Sands of Time – Kabanata 37

March 16, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 37

Kabanata 37
In Love

“Uuwi po sana ako ng Costa Leona…” sabi ko pagkabalik sa hapag at pagkatapos maipaliwanag ang nangyari kay Lola Brosing.

I am more torn than ever now. Gusto kong puntahan si Lola Brosing. Iyon ang gagawin ko. Ngunit paano ko maiiwan si Raj dito gayong may pagbabanta si Papa?

“Well, ilang araw ka ba roon?” si Tita Sally na hindi parin nakakabawi sa pagtawa kanina.

The smile is still on Prince’s lips, too. Binalewala ko na lamang iyon. I have more important matters to think about right now. Especially after my father’s call.

“Mga dalawa o tatlo po. Depende kung kaya na ni Ma’am Avila na mag-isang alagaan si Lola.”
“Oh. Okay. Though if it’s really that hard, Leil, I suggest you get someone para maalalayan ang Lola mo. Hindi naman pwedeng lagi kang nakatutok diyan. Just get a maid to deal with it eventually.”

Tinapos ang gabing iyon ng iilang pag-uusap nila tungkol sa negosyo. At gaya ng napagkasunduan, si Prince nga ang maghahatid sa akin pabalik sa condo ko.

We were very silent during the first few minutes inside his car. Nag-aantay ako ng reply galing kay Raoul. He knows that my father called, he’s just busy with the meeting. Kinakabahan ako habang hindi siya nakakapagreply.

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na iyon ang gusto mo?” Prince asked in a cold tone habang nag-aantay ako ng reply.

I really don’t know what to say to him. Lalo na ngayong tunog relieved siya sa nangyari.

He laughed again like something funny is really bugging him. Nilingon ko siya. Sumulyap siya sa akin, may ngising plaster parin sa kanyang labi.

“Well, at least now you know that you have been dreaming quite an impossible dream. Might as well change it, huh?”

My phone beeped. Binasa ko ang reply ni Raoul.

Raoul:
Can I pick you up? If not, I’ll wait in your condo.

Ako:
Ihahatid ako ni Prince. Sa condo na lang tayo magkita.

Hindi na ako nakipagtalo kay Prince. Hahaba lang ito kapag nag-usap pa kami. Kaya naman nang tumapat na ang sasakyan ni Prince sa building ay nagpaalam na ako.

“Salamat sa paghatid. Magkita na lang tayo pagbalik ko,” tanging naging bilin ko.
With a still smile on his face, Prince waved at me goodbye.

Hindi ko na siya nilingon pagkaalis. Dumiretso na ako papasok sa lobby at pagkaliko ko sa sofa kung saan tinatanggap ang mga bisita, tumayo si Raoul na mukhang kanina pa naghihintay.

Tahimik kaming pumasok sa elevator. Nang napag-isa kami’y hinawakan niya ang siko ko at inilapit sa kanya.

“Are you okay?” he asked.
Tumango ako at mapait siyang tiningnan.

I feel so sad for our situation. Kung bakit pa kailangang ako ang anak ng taong pumatay sa kanyang ama.

He never once blamed me pero hindi niya naman talaga kailanman ipinakita sa akin ang tunay niyang nararamdaman sa pagpatay ng ama ko sa kanyang ama. At anuman iyon, negatibo man, matatanggap ko lahat.

“Nagbanta si Papa na papatayin ka niya. Dito… sa Manila,” sabi ko nang nakapasok na kami sa condo unit ko.

Umigting ang panga ni Raoul.

Naka tuxedo pa siya at mukhang talagang kagagaling lang talaga sa trabaho.

He dragged a chair. Naupo siya roon. Naupo naman ako sa aking kama. Nahahapo akong tumingin sa kanya. Alam ko kung bakit lubusan na lamang ang galit ni Papa kay Raoul, bukod sa dahil anak siya ni Hades. He’s chasing him endlessly for the past years.

At kahit pa nag-iisa lang si Papa na nagtatago sa mga bulubundukin ay mabilis na naaabutan iyon ng mga tauhan ni Raj.

