Sands of Time – Kabanata 26

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 26

Kabanata 26
Kiss

“Where’s your bracelet?” he asked gently, stroking my wrist.

Ngumuso ako. Totoo naman ang dahilan ko kanina kay Cresia. Muntik na nga akong ma late sa school at mahirap iyong isuot kaya hindi na ako nag-abala. But partly, sinadya ko rin iyon dahil… nagtatampo ako.

“Muntik na akong ma-late kanina…” may pag-aalinlangan sa boses ko na hindi yata kakatakas kay Raoul.

His eyes narrowed while waiting for me to complete my reasons. Ngumuso ako nang natanto na wala yata akong maitatago sa kanya.

“Sinadya kong hindi suotin… din…”
“Because you were jealous?”

Hindi na ako nagsalita. Huminga siya ng malalim at pinagsalikop ang mga daliri namin.

“We were only talking about business during that party. The rumors aren’t true,” he whispered while stroking my hair.

Tumango lamang ako. Hindi na yata masisira pa ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Kahit pa isipin ko ang nakita namin ni Cresia sa magazine, walang halaga na iyon para sa akin.

Paulit-ulit ko iyong inisip kahit noong nasa bahay na. Hindi matanggal sa isipan ko. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento kay Cresia iyon. Pakiramdam ko, magsisimula pa lang ako ay mahihimatay na ako sa kaba. I can’t even tell Ma’am Avila about it. Hindi kailanman sumagi sa isipan ng mga Avila na may pag-asa, kahit konti, na magustuhan nga ako ni Raoul.

Kahit naman ako, hindi parin makapaniwala.

Niligawan niya ako. He said he wants me… he likes me… I wonder if it means… he likes me the way I like him? Hindi ko alam.

We kissed. I blush everytime I remember his tender lips brushing mine. Sa paraan ng mapusok niyang halik. Para akong tuyong dahon na sinisilaban, kalat agad ang apoy hindi pa nagsesegundo.

Naisip ko tuloy kung paano ko gagampanan ang pagiging mabuting girlfriend? First time ko ito kaya hindi ko alam kung ano ang mga gagawin. Magtatanong kaya ako kay Cresia? But I have to tell her that it’s a secret.

Hindi man namin napag-usapan ni Raj ang tungkol doon, alam kong alam niya na hindi ko pa pwedeng sabihin sa mga Ledesma o kahit kanino ang tungkol sa relasyon namin. Ganoon din sa parte niya. The past cannot be erased and while justice wasn’t served yet for his family, I am taboo for them.

Naisip ko rin na maaaring ginagawa niya lang ang lahat ng ito para mahanap si Papa. But I know he doesn’t have to do anything if he wants information from me. Kami man o hindi, sasabihin ko sa kanya kung may alam man ako sa kalagayan ng aking ama.

Tulala ako sa bracelet na suot habang nasa canteen kami ni Cresia. Sa hectic naming schedule at sa medyo mahirap na subject kanina, hindi ko naikwento sa kanya ang nangyari kahapon. Ngayon ko planong ikwento sa kanya pero masyado akong nababaliw sa pagbabalik tanaw pa lang.

Nilapag niya ang isang bote ng juice sa harap ko dahilan ng paglipat ng tingin ko roon. She smirked. Umupo siya at nagsimula nang ayusin ang pagkain niya sa lamesa.

“Hmm. May nangyari ba? Suot mo na, ah? Nagkausap na kayo?” she said.

I can’t stop the smile from my eyes. Gulo si Cresia habang binabasa ang ekspresyon ko. Alam kong hinding-hindi niya mahuhulaan ang nangyari kaya ikinwento ko na sa kanya ang buo.

“Oh my gosh!!!” she cried so loud that I think a part of the canteen went silent because of her scandalous reaction.

Yumuko ako at hindi na siya napigilan pa. Nakangiti kong tinitingnan ang pagkain ko. Susubo na sana ako nang niyugyog niya ang kamay ko dahilan ng pagkakatapon ng pagkain galing sa kutsara.

