Sands of Time – Kabanata 19

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 19

Kabanata 19
Justice

The news about Costa Leona were all the same. Narinig ko noong bago pa lang ako rito na nag-uusap ang mag-asawang Ledesma tungkol sa pagkamatay sa isa sa pinakamakapangyarihang tao sa larangan ng construction, si Hades Riego. It was a private conversation so I did not hear the rest of it.

Hindi rin nagtagal ang balita. Parang bigla na lang nawala. Naglaho. Ayon kay Ma’am Avila, nanahimik daw ang mga Riego. Patuloy ang pagtugis pero ayaw nilang isapubliko ang lahat-lahat.

Hindi na rin nagpainterview pa ang kahit na sino sa mga Riego. Si Ares Riego lamang ang humarap at nagkumpirma sa balita. Sinabi niya rin na gusto ng mga Riego ng pribadong imbestigasyon para rito.

Kulang na lang ang pagkakahuli ni Papa. Base sa ebidensya, both witness and CCTV, my father really did it. The rest of the details were concealed. Kahit pa sa mga taga Costa Leona.

Ang sabi-sabi rin, kahit na pinagbintangan ako ni Papa bilang nag-utos sa pagpatay, menor de edad pa ako kaya hindi pwedeng rason iyon.

“Hindi ko alam kung pinapahanap ka pa, Leil, pero sariwa pa ang lahat. I guess not. In the eyes of justice, the killer is your father. But your presence here will trigger Raoul and his mother,” sabi ni Ma’am Avila nang nakiusap ako sa kanya na ibalik na ako sa Costa Leona.

Bigo ako sa kagustuhan kong bumalik sa Costa Leona. Gustong-gusto ko parin kasing umuwi. Parang may hindi ako natapos doon.

The Ledesmas were fine. Iba nga lang talaga kapag nasa kinalakhan ko. Maayos naman ang pakikitungo ni Tita Sally at Tito Ton sa akin. Hindi rin naman malupit si Primrose sa akin. At simula noong pinagalitan ako ni Prince, mas maayos na rin ang tungo niya sa akin.

Pero hindi ba ito naman ang dati ko pang pinangarap? Ang makaahon sa nayon at makapagbagong buhay?

Pero hindi ko naman inisip na ganoon nga ang mangyayari. Na may masamang kaakibat ang pangarap ko.

End of summer, Tita Sally randomly talked about her loving memories of my mother. Dati pa, hindi naman ako umiiyak kapag ganoon. Halos wala kasi akong alaala kay Mama bukod sa mga panaginip.

“Your mother was an intelligent woman. She was also very kind!” ani Tita Sally sa hapagkainan.
Ngumiti ako.

Napag-usapan kasi ang pag-eenrol ko sa isang eskwelahan. Ayos lang sa akin na hindi pa ako mag-aral pero dahil sobrang laki ng inunlad ng kanilang kompanya, hindi nagpatanggi si Tita Sally.

“After high school, hindi na kami masyadong nagkakasama. She enroled here in Iloilo while I enroled in Manila for college. Pero minsan, lumuluwas siya. We both had a huge crush on Hades Riego. Do you know him, hija? He’s from Costa Leona, too. But I heard he got killed just this year.”

Hindi ako nakagalaw sa sinabi ni Tita Sally. My mother liked Hades Riego?

Nagpatuloy ang usapan. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Tita Sally ng tungkol kay Papa pero sa sobrang gulat ko sa nalaman, hindi ko na nasundan pa ang mga sinabi.

“Mom, dumami na ang housemaids. Ilipat natin si Leil sa guestroom para mas komportable siya…” si Prince sabay ngiti sa akin.

Napainom lamang ako ng tubig. I am speechless. Hindi ko na alam saan ilalagay ang kuryusidad ko.

After dinner, I called Ma’am Avila to confirm it. Something about it is bugging me so I had to call. Hindi ko alam na sa oras na malaman ko iyon, iyon na ang katapusan ng kagustuhan kong bumalik sa Costa Leona.

“Ma’am, nasabi ni Tita Sally sa akin na nagkagusto raw si Mama kay Hades Riego. Gaano po ba ito ka totoo?” I asked pagkatapos ng kumustahan.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ma’am. She even muttered excuses but in the end, she stopped herself.

“Hija, matagal na ‘yan.”
“Gusto ko lang pong malaman, Ma’am,” sabi ko.

