Sands of Time – Kabanata 15

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 15

Kabanata 15
Close

Luck has finally struck my life. Iyon lamang ang tangi kong naisip.

Pagkauwi ko sa village, pareho lang ang ginawa ko. Nanggamot ng iilang may sakit, sinamba ng ilang minuto, at nagdasal para sa magandang ani ng buong kumunidad. Lahat ng ginawa ko’y taospuso at maligaya kong naitawid.

The effect of my good mood probably affected every part of my being. Alam ko dahil pagkauwi namin sa kabahayan at pagdating ni Papa kasama ang iilang kasamahan, nagbago ang ihip ng hangin.

Stunned, I stared at the hanging dress just in front of my room’s door. Tinatanggal ang belo sa aking buhok. May kumuha rin ng ilang kwintas ko, kahit na madalas ako naman ang nagtatanggal nito. I was just so stunned with what I saw.

A dark purple dress is hanging beautifully in front of me. Sobrang dilim noon, lalo na sa taas na bahagi, mistulang itim na kapag hindi matatamaan ng ilaw. It’s a tube top dress with a graceful dark sparkling belt on the waistline. The skirt is also very unique. Iba sa naririnig at nakikita kong suot na mga dress, mahaba at simple. The skirt is short in front, and very long, flowy and sheer in the back, mistulang usok dahil sa alon.

Hindi ko alam kung bakit ang unang naisip ko nang nakita ko ito ay mga paru-parong kulay purple. Misteryoso at mahiwaga. Hindi ko rin alam kung bakit halos makaisip ako ng magic at kababalaghan dahil sa kulay at anyo nito.

“Nagustuhan mo ba?” sabi ng boses sa likod ko.

Bumaling agad ako at nakita ko si Papa na nakangiti sa akin. Akala ko nagpapahinga siya. Pagkatapos kasi ng pagtitipon ay dumiretso na siya sa kwarto dahil napagod daw siya sa lakad nila.

“K-Kanino po ‘yan, Papa?” tanong ko.
“Sa’yo, Leil…” he sighed.

Napakurap-kurap ako. Sa akin? Para saan naman? I remember only wearing white dresses during worships and all. Kaya hindi ko maintindihan bakit niya ako binilhan ng damit na iba ang kulay.

Lumapit si Papa sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat para maiharap ako sa damit.

“Pasensya na, Leil. Alam kong nagtitiis ka lang sa lahat ng ito, anak. Kung sana lang ay maganda ang naging estado natin, hindi ka magdurusa ng ganito.”

Bakit? Hindi ko naiintindihan! I stared at the dress. I can imagine myself wearing it but for what? For…

“Nagsisikap din ako para sa atin. Sana, kalaunan, maisalba kita sa buhay na ito.”

Nangilid ang luha sa aking mga mata. For the first time since we started all of these, ngayon ko lang narinig si Papa na nagdurusa sa lahat ng ginawa namin. Could this day get happier? Bumaling ako kay Papa at nakita ko ang nangingilid na luha rin sa kanyang mga mata.

“Tatapusin na natin ‘to, Papa?”
Ngumiti siya. “Konting tiis na lang, anak. Pasensya na talaga at wala akong alam na pwedeng pagkakitaan sa buhay na ‘to-”
“Marami po dyan, Papa! Hindi naman po natin kailangang kumapit dito!”
“Alam ko. Mag-antay ka na lang. Ako na ang bahala sa lahat, Leil.”

Bumaling ako sa nakahanger na dress para manghingi ng paliwanag doon pero hindi pa ako nakakapagtanong ay nagsabi na siya.

“Sasali ka sa prom ninyo. Alam kong hindi mo pinipilit pero gusto mo iyon. Binilhan na kita ng damit. Ngayon lang ako nagkapera. Pinapayagan na kitang pumunta roon.”

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Sa tuwa ay niyakap ko na ng mahigpit si Papa. He laughed, but his voice shook from the emotions. Napaiyak din ako sa sobrang tuwa.

