Sands of Time – Kabanata 35

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 35

Kabanata 35
Real

I am tired and limp. He silently cleaned me up until he was satisfied. Isang panibagong panty ang ipinasuot niya sa akin. Tinabunan lamang ang aking katawan ng makapal na kumot habang ihinihiga ang ulo a napakalambot na unan.

Lumalim pa lalo ang gabi at wala na akong plano pang umuwi sa condo. He claimed that he already texted Cresia so I have nothing to worry. Maaaring si Cresia na rin ang magsasabi kay Prince ng tungkol sa akin.

Huminga ako ng malalim at marahang dinama ang mga balahibo sa kanyang dibdib. Using my index finger, I traced the shallow valley in between his pectorials down to his abdomen and back.

This is Raoul Vesarius Riego, my one and only love ever since. Malayo sa akin. Imposibleng para sa akin. Hanggang pangarap lang dapat. Tinanggap ko iyon noon. Kaya ngayong nahahawakan ko siya ng ganito, at mahahawakan ko siya sa ano mang paraang gusto ko, hindi parin ako halos makapaniwala!

Marahan niyang hinuli ang kamay ko. Nagkatinginan kami. Dinala niya iyon sa kanyang labi. My heart pounded merrily when his soft lips tickled me with kisses. Pagkatapos ay iginiya niya ang kamay ko sa kanyang panga. Bumaba naman ang kamay niya sa aking palapulsuhan.

Banayad kong hinaplos ang matigas niyang panga. His smooth jaw told me that he really did shave his stubble. But, I can’t decide. Gusto ko rin siyang makita na may ganoon.

Pinaglaruan niya ang bracelet sa palapulsuhan ko at hinaplos na rin ang namumulang marka nito. I don’t remember how I got the red marks but all I know is that it’s from our passionate night.

“Does it hurt?” he asked, seriously.
“Eto?” I asked him back, confirming if he means the red marks.

His mouth twisted, trying to hide the smile with a serious and angry expression. I immitated his expression. I know what he’s thinking.

“Kung eto, hindi naman,” sagot ko.

He then pulled me closer. His arm is on my pillow kaya madali lang niya akong mapapalapit sa kanya.

“I tried hard to be gentle…” he whispered on my ear.

Ang isang braso niya ay inangkin na ang aking dibdib at niyakap na ako ng medyo mahigpit. His heavy leg covered my legs. He pushed it to close the gap of my knees.

I pouted. I am sore down there. May mga namula rin sa aking katawan gaya na lamang nitong sa palapulsuhan pero hindi ko naman ramdam ang sakit doon kaya okay lang. And besides… I love everything that happened. Kahit pa masakit at halos maiyak ako.

“Okay lang. Next time… hmmm…” hindi ko maituloy ang sasabihin.

His nose carressed my cheek and my ear.

“You want a next time, huh?” aniya.

I twisted my lips. Unti-unting nangibabaw ang hiya sa akin. Pumikit ako ng mariin. Alam kong nakatitig siya sa akin. He chuckled.

“I can’t just stop myself. You make me lose my control,” napapaos niyang sinabi.

Tiningnan ko ang braso niya. Marahan ko ring hinawakan iyon. Dahan-dahan, isa-isa ang mga daliri na dumapo sa tigas ng kanyang braso. I still can’t process it all. I can touch him whenever I want wherever I want. Ang dating pinapangarap ko lang, ngayon nasa harap ko na.

And for a moment, we remained that way in silence. Tanging ang paghinga lamang ang naririnig naming dalawa. I thought he’s asleep. Nang nilingon ko siya’y nakatitig lamang siya sa akin, tila ba hindi makapaniwala na naroon ako. Hinaplos niya ang aking buhok habang nanatili kaming tahimik pareho.

“Sandali lang, babangon lang ako…” sabi ko nang kinain na ng kuryusidad.

I am wide awake now. Tired and sore but there are so many things inside my head. It won’t let me sleep. Inangat niya ang kamay niya at hinayaan akong makawala.

Dahan-dahan akong bumangon. He sighed heavily, just watching me move a bit. Nang naparte ang aking mga hita para sa pagbaba sa sahig ay naramdaman ko ang hapdi. Napapikit ako ng mariin at napatigil dahil doon. His large hand immediately covered my waist. Naramdaman ko ang pagbangon niya.

