Sands of Time – Kabanata 23

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 23

Kabanata 23
Missed

Ngayon ko lang natanto, na sa ilang taon kong pagtira rito sa Iloilo, hindi ko kailanman naramdaman ang ganitong klaseng gaan ng loob. Even with the safety, family, and shelter the Ledesmas gave me, I never felt this comfortable. Ngayon lang.

“How are you?” Prince asked over the phone.

Ngayon lang siya tumawag simula noong umalis siya. Madalas, palagi naman. But then maybe he did not like our goodbyes the last time.

“Ayos lang.”
“Good. Uuwi ako riyan ng Saturday.”
“Okay,” sabi ko.
“Galit ka ba?” he asked.

Pumikit ako ng mariin. Naalala ko ang lahat ng mga ginawa ni Prince para sa akin sa nagdaang apat na taon. He didn’t like me at first but eventually, it turns out, siya ang pinaka nag-aalala lagi para sa akin sa kanilang pamilya.

Inilipat niya ako sa mas malaking kwarto kahit na sapat na sa akin kasama ang mga kasambahay. It’s more than enough for me, actually. He suggested that I go to school. He chose my course for me. Pinapasyal niya ako, kahit na hindi na naman kailangan at hindi na iyon mahalaga. But still, those little things, little by little, opened my eyes to the world beyond Costa Leona.

Some of my first experiences were spent with him. My first movie in a theater, my first restaurant experience, and many more.

“Hindi lang ako kumportable sa ganoon, Prince.”
“Just forget about it. I’ll just call you again soon, okay.”

That was the end of the call. I sighed. If Cresia’s right about Prince, I should do everything to make him understand how I truly feel about him.

“How’s the date?” makahulugan agad ang ngisi ni Cresia sa akin.

Date. Is it really that way, though? I wonder what happened with her date, too?

“Ayos lang.”

Pinilit ko mang maging normal lang sa reaksyon, hindi ko naman mapigilan ang pagngiti nang maalala ko ang yakap ni Raoul. Hindi nakatakas iyon kay Cresia. Kinalabit niya ang aking pisngi, her smile grew wider.

“Aha! Oh my gosh!” she narrowed her eyes to emphasize her accussation. “So this is why you don’t like Prince, Kuya Arthur, or anyone in our school!”
Sinipat ko siya pero tila wala siyang pakealam doon.
“Kung sa bagay. Gosh! That man is so hot! Plus he’s mature! So dreamy!” nanggigigil niyang kinurot ang aking braso at nagpatuloy. “It’s understandable! And he likes you, too!”

Nilingon niya ako. She stared at me impatiently.

“Cres, hindi naman. Naghihintay lang siya ng balita sa Papa ko.”
“Weh?” she made a face. “I don’t believe that reason!”
“Gaya ng sabi mo, maraming magaganda, propesyunal, at mature sa Manila. Sa dami, imposible na na lilingunin pa niya ako.”
Cresia rolled her eyes. “Hindi ka lang nilingon! Sinadya ka rito!”
“Dahil nga iyon sa tatay ko. I know of his types. Alam ng lahat noon sa Costa Leona na gusto niya ng mga kasing edad niyang sexy at-”
“I don’t buy that! I got a feeling…” she narrowed her eyes.

Huminga ako ng malalim at iniba na lamang ang usapan. Ayaw kong isipin pa lalo iyon. Aasa lang ako.

“Ikaw? Kumusta ang date mo kahapon?”
She rolled her eyes. Bago pa makasagot ay nakita ko na sa malayo ang lalaki, tinatawag si Cresia. We started walking faster. Hinila na ako ni Cresia para mas bumilis pa ang lakad namin.

I sighed. I know this one. I’ve seen this one so many times.

Cresia is beautiful. Siya ay matangkad, makinis, at magaling makihalubilo lalo na sa mga lalaki. She’s very outgoing that’s why she has so many friends. Bukod pa sa mayaman siya at maraming gustong makipagkaibigan sa kanya, adventurous din siya at nakakapunta na sa maraming lugar. She’s fun to be with. I learn so many things from her.

Pero pagdating sa mga lalaki, ganito siya. She likes one at first, eventually, ayaw niya na. Marami siyang manliligaw na sinagot dahil gusto niya raw, sa huli wala ring nangyari dahil bigla na lang ayaw niya na.

Naisip ko tuloy na ang obsession niya roon sa kay “Prince Charming”, baka panandalian lamang. Kapag nakasalamuha niya na ito, nakausap, o nagustuhan siya pabalik, malaki ang posibilidad na aayaw na siya roon.

“Tapos ko na ang assignment natin pati ‘yong para sa Friday.”
“Huh? Tinulungan ka ng date mo?” gulat kong tanong nang natakasan na namin ang lalaki.

She rolled her eyes at my remark.

“Ayoko na pala sa kanya.”
“Bakit?” mas lalo lang akong nalito.
“Mayabang, e.” Makahulugan niya akong tiningnan. “Nagkakausap na ba kayong mabuti? Tanungin mo kaya kung kilala niya ba iyong si Prince Charming?”
“Cres, malabo yata ‘yang sinasabi mo…”
“Try mo lang naman, e! Leil, gusto ko lang naman malaman kung sino!”
“Imposible kasing may kinalaman si Raoul doon sa lalaking iyon,” sabi ko.

