Sands of Time – Kabanata 14

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 14

Kabanata 14

Peace

Paulit-ulit sa aking utak ang nangyari. It’s like a movie I keep on repeating. At sa bawat ulit nito, mas lalong lumalakas ang pintig ng aking puso.

His hug was very warm. It gives me comfort. Parang mainit na kumot na pumalupot sa akin, pero higit pa roon. Hindi mapapantayan ang nararamdaman ko noong niyakap niya ako.

We spent the rest of the passing minutes quietly. Kinakalma ko ang sarili ko habang tahimik niya naman akong pinagmamasdan. Nahihiya akong magsalita. Nasa labas na kami, nakaupo ako sa isang silya. He’s standing in front of me, looking intently, while crossing his arms.

And for the first time, I’m happy and contented. Ayaw ko nang magtagal doon kahit pa makakasama ko pa siya kung ganoon nga. Gusto kong umuwi at mag-ayos sa sarili. Nahihiya ako sa nangyari. Lalo na dahil tahimik kaming dalawa at wala nang masabi sa isa’t-isa.

“Uuwi na ako…” sabi ko noon, hindi siya tiningnan.

“Are you still upset?” tanong niya at lumapit na sa akin.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Trenta minutos din ang katahimikan namin. Kontento na ako sa nangyari. Hindi ko nga lang alam anong gagawin ko pagkatapos nito.

Umiling ako bilang tugon sa tanong niya.

“Gusto ko nang umuwi.”

He fell silent for a moment. Pagkatapos noon ay tumango na siya bilang pagpayag. Dumiretso na agad ako pababa ng kamalig. Sumunod naman siya.

“I will be here tomorrow. I will expect you here, as well…”

Ibinaon ko ang aking mukha sa aking unan. Tuwing naiisip ko talaga ang nangyari, hindi ko kayang hindi mangiti. At tuwing naiisip ko naman bukas, kinakabahan ako ng husto.

Ayaw kong umasa. Baka may gagawin na naman siya at hindi siya nakapagpaalam kaya hindi ko na muna iisipin na naroon nga siya. Doon ako dadaan bukas. Kung naroon nga siya, ano naman ang gagawin ko? Hindi ko alam. Iniisip ko pa lang, pumipikit na ako ng mariin sa kahihiyan.

I am extremely hyped the next day. Sobrang aga kong nagising at nag-ayos. I combed my hair in a different way. I stared at my face in the mirror for a long time. Inayos ko ng mabuti ang buhok kong hindi pa sanay sa ibang pagkakaparte. The loose mermaid curls hung very low.

Hinawakan ko ang aking mukha. I look a bit pale. The small freckles below my eyes and on my nose bridge were not very visible. ‘Tsaka mo lang makikita kapag titigan at mas lalong lalapitan. I am not very conscious of my skin, though luckily I don’t remember experiencing very bad pimple breakouts. Ngayon, wala naman. Ang biro pa ng mga kaklase ko noon, meron daw kapag may crush ka. Kung totoo iyon, meron siguro akong isa. At hindi na iyon nawawala.

Nasa classroom na ako nang dumating ang mga kaklase. Medyo nahuli si Jeff, o talagang maaga lang ako. I smiled at him when he entered. Seryoso lang naman ang ekspresyon niya nang nakita niya ako.

“Good morning,” bati ko.

“Good m-morning… Ang aga mo, ah. Hinintay kita kanina sa gate. Sinabi ng ibang kaklase na dumating ka na pala kanina pa.”

“Oo. Napaaga nga ako ngayon,” sabay ngiti.

Nilagpasan niya ako para maupo na siya sa likod ko.

“Sabay tayong mag lunch, Leil, mamaya…” ani Jeff sa likod ko.

Nilingon ko siya. I saw the glint of awe in his eyes. Tumango ako at ngumiti ulit.

