Sands of Time – Kabanata 36

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 36

Kabanata 36
Secret

“I cannot believe you risked that, Leil! Paano na lang kung may nangyaring masama sa’yo?” Prince sounds hysterical on a Monday morning.

Tinabi ko ang mga papel na binabasa kanina nang wala pa siya. Tatlumpong minuto pa lang simula nang dumating ako rito sa opisina, he quickly walked towards my office just to tell me about my behavior last Friday.

“Pasensya na, Prince. Hindi lang ako naging kumportable sa bar.”
“You could’ve texted me, instead!? Or told me that you want to go out! Sasamahan kita, Leil!”

Pagod akong bumuntong-hininga.

“Naiwan ko sa condo ko ang cellphone ko, Prince-”

Prince looked at me with rage in his eyes. Bago niya pa ako mabugahan ng susunod na sasabihin ay isang katok na ang narinig ko sa pintuan. Laki ng pasasalamat ko kay Cresia. Lalo na nang walang pag-aalinlangan niyang binuksan ang pintuan ng opisina at agad na nag-ingay.

“Hello! I brought you snacks!!! Oopps…”

Natutop ng kaibigan ko ang kanyang labi. Prince glared at me for a few moments bago ito tuluyang tumalikod at nilagpasan si Cresia palabas.

I sighed. Alam ko ang pinunta ng kaibigan ko. At kahit na tingin niya’y awkward ang nangyari, nakitaan ko parin ng ngisi ang kanyang ekspresyon habang sinusundan ng tingin si Prince palayo. She closed the door slowly bago bumaling sa akin na tila may sisingiling utang.

Last Friday, when Raoul texted her that we’re together, si Cresia na ang gumawa ng paraan para ma explain sa mga kaibigan namin ang nangyari. Hindi ko alam paano niya napapaniwala si Prince na sa condo niya ako natulog.

Ang sabi’y sa pag-aalala ni Prince, pumunta siya sa condo ko at kinatok iyon. When he realized that there’s no one there, he called Cresia. Mabuti at mabilis namang nakagawa ng excuse si Cresia para sa akin. Hindi na nangulit pa si Prince pagkatapos doon.

Well, looking back, I must say I owe Cresia everything. Alam kong sasabihin ko rin dapat kay Prince ang mga nangyayari pero hindi pa ako makahanap ng tamang tyempo. Kaya tama lang ang ginawa ni Cresia.

And that weekend had been the most wonderful and memorable weekend of my life, yet.

Saturday morning, Raj cooked our breakfast. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa iyon. Nasa counter ako, nakaupo sa high chair, at umiinom ng kape. At ang tanging naiisip ko lang sa oras na iyon ay kung gaano ako ka swerte para makaupo rito at mapagmasdan siya.

“What are your plans for today?” tanong ni Raoul habang kumakain na kami.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga ulam na niluto niya. While he’s interested with my day, I’m interested with his small details. Inangat ko ang tingin ko sa kanya para masagot.

“Hm. Baka mamili. Pagkatapos… wala na. Ikaw?”
“Sasamahan kita,” he said.

My eyes lingered on him. I saw an invitation to a party on an exclusive hotel here in BGC for him. Mamayang gabi iyon. It looks formal and important. Kaya imposibleng hindi siya dadalo roon.

“Nakita ko ‘yong party invitation mo sa side table, hindi mo ba pupuntahan ‘yon?”

Tumaas ang isang kilay niya at nanatili ang mariing titig sa akin. I equalled his hard stare with a soft one. Natigil lamang ang titig ko nang naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa hita ko.

“Well, we can go. I’ll just let one of my secretaries buy you a dress for it?”

Hinagod niya ang hita ko. The move sent shivers down my spine. I feel like he can damn well manipulate me easily. At alam ko kung bakit niya ginagawa ito. Having me join him on that party will mean we’ll be seen by people. Hindi man kami kailanman nakita na magkasama, alam ko kung gaano kalaking intriga iyon kapag nangyari. It will defeat my request to a fling with him.

“Alam ko ang ginagawa mo…” marahan kong sinabi, hindi matakasan ang pang-aakit niya.
“What?” he said innocently while his hand is nearing my inner thigh.

Ngumuso ako at matalim siyang tiningnan.

“Alam mong hindi ako pwedeng pumunta, ‘di ba?”
“Then, I won’t go, too. We can just stay here tonight and cuddle.”

