Sands of Time – Kabanata 22

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 22

Kabanata 22
Mature

Titig na titig si Cresia sa akin pagkadating ko. She even walked backwards just to look at my face properly. Kinunot ko lamang ang noo ko sa kanya, nagpatuloy parin sa paglalakad.

“Did you put on your drugstore lip thing?” she asked.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Kahit simple iyon, hindi ko parin magawang ilagay iyon sa labi. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob.

“Whoa! Whoa!” Patawa na siya pagkatapos mamangha.
Umiling na lamang ako.

Hindi ko nasabi sa kanya ang nangyari kagabi. I was busy doing our assignments after all the crying. Matagal nga akong nakatulog, e. I cried harder when I received a text from Raoul.

Raoul:
Are you home safe?

Ako:
Yes.

Tumunog ang cellphone ko. Kanina’y nakadapa ako sa kama. Nang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Raoul, mabilis akong bumangon. Nagpalis ako ng luha at huminga ng malalim para masagot na ang kanyang tawag.

“H-Hello?” I said hesitantly when I did not hear anything.

I sighed heavily, pampatanggal ng bara sa lalamunan.

“Are you okay?” he asked like he knew I cried hard.
“Y-Yes…”
“Is it okay if I see you again?”

Bumuhos ang luha ko. Pinilit kong hindi humikbi.

Bakit ako ang tinatanong niya? Hindi ba dapat ako ang magtanong sa kanya niyan? Is it okay for him to see me again? I don’t have any information about my father. I don’t think I could be of use as a bait, too. Kasi kung matagal na akong gustong kunin ni Papa, dapat noon pa.

I am the daughter of the man who killed his father. Of the very man who violated his mother. Raj, is it okay if I see you again?

“Ikaw?” hindi nakatakas ang pait sa aking boses.

He paused for a moment. More tears came. Tinakpan ko na ang bibig ko para mapigilan ang panginginig ng labi.

“I want to see you again,” his voice was strained and husky.

Hindi ako agarang nakapagsalita dahil pakiramdam ko manginginig ang labi ko. He did not speak, too. Or even forced me to speak out. Kahit pa natagalan muli nang may nagsalita sa aming dalawa.

When I tried to speak, my voice shook. Wala na akong magagawa.

“E ‘di, m-magkita ulit tayo…”

I heard him sigh. Kinagat ko ang labi ko.

“Are you done with your homeworks?” he said in a relaxed tone.
“Hindi pa… Gagawin ko pa ngayon,” mas relax ko ring nasabi.
“Then I’ll hang up so you can do it?”

Kumunot ang noo ko at pumikit ako ng mariin.

“Okay.”
“I’ll see you tomorrow, then?”
“Okay.”

Hindi siya nagsalita. Hinihintay ko na mamatay ang linya pero hindi nangyari.

“You hang up first,” he said.
“O-Okay…” nataranta ako at agad binaba ang cellphone para matigil ang tawag.

Hindi ko alam kung paano ko naipagpatuloy ang gabi ng walang aberya. Tintigan ako ni Cresia pagkadating sa classroom. Hindi siya kuntento na umamin akong naglagay nga ako ng kolorete sa labi.

“There’s something about you today!” she declared.
“Ano?”
Umiling siya, hindi ko alam.

I don’t know how to tell her about it. I don’t know where to start. Basta ang alam ko, mababawasan ang nararamdaman kong bigat kung may pagsabihan ako. We ate our lunch together in the cafeteria. Iyon ang naging hudyat ko sa pagsasabi sa kanya tungkol doon.

Cresia being Cresia, she became obsessed with it. Milagro na hindi niya naisipan ang “Prince Charming” niya. Mas inuna niya ang mga detalye ng date namin ni Raoul.

“What the hell? Bakit ‘di mo sinabi sa akin kagabi?”
“Abala ako sa assignment, Cres.” Uminit ang pisngi ko nang may naalalang ibang pinagkaabalahan.
“Sure ka bang hindi ka nananaginip?”