Naninibago siguro ang mga kaklase ko. Kaya naman napapansin ko ang pagtatagal ng tingin ng ilan, kahit mga babae, sa akin. Ganoon naman talaga. Some girls cut their hair at pagkapuntang school ay pinagkakaguluhan agad. May iba, nagpapa salon, pinagkakaguluhan ulit. Ganoon talaga pag may bago. Ako lang naman ang hindi masyadong tinatanong tungkol sa kahit ano dahil na rin sa reputasyon ko.

Nasa ilalim kami ng puno ni Jeff pagka tanghalian. Tahimik kong kinakain ang aking mga pagkain habang siya’y panay na offer ng sa kanya. Minsan pa, nagtatagal ang tingin niya sa akin.

“Binago mo ang buhok mo?” sa huli ay nasabi niya rin.

“Sa pagpaparte lang…”

“Bagay sa’yo,” si Jeff.

“Salamat.”

Nagpatuloy ako sa pagkain samantalang nanatili naman siyang nakatingin. Kalaunan ay nagsalita muli siya.

“Mukhang masaya ka… Ibang-iba noong nakaraang araw. Noong umiiyak ka.”

Marahan akong natawa. I guess it really shows, huh? My mood since yesterday. Baka nga. Kasi minsan, kapag naaalala ko, hindi ko mapigilan ang kagustuhang mangiti. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko sanang ganito na lang palagi. I wish time would freeze so I will be this happy forever.

“Masaya ako para sa’yo.”

“Salamat, Jeff. Tama ka. Medyo masaya nga ako…”

Nagkatinginan kaming dalawa. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Nakitaan ko ng kahihiyan ang kanyang kilos.

“Ako rin… Masayang masaya,” si Jeff.

I shifted. Now, I’m curious. Hindi ba, nagkukwentuhan ang mga kaibigan. Kung ibang tao siya, mahihiya akong sabihin na kaibigan ko siya. Pero dahil sa trato niya sa akin at sa sinabi niyang magkaibigan kami, siguro naman ayos lang kung magtanong.

“Bakit? Pero kung hindi ka handang sabihin, ayos lang kung hindi mo na sabihin.”

His eyes widened. Kitang-kita ko ang nerbyos sa kanya. Nagsisi tuloy ako na sinabi ko iyon.

“Masaya ako dahil magkasama tayo. M-Masaya ako dahil masaya ka na kasama mo ako.”

For a moment, I processed what he said. Tumango ako. He smiled at me so I smiled back at him.

“Hindi ka ba talaga pinayagan sa prom, Leil?” tanong ni Jeff pagkatapos ng ilang sandali.

I smiled sadly at that.

“Kung sana, pinayagan ka, ikaw lang ang isasayaw ko buong gabi.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Mas maganda namang isayaw niya rin ang mga kaklase namin. Naisip ko kung ako. Sino kaya ang isasayaw kong iba? I remember Ronald, Dixon, Gasper… hmmm. O baka naman iniisip ni Jeff na baka walang sasayaw sa akin kaya inaako niya ang lahat?

“Pwede naman ding si Sharlene. At iba pang kaklase natin, Jeff. Memorable iyon kaya dapat lahat ng kaibigan.”

“Ayos lang sa akin. Gusto ko, ikaw lang ang isayaw ko,” aniya.

I have not been very good with differentiating friendship and something else. Kung hindi lang paulit-ulit na sinabi ni Jeff na magkaibigan kami, mag-iisip ako ng iba. I sighed my relief. We’re just friends. He’s just concerned.

Patapos pa lang ang klase, kabado na ako. Nakaupo pa lang ako sa upuan, para na akong nililipad ng hangin. Ganoon ba talaga ka grabe ang epekto ni Raoul sa akin?

Pilit ko na lang na inabala ang sarili sa pakikinig sa kwentuhan ng mga kaklase. They are talking about their dresses and their hairstyle for prom. Naiinggit ako sa mga sinasabi nila but I’m also fine with not going. Hindi ko na pipilitin si Papa. Hindi naman talaga kailangan sa eskwela. Hindi naman ako babagsak kung hindi pupunta.