I cannot believe it. Sasali ako sa prom! Pinayagan ako ni Papa at binilhan niya pa ako ng damit! I just can’t believe it.

The days are getting better and better. Like luck is on my side. This is the beginning.

Sa parehong gabi ring iyon, mabilis kung sinubukan ang damit. Kasyang-kasya iyon sa akin. It feels like it’s made for me. Bukod pa roon, may kapares din itong sandals. A dark purple velvetty sandals with strings till below my knees. Kapares nga iyon dahil kitang-kita ang ganda nito dahil sa istilo ng palda sa damit.

Paulit-ulit kong inisip ang itsura ko na iyon hanggang sa nakatulog na ako ng may ngiti sa mga labi.

I have never been really this happy. It’s not perfect but I’m content with everything.

Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay Ma’am Avila iyon. I wonder if I’m still allowed to join. Ilang araw na lang, prom na. Baka hindi na?

Ganunman, masaya parin ako. Ang malaman ang totoong opinyon ni Papa sa nangyayari sa village at ang pagbigyan niya ako sa prom, malaking bahagi na ng kasiyahan ko. Hindi man ako makapunta sa prom, masaya parin ako sa nangyayari sa aking buhay.

Kahit na nagkita kami ni Jeff, umagang-umaga, hindi ko sinabi sa kanya ang balitang iyon. Nagdesisyon ako na si Ma’am Avila ang unang sasabihan ko noon. Matutulungan niya siguro ako sa bandang iyon.

I’ve been so interested with prom. Sa buong araw na iyon, napapalingon ako tuwing may nag-uusap ng patungkol sa prom. Nangingiti ako tuwing naririnig ang excitement nila. Nangingiti ako tuwing pinag-uusapan nila ang naglalakihang “ballgowns” na nabili at iba pa.

“Jeff, kay Ma’am Avila muna ako kakain ng lunch, ah? Sorry…” sabi ko.
“Ayos lang! Hihintayin na lang kita kapag tapos ka na,” agap niya.

Tumango na lamang ako. I am just too excited to tell Ma’am Avila about the prom.

Kaya naman, iyon nga ang unang sinabi ko kay Ma’am. Hindi pa kami nagsisimulang mananghalian, iyon na ang ibinalita ko sa kanya.

“Really?” she said, shocked.

Tipid akong ngumiti at tumango. Alam kong hindi siya makapaniwala dahil alam niya na mahigpit si Papa sa akin.

“Kung ganoon, ang damit mo at sapatos?”
“Bumili po si Papa, Ma’am. Kaya payag na payag siyang papuntahin ako sa prom!”

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Ma’am. Sa huli ay niyakap niya ako. For the whole of our lunch, it was our topic.

“Hindi ko nga lang alam kung paano ito…” nanliliit ang mga mata ni Ma’am habang nag-iisip.
“Pero… kung hindi na po pwede, Ma’am, ayos lang po. Huwag na lang ipilit. Handa na rin naman ako na hindi ako sasali kaya ayos lang-”
“No, Leil! Sasali ka. Lalo na ngayong pinayagan ka!” giit ni Ma’am.
Ngumiti ako sa determinasyon niya.
“Ganito. Mamaya, habang nagpapractice sila, may meeting kaming mga teachers. Magdodonate kasi si Hades Riego sa dekorasyon at iba pa sa prom ninyo.”
“Oh?”
“Oo. Ang bait nga, e. Pati pagkain ay sinagot niya.”

Napakurap-kurap ako. Hades Riego is Raoul’s father. Nakikita ko siya, noon pa lang. Siya nga ang inaabangan ko kasi mas madalas kapag nariyan siya, nariyan din ang kanyang anak.

He’s a tall and handsome man. He looks friendly. Though he’s not friendly enough to look approachable, hindi ako kailanman nakarinig ng masamang pag-uugali niya. I imagine him to be like Raoul. Maybe he is, actually, now that I think about it. Raoul looks ruthless, arrogant, and hard, but his attitude is very fine. Mabait siya, mapagkumbaba, at wala ring kapintasan ang ugali.

