Sands of Time – Kabanata 18

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 18

Kabanata 18
Luck

Tumutulo ang luha ko habang naglalakad. Hawak hawak ang magkabilang dulo ng nakataling shawl ni Ma’am Avila, nanginginig pa ang mga kamay ko.

Maingay ang kanilang mga taong nadaanan namin. Everyone seemed very busy shouting and panicking.

“Nasa eskwelahan daw!” sigaw nang sigaw ang mga nadaanan nang sumakay na kami sa tricycle.
“Tumakbo kayo galing sa eskwelahan, Ma’am?” tanong ng driver.

Mas lalo kong inayos ang balabal para hindi makita ang aking mukha.

“O-Oo!” si Ma’am na tunog takot parin ang boses.
“Mabuti na lang! Naroon daw ang mga kultong ‘yon. Hindi namin alam sinong pinunta. Baka may papatayin o may kukunin. Hindi ba nag-aaral yata iyong sinasamba nilang diwata? Baka iyon ang kukunin nila. Magulo ba roon, Ma’am?”
“O-Oo! So-Sobrang gulo…” natatanging sinabi ni Ma’am.

Kung ibang tao ang makakarinig sa boses ni Ma’am, iisiping takot lamang ito. Pero dahil alam ko ang totoo, alam kong nahihirapan lang din siyang magsinungaling.

Mariin ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Nang narinig ko kasi ang sinabi ng driver, napa-angat ako ng tingin. Binaba ko ulit ang mukha ko para hindi ako makita nito.

Hindi namin alam o naabutan na pumunta ang mga taga nayon sa eskwelahan. Siguro, nang papunta ang mga ito roon, pauwi ako sa amin.

I don’t understand anything. I cannot think straight. How did it all happen? Why did my father kill Hades Riego? Hindi kaya kasinungalingan lang iyon? My father may be a liar and a user, but he’s not a killer! Definitely not! Hindi, lalo, na palapit na kami sa katapusan ng kahirapang ito. We were almost there. He’s decided to end the lies. Kaya imposibleng ganito ang mangyari!

Umiling ako at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak.

Sa daanan, nakita namin ang iilang mga sasakyan ng pulisya at mga grupo na patungo sa gubat. Maiingay sila at determinado sa kung ano.

“Nakatakas ang iilan sa kanila! Nasa gubat ang mga babaeng kulto! Iniwan ang kabahayan bago nasunog!”

Namilog ang mga mata ko at sinundan ng tingin ang grupo ng mga police na pumapasok sa bukana papasok sa planta ng mga Riego. Sa dami ng mga sasakyang tumigil at sa mga usisero, hindi agad naka lagpas ang tricycle.

Ma’am Avila pushed my head down. Lalo na nang may sumulyap sa amin sa loob ng tricycle at bahagyang nagtagal ang tingin.

Red lights from the police mobiles filled the night.

“Kung bakit ba kasi nila hinayaan ‘yang kultong ‘yan! Dapat matagal na ‘yang sinunog!”
“Team Alpha is on the school. Siguradong naroon si Balthazar kasi nandoon daw ang anak!”
“Pauwi na si Ares! Huwag na ‘yang mga putang inang mga babaeng kulto ang tugisin n’yo! Unahin n’yo ang diwata nila at si Balthazar!”

Kinuyom ko ang nanginginig kong kamay at mas lalong yumuko.

“Dapat talaga noon pa pinalayas ang mga paganong iyon,” sabi ng tricycle driver nang lumagpas na kami roon.

Patuloy ang buhos ng mga luha ko. I feel so weak and confused. The image of the burning houses flashed on my mind. The screams of the villagers kept playing back on my ears. Nakatakas raw sila. Kaaalis lang siguro nila noong dumating ako at ang iyakang narinig, hindi kalayuan, ay kanila. Saan sila nagpunta? Sa malayong bukid? Sa likod?

Anong mangyayari sa kanila? Kailangan ko silang hanapin.

Si Papa… ang mga kasama niya… nasa eskwelahan. Kukunin nila ako, hindi ba? Dapat bumalik ako sa school!

Nilingon ko si Ma’am Avila.

“Ma’am, sa school na lang po ako-”
“Shhh!” she hushed me angrily and painfully. Sumulyap siya sa driver na napatingin na rin sa amin.

Yumuko ako agad. Pagkarating se terminal ng bus ay binigyan na ni Ma’am ng pera ang driver. She muttered about the change, hindi niya na ito kinuha.

