Sands of Time – Kabanata 31

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 31

Kabanata 31
Feelings

For a few minutes, hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa damdamin. Without inhibitions and fears, I rested on his chest. Kahit sa ilang sandali lang naman. Miss na miss ko na siya. Sabik na sabik ako sa kanya, hindi ko man maamin sa sarili ko, iyon ang totoo.

Isinantabi ko ang naramdaman ng ilang taon. Right now, I want to spoil myself. Even just for this moment. Just this time. I want to at least feel it again. And I realized it’s very addicting. Nasa gitna na ako ng pagkukumbinsi sa sarili na ayos lang ito. That I can have him as long as we want it. Na ‘tsaka ko na dapat poproblemahin ang magiging resulta ng lahat ng ito kapag naroon na kami sa dulo.

Umahon ako at bahagyang tumuwid sa pagkakaupo. I angled my forearm on his chest just so I could fully recover because I realized my thoughts are starting to get dangerous.

“Where are you going?” he whispered when he notice my determination to stand up and let go of him.

He pulled me back to him. I hopelessly fell again on his chest and he renewed his hold of me.

Bumuntong-hininga ako. Para akong nahulog sa kumunoy at wala akong magawa para masalba ang sarili. I showed him my left wrist. Kuminang ang kulay rosas na mga bato kasabay ng paggalaw ko sa pulseras.

“Tanggalin mo,” utos ko.

Binaba niya ang kamay ko na tila ba hindi narinig ang utos. Nilingon ko siya. He looked at me with equal wrath. Nanghihina ako pero sinusubukan ko parin. Itinuro ko ang leeg niya kung saan ko huling nakita ang kinwintas niyang screw nito. From his collars, I couldn’t see the gold chain. Mahaba iyon kaya siguradong kailangan pang abutin sa dibdib niya para makuha at wala akong intensyong hawakan siya ng ganoon.

He only glared at me. Huminga ako ng malalim at muling sinubukang bumangon galing sa kanya.

“I wanna stay like this for a while,” he said as he pulled me back again on his chest.
“May mga gagawin pa ako. May gagawin ka rin,” maliit ang boses ko sa huling sinabi.
“We’ll do your things later, okay?”

Kumunot ang noo ko. Kanina pa naglalaro sa isipan ko ang iilang bagay, hindi ko nga lang masabi.

Dito ba ang opisina niya? Obviously, this is his office. Pero akala ko ba sa ibabang floor siya, kung saan iginiya ang babaeng iyon? Babaeng iyon. He said she’s not his girlfriend. Should I believe him? Raoul doesn’t lie to me with things like that.

Paano iyong sa magazine? But he said which one kasi marami! Marami siyang babae! Anger glazed once more in me.

“May mga gagawin ka pa! May meeting ka sa baba! Nandon na nga ang babae mo, e…” I said, wanting to sound concerned but ending in a bitter tone.
“Hmmm…” he whispered slowly, again trying to kiss me ear.

I tsked. Iniwas ko ang ulo ko sa kanya. He chuckled at my attitude. Kinunot ko ang noo ko at nanatili ang mga mata sa aking mga kamay. He pulled my thigh more para lang mas umayos ang pagkakaupo ko.

“Kanino ka ba nagseselos?” mataman niyang tanong.
“Hindi ako nagseselos,” agap ko.
“Uh-hmm…” he said leisurely. “Sige. Sino ang tinutukoy mo?”
“Sa dami ba, hindi mo maalala? Bakit? Sino pa bang iba?” medyo pagalit ko nang sinabi.

Nilingon ko siya. He did not even bother to hide the amusement in his face. Bakit ba tuwang tuwa siya na nagagalit ako? Well, hindi dapat ako nagagalit ng ganito pero mas lalo akong nagagalit sa ipinamamalas niyang reaksyon.

“Bukod ba sa dinala mo roon sa St. Regis, marami pa?”

