Sands of Time – Kabanata 32

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 32

Kabanata 32
Warning

Mahirap palang mag adjust. The hotel we handled back in Iloilo was a bit small compared to this branch in Manila. Kaya naman, naging abala ako sa expectations na mas palaguin kumpara sa pamamahala ni Primrose at Arthur.

Dahan-dahan, habang tumatagal ako rito sa Maynila, mas lalo kong natutuklasan ang kaibahan ng buhay rito kumpara sa buhay na nakagisnan ko. The difference is like heaven and earth. Kung may kinalaman man ang pagiging independent ko’y mas lalo kong maiintindihan.

Raj would spend time with me after work. Minsan nga lang, kapag nasa opisina si Prince at niyaya akong mag dinner, natatanggihan ko si Raoul. He’d call and text me when I’m home but I know he’s just trying to understand my situation imbes na magreklamo sa pagsama ko kay Prince. Although, I swear everything between me and Prince is just casual.

Prince is getting better, I think. Sa isang linggo namin dito sa Manila, he got invited to parties with his old friends and he’s enjoying it. Minsan, niyaya niya ako pero tumatanggi ako dahil nakakahiya.

Raj got invited with a party, too, Friday that week. It’s a formal party, hindi gaya noong mga pinupuntahan ni Prince na mga party. We texted each other the whole time with him explaining that he needs to be there for a friend.

Ayos lang iyon sa akin. Pero sa gitna ng mga text naming dalawa, pagkatapos kong isend ang isang mensahe at sa panahong naghihintay ako ng sagot niya, lagi kong nararamdaman ang kaibahan ng aming buhay.

I would see pictures of him in the internet from famous extravagant photographers. Kasama niya ang iilang kaibigan na isang tingin pa lang, alam ko nang puro mayayaman. I don’t need to research about them to confirm it.

Hindi ko man sinasadya, lagi kong naiisip ang kaibahan ko sa lahat ng mga iyon. That I will never belong to his group, even if I try.

“Grabe ka! Ang sabi mo sa akin, pwede ka?” Cresia said early Saturday morning.

Sinamahan ko siyang mag shopping. I did not buy anything pero natuwa ako sa katitingin sa mall dito. Mamahalin ang mga bilihin. Ultimo t-shirt, hindi bababa ng five hundred pesos. At kung hindi lang nagpumilit si Cresia na ilibre ako ng pagkain, baka tubig lang ang inorder ko sa restaurant na pinili niya.

“Next time na lang, Cres,” sabi ko.

Isa pa itong si Cresia. Last night, she told me she saw Prince in one of the night bars. Sinabi niya sa aking sumama pero tumanggi ako. Sinabi ko rin sa kanyang isasama dapat ako ni Prince, pero tumanggi rin ako. Bukod sa gusto kong magkaroon ng buhay si Prince na labas ako, ayaw ko ring makaharap ang mga tao sa buhay na iyan. Nanliliit ako. Hindi ko alam kung bakit.

“Bakit? Ano bang gagawin mo mamayang gabi?”

Hindi ko pa nasasabi kay Cresia ang tungkol sa muli naming pag-uusap ni Raoul. She never asked about the meeting. Besides, she thinks wala roon si Raoul at tanging mga head engineers lang ang tatayo bilang contractor para sa building. Hindi ko nabanggit sa kanya na naroon nga.

Hindi parin ako makapagdesisyon sa tungkol sa amin ni Raoul. If we will be in a relationship again, gaya ng dati, pareho naming mas gugustuhin na walang makaalam. Gugustuhin ko iyon dahil ayaw kong mangyari ulit ang dati. Gugustuhin niya rin iyon dahil sigurado akong masasaktan ang Mama niya kapag nalamang ganito.

It’s complicated. We cannot just have a normal relationship like what I want.

“Uh, sa condo lang,” hindi ako makatingin nang sinabi ko iyon.

Nagyaya siya na magpunta kami sa isang club. Sasagutin niya raw lahat ng gusto ko. Hindi ko siya kailanman napaunlakan sa gusto niyang pamamasyal kaya eto naman ang offer niya. Ang sabi’y malapit lang sa condo ko kaya hindi na ako mahihirapan pa. Ihahatid niya rin ako pag uwi.

I find no harm in that. I may be intimidated by their world but I think I can do it. Hindi nga lang muna ngayon. Alam ko kasing aalis si Raoul mamaya, may sasalihan ulit siyang party ng kaibigan. At alam kong sa isang bar din iyon at hindi kasing pormal sa party na dinaluhan kahapon.

