Sands of Time – Kabanata 17

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 17

Kabanata 17
Fire

“Andito na siya!” deklara ni Lola Brosing habang nagliligpit na kami ng pinagkainan sa tanghalian.

Inagahan ko na ang pagpunta kina Ma’am Avila. Naisip ko rin kasing maligo ulit doon para hindi naman ako pawisan pagdating ng ala una. Inangat ko ang tingin ko sa orasan at nakitang alas dose y media pa lang at dumating na si Raoul dito.

“Kanina pa siya rito. Naligo na rin kasi. Kumain ka na ba? Katatapos lang namin, hijo, pero may pagkain pa!”
“Tapos na po ako, La.”
“Ganun ba? Hindi bale, magluluto ako ng pang meryenda. Maraming salamat sa alok mong paghahatid kay Leil at kay Luz patungo sa school…” nagpatuloy pa si Lola sa litanya ng pasasalamat.

Pinunasan ko ang kamay ko, tapos nang maghugas ng pinggan at magtoothbrush. Pagkatapos ay sinuklay ko na ang basang buhok bago nagpakita sa sala, kung nasaan si Raoul.

“Kung wala ka’y dagdag gastusin pa sa tricycle. Alam mo naman ang mga tricycle na ‘yan. Kapag alam na marami ang kukuha ngayon, biglang tataasan ang presyo.”

Nagkatinginan kami ni Raoul. He’s already sitting on the living room’s rattan sofa couch. Ngumiti ako at lumapit sa pang-isahang silya.

“Naliligo pa si Luz. Pagkatapos noong maligo, magsisimula na sila sa pag-aayos sa buhok ni Leil. Ang aga mo, hijo… baka mabagot ka rito?” patuloy pa ni Lola.
“Wala rin naman akong gagawin sa amin, Lola.”
“Ganoon ba? Naku, e, tamang-tama. Pwede mo ba akong tulungan. May ihahatid kasi ako bukas sa kabilang bayan. E, hindi ko pa nagagawa kasi sumasakit na ang likod ko.”

Nakakahiya naman talaga itong si Lola. Mabuti na lang at mabait si Raoul. Tumango lang ito at kitang gustong-gusto pang tumulong.

“Ayos lang ba? Mamaya na lang kapag tapos na si Luz.”
“Oo naman po! Wala naman akong gagawin dito habang nag-aayos sila…” si Raoul sabay sulyap sa akin.

Ang daming pinapagawa ni Lola. Pagsisibakin niya yata ng kahoy si Raoul, at kung anu-ano pang tungkol sa paghahalaman. We did not have any time to talk lalo na nang tinawag na ako ni Ma’am Avila sa pangalawang palapag ng bahay.

Umakyat na ako. Sumulyap ako kay Raoul na ngayon ay iginigiya ni Lola patungo sa likod ng bahay. Even when he looks a bit dark, I can see the humor in his eyes. Hindi ko mapigilan ang pagngisi. His lips twitched sexily at that. Parang nagulat ang puso ko’t bigla itong pumintig ng malakas.

Buntong-hininga ang sinalubong ko kay Ma’am Avila sa taas. May tuwalya sa buhok ni Ma’am at nakatapis siya ng roba. Pinasadahan ko ng tingin ang pangalawang palapag sa kanilang bahay.

May apat na pintuan doon. Apat rin kasi ang kanilang silid dito. Wala nga lang tao sa dalawang silid dahil silang dalawa lang naman ni Lola Brosing ang naroon.

“Sigurado ka bang hindi ka rito matutulog, Leil? Gagabihin tayo.
Umiling ako. “Ayaw ko pong isipin ni Papa na pinagsasamantalahan ko ang ibinibigay niyang pabor sa akin.”
She sighed sadly. “Okay. Sayang naman…”

Pinapasok ako ni Ma’am sa kanyang kwarto. Sa tukador, naroon na ang mga kakailanganin. Manghang-mangha ako sa dami ng make up ni Ma’am. Hindi ko na napigilan ang sarili sa pag tingin sa isa.

“Minsan ko lang nagagamit ang mga ito. Excited na akong gamitin ito sa’yo, hija…” ani Ma’am. “Upo ka rito.”

Pinaupo niya ako sa tapat ng tukador. May pampatuyo siyang pinaandar at itinapat sa aking mahabang buhok. Nahihiya tuloy ako dahil sa haba ng buhok ko, natagalan talaga siya sa ginawang pagsuklay at pag blowdry.

My big loose mermaid curls loosened more. Siguro ay sa init ng hangin na hatid ng blower.

“Medyo sexy ang damit mo sa balikat, Leil. Kaya hindi ko itatali ang buhok mo. Half ponytail lang.”

