Sands of Time – Kabanata 13

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 13

Kabanata 13
Promise

Marahan at tahimik na tumutulo ang mga luha ko. Pumikit ako. The smell of incense, flames, and heated leaves filled my nose. The croon and slow worship of the villagers were the only thing I can hear right now.

Lahat sila’y nakayuko bilang paggalang sa akin. May hindi man, hindi naman nakatingin sa akin. Hindi nila malalamang umiiyak ako dahil doon. Ganoon naman lagi. Swerte lang na wala si Papa ngayon. Kung nandito siya, hindi na iyon magtatanong kung bakit ako umiiyak. He will claim that my tears are holy and the light is crying for all of them.

Maari niya pang ihalo ang aking luha sa langis at ipagbili sa mga tao.

Pinalis ako ang mga luha ko. Mabigat ang aking puso pero nakaramdam ako ng ginhawa pagkatapos maluha. Iginala ko ang mga mata sa mga taong nakayuko. Ang puting lamesa sa harap ko ay puno ng kung anu-ano. Kandila, langis, tubig, mga dahon, at iba pa.

Ang belo sa aking buhok ay nakapatong. Hanggang sahig iyon sa haba. This is the life I live in. Very, very far from the life of other normal people. Very different from him.

Hindi na kailangang isipin pa kung bakit mas lalo lang akong nabigo.

Pagkatapos ng panggagamot ay kumain na ang mga tao. Nanatili naman ako sa loob ng bahay namin. Ngumuso ako at tiningnang mabuti ang hourglass. Binaliktad ko ito nang naubos na ang buhangin sa taas.

Time moves slow everytime I’m sad. Kapag masaya, parang hinahabol sa bilis. Kaya naman hindi ko namalayan na nagdaan na pala ang panahon. Ang isang buwan. Simula noong nagkaroon kami ng interaksyon ni Raoul.

Hindi ko man lang na pahalagahan ang bawat araw ko nun. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko nang mag-isip na maaaring iyon ang mga pinakamasasayang araw ko.

For Monday, I did the usual thing. Malungkot at medyo nanghihina nga lang. Nakita ko kaagad si Jeff pagkapasok ko pa lang sa gate ng school. Sabay na kaming pumunta ng classroom habang nagku-kwentuhan.

“Sayang talaga at wala ka sa prom. Hindi mo ba naitanong ulit ang Papa mo?”
Umiling ako. “Ayos lang naman, e. Gabi na rin kasi ‘yon. Mahihirapan na akong umuwi sa amin.”

He sighed. Tumigil kami sa harap ng aming classroom.

“Iba parin ang pakiramdam kung kasama ka sa prom, Leil,” si Jeff.

I want to assure him that it will be fine. He has a lot of friends so he can enjoy with them. Kaya lang, nagulat ako nang lumapit si Dixon sa amin. Nagkatinginan sila ni Jeff. Jeff looked at Dixon with sharp eyes. Si Dixon naman ay tila nahihiyang lumapit kaya sa akin na lang siya bumaling.

“H-Hi, Leil! Uh… May i-susuggest lang sana ako na libro… sa’yo. Gusto mo?” sabay lahad niya ng isang libro na sa pamagat pa lang, nahuhulaan ko nang fantasy.
“Sige ba! Babasahin ko ‘yan… Kaso… baka ma late mo na naman ‘yan sa pagsoli. May penalty pa naman.”
“Ah! Hindi ito sa library galing. Binili ito ng Tita ko sa Iloilo kaya kahit na matagalan ka sa pagbabasa, ayos lang…”
“Oh?”

Tinanggap ko ang aklat. Mabigat ito at agad akong naengganyo.

“Series ‘yan. Bale, may susunod pang book. Binabasa ko ngayon ‘yong book 2 kaya ipapahiram ko sa’yo ‘yon pagtapos na ako.”
“Sige ba!” sabi ko sabay ngiti.

Bumaling ako kay Jeff na nanatili ang pagduruda sa mga mata. Bago naman makapagpaalam si Dixon ay nakita naming palapit si Gasper. Sa likod niya ay iilang mga kaibigan.

“Si Leil oh!” sabi ng isang lalaking kaibigan.

