Sands of Time – Kabanata 28

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 28

Kabanata 28
Love

“Masayang masaya ako para sa’yo, Leil…” mangiyak-ngiyak na sambit ni Ma’am Avila.

They were allowed to stay in the Ledesmas house for the weekend. Linggo ngayon at aalis na sila mamayang gabi patungong Costa Leona.

“Nakapagtapos ka sa wakas. Sa dami ng pinagdaanan mo…”
I smiled. “Utang ko po ang lahat ng ito sa inyo ni Lola Brosing, Ma’am.”

Iyon ang totoo. Hindi ko alam kung paano kumbinsihin ang mga Avila na para sa kanila nga ang lahat ng ito. Living under my father, I never thought I have a chance for this kind of life. Maybe, I wished and hoped for it. Pero hindi ko talaga inisip na magkakatotoo iyon kalaunan.

I was content with the life I had. Maybe I’d like to change a bit, gaya ng tigilan ang panloloko sa mga ka-nayon, pero bukod doon, hindi ko na naisip pang magkakatotoo ang pangarap kong makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo.

Ang mga Avila ang nag-isip na kailangan akong umalis sa nayon na iyon. Sila rin ang nagpilit at nagtulak sa akin na pumarito sa Iloilo. They initiated the change that I wished for. Kung hindi dahil sa pagtutulak nila sa akin, hindi magiging ganito ang buhay ko.

“Ano ang plano mo pagkatapos nito, Leil? Huwag kang magmadali. Bata ka pa…” ani Ma’am Avila.
Tumango ako. “Plano ko pong bumukod sa mga Ledesma. Magtatrabaho rin po ako sa kanila.”
Ma’am Avila smiled. “Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo.”

Nag-uunahan ang mga plano sa utak ko. Minsan, naisip kong maganda sana kung ako naman ang bumisita kay Ma’am Avila at Lola Brosing, but they both disagree to that. Kahit pa sabihin kong wala akong naging kasalanan sa nangyari noon, I can feel that the whole town hated me dahilan ng pag-ayaw ng mga Avila sa pagbabalik ko roon.

I did not enjoy an idle summer. I expected that, too. Dahil isang linggo pagkatapos ng graduation ko, pumasok na agad ako sa hotel ng mga Ledesma bilang Sales Manager sa ilalim ng pamamahala ni Prince.

“Anong gusto mong bilhin ko para sa’yo?” Cresia asked over the phone while I was at work.

Nangibang bansa siya. Hindi ko maalalang plano niya iyon pero biglaan niyang sinabi na magbabakasyon muna siya noong huling pagkikita namin at medyo matagal iyon.

“Wala, Cres. I miss you. Kailan ang uwi mo?”
She sighed. “Isang buwan pa muna. Sana dinala kita. Nababagot tuloy ako rito.”
“Hindi rin naman pwede. Kailangan kong magtrabaho-”
“Pwede namang ipagpaliban ‘yan. Prince will understand!”
“Ayaw kong madagdagan pa ang utang ng loob ko sa kanila, Cres. Gusto ko na ring magtrabaho at makapag-ipon. Alam mo naman, ‘di ba?”

Sometimes I wonder if her sudden want to go out of the country was because of the incident with Gino or not. Hindi naman siguro.

Naisip ko rin kung ganoon ba kadali makalimot sa isang taong ilang taon mong pinangarap? Siguro? Kung hindi naman matibay ang pundasyon at purong ala-ala sa mukha lang at iisang negatibong interaksyon pa ang meron?

We never talked about Gino again. Natatakot din akong simulan ang topic. Kung pag-uusapan man namin iyon, mas gusto kong si Cresia ang unang magsalita tungkol doon. Especially that I felt a sudden change with her after graduation. Hindi ko nga lang alam kung nakabubuti ba iyon. She’s a bit less jolly and more silent. Hindi ako sanay at tingin ko hindi ko gusto iyon.

Naikwento ko na rin kay Raj iyon. Ang sabi niya, hindi naman daw ganoon si Gino peri baka nga nawalan lang ng pasensya kay Cresia. Nalungkot ako roon. I can only imagine Cresia’s feelings when she realized she pisses him off. Ang tagal niyang pinangarap si Gino at ganoon na lamang ang nangyari.

She extends her vacation. Noong nakaraan sabi’y isang buwan pero biglang naging dalawa.