Nakatingin ako kay Ma’am sa salamin. Halatang seryoso siya sa iniisip at ginagawa niya. Tumango lang ako.

“Ikaw na po bahala, Ma’am.”
“Ilalagay ko ito,” she declared.

Ipinakita ni Ma’am sa akin ang isang hairpiece na puting mga bulaklak. Tumango lang ako kahit hindi ko naman talaga alam kung paano iyon ilalagay ni Ma’am.

Iniwan niya ang buhok ko at inuna na ang aking mukha. May nilagay siya sa aking mukha. Ito iyong nababasa ko sa mga magazine. They were made so a woman’s face will look flawless.

Pagkatapos noon ay sa mga mata ko naman siya. Hindi ko inakalang medyo matagal pala iyan. Unang pagkakataon ko yata itong nalagyan ng make up. Nagulat tuloy ako ng narealize na medyo matagal pala sa bawat isang mata.

Pikit. Tingin sa baba. Pikit ulit. Pikit. Pikit.

May nilagay din siyang pampahaba ng pilikmata. Inayos niya rin ang aking kilay. Kaya naman nang natingnan ko ang sarili ko sa salamin, nagulat ako. Hindi ko inasahan na may mas ikaklaro pa pala sa bahaging iyon ng aking mukha. It was like it was traced beautifully so everyone can see it clearly.

Hindi makapal ang makeup. Tama lang na makita ng husto ang aking mg mata. And all the colors she used were neutral that it almost looked natural. Pagkatapos noon ay ang pisngi ko naman. She used a soft brush on it and it’s done.

She also painted my lips with subtle pink lipstick. First time ko ‘yon kaya medyo nanibago ako.

“Hindi pa masyadong tuyo ang buhok mo kaya mamaya ko na aayusin. Mag-aayos muna ako ng make up ko. Kung gusto mo, magbihis ka na muna…” si Ma’am Avila.

Sinunod ko ang payo ni Ma’am. Tumabi ako sa kanyang kama pero hindi pa agad nakapagbihis. Naaaliw kasi ako sa pagtingin kung paano ayusin ni Ma’am ang kanyang mukha.

She regularly puts lipstick on her lips, hindi nga lang ang ibang bagay tulad ng nilagay niya sa mukha ko. Wala ring kolorete para sa mga mata. Kaya ngayong nag-aayos na siya para sa mas espesyal na okasyon, naaaliw ako.

Alas tres nang natapos si Ma’am sa pagmi-make up ng sarili. Tumayo na ako para makapagbihis na habang pinapatuyo naman ni Ma’am ang kanyang buhok gamit ang blower.

Sinuot ko na pati ang aking sapatos para hindi na ako mahirapan mamaya. Nilingon ako ni Ma’am Avila pagkalabas ng banyo. Tumigil siya sa pagpapatuyo ng buhok.

“My gosh, Leil. You look so beautiful…” ani Ma’am.

Uminit tuloy ang pisngi ko.

“Thank you, Ma’am. Salamat din po sa pagmi-make up.”

Ngumiti si Ma’am at iminuwestra na sa akin ang upuan sa harap ng tukador. Naupo ako roon.

“Ano ka ba! Syempre, maganda ka na talaga noon pa. Mas lalo ka lang gumanda ngayong nalagyan!”

I smiled sweetly. Totoong magaling si Ma’am sa pag-aayos. Hindi niya nga lang ginagawa araw-araw.

Kahit sa buhok ko, parang alam na alam niya ang gagawin. She parted my hair in a loose half ponytail. Pero bago niya sinelyo ay tinirintas niya ang magkabilang gilid. She clipped half of the front side in place. May inispray siya roon bago pinagpatuloy ang pagtirintas sa likod hanggang sa sinelyo niya na ng hairpins.

“Ang galing, Ma’am!” sabi ko habang nag-i-spray ulit siya.
“Libangan ko ‘to, Leil. Noon pa… Ngayon nakakapagpractice na ulit,” sabay tawa ni Ma’am.

For the finishing touches, she clipped the flowers on my hair. Sa likod iyon. Hindi ko kita kaya binigyan ako ni Ma’am ng mas maliit na salamin at itinapat niya iyon sa aking likod para kita ang repleksyon sa tukador.

It looked so nice. Nakadagdag ito ng higawa sa suot ko. Ngumiti ako at nagpasalamat muli.

Ma’am Luz Avila only straightened her hair. Medyo matagal iyon at tumulong na rin ako habang naghihintay sa kanya. Alas kuatro y media nang natapos kami.

“Bumaba ka na, Leil. Magbibihis lang ako,” ani Ma’am habang tinitingnan na ang kanyang susuotin.

