Sands of Time – Kabanata 38

March 16, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 38

Kabanata 38
Salamat

Pagkatapos na pagkatapos naming mananghalian ay tumulak na ako patungong tiangge. Minabuti kong maglakad na lamang patungo roon. Isang scarf ang nakapulupot sa ulo ko hanggang bandang ilong, hindi lang para ma protektahan ako sa init, kundi para na rin hindi ako makilala. Epektibo iyon. Nakadaan ako sa maraming tao ng dalawang beses na hindi masyadong nililingon nino.

Masaya. Nakita ko ang mga pagbabago sa mga kalye rito. Nadaanan ko rin ang iilang kalsada na madalas kong lakarin lamang noon.

Namilog ang mga mata ko nang may mga nakilalang mga tao. Iilan ay naging classmate ko noon, ang iba’y dating teacher o ‘di kaya’y dating tindera na nakakasalamuha ko. Gusto ko mang batiin, ‘di ko ginawa. Ayaw kong makilala ako at hindi ko rin alam kung ano ang opinyon nila sa akin ngayon.

I smiled. Narealize ko na masarap pala sa pakiramdam ang makita ang mga taong nakilala ko na noon pa. Ilang sandali ko silang pinagmasdan habang ginagawa ang mga pang-araw-araw na gawain.

Ang isang kaklase kong babae ay tinanggap ang isang batang babae sa isang schoolmate ko ring lalaki noon. Natutop ko ang labi ko nang natantong maaaring anak nila iyon at kasal na ang dalawa.

It warmed my heart for whatever reason. I think it was really worth it to take the risk of being bullied here after all.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Isang lalaking kamukha ni Ronald ang nakita ko sa malayo. Natutop kong muli ang labi habang sinusundan ng tingin ang lalaking hindi ako nalingunan o napansin. His chubby cheeks were gone now. Gusto kong sumugal at tawagin ito pero abala ito sa ginagawa at pumasok na kaagad sa pick up para umalis.

Little by little, I figured that it is all worth it. At tuwing lumalapit ako sa tindahan, hindi ako na kikilala kaya mas lalo akong naging confident na maayos ang ginagawa ko.

Iilan pang kilala ang nakita ko sa tiangge. Isang kilala rin ang nakita ko sa karinderya. I saw Pinky with a man. Nagtatawanan sila habang kumakain. I saw Pinky blushing at the man she’s with. Ngumiti ako habang pinagmamasdan sila, sa huli ay nagpatuloy na lamang at inisip na ang mga bibilhin.

Sa unang tindahang pinuntahan ko, naging maayos naman ang tungo. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako kilala ng mga tindera o dahil hindi nila naklaro ang itsura ko dahil sa scarf.

Nakabili ako ng iilang naroon sa listahan. Mangha pa ako dahil ang isang dating tindahan ay naging isang mini grocery store na ngayon na may tatlong automated cashier! Costa Leona is really slowly booming, huh?

Paatras akong lumabas habang namamangha sa establisyimento nang nabunggo sa isang lalaki.

“Sorry po!” agap ko ngunit hindi ako nilingon ng medyo madungis at may sumbrerong nakatagpo.

Tumigil ako at sinundan ng tingin ang estranghero. My eyes stayed on him for a moment. He’s tall and a bit sun burnt. Mahaba haba na ang buhok at ang suot ay medyo madungis na kulay abo at itim. Ang kanyang mga kamay ay nasa loob ng mga bulsa at dire diretso ang lakad niya.

Inayos ko ang balabal ko dahil medyo nagalaw iyon. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ng iilang tao sa ibang parte ng tiangge. Sinundan nila ng tingin ang lalaking bumunggo sa akin. Ganoon din ang ginawa ko.

Lumiko ito patungo sa mas malawak na kalye kung saan mas maraming tiangge. To my curiosity, sinundan ko ang tinahak ng lalaki.

Nalunod siya sa dami ng mga tao sa kalyeng iyon. Inayos ko ang aking balabal. For some reason, I find my heart beating a bit louder than usual. Kunot-noo akong naglakad habang sinusundan ng tingin ang estrangherong bumunggo sa akin kanina. Nawawala siya sa dami ng taong naroon.

Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili. HIndi ko maintindihan kung bakit lubusan na lamang ang aking kaba.

Sa bilihan ng mga pampalasa, tumigil ako para mamili ng bibilhin ayon sa gusto ni Ma’am Avila.

“Eto po…” sabi ko sabay bigay sa plastik na pinaglagyan ko ng mga sibuyas.

Tinanggap ito ng tindera, walang pag-aalinlangan ngunit nagtagal ang mga mata sa akin. Inayos ko lalo ang balabal sa paraang kahit ang ilong ko’y hindi na kita. I refused another chance of eye contact and I proceeded with the garlic.

Sunod na pag-angat ko ng tingin ay nasa ibang bagay na ang atensyon ng tinderang kinausap ko kanina. I sighed with relief at that.

Pinulot ko ang isang bawang at ipinasok sa plastik. Sunod kong kuha ay parang natigil ang mundo ko.

“Leil…” isang pamilyar na namamalat na boses ang narinig ko.

By instinct, I was about to look at where the voice came from but he talked again. Ngayo’y ramdam ko na ang presensya niya sa likod ko at ang diin ng katawan, tila ba hindi ako pinapayagang lumingon.

“Kumusta na, anak?” I can almost hear the creepy smile at that question.

Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung sino iyon! It was the voice of my father! He’s here!

Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako nakagalaw sa gulat sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala pero hindi rin ako pwedeng magkamali.

“Halika. Sundan mo ako at mag-usap tayo…” aniya.

Mabilis na nawala ang presensya niya sa likod ko. Nang nilingon ko’y ang estranghero iyon na nabunggo ko kanina! Lumiko siya sa isa pang kalye na noon pa ma’y wala masyadong tao.

“Eto rin ba, ineng?” tanong ng tindera.
Umiling ako ng wala sa sarili bilang pagtanggi. Nagtagal ang tingin ng tindera sa akin. Siguro’y sa gulat, hindi ko na namalayan ang balabal ko. And even so with the way she probably recognized me, I was not bothered. I was more bothered with my father!

Iniwan ko ang tindahan kahit pa unti-unti nang kumalat sa mga tao roon ang tungkol sa akin. Inayos ko ang balabal at mas lalong binilisan ang paglakad para lang maabutan si Papa na agad nawala sa dami ng tao.

Lumiko ako sa kalyeng kanal at talahiban lamang nasa isang bahagi. Sa kabila ay isang malaking pader na parte na yata ng isang malawak na junk shop sa roon.

Nakisabay ang pagkulimlim ng panghapong langit sa kabang nararamdaman ko. Ang bawat hakbang ay naging napakahirap. Lalo na nang unti-unting lumiit ang boses ng palengke, hudyat na talagang nakakalayo na ako.

“P-Pa…” sabi ko sa nanginginig na boses.

I was positive that he will show up at the end of the gray and eerie wall of the junkshop kaya doon natuon ang mga mata ko. Nanatili sa espasyong iyon at bawat segundo’y iniimagine si Papa na magpapakita para makipag-usap.

I have no time to understand or think about why he was there. Everything went very fast that when a thick blade was directed on my waist, I suddenly couldn’t move.

“P-Pa!” mangiyak-ngiyak kong sinabi.

Tinanggal ni Papa ang tinutok na balisong sa akin at hinarap niya ako.

Namayat si Papa kumpara sa huling alaala ko sa kanya. Parang kalansay na may balat ang kanyang mukha, hollow on the sides of the mouth and almost hollow below the eyes, too. Mahaba at madungis ang kanyang buhok na hindi na naayos pa ng kanyang sumbrerong tila nginatngat ng daga.

Isang lumang kulay itim na jacket. Kulay abong pantalon at itim na tsinelas ang suot niya.

“Leil, makinig ka…” he said in a tight whisper.

