Sands of Time – Kabanata 21

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 21

Kabanata 21
Together

“Sayang, hindi ka nanalo,” sabi ko kay Cresia nang nakabalik na ito sa upuan pagkatapos ng mga laro.
Nagkibit siya ng balikat. “No big deal. Wala naman akong kahit sinong gusto sa mga sumaling lalaking guests. Sayang hindi ka sumali.”

Napasulyap ako kay Prince na maraming kausap sa malayo. Uminom na lamang ako ng tubig, hindi na ikinwento kay Cresia kung ano talaga ang tunay na dahilan.

Nagsibalikan na rin sa mga upuan ang mga kasali sa laro. Nagtatawanan ang mga tao dahil sa ginagawa ng nakakuha ng bouquet at doon sa lalaking nakakuha ng garter. Tumigil ang isang lalaking pinsan ni Cresia sa aming tabi. Yumuko ito at umambang may sasabihin sa katabi ko.

“The party’s almost over. Wanna go to the after party tonight?”
I saw how Cresia’s face glowed at that. “Oo naman! Saan ba?”

Cresia’s social life is very alive. Iyan din ang dahilan kung bakit kahit college na kami ngayon, sobrang dami niyang kilala. Though it’s really understandable, being the daughter of the wealthiest family in the city.

Bumaling ang pinsan ni Cresia sa akin. He’s a fourth year student in our university. Parehong kurso sa akin at minsan ko na ring nakausap.

“Sama ka, Leil,” Rem said.
Ngumiti ako at tumango.

Isa iyan sa mga gusto ko, noon pa. Ilang beses na akong niyaya ni Cresia sa mga lakad. Akala ko makakalabas na ako noong birthday ko, pero hindi rin pumayag si Prince noon kaya wala akong nagawa.

“Ihahatid kita, Leil. At sisiguraduhin kong hindi ka lalagpas ng midnight. Okay?” Cresia encouraged me.
Tumango ako. “Sige, sasama ako!”
“That’s great! See you, then!” ani Rem.

Umalis din ito pagkatapos. Nanggigigil na tinampal ni Cresia ang aking braso.

“Finally! Siguro naman papayagan ka na ni Prince, hindi ba? Understandable ang night out kasi may celebration!”
Tumango ako, nahahawa sa kasiyahan ni Cresia.

I am excited. Tama si Cresia. At kung gusto rin naman ni Prince, isasama na namin siya. Naiinggit kasi ako minsan kapag naririnig ko ang kwentuhan ni Cresia at iilang mga kaibigan naming nakikita niya sa mga pinupuntahan tuwing gabi.

Nang natapos ang programme, nagsiuwian na ang mga bisita. Cresia’s family remained. Ganoon din siya. Binilin na siya ng mga pinsan na magkita na lang sa napag-usapan. Ganoon din ako. I nodded and smiled.

Kinausap si Cresia ng kanyang Mommy. Nagkaroon pa sila ng mas pribadong photoshoot kasama ang bride at groom. I smiled as I watch their happy and jolly family enjoy their moment.

“Anong sinabi sa’yo noong pinsan ni Cresia?” Prince suddenly appeared behind me.

Nilingon ko siya at nginitian. He looks serious now.

“Ah. Si Rem, ba? Niyaya nila ako na lumabas. Saglit lang naman daw at ihahatid naman ako ni Cresia, gusto mong sumama?”

Kunot-noo niya akong tinitigan. For years, Cresia speculated so many things about Prince. Most of it was about Prince’s feelings for me. Hindi ako naniniwala. Noong college pa siya sa Manila, I know he had a lot of admirers. Wala rin siyang direktang sinabi sa akin tungkol sa nararamdaman niya kaya ayaw kong mamaratang ng kahit ano.

“Hindi ka sasama,” aniya na parang pagtatapos ng usapan namin.
“Uh. Saglit lang naman, Prince. Matagal na kasi akong niyaya nina Cresia na-”
“Anong gagawin mo roon? You’re not going there, Leil,” medyo iritado niyang sinabi.

Slowly, I nodded. Bumaling ako sa banda nina Cresia. Nagpatuloy ang photoshoot nila kaya maghihintay pa ako na matapos ito bago ko maibalita ang sinabi ni Prince.

“Umuwi na tayo.”
“Uh, kakausapin ko lang si Cresia.”
“Just text or call her when we get home,” ani Prince.

Sa huli, iyon nga ang nangyari. Pagkauwi at pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko ang daming missed calls at text galing kay Cresia.

Cresia:
Where are you? Akala ko ba sasama ka?

Cresia:
Pinapahanap kita sa hotel premises!

Cresia:
Answer my call, Leil! Wala na si Prince! Do not tell me umuwi ka? Hindi ka pinayagan?

Cresia:
Anong karapatan niya na magdesisyon para sa’yo? Ask him that!