I sighed. Is it that hard to imagine?

She obsessed about it the whole time. Kung may pagkakataong pwedeng pag-usapan, ginawa niya na. Kahit sa gitna ng lecture, nangangalabit siya. May ginagawa pang kababalaghan.

“I searched on the internet, there’s nothing much about him. They are very private, huh? Just a few pictures,” bulong niya sa akin.
“Cresia!” pabulong kong saway dahil nagsasalita ang prof namin.
“So I texted my Daddy instead. He told me that Raoul Riego is the CEO of Riegosteel. He will assume VHRV, Inc., soon when Ares Riego retires…”

I eyed her violently to stop all the talking. Sigurado akong tatawagin siya ng teacher.

“He’s a Civil Engineer, he topped the board, and he has Masters in Business!”
“Miss Lopez, can you answer this problem?” ang professor namin.

Pumikit ako ng mariin. Matapang na tumayo si Cresia kahit na ang kamay ay sumisenyas ng tulong sa akin.

“Sure, Ma’am!” she said.

I knew this was gonna happen. Confident siya kasi magpapatulong siya sa akin. I don’t even know how to answer the problem pero ngayon, magsisikap pa ako kung hindi wala siyang maisasagot!

Buong araw niya iyong naging topic. She didn’t stop there, too.

“Kaya ka naglipstick!?” she declared after our last class.

I powdered and swiped my lips in the powder room. Nagpapatuloy parin siya sa pamumuna.

“You… You should put blush on! Mag uuniform ka lang ba talaga? Ang sagwa! H-How about your hair?” she’s panicking.

Halos ungkatin niya na ang make up bag niya para lang malagyan ako ng tamang halaga ng kolorete sa pisngi. I stopped her from putting other unnecessary things. May inispray na rin siya sa buhok ko kanina.

“Come on, Leil! You are extremely beautiful. We all know that! Pero alam mo ba kung anong klaseng mga babae ang nakakasalamuha niyan sa Manila? They are not just beautiful, sexy, and professionals, they clean up nicely, too!”
Ngumuso ako. “Hindi naman ako nakikipagkompetensya…”

Mabuti na lang at kaming dalawa lang ngayon dito. I let her do subtle colors on my face. Mabuti na lang at hindi naman marami ang nilagay niya. Just a simple blush, a better swipe on my lips, and a dry shampoo for the hair.

She was very excited to go to the parking lot. At nang nakita naman doon si Raoul ay natahimik na.

Raoul looked at me, maybe he’s wondering who the girl I’m with is.

“Hi! Hi!” paulit-ulit na kumaway si Cresia, parang tinamaan ng hiya.
“This is my friend, Cresia. Cresia, this is Raoul Riego.”

Naglahad ng kamay si Raoul kay Cresia. Cresia smiled sweetly. Namumula na siya nang tinanggap ang kamay ni Raoul.

“Nice to meet you,” Raoul said in a hard formal tone.

Tinanggap ni Cresia ang kamay nito. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at mas lalong lumapad ang ngiti. Nilingon ko si Raoul. Sumulyap ito sa akin.

“Sobrang gwapo mo pala sa personal!” Cresia said shamelessly.
“Hm,” Raoul mocked.

After a few shameless introduction, Cresia let us go. Malapad ang kanyang ngiti, tila may hindi magandang pinapahiwatig sa akin. Kumunot ang noo ko. She nodded meaningfully.

“Good luck sa date n’yo!” she announced.

Pumikit ako ng mariin. Nakatitig lamang si Raoul sa akin at sinulyapan na ang aking kaibigan. Pumasok na ako sa sasakyan ni Raoul bago pa may masabing iba si Cresia.

“Pasensya ka na,” sabi ko nang nakapasok na ako sa saskayan ni Raoul.
“It’s okay. I’m glad you found a friend,” he said.

I turned to him. Somehow, his concern reminded me of the past. He wanted me to have real friends, right? Hindi lang mga lalaking kaibigan na madalas ay panliligaw ang pakay. He wanted me to experience real friendship.

