Sands of Time – Kabanata 29

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 29

Kabanata 29
Present

The Ledesmas were worried about me. Kahit anong gawin kong normal at kahit anong kumbinsi ko na ayos lang ako, Prince never believed me. At walang makakapagpaamin sa akin sa tunay kong nararamdaman.

They wanted me to take a vacation. They gave me money for it pero sinoli ko iyon. I am earning now. Kung gusto ko ng bakasyon, kaya kong gumastos para roon pero hindi ko iyon priority so I did not take the chance.

They are all so worried at me. Sinabi kasi ni Prince ang nangyari sa pag-aakalang aamin ako sa tunay na dahilan ng biglaang pag-iyak noong nakraan kay Tita Sally. But I didn’t.

Sa kagustuhan nilang gumaan ang loob ko, hindi ko man ipinapakitang masama ang loob ko, nagplano sila ng ilang araw na bakasyon para sa pamilya. Kaming lahat ang pupunta dahil noong sinabi ni Tito Ton na pwedeng kami lang ni Prince, I expressed my unwavering disagreement. Kaya ngayong kaming lahat ang pupunta, pumayag na rin ako dahil wala na akong magagawa.

“You what?” Cresia is back after months of being abroad.

Nanatili ang mga mata ko sa screen ng aking computer. Sinabi ko sa kanya kanina na pagkatapos na lang ng trabaho kami magkikita pero hindi niya yata kayang maghintay ng ilang oras.

Pumasok siya sa opisina ko dala ang napakaraming pasalubong para sa akin. Prince uploaded some of our pictures from that trip. Pinapili nila ako ng gustong pagbakasyunan. They all think I’d choose to be out of the country or anything very far pero mas nauna ang takot sa akin na mas dumagdag lamang iyon sa utang na loob ko kaya pinili kong malapit lang sa syudad.

I appreciate their effort to cheer me up, kahit hindi nila alam kung anong problema ko.

“You did something stupid while I was away!” she declared.

Huminga ako ng malalim at pagod siyang binalingan. Tumayo ako at nilapitan na siya para mayakap. She looks so confused while she embraced me.

“I missed you,” napapaos kong sinabi sa kaibigan ko.

I felt her stiffen at my hug. Sa huli, imbes na bitiwan ko na siya para maharap na ay mas lalo niya akong niyakap. Hindi siya pumayag na bitiwan ko siya at nanatili kaming ganoon ng ilang sandali, with her silently sobbing for whatever reason.

I told her I broke up with Raoul pagkatapos niyang makita ang iilang picture namin ng pamilyang Ledesma sa Facebook. Sinabi ko sa kanyang pumunta kami roon para makapagbakasyon dahil naabutan ko ni Prince na umiiyak sa opisina. So of course, I also included the reason why I cried.

And now, I think I know why she’s crying here, too.

Bahagya niyang tinapon ang palapulsuhan ko nang nahawakan ang bracelet doon. Mapait akong ngumiti.

“You’re kidding me?” she said after a long catching up.

Ikinwento niya ang naging karanasan abroad. It seems like a nice place. But she wasn’t completely happy there, too. In fact, mas lalo lang siyang nalungkot. Sinubukan niyang itago sa akin ang rason ng kalungkutan. Natatakot siyang sabihin kong masyado siyang mababaw para malungkot sa isang bagay na ganoon lamang.

Mas marami pa raw mga tao na mas malalaki ang problema. Hindi niya maintindihan kung bakit sa ganoon ka liit na bagay ay sobra sobra na nagpalungkot sa kanya.

But I felt that one too, once. I cried for something very petty. It was like my world depended on it. I was very young to think that my world did depend on it. Hugging my small and innocent friend, I cried scared of my own feelings. I thought it was the worst problem of all.

Hindi minamaliit ang ganoong problema, no matter how petty anyone think it is. We all need a little encouragement so we can go through anything in our life. And I guess that was what Cresia wanted and needed to hear.

“Bakit mo suot pa ang bracelet niya?” paratang niya.
Napalunok ako. “Ayos lang. Nasanay na akong suot ito…”

Itinago ko ang kamay ko kung saan naroon ang bracelet at nag-iwas ako ng tingin kay Cresia.

“At… suot niya ang screwdriver,” maliit ang boses ko sa huling sinabi.
Cresia sighed. “You are crazy! Ilan ang nangangarap sa mahal nila na mahalin sila pabalik, Leil? At ikaw na maswerteng minamahal pabalik, ganyan lang ang gagawin mo?”

Ramdam na ramdam ko ang pinaghuhugutan ni Cresia sa sinabi. Wala akong naisagot doon. I feel bad for my friend but I know she’s doing really fine now.

At ang tinutukoy niyang maswerteng minamahal pabalik, kalaunan, hindi na totoo, gaya ng inaasahan ko.

Walang tinatrabaho si Cresia. Bukod sa pinapatulong siya sa kuya Arthur niya at iba pang mga pinsan niya, ang tanging pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pagbisita sa akin sa opisina. I think we both stayed sane and happy that way: by being together.

Gusto ng Mommy at Daddy niya na lumipat na muna siya sa Maynila para mas mabantayan ng husto pero tumatanggi siya dahil sa akin. She wants to always be with me. Sometimes, I feel guilty for it. Maybe she can do more things there but because of me, she wants to stay in Iloilo.

“It’s going to be worse than this once my Dad makes it to the Senate!” she exclaimed after reading a creepy death threat from an unknown sender.

It sent shivers down my spine. Ang maisip ang bayolenteng mga bagay ay sadyang nakakapagpaalala sa akin sa nangyari ilang taon na ang nakalilipas. It’s like murder… of Hades Riego all over again. Ni hindi ko namalayan na ganito pala ka grabe ang magiging reaksyon ko sakaling makakita ng ganoon.

“Kaya dapat ka nang sa Manila, Cres, dahil doon mas marami ang security ng Daddy mo,” sabi ko.
Nagkibit siya ng balikat. “I can say that it’s better here, Leil. Ako lang ang babantayan ng security kumpara sa Manila na kasama pa si Mommy, Daddy, at Kuya, pati pa ang mga pinsan ko. Though, for my father, it’s because he’s running for the Senate. And for some of my cousins, they have threats because of having too much money.”