I can imagine Raoul age like his father. Magiging mabait din siya at matulungin sa kapwa. Dahil natural silang mabait, hindi na nila kami pinaalis sa village. We’re literally living there for free. It’s not right but I still can’t help but feel thankful for Hades Riego’s kindness to all of us.

“Talaga po?”
“Oo. Kaya kung good mood ang principal mamaya, isisingit ko ang tungkol sa’yo. Next time ka na lang sumali sa practice dahil wala ka pang partner…”
Umiling ako. “Nahihiya po ako. May partner na po ang lahat. Ayaw ko na pong magulo kaya kung sasali man ako sa practice, ayos lang po na wala akong partner.”

Ngumiti si Ma’am. Alam kong mahihirapan siyang kumbinsihin ang principal na bigyan ako ng partner. Ilang linggo na rin kasi silang nagpapractice at maaring nagkasundo na ang mga magkakapareha.

“Sapat na sa akin ang makapunta, Ma’am. O hindi kaya… sapat na rin sa akin po na pumayag si Papa. Ibig kasing sabihin noon, unti-unti nang nabubuksan ang kanyang isipan.”
“Hay naku, Leil…” she sighed. “You really have a wise old wisdom in you.”

I chuckled. I am genuinely just happy to hear my father say those kind words to me. Nakakakita ako ng pag-asa.

“Pero hindi ako papayag na pinayagan ka nga ng Papa mo, hindi ka pa makakasali. Isasali kita. Ipipilit ko mamaya kahit pa wala ka nang partner, okay?”
I nodded happily.
“Ako na rin ang bahala sa make up mo. Pumunta ka lang sa amin. Pati sa buhok mo, okay?”
“Okay, Ma’am. Salamat po.”

Sa hapon ay hindi na ako nakatiis. Dala na rin siguro ng excitement, nasabi ko kay Jeff ang tungkol sa pagsali ko sa prom.

“Jeff,” sabi ko habang nagliligpit na kami ng gamit.

Ang mga kaklase ko ay pupunta na sa covered court, ako naman, uuwi na.

“Pinayagan na nga pala ako ni Papa na sumali sa prom.”

Nanlaki ang mga mata niya. Naibagsak niya ang mga aklat sa kanyang desk.

“Totoo?”

Natawa ako sa kanyang reaksyon. Humalakhak ako at tumango.

“Talaga, Leil!? Sasali ka!?” napalakas ang boses niya.
“Shhh…” sabi ko. “Susubukan pa ni Ma’am na-”

Niyakap ako ni Jeff sa sobrang saya niya para sa akin. Tumawa lang ako at niyakap na rin siya pabalik.

“Uy! Jeff, may naghahanap diyan sa kaibigan mo…” sabi ng kaklase ko, dahilan ng pagkakatigil namin ni Jeff.

Sa pintuan ay naroon si Gasper. He’s looking at us intently. He looks very serious. Iniwas niya ang tingin sa amin, para bang may bahid na galit.

“Uh, si Gasper… teka lang…” sabi ko at maglalakad na sana patungo sa pintuan ng biglang hinawakan ni Jeff ang aking kamay.

Agad niya naman itong binitiwan. Natigilan ako at napabaling sa kanya.

“Ako na ang bahala…” malamig na sambit ni Jeff sa akin bago naglakad patungo sa pintuan.

Kahit na ganoon ang sinabi niya, sumunod parin ako. May kakaiba kasi akong naramdaman sa tono ni Jeff.

“Anong kailangan mo?” matamang sinabi ni Jeff kay Gasper nang nakalapit.

Sumulyap si Gasper sa akin bago kay Jeff ulit. Kitang-kita ang gulat sa mga mata ni Gasper. He shifted his weight and equaled Jeff’s cold stare.