“Do you already have a dress?” tanong ni Prince sa akin, matamis ang kanyang ngiti.

Bumuntong hininga ako at itinabi ang keyboard ng computer. Medyo marami akong trabaho ngayon pero ang buong pamilya, iba ang pinagkakaabalahan ng lahat.

“Meron naman siguro sa closet ko, Prince. Hahanap na lang ako ng pwede roon,” tanging nasabi ko.

Kanina pa nakatayo at nakahilig si Prince sa pintuan ng opisina. Hindi kami pareho ng opisina pero madalas siyang pumupunta rito lalo na sa mga ganitong oras. He laughed at my response.

“Why? Do you think you have a golden dress?”
Ngumuso ako at nag-isip. “May champagne colored cocktail ako, naisuot ko sa isang party noong nakaraang taon-”
“Oh come on, Leil!” aniya sabay lapit sa aking lamesa. “Pwede kang bumili, kung gugustuhin mo.”

I grinned at him.

“Pwede na ‘yon. Nag-iipon ako, Prince. Hindi ako pwedeng mamili kung meron naman akong dati…”
Napawi ang ngiti niya. Kahit kailan, hindi niya nagustuhan ang tungkol sa pag-iipon ko.

Tuwing nagtatanong kasi siya kung bakit ako nag-iipon, lagi kong sinasabi na gusto kong bumukod. O ‘di kaya’y gusto kong bilhan sina Ma’am Avila at Lola Brosing ng ilang gamit para sa kanila.

“Fine, then! But I bought you one for it!” he smirked.

I narrowed my eyes. Bumaba ang tingin ko sa paperbag na nilapag niya sa aking lamesa.

This weekend is his father’s golden birthday. Fifty years old na si Tito Ton at medyo engrande ang hinanda ni Tita Sally para sa asawa. They invited Ma’am Avila and Lola Brosing pero parehong hindi makakadalo ang mga ito, bukod sa nahihiya sila dahil engrande ang party, nagsimula na rin yata ang klase sa school.

Tumayo ako at binuksan ang paperbag. Nakita ko roon ang isang napakagandang long gown na nasa tamang kulay ng theme at mukhang mamahalin.

“Prince…”

Natutuwa ako pero hindi na dapat pang ganito.

“Salamat… Maganda, pero sana hindi ka na nag-abala.”
He rolled his eyes. “Para ka namang iba sakin. I know you won’t buy things for yourself so I did. Masanay ka na, Leil. ‘Yan ang susuotin mo sa birthday ni Dad, okay?”
Tumango ako at muling pinasadahan ng tingin ang gown.

Nasa abroad si Raj. Bago siya umalis, abala iyon sa pag-aaral kasama ang pinsan niya kaya hindi siya makabisita. He said we’ll see each other before June ends at ayos lang iyon sa akin. Hindi niya ako kailanman binigo sa mga tawag at texts. In fact, I was the one who’s always busy at times that I miss his calls more.

Imbitado ang mga Lopez sa birthday ni Tito Ton. Iyon nga lang, wala si Cresia dahil nasa ibang bansa pa kaya wala ring mag-aayos sa akin. Although, Primrose promised that her make up artist will take care of me. Sinabi ko namang ako na lang ang mag-aayos sa sarili ko pero hindi pumayag si Prim dahil may make up artist naman daw.

Trabaho ang iniisip ko noong inaayusan ako. Half day kasi kami dahil nga sa birthday ni Tito kaya marami akong hindi natapos.

“Grabe, this is the most expensive birthday Mommy has ever hosted!” ani Primrose habang inaayusan na rin siya.
“Sayang at wala si Cresia,” tanging nasabi ko.
Primrose laughed. “Hindi lang mga Lopez ang nariyan sa lista! The most prominent businessmen in the country are here in Iloilo for it! Grabe talaga ang paglago ng negosyo kaya gumanda ng husto ang connections ni Dad!”

Nanatili ang tingin ko sa aking mukha na ngayon ay nilalagyan ng kolorete sa pisngi. Ang dalawang make-up artist ay tahimik lang. Nginingitian ko ang akin tuwing pinapapikit ako at may miminsang munting puri.

Primrose mentioned some of the more prominent names in the country. I don’t know them pero sa tono ni Prim, tila sobrang lalaking mga tao nito. Pumikit ako ng nilagyan pa ng kaonting kolorete.