Something really is bothering me. Lalo na sa tono ni Ma’am Avila na mukhang may itinatago sa akin. Hindi naman siya madalas ganito.

Hinawi ko ang kurtina ng aking bagong kwarto. Pagkasabi ni Prince na ilipat ako sa guestroom, agad na hinakot ang gamit ko rito.

“Okay, Leil. Aaminin ko. Alam ko ang tungkol diyan. May nalaman din ako pero hindi ko gustong sabihin sa’yo lalo na’t hindi kumpirmado.”

My heart raced. What is it. I knew there’s something about my mother liking Hades Riego.

“Solene loves Hades Riego. Your father loves Felicia. Alam mo naman siguro paano nagkakilala si Felicia at Balthazar, hindi ba?” maliit ang boses ni Ma’am.

Nasa bahay lang siya pero sa takot niya sigurong may makarinig, kahit doon ay hinihinaan niya na ang boses.

“Si Papa ay tumutulong sa Papa ni Felicia Riego, Ma’am. Anong mayroon doon.”
“Yes, hija. I just know he’s in love with Felicia Riego. But Fely loves Hades. And Hades is in love with Fely, too. Alam mo naman siguro ang nangyari, hindi ba?”

Kinagat ko ang labi ko.

“Years after… Your father met your mother. And they married. Nabuo ka. That’s all there is to it…”

She sighed heavily.

“May usapan kasi, Leil. Huwag ka sanang mabigla. Ayaw itong palabasin kaya rin nanahimik ang mga Riego rito, pinagsamantalahan ni Balthazar si Felicia sa gabing iyon. Hades defended her and stopped Balthazar kaya nabaril.”

Parang nagdilim ang utak ko sa sinabi ni Ma’am Avila. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Bakit gagawin iyon ni Papa?

“Leil, hindi ko sana ‘to sasabihin sa’yo pero matagal nang haka-haka ‘yan dito. Hindi kinumpirma ng mga Riego at hindi rin naman tinanggi.”

Bumuhos muli ang luha ko. Parang ang sugat, hindi pa nga naghihilom, muling sinugatan. Is this really true? How could my father do that?

“Leil, Leil…” marahang tawag ni Ma’am Avila. “Sorry. Hayaan mo, susubukan kong kumpirmahin ang lahat. Alam kong mahal mo ang Papa mo, pero-”
“Bakit ganoon, Ma’am? Ang sama naman ni Papa kung g-ganoon nga…” hagulhol ko.
“Shh… Leil, hindi pa nakukumpirma. Pasensya na, anak…”

I want to believe my father. Gusto kong isipin na hindi totoo iyon. Pero sa dami ng ebidensya, hindi ko na alam.

And if it’s true, I don’t know what to do. My father killed Hades Riego. My father violated Felicia Riego.

Kung iyon ang iisipin ko, may dahilan nga kung bakit galit na galit ang mga tao sa Costa Leona. May dahilan nga kung bakit galit ang mga Riego. Bukod pa sa ipinahamak ng grupo ang buong eskwelahan para lang makatakas sila.

We made a disaster. Hindi man ako direktang may kinalaman, iisipin ng lahat na kabilang ako, kung hindi man lider.

My father took my name in vain. He justified his cruel acts with his faith in me. Hindi na ako magtataka kung hindi na ako makakabalik pa sa bayang kinagisnan ko.

My emotions were mixed. Faith for my father. Anger for him. Sorry for the Riegos. Sorry for the people of Costa Leona. Paano ko iyan mababayaran? If I go back, will they find justice? What about my father who is still on the loose?

“Dito ako nagtapos ng Senior High. Dito ka rin ngayon…” ani Prince pagkalabas ko sa kanyang sasakyan.

Today is my first day of school. Araw-araw akong ihahatid ng driver dito. Pero dahil narito pa si Prince, he volunteered to do it. Aalis na siya mamaya para makapagpatuloy sa pag-aaral sa Maynila.

“Ayos lang naman sana sa akin kung hindi sa mamahaling eskwelahan.”
Prince smiled. “You deserve to be here, Leil. Plus, you’re part of the family now. Dapat lang dito ka talaga sa magandang paaralan.”

I’m lucky to have the Ledesmas. They are very kind to me. Minsan lang, naisip kong hindi na naman talaga kailangang mamahalin ang mga tutuluyan ko. But I guess that’s just their lifestyle.

“Halika. Ihahatid kita sa classroom mo,” ani Prince.