“A-Ayos lang ako,” sabi ko at pilit na inangat ang sarili para ipakita na ayos lang talaga ako.

It hurt, alright. But then I can walk a bit, just slowly. Nakatapis sa akin ang isang manipis na kumot at hinayaan niya akong kunin iyon doon para lang maitapis sa sarili. With my long brown hair freely falling behind me, the white cloth covering my whole body making it look like a small pyramid with my head on top of it, I started walking around the bed slowly.

Nakaupo na si Raj sa kama. His upper body is naked. Natatabunan naman ang kanyang baywang pababa ng puting kumot. Sinundan niya ako ng tingin sa ginagawa ko.

“We still have to talk,” I hear the slight pang of fear in his voice. “You can’t go…”
Umiling ako. “Hindi ako aalis.”

Unti-unti akong lumapit sa salaming pintuan na ipinapakita ang kabuuan ng masiglang syudad. Kahit gabi, punong-puno ng ilaw ang natatanaw ko. Hindi ganito katayog ang condo ko at iba pala ang pakiramdam kung nasa pinakatuktok ka ng isa sa pinakamatayog na building sa lugar na iyon.

Bumaba ang tingin ko sa lock ng pintuan. Using my right hand, I clicked it so I can have a clearer view of it all. Nang umapak ako sa balkonahe ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. I shivered the moment I realized that even the sheets can’t handle the cold.

Sa malamig na mga paa, lumapit ako sa konkretong barandilya ng balkonahe para mas matingnan ng mabuti ang mundong tingin ko’y hindi para sa akin. The wind blew my hair slowly, reminding me that I am naked.

Dalawang upuan ang nasa tabi ng bilugang lamesa. Naisip kong lumapit pero nanatili ang mga mata ko sa kabuuan ng syudad. The lights glittered differently. Ang mga matatayog na building sa harap ay nag-uunahang abutin ang langit.

Naramdaman ko agad ang init ng katawang nasa likod ko. Bago ko pa malingon ay niyakap na ako ni Raj galing doon. He’s already dressed with a white cotton t-shirt and cotton shorts, too. He inhaled the scent of my hair making me move a bit bracing the sensation of his lips.

“Do you like this view?” he asked huskily.

Marahan akong tumango. Tumingala ako at nakitang ilang palapag na lang ay dulo na ng building. He’s on the topmost floor. This is the second floor of his penthouse. At kanina, kahit sa dilim ay nakita ko sa pasilyo ang isa pang hagdanan at tingin ko’y patungo iyon sa pangatlong palapag na parte parin ng kanyang pag-aari.

Nawala ang lamig na nararamdaman ko dahil sa init ng kanyang yakap. And I wonder if he is cold, instead. He is sheltering me from the cold, even when he’s cold, too, for sure.

“Ang laki pala talaga ng mundo…” I said randomly.

Hindi ko maikakaila na noon man, akala ko ang Costa Leona na ang mundo ko. Nang lumaki at napunta ako sa Iloilo, I never asked for anything more. Alam ko na malaki ang mundo pero hindi na ako nangarap pa. I was contented where I was. Just enough for me, even though I know there are so many things to explore.

“There are bigger cities than this, Leil,” he said slowly.

Tumango ako. I’ve read it on books. Nasabi rin ni Primrose at Cresia sa akin. The Ledesmas go abroad sometimes and I see it on pictures. Nang sinabi ko noon kay Prince na gusto ko rin makita ang ganoong tanawin o makapagtrabaho sa ganoong lugar, sinasabi niya sa akin na tama na sa akin ang Iloilo.

Now, I’m here because of Prince. I thank him for letting me see a bigger and more wonderful world. Chaotic but beautiful.

“We’ll spend all our days going from cities to cities. Sabihin mo lang sa akin kung saan mo gustong pumunta.”

My face heated at his words. Hindi ko alam bakit nasasaktan ako. Gusto ko iyon, Raj. Hindi ko alam na pwede ko palang pangarapin iyan. Akala ko, pili lang ang pwedeng pangarapin ng mga tao. Akala ko may limitasyon lang ang pangarap ng isang tulad ko.

“Gusto kong… puntahan ang mga napuntahan mo na,” tanging nasabi ko.