We did not stop there. Buong araw iyon ang bukambibig niya. She’s almost violent everytime we talk about it. Sobra-sobra ang panggigigil, inasahan ko na ganoon ang magiging reaksyon niya.

“This is a big scoop! This is totally the biggest scoop of the year!” aniya.
“Cres…” pigil ko sa kanya.
“Alam ko! Wala akong pagsasabihan! Sinasabi ko lang na sobrang masaya ako at hindi rin makapaniwala!” paulit-ulit niya iyong sinabi.

Nag-offer din siya na isama ko mamaya sa parking lot kung saan madalas si Raoul. Aalis din naman siya agad. I’m just not sure if I want that. Imagining the moment we see each other again after yesterday makes me want to faint. Maiibsan ang kaba ko dahil kasama ko si Cresia. Pero kung aalis din siya pagkatapos akong ihatid, muling aahon ang aking kaba.

“Tatanungin ko na siya mamaya… tungkol sa-”

Hindi niya na ako pinatapos. Itinuro niya na ang langit na tila ba may bumababang sasambahin niya roon.

“Finally!” she joked beautifully.

Tumawa ako at umiling na lamang sa kaibigan. She’s always very loud, funny, and beautiful at the same time. The boys she once dated go crazy over her. Sayang lang at hindi niya nagugustuhan ang kahit isa roon pabalik.

I wonder if she’s just that infatuated over this mystery guy. Kung masasagot kaya iyon, titigil na siya at magseseryoso na sa isang taong babagay sa kanya?

“Well, you can ask the name. Kahit pangalan lang, Leil. Ako na ang bahala magpa imbestiga kung sino iyon!” she said with so much enthusiasm.

Ngumiwi ako sa sinabi ng kaibigan. She is that crazy over that man?

“Cresia, nakakatakot naman ang gagawin mo…”
“Just ask for the name, Leil!” aniya.

Bumagal ang lakad namin patungong parking lot. Naroon na nga ang parehong sasakyan. Nakahilig na rin si Raoul sa pintuan ng front seat pagkadating namin.

His sharp eyes remained on me. Ngumiti ako at dinamdam ang kumabog na puso.

“Hi!” Cresia said happily and waved at Raoul.
“Good afternoon!” Raoul said curtly at bumaling kay Cresia.

Cresia’s creepy and almost hysterical laugh began. Alam ko kung para saan iyon. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

Ikinwento ko sa kanya ang lahat, hindi man puno ang detalye. I told her that Raj kissed me. Iyon lang naman kaya hindi ko alam paanong sobrang matingkad ang imahinasyon niya sa parteng iyon.

“Masarap ba? Matagal? Ilang minuto? Sa lips lang? Hindi ba bumaba sa leeg?”

Lahat ng tanong niya, mahalay at ayaw kong pakinggan sa kahihiyan. If that would ever happen, I won’t tell her the exact details. I don’t think she’s expecting me to tell her anything, too. Besides, hindi na kailangan sa dami niyang naiisip.

Kung anu-ano na ang tinuro niya sa akin pagkatapos ng kwento ko. Hindi ko nga lang alam kung susundin ko ba. Though, all of her ideas were effective.

“Ingatan mo ang kaibigan ko!” Cresia giggled and waved again.

Matalim ko siyang tinitigan kahit na hindi mawala ang tipid na ngiti sa aking labi. She waved at me too until she disappeared for another date after school.

Tahimik kaming naiwan ni Raoul. He opened the door for me kaya pumasok na rin ako sa loob. Hindi ko alam kung bakit mas kabado ako ngayon kumpara noon. Ultimo pag aayos ng seatbelts, kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko. Lalo pa nang nakitang pumasok na siya sa loob ng sasakyan.

Girlfriend niya na ako. Am I dreaming? Ako ang girlfriend ni Raoul Riego!

