Sands of Time – Kabanata 3

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 3

Kabanata 3
Caught

“Binasa mo ‘yan?” tanong ni Ma’am Avila pagkatapos kong magsauli ng libro sa kanilang library.

Sa ibang araw ay nakakapunta ako sa kanilang bahay lalo na kapag walang pasok. Sa isang summer na pinili kong manatili ulit sa village, hindi na gaanong nangamba si Papa. I did all his biddings, no matter how unjust they were to the people. I feel so guilty. Pero natanto kong habang wala pa akong napapatunayan sa aking sarili, wala pa akong magagawa.

Kalat na sa buong lalawigan ang tungkol sa amin. Ang iba’y gusto na kaming palayasin pero dahil maimpluwensya ang pamilyang Riego at magkaibigan si Felicia at si Papa, sa huli wala ring nagawa ang mga ito.

“Opo.”

Ma’am Avila nodded. Alam ko kung anong ikinakatakot niya para roon sa binasa ko. That was my first romance novel. I enjoyed it so much. More than I expected, actually.

Sa paminsan-minsan kong panonood sa telebisyon, nakakakita naman ako ng mga ganoong klaseng palabas pero iba pala kapag binasa. Mas dama ko. Mas maganda at mas malinaw.

I have heard love stories before. I find them mediocre. Pero pagkatapos kong binasa ang isang nobela tungkol doon, I realized it’s not. It’s magical and dreamy. Almost as if it isn’t true.

Ang sabi o pinapakita roon, ang pagmamahal ay perpekto. Tayong mga tao ang hindi. And loving will push people to strive for perfection. We may not fully achieve it because of our weaknesses, but striving hard for its glory is its greatest execution for us sinners.

“Anong masasabi mo?”

Naupo ako sa isang malaking lamesa. Nagsalin siya ng juice sa harap ko. Gamit naman ang hintuturo ay binilang ko ang mga babasahin pang libro sa sunod na linggo. Sa limang librong kinuha, tatlo roon ay romance novels din.

“I think the most powerful thing in the world is love,” sabi ko ng wala sa sarili.

Ngumiti si Ma’am Avila. Ganoon lagi ang reaksyon niya kapag may natututunan ako galing sa mga itinuro niya.

“Natututong magpatawad ang mga tao dahil sa pagmamahal. Natututong magsakripisyo dahil sa pagmamahal. Siguro… iyon po talaga ang susi para maging maayos ang mundo.”
“Napakatalino mong bata, Leil,” naririnig ko ang sakit sa sinabi ni Lola Brosing.

Ngumiti ako at uminom na lamang ng juice.

“May iba ka bang relatives man lang na kilala, bukod sa Papa mo?” tanong ni Ma’am Avila.
Umiling ako.
“Ang alam ko lang po, taga Iloilo si Mama. Bukod doon, wala na.”
“Pasensya ka na, Leil. Hindi ko talaga mapigilan ang panghihinayang ko sa’yo. Itinuturing na kitang anak at kung pwede lang ay ako na ang mag-alaga at magpalaki sa’yo.”
“Ma’am, hindi na po kailangan. Iyon na po ang ginagawa ninyo sa akin ni Lola sa loob ng ilang taon,” I said, honestly.

Nag ngitian silang pareho. I am so glad I met them. Kahit paano, hindi naman ako ganoon kamalas para pagkaitan ng mga taong tunay na nag-aalala sa akin hindi para sa dahilang baluktot.

“Kapag nasa tamang edad ka, pangarap kong dalhin ka sa mas malaking syudad, Leil. Kung gusto mong mamuhay sa sariling paraan, pwede mo iyong gawin iyon doon. If only you are willing to,” si Ma’am Avila.

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. I have longed for that life but I wonder if it will be worth living without my father and all his other people who I have eventually grown to love? Ano ang mangyayari sa kanila? I have to find a way to explain it to them when the time comes. Gusto ko rin sana na ako ang magmumulat sa kanila sa nangyayari sa mundong pinagsaraduhan nila ng pinto.

