Sands of Time – Kabanata 16

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 16

Kabanata 16
Time

Time is cruel. Now that I think about it all. Now that I look back.

Kung kailan ko naramdaman na pinapanigan na ako ng tadhana, siniswerte at binibigyan na ng pag-asa, ‘tsaka ito nagdesisyon na bilisan ang pagpatak ng buhangin. But I guess, life goes that way, huh?

Ang sabi ni Raoul, kailangan ko raw isipin ng mabuti ang mga kilos ko sa school, lalo na kapag kasama si Jeff. Ayaw kong masaktan siya kaya dapat hindi siya umaasa ng ganoon. Ang sabi rin ni Raoul, kailangan kong klaruhin sa mga kaibigan kong lalaki ang totoo kong nararamdaman. Lalo na sa mga manliligaw.

In Jeff’s case, he isn’t a suitor. He’s just a friend. Pero base sa sinabi ni Raoul na maaaring may pagtingin ito sa akin, kailangan ko tuloy mag-ingat para hindi ko ito mapaasa ng hindi sinasadya.

“Jeff, kay Ma’am Avila ako kakain ng lunch ngayon.”

Jeff’s brows furrowed. Napakurap-kurap ako, unti-unting nakikita ang katotohanan sa sinabi ni Raoul sa akin.

“Iniiwasan mo ba ako?” he asked.

I recall it’s been two straight days since I decided to eat my lunch with Ma’am Avila.

“Naku, hindi, Jeff. Mag-uusap lang kami ni, Ma’am. Ba’t naman kita iiwasa, ‘di ba?”

Huminga siya ng malalim. Nakitaan ko siya ng konting pagkapahiya ngunit nakabawi rin.

“Akala ko galit ka dahil sa pagbabawal ko sa’yong makausap si Gasper kahapon.”

Nag-isip ako bago nagkibit ng balikat.

“Hindi naman, Jeff. Pero nahihiya rin ako kay Gasper dahil doon. Baka kasi ano pa ang sabihin niya tungkol sa atin, magkaibigan lang naman tayo.”
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Jeff sa sinabi ko. Mas lalo ko tuloy natanto na tama nga ang lahat ng nasabi ni Raoul.
“Pagkakaibigan lang kasi talaga ang gusto ko.”

Tumango siya at kinuha na ang mga gamit. Tinitigan ko siya kahit pa hindi siya makatingin. Ngumiti siya pero kita ang pagkakailang sa akin. I smiled back and dismissed myself.

“Pupunta na ako kay Ma’am Avila, Jeff.”

I think I did a good job, right? Kahit paano, naklaro ko naman ang sarili ko. Kahit pa hindi diretsahan.

“Leil! Pumayag ang principal!” excited na sinabi ni Ma’am Avila sa akin.
“Talaga po?”
“Oo! Tuwang tuwa ang Lola Brosing mo! Masaya ra siya para sa’yo. Pwede ka nang umattend sa practice mamaya. Wala ka nga lang kapartner.”
“Naku! Ayos lang po! Basta ba makasali lang, ayos na ayos lang sa akin.”
Bahagyang nanliit ang mga mata ni Ma’am. “Nasabi nga pala ni Raoul na nakwento mo raw ang pagpayag ng Papa mo. Pumunta kasi siya kahapon sa amin.”

I smirked shyly. Talagang tinotoo niya pala talaga.

“Sinabi ko sa kanya na payag na ang principal tungkol sa’yo. Syempre, good mood iyon, e. Nag offer din si Raoul na siya na lang daw ang maghahatid sa atin sa gabing iyon, patungo sa school at pabalik naman sa bahay.”
“T-Talaga po?” now that’s surprising. He did not tell me about that.
“Oo! Nakakahiya nga, e. Pwede naman tayong mag arkila ng tricycle. Mahihirapan nga lang tayo kasi marami ring mag aarkila niyan sa mga estudyante.”
“Oo nga po!” I agreed when I realized it’s awkward and embarassing.
“Kaso itong si Lola mo…” Ma’am Avila’s eyes widened with irritation. “Pinilit ako. Wala rin naman daw gagawin si Raoul noon. Si Mama talaga…” sabay iling.