Nagpaalam na ako kay Jeff pagkatapos ng school. Wala na ako sa sarili palabas ng gate. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba talaga ang pagdaan sa kamalig o hindi.

Ano ngayon kung dumaan ako roon? Hindi naman sigurado na naroon siya, ‘di ba?

But Raoul won’t lie! He will be there. Pero kung may emergency, baka nga wala siya.

Dinala na ako ng mga paa ko patungo roon. Hindi ko yata kayang pigilan ang sarili ko. Talagang doon ang tungo ko.

Bawat pagyapak palapit, mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. It is seriously taking over my whole system. I wonder how people who are in love can deal with their hearts? Siguro kung tatagal ay kakalma naman ito, hindi ba?

Palapit sa kamalig, narinig ko na ang lagaslas ng tubig ng sapa. Alam ko kaagad na si Raoul iyon. Nilingon ko ang kagubatan at nakitang isa lamang ang kabayong naroon.

Sa totoo lang, mas inasahan ko na kasama niya sina Zamiel Mercadejas ngayon. Ngayong mag-isa siya, nasisindak na ako ng husto. I don’t think I can handle this. I don’t think my heart is stable enough to interact with Raoul.

Mabilis ang pangyayari. Nakita niya ako na dadaan. Diretso naman ang lakad ng nangangatog kong tuhod. Sumulyap ako sa kanya at tumango lang. Hindi ko talaga alam ano ang gagawin ko.

Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa puntong nilagpasan ko na siya dahil sa sobrang kaba ko. I heard the loud babble of dripping water. Bago pa ako makalayo ay naramdaman ko na ang basang kamay niya sa aking siko.

“Nagmamadali ka?” he asked when I turned to see him.

Binitiwan niya agad ako. I saw him watch his hand leaving my arm.

I swear, I’m really not normal right now. Kabadong-kabado ako. Ito na yata ang pinakanakakakabang pagkikita namin sa lahat. Mas kabado pa ako ngayon kesa noong unang nagkaroon kami ng interaksyon dito.

“May gagawin ka?” tanong niya, seryoso.

“W-Wala naman… uh…” sumulyap ako sa silya at lamesa kung nasaan ang mga gamit niya.

“Dito ka muna. Maaga pa naman.”

My heart is pounding so hard and fast. Pilit ko iyong kinalma. Huminga ako ng malalim at tumango. Nang nakita niya iyon ay umatras siya at lumapit sa bakanteng silya. Nilagay niya iyon malapit sa lamesa at nilingon ulit ako.

Ngayong medyo malayo kami, nahagip ng tingin ko ang kanyang katawan. He’s dripping wet. His hair looks longer now that it is wet with freshwater. His neck is a bit red and his chest is carpeted with very fine dark hair. Uminit ang pisngi ko at napaangat ng tingin sa kanya.

His jaw clenched. Kinuha niya ang tuwalya at nilagay sa balikat para bahagyang matabunan ang katawan. Sa kahihiyan ay mabilis na lang akong umupo sa silyang hinanda niya.

Naupo na rin siya sa malapit na silya. Tinitigan niya ako. Hindi naman ako makatingin sa kanya.

“You fine now?” he asked.

Mabilis akong tumango.

“Bakit hindi ka makatingin?”

Nilingon ko agad siya para ipakitang ayos lang ako. Umangat ang gilid ng kanyang labi.

“Bakit nagmamadali kang umuwi? Iiwasan mo ako?”

“Uh… Hindi naman sa ganoon!”

Ayaw kong iwasan siya. Hindi ko lang talaga kakayanin ang paghuhuramentado ng damdamin ko. Nagsalin siya ng tubig sa dalawang baso sa harap. Lumunok ako at nagpatuloy.

“Hindi ko lang alam… paano…” hindi ko matuloy-tuloy.

“Paano?”

Hindi ako kumibo. Mas lalo pang uminit ang pisngi ko. Nasisiguro kong mukha nang kamatis ang kulay ko ngayon.

