Sands of Time – Kabanata 20

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 20

Kabanata 20
Communicate

My father loved Felicia Riego. My mother loved Hades Riego. Hindi ko na dapat pinagtakhan pa ang pagkakagusto ko sa isang Riego.

My father’s way to get her love was very cruel and inhumane. Hindi ko makakalimutan iyon at ang galit na naramdaman ko, unang beses kong nalaman iyon.

Umikot si Raoul sa sasakyan para makapasok na sa driver’s seat. Inayos ko naman ang seatbelts ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari, kahit pa inasahan ko na ito. I expected this to happen, in worst ways. Pwedeng may kukuhang bigla sa akin, pwede ring patayin ako. Gaano man ka bait ang mga Riego, I understand the raw rage they’re feeling with Hades dead and Felicia violated that way.

Pumasok si Raoul sa sasakyan. Nasulyapan ko sa likod ang pagdating ng susundong sasakyan sa akin. Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba kay Kuya na huwag na akong hintayin o mas maiging mawala na lang ako na parang bula.

Raoul stepped on the gas. Pagkaalis sa lugar ng mall ay mabilis agad ang patakbo niya. Iniliko niya ang sasakyan sa kaliwa, hindi na ako nagtaka kung saan niya ako dadalhin.

Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Pilit kong inisip na ito naman talaga ang kapalaran ko. I don’t want this but I know this will eventually come.

Dire-diretso ang pagdadrive niya, natitigil lamang sa mumunting traffic. Tahimik lang din siya kahit pa ilang minuto na ang nagdaan.

Malayo ang Costa Leona rito. Magiging mahaba ang byaheng ito. Pagkarating ko roon, kung hahawakan ng mga Riego ang batas, baka patayin na nga ako. Kung hindi naman, papahirapan gaya ng narinig ko galing sa mga tauhan nila.

Yumuko at nakita ang diin ng pagkakahawak ko sa aking bag sa kandungan. We have not seen each other for years. I was hurt. But I know he’s gone through so much pain as well.

The ripples of pain create neverending waves. Kung mananakit ako dahil nasaktan ako sa puntong ito, mas maraming masasaktan ulit. In my most private daydreams, I dream about meeting him again. Iyon nga lang, hindi ko na magawang managinip na nagkikita kami sa magandang sirkumstansya. Lagi iyong komprontasyon at panunumbat. But I know exactly what to do when I see him. I memorized it all everyday for four years.

“Alam kong…” tanging ang boses ko lang ang narinig bukod pa sa ingay ng bilis ng sasakyan.

He drove past the road leading to the subdivision of the Ledesmas. Hindi ko na nilingon pa iyon. I have no regrets. I lived my life with them in a very kind way. Bilang pasasalamat iyon sa lahat ng kabaitan at tulong nila sa akin.

“… galit ka sa akin dahil sa ginawa ni Papa…” patuloy ko.

He gripped so hard on the steering wheel that his veins protruded more. Alam ko, Raj, you are still in pain. I am in pain for you. Hindi ko man nakasalamuha ang Papa mo, alam kong mabait siyang tao. Hinahangaan mo nga, ‘di ba? And then my father took his life away from you. Hindi lang iyon, your mother is in pain, too, right?

“Gusto ko lang malaman mo na wala akong kinalaman doon. Hindi ko sila inutusan na gawin iyon sa pamilya mo. Alam kong mahirap paniwalaan pero gusto ko l-lang na masabi iyan… habang tayong dalawa pa lang ngayon. Kung may maitutulong ako para makuha ninyo ang hustisya, gagawin ko,” nanginginig ang boses ko.

Nilingon ko siya. Mainit ang tingin niya sa daanan. Hindi nawawala ang galit at poot sa kanyang mga mata.

I want to make sure that I say everything right. I shouldn’t have any regrets.

Kahit paano, nakita ko ang mundo. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Naging normal ang pamumuhay ko. If that’s the end of everything for me, then I would gladly accept it. I lived a life with no regrets.

“Hindi ako tatakbo. Hindi rin ako m-magrereklamo. Sa kung ano man ang gusto ninyong gawin sa akin, sana maibsan ang sakit na nararamdaman ninyo. Sana mas malapit kayo sa hustisya-”

Natigil ako sa sobrang gulat. Halos matapon ang katawan ko sa biglaang pagtigil ng sasakyan niya. Naitabi niya ito ng maayos pero ang kaba ko ay abot langit.