Raj, I have a friend now. Ngumuso ako at bumaling na sa kalsada.

For Tuesday, we didn’t talk much. Siguro sa takot ko sa nangyari kahapong pag-iyak, hinayaan kong ang pag-aaral ang naging topic namin. And it was a short moment. Konti lang kasi ang oras at kailangan ko nang umuwi. We just had tea and that’s all.

For Wednesday, mas lumala pa si Cresia.

“Magkikita ba kayo mamaya? Anong nangyari kahapon? Oh my gosh, Leil! He’s very handsome! Grabe! I feel so lonely!” she exclaimed.

Nilingon ko siya. Ano na naman kaya ang pinapahiwatig niya sa akin ngayon?

“May usapan tayo, Cresia!” sabi ko.

My plan is to delay my meeting with Raoul first because we have to finish a very long assignment. Ngayong may linyang ganito si Cresia, alam ko na ang susunod!

“Kaya mo na ‘yan! Inspired ka naman, e. Please, Leil!” she sounded so miserable. “Nainggit ako! Ilang buwan na rin akong walang boyfriend! I need to at least go out with a man!”

Hindi pa siya natatapos ay nakita ko na ang isang lalaki sa kanyang likod. Bumuntong-hininga ako. I can’t believe this.

Kahapon, tinulungan ako ni Raoul sa assignment namin. Ayaw ko namang abusuhin iyon at patulungin siyang muli ngayon dahil lang wala si Cresia. Sa bahay ko na nga lang iyon gagawin.

Cresia waved goodbye at me before I could say a word. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa parking lot. On the usual spot, Raoul’s car is parked. Umilaw iyon, hudyat na naroon siya sa loob at nakita niya na ako.

I already texted Manong Roy na mamaya na ako kunin. For some reason, hindi kami nabubuking. Usually, Prince asks the driver if I’m already home. Duda ko ay nagsisinungaling si Manong Roy para sa akin.

“Leil!”

Halos mapatalon ako sa tawag ni Rem. Napabaling ako sa kanya. I heard the opening of the car door. Sumulyap ako at nakita si Raoul na lumabas para siguro pagbuksan ako. He did not do anything when he saw me with Rem.

“Rem!”
“Nakita mo ba si Cresia?”
“Ah! Oo. Umalis!” I said impatiently.

I glanced at Raoul again. He’s still there, looking at us.

“Pauwi ka na? Wala pa ang sasakyan n’yo? Gusto mo ako ang maghatid-”
“Huwag na!” I said, smiling awkwardly.

Rem is a jolly and friendly person. Ayaw ni Prince sa kanya. Hindi ko naman siya iniiwasan pero sa sitwasyon ngayon, kailangan ko talaga siyang itaboy. I’m sorry.

Marahan kong hinila ang braso ni Rem palayo roon. He chuckled at my actions but I continued. Nang nakalayo sa sasakyan ni Raoul ay hinarap ko na si Rem. He looked very happy when I turned to him.

“Rem, sorry. Kailangan ko nang umalis, e. Mauna na ako, huh?” sabi ko.

Sumulyap ako kay Raoul. I hope he takes the hint! Please don’t open the door for me anymore. Of course, hindi siya pwedeng pagkamalang driver. With that face and body plus the outfit, I don’t think anyone could ever think he’s a new driver of mine.

He opened the driver seat’s door. Bumuntong-hininga ako. Hindi siya agarang pumasok pero at least hindi na siya umikot para pagbuksan ako.

“Bye! See you tomorrow, Rem!” sabay kaway ko at lakad na palayo kay Rem.

Luckily, Rem did not call me anymore. Nagpaalam na lang ito at hindi na ako sinundan. Pumasok agad ako sa sasakyan ni Raoul nang nakarating na. I was panting hard when I locked my seatbelts.