Tumango ako at sumunod na kay Prince. Palapit pa lang kami sa building, may iilan nang bumati sa kanya. Iilan din ang nagtatagal ng tingin sa akin.

Iba ang itsura ng paaralan dito kumpara sa Costa Leona. Dito, isang napakalaking building ang nasa harap. Sa harap ay isang barikada at grassland. It looks peaceful. Tanging ang mga estudyante lang ang nagdadala ng ingay.

“Kuya Prince! Sino ‘yan? Pinsan mo? Ipakilala mo naman ako, oh!” a boy said.

May kasama itong grupo ng lalaki. Tumigil si Prince. Ngumiti ako. May naaalala ulit ako. I remember my guy friends back in Costa Leona. How are they? Nadamay kaya sila? Naaalala pa ba nila ako? Ano kaya ang opinyon nila sa akin ngayon? Galit ba sila? Isinantabi ko ang kaisipang iyon. I should stop thinking about it now. It’s not the time to look back.

Humugot ako ng malalim na hininga. I wonder if I can make friends here, too.

Kakaway na sana ako sa iilang grupo na lalapit sa akin nang bigla akong inatras ni Prince sa likod niya.

“Huwag n’yong lalapitan ‘to. Sa oras na may marinig ako…” hindi niya dinugtungan.

Napawi ang ngiti noong lalaki. Natigil din ang mga papalapit. Kumunot ang noo ko at sumungaw para makita ng husto iyon.

“S-Sige, Kuya…” sabay atras noong naunang bumati.

Sinalubog niya ang mga kaibigan niya at iminuwestra na ang paglayo. Prince turned to me.

“Mga kapatid iyon ng ilang kaibigan ko. Baka kausapin ka ng mga iyon. Ignore them. You should only be friends with girls…” sabay iwas niya ng tingin.
“Bakit naman?” tanong ko. “Uh… Sa Costa Leona, marami akong kaibigang lalaki.”

He turned to me, looking irritated. He looked like an angel trying to execute a sinner.

“This isn’t Costa Leona. You’re here now and that’s my rule.”
Tumango agad ako. Matagal ko na rin namang gustong magkaroon ng kaibigang babae.

Sasabihin ko sana na nahihirapan naman akong makipagkaibigan sa mga babae pero natanto kong baka nahihirapan ako sa Costa Leona dahil iniisip nila na mangkukulam ako. Maybe here, I can find real friends. I’ll start a clean slate. And everything will be fine.

Hindi ko alam bakit nalulungkot ako. Matagal ko na itong pangarap pero nakakalungkot pala.

Hinatid ako ni Prince sa classroom ko. Pumasok ako habang may kinakausap siyang iilang lalaki.

Pinagtitinginan na ako ng mga babae. Ako lang yata ang transferee kaya lahat, nagkakasundo na.

Naupo ako sa pinakadulo, ang tanging upuang walang tao. Inayos ko ang mga gamit ko. Nakita ko ang pagpasok ni Prince sa aming classroom.

“Hi Prince!” iilang kaklase ko ang naghagikhikan.

Tumango lang si Prince sa mga iyon at dumiretso na sa akin. Tiningnan niya ako bago nagdesisyon.

“I’ll go now. Kukunin ka ng driver mamaya. Doon din sa pinagparkingan ko. Huwag ka nang gumala pagkatapos n’yo rito. Umuwi ka na agad.”
“Okay, Prince.”

He smiled and nodded. Umalis din siya agad. Ilang sandali na ako rito sa classroom, wala paring nakikipagkaibigan. Lahat sila, nagbubulungan sabay tingin sa akin. Ngumingiti naman ako pero walang ni isang lumapit.

So… I guess there’s a problem with me, huh? Ganito ako sa Costa Leona, ganito parin ako kahit dito.

Nagsidatingan ang iba pang kaklase. I smiled at each and everyone. Some smiled back pero agad ding hinila ng mga nauna at pinagsabihan.

I really don’t know what’s going on. But when a tall girl came in, I knew. She was pretty but she doesn’t look very friendly. Parang galit ito lalo na nang nakatingin sa akin. May mga kasama rin siya sa likod na kinakausap siya. Her bag is pink with so many gems in it. It looks very expensive. Hindi na kataka taka dahil mayayaman daw ang nasa school na ito.

“Ledesma ka?” Pabagsak niyang hinawakan ang aking desk.

