Sands of Time – Kabanata 12

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 12

Kabanata 12
Love

“Naku! Pumupunta pala iyong gwapong iyon dito, Ma’am Avila?” si Sharlene, nakikiusyuso na.

Kaaalis lang ni Raoul. Naupo ako sa sala kasama ang mga kaklase ko. Si Jeff at si Charlie ay parehong nakatingin lamang kay Sharlene na kinakausap si Ma’am Avila. Classmates kami noong naging adviser ko si Ma’am.

“Madalas siya ngayong buwan dito. Buti napadaan kayo?” ani Ma’am Avila.

Nakita kong nagdala ng panghimagas si Lola. Tumayo ako para matulungan na siya habang nag-uusap pa sila.

“Oo. Nagbike lang kami kasi boring. E, nakita namin si Leil sa labas kasama si Raoul. Ang gwapo talaga noon, Ma’am, ‘no? Crush ‘yon ng Ate ko, e.”

Tumawa si Ma’am. Naglalapag ako ng mga baso ngayon. That’s a usual thing to hear about Raoul. Everybody likes him. He’s too good looking. Nobody can’t ignore that fact. Hindi lang iyon, magaling din siya sa school at athletic pa. Mabait pa. Kaya hindi ko masisisi kung bakit sa lahat dito sa Costa Leona, mahilig ang mga tao sa kanya.

“Ay marami talagang nagkakagusto roon,” si Ma’am Avila. “Kahit nga iyong anak ng Mayor doon sa syudad, hindi ba?” si Ma’am Avila naman.

Nagsasalin na ako ng juice sa mga baso nila. Nanatili akong seryoso at tahimik kahit pa marami akong naririnig sa kanila.

“Oo! Ang sabi, tipo raw noong si Raoul iyong mga matatangkad at sexy! Naku! May ipinakita si Ate ko na ex niya noon. Grabe! Modelo! Nakikita sa mga commercial sa TV. Naka bikini pa nga iyon, e!”
“Ay, oo! Kilala ko ‘yon,” ani Ma’am Avila.
“Tapos, nasabi rin ni Ate na mahilig talaga iyon sa mga mature type na babae. Hindi lang sa pisikal na anyo, pati na rin sa istilo. Iyong tipong independent. Kaya nga sabi ni Ate, wala siyang pag-asa roon, e. Lalo na mas bata siya ng isang taon kay Raoul. Sabi hindi siya papansinin noon kahit tingin lang.”
Tumawa si Ma’am Avila. “Ewan ko ba sa batang iyon. Ang dami rin talagang humahanga sa kanya kumpara sa ibang kilala kong anak mayaman dito.”

Ibinigay ko ang mga baso ng juice sa mga kaibigan ko.

“Sayang at umuwi na, hija. Sana inimbita mo rin ang Ate mo baka sakaling mapansin na siya ni Raoul kapag nalagi rito…” ani Lola kay Sharlene.

“Salamat, Leil,” ani Charlie at ni Jeff pagkatapos kong ibigay ang juice.

Naupo ako sa silya at tiningnan na lang ang brownies na nasa hapag. Kumuha si Charlie at Jeff doon. Nanatili parin ang mga mata ko roon.

“Oo nga. Baka abala. Alam mo naman, Ma… daming trabaho noon. Siya yata ang mamumuno sa Riegosteel at pati na rin sa iyong sa hinahawakan ni Ares ngayon.”
“Oo nga raw. Balita ko kasi, iyong anak ni Ares nagtayo raw ng ibang kompanya.”
“Ang alam ko, si Hades na rin ang mamamahala ng Vesarius, e. Kaya nga rito muna si Raoul para sa Riegosteel, ‘di ba? Kasi si Hades ang nasa Maynila.”
“Ang tahimik mo, Leil! Ang swerte mo nga nakakasama mo ‘yong si Raoul kahit hindi kayo close.”

Napatalon ako sabay tingin kay Sharlene.