I remember dreaming of being with him wherever he goes. I remember thinking about it over and over again. Na anong pakiramdam kung kasama niya ako sa lugar kung nasaan siya. Dahil ngayon, pakiramdam ko, ito ang pinakamagandang tanawin para sa akin. Dahil kasama ko siya. Dahil sa wakas, nagkatotoo ang noo’y iniisip ko lang.

“Okay, then. Let’s start with the nearest countries,” he said.

Ngumiti ako at narealize na kahit sinasabi niya na, parang imposible parin. Paano ang trabaho naming dalawa?

Paano…

Paano kami? Paano ang mga tao sa aming paligid?

Paano ang hustisya na kailangan ng pamilya niya? Paano ang pamilya niya? Paano ang kanyang Mama? Paano ang lahat?

I sighed heavily thinking hopelessly about it. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa akin at pilit na tiningnan ang aking mukha.

“I’m serious, Leil,” he said.

Yumuko ako at tiningnan ang kanyang mga braso na nakapulupot sa aking katawan. Kinalas niya ang yakap sa akin at hinila niya ako patungo sa upuan. Naupo siya roon. With his thighs spread apart, he pulled me to him.

Iginiya niya ako sa pag-upo sa kanyang kandungan. My feet went cold from all of it. Naramdaman niya iyon kaya sinalo ng kanyang mga paa ang akin para makaramdam ako ng init sa kanyang katawan.

He hugged me tighter while we were sitting. Hindi ko maikakaila na mas mainit nga kapag nakaupo kaming dalawa.

Nanatili ang mga mata ko sa tanawin. Siya naman ay nanatiling nakatitig sa akin. He sighed heavily again. Like something is really bothering him.

“I want to know…” sabi niya habang inaayos ang konting tikwas ng mga takas kong buhok.

Nilagay niya iyon sa likod ng aking tainga. Then his hand went to my chin for a little carressing.

“Where do I stand in your life?” he asked huskily.

My heart thudded very loud at his question. Bumaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

“Jesus, I sound desperate!” he murmurred.

Parang nilulukot at tinarakan ng punyal ang aking puso. My face heated so much that I couldn’t even try to look at him. Nakabawi siya at muling nanatili ang titig sa akin.

“What am I to you?” mas paos niyang tanong ngayon.

Pinaglaruan ko ang bracelet ko. Hindi ko sigurado kung kaninong puso ang nararamdaman kong sobrang bilis at lakas. Kung sa akin ba. Sa kanya. O sa aming dalawa… sabay.

“You can’t take back what you said. You just told me that you’re mine! And I am fully giving you all of me, Leil,” aniya.

He murmurred some curse words again. Nararamdaman ko ang frustration niya pero alam kong maiintindihan niya ang mga dahilan ko.

“And…” he whispered. “You said we can make love again next time. Hindi mo gagawin iyon kasama ang kaibigan mo… o kakilala mo lang, Leil. It has to be with your… boyfriend… though, in fact, it should only be with your… husband,” he said with an emphasis to the last word.
“H-Huh?!”

Para akong natunaw. My heart beated wildly at the thought of him marrying me! No! Hindi niya sinabing gusto niyang pakasalan ako pero bakit iyon agad ang naisip ko!?

Ang imahe ng hindi kilalang babae na naglalakad sa altar patungo kay Raj, habang ako’y pumapalakpak at masaya para sa kanya, ay unti-unting napapalitan ngayon. Nakakahiyang isipin at aminin na masyado na talaga yata akong matayog mangarap ngayon! Hindi na makuntento sa konting atensyon na ibinibigay niya! Gusto na ang lahat ng sa kanya!

But it will be really hard! I know he knows that!

“Baby, you know where this will lead to…” he whispered softly. “I can’t be your boyfriend forever. I will marry you…”

My breathing hitched. I am literally panicking right now. Tingin ko ay pansin niya iyon kaya mas lalong itinama ang sinabi. Mas lalong kinlaro! Kaya mas lalo tuloy akong nataranta!

Is this real?

“Tell me we’re back together right now, please…” punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang tinig na pakiramdam ko’y mahihimatay na ako.

Kinalma ko ang sarili ko at kinagat ko ang aking pang ibabang labi. Kanina ko pa ito naisip at may desisyon na ako para sa aming dalawa. I just don’t know if he will like it or he will settle for it. Pero sa ngayon, alam kong hindi pa tama.

