Sands of Time – Kabanata 25

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 25

Kabanata 25
Easy

Kahit anong gawin ko, hindi ko parin kayang isipin na wala lang iyon. Nakauwi na ako sa bahay at nakapagpaalam na kay Raoul na matutulog na pero tanging iyon parin ang laman ng aking isipan.

I did not sleep. I cannot. Ang ginawa ko habang nakahiga sa malambot na kama, sa ilalim ng madilim na silid, ay ang pagkilala sa girlfriend ni Raoul.

I searched for her in the internet. Her accounts and her background. Madali lang dahil nasa mundo siya kung saan kuryoso ang mga tao sa buong buhay mo. She’s from a big university in Manila, probably how they met? She received latin honors noong gumraduate at isang beses lang sumali sa local pageant ay nanalo agad ng korona.

She’s an advocate for marine life preservation. Nakita ko sa isinusulong niya sa accounts niya ang pagpoprotekta sa mga pawikan at iba pang yamang dagat. She’s over all a good person. Raoul is fine, then. I’m fine with her. Not that anyone needs my opinion.

Pinikit ko ang mahapding mga mata. Habang binabasa ang tungkol sa babae, naluluha ako. Hindi ko alam kung dahil sa puyat o sakit… o pareho.

Nakatitig si Cresia sa akin habang nilalapag ko isa-isa ang aming mga biniling pagkain sa canteen. Sinulyapan ko siya ngunit iniwas ko kaagad ang tingin dahil kita ko sa mga mata niya ang pananantya.

“Are you okay?” she asked.
I smirked. “Oo naman. Bakit?”

Pilit kong pinagaan ang loob ko kahit na noong weekend pa ako walang gana at medyo nanghihina. Nagtitext kami ni Raoul gaya ng dati. I was very enthusiastic on my texts but deep inside I know I’m faking it all.

Maaayos din ako. Para namang hindi ako nasanay. And besides, I know I will eventually feel this way. Temporary lang iyong ginhawang nararamdaman ko noon. It’s okay. Mas maayos ‘yon dahil naramdaman ko kahit sandali lang. Kesa hindi kailanman.

Bumaba ang tingin niya sa aking suot. Alam ko kaagad ano ang hinanap niya. I sighed. Bago pa ako makapagsalita, naunahan niya na ako.

“You did not wear his bracelet,” aniya.
“Muntik na akong ma late kanina. Medyo mahirap suotin.”

Umikot ang mga mata niya. Tumigil ako at tinitigan siya. I’m serious. Masyado akong maraming inisip kagabi na natagalan ako sa paggising. Iyon tuloy, nagmamadali na akong pumasok ngayon.

“Did you ask him about it?”

Gusto kong magmaang maangan sa tanong ni Cresia pero alam ko naman ang tinutukoy niya. I shook my head.

“Hindi ko naman kailangang magtanong. Hindi na dapat ako manghimasok sa kung ano man ang gagawin niya.”
“Well, I know that. But at least find a way to make yourself feel alright,” nag-aalalang sinabi ni Cresia.

Hindi na ako nagsalita. Gusto ko sanang sabihin kay Cresia na magiging maayos din ako kalaunan pero hindi ko na tinuloy. She doesn’t believe in that. Kung may gusto siyang mangyari, siya na mismo ang gagawa ng paraan para mangyari iyon. We are complete opposites.

“Hmm. Sige. Siguro nga wala lang ‘yon sa kanya. Baka girlfriend niya na nga iyong beauty queen na ‘yon,” si Cresia na biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pananantya sa kanyang mga mata. Siguro ay sinusubukan niya kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi na ako nagsalita pa. Nagsimula na lamang ako sa pagkain.

“Sa kalibre ni Raoul, it’s not impossible na may girlfriend siya. Kung hindi man isa, baka marami…” dagdag niya na.

Parang kumalat ang pait sa aking tiyan dahil sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik doon.

“He’s very hot and successful. Maiintindihan kung ang mga magagandang babae at mga successful din ay magsisilapit sa kanya.”

Tumango ako, natamaan sa sinabi ni Cresia. I’ve noticed during the weekends how inferior I am compared to all of Raoul’s girl friends. Nasisiguro kong halos lahat sa kaibigan niya, successful na at puro magaganda at maalaga sa katawan. Halos lahat din sila nakakapunta na ng ibang bansa. That’s the kind of girl Raoul deserves, iyong maraming alam sa buhay. Someone strong and more vital than I could ever be.