Inilahad ni Raoul sa akin ang mabangong itim na trenchcoat. This is the third day I’ll wear it to cover up my uniform. Nilingon ko si Raoul at nakitang medyo busangot ang mukha. I know he always looks ruthless but this time, I can feel that it’s not just an expression.

“Uh, kaibigan ko si Rem. Inilayo ko lang… baka… makita tayo,” paliwanag ko.

Raoul started the car engine. Akala ko okay na ang paliwanag ko.

“You’re not allowed to be seen with anyone?”
Ngumuso ako. “Madalas akong pinagbabawalan. Lalo na ang s-sumama sa ibang lalaki. Pero okay lang!” bawi ko agad.

Sumulyap siya sa akin. His dark eyes made me nervous.

“By who?” he asked coldly.
“Uh… By Prince? Panganay na anak ng mga Ledesma.”

I don’t remember us talking about the Ledesmas. This is the first time. I feel like I need to explain everything.

“Doon ako dinala ni Lola Brosing noong… gabing iyon.”

Now, I feel so nervous. I swear we did not talk about that night a bit. I feel like it’s a taboo topic for us. Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Akala ko, tapos na. The silence stretched.

“Are they good to you?” he suddenly asked while we’re stuck in traffic.
“Oo naman!” medyo natawa ako roon.
“Is their son good to you?”
“Si Prince? Ayos lang.”
“Why do you allow him to decide for you?”
Umiling ako. “Hindi naman sa ganoon. Nirerespeto ko lang ang desisyon niya.”
“You like him?” he asked.

Napabaling ako sa kanya. His eyes looked very dark, like a large storm is coming and I don’t know what I can do to save myself from it. Umandar ulit ang sasakyan at dire-diretso na ang pagmamaneho niya.

“Bilang kaibigan lang. O kapatid.”
“Friends allow you to be friends with other people. I’m sure you know that by now.”

Bumagsak ang tingin ko sa trenchcoat na nasa kandungan. Alam ko ang pinapahiwatig niya. He must be very disappointed with me. Gaya na lang ng mga sinabi ni Cresia sa akin. Pero wala namang sinabi si Prince na kahit ano. And I’m living under their roof. I can’t just disagree with him and still sleep under their roof.

“Alam ko…” tanging nasabi ko.

He sighed at that. Now that we touched a topic near the past, I can’t help but wonder if we should open it? Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He’s still looking at the streets.

Alam kong masakit sa kanya ang nangyari noon, mabilis akong nagdesisyon na huwag na lang. Na hahayaan ko na lang iyon na ganoon. I should just ask Ma’am Avila and Lola Brosing if I want clarification over anything. Ayaw kong saktan si Raoul sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan.

Kaya naman… nagulat ako nang siya na mismo ang nagsimula.

“You went to Iloilo, immediately, after that night?”

Napaawang ang labi ko. Are we going to talk about this?

“Oo. Hindi ko na tinapos ang prom.”
“I did not wait for your prom to finish, too, when I heard about my father,” his voice was etched with pain.
“Ayos lang!” agap ko.

Hindi ko na kailanman inisip pa kung hinintay niya ako o hindi. Hindi na iyon naging importante sa akin. His father was shot dead. That alone can make his whole world crumble and forget about the littlest details like my prom.

“Kahit sino naman siguro, uunahin ang pamilya sa ganoong sitwasyon.”

He gritted his teeth. I can see his strained and weary expression. He’s controlling his emotions pero napakawalan ko na ang akin. He drove past the street to his hotel. Nagulat ako roon.

“Kahit ako. Walang halaga ang prom sa akin noong nakita ko na nasunog na ang nayon!” I said, with gritted teeth as well.

His bloodshot eyes told me that even to him, the scenes were very clear and painful. I know, Raj, kahit sa akin naman. Lalo na dahil gaya ng nakaraang taon, Enero hanggang sa araw ng pagkasunog, lagi akong malungkot. And it’s going to be January next month, the month when we started talking to each other everyday. The very month that made me feel happy and free.