I want him but we can’t tell everyone that we’re together. Hindi pa nahahanap si Papa at wala pang hustisya ang kanyang pamilya. At kahit mahanap man si Papa at magkaroon ng hustisya, hindi parin ako sigurado na matatanggap ako ng kanyang pamilya.

“Para n-na rin namang tayo…” marahan kong sinabi habang inaabala ang sarili sa paglalaro sa bracelet.

Hindi ko na hawak ang kumot ngayon kaya bahagya itong bumuka, revealing a bit of my chest. Si Raj na ang mismong humawak sa kumot para matabunan ang buong katawan ko.

“I want the label. Hindi pwedeng ganito, Leil.”
I sighed. “Hindi pa ako handa para magka boyfriend.”

He stiffened at that. Ngumuso ako at nanatili ang mga mata sa kawalan. My heart is aching and bleeding but I am happy for whatever reason. I am extremely happy.

“Really…” his tone went darker and lower. “You’re using that line for me…”

I pouted more when I realized that he’s right. He muttered more curses.

“Kung ganoon, maghihintay ako…” he said huskily.
Umiling ulit ako. “Pero… pwede tayong…”

Hindi siya nagsalita. It was like he’s looking forward to whatever I am going to say. Natakot tuloy ako na madismaya siya masyado sa offer ko sa kanya.

“Fling muna…”

He did not react immediately but after a long while, he gave out a low growl of laughter. Uminit pa lalo ang pisngi ko sa kahihiyan sa offer ko para sa kanya. He hugged me tighter and shook my body a bit. I can sense that he’s growing a little impatient.

“Do you even know what you’re talking about, Leil? That’s not what I want us to be!” he said in another frustrated but humorous tone.
“Alam ko ‘yan. Ganyan ang ginagawa kapag gusto mong parang kayo pero ayaw mong may makaalam o… at… walang commitment-”
“But I want your commitment. I gave you mine!” paliwanag niya.

Hindi na ako nagsalita. Alam kong hindi niya magugustuhan ang offer ko.

“And I’m done with the secret thing about us! I want everyone to know, baby. But if you want so much to still keep us a secret, then, I will try my best! Please, I don’t want flings with you.”




Hindi parin ako nagsalita. Konting-konti na lang talaga makukumbinsi na ako ni Raj. Mahirap ang ganito. Mahirap kapag alam mong gustong gusto mo rin ang gusto niya. Pero kung walang mag-iisip sa amin ng tama, at puro nararamdaman lang ang paiiralin, mahihirapan kaming dalawa.

“I want a fling,” tanging nasabi ko pagkatapos ng ilang sandali niyang pag-aabang.

He groaned. Tumingala siya, tila nauubusan na talaga ng pasensya. Pagkatapos ng ilang sandali muling katahimikan sa aming dalawa ay ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

“You want me to be your boytoy, huh?” he said with anger dripping like acid.
“Kung ayaw mo-”
“Fine. If that’s what you can only offer, I’ll take it!” he whispered on my neck.

Napapikit ako ng marahan. Nabunutan ako ng tinik doon. Akala ko mag-aaway kaming dalawa dahil doon. O papaalisin niya ako rito at hindi na kami magkikitang muli dahil don! I was prepared for the worst!

“I’ll take anything you’ll offer for me, anyway…” he said in a weaker tone.

We remained that way for a long while. Tinitigan kong muli ang dagat ng mga ilaw sa aming harap. I wonder if we can ever have a normal relationship? The one involving our families happy for us. Not that I have anyone but… I have Lola Brosing and Ma’am Avila, the Ledesmas, and Cresia.

“But I am your boyfriend,” aniya.
“Huh?” sumulyap ako sa kanya.

Nakatitig na rin siya sa akin ngayon, seryoso. Ang kanyang mga mata ay punong puno ng hindi ko mapangalanang emosyon. It was like devotion with pride, and so many other feelings that I couldn’t fathom.

“For me, I’m your boyfriend. You’re not a fling. You are my girlfriend.”

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. May naaalala.

“Pero kung tatratuhin mo ako gaya ng trato mo sa mga ka fling mo, okay lang-”

He put his palms on my lips softly trying to stifle my words and he was successful. Hindi ko na nadagdagan pa ang aking mga salita.

“I never treated you that way. And I will never, Leil. Girlfriend kita. And it won’t be long until we step this up. Kaya… huwag mo akong paglaruan ng ganito,” he said like I am the evil one.

