Sands of Time – Kabanata 33

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 33

Kabanata 33
World

Raoul’s dark eyes bore into me lethally. Pinili ko lamang ang mga sinabi ko. Tanging ang impormasyong mahalaga lang ang sinabi ko.

“Are you okay?” Raoul asked after everything.
Tumango ako, medyo kalmado na.

He nodded back pero nanatili ang naninimbang na titig niya sa akin. He put his phone on his ear for another call.

He informed his men about it. Na tumakas si Papa at wala siya sa Bicol kundi nasa Tuguegarao. Hindi ko na sinabi kay Raj ang tungkol sa sinabi ni Papa sa akin.

“Haaay, Leil. Anak nga talaga kita. Anak ka rin talaga ni Sol. Tapunan mo lang ng Riego sa harap, agad na luluhod, patay na patay, at susunod sunod, gaya ng nanay mo…”

Ang sinabi niyang iyon ay nanatili sa aking isipan. Raoul thinks I’m a little preoccupied with my father’s call and I admit it, I am. Pero hindi sa nasabi kong rason kundi sa mga kwento niya sa akin tungkol kay Mama.

My mother was that inlove with Hades Riego na kahit tinataboy na umano siya ni Hades, humahabol parin. Hades must think that my mother was pathetic. Naiiyak kong naisip ang maamong mukha ng aking ina na nakita ko lamang sa mga picture, mahal na mahal ang isang Riego.

Hindi mabuti ang ipilit ang pagmamahal. I know she gave up eventually and had my father and me. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Sa pagmamahal ko sa isang Riego. Hindi ko makitaan ng mali.

The week continued. Nagpaalam si Raoul sa akin na may pupuntahang kasal. He assured me that we will communicate, gaya noon. Kahit pa ilang araw ang magdadaan. And he was always true to his promise.

Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos mabasa ang text ni Raoul. Napaangat ako ng tingin kay Prince na nasa harap ko at nakatitig. Tahimik siyang uminom ng tubig. Nagsabay kami ng dinner gabi ng Wednesday. Kasama namin si Tito Ton at Tita Sally sa isang restaurant malapit lamang sa aking condo.

“I am very, very pleased, Leil. Everything is very smooth!” ani Tita Sally.

Ngumiti ako at tumango pero inilipat agad ang tingin kay Prince na ngayon, busangot ang mukha.

Bumaling si Tita Sally kay Tito Ton at sila naman ngayon ang nag-usap.

“So… you are still texting your boyfriend, huh?” Prince said accusingly.

Binaba ko ang mga kubyertos. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

“Who is it, Leil? Why can’t you tell me?” he said bitterly.

Sumulyap ako kina Tita Sally at Tito Ton na abala ngayon dahil may nakitang kaibigan. They greeted each other. Bahagya rin kaming pinakilala at pareho naman kaming ngumiti ni Prince.

“Ang panganay n’yo na ba ang susunod?” sabi noong babae.

Tumawa si Tita Sally at pabirong hinampas ang babae.

“Hindi pa, ‘no!”

The woman raised her camera. Mabilisan niya kaming inutusang dalawa ni Prince na tumayo at magpapicture. I don’t what’s up but I did it politely. For the picture purposes, hinawakan ni Prince ang baywang ko. Nakangiting tumingin si Tita Sally at Tito Ton sa amin habang kinukuhanan.

Nang matapos ay bumalik muli kami sa aming mga lamesa at nagpatuloy sa pagkain. Si Tito Ton at Tita Sally naman ngayon ang kinuhanan noong babae. Prince eyed me with his usual doubtful eyes.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Halos magpasalamat ako na hindi na binalik ni Prince ang usapan sa tanong niya kanina pero ilang sandali lamang iyon.

“And you really think that boys these days are serious when it comes to relationships, Leil?” he whispered at me mockingly while the Ledesma couple are busy again with someone else.
“Prince, wala akong-”
“Hanggang kailan ka magsisinungaling sa akin?” he cut me off.

