Sands of Time – Kabanata 2

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 2

Kabanata 2
Fate

Sinundan lamang iyon ng iilang pagkakasalubong at paninilip ko sa kagubatan. Ilang araw din silang nagkatuwaan ng mga kaibigan niya sa kamalig. Nagtatago sa malalaking ugat kasama ang batang kambing, wala nang nakakita sa akin sa nagdaan pang mga araw.

I was twelve years old when some of my classmates started being friendly with me. Bukod kasi sa palagi nila akong nakikitang nakakausap si Ma’am Avila, natutulungan ko rin ang mga kaklase ko sa ibang subject na mahina sila.

“Huwag mong lalapitan ‘yan! Sabi ng Mama ko, mangkukulam ‘yan!” sabi ng mga kaklase sa mga lumalapit sa akin.

Minsan, kontento na ako sa paminsan-minsang pagbati at pamamansin para sa mga takdang-aralin.

“Leil, nakasagot ka na ba sa isang slam book?” tanong ng isang babaeng kaklase.

Umiling ako. Nakita ko ang pag-iiba ng kulay ng kanyang pisngi sa paglahad niya sa isang makulay na notebook.

“Ayos lang ba kung pasagutin kita rito?”

Ngumiti ako at tinanggap na ang kanyang slam book. Naupo siya sa harap ko at pinanood ang pagsagot ko sa iilang tanong na handog ng slam book na iyon. Ang ibang kaklase namin ay inaasar at sinasaway na siya dahil sa pakikihalubilo sa akin. But then they are all too scared to voice it out in front of me because I might curse them or whatever.

Para maiwasan iyong iniisip nila, pinipilit kong ngumiti. Ayaw kong nagagalit ako dahil mas lalo silang natatakot sa akin.

“Crush mo si Raoul Riego?!” sa gulat ng kaklase sa nakita niyang sinagot ko ay narinig din ng iba iyon.

Kilala sila. Iilan sa mga kaklase ko’y kung hindi man crush din si Raoul, gusto at pinapangarap naman ng nakatatandang kapatid nila.

“Naku! Nangangarap pa kayo, e, hindi iyon namamansin ng mahihirap na gaya n’yo. Lalo na syempre, mga taga bundok na aswang!” pasaring ng isa sa pinakasikat na sa aming batch.

She’s known for being pretty. Her hair is very straight, may make up na ring kaonti sa mukha, at maiksi pa ang skirt. I often look at her group and kind of admire their lives.

“Bakit, Vera, magkaibigan ba kayo?” sarkastikong sagot ng isa pang kaklaseng nakikinig.
“Hindi, pero kaibigan ni Ate ang girlfriend niya kaya alam ko.”

Bumagsak ang mga mata ko sa slam book kung saan sinulat ko ang pangalan ni Raoul. Hindi ba pwedeng humanga man lang? Kailangan bang magpaalam muna bago mo gustuhin ang isang tao? Hindi naman yata. Besides, I know this will be all there is to it. Hindi na hihigit pa o ano man. Our worlds are so far apart, I don’t think it will ever meet.

Tuwing Biyernes, sa unang period namin, pinapapunta ang isang “katekista” para maghatid ng aral sa amin tungkol sa pangunahing relihiyon ng bayan. Ang ibang hindi kaparehong relihiyon ay hindi naman pinipilit na makisama sa usapan. We are only requested to stay and respect whatever the discussion will be.

Hindi ko nga lang maiwasan ang makisali lalo na sa mga pa-quiz doon. Sa dami ng nababasa sa mga libro, minsan ay nagugulat ako dahil kaya kong sagutin ang mga tanong na iyon.

“Hija, ikaw lang ang nakakuha ng pinakamataas at perpektong marka sa walong klase sa grade mo,” banayad na sinabi ng matandang katekista.

Iilan ang pumalakpak pero may bulong-bulungan akong narinig. Ngumiti ako sa balita pero napawi rin agad.

“Syempre alam niyan ang sagot. May agimat yata ‘yan,” dinig kong asaran sa likod.

