Sands of Time – Kabanata 30

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 30

Kabanata 30
Jerk

“This place is so small!” Cresia said.

Pinasadahan ko ng tingin ang higit twenty thousand pesos studio condo unit na nakuha ko para sa aking sarili. I arranged my clothes in a nice and sleek closet while Lucresia Lopez was sitting on my single bed.

Kaninang umaga, hinatid ako ng mga Ledesma rito pagkatapos namin mag-agahan sa kanilang bahay sa Manila. I was with Prince, Primrose, and Arthur, kasama ang mag-asawang Ledesma.

Dumiretso kami rito ni Cresia para makapag-ayos ng gamit at makita kung alin ang kulang. This was also checked by the Ledesma family, except Prince, at gaya ng komento ng kaibigan, naliliitan din sila sa unit na ito.

“I can get you a better and more spacious condo, hija. Huwag mo nang isipin pa ang gastos!” nag-aalalang sabi ni Tita Sally.

Hindi na sumama si Prince dito dahil ayaw niya sa desisyong ito. He thinks I will change my mind after a few months of paying an incredibly big amount of money just for my stay. Ganoon din ang iniisip ko. Tataas ang sahod ko rito sa Manila at sa opisina ako mananatili imbes na sa hotel pero kung iisipin, malaking kawalan ng pera ang makakaltas sa akin buwan-buwan.

Inisip ko na rin iyon. I was tempted to just stay with the Ledesmas so I can save more pero nanindigan ako. Iisipin ko na lang na hindi tumaas ang sahod ko. At ang natitirang pera ay ibubuhos ko sa nirentahang lugar.

This is my way to start the independence I so long. Ma’am Avila and Lola Brosing encouraged me to do it, too. In fact, gusto pa nilang magpadala sa akin ng pera para makabili ako ng mga kakailanganin sa condo unit ko.

“I can get you a better condo than this, Leil. O ‘di kaya’y sa akin ka na lang tumira?” pang ilang ulit na ito ni Cresia ngayon.
Ngumiti ako. “Ayos lang ako rito, Cres.”
“Magkano matitira sa sahod mo? Fifteen? Twenty?” she said with a disgusted face.

Umiling ako at tumawa na lamang. Hindi niya maintindihan kung paano ako mabubuhay sa ganoong pera. I can certainly even save kahit pa ganoon. Hindi niya nga lang alam paano ko magagawa iyon.

Magtitipid ako. Hindi kakain sa labas, kung kumain man ay dapat mumurahin. Hindi rin ako mamimili masyado. Tutal, halos dala ko naman ang lahat ng damit ko kaya may susuotin parin ako sa trabaho.

I chose this condo because it’s only a few blocks away from the building where the office is. Hindi gaya ng mas mga mura pa na kailangan ko pang mag MRT. Hindi pa naman ako maalam sa Manila. This is my first time here. I want to explore but I’m also scared to death. Masaya na ako na malapit lang ito sa trabaho.

“Baka pumayat ka lalo kakatipid, ah?” tukso ni Cresia sa akin.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. The all white room is very clean. Walang TV at ref pero may aircon naman, pandalawahang lamesa, lababo, at malinis na bathroom. May isang rectangular na bintana na kapag hinawi mo ang makapal na puting kurtina at naglalakihang building agad ang tanaw. Overall, I find it okay. Iyon nga lang, iisipin ko na hindi na parte ang perang gagastusin ko rito sa tunay na sweldo ko.

“Hay! My extrang rice cooker ako sa condo ko at meron ding TV, ibibigay ko ‘yon sa’yo rito,” ani Cresia.
Ngumiti ako. “Thank you. Babayaran ko-”
“Ano ka ba naman, Leil! It’s extra! It’s not like I bought that for you. You can keep it. Don’t pay me anymore!”

Naupo ako sa kama sa tabi ni Cresia. She hugged me jokingly then.

“Kasya naman yata tayo rito sa bed mo kung sakaling gusto kong mag sleep over. Pwede ka rin sa condo ko.”
“Dito ka na rin sa Manila for good?”
Umirap siya. “Oo naman! I actually like it here. Pasyal tayo kapag may oras ka, okay? Bukas kaya? After work? Punta tayo sa Luneta… ganun… I’m not interested but I know it’s your first time so…”
Nagkibit ako ng balikat. “Hindi ako sigurado. ‘Tsaka na lang siguro tayo mamasyal, Cres, kapag nakapag adjust na ako rito. Abala yata kami bukas, alam ko.”
“Oh? Why?”
“Hindi ba magpapalit si Primrose at Prince ng kalagayan. Kailangan naming tapusin iyong iilang sinimulan ni Prim na project.”