Nanatili na lamang ang titig ko sa kanya. He wiped his mouth. Uminom muli siya ng tubig bago nagpatuloy.

“Ikaw na nga ang nagsabi na may mahal kang iba, hindi ba? Tingin mo mahal ka rin noong mahal mo? Tingin mo hindi ka niloloko, Leil?”

I swallowed hard. My head was already filled with so many negative thoughts that Prince’s statement hurt like a punch for me.

“Walang nagseseryoso ngayon, Leil. At kilala kita, you’re naive and innocent. Too innocent that I think you are an easy prey for boys who-”
“Hindi ganoon, Prince,” I cut him off to save myself and my mind.

Masyado nang marami ang gumugulo sa utak ko ngayon pero nananaig ang tiwala ko. Though at some point, I am not sure if it really is trust or I am just too in love, like how my father described my mother?

“Look, Leil. You come from the province. You weren’t exposed to cities before Iloilo. And even at school, I forbade you to interact with boys so how will you know? Huh? At kung totoong hindi ka niloloko niyang kung sino mang lalaki mo, sabihin mo sa akin, bakit hindi ko iyan kilala at bakit mukhang siya rin, walang planong ipakilala ka?”

Kahit anong ilag ko sa mga patama niya, alam kong nanunuot ang mga salita ni Prince. Hindi ko gustong maipakilala ako o ipakilala si Raoul. Naging kumplikado noon ang sitwasyon naming dalawa at ayaw kong magkaganoon ulit ngayon. Hindi ko kailanman inisip na ayaw ni Raj na ipakilala ako kahit kanino.

Though, maybe, deep within him he doesn’t want to hurt his mother. Natural iyon dahil Mama niya iyon at ang malaman na ako nga ang karelasyon ng anak ay masakit.

Prince laughed mockingly.

“Napapaisip ka, ‘no? Nararamdaman mo ba, Leil? Whoever that is, he’s probably just using you-”

Natigil si Prince nang balingan kami ni Tita Sally at Tito Ton upang ipakilala ang bagong nakita sa parehong restaurant. We greeted politely pero nagkatinginan kami ni Prince.

“I heard your new hotel will be built by the VHRV. Totoo ba iyon?” may halong puri ang sinabi noong kausap ni Tita Sally.

Napabaling ako roon. Si Prince naman ay nanatiling nakamasid lamang sa akin.

“Oo, e.”
“Naku! So that project will be huge, huh? Kapag ang mga Riego na talaga ang gagawa.”
“Oo! We really wanted this so much even before. Buti at na close ni Primrose at Arthur ang deal sa kanila!”
“Their heir is still very single. Nirereto ko nga sa pamangkin ko, e. Kaya nandon siya ngayon sa family gathering nila. Sana magkaigihan,” magiliw na kwento ng kaibigan ni Tita Sally.
“Oo at ang gwapo pa noong Raoul Riego,” si Tita Sally naman.
“Men like that…” sabay iling ni Tito Ton. “Hard to please. Girls flock to their feet. Everything comes easy for them kaya mahirap makahanap ng talagang magugustuhan nila…”
“Based on experience, Ton?”

Nag-iba ang topic nila at nagtawanan na kaya ibinalik ko ang mga mata kay Prince. Prince gave me a dismayed look. Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita pa laban sa mga sasabihin ni Prince.

“If you get hurt because of that, I’m sure you’ll cry and tell me I was right all along, Leil.”

Maybe, Prince. Maybe, you’re right. Maybe, like my mother, mabibigo rin ako. Iiyak. At sasabihin ko sa’yong tama ka.

Naiintindihan ko ang lahat ng iyon. Sa sulok ng aking puso, may matinding pangangamba ang nararamdaman ko, hindi ko iyon maitatago. And with the words of other people, from their experiences, I know that they can be right.