Napapikit ko sa sobrang gulat. Umiling agad ako. Kumunot ang noo niya.

“Sinungaling ka. Mana ka kay Prim. Kaano ano mo ‘yon? Pinsan? Dalawa lang sila ni Prince, ‘di ba?”
“Hindi ko siya pins-”
“Liar!” she shouted and I knew that everyone of her classmates respected her.

Lumapit ang iilang lalaki. Isa sa kanila ay iyong pinagsabihan ni Prince kanina.

“Cresia, tama na. Pagagalitan tayo ni Prince niyan-”
“I don’t care. I’m not scared of them,” diretsahang sinabi ng babae.

Nanlilisik parin ang mga mata nito sa akin. Kung hindi lang ganoon, masasabing kong mukha siyang maamo. With her thin lips, almond eyes, and narrow nose, hindi ko aasahang ganito siya.

“Did she lie to my brother or not?”

I seriously have no idea what she’s talking about. Ni hindi ko nga alam kung sino ang kapatid niya.

“Sorry pero hindi ko alam ang sinasabi mo-”

Tinampal niyang muli ang desk ko. Kabadong kabado na ako. Unang araw ko pa lang, mas hirap na ako rito kesa sa Costa Leona.

“Tama na, Cresia,” nakisali pa ang ibang lalaki.
“Anong hindi mo alam? Hindi mo alam na nagsisinungaling iyong si Prim sa kapatid ko?”
“Hindi ko talaga alam ang kahit ano. H-Hindi ko alam ang tungkol sa kapatid mo at kay Prim.”
“Shut up! You’re a liar, too…” she concluded.

So that’s for my first day. Buong araw, walang kumausap sa akin. Hindi iyon dahil sa sinabi ni Prince. Iyon ay dahil doon kay Cresia. Ni hindi ko alam kung ano ang problema niya sa mga Ledesma, lalo na kay Primrose. Something about her brother and Prim lying to him?

When I think about it, wala talaga ako masyadong alam kay Primrose. Hindi rin naman siya nagkukwento. Pero base sa mga pagsasaway na ginagawa ng mag-asawang Ledesma, pareho sila ni Prince. Pareho silang hindi sumusunod sa mga magulang. Primrose would go out at night even without her mother’s approval. Mapagagalitan agad siya. Ganoon din minsan si Prince, but lately, he’s okay.

Ayon din sa mag-asawang Ledesma, hindi rin maganda ang grades nilang dalawa. Pero iyon lang talaga ang alam ko. Hindi ko na inalam ang iba pa.

Binubunggo ako sa corridors, sa mismong araw na iyon. Lahat ng bumunggo, sinadya. Tinawanan pa ako. Lalo na nang nabiwitiwan ko ang iilang libro.

After lunch, I went to the library to read some books. May iilang lumapit sa akin para makipagkaibigan. Pero naabutan ko ring binulungan ng kung sino kaya hindi na umulit pa.

Bumuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Maybe it’s because it’s just my first day. Baka iba na sa mga susunod na araw.

Lumabas ako ng building pagka dismiss. Medyo maaga sa schedule namin ang dismissal. Siguro dahil unang araw pa lang.

Maraming estudyante ang palabas. Marami ring papasok. Nagtatakbuhan. Ang iba’y kagagaling sa labas para maglaro.

Niyakap ko ng husto ang mga librong dala at nagpatuloy sa paglalakad. A tall man in all black appeared in my far front. Naglalakad ito patungo sa akin, patungo sa loob ng school. Kumalabog ang puso ko. Nakasuot ng hoody kaya hindi ko kita ang buong mukha pero parang pamilyar.




My heart pounded very loud. Lalo na noong ilang metro na lang ang layo namin.

Sigurado akong hindi siya mag-aaral dahil mas matanda ito ng konti sa amin. He’s probably in college or is now a graduate. Sa sobrang kaba ko, inalis ko ang mga mata ko sa lalaki. Humigpit ang hawak ko sa aking mga libro at diretso lang ang lakad.

Lumagpas siya sa akin. Para akong nabunutan ng tinik.

Nilingon ko pabalik ang paaralan at nakita na nagpatuloy siya sa paglalakad papasok doon.

“Leil,” tawag ng driver sa akin.

Hindi parin ako lumingon. I can’t recall where I saw him. Pero ang tanging naaalala ko na may ganoong pangangatawan… ay… sina…

Maybe I’m just generalizing it. The world is big. Siguradong maraming magkapareho ang anyo sa pangangatawan.