She’ll wear a flesh colored long gown with a shawl. Bagay na bagay iyon kay Ma’am, sigurado ako. Tumango ako at umalis na sa kwarto ni Ma’am para makababa.

Dinungaw ko muna ang sala bago bumaba. Raoul’s already sitting on the sofa. Si Lola ay naglalapag na ng meryenda sa lamesita roon. Nakatingin silang pareho sa telebisyon. Bigla akong ginapangan ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

Pababa ng hagdanan, mas lalong tumindi ang kaba ko. I stopped my steps just to breathe. Nang pinagpatuloy ay tumindi na naman.

“Tapos na, Leil?” si Lola nang naramdaman ang pagbaba ko.

Sumulyap ako sa baba at nakita kong tumayo si Raoul. Pumikit ako ng mariin at tuluyan na lang na bumaba kahit pa hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

“Uh… Opo… Si Ma’am na lang, po,” sagot ko.

Lumapit agad ang manghang si Lola Brosing. Ngiting ngiti siya nang hinawakan ang magkabila kong pisngi at niyakap na rin ako.

“Naku, apo! Ang ganda-ganda mo! Dalagang dalaga ka na talaga!”

I smiled awkwardly. Si Raoul na nasa harap ko’y madilim ang tingin sa akin. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. His lips twisted, covering a half smile. Mas lalo lang nag-init ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Binitiwan naman ako ni Lola.

“Magpakasaya ka roon, ha? Makipagkaibigan ka. Sumabay ka sa mga kaedad mo,” bilin ni Lola.
Tumango ako. “Opo.”
“Naku!” sabay kurot ni Lola sa braso ko.

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha ni Lola. Hinagod ko ang likod ni Lola. Naiiyak din ako dahil sa nararamdaman niya pero pinigilan ko ang mga luha ko.

“Ang saya saya ko para sa’yo, Leil…” dagdag ni Lola.
“Salamat, Lola…”
Ngumiti siya at pinahiran ng mga mumunting luha sa gilid ng mga mata. “Siya… kay Raoul lang ‘yang meryenda diyan. Pupunta muna ako sa kusina para makakuha ng sa’yo. Kumain muna kayo bago umalis para hindi kayo magutom.”

Mabilis na umalis si Lola roon. Naiwan tuloy kami ni Raoul sa sala. Tumikhim ako at lumapit na sa malayong sofa sa kanya. Tahimik naman siya at sinundan ako ng tingin.

Sumulyap ako sa kanya. Pero bawat tingin ko, umiinit ang pisngi ko kaya hindi ko matagalan. Lalo na kapag nakitang seryoso siyang nakatitig sa akin.

“O… heto na, Leil! Kumain ka na muna!” biglaang sulpot ni Lola Brosing.
“Ah! Salamat po, Lola.”

Sinalubong ko ang ibinigay niyang casava cake. Meron ding juice.

“Naku! Maraming makikipagsayaw sa’yo, sigurado ako!” deklara niya.
“Mga kaklase ko pong iba…”
“Hindi lang ‘yan! Pati pa ang ibang hindi mo masyadong kilala. Basta ba walang ginagawang masama sa’yo, pumayag ka, Leil, ha?”

Masaya akong tumango kay Lola habang kumakain. Sa gilid ng mga mata ko, nakatingin parin si Raoul sa akin. Kinakabahan parin ako ng husto.

“Sino bang manliligaw mo ngayon? Baka sagutin mo na, ha!”
“Naku, wala po! ‘Tsaka hindi pa po ako handa sa mga ganyan, La!” giit ko.
Humagalpak ng tawa si Lola. Natigil siya nang nakita si Ma’am Avila pababa ng hagdanan.

“Tapos na ako!” Ma’am Avila announced.

Nagtawanan kami. Ma’am Avila looks so beautiful in her dress. Lumapit agad si Lola sa anak.

“Naku! Magugustuhan ka lalo ni-”
“Mama!” iritadong pigil ni Ma’am Avila.

Humagikhik ako sa asaran ng mag-ina.

“Ayaw mo noon! Makakapag-asawa ka na!” ani Lola.
“Shh!” pigil ulit ni Ma’am dahilan ng pagtahimik ni Lola at pagbabago ng sasabihin.
“O siya… Kumain na muna kayo at baka magutom kayo. Malalaman n’yo na lang na alas syete pa pala ang hapunan. Baka mahimatay pa kayo sa gutom…” patuloy ni Lola habang binibigyan naman si Ma’am ngayon ng meryenda.

Hindi kalaunan ay nagpasya na kaming umalis.