Nagsalubong ang kilay niya. His lips protruded sexily even with that suddenly innocent face, he looks like a daredevil. Tila siya nag-iisip ng isang sagot na hindi niya maalala. Hinampas ko ang dibdib niya sa iritasyon ko! Hindi niya maalala? Do not tell me that he’s brought so many women in that expensive hotel kaya hindi niya maisip iyong si Venice?

“Hmm. Architect Chua?” he said in a lazy drawl.

Nanlisik pa lalo ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya. I can sense that he’s about to smile but he’s a bit shocked with my expression. Binaba niya ang kamay niya sa ilalim ng tuhod ko. And in a swift motion, he carried it up so that my shoes is on the sofa, too.

Gusto kong umapila pero masyado akong ukupado sa sinabi niya. Architect Chua? Who’s that?

“Hindi! Iyong kasama mo kahapon, ‘yong magandang model sa shampoo commercial? Venice!”
“That’s Architect Chua, alright…”
“Bumaba ka na, kung ganoon. Magkikita pa kayong dalawa!”
“No. This is more important than that meeting.”

Nagpupuyos sa inaalagaang galit ay nanatili ang mga mata ko sa aking mga paa na nakapatong na ngayon sa sofa. I removed my black shoes. Nakahiga ang mga iyon sa gilid lamang. Ipinatong ko ang kanang paa ko sa kaliwang paa, parehong mamula-mula sa sakit na dinulot ng heels na suot ko kanina.

“Do you regret now that you broke up with me?” he whispered.

Mabilis akong umiling. I am partially regretting it but I know it’s for him. Ayaw kong maghiwalay kami pero sa mga oras na iyon, iyon ang tingin kong tama. Gipit siya dahil sa akin. Hindi niya sinasabi dahil ayaw niyang mag-alala pa ako pero hindi ko maiiwasan iyon.

“I regret I let you broke up with me…” he whispered huskily. “But I know I will regret it more if I force you in a relationship you don’t want anymore.”

Biting my lowerlip, namumungay na ang mga mata ko habang tinitingnan ang aking mga daliri. As if something about them is interesting.

“Nagmahal ka ba ng iba?” I silently asked when I couldn’t help myself anymore.

Iyon ang tanging bumagabag sa akin sa iilang buwan at taon naming paghihiwalay. I did not research about it because I know he’s allowed to be with someone else, and knowing about it will only hurt me. Kaya naman nang nakita ko ang magazine na ganoon ang nilalaman, para akong sinakluban ng langit at lupa.

“Hindi kailanman,” he said firmly.

Marahan akong pumikit. Just for this moment, I want to spoil myself with the feel and scent of Raoul. Pouting, I made an effort to formulate another question.

“Paano iyong mga babae mo?” tanong ko habang nakahilig na sa kanyang dibdib.

His left hand slid on my skirt a bit almost making me jump at his touch on an area I’ve never thought about before. Napapikit ako roon, nakaawang ang labi dahil sa elektrisidad na biglang naramdaman.

“Iiwan m-mo sila?” I said in a soft whisper, a bit affected of his touch.

He sighed harshly at that. Uminit ang pisngi ko nang naisip kung ano maari ang nasa isipan niya. He brushed his hand again on that same spot. Ngayon, nakumpirma ko lalo ang nararamdaman. The fire ignited within me and it is burning. Hindi ko na maitago ang nararamdaman.

He groaned and did it to me again. My toes curled in anticipation. Nakalimutan ko na ang sasabihin. Hiyang-hiya ako habang iniisip na maaaring aksidente lang iyong nauna pero nang nakita niya ang reaksyon ko’y inulit niya.

“Wala akong ibang babae,” he whispered sexily.

I felt his hand brush that same spot of my skirt again. And this time, hindi lang iyon pasada, his hand stopped there slowly teasing me.

The extreme heat slowly burned within. Para akong tuyong dahon na sinilaban ng apoy, agaran at mabilisan ang pagkalat at pag-aalab. I couldn’t understand what he’s trying to do to my body and my mind. I just know that I feel extremely hyped because of what he’s doing.