Gritting his teeth, he parked the car. Tahimik lamang akong lumabas. Nakagapos na sa aking katawan ang trench coat. I can sense that he did not plan this. Obviously, dapat sa hotel ang punta namin.

Naglakad siya pababa sa boardwalk. Kokonti pa lang ang tao roon, tahimik, at mahangin dahil sa hanging galing sa ilog. Baka gusto niyang magpahangin. To let steam out of him since our topic has been very sensitive for us. Especially for him.

Sumunod ako sa kanya. Bumaling siya sa akin. His bloodshot eyes told me that I’m right. He’s still hurting about it.

“How did you know that the village is on fire?” mariin ang tanong.
“Lumabas kami sa covered court ni Ma’am Avola at nakita ko ang sunog sa nayon. Hindi na ako naghintay ng kahit ano. Dumiretso na ako sa gubat-”
“You went there?” his cold baritone thundered past me.

Kitang-kita ko ang gulat, pag-aalala, at galit sa kanyang mukha. Naalala ko agad kung gaano siya kalakas bilang lalaki, kung gaano ka mapanganib, kumpara sa aking parang tupa na ang tanging kaya ay manginig sa takot.

Tumango ako. Tears pooled in my eyes. Sumulyap ako sa kanya, he looked so stunned and angry about something. I’ve never seen him intensely angry before. Bigo akong bumuntong-hininga.

“Wala sina papa at ibang mga lalaki namin. Babae, matanda, bata lang ang natira. Gabi na iyon, madalas tulog na ang mga tao, kaya inisip kong baka masalba ko sila-”
“Umalis sila bago nasunog ang mga bahay!”
I nodded. I know that now, at least.
“Hindi ko alam noon. Nag-alala ako para sa kanila-”
“What about you? You did not worry for yourself?”

Hindi ko maintindihan. Umiling na lamang ako dahil hindi ko na naisip ang kahit ano noon.

He closed the distance between us. Kumalabog ang puso ko. He look pained.

“You were their leader. They were telling everyone that it’s all for your name, pumunta ka pa roon-”
Umiling ako. “Hindi iyon totoo. Wala akong alam sa ginawa nila. Nagulat na lang ako-”

He groaned at that. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila pababa pa noong hagdanan. Diretso ang lakad namin hanggang sa puting barandilya ng boardwalk. Without much effort, hinarap niya ako. He pushed me slowly so I could lean on the boardwalk’s bannister before my tears fall.

May iilan kasing mga tao at siguro’y gusto ni Raoul na mas pribado ang pag-uusap na ito, lalo na’t nag-uumapaw na ang emosyong nararamdaman ko.

Hinawakan niya ang magkabilang gilid para maikulong lang ako, para maitago sa mga taong posibleng kuryoso sa aming dalawa.

Nagpatuloy ako sa pag-iling at pag-iyak.

“Wala akong alam. Kung alam ko lang na ganoon, pinigilan ko na sila-”
“God damn it! I know you’re innocent!” he whispered with emphasis on each word.

Hindi na ako nagsalita. Humikbi na lamang ako. Mas lalo niya akong ikinulong, almost leaving no space between us. Tila ba gusto niya, sa kanya lang ang pribadong pag-iyak kong iyon.

“All the Riegos were irrationally angry at your village, your father, and you! Tapos pumunta ka roon? Mag-isa?”

Hindi na ako nagsalita. Kinagat ko ang labi ko. I just want to save them.

“You think you can save the villagers alone? While your houses were already burning?”
“Baka lang naman, e! Kasalanan ko ‘yon. Alam kong kasinungalingan lang ang pinapagawa ni Papa sa akin. Wala lang akong magawa kasi-”
He muttered curses on the sides without looking at me.

Kinalma ko ang sarili ko para madugtungan pa ang sasabihin.

“Alam kong hindi sapat ang sorry sa nangyari. Handa ako sa panganib na dala noong ginawa ko. They were blind following me and my father. Tama lang na-”
“You were a minor! You’re under your father! At hindi iyon maiintindihan ng lahat! You should’ve escaped immediately! Paano kung naabutan ka namin! We were there in your village!”
“Alam ko. Nakita ko kayo,” nanginig ang boses ko.

