Sands of Time – Kabanata 24

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 24

Kabanata 24
Assume

Nasa driver’s seat na ako. Nilapag ni Raoul ang mga gamit ko sa aking kandungan. I feel so small in his seat and the space in between it and the steering wheel.

Nakatayo lang si Raoul sa bukana ng pintuan sa driver’s seat. The car door was opened just enough for him.

“It’s your exam week, right?” he asked.

Tumango ako. It’s useless to ask about his days. Kahit na hindi kami buong araw nagti-text, wala namang palya iyon. Sa gabi, nakakareceive naman ako ng text galing sa kanya, nagtatanong kung kumusta ang araw ko. Ganoon din ang ginagawa ko sa kanya. Sometimes, he’d call to hear about my day.

Iyon nga lang, hindi sapat sa akin iyon. I want his presence everyday. Ngayon ko lang natanto ang kaibahan ng presensya niya sa pag-uusap lamang namin sa cellphone.

“Did you study for your exams tomorrow?” he asked.
“Medyo. Magbabasa rin ako mamaya…”
“Hmm…” His lips protruded sexily. I can’t take my eyes off it. “The reason why I’d rather talk to you here than we go somewhere else. Baka matagalan tayo kapag lumabas pa tayo.”

I nodded. Ako, ayos lang sa akin basta ang mahalaga ay nagkita kaming dalawa. I’m fine with anything.

“How was your exams, then?”
“Fine…” simple kong nasabi.

Simula noong nalaman ko na may MBA siya, pinagbubutihan ko pa lalo. I want to be better in it. Ayokong mapahiya sa kanya. Magaling siya at achiever tapos ako, wala lang. Kailangan ko pang pabutihin ang pag-aaral ko. Maganda naman ang grades ko, may puruhang magkalatin honors pero kailangan lang i maintain.

“That’s good…” aniya at lumipat sa backseat.

Sinundan ko siya ng tingin. May kinuha siyang isang pulang box na may ribbon doon. I smiled when he gave me that.

“Ano ‘to?” maligaya kong tanong kahit na alam kong regalo iyon.
“Open it.”

I opened the red box almost frantically because of excitement. Napangiti ako nang nakita ang sandamakmak na iba-ibang chocolates doon. Tingin ko hindi ko mauubos iyon ng isang araw na kainan sa dami noon.

“You like sweets, right?” he said.
I smiled widely at tumango na rin. “Thank you!”

He sighed. Nanatili ang mga mata ko sa iba’t-ibang klase ng tsokolate. Nakakain na ako noong iba pero mas marami ang hindi. Halos lahat imported at malalaki. Nangingiti parin akong pinagmamasdan ang mga iyon.

I saw a red box in the middle of it all. Maligaya kong binuksan iyon at nakita sa gitna ang nakapatong na kulay pink at gintong bangle. Kinuha iyon ni Raoul at marahang sinuot sa aking palapulsuhan. It was a bit hard to wear. Kailangan pa ng screw bago masarado at maisuot ng mabuti.

I was all smiles when saw it shined on my wrist. The small pink gemstones glittered more nang tumama ang panghapong araw.

“Thank you!” sabi ko ulit.

Naisip ko tuloy na matagal pa naman ang birthday ko. Pero baka naman regalo niya ito sa pasko? Nahihiya tuloy ako kasi hindi ko naisip magbigay sa kanya sa pasko. O kahit sa birthday niya. Uminit ang pisngi ko. Sa linggo ng birthday niya simula noong bata pa ako hanggang sa taong iyon, iniisip ko lagi kung ano maaari ang maibibigay ko na wala pa sa kanya. Lagi akong bigo. Pakiramdam ko wala akong kayang ibigay na wala pa sa kanya.

Tinitigan ko ng husto ang manipis na bracelet sa aking palapulsuhan. It’s very simple but elegant at the same time. Naalala ko noon na pinakainingatan ko ang bigay niyang give away sa birthday ng Mama niya.

“Anong oras matatapos ang huling exam mo bukas? I’ll wait for you, too.”

Napabaling ako sa kanya sa gulat. Nagbalik siya pero hindi ko inasahan ang pananatili niya. Alam ko kasi may bagong pabrika ang Riegosteel at siya ang namamahala roon. Mas madalas siya sa Costa Leona at sa bagong site noong pabrika sa Luzon.

“M-Magtatagal ka ulit dito?” tanong ko.

