Sands of Time – Kabanata 27

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 27

Kabanata 27
Congratulations

Raj promised to be spend some of his Christmas vacation days in Iloilo. Sinabi ko sa kanyang hindi na naman kailangan dahil nagkita na kami noong nakaraan. No matter how much I want to be with him, I know that he needs to be with his family on the holidays.

“Huwag na!” sabi ko pagkatapos niyang sabihin sa akin na magtutungo naman siya sa graduation ko.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Sekreto ang relasyon namin. Kung may magtatanong sa akin at mabuking man ako kalaunan, maaaring aamin ako pero habang walang nakakaalam, gusto kong manatiling lihim ang lahat.

If he shows up to my graduation, where the Ledesmas will be, sadya ang pagkakabuking namin.

“I want to see you on your graduation,” he said seriously.

Uminit ang pisngi ko. Pinapanood niya ang reaksyon ko, seryoso at talagang hindi nagbibiro. Nakahilig ako sa sofa ng kanyang suite habang siya’y nakaharap sa akin, ang isang kamay ay nasa back rest.

Ito ang isa sa pinakamapangahas naming pagkikita. Prince is around but he’s in the hotel for work. Medyo marami daw bisita dahil holidays. I was allowed to go out in search for gifts for the annual family exchange gifts. Mabilis akong namili at dumiretso na rito sa hotel ni Raj pagkatapos. It’s the only way we can see each other.

Ang unang mapangahas naming pagkikita ay noong birthday ko. But it was very short. He waited outside the hotel. Lumabas ako ng ilang sandali sa venue at nagkausap kami ng ilang minuto sa loob ng kanyang sasakyan. Believe it or not, my birthday was just suddenly perfect because of that little time we spent with each other.

“Sige, pero hindi tayo magkikita. Manonood ka lang at hindi na kita hahanapin,” mabigat ang loob ko nang sabihin ito pero iyon talaga ang dapat.
He sighed and remained serious.

Ngumuso ako. Baka magtampo siya pero…

“Raj… mahirap ‘yon. For sure nandoon si Tita at Tito, pati si Prince, pati pa si Arthur at Primrose,” paliwanag ko sa isang maliit na boses.
“Okay, then…”
“Kahit after graduation na lang? Susubukan kong tumakas sa bahay…” sabi ko.

Nagkatitigan kaming dalawa. Alam ko kung ano ang nasa isip niya pero alam niya rin kung ano ang sasabihin ko kung sakali. He wasn’t keeping our relationship a secret. Kung naglilihim man siya, dahil lang iyon sa akin. Noong nakaraan, tumawag sa kanya si Zamiel. Tahimik akong nakinig sa usapan ng magkaibigan at kaswal niya lang na inamin na magkasama kami. And Zamiel Mercadejas wasn’t surprised at all, so I think he already knew that we were always together… o baka pa pati ang relasyon naming dalawa.

“That will be the first time we’ll see each other in person for the next year,” he said.

Gumapang ang kamay niya sa mga kamay kong nasa aking kandungan. Hindi ako makahinga pagkahawak niya roon. His hand was hard and large pero sobrang rahan nito kung humawak sa akin.

“Gusto ko rin namang makita ka sa graduation ko, e…” sabi ko nang hindi siya tinitingnan ng diretso.

He will be gone starting January. Gaya noong nakaraang taon. Naiintindihan ko. February was the death anniversary of his father. Enero pa lang, inaalala ko na ang lahat ng nangyari noon. I assume his mother does the same. Sa Maynila sila maglalagi hanggang sa katapusan ng unang buwan sa susunod na taon. By February, they’ll be home to visit his father’s grave. Naroon ang mga Riego noon at inasahan ko nang magtatagal sila hanggang March.

“Then that’s easy…” he said.

Sinimangutan ko siya para ipahayag ang hindi ko pagsang-ayon. Umangat ang gilid ng kanyang labi. He looks so amused.

“I’m gonna miss you,” he said.
Ngumiti ako, hindi maipaliwanag ang kasayahang nadarama. “Araw-araw akong magsi-send ng picture ko sa’yo, para hindi mo ako ma miss…”

His eyes suddenly became wicked. Hindi ko alam kung may mali ba akong nasabi.

Tinuruan ako ni Cresia noon na magsend madalas ng picture kay Raou.

“Dapat nasa kama ka, nakahiga!” Cresia said once while I was listening to her advices.

Ayon pa kay Cresia, dapat mas damihan ko raw ngayong magiging mahaba ang long distance relationship namin ni Raj. Tatlong buwan kaming hindi magkikita kaya dapat daw mas ayusin ko ang aming communication. I don’t know what she means by that but one of the steps to strengthen it is to send him pictures of myself everyday.