Palabas na kami ng syudad. Malapad ang kalsadang ito ngunit kaunti lamang ang dumadaan kasi bagong gawa. The fields of green pastures is the view on both the left and the right side. Ang matalim na liwanag ng pababang araw ay nasa tanawin, providing us a yellow light inside his large vehicle.

Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang puso. Sobrang kaba ko ngunit nang nilingon ko si Raoul ay nakahilig lamang siya ng mabuti sa kanyang upuan. Mariing nakapikit ang kanyang mga mata. He gritted his teeth like he’s controlling all the words he wanted to say.

Pati ang buntong-hininga ko ay nanginig sa takot.

“A-Ayos ka lang ba?” napatanong ako, lalo na nang kumunot ang noo niya habang nakapikit ang mga mata.

He sighed heavily. Hindi siya gumalaw. Nanatili siya sa ganoong ayos. He licked his lowerlip. Nagtagal pa iyon. Nang sa wakas ay dumilat siya at gumalaw ay kinuha niya ang kanyang cellphone.

Napabaling ako sa aking mga gamit. Kinuha ko rin ang akin at nakita kong may iilang mensahe roon galing sa driver. Magrereply na sana ako nang bigla akong tinanong ni Raoul.

“Do you communicate with your father?”

Normal na tanong lamang iyon pero para nang tumakbo ang puso ko sa kaba. Nilingon ko siya. His black eyes were still hard and prudent.

“Hindi…”

Mas lalong tumalim ang kanyang tingin. Napakurap-kurap ako. He held out his hand in front of me.

“Give me your phone.”

‘Tsaka ko pa lang naalala ang misteryosong tawag kahapon. Sigurado akong si Papa iyon. Sa boses pa lang. Hindi ko nga lang alam saan niya nakuha ang numero ko.

Kinuha ko ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan ang panginginig ng aking kamay habang inaabot iyon sa kanya. Naabutan ko siyang kunot-noong nanonood sa akin.

Nang natanggap niya iyon ay agad niyang tiningnan. Wala akong passcode kaya diretso lang pagbukas niya roon. Kinabahan ako. Agad kong binawi ang sinabi.

“P-Pero, may tumawag sa akin kahapon… Hindi ko alam kung sino ‘yon pero tingin ko… s-si… Papa ‘yon,” lumiit lalo ang boses ko.

I turned to him. I caught him looking darkly at me before he continued to scan my phone. He browsed on it. May kung ano rin siyang pinindot sa sariling cellphone.

“What did you talk about?”
“Uh… Hindi ko kilala pero nangumusta lang at nagsabing… nasa Negros.”

His sharp eyes remained on me for a few moments. His jaw clenched and he tore his eyes off me. Bumaling siya sa mga hawak. Iilang pindot ang kanyang ginawa bago muling nilahad sa akin ang aking cellphone.

Hindi ko maitago ang gulat. Akala ko kukunin niya na iyon lalo na ngayong inamin ko ang pagtawag ni Papa. Akala ko gagawin niyang ebidensya o ano pero ibinabalik niya sa akin ngayon?

Napaawang ang labi ko. Sa sobrang kaba ko, nanginginig parin ang kamay ko nang tinanggap ko iyon. I gripped on my phone tightly. Sumakit ang palad ko sa sobrang higpit.

“Wala nang iba pang tawag?”
“W-Wala…” bigo kong sinabi.

Naabutan ko ulit siyang madilim na nakatingin sa akin. I shook my head to show him my sincerity. Nag-iwas lamang ang madilim niyang titig at ibinalik na ang cellphone niya sa lalagyanan.

Yumuko ako at tinitigan na lamang ang aking cellphone. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Nanatili kaming ganoon. Kahit pa ngayong halos lubog na ang araw. Alam kong matalim niya akong tinitingnan ngayon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, agad niyang iniiwas ang mga mata sa akin. He’ll cock his head to the other side and check on his phone. Bumalik ulit ako sa pagtingin sa sariling cellphone.