“Sorry. Mukhang nagalit lalo si Papa nang nalaman niyang sinasabi ko sa’yo ang mga detalye na ito.”

Kumunot lalo ang noo ni Raoul. Lumalim ang gitla sa kanyang noo, tila may seryosong naiisip.

“Kaya tumindi ang galit niya sa’yo. Naisip niya sigurong ilang beses siyang muntikan nang mahuli-”
“If he knows that you are telling me this, bakit niya sinabi sa’yo ang balak niya?” si Raoul sa seryosong tono.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya. Hindi kaya patibong ito? But then if that’s a lie, that doesn’t mean that we shouldn’t take it seriously!

“Hindi ko alam pero bukod kasi diyan, wala na siyang ibang sinabi. Kung hindi tayo mag-iingat, kung hindi natin ‘yan papaniwalaan, baka mapahamak ka…”

Pumikit siya ng mariin at pinasadahan ng mga daliri ang buhok. My heart leapt a bit beacuse of his movements.

“Kaluluwas lang ni Mama rito!” he said.

My eyes widened. Nandito sa Manila si Felicia Riego?

“Papauwiin ko siya ng Costa Leona.”

Hinawakan ko ang kamay niya. He should get out of Manila, as well. Kung ganoon nga ang plano ni Papa. Mukhang nabasa ni Raj ang iniisip ko.

“Dito lang ako. Hindi kita masasamahan sa Costa Leona pero kapag naayos ko na ang ibang bagay, susunod ako.”
“P-Pero… baka mapahamak ka-”
“If your father wants to kill me, then I’ll be the bait, Leil.”

Hindi nag-iisip ay maagap akong nagdesisyon para sa aking sarili.

“Sasama ako sa’yo!” sabi ko.
Umiling siya. “You will be safer if you’re not here. Isa pa, kailangan ka ng mga Avila sa Costa Leona…”

Kaya lang nag-aalala ako ng husto sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan si Papa kaya hindi ko masabi kung ilang araw o oras ang hihintayin para sa kanyang pagdating dito sa Manila. Raj is already preoccupied by it. He started calling people through his phone habang ako nama’y nagliligpit ng mga gamit.

Nakakuha na si Raj ng ticket para sakin. First flight ang alis ko bukas. At ayon sa narinig ko’y aalis na rin si Felicia Riego rito sa Manila. Kinalma niya ang ina. Medyo matagal ang naging tawag at mukhang sobra sobra lamang ang kaba ng nasa kabilang linya. Though for sure, Raj is also tensed but he needs to stand firmly to guide his mother.

Hindi siya umalis sa condo ko. Nakaligo at nakapagbihis na ako ng pantulog at naroon parin siya, abala sa pagtawag ng kung sinu-sino. I patiently waited for him to be done pero naunahan na ako ng pagod. Nakatulog ako nang nasa tabi siya, nakaupo at abala parin.

Sa gitna ng tulog at pagkakagising, naramdaman ko ang haplos sa aking pisngi. A very warm embrace made me drift more into my dreams.

Kinabukasan, nagising ako sa alarm. Raj already bought us breakfast. I suddenly wonder if he slept. Hindi na ako nagtanong dahil naiintindihan ko na hindi na talaga siya mapanatag sa nangyayari.

Hinatid niya ako sa airport sa tamang oras. At pahalo na ako sa pila ay nilingon ko siyang muli, hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong magpaiwan para samahan siya pero natatakot din akong magiging pabigat lang ako. Gusto ko siyang umalis dito para isalba ang sarili niya pero alam kong hindi ko na mababago ang desisyon niya.

Marahan kong dinala ang mga palad ko sa kanyang umiigting na panga. A few rough hair from his stubble can be felt now.

“Mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan,” sabi ko habang hinahanap ang mga mata niya kahit na nakatitig naman ito sa akin.

Pakiramdam ko, malayo parin siya sa akin. Pakiramdam ko, maraming bagay parin ang hindi ko alam tungkol sa kanya. But then I have all my time to know so many things about him. I will patiently get to know him day by day. Kaya habang hindi pa nangyayari iyon, hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay. Then he shook his head with serious intense eyes.