Our conversation about her mystery Prince Charming went on and on. Sa bagay, tuwing naaalala ko nga ang lalaki, parang namumukhaan ko. But I doubt Cresia’s serious about this. I mean, kapag nakilala niya, wala rin ito.

For Thursday, hinatid ulit ako ni Cresia kay Raoul. She’s smiling like an idiot. Tuwing nakatingin naman sa akin ay puro senyas lang tungkol sa tanong ang natatanggap ko.

Friday morning when I told her that I forgot to ask. Kumain kasi kami ni Raoul ng desserts at medyo maiksi lang ang naging panahon namin.

For Friday, though, we will have more time so I decided to always remember about the question, just so Cresia will stop it with the obsession.

“Hay naku!” Umiling si Cresia nang nakita niya ang suot ko.

She reminded me last night that I should wear something nice. Maayos naman ang sinuot ko ngayong hindi kami nakauniporme. Mas nagtagal pa nga ako sa pamimili ng suot pero mukhang hindi yata kontento itong si Cresia.

“Ito lang kasi ang pwede, ‘di ba?” inunahan ko na siya dahil alam ko na ang sasabihin niya.

Tumango si Cresia, naiintindihan ang rules sa unibersidad. Kaya naman, imbes na magreklamo, aniya’y tutulungan niya na lang ako sa pag-aayos. Dala pa roon sa pag-aayos ang paalala niya tungkol sa pagkuha ko ng impormasyon tungkol doon sa lalaki.

I know it’s impossible but I will try.

Suot ang isang fitting skinny jeans, flat shoes, at kulay pink na t-shirt, handa na ako sa usapan namin ni Raoul ngayon. Hindi ko maalala kung paano napadpad ang usapan namin kahapon sa isang palabas sa sine. Kaya iyon ang gagawin namin ngayon!

“Hi! Ingatan mo ang kaibigan ko, huh? May kapatid ka pa ba o pinsan na lalaki?” Cresia shamelessly asked.

Sinenyasan ko siya para tumigil sa pagkapahiya pero hindi siya nakinig.

“Uh, I have cousin.”
“Ilang taon? May girlfriend na?” patuloy ni Cresia.
“Cres!”

Cresia laughed but I know she’s forcing it. Seryoso siya sa tanong niya kaya mas lalo akong nahihiya. Kitang-kita ko kay Raoul na medyo nag-iisip siya sa isasagot kay Cresia.

“Joke lang! Sige! Mauna na ako, enjoy kayo!” aniya at umalis na kaagad bago ko pa muling masaway.

I apoligized for Cresia’s behavior pagkarating namin ni Raoul sa sasakyan. He said it’s okay.

“Ganoon na ba talaga siya?” he asked.
“Oo, e…”
He nodded slowly as he drove the car near a large mall, kung saan kami unang nagkita noon. “That’s good. You need an outgoing friend…”

Ngumiti ako dahil iyon din ang naisip ko noong nagsimula na kaming magkalapit ni Cresia. We were total opposites yet she can’t stop being with me. She likes my silence and my curiosity. She likes talking and goofing around. She’s a little bit liberated, too. Siguro na rin dahil sa iba niya pang kaibigan at kulturang kinagisnan na.

Tahimik kaming naglakad sa mall. Dumiretso kami sa sinehan dahil hindi kami pwedeng kumain muna dahil sa oras. Nagulat ako nang nakitang may tickets na siya. Kinuha ko ang wallet ko para kumuha ng pera para sa aming makakain sa loob.

I was about to hand the money to the girl who’s selling food pero dahil hindi napansin ni Raoul ang pagkuha ko ng pera, naunahan niya na ako. Their transaction was so fast na kahit ang pagtawag ko ay hindi na rin napansin.

“Uh… eto oh,” sabi ko sabay pakita sa kanya ng pera.

Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang nakitaan ko ng amusement ang kanyang mukha. Marahan siyang umiling. Ngumuso ako at tiningnan ang kamay kong may nakalahad na pera.

“Keep that,” he said.

Oh. Binalik ko iyon sa aking wallet. Tahimik na lang ako, hindi na nagprotesta pa. I don’t want to make it more awkward. It’s already very awkward.

Mabuti na lang at konti lang naman ang tao sa labas ng sinehan. Pagkapasok, marami pero madilim naman kaya hindi na kita kung sinu-sino ang mga naroon.

Kabado ako. Hindi ko alam kung bakit. This isn’t the first time I watched a movie with a man. Si Prince noon, hindi naman ako kabado. Kahit pa noong first time ko. Mangha lang ang naramdaman ko noon. Mangha sa dilim ng sinehan. Mangha rin sa laki ng screen. Ngayon, kahit na malamig ay para akong sinisilaban sa init.

He gave me the snack he bought. Kahit pagtanggap lamang noon, kabado ako. Nababalisa ako ng hindi ko alam kung bakit. Tahimik naman kami. Hindi ko alam kung anong inaalala ko.