“D’you wanna go somewhere else?” he asked after a long silence between us.
“Uh… Ayos lang ako roon!” sabi ko sabay tarantang tingin sa kanya.
His jaw clenched painfully but he nodded.
“Pero kung may gusto kang puntahan, pwede tayo sa iba.”

Kagabi kasi, nag-usap kami kung saan kami pupunta sa araw na ito. He asked if I wanted to watch a movie, I said no. Wala naman akong gustong palabas sa ngayon. Nagtanong din siya kung may gusto ba akong puntahan na lugar tumanggi na rin ako. Konti lang ang oras namin kaya mas gusto kong sa malapit lang at kahit ano basta magkasama kami.

Finally, I told him I’m fine in his suite. Sinabi niya na sa restaurant na lang kami, kumain ng dessert o pagkain, but whenever I think about it, I always consider the fee he’s paying for it, lalo na dahil eksklusibong silid ang pinapasukan namin sa restaurant.

“Kung kakain ng dessert, nakita kong may upuan at lamesa naman sa suite mo. Doon na lang tayo,” sabi ko kagabi nang tumawag siya.

Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya pero tila yata ayaw niyang nakakatipid siya sa date naming dalawa. Date. Napangiti ako roon.

“No, it’s fine. I just think you might get bored.”
Umiling ako. “Hindi naman. Pero next time, pwede tayong lumabas din.”

He nodded again and continued with the car’s engine. Umalis na kami sa school. At gaya ng dati, muli kong ipinatong ang coat sa aking uniform.

We walked silently towards the elevator door. Marahan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinapanood ko iyon habang hinahayaan ko siyang hilahin ako.

Para akong nakalutang habang nasa tabi niyang naglalakad. Kahit pa noong lumiko na kami sa pasilyo patungo sa kanyang suite. Nang nakapasok na kami ay agad ding kumatok ang room service para sa order na sinabi niya na yata kanina pa bago kami pumunta rito.

A foreign dessert was served on the round table. Naupo ako roon habang inaayos ng waiter ang pagkain. Kinuha ni Raoul ang bag ko at nilagay sa sofa. Nang bumalik siya sa bilugang lamesa, sa upuang katabi ko siya naupo.

“Thank you,” Raoul said to the server.

Umalis na ito at naiwan na ulit kaming dalawa. A bottle of a sparkling champagne is also on the table. Tiningnan ko ang dessert na ginagalaw niya para lang malagyan ang platito ko. Inalis niya ang isang platito roon na dapat ay para sa kanya.

“How was your day?” tanong niya.
“Ayos lang naman. Ikaw?” tanong ko sabay tingin sa kanya.

His intense gaze at me made me tremble a bit. Parang hindi yata ako masasanay na ganito. Agad kong binawi ang aking titig sa kanya.

“Fine, too.”

Binaba niya ang tinidor at inilipat niya ang kamay sa akin. Parang tumalon ang puso ko nang inangkin niya ang aking mga kamay. Ang isang kamay niya ay nasa likod ng upuan ko. His right knee is losing the gap between my knees, too.

“Are you nervous?” he asked.

Tinanong niya pa talaga! Mas lalo pa tuloy akong ninerbyos. Parang tambol ang reklamo ng puso ko.

“M-Medyo,” sabi ko.
He sighed. “Nothing much will change between us. Don’t worry…”

Ngumuso ako at tiningnan ang mga daliri naming nagsasalikop. Nothing much will change? Really? Hinahawakan niya ba ang kamay ko ng ganito noong hindi pa kami?

Iginala ko ang mga mata sa kanyang silid para may ibang pagkaabalahan. Sinundan niya ng tingin ang mga tinitingnan ko.

“Saan ka pala nakatira… sa Manila?” tanong ko, kuryoso sa itsura ng bahay nila sa Manila.

It’s probably as big as their house in Costa Leona? I can imagine it now.

“Hmm. I have a condo near my work place.”

Oh!

“Mag-isa ka lang sa condo mo?” napatanong ako.
“Uh-huh. My mother has her own house but she doesn’t go there very often.”