“Who taught you that?” his deep baritone echoed.
Kunot-noo ko siyang binalingan. “Bakit? Hindi ba maganda ‘yon?”

He groaned a bit and crouched so our eyes would level.

“Send it to me at night. I might get distracted if you send it to me while I’m working,” aniya.

Ayaw ko mang ipakita ang kasiyahan ko sa sinabi niya, unti-unting sumilay ang hindi ko mapigilang ngiti. Sa simpleng pagkikita namin, kumpleto na agad ang taon ko. Ayos na ako. I could last for days idle and remain happy. That’s his effect on me. Kahit noon naman ganoon, iba lang ngayon dahil tinatamasa ko na ang sekretong pangarap ng bata kong puso.

“Saan ka galing?” si Prince na hindi na ako pinagsalita pa.

Bumaling siya kay Manong Roy. He looked so serious as he interrogated the poor driver. Lumapit ako para magpaliwanag na. Medyo masama ang loob ko dahil tatlong oras lang naman akong nawala at ganito na kaagad siya makaasta.

“Prince, anong problema?” tanong ko bilang panimula.

I want to question his over reaction. Hindi na ako bata para sa ganitong bagay. Isa pa, hindi pa madilim sa labas kaya ano ang problema niya?

“I thought two hours is enough for you,” mahinahong sabi ni Prince.
“Hindi pa naman dumidilim, Prince, at-”
“I know, Leil. Nakausap ko na si Manong Roy…” mas marahan niyang atake sa akin.

Napabaling ako sa driver. Tipid itong ngumiti sa akin bago tumalikod at dumiretso na sa sasakyan. I sighed. Bumaling muli ako kay Prince.

“Tara na sa loob at ilagay na natin ang mga regalong dala mo sa ilalim ng Christmas Tree,” he said.

Bumuntong-hininga ako at hindi na dinugtungan pa ang paliwanag sa takot na lumalim ang usapan at mapaamin ako.

The days were very slow. Lalo na ngayong kung hindi kami nagti-text o tawag ni Raoul, naiisip ko ang lahat ng nangyari sa Costa Leona noon. Noong nalingunan ko ang kahel na langit sa gitna ng gabi. Noong tinakbo ko ang gubat para lang maabutan ang nayon na nasusunog… lahat ng iyon. Ganito lagi tuwing Enero.

Ano na kaya ang itsura ng Costa Leona? I am forbidden to go back there because the people might attack me. Alam ko. Dahil kahit ako, hindi man malapit kay Hades Riego, masakit sa akin ang nangyari. Paano pa sa mga taong malapit sa kanya… sa mga natulungan niya? Paniguradong sobrang sakit na sasaktan din nila ang sino mang may gawa noon.

My thoughts go around the whole scenery of the memory. Minsan, naiisip ko ang nangyari sa amin ni Raoul noon. Pero hindi gaya noong nakaraang taon, wala nang halong pait iyon ngayon. Masaya ako dahil hindi lang ang nakaraan meron kami.

Though at times, I feel lonely everytime I think about us. In my most private memories, I imagine myself coming to Costa Leona with the people finally accepting me… pati si Felicia Riego.

Alam kong malabo pero nangangarap ako.

Then my thoughts drift to the future. Sa kaisipang may kinabukasan ba ang relasyon naming ito? If we continue will the people of Costa Leona or the Riegos accept us? I know the answet to that: No.

Mabait si Raj. Nakaya niyang tanggapin ulit ako. Pero sa mas pribado kong isipan, minsan ay naiisip ko rin na baka niya ginagawa ito para mahuli si Papa. That he is just using me to get justice. Though he was never that way, we don’t know what pain can do to people. Sana lang… hindi.

At kung ganoon man, maiintindihan ko ang nararamdaman niya. I’d understand his eagerness for justice. Nakakatawa dahil iyon nga ang nasa isip ko. Kung masasaktan niya ako sa ginagawa niya, maiintindihan ko. Hindi ko alam kung naiintindihan ko ba talaga o tinatanggap ko na lang dahil lang mahal ko siya.

My father is lost. Pagkatapos ng tawag na iyon, wala na ulit akong narinig galing sa kanya.

Napag-usapan na rin namin ni Raoul iyong tungkol sa tawag. Apparently, their investigators were suspecting that my father is using a certain phone number. The investigators sent a random text for my father, giving away my number. Nang tawagan ako ni Papa, agad nilang nakumpirma na kanya nga iyon. That’s how he got my number.

Raoul formed a team to search for my father. Hirap nga lang dahil bukod sa mag-isa si Papa, magaling pa itong mangumbinsi ng mga tao sa ibang katauhan niya.