Pumikit ng mariin si Raoul. I tried to smile but the pain just won’t go away. Huminga ako ng malalim.

“Kasama mo ang mga tauhan ng mga Riego, ilang Riego rin. Nandun ako noon. Nasa gubat.”
He muttered curses but that did not stop me.
“Narinig ko ang lahat ng sinabi nilang plano sa akin. Lalapit na sana ako para matapos na pero-”
“What the fuck!?” bagsak ng kanyang mura.

Natigilan ako sa kaba at takot dahil sa galit niya. I can sense that he’s shaking.

“Nakita ko rin ‘yong baril.”

Naalala ko ang natatangi kong kaibigan. How the noise stopped after he’s shot. I remember the very first time I laid my eyes on that goat. Puting puti siya, inosente, at maliit. Nakakatawa na nakakaawa. Na ibibigay sa akin bilang alay. Ibabalik ko sana pero sa huli naging kaibigan ko na. I remember the years we spent together. How I believed that whenever I bring him, Raoul will be there. And I remembered Raoul’s eyes when he looked at the goat cried for one last time.

Inintindi ko iyon.

Nasaktan siya kaya nanakit siya. Namatayan kaya pumatay.

I did not hold it against him. But whenever I think about it, I cry for my dearest friend. For all the memories.

“Tinutok at pinutok, ‘di ba?”

Nagkatinginan kami. My eyes were blurry for the new unshed tears. Kaya hindi ako sigurado kung ganoon din ba siya.

“Sa alaga ko?” I said.
Umiling siya. “I brought him in our mansion.”

Humikbi ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Ilang sandali pa bago ko natanto ang sinabi niya. I blinked the tears away. Kinalma ko ang sarili ko. Tinitigan ko siya.

“Ang katawan niya?” I asked, confused.
Umiling siya, malungkot parin ang mga mata. “Ang alaga mo.”

Litung-lito na ako ngayon. Huh?

“Oo nga. Na patay na?” I clarified.
“No. He was still alive then.”
“Pero natamaan siya?” tanong ko sa sobrang gulat.
“Hindi…” kitang-kita ko ang pagkunot din ng noo ni Raoul sa akin, lito rin yata siya.

Instinctively, I whacked his hard chest softly. I thought he’s joking or something pero nanatili siyang seryoso at madilim ang mga mata.

“Nakita ko ‘yon! Tinutok sa kanya ang baril.”
“Oo. Tinutok.”
“Tinanong ka kung papatayin ba! Tapos pinutok! Natigil iyong hiyaw ng kambing ko!”
“Did I say yes?” he asked, still serious.
Umiling ako dahil wala nga akong naalalang nagsalita siya.
“Our men won’t do things like that without orders. Did you think your goat died that night, all these years?”

Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakapagsalita agad.

“Buhay pa siya?!”

I know it’s a ridiculous question. Hindi ko alam kung ilang taon ang life span ng mga kambing pero kung nabuhay nga iyon, siguradong sobrang tanda na noon ngayon, baka mahina na.

“He died that year, too.”

Ngumuso ako. I mourned for a friend differently. This time, I still mourn for him but somehow hindi na kasing sakit noong nakaraan kong pagluluksa. I can’t believe it.

“That was very dangerous. Dapat ay hindi ka na pumunta roon. Tumakas ka na agad…” he said lightly.

I still can’t process the new things I learned. Nag-angat ako ng tingin kay Raoul. He licked his lips, nakadungaw siya sa akin. Pinalis niya ang basa sa aking pisngi, gamit ang hinlalaki. His warm and hard hand comforted me so much that I almost forgot that it’s been years.

His father died in the hands of my father. In the end, he wanted me to run from it.

His mother was violated by my father. In the end, he doesn’t want me violated that way by his men and relatives.