Napakura-kurap ako sa nabanggit niya. Ang mama niya. I know it’s taboo to talk about our past. Halos ayaw kong pag-usapan iyon. Kahit pa kuryoso ako.

Ilang sandali pa bago ako nagsalita.

“Hindi na muna natin ipapaalam ang… tungkol sating dalawa, ha? Kay Cresia ko lang sinabi. Bukod sa kanya, wala na.”

He stopped caressing my fingers for a moment. It resumed after a while.

“Hindi ka ba pinapayagan ng mga Ledesma na magkaroon ng boyfriend?” he asked.

Uminit ang pisngi ko sa katagang iyon. He is my boyfriend! Raj is my boyfriend!!! I still can’t believe it.

“Parang ganoon.”
“You are old enough to decide for yourself.” He said with gritted teeth.
“Alam ko naman iyon. Magagawan ko iyon ng paraan kailangan ko lang ng oras. Hindi ko naman sinasabing ilihim natin ito palagi, Raj…”

Umaliwalas ang kanyang mukha. He caressed my fingers slowly again.

How many times do I have to stress it? I can’t believe that this is really happening to me.

“Hindi ba hirap ka rin na sabihin ito?”

Kunot-noo siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Alam ko, hindi ba? I know the wrath of the Riegos. Imagine them knowing that he’s in a relationship with me? Ang anak ng pumatay sa kanyag ama. I can’t blame him for keeping it a secret.

“Susubukan ko kay Mama,” aniya sa napapaos na boses.

Pinatong ko ang kaliwang kamay sa kamay niya para matigil siya sa paghahaplos sa aking mga daliri. He looked at me sharply and viciously. It almost made me tremble in fear.

“Hindi mo kailangang agarang sabihin ito. Bago pa lang naman tayo. Hindi pa natin alam anong mangyayari paglipas ng ilang buwan-”
“What do you mean by that?” his voice turned into a cold baritone, almost angry.
Ngumuso ako at bumuntong-hininga. “’Tsaka mo na sabihin kapag matagal na tayo…”

O… kung sigurado ka na sa akin… His sharp eyes prowled on me, waiting for a strike. Hindi ko na tinuloy ang dapat na idudugtong dahil alam kong magagalit siya roon. Lalo na dahil mariin ang igting ng kanyang panga habang pinapakinggan ako at nagpipigil lamang sa iritasyong nararamdaman.

“Alam kong hindi na mababawi pa ang nangyari. Galit ang pamilya mo sa akin at ayaw kong magalit din sila sa’yo dahil lang sa ginawa mong ito.”
“That doesn’t mean I won’t tell them about us!” mas tensyunado niyang sinabi.

I saw how his jaw moved after his soft outburst. The urge to touch and feel its hardness and roughness was too much. Inangat ko ang kamay ko upang mahawakan ang kanyang panga. Sinundan niya ng tingin ang aking kamay hanggang sa marahan kong nahawakan ang kanyang panga.

Mangasul-ngasul iyon, probably because of shaving or something. It’s rough and hard, too. Lalo na dahil ngayon alam kong medyo tensyunado siya sa pinag-uusapan namin.

“Makakapaghintay naman siguro ang lahat ng ito. Konting panahon lang…” bulong ko.

Slowly, I heard the dragging of my chair towards him. I smiled when I felt us slightly touching because of the closed distance.

I can’t believe it. Kaya ko siyang hawakan ng ganito. Marahan kong pinadaan ang aking mga daliri sa kanyang panga. Binaba ko iyon at inilipat malapit sa kanyang labi.

This is the only man I will love. It wasn’t my choice from the start. It’s not my choice right now. But if we are to love each other, I will choose him over and over again during the hard times… and the times when we are not free to choose.

“Kaya mo naman ‘yon, ‘di ba?” I asked.

Ginagap niya ang aking kamay at binaba niya iyon. He leaned closer so his nose would touch my hair.