He looked excited. He looked even happy. Pero ako’y hindi na alam ano ang magiging reaksyon. My father is in front of me. He steered a knife on me just a few moments ago! And he’s supposed to be in Manila! To try and kill Raj like what he told me! Kaya bakit siya nandito?

Mas lalo akong nanlamig nang natantong lahat ata ng tauhan ng mga Riego ay nasa Maynila para lang…

Ni hindi ko matapos ang kaisipang iyon!

“Bakit k-ka nandito?” nangangatog na ang tuhod ko sa takot.
“Anak…” papalit palit ang kanyang ekspresyon galing ngisi at pangungumbinsi.

Umiling ako kaya hinawakan niya ang aking magkabilang braso. And his grip was very tight that I couldn’t move. Though, I am not sure if it was because he’s strong or I am just too stunned, too.

“Tulungan mo ako. Halika!” he said.

Umiling ako habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.

Everything dawned at me all at once. My father being here. Ang kanyang anyo. Ang nangyayari. At ang mga mangyayari pa.

“Samahan mo ako sa mga Riego. Hindi ba nakakausap mo ang mga ‘yon? Pinagkakatiwalaan ka nila, hindi ba?” nagsusumamong sinabi ni Papa.
“H-Huh?” halos maghisterya ako sa nagkahalu-halong emosyon.
“Pinauwi ng batang Riego si Fely, ‘di ba? Samahan mo ‘ko sa kanya.”

My eyes widened at my father’s almost disgusting words. Natauhan ako roon na nakaya kong makawala sa kanya pero maagap niya akong nahuli at niyugyog, ngayon galit na siya.

“Tutulungan mo ako, Leil!” he said in a demanding tone.

Umiling ako at nagpumiglas lalo.

“Wala ang mga Riego rito, hindi ba? Naniwala sila sa’yo? Kaya maniniwala ulit sila kung ikaw ang kasama ko patungo sa Casa-”
“Bitiwan mo ‘ko!”

Titili na sana ako para makahingi ng tulong. I would try to ask for help even when I know I don’t have the sympathy of the people here pero natabunan ni Papa ang aking bibig. My words drowned.

“Anak ng puta! Sige na at nang matapos na ito!” he spat angrily.

Patuloy akong umiling at nanlaban kahit pa panay na ang hila niya sa akin.

“Sige na, Leil! Nagawa mo na ang unang gusto kong gawin, hindi ba? Na paikot mo na ang mga Riego? Kaya anong mahirap sa gusto kong ipagawa sa’yo ngayon?”

I was already screaming so many hurtful things for my father but it’s all muffled because of his hand on my face.

Marahas niya akong hinablot at ibinagsak sa kanyang dibdib. His arm snaked on my neck, almost strangling me. Mabilis ang pangyayari na sa muling pagharap ko sa kinatatayuan namin kanina ay isang pamilyar na imahe ang nakita ko.

Raoul Vesarius Riego was standing mightily in front of us, with a black gun directed at us, and veins protruding because of the force he’s giving the firearm.

Humagalpak sa tawa si Papa.

“Kita mo? Walang tauhan, ‘di ba? Pero bakit nandito ang hayop na ‘to?” bulong ni Papa sa akin habang unti-unti akong nilalayo sa nasa harap namin.

Raj’s jaw clenched. Kinasa ng isang beses ang baril at pinanatiling nakatutok sa amin ni Papa. My father laughed again in a demonic way.

I can sense Raoul’s impatience to fire. His bloodshot eyes told me that if he wasn’t holding it almost against me, kanina pa nakahandusay si Papa sa maraming tama ng baril dito!

Bumuhos ang luha ko sa kaba, sa sakit, at sa frustration. Tumatama ang talim ng balisong sa aking leeg konting galaw lang ni Papa palayo kay Raoul. And Raj did not back down, he’s advancing, too, though little by little.

“Diyan ka lang o papatayin ko ito!” banta ni Papa.

Hindi ko alam kung ginagamit niya ba iyon dahil alam niya ang estado namin ni Raoul o dahil alam niya na mabait ito at hindi kayang may ibang taong madamay. But then my father is shielding himself with my body. Kung ipuputok iyan, ako ang matatamaan.