Huli ko nang natanto na pagkatapos ng exams ay bakasyon na. Vacation means not leaving the Ledesma’s house. Vacation means Prince will be home. I can’t see him during the summer.

Ibang-iba na talaga sa nangyayari noon. Kung noon, excited akong mag summer dahil magkikita kami. Ngayon, baka buong summer, hindi.

“Hmm. No. Hanggang bukas lang ako.”
“Oh!” hindi nakatakas sa tono ko ang pagkabigo.

Inasahan ko iyon pero hindi ganoon ka bilis. Tumitis si Raoul sa akin, nanunukat sa reaksyon ko. I smiled to hide my dismay.

“I’m sorry. I will still call you everyday.”
“Ayos lang. Malapit na rin namang matapos ang semester. Buong araw na ako lagi sa bahay kapag nag summer na.”

His adam’s apple moved, telling me that he swallowed hard.

“Will the boy Ledesma be at home, then?” he asked.

Boy Ledesma? Kahit na ganoon ang sinabi niya, alam ko kaagad kung sino ang ibig niyang sabihin.

“Hmm. Baka madalas. Kung hindi busy sa hotel.”
He nodded slowly at the information. “I will be abroad for weeks. After that, aasikasuhin ko ang branch sa Luzon. We will call and text everyday, okay?”

I smiled and nodded. Ngayon pa lang, nangungulila na ako sa kanya. Kakain na lang ako ng chocolate kapag nami-miss ko siya. Kaso, kung araw-araw ko siyang mami-miss, baka maubos ko agad ang lahat ng ito?

Hindi kami friends sa Facebook. I abandoned the Facebook I had back in Costa Leona at gumawa ako ng bago. Naiintindihan ko kung bakit hindi namin napag-uusapan iyon. Baka friends niya roon ang mga pinsan. Anong sasabihin ng mga iyon kapag nakitang naroon ako sa Facebook niya.

Kahit na ganun, hindi ko na hinihingi pa iyon. I’m content with his texts and calls. I’m fine that we’re communicating that way.

Inangat niya ang kaliwang paa at inapakan ang sahig ng sasakyan. Hinawakan din ng kaliwang kamay niya ang manibela. Tinitigan ko iyon at nagawa na ring hawakan ang kabila gamit ang kanang kamay.

This is his car. Iginala ko ang mga mata ko sa buong lugar. Sa maliit na detalyeng iyon muli kong naramdaman ang layo at agwat naming dalawa. He really has his own life. A life that doesn’t include me even when we’re seeing each other like this. Hindi mapait ang kaisipang iyon, imbes, mas lalo akong humanga.

I wonder how his admirers view him? Gaya ko rin ba sila? Na ang tingin sa kanya’y ibang-iba. Na tila siya nakatanaw sa ibang direksyon kaya hindi niya makita ang nararamdaman ko para sa kanya. Not that I want him to see or know what I feel for him. I’m just wondering.

“Saan abroad?” I asked.
“In Hong Kong and Singapore,” aniya nakatitig parin sa akin.
Ngumiti ako. “Maganda ba roon?”
Umangat ang sulok ng kanyang labi. “Do you want to go there?”
Uminit ang pisngi ko at agad umiling. Gusto ko pero hindi ako papayagan. At lalong alam ko na hindi pwede sa kanya.

He chuckled at my reaction.

“You’ve never been to Manila, right?”
“Hindi pa.”
“Iloilo pa lang talaga ang napuntahan mo?” he asked.
Tumango ulit ako at ngumiti.
“Don’t worry…” he said carressing some strands of my unruled hair. “We’ll have time to travel.”
“Ayos lang naman ako rito sa Iloilo,” sabi ko nang ‘di siya tinitingnan.

Our conversation about travel went on and on. Inalam niya ang mga lugar na gusto kong puntahan. I shared to him some of my secret thoughts. Iyong mga bagay na kahit kay Cresia, hindi ko nasabi. I’m surprised that I can tell him some of my secrets that fast.

Noong dumating si Manong Roy, hindi na ako nag-abalang magtago. Sa ilang beses kaming nahuli ni Raj, hindi ito kailanman nagtanong kung sino ang kasama ko at iba pa. Hindi rin ako kailanman nabuking kay Prince o sa kahit na sinong Ledesma.