Kumain ako. Nagsimula na rin ang palabas kaya tuloy-tuloy na. Nang naubos ang pagkain ay pareho na kaming walang ginagawa kundi ang manood lamang. But then the airconditioning was too low, kalaunan, nararamdaman ko na ang kanipisan ng t-shirt na suot.

It is extremely cold. Siguro dahil medyo konti ang tao, kumpara sa tuwing nanonood kami ni Prince. Sa gilid ko, walang nakaupo. Diretso sa aircon iyon. Sa likod namin, meron namang tao, maging sa harapan.

I compressed my body to feel more warm. Nilagay ko ang aking nakakuyom na mga kamay sa aking kandungan pero ramdam ko ang ihip ng aircon sa aking braso. Raoul shifted on his seat. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumingin siya sa akin. Sumulyap naman ako sa kanya. I smiled shyly. Kahit na madilim at hindi ko naman talaga kita ang ekspresyon niya, nininerbyos ako.

Mabilis akong bumaling sa palabas kahit pa nakatingin parin si Raoul sa akin.

“Are you cold?” he asked.

Bumaling ulit ako sa kanya at bahagyang pinasadahan ng palad ang braso para maibsan ang lamig sabay iling.

“H-Hindi naman,” I lied because I don’t want him to think that I can’t take care of myself.

It’s bearable. Hindi naman iyong tipong hindi na ako makakagalaw sa sobrang lamig. He pushed the arm rest up, para mawala ang pumagitan sa aming ganoon. He shifted a bit, lumapit sa akin. Hindi ko na napigilan ang matinding kaba lalo na nang nilingon ko siya.

“Come here,” he whispered.

Umakbay ang kaliwang braso niya sa akin at tumigil ang kanyang palad sa aking braso. Naramdaman ko kaagad ang init ng kanyang palad. Mas lalo tuloy akong nahiya. I just lied to him. At ngayon, nasisiguro kong alam niyang nilalamig ako dahil sobrang lamig ng braso ko.

Umusog ako ng konti palapit sa kanya gaya ng gusto niyang mangyari. Kinakabahan ako ng husto pero unti-unti ko ring naramdaman ang ginhawa sa hawak niya.

He leaned closer on me, leaving no space in between us. His right hand traveled near my stomach and stopped on the left side of my waist just to pull me closer to him. Hindi na ako makahinga ng maayos sa kaba ko. Para na akong kiti-kiti sa sobrang pagkakabalisa, hindi ko man pinapahalata.

Hinaplos niya ang aking braso. Nanuyo ang lalamunan ko.

“Feel better?” he whispered.

His lips were near my ear now. At kung hindi lang nakakahiya, humagikhik na ako sa kiliting dala ng kanyang hininga sa aking tainga. I tired so hard to control my feelings and my reactions. Hindi pa ako nahirapan ng ganito kailanman. Usually, I say and show what I feel. This time, showing it would be embarrassing. Dahil sigurado ako, kung isasadula ang nararamdaman ko ngayon, paniguradong ang mga kilos ay magiging kahiya-hiya.

“Hmm… Oo.”

Nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa akin. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at ilang inches lang ang layo namin. Nahulog ang mga mata ko sa kanyang labi. Agad akong umiwas ng tingin doon nang naramdaman ko ang kakaibang init sa aking mukha, batok, na mabilis na kumalat sa aking katawan.

Bahagya kong kinagat ang labi ko. I have never felt this way before. The feeling of wanting to do something I usually don’t do.

The memory of him kissing a woman passionately back in Costa Leona flashed in my mind. Noong bata pa ako, kapag naaalala ko iyon, nahihiya ako at nasisiyahan para sa kanya. Nasisiyahan dahil I feel like he’s found a girl for him, who he will cherish and take care of. Nahihiya dahil alam kong hindi maganda na nakita ko iyon bilang bata.

Kalaunan, hindi ko na iyon iniisip dahil for some reason, while I was growing and interacting with Raoul, I realized that I don’t like it. I don’t like what I’m feeling whenever I think about him kissing someone else.

Ngayon? Somehow, I can picture myself being that girl! Nakakaloko mang isipin at hindi man maganda, hindi ko maitatanggi iyon. In my most private daydreams, like today, like right now, I dream about being that girl Raoul is kissing. Nakakahiya! Mabuti na lang at sa isipan ko lang iyon. Walang paraan na malaman ni Raj na ganoon nga ang iniisip ko.

“What are you thinking about?” he asked slowly.

Napadilat ako. Ni hindi ko na napansin na napapikit na ako sa mga iniisip na kababalaghan!

“W-Wala!” medyo napalakas ang tinig ko.

He sighed. I can hear the amusement in that. Bahagyang humagod ang kamay niya sa aking braso dahilan ng paglipad muli ng aking isipan. Pinigilan ko na iyon dahil nakakahiya na. Pakiramdam ko pinapanood niya ang iniisip ko sa pamamagitan ng mga mata ko.

“Are you comfortable like this?” he whispered huskily.
“Hmm. Uh-hmm…” tanging naisagot ko.