“Anong gagawin mo dun?” nanliliit ang mga mata ni Cresia sa akin.
Nagkibit ako ng balikat. “Manonood ng TV?”
“Sana pala hindi kita binigyan ng TV at nang ma bore ka roon,” she said while rolling her eyes.
“Sasama ako next time, Cres,” I assured her.
“Fine. Hihintayin ko ang next time na sinasabi mo.”

We continued our chitchat. At times, natetempt akong banggitin sa kanya ang tungkol sa kay Raoul pero palaging naaantala.

Her phone rang. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain habang tinitingnan si Cresia na kunot-noo na sinagot ang tumawag.

“Yes, dad?” salubong niya.

She paused for a while, probably trying to hear her father. Sinulyapan ko ang cellphone ko.

Raj visited the site this morning hanggang bandang hapon. Mamayang hapon ay pupunta siya sa opisina niya bago uuwi para makapagbihis sa party na dadaluhan. He’s a busy man and I understand it. Kaya nga naiisip ko kung gaano ka iba ang buhay dito sa buhay ko noon sa Iloilo. Makakaadjust din naman siguro ako kalaunan.

“These are enough for me. Halos hindi na nga ako makagalaw sa dami ng…” ang tono ni Cresia ay may halong galit na.

Sapo ang noo ay pumikit si Cresia. She looked impatient and frustrated now. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

“Kailangan pa talaga ng well trained? Ayos lang, sige po. Pero ipalit na lang, Dad. If you want well trained men, ipalit n’yo sa tingin n’yong hidi well trained na bodyguard ko!”

When her dad engaged into politics, eto na ang naging problema ni Cresia. Her parents were very concerned with her safety na parami nang parami ang bodyguards niya. At kahit na sinasabi niyang nagtatago naman daw ang mga ito, minsan ay napapansin ko ang iilang nagmamasid sa amin.

“Bye, Dad, I love you.”

She sighed as she put the phone down. Nag simula na agad ang kanyang litanya tungkol sa iritasyon niya sa mas mahigpit niyang seguridad para sa kanya ngayon. Nakinig na lamang ako sa mahabang reklamo niya. Alam ko sa huli, wala rin siyang magagawa. Pagbibigyan niya rin ang ama. Para rin naman iyon sa kanya.

“Hay naku! E ‘di yayayain ko na lang si Klaus mamaya, kung ganoon,” si Cresia.
Nagtaas ako ng isang kilay. Heto na naman. Pangalan na naman ng isang panibagong lalaki ang binanggit.
“Sino ba ‘yon?” tanong ko.
“Ka-fling ko.” Nagkibit siya ng balikat.
“Bakit hindi mo na lang gawing boyfriend?” I asked curiously.

Hindi kailanman tumatak sa akin ang sagot niya sa tanong kong iyon kahit ilang beses ko nang ginawa.

“Alam mo, Leil, hindi uso ‘yan. ‘Yan din ang mas gusto ng mga lalaki. They can explore other girls while you two have each other. Ganoon din ang gusto ko. Isa pa, I’m not ready for the drama of commitment. Ipapakilala pa sa family at friends? Tapos, kikilatisin. Sa huli, maghihiwalay din. Mas gusto ko ‘tong fling,” sabay tango tango ni Cresia sa desisyon niyang iyon.

I nodded, too. A bit enlightened.

“Men like your ex, example…”

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang nabaling ang usapan kay Raoul.

“Diba ang dami niyang babae, sabi mo? Pero wala namang talagang inamin na girlfriend. For sure that’s his flings. Besides, who wouldn’t say no if he offers you that? He’s got money and looks. Ano pa ba ang hahanapin ng mga babae? Sigurado akong kahit side chic, papatulan ng mga iyon!” siguradong sinabi ni Cresia.

Nanuyo ang lalamunan ko. Pilit kong isinantabi ang sinabi ni Cresia kahit na hindi naman ako bulag sa ganoong klaseng bagay. I know that. I’ve seen it on the television, heard it with my classmates’ experiences, and read it on books. At gaya ng sabi ni Cresia, maaaring ganoon nga ang ginagawa ni Raoul sa mga babae niya.

Hapon nang tinanggihan ko ang alok ni Tita Sally na sumama sa kanila sa Cavite. Bukod sa short notice iyon, kasama ko pa si Cresia kaya hindi na rin nila ako napilit. So I spent the remaining hours of my afternoon in my condo, cleaning and doing the laundry.