Gasper’s stone cold look at me slowly changed. Nakita ko ang pagpula ng kanyang mukha at bahagyang pagyuko, tila nahihiya. Kumaway ako sa mga kaibigan niya. Akala ko lalagpas sila pero nagulat ako nang lumapit.

“Leil, uh, mauna na ako…” si Dixon.
“Sige. Salamat din dito!” sabi ko at tiningnan na si Dixon na nag-aalinlangang umalis.

Jeff sighed beside me.

“Tara na…” aniya pero hindi kami nakaalis.
“Pwede ba kitang makausap saglit, Leil…” ani Gasper.

Pinaunlakan ko iyon. Naririnig ko ang pagsinghap ni Jeff, tila nagsusumigaw ng protesta. Pero hindi naman naisatinig at wala namang masama sa hinihingi ni Gasper.

“Pasensya ka na. Narinig ko na inaaway ka ni Nellie…” aniya habang naglalakad-lakad kami sa halamanan sa tapat lang ng building namin.

Ngumiti lang ako roon. Hindi na nagsalita pa. As much as I want to assure him that I can handle it, it’s certainly isn’t fine. Ayaw kong magkunwari na ayos lang iyon.

“Nagseselos lang iyon. Alam niya kasing naghihintay parin ako sa’yo hanggang ngayon,” ani Gasper.

Tumigil ako at hinarap siya.

“Dapat nag-usap kayong dalawa. Tingin ko, may hinanakit pa siya sa’yo. Kasi kung wala, hindi niya ako aawayin ng ganoon.”
“Nagkausap na kami. Klaro sa hiwalayan namin ang rason ko. Hindi niya lang talaga matanggap. Pasensya na talaga… Sabihin mo sa akin kung inaway ka niya ulit. Kakausapin ko ulit siya mamaya tungkol dito.”
“Sige. Sana magkaayos na rin kayo.”
Umiling siya. “Magkaayos tulad ng?”

Nanatili akong nakatingin sa kanya. He looks a bit gloomy at that.

“Leil, kung ang tinutukoy mo’y magkakabalikan kami, hindi na. May iba na akong mahal… Alam mo ‘yon.”

Mahal.

That word.

That’s an intense word. The only word I can use to describe what I’m feeling for…

“Alam mong ikaw iyon, ‘di ba? Kahit na sinabi mo sa akin na hindi ka handa, hindi parin ako matigil sa pagmamahal sa’yo.”

I know. It’s like that right? It’s not a choice. You have no power over your own feelings. I understand.

“Pasensya na talaga, Gasper…” sabi ko.
Tumango siya at nag-iwas ng tingin. “Sana pumayag ka ulit… kung yayain kita sa susunod. Kahit bilang magkaibigan lang.”
Ngumiti ako. “Syempre naman. Hindi ko mapapantayan ang nararamdaman mo sa akin pero kaibigan mo ako, Gasper. Huwag kang mag-alala…”

For a moment, we remained silent. Dumami ang mga nagdatingang estudyante. Iyon ang naging dahilan ng pagpapasya naming bumalik na sa aming mga classroom.

Nag-antay si Jeff sa akin sa pintuan. Kahit pa dumami na rin ang mga kaklase namin sa loob ng classroom. Nanatili siya roon.

“Anong sinabi niya?” tanong ni Jeff nang nagkasalubong kami.
“Ah… Tungkol lang sa ginawa ni Nellie noong nakaraan-”
“Hindi ba binasted mo na ‘yon?” agap ni Jeff.

I am still not comfortable with that word. Basted?

“Hindi lang talaga ako handa sa ganoon, Jeff.”
“Hindi handa? O… may gusto kang iba?”

Namilog ng bahagya ang mga mata ko sa sinabi niya. Kahit paano, alam kong naiisip ko iyon. Isinasantabi ko lang dahil alam ko na ang kahihinatnan ng lahat ng ito.

“May gusto kang iba, hindi ba, Soleil? Kaya mo tinanggihan ang mga manliligaw mo?”

Napaawang ang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Jeff. My heart is beating loud and slow… thinking of a person.

Yes. I like someone else. I like him so much… too much, actually. Even when I know there is no hope for anything.