Umangat ang kanang kamay niya at muling ibinaling ang aking mukha sa kanya. I swear I’ll have a heart attack because of that. He swiped his thumb below my lower lip. Nakaliliyo ang tingin niya sa aking labi. Para akong mahihimatay sa saya, kaba, at anticipation na pinaghalo.

“Who taught you to put on make up?” he whispered.
“S-Si Cresia.”
“Hmm…” he caressed my chin languidly using the back of his index finger.

Para akong batang nagpakabait na ginawakan ng paghaplos dahil sa ginawa. I pouted when I realized something.

“B-Bakit? Hindi ba bagay?”

It’s just Lipice, pressed powder, cheek tint, and a bit of maskara. That’s all. Baka kailangan pang kapalan? Pero gusto ko ng ganito lang, e.

“It looks good on you…” he whispered.

Napangiti ako. Tumitig ako sa palabas kahit pa medyo hindi ko na naiintindihan ang parteng ito simula nang niyakap niya ako. Mas lumapit ang kanyang mukha sa aking tainga.

“You always look good to me,” he whispered softly.

Hindi ko na napigilan ang ngiti. Para hindi na lumaki pa ang ngisi, kinagat ko na lamang ang labi ko at nagpatuloy sa pagtitig sa screen. Hindi ko na maintindihan ang palabas pero nagpatuloy ako sa pagtitig. I am very aware of his touches, too. Iyon ang mas naging dahilan kung bakit hindi na rin ako makapag concentrate.

“Uuwi siguro ang mga Ledesma bukas,” sabi ko nang nasa sasakyan na kami ni Raoul.

Naitawid ko naman ang panonood ng sine kahit na medyo hirap sa daming naiisip. Mabuti na lang.

“Uh-huh,” he said while driving.
“Wala naman akong pasok bukas kaya hindi na muna tayo magkikita, ‘di ba?”
He nodded at that. “Uuwi rin muna ako.”

Natigilan ako roon. He’s going home already?

“Babalik din ako ng Lunes. I’ll pick you up on the same place?” bawi niya.
Tumango ako. “Okay.”

I forgot to ask him about Cresia’s Prince Charming. Bukod sa hindi ako naniniwalang may koneksyon siya roon, naisip kong marami pa naman kaming oras dahil babalik naman siya.

My days were more colorful. Lalo na kapag weekdays at naghihintay ako sa kanya. There were days na nagpapaalam siya kapag uuwi at may aasikasuhin, pero hindi ako tumatamlay kahit na ganoon. Inspirado parin akong pumasok, knowing I’d see him again the next day.

I have never felt this positive about life.

Tuwing Sabado at Linggo, umuuwi si Prince sa bahay. We sometimes go out or just have a simple dinner at home. Nangungumusta siya sa aking pag-aaral. Sinasagot ko naman ng maayos. Pero hindi ko kayang ikwento sa kanya ang isang bahagi ng araw ko.

Alam kong hindi alam ng mga Riego ang pagkikita namin ni Raoul. Naiintindihan ko iyon dahil siguradong magagalit sa kanya ang mga ito. It’s taboo. He’s befriending the enemy. If I tell Prince about it, I will need to tell him about my history with the Riegos, too. Kapag nagkataon, malalaman din ng mga taga Costa Leona o ng mga Riego ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit tingin ko, kapag nalaman ni Prince, masisiwalat na agad iyon.

Minabuti kong itago na lang iyon. I told Cresia about that logic and she agrees that I must keep that secret to myself. Wala rin siyang sinabihan noon at mapagkakatiwalaan ko naman siya.

Christmas break is fast approaching. Nalulungkot ako dahil hindi man namin napag-uusapan, alam kong hindi kami magkikita sa mga araw na iyon. Malaki rin ang posibilidad na maging sa Enero at Pebrero, hindi rin kami magkikita. It’s the anniversary of what happened in Costa Leona. For sure the Riegos are doing something those days. Maiintindihan ko rin kung abala si Raoul sa mga araw na iyon.

“Saan ka magpapasko?” I asked him once while we were eating on our usual private dining hall in the hotel where he was staying.
“Siguro sa Manila,” he said without looking at me.

Tumango ako at natahimik na. Ang susunod kong dapat tanungin ay ang tungkol sa January at February pero hindi ko kayang sabihin.

“I won’t be here for Christmas,” he said like I don’t know.
Natawa ako at tumango. “Alam ko naman. Uh, ititext na lang kita kapag may balita tungkol kay Papa.”

Tinitigan niya ako. I feel like his sharp and dark eyes knows so many things about me. Pati ang mga bagay na hindi ko alam, alam niya.

“We’ll text and call each other.”
Tumango ako at huminga ng malalim. “S-Sagutin ko lang kung hindi ako abala sa mga Ledesma.”

Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya hirap na tumango at nag-iwas ng tingin sa akin.

Mas lalong lumamig ang hangin at dumalas na rin ang pag-ulan. Ang mga kulay at palamuti sa pasko ay nagsilabasan na at naging mas masayahin ang lahat.

Sinuklay ko ang buhok ko habang nakatitig sa salamin ng tukador. Ganoon ba talaga? Kapag masaya ang mga araw, parang lumilipad ang buhangin ng panahon?