Hinila niya na ako patungo sa isang bus na bumubusina bilang hudyat na malapit nang umalis. Si Lola Brosing, may dalang bayong, may balabal, at umiiyak din, ay nag-aantay sa paanan ng bus. Niyakap niya ako nang nakasalubong. Pumikit ako ng mariin at hinayaan siyang gawin iyon.

“Leil, Leil…” tawag ni Ma’am at mabilis akong hinarap.

Umiling ako. Hindi ko maisatinig ang pagmamakaawa na sana ay ibalik niya na lang ako sa school.

“Alam kong gusto mong sumama sa Papa mo. Pero sana, maintindihan mo itong gagawin ko para sa’yo kalaunan. Tatawag ako sa iyo. Mag-uusap tayo-”
“Luz! Umuwi ka na! Nasisiguro kong hahanapin ka! Alam ni Raoul na roon pumupunta ang bata! Sa’tin hahanapin!”
“Oo, Ma. Mag-iingat kayo. Tatawag din ako roon para may sumundo sa inyo. Mag-ingat kayo…”

Nanghihina ako. Tulala habang umiiyak, sumunod na lamang ako kay Lola Brosing. Pumasok kami sa loob ng bus. Tanging ang mga mata ko lang ang makikita sa suot na balabal. Iilan ang tulog na sa loob, iilan ang gising at isang beses lang akong sinulyapan.

Hinila ako ni Lola sa pinakahuling pangdalawahang upuan. Ako ang naupo sa malapit sa bintana, siya naman ang sa tabi ko. Gumalaw na ang bus at bumisina ulit. Tulala parin ako, bumubuhos ng tahimik ang mga luha.

Bumilis ang takbo ng bus at unti-unti na kaming lumalayo roon pero wala paring kapaguran ang aking mga luha. Hindi parin ako makapaniwala.

Hindi magagawa ni Papa iyon. Hindi niya papatayin si Hades. Matalik na magkaibigan si Papa at si Felicia Riego. Baka may ibang pumatay at pinagbintangan lang si Papa?

I recalled the image of the burning houses again. I cried harder. I recalled how the villagers cried for it. I recalled how my one and most loyal friend was killed by the bidding of…

Bakit?

Kung totoo, bakit sinunog ang mga bahay? Kung sumuko ba ako, hindi ba mangyayari iyon? Hindi masusunog, hindi aalis ang mga ka-nayon, at hindi papatay ng kambing?

Habang lumalalim ang gabi, mas lalo akong humihikbi. Sobrang sakit ng puso ko. Hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari.

Hinagod ni Lola ang likod ko. Tahimik lang din siya. Minsan, naririnig ko ang mumunting hikbi ni Lola habang hinahagod ako pero hindi na rin siya nagsasalita.

Hindi ako nakatulog ni isang minuto, buong byahe. Wala akong ibang inisip ng paulit-ulit kundi ang nayon, ang mga tao, si Papa, at ang aking kambing.

Akala ko noon, ang byahe palabas ng Costa Leona ay magiging masaya para sa akin. I have never been outside the province. It will be such a good experience to see new things and sceneries. Hindi ganito. Hindi umiiyak at walang interes sa kahit ano kundi ang nayong iniwan.

Pagkakamali lang ang lahat. Pinagbintangan lang si Papa. Hindi magagawa ni Papa iyon. Iaahon ako ni Papa sa lahat. He lied to many people but he can never kill anyone. Lalo na si Hades Riego. Hades has been good to us. Hindi niya kami pinaalis sa lupain nila, ilang taon man ang lumipas. Imposible!

“Lola…” tawag ko pagkatapos ng ilang oras na pagkakatulala.

Pagod ang mga mata ni Lola nang harapin ako. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata.

“Pagkakamali lang ‘yon. Bumalik po tayo. Kailangan kong sabihin kay Raoul na napagbintangan lang si Papa…” I cried softly.
Umiling si Lola Brosing at mas lalong naiyak.

Wala akong nagawa. Wala rin akong ebidensya. Just my faith for my father.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas. Lumipat kami sa ibang bus at tuloy-tuloy ulit ang byahe.

Nang tumigil, tulala parin ako. Hindi na umiiyak pero wala na ring kibo.

“Leil, apo…” marahang tawag ni Lola sa akin.

Nagsisibabaan na ang mga tao sa loob ng bus. Nakaupo pa kami ni Lola.