“Hindi ikaw ang hinahanap ko. Si Leil,” matamang sinabi ni Gasper.
“Dadaan sa akin ang gustong makipag-usap sa kanya. Anong gusto mong sabihin?”
“Uh, Jeff, ayos lang. Ako na ang makikipag-usap kay Gasper-” singit ko.
“Ito ba ang gusto mo, Leil? Kaya ba hindi mo ako sinagot?” tumaas ang boses ni Gasper, kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Hinila ko si Jeff para mapigilan. May umawat din kay Gasper kaya napaatras ito. Pinagtulungan siya ng katropa paalis doon sa tapat ng classroom.

“Jeff, tama na. Ayos lang naman sa akin kung mag-usap kami ni Gasper.”

He turned to me with cold eyes. Pero agad ding nawala iyon. He rested his hand on my head.

“Hindi ayos sa akin, Leil…” sagot niya.

Kumunot ang noo ko roon. Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya pabalik sa aming upuan at hinagilap ang mga gamit niya. Napasulyap ako sa mga kaklase namin na tahimik na nagbubulung-bulungan.

“Grabe muntik nang nag-away ‘yon, ah.”
“Iba talaga pag nagayuma. Patay na patay talaga, e, ‘no?”
“Tama na. Baka makulam tayo.”
“Hindi ‘yan totoo…”
“Anong hindi? Hindi pa ba ‘yan totoo, e, ang dami niyang nagayuma na…”

Sinundan ko si Jeff palabas pero hindi ko na naabutan. Galit yata. Gusto kong magtanong kung ano ang ibig sabihin niya sa hindi ayos sa kanya na mag-usap kami ni Gasper.

Marami akong pagpipilian.

Una, baka may nalaman siyang masama tungkol kay Gasper kaya ayaw niyang lumapit ako rito.

Pangalawa, baka ayaw niyang nakikita akong nakikipagkaibigan kay Gasper. Baka iniisip niya na binubully ako ng mga tropa ni Gasper kaya dapat hindi ko na iyon kinakausap.

Pangatlo… this is an impossible choice. But… Is he…

“She’s here…” I heard a playful tone near the streams.

Tumigil ako. Sa pag-iisip ko sa nangyari, nakalimutan ko na ngayon nga pala pinapunta ni Raoul si Zamiel Mercadejas sa kamalig.

Bumaling ako sa gilid at nakita ko ang tatlong kabayo na nakatali. Alam ko na agad kung sinu-sino ang naroon.

Lumabas si Raoul sa kamalig. His dark smile made me forget all of my simple schoolgirl worries. I smiled back at him.

Bumaling naman siya sa mga naliligo. Ang isang Mercadejas ay nakaupo sa silya. Kumuha ng isa si Raoul at kinaladkad na ang silya medyo malayo sa mga kaibigan. Iminwestra niya iyon sa akin, harap lang ng bilugang lamesa.

Tumango ako at lumapit na roon. Zamiel Mercadejas got out of the water. He’s dripping with freshwater when he snatched a black towel.

Hindi muna ako umupo gaya ng gusto ni Raoul. Hinarap ko ang magkapatid na Mercadejas.

“Magandang hapon,” sabi ko, medyo naiilang na tingnan ang dalawa sa mga mata.

I can sense it on their eyes. Alam ko na hindi man isinasatinig, nahihiwagaan parin sila sa akin hanggang ngayon. Zamiel looks weary. Nagsalin siya ng tubig sa baso. Nang gumilid ay nakita ko ang band aid sa kaliwang pisngi.

“Good afternoon, lady…” ang mas batang Mercadejas ang nagsabi.

I turned to him. He then turned to Zamiel, too.

“Ano na? Tell her the truth. Or you might get bad luck for seven years or so…” sabay tawa nito.
“Shut up, Kajik!” agap ni Raoul.
Nagtaas agad ito ng kamay bilang pagsuko. “Kidding…” bumaba rin ang tingin niya sa akin. “Sorry. Biro lang iyon.”
“Ayos lang. Alam ko naman.”

Umiling si Kajik at bumaling sa kapatid na palapit sa amin ngayon.