“I can’t promise you that,” mas kalmado niyang sinabi.
“Pwede naman sigurong huwag mo na munang banggitin…” tulak ko.

He sighed and remained silent. Pakiramdam ko pagbibigyan niya naman ako.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. His tender lips were a bit reddish. Napadila ako sa sarili kong labi. Nakita ko ang pagkakaagaw ko sa atensyon niya. He cocked his head to the other side, his weak eyes watching me marvel at his lips.

Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang naisip ang halikan namin kahapon. Nababaliw na yata ako dahil iyon lamang ang naging laman ng utak ko buong araw. At kung mangyayari pa kaya iyon ulit.

He rewarded me with a dream come true. His lips brushed mine torridly. Napapikit ako para damhin ang halik. Ngayon pa lang unti-unting tumatatak sa isipan ko na ako nga ang girlfriend niya! Na pwede ko siyang hawakan at halikan kung kailan ko gusto! That power which I thought was only for special girls he will like is now on me!

He groaned after the kiss.

“We’ll date somewhere else tomorrow…” he whispered on my ear.

Kinagat ko ang labi ko. Nakita kong nakahawak na ang kamay ko sa kanyang t-shirt na para bang sabik na sabik parin.

“Bakit naman? Ayos lang dito…”

He groaned again in an exaggerated tone. Hindi ko na napigilan ang pagngisi ko. He slightly squeezed my thigh.

“You’re doing this on purpose…” he accused me playfully.
Sinimangutan ko siya. I saw his adam’s apple move after his hard swallow. Manghang-mangha ako. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong hudyat na may epekto talaga ako sa kanya!
“We won’t talk much if we date here the whole month. We’ll just make out until you go home!”
Palihim akong ngumisi. “Ayos lang…”

Matalim niya akong tinitigan, tila siya hirap na hirap. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.




“Ayos lang, huh?” he mumbled.
Ngumuso ako at hindi na binawi ang sinabi ko.
“It’s gonna be hard for me so we’ll date outside this hotel tomorrow!” he said with finality.

I chuckled and played with his fingers. I think I know what he means but I really mean it when I said that it’s fine to date in his suite. Bukod sa hindi kami gagastos, makakapag-usap pa kami ng komportable dahil walang nakatinging kahit na sino. Kaming dalawa lang talaga.

“Siya nga pala…” I said when I finally remember Cresia number one concern.

Inisip kong mabuti ito kanina. Ayaw kong malaman ni Raoul ang damdamin ng kaibigan ko. It’s not a secret to our friends but if that man is Raoul’s hired men, I don’t want to expose Cresia’s feelings.

“Noong bago pa lang ako rito sa Iloilo… Noong nag-aral ako sa high school, may lalaki kasi akong napapansin na madalas sa school namin.”

He nodded and remained in our position. Nagpatuloy naman ako.

“Nakaitim lagi ang lalaki at kung hindi mo ka edad, siguro mas bata ng konti. N-Naisip ko lang kung… kilala mo ‘yon?”

He did not say anything. Nawalan agad ako ng pag-asa. Pakiramdam ko hindi. Mukhang hindi niya kilala.

“What about him?” he said in a deep undertone.
“Hmm. Kilala mo ba?”

Bahagya akong kumalas para maharap siyang mabuti. Raoul’s brooding and hot eyes looked at me intensely. It was in between frustration and brutal. Ganoon naman lagi. Kaya lagi rin akong kabado.

I rested my palm on his thigh to get his attention more.

“Kilala mo ba ‘yon? Your men? Or… pamilyar sa akin kaya… naisip kong kamag-anak o kaibigan mo ba?”

Nagtaas siya ng isang kilay.

“Why are you asking about him?” he said suspiciously.

So he knows that man!? Hindi ako sigurado pero bakit siya magtatanong ng ganoon kung hindi?

“Pero kilala mo nga?” I said impatiently.
“Kaibigan ko… bakit?” mataman niyang sinabi.