Thursday lunch, lumabas ako ng opisina para makapaghanap ng pagkain sa baba lamang ng building kung saan maraming fast food. Madalas kasi nagpapabili na lamang ako kaya ngayon, ako na mismo ang sumadya para roon.

Abala ang mga tao. Ganito pala pag lunch dito. Sobrang dami ang pumipila at maingay na ang fast food. Tahimik akong pumila. I smiled curtly at those who were courteous enough to me. At nakipag-usap din sa mga nauunang nakikipag-usap sa akin.

Hirap akong makakuha ng upuan. Nagsisi tuloy ako na pinili ko rito kumain na pwede namang i take out na lang at sa opisina na lang. Nandito na ako kaya wala na akong magagawa.

“Miss, upo ka rito oh. Walang nakaupo riyan!” sabi ng isang lalaki.

Dala sila sa lamesang pang apatan. Ngumiti ako at lumapit na roon. At least, some are kind enough to offer.

Ngumiti ako sa kasama noong lalaki na nakatitig lang sa akin. The one who offered me was smiling widely.

“Salamat,” sabi ko.

The man started talking to me. Nagtanong siya kung saan ako nagtatrabaho at nalaman ko naman na sa ibang kompanya siya pero sa parehong building ko lamang. I couldn’t finish my meal fast because the man was talking too much.

Natigilan lang ako sa ngisi at tawa nang nakita ang isang pamilyar na babae sa linya ng mga bibili ng pagkain. Naaalala ko siya. Isang alaala ang kumakaway sa kadulo-duluhan ng isipan ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. She changed. She matured. But I can still clearly remember what her prominent features were. Ito iyong babaeng sinama ni Raoul sa kamalig ilang taon na ang nakalipas.

Now she looks like a model. Napapatingin halos lahat mapababae man o lalaki sa kanya. She’s wearing a dark blue tight dress and her hair was up in a ponytail. Ibang-iba ang ayos niya sa lahat ng nandito at nakita kong may iilang bumati, tila nagbibigay ng respeto sa kanya.

After ordering her food, she strutted towards the table where I was. Kabadong kabado ako lalo na nang nagtama ang tingin namin. Masyado akong titig sa kanya, puno ng pagkamangha at gulat. Maaaring hindi niya na ako maalala pero ang titig ko’y nakakuha ng atensyon niya.

Lalagpasan niya na sana ako pero nakita ko ang pagkakaliwanag sa mukha niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Tumigil siya sa lamesa ko at itunuro niya ako.

“Hindi ba ikaw iyong batang taga Costa Leona noon?” she asked a bit hesitant.

Kinagat ko ang labi ko at marahang tumango. She eyed me from head to foot, then she smiled. Ngayong mas malapit na siya sa akin, mas lalo ko lang naalala ang lahat.

The way Raoul kissed her. The way she looked happy when he did. The way his muscles firmly protruded when his hands reached for her. Lahat ng iyon, bumalik sa akin. Ang naramdaman ko noong bata pa ako hanggang sa noong unti-unti nang namulat.

“Oh my! You’ve grown! At hindi ko inaasahang dito tayo magkikita ulit. Do you remember me?” she asked.
“Oo…” sabi ko.

Mas lalo siyang ngumisi.

“Ikaw iyong batang naninilip sa amin ni Rao, hindi ba?”

Hindi ako makapagsalita. Kunot-noong nakatingin ang mga katabi kong lalaki sa kanya. Iginala niya rin ang mga mata sa dalawang lalaking katabi ko. She smirked evilly after that.

“I heard things about you, but I’m not quite sure…” nag-isip siya at sa huli ay ngumisi ulit.

She crouched. Sa gulat ko’y bahagyang namilog ang mga mata ko. She’s taking my personal space so she can whisper more without being heard by anyone.