“Sorry, Leil…” he drawled. “I was just joking that time. I believe Raj will do the same kung nakita niyang pinagtataksilan ako-”
“Enough, Zamiel!” agap naman ni Raoul ngayon.

Humagalpak si Kajik. Sumunod naman si Zamiel sa kanya bago bumaling ulit sa akin, pilit na nagseseryoso.

“I hope you can forgive. I know what I did is wrong. I’m sorry for making you cry.”
I nodded. “Wala na ‘yon.”

Nag-angat ng tingin si Zamiel kay Raoul. Kitang-kita ko ang panunukso nito bago umiling at bumalik sa sapa.

“Seven years of badluck, bro.”
“Shut up. Bad luck saan? I don’t believe that…” Zamiel said.
“Maybe? Love life?” sabay tawa ni Kajik.




Natawa ako roon.

“Stop it, Kajik!” dumagongdong ang boses ni Raoul. “Makakaalis na kayong dalawa.”

Kumalma naman ako at naupo na sa silyang kinuha ni Raoul kanina. Bumaling naman ako kay Raoul para sawayin na masyado siyang mainit sa mga kaibigan niya. Ayos lang sa akin ang mga sinabi nila. Alam ko namang nagtutuksuhan lang.

“Ah… You are very selfish. We are staying for the food and not for Leil, don’t worry!” agap ni Zamiel.
“Hm…” Raoul mocked.

Bumaling si Raoul sa akin. Nilingon ko naman siya.

“I cooked pizza. Nakakain ka na ba noon?”
Tumango ako. “Merong ganyan sa canteen namin. Iyong may cheese at hotdog?”
He nodded. “Iba ito sa canteen food. Kukunin ko lang sa loob ng barn house. Ayos ka lang dito?”
“Oo naman!”

Sumulyap si Raoul sa mga kaibigan na ngayon ay abala na. Zamiel is swimming while Kajik is looking at his phone. Raoul’s phone is on the table pero hindi ko ginalaw iyon.

Nagmamadaling umalis si Raoul para kunin ang pizza na tinukoy. Naisip ko tuloy na siya ang gumawa noon. First time akong makakain ng luto niya. At mas lalo lang akong humanga nang natantong marunong siyang magluto!

“I’m truly sorry, Leil,” si Zamiel nang nakitang umalis si Raoul. “Naguilty ako nang nakita kang umiyak pagkatapos ng sinabi mo.”
Tumawa si Kajik. “Talaga ba o takot ka lang?” may pahiwatig iyon.
Tumawa rin ako. “Hindi naman ako manunumpa ng mga tao, kaya ayos lang.”
“Wait! This isn’t about me scared shit of your ability to curse someone. I am truly sorry for what happened.”

Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Zamiel.

“Pero talaga bang marunong kang magsumpa ng tao?” pahabol niya.

Humagalpak si Kajik at binasa ng tubig sapa ang kapatid. Natawa na rin ako. Hindi araw-araw na may nagpapagaan ng usaping ito. Ngayon lang ata ako nakarinig na gumaan ang tungkol rito.

“Hindi… pero…” nag-isip ako tungkol sa mga isinumpa ko rin noong araw.
“Oh no, she really knows how to curse!” sabi ni Kajik, may bahid nang seryoso sa tono.
“Tss. I don’t believe you’ll curse me. You’re very kind…” ani Zamiel sabay balik sa mas malalim na parte ng sapa.

Umiling ako at ngumisi.

“Isa pa, masumpa man ako, hindi ako maniniwala kung sa lovelife…” mayabang niyang sinabi.
“Yeah… right. Whatever…” natatawa namang sinabi ni Kajik.
“Baka ikaw?” tukso naman ni Zamiel sa kapatid.

I heard Raoul’s heavy footsteps behind. Nilingon ko siya at nakita ko ang paglapag niya ng isang bilugang pizza sa harap ko. It smells soo good. Natakam agad ako. Naglagay siya ng maliit na pinggan sa harap ko, kasama ang tinidor at kutsilyo.