Wait. Now I’m a bit confused which one to think about first. Kaibigan niya. So pinasundan niya nga ako! As early as that, he already knows where I am. Alam niya pero hindi niya naman ako pinagtangkaan o kahit ano para makaganti. Not that I think he’s that kind of person. Hindi rin siya pumunta o nagpakita rito, which was understandable because he was mourning for years!

Pinasundan niya ako!

Nagduda ako noon pero iba parin ngayong alam ko na totoo nga!

“What about him?” ulit niya.
“Wala lang…” sabay kibit ko ng balikat. “What’s his name?”

Nagkatinginan kami. Unti-unting mas lalong dumilim ang kanyang titig sa akin. Unti-unti rin akong nakaramdam ng kung ano… pero imposible naman yata?

“Did you find him handsome?”

Napakurap-kurap ako. Nagseselos ba siya? Imposible naman yata ‘yon! Paano siya magseselos kung sa buong buhay ko siya lang ang nagustuhan ko?

“You like him?” he probed more.
Umiling ako at ngumisi. His eyes narrowed. Nagdesisyon agad ako sa gagawin. Ayaw kong ibuko si Cresia pero mas ayaw kong maisip ni Raoul na may gusto ako sa ibang lalaki. Siya lang ang tanging nagustuhan ko. Siya lang ang mahal ko.
“Gusto siya ni Cresia. Pero huwag mong sabihin ‘yan.”

Nanatiling naniningkit ang mga mata ni Raoul. I played with his fingers this time.

“Noon pa niya gusto. Kinukulit niya ako simula noong nagkita tayo ulit. Feeling niya, kilala mo o tauhan mo. Tama nga siya. Pinasundan mo ako, noon pa lang?”

He nodded. His eyes remained on me. I don’t know what’s bothering him. O lahat ba, nagkakahalo-halo?

“Sa? Kaibigan mo? Pamilyar siya sa akin, hindi ko sigurado kung naipakilala mo na,” sabi ko.
“I guess you met him once back in Costa Leona,” aniya.

Marahan akong tumango roon. Sinasabi ko na nga ba. Bukod kaya roon, may iba pa siyang binayaran o pinakiusapan na sundan ako? I wonder.

“Anong pangalan niya?”

His eyes remained narrowed and doubtful. I smirked.

“Gino,” may pag aalinlangan sa tono niya.
“Gino…” Napaisip ako kung saan ko ba iyon narinig.

His arm snaked around my waist. Agad akong napatingin sa kanya. His expression remained the same. Mangha ako na ganito siya. Hindi ako makapaniwala na naaapektuhan siya sa ganoong bagay. Ngayon ko lang napansin ang lahat.

“Raj, si Cresia nga ang may crush noon. Hindi ako,” I assured him.

His touch grew tighter. Mas napalapit ang katawan ko sa kanya dahil doon.

“Why? Who’s your crush, then?” he asked coldly like he’s ready to hear someone else’s name.

Ramdam na ramdam ko ang paghahanda niya. Ramdam ko sa pagkakahawak niya sa akin na kaya niyang tiisin kung hindi man siya ang pangalang sasabihin ko.

“Ikaw…” sagot ko.

His eyes left me when I felt his relief and another tension building up.

“Kahit tanungin mo pa si Cresia. Alam noon na… i-ikaw ang crush ko,” I whispered gently at him.

He exhaled. Inangat niya ang namumungay niyang mga mata sa akin. Uminit ang pisngi ko nang natantong masyado akong naging totoo sa kanya. I wonder if it’s okay. I wonder if that’s how a girlfriend should be?

He tilted his head and attacked with a deep kiss. Napapikit ako nang naramdaman ang rahan at masusuyo niyang halik. Nanghina ang mga kamay ko. Tama siya. Wala kaming gagawin dito sa hotel kundi ang maghalikan lang. Not that I don’t want all the kisses. Of course, I want it.