“Sigurado ka ba, Raoul? Wala ka ba talagang ginagawa?” si Ma’am Avila nang palabas na kami ng bahay.
“Wala po. Ayos lang po talaga…”
“Salamat talaga…” ani Ma’am sabay lingon sa akin na nasa likod ng dalawa.

Nakalapit na kami sa isang puti at malaking pick up. Nasa likod nila ako. Binuksan ni Raoul ang front seat noon. Inisip kong si Ma’am Avila ang papasok doon at sa likod na ako.

“Leil, ikaw na rito sa front seat. Sa likod na lang ako.”
“P-Po?” gulat na gulat ako sa desisyon niya.

I know it’s just nothing. I know it should not be a big deal but my reaction was too much. Bumaling silang dalawa sa akin. Kunot noo si Ma’am Avila habang si Raoul ay nakataas ang isang kilay.

“Uh… Sige po…” mahinahon kong sinabi at nilagpasan na ang dalawa para makapasok doon.

“Ang laki ng pasasalamat namin kay Hades sa lahat ng tulong niya. Napakabait ng Papa mo, Raoul. Manang mana ka sa kanya.”

Nakahawak pa si Raoul sa pintuan ng front seat. Nagkatinginan kami. Hindi niya pa sinasarado kahit nasa loob na ako.

“Naku, malayo pa po ako sa kanya…”
“Sus! Humble ka pa! Ikaw ang magmamana ng halos lahat ng sa inyo kaya nasisiguro kong manang mana ka sa Papa mo.”
“Hindi po ako kasing bait ni Papa. Hindi rin kasing galing niya sa negosyo. Hindi ko mapapantayan ‘yon. Hindi ko pa kaya mamahala sa ngayon.”
“Syempre, bata ka pa! Gagabayan ka ng Papa mo para tuluyan mo nang matutunan lahat ng ‘yan.”
Raoul smirked and nodded.

Pinagbuksan niya rin si Ma’am Avila ng pintuan sa likod. Pumasok si Ma’am at sinarado na rin ang likod. Bumalik siya sa front seat. Nagkatinginan kami.

My heart is beating loudly again. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Tahimik kaming pareho. Alam kong kanina pa kami walang sinasabi sa isa’t-isa.

Lumapit siya sa akin. Para akong mahihimatay. May ginalaw siya sa kanang bahagi ng kotse at hinila niya iyon sa tapat ko hanggang sa kaliwang baywang. Hindi ako nakahinga sa lapit naming dalawa. Hindi ako nakagalaw sa gulat na rin. Para akong mahihimatay sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

“Seatbelts…” he drawled lazily without taking his eyes off me.

Tumango ako nang natanto kung ano ang ginagawa niya. I twisted my lips a bit. I saw his eyes move from my eyes down to it. Pero agaran din nitong binawi iyon at lumayo na.

Isang tinginan pa at sinarado niya na ang pintuan. Para akong nabunutan ng tinik doon. Umikot siya paramapunta sa front seat, parang tinusok ulit ang tinik sa akin.

“Tiyak marami nang tao ngayon. Maraming excited!” ani Ma’am Avila sa likod habang pinapaandar ni Raoul ang sasakyan.

This is my first time to ride his car. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi lang ako makagalaw, parang naninigas sa kinauupuan ko.

“Wala na rin yatang tricycle. Naubos siguro. Bawat pupunta, paniguradong nag arkila!” ani Ma’am Avila.

Tumingin ako sa labas at nakita na halos lahat nga ay may sakay na patungo sa prom. Patuloy ang puna ni Ma’am Avila sa lahat. Natigil lang nang nakarating na kami sa gate ng school, medyo traffic sa mga sasakyan at tricycle.

“Andyan na sina Ma’am!” ani Ma’am Avila sabay turo sa aming principal na kalalabas lang ng sasakyan.

Itinabi ni Raoul ang sasakyan. Iilang teachers ang nasa labas. Hindi pa pumapasok dahil nagkakatuwaan pa sa pagpipicture picture.

“Salamat, Raoul! Lalabas lang ako para masali sa pictures!” deklara ni Ma’am Avila at hindi na nagpaawat pa.

I was a bit alarmed at that. Ibig sabihin maiiwan na kami ni Raoul dito? May mga estudyanteng papasok na sa gate! Dapat bumaba na rin ako para makapasok!

Bumaba ang tingin ko sa pinagkabitan ng seatbelts. Hindi ko alam kung paano iyon pero nang may nakitang “push”, iyon sana ang gagawin ko. Naunahan ako ni Raoul. Hinawakan niya iyon. Hindi pa kinalas. Hinarap niya ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakakabingi na ang pintig ng puso ko.

He swallowed violently. I eyed him curiously.