Dumidilim na ang kalsada at unti-unti nang umiilaw ang lamp post ng kahabaan. Pinaandar niya ang sasakyan. Umingay ang makina bilang pag-amba ng pagtakbo. Pumikit ako ng mariin dahil alam ko, ito na ‘yon.

Ang tanging nagpadilat sa akin ay ang pakiramdam ng pagliko pakaliwa ng sasakyan. With wide eyes, I lifted my eyes to the front. Nag-U-turn ang sasakyan ni Raoul. Sa parehong kalsada, ngunit pabalik sa syudad.

Napabaling ako sa kanya. His deep-set eyes remained on the road. Tanging ang ilaw lang ng lamp post ang nagdadala ng liwanag sa kanyang mukha.

Nasindak ako ng husto sa ginawa niya. Baka naman may ibang daanan papuntang Costa Leona? Baka naman…

Nanatili ang pagkamangha ko. Patuloy ang kanyang pagdadrive, hindi ako nililingon.

“H-Hindi ba doon ang daanan patungong Costa Leona?” I asked softly.

He pulled the gear stick. Bumilis pa lalo ang takbo ng kanyang sasakyan papasok sa syudad.

“Wala kang kasalanan,” he said coldly.

Madilim na kaya hindi ko na lubos na kita ang kanyang mga mata. Nanginginig akong tumango. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng puso ko, parang pinipiga. Tahimik na bumuhos ang luha ko.

Pinalis ko ang mga luhang naglandas. I can’t believe it.

Ang paghanga, gulat, at sakit, ay sabay-sabay kong naramdaman. How can he still think justly despite the injustice he suffered from my father. Kahit pa hindi ako ang kriminal, malaki parin ang maitutulong ko sa mga nasaktan. Hurting me will lessen their pain. And some even believe that it was my fault. I’d understand it.

Pero ito? Hindi ko inasahan ito. Hindi ko inasahan na ganoon ang magiging desisyon niya sa huli.

Sobrang lamig ng kamay ko. Kumalma ang mga luha ko ngunit ang puso ko’y nanatiling alerto at kumakabog ng husto. Sa muli kong pag-angat ng tingin ay nakita kong nakabalik na ako sa mataong mall, kung saan niya ako kinuha kanina.

He stopped in front of the same mall door. Swiftly, inabot niya ang abredor ng pintuan at hinila iyon para bumukas na. I know he’s dismissing me.

Hindi ko na siya nilingon. Dumiretso na ako sa pag-alis sa kanyang sasakyan. Naglakad na rin ako palayo. Umandar naman kaagad ang sasakyan niya. Iniwan na ako sa parehong pinagkunan niya sa akin.

“Saan ka galing, Leil? Naku! Kanina pa kita hinahanap. Hindi mo sinasagot ang tawag ko…” sabi ng driver.

Hindi pa ako nakakabawi sa mga nangyari. Wala akong nasabi kundi ang paghingi ng tawad at ang pagpasok na sa sasakyang magsusundo sa akin.

Ginabi kami. Buong byahe, patuloy ang sermon ng driver sa akin. Tinatawagan na raw siya ni Prince. Ganoon din ang cellphone ko, kanina pa, dahilan ng pagkamatay ng baterya bago pa lang ako nakabalik sa mall.

“Pasensya na po talaga…” ulit ko.

Nagpatuloy parin ang driver sa bwelta hanggang sa nakarating na kami sa subdivision. Pinarada ang sasakyan sa garahe ng mga Ledesma. Hindi pa kami nakalalabas ay nakita ko na si Prince na naghihintay doon. He looks angry. Hindi ako kailanman umuwi ng disoras sa sinabi niya kaya ngayon ko lang din nakita ang galit niyang ito.

“Where have you been?” panimula niya sa akin.

Lumabas na rin ang driver sa sasakyan pagkatapos ko.

“Prince, pasensya na. May-”
“Sinasabi ko na nga ba! Kapag talaga si Cresia ang kasama mo, kung anu-ano ang ginagawa ninyo. Did she introduce you again to her boy friends, Leil?”
“No, Prince. Natagalan lang talaga ako… Pasensya na…” habang nagsasalita ako ay bumaling na si Prince sa driver.
“Eh, pasensya na, Sir. Hindi ko siya agad nahanap…” paliwanag ng driver sa likod ko.
“Pumasok ka na, Leil, magbihis ka na para sa dinner.”