Tingin ko, tama siya sa sinabi kanina. Kung dito nga kami araw-araw sa isang buwan niya rito sa Iloilo, baka ganito ang gagawin namin palagi.

“May ibang tauhan ka pa ba na… pinasunod sa akin?” I asked while eating the dessert after a long while.

Nagsalin siya ng champagne sa wine flutes. His lips twisted at that.

“Hmm. That I think you know?” he asked.
Tumango ako.

Nilapit niya sa akin ang sinalin na champagne. Tinabihan niya rin iyon ng isang baso ng tubig bago bumaling sa akin.

“Well, your driver.”

Ilang sandali akong nagulat sa sinabi niya. Bakit hindi ko iyon naisip? Imposibleng hindi ako masumbong sa ilang beses naming pagkikita ni Raoul. Tauhan niya si Manong Roy?!

“So you don’t have to worry if there’s something wrong with anything.”

Ang buhangin ng panahon ay mabilis ang pagkakahulog tuwing masaya. Alam ko na iyon noon pa. Back in Costa Leona. Everytime I’m happy, time passes by like a whirling wind eager to hit something and burst.

Tuwing Sabado at Linggo, sa bahay lang ako. I text or call Raoul at night while he works the whole day. Umuuwi kasi ang mga Ledesma kapag weekends. Most especially Prince.

Wala akong planong sabihin sa kanya ang tungkol kay Raoul but I don’t think I can lie to him about it, too. If ever he asks about it, aamin siguro ako.

“Wala talaga, e? Baka alias niya lang ‘yon? Tingin mo?” si Cresia pagkaraan ng isang buwan nang naitanong ko iyon at wala parin siyang makuhang impormasyon.
Umiling ako. “Tingin ko naman, totoong pangalan iyon, Cres. Naaalala kong may kaibigan nga siyang Gino noon.”

For a month, Cresia did not entertain boys because she’s busy with her search for “Gino”. Ayon sa kanya, wala naman daw sa mga kilalang pamilya na close ng mga Riego.

Isang buwan na rin simula noong naging kami ni Raj. Nakauwi na siya ng Manila so we’re back to texting and calling each other everyday. Though he promised he’ll visit me every month.

And it’s true! Sa pangalawang buwan, umuwi siya ng Iloilo sa mismong monthsary namin.

“Hindi na uso ang monthsary sa mga gaya niyan, Leil! Naku! Anniversary na lang ang icelebrate mo! Baka macornihan ‘yan at iwan ka!” Cresia declared when I asked her about it.

Hindi rin naman binabanggit ni Raj iyon pero sa isipan ko, alam kong monthsary iyong tawag sa mga araw na umuwi siya ng Iloilo.

“Matutulog ka na?” tanong ni Prince.

It’s a Saturday of November. Madalas, pagkatapos naming kumain, hindi muna ako aakyat. Minsan, kwentuhan muna kami kasama ang pamilya ng Ledesma sa living room o sa garden. This time, I promised Raj to go to my room early so we can text each other.

May party kasi siyang pupuntahan. He won’t have a date, like always. So I promised him we’d text each other, instead. The party will be published in a lifestyle magazine. Medyo tanyag kasi ang host.

“Uh, oo, sana…”
“Mamaya na, Leil. Minsan na nga lang akong umuwi, didiretso ka pa sa kwarto mo?” nagtatampong sinabi ni Prince.

Nag-alinlangan pa ako noong una. I left my phone in my room so kung hindi ako aakyat, talagang hindi ko maitetext si Raj. Pero ayaw ko namang sumama ang loob ni Prince. Makatarungan naman ang gusto niya.

“And we have to talk about your birthday,” he said.
“Prince, ayos lang sa akin ang gaya noon. Hindi ko kailangan ng engrande…” sabi ko.
Huminga ng malalim si Prince. “Fine. A simple dinner again, will do. Kaya halika na at kausapin na natin si Mommy at Daddy tungkol diyan.”