Sinaway agad ng katekista at pinag sorry sa akin ang mga lalaking inaasar ako. They were asked to say sorry while looking straight in my eyes for being bullies. Natahimik ang tatlong lalaki at ilang minuto pa bago ako diretsong natitigan.

Hindi na kailangang umabot pa sa ganoon pero natutuwa ako na naaksyunan ang paminsan-minsang pang-aaway sa akin. Huminahon ang tatlong kaklase at sabay-sabay na nag sorry sa akin. Ngumiti ako at tumango.

Simula noon, hindi na ako inasar ng grupong iyon. The main bully became a bit gentle to me. Minsan ay pinagbuksan ako ng pintuan sa laboratory room.

“Salamat, Jeff,” sabi ko at nginitian siya.

Nagkamot siya sa batok at nag-iwas ng tingin. I saw his face turned bright red. Nilagpasan ko siya at dumiretso na sa upuan ko. That doesn’t guarantee the attitude change from my other schoolmates, though. Lalo na iyong ibang alam ang ginagawa namin sa bukid.

“Ano ‘tong naririnig ko, Leil?” sigaw ni Papa nang dumating ako sa bahay namin isang araw pagkatapos ng klase. “Nagdadasal ka sa ibang diyos sa paaralan n’yo? At nagpapasikat ka pa na alam mo ang mga ginagawa ng ibang relihiyon?!”
“Hindi po ba pareho lang naman ang-”
“Hindi!”

Sinugod ako ni Papa. Nanlilisik ang mapupulang niyang mga mata. For some reason, mas nakakatakot na siya nitong mga nakaraang buwan kesa noong isang taon. Nanginginig ang kalamnan ko sa takot sa pag-aakalang masasampal ako muli.

“Pasalamat ka’t pinapag-aral kita! Ipapatigil kita sa pag-aaral mo kapag ipinagpatuloy mo ‘yang kabulastugan mo!”

Nalaman rin ni Papa na madalas ay sumasama ako kay Lola Brosing galing simbahan. Ayaw niya ng ganoon. Ayaw niyang nakikipagkaibigan ako kahit sa mga kaklase ko. Kahit kanino! Pakiramdam niya, nalalason ang utak ko sa ng mga taong hindi pareho ang paniniwala sa amin.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang aking kambing. Mahigit isang taon na rin ang nagdaan ng natanggap ko siya. Summer na ulit at dahil sa nangyari sa taong iyon sa eskwelahan, pinagbawalan na ako ni Papa na gumala.

Hinuhukay ko ang mga dayami sa harap ng kambing at inililipat ko sa aking likod para may mahigaan. Father has included feasts in our rituals. Iyon daw ang sabi ng Liwanag sa kanya. Na sasambahin sa ikaapat na kabilugan ng buwan sa bawat taon. Mag-aalay ang lahat ng kahit anong ani o pera. Ang sino mang hindi makakapag-alay ay mamalasin buong taon. Ang mag-aalay ay matutupad ang mga kahiligan.

“Tingin mo totoo ‘yon?” tanong ko sa walang malay na kambing sa aking gilid.

Mamalasin daw.

“Subukan ko kayang mag-alay para matupad ang kahilingan ko? Kaso, anong iaalay ko?” sabi ko.

Nakakatawa. Hindi ako naniniwala pero sa kagustuhan kong makaalis dito ay kumakapit na rin ako.

Tumitig ako sa liwanag ng langit. Natatabunan ng mga ulap ang sinag ng araw at tahimik ang buong nayon. It’s time…

Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimula nang managinip ng gising. I’m a normal girl in Costa Leona. Nakagraduate ng senior high na may mataas na marka at nabigyan ng scholarship pang kolehiyo. Kukuha ako ng kursong gusto ko at nagsikap na itaguyod ang sarili.

Iyon ang pinagkaabalahan ko buong summer na iyon. Isinasantabi ko ang iilang takas ng pangarap kay Raoul dahil alam kong kahit sa pangarap, hindi kami magkakatagpo.

“Ano na kayang balita sa kanya?” pagkadilat ko sabay lingon sa kambing.

Nagpatuloy sa pagnguya ang alaga ko.

“Tingin mo sila pa noong girlfriend niya?”