Tumango ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob. Ngayon ko lang natanto na pinaghintay ko nga pala sila dahil sa tagal ko. Dumiretso na ako sa kwarto para makaligo at makapagbihis. Naririnig ko na ang ingay sa hardin, kung saan ang kanilang mga kamag-anak.

It’s Primrose and Arthur’s wedding tomorrow. This is their sort of send off party for Prim. Wala si Arthur dahil naroon din siguro sa bahay naman nina Cresia para sa parehong party niya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako. Pinagsabihan agad ako ng kasambahay na dumiretso na sa hardin dahil naroon na si Prince.

Lumabas ako ng bahay. Ang ibang bata ay naliligo sa pool. Their Aunts and Uncles were sitting on the rectangular table. The food was already served and they were all alread eating.

Tumigil si Prince at inilahad ang upuang katabi niya sa akin. Naupo ako at ngumiti na kay Tita Sally at Tito Ton.

“Sorry po, natagalan.”
Ngumiti si Tita Sally at tumango. “It’s fine, hija. Sorry sa medyo mainit na ulo ni Prince.”

Nilingon ko si Prince. Hindi parin ito nagsasalita. Hindi rin tumitingin sa akin. Galit pa yata.

“Buti na lang at nakakuha agad ako ng bagong driver sa parehong agency, Prince. Kung hindi, walang maghahatid kay Leil sa Lunes! Agaran pa naman ang lipad mo pagkatapos ng kasal para sa ibang bansa.”

Isang subo pa lang sa dinner ay natigilan na ako. What does Tito Ton mean by that?

“P-Po?”

Sumulyap ako kay Prince at muling kinumpirma ang sinabi ni Tito Ton. Walang dumugtong lalo na nang nakita nilang palapit si Primrose. She looked so beautiful in her silver dress robe and a champagne on her hand. Ngumisi siya, mukhang naabutan ang usapan.

“Sinisante lang naman ni Prince si Kuya-”
“Shhh… Prim…” saway ni Tita Sally.

Nanatili ang tingin ko kay Prince. Bakit niya ginawa iyon? Walang kasalanan ang driver! Napatingin si Prince sa akin. Tumigil siya sa pagkain at binigyan na ako ng pansin.

“Dapat lang. That’s his only job tapos hindi niya pa magawa ng maayos-”
“Wala siyang kasalanan. Ako iyong nagtagal, Prince. Kawawa naman si Manong!” nag-aalala kong sinabi.
“Don’t worry, Leil. He’s going to be one of the drivers in the hotel. He’s not totally jobless. The same compensation but more stressful…” agap ni Tito Ton para maibsan ang pag-aalala ko pero hindi.

Bumaling ulit ako kay Prince. I cannot believe it. Kasalanan ko pero si Manong ang nagbayad!

“Don’t worry about it, Leil. Next time, huwag ka nang magpa late. Lalo na kapag kasama mo ‘yang si Cresia.”
“Kasalanan ko iyon, Prince.”
“I don’t care. It’s done,” he said and then he continued eating.

Bumuntong-hininga ako at unti-unting nagpatuloy na lang din sa pagkain.

Hindi natanggal sa isipan ko ang nangyari sa araw na iyon. I space out at times. I think I need to tell Ma’am Avila about it. I need to tell Cresia, too. Kahit paano, gumaan ang loob ko ngayong marami na akong mapagsasabihan sa problema ko.

Tiningnan ko si Prince. Tapos na kaming kumain at nagkakatuwaan na ang kanyang pamilya at si Primrose sa harap. Malapit na ang sayawan. Nag hire sila ng quartet para sa sayawan. It’s fun but I’m just really preoccupied.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsabi kay Prince. Sa magkapatid na Ledesma, mas close ako kay Prince. Mas palagi kaming nagkakausap at nagkakasama. Minsan lumalabas kami. Nanonood kami ng sine at binibilhan niya ako ng mga gamit.

Cresia said he’s treating me like his girl. Sabi rin ni Cresia, hindi na nagkaroon ng girlfriend si Prince simula nang dumating ako. He never said anything about our relationship. Hindi niya rin naman ako niligawan kaya ayaw kong maniwala.