Wala akong nagawa. Sumunod na lamang ako kahit pa ang tanging iniisip ko lang ay makapagreply sa text o makasagot ng tawag ni Raj.

The planning for my birthday lasted for an hour and half. Ang kalahating oras doon, ginugol ko para kumbinsihin sila na huwag akong bigyan ng engrandeng party. They want me to have it since expected na raw na sa hotel ako magtatrabaho pagkagraduate.

“Thank you, Tita,” sabi ko nang natapos ang usapan.

Kunot-noo akong pinagmasdan ni Prince nang tumayo ako. Tumayo rin siya.

“Magpapahinga na po ako…” sabi ko.
“Okay, hija. Good night!” si Tita Sally.
“Good night din po, Tita Sally at Tito Ton… Primrose… Arthur…” sabi ko sa kanila bago bumaling kay Prince.
“Ihahatid na kita sa kwarto mo,” Prince said in a cold tone.
“Ah! Huwag na, Prince. Nakakahiya naman…”

Hindi niya na hinintay ang dugtong ko. Nauna na siyang umalis at inabangan na lamang ako sa bukana papasok sa bahay. Lumapit ako at nagpatuloy na lamang. Nagsabay kaming maglakad pagkapasok.

His arm snaked around my waist when we started for the stairs. Napalingon ako kay Prince sa gulat.

“Uyy! Kayo na ba?!” kantyaw ni Primrose na pumasok na rin yata sa bahay.

Sumunod si Arthur sa kanya na nanatiling nakatitig. Prince lowered his hand for modesty. Umiling naman ako para itanggi ang sinabi ni Primrose.

“Ayus lang ‘yan! We kind of expected it to happen, anyway!” deklara ni Primrose na naabutan naman agad ni Tita Sally.
“Anong meron?” si Tita Sally.
“Si Prince at si Soleil, PDA. Sila na yata-”
“Prim!” saway ni Prince sa kapatid na agad nagtutop ng bibig.

Kinabahan ako. Lalo na nang ngumiti si Tita Sally sa akin. Pumasok si Tito Ton at nakita ko ang nagtataka niyang ekspresyon.

“Hindi pa kami, Prim!” agap ni Prince na agad kong sinegundahan ng tango.
“Primrose, stop the teasing! Awkward na tuloy ang dalawa!” saway naman ni Tita Sally. “Nevermind that, Leil, hijo… Sige na at magpahinga na kayong dalawa…”

Tita Sally dragged Primrose. Dumiretso naman si Arthur sa countertop kasama si Tito Ton na tumango lamang sa amin.

Nagpatuloy kami sa pag-akyat. This time, Prince did not guide me with his arms snaked around my waist. I thank god for that. I was about to ask him to stop. Mabuti na lang at alam niya naman na hindi tama iyon.

“Magpapalipat ako rito by April…” he said to me.
Napalingon ako sa kanya. Kitang-kita ko ang panantya sa kanyang mga mata.
“Para lagi na tayong magkasama sa trabaho. Pumayag na si Primrose na siya ang mamamahala sa Manila. Tayong dalawa rito.”
“O-Okay…” mapait akong tumango.
“Para na rin mabantayan kita,” he said in almost a whisper.

Napalingon ako sa kanya. Palapit na kami sa kwarto nang nakita ko ang kanyang pagseseryoso.

“Hindi ko kayang laging nasa Manila. Laging nangangamba sa’yo rito. Umaasa sa isang text mo kada araw at sa ibabalita ng driver kung nakauwi ka na, Leil.”

Napayuko ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

“Hindi ko kayang umasa lang sa Sabado at Linggo, which you spend most of your time in your room.”
“Prince, nag-aaral ako-”
“I know. Kaya nga sa April ako lilipat dito, ‘di ba? Tapos ka na nun. You won’t lock yourself in your room and say you’re studying,” mataman niyang sinabi.

He smiled at me weakly. I opened the door of my room.

“Okay, Prince. Good night!” sabi ko at dumiretso na sa loob.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.