“Hindi po ako sigurado roon. Hindi man ako sang-ayon sa kay Papa, wala po akong ibang kamag-anak. Ayaw ko rin pong iwan ang mga ka-nayon. Kasalanan ko ang pagbubukod nila sa taong-bayan. Gusto ko rin sanang ako ang maging dahilan ng pagkakamulat nila.”

Naramdaman kong nalungkot si Ma’am Avila sa sinabi ko. I smiled even when I cannot say I am happy with my decision. I just want to be responsible for the things that I’ve done. Maybe not today, but someday. Kapag natuto na ako ng husto at kaya ko nang ipagtanggol ang sarili kong paniniwala.

“Sana magbago pa ang isipan mo riyan. Pakiramdam ko, hindi ka hahayaan ng ama mong bigla na lang magkaroon ng ibang opinyon, Leil.”
“Gusto ko nga pong matuto pa para tuluyan kong makumbinsi si Papa roon,” paliwanag ko.
“A man with a principle like that is very hard to convince, Leil. Pero siguro nga. Sana magabayan ka namin ng Lola mo kung aabot nga sa panahong iyon.”

I spent my fourteenth summer like my usual normal summers. Hindi narin gaanong naging mahigpit si Papa. Siguro, para sa kanya, ang isang taong walang angal na pagseserbisyo sa mga tao ang patunay na tuluyan ko na ngang pinaniniwalaan ang lahat ng sinabi niya.

“Magbasa ka muna, hija,” si Lola Brosing nang nakitang nagsisimula na akong mag-ayos ng mga aklat sa library ng mga Riego.
“Hindi na po, Lola. Maraming nagkalat na aklat ngayon kaya tutulungan na kita.”

For that summer, only the other Riegos were there. Si Hades at Felicia Riego, kasama ang kapatid at pamangking Riego na siguro’y kasing edad o mas nakakabata pa kay Raoul. Wala si Raoul doon. Hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko rin naman naitanong.

Raoul Riego Tops on His Batch. Greatest on Structural Theory.

Iyon ang headline ng school paper na nabasa ko sa ilalim ng lamesa. Isang bagay na dapat ay pinagmamalaki ng pamilya pero naroon lang sa ilalim at halos hindi pansin. He really is great, huh? Siguro, wala siya sa summer na ito dahil abala siya sa pag-aaral. O baka naman binigyan ng reward ng kanyang parents para sa nangyari sa school.

I have not seen him in more or less two years. At ang makita ang seryosong mukha niya sa school paper nila ay nagpasaya na sa akin. His hairstyle never changed. Kung mayroon man, mas humaba ang buhok at mas nagmukha siyang mapanganib.

He looks like a warrior preparing for combat, like a gladiator stripped from his chainmail armour. I’ve seen films like that a few times so I can definitely compare him to those hard males.

Kontento na ako na makita ang larawan niya sa papel. Paminsan-minsan, naiisip ko siya sa mga nagdadaang araw pero kapag napapansin kong masyado ko nang ginugugol ang pag-iisip ko sa kanya, tinitigilan ko na.

“Brosing, halika at kumain muna kayo rito,” sabi ni Aling Wanda nang nakita ang pagbaba namin galing sa silid-aklatan.

Tapos na ang trabaho namin ni Lola Brosing sa taas. Aalis na sana kami pero pinigilan kami ni Aling Wanda. Sa labas ng puting pintuan ay parehong kulay ng mga silya at lamesa. The bannisters of their veranda were also white. Ang kubyertos ay silver pero ang mga platito at mga palayok ay porselanang puti.

“Inanyayahan kayo ni Felicia sa hapag para sa meryenda. Sige na…”
“Ah… eh…” Hindi makatanggi si Lola. Nakakahiya naman kasi dahil lahat ng nasa parihabang mesa ay nakatingin na sa amin.

Two pairs of Riego couple and the other two Riego boys. Ang isa’y mas bata kesa sa isa.

Napatingin ako sa pinakabatang kasambahay na nandoon. Ilang taon lang siguro ang tanda sa akin. I smiled at her but she gave me an angry look bago ako pinagsalinan ng juice.

Yumuko ako at tahimik na naupo sa tabi ni Lola.