I secretly thank Manong Roy for that. Preparado naman akong mabuking noong una kaming lumabas ni Raoul. Pero inisip ko na hindi kami magtatagal sa pagkikita gaya ngayon kapag nabuking nga ako noon pa. So I’d rather keep a secret and continue to see him that be honest and not see him at all.

Matagal na akong nacha-challenge na pagbutihan ang pag-aaral. Ganoon ang ginagawa ko. Pero sa araw na iyon, nakita at nakausap ko si Raoul kaya mas lalo lang akong nabuhayan ng loob. I studied the whole night with a little bit of texts from Raoul.

Ako:
Tapos ka nang mag dinner?

Raoul:
Yes. I’m trying out their gym here.

Gym? Nag ji-gym siya? Well, I imagine his body that well cut, lean, and dark, because he’s athletic and vigorous. Alam kong magaling siya sa MMA, undefeated pa nga. Hindi lang iyon, may iilang sport din siyang sinalihan.

Ako:
You gym in Manila?

Ewan ko ba kung bakit naiisip ko ang ilang palabas na nagfifeature ng iilang karakter na nagji-gym? With girls and boys in the same place. Sexy and sweating. Kung ako ang naroon, baka hindi na ako makapag exercise katititig kay Raoul.

I pouted when I realized that maybe some girls do that? Ano kayang ginagawa niya kapag ganoon? Will he stare at those girls, too?

He did not reply and I can’t stop thinking about it so I had to text.

Ako:
Mag-isa ka ba o may ibang nag g-gym? Girls and boys?

He replied after a few minutes.

Raoul:
I don’t gym much. I do MMA.

Raoul:
Both. Why?

Aha! Ganoon nga, hindi ba? Pumangalumbaba ako at tinusok ang lapis sa nakabun na buhok. I can imagine the girls watching Raj shamelessly. I can imagine him smirking at them.

Ako:
Nothing :)

Bumaling na ako sa mga aklat ko kahit na medyo lumilipad parin ang imahinasyon sa mga ginagawa ni Raoul sa gym ng hotel na iyon.

Raoul:
Just another two sets of push ups and I’ll go back to my suite, okay? Are you studying?

Hindi ko alam kung paano niya talaga ako napapaginhawa ng ganoon. I smirked at his first sentence. Muli ko iyong binasa. Tatlong beses para maintidihan kong mabuti. Tapos na siya! Babalik na siya sa room niya!

Ako:
Yup. I’ll just text you later, then?

Raoul:
You should.

So the next day, maganda ang disposisyon ko pag pasok sa school at pagtake ng exams. We were a bit serious about it, too. Even Cresia is memorizing things kaya inaalalayan ko na lang siya. Hindi ko na muna sinabi na nandyan si Raj. Baka kasi si Prince Charming na naman ang maging laman ng utak niya kapag binanggit ko pa.

Habang tumatanda ang araw, nagiging mas excited ako. I feel like I’m an inch closer to seeing Raoul. Nagpasya akong huwag sabihin kay Cresia na nariyan ito para tuloy-tuloy ang study niya.

Papunta kami ng parking lot, bukambibig niya parin ang tungkol sa pag-aaral para sa exam bukas. Ang utak ko naman ay pinaghaharian ng antisipasyon sa pagkikita namin ngayon. Though it’s going to be the last day we’ll see each other bago siya umalis, ayos lang. Masaya parin ako.

“Labas tayo pagkatapos ng exams, huh? Na sstress na ako!” si Cresia.
“Okay.”

She then waved at me goodbye. Hinintay ko siyang makaalis bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa madalas na parking space ng sasakyan ni Raoul. Inayos ko ang suot na bracelet, ang buhok, at ang damit. Palapit na ako nang nakita na imbes ang kanyang SUV ang naroon, isang ibang pamilyar na sasakyan ang nakita ko.

Natigilan ako at mabilis na ginala ang mga mata sa paligid. Mabilis lang ang pagmamasid ko dahil lumabas agad si Prince sa driver’s seat. Nakalahad ang kanyang mga braso, bukas para sa yakap.

“Suprise!” he said gently.

Bahaw na ngiti ang naibigay ko sa kanya. Hindi ako agad nakagalaw kaya siya na mismo ang lumapit. Hindi naman sa hindi ako masaya na narito siya. Hindi ko lang inasahan na makita siya rito.

Bumangon ang kaba sa akin. What if Raoul suddenly comes? Paano kung makita siya ni Prince?

“You’re so shocked,” Prince said playfully.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat.