Cresia’s eyes widened at that. Pagod akong bumuntong hininga. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.

Ang bagong itatayong world class hotel ng mga Ledesma ay papangunahan ng VHRV. I don’t know how since according to my research, the VHRV Holdings does medium to high rise development and real estate. Hindi ko alam na pwede rin sila sa leisure residences, more so, hotels.

“So it is going to be big, huh? Kasi sa VHRV talaga pinagawa. The last hotels they did were all five stars!” ani Cresia.
Ngumuso ako. “Oo.”

Nanliit ang mga mata ni Cresia. Nagpatuloy naman ako sa pagtupi ng iilang damit para iwasan ang nagdududang tingin ng kaibigan.

“He won’t be in your meeting tomorrow, right?”
Umiling ako. “Sabi ni Prim, head engineers lang daw ang pinapunta sa huling meeting nila. ‘Tsaka, hindi naman siya ang may hawak sa VHRV ngayon, hindi ba? It’s Ares Riego.”
Marahang tumango si Cresia na tila ba may nahihinuha.
“Isa pa, abala ako bukas dahil silang lahat ang dadalo sa meeting. Ako lang ang mag-aayos sa operations.”

Truth is, I am very, very nervous. Pagkatapos noong pag-uusap namin ni Raoul sa birthday ko, wala na si Manong Roy pero feeling ko may nakamasid at nagbabantay parin sa akin. Siguro guni-guni ko lang pero naisip kong kumuha si Raoul ng ibang tao para mabantayan parin ako.

Now, I’m nervous. He probably knows I’m in Manila. It’s not like he cares about it… but that means there’s a big chance we’ll see each other again sooner. At ang malamang may meeting ang pamilya bukas sa VHRV ay mas lalong nagpakaba sa akin. Like he’s just out there… near me.

Maganda ang opisina ko sa building na iyon. Hindi man kasing laki ng opisina ko sa Iloilo, mas malinis at mas organisado naman. Prince will also office here and in the hotel, too. Ako naman, minsan lang bibisita sa hotel.

Inaayos ko ang tatlong malaking box na pinadala pa rito galing sa Iloilo. Iyon lang ang gagawin ko dapat sa unang araw ko sa opisina pero biglang kumatok si Tita Sally.

“Leil, pwede ka bang sumama sa meeting namin?”

I tried to tell her that I need to do so many things pero inoffer niya ang sekretarya ni Prince bilang gagawa sa mga kakailanganin ko. Wala akong ibang rason para tumanggi kaya inalu ko na lang ang sarili ko sa kaisipang hindi naman si Ares Riego ang pupunta sa meeting kundi ang mga head engineer lang, umano. This should be fine, right?

“I really, really need your opinion, in some cases, Leil. I cannot deny that you really are good at dealing with things like this.”

Inayos ko ang skirt na suot at nagpahid ng kamay sa kandungan. Marahan akong tumango sa tanong ni Tita Sally.

Muli niya akong ipinakilala sa mga iilan lang na empleyadong naroon sa opisina. Sa labas kasi nitong opisina ay iilang empleyado na siyang nagrereply sa mga bookings sa lahat ng hotel ng mga Ledesma. They work here 24/7 but with three alternating shifts or so.

Prince is the General Manager and he will usually be in the hotel along with his Executive Assistant. Ako sana iyong ilalagay sa Executive Assistant pero tumanggi ako sa ngayon. I want to try the Sales here and if I did good, then I can accept the Executive Assistant Manager.

Though, nagdadalawang isip parin ako. Kapag nangyari iyon, mas dadalas ang pagkikita namin ni Prince. I’m not saying that I don’t want to see him. What I’m saying is that it will help him get better if we don’t see each other that much.

Tahimik akong pumasok sa loob ng conference room kung nasaan naroon na si Prince, Primrose, Arthur, at Tito Ton. Nagkatapat kami ni Prince sa lamesa. Katabi kasi ni Tito Ton si Tita Sally, sa kabila ay si Primrose. Arthur remained standing while Prince is beside his sister.

They are all with laptops. Notebook lamang ang dala ko para mag take notes dahil hindi ko pa naaayos ang lahat. Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng aking ballpen at tahimik na naghintay.

“How’s your condo? I heard it’s very small?” Prince asked in his normal tone.
Tumango ako. “Pero ayos lang. Malinis naman.”

Umiling si Prince, tila dismayado parin sa aking desisyon.

“Stop fighting, you two!” pigil ni Primrose na katatapos lang sa pakikipag-usap sa kanyang sekretarya. “Nakakahiya kapag nandito na ang team nila. Ang sabi’y dahil huli na, mukhang ang mga Riego ang pupunta!”