“Lumayo ka na lang dito,” sabi ko.

I feel frustrated. Alam kong marami siyang tauhan at nag-iisa si Papa. But then the horror my father brought us years ago made me forget about the logic. I feel like everything is possible. That hurting Raj even with his manpower is possible. I don’t want that to happen!

Muli siyang umiling.

“I want to end this all,” he said with gritted teeth.

Mapait akong ngumiti. Mas lalo lang akong kinabahan.

“Hindi matatapos ‘to kung aalis ako,” he said.

His arm snaked behind me. Umangat ako ng konti sa ginawa niya. He crouched lower so our lips would touch.

“I love you, Leil…” he said.

Kinagat ko ang labi ko. Binaba niya na ako pero pakiramdam ko, kulang parin iyon. Tumingkayad ako para maabot muli siya. I hooked my arm on his nape just so he would crouch again for another kiss.

“I love you, too, Raj…” I said in a very womanly voice.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa akin. Yumuko ako, hindi kayang tingnan ang mga mata niya pagkatapos ng sinabi. Wala ng bakas ngayon na pakakawalan niya ako sa kanyang pagkakahawak. Hindi na ito lumuwang man lang. Imbes, ay mas lalong naghigpit.

“B-Baka ma late na ako…” sabi ko.

Aangat sana muli ako ng tingin pero naramdaman kong nakadungaw parin siya sa akin. He pulled my body closer to him. He lifted me a bit and kissed my ear.

“And you chose this time to say it back, huh?” he whispered.

Ngumuso ako. I tried to tell him that years ago. Habang kami pa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kailanman nagawa. At naisip ko noon, mabuti ngang hindi. Para mas kapanipaniwala ang pagsabi kong may iba akong gusto nang naghiwalay kami.

“I look forward to seeing you again. By then, I hope you’ll finally decide about us.”
“H-Huh?” gulat kong tanong.
“Flings don’t fall in love.”
Kinagat ko ang labi ko.
“They only fuck,” the bad word made me feel a bit weird. Hindi ko alam bakit uminit ang pisngi ko.
“A-And… I f-fucked and fell in love…” bigo kong sinabi.
“Damn you. Don’t call it like that,” aniya sa kalmado ngunit mariing boses.

He tilted his head a bit. Umigting ang kanyang panga at tumalim ang kanyang tingin. Namumungay na ang mga mata ko ngayon. Bigong bigo ako sa sariling desisyon. Kung gusto kong manatili kami sa ganoong estado, sana pala… but then it’s true. I love him so. So much. From the very beginning. At walang pagsisisi kapag simula pa lang ay naging totoo ka.

“Mag-uusap tayo tungkol dito pag nagkita na ulit tayo. I don’t want to talk about this over texts or calls. Make sure you have answers when I ask you…” he said.

Tumango lamang ako.

Sa loob ng eroplano, iyon ang paulit-ulit kong naisip. Tunog pagbabanta ang mga sinabi niya sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit kahit takot ako’y mas excited parin. This is not the time to dream about that. I have problems ahead of me. Iyon ang dapat kong isipin sa ngayon.

Then suddenly my thoughts drifted to my father. Maraming tauhan ang mga Riego. At gaano ko man kagustong makamit nila ang hustisyang inaasam, kahit paano ay natatakot ako para sa sariling ama. Kung sana ay makausap ko siya at masabihan na tumigil na. Na sumuko na. Para walang masaktan si Raoul man o siya.

Maybe in the end, even if my father is a criminal, I still care for him. He’s my family. At marami siyang ginawang kamalian sa akin pero hindi ko parin maiwasang mag-alala para sa kanya.

Mabilis na bumangon ang pag-aalala ko nang nakalapag na ang eroplano sa airport ng isla. Naiisip ko si Lola Brosing at Ma’am Avila. Tumawag ako bago bumyahe sakay ng isang van patungong Costa Leona.