“Magtanong man ako o hindi, hindi ko na mapipigilan iyon.”

Natahimik si Cresia sa sinabi ko. Nagkaroon lang naman ako ng magandang edukasyon at mga damit. Nakatira lang sa mansion dahil sa mga Ledesma. Pero alam ko namang iba parin ako sa kanila.

“Why don’t you ask him nga?” she said impatiently. “Ask him if it’s true…”

She went on and on with her convincing tactics. Hindi ko nga alam kung susundin ko ba siya this time. I always do whatever she says and they seem effective.

“Iyon ah!” bilin niya bago sumama sa date niya sa araw na iyon.

Tumango lamang ako at kumaway na sa kanya. Tinuruan niya ako kung ano ang itatanong ko kay Raoul. Hindi ko nga lang alam kung gagawin ko nga iyon.

I watched her walk with the man she’ll date for today. Nang nawala na sila sa paningin ko ay nagsimula na akong maglakad patungo sa parking lot ng aming sasakyan.

It is a sunny August afternoon. Uuwi na ako para makapagpahinga na. Somehow I feel more exhausted than usual. I texted Manong Roy beforehand pero nang nakitang wala pa roon ang SUV ay nagpakaba na sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad nang nakita ang isang pamilyar na itim na SUV. At times, ipinagkakamali ko ang ibang kaparehong sasakyan bilang kay Raoul. Hindi na iba ang mini heart attack na hatid nitong parehong sasakyan sa akin.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mas lalong napalapit ay nakita ko ang pamilyar na katawang nakasandal sa pintuan ng front seat noong sasakyan.

My breathing hitched. Nangatog ang binti ko. Lalo na noong tumuwid siya sa pagkakatayo. His eyes were dark and brooding. Nakatitig sa akin na seryoso at madilim. Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero ayaw makinig ng mga paa ko.

Pero bakit nga ba ako tatakbo, hindi ba? Wala namang problema sa aming dalawa.

Matapang akong humakbang ng isang beses lamang. I smiled at him bitterly. Humigpit ang hawak ko sa aking bag. Kung sana ay binigyan pa ako ng ilang araw pa bago nakita siyang muli. Baka pa maayos ang nararamdaman ko.

“W-Wala pang balita tungkol kay Papa,” bigo kong sinabi.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko. Lalo na habang tinititigan siya. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko na kaya.

He did not answer. Imbes ay humakbang siya patungo sa akin, dahan-dahan. Mas lalo tuloy akong kinabahan. My heart is pounding fast and hard against my ribcage that my breathing hurdled a bit.

Bahagya akong umatras dahil hindi ko yata kakayanin ang kaba. I don’t think I could ever let him go near me. Or he can go near me without me breaking down and I don’t want that to happen!

“Ititext na l-lang kita kapag may balita na ulit,” tanging nasabi ko sa nanginginig na boses.

His image is blinding me. Apat na buwan kaming hindi nagkita. Hindi ko naramdaman ang pangungulila noong mga nakaraan dahil parati akong masaya pero dahil lang sa isang balita ay parang ilang taon na ulit simula noong huli ko siyang nasilayan.

Ngayong mas malapit siya sa akin, parang may bumubulong sa akin. Ito ang hindi para sa’yo, Leil. Hahangaan mo lang siya at hanggang doon lang iyon. Wala nang hihigit pa because you don’t deserve him.

Gusto kong pagbawalan ang sarili kong masaktan. Lalo na sa harap niya. Pero ayaw kong kawawain pa ng husto ang aking sarili. I will allow myself to get hurt. Maybe not in front of him but I will let myself get hurt.

Umigting ang panga ni Raoul. His steps immediately became fast. Sa kaba ko at sa mga luhang nagbabadyang tumulo, hindi na ako nakapag-isip pa ng sasabihin. Tinalikuran ko na siya at umamba na akong tatakbo. If I get hurt, at least not in front of him. We can see each other again next time. When I’m fine. And not this vulnerable.

Pero bago pa ako tuluyang nakatakbo ay nahuli niya na ang palapulsuhan ko. Mabilis akong umigkas pabalik sa kanya. Tumindi lang lalo ang kaba ko lalo na ngayong hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha.

He muttered a curse before he dragged me towards the car. Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko. Pinigilan ko ang paghinga sa pag-aakalang titigil din ang sakit ng puso ko kung sakali pero hindi, mas lalo lang itong tumindi.

“H-Hihintayin ko na lang ang sasakyan namin,” naiiyak kong sinabi nang nasa harap na ako ng bukas na pinto ng front seat.
“Get in,” mariin at sigurado niyang sinabi.