Kinagat ko ang labi ko. Nagdadalawang-isip ako ngayon. Gusto ko nga na makita si Raoul sa araw na iyon pero nakakahiya naman ang offer niya.

“Excited na ako, Leil! Hinanda ko na ang gagawin sa buhok mo at pati sa make up. Ano ba ang kulay ng biniling damit ng Papa mo?”

Our conversation went on and on about the prom. Na excite pa tuloy lalo ako nang ikinwento ni Ma’am kung ano ang gagawin niya sa akin sa gabing iyon.

Nahihiya na naeexcite din ang pakiramdam ko nang naroon na ako sa covered court para sa practice. Pinagtitinginan ako ng iba. Ako ang nasa pinakahuling linya ng unang row. Walang ka partner at tahimik lang.

Nakakahiya pa nga, e. Kasi naman… minsan hindi ko alam ang mga gagawin. Sinaulo ko na lang lahat, kung kailan kakanta, kailan uupo, kailan tatayo, at iba pa.

“Leil! May suot ka na?” excited na tanong ni Ronald.
Maligaya akong tumango. Hindi niya na kailangan ipuslit ang damit ng kanyang kapatid para sa akin.
“Naku! Mabuti naman! Magsasayaw tayo sa prom, ah!”
“Oo naman!” sabay tawa ko.

Nilapitan din ako ni Dixon. Ngiting-ngiti siya sa akin. Tuwang-tuwa siya dahil sasali na ako. Ganoon din sina Gasper at iba pang kaibigan nito.

We could not interact very much because of the practice. Noong break nila ako nilapitan para batiin. Masaya na ako.

Si Jeff ay nakatayo katabi ng partner niya. Hindi lumalapit pero tumitingin-tingin. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

I can’t believe that the only thing I’m worried about during practice, aside from forgetting when to sing and when to stand and sit, iyon ay ang uwian. Alas tres y media higit ang uwian. Ibig lang sabihin noon, alas kuatro y media higit ang dating ko sa kamalig. Iyan madalas ang pagpapauwi ni Raoul sa akin, e. Ayaw niya kasing gabihin ako sa daanan.

Baka mamaya… hindi na ako makaupo man lang roon. Yayayain niya na akong umuwi.

Pagkatapos na pagkatapos ng practice, halos tumakbo ako patungong gate. Nagsisisi nga ako dahil naisip ko iyong mga kaibigang dating kasabay bago nagsimula ang practice ng prom. Dapat, magsasabay ulit kami ngayon kaso… nagmamadali na ako.

Lakad-takbo ang ginawa ko patungong kamalig. Hiningal tuloy ako nang nakarating na.

I saw Raoul squatting in front of the body of water. Nakaitim na t-shirt, maong, at boots. Napalingon siya sa banda ko at nang nakita ako’y tumayo na. He sighed heavily.

“Sorry. Nagpractice kami sa p-prom.”
He nodded like he knows why I’m late.

Kinuha ko ang isang silya para upuan. He stopped me from dragging it near me.

Nagkatitigan kami. Alam ko na agad ang gusto niyang mangyari base sa itsura. His hard features darkened. Pinungay ko ang mga mata ko para ipakita sa kanya ang gusto ko.

“Saglit lang, please?” pagsusumamo ko.
“Gagabihin ka na!”
“Dala ko ang flashlight na bigay mo.”
“Anong magagawa ng flashlight sa mga baboyramo?” his brow shot up.

I sighed, defeated.

“I’ll worry to death, Leil…” he explained a bit softer now.
“Sanay na naman ako, e…” giit ko.
“Hindi na ngayon.”

Marahan akong tumango nang natantong tama naman siya. Alam ko naman talaga ano ang dapat kong gawin. Hindi lang ako sanay na hindi kami nag-uusap ng matagal.

“Pagkatapos nitong prom mo, okay?” aniya bilang pampalubag ng loob ko.
“Okay…”
“Huwag kang magtatagal pagkatapos ng eskwela kapag regular na ang schedule mo,” may panunuksong bahid sa boses niya.
“Bakit ako magtatagal?”
“Baka dumami maka date mo dahil sa prom na ‘yan kaya matatagalan ka ulit pauwi rito?”
“HIndi! Didiretso ako rito!” giit ko.
His lips twitched in a boyish way. “That’s good. Ngayon, umuwi ka na para hindi ka na gabihin.”

