalong naghuramentado ang puso ko. Lalo na ngayong nakita siyang seryoso sa kanyang tanong.

“Kasi… hanggang ngayon, ikaw parin? At ikaw lang?” naiiyak kong sinabi.

Kung hindi ko siya inawat ay baka tuluyan na nga kaming doon natulog sa kamalig. I secretly smiled thinking about a memory of him kissing another girl inside that house. Noon ay palihim kong pinangarap na mapalitan ang babaeng iyon, ngayon nangyayari na!

Hawak ko ang kamay niya at nauuna ako sa paglalakad sa naglalakihang ugat ng mga kakahuyan. He’s holding a flashlight, lighting my way, and at the same time guarding whatever will attack us from the back. Positibo naman akong hindi kami mapapano kahit pa nag-aagaw na ang dilim at liwanag.

Sa wakas ay nakarating din kami sa bahay. His car was waiting on the highway at iyon na ang sinakyan namin patungo sa mga Avila.

Naroon nga ang mga tauhan niya sa labas ng bahay upang magbantay. At tahimik naman akong kumatok pagkarating, kung saan si Lola Brosing sa kanyang wheelchair ang una kong nakita.

“S-Si Leil… Luz…” ani Lola.

Nagulat ako dahil mukhang umayos na nga ang pakiramdam nito dahil nakakapagsalita na ng paunti-unti! Lumabas si Ma’am Avila sa kusina at mabilis na dumalo sa akin.

Yumakap ako kay Lola Brosing ngunit ang mga mata ng matanda ay nanatili sa aking likod.

“Leil! Nag-alala ako sa’yo! Jusko!” nag-uunahan ang mga sinasabi ni Ma’am Avila.

Nag-aagaw din ang kanyang mga mata sa akin at sa lalaking nasa likod ko. Niyakap ako ni Ma’am agt nagulat naman ako sa mga taong nasa kanyang likod.

“Leil!” tawag ng isang pamilyar na lalaki.

Sa pagkakamangha ko ay hindi ko na namalayan ang pagkamangha ni Ma’am Avila at Lola Brosing sa kasama ko. Ma’am Avila invited some of my friends! Nandito sina Ronald, Jeff, Pinky, Charlie, Sharlene, Dixon, Gasper, at maging si Jun!

Sa sobrang saya ko’y ako na mismo ang unang lumapit sa kanila. Isa isa nila akong niyakap. Bumuhos din ang kumustahan at nag unahan ang tanong tungkol sa nangyari kanina.

“Ayos ka lang ba?” si Pinky.
“Nong narinig ko na nandito ka, agad akong nag-isip na pumunta rito sa mga Avila dahil sigurado akong dito ka titira!” si Ronald.
“Kumusta na?” si Gasper.

Marami pa silang mga tanong. Nilingon ko si Ma’am Avila para magpasalamat pero nakita ko ang gulat, pagtataka, at saya sa kanyang mga mata. Hindi niya na kailangang isatinig ang mga tanong.

“Magandang gabi po,” sabi ni Raj pagkatapos lumuhod at magmano kay Lola Brosing.
“Naku! Ang gwapo gwapo ni Raoul! Ang gwapo gwapo mo, hijo!” paulit-ulit na sinabi ni Lola Brosing, tuwang tuwa.

Nagkatinginan si Ma’am Avila at si Raoul. Pagkatapos ay walang tinig muling bumaling si Ma’am Avila sa akin. Naroon parin ang pagkamangha niya at ang mga mata’y nangingilid ng luha. Ngumiti ako.

Natahimik ang mga kaibigan ko. Siguro’y nagulat na rin sa presensya ng isang Riego rito… kasama ko.

“Boyfriend ko po, M-Ma’am…” sabi ko.

Napasinghap si Ma’am sa gulat. Nilingon niya si Raoul. Kinuyom ko ang kamay ko at naramdaman ang singsing na binigay ni Raoul.