Bumangon ako at nagsimulang maglaro ulit sa mga dayami.

“Hmm. Sigurado akong nagbabakasyon na ‘yon dito. Kasama niya parin kaya ang mga kaibigan niya?”

And forgive if I confess that even while chanting the incantations, with my eyes closed, and the people are worshipping me, my head is filled with thoughts far from whatever I’m doing.

“Sinasamba ka namin. Ikaw ang Liwanag. Ikaw ang pinagpala!”

Nakapikit ako at tuwid ang upo sa isang malaking upuan. I’m wearing an all white dress, my usual dress whenever there is a ceremony.

Magiging normal kaya ang buhay ko balang araw? Iyon ang nasa utak ko habang sinasamba ako ng mga tao. I want to run away. I want to seek for the truth. Not that I don’t know it now. For the past months, I realized what this is all about.

Hindi masama ang magkaroon ng relihiyon. Walang masama sa paniniwala. Ngunit alam ko na gawa-gawa lang ni Papa ang lahat ng ito sa amin. Alam ko na pera lang ang habol niya sa mga tao rito. At ang mga taong narito, naniniwala at sumasamba ay biktima niya. Biktima namin.

Biktima ko.

“Papa…” sambit ko nang naekisan ang huling numero sa kalendaryo ng Mayo.

It’s the last day of summer. Hindi ko kailanman siya tinanong tungkol sa pag-aaral ko dahil kumbinsido siyang pagkakamali ang lahat ng iyon. Ngayon, umaasa akong magbabago ang isip niya. I have been good for the whole summer. Hindi ako kailanman tumakas o nagtangkang umalis para pumislit at pumunta kina Lola Brosing at Ma’am Avila.

“Ano?” he asked, after a long draw on his cigarette.
“Bibili po ako ng gamit para sa eskwelahan,” nakayuko kong sinabi.

Hindi siya nagsalita pero may kinuha siya sa kanyang wallet. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang libu-libong pera na nasisiguro kong galing sa dugo at pawis ng mga taong narito. Kinagat ko ang labi ko.

“Kita mo na, Leil? Sa huli pala, manghihingi ka ng pera pambili. Hulaan mo nga kung saan tayo kumikita?”

Hindi ako nagsalita. This just proves how fraud all of these were.

“Iyan ang isipin mo! Hindi iyong ikaw mismo ang nagpapahamak sa atin!” sabay tapon niya ng pera sa aking mukha.

Marahan kong pinulot ang mga pera sa sahig. This is all fraud. Habang tumatagal ang mga araw, unti-unti kong napapatunayan.

Wala sa sarili akong umalis ng bahay. Diretso ang lakad ko patungo sa kagubatan. Hindi ko alam kung makakaabot pa ba ako sa bayan gayong pasado alas tres na. I want so bad to atleast see Ma’am Avila and tell her I will continue this year kaya dumiretso parin ako kahit ganoon.

Humiyaw ang alaga kong kambing. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Iilang damo ang nasa kanyang bibig habang patuloy ang mahabang paghiyaw.

Binalewala ko siya at nagpatuloy sa paglalakad pero mas lalo lang lumakas ang hiyaw ng kambing. Bumuntong hininga ako at sa huli ay nagpasya na isama na lamang siya.

He’s slightly a bit bigger than before kaya hindi ko siya basta-bastang mabubuhat. Umiling ako pagkaraan ng sampung minuto sa gubat at nakikita siyang hirap na tinatahak ang mga naglalakihang ugat.

“Nagshoshort cut ako para mas mabilis, e. Sige na nga. Dumaan tayo sa sapa para hindi ka na mahirapan,” sabi ko.

Mabilis naman ang lakad namin sa sapa kaya tuloy-tuloy na. Makakaabot naman siguro ako kay Ma’am Avila, kung sakali. Hindi ko nga lang inasahan na paglapit ko sa kamalig ay may maririnig akong tawanan.

Noong una, excited pa ako dahil akala ko sina Raoul iyon. Pero sa huli, nakita kong may mga batang naglalaro lang ng luksong tinik malapit sa sapa. Nagpatuloy ako sa paglalakad, inayos ang buhok para hindi na mapagkamalang bruha o ano man.