“… Riegos… name it… grabe!” she exclaimed.

Napadilat ako at npatingin sa kanya. I was so sure that Raoul is abroad so it’s not him! Sino sa mga Riego ang dadalo sa party ni Tito Ton, kung ganoon?

“S-Sinong Riego?” tanong ko.

Primrose was caught off guard at my question. Nag-isip siya pero nang walang maisip ay nagkibit siya ng balikat.

“Iyong nasa graduation mo lang ang kilala ko. Baka iyon? O baka… Papa noon?”

Si Raoul? For sure it’s not his Dad, obviously. Maybe Primrose doesn’t know a thing about the private family of the Riegos.

“Pero… ang gwapo nun, ha! He’s very manly and his aura screams of authority and power. Kung ‘yon ang napangasawa ko, sigurado na akong kabilang ako sa socialites ng bansa!” she laughed.

Kumabog ang puso ko habang naririnig ang patuloy niyang pagpuri kay Raoul. Natahimik lamang siya nang pumasok si Arthur para tingnan kung tapos na ba kaming mag-ayos.

Kabadong-kabado ako. Sino sa mga Riego ang nasa party? Felicia? And what will happen to me? I don’t know.

Hindi ko alam kung alala pa ako ng ibang Riego. O kung namumukhaan pa nila ako. Pero kung namumukhaan nila ako, ano kaya ang magiging reaction nila? Will they condemn me? Mapapahiya ba ako sa party na ito?

I tried to search for the guestlist. Nakita kong walang pangalang nakalagay roon pero dalawa ang para sa mga Riego. Mr. and Mrs. Riego… that’s all.

I went to the comfort room. Lahat ay nagsidiretsuhan na sa ballroom at nagpaalam ako kay Prince na mag aayos na lang muna bago pumasok. I texted Raj after the make up session. He replied while I was in Prince’s car so now I’m gonna read his message.

Raoul:
Si Tito Ares at Tita Relani ang nandyan. Don’t worry about it, okay?

I sighed and typed in my reply. Pagkatapos ay tumulak na ako roon para makapasok na sa ballroom.

I’m wearing a square neck line gold dress, na ibinigay ni Prince ilang araw na ang nakalipas. I’m wearing my hair down naturally dahil gusto kong simple lang ang hitsura ko. Naiiwan ang mga mata ng iilang bisita sa akin habang naglalakad kami papasok. Siguro ay iniisip nilang ako ang girlfriend ni Prince, lalo na dahil nakaalalay si Prince sa akin.

Tuwing ipinapakilala naman ako, lagi namang sinasabing anak ng kaibigan at hindi kamag-anak o girlfriend kaya ayos lang sa akin. After a long while, the party started. Hindi pa nakakalayo sa simula ay nakita kong pumasok ang magkapares na Riego.

Hindi ko halos maalala kanina ang mga itsura nila pero nang nakita ko silang papasok, namukhaan ko agad. Sinegundahan pa ng kompirmasyon nang inanunsyo kung sino ang importanteng panauhing dumating. Sinalubong sila ni Tito Ton at Tito Sally bago ibinigay sa usherettes para maigiya sa tamang upuan.

Sinundan ko ng tingin ang mag-asawa. In a soft golden gown and with an updo, the Riego woman sat with pure grace and elegance almost foreigh to everyone here. Sumunod ang maginoong asawa nito na kahit sa pag-upo ay tila mararamdaman mo ang kapansin-pansing kaangkupan sa pormal na selebrasyong ito.

I saw some of our guest obviously and shamelessly talked about the couple. Narinig ko rin ang bulong ni Primrose sa katabing si Arthur tungkol sa kadarating.

“Akala ko ‘di sila dadating. They are busy people after all…”

Yumuko ako nang naramdaman muli ang kaba. Hindi dapat ako mangamba, ayon kay Raj pero hindi ko maiwasan. I’ve been introduced to them before. I am not sure if they remember me but I hold on to Raj’s words and the possibility that they are too busy to remember a child like I was.

Kahit totoo nga, hindi naibsan ang kaba ko. Pagkatapos ng programme at ng pagkain, ipinakilala ni Tito Ton si Primrose, Arthur, at Prince sa mga panauhin, kabilang ang mga Riego. Hindi makakapayag si Prince na hindi ako isama kaya nasa tabi niya ako. Nang iharap sa mga tao, ang mag-asawang Riego ay hindi naman ako binigyan ng espesyal na pagpuna.