Iniwan ko ang kaisipang iyon at bumaling na sa driver para makauwi na.

For the whole first month, ilang beses ko iyong nakita. Minsan, aksidente. Minsan, naririnig ko ang kaklase kong nakakapansin din doon.

“My prince charming visited again today. He’s so handsome! Nakita n’yo ba iyon?” si Cresia ang madalas kong naririnig.

Pangatlong magkakaibang araw na ito ngayon. Kaya nasisiguro ko kung sino ang tinutukoy niya. It’s that man in all black. Nakita ko rin iyon kaninang umaga, naka shades at nakaitim parin.

“Baka naman bodyguard ‘yon?” anang ibang babaeng kaibigan ni Cresia.

Nasa loob kami ng classroom at pinapalibutan na siya ng mga kaibigan. She calls that man her “prince charming”. Hindi ko alam pero pamilyar talaga sa akin ang lalaking iyon.

“Kanino naman? I’ve memorized the uniforms of your bodyguards. Ako lang naman ang may pinakamaraming bodyguard dito, e…” aniya.

So that’s how my day goes. Isang buwan na ako rito, ganoon parin. Kinakausap minsan pag may kailangan at madalas na pinagtatawanan.

Pagkatapos kong kumain ng lunch sa cafeteria, didiretso na ako sa library. I am looking forward to it now. Lalo na dahil maingay ang cafeteria ngayon at medyo nahihiya akong kumain.

Nilapag ko ang aking tray sa madalas kong lamesa. Mag-isa lang ako lagi roon.

Something is different on that day. Cresia’s “prince charming” is eating in our cafeteria. Naka itim itong sumbrero habang kumakain. Tinitigan ko iyon. Nakita kong tumigil din ang tingin niya sa akin. Sa sobrang layo namin, hindi ko halos maitsura ang mukha niya. But now that he’s not wearing shades, I can somehow recall where I saw him.

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Kumabog ulit ang puso ko. I know this person. Someone… from… Costa… Leona?

Tinapon nito ang table napkin sa harap ng lamesa at tumayo na. Uminom siya ng tubig. Naririnig ko ang hagikhikan sa ilang table. May nagtutuksuhan pa para malapitan ang lalaki.

He eyed me again one last time before he left the cafeteria. Sinundan ko ng tingin ang lalaki habang inaalala kung alin talaga siya roon.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang biglang hinampas ulit ni Cresia ang lamesa ko.

“Don’t tell me that’s your bodyguard?” pauna niyang sinabi.
Umiling ako. “Hindi. Wala ako nun!”

Ngumiwi siya at umikot sa ere ang mga mata. Nagtawanan ang iba sa kabilang table. Umupo siya sa tapat ko para lang makausap na naman ako ng ganito.

“Ikaw, napaka sinungaling mo talaga, ‘no? Una, pinagtatanggol mo ang Prim na ‘yan. Ngayon, dideny ka pa? I saw him look at you. Kung hindi mo ‘yon bodyguard, boyfriend mo?”
“Hindi!” agap ko.
“Ay oo nga pala. Si Prince ata ang boyfriend mo? Hindi ba family friend ka lang. At ang sabi, bawal ka raw makipagkaibigan sa mga lalaki. Pinagsabihan ni Prince mga kaklase natin. Ano? Baka bff kayo ni Prim, pareho kayong nangangaliwa sa mga boyfriend n’yo?”
Umiling ako. “Wala akong boyfriend! Kaibigan lang kami ni Prince. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. At wala akong alam tungkol kay Prim-”
“Argh! You’re so annoying! Wala kang alam?” she mocked. “Prim lied to my brother. Ang sabi niya, wala siyang ibang lalaki kahit na nakita ko siya ng ilang beses na may kasamang iba. Sige nga, ipagtanggol mo si Prim sa akin!”

I just really don’t get it. Maybe I’m not paying attention that much. Wala talaga akong alam sa kahit anong nangyayari kay Prim.

“Sorry pero wala talaga akong alam-”

Iniwan na ako ni Cresia, hindi na pinakinggan ang ilan pang pagpapaliwanag ko. Umirap siya at nagsimula na sa pakikipag-usap sa kanyang grupo.

That’s the last day I saw that man. At dahil medyo marami ang nangyari, hindi ko na ulit maalala kung saan ko siya nakita.