Hindi ko rin maipagkakaila. Raj’s eyes is giving way too much information about his anger for my father. Alam ko. Alam kong kung wala ako rito, marami na ang tama ng baril ni Papa.

I’ve never seen Raj move or look that way. Kahit noong nasusunog ang nayon at galit siya sa nangyari. Hindi ganito kalala ang nakita kong galit sa kanya noon. Today, he’s just especially ruthless, brutal, harsh… merciless.

His jaw moved again and he firmly pointed the gun at me with so much precision na pakiramdam ko’y talagang matatamaan na ako kung kakalabitin niya iyon.

“Ah… Mas agresibo pala ang anak ni Hades sa kanya, huh?” Tumawa si Papa.

Umawang ang bibig ni Raj. Nararamdaman ko ang hustong pagkakaupos ng pasensya niya sa mga sinasabi ni Papa.

“Kung nakita mo lang ang ayos ng Papa mo nang nakita si Fely na gutay-gutay ang damit habang dinidilaan ko, baka nabaril mo na itong si Leil…”

Raj closed his eyes tightly, trying to get a hold of his patience. I can completely understand why he needs to do it. Sa mga sinabi pa ni Papa tungkol sa kanyang mga magulang, kung ako iyon, baka nga nakabaril na ako! I tried to stop my father from talking but my words were drowned!

“Sarap ni Felicia. Kaya naman hindi malingon ni Hades noon kahit ang nanay ng batang ito, hindi ba…”

Suminghap si Raoul. His eyes seethed with rage and loathing. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita ko ang walang habag niyang ekspresyon. The feelings I feel from him right now is raw and passionate resentment na mas lalong naging mahiwaga kung paano niya naatim na mahalin pa ako.

“Mahina parin, Hades!” my father mocked. “Takot parin manakit ng inosente kaya hindi mo ako mabaril, ‘di ba? Dahil lang… inosente ang anak ko. Tinulungan ka na mahanap ako?”

My father laughed harder.

“Niloloko ka lang nito! Anak ko ‘to, e. Sino ka para ikaw ang masunod, huh? Syempre papanig ‘to sa akin!”

Umiling ako kaya piniga ni Papa ang aking bibig nang hindi na makagalaw ang aking ulo. Raj advanced more that my father had to almost run backwards to maintain space. Tumawa ulit si Papa sa nangyari.

“Mahina rin pala itong anak mo, Hades!” my father screamed in delight again. “Kung sana kami ni Felicia iyong nagkatuluyan, e ‘di sana-”

Hindi ko alam kung paano nangyari. Sobrang bilis ng pangyayari.

While my father was busy talking, Raoul moved very fast to run and kick him down. Marahas akong hinaklit ni Raoul patungo sa kanya. Ang diin ng pagkakahawak ni Papa sa akin ay nakalas dahil sa biglaang paghandusay nito sa sahig.

Nakawala ako at napunta kay Raoul. And he firmly put me behind him. I was positive that he got my father. That his next move will be to shoot him mercilessly. Lalo na dahil iyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. Raw anger. Kumukulong poot ang dumadaloy sa kanyang titig para sa aking ama. Ang kanyang braso ay nanggigigil na punteryahin at barilin ang lalaking kinamumuhian sa harap.

For the last second, I was sure he’d do it. And I was sure my father won’t be shot just once. Raoul’s anger was too much to take that I’m sure he’d shoot my father down until all of his bullets are done! Ganoon siya kagalit!

Tumili ako dahil nasisiguro kong ganoon ang gagawin niya. Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking mga tainga para pigilang makarinig ng putok. I shut my eyes tightly, too, to stop myself from seeing my father butchered like an animal.

Gaano man kasahol ang ugali ni Papa at gaano ko man kagusto ng hustisya para sa mga Riego, hindi ko maikakaila na sa huli, ama ko siya. That I will bleed if he dies. It will still be painful to me. I will still hurt. That the death of my evil father is the death of my only family… The death of my evil father is the death of a part of me.