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Well? Ares Riego? Who is it? My heart started beating fast. Halos malasahan ko iyong kaba ko sa mabilis na panahon. Bago pa ako makapagtanong ay bumukas na ang pintuan ng silid at ang ingay galing sa mga bagong dating at sa nagtayuang Ledesma ay umalingawngaw na.

“Nice to see you, Engineer!” si Tito Ton sabay kamay sa naunang pumasok. “Akala ko’y wala ka. They said you’re busy.”
“Yes, he just got here from Iloilo,” sabi ng isang kasamang lalaki.

My eyes darted at who it was. Even with his side view, I clearly remember him. Ako na lang ang nakaupo. Maging si Prince ay nagpahayag ng pagbati sa iilan pang dumating kaya napatayo na rin ako.

At… galing Iloilo sino?

I was suddenly deeply rattled and motionless when I saw who he’s with. Anim silang lahat. Apat na lalaki at dalawang babae. Kahit sa picture ko lang nakita ang isa’y alalang alala ko siya.

Venice, the woman he’s with in an expensive hotel abroad is part of his powerhouse team. Nakipagbeso ito kay Tita Sally na tila ba kaibigan lamang. Dumikit ang mga mata ko sa babaeng naka itim na dress, hapit na hapit sa katawan at ang artipisyal na kulot ay madramang kumurtina sa kanyang balikat.

Soliel, sasabihin ko sana sa babaeng kumuha ng kamay ko ngunit agad itong lumipat sa kay Tita Sally. May naglahad din ng kamay na lalaki pero sa kahihiyan ko sa unang attempt na magpakilala ay hindi ko na nasabi pa ang aking pangalan.

“Architect!” sabi ni Tita Sally sa kaninang kinamayan kong lalaki.

“Amos,” a man in his black tux and grin told me.

Palakaibigan ang ngiti ng pangalawang lalaki. Habang abala ang lahat sa batian, nagtagal ito sa akin. He looks clean. Not as tall as the other three men but he looks more friendly than all of them, too.

“Soleil…” sabi ko.
“Ledesma?” aniya sabay palakaibigang ngiti ulit.
“Uh…” umiling ako, nag-aalinlangang banggitin ang pangalan. “Soleil Sierra Cervantes.”
“Oh! Nice to meet you!”
“Amos!” si Tita Sally naman kaya napabaling ang lalaki kay Tita.
“Huxley,” sabi ng pangatlong lalaki.

Ngumiti lamang ako, nakalimutan na paano magpakilala sa sobrang kaba. Mahihimatay yata ako. Nang nahagip ko ng tingin si Prince ay napansin ko ang pagtitig niya sa akin.

“It’s nice to know that the powerhouse team made it to this meeting. Akala ko’y head engineers lang ang nandito gaya noong nakaraan!” si Tita Sally.
“It’s a brief meeting and we have time…” si Raoul sabay sulyap sa akin.

Sa kanilang lahat, siya lang ang hindi nagpakilala sa akin. Hindi naman sa kailangan pa iyon.

“Well then, shall we start?” si Tita Sally sabay senyas sa mga sekretarya.

Sabay silang umupo sa natitirang upuan. Sa kabisera si Raoul at ang kanang upuan ay sa kanyang girlfriend at ang kaliwa ay sa Architect na tinukoy ni Tita.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at bahagyang napatingin sa sarili. I’m only wearing a simple button down blouse and a skirt while they are all very corporate like the Ledesmas. Sumulyap muli ako sa babaeng katabi ni Raoul at naabutan ko ang pagturo nito sa papel kay Raoul. Raoul nodded at her and then they suddenly got engaged in an animated conversation about something.

Nanatili ang mga mata ko sa babae. She’s more stunning in person. Akala ko sa picture lang sa commercial lang siya maganda pero pati pala sa personal, walang kapintasan. Nahagip ko ng tingin ang huling lalaking nagpakilala sa akin. Tahimik siya at seryoso pero nakatitig sa akin.

I tried to smile at him to hide my embarassment. Naabutan akong nakatitig kay Raoul at sa girlfriend niya! Napakurap-kurap ito bago pilit na ngumiti sa akin.

Yumuko ako. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Tito Ton started the talk at nanatili akong nakayuko. Sumusulyap lang ako kay Prince kapag may komento siya. Iniisip ko na mabuti rin pala ang dulot, hindi ko na maalala kailan ko siya huling nakitang nakikisali sa usapan ng negosyo nila.