“Pagbaba natin dito, maghahanap tayo ng matutuluyan para makapagpahinga ka. Bukas, may bibisitahin tayo…” Lola Brosing informed me.

Hindi ako kumibo. Wala akong ginawa kundi ang sundin ang lahat ng sinabi ni Lola. Hindi rin ako makapagsalita. Maiiyak ako kapag nagsalita ako.

Hawak ni Lola Brosing ang palapulsuhan ko habang naglalakad kami palabas ng terminal. Kinuha ko ang bayong na dala niya nang nakita ang paghihirap niya. Lalo na dahil katawagan niya si Ma’am Avila sa cellphone.

“Saan, Luz? Anong sasakyan?”

Malamig ang panggabing hangin. Hindi ko na alam kung anong oras na. Base sa hangin, mukhang madaling araw na.

Nilingon ko ang terminal at nakita ang kalakhan nito. A number of yellow colored buses settled down in one row. Hindi pa ako nakakakita ng ganoon ka daming bus sa buong buhay ko. The thought of it hurt me. Dahil alam ko, ang mga taong iniwan ko sa Costa Leona, ganito rin siguro ang maiisip kung makakita ng ganito.

“Meron. Tama lang ito. Huwag ka nang sumunod! Magmamakaawa ako, Luz…” nabasag ang boses ni Lola Brosing.

Bumagsak ang tingin ko sa bayong. Pati sina Ma’am Avila at Lola Brosing, pinapahirapan ko.

Hinila ako ni Lola at pumara na siya ng jeep. Sumakay kami roon, kasama ang iilang pasahero noong bus. Ilang sandali ang lumipas, nakita ko na ang napakaraming ilaw galing sa iba’t-ibang naglalakihang gusali.

My tears formed again. The lights remind me of the embers I’ve seen. Pumikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha.

Tulala ako hanggang sa nakarating at pumasok kami sa isang gusali. Nakaupo ako sa isang sofa habang tinatanaw ang nanginginig na kamay ni Lola Brosing. Ibinibigay niya ang isang malaking halaga ng pera sa tanggapan noong gusali.

Tinitingnan ako ng kausap niya. Nginingitian pero wala akong ibang naging ekspresyon kundi ang panghihina.

Nakatulog ako sa isang malinis at malambot na kama. Sa ilalim ng mainit na kumot at sa tunog ng pagtitiwala ni Lola.

“Luz, baka naman pwede… Kakausapin ko. Wala na rin ba talagang iba? Baka nagkakamali ka lang?” mahina ang sinabi ni Lola pero nagawa ko ang magising.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ang maaliwalas na langit sa labas ng isang maliit na bintana sa silid na iyon. Bumangon ako. Nang nakita ni Lola ang pagbangon ko, nagpaalam agad siya kay Ma’am at dumalo na kaagad sa akin.

Kinusot ko ang mata ko at bumaling kay Lola na nakaupo na ngayon sa kama.

“Si Papa, Lola? Ang mga ka-nayon? May balita po ba roon?”
“Leil,” nanginginig parin ang boses niya at may luha sa mga mata. “Alam kong gusto mong bumalik para sa Papa mo at sa ka-nayon mo. Sana balang araw, maintindihan mo itong ginagawa namin ng Ma’am mo ngayon. Kailangan ka naming ilayo roon.”
“Ano pong nangyari? Hindi naman po totoo na pinatay ni Papa si Hades Riego, ‘di ba?”

Kitang-kita ko ang paghihirap at sakit sa mukha ni Lola. Umiling siya. Nagmamakaawa ako na bawiin niya ang lahat ng iyon. Na sabihin niya sa akin ngayon, na panaginip lang talaga ang lahat.

“Leil, nakatakas ang mga kanayon mo. Ayon sa balita, walang nasaktan sa mga babae. Pero sa mga tauhan ng Papa mo, may iilang napatay ng mga pulis habang tinutugis.”

Hindi parin natanggal ang pag-aalala ko. Hindi nabawasan ang sakit kahit pa ganoon ang narinig.

“Nahuli ang ibang kasamahan ng Papa mo, Leil…”
Umiling ako. “Napagbintangan lang siya, Lola.”
“May nakakita sa nangyari. Mayroon ding video. Leil, pinatay ng Papa mo si Hades Riego…” may idudugtong pa sana siya pero hindi niya itinuloy.

My heart is breaking so bad. There must be a problem or something. Hindi pwede ‘to!