Narito parin si Manong Roy sa amin. Minsan siya ang nagd-drive sa akin kapag wala si Prince. At hindi ko alam kung bakit umaasa akong may sabihin siya sa akin sa kahabaan ng pagmamaneho. Sa huli, wala rin siyang sinasabi. Hindi na rin ako nagtanong pa.

May mga araw na hindi ko nararamdaman ang pagkawala niya. Siguro dahil bukod sa dati na kaming ganito, hindi nagkikita araw araw, abala rin ako sa trabaho. It’s only at the end of the day, when I see my phone smothered only with texts from Prince and from the people at work, then I realize that we really are over.

“Happy birthday, Leil,” Prince said to me while holding out a cute chocolate cake.

Katatapos lang ng celebration sa hotel. Umuwi na kaming dalawa at susunod na raw ang mga Ledesma kalaunan.

“Thank you, Prince,” sabay ngiti ko.

Sinadya yata ang dilim sa garahe para sa sorpresa niyang ito. The candle’s light shined brightly. Marahan ko iyong hinipan at nang namatay ay ang madilim na mukha ni Prince na lamang ang natanawan ko.

I smiled. The lights from the lamp posts illuminated our eyes. He’s smiling sweetly at me. Nag-iwas ako ng tingin nang may maalala.

Hinayaan niya akong hawakan ang ibinigay niyang cake. Kalalabas ko pa lang kanina sa sasakyan nang salubungin niya ako nito. Napawi ang ngiti ko ngayong dahil abala ang mga kamay ko’y ang mga kamay niya nama’y lumipad sa aking baywang para mahawakan ako ng marahan.

“I’ve waited all my life for this, Leil,” he said.

Kinabahan agad ako. Nitong mga nakaraang linggo, naramdaman ko ang turing ni Prince sa akin. Ganoon siya dati pa pero inisip kong lumala lang ngayon dahil sa mas madalas naming pagkakasama.

Pinatawad ko ang iilang pagkakataong lumabas kaming dalawa upang i-celebrate ang iilang matagumpay na operasyon sa hotel. Pero ngayong sa kaarawan ko’y ganito, kaming dalawa lang ulit, at sa ganitong ayos pa, pakiramdam ko iba na.

Ang huling balita ko kay Raoul ay ang pagpunta niya sa ibang bansa. Bukod doon, wala na. Maging si Cresia ay hirap nang makapagnakaw ng impormasyon sa kanya. Mas mainam din iyon. It’s not good to continually hear about him now that we’re done. I should continue with my own life as he’s doing the same for sure.

Naibaba ko ang cake nang ang isang kamay niya’y hinaplos na ang pisngi ko. Nilapit niya ang kanyang mukha.

Prince is good looking. He’s like his name. With the messy boyish hair, an angelic features, and snobbish almond eyes, hindi mahirap intindihin kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanya. I heard he’s dated girls before at papalit palit pa ng magagandang girlfriend. Hindi mabilis malimutan ng mga babae at hinahabol pa minsan.

Iyon nga lang, walang puwang sa akin ang kaisipang iyon tungkol sa kanya. All my life, I’ve anchored myself on the only man I have ever loved since my childhood years. I couldn’t see anyone. I couldn’t appreciate anything other than him.

Ngayon ko lang naramdaman na mabigat iyon. Like a curse from my mother and my father, who both have the same unrequited love for his parents. Ipinasa yata sa akin ng mga magulang ko ang pagkakabighani sa isang partikular na Riego at hindi ko alam kung may hangganan ba ito.

“I hope you know by now what I’m feeling for you,” said Prince in a breathy whisper.

Nanatili ang mga mata ko sa baba, hindi kayang harapin ang intensidad ng kanyang mga mata dahil sigurado ako sa nararamdaman ko.

I have broken myself months ago and I’m still a wreck now. Ang matinding pagmamahal ko kay Raoul ay dala ko parin hanggang ngayon. Nararamdaman kong hindi man lang napawi ng isang linya iyon. Halos masiguro kong siya lang ang mamahalin ko pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. The breakthrough stories of people who went through devastating heartaches and in the end, found a new love for themselves is inspiring me.

Magmamahal akong ulit. Hindi man ngayon pero alam ko na hindi ako hahayaan ng tadhana na magdusa ng ganito buong buhay ko.

Pero alam ko kung kailan iyon at kailan hindi. Hindi ako manggagamit ng tao para lang mapatunayan sa sarili ko na tama ang paniniwala ko. Na hindi ako magagaya sa mga magulang kong natatangi ang adorasyon para sa nag-iisang tao, nagdaan man ang mga panahon.

“Prince…”
“I love you, Leil. I want us to be together, officially. I want you to be my girlfriend…”

Nag-angat ako ng tingin kay Prince. His sincerity made me tremble. Knowing what I’m feeling right now for him made me heartbroken.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam paano sisimulan.

The stretched silence probably made him feel secure. Inangat niya ang pisngi ko at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. The familiar gesture made me step back.

Natigilan siya sa ginawa ko. Nakita ko ang pagtataka at bahagyang galit sa kanyang mga mata.

“Prince…”

Napatingin ako sa cake na hawak. Kumawala ako sa kanya upang makalapit sa isang lamesita sa ‘di kalayuan. Sumunod naman siya kaya nang bumaling ako’y agad na nasa likod na siya.

“Pasensya na, pero hindi ko masusuklian ang nararandaman mo.”

Kunot-noo niya akong tinitigan. Bigo akong umiling.

“I don’t love you that way. Tanging pagkakaibigan at-”
“Leil, ang tagal na nating palaging magkasama! Inuulit mo ‘yan sa akin pero alam kong may nararamdaman ka sa akin kahit konti…” he said almost pleading.
“Prince, talagang pagkakaibigan lang ang nararamdaman ko para sa’yo.”

Hawak ngayon ang aking magkabilang braso. I can sense his desperation as he held on to it.