Hindi pa nga ako nakakauwi sa condo ko, may plano na siya na dito ulit ako matulog. I continued glaring at him. His playful eyes remained at me, too. Uminit ang pisngi ko at sapilitan pa ang pag-iling.

“Pumunta ka na lang sa party mamaya.”
“It isn’t important. I can skip. And you won’t join me… so…” nagkibit siya ng balikat, ginagawa pa akong rason.

I don’t know why I want him to join the party. Siguro dahil gusto kong kahit narito ako sa buhay niya, hindi niya makakalimutan ang sarili niyang buhay. Without me, he’d go to that party and enjoy himself for sure. Now that I’m here, he’s using that to convince me to show up with him to the public, or he won’t show up at all.

I covered his hand on my thigh. Dahan-dahan ay inangat ko ang haplos sa kanyang palapulsuhan. His eyes fell on it. Pinagmasdan niya ang ginagawa ko, nakaigting ang panga.

“Hihintayin kita sa labas ng hotel, kung pupunta ka…”
“Why don’t you join me instead?” pilit niya kahit alam niya ang dahilan ko roon.
“Sasama ako sa’yo pag-uwi. Dito ulit ako matutulog.”

His eyes lifted on me. Bumuntong hininga siya at tumuwid sa pagkakaupo. I smirked. He glared at me, looking defeated. But then his eyes turned vicious again! Kinabahan tuloy ako.

“Bring your things here, then,’ he bargained.

I cannot believe him. Simple lang naman ang hinihingi ko sa kanya pero mukhang seryoso siya sa mga plano niya sa akin.

“Hindi pwede. Uuwi ako pagka Sunday dahil may trabaho ako sa Lunes, Raj.”
“I’ll drive you to your workplace.”

Bigo ko siyang tiningnan. Sa huli ay sumilay ang ngiti sa aking labi. Hinagod ng kamay niya ang aking hita at paakyat sa aking tiyan bago ako pinalupot at hinila patungo sa kanya.

He hugged me tight. He buried his face on my left shoulder. At sa higpit ng yakap niya’y parang hindi na ako makakatakas ano man ang gawin ko.

“Fine. You always have it your way, huh. One day…” he uttered the last words like a warning, hindi man nadugtungan kung anong gagawin niya balang araw.

Ngumiti ako at niyakap din siya ng mahigpit. Umangat ang aking damit dahil sa yakap ko sa leeg niya. I can feel my inner thighs and butt showing a bit. Wala mang tao maliban sa amin dito sa unit niya, nakakahiya parin iyon. He pulled the hem of his shirt down just to cover my showing skin.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang umalon ang damdamin ko. Parang kinukurot ang puso ko.

“Bakit kasi panty lang ang pinabili mo sa sekretarya mo? Sana pati s-shorts…” I said with a shaking voice.
“I’ll put a stock of your clothes here from now on,” tanging nasabi niya habang magkayakap kami.

Hindi matanggal iyon sa aking isipan habang nasa isang coffeeshop sa labas lamang ng hotel na tinukoy doon sa invitation. Raj did what I wanted him to do. Ayaw niya man, ramdam ko iyon, pinilit niya ang sarili niya.

Nag grocery kami at pumuntang condo unit ko para ilagay doon ang mga pinamili. Nagbihis ako at bumalik ulit kami sa condo unit niya para makapaghanda na siya sa party na tinukoy ko.

He had been patient with my social life. I should be patient with him, too. Hindi pwedeng dahil nandito ako, wala na siyang ibang gagawin kundi sumama sa akin. May buhay siya, maliban sa akin. May buhay siya, bago ako. At meron parin, ngayong nandito ako.

The strip was full of so many people trying to find entertainment in this place. Sumimsim ako sa kapeng iniinom habang naaaliw na tinitingnan ang mga taong kung hindi mukhang pupunta ng party ay nagkakatuwaan naman habang naglalakad.

I’m ready for a night full of reading while waiting for… Raj to pick me up. At makauwi na kami. Pinagpatuloy kong muli ang pagbabasa ng libro nang biglang may naaninag akong anino sa harap ko.

He dragged the chair out, like a lion slowly moving, at naupo na siya roon. Raoul Riego, my fling and secret boyfriend in his dark and manly tuxedo, sat in front of me like nothing happened. Bumuntong hininga ako. Isang oras pa lang siyang nawawala. Not quite what I expected.