“N-Nakauwi ka?” gulantang kong tanong pagkalas ng yakap niya.

He kissed my right and left cheeks. Hinayaan ko iyon, gaya ng dati. He smirked. Nanatili kasing gulat ang ekspresyon ko.

“You missed me so much, huh?” he said and stole a quick smack on my lips.
“Prince!” iritado kong sigaw sa ginawa niya.

He licked his lower lip. Kunot-noo niya akong tinitigan.

“Hindi ba nagkasundo na tayo sa bagay na ito? Sinabi ko naman sa’yo na hindi nga ako komportable sa ganoon!” Hindi ko na napigilan ang pagsasalita.
“Come on, it’s just a friendly kiss… Sign of welcome, Leil.”

Umiling ako at nilagpasan siya. Aalis sana ako. Lalo na dahil nag-alab ang galit ko sa ginawa niya pero hinila niya ako pabalik. Hinila niya ako patungo sa pintuan ng sasakyan.

“Come on, Soleil! Umuwi na nga lang tayo! Akala ko masisiyahan ka na sinorpresa kita!”

He opened the door for me. Tinitigan ko siya habang nakatayo roon. I reflected on my sudden angry outburst. Alam ko na bukod sa ayaw ko talaga sa ginawa niya, medyo nairita rin ako dahil hindi ito ang ineexpect ko na mangyari.

“Masaya ako na narito ka, Prince. Pero sana naman naisip mong irespeto ang sinabi ko sa’yo noon. Sinabi ko na na ayaw ko ng ganoon, ‘di ba?”
“I said it’s a friendly kiss, Leil. Ikaw lang naman ang nagbibigay ng malisya sa mga halik ko sa’yo, e!” giit niya.
“Kahit na! Friendly kiss man ‘yan o ano. Ayaw ko na hinahalikan ako ng ganoon, Prince. Ano man ang dahilan!”

He opened the car door wider. Napabaling ako roon.

“Fine! I’m sorry! Now will you get in so we can go home?” he said.

Ilang sandali ko pang pinilit ang sarili kong pumasok. Pagkapasok, agad kong inayos ang seatbelts ko. Nagpupuyos ang aking damdamin habang iniisip ang nangyari at dinarama ang kabiguan sa araw na iyon.

Umuwi kami ng maagad. We didn’t talk much in the car pero pagkadating sa bahay ay nagsimula na siyang magsalita.

“Mag meryenda muna tayo. Mamaya ka na magbihis,” aniya.
“Magbibihis lang ako saglit, Prince. Bababa rin ako…” sabi ko.
“Leil, come on! You are being difficult.”

Nag-angat ako ng tingin kay Prince. Wala talaga ako sa tamang mood. I don’t even want to eat with him but as a sign of respect, I should.

“Saglit lang ako. Bababa rin ako,” tanging nasabi ko at mabilis nang umakyat sa hagdanan para makapunta ng kwarto.

Nagmamadali akong maligo at magbihis. In between what I was doing, I texted Raoul to check if he knew I’m not in school anymore.

Ako:
Nakauwi na ako. Biglang dumating si Prince. I’m sorry.

Raoul:
Yeah. I saw you two.

Oh!

Magrereply pa sana ako pero kinatok na ako ng kasambahay. Sa pagpapanic ay hindi ko na nagawa. Lumabas na agad ako para makababa na at makaharap si Prince.

Naubos ang mga sumunod na minuto sa pag-eexplain ko sa kanya na ayaw ko nga sa ganoon. Ilang beses niyang iginiit na ako lang ang nagbibigay ng malisya roon.

I lost focus. Hindi kami magkasundo ni Prince at gusto ko nang sumuko sa pag-eexplain ko. In the end, he said sorry. Nagpaalam na rin ako para makapagstudy na kahit na alam kong mahihirapan akong ibalik ang focus ko.

“Hindi muna ako aalis ng Manila. I’ll stay here,” he said bago ako pinakawalan para makapag-aral na ako sa kwarto.

Bago ako nagsimulang mag-aral, I texted Raoul.

Ako:
Naroon ka sa school kanina? Sorry. Hindi ko talaga inasahan.

Raoul:
It’s okay. You should study for your exams tomorrow. I’ll board the plane in a while.

Ako:
Okay. Take care.