Though, maybe. Maybe I am. Maybe he’s right. Kasi ako ang may gusto nito.

Binaba niya ang kamay niya sa aking dibdib. Wala na akong sinabi. Hindi na rin muna siya nagsalita. Just his little sighes every now and then. His hairy legs playing with my cold feet and his lips kissing my nape softly. Bawat ilang segundo ay naninindig ang balahibo ko.

Bumaba ang kanyang isang kamay sa aking tiyan. Hinagod niya iyon ng ilang sandali hanggang sa unti-unti kong natanto kung ano ang maaaring iniisip niya. Bago ko maisatinig ay nagsalita na siya.

“You’re worried about my family,” he stated.

My other thoughts blanked. Alam naming dalawa iyon. Hindi niya na kailangang magtanong. It was like a silent language between us. We don’t have to talk about it. We knew what was the problem and we knew how to solve it. Hindi nga lang ako sigurado kung talaga bang matatapos ang lahat ng iyon kapag nahuli na si Papa.

“Naiintindihan ko ang pamilya mo, Raj…” sabi ko.
“But they have no choice when you are my choice,” mataman niyang sinabi.
Maagap akong umiling. “May karapatan silang lahat na magalit sa akin at kamuhian ako. Raj, anak ako ng taong…”

Tears formed beside my eyes. Tumigil ako para pigilan ang panginginig ng boses ngunit nang nagsalitang muli ay ganoon parin.

“T-Taong pumatay sa Papa mo!”

Tears rolled down my cheeks. I know he’s affected even when he says he’s not. Or pretends he’s not. He buried his face on my hair and renewed his embrace again.

“Ang taong lumabag sa Mama m-mo…”

Humikbi ako. Umahon siya at dinama ang aking pisngi para mapalis ang luha roon. He positioned me properly in his side view para mas madali ang tinginan namin at mas mapadali rin ang pag punas niya sa luha ko.

“Pero hindi ikaw ‘yon…” diniinan niya ang bawat salita na tila ba matatanggal ang galit ng pamilya niya sa akin kung ganoon ang gagawin niya.

Tinitigan ko siya. He wiped some of my tears away. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa mga luhang pinapalis niya.

“Pero galit parin sila, hindi ba? At hindi ko sila masisisi, Raj. Kahit ikaw, hindi ko masisisi kung nagalit ka sa akin… o kung gusto mo akong patayin-”
“They will understand it eventually!”
“At habang hindi pa, ano? Gigipitin ka lang muna? Tatanggalan ka ng karapatan sa inyo?”

Kahit sa dilim, sa mumunting ilaw lang na nagliliwanag, at sa buwang nasa itaas, nakikita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Paulit ulit at mariin. Pakiramdam ko’y nagulat ko siya. Hindi ko kailanman sinabi sa kanya na alam ko ang nangyari noon. Na kaya kami naghiwalay noon ay dahil dito.

Though, for sure it was one of his guesses. Pero paano niya maiisip na alam ko kung hindi niya kailanman sinabi sa akin na nahihirapan siya sa kompanya o sa trabaho? Na nagalit sa kanya ang pamilya?

Unti-unti kong iniwas muli ang aking tingin sa kanya. I suddenly feel guilty that I did not tell him about the reason why we broke up years ago.

“I know this is one of the reasons why you broke up with me years ago,” aniya sa isang malamig na tono.
“This is… the only reason why, Raj,” pagtatama ko.

Pumikit siya ng mariin. When he opened his eyes, a new level of anger were on it. He snaked his hand on my waist and pulled me closer to him. Kapag gumalaw pa ako pakaliwa ay tatama na ang kanyang labi sa akin kaya hindi muna ako gumalaw.

“Sorry. Alam kong ‘di mo ako papayagang umalis k-kung iyon ang s-sinabi ko…” I said guiltily.

Nilapit niya ang labi niya sa aking tainga. Akala ko hahalikan niya ako pero nagkamali ako.

“Don’t fucking do that again.”
“I’m sorry,” I said miserably. Mas bigo pa kanina.

He pulled me closer and he rested his nose on me cheek. The silence stretched again while the night is slowly getting old.

“Buti alam mo na hindi kita pakakawalan kung ganoon ka babaw ang rason mo.”

Hinampas ko ang braso niya. I know he’ll get mad but I never thought he’d say those words!