But the woman, Relani Riego, looked at me intently. My breathing hitched at that. Lalo na noong naglahad ito ng kamay at tinanggap ko naman.

“Nice to meet you,” she smiled but one of her brows shot up for a moment. Pagkatapos ay binalingan niya naman si Primrose para paglaharan ng kamay.

Para akong nabunutan ng tinik nang sa iba naman kami ipinakilala. Malapit sa kanilang lamesa ay iilan pang mga magarbong panauhin. We were called so we have to go there. Ilang dipa lang ang layo sa lamesa ng mag-asawang Riego.

Kahit pa may ibang ipinakilala, bumabalik ang mga mata ko sa mag-asawa. Ilang minuto na ang lumipas, napalayo na sila sa amin dahil sa mga kakilala, napapabaling parin ako sa kanila.

The next few minutes was spent that way. Nakasunod kami sa kay Tito Ton at Tita Sally habang pinapakilala kami. Ni hindi ko na namalayan na nakabalik na kami malapit sa naunang mesa. Nalaman ko na lang nang may narinig ako galing doon.

“You think your nephew is stupid, Ares?” medyo tumaas ang boses ng babae.

Napalingon ako kung saan iyon galing at nakitang sa mag-asawa iyon. Humakbang ako palapit kay Prince para sana hindi na marinig ang usapan pero hinanap yata ng tainga ko iyon. Hindi ko marinig ang usapang nasa harap at ang tanging napo-proseso ko ay ang pribadong usapan sa hindi kalayuan.

“He’s probably just using the girl to get to the killer. He was as devastated as you when Hades was killed. Imagine the possibilities of his anger!”

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Hades was mentioned! Use the girl to get to the killer?

Parang tambol na unti-unting lumakas ang pintig ng puso ko. Napabaling ako sa banda nila para mas makita ang usapan.

“No. I’m removing him from both the Riegosteel and VHRV,” baritono ang boses ng lalaking Riego.
Umiling si Relani Riego sa asawa. “You think Radleigh is willing to handle it? You know your son is busy with other things, Ares. And Rao, you know how skilled he is, he will make it bigger than ever! It is not right to-”
“He needs to come to his senses, Relani. Kahit si Fely, iyon ang naisip na paraan!”
“You really think he is that stupid to connect with the girl without anything in return? He will use her as pawn. Kung may mas kakayahang maghiganti sa inyong mga Riego, si Rao iyon, Ares…”

Napasulyap si Relani Riego sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. I saw the fear in her eyes for a moment. Siguro ganoon din ang naipakita ko. Pero higit sa lahat, pagkabigo. She retained her cold aura and whispered to her husband.

Iniwas ko ang tingin ko roon, gulo ang isipan sa mga narinig pero nananaig ang paniniwala ko kay Raoul.

Isa sila sa naunang umalis. Malungkot si Tita Sally dahil doon. Iniisip niyang hindi nagustuhan ng mga Riego ang party o baka hindi kasing engrande ng inaasahan ng mga ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng maagang pagpaalam nila sa party pero tingin ko may kinalaman sa narinig ko.

They stopped talking after that. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-usapan pero alam ko na ako ang tinutukoy na babae. Ang naintindihan ko lamang ay ang paghihiganti ni Raoul.

Maghihiganti siya kay Papa kaya siya nakikipag-ugnayan sa akin! I want to believe it but I may be to blinded by his promises and by my adoration for him.

Hindi na ako makausap ng maayos sa buong party. Wala akong nasabing ibang dahilan kundi ang pagod. Kaya umuwi rin kami ni Prince pagkatapos.

Nanghihina akong humiga sa kama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Should I ask Raoul about it? But he told me that he won’t do that to me! Naniniwala ako sa sinabi ni Raoul! Hindi niya magagawa sa akin iyon.

At kung iyon nga, maiintindihan ko. I want to find my father, too. I want him to speak his side. To hear his side. And if he is guilty, I want to convince him that the people he wronged deserves justice. Kaya kung totoo man iyon, na ginagamit ako ni Raoul, I am more than willing to help find my father.

But it’s been years or so since the last time we connected. I don’t even know if he’s still alive or what!