Ilang beses kong sinubukang magfocus pero hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari sa school. Nakita kami ni Raoul. Does that mean he saw Prince’s kiss, too? Wala iyong malisya. Gusto kong mag explain kay Raoul. Lalo na dahil alam ko, noon pa man, malaking bagay sa kanya ang mga halik.

But he didn’t ask me about it. Hindi niya rin sinabi na nakita niya iyon. Kaya ayos lang naman siguro, hindi ba? This should be okay. He probably did not see it. Ganunman, patuloy ko paring ipapaliwanag kay Prince na ayaw ko nga sa ganoon. Hindi man kita ni Raoul ang nangyari.

“Ayos ka lang ba?” Cresia asked.

Tapos na ang huling exam namin sa semester na iyon. Gaya ng gusto ni Cresia noong nakaraan, pagkatapos sa school pumunta na kami sa malapit na mall upang makagala at makakain. Kanina pa siya nag kukwento tungkol sa exam. I did well, I think.

“Ayos lang naman,” sagot ko.

Umalis si Prince kahapon. Bumalik siya ng Manila. Pero sa katapusan ay babalik siya. Magpapalit sila ni Primrose. He’s going to manage the Iloilo Branch so he can be with me on April and May. Gusto naman iyon ni Prim dahil sasamantalahin niyon ang pagkakataon na makapamasyal sa Manila sa summer. Ganoon naman lagi ang nangyayari.

Naupo kami ni Cresia sa mismong restaurant kung saan ko ikinwento sa kanya ang nangyari simula pa noon. I tapped the usual centerpiece of the restaurant’s square table. Hindi umani ng bilis ang nahuhulog na buhangin dahil sa pitik ko.

“May problema ba kayo ng boyfriend mo?” she asked, smirking.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya. Alam kong si Raoul iyon. She would never claim Prince as my boyfriend.

“Hindi ko boyfriend ‘yon,” sabay ilag ko ng tingin sa kanya.
“Hmm. Pero gusto mo?” she said with so much playfulness.
I sighed. “Imposible ‘yon.”
“Pero gusto mo nga?” ulit niya.

Nagkatinginan kaming dalawa. She sighed heavily at that.

“Bakit? Miss na miss mo na?”

Ikinwento ko sa kanya na nagkita kami ni Raoul noong nakaraan. Sinabi ko rin ang paraan ng huling pagkikita namin. Na si Prince ang sumundo sa akin at si Raoul ay nasa paligid lang, nakatingin.

“Nagtitext pa ba?”
“Oo. Kapag hindi siya busy…”
“Hmmm…” Nag-isip si Cresia.

Nag-antay ako sa mahihinuha niya. I kind of believe in her opinions. Lalo na dahil tingin ko, ang ibang opinyon niya ay nagkakatotoo.

“E ‘di ayos lang pala? Hindi ba siya cold sa texts n’yo?”
“Ewan ko…” tanging nasabi ko.
“Text mo nga kung kilala niya ba ‘yong nakaitim na lalaki noong high school pa lang tayo?” pasaring niya.
I narrowed my eyes at that. She grinned.
“Kidding! Well, we only have two options…”

Nagtawag si Cresia ng waiter. Sinabi niya ang order niya, ganoon din ako. Pagkaalis noong waiter, ‘tsaka siya nagpatuloy.

“This is either he’s fine with it because he’s very liberated. Or! He’s jealous but he’s too mature to show it!”

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Cresia. Madaling pagdesisyunan iyon.

“Siguro ang nauna,” sabi ko.
“Bakit?”
“Bakit naman siya magseselos, ‘di ba?”
Umikot muli ang mga mata niya. “I don’t know if your humble, unassuming, naive, or all of the above, Leil. Ano nga ulit ang nasa loob ng regalo niya?”
“Chocolates at bracelet…” sabi ko, medyo bigo dahil sa mga sinabi ni Cresia sa akin.

Hindi ko alam kung masama ba ang inisa-isa niyang mga katangian ko. She’s always brutally honest. Ilang beses ko nang narinig sa kanya ang mga katangiang iyon bilang description sa akin. I wonder if she ever wants me to be the exact opposite of those? Assuming and all?

“Bracelet?” tumaas ang kilay ni Cresia.

Ipinakita ko sa kanya ang aking palapulsuhan. Kitang-kita ko ang pagkakagulat sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at tinitigang mabuti ang kulay pink na bracelet at mga dyamante roon.

Isang beses siyang nag-angat ng tingin sa akin bago binalik ulit sa aking bracelet. She gently put my hand down. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga bago nag deklara.