“You gonna dance tonight?” mariin niyang tanong.
I nodded slowly.

The “push” button clicked. Hawak ang seatbelts ay unti-unti niya iyong ibinalik sa dati. Sa ginawa niya, mas lalo kaming nagkaharap. His jaw clenched a bit. Kinabahan pa ako lalo.

“K-Kung ayaw mo, pwedeng hindi ako makikipagsayaw…” bawi ko.

Tumigil siya sa ayos na iyon. Nagkatinginan kaming dalawa bago siya umiling.

“Ayos lang.”

He sighed painfully.

“Hindi rin naman ako sigurado kung marunong ba ako sumayaw… Pwedeng hindi ako-”
“It’s okay, Leil. Enjoy your night,” aniya.

Nagkatinginan kami. My face heated profusely. I wonder if I’ll be a lot happier here than the prom. Hindi ko kasi alam kung bakit kahit kabado ako, masaya ako. Masayang masaya ako.

Ilang sandali pa bago siya muling bumuntong hininga. Umigting muli ang panga niya.




I have a strong urge to feel his jaw. Lalo na ngayong nakikita ko itong bahagyang gumagalaw sa hindi malamang ikinagagalit. Inangat ko ang kamay ko. Nakita niya ang gagawin ko. Akala ko huhulihin niya ang kamay ko, pero hinayaan niya iyon.

My fingers touched his a bit rough jaw. Gumalaw ulit ito dahil sa pagtatagis. The feel of it made me happy. I don’t know why.

“Dito lang ako buong gabi hanggang sa matapos ang prom ninyo. Hindi ako aalis…” aniya.
“Baka matagalan kami…”

I’m too drawn with his jaw. I can’t take my eyes off it.

Dito na lang din kaya ako?

Nagulat ako sa sariling inisip. Natakot ako sa sariling iniisip. My heart pounded more. Binaba ko ang kamay ko para pigilan ang sariling nararamdaman. Kinuyom ko iyon sa aking kandungan para parusahan ang sarili.

“Hihintayin kita,” he said breathily.
I nodded again, this time controlling my own feelings.

Para akong lumulutang ako papasok sa loob ng school pagkatapos noon. Lumabas na kasi ako ng sasakyan at nagkatinginan na lang kami ni Raoul bago ko iyon tuluyang sinarado.

May iilang kumuha ng picture ko. Hindi nga lang ako sigurado kung maganda ba iyon dahil medyo wala ako sa sarili.

“Leil!” si Ronald ang unang lumapit sa akin.
“R-Ronald!” para akong napabalik sa katotohanan.
“Ang ganda-ganda mo! Picture tayo!” aniya at kumuha agad ng cellphone para ganoon nga ang gawin.

Marami siyang kinuha. Siya na rin ang kasama ko papasok. Binati kami ni Dixon at sumama na rin ito sa amin sa loob ng covered court.

The naked ceiling of the covered court is now covered with a white cloth. Nagmistula itong langit. Ganoon din ang mga dingding. The floor is covered with red carpet, making it all clean and proper.

Lumapit si Dixon sa akin. He smiled shyly at me.

“Ang g-ganda mo…” he said, hesitant.
Ngumiti ako at pinuna na rin ang kanyang pormal na suot.

Ilang pictures din ang ginawa namin ni Dixon. May iilan din siyang kaibigang lumapit sa amin para makakuha rin ng pictures.

Nasulyapan ko si Jeff sa malayo. He’s wearing a black coat with a cute black ribbon. Ngumiti ako sa kanya, nagbabakasakaling ayos na kami. Iniwas niya lang ang tingin niya sa akin.

Lalapitan ko na sana pero nagsalita na ang Master of Ceremonies. Mabilis na kaming nagsipuntahan sa assigned seats para maka upo na dahil magsisimula na yata ang programme.

The programme was smooth. Manghang-mangha ako sa mga gown ng mga kaklase ko. Halos lahat, malalaki at engrande. Kapag naglalakad sila, kailangan pang hawakan ang palda para lang hindi nila maapakan.

The food was delicious, too. Alas siete nang nagdinner. Busog na busog ako. Iilan doon, hindi ko kilalang pagkain.

I’m happy and content seeing my schoolmates laughing and taking pictures of each other. Kinawayan ako ni Ronald sa malayo. Tapos na kasi kaming kumain at magsisimula na ang second part ng programme.

Lumapit si Gasper sa akin.

“You are very pretty, Leil. Sayaw tayo mamaya, ha?” masayang sinabi ni Gasper sa akin.