“I will court you, then! Give me a chance, please! Hinintay ko ang pagkakataong ito. I have protected you from all the guys who tried to be friends and more with you. We are always together, imposibleng kahit konti wala kang nararamdaman sa akin.”

Bigo akong umiling para ipakita ang nararamdaman. I hoped to forget Raj one day but it is certainly not this day. I will not let anyone wait and hope when I have nothing to really give from the start.

“Prince, pasensya ka na talaga. Ayaw kong umasa ka…”
“Maghihintay ako, Leil…” halos bulong niya sa akin sa pagmamakaawa.
“Ayokong may maghintay ngayong alam ko na wala akong maibibigay-”
“You’re lying to me!” he said with gritted teeth. “I know what you want. You want to stand on your own. To be responsible for the people you love and to be independent! Ibibigay ko iyan sa’yo, Leil. Just assure me that we can be together when the time is right!”

Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko gustong makita na ganito si Prince. All my life, I see him as someone who’s strong. To see him pleading like this is heartbreaking. But to hurt him more just because of my guilt is an even bigger sin I don’t want to experience.

“I’m sorry…” Umiling ako para ipakita sa kanya na buo ang loob ko sa desisyon.

Pumikit siya ng mariin at hinampas ang lamesa sa gilid ko. Halos napapikit ako sa sobrang gulat. Yumuko ako at magdadagdag pa sana ng sasabihin nang naunahan niya ako.

“Why can’t you give me a chance, then? Kaya kong maghintay, Leil! Please!” he pleaded again, trying to calm himself.
“Ayaw kong may maghintay sa akin, Prince. Lalo na dahil alam ko sa sarili kong wala akong maibibigay-”
“Hindi ko matatanggap na explanation ‘yan! Magkasama tayo lagi, Leil! Lagi! Araw-araw! Paanong hindi mo maibibigay sa akin ang pagkakataon na ganoon? Being with you everyday is like courting you without the label! Ngayon, lalagyan ko lang ng pangalan para makita mo ang tunay kong intensyon!”
“Prince, I’m really-”
“I don’t need your fucking apology! I want a better explanation on why you can’t fucking give me a chance when that’s what we do everyday!”

Parang kinukurot ang puso ko habang nakikinig sa sama ng loob ni Prince. Bigo akong pumikit ng mariin.

“I waited for you until you grow up and learn things about this! I protected you! I spent most of my time with you kaya hindi ko maintindihan kung bakit simpleng pag-asa lang, hindi mo maibigay sa akin-”
“May mahal akong iba, Prince!”

That was the truest of all truth I said today. Simula pa kanina, nang sinabi kong masaya ako. Totoo man iyon pero hindi lubusan. Ngayon, eto lamang ang totoo at walang duda.

May mahal akong iba. Mahal na mahal.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Prince. Tumuwid siya sa pagkakatayo, sa gulat. I can sense his anger intensifying pero wala akong planong bawiin ang sinabi ko.

“Sino?”

Hindi ako kumibo. Suminghap siya, tila naintindihan ang reaksyon ko. He punched the wall behind me. Napapikit ako ng mariin. Pagdilat ko’y umalis na siya, iniwan ako roon na mag-isa.

The next days were very painful. Akala ko, lalayo si Prince sa akin. Akala ko nga uuwi siya ng Maynila para makalayo pero nagkamali ako. Nagpatuloy siya sa pagsama sa akin sa trabaho, papunta man o pauwi.

Hindi kami gaanong nag-uusap. Nakita iyon ni Tita Sally at medyo nag-aalala siya sa amin. She just didn’t know what was bothering us both. Hindi ko na rin muling kinausap si Prince tungkol doon at mas lalo kong inabala ang sarili ko sa trabaho.

Sa New Year’s eve, hawak-hawak ko ang sparkler katabi ni Primrose. I smiled watching the sparks from its end. Napasulyap ako sa lumapit sa gilid ko. Akala ko si Arthur pero nang natagalan ako ng titig nakita kong si Prince pala iyon.

“Happy new year…” simple kong sinabi.
“Happy new year,” he said slowly, too.

Ngumiti ako. Kahit na ganoon ang nangyari sa amin noong nakaraang buwan, gusto kong mapanatili ang dati naming pagkakaibigan.

He watched my sparkler, too. Tawanan ang narinig ko galing kay Primrose at Arthur. Pinagmasdan ko silang dalawa ng ilang sandali bago nilipat muli ang mga mata sa sparkler.

“Here…” Prince said when he noticed it was slowly dying.

Binigyan niya ako ng bagong sinding sparkler. Ngumiti ako sa kanya.

“Thanks…” sabi ko.

Nasulyapan ko si Tita Sally at Tito Ton sa harap ko na nakangiti sa aming dalawa. Kinukulit nila si Prince noong nakaraan kung may problema raw ba kami, hindi naman nagsasalita si Prince. Hindi rin naman ako natanong ni Tita Sally at ayaw kong sa akin manggaling ang eksplenasyon noon. Maybe now that they see us slowly going back to normal, they feel relieved.

“I love you, Leil. Maghihintay ako sa’yo, sa ayaw man at gusto mo.”

Napawi ang ngiti ko. Nilingon ko siya at bigong inilingan para ipakita muli ang tunay kong nararamdaman. He smiled widely, pretending that it’s all okay.

Nagsindi rin siya ng kanyang sparkler at ipinakita na sa akin iyon. Umilag ako at natawa na lamang.

Hindi na muli naming napag-usapan iyon. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang ibig kong sabihin o ano. Pero nasisiguro kong kung mag-uusap muli kami tungkol doon, kaklaruhin ko na sa kanya ang totoo.

“Bakit nakasunod lagi, Leil?” tanong ni Cresia nang nakita ang aking driver kasama ang isa pang bodyguard na kinuha ni Prince para sa akin.

Ang sabi ni Prince, kailangan ko raw iyon dahil bukod sa malapit ako kay Cresia, kilala na akong bilang magaling na Sales Manager sa hotel. Hindi ako naniniwala sa pangalawang dahilan. Mas naniniwala pa ako na baka nga dahil kay Cresia. But Cresia has other speculations.