“Tapos na ang party?”

Umangat ang gilid ng kanyang labi.

“At least I showed up like what you want.”

Binaba ko ang libro at binigyan na lamang siya ng bigo pero naaaliw na titig. He equalled it with a more intense stare.

“By the way, I got interviewed by some random press. They asked me if I have a girlfriend, I said yes.”

Napatuwid ako sa pagkakaupo sa kaba at gulat sa sinabi niya. Mukhang natuwa siya sa naging reaksyon ko. He rested his hand on my thigh.

“Tapos?”
“I said it’s still a secret. And I meant you. So you can’t make the rumors about it an issue anymore…” he said while slightly glaring at me.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti pero sa kalaunan ay hindi ko na nakayanan. I smiled shamelessly thinking about it. I’m Raj’s girlfriend. In public! Hindi sekreto!

Alam kong ayaw kong may makaalam pero hindi ko maiwasang matuwa kapag naiisip ang posibilidad na ganoon nga.

“Let’s go home,” he said while slowly stroking my thigh, making me a bit feverish from it all.

Uminit ang pisngi ko habang idinidetalye sa kaibigan ang nangyari. Just except of course on the part about how we did it.

Tulala si Cresia, isang bagay na ikinagulat ko. I expected her to be loud but after my last revelation, natulala na lamang siya sa harap ko.

Kagat-labi akong ngumiti. Sobrang init ng pisngi ko.

“WHAT?” she screamed out loud dramatically.

Unti-unting napalitan ng malaking ngisi ang kanina’y gulantang na mukha. Sumabog agad ang pintuan ng opisina ko sa gitna ng pagdiriwang ni Cresia.

Gino, with a offensive stance and a serious face force opened my office door. Kitang-kita ko ang kuryosong mga empleyado sa labas, inaangat ang mga leeg para makita kung anong meron.

Gino’s eyes filtered the room.

“What’s wrong?!” Cresia’s tone changed immediately.

Kung kanina’y tuwang tuwa siya, ngayon, she sounds offended.

Tumingin si Gino sa akin. Wala akong naigawad kundi pagkamangha at pagtataka sa bigla niyang ginawa. Gino licked his lower lip then turned to Cresia.

“Stop screaming like that,” he said in a serious tone.

Nahahapong tinuro ni Cresia ang sarili.

“What? I can’t be excited now?”

Gino turned away. He closed the door at iniwan nang muli kami. Ang kaninang magandang disposasyon ng kaibigan ay napalitan ng galit. Agaran din naman itong nakabawi. Although, I am not sure if she’s alright or she just doesn’t want to look affected with his bodyguard.

“Stupid bodyguard. Professional daw…” she hissed. “Anyway…”

Napalitan agad ng excitement ang kanyang mukha para sa detalyeng hindi ko naman sasabihin. Kinulit niya ako kahit na may ginagawang trabaho.

I arranged my things and she’s tailing me for the juicy details of all of it.

“Magaling ba, Leil?” then she screeched at her own words.

Uminit ang pisngi ko sa tanong ni Cresia. Kaya nagdadalawang-isip ako kaninang ikwento sa kanya ito dahil alam kong walang preno ang mga magiging tanong niya.

“For sure he’s good in bed. Daming ‘di nakamove on sa Riego na ‘yan!”

Huminga ako ng malalim at nilingon siya. I want her to notice my exaggerated annoyance but she’s too dense for it.

“And oh my! He’s your first! Baka mabaliw ka niyan sa sobrang galing niya! Baka ma obsess ka, ha!” She laughed.

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Sinapo ko na lang ang noo ko. Talagang nagsisisi ako ngayon na sinabi ko sa kanya ito.

“Kaya dapat… galingan mo! Next time, mag explore ka ng ibang positions! Huwag ‘yong lagi kang nasa ilalim-”
“Cresia!” hindi ko na napigilan.

My thoughts about it were so graphic that I imagine our positions some nights ago.

Lalong lumapad ang ngisi ni Cresia. Nakikita niyang hindi ako kumportable and she lives for moments like these!

“Sinasabi ko lang naman, para hindi ka niya iwan, dapat medyo matuto ka rin!”

Oh that’s enough! Hindi ko na kayang makinig na seryoso ang mukha.

“Hindi pa kami, okay? Huwag ka na muna masyadong mag-isip ng kung anu-ano-”

Napawi ang ngiti ni Cresia. I’m not sure if it’s a good thing or bad thing.