Ganoon din ang nangyari kinabukasan. Hinihingal pa ako nang sinabi ni Raoul na umuwi na dapat ako. Iyon kasi ang naging pinakamatagal na pagtatapos ng aming practice. Last practice na kasi iyon para bukas, relax na lang.

“Nagmamadali ka noong nakaraang araw, ah?” si Jeff.

Nakita niya kasi ako kahapon. I sprinted from the covered court till our gate when the whole practice was dismissed. Alas kuatro na kasi noon at inisip kong alas singko na talaga ako makakadating ng kamalig.

Naisip ko pa ngang sa gubat dumaan para tatlumpong minuto lang kaso baka magalit si Raoul na roon ako dumaan.

“Oo, e…” sabi ko ng wala sa sarili.
“Kumusta? Handa ka na ba sa prom?”
Ngumiti ako kay Jeff. “Oo. Si Ma’am Avila ang magmi-make up sa akin.”
“Gusto mong sumabay sa inarkila kong tricycle?”
Tumawa ako. “Huwag na. Magsasabay naman kami ni Ma’am Avila, Jeff.”

Maaga ang dismissal ngayon. Tuwang-tuwa nga ako, e. Ibinalita iyon kahapon. Para raw paghahanda sa prom na bukas na gaganapin. Alam ni Raoul iyon kaya sabi niya, dahil maaga, kunin ko ang kambing sa amin. Magluluto rin siya ng barbecue sa kamalig. Habang ginagawa niya iyon, nasa bahay ako para kunin ang kambing. Pagbalik ko roon, luto na siguro.

“Nalaman ko nga pala… s-sa iba… na… marami ka raw pinangakuan sa sayaw, Leil?” he sounds serious now.

Napabaling ako sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

“Oo. Sina Ronald, Gasper, Dixon. Marami… iyong iba kaibigan nila. Bakit?”

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I sensed his anger towards what I just said. Naisip ko tuloy iyong sinabi ni Raoul. I don’t want to assume but does he like me?

“Paano kung sabihin ko sa’yo na matuturn off ang crush mo kapag ginawa mo iyon?”

Crush ko?

Teka lang. Hindi ba sinabi ni Raoul na baka may gusto si Jeff sa akin? So si Jeff ang may crush sa akin.

Bakit usapang crush ko naman ang binubuksan ni Jeff ngayon? Crush ko? Si Raj? Bakit matuturn off si Raoul kapag makikipagsayaw ako ng iba? Matutuwa nga iyon, e. Kasi magkakaroon ako ng mga kaibigan.

“Hindi ‘yon, Jeff! Bakit matuturn off?” lito kong tanong.
“Ayaw kong may kasayaw kang iba, Leil, bukod sa akin.”

Nagkatinginan kaming dalawa. For the first time, he didn’t look away. Mataman niya akong tinitigan kahit pa kita na ang unti-unting pagkakahiya at pamumula.

Suminghap ako at tumuwid sa pagkakatayo.

“Jeff, pasensya ka na pero mukhang nagkamali ka. May iba akong crush. Gusto kita bilang kaibigan. Mabait ka sa akin. Naiintindihan mo ako.”

Namilog ang mga mata ni Jeff sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang pamumula nito sa iritasyon.

“Sana huwag mong masamain ito-”

Hindi niya na ako pinatapos. Umalis si Jeff, mukhang galit at nagtatampo. Kinabahan tuloy ako.

“Jeff!” tawag ko pero hindi niya ako nilingon.

Hahabulin ko sana pero naisip kong baka kailangan niya lang mag-isip. Baka galit siya. Mas mabuting hayaan ko muna siya.

Iyon tuloy ang naging laman ng isipan ko habang naglalakad sa kamalig. Pagkatapos kong dumaan kay Ma’am Avila sa faculty room, umuwi na ako.

“Ala una, pumunta ka na sa amin bukas, okay?” bilin ni Ma’am na sinang-ayunan ko naman. “Kung pwede kahit before lunch.”