I whispered a moan. Sa nahahapong ekspresyon ay nilingon ko siya. I tried to hold on to his chest pero nalukot ko lang ang kanyang damit dahil sa pagkapit. His jaw clenched and his eyes were critical. I can sense his control was already at the edge.

He tilted his head and I did not yield his kiss on my lips. Nakaliliyong mga halik ang iginawad niya. At hindi ko maituon ang pansin ko roon dahil sa galaw ng kamay niya. I withdrew from his kisses violently when I felt his hand forcefully parted my knees so he could bury it inside my skirt down to where he was brushing a moment ago.

Kung kanina’y pinagitnaan ng dalawang saplot, ngayon, isa na lamang. The cotton-material of my panties felt so harsh now that he’s fingers are brushing against it.

“Raj…” Hiyang hiya ako sa tono ng pagtawag ko sa kanya kaya ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib.

I felt him beside me, slowly growing. Gusto ko siyang awatin pero kahit ang sarili ko’y hindi ko na maawat. Namumungay kong tiningnan lamang ang kanyang braso. His veined forearms disapearring at the hem of my skirt. I felt his fingers brushing my underwear and making me deliriously lost.

My skin was hypersensitive. His touch was very defined. The slow strokes of his fingers were almost violent for me. And the teasing was making me incredibly frustrated!

Slowly, I felt a very foreign feeling. It is building up inside me at hindi ko alam kung anong magagawa ko para pigilan iyon. Raoul kissed my jaw down and he crouched to reach my neck.

His forearm moved skillfully when the rhythm of his strokes on me changed. Hinahabol ko na ang hininga ko. Sabayan pa ng nakakabaliw niyang halik sa akin, hindi ko na yata kakayanin.

Napadaing ako nang sa isang iglap ay tila ba may nabitiwan ako sa kalooblooban. The build up I was holding back moments ago bursted into so many powerful tremors. Kagat ang labi at pikit na pikit ang mga mata ay kumapit ako kay Raoul para hindi mabitiwan ang sarili.

I moaned loud and soft at the same time at the height of it all. Hinihingal ako nang unti-unting naramdaman ang biglang pagbagal. I feel so exhausted. Dumilat ako at nakita ang unti-unting pag-alis ni Raoul sa kanyang kamay doon. He pulled my right thigh back to join my knees together. His veined forearm a bit forceful at that.

Uminit ang pisngi ko. Pati batok at likod, dahil sa kahihiyan.

“Bakit mo ‘yon ginawa…” I half-heartedly asked him.

Tanging bayolenteng paghinga lamang ang sagot niya sa aking tainga. Namungay ang mga mata ko nang inangat ito para matingnan siya. His eyes were full of ardent passion and desire as he looked at me. I felt a renewed tingle within me, a hunger so powerful that I couldn’t control.

“Nasa opisina tayo, R-Raj…” tanging nasabi ko.

He enhaled heavily again. He pulled me closer for a tight hug. Ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

“Raj…”
“Shh… Give me a minute.”

Ngumuso ako at muling nagpaubaya sa posisyon namin. Sinapo ko ang noo ko nang maalala ang nangyari kani kanina lang. Siya lang ang naging boyfriend ko pero hindi ako ganoon ka inosente para hindi malaman kung ano ang ginawa niya sa akin. Cresia was very successful in informing me about it and she was very graphic.

Mas lalo ko siyang hindi makakalimutan nito! Not that I even had a chance to forget him before.

He crouched to watch me again. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa kahihiyan sa naging reaksyon ko sa ginawa niya kanina lang. I couldn’t even try and look at his forearm or his fingers. Nakakahiya talaga! Bakit ba ganoon?!

He then showered kisses under my jaw down to the hollow of my throat. Paimpit kong itinago ang daing sa nararamdamang kiliti. He stopped and licked his lips, nakatitig siya sa aking leeg.

“Is my kiss too rough?” napapaos niyang sinabi.

Hindi ako kumibo. Masyadong nakakahiya pa kung kukumento pa ako sa tanong niya. He pulled me closer again and whispered on my ear.

“I’ll shave tomorrow.”