“What is it, son?” sabi ni Tito Ton, pinagbibigyan ang anak.
“Maybe we should make another restaurant near the poolside restaurant. Para sa akin, if we count the rooms available, assuming we will be fullybooked, hindi kakayanin ng dalawang restaurant lang. Maybe we should add another.”
“But son… this design was already approved,” si Tita Sally.
“No it’s okay. Surely, you still can do that?” si Tito Ton na kay Raoul idinirekta ang tanong.

Sumulyap ako kay Raoul at nakita kong isang tingin niya lang sa kaliwang lalaki ay nagsalita ito.

“Yes, I can do that. But if you’re planning to start the construction this week, I wonder if we can make it? Lalo na dahil kung ang gusto ni Mr. Ledesma ay ielevate ang kanang bahagi ng poolside, that will mean we have to review everything and approve of everything.”

Tumango si Tito Ton, mukhang nag-aalinlangan na rin sa gusto ni Prince.

“What if…” Raoul’s girlfriend said.

Napatingin ako sa babae. She looks so flawless. Kapag nagsasalita siya, nadedepina ang kanyang mapupulang labi. Her brows were well made and her eyelashes were thick. Ilang sandali akong tumitig sa babae. My heart ached slowly and painfully. Nailipat ko bigla ang aking tingin nang naramdaman ang titig sa tabi lamang nito sa akin.

Raoul’s watching me carefully while his girlfriend is talking. His dark brooding eyes is dripping with passionate anger?

“What do you think, Engineer Riego?” si Tito Ton naman ngayon.

Kinabahan ako roon. Habang nagsasalita ang kanyang girlfriend ay nakatitig lang siya sa akin. Gaya ko, pakiramdam ko hindi niya narinig ang sinabi nito. Anong ikukumento niya kay Tito?

Inilipat ni Raoul ang kanyang mga mata kay Tito Ton. He shifted on his seat cooly.

“I agree with her. We can make another additional restaurants without elevating that floor and just tweak the interiors. Architect?” sabay tingin niya sa katabi at isang beses namang sinulyapan muli ako.
“I agree, too. Para mas mapabilis. Besides, I think elevating that floor will defeat the purpose. Hindi ba ang gusto ninyo ay may kaparehas sa mid-class chain ninyo? If we do that, the hotel’s look will be completely different.”

Humilig si Prince sa kanyang kinauupuan at tumango na. Sumulyap ako kay Raoul at sa girlfriend niya at nakita ko ulit ang pag-uusap ng dalawa. He withdrew after a small silent talk and his eyes darted on me again.

Marahan kong hinilig ang likod sa aking upuan. The hurt intensifies slowly. Halos mapapikit ako sa pisikal na sakit ng puso na nararamdaman.

I sighed heavily while Tito Ton is talking about the new hotel. Kinuha ko ang cellphone ko, at gaya ng dati kong ginagawa para maibsan ang sakit, I revisited our old texts.

Hindi ko nga lang alam kung maiibsan ba ito ngayon. The world is suddenly small for us in this city. Pero siguro, ngayon lang ito. Bukas, normal na ang lahat at walang nang meeting pa. The hotel will start building and I will do my work.

I scrolled up and up to read old texts.

Ako:
Hindi ako marunong. :(

Raoul:
You are slowly learning. Don’t worry about it, okay?

Ako:
Baka magsawa ka sa mga halik ko na ganito lang.

Ngumuso ako. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. This was sent after I tried kissing him back pagkatapos ng graduation ko.

Raoul:
Baby, your kisses make me tremble. Why are you even fucking worried?

Hindi na ako nakapagreply dahil tumawag na siya noon, alala ko. Napalunok ako at binaba pa sa ibang dating mensahe.

Huli ko na namalayan na mariin na ang titig ni Prince sa akin. Huminga ako ng malalim at binaba ang cellphone para makapag concentrate na sa meeting. Nang bumaling ako sa kaliwa ay nakita ko ang mariin ding titig ni Raoul sa akin. He glanced at his phone and then back to me again.

Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa aking notebook para sana buksan ito. The table thudded a bit dahil sa pagtama ng aking bracelet doon. Bahagya akong kinabahan at unti-unting binaba ang aking kamay para maitago ang bracelet. Sumulyap ako kay Raoul at nakitang nanatili ang mga mata niya sa aking kamay.

He shifted on his seat. Tumuwid siya sa pagkakaupo. Yumuko ako at pinaglaruan na lamang ang ballpen dahil wala naman akong masabi o magawa sa meeting na ito.

“Executive Assistant?” Amos who’s beside me whispered.
Ngumiti ako at umiling. “Marketing and Sales Manager.”
Tumango si Amos at ngumiti sa akin. Nagtagal ang titig niya. Binalik ko na lang muna ang tingin ko sa notebook.
“Matagal ka na rito?” he asked.
Napilitan ulit akong bumaling sa kanya. “Sa Iloilo branch ako.”
“Oh!” Unti-unti siyang tumango.
“Engineer, what do you think?” Huxley asked Amos.