Umupo si Raoul sa tabi ko. Iniisip ko na kinakain ito sa mas magaang paraan gamit ang kamay lang pero nilagyan niya ng pinggan ang harap ko. Hindi lang iyon, isa lang ang nilagay niya. Walang sa kanya. Wala rin para sa mga kaibigan.

Humiwa siya ng isa at nilapag niya sa pinggan sa harap ko. Ngumuso ako at mas lalong natakam dahil sa cheese na ayaw humiwalay.

“You can eat this using your bare hands, pwede rin gamit ang kutsilyo at tinidor,” he said.
Tumango ako. “Susubukan ko gamit ang kutsilyo at tinidor. Bakit walang sa’yo?”
“We’ll just share… I’ll eat with bare hands…” he said.

Kumuha siya ng isa pa at nilapag niya ang isa pa sa pinggan ko. Uminit ang pisngi ko nang may naisip. Alam kong nilagay niya lang naman iyon sa pinggan ko pero parang nagshare na rin kami ng pagkain. Hindi ko mapigilan ang pagkakatuwa.

“I’ll get one,” si Kajik sabay kuha ng isang pizza gamit ang kamay.

Umalis siya kaagad at bumalik sa malayong silya niya. Umahon si Zamiel at kumuha na rin ng isa. Kita ko ang medyo makahulugang titig niya kay Raoul bago humalakhak at umiling. Bumalik din siya agad sa sapa.

“Don’t mind them…” Raoul said.
Tumango ako at sinubukan na ang kutsilyo at tinidor.

It’s easy. Pormal na pormal. Naisip ko tuloy ang prom namin. Pormal din na okasyon iyon kaya kakain ng pormal.

“Do you like it?” he asked after my one bite.
“Oo! Marunong ka palang magluto nito! Ang galing…” puri ko.
“I’ll cook another next time.”

Mas lalo akong namangha.

“Hindi lang ito ang alam mo? Marami pa?”

He only smirked at my reaction. Hindi ‘yan aamin na marami pa. He’s really very humble! Tuwang-tuwa kong inisip na marunong siyang magluto ng iba’t-ibang pagkain. Ilang sandali pa tuloy bago pa naka move on.

“Narinig ko nga pala kay Ma’am Avila. Magdodonate daw ang Papa mo sa aming prom.”
Raoul nodded like it’s nothing. “He does that every year.”
“Sigurado ako hindi lang sa school namin. Pati na rin sa iba pang mga nangangailangan, hindi ba? Ang bait ng Papa mo…”
“Sayang at hindi ka makakasama, ‘di ba?”

Ngumisi ako. Nahihiya akong umamin sa kanya na pinayagan ako pero kailangan.

“Pumayag si Papa…” sabi ko.
Natigilan siya roon. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
“Bigla na lang. Bumili siya ng damit at sapatos ko para sa prom.”
“Talaga?”
“Oo. Kaso, hindi pa sure. Magtatanong pa si Ma’am Avila kung papayag ba ang principal.”
“My father can do something about that-”
“Naku! Huwag na!” agap ko. “Tingin ko naman, makakagawa ng paraan si Ma’am Avila. Nakakahiya sa Papa mo.”
“It’s not a big deal, Leil.”
“Bukas ko malalaman kung pinayagan si Ma’am-”
“Pag-uwi ko mamaya, dadaan ako sa mga Avila para magtanong. Kung hindi pumayag ang principal n’yo, ako na ang makikiusap.”

Tumawa ako. Hindi ko inasahan na ganoon kagusto ni Raoul na makasali ako sa prom.

“Sa totoo lang, tanggap ko na naman na hindi ako sasali. Kahit na hindi pumayag. Masaya na ako dahil pumayag si Papa na sumali ako. Sapat na sakin ‘yon.”

He stared at me for a little while. His soulful dark eyes remained still even when I tried to be goofy.

“Gusto kong pumunta ka…” aniya.

I can’t believe it. My heart is beating very fast and loud again. He’s very caring. Alam niyang kailangan ko iyon.