“Ayos lang, Cres. Hindi naman sila problema…” sabi ko sabay tingin ko sa mga ito.
“You think your driver is still under Raoul’s orders?” tanong ni Cresia.
Huminga ako ng malalim. “Hindi ko alam. Pero kung oo man, siguro nandito lang siya para malaman kung may koneksyon pa ba ako sa Papa ko.”

Cresia sighed. It’s a wonderful summer morning and she’s supposed to leave again for a trip. Hindi ako pumayag na sumama kaya stuck ulit siya rito sa Iloilo. Cresia’s been so obsessed with making me leave this city. Pero wala naman siyang magawa sa desisyon ko kaya sa mga araw na ganito, inaabala na lang namin ang mga sarili namin sa pagpupunta sa mga mall at kumain, manood ng movie, mag-usap, o ‘di kaya’y magpa ayos.

“Tingin ko, hindi ka nilagyan ni Prince ng bodyguard para sa ibang dahilan. I think he’s really fishing out information about you and your mystery man!” she exclaimed.

May sasabihin sana ako pero hinila niya ako at tinakbo para makawala sa tingin ng dalawang nakasunod sa amin. Nakita ko ang pagsunod parin ng mga ito pero tuluyan naming naiwala ang dalawa nang lumiko kami sa isang pasilyong maraming tao.

“Cres!” nag-aalala kong sinabi.
Tumawa si Cresia. “Just trying it out…”

Sabay naming nakita si Manong Roy sa kung saan, kalmado at tahimik na nakatingin.

“Oh well… That one’s pretty tough, huh?”
Umiling ako at bumaling sa kanya. “Ikaw? Bakit wala kang bodyguard. Ikaw dapat ang mayroong ganyan.”
“Andyan sila, Leil. ‘Di mo lang makikita kasi pinagtatago ko. I don’t want them stalking me all the time. Lalo na kapag may ka date ako. Ang awkward naman kung maghahalikan na kami tapos may klarong nakatitig na bodyguards, ‘di ba?”

She rolled her eyes and pulled me inside her usual favorite nail spa.

Natutuwa ako sa trabaho. I earn a lot and that means slowly I can be independent. May iilan na rin akong nabili para kay Ma’am Avila at Lola Brosing. Masaya ang dalawa sa mga regalo ko sa kanila pero bukod doon, nag-iipon din ako ng pera para sa sarili. Sometimes, I spoil myself and pay for things like manicure and pedicure. Iyon ang hilig ni Cresia na kalaunan ay nakahiligan ko na rin.

“Speaking of date…”

She started to talk about her recent date with a man. She filled me in with some of the details habang ang mga mata ko naman ay inaabala ko sa isang magazine.

Tumawa ako pagkatapos malaman ang nakakatawang experience ni Cresia. Iniba ko ang pahina sa magazine. And like a deja vu, I saw a big picture of someone I know.

Nangyari na ito noon. At pagkatapos ng ilang araw, umuwi siya rito at naging kami. Ngayon, alam kong malabo na na magkaganoon. Bukod sa paninindigan ko ang desisyon ko, hindi na iyon mapapadpad pang ulit dito.

Raoul Vesarius Riego brought this model to an elite event in Manila. They were also spotted together in a high end restaurant abroad bago nangyari ang event na ito.

Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ni Cresia dahil lulong na ako sa pagbabasa ng mga detalye roon.

Raj was looking serious and snobbish in his dark tux and dark blue tie. Hindi ko alam kung sa picture lang ba o sa personal din pero may maliit na pagbabago sa kanya. A change that made him look hotter and mature. His jaw and face is matted with small dark hair enough to make him look like a brooding spanish model.

Katabi niya ay ang model na tinutukoy. Minsan na itong nagmodel sa shampoo at ang mismong pinagmomodeluhan nito ay gamit ko. I bit my lower lip bitterly as I read the woman’s background.

She was a graduate of a prestigious university in Manila, with latin honors. She pursued her masters abroad. She was offered by a local pageant to join because she has a potential to be a Miss Universe representative pero hindi siya pumayag dahil abala siya sa pag-aaral at sa trabaho.

She’s a philanthropist. Born from a rich family, she used their money to help so many charitable institutions which were enumerated in that magazine.

“Huy? Anong nangyari sa’yo?” si Cresia nang napansin ang pagkakatahimik ko.

Everything is like a deja vu. Pero hindi gaya noon, pakiramdam ko, totoo na ito ngayon. Nagtagal ang titig ko sa mga kamay ni Raoul na nakita ko sa kabilang baywang ng babae. He’s holding her that way. I know this is different from the first time I saw him rumored to another woman.

“Ano ‘yan? Patingin?”

Hinablot ni Cresia sa akin ang magazine na iyon. Sa kahinaan ko, matagumpay niya iyong nakuha at mabilis na binasa. Natutop niya ang bibig nang nakita ang picture. Sumulyap siya sa akin bago nagpatuloy.

“Just r-rumors again!” aniya pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang boses.
I smiled at her. “Kung totoo, ayos lang…”

Muli niyang binasa ang magazine. My heart ached so much. Alam kong hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil iyon naman ang naging tanging sulusyon ko pero hindi ko parin maiwasan. I want to rip my heart into pieces so it would stop aching but I couldn’t kaya bumabawi na lang ako sa ekspresyon at sa pagdala sa sarili.

“They were spotted together in St. Regis!? Whoa!” puri ni Cresia.

Ngumuso ako at nanatili ang titig kay Cresia. Sumulyap si Cres sa akin at nanlaki ang mga mata niya. Binago niya kaagad ang ekspresyon.

“Hindi to totoo. Alam mo naman ang media, Leil…” aniya.

Ngumiti ako dahil taliwas iyon sa nararamdaman ko. I feel like she knows that it is kind of serious but she’s trying to cheer me up.

“Wala na kami. Ayos lang kung totoo…” sabi ko.

Nanatili ang mga mata niya sa magazine. Tinatapos yata ang article na hindi ko matapos-tapos kanina.

“He’s back as chairman of Riegosteel! Binigay ulit ang VHRV sa kanya pero hindi niya tinanggap so it’s still on Ares Riego!” ani Cresia.