Hindi ko na binanggit iyon kay Raoul. Bukod sa nahihiya akong umamin na nakinig ako sa isang pribadong usapan, kumbinsido naman ako na hindi siya nagsisinungaling sa akin. But then something about it is bothering me, I don’t know why.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko isang linggo bago kami magkita.
“Yeah…” napapaos niyang sinabi.

He’s already in Manila. He calls me every night pero simula ata noong nakaraan, nararamdaman ko ang sobrang pagkakabusy niya at ang madalas niyang pagod. I know he doesn’t want us to stop the night calls so he’s trying his best even when he’s still in his office.

“Nasa opisina ka pa ba?” tanong ko dahil ganoon madalas kahit dis oras na ng gabi.
“No. I’m in my condo…” he said.

Oh? He’s home. Maaga, ah?

“Maaga ka pala. Hindi busy?”
“Hindi. Hmm. I’m sorry…”

Natigilan ako roon. Kinabahan ako. Ano kaya ang meron. Hindi siya madalas na ganito.

“I can’t go home to you yet next week. I have so many things to do.”

Weird. He’s not busy today but he has many things to do. Naiintindihan ko naman pero pakiramdam ko talaga may kakaiba.

“Ayos lang. Busy rin ako sa trabaho. Weekends lang ako pwede at alam mo namang laging sa bahay lang ako kapag weekends, ‘di ba?”

He sighed heavily. Kinagat ko ang labi ko.




“Raj, may problema ba?”
“I have a problem at work but I can fix it, soon, probably, okay? I’ll go home to you next month, I promise.”
“Huwag na. ‘Tsaka na lang kapag ayos na ang problema mo sa trabaho. Makakapaghintay naman ako-”
“But baby, I miss you…” he said tenderly.
Malungkot akong ngumiti. “I miss you, too.”

He groaned at that. Ilang sandaling walang nagsalita sa aming dalawa. Marahan akong pumikit at inisip na katabi ko siya. Ibinaon ko ang mukha ko sa aking unan. He sighed.

“I’ll see if I can find time even just for a day, okay?”
“Huwag na. Tapusin mo muna ang trabaho mo. Please?”

Ilang sandali ulit siyang hindi nagsalita.

“Let’s video call, please?” he said.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang paligid ng kwarto ko. I turned the lights off. Sinabi ko kasing matutulog na ako kanina.

“Okay. Ibaba ko lang ‘to…” sabi ko para makalipat sa banyo.

Nagpapasalamat naman ako na hindi muna kami magkikita because the hotel is very hectic. Dumadami ang turista at nagiging busy rin. May issue pa sa mga staff na kailangang pagtuonan ng pansin dahil si Prince, bilang General Manager, ay hindi na nakekealam sa mga trabahante.

I swear I need a break. I mean, kung noon, nakakagala ako pagkatapos sa school, ngayon madilim na kung umuwi kami ni Prince. Ang Sabado, madalas inuubos ko sa laptop dahil parin sa trabaho at sa Linggo ay naghahanda naman para sa Lunes.

A call from Raoul and Cresia is my only happiness as of the moment.

And Raoul’s concern about work worried me so. Kinwento ko kay Cresia iyon at ipinagkibit lamang niya ito ng balikat.

“The Riegos will never go bankrupt. That’s nothing. Mas mababankrupt pa kami sa kanila. He recently made it to the top fifty list in Forbes. With Ares in top ten…” ani Cresia.

Pero kung kausap ko si Raoul, nararamdaman ko na mukhang stressed nga siya sa trabaho.

“Alam ko na!” Cresia said in a sudden call after work.
“Ano ‘yon?”
“I overheard my Mom yesterday. Ngayon ko lang narealize ang ibig sabihin noon! Raoul Riego was removed bilang chairman ng Riegosteel at VHRV!”
“H-Huh?”

I seriously don’t understand. It kind of shocked me actually that he was the chairman! Mas nagulat ako roon kesa sa katotohanang natanggal siya. He is the chairman of the two huge companies? Well… He was!?

“B-Bakit daw?”
“Hindi ko alam. Radleigh Riego assumed the position on VHRV. Ares, his father for Riegosteel. Pero ayon kay Mommy, ibibigay ni Radleigh kay Ares ang Chairmanship ng VHRV dahil mabigat na para sa kanya iyon!”

I know now that Raoul doesn’t want to talk about work when we talk over the phone. We talk about what happened with our day. I talk about my work and such pero kung tinatanong ko siya sa kanya, wala siyang sinasabi kundi maayos naman daw.