But then even with my all smiles and a friendly facade, some of them started screaming and laughing.

“Andito si mangkukulam!”
“Aswang!”
“May dalang kambing baka alay!”

Lilihis sana ako ng daanan nang bigla silang nagsimulang magtapon ng mga putik at bato sa akin. Tinaas ko ang mga braso ko para tabunan ang sarili.

Nagtatawanan sila habang ginagawa iyon.

“Tama na!” sabi ko pero sa bawat bigkas ay may tumatama sa aking mga maliliit na bato.

Binaba ko ang isang kamay ko at nagulat nang nakitang may dala nang isang malaking bato ang pinakabata sa kanila. Agad akong pumikit at nag ekis ng braso. I was so sure it’ll hit me! I was so sure I’m screwed. Pero nagulat ako nang hindi. Nagulat ako nang natahimik ang naghihiyawang mga bata.

Nagulat ako nang may sumigaw na… “Takbo!”

Pagbaba ko sa nakaekis na kamay ay nakita ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki.

I have not seen Raoul for almost a year now, is this why I am hallucinating? Imposimbleng dulo ng summer ay narito pa siya! Guni-guni ko lang ba ‘to? Ganoon ba ako kasabik? Ganoon ko ba nasikil ang sarili na ngayo’y nandito siya sa aking panaginip?

When he moved and cursed loudly, natanto kong nagkamali ako. Mas lalo pa nang nakita kong may tumulong dugo sa baba niya!

“Ayos ka lang ba?” his low growl was very familiar.

I am so sure I’m not dreaming. I am so sure he’s true!

“A-Ayos lang!”

Namimilog ang mga mata ko nang nakita ang sugat sa kanyang noo. Mabilis ang dugo ng sugat na iyon, siguradong natamaan ng batong dapat para sa akin.

Wala sa sarili kong itinali ang kambing sa pinakamalapit na puno. Malapit doon ay naroon ang dahong madalas kong ginagamit para sa mga sugat.

“Fuck… The first aid’s removed from the barn…” he murmurred.

Naglakad siya patungo sa kamalig. Hindi na ako nag-isip kung mag-isa ba siya o hindi. Agad na akong sumunod sa kanya, dala ang mga dahon.

“K-Kaya ko ‘yang gamutin,” sabi ko.




Tatlong baitan ng hagdanan ay nasa balkonahe na kami ng kamalig. Umamba siyang papasok pero nang narinig ako ay lumingon siya.

“Paano? May gamot ka riyan?” he asked.

Napakurap-kurap ako. Bahagyang namamangha sa itsura niya. Itim na itim ang kanyang mga mata. Iyong tipong nakaliliyo at nakakawala sa sarili. The long blade of his nose fitted perfectly on his utterly masculine face.

“Uh…” Tiningnan ko ang mga dahon sa aking kamay.

Nakuha niya agad ang gusto kong sabihin. He violently dragged a wooden chair to sit in front of me. Pinalis niya rin ang dugong tumulo galing sa kanyang noo hanggang sa kanyang pisngi. Nagulat ako sa bilis ng kanyang pagdedesisyon, walang pag-aalinlangan. Samantalang ako, nag-aalinlangan.

Paanong hindi niya man lang ako pinag-isipan ng masama?

I’m used to the people who doubt me. At ang makitang si Raoul ay hindi ganoon, para akong nasa langit.

“Is that herbal?” tanong niya.

Nangangatog ang kamay ko lalo na nang nakita kong sinusundan niya ang bawat galaw ko. Tumikhim ako at nilatag ang mga pinilas na dahon sa isang lamesita.

“Uh, n-nabasa ko sa library na epektibo i-ito pang gamot sa sugat,” iyon ang totoo.

I researched most of what I’m doing. I’m just sure that the incantations were bluffs but the herbs for wounds were fine. Iyon ang pinaka totoo sa lahat.

Walang pag-aalinlangan kong pinunit ang dulo ng palda ng damit ko.

“K-Kuha lang ako ng tubig,” kabado kong sinabi at dumiretso na sa lababong minsan kong nakita noong sumilip ako.