He sighed and lazily stroked my back.

“Anong gagawin mo mamaya?” he asked huskily.
“Mag gogrocery…” maliit ang boses ko pag sagot.
He nodded. “I will talk to my secretary later and we’ll go get your groceries, okay?”

Sasama pa siya? Gusto kong mag reklamo pero wala pa akong lakas makipagtalo.

“We’ll have dinner, too.”

Pumikit ako at hinilig na lamang ang aking ulo sa kanyang dibdib. We stayed like that until I can finally carry myself. Hindi ko na namalayan na ilang oras na kami sa ganoong ayos. Basta’t nakita ko na lang sa labas ang pag-iiba ng kulay ng langit, hudyat ng oras sa araw na iyon.

Hindi niya na napuntahan ang meeting. Paano kaya iyong si Venice? Umuwi na? Wala bang gagawing trabaho si Raj ngayon at buong hapon kami halos na ganoon lang.

Nag-ayos ako sa sarili nang lumabas siya para makausap ang sekretarya. Ilang minuto lamang iyon at nakabalik na siyang agad. His secretary served an ice cold juice on the table for me. Mataman akong tinitigan ng babae at nginitian.

Ngumiti ako pabalik at hindi na nakatitig pa sa kahihiyan. Pakiramdam ko, alam niya ang nangyari kanina. Nakakahiya! Pumunta lang ako rito para ganoon? Ugh!

Pagkatapos kong mag-ayos at pagkatapos ng iilang sandali ay niyaya na ako ni Raoul na umalis. Kinuha niya ang kanyang coat. His right hand claimed my left and we started walking together towards the double doors.

“Have a good night, Engineer, Ma’am!” sabi noong babaeng sekretarya.

Ganoon din ang sinabi ng lalaking katabi nito. Iginiya naman kami ng dalawang nakaitim na bodyguard sa elevator.

Tuloy-tuloy na iyon hanggang sa parking lot ng building. We went to a sleek black car. Hindi ako maalam sa mga sasakyan pero iyon ang kauna-unahang ganoong klaseng sasakyan na nakita ko. I am very sure that it is a luxury car.

Napalunok ako nang pinagbuksan ako ni Raoul ng pintuan sa front seat. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya hindi ko na masabi ang mga iniisip. Pumasok na lang ako sa loob at nag-ayos na ng seatbelt na medyo moderno rin.

He slid on the driver’s side and started the engine. The bodyguards saluted and then we left the whole building.

Nauna kami sa grocery. He went to a far one but still on the same place. Medyo konti lang ang tao, malinis, at mukhang mamahalin din ang mga bilihin.

Nagdesisyon ako na dadamihan ko ang mga gulay. At hindi rin ako bibili ng sobrang dami dahil wala akong ref. Mag go grocery na lang ako every other day para hindi masayang ang pagkain.

Raj was behind me, patiently pushing a cart. Tinitigan ko siya at naisip kung nag gaganito ba siya? I bet not. He looks so out of place. Lahat ng nakakakitang babae ay kuryoso sa kanya at nagtatagal ang tingin. HIndi ko nga lang alam kung dahil ba iyon napuna nilang hindi siya nababagay rito o nagugwapuhan sa kanya. I’m sure it’s both.




“Eto lang?” he asked me.
Tumango ako at lumayo nang may nakita.

Isang maliit na refrigerator na tingin ko’y kasya sa munting space sa condo unit ko. Kaya ko namang bilhin iyon ngayon pero naisip kong mag-ipon na lang muna hanggang sa magkakasya ang sahod ko riyan. Kaya ko pa namang mabuhay ng wala ito, iyon nga lang, dadalas ang pag go grocery ko.

Ilang sandali ko iyong tinitigan. Nawala sa sarili ko na nakatingin din si Raoul sa akin. Nang nagtama ang aming mga mata ay kita ko ang pananantya niya.

“You don’t have a fridge in your place?” he asked.