I felt productive that day. Nang dumilim ay nagluto na rin ako para sa aking sarili. The little fulfillment I felt because of the simple things I did made me smile.

Raoul:
I’m already here. I won’t stay for long. What are you doing?

Kanina pa kami nagtitext. Minsan, natatagalan ako sa pagrereply dahil sa paglilinis. Alas nuebe na at nag-iisip na akong matulog na. Although I have time to stay awake since wala namang trabaho bukas dahil linggo.

Kanina, pagkatapos kong kumain, tiningnan ko ang mga larawan niya sa event kahapon. He went to that event alone, without a date. Pero may iilang pictures siya kasama ang isang grupo. I find it petty everytime I feel sour when I see him beside a woman. Minsan, malaking oras ang ginugugol ko para hanapin ang background ng babaeng katabi niya. Sa huli, hindi ko na sinasabi sa kanya. I don’t want him to think that I am that jealous over just about anyone when it comes to him.

Isa pa, hindi pa kami. Nanghihingi pa ako ng oras. Kaya walang puwang ang pagseselos ko sa aming dalawa.

Then I wonder, does he really want a relationship with me or he’s fine with just fling. Gaya nga ng sabi ni Cresia, maganda ang fling. Hindi na kailangang magselos dahil nagkasundo na kayo na walang ganoon. Hindi rin kailangang ipakilala sa mga magulang dahil hindi naman committed. Iyong panghuling dahilan ang pinaka nakakaengganyo. I think if Raj would make me say yes to fling, he would try. Hindi niya lang siguro masabi sa akin dahil hindi niya alam na mulat ako sa mundo niya.

Ako:
Okay. Mag-enjoy ka. Nasa condo parin ako. Nakahiga na sa kama.

His reply was fast.

Raoul:
Are you sleepy?

Ako:
Hindi naman. Hindi pa patay ang mga ilaw ko. Manonood na lang ako ng TV.

Wala sa sarili kong kinuhanan ng picture ang aking sarili. Yakap ang unan at halos kalahati lamang ng mukha ang kita, I sent that picture to him to further elaborate my statements.

Raoul did not reply. Humiga ako ng patihaya at binalewala na ang TV. Siguro, nag enjoy na siya sa ginagawa. I’ve been to bars in Iloilo but I think their bar here in Manila is way way different. More… liberated or something.

Kaya nga noong nakita ko ang picture niya sa isang bar kasama ang isang babae, tingin ko normal lamang iyon. Nagselos ako noong nakita ko sa Facebook niya ilang taon na ang lumipas pero sa mas makatwiran kong isipan, alam ko na normal lang iyon.

Sobrang tagal ng reply niya. Ibang-iba kanina. Sa bagay, lumalalim na ang gabi kaya baka nga naging abala siya. Mapait akong ngumiti. Ito ang isa sa mga sandali na mas lalong nadedepina ang layo ng agwat naming dalawa.

I lazily reached for my phone when I heard it beep. Kay Raoul galing ang mensahe. Without any other expression and with the slight pang of bitterness inside me, I opened it.

Raoul:
I’m done here. Can I visit you tonight? Hindi ako magtatagal.

Napaahon ako sa text niya. Pupunta siya rito!? Pinasadahan ko ng tingin ang aking malinis na kwarto. Buti na lang naglinis ako kanina!

Hindi pa ako nakakapagreply ay nag ring na ang cellphone ko. My heart beated so loud that it hurt. Mabilis kong naisantabi ang hinanakit ko. Napapikit na lamang ako. Hindi ako makapaniwala na ganito talaga ako kabaliw sa kanya.

“Hello…”
“Hi,” maliit ang boses ko.
“Can I… go there or are you preparing to sleep?”
Ngumuso ako. “Paano ang party mo?”
“I just went to greet and I’m done.”

Tiningnan ko ang orasan. Halos hindi pa siya nag trenta minutos simula noong dumating siya roon, ah? Sinabi niya namang hindi siya magtatagal pero hindi ko inasahan na dito ang punta niya pagkatapos.

“If you’re sleepy… I can just… go back to my condo. Can you… wait for me till I’m home?”

Parang nabuhayan ako sa sinabi niya. Siguro ay nabagalan sa sagot ko.

“Uh, hindi pa naman ako inaantok… pero kung pauwi ka na… sige…”
“Hmm. Gusto kong puntahan ka…” he said in a serious tone.

Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti ko. Kung nakikita lang ako ni Raoul ngayon, iisipin niya talagang inaakit ko siya ng husto.