“Uh…” Hindi ako makasagot. Yumuko ako at nanatiling tahimik.
He sighed heavily. “Ayos lang ‘yan.”
“Bata pa ako para sa… relasyon…” bigo kong agap.
“Ayos lang, Leil…” sabi ni Jeff, mas maganda na ang tono ngayon.

Pumasok na kami sa classroom. Tahimik lang naman si Jeff buong klase namin. Niyaya niya akong magsabay kami sa pagkain ng lunch, iyon nga lang, tinanggihan ko. Gusto ko kasi munang bumisita kay Ma’am Avila sa lunch na iyon.

“Maghihintay ka ba mamaya?” tanong ni Jeff.

Nag-isip pa ako kung maghihintay nga ako. Sa huli, umiling ako. I remember the last time I stayed. Mas makikita ako nina Nellie kapag nagtagal ako. Mas gugustuhin kong tahimik na umuwi mag-isa… kahit na… wala naman akong gagawin din pagkauwi.

“Hindi na. Next time na lang…” sabi ko.

Pinindot ko ang cellphone ni Ma’am Avila. Nang nasa faculty na ako, tapos nang kumain, nanghiram ako ng cellphone ni Ma’am. I logged in to my account… because… it’s been a while.

Sinong niloloko ko? Alam ko kung ano ang dahilan ng biglaang interes sa pagla-log in sa account ko.

My messages weren’t read. Hindi naman niya rin binabasa iyon pero naisip ko lang… na kung binisita niya’y maaaring may napindot siya kahit paano. Marami rin ang aking notifications. Matagal na rin ang huling notifications kaya nasisiguro kong hindi nga ito nabuksan.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili kong profile. Naalala ko ang mga itsura ng mga babaeng kaibigan ni Raoul. I am very different. Very… far from all of it.

Nilapag ko ang cellphone ni Ma’am Avila sa lamesa.

“May problema ka ba, Leil?” tanong ni Ma’am.

Napabalik ako sa aking wisyo sa tanong niyang iyon. I sighed again. Nag-angat ako ng tingin sa bilugang salamin sa lamesa ni Ma’am. Milya milya ang layo ko sa mga iyon.

“Wala naman po…” sabi ko habang nakatingin sa salamin.

Iniba ko ang ayos ng buhok ko. My hairline had always been in the middle. Ginawa kong sa gilid, nagulat ako sa laki ng pagbabago. Mabilis ko agad iyong binalik sa dati.

“May napupusuan ka na, ‘no?” si Ma’am Avila na mukhang hindi titigil kung hindi malaman ang bumabagabag sa akin.
“Wala naman, Ma’am…” nag-aalinlangan kong sagot.
“Leil,” mahinahon na ngumiti si Ma’am. “Normal lang ‘yan. Ayos lang.”

Tumitig ako ng ilang sandali kay Ma’am bago sumuko.

“Bata pa po ako, Ma’am? Para sa ganyan?” tanong iyon.
“Normal sa edad mo ang makaramdam ng ganyan. Dalaga ka na. Sa mga edad na iyan ka talaga magkakagusto…”
Kinagat ko ang labi ko. “Bata pa po ako tingnan, Ma’am. Hindi maganda-”
“Anong hindi maganda?”

Tumitig lamang ako sa salamin.

“Huwag mong sabihin sa akin na nagmamadali kang lumaki, anak?”

Hindi ako kumibo dahil iyon nga ang gusto ko. I will never be like Raoul’s friends in Manila but at least I can be… better version of me.

Tumayo si Ma’am at pumwesto na sa likod ko. Kinuha niya ang suklay at inayos niya ang buhok ko.

“Leil, let yourself grow slowly. Huwag kang magmadali. Enjoy this. Sino man ang napupusuan mo, maghihintay ‘yan kung talagang pareho kayo ng nararamdaman. Si Jeff ba ito, Leil?”
“Hindi naman po…”
“Kung ganoon, sino?” nagtatakang boses ni Ma’am.
Natawa lang ako sa sarili. I feel silly. Gustong-gusto kong tumanda na agad… pantayan si Raoul. Kahit na alam kong magkasing edad man kami, malabong malabo parin.