Agad akong nakaramdam ng hiya. Our differences are more defined now. For sure he’s living in a pent house in the most expensive condo here in Manila. May interior designer at mamahalin lahat ng gamit. Malaki rin, sigurado, ang kanyang lugar. Samantalang ako, hirap na bumili ng ref!

“Bibili ako, hindi pa lang muna ngayon,” sabi ko, pambawi sa kahihiyan.
“Let’s buy it now so I can bring it in your condo,” deklara niya.

Mabilis akong umiling para pigilan siya. Tinulak ko siya palayo roon para hindi niya na maisipan pa. Alam ko ang ibig niyang sabihin at nasisiguro kong pati itong mga pinamili ko’y aangkinin niya.

“Ako ang magbabayad ng lahat. Sinusubukan kong maging independent gaya ng pangarap ko. Ako ang magdedesisyon,” mataman kong sinabi.

Nanatili ang nananantyang titig niya bago siya bumuntong hininga at tumango na tila bigo. I smirked and pushed the cart a bit. Pinagpatuloy niya iyon at idiniretso na sa cashier.

Habang naroon kami at nilalapag niya ang pinamili ko, hindi ko mapigilan ang pagngiti. I know I shouldn’t think about it but I can’t help myself. To see Raoul trying to help me out with my groceries is a wonderful feeling. Para bang kami. Parang walang problema. Parang maayos ang lahat.

It’s like we’re in another life where I can bravely accept our relationship. Where the people can easily accept us, too. Gusto kong lunurin ang kaisipan ko sa ganoon kahit na alam kong nagdadalawang-isip parin ako ngayon.

Sa isang malapit na restaurant kami kumain. And although he did not choose a VIP room this time, we were almost isolated from some people. Nasa pinakamalayong lamesa kami at halos ang mga waiter lang ang nakakadalo.

“Paano nga pala ‘yong pinasa ko kanina?” tanong ko nang ngayon lamang naalala.

Kalagitnaan ng pagkain ay iyon ang naisip ko. Ayaw ko munang isipin ang tungkol sa amin. Gusto kong manindigan sa desisyon ko pero hindi ko kakayanin iyon. I have to think through it all again. Tingin ko rin, pagbibigyan niya naman ako. Hindi naman siya nagmamadali.

“It’s already approved.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Paano? Pinasadahan niya lang ng tingin ang lahat ng iyon, ah? Hindi niya inayos sa pag check?

“O-Okay…” sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

I asked him a few questions about the new hotel. Maayos niya namang nasagutan at mukhang napag-aralan niya namang mabuti. He offered to send me home. Sumang-ayon naman ako dahil bukod sa talagang hindi ko alam kung paano na umuwi ngayon, mahihirapan pa ako dahil sa pinamili.

I cannot stand an eye contact with him. Tatlong segundo lang, umaatras na ako. The image of us in his office would always cross my mind and I don’t like remembering it much.

Kunot-noo ko siyang nilingon nang nakita ang pamilyar na daang tinahak. Ni hindi ko pa nasabi sa kanya kung saan o anong pangalan ng condo ko pero roon na ang tungo niya. Alam niya ba kung saan? Kadudaduda naman!

“Alam mo kung saan ang condo ko?” gulantang kong tanong.

His jaw dropped a bit. He glanced at me before resuming his seriousness on the road. Hindi siya sumagot. Nanatili akong tahimik hanggang sa lumiko nga siya sa tamang daan.

I cannot believe it. Humalukipkip ako at hinintay na makapag park siya. Nilingon niya ako sa naninimbang na titig.

“I don’t know which floor,” he said like I should calm down because there’s an information about me that he doesn’t know.

I doubt it. Bakit may pakiramdam akong alam niya rin kahit ang floor at room number ko?

Matalim ko siyang tinititigan habang nasa elevator kami. Matapang lamang ako dahil diretso lamang ang tingin niya at hindi sumusulyap sa akin. Umiling ako nang naihatid kami sa tamang palapag. I went out of the elevator and started walking towards my room with him and my groceries behind me.

I thought quickly of an excuse para lang hindi siya mapapasok doon. Ayaw kong makita niya ang liit ng condo ko. I feel like if he finds out about it, the distance between us would only be more defined than ever.