The last whereabout of the phone number they are tracking is in Palawan. At ilang buwan na rin iyon kaya hindi nila sigurado kung naroon pa nga ito.

“Bye. See you again tomorrow,” si Cresia sabay halik sa labi ng lalaking ka-date ngayon.

She’s dating a tall national basketball player. Isang linggo pa sila noong lalaki at kung makatingin sa kanya’y tila siya lang ang babae sa mundo. I am happy for her. I am just not sure if she’s happy for herself.

“Masaya ako at nakatagpo ka rin ng magiging boyfriend mo, Cresia.”

Sa ilang buwan niyang paghahanap kay Gino, hindi siya nakipagdate sa kahit kanino. Wala raw siyang gana.

Tinanong ko si Raoul tungkol sa lalaki, ang sabi niya pribado raw ang mga impormasyon nito dahil sa trabaho. Hindi naman nanghingi pa ng tulong sa akin si Cresia dahil malaki rin ang tiwala niya sa mga binayarang imbestigador para mahanap ito.

I thought she was too obsessed with him that it’s not healthy. Ilang beses niya pa lang nakita si Gino at ang tagal na noon tapos ganito ka grabe ang puhunan niya makita lamang ulit ito. I understand. She has the resources and I understand the infatuation she’s going through. Iyon nga lang, kakaiba ito sa madalas niyang attitude sa mga lalaki.

“Hindi ko ‘yon boyfriend!” she said matter-of-factly.

Napawi ang ngiti ko. I want her to be normal again. Date men and all that. Pero ayos lang siguro, it’s a start, right? At least, lumalabas na ulit siya kasama ang ibang lalaki.

“Pero at least may prospect ka…” tanging nasabi ko.

She turned to me.

“Hindi rin prospect. He’s just there to fill the gap.”
“Huh?” medyo nalilito kong tanong.

Bigo niya akong tiningnan.

“Leil, hindi ko parin mahanap si Gino…” tanging nasabi niya.

I cannot believe her. She dramatically crumpled her face just to show me how miserable she is. Minsan, hindi ako sigurado kung totoo ba talaga ito o ano.

“Naiinis na ako! Wala sa listahan ng mga kaibigan ng mga Riego! Wala rin sa school dati ni Raoul at kahit doon kay Radleigh na pinsan niya!” aniya.
“Dahil ata sa trabaho, Cresia. Bawal ata sa trabaho nila na sabihin ang mga detalye. Pero…” nilingon ko kung saan nawala ang lalaking kasama niya kanina. “Paano iyon?”
“Wala lang ‘yon!” giit niya.
“Hindi kayo noon? Akala ko boyfriend mo?”
“Fling lang!” sagot niya.
“Fling?” kunot-noo kong tanong.

I heard that word many times pero hindi ko na inisip pa kung ano ba talaga ang ibig sabihin noon. Alam ko lang na maraming ganoon si Primrose noon. Kay Prince, sabi meron din daw pero hindi ko na inisip pa. Now I’m hearing it from Cresia, too.

“Fling! Iyong parang kayo pero minus the commitment! Hindi niya ako kailangang ipakilala kahit kanino bilang girlfriend niya. Ganoon din sakin kasi hindi ko naman siya gusto. Si Gino nga ang gusto ko, Leil!” anas niya.

Umiling na lamang ako. Cresia cried dramatically again to stress that she’s really broken hearted for Gino.

Sinabi ko na kay Raj noon na kung pwede niya bang matulungan si Cresia. Pero maging siya man, hirap na mapakiusapan ang kaibigan para sa isang bagay na ganito. How cold-hearted. I’m starting to think that Cresia should stop thinking about him.

Ilang araw bago ang graduation ko, nasa bahay na kaagad ang mga Ledesma. And Prince will be here in Iloilo for good, like what he promised.

Kinusot ko ang mga mata ko. Hindi parin ako makapaniwala na malapit na akong gumraduate. Magtatrabaho na ako. I’ll earn money and I can finally save for myself! Hindi na ako makapaghintay na ganoon.

Raoul:
Good morning! I have a surprise for you.

Kakaibang mensahe iyon. Madalas, binabati niya lang ako at nagtatanong kung ano ang gagawin ko sa araw n iyon.

Ako:
Good morning! Ano ‘yon?

Pumasok na ako sa banyo para maligo at magbihis. Pagkababa ko, wala si Prince sa lamesa. Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat at nagsimula nang magbreakfast. Last day ng practice for graduation ngayong umaga. Mamayang hapon, wala na kaming gagawin. Bibili na lang ng kailangan para sa Baccalaureate Mass bukas.

Ilang subo ko ng pagkain ay ‘tsaka lang nagpakita si Prince. Galing siya sa labas at kunot-noo nang pumasok sa dining area.