I called her to explain what happened and her usual litany started. Naguilty tuloy ako. She’s supposed to have fun tonight with her cousins but she’s here on the phone, cursing and ranting.

“Napaka KJ talaga ng lalaking ‘yan, ‘no? He used to be fun. Hindi ko alam na ganyan siya. Napaka seloso!”
“Cres, tama na. Wala rin naman akong magagawa, e. Nakakahiya naman. Nakikitira lang ako sa kanila. Ayokong sumuway sa ano mang sinabi-”
“So you mean to say that just because you’re living under the Ledesma, lahat na ng gusto nila gagawin mo? Try mong tumira samin, hahayaan kita sa lahat ng gusto mo, Leil!” she exclaimed.

I smiled at that. It is my choice to respect the opinion of the Ledesma family, too. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.

“When we graduate and you can earn by yourself, umalis ka sa kanila. Bumukod ka para magawa mo lahat ng gusto mong gawin.”
“Sa kanila ako magtatrabaho-”
“Oo. Pero kahit na sa tutuluyan na lang! Gosh! That’s very toxic!” she ranted all night.

Kinabukasan, maaga ang gising namin. Everyone looked happy with the result of the wedding. Maaga rin rito si Arthur at Primrose kasi inanyayahan silang mag breakfast.

Maingay at masaya ang disposisyon ng lahat. Ang sabi’y magsasabay sila sa flight mamaya. Prince will go out of the country for a meeting with some hotels. Primrose and Arthur will go out of the country for their honeymoon.

Kumuha ako ng toast at nilagay sa aking pinggan. I spread out the butter evenly while listening to all the plans of their family.

“In three or four years, may be. We’ll develop a world class hotel, for sure!” deklara ni Tito Ton.
Tumawa si Primrose. “I cannot wait. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi magmalaki sa planong hotel. By then, Prince will manage whatever’s in Luzon, right, Daddy? Dito na ako…”
“Tutulong ka rin kay Prince, hija…” si Tita Sally naman ngayon.
“He’s got Soleil here. Silang dalawa ang sa Manila!” giit ni Primrose.

Napatingin si Tita Sally sa akin. Pagkatapos ay kay Prince naman ngayon. Hindi umimik si Prince sa sinabi ni Primrose.

“Prince, I think Prim is right. It’s healthier if sasama si Soleil sa’yo sa Manila pagkagraduate niya. And that’s… what? A year more from now?”
“Ayos lang, Tita. Ayos lang po ako rito sa Iloilo,” agap ko kasi alam kong ayaw ni Prince na mag Manila ako.

Seriously, I’m not interested to go to Manila. I’ve never been there but I’ve seen pictures and videos on television. Mas malaking syudad iyon, I can imagine the pressure. Though I am interested to see and experience a bigger world, I’m fine here.

Minsan na rin akong nalapitan ng isang talent scout at inofferan na lumuwas ng Manila. Kasama ko si Cresia noon, namimili ng damit sa isang malaking mall. May ginaganap audition sa mall na iyon. They told me I should try out. That for sure, I’d make it. At pupunta ako ng Manila pagkatapos. Kikita raw ako but I refused it immediately. Hindi rin gusto ni Cresia iyon kaya hindi na kami pinilit.

“I’ll decide on that, eventually…” malamig na sinabi ni Prince sabay tingin sa akin.

Cresia’s words keep on echoing on my mind. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Arthur sa akin. Natigil siya sa pagkain.

“God! I can’t believe this week is going to be very stressful for us!” baling ni Tita Sally sa ibang usapan.
Tumawa si Primrose. “You can do it, Mommy.”
“Isang linggo kami sa Manila dahil wala si Prince…” sabay tingin ni Tita Sally sa akin.
Tumango ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
“Uuwi rin naman ako. Don’t worry,” Prince assured his Mom.

Tita Sally tapped Prince’s shoulders. Tumawa naman si Tito Ton.

Sabay-sabay silang aalis mamayang gabi papuntang Manila. Si Primrose, Prince, at Arthur, didiretso sa flight nila patungong abroad. Maiiwan ako rito sa buong linggong iyon, kasama ang mga kasambahay. This isn’t the first time, though. Siguro, ito lang ang pinakamahaba dahil madalas, pagkatapos ng tatlong araw, andyan na si Prim.

We did our usual activities during Sundays. Nagdilig ako ng halaman pagkahapon. Nakasanayan ko na kasi iyon tuwing Linggo. Natutuwa naman ako. Madalas naroon din si Prince at Tito Ton na nag-uusap sa hardin habang ginagawa ko iyon. Pero sa Linggong iyon, wala. Nag-aayos sila ng gamit para sa pag-alis.

Alas singko nang pumasok na sila sa sasakyan. Ang mag-asawang Ledesma ay sa naunang SUV sumakay. Si Primrose, Arthur, at Prince naman ay sa pangalawa.