Ayos lang ang kahit ano. Wala na ring sinabi si Papa tungkol doon kaya sigurado akong papayag iyon. Magpapaalam parin ako mamayang gabi kapag nasa hapag na kami.

“Magsisimula ka na?” maligaya kong tanong kay Raoul nang nakarating na sa kamalig.

Isang barbecue stand ang nasa tabi ng sapa. Nakikita ko rin ang mga nakatusok na karne. Pagkadating ko’y naabutan ko siyang inaayos iyon.

“Oo. Umuwi ka na at isama mo na ang alaga mo.”

Tumango ako. Inisip kong gusto ko sanang tumulong kaso I’m too preoccupied to voice it out. I’m worried with Jeff.

Dumiretso na ako sa bahay. Naligo ako at nagbihis. Nagpaalam ako kay Papa na mamamasyal lang, pumayag naman ito. Kinuha ko ang lubid ng kambing at panay na ang hiyaw nito.

Maaaring nagalit nga si Jeff sa akin. Masakit naman talaga masabihan ng ganoon. Lalo na kung totoong may nararamdaman siya sa akin.

“Nalulungkot ako. Masaya na sana lahat, kaso nagalit pa si Jeff sa akin…” sabi ko sa kambing.
Humiyaw ito bilang tugon.
“Minsan, naiisip ko, ano ba talaga ang gusto nating marinig? Ang katotohanan o ang kasinungalingan?”

I sighed deeply.

“Pero siguro… gusto naman talaga natin ang totoo. Hindi lang talaga natin mapipigilan ang sakit,” sabi ko.

Naamoy ko na ang barbecue na ginagawa ni Raoul. Lumakas na rin lalo ang hiyaw ng kambing. Alam yata nito na palapit na kami kay Raoul.

Ngumiti ako nang lumingon si Raoul sa akin. He’s still doing the barbecue pero sa lamesa, kita kong may iilan nang naluto na. Hinila ko ang kambing palapit doon at naupo na sa silya. Inayos ko ang pinggan at mga kubyertos para sa aming dalawa.

Umunit ang pisngi ko nang natantong mukha itong date.

“How’s school?” Raoul said after putting the last sticks on a plate.
“Ayos lang…” medyo mahina kong sinabi.

Nilapag niya sa lamesa ang pinggan bago tinapik ang ulo ng kambing. Ilang sandali ang lumipas, pumunta siya sa pinakamalapit na halamanan at kumuha ng iilang tangkay para ilagay malapit sa kambing.

Mabilis itong nilantakan ng alaga ko. Tumayo si Raoul at lumapit naman ngayon sa sapa para makapag hugas ng kamay bago bumalik sa lamesa.

“Ang bango ng barbecue!” puri ko nang naupo na siya sa harap ko.

He looked at me cautiously for a moment bago nilagyan ng kanin ang pinggan ko.

“Matamlay ka. Kanina pa. Anong problema?”

I can’t believe he’s that thoughtful and attentive to realize it. Hindi ko naman pinapakita. Kumuha ako ng dalawang piraso ng barbecue stick. Amoy pa lang, nabubusog na talaga ako.

“Nagalit si Jeff sa akin kanina. Sinabi ko kasi sa kanya na nagkakamali siya sa iniisip niya. Na kaibigan lang ang turing ko talaga sa kanya.”
“Bakit? Ano ba ang sinabi niya?”
“Akala niya… crush ko siya.”

Raoul sighed. Humilig ito sa kanyang upuan. Ngumiti ako at nagsimula nang kumagat sa barbecue. Ang sarap talaga.

How can a man be this perfect? He’s handsome, kind, humble, and also… a good cook!

“Bigla siyang umalis kalagitnaan ng pag-uusap namin,” sabi ko.
“Did you stop him?”
“Hindi naman.”
“Good. Let him be. He likes you and he’s hurt. It’s normal,” ani Raoul.

Tumango ako habang ngumunguya. Nagrelax naman si Raoul at nagsimula na ring kumain. Pero habang tumatagal ay mas lalong gumulo ang isip ko.

Bakit? Si Raoul ba nakasubok na ng ganoon? Hindi ko binasted si Jeff dahil hindi naman ito nanligaw pero kung nanligaw ito, ganoon na ang tawag doon, hindi ba?