Isang buwan pa ulit ang lumipas, hindi na nga nagpakita iyon. Ni anino. Somehow, I’m relieved. Minsan kasi naiisip ko kung tauhan ba iyon ng mga Riego, just waiting for me to be free. Minsan naiisip ko na baka kunin nila ako at dalhin pabalik sa Costa Leona.

Hindi ko na naikwento iyon kay Ma’am Avila. Ayaw ko kasing mag-alala siya. Hindi ko rin nasabi na kay Prince. He’s serious with his studies now. Iyon lagi ang pinag-uusapan namin kapag narito siya kaya wala rin.

Pagkatapos ng lunch, dumiretso na ako sa library. For my second month in my new school, nothing really happened. I have less and less friends. Iba naman ang rason ngayon. Sa mga lakaki, pinagbawal ni Prince. Sa mga babae naman, ipinagbawal ni Cresia.

Sa dalawang buwan ko rito, nalaman ko na medyo maimpluwensya si Cresia. I am very close to concluding that she’s the richest student here in our school.

Padabog na nilapag ni Cresia ang mga aklat sa harap ko. Humugot ako ng malalim na hininga at unti-unting sinarado ang akin, bilang paghahanda sa pag-alis. She’s going to start pestering me and I don’t intend to use my free time hearing all her accusations of me.

“Aalis na ako…” paalam ko pero hinawakan niya ang aklat ko para hindi ko iyon makuha.

I sighed. Hinarap ko siya.

“Wala akong alam sa relasyon ni Prim at ng kapatid mo. Hindi kami masyadong nagkakausap sa bahay. Lagi siyang nasa Maynila. Si Prince lang ang umuuwi. Ayaw ko ring makealam. Nakikituloy lang ako sa kanila at ayaw kong magalit sila sa akin…” inunahan ko na si Cresia.

She pouted. I saw her blush a bit. Lately, her bubbly and loud attitude diminished.

“Asan na ‘yong lalaking nakaitim?” she suddenly asked without looking at me.

Oh. Yes. Isang buwan ko nang hindi nakikita si “Prince Charming”.

“Hindi ko alam, e. Hindi ko na rin nakita.”

Her eyes widened. Kitang-kita ko ang interes sa kanya.

“Kilala mo ba ‘yon?”
Umiling ako.
“Liar!” she said.
“Hindi ako sinungaling.”
“Lagi ka niyang tinitingnan. Napapansin ko ‘yon. Pinaghahanap ka ‘no?”

Natigilan ako roon. Hindi ako nakapagsalita dahil sa panunuyo ng lalamunan.

“Is that a police? A special armed force? I saw him with a gun last time.”

What? Kumabog lalo ang puso ko. Umiling lamang ako. Nanliit ang mga mata niya. Sa sobrang kaba ko ay iniwan ko na siya roon.

That’s how I met her.

Siguro ganoon talaga. Binigay na alay sa akin ang kambing noon, hindi ko inakalang magiging matalik ko itong kaibigan. Cresia started as my number one bully, hindi ko inakala na pagkalipas ng ilang taon, siya lang ang natatanging mapagkukwentuhan ko sa buong nangyari simula sa simula.

The image of the hourglass blurred when my tears pooled in my eyes. Nasa isang restaurant kami sa mall malapit lang sa Unibersidad na pinapasukan namin. I did not plan to tell her about it but when I saw the hourglass, hindi ko na napigilan ang pagbabalik tanaw.

She looked very stunned in front of me. Hindi ata siya makapaniwala sa tunay na nangyari sa aking buhay, dahilan ng pagkapadpad ko rito.

Ang malaking hourglass na centerpiece sa aming lamesa ay binaliktad ko nang naubos ang buhangin sa itaas na bahagi nito.

“Y-You kept this from me… for years?” nanginig ang boses ni Cresia pagkatapos kong sinabi iyon.
“I’m so sorry, Cres. Nahihirapan akong magtiwala kahit k-kanino…”

Pinalis ko kaagad ang luha na naglandas sa aking mga mata.

“Hindi mo ito kinwento kahit kay Prince, Leil?” tanong ni Cresia na ngayon ay napaiyak na rin.
Umiling ako.

Tumayo si Cresia. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Apat na taon na ang lumipas pero walang araw na hindi ko binalikan ang lahat.