Huminga ako ng malalim at pumasok na lamang gaya ng gusto niyang mangyari. Akala ko isasarado niya na ang pintuan pero nanatili siya sa bukana ng pintuan. Nilagay niya ang isang paa sa sahig ng sasakyan at halos binilanggo ako ng kanyang katawan. Inabot niya ang seatbelts at hinila hanggang mailock iyon sa aking tagiliran. Hindi niya binawi ang kamay niyang nanatili roon.

“What’s wrong?” he asked.

Umiling ako kahit na panay ang tulo ng aking mga luha. Hindi ko siya tiningnan.

“Do we have a problem, Leil?”
“W-Wala…” ulit ko at pinalis ang mga luha para mapanindigan ang sariling sagot.

He sighed heavily. Nanatili siyang naroon, naghihintay sa isasagot ko.

Pinilit kong umayos. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili para hindi na maiyak pa. Napakababaw talaga ng luha ko. Lalo na pagdating sa kanya.

“You’re lying,” he said.

Wala naman kasi talagang problema. Ako lang ang meron. Hindi ko na dapat siya dinadamay pa sa mga ganitong problema ko.

But his accusation hurt. I don’t want him to think that I’m a liar. Or that I can lie to him because I couldn’t. I really couldn’t.

Pero paano iyon? Paano ko ipapaliwanag sa kanya iyon? Na ako lang naman talaga ang may problema. Hindi na niya dapat pang malaman o mamroblema sa problema ko!?

“What is it? Tell me,” he said in a deep baritone.

Umingay nang may dumaang iilang babaeng estudyante. May tumuro sa sasakyan ni Raoul at may iilang nagtilian sa grupo. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila. Napalingon din si Raoul sa mga estudyante.

He sighed before he removed his hand on my side. Sinarado niya ang pintuan ng front seat at umikot na para makapunta sa driver’s seat. Habang ginagawa niya iyon ay may nakita akong iilang nanginginig sa tuwa.

Binagsak ko ang mga mata ko sa aking kandungan. Para hindi na makita ang iilang estudyanteng siguro’y nakapansin sa kanya rito. Humahanga rin gaya ko.

Pinaharurot niya ang sasakyan paalis ng eskwelahan. Nanatili naman ang ayos ko. Paminsan minsan ay tumutulo ang luha kahit na pinipigilan ko na ng husto.

Kinuyom ko ang aking mga kamay. Pumikit ako ng mariin at inisip kung paano ko sasabiin sa kanya. I don’t want him to think I’m lying to him.

Without a word, he handed me the trench coat. Sinunod ko naman ang ibig sabihin noon. Lumabas kami sa parking lot ng hotel. Umikot siya para salubungin ako. Naninimbang ang kanyang madilim na mga mata pero iniiwasan ko na lang iyon ng tingin.

“Let’s go,” he whispered.

I felt his large hand slowly claiming mine. Isa-isang inangkin ng kanyang mga daliri ang aking daliri habang naglalakad kami patungo sa isang elevator. Nanatili ang mga mata ko sa aming kamay na ganoon ang ayos. I bit my lowerlip and blamed my stupid heart for fluttering even when I know where I stand in his life.

Pagkapasok sa elevator ay nilingon niya ulit ako. Nanatili lamang akong nakayuko at nanghihina sa halu-halong emosyong nararamdaman.

Akala ko sa parehong silid kami pupunta, kung saan kami madalas dito kumain at mag-usap pero nagkamali ako. Pagkalabas namin sa elevator ay isang pasilyo ng mga hotel suites.

Matikas siyang naglakad patungo sa pinakahuling pintuan, with his hand still firmly claiming mine.

He opened the door with a card. Pumasok kaming dalawa. Binitiwan niya ako ng nasa loob na. Nanatili akong nakatayo habang isang beses na pinasadahat ang kanyang suite.

There’s a kitchen. May four-seater roundtable din. Sa gilid ay ang sofa at sa likod ng sofa, ang tanawin ng syudad. There’s a large door leading to his bedroom. Pagkatapos niyang magsarado ng pintuan ay naabutan niya akong pinasadahan ng tingin ang loob ng buong silid.

Muli akong yumuko. He sighed and held my hand again. My treacherous heart fluttered stupidly at his simple gesture, almost forgetting what I’m crying about.