Bakit ba kapag kasama ko siya, parang ang bilis ng lahat? The time we had for each other is more than enough. Dapat, magpasalamat pa ako dahil nabigyan ulit ako ng pagkakataong masilayan siya at magkaroon ng bagong alaala sa kanya kahit pa hindi makakaligtaan ang mapait na nakaraan.

Iyon na lang dapat ang isipin ko. Ayaw ko nang isipin at sisihin ang bilis ng panahon. I should just thank our God, who gave me luck, for that span of time. Sa pagkakataong maipaliwanag ang aking sarili kay Raj at sa sayang hatid tuwing kasama ko siya.

I should just appreciate what was given to me.

Isang katok ang narinig ko sa pintuan. Si Prince na iyon. Siguro ay nainip na sa baba, kahihintay sa akin.

Binaba ko ang suklay at tumayo na. It’s the New Year’s eve. Gaya noong Christmas, late din ang dinner namin para salubungin ang bagong taon.

Binuksan ko ang pintuan. Prince smiled at me.

“You’re taking so much time again dressing up,” he said.
“Sorry. Hindi ko namalayan ang oras.”

Tumango siya at sumulyap sa aking kwarto. Sinarado ko na iyon at sabay na kaming bumaba.

Maingay ang bahay. Narito kasi si Primrose at Arthur para bumisita. Sa hardin kami kakain para maaliwalas at para na rin makarinig o makapanood ng mga fireworks, kung meron man.

Lumiko kami ni Prince sa labasan patungo sa hardin. Hinawakan niya ang aking baywang bilang pag-alalay sa akin pagkaliko. Nilingon kami ng apat na naghihintay sa hapag.

“Andito na sila!” Primrose declared.

Nakita ko ang pagsulyap ni Tita Sally sa kamay ni Prince sa aking baywang. Ngumiti si Tita at iminuwestra na sa amin ang upuan. Prince pulled the chair out for me.

“Thank you,” I said.

Naupo na ako. Natahimik agad ang lamesa dahil sa pagdating namin. Umupo si Prince sa tabi ko.

“Ang bilis talaga ng panahon!” Tita Sally said and she sipped on her wine.

Napatingin ako kay Tita na ngayon ay nakangiti na sa akin. I smiled at her, too.

“Dalagang-dalaga ka na talaga, hija.”
“Oo nga, Mommy. I remember the first time Soleil went here. Ayaw mo pa nga siyang patirahin dito, hindi po ba?”
Malungkot na bumaling si Tita Sally sa anak. “Well, that was because we were losing so much that time, hija. Medyo stressed ako sa nangyayari.”
“She’s our lucky charm!” deklara naman ni Tito Ton.

I smiled at that. We started our dinner. Alam kong naisip lamang iyon ni Tita Sally dahil sa mga ayos namin ngayon. Pormal kasi kaming lahat para sa dinner na ito.

“Isang taon na lang talaga, hija, gagraduate ka na!” si Tita Sally habang kumakain kami.
Tipid akong ngumiti roon. “Oo nga po, e.”
“Sa susunod na taon, sa Manila ka na!” dagdag naman ni Primrose.
Ngumiti ako. “Ayos lang naman ako rito.”
“Right. She’s fine here, Prim…” segunda ni Prince doon.
Ngumiwi si Primrose sa sinabi ng kapatid. “Naku! Paano iyon? E, nasa Manila ka lagi? Uuwi ka na naman every week dito sa Iloilo?”
Umiling ako roon. “Ayos lang naman na hindi na umuwi si Prince dito everyweek. Pwede namang katawagan na lang kung sakaling magkaproblema sa hotel o kung may mga tanong ako.”

Nagkatinginan kami ni Prince. Kunot ang kanyang noo sa aking sagot. Primrose laughed at that. Tahimik naman si Arthur na nakinig sa pinag-uusapan.

“Bakit ba kasi ayaw mo talagang sa Manila si Soleil, anak?” si Tito Ton naman ngayon ang nagtanong kay Prince.
Umirap si Primrose. “Ay naku! Siguradong ayaw niyan kasi ang daming lalaki roon, lalo na sa larangan ng-”
“Prim!” pagalit na pigil ni Prince.
“Prim!” saway naman ni Tita Sally.

Nilingon ko si Prince. Totoo kaya iyon? Anong koneksyon ng mga lalaki?

“Ayos lang naman ako rito sa Iloilo. Kontento naman ako, ‘tsaka, gusto ko rin dahil makakabisita sina Ma’am Avila at Lola Brosing sa akin dito kumpara sa kung sa Manila ako.”
“But Prince will need your helping hand in Manila, hija. Ngayon pa lang sa pagtulong mo kay Prim dito sa Iloilo, masasabi kong magaling kang humawak ng negosyo. What more kung sa Manila ka at magkasama kayo ni Prince. Lalo na dahil may balak kaming magtayo ng five star!” si Tita Sally.
“Sigurado naman akong papayag ‘yang si Leil. Iyon lang ay kung papayag ba talaga si Prince, Mommy,” tukso naman ni Primrose ngayon.

Bumaling ang lahat kay Prince. Tinabi ni Prince ang mga kubyertos. Tinapos niya na ang pagkain.