“E ‘di ano kayo?”
“Fling!” sabi ko na para bang maiintindihan niya kaagad ang sinasabi ko kapag ginamit ko ang katagang madalas niyang label sa kanyang mga lalaki.

I thought she’d stop and understand. Or just at least stop teasing me about it. Pero imbes ay mas lalo siyang bumunghalit sa tawa.

“Raoul Riego, ginawang…” she laughed again without finishing her statement.

Kumunot ang noo ko habang hinihintay na ipagpatuloy ni Cresia ang sinabi pero hindi niya na natuloy sa sobrang tawa.

“Oh my! This is probably the first time in history!” aniya at nagpatuloy ulit sa pagtawa. “Bakit mo siya ginawang fling!?”
“Hindi pa panahon para maging maayos kami.”

She laughed louder again. Para bang sobrang nakakatawa ang estado namin ni Raj. Nakakahiya tuloy.

“He really is so damn crazy for you, huh?” aniya pagkatapos ng mahaba habang tawa.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa mga ginagawa. Kahit pa hindi masyadong makapag concentrate, ayaw ko namang makipag chikahan na lang kay Cresia the whole time.

“Magkikita ba kayo mamaya?” she asked.

Umiling ako. Kanina kasi’y binilin ni Prince sa akin na magdidinner kami sa bahay mamaya. Nandito kasi sina Primrose at Arthur at binalitang buntis na si Prim kaya bilang celebration, magdidinner kami. Sinabi ko na kay Raoul iyon kaya sa araw na ito, hindi muna kami magkikita.

“Bakit?”
“May dinner kami ng mga Ledesma mamaya dahil sa balita.”
“Oh, right! Nandito nga pala si Kuya,” ani Cresia habang nagkikibit balikat.

She gave me another creepy smile again.

“Hmm. Sige, may mga bagong advice ako sa’yo.”
“Ano?” kunot-noo kong tanong.
“Send him a picture of you na naka underwear ka lang-”
“Cresia!” agap ko and she started laughing hysterically again.

Dumami pa ang mga abiso niya. Hindi ko alam kung seryoso ba iyon o niloloko niya lang ako. But then she has more experience than me so maybe they are all effective.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking opisina nang umalis si Cresia. I’m smiling like an idiot habang inaalala ko lahat ng mga sinabi niya na nakakagulat. Sa huli ay umiling na lamang ako para pigilan ang mga iniisip.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho. Hapon nang dumating na muli si Princ para sunduin ako pero hindi kami gaanong nag-usap. Medyo galit parin siya sa akin sa nangyari noong nakaraan.

My phone rang. I thought it’s Raj. Kami kasi iyong nagtitext kanina pero nang nakita kong galing iyon kay Ma’am Avila, sinagot ko naman iyon.

“Hello…”
“H-Hello, Leil…”

Bahagya akong natigilan sa narinig na tono kay Ma’am. Ma’am Avila’s usual formal voice turned shaky today. Kinabahan tuloy ako. Lalo na dahil nang nilingon ko ang orasan, alam kong hindi pa niya out sa trabaho ngayon. Madalas kasing tumawag si Ma’am at Lola tuwing gabi, kung kailan maaaring parehong wala nang ginagawa ang dalawa.

“Ma’am, a-ano pong nangyari?” nag-aalala kong tanong.
“’Yong Lola mo, isinugod sa ospital k-kanina, Leil.”
“Po?”




Bumangon ang kaba sa aking puso. I imagine Lola Brosing lying on a hospital bed. Kailanman, hindi sumagi sa isipan ko iyon. Buong buhay ko, I imagine the Avilas to be always healthy. Hindi kailanman nagkakasakit o ano man. At ngayon, parang langit na bumagsak sa akin ang kaisipang iyon.

“Hinimatay siya habang nagdidilig ng halaman sa bakuran, Leil. Medyo matagal bago siya nakita kaya lumubha ang kalagayan. Nasa kabilang bayan kami ngayon pero itatransfer naman daw bukas pabalik sa ospital ng Costa Leona kapag maayos na ang kalagayan. Hindi pa siya nagigising, L-Leil.”

Kinagat ko ang labi ko. I don’t know how to support Ma’am Avila while I’m here. At ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang umuwi ng Costa Leona. Pakiramdam ko, hindi magiging sapat ang suportang pera o salita. Gusto kong pumunta roon at personal na tumulong sa kanila. They are my family. Kahit pa hindi kadugo o anuman. I can feel a deep connection with them ever since.