“Alam ba ng mga Riego na nandito ka? Hindi ba pinapahanap ka at huhulihin dapat?”
Mabilis akong umiling.
“Or maybe they are just buying their time, huh?”
Nagkibit siya ng balikat. Tumuwid siya sa pagkakatayo at ilang sandaling ngumiti bago nilagpasan ang lamesa ko.

“Ayos ka lang ba?” the man beside me asked.

Ilang saglit pa bago ako nakabawi. At nang nakabawi ako, tango lamang ang tanging naipakita ko. I am very nervous for some reason. Makahulugan ang mga binitiwang salita noong babae. Lagi akong bumabalik sa pagdududa ni Papa. Laging nahahaluan ang isipan ko ng pagdududa sa lahat ng nangyayari.

Hindi ko alam ang gagawin ko, iyon ang totoo.

It is very painful to think ahead of it all.

Posible ang lahat. Pwedeng ginagamit ako ni Raoul. Nakikipaglapit siya sa akin at sa huli’y sasaktan ako at mahuhuli na si Papa. Wala akong reklamo sa kagustuhan nilang makaganti at makamit ang hustisya pero kung ganoon nga, paano ko pa ipapaliwanag na wala akong kinalaman sa nangyari noon?

Raj has all the reasons to fool me. Gaya ng sinabi ng mga tao sa paligid ko, ang katulad niya’y hindi basta-basta nahuhulog sa kung kani kanino lang na babae. Men like him are dangerous. They play and leave, gaya ng sinabi ni Cresia. Kaya anong espesyal sa akin at bakit siya nananatili?

Dito ko masasabi na ang tanging espesyal lang sa akin ay ang pagiging anak ni Balthazar Cervantes, ang lalaking kinamumuhian niya. Ang pumatay sa kanyang hinahangaang ama.

The Riegos can kill me but they wouldn’t because my father calls me. They need me.

Through the strands of my brown hair, I watched the glittering lights of the whole city. Kasabay ng pagkisap ng aking mga mata ay ang pagtulo ng aking mga luha. My small sobs silenced the whole room.

Maybe my father’s right. I am very doomed. I am doomed to love Raoul this way. Maaaring nakaya ko siyang itulak noon, pero hindi iyon para mapabuti ako. I could not push him away just so my heart could be saved. I pushed him years ago so he could be saved. Right now, my only dilemma is the overwhelming doubt I have for him.

Ang mga taong nasa tamang pag-iisip ay mas gugustuhing manaboy para masalba ang sarili. Pero ang taong nagmamahal, gaya ko, hindi kakayanin iyon. I will believe even if it is painful. I will be blindly faithful, no matter how hard it will be.

At hindi ko alam kung katapangan ba iyon o kaduwagan.

“Thank God, pumayag ka rin. I knew it! Bagot na bagot ka na siguro sa condo mo. Especially that Raoul’s out of town,” binulong ni Cresia ang huling sinabi.

Palabas kami sa condo ko. Inayusan niya ako at siya na rin ang pumili ng susuotin ko sa pupuntahan namin.

For a few nights, masyado akong naging malungkot. Tawag lang ni Raoul ang nakakapagpasaya sa akin at abala pa siya sa family gatherings niya. Hindi ko lang alam kung kaninong kasal ang dinaluhan niya.

Ang pagsama kay Cresia ang tanging naisip ko kanina. Raj did not reply much after six in the evening. Nang nag alas syete, wala na akong natanggap na text kaya naisip kong mas mangungulila lang ako kung maghihintay ako buong gabi.

I am hitting two birds in one stone right now. Napaunlakan ko si Cresia, hindi pa ako malungkot sa condo ko.

Inayos ko ang damit ko. Cresia made me wear a black spaghetti strapped plunging neckline bodysuit. I paired it with a gray tulip skirt. Hinayaan ko lang ang buhayhay kung buhok at inayos niya naman ang aking make up.