“Paano ako pakitunguhan pagkatapos noon?”

Hindi parin ako kumibo. Natatakot akong iyon nga ang problema ko. Suminghap siya.

“Nag-usap na nga pala kami ni Zamiel tungkol sa sinabi niya sa’yo.”

Kinuha niya ang baso at ibinigay sa akin. The way he was holding it made me realize how different we are. He seems very manly and wild. Tinanggap ko ito ng marahan, iba sa pagkakahawak niya.

“He said he’s sorry but I’m not content with it. Pupunta siya rito para humingi ng tawad sa’yo…”

Nag-angat ako ng tingin sa gulat. Umiling ako dahil hindi na kailangan iyon.

“Ayos lang. Huwag na!”

Kita ko ang galit sa mga mata ni Raoul. “I don’t want you to be upset just because of his intentional lie.”

“Nagsorry na naman siya. Baka…”

“I want him to say sorry to you. Ikaw ang ginawan niya ng masama, hindi ako. Kaya dapat lang na humingi siya ng tawad sa’yo.”

Natigil na ako sa panlalaban. He sounds so sure and decided. Tama naman siya. It was very painful for me. Umiyak ako roon. Kinabahan tuloy ako. I wonder if Zamiel told him that I cried so much after that!

Pag-angat ko ng tingin kay Raoul ay kita ko ang titig niya sa akin. Kita ko ang pananantya at bahagyang lagay ng loob.

“Nasabi niya sa aking nagsinungaling lang siya dahil nakita ka niyang umiiyak at may kasamang lalaki.”

Totoo iyon pero umiiling ako. Hindi ko alam kung bakit. I’m confused with myself, too. Naningkit ang mga mata ni Raoul na tila ba may pagdududa sa ginagawa kong pag-iling.

“Totoo?”

Tumango naman ako ngayon.

“Why did you shake your head like it isn’t?”

“Ang… Ang ibig ko lang sabihin ay… na… baka maisip mo na… ano na kami ni Jeff. Hindi naman.”

“Ano na kayo?” nahimigan ko ang kunwaring pagdududa niya sa sinabi ko.

“Magkaibigan lang kami!” giit ko.

Tumango siya at uminom sa kanyang tubig.

“Hindi na kami nagsasabay pauwi kasi lagi silang may practice sa prom. Iyon lang talagang araw na iyon kami nagkasabay-“

“I don’t mind if you let boys accompany you till there, Leil.”

Umiling ako dahil pakiramdam ko mali iyon. I want him to know that I am really taking his advices seriously.

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking silya at sa isang malakas na hila ay nailapit niya ako sa kanya. Our knees were almost touching. He’s crouching a bit just so our eyes would level.

“Listen… I want you to know that it’s okay…” mataman niyang sinabi.

Hindi parin ako kumbinsido roon.

“Lahat ng sinabi ko sa’yo, totoo iyon. Hindi ka nga dapat basta-bastang magtitiwala. You have to weigh the situation. Know that person very well until you decide. But if you really want it that bad, at tingin mo, hindi naman masamang tao ang kaibigan mo, ayos lang, Leil.”

Somehow, I get him. Lahat ng pagdududa niya sa mga kaibigan, kaklase, at manliligaw ko, dapat ganoon din ako. Hindi lahat ng tao’y maganda ang intensyon.

“Okay…” sabay tango ko.

“Did you get me… Leil?” marahan niyang sinabi.

Mas lalo akong tumango.

“If you want to be friends with someone, spend more time with him, and you think he’s a good person, then go and do the things friends are supposed to do. Pero gusto ko, isipin mong mabuti kung mabuti ba ang intensyon niya sa’yo. Hindi iyong magpapadalos-dalos ka lang dahil lang sa kagustuhan mong magkaroon ng kaibigan.”

“Okay…”




“Okay?” puno ng pagdududa ang kanyang tono.