“He’s jealous,” sigurado niyang nasabi.
“Bakit naman? Nakita niya kaya-”
“Text him later!” aniya.
“Nagtitext naman talaga kami-”
“Send him a picture!”
“Huh?” Uminit ang pisngi ko nang naisip agad ang sinabi ni Cresia.
“Send him a picture!” ulit niya, ngayon mas natataranta.
“Anong picture?” tanong ko.

She smirked at my question. Kinabahan naman ako roon. Kapag ganito siya tingin ko may masama siyang binabalak. Pero wala naman akong mapagtanungan kaya wala rin akong magagawa kundi ang maniwala sa gusto niyang gawin ko.

So I laid on my bed wearing my usual clothes. Minsan, tinitext ako ni Raoul eksaktong alas singko hanggang gabi. Kapag abala siya, gabi na kapag nagtitext kami. His texts were the usual but sometimes I feel like he’s a bit cold. O baka naman bothered lang talaga ako dahil sa huling pagkikita namin?

Raoul:
I’m done with work. How’s your day?

Ngumiti ako at nagtext na gaya ng utos ni Cresia sa akin.

Ang sabi kasi ni Cresia, ganoon daw ang ireply ko sa text niya, lagyan ko rin ng picture.

Ako:
Fine. I was just waiting for your text.

Kumuha ako ng picture habang nakahiga sa kama. Nakakahiya man dahil wala akong make up at nagkalat ang buhok ko sa unan, ginawa ko parin.

Pagkatapos kong masend lahat ng iyon ay ibinaon ko na ang mukha ko sa unan dahil sa kahihiyan. Huli na nang naisip kong pwede ko namang hindi sundin si Cresia sa mga kalokohan niya, e! Kaso dalawang buwan higit kaming ganito ang turingan kung sakaling ganoon nga? I can’t stand it! I want to know if he’s seen the kiss. I want to know his opinion of it!

I saw the dots icon telling me that he’s preparing for a reply. Ilang minuto pa at hindi parin nagkakaroon ng reply hanggang sa nawala na iyong mga dots na icon. Muli akong pumikit ng mariin. Sinipa sipa ko ang kumot sa sobrang kahihiyan.

Kaya naman nang tumunog ang cellphone ko, hindi ko na mahabol ang hininga ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Tumihaya ako pero para akong nalulunod kaya umahon ako at naupo sa kama para masagot ang tawag.

“Hello…”

He didn’t say anything. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagsasalita. Nang naramdaman ang gigil sa pagsasalita ay pilit ko nang sinarado ang labi gamit ang mga daliri.

“Done with all of your exams?” he asked.
“Oo,” tanging sagot ko.

I heard him groan in his deep baritone. Pumikit ako ng mariin. Ibang klase ang sayang nararamdaman ko.

“All of it?” he asked again.
“Oo. Bakit?”
“Good.” He sighed, still cold.

Ngumuso ako. Parang may pumipiga sa puso ko sa sobrang sarap ng sakit. Hindi ko alam kung bakit ganito.

“Nasa opisina ka p-pa?” I shifted our topic.
“Uh-hmmm… I won’t go home yet until we’re done talking about something.”
“Ano?”

He sighed again. I can imagine him sitting on his swivel chair. Hindi ko naman naisip na attractive iyon noon. Ilang beses kong nakitang ganoon si Prince sa opisina niya pero ngayong si Raj na…

“You let the boy Ledesma kiss you?”

Natutop ko ang namimilog kong labi sa tanong niya. After days… really?

“Nag protesta naman ako. Ayaw ko sa ganoon-”
“Was that the first time?” his voice was very stern.
“Hindi pero lagi ko naman siyang pinipigilan. Nag-away nga kami, e.”

Hindi siya nagsalita. Kinabahan tuloy ako.

“Ayaw ko ng ganoon, Raj. Hindi pa ako handa sa mga ganoon. Hindi ko rin siya gusto ng higit pa sa kapatid o kaibigan. Nagulat lang ako nun. Pati sa una. Sa pangalawa, umilag ako kaya hindi niya ako nahalikan.”

Hindi parin siya nagsalita.

“G-Galit ka ba?” marahan kong sinabi.
“I know you know what to do whenever you’re uncomfortable with something, right?” mariin niyang sinabi.
“Of course,” bigo kong sinabi. “Kaya nga sabi ko na pinagsabihan ko naman siya, ‘di ba?”
“Okay. I’m glad you know how to handle that,” matigas parin ang boses niya.