Nakatayo ako sa baba ng pintuan habang tinitingnan ang mga kasambahay na nag-aayos ng mga gamit ng magkapatid. Lumapit si Prince sa akin. He smiled at me so I smiled back.

“Magpakabait ka dito,” aniya.
Ngumiti lang ako at tumango.
“I’m gonna miss you,” he said.
“I’m gonna miss you, too.”

Ganyan lagi kapag aalis siya, sa Manila man o sa ibang bansa. Lagi parin kasi siya sa Manila para sa mga hotel nila roon. Siya ang inaasahan nila. Umuuwi lamang siya rito kapag weekends. Minsan, kapag nasa Manila naman ang mag-asawang Ledesma, rito siya sa Iloilo ng isang linggo.

Hinawakan niya ang aking pisngi, gaya ng madalas niyang ginagawa. He kissed my right cheek. Ngumiti ako. I’m used to it. Primrose does it, sometimes. Pero si Prince, palagi, lalo na kapag aalis. Hinayaan ko rin siyang halikan ang kaliwang pisngi, gaya ng madalas na pagtatapos ng kanyang halik.

Madalas, binababa niya na ang kamay niya para makapagpaalam ng mabuti sa akin pero ngayon, hindi niya ginawa. Tinitigan ko siya. He smiled again and moved closer to me. I don’t need to be a genius to realize that he’s going for my lips now. And that’s not his usual goodbyes for me.

Napaiwas ako sa ginawa niya. Tumama ang labi niya sa kanang pisngi ko, malapit lamang sa aking labi. Kinabahan agad ako. Binitiwan niya ako at nagkatinginan kami. I saw the irritation in his eyes.

“S-Sorry… Hindi talaga ako komportable,” agap ko.
Kumunot ang kanyang noo. The anger was very obvious in his eyes. “But I’ve kissed you there…”
Nagulat ako roon. He kissed me there, once. Noong June, pagkatapos ng summer at ang pagbalik niyang muli sa Manila pagkatapos ng dalawang buwan dito sa Iloilo. Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi.

I told him that I’ve never been kissed on my lips before.

“Kung ganoon, nahalikan ka na sa pisngi? Nino?” tanong niya sa akin noon.
“Isang kaibigan. Sa Costa Leona.”
Ngumiwi siya pero nakabawi rin agad. “Well, then, there’s always a first time for it.”
Umiling ako. “Hindi ako kumportable. Magkaibigan lang tayo. Hindi pa ako handa sa kahit anong… ganoon…”

That’s the first and last time he kissed me that way. Hindi niya naman inulit pa kaya tingin ko, nagkaintindihan kami. Ngayon lang niya ako hinalikang muli.

“Good bye, then…”

Tinalikuran ako ni Prince at diretso na siya sa kanilang sasakyan. I sighed heavily when I saw their car move out of the driveway. Kumaway ako hanggang sa nawala na ang sasakyan sa aking paningin.

I spent the whole night talking to Ma’am Avila. Ikinwento ko sa kanya ang tungkol sa kasal ni Primrose at ni Arthur.

“Leil, may espesyal ba sa inyo ng panganay nila?” she asked curiosly.

Huling punta kasi nila rito ni Lola Brosing, magkasama kami ni Prince. Noong summer. Kaya naiintindihan ko ang pagtatanong.

“Wala po, Ma’am.”
“Sigurado ka?” she asked, doubtful.
I sighed. “Hindi niya po ako nililigawan.”

She laughed. Napangiti ako. I missed seeing the Avilas laugh. Ilang taon din simula nang muli kaming nagtawanan na parang walang inaalala. Noong nakaraang taon pa lang talaga kami nagdesisyon na unti-unti nang kalimutan ng husto ang nangyari sa nakaraan.

“Ayos lang, Leil, kung gusto mong magsimula na ulit, okay? Don’t deprive yourself of happiness. You are a woman now so if you feel romantically inclined with someone, don’t ever stop yourself-”
“Ma’am, wala naman po. Kaibigan lang ang tingin ko kay Prince, iyon lang ‘yon.”
“Hay, anak! Kung ganoon nga, sana ganoon lang din ang tingin niya sa’yo.”
“Ganoon lang din naman po siguro,” sabi ko kahit naalala ulit ang nangyari kanina.

Sana nga tama ako. Dahil kung hindi, hindi ko na kayang suklian iyon.

Ilang beses ko nang naisip iyon pero lagi kong kinukumbinsi ang sarili ko na imposible iyon. Prince is rich. He has many girl friends and that’s more realistic than him liking someone inferior.

Parang iyong kay… Raoul lang din. I can’t imagine him liking me that way.

“Nakakainis, ha!” paunang sinabi ni Cresia sa akin.

Hindi pa ako nakakarating sa school, naroon na siya sa parking lot. Nang nakita ang sasakyan, sinundan niya na ito para masalubong ako ng kanyang mga sasabihin.