“Gaya lang ng…” may naisip ako. “Iyong matandang nagtitinda sa tiangge at sa labas ng simbahan, gusto niyang bigyan ako ng paninda niya… pero…” nanliit ang mga mata ko. “Medyo hindi ko gusto ang tingin niya sa akin.”

Napaangat ako ng tingin kay Raoul. The dark storm in his eyes is forming. I can sense his anger.

“Alin doon?” mariin niyang tanong.

“Iba-iba ang paninda noong matandang iyon, e. Lagi siyang nag-ooffer sa akin ng paninda niya. Noong nakaraan, noong tinanggihan ko siya, medyo nagalit siya kasi hindi ko raw tinanggap. Kakaiba kasi ang tingin niya sa akin-“

“Fucking pervert-” he cursed harshly.

Nagulat ako roon.

“Describe him,” aniya, tunog may ibang gagawin.

“Uh… Matanda na? Hindi ko masyadong maalala. Pero… hindi naman ako sigurado roon. Baka lang, masyadong masama ang iniisip ko-“

“Trust your feeling. Walang masama sa pagtitiwala sa nararamdaman mo. It can save you. It is better for you to be always in doubt with the people around you. Okay?”

Ngumuso ako at tumango.

Ilang sandali siyang hindi nakabawi. Mukhang may iniisip.

“What about in your village? Maraming lalaki roon, hindi ba? Are you okay there?” mas seryoso niyang tanong.

Nagulat ako roon. Hindi namin masyadong napag-uusapan ang nayon. Awkward para sa akin iyon. Nakakahiya. Iniisip ko noon, ganoon din ang nararamdaman niya. Ayaw niyang maalala kung ano talaga ang ginagawa ko sa nayong iyon.

“A-Ayos lang doon. Nirerespeto ako ng lahat doon…”

“Good…” Suminghap siya at muling nag-isip.

Tinitigan ko siya. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang naliligalig sa kung ano. Mukhang marami siyang iniisip. Mukhang magiliw rin siya sa naiisip niya. When he’s done, he leaned closer to me.

“What about your classmates and schoolmates? Sino sa kanila ang… pinagkakatiwalaan mo?”

“Uh, si Jeff?”

His lips pouted. Tumango siya at hinayaan akong magpatuloy.

“Si Dixon, ayos lang. Si Gasper din…”

“These were the boys you dumped, right? They might be off with you, we just don’t know yet. Si Jeff ba… hindi mo pa nababasted?”

Kumunot ang noo ko roon. “Hindi pa naman siya nanliligaw. Friends lang kami noon.”

Tumaas ang isang kilay niya.

“Why did you cry in front of him?”

Parang umusok ang tainga ko sa tanong niyang iyon. Ayaw kong magsinungaling pero pakiramdam ko mahihimatay ako kung aaminin ko sa kanya ang totoo. Ano ba talaga?

“May ginawa siyang makakasama ng loob mo?” he probed when I didn’t answer.

I fisted on my school uniform. Kinakabahan ako. Sana kainin na lang ako ng lupa! Hindi ko kaya ‘to!

“Did he hurt your feelings? Perhaps made you angry?”

“Hindi… Mabait ‘yon!” giit ko.

“Bakit ka umiyak, kung ganoon? Zamiel said he saw it with his own eyes. The boy was even actually wiping your tears… hm!” he mocked a bit.

“May iniisip lang ako noon! Hindi ako inaway ni Jeff! Mabait iyon!”

Nagkatinginan kami. The doubt in his eyes was very evident. Parang ipinapakita niya talaga sa akin na hindi siya naniniwala.

“M-Malungkot lang ako nun…” amin ko.

“Bakit?” he probed again.

Ngumuso ako. Bahala na nga! Wala rin naman akong ibang idadahilan.

“Malungkot lang ako. Akala ko… galit ka sa akin kaya hindi ka na nag… papakita.”

He inhaled violently. Tumuwid siya sa pagkakaupo at bahagyang binitiwan ang gilid ng silya ko. Nag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Mariin siyang pumikit ng ilang sandali, umaangat ang gilid ng kanyang labi. His lips twisted and formed a devilish smile.