Ngumuso ako. Bigo parin dahil sa tono niya. Galit parin yata siya.

“Hmm. Do you send him your pictures when you text him?” he asked.
“Hindi.” Uminit ang pisngi ko. Pati ang batok ko. Hindi ko alam kung bakit. “We don’t text.”
“Is he your first kiss on the lips?” he asked, ngayon mas mahinahon na.
“O…” simple kong nasabi.
“Okay.”
“Galit ka b-ba?” tanong ko ulit.
“Oo,” simple niyang sinabi.

Parang dinurog ang puso ko sa sagot niya. At hindi ko alam saan nanggaling ang kasiyahan. Hindi ko alam kung para saan iyon.

“Ilang araw ka nang galit sa akin, kung g-ganoon?”
“Since the day I saw you kiss that boy.”
“B-Bakit ngayon lang tayo nag-usap?” I bit my lower lip.
“I don’t want to disturb you. You have your exams.”

Napangiwi ako sa sakit at saya na naghalo. Marahan akong pumikit at dinama ang pagwawala ng aking puso. I really like him. I’m really in love with him. Will I ever find someone I can love more than him? I guess, I won’t. Siya lang talaga yata ang mamahalin ko ng ganito ka tindi. Siya lang talaga.

We sometimes go back to that topic. Tuwing ganoon, I assure him that I know what I’m going to do.

Noong bumalik si Prince galing Manila para magbakasyon, I was so proud that I only hugged him and that’s all. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong mahalikan ako kahit sa pisngi. Pagkatapos kong yakapin si Prince, dumistansya na ako at ngumiti.

Kunot-noong nakatingin lamang si Prince sa akin noon pero hindi na rin siya nagreklamo. Naintindihan naman niya ang gusto kong iparating.

My summer was very boring. Niyaya ako ni Prince na pumuntang Boracay pero tumanggi ako. Lalo na dahil ang libreng mga araw niya ay siyang mga araw ng pagbisita ng mga Avila sa akin. Isang linggo sina Lola Brosing at Ma’am Avila rito sa Iloilo. At hindi gaya noon, medyo maalam na ako sa mga pasyalan kaya nagagawa ko silang ipasyal dalawa, though with Manong Roy as our driver.

Hindi ko na rin sinabi pa kay Ma’am Avila at Lola Brosing ang tungkol kay Raoul. Tutal, alam naman nila na dahil iyon sa paghahanap kay Papa.

There was no signs of my father, too. Inisip kong baka sobra-sobra nga ang pagtatago nila. Sa dami ng koneksyon ng mga Riego, I’m sure he’s having a hard time hiding even when he’s alone and in the middle of some mountains.

Mayo sa taong iyon nang nagpaalam si Raoul na aalis abroad. He will be gone for weeks or months depending on his schedule. It’s fine with me. Not that he needs my opinion. Pareho lang naman iyon dahil nakakapag text naman kami sa ibang paraan.

Pasukan nang nakawala muli ako kay Prince. He’s back in Manila and I’m ready for my last year in college. Hindi ko man kasama si Raoul, naging mabilis ang oras. Siguro dahil masaya at kontento ako sa bawat araw.

Kahit pa noong nasa abroad siya, madalas hindi kami nakakapag text ng maayos dahil iba ang oras niya roon. Minsan, gumigising pa siya ng madaling araw para lang makapagreply ng maayos sa akin. Though, when he replies in the morning, I cannot properly text him, too, because I have school.

“Hay naku! Nakakalungkot lang talaga isipin na inakala kong magugustuhan ko na ang isang iyon. Hindi parin pala. He’s three years older, you know. A bit mature but then eventually he sucked!” si Cresia habang pinupulot ang isang magazine sa rack ng isang spa.

After our midterms, she promised to take me to the spa. Hindi ko ugali iyon pero dahil maimpluwensya siya sa akin, minsan nagagawin na rin ako. I pay for some of the services I would like to avail but for extras like this, siya na raw at ililibre niya ako. Ayaw kong manamantala kaya madalas tinatanggihan ko. Nagkasundo lang kami noon kaya napapayag niya ako ngayon.

It’s her mani-pedi session. Nakapikit ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Cresia tungkol sa dinate niya noong nakaraan.