“Ikaw…”
“Do you want anything? I can bring you something to eat,” he said.
“Uh… Icecream?” Pumikit ako ng mariin sa suhestyon ko.
He chuckled. “I’ll bring you one, okay?”
“Hmm. Huwag lang ‘yong marami. Baka masayang lang. Wala akong ref.”
“Okay, baby. I’ll be there in a while, okay?”

Pagkababa ko ay muli akong naglinis ng kwarto. Hindi lang iyon, pati pagsusuklay at paglalagay ng kung anong simpleng kolorete sa mukha ay nagawa ko na. I checked my silky pajama and recalled if this was what I wore the last time he went here, hindi naman. Today it’s a powder blue terno.

Nang narinig ko na ang hudyat na nariyan siya, kinalma ko na ang sarili ko at maging ang ekspresyong ipinakita ay tila normal at pagod lang. I opened the door for him. At pinilit ko na lang ang sarili kong magmukhang walang gana dahil nang makita ko siya sa pintuan, halos bumagsak ako sa panghihina.

Wearing a dark v-neck t-shirt, a dark jeans, and black boots. He looked and smelled very fresh. Tila kay hirap hindi makitaan ng pagkamangha kaya iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at tumabi na para makapasok siya.

Mataman siyang nakatingin sa akin.

“Pasok ka…” sambit ko.

He went in without taking his eyes off me. Dala ang isang pint-size na lalagyanan ng hindi ko kilalang ice cream ay lumapit siya sa lamesa at nilapag na iyon doon. Sinarado ko ang pintuan.

Nang nakitang nakatayo lamang siya malapit sa bathroom ay kinabahan na ako. Hindi ko alam saan siya pauupuin. Nakita kong sinundan niya rin ng tingin ang mga tiningnan ko kanina. Ang kama, at ang dalawang upuan sa pang dalawahang lamesa.

He walked past the chairs and immediately made his way to the far side of my bed. Napalunok ako at kinuha na ang pint-size icecream at isang kutsara para makatabi na sa kanya. The TV is still on pero sobrang hina ng volume nito na tingin ko’y hindi maiintindihan nino ang palabas.

Nagkatinginan kami saglit bago ako naupo sa kanyang tabi. I opened the ice cream. I tried to scoop a spoonful but it’s a bit too hard.

“Let me,” he said.

Kinuha niya ang pint sa aking kamay at ang kutsara na rin. He dug once and got me a bit. Binigay niya sa akin ang kutsara at tinanggap ko naman iyon. Uminit ang pisngi ko nang may kakaibang naisip.

“Ayos lang ba sa’yo na umalis ka sa party?” I asked.
“I don’t intend to stay there for long. I went to greet and that’s all…” maingat niyang sinabi.

Tumango ako at bahagyang idiniin muli ang kutsara sa icecream. May nakuha na ako sa ngayon. I held on to the pint and touched a bit of his hand. Nagkatinginan kami. Kumalabog ang puso ko. Sa kaba ko ay binitiwan ko agad iyon.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa ginagawa. Kunwari normal lang ang lahat kahit na hindi na ako halos makahinga sa nararamdaman. I am very aware of our distance. Our knees were just an inch apart and slight movements, we will touch.

“Ayos lang naman kung nagtagal ka,” sabi ko habang patuloy ang ginagawa para lang maabala ang sarili.

I’m scared to look at him. Hindi ko alam kung bakit.

He sighed. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang amusement sa kanyang mukha. Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya. Baka nagi-guilty siya kaya hindi siya nagtagal. Gusto kong malaman niya na malaya naman siya. Lalo na dahil hindi pa ako nakakapagdesisyon tungkol sa aming dalawa.

His arm snaked around my waist. Halos napatuwid ako sa pagkakaupo nang naramdaman ang kanyang haplos. And in a swift movement, he pulled me so our thighs would touch firmly and the distance between us will not include air.

Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kamay kong nakahawak din sa pint ng icecream. Mabuti na lang at inalalayan niya ako, kung hindi ay baka kanina ko pa nabitiwan ang icecream. Napalunok ako. Hindi ko na kailangan siyang balingan para makita ang kanyang ekpresyon.

Dahan-dahang umakyat ang kanyang kamay sa aking tiyan. Ngumuso ako at naalala ang sinabi ni Cresia. No commitments but can enjoy the feeling of being in a relationship. Sanay kaya si Raj sa ganyan? Ganoon kaya ang gusto niya?