Iginiya niya ako sa sofa. Naupo ako roon, umupo rin siya sa tabi ko. But his stance is facing me. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa likod ng sofa at ang kanan ay nakapatong sa kanyang tuhod, bahagyang hawak ang aking mga daliri.

His head tilted a bit. Umigting ang kanyang panga at mas lalong dumilim ang kanyang mga mata. His eyes were very mysterious and agonizing. Hindi ko kayang titigan lalo na kapag ganito ka tindi ang nararamdaman ko.

“Tinext ko s-si Manong Roy. B-Baka naghihintay na iyon sa s-school,” palusot ko.
“You won’t go home until you tell me what’s bothering you,” mariin niyang sinabi.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinimangutan siya. Iniwas ko ang kamay ko pero agad niya itong nahuli.

“And you tell me we don’t have a problem, huh?” may bahid ng galit at sarkasmo ang tono niya.

Kinabahan pa lalo ako dahil sa tono niya. Kinagat ko ang labi ko at muling yumuko.

“You think I didn’t notice it from your texts last night?”

Muli kong binawi ang kamay ko pero hinigit niya ito at nilagay na sa kanyang kandungan. He caressed my fingers nonchalantly habang ako’y kung anu-ano na ang naiisip sa rahan ng kanyang pag haplos.

“And your first words after four months is about your father? Sino ba ang nagtatanong nun, Leil?”

Ngumuso ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

“I won’t stop until you tell me what is it. We won’t solve anything if you keep it to yourself.”
“Hindi mo naman k-kailangan ayusin ‘to. Ako lang naman ang may problema.”
“Hmm…” bumuntong-hininga siya. “Really?”

Sumulyap ako sa kanya. Nanatiling seryoso ang kanyang mga mata kahit na nahihimigan ko ang paglalaro sa kanyang tono.

“What is it, then?”
“Akin lang naman n-na problema iyon,” halos bulong kong sinabi.
“Tell me…” mariing ulit niya na tila ba hinding-hindi ko siya mapipigilan sa gusto niyang mangyari.

Nakakahiya pala. Nakakahiyang aminin na iyon ang iniiyakan ko. Nakakahiya. Paano ko ieexplain sa kanya kung bakit ganoon ang nararamdaman ko? I can’t tell him that without confessing some things.

“M-May nakita lang kami ni Cresia sa isang lifestyle magazine…” hindi ko na pinagpatuloy sa pag-aakalang makuha niya agad iyon.

Tumaas ang isang kilay niya. Amusement is now etched on his dark, handsome face.

“And?” he probed.
“N-Nakita namin ang picture mo… na… may kasama…” marahan kong sinabi.
“May kasamang ano?” he’s trying hard to make his tone serious now.
“Babae!” medyo iritado ko nang sinabi.

Pakiramdam ko alam niya naman ang tinutukoy ko pero gusto niyang sabihin ko ng diretso sa kanya.

“Girlfriend mo!”

Paano ko ‘to ngayon eexplain? His eyes widened at that. The amusement in it grew. Para akong sinisilaban sa init na unti-unting kumalat sa aking mukha hanggang batok.

“Really? Did you read it well?”
“Malaki ang picture ninyo sa magazine. Alam ko naman n-na ganun ang tipo mo… noon pa. Magaganda… matatangkad… s-sexy…”

He cursed softly.

“Pero ayos lang ‘yon… M-Medyo… masama lang ang… loob ko.”
“But did we kiss, though, in those pictures?” he said.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Naisip ko agad ang kiss na ginawa ni Prince sa akin bago kami nagkahiwalay noong March.

“I don’t know! Baka! Hindi lang nakuhanan!” pagalit kong sinabi na agad ko ring binawi. “Pero ayos lang dahil girlfriend mo naman iyon!”

Hinila niya ang kamay ko. He closed the space between us but I continued.

“Hindi na kailangan ilagay pa roon. Lahat ng mambabasa noon, ganoon na ang iniisip. Hindi na kailangan lagyan pa ng picture!”

His left arm snaked around my waist. Pilit kong pinanatili ang nag-aalab kong galit pero unti-unting humuhupa dahil sa haplos niya sa aking likod. He even pulled me closer around my waist.

He chuckled when I half heartedly pushed him away. Nag eeskrima na ang kilay ko nang binalingan ko siya.

“Anong nakakatawa?” I asked.

Namumungay na ang mga mata ni Raoul at ang ngiti ay matamis. I can’t stop looking at his soft lips, probably the only part of his face that looks very soft and tender.

“My baby is throwing a fit. This is new…” He chuckled.