Hindi ko na rin pinipilit dahil pakiramdam ko, ayaw niyang malaman ko.

Isang gabi, naalala ko ulit ang pinag-usapan ng mag-asawang Riego sa party ni Tito Ton. It was about removing someone from something. Hindi kaya si Raoul iyon? Aalisin sa pwesto… dahil.

Namilog ang mga mata ko nang natanto ang lahat. Kinabahan ako.

Gabi noong tumawag ako kay Ma’am Avila para makapagtanong. At nasisiguro kong tama nga ang hinala ko.

“Hmm. Oo. Narinig ko nga iyon, Leil. Tinanggalan yata si Raoul ng karapatan. At… ayon kay Lucio, galit yata si Felicia sa anak. Hindi lang namin alam kung anong pinag-awayan.”

My eyes widened. Hindi kaya? Alam ni Felicia Riego ang tungkol sa akin?

“W-Wala po bang nabanggit na kahit ano? Kung bakit siya tinanggalan ng karapatan?”
“Wala, Leil. Ang alam ko lang, hindi rin mabuti ang opinyon ni Ares kay Raoul. Ewan ko ba.”

It bothered me so much. To know that Felicia Riego is not in good terms with Raoul because of an unknown reason, dumarami ang mga haka haka ko. Hindi rin niya sinasabi sa akin kung ano ang problema niya sa trabaho na mukhang lumalala.

“Frozen daw lahat ng projects ni Raoul sa VHRV, ayon kay Dad! He’s just there as a major investor. Sayang ang kakayahan niya!” si Cresia na siyang pinagtatanungan ko.

Kahit nasa ibang bansa siya, may koneksyon siyang malalakas para malaman ko kung ano ang problema sa trabaho ni Raoul.

“Tingin mo… sinabi niya sa Mama niya na… kami?” nag-aalinlangan kong tanong kay Cresia.
She sighed. “Hindi ko alam… Leil, pero hula ko… oo…”

Raoul said he’ll be here next week. He’ll be free for a long time. At tingin ko, hindi iyon dahil umayos na ang trabaho niya. Iyon ay dahil… halos wala na siyang trabaho.

Tulala ako habang tinitingnan ang laptop ko sa isang meeting namin sa hotel. Prince is talking in front but I am very preoccupied with something.

Ares Riego assumed the Chairman and president post of the Vesarius Hidalgo Riego the fifth, holdings, incorporated. With all the board members votes. Ibig sabihin, walang kahit isa na umapila at pinaglaban si Raoul?

Pumikit ako ng mariin. While my career is slowly soaring, his is drowning. And I just hope it is not because…

“Nabanggit mo ba ako sa Mama mo?” tanong ko noong nakaraan.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niyang umamin.

“Yeah…”
“Talaga? Tapos? Anong sinabi niya…”
“She’ll understand it eventually. Don’t worry about it.”

Hindi pwedeng coincidence lang ang lahat. Alam na ni Felicia Riego… ng mga Riego… ang tungkol sa akin. Hindi lang nababalita dahil pribadong mga tao sila. Sino ang masisiyahan kung malaman mo na girlfriend ng anak mo ang anak ng lalaking pumatay at lumabag sa’yo? Who would be happy? Who would think he is sane for it?

Kaya ba sa narinig kong usapan ng mag-asawang Riego, tila galit si Ares kay Raoul? Iyon ba ang dahilan?

“Congratulations, Leil! The hotel reviews are all outstanding! Magaling ka pala sa pamamahala! Hell, I think you’re better than me!” Prince said after we saw all the reviews of our recent guests.

Mapait akong ngumiti. Habang tumatagal, dumarami ang naririnig ko tungkol sa mga proyekto ni Raoul. Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na ako ang dahilan ng pagkakasira niya sa larangang pangarap at pinaghirapan niya.

“Hindi ako magtatagal,” sabi ko nang pumasok na ako sa kanyang sasakyan.

This is the first time we see each other after months away. I am thrilled to see him but I’m also crushing. He smiled at me viciously. Gumapang ang kamay niya sa aking kamay. I fisted so he won’t caress it the way he usually does.

Alam kong sa huling interaksyon namin sa text, nagpaparamdam na ako sa plano kong ito. I bet he felt that, too.

“Do we have a problem, Leil?” he said.