My father, no matter how evil, is still my father.

Umalingawngaw ang aking sigaw para sa pagkawala ng ama. Sa kasiguraduhang papatayin siya ni Raoul!

But the sound of the gun did not come. Mabilis akong dumilat at nakita ko si Raoul. He glanced at me painfully and then he lowered his gun down to my father’s legs.




His neck and forehead corded with the painful hold of his vanishing patience. Isang bagay na akala ko’y nawala na kanina dahil sa nakakabulag niyang galit para sa aking ama.

He groaned like a beast trying so bad to stop himself from doing something. Nakahawak ang isang kamay niya sa aking braso na tila ba iyon lang ang magiging lakas niya sa puntong ito.

Tumayo si Papa at sa gulat ay umambang tatakbo paalis. Raj clicked his gun once. Ramdam ko parin ang nag-aalab niyang galit. Ramdam ko na unti-unti siyang natutupok nito kaya hindi ko alam kung bakit nagawa niyang kalasin ang lalagyanan ng bala at parehong binagsak ang dalawang parte sa lupa.

He pulled me closer to him for an embrace. Dilat na dilat ako lalo na nang nakita ang kunot-noo at pilit niyang pagyakap ng mahigpit sa akin. Kasabay niyon ang pagtakbo ng napakaraming armadong lalaki. Hindi pa nakakalayo si Papa ay nahuli na siya ng mga iyon sa tamang panahon.

I did not blink to see my father strangled and cuffed.

Raj continued hugging me tight, tila ba nagpapakawala ng napakatinding galit. Ang galit na kanina ko pa lang nakita. Ang galit na tila hayop sa kalupitan at karahasan. Galit na nasisiguro kong tama lang para sa anak na namatayan ng ama at nalabagang ina. Galit na nasisiguro kong kayang pumatay – cruel, barbaric, and brutal anger for my father.

It’s a miracle he got out that frenzied moment.

It’s a miracle he did not shoot my father once.

It’s a miracle!

“Are you okay?” he said in a controlled dark voice.

Tumango lamang ako, masyado pang namamangha sa nangyari kanina.

Nilingon niya ang isang lalaki sa kanyang tabi. At hindi na siya nagdalawang isip na manduhan ito.

“Ihatid mo siya sa mansyon. Maglagay ka ng tao sa mga Avila at kumbinsihin mo silang sa mansyon muna manatili. Sasama ako sa presinto. Ilagay ang lahat ng tauhan sa Casa…”
“Sige, Raoul…” sabi ng lalaki at gumalaw na ayon sa utos ng nauna.

Hindi ako halos makagalaw sa paulit ulit na pag-iisip sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na hindi nabaril ni Raoul si Papa. Hindi ako makapaniwala na sa intensidad ng galit niyang iyon, nakaya niyang magpigil.

“Ihahatid ka ng kasambahay sa kwarto na hinanda para sa’yo,” sabi ng lalaking inutusan ni Raoul kanina.

He looked at me with curious eyes. Hindi pa nagsisink in sa akin na nasa labas na kami ng Casa Riego ngayon. Sumama lamang ako kanina ayon sa kagustuhan ni Raoul. At kung hindi ko narinig na may tao rin sa mga Avila ay baka hindi na ako sumama pa rito.

But then I don’t want to make Raj worry more right now. I know he has a lot in his mind already so being here, as he wishes, is already a big help for him.

Tumango ako at lumabas na ng sasakyan. Sumama ako sa naunang lalaki. Hindi ko halos madetalye ang bagong tanawin sa mansyon dahil masyado pa akong gulat sa nangyari.

A housemaid is on the wide doors waiting for me. Nilingon ako ng lalaki at iminuwestra na nito ang kasambahay. Hindi na ako umimik at sumama na rin sa babaeng kasambahay.

Pumasok kami sa loob. Dalawang hakbang ko pa lang papasok sa pintuan ay narinig ko na ang ingay ng iilang nag-uusap sa loob. Naagaw din ng atensyon ko ang lalaking sumalubong sa amin.