“Uuwi po ako,” tanging nasabi ko.
“Leil, hindi na kailangan. Sinasabi ko lang ‘to para malaman mo. Kaya ko pa naman p-pero…” suminghap si Ma’am Avila. “Mag le-leave muna ako sa trabaho para maalagaan ang Lola mo-”
“Ma’am, uuwi po ako. Tutulungan kita-”
“Leil…” nahahapong pigil ni Ma’am na hindi niya natuloy dahil sa pag-iyak.

Mas determinado na ako ngayon. Uuwi ako para kay Lola at para matulungan ko si Ma’am Avila. Hindi kailanman nanghingi ng pera sa akin si Ma’am. Kusa akong nagbibigay. At alam kong hindi rin siya manghihingi ng tulong ngayon kahit na alam kong mahihirapan siya sa pag-alaga kay Lola kaya ako na mismo ang tutulong.

I’ve made up my mind. Tamang tama at magkikita kami ng pamilya Ledesma mamaya. I’m ready to ask for a break para matulungan si Ma’am Avila sa kalagayan ni Lola.

“Prince,” I said while we were stuck in traffic inside his car.

Kanina pa kami tahimik. Naiintindihan ko iyon. Bukod sa abala rin ako sa pagtitext kay Ma’am Avila at Raj, galit parin si Prince sa akin hanggang ngayon. But I want to be honest with him no matter the situation.

Nilingon niya ako. He looks a bit annoyed. Bumagsak ang mga mata niya sa cellphone na itinago ko.

“Tapos ka nang makipagtext sa lalaki mo?” aniya.

I texted Raj earlier. Pero ang huli kong katext ay si Ma’am Avila na. Pagod akong umiling sa kanya.

“Si Ma’am Avila ang katext ko. Prince, sinugod si Lola Brosing sa ospital…”

Bumaling siya sa kalsada at nagsimulang mag maneho ulit nang dumiretso ang traffic sa harapan. Nagpatuloy ako kahit mukhang hindi siya interesado sa sasabihin ko.

“Uuwi ako ng Costa Leona bukas…” sabi ko.

He remained silent. Nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada. Huminga ako ng malalim.

“Babalik din ako. Pasensya na. Mukhang makaka absent ako ng ilang araw para rito. Walang ibang katuwang si Ma’am Avila kundi ako.”
“Or maybe you are just making this as an excuse?” he accused me.
“Bakit ko gagawin iyon?” nahahapo kong tanong. “Mahal ko si Lola Brosing at kung gagawa ako ng dahilan, hindi ko kayang paglaruan ang kalagayan niya, Prince…”
“Tsss…”

Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. Kung ano ang iniisip niya at bakit iyon ang naging paratang niya sa akin.

He parked his car inside their house. Sa garahe pa lang, tanaw na sa hardin ang engranding rectangular table na hapag. Naroon na ang pamilya at kami na lamang ni Prince ang hinihintay.

I glanced at my phone to see Raj’s message.

Raoul:
Sasamahan kita.

I sighed. I can do it alone. I know he’s just worried about me, too. Hindi niya hawak ang isipan ng mga Riego, lalo na ang mga tao sa Costa Leona na galit parin sa akin hanggang ngayon. He’s worried for me but I know I can do it.

Nagkatinginan kami ni Prince habang nagtitipa ako ng sagot. Sa galit niya’y iniwan niya ako at nauna na siya sa hardin. Sumunod naman ako at narinig na ang bati ni Tita Sally para sa aming dalawa.

“My gosh! You’re late!” anunsyo ni Primrose sabay beso at yakap na rin sa akin. “Galing bang date?”
Umiling ako at ngumiti.

Bumaling si Primrose sa kapatid na malamig lamang ang turing nang naupo sa tabi ng ama. Tumawa si Prim at kunot-noong bumaling sa akin. I silently sat down beside Prince, too. Napansin agad ng mga tao ang medyo mababang mood ni Prince.

“What’s wrong, Prince?” si Tita Sally.
Tito Ton raised his glass to divert the sudden gloomy attention from us. “Let’s just all celebrate because Primrose is pregnant! Magkakaapo na ako!”

They raised their glasses. Sumabay na rin ako. Huli si Tita Sally at napilitan si Prince na gawin iyon.