“Bakit ako magagalit sa’yo?” nahimigan ko ang tuwa sa tono niya.

Nagkibit ako ng balikat.

“Ano bang ginawa mo noong huli nating pagkikita?”

“Ewan ko. Baka noong… sinabi ko na masaya ako noong sumama ako kay Dixon?”

He groaned. “That’s fine with me. You earned a friend. Bakit ako magagalit?”

“Ewan ko… sa’yo…”

“Ano pa bang ginawa mo nun?”

Inisip ko pa. Naaalala ko kung paano ko paulit-ulit na binalikan iyon para maisip kung ano maaari ang problema niya sa akin.

“Noong dumating sina Jeff? O noong sinabi kong… hindi tayo close. E, hindi naman talaga tayo close,” sabi ko.

Nagkatitigan kami. The humor in his eyes is still present. But I sensed a bit of irritation.

“Really, huh?”

“Oo! ‘Tsaka… kung close tayo, dapat hindi ko pinagkakalat. Baka anong sabihin nila sa’yo.”

“So you want me to be your little secret, huh? That’s what you want?” he said in a playful tone.

Ngumuso ako. “Bakit? Ano ba kasi ang ikinagalit mo?”

He smirked then he shook his head. He leaned forward again. Hinawakan ulit ang magkabilang bahagi ng silyang inuupuan ko.

“Wala. May emergency lang talaga sa Manila kaya ako umalis. I was just about to tell you when your friends came. I realized it’s not important to tell you that anymore dahil uuwi rin naman ako ng Lunes. Magkikita rin tayo agad.”

Ngumuso ako at tumango. Now, I understand. Wala rin naman kasi akong cellphone kaya…

“Hindi mo rin kasi… tiningnan na ang Facebook ko,” nahihiya kong sinabi.

He groaned and murmured something to himself.

“I’m not gonna be nosy with your account anymore. Mababadtrip lang ako,” aniya at kinuha agad ang cellphone.

Nilagay niya iyon sa aking kandungan. Tiningnan ko iyong pamilyar na screen. Akala ko hindi ko na mahahawakan ulit ito.

“Ikaw na lang. Sa account ko. Ayos lang,” he said.

Kinuha ko ang cellphone niya at nilapag pabalik sa lamesa.

“Next time na lang…” nahihiya kong sinabi.

Mag-usap muna tayo, please, Raj?

Nang tumingin ako sa kanya’y nakangiti na siya. Kinakagat ang pang-ibabang labi at kita ang tuwa sa mga mata.

“So you missed me that much, huh?”

Binagsak ko ang tingin sa gilid ng aking silya at inabala ang sarili sa pagtalunton ng maliliit na linya roon. Parang nagmamalfunction na ang puso ko sa tuwa.

“Umiyak ka nun kasi akala mo galit ako sa’yo kaya hindi na ako bumalik?” tanong niya.

“Hindi ka kasi nagpaalam,” hindi ko na naiwasan ang pagtatampo sa boses ko.

“I’m sorry. It was really my bad.”

Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o ano pero nakitaan ko ng lambing at pagsusumamo ang kanyang mga mata.

“Will you forgive me?” he said.

I nodded and sighed.

“You also cried when Zamiel told you things, right?”

Marahan at kalmado akong pumikit. Pagdilat ay hindi ko na kailangang tingnan si Raoul para kumpirmahin iyon. Alam niya ang nangyari. Nag-usap na sila ni Zamiel.

“That asshole is going to say sorry to you for that. Papupuntahin ko ‘yon dito.”

“Ngayon?” medyo alerto kong tanong.

Umiling siya. “Tayong dalawa muna ngayon…”

Nagkatinginan kaming dalawa. Parang may init na bumalot sa aking puso. I feel very relieved and very happy. Kung sana pwede lang iukit ang araw na ito sa oras at tadhana, paulit-ulit ko itong babalikan, hinding hindi ako magsasawa.