“Maraming salamat, Lola, sa ilang taon ninyong pagtulong sa pag-aayos sa library,” si Felicia Riego.
“Walang anuman iyon, Ma’am. Naging parte na rin po ng buhay namin.”

The older son of the Riego’s eyes bore into me. Pagkatapos sa akin ay sumulyap siya sa mas bata na tumango lamang pabalik sa kanya.

“Ano nga uli ang pangalan mo, hija?” tanong ni Felicia Riego sabay tingin sa akin.
“Soleil, po,” banayad kong sagot.
“She smiled. How is your father? I hope he’s doing well. We have not seen each other for ages.”
“Maayos naman po si Papa, Ma’am,” sabi ko.

Tumango si Felicia Riego. Bahagyang tumawa ang nakatatandang lalaking Riego sa tabi ni Hades.

“Si Balthazar ba ang tinutukoy mo, Fely? Balita ko’y-”
Pinutol ito ni Felicia. I was so ready to look down and hear the same thing about my father. “Ares.”
“Totoo ba iyon, hija? There is a cult squatting on our lands?” Hades Riego knows it but he wants to hear it from a witness.
“Hades!” dumagungdong ang boses ni Felicia Riego pagkatapos ng tanong.

She looks so disappointed and angry. Nakita kong hinawakan ni Hades Riego ang kamay ni Felicia, to assure her that he’s sorry.

“I’m sorry, hija. It’s the stories we hear from our workers,” agap ni Hades.
“Hindi po kami kulto. Iba lang po ang tradisyon at kinagisnan ng mga tao roon sa mga taong nandito,” sagot ko nang hindi sila tinitingnan.

Natahimik sila pagkatapos kong magsalita. The tension and awkwardness intensified every waking second.

“Fely, saan mo ba nakilala si Balthazar?” tanong ng babaeng Riego.
“Oh…” uminom ng tsaa si Felicia Riego. “He was my father’s trusted apprentice, Relani. And since then, we’ve became good friends since.”
“Oh! That’s understandable.” Bumaling ito sa akin at ngumisi. “But you are extremely pretty, my dear. I bet your father is very good looking. Is your mother living with you?”
Umiling ako. “Patay na po si Mama.”
“I’m sorry…” sabay inom din nito ng tsaa.
“Stress and probably heart conditions, her mother died, Relani. She’s from a good family in Iloilo. Their business failed at dahil dayong pareho ang ninuno, wala nang kilalang ibang relative. I don’t know if Balthazar’s move from Iloilo to here is a wise decision but it’s too late to look back now.”

Nanatili ang titig ko kay Felicia Riego pagkatapos sabihin iyon. Her view of my family’s past is correct. Gaya sa mga sinabi ni Papa at narinig kong usapan ng mga tao sa amin. My grand father is spanish and my grand mother is chinese-filipino. Dayong pareho sa Iloilo at nagsimula ng maliit na negosyo. My mother is their only daughter, and father is her boyfriend. Bumagsak ang negosyo sa panahong nagkasakit ang aking lolo at lola, leaving my mother nothing.

Iyon din ang dahilan ng paglipat ni Mama at Papa sa Costa Leona.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Lola Brosing nang nakaalis na kami sa Casa Riego.
Tumango ako. “Hindi po kaya nagbabalak ang mga Riego na paalisin kaming lahat sa lupain nila?”

Iyon ang tanging pinag-aalala ko. Sa ilang taon naming pamamalagi roon, hindi naman kami kailanman pinaalis pero hindi naman pwedeng laging ganoon. But lately, some of the teenagers in our village had been threats to Costa Leona’s safety. Ang iba kasi, hindi sinisipag magsaka kaya imbes na magsikap ay nagnanakaw na lang.

Hindi pa namin napapatunayan iyon pero sabi ni Papa, sa oras na mapatunayan, may mga aksyon naman kaming gagawin.