“Umuwi lahat ng mga Riego. Nakatakas sa barilan ang Papa mo. Iilan lang silang nakatakas. Nakatakas lamang sila dahil sa gulong nangyari sa eskwelahan. Naroon sila. Hula namin ng Ma’am mo’y, ikaw ang sadya nila. Iilang estudyante rin ang nasugatan at nadamay. Nahirapan ang mga pulis na hulihin ang Papa mo dahil sa dami ng sibilyan. Kasalukuyan pa siyang tinutugis ngayon.”

Humagulhol ako. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.

“Pinuntahan ang Ma’am mo sa bahay. Iniimbistegahan ngayon. Dahil kahit anong haka-haka na naitakas ka nga ng Papa mo, may iilan ding nagsasabi na baka tinatago ka ni Luz.”

Hindi ko yata kakayanin ang lahat ng ito. Gusto ko na lang sumuko sa mga pulis. At kung gusto ng mga taga Costa Leona na patayin ako, magpapaubaya na ako sa kanila.

“La, ibalik n’yo na lang po ako sa Costa Leona-”
“Shhh… Apo, galit na galit ang mga tao. Maaaring-”
“Kahit patayin na lang din ako roon, Lola-”
“Leil!” pagalit na yugyog ni Lola sa akin. “Huwag na huwag kang magsalita ng ganyan!”

Humagulhol ako.

“Makinig ka! Mananatili ka rito. Mag-aaral ka at magbabagong buhay.”

Wala akong kilala rito. Wala akong pera. Hindi ko alam kung paano. Wala akong lakas para sa ganoong buhay. Lalo na ngayon.

“Sa paghahanap ni Luz sa kamag-anak mo, nakilala niya ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ng Mama mo rito sa Iloilo. Nakausap niya ng ilang beses at mabait naman iyon. Kung kakausapin natin ngayon, baka pumayag na pansamantala kang titira sa kanila…”

Hindi ako tatanggapin doon. Given my background, I don’t think so. Huminga ako ng malalim.

“Kahit na hindi na niya nakausap ang Mama mo pagkatapos ng highschool, naaalala niya parin ito. Matalik na kaibigan siya ng Mama mo. Kung sakaling makita ka niya, maaalala niya ang Mama mo, Leil.”

Naligo ako at nagbihis. Kumain na rin kami roon at pagkatapos ay umalis na sa gusaling iyon. Tulala parin ako, dala-dala ang bayong ni Lola Brosing. Si Lola ang hirap na pumara at magtanong-tanong sa mga tricycle at jeepney. Wala akong ibang maitutulong kundi ang pagdala sa bayong.

Ni hindi pa ako makapagdesisyon kung tama ba ito o ano. Hindi ko rin alam kung gusto ko ba ito. Kung tatanungin ako, mas gusto kong umuwi ng Costa Leona.

Sa isang napakalaking gate kami itinigil. The gate reminded me of the grand gate of Casa Riego. Akala ko’y isang mansion ang sasalubong sa loob pero nang sumilip ako, isang napakalaking lugar nito na puno ng malalaking bahay.

“Sa mga Ledesma po kami…” sabi ni Lola sa isang security guard malapit sa gate.

May sinabi ang security guard sa kanyang telepono. Ilang sandali kaming nanatili roon bago tumango ang guard at pumayag na na pumasok kami.

Mainit. Kokonti ang puno kaya pawis na pawis kami ni Lola. Itinuro ng guard kanina kung saang bahay iyon at medyo malayo pala galing sa gate.

Naglalakihang bahay ang nakita ko bawat bloke. I’ve never seen big houses this many before. Pero kung ikukumpara ko iyon sa pinakamalaking mansyong nakita ko, walang wala parin ang mga ito.

The pain attacked my heart so bad. Naiiyak ulit ako.

Tumigil kami sa isang malaking kulay langit na bahay. Isang de unipormeng babae ang nagpapasok sa amin sa gate. May naalala akong agad ko ring inalis sa isipan.

Pinapasok kami sa malaking bahay at pinaupo sa may kalakihang tanggapan. Lola Brosing is a bit nervous while I just sit there and focus on one thing just so I could think.

Bakit ako narito? Kailangan kong umuwi. Kailangan kong panagutan ang nangyari.

Hindi ko kasalanan. Wala akong kakayahan na ipagtanggol ang sarili ko. Walang maniniwala sa akin. And… Raoul… Raoul’s father died. My Papa killed Hades Riego. He’s angry. He’ll never believe me. Baka akala niya na ako nga ang may pakana ng lahat.