“Leil, maraming factors. Pwedeng dahil mayaman siya at ikaw, hindi. Pwede ring iniisip niya na anak ang turing ni Tita Sally at Tito Ton sa’yo. Pwede sa dalawang iyon.”
“Hindi naman siguro,” sabi ko noong iminulat ako ni Cresia sa mga kilos ni Prince.
“Anong hindi? Don’t tell me he treats you like his sister? He doesn’t care much about Primrose! Kita mo ngang nanlalaki pa kahit sila na ng Kuya ko, ‘di ba? Kung pinagbawalan niyang lumapit si Prim sa mga lalaki, maniniwala pa akong kapatid nga ang turing niya sa’yo.”

Hindi na ako nakadugtong. Kahit paano, nakitaan ko ng tama si Cresia. I already have a hint. I just don’t want to believe it yet as longs as Prince won’t ask me about it.

“Bakit ka niya pagbabawalang makipagkaibigan sa mga lalaki? Simple? Selos! Magseselos siya,” sabay irap ni Cresia noon.

Even with that knowledge, I am still not comfortable with telling Prince about my history. Maybe in time… pero ngayon, talagang hindi ko pa magawa.

“Let’s dance,” ani Prince sabay hawak sa kamay ko.

Tumango ako at tumayo na. Marahang pumalakpak ang mga Auntie at Uncle niya. Ganoon din si Primrose na sinasaway ng isa sa mga uncle niya.

Naririnig ko na ang bulungan ng mga kamag-anak ng Ledesma. Ganito kapag may reunion o kahit anong party sa kanila. Lalo na pag nakikita ako sa harap.

“Ang gandang bata talaga nitong anak ni Sol, ‘no?”
“Oo nga, e,” sabay tawa ng iilan. “The problem with the Villegas’ business was really the management…”

Nagpatuloy ang pagbabaliktanaw nila sa naglahong kayamanan ng pamilyang Villegas dito sa Iloilo.

“You’re spacing out again,” sabi ni Prince nang natulala na naman ako habang iniisip ang pinag-uusapan ng mga tao.
Ngumiti ako. “Sorry.”

He sighed. He’s a very handsome man. Nakasuot si Prince ng kulay cream na tuxedo. His messy hair almost covered his eye brows. His brown eyes looked so good with the dim lights of the garden.

Inayos ko ang kamay kong nakapatong sa kanyang balikat. He smiled.

“Ikakasal na talaga si Prim bukas.”
Tumango ako at sinulyapan si Prim na tumatawa ngayon habang ipinapasa sa isang lalaking pinsan.
“I’m happy for her,” I said.
“And she’s twenty two. You should be ready to marry by twenty two.”

Napabaling ako kay Prince. Cresia’s voice echoed in my ears.

“He likes you. He thinks you’re already his girlfriend. The only thing that’s stopping him from kissing you is your naiveity.”

Hilaw akong natawa at umiling. “Hindi ako sigurado. Marami pa akong gustong gawin.”
“Tulad ng ano?” He smirked.
“Uh… Magtrabaho, Prince-”
“You can surely do that in our company. What else?”
“Kapag nakaipon na ng pera, travel?”
“I can pay for your travel money. What else?”

Bumuntong-hininga ako. He laughed at my reaction.

“Ngayon lang ‘yan. Eventually you’ll realize you’re ready,” he said sweetly.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Marahan ang kanyang haplos. Tinitigan ko siya.

“Anong ibig mong sabihin, Prince?” nalilito ko nang tanong.
Umiling siya at kumalma. “Don’t mind it, Leil. We’ll take everything slow-”
“Prince, can I borrow Soleil for just one song?” isang lalaking pinsan ni Prince ang lumapit.

Madalas silang magkaaway ni Prince. Lalo na kapag may salu-salo. Madalas kasi akong kinakausap nito kapag hindi ko katabi si Prince kaya medyo naiirita si Prince.

“Why don’t you dance with Primrose, instead?” mariing sagot ni Prince.
“Why don’t you dance with her? You’re her brother?”
“Tama na. Prince, pagod na ako. Uupo na lang muna ako…” pigil ko.