“Good morning!” bati ko kay Prince.
“Good morning! Manong Roy is absent today. Ako na sana ang maghahatid sa’yo pero may ipinalit naman siya na sa kaparehong agency lang.”

Manong Roy is absent? First time iyon, ah. Ano kayang nangyari kay Manong? Naisip ko ang mensahe ni Raoul kanina.

“He seems good but a bit young…” patuloy ni Prince habang tinitingnan ako. “I’m not comfortable.”
“Kung ayaw mo, pwede rin naman akong mag commute-”
“You shouldn’t. We have cars and there’s a driver available. Pwede nga’ng ako na lang ang maghatid at magsundo sa’yo mamaya. But I have to finish work for your graduation tomorrow.”

Hindi ko alam kung bakit na momroblema si Prince doon. Hindi ko maintindihan. May driver naman daw na papalit kay Manong Roy sa araw na iyon, pero bakit niya pinoproblema pa iyon?

“This is Gino, Leil,” Prince said when we went out of the house to meet my driver for the day.

Namilog ang mga mata ko. Ito ang surpresa ni Raoul! Did he finally convince him to show up! At bilang driver ko! Manghang-mangha ako na hindi ko na namalayan ang sinabi ni Prince.

“Leil! Naiintindihan mo ba ako?” medyo pagalit na sinabi ni Prince.
“H-Huh?” napabaling ako sa kanya.

Gino is almost as tall as Raj. Naka itim siya ng t-shirt at pants. Kahit sa kaswal na damit ay kita na gaya rin ni Raj, he’s lean and well cut. He’s very formal. Pormal man si Raoul, nararamdaman ko parin ang pagiging laid-back niya sa mga kilos pero itong si Gino, tila robot na kalkulado lahat ng gagawin.

Nag-angat siya ng kamay para sa akin.

“Gino…” he said.
“S-Soleil-”
“No need for that. You’re just her driver for the day…” ani Prince bago ko pa matanggap iyon.

Gino’s fac hardened. Bumaling siya kay Prince at ilang sandali kong nakitaan ng galit ang mga mata, taliwas naman sa salita.

“Sorry, sir…” he said to Prince.
Tumango si Prince. “After your practice, sa mall ba ang tungo ninyo ni Cresia, Leil?”
“Oo… sana. May mga bibilhin ako para bukas, Prince.”
He nodded and carefully watched the new driver. “Okay, then. Huwag kang magtatagal doon.”

Sumang-ayon naman ako roon. Hindi naman talaga ako magtatagal kaya lang…

Pumasok ako sa SUV at nanatili ang mga mata ko sa rearview mirror kung saan kitang-kita rin ang mga mata ni Gino. He did not glance at me. Nanatili ang mga mata nito sa kalsada at pinaandar na ang sasakyan.

Sa byahe, si Raoul agad ang tinext ko.

Ako:
Ilang araw si Gino bilang driver ko?

Raoul:
Just today or that boy Ledesma will fire Roy for it. Hindi rin ‘yan makakapagtagal dahil sa trabaho.

Nag-angat ako ng tingin kay Gino. I can’t believe it. Iba parin pala kapag nakita ko na siya ng malapitan sa personal. Noong sinabi ni Raoul sa akin na kaibigan niya nga ito at pinasundan niya nga ako, nagulat ako pero mas nakakagulat ngayong kaharap ko na ito.

Unti-unting gumapang sa akin ang excitement para kay Cresia. I thanked Raj for it. I can’t believe he’s doing us a favor! Naiisip ko pa lang ang reaksyon ni Cresia, hindi na ako makapaghintay.

“Diyan lagi nakapark ang sasakyan namin,” sabi ko kay Gino nang iginiya siya sa parking lot.

Lucresia Lopez was already there. In her boyfriend jeans, sweetheart top covered with a black jacket, and a small hand bag on her right forearm, gaya ng dati mistula siyang modelo sa isang fashion magazine habang nakahilig sa kanilang malaking SUV, naghihintay sa pagdating ko. Hindi niya alam kung anong meron!

Ngumisi ako. Madalas ako na ang nagbubukas sa pintuan ko para makalabas. Ngayon, sinadya kong hayaan si Gino na pagbuksan ako para lang makita ni Cresia kung sino ang driver ko sa araw na iyon.

Kitang-kita ko ang unti-unti niyang pagtuwid sa pagkakatayo nang nakita kung sino ang magbubukas ng pintuan ko. Palabas ako, nanatili akong titig sa kaibigan. Parang tumigil ang mundo niya. Nakaawang ang labi sa gulat t hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Gino closed the door behind me. Aalis na sana siya para sa driver’s seat pero humugot ako ng lakas ng loob para maipakilala ang kaibigan sa kanya.