“Wala rin akong partner. Huli na kasi ako sa practice. Kung sakali, baka bukas pa ako makakasali.”
“Ayos lang na wala kang partner. Ang importante nakapunta ka… Makakasama mo ang mga kaibigan mo.”

I smiled at that, remembering Jeff’s reaction. Napawi rin nang naalala ang huling nangyari.

“Tuwang tuwa nga si Jeff, e. Noong sinabi ko…”

Raoul looked away. Nagsalin siya ng juice sa dalawang baso sa harap. Nilapit niya sa akin ang isa.

“Anong sabi niya?” he asked.
“Masaya siya para sakin.”
“He’ll try and dance with you, for sure,” ani Raoul.
“Nasabi niya nga. Gusto ko ring isayaw ang iba na naging mabait sa akin.”

Nagkatitigan kami ni Raoul. His eyes were very dark. I can sense his control taking over him. He nodded, kasabay ng pag-igting ng panga.

“Sinu-sino?”
“Si Dixon… Si Ronald… Si Gasper…” bagsak ang tono ko sa huli dahil sa naalala. “Kaya lang, kanina, muntik nang nag-away si Gasper at Jeff.”
“Bakit?”
“Ewan ko kay Jeff. Kakausapin dapat ako ni Gasper pero hinarangan niya ako at siya na mismo ang lumapit kay Gasper.”
“Bakit ganoon ang ginawa niya?” now he looks so attentive.
“Hindi ko alam. Sabi niya ayaw niyang nakikipag-usap ako sa ibang lalaki.”

Nagkibit ako ng balikat. Raoul sighed heavily. He murmurred so curses that I did not get.

“How dare he treat you like his possession! Wala siyang pakealam kung gusto mong kausapin ang iba.”

Nagulat ako sa sinabi ni Raoul. Hindi ako nakakibo.

“Hindi pa ba iyan nanliligaw, talaga? O baka… akala niya kayong dalawa na?”
“Anong kami?!” gulat kong sinabi.
“Tss. Maybe you unconsciously gave him false hopes. Do you like him? More than friends?” ramdam ko ang galit sa kanya.
“Hindi ‘no! Hindi ba sabi ko naman sa’yo…” nag-iwas ako ng tingin. “Wala nga.”

Raoul sighed. Naramdaman ko ang bahagyang pagkalma niya.

“You guys fighting or something? LQ?” Kajik asked slowly.

Umiling agad ako nang tumingin ito sa amin. Hindi kumibo si Raoul. Nanatili siyang nakatingin sa akin.

LQ? Lover’s Quarel ‘yon, ah! Hindi kami maggaganoon, syempre! Hindi naman kami lovers!

“I’m afraid he thinks you like him,” balik ni Raoul sa topic.

Hindi ko alam paano siya napunta roon.

“Hindi!” giit ko sabay iling.
“You probably told him you like him. Gaya noong kay Gasper. Hindi mo dinagdagan ng kaibigan lang.”
“Hindi nga…” paulit-ulit ang iling ko para masuyo si Raoul.

Kita naman sa kanya na nagdududa siya. Na sigurado siyang may nagawa nga ako para ganoon ang isipin ni Jeff.

“Maybe because you cried in front of him. He thinks you were crying for him.” he mocked again.
“Hindi nga…” I said, now a bit frustrated.

He sighed and licked his lower lip. Tinitigan niya ako na tila may naiisip talagang kakaiba. Paulit-ulit parin akong umiiling sa pag-aalala.

He dragged my chair closer to him. Nagulat ako pero nakabawi rin agad.

“Hindi nga…” marahan kong sinabi.
“Look, Leil…” he said slowly and softly.
Ngumuso ako at tinitigan siya. Malapit na kami sa isa’t-isa.
“You are very sweet. Even to your friends. You’re unconsciously giving them false hopes. I’m afraid you’re going to break your own heart.”
“Bakit?” gulo kong tanong.
“If Jeff thinks you like him at sasabihin mo ang tunay mong nararamdaman, ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya? He’ll get mad at you…”

Umawang ang labi ko. Kanina lang ay naisip ko iyon. Raoul can really open my eyes to these truths, huh.