“I’m fine here, Prince,” I assured him.

Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya nagdesisyon.

“Ayos lang din siya sa Manila…” anito.

Tumawa si Primrose. Ngumisi naman si Tita Sally at makahulugan akong tiningnan.

“Natatakot lang ‘yan baka maraming manligaw sa’yo roon. Marami na kayang nanliligaw sa’yo rito!” si Primrose.
Umiling agad ako. “Wala pa sa isip ko ang ganyan, Prim. Wala pa akong balak mag b-boyfriend…”
“Asus! It’s fine, Leil. You are of age. Nakalimutan mo ata kung ilang taon ako noong nagpakasal?”
“That’s right!” si Tita Sally. “Besides, you don’t have to worry. Kilala mo naman si Prince noon pa. And you two are good friends so that’s a good foundation-”

Umiling na agad ako sa sobrang gulat sa mga sinabi ni Tita Sally.

“Naku! Hindi po! Kaibigan lang ang tingin ko kay Prince. O kapatid!” natawa ako roon. “Hindi po ganoon, Tita. Nakakahiya naman po.”

Kita ko ang gulat sa itsura ni Tita Sally. Tumingin siya kay Prince. Tito Ton sipped on his wine. Tumkhim naman si Arthur dahilan ng pagtingin ko sa kanya. He smirked at me. Kunot-noo naman si Primrose na nakatingin sa akin.

Iniba ni Tito Ton ang usapan. For a moment, it was very awkward. Mabuti na lang at nakisali naman si Arthur sa sunod na topic kaya natabunan na kaagad.

We had a toast after the count down for the new year. Picture taking na rin ang nangyari at nagsindi ng mga sparklers. Ilang taon na namin iyong ginagawa at palagi’y nagpapasalamat ako sa bagong buhay na ibinigay sa akin.

Despite the dark past, I have here a family and an over all good life. Swerte parin ako. Hindi parin ako pinabayaan ng tadhana. Hindi parin ako kawawa kahit pa madilim ang nakaraan.

Habang natutuwa ako sa pagtitig sa namumukadkad na sparkler, lumapit si Prince sa akin with his wine glass. Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang ginagawa.

“You are going to Manila after your graduation,” aniya.

Nagulat ako sa biglaan niyang desisyon.

“Huh?”

He looked at me like he’s trying to decipher whatever I’m feeling. Binalik ko ang tingin ko sa sparkler.

“Ayos lang talaga rito, Prince-”
“Sa bahay ka titira,” he declared.

Nagtagis ang bagang ko. I’ve decided to work for the Ledesmas pero noon ko pa kinlaro na kapag may sariling pera na ako, bubukod ako rito sa Iloilo. May mga mauupahan namang hindi gaanong mahal. Kung sa Manila nga nila ako gustong dalhin, ganoon parin ang desisyon ko.

“Prince…”

Binaba ko ang namatay na sparkler at hinarap na si Prince.

“Sobra sobra na ang binigay ninyo sa akin. Hindi ko masusuklian ito kapag patuloy akong titira sa inyo. Gusto ko rin naman kasing tumayong mag-isa.”
“Bakit mo pinipilit iyan kung pwede ka namang tumira sa bahay namin? Hindi ka na gagastos pa at hindi ka naman iba sa amin kaya dapat lang na roon ka rin tumira.”
“Prince, I know. Pero gusto ko lang talagang maging independent. Tutulong ako sa kompanya ninyo pero ayaw kong umasa sa inyo para sa matutuluyan ko. Eventually, I will need to stand on my own without the help of your family.”
“You are our family, too, Leil! Insulto iyang ginagawa mo sa amin. Tinuring ka naming pamilya pero ikaw, iba ang tingin mo sa amin.”

Kinurot ang puso ko sa sinabi ni Prince. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin doon.

“Hindi naman ganoon, Prince. Ayaw ko lang na-”
“No! You want to do things alone because you don’t really treat us as your own family. I want you to go to Manila with me. And by with me, that means you are going to live in our house and work in our company. Tutulong ka sa amin, hindi ba? Bakit hindi ka na lang din tumira sa amin? You are just creating your excuses!” giit niya.

Bago pa ako makapagsalita ay iniwan na ako ni Prince doon. Susundan ko sana siya pero bago ko pa magawa, lumapit na si Tita Sally sa akin.

“May problema ba sa inyo ni Prince, hija?”

Nanatili ang tingin ko sa kay Prince na nagmamartsa na papasok sa bahay hanggang sa nawala. Mapait akong bumaling kay Tita. Hindi ko talaga gusto na nag-aaway kami ni Prince. Parang mabigat kasi sa pakiramdam.

She sighed when our eyes met. Hinagod ni Tita Sally ang aking likod.

“Alam mo hija, simula nang dumating ka sa bahay na ito, nagbago talaga ng husto si Prince.”

Hindi ako nagsalita. Nanatili ang mga mata ko kay Tita habang nagkukwento siya sa magiliw na paraan.

“He used to be a typical bad boy. Siguro na rin dahil nasanay at medyo hindi namin sinasaway. His grades were bad and his performance at school…” umiling si Tita Sally para bigyan ng stress ang sinasabi. “When you came, and you two got along pretty well, medyo gumanda ang grades niya at nakita mo naman siguro ang epekto ng mga sinabi mo noon sa kanya, hindi ba?”