Lumabas ako sa backseat. Tiningnan ko ang bagong driver na si Manong Roy. He nodded at me. Sumungaw si Cresia sa loob ng sasakyan para kumpirmahin ang presensya ng bagong driver.

“Pinaasa mo akong noong Saturday! I really thought you’ll come with us!”
“Sorry, Cres,” sabi ko.

Sinarado ni Cresia ang pintuan ng sasakyan at nagsimula na kami sa paglalakad. Nilingon ko ang malawak na field ng aming school. Iilan ang pinagsamantalahan ang panahon at naglaro ng soccer doon. The red and pointed roof of the school’s church somewhere in the far middle of the field made me feel at peace.

“Kakausapin ka ni Rem mamaya. Nalungkot din iyon, e.”

I don’t know why I feel more at home here in school than back in our home. I just feel more “myself” here than anywhere else.

Dumiretso na kami sa aming klase. Papasok, pinagtitinginan na agad kami. Even with our usual school uniforms, Cresia likes to express her love for fashion through her accessories, bags, and shoes. Lagi iyong agaw pansin. Minsan, sa mga hindi nakakakilala, akala’y Lopez din ako o ‘di kaya’y totoong anak ng mga Ledesma. Hindi nila alam na hindi naman ako related sa dalawang pamilya.

“Thank you,” I said when a classmate gave me a hand out.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ang lalaki at nag-iwas ng tingin, namumula.

Pagkatapos ng dalawang klase, nagpunta na kami sa sunod na classroom kung saan malapit sa pinsan ni Cresia na si Rem. Lumabas ito nang palapit na kami sa kanila.

“Hindi ka pinayagan noong Sabado?” Rem asked.

Tumigil ako, hindi muna kami pumasok. Niyakap ko ang aklat na dala at umiling na.

“Hindi, e.”
“Nino? Ni Tita Sally at Tito Ton or ni Prince?” he asked blocking my view a bit.

Lumapit siya at nilagay ang kanang braso sa dingding ng classroom namin. Cresia is busy talking to more boys around us.

“Si Prince,” sagot ko.
“Tsss. Why does he have a power over you. Kayo ba?”
“Hindi naman pero nirerespeto ko ang mga desisyon nila ni Prim. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.”
“Even so! That’s not how it should work. He’s not your boyfriend!” seryosong sinabi ni Rem.

Pagkalipas ng ilang sandali, pumasok na kami sa aming mga classroom. It’s a hectic day. Marami ang ginawa dahil malapit na ang Christmas break. Naghahanda na rin kami para sa exams kahit pa sa susunod na buwan pa naman iyon.

Susunod na buwan. I sighed. I can’t help but remember many things when the year starts. I will probably never forget it while I live.

Mabilis ang lunch namin ni Cresia. Natagalan kasi kami kaya hindi naayos ang oras. Bumili lang kami ng pwedeng madala sa sunod na klase at muling pumasok.

“Grabe! Napaka hectic ngayon. Lalo na bukas!” Cresia exclaimed.

All of our subjects and classes are the same. Lagi iyon, simula pa noong Freshmen kami. Hindi ko alam kung may minamanipula ba siya para magkasama kami o ano. But I like it, though. I realized I don’t want to have many friends. I just want to have one that’s true. Gaano man karami ang kaibigan naming dalawa bukod sa isa’t-isa, siya lang parin ang talagang pinagkakatiwalaan ko.

“Magyayaya sana ako sa’yo ngayon kaso kailangan mo pang gumawa ng assignment natin!” she said dramatically.

My eyes narrowed at that. Ganito siya lagi. Ako ang pinapagawa ng assignments naming dalawa. May alam naman siya pero tamad lang.

I want to suggest that we should just go out in a coffee shop or dessert shop to do it. Lalo na’t maaga pa naman natapos lahat ng klase namin. Pero alam ko na ang mangyayari. Manonood lang ito ng mga tao sa mga coffee shop, maghahanap ng gwapo. In the end, I won’t finish the assignment. Sa bahay na. Kaya wala ring mangyayari.

“Umuwi na lang tayo!” sabi ko.
“Mabuti pa nga!”

Naglalakad na rin kami pabalik sa parking lot. I took my phone out to text the new driver. Hindi niya nga pala alam ang schedule ko kaya sigurado akong wala pa siya sa parking.

Nakita ko kasing naroon na ang sundo niya. She kissed my cheek and waved. I waved back and smiled at her. Tumabi ako para makadaan ang kanyang sasakyan. Pumasok na siya roon at mabilis namang umandar ito.

Ganito palagi. Ilang metro lang din naman, doon na ang space ng sasakyan namin. Hinintay kong tuluyang mawala ang sasakyan nina Cresia bago ako tumulak sa kung saan ako binaba ni Manong kanina.

Ako:
Manong, tapos na po ako. Asan ka na po?”