Binawi niya sa akin ang kutsara ko. Nagulat ako nang sumandok siya ng konti at sinubo niya agad. Napasunod ako ng tingin sa aking kutsara na ginamit niya na rin.

“Hindi pa tayo nagkabalikan, Raj,” sabi ko sa kanya nang nakita ang ginawa at maalala ang pagkakahawak niya sa akin.

Nilagay niya sa pint ang kutsara. Dalawang kamay na ang nakahawak sa pint ng icecream at ang kanyang mga braso ay pumalupot na sa akin.

“I can wait…” he whispered.
“P-Pero, ginamit mo ang kutsara ko…” sabi ko.
He chuckled at that. “It’s not like I have not tasted your lips.”

I pouted at that. Tinitigan ko ang nanginginig kong kamay. He rested his chin on my shoulders. Slowly, I started scooping for myself. He sighed. Ang takas na buhok ay hinawi niya at nilagay sa likod ng aking tainga.

“Are you bothered when I party?” he asked languidly.

Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit isinasatinig niya kahit ang pinakapribadong pag-iisip ko.

“Hindi. Ayos lang naman ‘yon. Hindi pa naman tayo…”
He groaned at that. “But you can tell me what you don’t want. I’ll gladly oblige.”

Mas lalo lang akong ngumuso sa hamon niya. Hindi ko siya kailanman pagbabawalan sa kung ano. Bukod sa alam kong may buhay din siya bukod sa akin, alam kong kailangan niya iyon para sa koneksyon sa negosyo. The parties he’s been were from his friends, colleagues, and probable investors.

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng katahimikan at dahan-dahan kong pagkain ng icecream. Kinuha ko iyon at nakita kong si Cresia ang tumatawag. Raoul buried his face on my neck as I answered the call from my best friend.

“Hello,”
“Leil!” Cresia sounded like a wounded cat.
“Anong nangyari?” kabado kong tanong.

The panic in my voice startled Raj. Bumaling siya sa akin, still his chin was on my shoulder, like a lover, patiently waiting for his turn.

Cresia was crying. Isang iyak na tila ba inagawan ng kendi. I can’t recall when I last heard her cry this way. When she cried to me years ago, seryoso ang iyak na iyon. Ngayon, hindi ko alam.

“Nakakainis! Paakyat na ako ng condo mo! May sasabihin ako!” she said in hysterics.
“Oh?”




Naputol agad ang linya. Napatayo ako sa kaba. Pupunta siya rito at maaabutan niya si Raoul? Raj only looked at me with sleepy eyes. Kinuha niya ang unan ko sa gilid niya at iyon na ang niyakap nang pinagkaitan ko siya ng yakap galing sa akin.

“Pupunta si Cresia rito!” I said.

The bed looked so tiny. Maliit na nga ito, nandyan pa si Raj na medyo malaki. Isinantabi ko ang kaisipang iyon para maisip ang dapat na alalahanin.

“Makikita ka niya!” sabi ko para ipaalam kay Raoul na dapat nagpapanic na rin siya.
His eyes turned menacing, immediately. “You did not tell her about me?”

Bago ko pa masagot iyon ay tumunog na ang bell ng kwarto ko. Sapo ang noo ay dumiretso na ako sa pintuan para pagbuksan ang kaibigan. Laking gulat ko nang hindi lang siya ang nakita ko sa labas.

Shock flooded in me when I saw a very familiar man with her. Parang eksena sa isang boxing game ang nakita ko. With Lucresia on the left corner and Gino, in his all black outfit, taller and more mature than ever, on the right corner. Iyon nga lang, si Cresia lang ang agresibo at hindi sila magsusuntukan, magsasagutan lang.

“Pakealamero ka kasi!” Cresia screamed at Gino.

Nawala na sa isipan ko ang sariling problema sa pagtatago kay Raoul. I felt Raj behind me, watching them. Natutop ko ang labi ko, hindi ko maintindihan ano ang nangyayari. Mabilis ang hininga ko, iniisip kung paano nagkita ang dalawang ito.

“You’re professional, right? That means you should just disappear and wait until I get shot by someone.”

Gino looked so impatient and violent. The growing anger in him is very evident.

“At sumunod ka pa rito? Bakit hindi ka na lang nagtago doon sa halamanan! Bakit mo pa kailangang makita kung kaninong condo itong pinupuntahan ko?! Ha?!” Cresia said in mad hysterics.

Raoul’s forearms slowly snaked on my waist. Galing sa likod. Imbes na magconcentrate ako sa nangyayari sa kaibigan ko sa labas, natuon ang pansin ko sa hawak niya sa akin.