Kumuha ako ng tabo at nilagyan ng tubig galing sa gripong naroon. Dinala ko iyon sa harap ni Raoul at binasa ko ang kaonting parte ng tela para mapunasan ang dugo.

He pursed his lips as he looked at me doing it on him. Kalaunan ay pumikit siya, lalo na noong idiniin ko ang tela sa kanyang noo.

Tumunog ang isang cellphone kong saan. Nakapikit ay kinuha niya iyon sa kanyang bulsa at nilagay sa tainga.

“Yes,” aniya.

His lips curved a bit after that short english word. I’ve never seen him this close. This close.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. He tilted his head. I jumped a bit at napaatras sa gulat.

“Bilisan n’yo na. Ang bagal n’yo…” he chuckled.

Kumalabog ang puso ko sa tawa niya. I can’t help but grin.

Dumilat siya at nagkatinginan kami. Tumikhim ako at nagseryoso na lang. Nilingon ko ang labas at nakita kong nakatali ang isang kabayo sa puno. SIguro ay dumating siya at nakita niya akong inaaway kaya pumagitna.

I can’t help but adore him more. He’s like a hero. Itinago ko ang ngiti ko dahil baka kung anong isipin niya.

“Sige. Bilisan n’yo,” aniya bago binaba ang cellphone.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. His pitch black eyes made me inhale longingly.

“Tanggalin mo. Tingnan mo kung malaki ba ang sugat.”

Tumango ako at sumunod naman sa ginawa niya. Slowly, I removed the pressure on his forehead. Nahirapan pa ako dahil malapit iyon sa buhok pero nang nakitang halos kalahating pulgada lang ang haba ng maliit na sugat ay napabuntong-hininga ako.

“Hindi naman malaki. Tumigil na rin sa pagdugo.”

He nodded. Hinawakan niya ang telang nilagay ko sa kanyang noo. Our hands slightly touched pero agad akong bumitiw. My heart is beating so fast and I can’t breathe properly.

“Aayusin ko lang ang mga dahon,” sabi ko.

I rubbed my palms for heat. Pagkatapos ay hinawakan ang dahon para uminit din ito. Nakatingin si Raoul sa akin habang ginagawa ito. I couldn’t concentrate or remember my incantations because of his stare. Not that I need those, anyway. I know it’s a fraud. Gawa-gawa ni Papa at itong dahon lang ang totoong nakakapagpagaling ng open wounds.

“Bakit mo hinayaang awayin ka noong mga bata?” tanong niya nang balikan ko siya para sa dahon.
“Ah. Sanay na ako.”
“Sanay ka na?” his voice turned a bit harsh. “Hindi magandang rason ‘yan.”

Ngumiwi ako at nagpatuloy sa ginagawa. I can’t help but adore him… adore him more… and more…

“Pasensya nga pala at nadamay ka…” sabi ko.

He opened his mouth for another argument but I heard the gallops of some horses and laughs from his friends. I cleaned up his forehead bago umatras para maharap niya na ang mga kaibigan niya.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ng isa sa mga lalaki.
“Wala… Konting sugat lang.”

Yumuko ako. I can’t help but notice how he doesn’t brag about his kindness. Pwede niyang sabihin na niligtas niya ako sa mga batang iyon pero mas pinili niyang ilihim iyon.

“Konting sugat?” tanong naman ng isa pa.

Nagsidatingan na sila papasok sa kamalig. Kinuha ko ang tabo para maglinis na sana pero bago ko magawa ay may nakapuna na sa akin.

“Isn’t she the witch in that cult?” isang babaeng kilala ko bilang kapatid ng aking kaklase.

Napatingin si Raoul sa akin. Tumayo siya at kinuha na ang tabo.

“Stop talking nonsense, Bethany-” si Raoul na agad pinutol ng lalaking kaibigan.
“Siya nga iyon!” kumpirma nito. “Ginamot ka, Raoul? Ginamot mo?” sabay tingin sa akin.
Tumango ako.

Nilingon ako ni Raoul. Lumapit ang lalaki sa akin at tumawa. Raoul immediately pushed the man away.