“Uh, G-Gino… Si Cresia Lopez nga pala, best friend ko…” sabi ko sabay lahad kay Cresia.
“Hi!” Cresia said and she held out her hand.

Malamig na tinitigan ni Gino iyon at tinanggap naman. Cresia looked like a speechless kitten, maamo at hindi makapaniwala. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Gino. Hindi ata alam alin ang uunahin.

Binawi ni Gino ang kanyang kamay at bumaling na sa akin.

“Just text Manong Roy’s number. I’m using his phone now.”
“S-Sige…” sabi ko at tinalikuran niya na agad kaming dalawa.

Umalis ang sasakyan, iniwan kami sa parking lot. Pagkaalis ay nayugyog yata ni Cresia ang buong pagkatao ko.

And like what I expect, iyon nga ang bukambibig niya sa practice namin. Wala siyang inisip na iba kundi si Gino. Ang gwapo ni Gino. Matipuno! Iyon na talaga raw ang gusto niyang lalaki. Hindi magsasawa si Cresia kay Gino. Hindi ko nga lang alam kung totoo ba itong mga sinasabi ni Cresia o hindi.

“Oh my gosh! Thank Raoul again, please, for me!”

Ilang beses na akong nagthank you kay Raoul para kay Cresia ngunit nakukulangan yata ang kaibigan ko. Tumawa na lamang ako.

“Ganito, Leil…” she said in a low tone, gaya tuwing may plano siya.
“Ano?”
“Pagkatapos ng practice natin, pupunta tayo ng mall, ‘di ba? Imbitahin mo sa lunch natin! Sabihin mo, sagot mo pero syempre ako ang manlilibre, okay?”
Tumango ako kahit na may pag-aalinlangan sa sinabi ni Cresia.
“Syempre, pinauwi ko na ang driver namin. Kayo maghahatid sa akin sa bahay, ah? Sabihin mo lang na nasa talyer sasakyan namin!”
Tumango ulit ako sa plano ni Cresia.

Then she shrieked her excitement. Some of our friends were asking us what is it all about, pareho kaming ayaw sumagot. Kaya hindi rin mahirap na pagsabihan ng sekreto si Cresia dahil maging siya masekreto rin sa buhay niya. Maybe because she’s very elite and they are very rich here in Iloilo. They were told at a young age to maintain their privacy. Sanay na siya na ganoon.

Mabilis ang naging practice pero para kay Cresia, sobrang bagal nito. Masyado kasi siyang excited sa lunch.

At nang oras na para maglunch at tapos na rin ang practice, dumiretso na kami sa parking lot. Nag-aantay na nga roon si Gino. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Cresia is again speechless behind me, pushing me to say something.

“U-Uh… Gino, si Cresia pala sasabay sa akin sa mall. Nasira kasi ang sasakyan niya kaya tayo na rin ang maghahatid sa kanya sa kanilang bahay.”

Sumulyap si Gino kay Cresia. I felt Cresia’s sudden grip on me. Ramdam ko ang tensyon sa kanya, halos pareho sa tensyong nararamdaman ko kay Raj.

“No problem,” Gino said coldly at tinalikuran na kami.

Pumasok kami sa loob ng backseat. Pinaandar na ni Gino ang sasakyan. Kaaayos ko pa lang sa pagkakaupo, iba naman ang pabor ni Cresia ngayon. Tumango ako at binulong sa kanya ang paghihintay but she’s too eager to stop pushing me. Nahuli tuloy kami ni Gino na medyo magulo sa likod.

“Uhh…” panimula ko. “Magla-lunch kami sa SM, Gino. Sumama ka na sa amin sa lunch. Ako na ang bahala sa’yo-”
“Hindi ‘yan kasali sa usapan. Pagagalitan ako ni Prince Ledesma…” tanging sagot niya.

Naiintindihan ko. Laging ganoon sa kasambahay ng mga Ledesma. Lagi silang tila ba may ibang lugar sa mundong ito kaya hindi pwedeng humalo sa amin.

“Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Prince, Gino,” sabi ko.
“Wala rin ‘yan sa usapan namin ni Rao, Soleil…” malamig niyang sinabi sa akin.

Halos matutop ko ang labi ko sa diretsahang sinabi nito. Cresia nudged me so I can talk more but I was so stunned with his statement that I could not.