I think it’s a little bit too much pero tuwing tinitingnan ko si Cresia, naiisip ko na ayos lang siguro ito. She curled her hair at buhayhay rin. Her top is a white plunging neckline midriff and an old rose tulip skirt. She’s very sexy na tingin ko’y ayos lang itong damit ko.

Pinasakay niya ako sa kanyang sports car at sabay na kaming tumulak sa bar na sinasabi niya. I shivered at her car’s aircon. Hindi ako sanay na ganito lang ka liit ang damit.

“Huwag kang mag-alala, Leil, mainit na roon sa loob. Maraming tao at isang wine glass lang, mainit na rin ang tiyan mo.”
“Hindi ako iinom,” paglilinaw ko.
“Yeah, yeah! Well, it’s just one glass! Alangan naman hindi ka iinom kung nauuhaw ka?”

Bumuntong hininga na ako.

Sa labas pa lang ng bar na sinasabi ni Cresia, nakita ko na ang sobrang abalang mga sasakyan at mga taong papasok. Nilapitan kami ng isang valet.

“The usual,” Cresia confidently said.

Nang lumabas ang kaibigan ko’y kinalas ko na rin ang aking seatbelts at lumabas na gaya niya. Umirap si Cresia sa kung sinong nasa likod. Nang nilingon ko’y wala na akong naabutan. She dragged me to the doorstep of the bar at walang kahirap-hirap kaming pumasok.

Sa pintuan pa lang, marami nang binabati si Cresia. Hawak niya ang kamay ko habang pumapasok at para akong kuting na nawawala, hindi alam alin ang uunahin.

The bar is huge. I have never seen a bar that big before. Dalawa ang palapag ayon sa nakikita ko ngayon. May mga upuan sa magkabilang gilid at may malaking screen sa harap. Inangat ko ang tingin ko at nakitang mayroon pang mga upuan sa taas. The couches and tables were hexagonal-shaped. Ngunit mas maraming nakatayo at nagsasayaw.

Ilang beses akong ipinakilala ni Cresia sa mga kaibigan. Marami akong nakashake hands pero hindi tumatak sa akin ang pangalan. Nakakahiya kasing paulitin gayong hindi ko gaanong narinig sa ingay.

Dahil sa ingay, kailangan pang lumapit kapag may sasabihin. Aktong bubulungan pero halos pasigaw na. It’s not offending because you won’t think he or she is screaming because of the noise from the stereo.

Iba’t-ibang kulay ang ilaw. Nakakahilo ngunit mukhang iyon ata ang gusto ng lahat. They all cheer for it, the music, and the fake smoke.

Sa may harapang hexagon table ako dinala ni Cresia. Mas kitang-kita ko ang mga nagsasayawan. Pero bago ako makatitig sa mga nagsasayawan ay nakita ko sa lamesa namin si Prince! He’s with some of our friends from Iloilo! Alam kong kaibigan niya rin ang mga iyon at posible nga ito pero maging si Cresia ay nagulat.

“Sorry, Leil. Hindi ko alam na may nag invite sa kanya rito.”

Ang pinsan ni Cresia na si Rem ay naroon kasama ang iilang kakilala namin. Sa tabi naman ni Prince ay isang lalaking hindi ko kailanman nakita. Tumayo ito at pinalupot ang braso sa baywang ng aking kaibigan.

“Leil, this is Klaus…” she said joyfully.

I smiled at him. Naglahad ako ng kamay bilang pagbati.

“Soleil…” sabi ko.
“Nice to meet you. Kinikwento ka lagi ni Cresia sa akin,” anito.

Ngumiti ako at ilang sandali pang nag-usap, hirap dahil sa ingay. Sa huli ay naupo na ako. Pinagitnaan namin ni Cresia ang dalawang lalaki. Katabi ni Cresia si Klaus. Katabi ko naman si Cresia at si Prince.

Tahimik na ako dahil nagbubulungan pa si Cresia. Rem was looking at me with amusement in his eyes. Tipid akong ngumiti sa kanya.