I’ve seen that scene before. Kapag hindi ito ang sasabihin ko, magkakaaway lang ang dalawa. Iniwan ko na si Prince doon. Nagtitigan ang magpinsan bago naghiwalay.

“Sorry about that…” Prince said nang naupo na sa tabi ko.

Kinausap siya ng kanyang mga kamag-anak tungkol sa negosyo. Hindi na rin nagtagal ang sayawan dahil maaga pa bukas. Kailangan nang maghanda. kahit pa alas dos na naman ang kasal ni Prim at ni Arthur.

Pagod akong humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip. Si Ma’am Avila lang talaga ang nasa isipan ko.

Ako:
Magandang gabi, Ma’am. Gusto ko lang pong ipaalam na nagkita kami ni Raoul Riego rito sa Iloilo.

Bumangon ako para makapaghubad na ng damit. I’m wearing a wholesome black floral printed silky dress and a cream stilletos. Medyo masakit ang paa ko. Hindi ako sanay sa ganoong sapatos. Sa school man, puro flats lang ang gamit ko kahit na gusto na ni Cresia na pagsuotin ako ng may heels. Ayaw niya kasing sobrang tangkad niyang tingnan pag magkasama kami. She’s already tall plus her heels. I’m not very tall and I’m not wearing heels, too.

Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Ma’am. Narinig ko kaagad ang pag-aalala niya. Pareho nga kami ng reaksyon.

“Tapos? Anong nangyari? Kasama mo pa siya, Leil? Sinaktan ka ba niya!?” natataranta niyang tanong.
“Hindi mananakit si Raoul, Luz…” nag-aalinlangan ang boses ni Lola Brosing sa background.
“We don’t know. Napatay ang Papa niya, Mama!” giit ni Ma’am Avila.

I sighed. We really have the same thoughts about it.

“Hindi naman po. Nagtanong lang siya kung nagkakausap ba kami ni Papa.”

Kinwento ko sa kanila ang pagtawag ni Papa kahapon. Our conversation lasted very long. Nag-aalala na sila sa akin. I assured them that I’m fine here.

Kung talagang gusto ni Raoul na ibalik ako sa Costa Leona para hulihin, diniretso niya na ako kanina. Hindi niya na ako binalik dito.

He’s still… very kind and just… just like before. Noong hindi niya pa ako kilala at marami pang nagsasabing aswang o mangkukulam ako. He never judged me.

Minsan, naisip ko… sana naging malupit na lang siya. Sana hindi na lang siya naging mabait. That way, I have reasons to stop adoring him.

That night, I couldn’t sleep thinking about everything. As if the tears I shed earlier that day for recalling the past isn’t enough.

I remember some most specific memories. How it felt the very first time I liked him as a person… and how it changed overtime… and how it is right now.

It’s been four years. Raoul is handsome, kind, and successful. Hindi na malabo na gaya ni Primrose, malapit na rin siguro siyang ikasal sa babaeng napupusuan. Wala akong balita sa parteng iyan sa kanya. Hindi na kami kailanman napadpad sa pag-uusap ni Ma’am Avila sa ganyan.

Pumikit ako ng mariin nang nakita si Primrose na sinusundo ni Arthur sa altar ng simbahan. For some reason, in my head it’s Raoul and another woman. I don’t know why I keep on thinking about this when I shouldn’t.

Iniwas ko ang mukha ko sa bandang altar, parang pisikal na nasasaktan sa naiisip.

“What’s wrong?” Cresia whispered to me.

Nasa loob na kami ng simbahan. It was a very busy day. Photoshoots and wedding rush… all sorts of stuff for it. Ngayon lang ako nakapagrelax pero ito naman agad ang nasa isipan ko.

“Nothing,” sagot ko kay Cresia at dinilat ko ulit ang mga mata.

The theme of the wedding is blush rose gold. Pareho kaming bride’s maid ni Cresia kaya nasa iisang hilera lang kami ng mga upuan.

“Sisigaw ako mamaya ng itigil ang kasal. I don’t get why Kuya Arthur is so inlove with Prim! Nakakainis!” she ranted.

Nagsimula na ang seremonyas. Pinilit kong mag concentrate hanggang sa matapos. Another Photo op after the ceremony and then we’re done.