“Magandang umaga, Ma’am… Ako po si Ambrosia Avila, nanay ni Lucinda Avila…” panimula ni Lola nang biglaang dumating ang isang magandang babae.

Tumayo na rin ako. Napatingin ang babae sa akin.

She’s very fair. Her eyes were doe and her short hair was very black. Hula ko, mas matanda ito ng konti kay Ma’am Luz. She’s wearing a red lipstick, and her jewelries were all gold. Naka pares na kulay abong slacks at blusa ito. Sa likod ng babae ay ang de unipormeng kasambahay kanina.

“Ito si Soleil Cervantes. Anak ni Solene Villegas, kung naaalala mo.”
“Of course! Sol was a dear friend of mine…”

Napatingin ang babae sa akin. Kitang-kita ko ang pananantya niya pero agad na iminuwestra ang upuan namin.

“Have a seat…”

Sabay kaming naupo ni Lola. Nakatitig na ang babae sa akin ngayon.

“Well, there’s no doubt that she really is Sol’s daughter. Kamukhang kamukha niya ang kaibigan ko…”
Lola laughed awkwardly.
“I have not met Sol’s husband. Ni hindi ko alam na nag-asawa siya. We parted ways when I left Iloilo for college. Nanatili kasi siya rito. Though she visits me in Manila… but…” kumunot ang noo noong babae. “I only remember her crushing on someone I know. Hindi iyong hindi ko kilala.”

Huminga ng malalim ang babae at ngumiti. Lola Brosing smiled back but I couldn’t. I remained silent.

“I’m Rosalia Ledesma. Just call me Tita Sally, hija… It’s nice to meet Sol’s daughter after so many long years. It’s like seeing her again.”

Napawi ang ngiti ng babae pagbaling niya kay Lola Brosing.

“Naikwento nga po ni Lucinda sa akin na hindi maganda ang trato ng Papa nitong anak ni Sol sa bata.” Malungkot siyang ngumiti. “Nasabi na rin sa akin ni Lucinda kung ano ang sadya n’yo ngayon dito…”

Tumango si Lola. Nakangiti ito pero kita ang kahihiyan.

“Makakatulong ako sa pinansyal pero kung ipapatira rito, hindi ako sigurado. Hindi pa kami nakakapag-usap ng asawa ko at tingin ko’y masyado naman yatang biglaan. May dalawang anak ako at hindi maganda ang takbo ng negosyo namin ngayon. Kung magpapatira pa ako ng isa pang bata rito, baka mahirapan kami.”
“Ma’am… baka naman po pwede… Marunong po ito si Soleil sa gawaing bahay. Mauutusan po at mabait na bata naman. Masisilungan lang naman ang kailangan niya.”
“Pwede naman pong sa inyo na lang muna ni Luz itong si Soleil. Pasensya na pero hindi kasi ako nakapaghanda. Magbibigay na lang ako ng pera-”
“Ma’am, sige na po. Hindi siya pwede sa amin sa Costa Leona kasi baka bawiin siya ng Papa niya-”
“All the more we can’t afford to have her here! We are not her foster parents! Baka pa kasuhan kami-”
“Nagtatago po ngayon ang Papa niya. May kasalanan kasi sa batas. Hindi po noon kayang kasuhan ang sinuman dahil bukod sa walang pera, hindi rin po siya magpapakita sa awtoridad. Kung sa amin po siya, Ma’am, manganganib ang buhay niya. Hindi po eksklusibong village ang tuluyan namin, gaya n’yo. Isang maliit at lumang bahay lang. Hindi po namin mapoprotektahan si Leil. Gustuhin man namin.”

Kitang-kita ko ang pag-aapila sa kay Rosalia Ledesma pero inunahan na siya ni Lola.

“Ang totoo, kung kami ang pagdedesisyunin, sa amin lang si Leil. Masakit po sa amin ito. Pero kung hindi po namin siya mapo-protektahan laban sa karahasan, wala rin pong silbi. Nagmamakaawa po kami, Ma’am. Hindi po kami lalapit kapag hindi nangangailangan-”

Natigil si Lola nang may biglang sumulpot. A teenager appeared and hugged Rosalia Ledesma. Mas matanda lang ng konti ang babae sa akin at kamukha niya ang babaeng Ledesma. Tingin ko’y isa ito sa mga anak niya.