Nasa ospital na raw sila sa Costa Leona ngayon. Nagkamalay na si Lola ngunit hindi pa nakakausap dahil masyado pang mahina. I brought enough cash in case they need it for the hospital bills. Ni hindi ko na masyadong naisip ang magiging kalagayan ko pagkauwi ng Costa Leona.

‘Tsaka ko na lang natanto nang binaba na ako sa babaan ng mga pasahero.

The hot morning wind, the long peaceful road, and the smell of salt in the air made me remember so many things about this place. Tila ba binabalik ako sa dati. Sa batang Soleil na simple lamang ang mga pangarap.

The image of the empty highway made me realize that I am really back in Costa Leona, after so many years. At ang huling pagpunta ko rito ay noong sinunog ang aming baryo.

Nilingon ko ang banda ng nayon. Kahit ilang taon na akong hindi nakakabalik, tanda ko pa kung saan banda iyon. At kung ano ang naging itsura noong gabing iyon. Tanda ko rin ang ekspresyon ni Raoul noon. Nang pagmasdan niya ang nasusunog naming mga kubo. May bahid ng galit doon. Galit na alam kong hinding hindi na mawawala pa, ano man ang mangyari.

Yumuko ako at pinutol ang pag-iisip para makapagpatuloy na sa araw. Nilingon ko ang terminal ng mga tricycle at naabutan ko ang iilang mga matang nakatingin sa akin.

Ang mga tindera sa loob ng tindahan ay nagbubulong bulungan at bumabalik ang tingin sa akin. Lumapit ako para makabili ng tubig bago sumakay sa tricycle pero napansin ko ang biglaang paglayo ng mga tao.

“Pabili po ng mineral water,” sabi ko sa tinderang masama na ang tingin sa akin ngayon.

Hindi siya gumalaw para kumuha ng tubig na tanaw ko sa kanyang likod. Nanatili ang mabigat na tingin niya sa akin.

Tinuro kong muli ang nasa kanyang likod para mas maintindihan.

“Tubig po-”
“Ubos na ang tubig namin,” anito sa isang galit na boses.

Ilang sandali akong natulala sa mukha ng babae. She withdrew her stare at me kaya lumapit na lang ako sa tabing tindahan nito kung nasaan may ref din sa likod ng tindera. Kita roon ang mas maraming display ng bote ng tubig.

“Pabili po ng tubig,” sabi ko sa nakatitig na mas matandang tindera.

She smirked at me. Binaba ko ang pera ko sa pagtataka sa nangyayari.

“Hindi ba ikaw iyong mangkukulam na anak ni Balthazar Cervantes noon?”

I stiffened. Ang kaninang tahimik nang terminal ay mas lalong mas natahimik pagkatapos ng tanong na iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong naroon. Ang iilang lalaki ay bumubuga ng usok galing sa sigarilyo’y nakatitig lamang sa akin, naghihintay ng sagot. Ang mga babaeng may ginagawa ay natigilan para marinig ang sasabihin ko. At ang may iilang nagbubulung bulungan pagkatapos ay titingnan ako.

“Ang kapal din ng mukha mong bumalik dito sa Costa Leona, ano? Umalis ka na rito!” sabi ng tindera sa akin.

Ang naunang tindera ay nag angat ng walis at umaambang iikot para makalapit sa akin. Ang iilang lalaking naninigarilyo ay naghahagis ng upos, tumatayo, at umaamba rin sa paglapit sa akin.

Without a word, and with so much fear, I ran as fast as I can away from the stores. Iilang tawa ang narinig ko ngunit sa huli’y narinig ko rin ang pagmumura nila sa akin at mga pagbabanta.

Sumakay ako sa naunang tricycle. Wala pa roon ang driver pero alam kong iyon na ang susunod na aandar sa pila. Then a man approached me. Siguro ay driver nitong tricycle. Hindi pa ako nakakabawi sa kaba sa sinapit kanina ay hinablot na ang kamay ko at sapilitang tinanggal ako sa loob.

“Akala mo makakasakay ka sa tricycle ko?” the man said.