“Si Lucio?” the cold baritone made me look.

Radleigh Vesarius Riego is asking the housemaid about it. Nagtagal ang titig ni Radleigh sa akin, kuryoso ngunit hindi na halos nagulat.

“Tatawagin ko po,” sabi ng kasambahay.

Sumulyap ang babae sa akin bago nagpaalam at lumabas na muli. Isang babae naman ang naglakad patungo kay Radleigh. A woman in her mid twenties or so, in an elegant longsleeve dress and heels, I figured it must be his wife.

“Rad, calm down…” she said with her eyes on me. Gaya ng asawa’y kuryoso ang kanyang mga mata pero hindi rin nagulat sa akin.

Unti-unti kong natanto kung sinu-sino ang naroon sa pinanggalingan nilang malapad na lamesa sa terasa. The cold and elegant Riegos were complete on that white rectangular outdoor table. At sa pinakagitna ng lamesa ay si Felicia Riego.

Tumayo ang isa pang lalaking Riego. He’s in a better mood that Radleigh Riego and his eyes were on me.

“Sumama si Raoul sa mga pulis,” anang mas batang Riego.
“Archer…” a familiar Riego woman called.

Nilingon ng lalaki ang tumawag na babae. Relani Riego gave the man a stern look.

“Tama lang na bumalik si Lucio sa presinto, Rad. We have enough men here and we’re both here, too. There will be no problem…” dugtong nito na hindi pinakinggan ang sinabi ni Relani Riego.

Unti-unti kong naramdaman ang pagiging entremitido sa lugar at panahong ito. Umatras ako ng isang beses, hindi alam ang gagawin.

Muli kong iginala ang mga mata sa kanilang lamesa. Sa gitna ay ang nakatitig at galit na mga mata ni Felicia Riego. Sa tabi nito ay si Relani Riego. At sa tabi ni Relani ay si Ares, Achilles, then Archer Riego’s seat beside his wife and their child.

On Felicia Riego’s right are the vacant seats na sigurado akong kay Radleigh at sa asawa nito. And there was another couple beyond it. Muli akong umatras. Hindi ko alam ang gagawin.

“Saan ka pupunta?” umalingawngaw ang malamig na boses ni Felicia Riego sa buong malawak na tanggapan.

Radleigh’s eyes were brutal. His wife’s eyes were also very intimidating.

Hindi ako nakasagot.

“Nandito ka na rin naman, lumapit ka rito at mag-uusap tayo.”

Iilang kasambahay ang dumating galing sa kung saang parte ng mansyon. Ang pinakamatanda ay naupo sa huling upuan. Tumayo si Felicia at nakita ko ang pagiging concern ng titig ng lahat.

Bumalik si Radleigh sa hapag kasama ang kanyang asawa na lumapit at umalalay kay Felicia Riego.

“Narinig mo ba ang sinabi ko?” Felicia Riego said in a hard tone.

Nanginig ako sa utos. Para akong nagkukumahog na sundin iyon kahit pa hindi ko gustong gawin iyon.

Unti-unti akong lumapit sa hapag. At sa bawat hakbang ko’y tumatayo ang iilang miyembro ng pamilya upang umalalay at sumuporta sa kay Felicia Riego. Ibang klaseng kaba ang naramdaman ko. I feel so out of place. I feel so weak. But I’m sure that the right thing to do right now is to follow her command.

Ilang metro na lamang ang layo namin ni Felicia nang tumigil ako sa mumunting mga hakbang. Nangangatog ang aking mga tuhod at nanginginig ang malamig kong labi. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Her beauty was timeless and a classic. She’s like a beautiful painting. Hindi lang maganda, may pinaparamdam din. But for me, she chose to make me feel intimidated and small. Tumaas ang isa niyang kilay at doon ko nakita ang matinding galit na kinokontrol lamang ng kanyang pagiging kalmante at marangal.

“Totoo ba ang narinig kong ikaw ang nagbigay ng impormasyon sa anak ko, tungkol sa tatay mo?” she asked coldly.