“Lunch lang naman, Gino. Kahit pagkatapos, bumalik ka na sa sasakyan,” si Cresia nang hindi na napigilan ang sarili.
“Wala nga iyan sa usapan,” mas malamig na sabi ni Gino.
“Wala nga pero hinihingi ng amo mo, oh. Sigurado akong hihingin ni Raoul na pumayag ka sa gusto ni Soleil kung malaman niya ito-”
“I live by the rules of professionalism. I think Raoul will understand that if I tell him I won’t eat lunch with you two. Unless, ikaw, hindi mo maintindihan ang pagiging propesyunal.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong namula ng husto si Cresia. It was a borderline of embarassment and other things. Hinawakan ko ang kamay niya para mapigilan siya lalo na’t iba na ang tono ni Gino. He sounds very irritated. He’s Raoul’s friend, not a hired guard or what so we cannot really bring that up.

“Chill with the professional thing. Then let’s have lunch as friends. Ayos na ba?” si Cresia.
“We’re not friends so why will I have lunch with you?” he said brutally.

Wait! What?

“Uh, G-Gino, ang nakabubuti lang naman ang iniisip namin-”
“Because you’re Soleil’s driver? Natural naman talaga na pwedeng mag offer ang ibang tao-”
“I said no. I’ll just wait in the car until you’re done.”

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ni Cresia. Hindi ko alam kung nagagalit na rin ba siya o ano.

“You were hired to follow orders! Soleil is asking you, kay Prince man o kay Raoul, na sumabay mag lunch sa amin. Anong masama sa pagkain ng tanghalian sa labas kasama ang driver? I do that to our driver’s all the time. But they are still very professional. They have lunch with me because they are human. Professional but still human!” giit ni Cresia habang pulang-pula at halos manggalaiti.
“I stand by my decision-”
“Whoa! Grabe! You are very difficult. It’s just lunch! Just food, come on-”
“Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mga mayabang na mayayaman na akala’y kayang bilhin ang lahat, pati mga tao. I’m not hired by anyone. I’m here for a favor. Now, I’m not sure if Raoul sent me here to protect Soleil from harm…”

Sumulyap siya sa akin galing sa rearview mirror.

“You are making it big. Konting pagyayaya lang naman iyon,” patuloy ni Cresia.
“And I already said no. It’s a matter of respect on my decision.”
“You are very… difficult!” Cresia said in a frustrated tone. “Pinalaki mo ang isang simpleng bagay. I regret…”

Hindi niya tinuloy ang idudugtong. Bumaling si Cresia sa akin, halata sa kanyang mga mata ang galit at pagtitimpi.

“I hate your new driver, Leil. Sana ay si Manong Roy na ulit…”

Hindi na nagsalita si Gino. Natahimik na rin ako, hindi ko alam anong sasabihin para kumalma ang dalawa. Gusto kong humingi ng tawad sa kanilang dalawa pero ayaw kong magsimula ulit ng pagtatalo.

Cresia was devastated. Wala siyang gana na kumain sa lunch kahit ilang beses kong sinubukan na baguhin ang topic. Nakikisabay siya pero sobrang tamlay na pakiramdam ko may sumanib sa kanyang ibang kaluluwa.

“Cres, pasensya ka na talaga kay Gino. Hindi ko alam na-”
“Ang suplado niya! Akala niya kung sinong gwapo!” deklara ni Cresia.

So… this is it, huh? This is the end of her years-long obsession with a man she never even met yet.

Ayos na rin para matigil na siya. Ikukwento ko na lang kay Raoul mamaya. But… Gino is a bit brutal. Though I’m not sure if he is o talagang hindi niya gusto ang pinipilit siya? Ganoon din kaya si Raoul kapag pinipilit siya ng ibang babaeng ayaw niya? He’s kind… Then, pinapagbigyan niya kaya dahil mabait siya?

Nagtagal ang isip ko sa kaisipang mabait siya. Mabait siya. Pero sa pisikal na anyo at sa ekspresyon, mukhang hindi. I smirked and wondered if he really is that kind to other girls or… just me?

“Gwapo siya, alright! Pero nakakadismaya ang attitude niya!”

Mariing pumikit si Cresia, tila nahihirapan sa kung ano.

“Pero baka kasalanan ko rin dahil masyado akong makulit? Tingin mo?”

I remained speechless. Pinanood ko kung paano nagbago ulit ang ekspresyon niya galing sa panghihina patungo sa pagkakairita.

“Hindi! Suplado siya! ‘Yan na lang ang iisipin ko! Ayaw ko sa kanya!” she said like she’s convincing herself more.

Kaya naman, nang natapos kami sa pamimili at nasa parking lot na, negatibo ang nararamdaman ko kay Cresia. Nagtataray at halos iniirapan si Gino. Kilala ko ang kaibigan ko. Mataray minsan pero dala lang iyon ng kaartehang nakagisnan. This time, her attitude is not from her usual shallow reason, dala iyon ng galit. Mataray siya dahil iritado at galit siya.

“Buti na lang mabait ang driver ko. Hindi tulad nitong driver mo, Leil. Kung samin pa ‘to napunta, sisisantehin ‘yan ni Daddy…” ani Cresia, pang-iinis.