“Nabasted ka na ba?” I asked.

Tumigil siya sa pagkain. Pumikit siya ng mariin na parang nahihirapan bago uminom ng tubig. Nagpatuloy naman ako sa akin habang naghihintay sa magiging sagot niya.

“Hindi pa…” matamang sagot ni Raoul sabay titig sa akin.

Of course. Sinong babasted sa kanya, hindi ba? Lahat ng linigawan niya, oo na kaagad! Uminit ang pisngi ko sa kaisipang iyon.

“Mmm. May umamin… na ba sa’yo na… gusto… o mahal ka niya?” nag-aalinlangan ko nang tanong ngayon.

Kunot-noo ni si Raoul ngayon. Nararamdaman kong ayaw niyang manghimasok pa ako sa buhay niya kaya tumawa na lang ako para pagtakpan ang sarili.

“Huwag mo nang sagutin!”

Umiling siya at nagpatuloy sa pagkain.

“Oo. Meron na.”

Sinagot niya. I leaned closer to the table because it’s an interesting topic.

“Sino? Naging kayo ba?”

Napainom ulit siya ng tubig. Matalim parin ang titig niya sa akin ngayon. Hindi niya gusto ang topice pero sinasagot niya naman iyon. Nalilito tuloy ako.

“Hindi.”
“Kung ganoon… n-nabasted sa’yo… ‘yong babae?!”

Oh my gosh. That means he’s scary! May nararamdaman ako para sa kanya. Paglaki ko, balak kong umamin pero ngayong nalaman kong ganito. Nakakatakot pala!

“A-Ayaw mo ba sa… mga babaeng nauunang u-umamin?” now I’m pretty tensed. I can’t eat anything. I’m too curious.

He sighed. I can sense that he’s a bit problematic with something.

“I don’t have any specific ideal for that, Leil. Don’t worry to much about Jeff. Ganyan talaga. You’d rather tell the truth and hurt him than lie, right?”

Bigo akong bumuntong-hininga at tumango.

“Kung magsisinungaling ka rin naman, you will eventually you will be unhappy. Eitherway, you’ll hurt him. What you did is just right.”

Tumango ako at ngumiti. Medyo nasiyahan ako. Kung pinatagal ko pa iyon, mas masasaktan si Jeff kaya tama lang talaga iyon.

“Ang sarap nitong barbecue na ginawa mo! Hindi pa ako kailanman nakatikim ng ganito.”

Nilingon ko ang isang hindi pamilyar na sauce. Hindi rin naiintindihan ang salita kaya inisip kong galing yata sa ibang bansa ang mga gamit niya rito.

“What else do you wanna eat? I can cook more, next time.”
Malapad na ang ngiti ko. “Magbabasa ako. Titingnan ko kung ano pa ang masarap na pagkain na gusto ko.”
Umangat ang gilid sa kanyang labi. “I can lead you to our library. Pupunta ka na roon para magbasa ng aklat, hindi para mag ayos.”
“Sige!” maligaya kong sinabi.

Lumipad agad ang isipan ko sa madalas na pagpunta sa kanilang mansyon. Nakakahiya! Umiinit ang pisngi ko sa kahihiyan pero ang saya saya isipin!

Raoul chuckled and shook his head. Napatingin ako sa kanya at mas lalo lang akong nahiya.

“Susunduin ko kayo bukas ni Ma’am Avila. Ala una ka bukas doon, hindi ba? Ganoon din ang dating ko.”

Para akong nabilaukan sa sinabi niya. Humiyaw ang kambing, tila alam na alam ang nararamdaman ko.

“Magmi-make up pa ako at mag-aayos pa ng buhok! Alas singko pa naman ang sabi, kaya kahit alas kuatro na!”
“Hmmm. Why are you so alarmed? So what if I wanna see you earlier?”

Parang umuusok na ang tainga ko sa kahihiyan. Hindi na ako mapakali at pinagpapawisan na ako ng husto.

“Raj, pwede namang alas kuatro na, ‘di ba?” marahan kong sinabi. “N-Nakakahiya sa’yo. Baka marami ka pang ginagawa.”
He smirked. “Wala akong gagawin bukas. Pagkahatid ko sa’yo, sa labas na rin ako ng school n’yo maghihintay.”
“Huh?”