“There’s no way in hell I’ll let you cry over lost friends, okay?” malambing niyang bulong.

Kinagat ko ang labi ko.

“You have to be careful with the way you treat them. Lalo na kapag may gusto sa’yo. How about being friends with girls?”
Ngumuso ako. “Hirap akong makipagkaibigan sa mga babae, e.”
“Eh, ‘yong Sharlene? Pinky? Hmm?” he asked trying to catch my vision.
“Hindi naman ‘yon namamansin sa school si Sharlene. At si Pinky, baka ayaw niya sakin kasi ayaw ng ibang kaibigan niya sakin,” sabi ko.

Now he looks problematic. Parang nag-iisip siya ng paraan para sa problema ko.

“Pero ayos lang naman. Alam ko naman na hindi dapat ako nagmamadali sa paghahanap ng kaibigan. Mabait naman sina Gasper, Dixon, Ronald, at Jeff sakin… Andyan naman si Ma’am Avila at Lola Brosing… tapos…”

Uminit ang pisngi ko nang naisip ang idudugtong.

“Nandyan ka naman…”

Sumulyap ako sa kanya. His lips twitched. His eyes relaxed a bit, too. Mas lalo pang uminit ang pisngi ko sa idudugtong na tawag sa kanya.

“… Raj…”

Nahihiya ako dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan na tawagin siyang ganoon. Masyado yata akong masaya sa araw na ito na nagkaroon ako ng lakas ng loob.

His reaction was my cue. Hinaplos niya ang buhok ko pababa at marahang inilagay sa likod ng aking tainga. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa likod ng upuan ko. Hindi ako natatakot na bumulong dahil sobrang hina noon na hindi dinig ng dalawang nagtatawanang Mercadejas sa malayo.

“Pwede b-ba kitang tawaging… R-Raj?”

I swear my face heated so bad that I had to bite my lip. I need to stop talking. Hindi ko na siya matingnan ng diretso.

Umawang ang labi niya. I can sense his amazing control taking over him.

Lumapit siya ng bahagya. Natanto kong baka nga ayaw niyang tawagin ko siyang ganoon. Only his close friends and relatives can call him that. I’m not one of them so I must stop it.

“S-Sorry…” agap ko.
“Why are you sorry?” he asked breathily.
“Hindi tayo close… p-para tawagin kitang ganoon.”
“Gaano ka close pa, Leil, para matawag mong ganoon tayo? Hmm?” he asked painfully.

Hindi ako nagsalita. Bumagsak ang tingin ko sa aking kandungan. Pinisil ko ang mga daliri ko, nakasanayan na tuwing kinakabahan.

“Say it again…” he commanded tenderly.
“H-Huh?” agaran ang pag-angat ko ng tingin sa kanya.

His eyes were dark and hooded. He looked so mysterious. Kumabog ang puso ko. Lalo na dahil pakiramdam ko galit siya… o ‘di natutuwa… o iritado. Hindi ko alam. Hindi ko sigurado.

“Say my name again…” he said softly.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko parin malaman kung ano talaga ang emosyong iyon sa kanyang mga mata. Patuloy ang pagpisil ko sa aking mga daliri.

He covered my hands with his large, warm hand to stop me from the tension. Naramdaman niya yata ang nerbyos ko.

“Baby, call me again… please?” he whispered near my ear, almost begging.

My heart pounded violently. Nanuyo ang lalamunan ko. Something about the way he pleaded made me tremble. I can’t believe that these feelings could intensify more. Akala ko sukdulan na noong nakaraan pero ngayon, mas lalo pa yata akong nahulog.

Huminga ako ng malalim. Nag-aalinlangan ako pero hindi ko maitago ang kagustuhan kong sabihin nga iyon muli.

“Raj…” my voice broke a bit.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi kahit pa ang mga mata’y halatang hindi komportable o may halong salungat na emosyon.

“I want that…” he said slowly.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.