Tumango ako. Ang iilang mga kaibigan niya ay nasa likod. Si Pinky ay lumapit na rin at nakipag picture. Nellie, Gasper’s ex is watching us closely. Pero sa huli ay umirap ito at lumayo na roon.

“Ang ganda ganda mo, Leil! Buti nakasama ka!” si Pinky.
“Thank you! Ang ganda mo rin. Ang ganda ng gown mo…”

She’s wearing a red ball gown. Malaki ito na kapag lumapit siya sa akin ay halos maapakan ko na rin ang palda niya. Inangat din ang buhok niya at nilagyan ng mga kristal.

Some of her friends joined us. Pakiramdam ko kasali ako sa kanila. Lalo na dahil pinagitnaan ako.

Bumalik ulit sila sa upuan nang nagsimula na ang pangalawang programme. Awarding iyon ng mga panalo para sa gabing iyon.

Gasper was called Prom King. Si Nellie naman ang nanalo bilang Prom Queen. Syempre, maganda rin ang gown niya. Kulay pink iyon at ballgown din. Maraming kristal at mukhang sobrang mamahalin.

Pagkatapos ng awarding, dumilim na para sa sayawan. Tumingin ako sa labasan. I wonder if Raoul really did wait? Paano ang pagkain niya? Dinner?

“Leil, sayaw na tayo!” sabay hila sakin ni Ronald.

We danced for a song or two. Tuwang tuwa ako kahit na sinusubukan ko pang sumayaw. Medyo maingay ang kanta kaya katuwaan lang ang lahat.

“Pwede ba kitang maisayaw, Leil?” si Dixon naman ngayon.

Nilingon ko si Ronald. He smiled widely and nodded.

“Babalik ako mamaya…” anito.
“Sige!” sabi ko.

Si Dixon naman ang kasayaw ko ngayon. Hindi kasing ingay ni Ronald pero kahit paano, nakakatuwa parin. Nag-usap kami tungkol sa librong pinabasa niya sa akin at sinabi niya rin anong mangyayari sa book 2.

Tatlong kanta ang sinayaw namin. Ang panghuli, medyo seryoso dahil mellow love song.

Nakahawak ako sa kanyang balikat habang siya’y hawak ang aking baywang. Hindi siya makatingin sa akin.

Bumalik si Ronald at kami naman ang nagsayaw sa isa pang kanta na mellow love song din. But as usual, our conversations were too funny to be serious. Nagtawanan parin kami.

“Pwede ko bang masayaw saglit si Leil, Ronald?”

Napawi ang ngiti ni Ronald nang narinig si Gasper. Everyone is already looking at us. Gasper is a bit popular. Dagdagan pa ng pagkakapanalo niya bilang Prom King, lahat ng mga mata ay nasa kanya na.

Hindi na nagsalita si Ronald. Pinaubaya niya na ako kay Gasper. Gasper put his hands on my waist. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Titig na titig si Gasper sa akin.

I smiled at him. He’s too serious.

Magsasalita na sana ako nang bigla kaming natibag. Jeff pushed Gasper. Sa gulat ko’y agad kong nahila si Jeff palayo roon. But he’s too angry for it. Tinuro niya si Gasper.

“Hindi ba sinabi ko sa’yong layuan mo siya!?” anunsyo ni Gasper.

Bahagyang natigil sa pagsasayaw ang mga taong nakakita. Tinulak ko si Jeff palayo roon para sana kausapin.

“Jeff, tama na! Walang ginagawang masama si Gasper. Magkaibigan din kami. Anong problema?” marahan kong sinabi.
“Leil…” Ma’am Avila suddenly came.

She looks very serious. Tumango ako kay Ma’am.

“Sorry, Ma’am. Jeff!” sabay baling ko kay Jeff na ngayon ay hinihingal pa.
“Leil, pwede ba kitang makausap?”

Paglingon ko kay Ma’am Avila ay hinila niya na ako palayo roon. Hindi ko maintindihan. Kailangan ako roon dahil pipigilan ko si Jeff sa ginawa niya. Nagkakagulo na. Nagalit na ang mga kaibigan ni Gasper. Mayroon ding mga lumaban para kay Jeff. And yet, Ma’am Avila dragged me until we’re outside the covered court.

Hindi pa nakuntento si Ma’am. Talagang tuloy-tuloy ang lakad namin. Hinila niya ako at inilag sa iilang taong naroon.

“Ma’am?”

She turned to me, shaking and crying. My eyes widened. What’s wrong? Dahil ba sa gulo? Are they blaming me for it?

“Bakit po?”

Nanlaki rin ang mga mata ni Ma’am Avila paglingon sa kaliwa niya. Kunot noo kong nilingon ang kanan ko at nakita kung anong meron.