Kabado akong tumango, hindi makatingin sa kanila ng diretso dahil nanliliit ako.

I heard Felicia Riego’s heavy sigh. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ko ang lamig sa kanyang ekspresyon.

“Tumulong ka ba?”

Umawang ang labi ko para mapakawalan ang namuong hininga sa aking lalamunan. Hindi ko masasabing tumulong ako. Gusto kong tumulong, oo. Ginawa ko ang lahat pero hindi ko gustong ipagmalaki gayong hindi ako sigurado kung nakatulong nga ba talaga ako.

“Iyon ba ang tulong na tinutukoy mo?” Felicia Riego said with a suggestive tone.

Parang tinarakan ng punyal ang puso ko. Lalo na nang nakita ang mga mata nilang lahat, cold and unforgiving. Mabilis kong binagsak ang mga mata ko. I wonder if I will ever be forgiven. Wala man akong kasalanan pero pakiramdam ko… kailangan kong humingi ng tawad. For being that girl. For being involved. For being my father’s daughter. For… even simply existing.

“You told my son that your father is in Manila?” nanginginig boses ni Felicia, may akusasyon sa tono.
“I-Iyon po ang sinabi ni Papa sa akin-”
“Na ano? Na umuwi ako dahil naroon si Balthazar sa Maynila? Pero ang totoo ay nandito siya!? And how weird that you are here too, right!?” sigaw niya.

Inawat siya ng mga kasama. Unti-unting pumatak ang aking mga luha. Agad ko iyong pinalis. Pilit kong tinapangan ang boses ko para maipaliwanag ang sarili.

“Nandito po ako kasi na ospital po si Lola Brosing-”
“After how many years! Ngayon mo pa pinili na bumalik dito!? You expect me to believe your reason!?”

Pinalis kong muli ang aking mga luha. Pwede bang huwag muna ngayon? Masakit, oo, pero tama na ang pag-iyak. Ayoko na.

“Nagkataon lang po talaga-”
“O baka may plano kayo ng ama mong pumunta rito sa ngalan ng anak ko!? For sure you only pretended to help my son!”
Umiling ako. “Umuwi po ako para kay Lola. A-Ayaw ko nga pong umalis ng Manila nang nalaman ko ang plano ni Papa dahil natatakot ako para kay Raj…”

Felicia Riego’s face distorted with disgust and anger. Umiling si Ares at si Achilles Riego ay napainom na lamang. Hinawakan ni Aling Wanda at ni Relani Riego si Felicia.

“Stop calling my son that way!” nanggagalaiting sigaw nito.

Yumuko ako. Sa sobrang kaba ay halos namamanhid na ako.

“Manang mana ka sa nanay mo! Parehong pinipilit ang sarili sa taong hindi para sa inyo!” she shouted with so much hatred.

Tumitig na lamang ako sa sahig. Her words are like cold silver cutting through me.

“I know what you’re doing with my son!” she said. “Siguro nga ay tama sila at marunong ka ngang manggayuma.”

My tears formed silently on the side of my eyes. Pinilit kong huwag humikbi. Pinilit kong huwag umiyak.

“Ginagamit mo ‘yan para mapaniwala ang anak ko na tumutulong ka kahit ang gusto mo lang ay ang kapahamakan ng pamilya namin!”

Umiling ako at nag-ipon ng tapang para makatitig sa kanya. Umiling akong muli.

“Tumulong po ako sa abot ng makakaya ko. Maaaring Papa ko po siya pero alam kong masama ang ginawa niya sa inyo. Alam kong kailangan n’yo ng hustisya-”
“That is why you told my son that your father is in Manila?”
“N-Niloko rin po ako ni Papa. Sinabi niya rin sa akin na-”
“At sinong maniniwala riyan? Hindi namin narinig ang pag-uusap ninyo ng ama mo! Wala kang ebidensya na hindi ito parte ng mga plano ninyo!”
“Fely…” Relani hushed her a bit.
“She’s right! Paano natin malalaman na ultimong pagpunta niya rito sa mansyon ay hindi nga parte ng plano nilang mag-ama,” si Ares.
“May ebidensya ka ba, hija, na naloko ka rin ng ama mo?” tanong ni Achilles Riego.