Nanatili ang titig niya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa kanyang boses ang pag-aalala pero hindi ko siya kailanman nilingon.

“Busy ako…” tanging nasabi ko.
“Hmm. Okay. I’ll just wait until-”
“Hindi mo naiintindihan,” nanginig ang boses ko at nilingon ko siya.

I saw the defense in his eyes. Ramdam ko ang pag-iingat at panantya niya pero buo na ang loob ko sa mga oras na iyon.

I fed on every negative thing I have in mind. Sinadya ko para magkaroon ako ng lakas ng loob ngayon na sabihin sa kanya ng harap harapan ang natatanging desisyon na makakapagsalba sa kanya.

Inisip ko na ginagamit niya lang ako. He wants justice for his father so he takes me as his pawn to get to him. Kapag nahuli niya si Papa, iiwan niya ako. Masakit, ‘di ba? Papaasahin niya lang ako para makuha niya ang loob ko at masabi ko sa kanya kung may lihim man ako tungkol sa ama.

I researched intentionally about the girls he’s with. Marami pero bago pa iyon naging kami. Pero mas pinili kong maniwala na ganoon parin ngayon. Na imposibleng ako, sa lahat ng magaganda at mayayamang babaeng nakapaligid sa kanya.

“There’s a reason why he’s not eager to come to you. He’s bedding another woman,” abiso ng isang staff sa mas batang staff. Isinapuso ko iyon para sa araw na ito.

At higit sa lahat, inisip ko ng paulit-ulit na walang patutunguhan ito.

The Riegos despise anyone connected to my father and the villagers. Me, in particular. I am the Lady of the Light. I am their goddess. I allegedly ordered the villagers to rape Felicia Riego and kill Hades Riego. There is no hope for us. It is an absolute truth that I cannot just be Raoul Riego’s girlfriend… more so anything more than that!

Para saan ang relasyong ito, kung ganoon?

“Magbreak na tayo!” sabi ko sa nanginginig na boses.

Mataman ko siyang tinitigan para makita niya na taos-puso ang desisyon kong iyon. I saw his jaw clench hardly. He did not speak but the darkness in his eyes told me that he’s overwhelmingly angry.

“What is the problem? We can talk about it, Leil,” he said, trying to control the situation.
Umiling ako. “Ayoko na! Ayoko… na…”

He licked his lower lip and clicked the lock of the car. Kunot noo ko siyang tiningnan. I saw fear in his eyes then it’s gone after a blink.

“Let’s talk about it.”

He tried to get my hand pero inilayo ko iyon sa takot na sa haplos niya’y matauhan ako.

“Raj, busy ako sa trabaho ko. Iba ang priority k-ko ngayon. Hindi ito-”
“We just met after months. Were my calls taking so much of your time?” he said in a strained voice.

Hindi ko kayang sagutin ang sinabi niya. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero nakalock ito. He removed himself from the car as I unlocked it so I could go out pero bago pa ako nakababa ay nasa harap ko na siya, kinokontrol ang laki ng pagkakabukas ko sa pintuan.

“What is it? Let’s talk about it…” he said calmly.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

“I will stay here for a month. I will wait until you’re not busy-”
“Busy ako palagi. Priority ko ang trabaho ko! Hindi na tayo magkikita ulit dahil-”
“We can see each other if you try!”

He licked his lower lip and shook his head.

“Sabihin mo sa kanila na tayo, Leil…”
“Hindi pwede ‘yon!”
“Bakit hindi pwede? You can just explain it properly-”
“Ayoko na, Raj! Ayaw ko muna ng ganito!”

Yumuko ako. Unti-unting nangilid ang mga luha sa aking mga mata.

“Baby…” he whispered sweetly as he cupped my chin so our eyes. “What is it, please?”

Punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang boses. Hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata dahil kung sakaling titingnan ko siya, pakiramdam ko yayakapin ko na lang siya at magbabago na ang isip ko.

“Leil…” aniya para makuha ang atensyong hindi ko ibinibigay.

He caressed my face. Sinubukan niyang hulihin ang tingin ko.

“Leil, I can wait until you’re not busy. I won’t take much of your time, please… I’m sorry for the long distance we had months ago,” bulong niya habang inilalapit ang mukha sa akin.

Iniwas kong muli ang tingin ko sa kanya. Nabaon ang mukha niya sa aking leeg.