Luck. That’s the only thing I can think of. I am very lucky. Despite growing in a very sad community and life, I am lucky to know Raoul. I am very lucky to have these little interactions with him. These are my treasures. Walang makakaagaw nito sa akin dahil hindi nahahawakan ang mga alaala.

“Hindi pa nanliligaw si Jeff sa’yo? Pero kung manliligaw siya, sasagutin mo?”

“Ikaw…” sabi ko, ipinapaubaya sa kanya ang desisyon.

He groaned violently. He leaned closer to me tila ba ‘tsaka ko lang siya maiintindihan kung mas maglalapit kami. My heart skipped a beat.

“But that’s not the way it is…” malambing niyang sinabi.

Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

“You decide on things like that. Ikaw ang makikipagrelasyon, hindi ako. Dahil kung ako ang ipagdedesisyon mo…” ngumisi at umiling siya, parang pinapahiwatig na walang pag-asa kung siya ang magdedesisyon.

“Ano?”

“If you like him enough that you’re ready to have a boyfriend, then-“

“Hindi no!” giit ko. “Hindi ganoon! Pagkakaibigan lang ang gusto ko sa kanya!”

Nagkatinginan kami. His lips twisted again, hiding a smile with a frown. Tipid akong ngumiti, hindi kayang itago ang ngisi pabalik sa kanya.

“Okay, then… Meron ba sa school n’yo na gustong gusto mo? Na tingin mo kapag nanligaw sa’yo, handa mong sagutin para maging boyfriend-“

“Wala!” agap ko.

He sighed heavily. Marahan din siyang tumango.

“Ah!” he groaned. “That’s my peace of mind.”

Ngumisi pa lalo ako.

“Are you sure?” ulit niya.

“Oo.”

Bakit? Sino bang papantay sa’yo? Wala naman, Raj. Nag-iisa ka. Walang papantay… o kahit makakalapit man lang.

His eyes drifted on my hair. Nagtaas siya ng isang kilay. I can sense his playful side.

“Your new hairstyle looks good on you.”

Ngumiti ako dahil napansin niya. “Thank you! Mas mukha akong dalaga nito kaya… gusto ko.”

Nagkatinginan kaming dalawa. His jaw dropped a bit and the he licked his lower lip. Bumagsak din ang ulo niya na tila ba may kung anong bumagabag. Nang ibinalik niya ang tingin sa akin ay para akong mababaliw na. His dark and fiery eyes looked so mysterious and exciting at the same time.

“Ganito na ang magiging ayos ng buhok ko simula ngayon.”

“Dadami ang manliligaw mo…” he said in a relaxed tone.

“Ayos lang. Hindi ko naman sila gusto bilang boyfriend. Hindi ko sila sasagutin.”

Nanatili ang titig ng pananantya niya sa akin. Nagtagal iyon hanggang sa ako na lang ang unang nag-iwas ng tingin.

Kinabahan agad ako. Paano na lang kung tatanungin niya kung sino pala talaga ang gusto kong maging boyfriend? Uminom ako ng tubig at nilapag na ang baso pabalik sa lamesa.

Mabuti na lang at hindi na dinugtungan ni Raoul. He just remained like that… watching me closely with tender eyes. Masasanay na naman ako nito!

Binagsak kong muli ang mga mata ko sa upuan. I traced the lines on it. Hindi ko sinasadyang mahagip ang kamay niya sa ginawa ko.

Tumalon ang puso ko nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko at nilapag iyon sa aking kandungan. He caressed my fingers with his thumb, masuyo at sobrang rahan. Ngumiti ako.

I never thought I am capable of being this happy in this lifetime.

“I missed you very much…” napapaos niyang bulong.
“I missed you, too!” I said, very eager to say it from the very beginning.

Pumungay ang mga mata niya. I can watch his eyes be this tender all day. Iniwas niya ang tingin na iyon sa akin. I smiled inwardly.

Am I in love with you, Raj?

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.