He has a girlfriend, according to Zamiel Mercadejas. Taga Maynila. Sigurado akong maganda. Hindi nga pumapasa ang mga taga Costa Leona na maganda. He likes mature women. That means… I’m a child compared to them.

Nagalit kaya iyon? Galit. Malalim ang pakiramdam na iyan. Hindi iyan worth it na damdamin para sa akin.

His feelings for me were probably any of the following: pity, care for a little sister, and indifference. He might even be annoyed with me. Halata sa huling naging ekspresyon niya bago siya umalis.

Bakit kaya siya iritado o yamot sa akin? Dahil nakakairita ang pagtatanong ko sa kanya ng mga abiso tungkol sa mga bagay? Sinabi ko sa kanya noong “nakakahiya” dahil sa ginawa ni Lolang pagtawag sa akin dahil naroon si Jeff. He probably finds me silly and crazy. Maybe he thinks I’m shallow and childish. Naive.

Hindi ko nasagot si Ma’am Avila sa tanong niya. Hindi niya rin naman ako pinilit. Pinagpatuloy niya lang ang pagsusuklay sa buhok ko. I find my face more mature when my hair is parted sideways. Sa hiya ko ay ibinalik ko na rin iyon sa dating ayos.

“Bata ka pa, Leil. But you have wise old eyes… beyond your age. Siguro dahil narin malawak ang pang-unawa mo kahit pa ganyan ang dinaranas mo. No need to want to be older… it will come.”

Pinipigilan ko ang pag-asa sa kamalig pagkauwi ko. Sa totoo lang, gusto ko ngang sa gubat dumaan para hindi na madaanan ang kamalig pero dahil maaga pa naman at hindi ko parin iyon mabitiwan, nagpatuloy na lang ako.

Tanging ang tunog lang ng mga dahon sa puno ang naririnig ko. Bukod pa sa yapak ko sa mga tuyong dahon.

For today, I have no special ideas. I might not wait, too.

Tinatanggap ko na na umalis na nga siya. Gaya noon. Noon, tuwing summer lang naman ako umaasa na masilayan ko siya. Ngayon, nasanay ako na pasukan pa’y nariyan siya, siguro naman masasanay ulit ako na wala siya.

I refrained myself from thinking about his relationships. That way, I can let all the memories stay with me… and make me happy.

Hindi na ako nagulat nang natagpuan ang tahimik na kamalig pagkatapos ng isang oras na mabagal na paglalakad. Umihip ulit ang hangin dahilan ng halos bagyong pag-aliw-iw ng mga dahon sa puno.

Tumigil ako sa paglalakad at sinaulo ang itsura ng sapa at ang walang taong silya at lamesa. Diyan ako madalas umuupo, kasama siya. Ngayon, wala nang nakaupo riyan. Ganyan lang ang magiging ayos niyan sa aking utak.

I memorized it all because starting tomorrow, kapag napadaan ako rito, hindi na ako titigil sa paglalakad. Dire-diretso na ang magiging lakad ko pauwi. Hindi na ako magbabalik-tanaw at hindi na rin sisilip man lang.

Binaligan ko ang kaliwang bahagi. Naroon ang kamalig at sa malayo ay naglalakihang ugat ng iba’t-ibang puno. Narinig ko ang iilang huni ng ibon.

I memorized it all. Kahit ang ayos ng mga puno. Naglakad ako patungo sa kamalig. Tatlong maliliit na baitang ng hagdan ay beranda na ng kamalig. Hinawakan ko ang barandilya pagkatapos umakyat.

There were wooden chairs and a table. Naaalala ko na rito ko ginamot si Raoul noong nasugatan siya sa noo. Pinagtanggol niya ako noon sa mga batang nanunukso sa akin.

I smiled at that memory. Hangang hanga ako sa kanya. Pwede naman siyang hindi makealam na. Dahil pa sa akin, dumugo ang noo niya. I performed my usual healing process on him. Pinaratangan pa ako ng mga kaibigan niyang ginayuma ko siya.

Binuksan ko ang screen door ng kamalig. It croaked a bit. May spring ito kaya kung bibitiwan ko, babagsak ito pabalik sa hamba. Akala ko sarado ang main door pero may siwang ito kaya tinulak ko na.

I’ve seen the insides of the barn house but I don’t remember being inside of it.