I sighed at that. Ngumiti akong bumaling kay Cresia.

Alam ko na dahil nga iyon sa akin. Ngayon, mas napatunayan ko iyon. Muling napasa kanya ang Riegosteel pagkatapos ng ilang buwan. Hindi ko nga lang alam bakit ‘di niya tinatanggap ang VHRV gayong ibinibigay na rin sa kanya ang pamamahala noon.

“He’s really a monster in this field. They made it to the top again because of him!” ani Cresia habang nagpapatuloy sa pagbabasa.
“Kilala mo ba ang girlfriend niya?” tanong ko sabay iwas ng tingin kay Cresia.
“Hindi niya siguro ‘to girlfriend, Leil… Rumors lang ‘to gaya ng dati. E, lagi naman siyang na-iissue sa iilang sites sa ibang babae. Gaya lang din ito ng mga iyon.”
“Aksidenteng nakikita siya sa ibang lugar kasama ang ibang babae. Iba ‘to ngayon. Niyaya niya ‘yan bilang date sa event na ‘yan, ‘di ba?”

Hindi nakakibo si Cresia. I know, Cres. You don’t have to cover up for him or for me.

Sumulyap ako sa kanya. Nakita ko ang malungkot na mukha ng aking kaibigan. I know she cares for me the way I care for her. Iba nga lang kaming dalawa. Kung hinaharap ko ang problema, siya’y tumatakas. She tried to forget by dating so many men. I didn’t. At kung may impormasyon mang ganito, gaya ng dati, haharapin ko rin iyon.

“Well, this woman is one of Kuya Arthur’s crush. Medyo mailap daw noon pa man kaya hindi niya… Leil, maniniwala ka sa article na ‘to?”

Padabog na hinampas ni Cresia ang magazine sa lalagyanan. Kalmante akong tumingin pabalik kay Cresia na mukhang tensyunado na dahil sa nabasa.

I sighed heavily at that. I can feel my heart slightly breaking. Alam ko na alam ni Cresia ang totoo, ayaw niya lang talaga akong masaktan. Alam ko na isang basa sa article na iyon, alam niya na kaagad na hindi iyon basta-bastang rumors lang.

“Hindi na importante ang opinyon ko tungkol sa article, Cres.”

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin.

“Kung totoo ‘yan o hindi man, labas na ako riyan.”
“But it’s just r-rumors! Gaya ng sabi ni Raoul noon. Why don’t you ask him?”

Natawa ako sa sinabi niya na tila ba madaling gawin. Para saan pa? Bakit ko pa kailangang malaman kung totoo man o hindi?

I ended us almost a year ago. If he tries to move on and be with another girl, it shouldn’t matter to me. Lalo na dahil alam niyang naghiwalay kami dahil hindi ko siya mahal… dahil may ibang mahal na ako.

I drowned myself with work. Ni hindi ko na halos mapansin kahit si Prince dahil sa sobrang determinado kong magtrabaho ng maayos.

I have fallen in love with it and the things it can give me. Matutulungan ko si Lola Brosing at Ma’am Avila sa mumunting problema nila sa pera. Napapasaya ko sila sa mga plano ko. Lalo na nang sinabi kong kung makaipon ako ng pera, baka makabili ako ng lupa. Mag-iipon muli ako para dahan-dahang makapagpatayo ng bahay.

My goal for this year was to finally be independent and get an apartment for myself. Ilang beses ko nang sinabi kay Prince iyon pero tila hangin iyon sa pandinig niya.

I am planning to tell Tita Sally on my 23rd birthday but everything crushed that same day. That November morning, when the first greeting I had was from an unknown call.

“Leil… Happy birthday, anak…” a familiar voice sent shivers down my spine.

Kagigising ko lang at hindi pa umaahon sa kama. Dahil sa tawag na iyon, napaahon ako sa pagkakaalarma.

“Pa?” kabado kong sinabi.
“Ang papa mo ‘to, anak. Nasa Luzon ako ngayon. Miss na miss n-na kita…” His voice broke.

Ilang beses kong inisip na tawagan niyang muli ako pero hindi ko kailanman inisip na magiging emosyonal ako kung sakaling matawagan niya nga akong muli.

“Papa, saan ka po? Pa, pinaghahanap ka. Kung totoo man iyon, please, sumuko ka na po…” natataranta kong sinabi.
“Hindi pwede, Leil. Ayokong makulong. Mas gusto kong mamuhay sa bukid ng malaya kesa sa-”
“Papa!”

The line went dead. But I have too many questions to ask that the beeping line did not stop me.

“Totoo ba iyon, Pa? Ginawa mo ba talaga ‘yon? Bakit mo ginawa ‘yon?” I sobbed at that.

Natanto ko sa araw na iyon na kahit na ilang ebidensya at ilang tao man ang nagsabi sa akin ng totoo, gusto ko paring marinig iyon galing sa tatay ko. Pa, pinatay mo ba si Hades Riego? Pa, gumawa ka ba ng kasalanan kay Felicia Riego? A part of me wants to believe that he didn’t even when most of the part inside of me knew that he really did.

Ayokong makulong, sabi ni Papa. Positibo siya na makukulong siya. Ginawa niya nga iyon.

I cried harder when I realized it at my own logic. Ginawa niya talaga iyon sa pamilya ni Raoul. Tama lang na kamuhian ako ng mga Riego. May rason kung bakit talagang ayaw nila sa akin at hindi nila ako kailanman magugustuhan.

It was a normal working day. Iyon nga lang, nasa bahay ang lahat ng Ledesma dahil mamayang gabi, may hinanda silang espesyal na intimate dinner dahil kaarawan ko. Prince told me that I shouldn’t work that day but I insisted. Ngayon, mas lalo lang akong determinadong magtrabaho dahil sa tawag na iyon. Baka mabaliw ako sa kakaisip kay Papa kung nanatili pa ako sa kwarto o sa bahay ng matagal.

“I have a surprise for you later so don’t go home late, okay?” bilin ni Prince sa akin bago ako umalis patungong trabaho.

Hindi pumasok si Prince. May pinagkakaabalahan yata siya. Hindi ako mapigilan ni Tita Sally sa pagpasok kaya sa huli, wala rin silang nagawa.