Nangingiti ako kahit na galit pa rin. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman. Pilit akong sumimangot at pilit ko ring inisip ang iniyak ko kanina… ang lahat ng sama ng loob… para lang hindi ako mahulog muli.

He pulled me closer to him. Dahil sa mga hila niya’y napapahilig na ako sa backrest ng sofa. Mas lalo niya pa akong hinila nang nakitang unti-unti na akong natutunaw sa kanya.

“Ayos lang din. Bagay naman kayo noong girlfriend mo. Beauty queen tapos matalino rin. Maganda at sexy pa. Ganoon naman talaga ang tipo mo noon pa… Alam ko na ‘yon…” patuloy ko sa mas marahang paraan.
“Uh-huh…” he said playfully while caressing my chin.

Uminit ang pisngi ko nang natantong masyadong mapait ang tunog ko.

“Ganoon naman ang bagay sa’yong babae. K-Kasama mo ba ‘yon noong nag travel ka?”

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Sobrang lapit niya na sa akin. Ang mapupungay niyang mga mata ay nakatitig sa aking labi. His lips parted a bit. Kumalabog ang puso ko.

“You did not read it properly, did you?” he said breathily.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Hindi naman siguro magkakaroon ng rumors kung hindi totoo, ‘di ba?” marahan kong sinabi. “Ayos lang. Bagay naman kayo. Siya rin siguro palagi ang date mo sa parties.”

He groaned. Napapikit ako ng marahan nang naramdaman ang paglapat ng labi niya sa akin. My heart fluttered stupidly. Heat marked my body at tuluyan ko nang nakalimutan ang tampo at galit ko sa kanya.

His kiss was very soft and tender. Mabilis lang din iyon. Namumungay parin ang mga mata niya habang tinititigan ako ng sobrang lapit. Hindi ko na kayang tumitig pabalik. Inabala ko na lang ang mga mata ko sa pagtitig sa aking mga daliri.

“We were just talking and then suddenly the media took a picture of us, that’s all.”
Nagkibit lamang ako ng balikat. Sa totoo lang, unti-unti ko pang inaalala kung ano nga ang kinakagalit ko.

He kissed me! Raoul Vesarius Riego kissed me! Ayokong umasa pero bakit niya ako hinalikan?!

“Hindi kami magkasama abroad at lalong hindi kami date sa party na iyon,” he said in a deep baritone. “We were just seen talking. Just like how the rumors came about. Pangatlong party na iyon na nakuhanan kami ng picture na magkausap kaya siguro may rumors.”
“Hmm… Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Ayos lang sa’kin.”
“God damn it, hindi ayos sakin…” bulong niya at muling marahang nilapat ang labi sa akin.

This time it’s a bit longer. Tenderly, he kissed me. He parted my lips with each suckling kiss. Para akong nahihilo at nawawala sa sarili. My heart pounded harshly against my chest. Hindi pa ako kailanman nalalasing pero pakiramdam ko ganito ang nararamdaman noon. Dahil pakiramdam ko rin ganoon na ang itsura ko.

He stopped a bit. Hiningal ako pero siya’y nanatiling steady. His eyes were watching my lips sharply. He licked his lowerlip sexily before he plunged another deeper kiss.

He brushed his lips lusciously against mine. Napahawak ako sa kanyang t-shirt, hindi para itulak siya, pero para mapanatili ang aking kawastuhan. But it’s not effective. I am still so lost and so crazy for the kisses he’s giving me.

Para akong nasa pinakailalimang bangin. Hulog na hulog na pero tinulak pa ulit para tuluyan nang mahulog ng walang pagkakasalba.

I moaned a bit when I felt his tongue dive and twirl sexily in my mouth. He groaned and stop from there. Pulang pula ang kanyang nakaawang na labi. Siguro ay ganoon din ang akin. Hiningal ako kaya bahagya ko ring inawang ang labi.

I shut my legs tightly. Nararamdaman ko ang sapatos niya sa gilid ng aking mga paa. Just the thought of it’s distance sent shivers down my spine.

“That’s how to kiss. Not like what your boyfriend showed you,” his tone is laced with a bit of hotness.
“Hindi ko boyfriend si Prince,” pagtatama ko. “Baka ganyan ka humalik doon sa girlfriend mo?”
“She’s not my girlfriend, too,” he said softly.

Napatingin ako sa kanya. He looks terribly devoted while looking at my lips. Bahagya akong lumapit sa kanyang katawan, mas lalong napapalapit sa kanya dahil sa nararamdaman.