“Hindi nila gagawin iyon, hija, huwag kang mag-alala.”
“Nitong mga nakaraang buwan, usap-usapan sa baryo na ang mga magnanakaw sa mga maliliit na tindahan ay miyembro samin. Hindi pa napapatunayan, pero hindi ko maipagkakaila na iilan nga po ang tumigil sa pagsasaka. Natatakot akong iyon ang maging dahilan ng mga Riego para itaboy kami roon, Lola.”
“Siguro naman bibigyan kayo ng palugit at kung sakaling maresolba n’yo ‘yan, magiging maayos ang lahat.”
“O di kaya, paano po kung kakailanganin nila ang lupain para sa pagsasaka?” tanong ko, exploring the other possiblities.
“Malawak ang kanilang lupain, hija. At tumigil man sila sa pagsasaka ngayon, tama na ang kanilang mga negosyo at pabrika para mabuhay sila ng marangya sa magdadaan pang panahon. Huwag mo nang alalahanin iyon. Mabubuting tao ang mga Riego.”

I held on to that. At bilang aksyon ko naman sa inirereklamo ng iba, pinilit ko si Papa sa pag iimbestiga sa mga nagnanakaw daw na parukyano namin.

“Papa, wala parin po bang balita?” tanong ko.
“Sa ano, Leil?”
“Marami na po kasing nagrereklamo tungkol sa pagnanakaw sa bayan-”

Pisil ang aking braso ay hinatak niya ako papasok sa maliit na altar. Walang naroon tuwing hindi oras ng pagsamba kaya kaming dalawa lang.

“Hindi ba sinabi ko na sa’yo na huwag ka nang makealam? Ang importante, Leil, meron tayong pera. Hindi na natin problema kung saan galing-”
“Papa! Hindi ba napag-usapan natin ito? Hindi ba ipinangako mo na aayusin mo ito?” giit ko.

He nodded impatiently.

“Oo na! Sige na! Lumabas ka muna roon at magpahinga! Ang kulit mo!”

Ibinagsak ko ang aking katawan sa dayami. Humiyaw ang kambing, ang tanging ingay sa tahimik na hapon doon sa village. Nilingon ko ang kambing na ngumunguya ng mga damo.

“Tingin mo papalayasin tayo ng mga Riego?”

Humiyaw ito, parang sumasang-ayon. Bumuntong hininga ako at tumingala sa mangasul-ngasul na langit.

Naging pinakamahirap na taon iyon sa akin para sa eskwelahan. I was always struggling with making friends and keeping them. Sa taong ito, lumala. We are all growing teenagers and it is natural to want to belong to each group. Pero para sa akin, tila wala na akong puwang sa lahat.

Bumagsak ang mga aklat na dala ko sa isang malakas na pagkakabangga sa isang babae kasama ang kanyang grupo. Ang grupo ng mga babaeng iyon ay isa sa mga hinahangaan ko. They are all very fancy and girly, something that I would never be.

“Ay sorry. Natapon ang mga aklat ng mangkukulam!” nagtatawanan sila habang paisa-isa kong pinulot ang mga aklat na hiniram ko pa sa library.

Isang bangga ulit sa lider at pinakamaganda sa kanila at ang mga napulot ko’y bumagsak muli.

“Beth, hiniram ko pa ‘to sa library. Baka pagbayarin ako pag masira kaya-”

The anger on her face was very evident. Hindi pa ako natatapos ay nilampaso niya na ang tatlong libro sa sahig dahilan ng pagkakadumi at gutay-gutay ng mga ito. My eyes widened when I realized what happened.

I pushed her with all my might para matigil siya sa ginagawa. Naging matagumpay naman ako. Napaatras siya at halos nadapa. Sa galit niya at ng mga kaibigan ay sinugod nila ako at umambang sasabunutan.

Just when they were about to pull my hair, a group of boys settled between us.

“Tumigil kayo, Beth!” sigaw ng lalaking kaklase ko.

Ang ibang kaibigan niya’y tumulak sa mga babaeng kaibigan naman ni Beth. Hinagilap ko ang mga aklat na nahulog at niyakap ko ito. Inawat ko ang mga luhang nagbabadya dahil ayaw kong mas lumala pa ito.

“Ano, Raymond!? So totoo nga iyong sinasabi nila, huh?” si Beth na ngayon ay para kay Raymond na ang galit.