We can’t speak normally since it’s too loud kaya nagpakita na lang siya ng wine glass bilang pagbati. Bilang ganti, kumuha na rin ako ng wine glass at ipinakita sa kanya ang parehong pagbati.

Pinangalahatian ko ang wine glass. It’s not my first time to drink wine but this one is a bit strong. Nag-init nga ang aking tiyan, gaya ng sabi ni Cresia. Pagkalapag ko’y nanginig bahagya ang kamay ko.

“Don’t tell me it’s Rem?” bulong ni Prince sa akin.

Nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin. Pagod akong umiling sa kanya.

“Tss…” he shook his head and down a different liquor.

Habang tumatagal at habang dumadami ang nakikita kong mga tao, mas lalo ring dumami ang aking mga iniisip. This is the life he’s used to. This kind of life. With all the beautiful girls, some are models and in the show business, hindi na siya magugulat pa kung may makitang ibang magandang babae.

Nakita ko ang dami ng nagkakagusto sa kanya at maaaring siya na ang pipili kung mayroon man siyang gusto. He won’t need to chase anyone. Women are more than willing to be chosen. Kahit ako… hindi ba?

Pero ibang iba ang buhay ko sa buhay ng mga babaeng nandito. Tumayo si Cresia at nakipagbeso sa isang sikat na kaedad naming artista na taga Iloilo noon. They laughed and took a picture of each other.

Nang nawala ang babae ay sinundan ko ng tingin. Sumama siya sa mga kaibigang ganoon din ang kalibre. With their designer bags and killer shoes, they all seemed surreal. Parang sa movies at magazines ko lang nakikita pero heto ngayon sa harap ko.

Humigpit bigla ang hawak ni Cresia sa akin. Lumapit siya para bumulong.

“Your ex is on the other table!” she said impatiently.

Hinanap agad ng mga mata ko ang sinabi ni Cresia. Halos sumabog ang puso ko sa sinabi. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. At nang nahanap ko nga siya, nakita ko siyang nakatayo at binabati ng iilang babae at lalaki sa naturang lamesa. He glanced my way and our eyes locked immediately.

“Tapos na ba ang kasal?” Cresia said while scanning her phone.

Kinuha ko ang aking bag at tiningnan ang aking cellphone. Huli na nang natanto kong hindi ko pala dala iyon! Sa liit kasi nitong purse na pinahiram ni Cresia, hindi magkakasya ang gamit ko!

Mabuti na lang at naitext ko iyon bago kami umalis.

Inangat ko ang tingin ko sa kay Raj na nasa kabilang lamesa parin. He is talking to some very sophisticated and high end women. Some of them are celebreties. May kumausap ding pamilyar na lalaki at halos matabunan na sila ng crowd na sumasayaw. I craned my neck to watch but it’s not enough.

Pagbaling ko kay Cresia, nakita ko ang iniiscan niyang mga picture ni Raoul. He’s with his mom at sa gitna ng mag-ina ay isa pang mas bata at mas magandang babae. Hindi alam ni Cresia na nakikitingin ako, she clicked the photo and read the comments.

Maraming comments doon pero ang tanging tumatak sa akin bago ako nagsalita ay ang mga katagang: “Sila na ang susunod na ikakasal.” And below it is a comment from Felicia Riego: “Hopefully, yes.”

“Sino ‘yan?” marahan kong bulong kay Cresia.

Bitterness dripped within me like acid trying to burn down my senses. These past few days were very negative. Pero hindi ko inasahang may mas negatibo pa pala sa lahat ng iyon. And no matter how hard I try to fight it, I know that it’s tearing me apart.

Here comes a girl his mother wants. A girl with him in family gatherings. A girl he can proudly show everyone. And not some girl like me from rags. A girl like me whose father is a criminal. A girl like me whose father killed his beloved dad. A girl like me whose just a dot in his glittering big world.