Isang yapak ko ay tumunog ang wood plans sa sahig nito. Hinayaan kong bumagsak ang screen door nang nakapasok na ako pero nilakhan ko naman ang maindoor para makapasok na rin ang liwanag.

The whole house is made of wood. Puti ang naglalakihang sofa nito sa sala. Naaalala ko, diyan ko nakita si Raoul kasama ang magandang babaeng kahalikan. Iginala ko pa ang mga mata at nakita kong may tatlong pintuan sa malayong looban pa nito.

Bukas ang kamalig pero alam kong mali ang ginagawa ko. Kaya, gustuhin ko mang tingnan ang bawat isang pintuan, mas pinili kong hindi na.

Pilit kong sinaulo ang lahat ng iyon. I am back to my normal life. Lahat ng nangyari last month ay parang panaginip. Ngayon, gising na ako. Ito ang aking katotohanan. Kaya tatanggapin ko ito.

Mabilis ang naging pangyayari. The wood planks squeaked like they were hurt by heavy footsteps. Sa kaba ko ay medyo matagal kong natanto iyon.

Sabay ng paglingon ko ay ang langitngit ng screen door dahil sa pagkakabukas. Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Halo. Kaba para sa kung sinong darating. Kaba rin kung sakaling si Raoul, iyon.

I saw the familiar arrogant eyes. His brows were already furrowed and his jaw very defined. Pareho lang ang buhok at ang damit ay gaya ng madalas na suot. There is no doubt, it’s him. I am not dreaming!

I saw how the expression of his eyes changed from serious and then to playful and devilish. Balik ulit pagkatapos. He’s wearing a dark gray t-shirt, faded jeans, and black heavy boots. Napaatras ako nang naramdaman ang masyadong mabilis at malakas na pintig ng puso.

Para rin itong pinipiga. Hindi pala ako handang makita siya, kahit pa hinintay ko siya ng ilang araw. Hindi ako handa.

Seeing him and thinking about what Zamiel told me is breaking my heart. Alam ko na kung ano ang nangyari. Huwag mo nang burahin pa iyon sa isipan mo dahil mas masasaktan ka lang.

“Why are you here?”

The question jarred me to immobility. Umaamba pa akong aatras pa pero hindi ko nagawa dahil doon. Hiyang-hiya ako na naabutan niya ako rito. Hindi kaya iniisip niyang magnanakaw ako kaya ako pumasok? Hinigpitan ko ang hawak ng aking bag at mabilis nang umiling.

“M-May tiningnan lang ako,” my voice is shaking and I cannot control it anymore.

His brow shot up. Isang hakbang at tumigil siya. Laking pasasalamat ko roon dahil hindi ko ata kakayanin kung magkalapit pa kami. Nangangatog ang binti ko at halos nayayanig ang buong katawan ko dahil sa marahas na pintig ng puso.

“Really? O tiningnan mo kung nandito ba ako?”

Napaawang ang labi ko. Nanginginig ang bibig ko dahilan ng pagkakatameme.

“Did you miss me?” he asked slowly, now a smile rose on his lips.

Nanlalamig ako ng sobra sobra. Hindi ko yata kakayanin kung malaman niya ang totoo kong nararamdaman lalo na dahil may girlfriend na siya. Halatang pambatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Mabait at maaalalahanin siya sa lahat kaya ganyan din siya sa akin.

Anong klase akong babae kung mamasamain ko pa iyon?

“May pinuntahan lang ako sa Maynila.”
“Alam ko,” mabilis kong agap, hindi na ako naghintay kung may idudugtong pa siya. “N-Nasabi nga ni Zamiel sa akin.”
“May nasabi rin siya sa akin…” ani Raoul, ngayon mas seryoso na.

Humakbang siya patungong kanang bahagi. I walked sideways, too, opposite to him.

Anong sinabi ni Zamiel sa kanya? Na umiyak ako? Na tumakbo ako pagkatapos kong malaman iyon?

I don’t want him to feel bad… to pity me or whatever. I want him to be happy, kahit pa anong mangyari. Kahit masakit sa akin, hindi ko kayang malaman niya na ganoon nga.