“Yehey!” ani Primrose.
“Congratulations!”

I nodded at Arthur. Tumango siya pabalik sa akin bago sumimsim sa champagne na hinanda.

“I imagine your father very happy about this, Arthur?” si Tito Ton na ngayon ay pilit na iniiba ang usapan.

Ngumisi si Tita Sally at nakisali na rin sa usapan. Samantalang sa kuryusidad ay nakatitig naman si Primrose sa aming dalawa ni Prince. Pilit akong nakisabay sa pinag-uusapan sa hapag habang kumakain. Hindi naman kailanman nakisali si Prince. At si Primrose, nanatiling kuryoso sa amin.

Panghimagas na ang kinakain nang nakapagreply si Raoul. My phone beeped. I lowered it down. Lalo na nang naramdaman kong iritado na lalo si Prince dahil doon.

Ako:
Huwag na. Ayos lang ako.

Raoul:
I’m finishing all the meetings tonight. I’ll call you later so we can book our tickets. Please, let me go with you.

Ako:
Raj, please. I can do this. Hindi ko gustong naaapektuhan ka sa problema ko.

“So what is the score between you two? Mukha kayong mag boyfriend na nag-aaway, ah?” ani Primrose sa kalagitnaan ng ibang topic.

The forced topic immediately died down. At dahil tensyunado na kanina, natahimik ang lahat at napatingin na sa amin ni Prince. Alam kong gustong baguhin ni Tito Ton ang usapan pero dahil si Primrose na ang nagbukas, hindi niya magawang ibahin.

“Prim…” pigil ni Tita Sally.
“I just want to know, Mom. I mean…” Binalingan ni Prim ang mga taong kausap bago nagpatuloy. “We all know that Prince likes Soleil. And Leil… I don’t know…”
“Prim,” mababang boses ni Arthur ang sumaway sa asawa pero nagpatuloy ang buntis.

Handa na ako sa muling sasabihin. My line from the very beginning is the same and I don’t know why they don’t understand or remember it. Bago ko pa masabi ang estado ng pagkagusto ko kay Prince, inunahan niya na ako.

“She claims that she likes someone else…” ani Prince pagkatapos uminom ng champagne at binalik na sa hapag.

Namilog ang mga mata ko habang tinitingnan ang katabi. I have no intention in telling everyone that. Iniisip kong pwedeng si Prince lang ang sabihan ko noon, tutal ay siya lang naman talaga ang kailangan ng eksplensyon kung bakit hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya.

Now that he told them that, bahagya akong nagtampo kay Prince. Why would he do that?

Nang pasadahan ko ng tingin ang pamilya, nasa akin na lahat ng mga mata nila. Tita Sally looked shocked and offended. Tito Ton looked curious. At si Primrose ay mukhang bahagyang galit na rin.

“Well, it’s not a sin to like someone else…” ani Primrose sa tila pilit na tinig.

Napainom ako ng tubig. Nilingon ko si Prince na ngayon ay matalim ang titig sa akin.

Hindi ko pwedeng bawiin iyon dahil bukod sa totoo, ayaw kong magsinungaling. Ngunit kung hindi ko iyon babawiin, they would all ask me who it is. I want to keep it a secret but I know for sure they all won’t settle for it.

“Is it true, Leil?”

Huminga ako ng malalim at bahagyang tumango. Magpapaliwanag pa sana ako pero naunahan na ako ng medyo galit na si Prim.

“Sino?”

I don’t know how this dinner turned like this. Ayaw kong maging mapait ang kalabasan nito.

“P-Pwede naman siguro natin itong pag-usapan sa ibang pagkakataon-”
“Sino nga? Ang tagal nang nag-aantay ng kapatid ko sa’yo, ah?” Prim said in a more demanding tone.

Hinawakan siya ni Arthur bilang pag-awat. Tita Sally whispered something to stop her from lashing out, too.

“She’s just making it as an excuse to reject me…” si Prince sa tunog na nang aakusa.
Umiling ako kay Prince dahil totoo namang may iba akong gusto. Ibang mahal.
“Who is it, Prince? Kilala mo?” si Primrose sa kapatid.
“Hindi niya nga masabi sa akin. I am convinced now that she really is making up stories to-”
“Raoul Riego…” halos napapikit ako sa sinabi.