“Sumusunod lang ako sa utos ng Papa mo. At kung sinabi niyang alamin ko ang mga kinakasalamuha mo, aalamin ko-”
“Ugh! You are annoying the hell out of me! Hindi naman ganyan ang mga dati kong bodyguard!”
“Kaya nga pinalitan ang mga iyon, ‘di ba?” Gino said.

Raj rested his chin on my shoulders again. I stiffened at that. To see him very comfortable with me, para akong unti-unting nahuhulog sa kung anong panibagong bangin.

“Hmmm. I think Gino’s new assignment is to be your bestfriend’s bodyguard.”

Nagmartsa si Cresia papasok sa condo ko, iniwan ang galit na si Gino sa labas. Dire-diretso si Cresia nang nakita kung sino ang kasama ko sa loob ay natigilan siya. Her jaw dropped. I shut my eyes tightly knowing a long explanation ahead.

“Nagkabalikan kayo?!” she accused.

Umiling ako at agad na tumuwid sa pagkakatayo. Marahan ang pagkalas ni Raoul, tila kahit bibitiwan ako’y malambing parin.

And I thank God he knows what to do at that moment. Lumabas siya at kinausap si Gino. While Cresia’s really in the mood to get angry. Sinaraduhan niya ng pintuan ang dalawa. Nang nagkaharap kami, parehong maraming gustong sabihin at marinig sa isa’t-isa.

Nalaman ko na tama ang hinala ni Raj. Gino was assigned to be her bodyguard. Niligawan kasi siya at nakafling niya ang anak ng isang kalabang senador ng Daddy niya at pinagtangkaan siya ng masama. But she took it lightly. She did not even bother to tell me. Lasing daw siya kaya hindi niya masyado maalala. Kaya kanina’y pinatawag siya sa kanila para ipakita ang mga bagong miyembro ng kanyang bodyguard, si Gino.

“I was dancing with Klaus de la Vega tapos bigla siyang nagpakita roon at nag eskandalo! Sa iritasyon ko at sa kahihiyan ko, umalis akong mag-isa sa bar.”

Tumango ako habang nakikinig sa frustration ng kaibigan.

“Nakakainis lang!” nanggigigil niyang sinabi. “We were just dancing and it’s not like Klaus’s a son of whoever’s into politics! Isusumbong ko siya kay Daddy at nang palitan na agad siya!” sumulyap si Cresia sa akin at nakitaan ko ng loophole ang kanyang sinabi dahil sa tinging iyon.

Kilala ko ang kaibigan ko. At alam ko na ang huling sinabi ay hindi talaga totoo.

“Talaga? Papalitan mo?” tanong ko.

Tumaas ang kilay ni Cresia tila paghahamon sa akin pero sa huli ay bumuntong hininga siya.

“Sino kaya ang ipapalit? Sabi’y isa ‘yan sa pinakamagaling, kung hindi man pinakamagaling na… ewan ko! Ayaw kong bodyguard siya! Ayaw kong nakikita siya…” marahan ang huling pangungusap.

I sighed.

“Okay.”

Nagkatinginan kaming dalawa. Umiling ako at ngumiti na lang sa kaibigan. She can’t even smile back. And no need to tell me what’s on her mind because I know. Ayaw mong nakikita siya dahil bumabalik ulit ang nararamdaman mo, ‘di ba? Kung hindi man bumabalik, tumitibay ba?

Doon na natulog si Cresia pagkatapos kong sabihin sa kanya ang maiksing eksplenasyon kung bakit nandito ang “ex” ko sa condo ko. And I think she has lots of comments about it, hindi niya lang masabi pa dahil sa sariling problema.

The business world is small for us. Pagkatapos ng gabing iyon, at paglipas ng linggo, pagkapasok ko pa lang sa building, nakita ko na si Raoul.

In his tux and fresh look, kasabayan niya sa tawanan at pakikipag-usap ang iilan ding kaedad na mga lalaki sa parehong damit. Hula ko mga kaibigan niyang businessman din ang mga iyon.

His eyes darted into me and his expression changed. Napalunok ako at parang lumulutang agad ang paglalakad ko. Bakit siya nandito? Ano ang meron?

I can’t just go to him and ask. Walang nakakaalam sa ugnayan namin at wala akong planong ipaalam iyon dahil lang nagkita kami ngayon sa lobby nitong building.