Pinatayo ako ng isang lalaking kaklase. Tahimik akong nagpasalamat habang tinitingnan ang pagtatalo ng dalawa.

“Na gusto mo nga ang mangkukulam na ‘to?”
“Beth, pwede ba?” giit noong lalaki sabay sulyap sa akin.
“Eh, ginayuma ka ata nito, e! Nagpaturo ka lang sa isang subject ng isang beses, nililibre mo na? Nababaliw ka na!?” si Beth.
“Tama! ‘Yang aswang na ‘yan ang dahilan ng pagbi-break namin ni Danny, e! Kaya tama lang ‘yan, Beth!” said one of her friends.

Tinulak at tinampal ng umiiyak na si Beth ang dibdib ni Raymond at silang dalawa na ang lubusang nag-away.

Tulala ako sa opisina ng principal habang tinititigan ang mga librong siguradong babayaran ko. Nagmamadaling pumunta si Ma’am Luz Avila roon at nang nakita ako’y tinabihan agad ako at niyakap.

“Narinig ko ang nangyari. Ayos ka lang ba?”

Pinasadahan niya ako ng tingin. She’s expecting me to have bruises and the likes so I assured her that I’m fine.

“Nadamay lang po ako sa away nila,” sabi ko sabay tingin sa mga aklat sa harap ko.
“Ako na ang bahala sa mga ‘yan.”
Napabaling agad ako kay Ma’am. “Ako po ang nanghiram niyan kaya responsiblidad ko po ‘yan. Ayos lang po. Makakagawa naman siguro ako ng paraan-”
“Ikaw talaga, Leil! Hayaan mo na ako! Huwag ka nang tumanggi…”

Ganoon ang mga nagdaan pang araw. While the boys were becoming friendly to me, the girls are angry and mad. May iilan na akong naging kaibigan na sana pero sa hindi malamang dahilan ay inayawan ako at hindi na muling pinansin pa.

“Leil, totoo bang ilang oras pa ang lalakarin patungo sa bahay n’yo?” tanong ng isang kaklase nang palabas na ako sa gate ng paaralan.
Tumango ako. “Bakit?”
“Eh…”

He smiled and blushed. Hinagilap ko ang mga mata niya at nang nagkatinginan kami ay natulala siya.




“Bakit? Ang inyo ba, saan?”
Umiling siya, nakaawang ang labi. “I-Ihahatid sana kita sa inyo.”

Napawi ang ngiti ko. This isn’t the first time a boy classmate wanted to walk me home. Nauuna na ang utak ko tuwing may nagyayaya. I can imagine my father’s reaction. I don’t want to complicate things so as usual, umiling ako.

“Malayo, e. Dalawang oras pa ang lalakarin. Gagabihin ka lang kung sakali. At… kagubatan iyon kaya, mahirap na.”

There’s an easier way. The shortcut. Isang oras lang lalakarin pero sa gubat nga dadaan hanggang sa kamalig. But then again, I don’t want my father to see me being friendly with anyone. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kaya sa ngayon, hindi ko papaunlakan ang mga ganitong imbitasyon.

“Ah! Ganoon ba… E… pwede bang kahit sa bukana lang ng gubat?”

Iginala ko ang mga mata ko sa langit bago tumango at ngumiti. Once in a while, I like the company of friends. Siguro dahil bukod sa kambing, wala na akong ibang kaibigan pa. Parehong parang nanay ko si Ma’am Avila at Lola Brosing. At hanggang ngayon, gusto ko paring makihalubilo sa mga kaedad ko.

“Abala silang lahat ngayon sa pagsasaka. Ang mabuti pa, mamili ka ng gamit mo at sobrang liit na niyang suot mong damit…” si Papa sa isang mukhang maayos na araw para sa kanya.

Napatingin ako sa puting bestida. My classmates can wear pants and shorts on our washing day. Ako naman, sa bawat magdadaang araw puro uniporme lang. Kahit pa washing day naman. Lumiliit na kasi ang mga damit ko. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling namili ng damit. Puro uniporme lang naman ang sinusuot ko. At may ibibigay man si Ma’am Avila sa akin, sa paaralan ko naman iyon sinusuot tuwing P.E.