Nasulyapan ko ang mga mata ni Gino na nakatitig kay Cresia galing sa rearview mirror. Wala naman itong sinabi pero nakita ko ang galit niyang ekspresyon.

“I don’t think that can be called professionalism, too…” patuloy ni Cresia.
“Cres… tama na…” pabulong kong sinabi.

Her rants continued. Ako na ang nagturo kay Gino sa kung saan liliko patungo sa bahay nina Cresia dahil hindi na makausap ng matino si Cresia sa sobrang galit. Gino drove silently even when I felt that he was angry.

Isang block ang sinasakupan ng bahay nina Cresia sa subdivision na iyon. Walang katabi o kaharap na bahay at natatangi iyon sa block na iyon. Hula ko, binili ng tatay niya ang nakapalibot na mga lupain para talagang mabahagi iyon sa ibang nakatira roon.

If the Ledesma’s mansion was big, the Lopez’s mansion was bigger! I feel like they never ran out of money. Hindi kailanman na bankrupt o ano man. Hindi rin takot ang pamilya niyang ipangalandakan ang yaman nila.

“Cres,” sabi ko at sinubukang buksan ang pintuan sa banda ni Cresia.

Pinigil ni Cresia ang kamay ko at humalukipkip siya. Lumabas si Gino. Nakita ko ang pagsuyod ng kanyang mga mata sa napakalaking bahay ng mga Lopez sa harap.

“Hayaan mo siyang pagbuksan ako,” ani Cresia sa malamig na boses.

Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan na lang ang alitan ng dalawa. Binuksan ni Gino ang pintuan para kay Cresia. Ilang sandali pa silang nagtitigan bago tuluyang lumabas ang aking kaibigan.

“You know what? You disappointed me so much,” Cresia said in a very bitter tone.

Halos napasinghap ako sa mapangahas na sinabi ng kaibigan. Gino’s eyes turned darker. Umiling siya at nilakhan pa ang buka ng pintuan. Nakita ko ang mas lalong pagkairita ni Cresia sa reaksyon nito.

“Crush pa naman kita noon. Hindi na ngayon. I hate you,” dinagdag niya pa.

Namilog ang mga mata ko. I cannot believe she said that!

“Don’t worry. I don’t like young, loud, and rich girls like you, too,” he said in a cold tone bago sinarado ang pinto at tinalikuran na si Cresia para makabalik sa driver’s seat.

Tumakbo si Cresia patungo sa malaking gate nila at hindi na lumingon pa. Tahimik naman ako buong byahe, hindi alam kung ano maaaring ang sabihin kay Gino gayong alam kong galit din ito. Sa huli, noong nakarating na kami sa bahay, ‘tsaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

“S-Sorry nga pala, Gino, sa kaibigan ko…” I said.

He only nodded and that’s the end of our interaction for Prince was already standing on the garage, waiting for me to come home.

Hirap na hirap akong ikwento iyon kay Raoul kinagabihan pero hindi ko na napigilan. Wala rin siyang masabi bukod sa kakausapin niya raw si Gino tungkol doon. Sinabi ko sa kanyang huwag na dahil nakakahiya na masyado. I know Raj only wanted Gino to meet Cresia and it turned sour. Kasalanan ko pa na kinulit ko siya tungkol doon.

And on the graduation day, pinanood ko kung paano masyadong seryoso at mukhang wala sa sarili si Cresia. She’s all glammed up with her make up and what not but she’s a bit silent for the rest of the programme.

I graduated with Latin Honors. Bumabyahe pa si Lola Brosing at sa bahay na siya didiretso para sa party mamaya. Wala si Ma’am Avila dahil natuon na graduation din yata sa pinagtuturuan niya at hindi siya pwedeng umabsent. But she will be here tomorrow to congratulate me, too.

Sa stage kanina, noong yumuko ako para mag bow bilang graduate, nahanap bigla ng mga mata ko si Raoul na nasa harap ng mga upuan, katabi ang presidente at iilang propesor ng unibersidad. Halos mabuwal ako sa nerbyos. I know he’d be there but not that close! And not in front of me or with the university president!

Dashing in his crispy coat and tie, this is the first time I saw him wear that in person. At parang hindi ako makapaniwala ulit na boyfriend ko nga siya! Imbes na tumaas ang tingin ko sa sarili ko, mas lalo lang iyong bumaba. I feel so inferior but I have to strive and feel otherwise. This is not the time for a pity party.

Ngumisi siya nang napansin ang biglaan kong kaba. Kinagat ko ang labi ko pababa ng stage at dumiretso na, parang nakalutang, pabalik sa aking upuan.