“Thanks for trusting me then. Magagalit sana ako kasi sa ilang taon, Leil, marami ka palang inilihim sa akin… pero s-sige… dahil ako lang ang sinabihan mo nito, ayos lang,” she cried.
“I’m sorry…” sabi ko. “Dapat matagal ko nang sinabi sa’yo ‘to. Hindi ko lang talaga alam paano…”

Simula noong madalas niya na akong kinakausap tungkol sa misteryosong Prince Charming niya, unti-unti na ring nag-iiba ang topic namin. Nakalimutan niya na ang lalaking iyon, at puro school na ang pinag-uusapan namin.

I like her. I learned so many things from her.

Lucresia Lopez is the daughter of Don Lopez of the Lopez Shipping Lines. Yes, she is very rich. They have almost a hundred cargo and roll on/roll off vessels traveling in Luzon, Visayas, and Mindanao. She’s well respected in our school because she’s a strong girl, bukod pa sa estado nila sa buhay.

Magkasama kami sa mall ngayon dahil nagpapatulong siya sa akin sa paghahanap ng accessory na babagay sa magiging suot niya sa kasal ni Primrose at ng Kuya Arthur niya. For years, she wanted me and her brother to date, instead. She hates Primrose a lot.

“Akala ko talaga nahihiya ka lang aminin na kayo ni Prince, Leil. You have someone else in your heart-”
Maagap akong umiling doon. “Wala na!”

Kitang-kita ko sa mukha ni Cresia ang paghihirap na intindihin lahat ng nangyari. Nilagay niya ang kanyang palad sa kanyang labi, kita parin ang pagkakagulat sa naikwento ko.

I told her everything. From the very start. All the details of it. I understand that it’s too much to take in in just one sitting. Hindi na namin halos makain ang aming pagkain.

“That man likes you, Leil!” mabilis niyang agap. “Hindi kaya iyong Prince Charming ko noon, siya ‘yon?”
Umiling ako. “Makikilala ko siya agad, kahit nakatalikod, Cres. Hindi siya ‘yon. At… hindi ako gusto nun,” masakit kong nasabi. “Wala nang halaga ang lahat ngayon.”

Noon ko pa pinangarap na magkaroon ng kaibigang babae. Pero nang nagkaroon naman ako, ilang taon bago ko pinagkatiwalaan ng husto. Buti na lang hindi nagalit si Cresia.

She trusts me so much. She even declined her father’s offer to study in Manila dahil lang dito ako mag-aaral ng college sa Iloilo. Ayaw kasi ni Prince na sa Manila ako. Marami raw bad influence kaya nanatili ako rito. Sumama naman si Cresia kahit na hindi naman talaga dapat.

“Ayos ka lang?” nangingiti kong tanong habang tinitingnan siyang halos tulala.
“Are you kidding me? I can’t process that in just one sitting! You just told me that you were once treated like a goddess! Literal, Leil. This is so hard to process! My gosh!” sabay hawak niya sa dibdib.

Natawa ako. Pinawi ko ang luhang tumakas sa gilid ng aking mga mata.

Sa totoo lang, gumaan ang loob ko. Dapat pala noon ko pa ito ginawa. Ang magkwento sa isang kaibigan ay nakakagaan pala ng loob. Pero nangalabit lang naman lahat ng alaala ngayon dahil sa hourglass na nakita ko, at dahil na rin kahapon.

“Tinawagan ako ni Papa kahapon,” nangilabot ako sa sariling salita.

Napayakap din si Cresia sa kanyang mga braso. Naramdaman ko ang pangingilabot din nito.

“Hindi ko inakala na siya iyon, noong una. Pero kalaunan, nakilala ko ang boses niya.”
“He’s a criminal!”
“Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa… It was a very fast conversation. Nagtanong siya kung kumusta ako. Sumagot ako na ayos lang pero hindi ko alam kung sino ang kausap ko.”
“Leil! You should report this to the police!”

Kinagat ko ang labi ko.

“Sinabi niya sa akin na nagtatago siya. Sa Negros.”
“God! Leil! I swear to you my father can help with the investigation…” agad na natigilan si Cresia. “But… wait… Kung ikaw ba… ipakukulong mo ba ang tatay mo?”

Ngumuso ako. Iyan ang pinakamahirap na tanong sa lahat. My father isn’t exactly a good man but I love him. Mahal ko ang Papa ko. Pero kung hustisya ang pag-uusapan, oo, gusto kong makamit ng lahat ng nadamay sa gulo ang hustisya. Kahit pa masakit sa akin iyon.