Nagulat ako roon. He’s an engineer. Ngumuso ako at nanatili ang tingin sa dalawa na ngayo’y sila naman ang nagpapaliwanag sa mangyayari sa site. Mukhang engineer din pala itong dalawang kasama ni Raoul bukod sa Architect, isang babae, at girlfriend ni Raoul.




Mabilis akong umalis pagkatapos ng meeting. After saying goodbye shortly, I did not look at all of them again. Diretso na ang lakad ko patungo sa aking silid, afraid to mess up or what.

At sa totoo lang, buong araw nga akong nanatili sa opisina. Inaayos ko ang arrangement ng lahat pero madalas natutulala sa nangyari kanina. That’s the last time we’ll see each other at work. Uuwi na sina Primrose at Arthur para mamahala sa Iloilo branch na hotel. Hudyat din ito na tapos na ang meeting at magsisimula nang gawin ang hotel.

Tita Sally and Tito Ton will stay here to check the building of their new hotel, pero bukod pa roon, gusto rin nilang bantayan si Prince.

We had dinner in a fancy restaurant that night. Binilin na ni Arthur at ni Prim ang mga gagawin ko dahil si Arthur yata ang dating Sales bago kami nagpalit.

“The design is on your desk. Bukas ng hapon ang deadline noon. Ipasa mo sa opisina nila, okay?”
“A-Ako?”

Nagulat agad ako. Bakit ako? Hindi ako marunong paano pumunta sa opisina nila at mas lalong hindi ko kaya iyon.

“Ikaw, Leil. Their office is just walking distance from your condo so it’s gonna be fine,” si Arthur na seryoso sa sinabi.

Nahihiya akong tanggihan siya kaya tumango na lamang ako. Besides, hindi naman mahirap gawin iyo, hindi ba? Pero sa opisina talaga ng mga Riego? What if I run into Ares? Or whoever that Riego will be? Or… Raoul?

“It will be needed by four in the afternoon. Mag half day ka na lang bukas, tutal nag aarrange ka pa naman sa opisina mo, hindi ba?” Arthur smirked.
Unti-unti akog tumango at inisip kung paano na ang gagawin ko bukas.

Cresia is literally the most bored girl in the world. Pagkauwi ko, pumunta agad siya sa condo ko na may dalang pajama dahil mag s-sleep over na raw siya. Ni wala pa akong nabili na grocery para sa condo pero dala niya na ang rice cooker at extra TV na flatscreen at malaki pa. I wonder if it’s really an extra TV.

So we spent the night watching movies until we fell asleep. And as expected, kinabukasan, pareho kaming walang makain.

“Kailan ka mag gogrocery?” tanong ni Cresia habang naglalakad kami patungo sa trabaho ko.
“Hindi ko alam. Mamaya o bukas,” tanging nasabi ko.
“Oh. I have a date later…” she said, smirking.

Umiling na lamang ako. Kahit pala rito ay ganoon parin ang mga ginagawa niya.

So for the rest of the morning, nag arrange parin ako ng mga bagay. Si Prince ay nasa hotel nila. Tita Sally assured me that he’s doing pretty well so there is nothing to worry.

“May kailangan ka pa ba, Ma’am?” tanong ng mga lalaking kabilang sa reservations sa akin.

Nautusan ko kasi silang baguhin ang ayos ng lamesa ko. Ngumiti ako at nagpasalamat na. They smiled back. One of them slightly blushed before leaving.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga kamay kong punong puno ng alikabok sa kakaayos ng mga bagay dito.

Alas dose ng tanghali at kinuha ko na lang ang isang malaking folder na iniutos sa akin ni Arthur. Umuwi ako para bumili ng pagkain sa isang convenience store at makaligo ulit dahil napuno na yata ng alikabok pati ang buhok ko.

Habang nagsusuklay mag-isa, naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Raoul’s with his beautiful girlfriend. I remember her skimpy dress and the way she confidently carried herself. She’s a fine woman. Mapait akong ngumiti at binaba na ang suklay.

Sabi ko sa sarili ko kahapon, kailangan kong abalahin ang sarili ko para hindi na masyadong maisip pa iyon. Having Cresia here last night made me almost forget about it. At ngayong hindi ako nagtrabaho sa hapon, mag-iisip dapat ako ng pagkakaabalahan.

Huminga ako ng malalim. Tuyo na ang buhok ko. My loose mermaid curls hung naturally behind me. Mahaba na ulit iyon gaya noon at hindi ko pa naman naiisipang putulan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Isang puting sleeveles button down shirt ang suot ko, paired with an old black peplum skirt. Sinuot ko ang itim ding sapatos. For some reason, I feel like I’m in the mood to dress up now.