Binuksan ko ang pintuan ng aking condo at mabilis akong pumasok doon. Niliitan ko kaagad ang pagkakabukas, binitin para hindi siya tuluyang makapasok. He leered at me. Nag-iwas ako ng tingin. My heart is beating loud and fast. Hindi ako sigurado kung isa nga lang ba ang dahilan ko kung bakit ayaw ko siyang pumasok sa loob o may iba pa.

“M-Maliit lang ang condo ko. Matutulog na rin agad ako. Salamat sa paghatid,” sabi ko.

With shaking hands, I tried to get my groceries from him to test if he’s letting me do it. Akala ko ibibigay niya pero imbes ay inangat niya ang kanang kamay at hinawakan ang itaas ng pintuan ko.

With a hard but effortless push, he opened the door widely, enough to make him enter. Huminga ako ng malalim. Pinasadahan niya ng tingin ang aking maliit na kwarto.

Bigo akong tumabi, wala nang nagawa sa ginawa niya. He put the groceries down on the small table. Umatras ako at medyo kabadong nakaharap parin sa kanya. Sinusuri ng kanyang mga mata ang bawat sulok ng aking condo. With clenched jaw, he walked towards me. Hinawi niya ang makapal na kurtina ng aking bintana.

Tumabi ulit ako. His large frame looks so misplaced inside my tiny condo. Tila ang tulad niya’y hindi nababagay sa ganitong klaseng kwarto. Kumawala ako roon para bigyan siya ng espasyo.

After a few moments of his check up, nilingon niya ako. His eyes dropped on the bed behind me. Mas lalo lang nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko sing pula na ng kamatis ang aking mukha.

He walked towards my bed. Aapila sana ako pero dumiretso na siya at naupo na roon na para bang kanya iyon.

“Matutulog na rin ako pagkatapos m-maligo,” sabi ko, baka sakaling maisip niyang nakakaistorbo siya.

He nodded.

“Go and use the bathroom. I’ll wait here until you’re done. Kapag tapos ka na, ‘tsaka ako uuwi.”

Marahan akong tumango. Actually, at first I was kind of scared to use the bathroom when I’m alone the room. Ngayong nariyan siya at magbabantay habang naliligo ako, parang naibsan ang kaba ko.

Kinuha ko na ang tuwalya at ang mga damit ko para doon na rin ako magbihis. At nang nasa loob na ng banyo, wala na akong ibang maisip kundi ang nangyari kanina sa opisina. Everything blurred and stopped on a certain event.

Pumikit ako ng mariin. Pakiramdam ko ilang araw man kaming hindi magkita ni Raoul, babaunin ko iyon at paulit-ulit na magrereplay iyon sa utak ko, ayaw ko man!

I remember a very old memory of him kissing a woman in that barn house. Kahit sa murang edad, alam ko saan ang tungo ng nangyari kung hindi lang nagkagulo sa labas. I have long accepted that Raoul Riego was that kind of man, but I loved him even so.

And in my most private daydreams recently and a few years back, I was already jealous of that woman he was kissing. In my daydreams, I am not longer that modest to think ill of what they were doing. Privately, secretly, only on special occassions when I allow myself to, I replaced that woman…

Ako ang kahalikan ni Raj. Ako ang ginagawan niya ng ganoon. At ako ang dadaing ng ganoon.

Gusto kong tumili. Buti na lang naalala ko na nariyan siya sa labas. Screaming here would worry him and that’s just embarrassing!

Kanina sa opisina niya, muntik na iyong mangyari. Kung hindi niya lang pinigilan ang sarili niya. And that euphoric physical feeling I had when it happened, I never thought I’d experience it! Hindi ko alam na ganoon! At mas lalong hindi ko inasahan na kahit ganoon lang ang ginawa ni Raoul sa akin… mararamdaman ko na iyon!

Gusto kong umiyak. Was I too easy? Ganoon ba ako kasabik para…

Gusto kong saktan ang sarili ko para makalimutan ang lahat ng iniisip na ganito. Is this even legal? Am I even allowed to think this way?