Kumalabog ang puso ko habang tinitingnan siya. The wind blew his hair a bit making him more handsome than ever. Some of it went to his forehead. Pinigilan ko ang sarili kong abutin iyon at ayusin.

Now I know why it’s always been him, from the very beginning, until now. I cannot imagine myself loving someone else. If in time he will love someone and settle down, hahayaan ko siya, kahit pa ang ibig sabihin noon para sa akin ay wala na…

I might love someone else, but never with the same intensity. I feel sorry for whoever it will be. Nobody deserves that so I’d rather not commit to anything other than… him.

“Hindi mo ba naisip na… patayin ako?” kalmado kong sinabi.

Mabilis akong nagsisi. Muling nagbalik ang sakit at galit sa kanyang ekspresyon. Tinikom ko ang bibig ko para matigil na ako sa pagsasalita. Binaba ko ang tingin ko.

Using his index finger, he traced my jaw. Tumigil iyon sa aking baba at marahan niyang inangat para mapabalik ang tingin ko sa kanya. The same dark, mysterious, and perilious eyes bore into me ardently.

“How could I kill you?” he whispered.

Ngumuso ako at nag-iwas parin ng tingin kahit na nakaangat na ang mukha ko sa kanya.

“Listen…” patuloy niya. “I want you to remember this, from now on.”

Pilit kong inangat ang mga mata ko sa kanya.

“I will never hurt you…”

Halos matawa ako roon. Naalala na kayang kaya niya akong saktan. Well, not in the physical way he’s talking about right now.

“What’s wrong?” he immediately noticed.
Umiling ako at natawa na. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil naramdaman kong muli ang aking mga luha.
“You don’t believe me?” he asked.

My heart hurt so much at that. Umiling ako habang tumutulo ulit ang mga luha. Hindi ako naniniwala na hindi niya ako sasaktan. Sasaktan niya ako. Masasaktan ako rito. Pero ayos lang.

He groaned again and muttered curses. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. He crouched so he’ll reach my ear. Ang mga luha ko’y tumatama na sa kanyang t-shirt. His scent made me lose it more. I want him. I love him so much. If only I can hold him like this… always.

“Sasaktan m-mo rin ako,” basag na basag kong sinabi.

He chuckled slowly at that. Kinagat ko ang labi ko.

“What kind of hurt are you talking about?” he whispered on my ear.

Kumunot ang noo ko roon at mas lalong ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. I want to hide from him. From the embarrassment.

“I missed you so much…” he whispered.
“I missed you… more…” I said on his chest.

Humigpit ang yakap niya sa akin. His heart is beating wildly and I can hear it even when mine is as loud.

We stayed that way. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na ganoon ang aming ayos. Nakalma ako at naging payapa sa kanyang bisig. He remained that way, standing for my frailty.

“Are you happy living with the people you’re with?” he asked when everything was peaceful between us.

Kitang-kita naming dalawa ang kahel na langit, papalubog na ang araw at halos wala na akong pakealam kung magtagal kami o hindi. Maybe I’ll just text the driver to get me here, instead.

“Mabait sila sa akin,” tanging nasabi ko.
“You like their son?” naulit na tanong iyon.

Umiling ako dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin doon. Hindi bilang kaibigan, kundi bilang boyfriend.

“Did you tell him that?”
I nodded, still looking at the setting sun and leaning on his chest. “Hindi mo na ako kailangang turuan. Marunong ako.”
“Sure. Sa dami ng naging manliligaw mo sa loob ng ilang taon, hindi ba?” he mocked.
Kinunot ko ang noo ko.
“I’m not the same young innocent girl anymore,” matapang kong sinabi.

May halo iyong pagmamalaki. Kailangan kong mapatunayan iyon. That I’m mature now.

He chuckled a bit and renewed his embrace for me. This time, tighter.

“I can see that,” he whispered.

Pinilit kong huwag mangiti dahil nagustuhan ko ang sinabi niya pero hindi ko na kaya. Sumilay talaga ang ngiti sa aking labi.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.