I shook my head at that. I know why. Magpapasa lang ako ng inutos ni Arthur, ganito na ang suot ko?

I took my time doing a little bit of powder and lipstick. I used one of Cresia’s gifts. Pagkatapos noon ay bumaba na ako sa condo upang makapagsimula na sa paglalakad patungo sa building na tinukoy ni Arthur.

I hugged the folders tightly. Habang palapit ako, lalo akong kinakabahan. It was situated in a more modern block and more crowded, too. Iilang mga tao ang nakita kong labas pasok doon at may mga restaurant pa sa paligid lamang nito.

Engrande ang tanggapan ng building. Mukhang hotel.

“Saan po kayo, Ma’am?” tanong ng receptionist sa unang palapag.
“VHRV, p-po…” sabi ko.

Nanatili ang mga mata ng babae sa akin. She smiled and asked for my I.D. Ibinigay ko naman iyon at nag fill up ng kung ano bago dumiretso sa tinukoy na elevator.

I was told to go to the 17th floor. Pagkabukas ng elevator ay dumiretso muli ako sa isa pang tanggapan sa palapag na iyon.

The woman-receptionist smiled at me. Ang naunang lalaki sa akin ay dalawang beses akong tiningnan. Ngumiti ako bilang pagbati. Natulala ng saglit ito bago ngumiti at unti-unting umalis.

“Saan ka po, Ma’am?” tanong ng receptionist.
“Excuse me…” with an accent a woman cut through it.

Laking gulat ko nang nakita kung sino iyon. Venice, Raoul’s girlfriend in her red more corporate but still smoking hot dress with a cleavage very fine and her butt out.

“Engineer Raoul Riego?” aniya sa receptionist.
“Ah! Ma’am!” anang babae na tila ba inasahan na ang pagdating nito. “Diretso ka na lang sa hall.”

Mangha kong pinagmasdan ang paglalakad niya ng diretso roon. With all the men in their office watching her strutting towards a door, probably Raoul’s office.

“Ano nga po ulit sa’yo, Ma’am?” ulit ng babae sa akin.
Startled and a bit shaken, wala sa sarili ko itong nasagot. “Engineer Raoul Riego… din, p-po…”

Huli na nang narealize ko na medyo nakakahiya pala iyon. Nakita ko ang galak at pagtataka sa mukha noong babae. Gusto ko na lang matunaw ngayon sa kahihiyan.

“Uh, ano pong kailangan ninyo kay Engineer?” she asked.
“M-May ipapasa lang ako. Uh, sa Ledesma. Uh… Saan po ba ito ipapasa?”

Halos mapapikit ako sa kahihiyan. Bakit ko ba naisip na gayahin ang girlfriend ni Raoul? Of course she’ll immediately go to his office! She’s the girlfriend! What am I? Nobody even knows me here!

“Ah! Pwede lang po ‘yan dito na iwan. Pakilagay na lang po ang pangalan at contact number mo.”

Nagmadali ako sa ginawa dahil sa kahihiyan. Iniwan ko sa tanggapan ang files at pagkatapos mag fill up ay nagpasalamat na ako at nagpaalam. Dumiretso na ako sa elevator para makaalis na.

Nakakahiya! Bakit ko ba ginawa iyon? I cringed everytime I think about it.

Bago pa ako makalagpas sa tanggapan sa unang palapag ay nakatanggap na ako ng tawag.

“Hello?”
“Hello, Ma’am, this is from VHRV. About your files?”

Natigilan ako. Boses ito ng babaeng receptionist kanina, ah? Anong problema?

“Opo. Bakit po?”
“U-Uh… Are you still inside the building, Ma’am? This is supposedly for the 20th floor po kasi. At for approval pa.”
“Oh!”

Nasapo ko ang noo ko.

“Alright. Sige… Balikan ko na lang at ipasa ko roon?”
“Yes, po. Please. Thank you!”

And of course there’s a take two! Muli akong umakyat. Nagmamadali kong kinuha iyon. Hindi na ako makatingin sa mga mata noong babaeng receptionist at mabilis nang pinindot ang elevator para makadiretso na rin sa 20th floor at matapos na itong lahat! Nakakahiya na!

When I got to the twentienth floor, a woman in her late thirties, with black corporate uniform greeted me. Ibibigay ko sana sa kanya ang folder nang ngumiti lamang siya sa akin.

“This way, Ma’am…” aniya at iginiya ako papasok sa isang mas malaking opisina.