Pagkatapos ng graduation rites, gumulo na dahil sa picture taking. Sandamakmak ang picture namin ni Cresia. Pati na rin sa mga kaibigan namin.

Prince, Primrose, and Arthur were together just watching us. Nilapitan sila ni Tita Sally at Tito Ton.

Sa dami ng tao, hindi ko halos makita ang nangyayari sa kanila pero nang lumapit ang iilang propesor kasama ang iilan ding mukhang special guest, natigilan na ako. I saw how the president of our school talked to the Lopez’s and Ledesma’s. Pinakilala nila ang iilang panauhin at nagkataong kasama si Raoul doon.

Kinabahan agad ako. Imbes na magpapapicture pa ang iilang lalaki kong kaibigan, iniwan ko sila para makita kung anong mayroon doon.

“I’m sure you know him, Mr. Ledesma?” sabi ng isang propesor habang tumatawa.

Ipinakilala nito ang mga panauhin. Huli si Raoul na kakapakilala lang din sa mga Lopez.

“Of course we know Engineer Riego. You are very famous in your conglomerate,” si Tita Sally na mukhang manghang-mangha kay Raoul.

Sumulyap si Raoul sa akin. Para akong mahihimatay. Hindi ko alam kung dahil ba sa titig niya o dahil kakausapin niya lang naman ang mga Ledesma.

“Thank you!” si Raoul.
“That is expected. He is a Riego. They are known for being geniuses in the construction business,” sabi ng Papa ni Cresia na nasa tabi lamang.
“Tama! Hoping to work with your company soon,” si Tito Ton naman. “ By the way, let me introduce the heirs of our chain of hotels…”

Mabilis na lumapit si Primrose. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkakamangha sa lalaking nasa harap. Prince pulled me closer so I could get introduced, too. Nakita ko ang pagbaba ng mga mata ni Raoul sa kamay ni Prince na nasa akin.

Mabilis kong pilit na binawi ang kamay ko. Nilingon ako ni Prince. Raoul stared at me for a while before he turned to Tito Ton who’s talking now.

“This is Primrose, my daughter, with her husband Arthur Lopez, Jr. Eto naman si Prince, ang aking anak na lalaki,” maligayang sabi ni Tito Ton.

Naglahad ng kamay si Arthur. Pagkatapos ay si Primrose naman. Sa huli ay si Prince. Raj shake his hand firmly and briefly. Napabaling si Tito Ton sa akin na katabi lang ni Prince.

“And this is Soleil, daughter of a friend…” ani Tito Ton.

Parang tambol ang puso ko. Hindi ko inasahan na ganito ka lapit kami ngayon. Na sa harap ng mga Ledesma ay ipinakilala kaming dalawa.

Raj offered his hand on me. My breathing hitched. I was too stunned to say anything kaya tinanggap ko na lang ang kamay niya.

“Congratulations…” he said in a softer tone.

Nagkatitigan kaming dalawa. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakatingin ang lahat sa amin. Naramdaman ko ang reaksyon ni Prince sa tabi.

Nagbitiw kami ng kamay pareho. Nakita ko ang mariin at matalim na titig ni Raoul kay Prince bago ito bumaling kay Tito Ton sa mas magandang ekspresyon naman.

“We hope we can soon work together,” si Tito Ton.
Umangat ang gilid ng labi ni Raoul. “We’ll know in time…”

Sumulyap ulit si Raoul sa akin. At tuwing ganoon ang ipinupukot niyang tingin, para akong makikitilan ng hininga.

The university president tried to get Raj’s attention para maipakilala sa iilan pang kaibigan. Nakita ko ang pagsusubok ni Tito Ton na makuha ulit ang atensyon ni Raoul pero tuluyan na itong bumaling sa bagong ipinakilala rito.

Nakita ko ang pag-angat niya ng cellphone ng ilang sandali. Pagkababa niya noon, naramdaman ko naman ang pagvibrate ng akin sa aking bulsa. Napasinghap ako at napapikit ng mariin. I’m sure he just texted me!

“Umuwi na tayo, Leil. May party pa sa bahay,” si Prince sa aking tabi.

Tumango ako at sumunod na sa kanya sa huli. I took my phone out to see Raj’s text message.

Raoul:
Enjoy your party tonight. Can I expect to enjoy you the whole day tomorrow?

Ngumisi ako sa text niya. Pupunta kami ng school ni Cresia bukas para kumpletuhin ang iilang huling requirements. Nagkasundo kaming dalawa na pagkatapos namin doon, makikipagdate siya sa iba na namang lalaki (baka panakip butas), at ako naman ay sasama kay Raoul.

Raoul:
The boy Ledesma likes you.

Ngumuso ako at nagtipa na ng reply. I cannot wait to be with him.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.