I was bothered the whole day at work. Halos wala rin akong nagawa dahil sa tawag ng ama kaninang umaga. At times, I couldn’t help my tears. Cresia will be in our house later at wala pa akong ikinwento sa kanya tungkol sa nangyari kaninang umaga. Hindi ko alam paano ko sasabihin iyon.

Nanghihina akong umalis ng hotel pagkatapos ng aking araw. I should put on a mask to hide what I’m feeling. Paniguradong masaya ang mga tao mamaya sa bahay pagkauwi ko.

Wala sa sarili akong pumasok sa sasakyan. Manong Roy was driving like usual pero ang bodyguard na madalas nitong kasama ay wala roon. Itinuring ko iyong normal pero nang lumiko ang sasakyan sa ibang bahagi, hindi patungo sa mga Ledesma ay nagulat na ako.

“M-Manong, kailan ko pong umuwi ng maaga dahil…”

Hindi ko pa natatapos ang sinabi ko ay nakita ko na kung saan niya ako hinahatid.

The sun is almost setting. Kita iyon sa natatanaw na field sa kanang bahagi. Isang bago ngunit parehong SUV ang nakita ko sa harap ng sasakyan namin. Napalunok ako at nakita ang paglabas ni Manong Roy sa harap, pag-ikot, at pagbukas sa akin sa likod.

Yumuko ako. Gulat ako sa nangyayari pero naiintindihan ko rin. Ganito rin ang nangyari noong unang beses akong tinawagan ni Papa. Alam ko ang sadya niya ngayon. Nahabag man ako kay Papa, alam ko parin ang dapat na gagawin.

Tumango ako kay Manong Roy at lumabas na. Unti-unti akong naglakad patungo sa naunang SUV. Habang palapit ay nabuksan ang pintuan ng front seat para sa akin.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko nga lang alam kung para saan iyon. Ayaw kong isipin na sa kasabikan iyon. Gusto kong maniwala na sa takot.

I pulled the door and glanced at the driver inside. Gaya ng inaasahan ko, siya nga. My breathing hitched. I lost count kung ilang buwan o taon higit na nang huli kaming magkita. And to see him beside me, materializing is cruel to my heart. I immediately noticed the difference. He’s just more mature, intense, and authoritative right now.

Pati ang titig niya, hindi ko na makilala. Diretso at empunto ang titig niya sa akin. He gripped on the steering wheel tightly, making his veins appear and his lean muscles form. He’s not wearing a t-shirt, instead, he’s wearing a white button down long sleeves with the sleeves crumpled on his forearm. Tila siya galing sa trabaho at pumunta lang dito para sa isang importanteng sadya.

Napalunok ako at muli siyang sinulyapan. Hindi ko alam anong unang sasabihin sa kanya. Should I greet him? Good afternoon, Raj. Raj, am I going to call him that way?

“Alam mo kung bakit ako nandito ulit, hindi ba?” he said in a cold tone.

Mapait akong tumango. So much for thinking about greetings. He means business. He means my father. He needs what my father told me.

“Anong pinag-usapan ninyo?” he said in a tone almost unfamiliar to me.

Tinanggap ko iyon. Ano ba ang inaasahan ko?

“Uh, sinabi niyang nasa Luzon siya,” sabi ko nang hindi sinusulyapan si Raoul.
“Ano pa?”

Napalunok ako. Hindi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin ang iilang pribadong usapan gaya ng pag… pag babati sa akin ng “happy birthday”.

“A-Ayaw niyang makulong. Gusto niyang mabuhay ng malaya sa mga bukid.”
“Uh… hmm…” he said while reaching for his phone.

Sumulyap ako at nakitang binuhay niya ang cellphone. It’s a new phone. Hindi ko binura ang number niya pero hindi ko rin tinext. Paminsan minsan, binabalikan ko ang mga mensahe niya noong kami pa… pampalubag loob lang sa akin. Pampasaya ng panandalian. Nakakalungkot mang isipin ang ginagawa ko pero masaya na ako na mabasa ang mga mensahe niya noon.

“What else?”
“W-Wala na… Iyon lang. B-Bukod sa… binati niya ako…”

Parang nahulog ang puso ko sa huling inamin. Before I could complete the whole statement, his phone rang. Napabaling ako sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang mabilisang pagtanggap ng tawag.

Napaawang ang labi ko. He’s looking at the setting sun on the fields. Matalim at mariin ang kanyang mga mata. He looks so hard and strong. Noon man, pero mas tumindi ngayon. He looks so manly… more and more unreachable than ever.

“Yes,” he said it like a whisper.

Parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan siya. He licked his lower lip before he continued talking to whoever is on the other line of the phone.

“Don’t worry, I’ll be home in Manila tonight…” aniya.

Yumuko ako. Nanginilid ang mapangahas na mga luha. Huwag kang umiyak, Leil. Alam mo ang dapat mong gawin, ‘di ba? Tama lang ‘yon.

My thoughts about him talking to his girlfriend, assuring her that he’ll be home, materialized. Para akong nagbalik sa dati. Sa dating Soleil Cervantes na nangangarap lang kay Raoul Riego. Only this time, I lost my chance and I will probably never have it again. Chances like that only comes once.

Pero ayos lang. Tama naman ang ginawa ko. Pinakawalan ko siya dahil hindi kami pwede. My father is guilty of killing his father and abusing his mother. My father. Not just anyone but my father, Balthazar Cervantes.

At kung uulitin iyon, ganoon parin ang gagawin ko.

“Uuwi ako. I promise…” he said in a tender whisper.

Huminga ako ng malalim at idiniretso ang mga mata sa kalsada. Nakababa na ang araw at madilim na sa labas. It’s the middle of the afternoon and night. Iyong hindi pa umiilaw ang mga lamp posts sa kalsada dahil hindi pa tamang oras. Pero alam ko na ano mang segundo o minuto ngayon, bubukas na ang mga iyan. And by then, its light will illuminate my face making Raoul see the unshed tears of my eyes.

I don’t want him to see it. I don’t want him to pity me. Or even to make him guilty. Or even to make him think that it’s my fault at tama lang na masaktan ako ngayon.