“Baby, please… I am in love with you,” he whispered on my ear.

Pumikit ako ng mariin. Parang pinunit ang puso ko habang naririnig siya na ganoon ang sinabi. I am in love with you, too. I am fiercely in love with you, too! But to love is to care for you so much that I can do this!

“Ayoko na sabi, e! Bakit mo ako pinipilit?” sabi ko habang tumutulo ang mga luha.

He stiffened at that. I felt his whole body petrified. Tila ba may mali siyang nagawa na ayaw niyang ulitin pa. Unti-unti siyang tumuwid sa pagkakatayo. Napapikit ako ng mariin sa sobrang sakit na naramdaman.

Hindi siya nagsalita. Yumuko siya. His eyes were closed and I can feel his amazing control.

“Mag break na tayo. Gusto kong magtrabaho lang. Ayaw kong ganito…”

He remained that way for a while. Nakakuyom ang kanyang kamay na nanatili sa dashboard. Umiigting ng paulit-ulit ang kanyang panga at sa kabila ng matinding galit niya hindi ko alam kung bakit tumitibok parin ng malakas at mas mabilis ang puso ko.

Seeing him this way right now made me fall harder in love. I want to touch his face and feel his anger but I know doing such will only melt my heart.

“Ayoko na. Please, let’s break up, Raj…”
“Give me one good fucking reason why you’re asking for this…” mahinahon ngunit mariin ang pagkakasabi niya noon.

Natigil ang luha ko at halos tumigil din ang pagtibok ng puso ko sa takot. He’s devastatingly dangerous. Silent and deadly. Lalo na nang nag-angat siya ng tingin sa akin. His bloodshot eyes directed at me. His pitch black irises were almost moving like the eye of a big perilous storm, almost unknown and brutal to me.

“Marami akong-”
“Don’t give me that damn reason! We can see each other even if you’re busy!”

Sa sobrang gulat ko sa galit niya’y halos napatalon ako roon. I can sense his desperation and pleading.

“We can tell them we are-”
“Hindi kita mahal!” diretsahan kong sinabi na nagpaputol sa kanyang sinabi.

Nakaawang ang bibig niya nang lumayo siya sa akin. His red lips were almost as if screaming to me how I will lose them right now.

Umangat ang mga mata niya sa akin. His strained eyes hurt me so much but my determination was just to the moon.

“Don’t lie to me.”
Umiling ako. “May iba akong mahal-”
“Bullshit!”
“Huwag mo na akong pilitin, please… Raj…”

Bumuhos ang mga luha ko. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang sabihin pa ulit ang napakalaking kasinungalingang iyon.

Paulit ulit akong umiling habang bumubuhos ang aking mga luha sa aking kandungan. Hinawakan niya ang aking braso, marahan, tila hindi ko maintindihan kung bakit kahit sa sitwasyong ito, ganoon parin ang tungo niya sa akin.

“Please… Please…” marahan kong ulit.

Dahan-dahan siyang umatras at binuksan ng malaki ang pintuan. Hindi na ako nag-alinlangan pa. Isang beses kong mabilis na tiningnan ang kanyang mukha bago ako umalis at tumakbo pabalik sa hotel, pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata. Never looking back. Never wanting to see what he’ll do after.

Wala akong tiningnan ni isang staff. Kahit na tinanong ako kung anong problema ko. Dumiretso na ako sa opisina ko habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha.

Ito naman talaga ang para sa akin. I am not meant for him so ending it this way is right. Bukod sa masyadong matayog na pangarap ang mahalin siya, nakakasama rin ako para sa kanya.

Go on, Raj. Tell your mother that we’re now apart. Tell the Riegos that you only used me to get to my father. Tell them you lost me so you’ll gain everything again. Tell them.

“Anong nangyari, Leil!?” ani Prince nang naabutan niya akong umiiyak sa aking lamesa.

Umiling ako pero mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha. He ran fast towards me to comfort me. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko siya pabalik, gustong-gusto ang kahit anong ginhawa na maiibibigay kahit nino.

But then… I realized… isang tao lang talaga… ang makakaalis sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. At ang taong iyon ay hindi pwede sa akin. I should start living my life and accepting that from the very beginning, Raoul Vesarius Riego was just a dream. That way, I won’t hope. That way, he won’t try. And that way, everything in our lives will be alright.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.