I can’t imagine it. Walang hindi nakakakilala sa mga Riego rito sa Costa Leona. Kahit ang mga sasakyan nila, saulo ng mga tao. To have his car waiting outside the school is a big thing. Lalo na dahil nagdonate si Hades Riego sa aming prom!

Malaki ang puruhan na maimbita si Raoul kapag nakita ang sasakyan nito sa labas. Kapag nangyari iyon, makikita ko siya sa prom! Iniisip ko kung mag-uusap ba kami o hindi?

Syempre, hindi. Ayaw kong maisip ng iba na kaibigan niya ang isang tulad ko!

At kung oo naman… kung mag-uusap naman kami… kung kakausapin niya naman ako… mahihimatay yata ako!

Everyone will look at us! Everyone will stare! I can only imagine the people’s reaction.

“Hihintayin kita hanggang sa matapos ang prom ninyo. You may dance with your friends… whoever you like. No kissing, alright?”

Kissing? Sa dami ng iniisip ko at sa dami ng sinabi niya, iyon lang ata ang naintindihan ko.

“Nakakahiya!” sabi ko.
He chuckled again. “Unti-unti kitang sasanayin, Leil.”

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya pero nasakop na ang utak ko noong sinabi niya. He’ll be there tomorrow, for sure!

My head is just so full of Raoul. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na kami ng mga gamit. Pagkatapos namang magligpit, sabay naming pinainom ng tubig-sapa ang alaga kong kambing.

Kahit hindi perpekto ang naging araw ko, kontento parin ako. I think that is what’s important, right? Contentment. Our days may be bad, but we can still be content with our life.

“Leil, bukas na ang prom ninyo, hindi ba?” tanong ni Papa.
“Opo, Papa. Alas singko raw po baka hanggang alas otso o alas nuebe.”

Gabi na. Masayang masaya ako. Tahimik kaming kumakain ni Papa sa hapag.

“Sige. Umuwi ka na agad pagkatapos, ha? Huwag ka nang sumama sa mga kaklase mo kung gigimik pa sila.”
“Oo naman, po…” I assured him.

I have no intention to do that. Isa pa… mag-aantay si Raoul na matapos ako. Iuuwi agad ako noon. Lagi pa naman iyong nag-aalala kapag ginagabi ako.

I smiled at the thought.

“Wala ako bukas kaya siguraduhin mo, okay?”
“Opo!” sabi ko pero ngayon ay naisip na kung saan ang tungo ni Papa.
“Magpapadasal na naman kami ngayon para sa magandang kalalabasan ng mga lakad namin.”
“Sige po.”

Ganoon sila lagi. Kapag aalis, magkakaroon ng espesyal na pagdarasal para sa matagumpay na paglalakbay.

Sa harap ng mistulang altar, nakatayo ako. Dozens of our village’s men are kneeling before me. Inaayos ang belo sa aking likod. Ang gitnang pagitan ay walang tao dahil doon ako dadaan mamaya.

I am heating the leaves of a healing herb. Umalingasaw ang mapait nitong amoy.

“Ang lahat ay para sa karangalan ng mahal na Diwata ng Liwanag. Sinasamba namin ang Diwata ng Liwanag. Ikaw ang Sugo ng Panginoon. Ang aming paglalakbay ay para sa iyong pangalan! Oh, Diwata ng Liwanag, ang aming buhay ay para sa’yo…”

Paulit ulit nila iyong sinabi habang ginagawa ko ang ritwal para sa halaman. My father is kneeling on the first row.

Pinatuluan ko ng langis ang halaman. Pagkatapos ng ginawa ay bumaba na ako sa altar.

Lumakas lalo ang awit ng mga tao. Pumikit ako at sinabi ang sanitatem para sa paglalakbay. Litanya na pinasaulo rin sa akin ni Papa noong bata pa ako.

Gamit ang halaman, winisik ko ang langis para matamaan ang lahat ng manlalakbay. They believe that it will grant them safety and good health the whole time.

Nagpatuloy ako sa ginawa. At nang natapos, gaya ng dating gawi, naligo na ako at natulog na lang para sa isang magandang araw… kinabukasan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.