“K-Kailangan ko nang umuwi. May gagawin sa bahay,” sabi ko sabay baling sa pintuan na hindi naman naka lock kaya mabilis kong nabuksan.
“Okay. Salamat sa impormasyon,” malamig na sinabi ni Raoul.

Dumiretso na ako sa aming SUV. Hindi pa nakakapasok ay bumuhos na ang mga luha ko. Hindi naman ito kita ni Raoul, sigurado ako dahil mabilis ang pagpasok ko at nakatalikod ako sa sasakyan niya kanina.

Pagkapasok ni Manong Roy sa loob ay hindi ko na mapigilan ang paghikbi. Lalo na nang nakita ang mabilisang pag-alis ng sasakyan ni Raoul.

“Manong Roy, h-huwag n’yo pong sabihin kay Raoul, please, na umiiyak ako, h-ha?” hikbi ko habang mabilis na pinapalis ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi siya sumagot pero umaasa ako na susundin niya ang kaisa-isa kong kahilingan kahit kailan.

“Please, Manong…” sabi ko at inutusan siyang mag park muna saglit habang kinakalma ko ang sarili ko.

Inabot ako ng kalahating oras sa pag-iyak. Mahapdi at namamaga pa ang mga mata ko pero kailangan ko nang umuwi. Tinatawagan na ako ng lahat at nag-aalala na dahil natagalan ako. Sinunod naman ni Manong Roy ang utos ko at hinatid na ako sa bahay.

Bago pa ako makalabas ay sumugod na si Prince sa driver’s seat.

“You’re fired!” he screamed at Manong Roy without any explanation.

Namilog ang mga mata ko. Nakita ko ang pagtakbo ng iilang kasambahay sa loob ng bahay. Nakita ko rin ang paglapit ni Primrose at ni Cresia sa pintuan nang narinig ang sigaw ni Prince. Lumabas ako ng sasakyan at agad na dinipensahan si Manong Roy.

“Prince, ako ang may kasalanan. Ako ang nag-utos kay Manong Roy na-”
“That’s just right for him! Sinasabi ko na nga bang nagsisinungaling iyan, e! Ang tagal kong naisip iyon pero ngayon ko lang napatunayan!” he said.
“Prince, ako ang nag-utos na magtagal kami. May pinuntahan ako…” sabi ko.
“At saan ka galing? Saan ka nagpunta?” Prince narrowed his eyes.

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko maapuhap paano ko sasabihin sa kanya iyon. Bago pa makapagdesisyon ay inunahan niya na ako.

“Galing ka sa lalaki mo?!” he said angrily.
“Anong nangyayari, Prince, Soleil?” ani Tita Sally nang nakitang hindi makalapit si Primrose man o si Cresia sa amin dahil sa galit ni Prince.
“Galing ka sa lalaki mo?!” ulit niya nang nakitang hindi ako makasagot.
“Prince, please calm down…” I said but he’s too angry.
“Boyfriend mo?” paratang ni Prince.

Natigil din si Tita Sally dahil sa galit na ipinamalas ni Prince.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Ginulo ni Prince ang kanyang buhok. Frustrated, he closed his eyes tightly. Pagkadilat ay sinuntok niya ang nguso ng SUV na sinakyan ko kanina.

Tumili si Primrose at Cresia sa ginawa ni Prince. Sinubukan ni Tita Sally na lumapit pero sa huli ay hindi niya nagawa.

“Alam mong mahal kita, ‘di ba? Tapos ganito ang ginagawa mo sa akin, Leil?”

Bumuhos ang luha ko habang tinitingnan si Prince na sobra-sobrang nasasaktan.

“Sumama ka sakin sa Maynila kung ganoon! Iwan mo ‘yang lalaki mo rito!”
Umiling ako. “Prince, hindi ganoon. Ayos lang ako rito sa Iloilo-”
“Kaya ayaw mong sumama na sa Manila, ‘di ba? Kasi taga rito ‘yang boyfriend mo!?”
“Prince!” si Tita Sally.
Umiling ulit ako. “Wala akong boyfriend, Prince-”
“Kung ganoon, bakit hindi mo ako masagot-sagot? Bakit hindi mo ako mahalin, Leil? Huwag kang magsinungaling sa akin dahil alam ko! Nararamdaman ko!” he screamed out loud.

Kinagat ko ang labi ko.

“Prince, may iba akong-”

Alam kong hindi niya tatanggapin ang sinabi ko. Bago ko pa maidiretso ay mabilis siyang naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Hinabol siya ni Tita Sally ngunit halos mahagip si Tita nang patakbuhin iyon ni Prince ng mabilis at iwan ang bahay sa ganoong ayos.

“Prince! Anak!” sigaw ni Tita Sally habang umiiyak.

Dumalo si Cresia sa akin. Niyakap niya ako while Primrose hugged her mother tight as they both cry for Prince’s sudden outburst.

From then on till the next month, Prince was always preoccupied with friends and alcohol. Hindi halos umuuwi araw-araw at kung umuuwi man, lasing at walang malay. He got involved in a minor car accident which made Tita Sally and Tito Ton worry for him more.

“Prince, halika na…” sabi ko isang gabi nang naabutan si Prince na lasing na lasing at halos walang malay.

Pinapatayo ng mga bodyguard si Prince ngunit nanuntok na siya at nagiging bayolente na. I tried to reach for him. He’s not that drunk to not recognize me. Kumalma siya nang nakita ako.

“Halika na sa kwarto mo…” sabi ko.
“Sumama ka sakin sa Manila. Iwan mo ‘yang lalaki mo rito kung ganoon, Leil…”

Hindi ako sumagot. It’s just one of his drunken litany. The morbid January has come and it’s more morbid than ever. With all my memories and all that’s happening here, I think this is the worst ever.

“Taga rito pala siya, huh? Taga Iloilo kaya ayaw mong iwan ang Iloilo?”
“Prince, sige na…” sabi ko.
“Prince, anak… please… you should sleep,” si Tita Sally naman.