Sumabay na ako kay Prince patungo sa hotel, kung saan gaganapin ang party pagkatapos ng ceremony. Bago kami bumaba ay may binilin siya sa akin.

“Don’t join the bridal games. I won’t. Okay?” ani Prince.

Pangatlong kasal na ito na napuntahan ko. Kinasal din kasi ang dalawang pinsan ni Prince last year. Pareho ang paalala niya sa akin.

The bridal games during the reception are usually the highlight for those who want fun parties. Noong una, hindi ko alam kung ano iyon. Pero pagkatapos ng unang kasal na napuntahan ko, nalaman ko na iyon ‘yong ipapamana ang bouquet sa isang dalaga. Who ever wins or loses in the games, her price will be the bouquet. Ayon sa kanila, iyon daw ang magiging susunod na bride.

Tumango ako kay Prince at ngumiti. At times I wonder what it feels like to join the crowd of fun girls. Katuwaan lang. Hindi naman ako interesadong manalo. Gusto ko lang masubukan.

“Talaga? Kahit na yayain ka ni Cresia?” he asked and caressed my cheek.
“Oo.”

Pagkalabas namin ng sasakyan, ipinaubaya niya na iyon sa valet. Isang may katandaan at matangkad na lalaki ang lumabas sa driver’s seat ng sasakyan ni Tita Sally at Tito Ton. Lumabas na rin si Cresia sa kanyang sasakyan. Lumapit agad sa amin.

“Leil, this is Manong Roy.”

Nakatingin ang lalaki sa akin. Tantya ko’y nasa late thirties na ito. Hindi ko lang sigurado.

“This is your new driver. Siya ang nag drive sa sasakyan ni Mommy at Daddy ngayon. Manong, this is Leil. I think you know your job, right?”
“Yes, sir!” mabilis na sagot ni Manong Roy.

Kumunot ang noo ko. Cresia elbowed me. Naramdaman ko ang pagkakainip at kuryosidad niya. I elbowed her back to stop her from all the questions until we get inside.

Magkaiba kami ng lamesa ni Prince. Doon siya sa mga pinsan niyang lalaki. Ako naman nasa mga bride’s maids kasama si Cresia. The waiting game for the bride and the groom was a bit long.

Siniko ulit ako ni Cresia pagkaupo namin sa assigned seats.

“Bakit may bago kang driver? Nasisante ang driver mo dati?”

I turned to her. I really don’t know how to tell her about it. Kasasabi ko lang sa kanya ang buong detalye ng pagkatao ko tapos may bago ulit akong pasabog.

“What?” she probed when she noticed my expression.
“May sasabihin ako, Cres…” marahan at halos pabulong kong sinabi.

Nagpipicture-picture ang mga bisita. Nagkukumustahan naman ang iba. The Ledesmas were fine but I’m not that close to their relatives na aabot sa puntang makikipagkumustahan na rin ako. Isa pa, kung may lalapit mang interesado, lalaking pinsan naman ni Prince. Alam ng lahat na ayaw ni Prince ng ganoon.

“Nagkita kami kahapon…”

Kumunot pa lalo ang noo ni Cresia. Her beautiful cheek bones protruded. Kitang-kita ang kamalditahan. Sanay na ako sa kanya.

“Ni?”
“Raoul…” sobrang liit ng boses ko.
She paused. “You’re kidding me?”

Sana nga ay ganoon.

“You just told me the whole story. Then… nagkita kayo?!” napalakas ang boses niya.

I motioned hush. Napatutop siya sa kanyang labi. Namimilog parin ang kanyang mga mata sa gulat.

“Sinaktan ka ba niya? Inaway ka? Bakit nasisante ang driver? Na sisante ba o napatay?”

Umiling ako dahil sa bilis ng mga hula niya. I told her everything in a low voice. She’s both very curious and obsessive about it. Dumating na sa puntong nagtatanong tanong na siya sa mga pinsan niya tungkol sa mga Riego.

I tried to stop her but she reasoned out, nobody will realize it. Mabuti na lang at dumating na ang bagong kasal at nagsimula na ang programme. Akala ko matatahimik siya dahil magsisimula na. Natahimik lang pala siya nang nagdasal.