“Mababaw? Para iyon sa’yo!” giit ko.
“Kaya kong makuha ulit ang mga kompanya. Kaya ko ring magsimulang mag-isa. I was taught independence at an early age, I am very sure I won’t fail in anything. You should’ve trusted me more!”
“P-Pero-”
“We wasted years without each other! I was almost angry with you! I thought you fell for someone else just because I am busy with my fucking work!”

Natutop ko na lang ang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang nanginginig niyang galit.

“I even thought my baby fucking cheated on me…” he said weakly.
Umiling lamang ako, takot na kung magsasalita pa ay mas lalo siyang magalit.
“But I know you never got involved with anyone. Not even that boy.”

Yes, Raj. Because maybe, I will be just hopelessly in love with you eternally. Kasi noon pa lang, baliw na ako sa’yo. Ngayon, lalo. At siguradong sa mga susunod na taon, mas matindi pa.

“Subukan mong gawin ulit sa akin ‘yon, Leil. Makikita mo…” banta niyang nagpakaba at nagpasakit sa aking puso.

Mabilis ang kanyang hininga. Ramdam na ramdam ko ang galit na namuo kanina. At ramdam ko rin ang pagkokontrol at pagkakalma niya sa kanyang sarili. Hinaplos ko ang kanyang braso. He then kissed my cheek slowly until he found my lips. He kissed me tenderly until he found peace in his own emotions.

“I’ll find your father. We’ll end it all. And you’re going to marry me,” aniya.

Ayaw kong isiping muli ang eksenang kanina pa naglalaro sa isipan ko. Soleil, not clapping on his wedding day. Soleil, not away, broken and hurt because he’s getting married. But… Soleil, the bride… his bride.

“Hindi tayo sigurado kung mapapatawad ako ng pamilya mo kapag nahuli na ang Papa ko, Raj.”
“My mother will eventually accept it. My family will eventually support-”
“Paano kung gipitin ka ulit-”
“Wala akong pakealam sa ibang bagay, Leil.”

Huminga ako ng malalim at nagpaubaya na lamang. I don’t always find peace in this life but incredibly, even with all the problems we have… I found peace right now.

Tumingin ako sa buong syudad. Humilig at nagpaubaya ako sa dibdib ni Raj. Smelling his wonderful manly scent made me feel secure for whatever reason. It made me forget about anything.

I rubbed my cheek on his chest and he renewed his embrace to me again. Hinaplos niya ang aking buhok. Pumikit ako ng marahan, finally feeling at peace and ready to rest.

He has Riegosteel but I cannot tell if he can still have it kapag nalaman ang tungkol sa akin. At nagrerepresent na rin siya sa VHRV, ang pinakamalaki sa Riego Industries. Ibig sabihin, naghahanda na rin si Ares Riego, na ipasa kay Raoul ulit ang pamamahala noon. And all of that just because they think we’re over years ago.

“I can’t start on my own. I can easily do it. Just trust me.”

I have no doubt about that. A Riego, his calibre, and most especially Raoul Vesarius Riego, can surely do whatever he wants and still end up successful.

But it hurts me everytime I think I complicate his life that way.

“No matter what, I have to have you,” he whispered.

My heart ached at that. Nalukot ang mukha ko sa sakit ng naramdaman. Sa sakit sa tinig niya. Sa sakit para sa aming dalawa. I buried my face on his chest and inhaled his scent. I want him on my system forever. I want him to rule my senses… I want him to flow in my veins. I just simply want him.

“And you have all of me. From the very beginning.”

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanya.

“Sa’yong sa’yo lang ako. Kahit anong mangyari, sa’yo lang ako.”

It was very comforting to fall asleep it his arms. At unti-unting dumilat ang aking mga mata nang nilapag niya ako sa kama. Ngunit natulog din ulit ako nang naramdaman ang yakap niya at ang buntong hininga sa aking tabi. Knowing that we are together, even amidst the chaos, is comforting me… making me at peace.

Gaya ng tanawin sa labas. Kahit gaano kagulo, maganda parin. Kahit gaano ka masalimuot, sa huli, magiging payapa rin. And I hope against all hopes that when I wake up tomorrow, this isn’t just another dream. Another of my make believe. Another of my most private daydreams. Because Raj feels so real… my feelings for him feels more real than anything in my life.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.