“P-P-Paanong…” hindi magkandaugaga si Ma’am sa sasabihin.

Natutop naman ni Lola Brosing ang kanyang labi sa gulat. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan si Ma’am na medyo gulo pa.

Narinig ko ang bulung-bulungan galing sa mga bisita pero agad ding nawala.

“Raoul?” Ma’am Avila called with shaking voice.
Raj curtly nodded.
“B-Boyfriend, Leil? Raoul? H-Hindi ba…” hindi matuloy ni Ma’am Avila ang kahit ano.
“Fiance, po…” pagtatama ni Raoul bago ako marahang hinigit patungo sa kanya.

Ma’am Avila’s jaw dropped. Sa sobrang gulat niya ay ilang sandali pa bago siya nakabawi… bago niya ako nayakap ng mahigpit habang umiiyak.

“Ano? P-Paano ‘to, anak? Totoo ba? Ginugulat mo ako! Dios ko!” she laughed while crying.

Nakita ko ang palihim na pangungumpirma ni Pinky at Sharlene sa akin. Sumenyas sila ng tanong kung totoo ba. I smiled at them to confirm it bago nila nilingon si Raoul an para bang nakakamangha ang lahat.

Sa gulat yata ng lahat ay halos hindi namin pinag-usapan ang tungkol doon habang kumakain kami at buong gabi na rin. Puro kumustahan lang ang nangyari at marami akong nalaman tungkol din sa kanila.

It feels so good to reconnect with old friends again. It feels so good to know that they are now living different lives. It feels so good to hear their concern for me and their opinion regarding what happened years ago. Kahit pa nasa kanilang mga mata parin ang pagtataka sa parteng kasama ko si Raoul Riego, hindi na sila nanghimasok pa. Kita ang mga tanong sa kanilang mga mata pero hindi ko na rin dinala pa ang sagot. Baka kasi hindi ko rin alam kung ano ang sagot. Ang importante sa akin ay nagdesisyon na akong harapin ito… na kasama siya. Whatever the results may be…

Kontento na ako sa napag-usapan namin ng mga kaibigan ko.

Kaya naman nang umalis ang mga kaibigan ko’y parang mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Naiwan kami nilang apat sa bahay. Kahahatid lang namin ni Lola Brosing sa kwarto nito sa baba nang naabutan ko si Ma’am Avila na medyo natataranta sa mga kumot at unan.

“Uuwi ba ‘yan, Leil?” she whispered to me, talking about Raoul. “Dahil kung hindi ay maghahanda ako ng isang kwarto. At… magtatabi ba kayo o ano?”

Maagap akong umiling kay Ma’am Avila sa kahihiyan. I know she’s like my mother but it is so awkward to talk about this with her!

“Sandali lang po…” paalam ko bago lumapit kay Raoul.

Sumunod siya sa akin sa sala at kahit habang nag-aayos ay alam kong pinagmamasdan niya kami. Alam kong kuryoso siya. Lalo na’t hindi pa namin napag-uusapan kung paano nagkaganito ang lahat.

“Maghahanda kami ng isang kwarto para sa’yo. Sigurado ka bang hindi ka uuwi?” tanong ko.

His sharp eyes darted on Ma’am Avila. I can sense his plan or whatever. Bahagya kong hinampas ang kanyang braso. Then he smirked at me.

“Dito na lang ako sa sofa matutulog.”
“May isang kwarto pa sa tabi ng kwarto ko…” sabi ko.
He smirked again. “Pwede rin…” he said with a suggestive tone.

I sighed. Nagkatitigan kami. Nanatili ang kanyang ngisi.

“Dito na lang po siya sa sala, Ma’am…” sabi ko nang ‘di na nilingon si Ma’am.
“Talaga? E, may kwarto pa naman, Leil…” si Ma’am Avila na concern kay Raoul.

Raj’s lips twisted to hide his smirk. What a way to end a long day, huh?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

11

Comments are closed.