Dire-diretso ang tungo ko roon. Hindi gaya ng naunang floor, walang tao roon bukod sa security. Wala ring cubicle at kung anu-ano pa. Tanging ang double doors lang ang nakita ko na binuksan naman noong babae.

I went inside a huge office. Iilang sofa sa harap ng isang malapad na lamesa at isang swivel chair sa gitna na may coat sa likod. Nagpatuloy ako sa pagpasok nang naramdaman ang pagsarado ng pinto. Nilingon ko ang sekretarya para magtanong pero si Raoul ang nakita ko roon.

Halos maputol ang hininga ko. Nanginig agad ang kamay ko. He stared darkly at me with a glass of brown liquor on his hand. Napalunok ako.

“Uh, ipapaapprove daw itong files. N-Na utusan lang ako ni Arthur,” I can’t stop stuttering!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sa nangangatog na binti ay tinungo ko ang malapad niyang lamesa. Sumunod siya sa akin sa mabagal na paraan. Pagbaling kong muli sa kanya ay para nang tambol ang aking puso.

His eyes were dangerous and his brows were furrowed. Nilapag niya ang baso sa malapad at malinis niyang lamesa, sa tabi lamang ng mga files namin.

Nakatayo pa ako roon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Umupo ka muna,” he commanded.

Tumango ako at dumiretso na sa sofa. He examined the files I gave him. Tuwid na tuwid ang upo ko roon sa malaking sofa. Sa huli, nilapag niya pabalik ang files at nilapitan na ako roon.

My heart won’t stop beating wildly. Hindi ko alam alin ang uunahin ko: ang files o ang naghuhuramentado kong puso?

Nakatuwid ako sa pagkakaupo roon habang magkahawak ang aking kamay. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Raoul sa aking palapulsuhan. I immediately understood what he’s looking at. Marahan kong binaba ang kanang kamay ko para hawakan ang bracelet sa kaliwang palapulsuhan para sana itago sa kanya kahit na alam kong kita niya na.

My heart beated violently. Lalo na nang naupo siya sa tabi ko. Umuga ang sofa dahil sa bigat niya. His legs almost reaching mine because they were wide apart.

“A-Ayos na ba ‘yon?” tanong ko sabay tingin lang sa lamesa niya.
“I will approve that later,” he said.

Nilingon ko siya. Madilim parin ang kanyang tingin. His authoritative and powerful aura intensified. It is more noticeable than ever.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

“Kung g-ganoon, babalikan ko lang-”
“Let’s talk…” agap niya sa isang mariing boses.

Mapait akong ngumiti at umiling.

“Wala na akong ibang balita kay Papa. Iyong huli nating kita, iyon din ang huli naming pag-uusap,” bigo kong sinabi.

His jaw clenched tightly. Mas lalo ko lang siyang nakitaan ng matinding galit. Hindi ko alam kung para saan. Mariin kong hinawakan ang palapulsuhan ko nang hindi namamalayan. Namula at nagmarka ang bracelet doon dahil sa ginawa ko. Bumaba ang tingin niya roon at mabilisang pinalitan ang kanang kamay ko sa paghawak noon. His touch was soft and tender, very unlike how I touched my own.

“Hindi ba magagalit ang boyfriend mo na may suot kang bracelet ng ibang lalaki?” he said with so much malice I am almost offended.

Pinigilan ko ang sarili ko. Kasalanan ko iyon. Umiling lamang ako.

“Talaga?” he said again with a troubling tone. “Who’s your boyfriend, anyway? Not that boy Ledesma, right?”

Nagtagis ang panga ko. Hindi ko na alam paano ko siya pakikitunguhan ngayong ganito siya ka agresibo. I get that he’s angry at me but…

Pilit kong inalis ang kaliwang kamay ko sa kanyang pagkakahawak ngunit masyadong maingat at pirmi ang kamay niya na kahit anong baba ko, hindi dumudulas.

“What’s the name of your boyfriend, Leil?” he said in a mocking tender voice.

Ngumuso ako at patuloy na pilit inaalis ang kamay niya sa aking palapulsuhan.

“Siya ba ang tinext mo kahapon habang nag memeeting tayo?” tanong ni Raoul na nagpagulat sa akin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. He equalled the anger I’m giving him. My blood boiled at his questions. Ano ngayon? Bakit siya nakikialam? Nakealam ba ako sa girlfriend niya? Bakit pa siya nagtatanong? Ano ngayon kung tinext ko nga ang boyfriend ko kahapon?

Sa iritasyon at galit ko, sa takot na maluha at sa sakit ng aking puso, buong lakas ko siyang pagalit na naitulak. It frustrated me so much that he wasn’t even moved by my all out push so I could get away from him. Tumayo ako at nagpatuloy sa planong pag-alis ngunit nanatili ang kamay niya sa aking palapulsuhan.