Lumipas ang dalawang buwan at ako na lamang ang namamahala sa hotel nila rito dahil laging ganito si Prince. Tita Sally is devastated. Minsan, nararamdaman ko na sinisisi niya ako pero hindi niya lang maisatinig.

I am working hard to be the Sales Manager and the General Manager at the same time. Maganda sanang isipin na magaling pala ako sa larangang ito dahil lumago pa lalo ang hotel pero nakakalungkot na kaya ako naging General Manager dahil hindi na makapagtrabaho ng maayos si Prince.

“Leil, pwede ba kitang makausap?” si Tita Sally pagkatapos naming ihatid si Prince sa kanyang kwarto.

Alam kong it’s only a matter of time now. Though at least she finally wants to talk to me, hindi gaya noong pasko na halos hindi niya ako kausapin sa galit niya para kay Prince.

“Sige po, Tita…”

Tahimik kami sa hardin. She’s drinking her usual wine. Si Tito Ton ay nasa kwarto niya na at ayaw nang harapin pa ang lasing na anak at baka gaya noong nakaraan ay masuntok niya lang sa galit.

“Alam mo, simula noong dumating ka sa pamilya, nagbago si Prince…” she started.

Natulala ako. Alam ko kung saan patungo ito. I have come to love Tita Sally and Tito Ton. Hindi man ako sobrang malapit sa kanila gaya ng sa mga Avila, wala silang ginawa sa akin kundi purong kabutihan lang. If this will make Tita Sally’s heart light, then I’ll hear it all.

“He’s very stubborn as a teenager. Girls and alcohol, kahit saan. His grades were low, kung hindi man bagsak. At nakita ko ang pagbabago niya noong naging malapit kayo. He’s more responsible. His grades improved. Siguro, inspirado sa’yo dahil kahit mahirap ka, maganda ang performance mo sa school… o baka naman…”

She sipped on her wine again. Kahit sa dilim, nakitaan ko ng luha sa gilid ng mga mata ni Tita Sally.

“Iniisip niya na ang kinabukasan niya… kasama ka. Kaya siya nagbago ng ganoon.”

Gusto kong umapila roon. Tita Sally sighed. She knew I was about to say something and her heavy sigh stopped me.

“Ngayon, parang bumabalik siya sa dati. And we both know why he’s going back to his old habits. My son loves you, Leil. And he’s broken hearted that you can’t love him back-”
“Tita, pasensya na talaga. Hindi ko kayang magsinungaling sa’yo, kay Prince, o sa aking sarili-”
“Alam ko. I’ve known you’re really this kind of lady. Probably why Prince likes you so much. But…”

She sighed again. Yumuko ako dahil alam ko, kung papakiusapan niya ako na mahalin si Prince, hindi ko kakayanin iyon.

“I don’t want to lose my son this way, hija…” she cried.

Pumikit ako ng mariin.

“We were already happy with how he’s doing until that night!”
“Tita, kung hihingin mo po sa akin na…” uunahan ko na sana siya pero umiling siya.
“I know. I don’t want to force you to love my son, Leil. Pero alam ko, mahal mo siya, hindi man gaya ng pagmamahal na gusto niya, hindi ba?”
Tumango ako ng marahan.
“You care for him, right? You don’t want to see him like this?”

Hindi na ako nakakibo. Totoo iyon. Hindi ko lang alam ano pa ang gagawin. Dahil kung ang tanging magagawa ko para ibsan ang sakit ay ang magsinungaling sa sarili, mas gugustuhin ko pang mawala na lang. I cannot lie to myself like that. Sapat na ang ilang beses kong pagsisinungaling sa sarili. May hangganan ang pagsisinungaling ko.

“Be with him in Manila, Leil. Umalis kayong dalawa rito sa Iloilo. He wants that and maybe it will calm him down.”

Namilog ang mga mata ko sa hinaing ni Tita Sally. Hindi ko naisip iyon pero natatakot ako.

“Tita, kahit sa Manila po, hindi ko maipapangakong-”
“I am not asking you to love my son the way he loves you, Leil. I am asking you to at least help him a bit through that. He can’t forget you in a snap. But at least make it easy for him. In time, kapag nasa Manila kayong dalawa, he’ll eventually find someone else-”
“Hindi po ba mas mahihirapan si Prince kung naroon ako? Baka umasa pa po siya dahil sinamahan ko siya sa Manila gayong-”
“But that’s better than having him drunk everynight here in Iloilo, right? Kung iisipin niyang ganoon, panandalian lang iyon, for sure. Help him find another girl for him, Leil. He will have many distractions there than here. Mas malaki ang tsansang mas maaaliw siya roon sa ibang bagay kesa sakit at alak dito. Please, Leil. I am begging you. It is for my son. For you friend. And brother.”

Tanging ang iyak lamang ni Tita Sally ang narinig ko sa gabing iyon habang tahimik akong nag-isip sa tamang gagawin.

“Sige po…” sabi ko pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan naming dalawa. “Pero hihingi po ako ng isang kondisyon sa inyo, Tita…”

Looking back at it all now, I cannot say that luck was never by my side.

Luck was with me when I found the Ledesmas. It was with me when I graduated. It was with me when I met Cresia. It was with me when I loved Raoul.

Pero kaakibat ng mga iyan ay ang sakit. I found the Ledesmas but it wasn’t always rainbows and butterflies with them. I had my hard times with Prince and hard decisions with the whole family. I graduated but school was also hard for me. I met Cresia but it began with her bullying me. And… I loved Raj, but it all ended with pain.

Ganoon nga siguro talaga ang buhay. Nobody has it all. I have luck once, but I cannot have it forever.

I realized it is all the same for all, no matter what we believe in. Life is the same for everyone. We all have good times and bad times equally. At kahit na ngayon, tila puro malas ang nakikita ko, nagpapatuloy parin ako sa pangangarap na sa huli ng lahat ng ito, I will be rewarded, with yet again, another lucky day.

I smiled as I look at the night full of lights from so many big skyscrapers. My heart ached at a memory that will probably never leave me even after dozens and dozens of happy days. At ayos lang iyon sa akin. Masaya at kontento na ako sa mga alaala. That was my past. This is my present.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.