Bumuga siya ng usok galing sa kanyang sigarilyo at ilang sandali akong tinitigan. Tinapon niya ang sigarilyo at muli akong hinawakan. Bago pa ako makaatras ay nagawa niya na.

“Pero pwede rin… Sige, pasok ka…” he said in a very malicious tone.




Ngumisi siya. Ang isang ngipin niya ay nababalutan ng pilak at ang iba’y nangingitim. Sa paraan pa lang ng pagkakahawak nito, alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito.

“B-Bitiwan mo ako!” sabi ko at ginamit ang buong lakas para mabawi ang kamay.

Nang nagawa ko’y tumakbo na ako palayo sa terminal. Tumakbo ako hanggang sa hiningal ako. Tumakbo ako hanggang sa wala na akong makitang bahay o establisyimento.

Pagod na pagod akong naglakad. Uhaw at gutom na’y pinagpatuloy ko iyon. Kumuha ako ng scarf at tinabunan na ang mukha gamit iyon dahil sa tuwing may nakakadaang pampublikong sasakyan at nahahagip ako ng tingin, nagtatagal ang titig sa akin na tila ba kilala nila agad ako.

The hatred our village gave this town was too deep-rooted. Hindi ko alam kung masisisi ko ba sila.

Pinili kong maglakad na lang patungo sa ospital. Hindi ko na sinubukan pang sumakay o bumili ng tubig para sa akin. At sa ospital, nakatulong ang scarf para hindi ako masyadong pagtuonan ng pansin ng mga taong naroon.

“Leil!” si Ma’am Avila nang nahanap ko ang tamang room number ni Lola Brosing.

Niyakap ko si Ma’am. Hinayaan kong bumagsak ang balabal sa aking balikat. Ma’am Luz Avila cried on my shoulder for a while. Si Lola Brosing ay nasa kama, walang malay at may mga nakakabit na tubo sa katawan.

I cried, too. I feel like I owe them an apology. For only coming here at a time like this.

“Kumusta po si Lola?”

She filled me with Lola Brosing’s health status. Maayos na naman daw sa ngayon, iyon nga lang, ipinagbabawal ang masyadong pag galaw. Maaaring ang sanhi rin ng kanyang pagkakahimatay ay ang init ng panghapong araw.

“Kumusta ang pagpunta mo rito?” ani Ma’am Avila nang naisip na siguro ang naging kalagayan ko kanina.

Mapait akong ngumiti. She knows what I’ve been through and she’s also sad for it. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Madaling alagaan ang galit sa’yo lalo na dahil hindi ka nila kilala, anak. Sana pagpasensyahan mo na. Ako man ay galit sa kanila pero ayaw kong magtanim ka ng galit pabalik sa mga taong ito-”
Umiling ako at ngumiti ulit. “Naiintindihan ko ang galit nila, Ma’am.”
Umiling din si Ma’am at mas tinabunan ang kamay ko. “Hindi, anak. Hindi makatarungan ang galit nila sa’yo.”

Yumuko ako.

“Makinig ka, Leil. Biktima ka lang. Bata ka at wala kang muwang sa lahat. Your father was the one to blame…” agap ni Ma’am.
Nag-angat ako ng tingin. “At anak niya ako, Ma’am…”
Umiling siya. “Oo. Ganoon ang mababaw na iisipin ng mga taong hindi ka kilala. Pero ako, ang Lola mo, Leil, kilala ka namin. Alam namin na hindi mo iyon magagawa, anak. Kaya huwag mong akuin ang kasalanang ibinintang lang sa’yo.”

For a moment, I feel so secured with everything. Tumango ako at niyakap lamang ulit si Ma’am Avila. I really feel so good whenever I am with them. Mas pamilya ko sila kumpara sa kay Papa. And I feel guilty for thinking so.

Si Ma’am na ang bumili ng tubig at pagkain para sa amin. Nanatili ako sa silid ni Lola upang maalagaan ito habang wala si Ma’am Luz.