He pulled me back to him like a spring. Sumubsob ako sa kanyang kandungan at bago pa ako makapiglas ay naroon na ang kaliwang braso niya, locking me into place on his right thigh and his left trying to stop me from kicking him.

“O baka nagsisinungaling ka lang. Wala ka naman talagang boyfriend,” he whispered on my ear while we are in that awkward position.

Sinubukan kong pumiglas. I pushed his chest but he did not even move an inch by that. I tried to kick but it only gave his leg an access to jail me more! Mas lalo tuloy niya akong nabihag dahil sa pagpiglas ko.

Bigo akong tumigil at itinago na lang ang mukha sa mga palad. His right hand is supporting my back, snaked behind me to my waist. His left hand ready to lock my hands if ever I do something bad.

“Wala ka naman talagang mahal na iba…” he said with certainty that scared me to bits.

Pakiramdam ko kinakanta ako ng puso ko. Ng mga kilos ko. Ng mga mata ko. Everything in me betrayed me. They all want Raoul. They all cheered for him. They want him to know how much I want him! And it’s very unfair!

Hinawakan niya ang kamay ko at binaba para magtama ang mga mata naming dalawa. He slowly cut through my fingers, taking a claim with each of them. Kunot noo kong padabog na binaba ang kamay niya at iniwan doon.

“Huwag mo akong hawakan! May girlfriend ka!” sigaw ko.

Mabilis niyang ginagap muli ang mga kamay ko at muli ko iyong padabog na binaba sa aking kandungan.

“Huwag mo sabi akong hawakan!” I glared at him, determined to cast anger and intimidation.

Kitang-kita ko ang pagkakamangha niya. He looks amazed, amused, and shocked all at the same time. Hindi iyon ang gusto kong maramdaman niya! I want him to fear me but instead he thinks it’s funny and amazing?!

I pushed his chest again kahit na alam kong walang silbi iyon.

“Wala akong girlfriend-”
“Sinungaling ka! Alam ko! Nakita ko sa magazine!” I said in a frustrated tone.

Tinitigan ko siya ng mariin. His perilious eyes slowly smiled. He licked his lower lip for a while. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Mas lalo kong sinimangot ang mukha ko para mas maipakita ang galit.

“Alin dun? Marami ‘yon…” He chuckled.

To my anger, I pushed his chest again. I punched it, thinking I could get away this time. Marami ‘yon?! Marami?! Maraming babae?!

Not that I care but he’s seriously being an asshole right now!

Muli ko sana siyang susuntukin ngunit bumuhos na ang mga luha ko. I covered my face with my palms. Nanatili na lang ako roon dahil bigo na akong makatakas. Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon. Ang magpakita sa kanya ng kahinaan ay hindi pwede pero ang tanging magagawa ko ngayon ay ang palisin ang luha at magdasal na sana’y hindi niya mapansin iyon.

I know it’s impossible. He pulled me closer to him. His breathing rested on my neck until I felt his nose and his lips on it.

Inalis niya ang kamay ko at tumulong pa siya sa pagpalis sa mga luha ko. He cuffed my hands with his and put it down on my thighs, freeing my face from its cover. Kinagat ko ang labi ko.

Sa iritasyon ko sa ginagawa niya sa akin ay wala na akong ibang panlaban pa.

“Jerk!” I spat bitterly.
He sighed heavily. “Look who’s talking.”

I bit my lower lip again, knowing what he meant by that. Na mas masama ako dahil sa ginawa ko noon sa aming dalawa.

Pumikit ako ng mariin. He ran his nose on my neck, slowly. Nagpakawala siya ng mumunting maiinit na hininga bago niya nilatagan ng mararahang halik ang akking leeg hanggang pisngi patungo sa gilid ng aking labi.

Parang kinukurot ang puso ko. Parang pinipiga. Parang nilulukot. Parang pinupunit, isa-isa, at dinurog durog. I can feel it breaking so bad, into more and more pieces and I don’t understand because… for some reason, I am extremely happy right now. I am unbelievably euphoric.

“I am at my limits, baby,” napapaos niyang sinabi.

Napasinghap ako. Hindi na malaman kung paano pa papakalmahin ang puso.

“Let’s get back together,” he whispered slowly.

He kissed my hair and inhaled on it.

“Please…”

Binaba ko ang tingin ko sa mga kamay kong nanatili na lang sa aking kandungan kahit hindi niya na pinapatawan ng lakas. His other hand pulled me closer to him that I am already leaning sideways on his chest, with full weight.

“I want my baby…” he said gently against my ear, almost begging for his life.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.