“Good morning, Mommy! Good morning, po!” bati niya sa amin.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. She’s wearing something very fancy and sexy. Sobrang iksi ng skirt niya, at ang damit ay spaghetti strap lamang. Pinaglalaruan niya ang isang itim na susi.

“Where are you going this early?” tanong ni Rosalia Ledesma sa anak.

Parang hindi iyon narinig ng anak. Nakatitig lang sa akin ang babae at unti-unting naupo sa tabi ng Mama.

“Ah! This is my daughter, Primrose Ledesma. Prim, Ambrosia Avila, and Soleil. Soleil is my bestfriend’s daughter. Naalala mo iyong kwento ko? The one in the picture frame?”
“Oh yeah! I think I remember her mother!” nakatitig parin ito sa akin.

May idudugtong pa sana si Mrs. Ledesma nang biglang naglabasan ang iilan de unipormeng kasambahay. I heard them talking about the arrival of “Sirs”. Tumayo si Lola kaya gumaya na rin ako.

Ilang sandali ang lumipas ay binuksan na ang mga pintuan at pumasok na ang mga lalaking tinukoy. Ang isa’y matanda. Siguro’y mas matanda ng konti sa kay Papa. Ang isa namay bata, tingin ko’y anak din nila. Siguro ang panganay.

Nakatingin na ang dalawang lalaki sa amin ni Lola. Natawa si Rosalia Ledesma at iminuwestra kami sa mga bagong dating.

“Dad, this is Ambrosia Avila of Costa Leona. She’s with Soleil, Solene’s daughter.”

Naglahad ng kamay ang nakangiting matandang Ledesma sa akin. Nanatili namang tahimik at nakatingin lang ang anak.

“This is my husband, Preston Ledesma and my son, Prince…”

Ilan pang pakikipag-usap ay naimbitahan na kami ni Preston Ledesma sa kanilang hapag. Nahihiya ako. Ramdam ko rin ang hiya ni Lola Brosing pero mas ramdam ko ang pagiging desperada niya.

Tinanong nila ang tungkol sa pagkamatay ni Mama pero dahil bata pa ako noon, si Lola Brosing lang ang sumagot. Naintindihan naman nila iyon.

“Sir…” panimula ni Lola Brosing. “Bumisita po talaga kami rito dahil gusto kong makiusap…”

Primrose Ledesma stopped eating a bit. Uminom naman ng tubig ang lalaking anak. Tingin ko, alam na nila ang sasabihin ni Lola.

“Kailangan po ni Soleil ng matutuluyan. Manganganib kasi siya sa amin dahil sa tatay niya. May sala kasi sa batas, pinaghahanap kaya walang matukuyan si Leil bukod samin. At kapag sa amin naman siya, mahihirapan kaming protektahan siya. Wala po kaming… gaya n’yo na mga security at kung anu-ano pa…”

Naiyak na si Lola. The awkward silence filled the room. Pumikit ako ng mariin ay hinagod na lamang ang likod ni Lola.

“Tama na po. Ayos lang, Lola. Umuwi na lang po tayo sa Costa Leona. Huwag na po kayong mag-alala sa akin,” sabi ko sa wakas.
Umiling si Lola. “Hindi, Leil-”
“Why not!?” sabi ng matandang Ledesma.

Nagulat ako roon. Pumalakpak si Primrose at ngumisi.

“Sige, Mommy! Kasya pa po siya sa guestroom! Kahit sa maid’s quarter-”
“Kaya niya po ang gawaing bahay! Marunong siya!” mabilis na sinabi ni Lola.
“Iyon naman pala,” ang lalaking Ledesma.
“Pres, we’re in the middle of bankruptcy. Mapapagastos tayo…” si Rosalie.
“Hindi natin papag-aralin sa mamahalin, at marunong naman sa gawaing bahay. And trust me, before this month ends, we’re good with the business!”

Nagmakaawa ako kay Lola nang napagdesisyonan iyon. Gusto kong bumalik sa Costa Leona kahit na alam kong wala na akong babalikan pa roon. Gusto kong umuwi. Ayaw kong mag-isa rito.

But then I guess, that’s how life goes. You don’t always like where you’re at. You won’t always like the decisions.

Luck.

Muntik ko nang makalimutan na may hangganan nga pala ang swerte. Mas masakit pala ang paniningil nito.

I cried and prayed for time to pass me by fast. Lalo na ngayon na hirap akong tanggapin ang kahit ano. Pero imbes na dinggin ako, bumagal lamang ito.

“Leil, magpakabait ka riyan, ha?” si Ma’am Avila, umiiyak sa kabilang linya.