“Bilisan mo, ha! Naghahanda tayo para sa seremonyas. Hindi ka pwedeng gumala ng basta-basta!” sabi ni Papa.
“Opo,” sagot ko.

For my fifteenth summer, everything is usual. Sa pang apat na kabilugan ng buwan sa taong ito, mag-aalay ulit ang lahat ng kanilang mga ari-arian sa amin. Father has been leaving the village some days now. Lalo na dahil tingin niya, naging responsable na rin ako bilang susunod na lider ng lahat. Ipinagkakatiwala niya ang lahat sa akin. Hindi niya alam, minsan tinatanggihan ko na ang mga alay.

Humiyaw ang kambing ng nakita akong paalis sa village. Hindi matigil at kakaiba kaya alam ko agad kung ano ang pinaparating nito.

“Sige na nga…”

Pakiramdam ko, pareho kami nitong kambing. Alive, but not really living. He is trapped in this village when he should’ve been in the wild… pero gaya ko… ano ang kasiguraduhan na mabubuhay nga ako sa mas malaking mundo? I’m not sure if I know enough of how it actually works.

“Long cut tayo ngayon dahil nandyan ka. Dalawang oras na lakad. Hay naku! Pero gaya ng dati ha, pagkadating ko sa bukana, itatali kita sa molave at iiwan kita ng mga dalawang oras doon.”

Humiyaw ang kambing. Ngumisi ako dahil iniisip kong naiintindihan niya ako. The excitement on his voice told me that he is content with that. Sa bagay, ang makakita ng ibang tanawin at makakain ng ibang pagkain ay nakakapagpasaya nga kahit kanino.

“Huwag kang mag-alala, walang ahas doon. Noong nakaraan, nakatulog nga ako sa ugat noong punong narra, e. Mga dalawang oras din iyon. Bukod sa kagat ng langgam, wala nang ibang nangagat sakin kaya ayos lang, ha?”

Humiyaw ang kambing kaya natawa ulit ako.

For this summer, I want to read as many books as I can. I like love stories. Somehow, they tickle my mind and heart. Hindi lang kasi ang pagmamahal sa kapwa ang naroon, minsan, meron ding aral sa pamilya at sa buhay. It’s entertaining and informative at the same time. Bukod pa roon, mas nagkakaroon din ako ng ideya sa mga nangyayari sa mga tao sa mga syudad at iba pang lugar.

Hindi pa kasi ako nakakapunta sa ibang lugar bukod sa Costa Leona. I find our barrio big. But everytime I read about cities with tall buildings and busy streets at night, my want to experience and see it for myself heightened.

“Kontento ka na ba sa village?” tanong ko sa kambing.

Palapit na kami sa malawak at medyo malalim na parte ng sapa, sa tapat ng kamalig. During school days, it’s empty. And the past summer, it was empty as well. Kaya naman, sa summer na ito, wala na sa utak ko na maaaring may tao pa riyan.

Humiyaw ang kambing ko at humagikhik na ako. It’s funny that he can answer me right after a question. Hindi man maiintindihan ang sinabi, pakiramdam ko, alam ko ang sagot niya.

Pero imbes na iyon ang isipin, nasamid ako sa sariling hininga nang narinig ang pag-ahon galing sa tubig. Napahawak ako sa labi at napahila sa lubid ng kambing.

Sino ‘yon? Ang mga batang dating nambabato sa akin ay tumanda na. They still talk about me but they are all less violent now. Ganunman, ayaw ko paring makasalamuha sila. Kung nandito nga sila, didiretso na ako sa lakad na parang walang nakikita.

I saw a silhouette of a man. Basa ang tinatapakan niya dahil kaaahon niya pa lang sa tubig. The supposed untame hair on his legs tamed because of the trickling water. His black shorts trailed the muscles of his thighs. It hung loosely on his belt. Pinalupot nito ang puting tuwalya sa leeg dahilan ng bahagyang pagkakatabon noon ng kanyang katawan.

Parang may umilaw sa utak ko nang nakita ito ng nakatalikod. But it’s impossible. The man was bigger and a bit taller than I remember so it can’t be Raoul, right? Nilagay ng lalaki ang cellphone sa tainga at nang nagsalita ito nalaman ko na siya nga iyon.