I remember all the things I regret: not telling him how much I appreciate his help and presence. Ito na siguro ang panahon na sabihin ko iyon. Ayaw kong magsisi.

Humakbang ulit ako pagilid, palapit sa screendoor. Kumunot ang noo niya nang nakita iyon. Tumigil siya sa paglapit.

“Nagkakamabutihan na kayo noong crush mo?” aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Sino ang tinutukoy niya? Si Jeff? I know that he doesn’t want me to do that. Hindi kami nagkakamabutihan ni Jeff. Mali iyon.

“May sasabihin a-ako…” nanginginig ang boses ko.

He shifted his weight and leaned forward a bit. Mas lalo lang akong kinabahan pero kailangan na. Para matapos na ang lahat ng ito.

Hindi ko alam saan ko hinugot ang aking lakas para hindi umiyak.

“Thank you… sa pagtulong sa akin sa mga ginagawa ko. Salamat… sa concern… sa akin. Salamat sa mga araw… n-na nagkakausap tayo. Sobrang natuwa ako sa lahat ng iyon. Sa mga pag-uusap natin at sa tiwalang ibinigay mo sa akin tuwing pinapahawak mo ako sa cellphone mo. Salamat sa pag-aalala tuwing…”

Nagbabara ang lalamunan ko. Nagbabadya ang mga luha ko at pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin pa ito. Hindi ko na siya tiningnan dahil pakiramdam ko, mas lalo akong maiiyak pag nakita ang mga mata niya.

“Pasensya ka n-na… dahil minsan alam kong nagagalit ka sa pagsama ko sa iilang kaibigan. Pasensya na kung sumama ako sa kanila, kahit ayaw mo. Pasensya na… k-kung…” my voice broke and my tears fell like waterfalls.

Hindi ko na kayang magpatuloy! Lalo na noong humakbang siya palapit sa akin. Mabilis akong tumalikod. Mabilis ko ring binuksan ang screen door.

I swear to God, I will never leave without telling him how much I appreciate everything.

Mabilis niyang nahawakan ang screen door. Buong lakas ko naman itong isinarado para mapagitnaan kaming dalawa. Kita siya sa loob kahit na hindi sobrang klaro.

“… nababagot ka rito. B-Boring kasi… talaga ako. Wala ako masyadong alam…” Mas lalo akong naiyak.
“What the fuck are you saying? Open this…” the curse was loud but the last two words were uttered slow.

Mas lalo kong hinila ang screen door. Dalawang kamay ang gamit para hindi niya mabuksan. Pagkatapos nito, tatakbo na ako.

“G-Gusto kong malaman mo na n-naging mahalaga sa akin ang lahat ng n-nangyari noong nakaraang buwan. Salamat, Raoul.”

He forcefully opened the screen door from the inside. Nagulat ako roon. Isang kamay lang ang gamit niya’y nabuksan niya iyon, pati pa ako’y nadala papasok sa loob.

It’s too late to stop myself. Sumubsob na ako sa kanyang dibdib. I saw his hands welcoming me as I fall on his chest.

Nang tumama ako sa kanyang dibdib, agad kong inilapat ang palad ko roon para maitulak siya. Imbes na magawa ko iyon, walang nangyari. His hands were resting on my back. His arms and elbows were locking me on that position.

“Fuck!” he cursed longer and louder this time.

Napakapit ako sa kanyang t-shirt. Wala akong nagawa kundi umiyak roon. Dahil hindi ako makagalaw, ibinaon ko na lang ang mukha ko roon para maibsan ang kahihiyan.

“You don’t have to say sorry for being with your friends… or boys. That’s a normal thing for your age-”
“Tinuruan mo akong tumanggi-”
“Damn it! Tatanggi ka kung hindi mo gusto! Pero… kung gusto mo, hahayaan kita!”
“Hindi ko… gusto…” marahan kong sinabi habang lumuluha sa kanyang t-shirt.

Pumikit ako ng mariin. He smells so manly… so good. I just want to capture this moment. I don’t think this will ever happen again. Sigurado ako roon. Ito na ang pinakamalapit ko sa kanya. Tama na ito. Ayos na ito sa akin.

Masakit ang puso ko pero kontento na ako sa ngayon.