Our lobby is very crowded with so many businessman. Hindi ako halos makadaan sa sobrang daming tao. Kung makakadaan man ay nahihirapan pa. At sa mga dala ko’y mas lalo akong hirap.

With me is my large laptop and some files I brought home last Friday. Naka heels ako at skirt ulit kaya mas lalo akong hirap gumalaw. Natanawan ko pa ang isang pamilyar na babae’y tingin ko’y nakasama na ni Raoul sa isang picture.

“Excuse me,” I told that girl, may kaonting espasyo kasi sa kanya na pwede kong daanan.

She smiled at me politely and moved so I can pass through. Napalunok ako. Walang kapintasan talaga ang mga babaeng naiuugnay kay Raoul. Mabait, maganda, mayaman, matalino… the four Ms are complete.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may nakabanggaan akong lalaki. He was a bit strong dahilan ng pagkakabitiwan ko sa mga files na dala at pagkatapon nito sa sahig. Kinabahan agad ako sa nangyari! Hindi ko inasahan iyon.

“What the fuck?”
“S-Sorry!” agap ko nang nakita ang iritasyon sa lalaki.

Sinubukan kong sikupin ang mga nahulog ngunit nahihirapan ako sa damit ko. I smiled awkwardly at the man in front of me. May galit pa rin sa kanyang mukha pero nanatili ang tingin niya sa akin at hindi na dinugtungan ang mura.

A familiar man, I think it was Amos, picked up some of my files.

“Naku, salamat!” sabi ko kahit hindi pa niya tapos.

Ang lalaking nakabangga ko ay lumuhod na rin para tumulong sa pagkuha ng mga papeles na nahulog. Kinabahan ako roon. I am causing such a scene. I can see the eyes of some women in me. Meron ding mga lalaki na palapit na kaya para mas mapadali ay yuyuko na sana ako, walang pakealam sa suot, para makatulong lang sa pagkuha ng mga papel.

Bago ako makayuko ay may humawak na sa braso ko. The strong familiar hold put me in place. Pagbaling ko’y igting na panga ni Raoul at ang titig niya sa mga lalaking tumulong ang nakita ko.

“Are you okay?” he asked me in a mellow tone.
Tumango ako at muling pinasadahan ng tingin ang mga tao.

Sabay na tumayo ang dalawang lalaking tumulong. Ngumiti si Amos nang nakita si Raoul. Raj reached out for the files. Binigay naman ito ng kanyang kaibigan. Ganoon din ang estrangherong nakabangga ko.

“I’m sorry…” I said slowly to the man.
“Ah. Walang problema. Hindi mo naman sinasadya…” he laughed awkwardly a bit.

Nilingon ko si Raoul para makuha na sana ang mga papeles at maiwasan na ang mga nakatitig na mga mata but he did not give it to me.

“I’ll escort you to your office,” he said.

Umawang ang bibig ko. Gusto kong umapila lalo na sa nakitang mga mata at bulong-bulungan but Raj was persistent that if I won’t come with him, he will definitely hold my hand and drag me. Hindi na ako hintay pa ng ganoon. Sumunod na lamang ako sa kanya patungo sa elevator.

May affiliate silang mag oopen ng office sa parehong building at kasama lahat ng affiliates sa opening kaya naroon siya. But from then on, nakilala yata ako sa building na iyon, kasama ang mga bagong mag-oopisina sa ibang floor.

“Hindi ba ikaw iyong tinulungan ni Raoul Riego noong opening?” salubong ng isang babae sa akin sa elevator.

Tahimik kaming pumasok na dalawa pero sa pangalawang palapag ay hindi niya na yata napigilan ang sarili niya. She’s pretty but very unlike Raj’s linked girls. I don’t know why I can sense that she’s not one of his probable flings before. Maybe just another nosy girl.

“O-Oo…” sabi ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago tinawanan.

“Probinsyana ka, ‘no?”

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot sa tono niya.

“My boss was once Raoul’s woman, and sorry to burst your bubble pero hindi ‘yon nagseseryoso. Baka umasa ka. Warning lang…” nakangiti niyang sinabi.
Mabilis akong tumango, medyo naguguluhan sa sinabi.
“Hindi nga sineryoso ang boss kong maganda at mayaman, ikaw pa kayang probinsyana at madaling utuin. Sigurado na…” she said cockily until her floor.

Kumaway siya sa akin hanggang sa nagsarado na ang pintuan. Kaya naman, naging mahirap na sa akin ang pagsakay sa elevator. With the newly opened office, at halos lahat ng empleyado’y nakita ang nangyari, lagi iyong usapan kapag nasa elevator ako. Hindi ko alam kung pinaparinig sa akin o hindi sinasadya.