“Yeah… just this mornin. You may…” aniya sa cellphone.

Para akong nakalutang. Walang pag-aalinlangan akong bumaling sa kagubatan – ang shortcut na magiging mahirap ngayong dala ko ang kambing. But we’ll get through it all even with the snakes because we have to.

“Tara na…” bulong ko sa kambing sabay hila sa kanya patungo sa naglalakihang ugat ng mga puno.

He chuckled. My stomach hollowed when I heard his low growl. Pero imbes na matulala ay nagpatuloy parin ako. My chest hurt a bit from all the banging in my chest.\

“Fuck you, Zamiel. I’m not like you.”

Napakurap-kurap ako sa narinig. Pilit ko paring hinihila ang lubid ng kambing. Malapit ko nang maisip na mas mainam kung dadalhin ko na lang ang kambing sa aking bisig.

Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Raoul at nakitang nakaharap na siya sa banda ko. Namimilog ang mga mata at kinakabahan ay tumigil ako sa pagkilos at nagtago sa malaking puno ng narra.

“Sige…” aniya na minarkahan ng katapusan.

Pumikit ako ng mariin at mariin ding hinawakan ang lubid. I put my index finger in between my lips to silence the goat pero gaya ng dati’y, imbes na ganoon, humiyaw pa ito!

I groaned inwardly and closed my eyes tight.

“Who’s there?” malalim na boses ni Raoul ang umalingawngaw sa gubat.

Hindi ako gumalaw. Hindi na rin humiyaw ang kambing, mukhang nalaman ang gusto kong mangyari pero huli na ang lahat.

His groan echoed. The next thing I heard is the sound of his footsteps breaking the dried leaves. Parang lalabas ang puso ko sa lakas ng pintig. Namamawis ang kamay ko sa higpit ng kapit sa lubid. Pumikit ulit ako at tumingala, nagdadasal sa kung sino mang nakikinig na sana huwag akong makita.

“Sino ‘yan? Bakit ka nagtatago?” malinaw niyang sinabi.

Alam ko kaagad na malapit na siya. I have no choice. I don’t think he’ll give up soon. He knows I’m here. Besides… Nilingon ko ang kambing na nakatingin sa kung sino man ang naroon sa harap ng pinagtataguan kong puno.

Nasapo ko ang mukha ko sa dismaya nang natantong siguro’y nakita na ni Raoul ito! Mabilis akong nagpakita at yumuko para humingi ng tawad.

“Sorry. Dadaan lang sana ako. Ayaw kong makaistorbo kaya nagtago ako,” sabi ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Raoul. Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kanya. Unang baling ko palang, wala na ulit akong nagawa kundi mamangha.

Ang sinikil kong alab ng adorasyon at paghanga ay mas lalong nagliyab ngayon. I want to know if it is his looks or his aura… his achievements… or his attitude. What is it? I don’t know him personally. I am not sure what he is with his friends. I don’t understand why the extreme devotion despite the years of not seeing him?

“Hm. Hindi mo naisama ang kambing mo sa pagtatago. It’s staring right back at me while you’re hiding behind that tree…” he said cooly.

Uminuwestra niya rin ang puno gamit ang isang baso bago siya sumimsim doon. I heard him enjoy the refreshing effect of the water. He put the glass back on the table. Pagkatapos ay naglakad muli siya patungo sa akin.

My legs commanded me to run but my brain is too fuzzy to even think about it. Nanatili akong nakatayo sa likod ng mga kahoy at naglalakihang ugat.

Galing sa akin, bumaling siya sa kambing at ngumisi.

“Is this the same goat years ago?” he asked, his voice like a low murmur of a large beast.
“Uh… oo.”
“You have a strange taste for a pet,” sabay huli niya sa tuwalya at haplos nito sa buhok para matuyo.

He squatted in front of the goat. Walang pag-aalinlangan niyang hinugot ang tangkay ng isang halaman sa malapit at inilapit sa mukha ng aking kambing. Kumain ang kambing galing doon. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

He smiled. Binaba niya ang tangkay at hinayaan ang kambing kong lantakan ang halaman. He then turned to me. Our distance is about a two meters and I am so stunned and speechless.