May iilang pagkakataon kasi na nag-aaway si Tito Ton at Prince tungkol sa mga kabulastugan nito sa school. Madalas kasing mapaaway at masangkot sa kung anu-ano pang gulo si Prince. Sa iritasyon at dismaya, nakakapagbitiw si Tito Ton ng masasamang salita sa anak.

Ako lang ang kinakausap ni Prince tuwing ganoon. Primrose will make his mood worse. Ayaw niya ring harapin si Tita Sally. Pero kapag ako, pinagbibigyan niya.

“Maswerte ka, Prince, suportado ka ng Mommy at Daddy mo. Dapat sinusuklian mo iyon ng mabuting gawain para sumaya sila,” that’s always my line for him.

Hindi siya kumikibo. Minsan, iniisip kong gusto niya akong sumbatan pero hindi niya naman ginagawa.

“You should treasure the things you have now,” I said to him once after a big fight with Tito Ton.

“Nagbago siya dahil sa’yo, hija. Seryoso rin siya ngayon sa negosyo dahil sa’yo. He’s very protective of you when it comes to boys and friends because he treasures you so much…” paliwanag ni Tita Sally sa akin.
Ngumiti ako. “Alam ko naman po iyon, kaso hindi naman po pwedeng ganito palagi.”
“I’m sure Prince won’t mind if you stay this way always, hija.”

Nagulat ako sa pangungumbinsi ni Tita.

“Gusto ko po kasing maging independent. Hindi ko po iyon mararamdaman kung palagi akong nakasandal sa inyo. Tumatanda na po si Lola Brosing at Ma’am Avila. Gusto ko pong-”
“Hija, magagawa mo namang suportahan sila kapag magkasama kayo ni Prince. Maiintindihan ni Prince iyon. Tutulong pa siya sa’yo,” ani Tita Sally.
Bigo akong napabuntong hininga.
“May isang taon pa naman. I’m sure you’ll eventually decide on that, right? Magbabago pa ang isip mo.”

Prince resumed his casual treatment on me. Umalis na sila pa Maynila pagkatapos ng Christmas break. The new year started. At tulad ng nakaraang bagong taon, it’s all gloomy days for me.

January was very slow. Lalo na tuwing naaalala ko ang bawat araw na nagdaan noon. Ang simula ng paglalapit namin ni Raoul at ang unti-unting pagdating ng Pebrero. The prom night was on February. That means his father’s death anniversary will fall on that same month. Naiintindihan ko ang hindi niya pagbalik sa mga buwang iyon.

“Nagbakasyon rito ang mga Riego para hindi masyadong depressed si Felicia, Leil,” balita ni Ma’am Avila sa akin, palapit na ang Pebrero.

Nag-uusap at nagtitext kami ni Raoul araw-araw. He’s busy sometimes but he has time to text me. Minsan nga lang, nakatitig na ako halos buong araw sa cellphone ko, kahihintay sa sagot niya.

“Ganyan talaga siguro! Hindi na uso sa kanya ‘yong text nang text, Leil!” si Cresia nang napanood ang pagtitig ko sa cellphone pagkatapos lang ng reply ko.
Tumango ako.
“He’s a working man. He’s busy. Hindi gaya nating mga estudyante pa at kung hindi nag-aaral ay nakatitig sa cellphone! Speaking of, I wonder if my Prince Charming is already working?” She smiled sweetly. “Mature na ‘yon, e. Baka ka edad ni Raoul. Bakit ba kasi nakalimutan mong magtanong?”
“Pasensya na. Laging nawawala sa isipan ko.”
“Tsk! Anyway… I tried to date another guy. Two years older. Baka magustuhan ko pero hindi parin, e. Nababaliw na talaga yata ako!” reklamo ni Cresia.

I turned to her. She’s right. Raoul’s busy with his work. I should stop obsessing much about his replies.

“Malaman ko lang talaga ang pangalan noong lalaking iyon, ipapahanap ko na iyon. Para makalimutan ko na siya!” she said in a frustrated tone.
“Huwag naman, Cres. Paano kung magustuhan ka noong lalaki? Masasaktan siya-”

She laughed so hard at my statement. Kumunot ang noo ko. Tinapik niya ang balikat ko na tila ba napaka inosente ko sa lahat.

“Men that hot only wants one night stand, Leil. They’re afraid of commitments kaya sigurado akong sport iyon kung sakali.”

Ngumuso ako at naisip ang sinabi niya. Men that hot, huh, only want one night stands? Kung ganoon…

Hindi namin napag-uusapan ni Raoul ang tungkol sa nalalapit na death anniversary ng Papa niya. Ayaw kong umabot kami roon. Pakiramdam ko ay tinatraydor niya ang pamilya niya dahil nag-uusap kami. Minsan, iniisip ko na nagtitext kami para sa impormasyon kay Papa kaya hindi tinatraydor ni Raj ang pamilya niya.

I am not sure which one is a better thought, though.