Halos mabitiwan ko ang cellphone ko nang pagkaangat ng tingin ay may isang itim na SUV ulit akong nakita. Leaning on the shotgun’s door is a familiar frame. His sharp eyes were directed on me. Tumuwid agad siya sa pagkakatayo at binuksan na ang pintuang hiniligan kanina.

Kumabog ang puso ko. I don’t understand. Why is he here again? My father did not contact me anymore.

A gray t-shirt and dark pants, paired with black boots. Hindi ko mapigilan ang pagpupuri sa kanya kahit na kabadong-kabado at litung-lito na ako.

Without a word, nakuha ko agad ang gusto niyang mangyari. I walked past him slowly. Pumasok ako sa kanyang sasakyan. Tumikhim ako nang nasa loob na. Hindi ko makalma ang sarili ko. Nanginginig ang kamay kong inabot ang seatbelt para ayusin.

Hindi niya sinarado agad ang pintuan. Pinanood niya pa akong nag-ayos ng seatbelt. Nang pumirmi na ako roon. Sinulyapan ko siya.

“Don’t worry. I just want an hour,” he said.

Tumango ako at lumunok. Marahan niyang sinarado ang pintuan bago umikot para pumasok na rin sa driver’s seat. I checked my phone again for the driver but he did not reply.

Pagkaandar ng sasakyan ni Raoul, naiwan ang mga mata ko sa parking lot para tingnan kong naroon ba ang driver. Wala si Prince ngayon pero kung gabihin ulit ako at malaman niya, baka masisante ulit ang driver!

“H-Hindi ako pwedeng gabihin,” sabi ko at nilingon si Raoul.
He nodded.

Hindi parin ako kuntento sa pagtango niya kaya dinagdagan ko pa.

“Marami akong assignments. Kailangan kong umuwi ng maaga.”

Pagilid na sumulyap ang mga mata niya sa akin pero agad ding binalik iyon sa kalsada. Tanging ang kanang kamay lang ang nakahawak sa manibela. Lalo na nang nasa gate na kami at may kung anong interaksyon siya sa security guard ng school.

My imagination grew wild. Saan niya ako dadalhin? Eto na ba iyong pupunta na kami sa Costa Leona? Nagdesisyon na ba siya na iuwi na ako? Na may kasalanan ako? But he assured me it’s going to be just an hour!

Inalis ko sa isipan ko iyon. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama!

Pero hindi ko yata maiiwasan iyon. Lalo na ngayong tinititigan ko si Raoul at nararamdaman ko ang matinding galit niya. Ni hindi ko na inisip kung saan niya ako dinadala.

“Uh, hindi na ulit nagtext o tumawag si Papa,” sabi ko nang naalala na iyon nga pala ang pakay niya.
“Let’s talk about that later,” he said.

Later? Tumingin ako sa daanan at nakita isang magandang hotel sa syudad. The beige and brown hotel is standing peacefully near a popular landmark.

Napalunok ako. Anong gagawin namin dito? Parang sasabog ang puso ko. Supressed feelings resurfaced and I can’t handle the noise inside my head.

Sumulyap siya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang kaba ko. Nanlamig ang mukha ko.

“We’ll just eat,” he said.
“Oh!” Mabilis akong tumango.

Bumaba ang tingin niya sa aking suot. Napakurap-kurap ako at napatingin na rin sa sarili. I’m wearing my usual uniform. The blouse and the skirt. Kinagat ko ang labi ko.

Tumigil ang sasakyan niya sa harap ng isang valet parking. May inabot siya sa backseat pagkatapos ay inilahad niya sa akin. It’s a black trench coat.

“Wear that over your uniform,” he commanded.

Tumango agad ako. Kinuha ko iyon at inilagay sa kandungan. Sinikop ko ang buhok ko at itinabi sa kaliwang balikat. Kakain kami sa hotel na ito? That’s why he wants me to wear a coat because it should be formal?

Muntik na akong mapasobra sa pag-iisip. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko at mas naisip ko pa na baka nariyan ang ibang mga Riego at diyan na rin ako huhulihin?

Pero bakit kailangan naka coat pa? Kailangan pormal?

Inayos ko ang coat. Pagkatapos ay nilingon ko na si Raoul. He’s looking at me intently. Mukhang kanina pa. Hinihintay lang akong matapos.

“Uh…”

Binaba ko ang tingin ko sa mga malalaking butones sa harap ng coat at inayos ko na iyon. Pag-angat ko ulit ng tingin sa kanya ay nag-iwas na siya ng tingin.

“Let’s go,” he said.

I nodded. Lumabas kami ng sasakyan pagkatapos noon. Umikot ako, hinintay niya ako bago kami sabay na naglakad papasok sa hotel.

Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ang sarili sa salamin. I suddenly regret not wearing heels. He is very tall. Hanggang balikat lang yata ang mga mata ko sa kanya. Maybe if I wear heels, I’d look more… bakit ba ito ang iniisip ko?