Iniwan ni Lola Brosing ang kanyang cellphone para sa akin. Wala akong nasabi sa linya. Halos wala akong tinig. Tanging hikbi lang ang iginawad ko.

“Thank God!” anunsyo ni Tita Sally sa hapag.

Dala ang pitsel ay nilalagyan ko ng juice ang kanilang mga baso. Isang linggo na ako rito sa kanila. Hindi man nauutusan, pinipilit kong manilbihan. Sinasayaw ako lagi na itigil ko ang ginagawa at maupo na sa hapag pero tinatapos ko ang pagsisilbi bago iyon ginagawa.

Sa isang kwarto sa maid’s quarter ako natutulog. May bakante kasi dahil may tinanggal silang mga kasambahay. Isang taon na yatang “losing” ang kompanya nila.

“I can’t believe it! After months! Ngayon lang talaga!” sabi naman ni Tito Ton.
“Yehey! The company will surely be strong again, Dad!” si Prim naman ngayon.

Bumaling ang mag-asawang Ledesma sa akin. Naglalagay ako ng juice sa baso ni Prince.

“Tama na ‘yan, Leil. Tingin ko, swerte ka! Simula noong dumating ka rito, sinwerte kami. Nakuha ang deal, tumaas ang demand, dumami ang customer! Lahat! Maupo ka na at kumain na tayo. Hindi ka narito para pagsilbihan kami!” si Tita Sally.
“You’re right. Ikaw yata talaga ang may dala ng swerte, hija. For almost a year, ngayon lang kami nakabawi ng ganito!” sabi naman ni Tito Ton.

Ngumiti ako pero tahimik na nagpatuloy. Naupo ako sa tapat ni Prince at tahimik na naglagay ng pagkain sa aking pinggan.

Nagpatuloy sila sa usaping negosyo. Sumali si Prim and Prince sa kanila. Nasisiguro nila ang pagbangon noon. Nagplano na sila agad ng mga gagawin.

Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain. Nakikinig lamang sa kanilang mga gusto.

Ang dalawang anak ng mga Ledesma ay nag-aaral sa Maynila. Umuuwi sila tuwing weekends. Hindi naman daw palagi pero umuwi rin sila ngayon.

Primrose is nineteen years old. Prince is twenty or older, I don’t know. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap. Si Prim lang ang kumakausap madalas sa akin. She’s a bit bubbly and good.

Kapag nariyan siya, inuutusan niya akong maglinis sa kanyang kwarto o ‘di kaya’y magblowdry ng kanyang buhok. Minsan, naiinis siya kasi hindi ako nagsasalita. ‘Tsaka lang ako nagsasalita kapag tinatanong.

“Kung totoong swerte siya, Mommy, bakit ako minamalas sa babae?” si Prince na nagtataas ng kilay sa akin.

Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain ko hanggang sa tumigil na lang, nawawalan ng gana sa paratang ni Prince sa akin. I know he doesn’t like me very much.

“E ‘di maganda! Titigil ka na sa pambababae mo!”
“Hindi talaga. Malas itong si Soleil. Kung totoong swerte siya, dapat sinagot na ako!” he said a bit playfully.

Nanatili akong nakayuko.

“Prince!” saway ni Tita Sally sa anak.

It was very hard. Umiiyak ako gabi-gabi. Gabi-gabi ko ring napapanaginipan ang nangyari sa nayon. Sa umaga, nagigising ako na may luha sa pisngi.

I don’t know why I even exist anymore. Dapat ako ‘yong nawala. Dapat ako na lang iyong namatay.

Minsan, nakareplay sa isipan ko ang pag-uwi sa Costa Leona. Uuwi ako roon, pagtutulungan ng lahat at papatayin na. Kapag ba namatay ako, maghihilom ang sugat nilang lahat?

Hindi. Oo. My life can’t take Hades Riego’s life back but maybe it can lessen their pain? At gusto kong magawa ang kahit ano makatulong lang kahit paano sa mga taong iyon.

And yet, I still wake up everyday. I still stand and continue helping in the kitchen and doing many chores. Gaano man kabigat ang nararamdaman ko, nagpapatuloy parin ang katawan ko. Gaano man kasakit ang puso ko, gaano ko man kagustong tumigil na, hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin na magpatuloy.

Is it the memories I left? Ma’am Avila’s voice? Lola Brosing? My hope for a brighter future? I don’t know.