Kahit noong nagbibihis na ako, hindi parin maalis iyon sa isip ko. I’m wearing my pink silk pajama and its ruffled spaghetti top. Kabadong kabado ako kaya nag breathing exercise muna ako bago tuluyang lumabas.

I caught Raoul watching TV while sitting on my bed. Naagaw ko agad ang mga mata niya. Sinundan niya ako ng tingin nang lumapit ako sa isang lamesa at kinuha ang suklay. Sumulyap muli ako sa kanya at nakita ko ang pananatili ng titig niya sa akin.

“Tapos na ako,” sabi ko.

He nodded. I saw his adam’s apple move after a violent swallow. Tumayo siya. Tumabi ako para makadaan siya.

He then proceeded to the door, like what he promised. Hindi ko alam kung mabubunutan ba ako ng tinik o mangungulila sa pag-alis niyang ito. He opened the door widely at lumabas na siya. Hawak ang doorknob ay unti-unti ko iyong niliitan. I stopped so I could say goodbye pero bago ko pa nagawa, naunahan niya na ako.

He crouched and cupped my chin. Siniil niya ako ng marahang halik. Napapikit agad ako at inasahang medyo matagal pero mabilis lamang iyon. When his lips left mine, hindi ko na napigilang damhin ang labi ko, tasting him longer.

His lips twisted and his eyebrow shot up at my gesture. Ilang beses ba akong mapapahiya sa kanya sa araw na ito?! Hindi ko na alam!

“Lock the doors. I’ll text you when I’m home, okay?”
“Wala akong number mo…” I said hurriedly.
“I did not change my number,” he said.

Para akong tanga. Habang hinihintay ang pag-uwi niya, nagresearch ako sa internet ng mga babaeng maaring nakasalamuha niya habang wala kami noon. I figured there are lots, actually. Kaya pala nagtanong siya kung alin doon!

I furiously scrolled up and down everytime I see an article about him and the rumors. Iba-iba pagkalipas ng dalawang buwan. Ang ibang babae ay mas maganda ang mukha at credentials doon kay Venice!

Some were even very high profiled that I’m pretty sure my confidence will be crushed kapag nakita ko silang magkasama!

He can easily get whoever he wants. Rich, beautiful, talented, and intelligent girls. Hindi ko talaga alam bakit sinasabi niyang ako ang mahal niya. Hindi ko makuha.

Halos mapatalon ako nang may nakitang mensahe galing sa number ni Raoul. I stared at it for a few moments, tinatatak sa utak na ngayon, sa araw na ito, muli siyang nagtext sa akin. I won’t backread anymore.

I smiled at the thought. I so want to be with him again. To try and love him again. Ayaw kong magpadalos-dalos. Gusto kong pag-isipan muna ng mabuti.

Just like that. After seeing all the profiles of his women in the internet, just one text and I’m crazy over him again. I want to rant and tell him about it. But I stopped myself. We are not yet back with each other.

Raoul:
I’m in my condo. I’ll just shower, then I’ll call you.

Ako:
Okay.

Kung pwede lang tanggalin ang parte tungkol sa aming nakaraan at sa koneksyon ng buhay naming dalawa, matagal ko nang ginawa.

I am sad. I cannot hold on to my words and decisions. My love for him is too strong and too bright to be ignored. Hindi ako makawala sa kanya.

And I deeply wonder if he’s that way, too. If he ever did try to forget me because I am the daughter of the man he probably so wanted to kill as well. I wonder if he had a hard time making sense of his own feelings. I wonder… he doesn’t tell me anything. He wants my life to be easy and smooth. Gaya nang hindi niya sinabi sa akin na nahihirapan siya sa pamilya niya at sa trabaho niya.

My phone rang after a few idle moments. My heart violently beated when I read his name.

In my most private daydreams, it was like this. It felt like this. At hindi ako makapaniwala na ngayon, hindi na panaginip ito. Hindi na pangarap. Ito na ang totoo.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.