Nagkasundo rin kami ni Ma’am na ako muna ang magbabantay kay Lola sa araw na iyon. I told her that I can also be with Lola tomorrow pero sabi niya’y susubukan niya at baka pwede nang ma discharge si Lola at sa bahay na alagaan.

I feel happy and fulfilled serving and helping Lola Brosing. Nang nagkamalay ito na kaming dalawa lamang ay umiyak ito, hindi pa makapagsalita ng mabuti.

I cried too and hugged her tight.

“Lola, tsaka na tayo mag-usap kapag maayos ka na po. Magpahinga ka muna…” sabi ko nang napansin ang pagsisikap niyang makausap ako.

She was smiling when she fall asleep. Hawak ko ang nangungulubot niyang kamay habang unti-unti na rin akong hinila ng antok.

Kinabukasan ay pinayagan na ring mag discharge si Lola sa iilang pag-iingat. Tumulong ako sa pagbayad ng bills at kinumbinsi ko rin si Ma’am Avila na huwag na munang bumalik sa pagtatrabaho kung maaari at ako na ang bahala sa iilan pang gastusin.

May ipon naman ako noon pa at para iyon sa kanila. O kahit anong emergency ng pamilya.

Sinundo kami ng isang auto. Ang driver nito’y kasing edad ko lang o matanda lamang ng iilang taon. Umalalay ito kay Lola kasama ni Ma’am Avila habang dala dala ko naman ang mga bag namin.

Tumitig ito sa akin ng ilang saglit bago ako siniko ni Ma’am Avila.

“Iyan ‘yong anak ni Mang Edong. Si Jun, naaalala mo ba?” bulong ni Ma’am Avila pagkatapos maalalayan si Lola papasok sa auto.

Umiling ako dahil hindi ko ito maalala.

Sinarado ng lalaki ang pintuan ng sasakyan at muling nag-angat ng tingin sa akin. He looks fresh with his green t-shirt and pants. Tingin ko’y hindi siya rito naka destino, kung ano man ang trabaho niya.

“Seaman ‘yan. At crush ka noon pa. Isang taon na simula noong nagbreak sila ng girlfriend niyang sumama sa iba…” mas lalong bumaba ang boses ni Ma’am.

Tumango ako sa impormasyon pero tumigil din si Ma’am nang lapitan kami.

“Sa likod na rin po ba, Auntie Luz, ang wheel chair?”
“Sige, sige, hijo!” maagap na sinabi ni Ma’am tapos ay ngumisi sa akin. “Si Leil na rin ang sa front seat, huh, Jun?”
“S-Sige po…” anito.

Mabilis akong lumapit sa front seat nang nakita si Ma’am na nagbukas na ng pintuan sa likod para matabuhan si Lola. Ang huli kong nakita ay ang makahulugang ngiti ni Ma’am sa akin pagkaupo ko roon.

Somehow, I feel relieved with everything. Nakauwi na raw dito si Felicia Riego Raj is assembling his men in Manila secretly so my father could take the bait. At nadischarge na rin si Lola. Everything seems to be going well so I think it is only fine to feel light today. Lalo na sa asar ni Ma’am Avila sa akin.

“Naku, alala ko noon, Jun, nagbabike ka pa patungo sa bahay para masilayan si Leil!” tukso ni Ma’am Avila sa akin sabay tawa.

Nilingon ko ang katabi kong nagdadrive na patungo sa mga Avila. He blushed profusely at sumulyap na rin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko siya maalala talaga noon.

“Auntie naman. Tama na po. Nakakahiya na…”

Nakinig lamang ako sa asaran nila hanggang sa nakadating na sa bahay. Tumulong din si Jun sa pagdidiskarga kay Lola. Nagtulungan kami sa paglagay kay Lola sa wheelchair at nag-agawan pa sa kung sino ang magpapapasok kay Lola sa bahay.

“Ako na, Jun,” sabi ko.
He blushed again at umiling. “Kaya ko na ito. Ako na…”

Hinayaan ko siya at kinuha na lang ang iilang bag namin para maipasok na sa bahay. Nagpaalam din siya na may lalakaring mga dokumento kahit na inanyayahan ni Ma’am Avila na kumain muna.