“Anong sinabi ni Zamiel sa’yo?!” parang kulog ang bigat ng boses niya. Umalingawngaw ito sa buong kamalig.

Kinakalma ko ang sarili ko. Pinipigilan ko ang paghikbi.

Hindi ako sumagot. His curses grew louder and more vulgar.

“Anong sinabi niya sa’yo?” mas mahinahon niyang tanong sa akin.

He exhaled heavily. Kumalma ako pagkatapos ng ilang sandali. Yumuko ako, hiyang-hiya sa pag-iyak ko sa harap niya.

“Leil, anong sinabi niya sa’yo?” ulit niya, ngayon lumayo ng bahagya para makausap ako ng mas seryoso.

Hindi parin ako sumagot. Hindi rin ako makatingin sa kanya kahit na titig na titig siya sa akin. He wiped my wet cheek with his thumb.

“Tell me… what did he tell you?” he said with controlled voice.
Umiling ako. Ayaw ko nang sabihin pa iyon. Tunog… ano kasi…

Huminga ako ng malalim at umatras na lang para makalayo.

“I will ask him after this, anyway. I will know. But I want to know it from you,” aniya sabay hagilap sa siko ko.

I stepped away again. Hinagilap niya ulit ang mga siko ko kahit pa marahan ko siyang tinatanggihan.

“Fuck, baby, please, damn it, tell me…” he said with so much control and frustration.

This time, he caught my elbows. He closed the distance between us until we’re very, very close again. Nakadungaw siya sa akin at ang mga mata ko’y lebel lang ng kanyang dibdib na medyo basa sa luha ko ngayon. His hand made its way to my upper arm, making me shiver a bit because of his touch.

“What’s bothering you? Tell me. We won’t solve anything if you won’t tell me…”
“H-Hindi naman kasi importante iyon-”
“Importante sa akin ang lahat ng iyon. Kaya… sabihin mo,” mariin niyang sinabi.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanyang dibdib. HInagilap niya agad ang mga mata ko. He crouched just so our eyes would level. His dark burning eyes were very serious and intense. Hindi ko kakayaning nagtititigan kami ng ganoon kaya umiwas ulit ako.

“Umuwi ka ng Manila kasi nabagot ka r-rito… Pumunta ka na sa girlfriend mo… Pero ayos lang-”

He cursed Zamiel Mercadejas. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso at siko ko.

“Umuwi ako sa Manila dahil may emergency sa kompanya. Hindi ako nakapagpaalam… dahil sa huling pagkikita natin. I didn’t expect it to last very fucking long. Akala ko nakabalik na ako ng Lunes, hindi pa pala.”
Tumango lang ako at wala nang sinabi. Tinatantya niya ang mga mata ko pero hindi ko siya tiningnan pabalik.
“Wala akong girlfriend. Nagsisinungaling si Zamiel,” mataman niyang sinabi.

Nagtagis ang bagang ko sa huling sinabi niya. I don’t understand. Why would he lie, right? But… I believe Raoul. Baka nagkamali nga lang si Zamiel? Baka akala niya lang girlfriend? Kasi gaya ko noon, nakakita ng picture kasama iyong isang babae-

“Damn it! Tell me what’s on your mind. Why are you this silent?” sabi niya, maingat ang tono.

Suminghap ako at kinalma na lamang ang sarili.

“Believe me, please. Wala akong girlfriend. O babae. Wala, Leil…” punong puno ng pagsusumamo ang boses niya. “Hmmm…”

He crouched more so our eyes will meet. Sumulyap ako sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang paghihirap, frustration, lungkot, naghahalo-halo roon.

“Wala akong iba, Leil…” he whispered gently.

Hindi ako nagsalita ng ilang sandali. He wiped my cheeks down my chin. His fingers were rough but he controlled it gently. Para akong hinihele ng pagpupunas niya sa luha ko.

“Bakit niya sasabihin iyon, kung… kung hindi totoo…” malungkot kong tanong.

He sighed heavily.

“I don’t want to curse him again. Not in front of you.”

Pero kung totoo man, ayos lang, Raj. Ayos lang ‘yon. I’m happy for you. I will hurt. But I will be happy.

“I’ll deal with him. I promise…” mariin niyang sinabi.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..
Tags :

Comments are closed.