What if he’ll lead me to a table where the Riegos are?

Diretso ang lakad namin patungo roon sa elevator. Kabado ako. Lalo na nang pumasok kami.

Tiningnan ko ang sapatos kong suot. I look hideous beside him. My long hair wasn’t even combed properly. Inayos ko iyon gamit ang aking mga daliri. Hindi masyadong kita ang freckles ko pero dapat ay nakapagpowder man lang ako. Huling powder ko kasi ay kaninang lunch pa. I licked my lips. Nagsisi na naman ako na hindi ko nilagyan ng kahit ano ang aking labi.

Alam kong hindi iyon kasing advance ng kay Cresia na may mga pangalan na talaga. Kapag lang nakakapagsuot ako ng ganoon, pakiramdam ko mas maayos akong tingnan.

“You should wear the lipstick I gave you! Iyong Nars? But you know, I like Diors so much! ‘Tsaka na kita bibigyan ng ganoon kapag nakita kong ginamit mo talaga ang mga binigay ko!” naririnig ko si Cresia sa aking utak.

Hindi ko kasi talaga ginagamit ang make up na binibigay niya. I’m content with the “drugstore” make up she’s telling me. I’m content with Lipice. Pero ngayon, ni Lipice wala ang suot!

Lumabas kami ng elevator at dumaan na sa isang restaurant. Kokonti ang tao roon. Kung mayroon man, iilang foreigner at matatanda. Akala ko, naghahanap si Raoul ng lamesa sa pinakamalayo. Laking gulat ko nang iginiya kami sa isang pintuan.

Ang salaming mga bintana ay natatabunan ng blinds. Malaki ang looban, karpetado ang sahig, pero ang pangdalawahang lamesa ay nasa gitna. Natatangi iyon. Walang iba.

Pagkapasok ko ay bumaling si Raoul sa akin. He pulled a chair out. Gulat pa ako pero hindi ko na napigilan ang pag diretso. Naupo ako roon sa iminuwestra niya. Mabilis din siyang naupo sa aking harap.

A waiter is waiting for an order. May isang babae naman malapit sa pintuan, nakangiti sa amin.

Tumikhim ako. I feel awkward. Ginalaw ko ang mga paa ko sa loob ng aking sapatos. Dapat talaga hindi ganito ang suot ko. Bakit ba kasi nandito kami?

“Do you have anything you want to eat?” he asked.

Napatingin ako sa menu. Gaya ng ginagawa ko sa mga Ledesma, ang presyo ang unang tinitingnan ko. Lahat ng naroon, mahal. May pera ako pero ayaw kong gumastos ng ganoong halaga.

“T-tubig na lang,” sagot ko.

Nagtagal ang matalim na tingin ni Raoul sa akin. Iniwas ko naman ang mga mata ko sa kanya. May sinabi siya sa waiter. Tumango ito at ngumiti na rin sa akin bago umalis. Sumama ang babaeng bantay sa pintuan sa pag-alis.

Napatingin ako sa lamesa na kumpleto sa kubyertos. Nakita kong may isang baso ng tubig na pala roon. Iyon pa ang inorder ko! Nakakahiya!

“Uh…” nangapa ako ng pwedeng sabihin pero isa lang talaga ang tingin kong may pakinabang sa kanya. “Walang text o tawag galing kay Papa.”
He nodded slowly.

Nagkatinginan kami. The intensity of his dark mysterious eyes is too much to handle. I really can’t make the eye contact last.

“Uh, bathroom lang ako…” I said awkwardly.

I did not wait for his approval. He shifted on his seat. Tumayo na ako at halos kumaripas sa bathroom. Pagkarating doon, mabilis kong kinalkal ang bag ko para sa suklay.

Hindi na kasing haba ang buhok ko dati pero mahaba parin iyon. The loose curls need to be tamed every now and then. Kumuha rin ako ng pressed powder na madalas kong gamit at inayos na ang mukha. Kinuha ko ang Lipice. Two swipes and I’m done.

Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko, nagwawala na ang puso ko ngayong nakapag-ayos na ako! Sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Parang nayayanig ang katawan ko.

I inhaled and exhaled properly. Hindi ko parin maayos ang paghinga pero hindi ako pwedeng matagalan sa loob ng bathroom kaya lumabas na ako.

Pagkalabas ko, para parin akong mahihimatay. Lalo na nang nakita ko ang likod niya. Nilalapag ang iilang appetizer sa lamesa. Nang nakita ako ng waiter, mabilis bigla ang paglalagay niya. Mabilis din itong umalis bago pa ako nakaupo.

Hindi ako agad tumingin kay Raoul. Lalo na nang napansin ko ang titig niya sa akin. I glanced at him and saw the way his jaw clenched. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

“W-Wala namang kung anong… impormasyon kay Papa,” ulit ko.