“Salamat sa tulong mo. Halika at ipagluluto ko kayo ni Leil ng tanghalian!” si Ma’am Luz.
“Gusto ko po sana kaso may gagawin talaga ako. Pero bukas, po, pwede bang bumisita ulit?”

Sumulyap ito sa akin. Ngumiti lamang ako.

“Oo naman! Anong oras bukas, hijo?” tanong ni Ma’am. “At nang makapag handa ako.”
“Sa ganitong oras din po sana. Nandito ka pa ba bukas, Leil?” tanong nito sa akin.
Nagulat ako roon. Mabilis akong tumango. “Ah. Oo. Nandito ako.”
“Good.” He smiled boyishly pagkatapos ay nagpaalam na sa amin.

Tumulong ako kay Ma’am Luz sa kusina habang si Lola ay nagpapahinga sa sala. Paminsan minsan naming tinatanaw si Lola habang nagluluto at ang pinag-uusapan namin ni Ma’am ay purong tungkol sa kay Jun na mabait at guwapo.

“Anak, ayaw kong magaya ka sa akin. Iyong Prince Ledesma sana pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan…” Tumawa si Ma’am.
Umiling ako. “Ma’am naman… mabait naman po si Prince.”
“O sige, hija. Pero sinasabi ko lang naman na mas mainam kung may pagpipilian ka. Etong si Jun kasi, kilala ko na talaga bilang mabait at mapagmalasakit. Kita mong siya pa ang nag offer na kunin ang Lola mo sa ospital. Kung hindi siya nag offer noong nakaraan ay baka mag tricycle lang tayo…”

Natigilan si Ma’am ng ilang sandali.

“Pero, nag offer din si Lucio na magpapahiram ang mga Riego ng sasakyan pero ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanila lalo na’t… alam mo na…”

Napalingon ako kay Ma’am Avila. Nag offer sila? Si Raj ba ang nag offer noon? Malamang!

Hindi halos nagbago ang bahay. Ang kurtina nga lang nito ay mas matitingkad at ang pintura ay mukhang inayos. Bukod doon, wala na. Bago rin ang TV kumpara sa dating nakagisnan ko rito at may dumagdag pang appliances.

Hindi matanggal sa isipan ko ang maaaring itsura ng buong bayan ngayon. Ano na kaya ang istura ng mga tiangge? Ang simbahan? Ang gubat? Ang kamalig… at ang nayon… Kahit paano, may parte sa akin na gustong balikan iyon.

“Tsk…” si Ma’am Avila habang tinitingnan ang ref. “Hindi nga pala ako nakabili ng mga pagkain! Wala tayong makakain mamayang gabi at pati bukas! Pupunta pa naman si Jun dito!”
Ngumiti ako. “Ako na lang po ang mamamalengke pagkatapos nating mananghalian, Ma’am.”
Umiling siya. “Leil, alam mo naman na-”
“Hindi naman po siguro lahat ng tao sa Costa Leona ganoon, di po ba? ‘Tsaka gusto ko ring makita ang itsura ng mga lugar dito.”
“Naku!” problemadong sinabi ni Ma’am.

I smiled again to assure her that I will really be fine.

“Uuwi po ako agad dito kung sakaling hindi po nila ako payagang mamili. Gusto ko ring makapagpahinga ka muna, Ma’am. Lalo na’t medyo mainit din sa labas at ilang araw ka nang puyat sa pagbabantay kay Lola.”

Tinitigan ako ni Ma’am. May pagdududa sa mga mata niya. Nararamdaman kong hindi niya ako papayagan kaya ngumiti pa lalo ako.

“Hindi ko gusto ito, Leil.”

Ngumiti ako at iniwan ang hinihiwang mga rekados sa lulutuin naming tanghalian para mayakap si Ma’am galing sa likod.

“Hindi na po ako iyong batang Leil, Ma’am. Kaya ko na ‘to.”

She sighed, defeated.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.