“If there is enough evidence. If he’s really… guilty…” bigo kong nasabi.
“Kung sa bagay… Kung ang mga Riego na nga ang nag-iimbestiga at hindi pa nahahanap, grabe na talaga iyon. Your father is very good at hiding then.”

Nagkatinginan kami ni Cresia. Kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi parin siya makapaniwala. She trusts me. She believes me. But the story is too much to be real.

“Now I’m very determined to really make you successful!”

Sakin naman ang nanliliit na mga mata ngayon. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, ilang taon ko na rin siyang tinutulungan sa pag-aaral niya. Lagi niyang sinasabi na kukunin daw niya ako sa Lopez Shipping Lines pagkagraduate namin.

“Pupunta tayo ng Manila pagkatapos natin ng college, Leil. Doon ka sa company namin magtatrabaho!”
“Cresia, nangako ako kay Prince.”
Umirap siya. “Mas malaki pasahod sa company namin!”
“Tama na. Tinulungan nila ako makagraduate kaya dapat lang na tumulong din ako sa hotel,” sabi ko.

Nag-isip na siya ng iba pang paraan para makumbinsi ako. Sa huli, tumigil na kami.

“Kailangan ko nang umuwi…” sabi ko nang nakita ang oras.

May dinner sa bahay mamaya. Nakauwi galing Manila si Prince at sinabi niya sa aking kailangan 5pm, nakauwi na rin ako galing sa pagsama kay Cresia.

“It’s almost five…” sabi ko sabau kuha sa cellphone para maitext na ang driver na kailangan na akong kunin dito sa mall.

Nagbayad na kami at umalis na sa restaurant na iyon. Sinundo na agad si Cresia. She offered a ride pero tumanggi ako dahil malapit na raw ang driver sa mall.

Para makasakay ako agad, lumabas ako roon at lumapit sa kalsada. Palapit ako, napansin ko ang isang itim na SUV sa harap.

Tumingala ako para matingnan lahat ng mga gusali sa paligid. The world is really big. Parang kailanlang ang lahat ng kwento ko kay Cresia. Parang kahapon lang. Parang kahapon lang, Costa Leona lang ang alam kong lugar. Ngayon, narito na ako sa isang syudad.

Napakaraming mga tao, gusali, at sasakyan. Somehow, I’m still lucky to be here.

Parang tumigil ang mundo ko nang pagbaba ko ng tingin ay nakita ko ang isang pamilyar na pares ng mga mata.

Leaning on the black SUV in front of me is a man I am very familiar with. Marami ang nagbago sa kanya. He was already very lean before but right now his body matured more. Nakahalukipkip siya, the veins and the muscles showed on his arms. His black v neck t-shirt hugged his body enough to inform everyone how well cut he is.

His signature faded jeans and black boots made me, once again, remember of the bronzes and greens of the forest back in Costa Leona. Kung saan madalas kaming nagkikita.

Ang kanyang buhok ay parehong ayos lamang. Ang kanyang mukha, madilim. Hindi ko maintindihan kung bakit mas gumwapo… hindi ko maintindihan kung bakit sa paglipas ng panahon, ganoon parin ang opinyon ko sa kanya.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit mas lumala ang nararamdaman ko ngayon. My heart is hyperventilating. Nagwawala ang aking puso at ang aking isipan. Nanginig ako sa takot at… sa saya.

I cannot believe the betrayal of my own feelings! I cannot be this hopeless for him.

Na sa ilang taon kaming nagkalayo, at sa ilang taon kong gustong magkagusto sa iba, ganito parin, unang tingin ko pa lang sa kanya?

How dare you, Soleil!? How dare you feel this way!?

He was hurt, I understand. I got hurt, too. Kaya hindi pwedeng ganito ang maramdaman ko para sa kanya!

Umigting ang kanyang panga at tumuwid sa pagkakatayo. Kinalas niya ang nakahalukipkip na braso. Tumigil ako, ilang metro lang ang layo sa kanya.

My tears formed when I realize that things have changed. For the worst. I am still deeply in love with him. I am more in love with him. Even after everything.

And here I am bravely standing in front of him, I know what he wants.

“Kukunin mo ako?”

His dark heavy-lidded eyes is very mysterious and vicious. The brute moved to open the door of the front seat of his car. His movements are laced with hard masculinity.

“Get in,” he commanded.

Yumuko ako at marahang tumango, accepting my fate.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.