How ironic. Ako ang nagsabi kay Raj na fling lang kami dahil ayaw ko munang may makaalam sa amin. Ngayon, ako naman ang aamin na siya ang mahal ko. I don’t want to lie. At naiipit ako sa sitwasyon ngayon.

“S-Sino?” si Prim na ngayon ay bahagyang natigilan.

Tumuwid sa pagkakaupo si Tita Sally. Tito Ton sipped on his water. And Prince was a bit shocked with what he heard, kahit pa maliit lamang ang boses ko noon.

“R-Rao… Rieg-”
Hindi ko pa natatapos ay humagalpak na sa tawa si Primrose na tila ba kiniliti ng kung ano.

Yumuko ako at tiningnan ang panghimagas sa harap. Tita Sally smiled and laughed a bit with her daughter. At nang nilingon ko si Prince ay nakita ko siyang nakangisi na rin.

Para makumpirma ang reaksyon ng pamilya, iginala ko ang aking mga mata sa kanila. Kahit si Tito Ton ay umiling sa akin na parang hindi makapaniwala. Tanging si Arthur lang ang tahimik at seryosong nakatingin sa akin. The whole family is laughing at me like I told them a funny joke.

“So for sure you o-only have a crush on him, r-right?” sabi ni Primrose sa boses na nanginginig sa tawa.

Hindi ako nagsalita. Prince laughed more and shook his head. Paglingon niya sa akin ay binigyan niya ako ng titig na tila dismayado.

“Leil, do you mean Raoul Vesarius Riego of the VHRV?” nangingiting tanong ni Tita Sally.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kailangang ulitin iyon. Dinig nilang lahat pero mukhang hindi sila naniniwala. I like Raoul Riego. He’s not even hard to love. Kaya bakit hindi sila naniniwala na siya ang gusto ko?

“Leil…” natatawang sinabi ni Tita Sally.

Primrose laughed more. Hinawakan siya ni Arthur, pinipigilan sa pagtawa pero hindi nito magawa.

“The Riegos are… how do I explain this to you?” bigo niya akong tiningnan. “Radliegh Riego married Zariyah Leviste and Archer Riego married Nieves Galvez. I don’t think their first born would even…”

Hindi tinuloy ni Tita Sally ang sinabi niya. Yumuko ako. Pakiramdam ko, alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Ang pinakatuktok ng insekyuredad ko ang tinatalakay niya. Mahirap kung ako lang ang nagsisikap na mabawasan ang tiwala sa sarili. Kung ang ibang tao’y hindi kayang maniwala, napanghihinaan din ako ng loob.

“Come on! My brother is a Ledesma! Dapat ay masaya ka na sa kanya, Leil! Masyadong matayog ang pangarap mo!” sabay tawa ulit ni Primrose.
“Stop it, Prim. It’s just a crush, I guess…” natatawa ring sinabi ni Prince.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong pruweba sa kahit ano at hindi rin kami ni Raj kaya…

“Men like that don’t take relationships seriously, Leil,” si Tito Ton sa concern na boses.
“Yes, and here is my son serious about you… pero…” Umiling si Tita Sally bilang pahayag ng pagkadismaya.

I want to stop the conversation. I feel so down and awkward. Pero hindi ko alam kung paano sila pipigilan sa lahat ng mga sinasabi. Kaya naman nang may tumawag, hindi ko na tiningnan kung kanino galing iyon. Ang inisip ko lang ay ang makawala sa usaping hindi ko na gusto.

“Excuse me…” sabi ko dahil maingay na ang cellphone.

Hindi pa nakakalayo ay tinanggap ko na. The familiar rough breathing and voice told me that it was my father.

“Leil…” si Papa.

Halos matigil ang paglalakad ko palayo sa gulat.

“Napaka walang kwenta mo talagang bata ka, e, no?” biglang sigaw ni Papa.
“P-Pa…” nanginginig kong sinabi.
“Ikaw talaga ang nagsasabi sa hayop na Riego na ‘yan kung saan ako pupunta, ano?”

I was too caught up with everything. Hindi ako agad nakapagsalita. Tuloy-tuloy din ang sinabi ni Papa. Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko.

“Sabihin mo sa walang kwentang hayop na ‘yan na luluwas ako ng Maynila! Magtutuos kami! Papatayin ko siya gaya ng ginawa ko sa kanyang ama!” at sa huling sinabi’y naputol ang linya ng tawag ni Papa.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.