Natatandaan ko ang pakiramdam na ito. Noon, habang nakatayo at hinahangin ang buhok sa kagubatan, nararamdaman ko ang kaibahan ng aming mundo. The hues of sepia filled my eyes, from the dried leaves and huge trees. The sound of the splashes of water from the streams and rivers. His roaring laughter, like a large beast, because of a humor I could not grasp.

Ngayon, sa ibang paraan naman. With dark hues and neon lights, I sit here trying to watch him as he glides towards his friends. Ang malamig na hangin galing sa aircon at ang usok sinamahan ng maingay na musika, pinapanood ko silang nagkakatuwaan sa mga bagay na hindi ko kailanman maiintindihan dahil hindi kami pareho ng mundo.

I smiled bitterly and finished the last half of my wine.

“Ewan ko. Just one of-”

Sinubukang isarado ni Cresia ang cellphone at itinago pero nakuha ko iyon bago niya magawa. I don’t need to browse for more comments to see their opinion of her. Binalik ko na agad iyon.

“Oh my gosh! It’s my song!” she screamed randomly after a long stretch of silence between us.

Hindi ko alam kung totoo ba iyon o gumagawa lang siya ng paraan na maiba ang atensyon ko.

Mabigat ang aking puso’y napatayo ako at nagpatianod sa hila ng kaibigan. Her energy was to the moon and I am trying to equal it even with heavy heart. She moved my hands up and down alternately while giving me sensual expressions while her eyes were closed.

Dumilat siya at nagkatinginan kaming dalawa.

“Come on, Leil! Let’s just enjoy the night! Stop thinking about the bad vibes!” she declared.

Pagod akong ngumiti at sinabayan na lamang ang trip niya. Sinubukan kong sumayaw gaya ng turo niya. Tuwang tuwa si Cresia. Tumango siya at mas lalong inayos ang pagsasayaw.

“That’s it! Great, Leil! You are learning!”

Bumagal ang sayaw ni Cresia nang nakita si Prince sa tabi ko. He looked at me with serious eyes. Bahagyang pabirong tinulak ni Cresia si Prince.

“Kami muna, Prince, mamaya ka na!” aniya.

At habang nagtatalo ang dalawa, muli, lumipad ang tingin ko sa lamesa ni Raoul. He’s not there anymore. Luminga-linga ako para mahanap siya pero wala na akong nakita. Umalis siya? Hindi ko alam.

Pero nagtagal ang tingin ko sa mga babaeng nakasalamuha niya kanina. And then I realized… that this is not me. This is not the life I know. Or I want. This is foreign to me. I do not belong in this world in any way.

Maraming nagbago sa akin pero ako parin si Leil, iyong batang may alagang kambing, simple ang pamumuhay sa gubat, may pangarap pero hindi ang mapabilang sa buhay at mundong ganito. Sa mundo niya.

But I love him so. I love him dearly. I love him too much, I cannot just simply turn my back on his world. I want him and if being in his world means I could touch him, then I will try my best to fit in.

Mapait akong ngumiti at sinabayan na lang si Prince at Cresia sa sayaw. Lumapit si Klaus kay Cresia. He snatched Cresia away in front of me, leaving me and Prince alone. I tried to dance with Prince as he subtly danced with him.

We stayed like that for a long while until the music intensified.

Hinawakan niya ako sa baywang. Inilapit niya rin ang kanyang mukha sa akin at nararamdaman kong may ibubulong siya.

“Do you really love someone else, Leil, or you’re just using that as an excuse to reject me?” he whispered.

Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya. A man from behind me grinded lewdly. I am not sure if Prince noticed it. Napapikit ako.

This is the world I so wanted to touch for him. Very different from mine.

“Excuse me, Prince. Bathroom lang ako,” sabi ko para makatakas sa masikip na lugar na iyon.

I want to escape from the world I so wanted to touch, and at the same time the world I could not fit in – his world.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.