Uminom siya ng tubig. ‘Tsaka lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanya kapag hindi siya nakatingin.

Nang ibinalik niya na ulit ang tingin niya sa akin, sinubukan kong suklian iyon kahit na halos sumabog na ang dibdib ko sa nagwawala kong puso.

“Are you willing to cooperate if there’s a need to?” he drawled lazily.
Tumango lamang ako.

It’s my father he’s talking about. Mahal ko si Papa. Kung pwede lang, pinigilan ko na siya noon pa. His actions caused all of these. If the way for other people to find justice is through this, then I will help even though it will hurt me so much eventually. Naniniwala rin kasi ako na matatahimik lamang ang isipan ni Papa kapag inamin at pagbayaran niya ang kanyang kasalanan. Alam kong alam niya na mali ang kanyang ginawa.

“Kasalukuyang pinaghahanap ang Papa mo ngayon sa Negros. Do you know anyone who’s probably helping him?” he asked.
Umiling ako, bigo dahil walang maibibigay na impormasyon.
“Maybe he’s alone. Mas mahirap nga namang hanapin kapag walang taong tumutulong…” nakatitig siya sa akin na parang may pinapahiwatig.

Kumunot ang noo ko. Naalala ang sariling pagtakas sa Costa Leona. Ma’am Avila and Lola Brosing helped me. Mas madaling hanapin, kung ganoon, kapag may tumutulong? Gaya ko?

“Paano mo ako nahanap?” biglaan kong tanong.
“You weren’t exactly hiding,” sagot niya.

Ngumuso ako. I want to open what happened years ago but I’m too scared. I’m not prepared for the emotional roller coaster I’ll feel.

“Let’s eat…” aniya nang natahimik na kaming dalawa.

Tumango ako at nagsimula na sa soup. Madalas akong sumusulyap sa kanya. Hindi ko kasi maiwasan. Hindi ako gutom. Hindi ko nga lang alam dahil ba busog ako o dahil kinakabahan.

So we’re here to talk about my father’s whereabouts. Paano iyon, wala naman akong maibibigay na impormasyon? Nakakahiya. Walang kwenta. And he went all through these, bought expensive food, just for the zero information that I have?

Maybe he has a plan? May pakinabang ba ako sa plano niya? Anong gagawin ko? Maybe use me as a bait or something?

Tinitigan niyang muli ako. His eyes drifted on my body. Nawala agad ako sa linya ng iniisip.

“Anong araw ba ang hindi ka nakauniporme?” he asked.
Nataranta agad ako sa tanong. “F-Friday.”
He nodded again. He licked his lower lip. Nilapag niya ang kubyertos, tapos na sa pagkain.

Pumasok ulit ang waiter at naglagay ng sunod na pagkain. Everything looks very expensive. Naisip ko tuloy na mukhang mauubos ang perang ipon ko nito mamaya kapag magbabayad na. Hindi bale na nga. Ayos lang. Busog naman ako… at… hmmm…

May naalala akong bigla. I took my phone out to see if the driver replied to my text! Mag iisang oras ko nang kasama si Raoul, ah! Sabi niya isang oras lang kami? Pero hindi pa kami tapos kumain! Pwede pa siguro basta hindi pa gabi, ‘di ba?

“I’ll drive you back to your school, later…” anito nang napansin ang biglaan kong pagkakataranta.
“Sige. Hindi pa kasi nagrereply ang driver. Kanina ko pa tinext. Hindi ako pwedeng m-magpagabi. May mga assignment ako.”

His lips twisted in a familiar way. But his eyes were dark and mysterious. I forgot if his eyes were really like that or they are just more intense after four years.

“What are your assignments? Maybe I can help,” he said.
Uminit ang pisngi ko. “K-Kaya ko namang gawin. ‘Tsaka… tungkol sa… business ‘yon. Hindi… Engineering.”

What? Talaga bang sinabi ko iyon? Bakit ko alam na engineering siya, kung ganoon? Well, it’s common knowledge back in Costa Leona! Not a big deal, right?

“I know things about business,” aniya.

Oo? Dahil nagnenegosyo siya, hindi ba? Pero nakakahiya. Baka isipin niya na wala akong alam kahit na nag-aaral naman ako.

“K-Kaya ko naman…” ulit ko.
“Sabihin mo lang kung nahihirapan ka,” he said. “We can meet… for that.” Nag-iwas siya ng tingin doon.

Napaawang ang labi ko. Tumitig ako sa pagkain. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano pa paamuhin ito.

Marami akong tanong. Hindi ko maisatinig. Marami akong gustong itanong, pero mas gusto kong ipagpatuloy ang pag-uusap namin.

“B-Bakit… hindi ka ba uuwi… sa Costa Leona. O Maynila?”

Nagkatitigan kami. His eyes were grew more intense and mysterious. Kinabahan ako. Pakiramdam ko, napasobra ako sa pagtatanong. Pakiramdam ko, masyado akong nahumaling sa mga alaala. Masyado kong naramdaman na parang dati lang ang lahat.