Bigo akong unti-unting umiling.

“Pinapahamak mo ang anak ko! Ang pamilya namin! Pero makapal parin ang mukha mong pinipilit ang sarili mo rito!” Felicia Riego said with more rage now.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dinala ko ang aking mga palad sa aking mukha nang nanlumo na ako sa pagbuhos ng luha. Umiling ako para pabulaanan ang mga paratang niya.

“Anak ka ng taong pumatay sa tatay niya! Your father violated me! And yet you are one insensitive girl still trying to find her way in the family! You are sickening!”

Nanginginig ang mga kamay ko nang binaba ko iyon. Halos hindi na ako huminga para lang mapigilan ang mga luha.

“Ni hindi ka marunong lumayo! Hindi ka marunong mag-isip ng tama at disente! Talagang pinipilit mo ang sarili mo! Bakit pa nga ba kami magtataka? Ganyang ganyan ang nanay mo! Kahit hindi gusto ni Hades, parang asong kating kati, tangang tanga sa paghihintay kahit sa konting atensyon!”

Naisip ko si Mama. Wala man akong maalala masyado tungkol sa kanya pero ang maamo niyang mukha sa mga larawan ang nabuhay sa isipan ko. Si Mama na naghihintay kay Hades. Si Mama na… parang asong…

Parang pinagsusuntok ang puso ko. Parang pinapatay.

“Gaya ng hayop mong ama! Gaano man ako naging mabait sa kanya, wala paring iniisip kundi ang mga kababuyang paniguradong namana mo!”

Pumikit ako ng mariin at mas bumuhos pa ang mga luha.

“Akala mo ba nababagay ka rito? Given your history? You will never fit in here! You a chance!”

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Hirap na hirap nang intindihin ang lahat. Felicia Riego’s hatred is understandable. And I am very sure that it’s not just hers…

Sa malabong mga mata ay nakita ko ang galit at lamig ng bawat isa sa akin. Buhay na buhay ang kanilang poot at naiintindihan ko iyon. Sino ang matutuwa sa akin? Sino ang masisiyahan sa koneksyon ko sa taong pumatay sa mahal nila sa buhay?

“Pasensya na po…” tanging nasabi ko.

Natahimik sila, mukhang nabigla sa pagsasalita ko.

Pinilit kong lunukin ang bukol sa aking lalamunan para matiwasay na makapagsalita.

“Alam ko naman na mali ito dahil anak ako ng taong pumatay sa mahal n-ninyo sa buhay pero…”

Bigo akong pumikit.

“… ang hirap niya kasing iwan dahil… mahal na mahal ko siya.”

Napahikbi ako sa sinabi. Tumango ako bilang pagkukumpirma na naiintindihan ko sila.

“You’re just creating your own excuses!” Felicia Riego exclaimed with anger.

Suminghap ako at muling nag-angat ng tingin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang panginginig.

“Bago po ako umalis dito, p-paki sabi po sana… huwag niya na akong hanapin. Tutal nahuli na si Papa. Paki… sabi na rin po…”

Humagulgol ako sa sobrang sakit. Nakaramdam ako ng hiya pero nagpatuloy ako.

“Na pasensya na pero… ang hirap hirap niyang mahalin,” pumiyok ang boses ko roon kaya tumigil ako ng ilang sandali.

Nagulat ako dahil walang ni isang nagsalita sa kanila. No reaction or whatsoever even from Felicia Riego who’s probably disgusted with everything I say.

Sana… Raj… totoo na lang iyong masamang naisip ko.

Sana totoong ginamit mo na lang ako. Sana totoong titigilan mo na ako kasi nakamit mo na ang hustisya.

Para totoong mahirap ka ngang mahalin.

“At salamat. Sa lahat.”

Yumuko ako at mas lalong tinibayan ang sarili para lang matalikuran ang mga matang punong puno ng galit para sa akin.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.