“Huwag mo na lang pilitin ang sarili mo.”
“Hindi ko pinipilit ang sarili ko, Leil. I liked him. Seriously. And then suddenly, nawala na parang bula! Will I ever find someone who can make me feel content? Hay!”

Marahas niyang binabago ang pahina ng magazine na binabasa. Narinig ko ang biglang katahimikan sa kanya.

“Nasa Manila na si Raoul?” she asked, suddenly.
“Hmm. Oo. Dalawang Linggo na ata. Bakit?”

Napadilat ako roon. Bumaling ako sa kanya na ngayon ay titig na titig sa isang makapal na lifestyle magazine. Nakita ko kaagad ang picture ng isang pamilyar na katawan ng isang lalaki. With him was a tall girl in a flesh colored long bejeweled gown.

Nanuyo ang lalamunan ko.

“Ano ‘yan?” tanong ko sabay hawak sa magazine na binabasa ni Cresia.

She looked stunned. I swear I’ve never seen Cresia look a bit fearful. Lalo lang akong nakuryoso noong bahagya niyang inilayo ang magazine sa akin.

“These are rumors, for sure! Magazines like these are misleading. Alam ko dahil madalas kaming biktima ng pamilya ko sa ganito…”

Kabado na ako. Bakit? Anong naroon? Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang at lakas para kunin ang magazine kay Cresia at tingnan kung anong meron.

Raoul Riego is seen with a woman in an exclusive elite party in Manila. This woman is from an elite family. Kilala ko rin ang babaeng ito. She appears in some ads and she’s a beauty queen.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang unti-unting pagsakit ng puso ko habang tinititigan ang dalawa. Maliit lang ang tungkol sa kanila ngunit ang picture ay halos kalahati ng pahina sa magazine.

According to rumors, the elite bachelor and the beauty queen model are dating.

Marahan akong bumuntong hininga, medyo kabaliktaran sa nararamdamang pagkakapunit ng puso.

“Rumors lang naman ‘yan, e. Ayos lang ‘yan, Leil. Huwag kang maniwala.”

Binalik ko kay Cresia ang magazine. Nanuyo ang lalamunan ko.

The image of him kissing a girl inside the barn house is now different in my mind. Iyong dating halos hindi ko na maalalang mukha ng babae ay napalitan na ngayon ng babaeng ka date niya sa social function na iyon. The image of him waiting for his bride on the aisle is now also different. May mukha na ang bride at iyon ‘yon.

“A-Ayos lang, Cres…” sabi ko nang nakita ang pagpapanic sa mukha ng kaibigan. “Alam ko naman na hindi ako.”
“Come on, Leil! You text each other and he-”
“Gusto niya lang mahanap si Papa kaya kami nagtitext!” mas kinukumbinsi ko ang sarili ko kesa sa kanya.
“These are just rumors, okay? Ang mabuti pa tanungin mo siya,” mas mahinahon at kalmadong boses ni Cresia ngayon.

I can sense her pure concern for me. Nararamdaman ko rin na medyo kinabahan siya at pinipilit niya lang magpakatatag para sa akin. I smiled at her.

“Hindi na kailangan. Ayokong manghimasok sa buhay niya. Alam ko naman na naghihintay lang siya sa balita kay Papa, Cres.”
“You are just trying to be unassuming! Come on!” ulit niya.
Umiling ako. “Wala naman kasi akong dapat i-assume.”

I smiled at her to assure her. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at tiningnan ang pinipinturang mga kuko.

Ang mga babaeng ganoon ay marangya ang kinagisnang buhay. Hindi kailanman nadapuan ng mga lamok noong bata pa sila habang ako’y naglalaro sa gitna ng putikan. Raoul deserves women like that. The ones who were showered with luck from the very beginning. The ones who were born amidst the gentleness and pleasantness of the world. Like a princess in a castle, trained only to be elegant and proper.

He deserves women like that.

I like him. I love him that I would bleed. But I know exactly that I am not for him. I know that I don’t deserve him.

Masakit. Inalis na ng panahon ang purong paghanga ko noon. I cannot be happy for him but I sure can let him go. Not that I can hold him if I want to. That’s selfishness. I may not be perfect like the real “Lady of the Light”, but I will always try to be.

Habang nakaupo ako roon, pinagmamasdan ni Cresia, at kinukumbinsi ko naman siyang ayos lang ang lahat, parang sinakop ng malaking guwang ang nararamdaman ko.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.