“Saan ka pupunta?” he asked, humor is etched on his perfect mouth.
“Uh, s-sa bayan sana.”

He nodded slowly. Ang kanyang mga mata ay lumagpas sa akin bago bumalik.

“Doon ang bahay ninyo?” tanong niya.
Tumango ako.
“Isasama mo ang kambing patungo sa bayan?”
“Uh… Itatali ko ito sa m-may bukana. Babalikan ko lang mamaya.”
“Hapon na, ah? Ilang oras mong lalakarin galing sa may bukana patungo sa inyo?”
“K-Kung dito sa m-may kamalig da-daan, isang oras pero kung sa sapa… dalawa.”
Tumango siya at parehong tiningnan ang mga daanang tinukoy. “This way is safer…” he suggested, itinuro ang sapa.

I nodded, too, because I know. Sa sapa, walang naglalakihang ugat at puno kaya kung may hayop man, makikita ko agad at makakailag ako.

“Ba’t ka diyan dadaan, kung ganoon?” tanong niya, tinutukoy ang malawak na gubat.

Hindi ako nakasagot. Uminit ang pisngi ko, ikinakahiya na umiwas ako sa kanya kaya ako dadaan dapat dito.

“Eitherway, though, parehong delikado. Lalo na kung gagabihin ka. Our land do not tolerate trespassers but it’s too big. We can’t see who’s in there all the time. Paano kung may mga masasamang taong mag-abang sa’yo rito, anong gagawin mo?”
“T-T-Tatakbo ako,” sabi ko.
“Hmm. And you think you won’t get caught?”

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko na alam kung anong isasagot.

“A-Araw araw ako dumadaan dito kapag may pasok. Natatakasan ko naman ang iilang… masasamang tao.”

Nagtama ang tingin namin. I saw the muscles on his jaw move like he’s gritting his teeth or something.

Pagkatapos kong magsalita at sa kalagitnaan ng tinginan namin, narinig ko ang mga tunog ng palapit na mga kabayo. Hindi na nagdaan ang ilang segundo, naroon na ang kanyang mga kaibigan. The first one who came is one of his closest friends since then. Mabilis itong bumaba sa kabayo habang nakatingin sa akin. Nagsidatingan na rin ang iba, pati ang mga babae.

“Pasensya na sa abala,” sabi ko sabay hila sa kambing at diretso na lang sa sapa sa mas malayong daanan.

Tutal at nakita na nila ako, hindi na ako iilag pa.

“Anong oras ka uuwi sa inyo?” Raoul’s voice thundered past the galloping horses and the greetings from his friends.

Narinig ko ang bahagyang bulungan.

“Sino ‘yan?”
“Iyong anak ng engkanto.”
“Why is she here?”

“Uh… Pagkatapos ko lang mamili,” sabi ko at hinila na ang kambing para makapagpatuloy kami sa paglalakad.

“Rao, hindi ba sinabi ko sa’yo na…” the voices were drowned by the other warning from his friends.

Pero habang palayo ako, hindi parin tumitigil ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang mga dating alaala sa kanya ay muli kong nabalikan. Hindi ganoon karami pero malinaw parin sa utak ko.

Sa isang oras na paglalakad patungo sa bukana, iyon lang ang naging laman ng utak ko. And looking back, I realized how noble my adoration for him was. I wanted to watch him successful. I wanted to see him marry the girl of his dreams. I wanted to clap and cheer for them.

Today, I realized, something has changed somewhere. Hindi ko alam kung mabuti ba iyon o hindi.

Binura ko ang sarili ko sa imahinasyong iyon. I no longer belong to the audience who clapped and cheered for him while he marries the girl of his dreams. I was simply not there. Hindi iyon dahil alam kong malabong imbitado ako, kundi dahil hindi ako sigurado kung papalakpak nga ba ako kapag nangyari iyon.

I was simply not there. I was somewhere else far from it all. I was happy for him but I will definitely not come to see it all.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.