Nasisiguro ko na walang ibang nakatira sa malayong dakong iyon kundi kami. Nasisiguro ko na sa amin iyon. Sa tagal kong nakatira roon, kabisado ko na kung gaano kalayo ang nayon.

Ang madilim na langit ay nailawan ng nag-aalab na kahel. Sa itaas nito ay mas madilim na usok, mistulang makapal na ulap. Sa sobrang gulat na naramdaman ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ma’am.

Tumakbo na ako palabas ng school.

“Leil! Leil! Sandali lang, Leil!” she screamed but I’m too determined to go home right now.

Huli ko nang naisip ang nag-aantay na sasakyan ni Raoul sa labas ng gate. Ni hindi ko napansin kung naroon nga ba iyon o wala. Hindi na iyon importante sa akin.

I ignored the long cut. Dumiretso ako sa gubat. Tinakbo ko iyon hanggang sa hindi na ako makahinga. Sabay ang pag-iyak at paghingal.

Nasusunog ang nayon!

I’ve never ran this fast and this precise my entire life. Lalo na sa gitna ng malalaking ugat sa gubat. Lalo na sa natatanging singaw ng ilaw ng buwan. Hindi sapat pero nagpatuloy ako.

Ilang beses akong nadapa dahil masyadong madilim. Ilang beses akong nakarinig ng kaluskos na siguradong sa mga ilap na hayop. Ilang beses akong natakot pero iisa lang talaga ang gusto kong mangyari.

Who did it? Why did they burn our houses? What happened to our people? My father isn’t there!

Para akong mamatay sa katatakbo at kakaiyak. Pakiramdam ko, mamamatay na talaga ako. Hindi na ako makahinga. There were moments when I think my heart stopped beating. Involuntary akong sisinghap ng matagal ‘tsaka ako makakabawi.

Iilang galos din ang naramdaman ko sa aking binti at mga braso pero hindi ko na iyon inalintana. Ilang beses din akong nadapa pero bumangon ako.

Natigilan lamang ako nang nasa harap ko na ang nayon.

I screamed my tears away when I saw all the huts in big orange fire. Wala ni isang hindi pinalagpas. May ingay akong narinig, iyakan, pero unti-unti ring nawala.

Tumakbo ako palapit at naramdaman ko ang init galing sa naglalakihang apoy. Napaluhod ako sa gitna. I can hear the screaming of some. Hindi ako sigurado kung sa loob ba iyon ng mga bahay o hindi. Ang alam ko lang, sa oras na ganito, tulog na ang halos lahat. Plus our men are not here. Halos lahat, babae… bata… matanda…

Hindi ko na inisip ang bahay namin. Iyon ang unang nakita kong malaki na ang apoy.

Ang ingay ng nasusunog na mga bahay at ang init ng apoy ay hindi ko na inisip. I don’t care if I burn alive! I just want to do something. Anything.

Wala ni isang tao roon. Ako lamang. Tumingala ako sa madilim na langit.

“Sino ay may gawa nito?!” I cried.

Tumayo ako at lumapit sa pinakamalapit na bahay para tingnan kung may maisasalba pa ba ako.

“Leil!” kasabay ng sigaw na iyon, narinig ko ang iilang kabig ng mga kabayo.

Sa sobrang ingay, nasisiguro kong marami iyon. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo.

Hindi ko na maintindihan ano ang gagawin ko.

“Leil!” sigaw ulit ni Ma’am Avila.

Niyakap niya ako galing sa likod. Akala ko pipigilan niya ako sa paglapit sa bahay na nasusunog pero imbes ay hinila niya ako pabalik sa kagubatan.

“Ma’am! Sandali lang po, Ma’am! Ang mga tao, Ma’am!” I cried, trying to get out of her hold.

Masyadong malakas si Ma’am. Hindi ko rin alam paano niya ako nahila palayo ng tuluyan doon.

“Ma’am, ang alaga ko! Sandali lang po!” sabi ko nang naalala ang alaga kong kambing.

Nakita kong may gumagalaw pa sa gilid ng bahay namin. Hindi ko na makita iyon dahil masyadong malayo na ang pagkakahila ni Ma’am. Nasa kagubatan na kami. Kahit nahihirapan si Ma’am ay patuloy niya akong hinila.

“Ma’am!” sigaw ko.

Mabilis na tinakpan ni Ma’am ang aking bibig. Lalo na nang nakita namin ang mga taong sakay sa kabayo. Pinalibutan nila ang mga kabahayan. Sobrang dami nila. Twenty or more… More, probably. I just couldn’t see them all. And they’re all riding horseback.

“Anong gagawin natin dito?” mababa ang boses ng nagtanong.