Nakita ko ang unti-unting pagbangon at pagsaya ng mga Ledesma dahil sa kanilang negosyo. After a month, they bought a new car. I don’t know what it was but I heard it’s very expensive.

Summer nang narinig ko na sobrang nakabawi na sila sa lahat ng nawala sa negosyo. Nagbakasyon sila. Inanyayahan ako pero tumanggi ako. Bumisita rin kasi sina Ma’am Avila kaya hindi na ako pinilit ng mga Ledesma.

I realized that their family is powerful. Hindi ko alam paano ako nagkaroon ng mga dokumento. Hinayaan din nila akong pag-aralan ang iilang relihiyon dahil iyon ang abiso ni Ma’am Avila sa kanila. Though, they didn’t know of my past, they also didn’t ask about it.

Sa katapusan ng buwan, inabisuhan ako ng mga Ledesma na gumaya sa kanila. Naniniwala ako kaya iyon na rin ang pinaniwalaan ko.

That didn’t make me forget of everything. I still cry myself to sleep at night. I still dream about it.

“Ako na nito,” sabi ko sa kasambahay sabay kuha sa iilang tuwalya.

Ihahatid ito sa mga bisita ni Prince sa swimming pool. Summer kaya naglagi siya rito sa bahay kasama ni Primrose. Lagi nga lang umaalis kaya madalas hindi kami nagkakasalamuha. Ngayon, narito siya kasama ang mga kaibigan para makapagswimming.

May dalang meryenda ang mga kasambahay kaya nag offer ako sa mga tuwalya. Apat na tuwalya ang meron so I assume he’s with three friends.

I stepped out of the house. Narinig ko kaagad ang ingay nila. May naaalala ako pero agad na isinantabi iyon.

“Uyy!” sabi ng unang nakakita sa akin.

Tumayo ako malapit sa lamesa at inayos na ang mga tuwalya sa likod ng upuan. Bago ko mailagay ang una ay kinuha na ng isang basang-basang lalaki ang tuwalya. Nag-angat ako ng tingin rito. He looked a bit stunned. Ngumiti ako at kinuha ang isa pa para mailagay ulit sa likod ng upuan.

May sumipol. Umahon din ang isa at kinuha ang tuwalya. His hand brushed my hand a bit. Napasinghap ako roon. Ngumisi ang pangalawang lalaki.

“What’s your name? Are you a housemaid?”
“Hindi naka uniporme, dude. Are you kidding me?” sabi ng nauna.

“What are you doing?” Prince’s tone was hard behind me.

Bumaling ako sa kanya. His brown eyes and messy hair made him look like an angel. Pero sa ekspresyon niya ngayon, mas mukha siyang galit na anghel.

“Inaayos ko ang mga tuwalya-”

He dragged me away from there. Nabitiwan ko ang mga tuwalya. Kinabahan ako at pilit na inisip kung ano maari ang kasalanan ko.

I know his family has been very good to me but with him, I just can’t get it right. Lagi siyang iritado. Lagi siyang inis sa akin. Gaano ko man kagusto na makipagkaibigan sa kanya, talagang hindi epektibo.

I know. I regret it. Maybe I’m trying too hard.

Marahas niya akong binitiwan pagdating namin sa sala. Tinuro niya ako sa galit.

“Bakit ka tumutulong sa mga kasambahay! Gusto mo lang talagang makita ka ng mga lalaki kong kaibigan, ‘no!?” he accused.
Umiling ako. “Hindi, Prince. Akala ko lang-”
“Maybe you should just lock yourself in your room so my friends won’t see you!” tuloy-tuloy niyang sinabi.
“Sorry. Sinusubukan ko lang naman na tumulong sa mga kasambahay. Lagi ka kasing galit sa akin kaya nagsisikap akong magustuhan mo…”

Yumuko ako sa kabiguan. Akala ko sisigawan niya akong muli pero wala nang sumunod. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matalim ngunit nagdadalawang-isip ang kanyang mga mata.

“Sorry. Hindi na mauulit…” sabi ko at nagpaalam nang umalis.

Bago ako tuluyang makaalis sa harap niya, hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Napabaling ako sa kanya. His flushed a bit but his face remained angry.

“I’m sorry… I just don’t want…” hindi niya maituloy.

I smiled painfully at that. Nabitiwan niya bigla ang kamay ko. He looked at me with wide eyes.

“Naiintindihan ko.”

Tinalikuran ko siya at tumuloy na ako sa pag-alis.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.