Simple. Iyong walang pumapagitnang problema at tensyon sa aming dalawa. When the truth is, it’s different now. We can’t be this light to each other when things around us are messy.

“Sorry,” agap ko. “Hindi ko na dapat tinanong pa iyon.”
“Dadalas ako rito…” agap niya.

Nagpatuloy siya sa pagkain. Tinitigan ko siya. Ilang sandali ay tumango lamang ako. Dadalas siya rito dahil kailangan niya ng impormasyon para kay Papa. Dadalas siya dahil nandito ako. I will be his only source of information for my father.

Mariin kong hinawakan ang aking mga kubyertos. Hindi ko alam bakit sumisikip ang dibdib ko pagkatapos kong maisip iyon. Pinilit kong makabawi. Hindi dapat ganito, Leil. Kinagat ko ang labi ko. I drowned the pain with the food. It’s not enough but that’s the only thing that can help me mask it.

“Paano kung hindi na ulit ako tawagan ni Papa?” tanong ko habang nakatingin lang sa aking pagkain. The hope in my voice was very shameful.

Hindi man ako nakatingin, kita ko sa peripheral vision ko ang pag-inom niya ng tubig.

Binalot kami ng katahimikan. Nanuyo ang lalamunan ko. I figured he’ll never answer my question. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganoon?

“I’ll stay here,” he said.

Ayaw ko nang magtanong pa ng dagdag. We finished our food till the dessert with only silence. Ayos lang. Hindi ko na kayang magtanong pa. Pakiramdam ko, ganoon din ang nararamdaman niya.

I’m scared to ask him more questions.

Hinatid niya ako pabalik sa eskwelahan. Dalawang oras ang pagkain namin. Papalubog na ang araw. I should worry for my new driver but I’ve decided to worry after all of these. Mabilis na lumabas si Raoul sa sasakyan pagkapark. Nagtatanggal pa lang ako ng seatbelts ay umiikot na siya patungo sa akin.

He opened the door for me. The setting sun reflected on the school’s field behind him made him look like art. Not like he’s not an art himself.

I made short and fast exhales. He opened the door widely for me. Nilapag ko naman ang bag ko sa front seat para maayos na matanggal ang mga butones ng kanyang coat. Sumulyap muna ako sa kanya sa harap ko. I can’t see his dark eyes. Yumuko ako at dahan-dahang hinubad ang coat.

Inayos ko iyon bago nilapag sa front seat. Kinuha ko ang bag ko at bumaling na sa kanya.

“Thank you.”
“You’re welcome.”

Tumango ako. Sa gilid ng aking mga mata nakakita ako ng imahe. Pagkalingon ko, ilang metro ang layo sa amin ay si Manong Roy at ang sasakyan ko. My eyes widened a bit with shock. Pero nakabawi rin ako agad.

“I’ll be here again tomorrow,” Raoul said.

Gulat naman akong napabaling sa kanya.

“Matagal akong matapos bukas,” sabi ko. “Hindi ako pwedeng gabihin.”
“We won’t stay together that long, then.”

I don’t know why I feel so hurt. Pumikit ako ng mariin, pinipigilan ang mga luha. What is my problem? Why am I feeling this way?

Tumango ako kahit na nahihirapan. Hindi ko na siya tiningnan pabalik. Pakiramdam ko, kapag nagkatinginan ulit kami, tutulo na ang mga luha ko.

And when I got inside our car, that’s when my tears came falling down. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito lang katindi ang nararamdaman ko sa kanya.

I thought the years we spent apart will lessen whatever I felt for him years ago! Akala ko, wala na… o kahit hindi naman ganoon katindi na. Pero bakit ganito parin? Bakit humigit pa yata?

My hero complex for him is gone. Right now, when I think about his scene kissing a girl, my heart will totally break apart. I feel so hurt. I feel so mad at him. I feel jealous of his girl. Kung noon, masaya ako kapag ikakasal siya, ngayon hindi na. Nakakahiyang aminin pero wala ako sa kasal niya, at hinding hindi ko iisipin man lang iyon. I won’t smile a bit. Or pretend that I will be happy.

I feel more for him now. Intensely. Fiercely. I feel so much more. I don’t know what to do with it. My heart is going to burst for it.

“Kuya, sorry. Sabihin m-mo na lang p-po kay Prince… kung m-magtanong na kasalanan ko. Na sumama ako sa iba kaya tayo natagalan…” I said crying so hard.

Sumulyap lamang ang driver sa akin gamit ang salamin. Pauwi na kami. Madilim na.

“Ayos na, Ma’am. Huwag mo nang alalahanin ‘yon,” he said like he knows the Ledesmas.

Hindi ko na dinugtungan. I’m crying so much that I’m not capable for words anymore.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.