He draw smoke from his own tobacco. Pagkatapos ay itinapon niya iyon sa nasusunog naming bahay.

“Patayin, Raoul?” tanong ng tao.

I screamed so bad pero napigilan ang sigaw ko dahil sa diin ng pagkakatabon ni Ma’am Avila sa aking bibig. I tried hard to remove her hand but her determination was too strong, she didn’t let me.

Raoul? Sila ang gumawa nito?

Kahit na maingay ang pag-aapoy ay narinig ko ang pamilyar na hiyaw ng aking kambing.

I was desperately crying and trying to get out of Ma’am Avila’s hold.

“Please… Ma’am… Please…” I pleaded but she did not hear me out.

Patuloy ang paghila niya sa akin habang nakagapos ang kamay sa aking bibig.

“Leil, umalis na tayo rito…”

Anong nangyayari?

Isang pamilyar na kabayo ang nakita ko. Isang pamilyar din na lalaki ang sakay noon. I saw his dark angry eyes. It’s in pain. Pero nangingibabaw ang galit at poot.

Ang lalaking nagtanong kanina ay kumuha ng baril at itinutok sa kawawang kambing ko.

I screamed again but Ma’am Avila’s hold was just too tight. Isang putokng baril ay natigil ang patuloy na hiyaw ng kambing ko.

Napapikit ako sa sakit. Madilim ang titig ni Raoul. Nawala rin siya sa paningin ko dahil dumami ang lumapit dahil sa tunog ng baril.

“Shh… Shh… Leil… Shh…” patuloy ni Ma’am kahit ilang beses kaming halos madapang dalawa.

“Nasaan ba iyon? Nasa prom? Hanapin na natin.”
“Papatayin ba?”
“Barilin agad.”
“Tangina nila. Hindi dapat binabaril agad!” pagtatalo nila. “Dapat doon, pahirapan pa! Unti-unting putulin ang mga daliri!”
“I’ll take her eyes out first!”

I heard more lewd and brutal things. Sobra sobra pa sa kabuuan ng mga sumpang natamo namin galing sa mga tao rito.

“Gagawin kong alipin ‘yang putang diwatang ‘yan!”

Nanghina ako.

“Shhh… Leil…” ani Ma’am.

Nagpatianod ako habang umiiyak. Nakalayo kami hanggang sa wala na kaming marinig na usapan. Hirap na hirap na si Ma’am pero nagpatuloy siya. Tinanggal niya na ang kamay sa aking bibig pero patuloy ako sa paghagulhol.

“Ma’am, ang mga tao po…” I begged but I’m too weak to stop her steps.
Umiling si Ma’am. Nanginginig ang kamay niya.

“Leil, kailangan kitang ilayo rito, Leil…”
“Ano po bang nangyayari, Ma’am? Bakit ganoon si Raoul? Ma’am, sila ba ang may gawa noon?”
“Shh…”

Kinuha ni Ma’am ang kanyang shawl at niyakap niya iyon sa akin. Hindi ako nakakaramdam ng lamig. Inangat niya iyon at sa ulo ko itinabon. Just enough for me to see.

“Leil, pinaghahanap ka. Papatayin ka, Leil… Kailangan mong umalis.”
Umiling ako sa pagsuko. “Wala akong mapupuntahan, Ma’am. Dito lang po ang buhay ko…”

Umiyak si Ma’am pero umiling din. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang determinasyon.

“Ano po bang nangyari? Bakit nila ginawa iyon? Hindi ko po naiintindihan-”
“Your father shot Hades Riego. Hades Riego, Raoul’s father is dead, Leil.”

Natigil ako sa paghinga sa sinabi ni Ma’am Avila. Tumango siya para kumpirmahin ang sinabi. Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala.

“Your father claimed that it’s for the glory of the Lady of the Light, ikaw.”

Hindi ako nakakibo. Pabagsak na hinawakan ni Ma’am ang aking balikat para pagisingin ako sa pagkakatulala.

“Aalis ka rito. Hindi ako sasama para hindi sila magduda. May kilala ako, Leil…”
“Ma’am, hindi totoo iyon!” giit ko nang naisip ang huli kong pagdarasal para kina Papa.
“Alam ko, anak. Pero… walang maniniwala sa’yo rito. Mga Riego ‘yan!” naiiyak na sinabi ni Ma’am. “Wala tayong laban. Lahat ng taga Costa Leona, pinaghahanap ka na… at ang mga tauhan ng Papa mo.”

Umiling ako. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon. Inayos ni Ma’am ang shawl sa aking mukha.

“Itago mo ang mukha mo. Nag-aantay ang Lola Brosing mo sa terminal. Doon kita itatakas ngayon.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.