“You probably can’t handle me if I lose my temper because of jealousy,” aniya.

Hinuli niya ang kamay ko at marahang tinalunton ang aking mga daliri. Inabala ko ang mga mata sa pagtitig doon.

“Bakit ka naman magseselos?” I said, pouting a bit.
“Who wouldn’t get jealous if I see you kiss another man?”

Kumalabog ang puso ko sa tuwa. Hindi ko yata kakayanin pa ang usaping ito.

“Ang tagal na noon ah. Hindi na naman naulit pa.”
“Yeah. But it did not leave my mind one bit.”
“Hindi ko naman gusto si Prince. Huwag mo nang isipin iyon…”

He shifted a bit. Parang may distansya pa kung makahila siya sa katawan ko. Kahit wala na, pakiramdam ko hindi parin sapat kay Raoul ang lapit naming dalawa.

“Hindi ko rin gusto ang pinagseselosan mo. Will you stop thinking about it, too?” he whispered.

Hinawakan ko ang daliri niya. His fingers were big, manly, and hard. Nilibang ko ang sarili ko noon para lang maibsan ang nakahihimatay na tensyon sa aming dalawa. Lalo na dahil titig na titig siya sa akin.

“Ikaw ang gusto ko, Leil. If that isn’t obvious to you.”

Natigil ako sa paghawak sa kanyang daliri. Parang pinipiga ang puso ko. Parang pinipisil-pisil hanggang sa maubos ang dugo.

“I terribly have it bad with you,” anas niya.

Napapikit ako ng marahan at bahagyang napahilig sa kanyang dibdib. Mahihimatay na yata ako sa sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Kung may sakit ako sa puso, baka kanina pa ako sinugod sa ospital.

“I don’t know where I stand in your life. Pero alam ko ang gusto ko at gusto kong maging tayo.”

Is this real? Anytime now someone can wake me up!

Kinurot ko ang kaliwang kamay ko. Agarang nahuli ni Raoul iyon at pinigilan ang pananakit ko sa aking sarili.

“You’re the one I want to be my girlfriend, Leil…” he said slowly.

Kinagat ko ang labi ko at dumilat. Inakala kong gigisingin ako ni Cresia sa classroom pero wala. Nasa parehong silid parin ako. With colors of the earth and a flatscreen television in fron of us, dark because it’s off.

“H-Hindi ka pa nga nanliligaw…” tanging nasabi ko.
He inhaled. “Pwede bang manligaw, kung ganoon?”

Marahan akong tumango. Uminit ang pisngi ko dahil napakawalanghiya ng agaran kong sagot.

He chuckled.

“Well, then, I can wait until you say yes to my question…” he said.
“Ano ba ang tanong?” I murmurred.
“Will you be my girlfriend…” he said it like a statement.
“Hmmm… E… ‘di… sige…” tanging nasabi ko.

Uminit lalo ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Pumikit ako ng mariin. Baka kasi umalis siya ng Manila bukas o mamaya tapos matatagalan pa ulit kami magkita. Gusto ko siyang masagot ng harap-harapan. Ayaw ko sa text o kahit sa tawag.

“Sige?” he asked.
“Girlfriend mo na ako,” matapang kong sinabi.

He chuckled. Hindi ko parin siya matingnan. Inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang aking baba. He lifted my chin so our eyes would meet. Namumungay na ang mga mata ko nang tingnan ko siya.

I still can’t believe what’s happening. Parang panahinip. This can’t be real, right? This is impossible!!!

“No kissing other boys,” he said.
Marahan akong tumango. “No kissing other girls, too…”

He chuckled. He bit his lower lip and tilted his head.

“That’s very easy,” he whispered.

He softly kissed me again. Parang nawawasak ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Sobra sobra ang saya ko na nasasaktan na ako.

I smiled when our lips parted. Hinawakan ko ang braso niya at bahagya siyang hinila palapit sa akin. Hindi ko alam na pwede pala akong maging ganito kasaya.

He crouched lower to kiss me thoroughly again. He stopped and licked his lower lip pleasurably.

“I will stay here for a month. Hindi muna ako uuwi sa Manila o sa Costa Leona.”

I smiled. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. I inhaled his manly scent. This is just a dream, for sure. This can’t be true. This is too good to be true!

“If you’re bothered with something next time, tell me. Even over texts, okay?”

This is really happening! Naghihintay pa ako ng gigising sa akin sa panaginip na ito pero wala. Pero naisip ko, kung panaginip nga ito, sana huwag na lang akong magising pa.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.