By the end of February, he told me that he’s leaving for Manila para asikasuhin ang negosyo. He still texts me every now and then. When he’s free, mabilis ang reply niya. Kapag hindi naman, halos wala akong matanggap.

“Hiniwalayan ko na! Naiinis ako, e. Hindi nagtitext kung gumagala!” deklara ng isang kaibigan namin ni Cresia sa school.

Tahimik kong pinakinggan ang usapan nila.

“Ay naku! May ibang babae ‘yan! Iyang mga lalaking ganyan, may ibang ka text ‘yan!” sulsol ng isa.

Nag-iwas ako ng tingin. Sumulyap ako sa aking cellphone na walang text. Kapag umaga, ganito talaga. I understand, though. At hindi naman kami para itext niya ako ng ganoon ka dalas. At abala rin siya.

Pinilig ko ang ulo ko sa mga iniisip. Bakit ko iniisip na posibleng maging kami! Nag-iiba na talaga yata ang pananaw ko! Dapat hindi ganito! Mali ito!

“Hay naku! Napakatradisyunal n’yo kasi. You’re all obsessive. Hayaan n’yo kung hindi mag text. Mind your own business. Ang dami n’yong iniisip. Puro kayo mga overthinker!” si Cresia naman ngayon.

Ngumiwi ang mga kabarkada niya sa kanya. Nagpatuloy ang usapan.

Days stretched and it’s all dull for me. Nagbeso ako kay Cresia pagkatapos ng unang araw ng final exams namin sa 2nd semester ng taong iyon.

“Buti na lang konti lang ang exams bukas!” ani Cresia.
Tumango ako at ngumiti.
“Labas kaya tayo after exam bukas?” aniya na binawi agad. “Kasi mahaba naman ang exam the next day. Sige! Sa huling araw na lang ng exam natin?”
“Sige. Mabuti pa nga.”

We parted ways like the usual. Dahil naroon na ang sasakyan nila, nauna na siya. Palapit ako sa madalas na parking ng sasakyan namin, wala pa si Manong Roy. Kanina ko pa iyon tinext pero baka papunta na. He’s efficient kaya imposibleng ngayon, nakaligtaan niya ang text ko.

I had a mini heart attack when I saw an SUV na katulad noong kay Raoul. Ganoon lagi kahit saan simula noong umalis siya. Sa huli, malungkot na lang akong ngumingiti.

Nagpark iyon sa gilid ko kaya tumabi ako habang hinihintay si Manong Roy. The door opened. Kahit na alam kong imposible na si Raoul iyon, sinulyapan ko parin iyon. Nakasanayan ko na talaga kapag parehong SUV at parehong kulay ang nakikita ko.

My heart raced bad when I saw who it is. Namilog ang mga mata ko nangiti na ng husto. His lips twisted at my reaction and his dark and sexy eyes sharpened a bit.

Hindi na ako nakapag-isip pa. Nabitiwan ko ang mga aklat na dala. Pati ang aking bag para lang masalubong siya. My heart is overflowing with joy that I couldn’t stop myself. Pero agad din akong natauhan nang nakita ang gulat sa kanyang mga mata. Nang nakalapit na ako ay tumigil ako sa pagtakbo. Hiningal ako pero hindi ko na itinuloy ang pagyakap na gustong gawin.

Yumuko ako at unti-unting lumapit. Hindi ko mapigilan ang ngiti. Hindi ko rin mapakalma ang sariling puso.

He crouched to find my eyes. He chuckled when I didn’t let him. Tumigil ako sa harapan niya. Ngumuso ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko.

“You left your books and your bag,” he pointed out.

Halos umusok ang tainga ko sa kahihiyan. Mas lalo akong yumuko. He chuckled. He lifted my chin. Kunot noo ko siyang tiningnan pero agad ko ring iniwas, hindi ko mapigilan ang pagtatampo. Lalo na nang nakita kong nakaangat ang gilid ng kanyang labi. He’s so amused. He finds this funny!

“Hindi k-ka nagsabi na p-pupunta ka… rito…” sabi ko.
“Were you surprised, then?” he said in an amused tone.

Yumuko akong muli. Nahihiya na umaming nagustuhan ko nga ang surpresa niya.

“I missed you,” sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Hindi siya nagsalita. Ilang sandali pa ang lumipas, wala parin siyang sinabi. Pagalit akong nag-angat ng tingin. Nang nakitang namumungay ang mga mata niya at nakangiti ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Marahan kong hinampas ang matigas niyang dibdib. Mabilis niyang nahuli ang mga kamay ko.

Binaba niya iyon pero hindi niya na binitiwan. He crouched, his eyes were menacing and playful. Nakataas ang isang kilay niya at para akong nagliliyab sa kanyang titig.

“I missed you more,” he said.

Pilit kong tinago ang ngiti ko pero ang pamumula, hindi ko yata kayang pigilan. My face heated so bad that I was sure it was bright red.

“Get in the driver’s seat,” he said.
“Ano namang gagawin ko diyan?” nakanguso kong tanong.
“We’ll talk for a while. Pupulutin ko lang ang mga nahulog mong gamit.”

Ngumiti ako at tumango. Sinunod ko na rin ang gusto niyang mangyari.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.