One time, nakasabay ko sa elevator ang boss nila. The woman looked at me with disgust in her face. Hindi ko siya nilingon. Tiningnan ko lang ang blurry na imahe niya sa elevator door habang umaandar iyon. She’s tall and sophisticated. I don’t need to see her clearly to identify her as beautiful because even with a blur image, I know she is.

Noon pa man, alam ko na ang estado ni Raoul sa mga babae. He has his women. And to be here in his world now, mas lalong naging klaro sa akin kung paano ang lahat ng iyon para sa kanya… bago ako.

Hindi ko namamalayan na habang tumatagal ako rito sa mundo niyang pilit kong pinapasukan, mas lalo akong nanliit sa sarili.

I answered my phone after a long afternoon of sighs. An unknown number filled my screen at wala sa sarili kong sinagot iyon.

“Hello…”
“Hello… anak…” my father’s voice filled my ear.

Napatuwid ako sa aking upuan. Unti-unting bumilis ang pintig ng puso ko.

“Pa…”
“Anak, kumusta na?” he sounded old. I cannot imagine his face now.
“Pa, nasaan ka po?”
“Nasa Tugegarao ako, anak. Huwag mong sabihin kahit kanino, ha? Tumawag lang ako dahil miss na miss na kita…”

Naiiyak ako pero mas pinangunahan ako ng takot at gulat sa tawag na iyon. Malapit lang ang agwat ng tawag niya at medyo mahaba ang usapan namin ngayon.

“Nawala ko ang mga tauhan ng mga Riego, anak.” He laughed at that.

Napapikit ako ng mariin.

“Paano kaya nalaman ng mga iyon na nasa Luzon ako? Buti na lang at inakala nila ngayong bumaba ako ng Bicol. Kaya nakatakas ako!”
“Pa…” I said while my voice is starting to shake. “Pa, please… sumuko ka na. Kung may kasalanan ka nga-”
“Anak, nababaliw ka na? Sariling ama mo, gusto mong isuko sa awtoridad? Papatayin ako ng mga Riego!”
“Pa, please, pwede kong pakiusapan si Raoul na huwag kang saktan basta sumuko ka lang. Akuin mo ang kasalanan-”
“Raoul? Ang hayop na anak ni Hades Riego? Nagkakausap kayo, Leil?” now he sounded violent.

Hindi ako sumagot. Suminghap ako at pinigilan ang mga luhang nagbabadya.

“Nagkakausap kayo noon, Leil!? Bakit? Sinasabi mo sa kanya kung nasaan ako?”
“Pa… Sige na po. Maiintindihan ni Raj-”
“Nagkakausap nga kayo? Tinatawag mo pa sa palayaw. Aba’y lintik kang bata ka! Huwag mong sabihin sa akin na…”
“Hindi po ganoon, Pa. Gusto ko lang namang-”

He laughed loudly like a mad man. Nahahapo akong natigil sa pagsasalita.

“Huwag mong sabihin sa akin na nagustuhan mo ang batang iyon, Leil!”

He laughed louder.

“Parehong pareho kayo ng Nanay mo ‘no? Kahit anong taboy ni Hades, nakatayo parin at naghahabol. Ano, Leil, sabihin mo nga? Bakit palayaw ng anak ni Felicia ang gamit mo? Anong meron, anak, na hindi ko alam?”

Hindi na ako nagsalita. Bumuhos na ang mga luha ko.

“Sige nga. Sabihin mo sa batang ‘yon na ibaba ang patong sa ulo ko at huwag akong papatayin. Leil, sabihin mo na susuko ako pero huwag akong ikukulong-”
“Papa! A-Ang batas ang magdedesisyon at hindi s-si Raj-”

He started laughing again hysterically. Hindi na ako nakadugtong sa kaba ko at sa pag-iyak ko.

“Haaay, Leil. Anak nga talaga kita. Anak ka rin talaga ni Sol. Tapunan mo lang ng Riego sa harap, agad na luluhod, patay na patay, at susunod sunod, gaya ng nanay mo. Baka kinakausap ka lang niyan, Soleil Sierra, para makalap ng impormasyon tungkol sa akin? Sige nga, itanggi mo sa akin ‘to anak. Sabihin mo na mali ako…”

Suminghap ako at umiling.

“Hindi totoo ‘yan-”

The call faded with my father’s hysterical laugh and my sobs.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.