“He showed up because your father called you. That’s for sure! I mean after four years, bakit ngayon lang? Ngayon ka lang din tinawagan ng Papa mo, ‘di ba?” she whispered.

Napatingin ako kay Cresia. She nodded like she was sure of everything. Tama siya. Iyon nga siguro ang dahilan. Hindi ko nga lang alam paano nalaman. Matagal na nilang pinaghahanap si Papa at maaaring gamit ang mga high tech na gamit, nalaman nila ang interaksyon.

“Tama ka…” sabi ko.

She smiled wickedly bago ipinakita sa akin ang kanyang cellphone. Muntik ko nang mabitiwan iyon. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad at patalikod na binaba sa lamesa. Uminit ang pisngi ko.

She smiled wider. She clasped her hands, tila nagdadasal sa akin.

He searched Raoul Riego’s picture on the internet! Talaga naman, Cresia! Biglaan akong kinabahan sa ginawa niya. Napabaling tuloy ako sa mga katabi namin. Kaming dalawa lang ang magalaw dahil lahat sila’y tahimik na nakikinig sa mga messages ng mga magulang.

“He’s so handsome, Leil! My gosh! I researched about him last night. Akala ko kasi siya ‘yong Prince Charming ko, ‘di ba? Hindi naman pero gosh! He’s very hot and handsome!”
“Cres…” sabay tago ko sa cellphone ni Cresia.

She snatched it on my hand. Tumili siya nang nabitiwan niya iyon at bumagsak sa sahig. Napatili na rin ako sa takot.

Napatingin ang mga guests sa aming dalawa. Kunot-noo namang sumungaw si Prince sa amin. Umiling ako at tumuwid sa pagkakaupo. Pinulot ni Cresia ang cellphone niya at nginitian lang ang lahat ng naistorbo sa tilian namin.

The speech continued like nothing happened. Daddy niya ang nagsasalita at talagang walang makakapalag kapag si Cresia na ang nagkamali o anuman. Napabuntong hininga ako. Matalim kong binalingan ang kaibigan.

My phone beeped. Kakakalma ko lang sa ginawa ni Cresia nang nakita ko ang isang mensahe galing sa hindi kilalang numero. Kabado, tiningnan ko iyon. Iniisip kong baka si Papa ulit. Wala masyadong hindi nagtitext sa aking hindi ko kilala.

Unknown Number:
Tell me when your father tries to communicate with you again.

Natulala ako sa habang dinudungaw ang cellphone ko. Ni hindi ko namalayan na nakatingin din si Cresia roon.

“Oh my gosh! Oh my gosh!” she fanned herself.

Sasawayin ko sana pero sa bilis ng pindot niya sa cellphone kong walang passcode, naunahan niya na ako.

Ako:
Who’s this?

Cresia typed that reply. Kahit pa sinubukan kong alisin iyon, nakita kong nasend na iyon!

“Cresia!” saway ko sa kaibigan.

She smiled wickedly and nodded again.

“Hindi ba gusto mong makamtan nila ang justice. This is your chance to help, Leil…” ayon sa kanya na tila may tamang rason kahit na alam kong iba naman talaga ang pakay niya.

My phone beeped again. Binasa ko ang mensahe nang hindi ipinapakita kay Cresia. She didn’t mind. Imbes ay ngumisi lang siya, ang ngising madalas kong nakikita kapag may binabalak.

Unknown number:
Raj

Natulala ako saglit. My heart is beating irrationally loud. Raj. I typed in my reply.

Ako:
Ok. Ititext kita.

“You think he knows my Prince Charming?” Cresia started her litany of questions again.

Uminom siya ng champagne.

“I really think he hired that man or something. That was our first month sa school. Iyon din ang unang labas mo sa mga Ledesma. Posibleng pinahanap ka niya ilang taon na ang nakalipas…” patuloy niya kahit na walang pumapasok sa utak ko dahil sa huling reply ko.

I don’t get how she thinks that her Prince Charming is connected with Raoul.

“Or maybe, it’s another Riego? What do you think?” she whispered. “Isang gabi lang kasama si Prince Charming, Leil, ayos na ako. I’ll be forever content by then,” she whispered more lewd plans with her Prince Charming on my ears.

Sinapo ko na lang ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako imbes na malito at mataranta.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.