“Stop it. You’re scaring her.”
“Are you kidding me, Rao? Nagpagamot ka rito? You don’t know what she is! You’re probably cursed or whatever?”
“Anong kulto, Beth?” tanong ng isa pang babae.

Pinitik ni Raoul ang tabo sa labas para matapon ang tubig. Parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ng mga kaibigan pero ang mga ito’y mangha at nag-aalala.

“I’m serious, Raj,” ulit noong lalaki. “It’s either you’re cursed or she cast a spell on you!”
Umiling ako. “Panggagamot lang ginawa ko,” sabi ko.
“See? Pero alam mo paano sumumpa, hindi ba? Ikaw ‘yon, ‘di ba?”

Umiling ako para sa naunang tanong pero alam kong wala nang silbi iyon. Tiningnan ko si Raoul na tumango lang sa akin.

“You’re member of that cult?” he asked.

Parang gumuho ang mundo ko. Para akong nagising sa isang napakagandang panaginip. And I can’t blame him for asking me. It’s natural.

“Oo…”
“You’re the witch, right?”
Umiling ako. “Hindi ako mangkukulam-”
“What do they call you? Diwata? Lady of the Light?” natatawang sinabi ng isa pang pamilyar na lalaki.
“Raoul, bakit ka nagpagamot, e baka kinulam ka na niya?” nag-aalalang sinabi ng babae.
“Hindi ko siya kinulam.”
“Stop it. Tinulungan niya lang ako. Stop overthinking.”
“Dapat ay itinawag mo nang tumawag si Peter. Kumuha sana kami ng pang first aid!” giit noong isa.

Binalewala iyon ni Raoul at hinarap ako.

“Salamat sa paggamot. Umuwi ka na sa inyo at baka maabutan ka ulit ng mga batang ‘yon.”

Tumango ako at nagmadali na sa paglabas sa kamalig. Nakalayo na ako pero klaro parin sa pandinig ko ang mga sinabi ng kanyang mga kaibigan.

“Bakit mo hinayaan? Kinulam ka noon!”
“She probably put a spell on you! I’m not surprised how you’re so kind to her now, actually.”
“Skwater ang mga ‘yan sa lupain ninyo. Alam ko hinayaan lang ng Mama mo ang mga ‘yan dahil matalik niyang kaibigan ang lider.”
“Maybe your Mom got cursed, too?”
“Stay away from that girl! Hindi ba iyan din iyong last year?”
“She’s creepy! Did you see her dress?”

Habang kinakalas ko ang tali ng kambing ay narinig ko ang malalim na boses ni Raoul. Hindi ko matukoy ang mga sinabi niya dahil nakalayo na ako ng husto. Ang alam ko lang, pagkatapos niyang magsalita ay hindi na muli nangulit pa ang kanyang mga kaibigan.

I smiled bitterly as I walked back towards our village.

Hindi ko alam kung paanong galing sa pagtanggap ng katotohanan ay bigla akong nadismaya ngayon. Noon, tanggap ko naman kung gaano kalayo ang agwat ng mundo ko sa kanila. Pero ngayon-ngayon lang, pag-alis ko sa kamalig, nadismaya ako ng husto sa buhay ko. Nadismaya ako na hindi ako makalapit sa kanila, kahit konti. Nadismaya ako kahit na natanggap ko na naman ito noon pa.

Bakit? Anong nangyari, Leil?

Akala ko ba alam mo na hindi pwede? Akala ko ba tanggap mo?

Bakit nadidismaya ka pa? Bakit parang nalungkot ka pa kahit na alam mo na ‘yon noon pa?

This shouldn’t be new to you, right?

Para sa panglabing tatlo kong summer, pinili ko na tanggapin ang aking sitwasyon. Pinili ko na manatili sa village. The sudden disappointment I had last summer scared me so much. I don’t want to feel that again so that year… I chose the village… I chose my fate…

Hindi ko pa alam noon na tayo ang gumagawa sa sarili nating tadhana. Ang mga desisyon natin ang nagtutulak sa lahat. At kung pipiliin kong manatili at tanggapin ang buhay na meron ako ngayon, walang mangyayaring pagbabago.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.