“Naku!” sabay pahisteryang tawa ni Lola Brosing. “Natatameme lang ‘yan. Nandito kasi ang crush niya! Ehhhh!”
“Po?!” Uminit ang pisngi ko at umiiling na kay Lola.
“Sus! Kunwari ka pa…” tapos makahulugan ni Lola na tiningnan si Jeff.
“Mama, huwag mo namang ipahiya si Leil. Sige na. Magmeryenda kayo,” si Ma’am Avila.
“Crush mo si… Jeff… Leil?” natatawang sinabi ni Sharlene.

Napasulyap ako kay Jeff. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Umiling agad ako pero nalunod na iyon sa ingay ng hiyawan nilang lahat.

“Huwag kang mag-alala, Leil! Secret lang natin ‘yan!” si Sharlene na tila ba ang tanging motibo ay ang mang-usisa ng kung anu-ano.

Umiling ako kay Jeff. Nakatingin ito sa akin ngayon. Hindi ko nga lang alam kung tama ba ang pag-iling ko. Baka isipin niyang ayaw ko naman sa kanya? O ganoon ko siya ka ayaw para ilingan ng ganito?

“Ayos lang ‘yan. Tama na, Charlie. Nahihiya na si Leil. Huwag mo nang asarin!” saway ni Ma’am Avila sa kanina pa naghihiyawan na si Charlie at Sharlene.
“Ayos lang ‘yan! Ako rin naman may crush! Normal lang ‘yan!” sabi ni Sharlene.
“Oo. ‘Tsaka ito rin naman si Jeff, Leil, eh… crush-”

Tinakpan ni Jeff ang bibig ni Charlie. Humagalpak naman sa tawa si Sharlene sa asaran nila. Pulang pula si Jeff habang halos sakalin na si Charlie. Charlie isn’t hurt, though. He’s even laughing and swearing he won’t say anything again.

Natawa na lang ako sa kanila. Kumuha ako ng sariling juice at uminom na rin. Nagpatuloy kami hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

Hindi ko nga lang alam kung hindi ko ba namalayan ang oras dahil masaya ang usapan, o dahil may iniisip ako tuwi-tuwina.

“Uuwi na po kami, Ma’am… Salamat sa meryenda at kwentuhan,” si Charlie sabay kuha sa kanyang bisikleta.
Tahimik akong sumama sa kanila. Iniisip kong uuwi na rin ako at sasabay na ako sa kanila.
“Sige! Isabay n’yo na si Leil. O kung ayos lang, ihatid ninyo sa may gubat…” si Ma’am.

Nilingon ko sila.

“Syempre, po!” si Jeff ang maagap na nagsabi.

Naghiyawan ulit si Sharlene at Charlie dahil sa sinabi ni Jeff. Nagkibit lang ng balikat si Jeff at pinatayo na rin ang bisikleta.

“Huwag na lang tayong mag bike para mas mahaba ang oras sa paghatid. Ayos lang?” panunukso ni Charlie.
“Hindi n’yo naman ako kailangan nang ihatid…” banayad kong sinabi.
“Leil! Sige na. Ayan na, oh. Mga kaibigan na rin ‘yan kahit pa hindi kayo madalas magkasama…” ani Ma’am.

Now that she said it, I realized it’s true. Hindi naman kailangan talaga ng label sa magkakaibigan para malamang kaibigan mo nga. Kapag lang magkasama kayo at may pag-aalala sa’yo, kaibigan na ang tawag doon.

I have been so excited to earn friends. True friends. Like Pinky… and some other people. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon, parang binalewala ko siya.

“Salamat sa paghatid, ha?” sabi ko kahit na kalagitnaan pa lang ng paglalakad naming apat.
“Dapat nga sumakay ka na lang sa bike ko para hindi ka na mapagod kakalakad…” si Jeff sa aking gilid habang nakahawak sa manibela ng kanyang bike.

Si Sharlene at Charlie ay nasa likod namin. Nagtatawanan at may kung anu-anong biruan.

“Hindi na. Baka mabigatan ka lang…” sabi ko.
He smiled. “Hindi naman ako ganoon ka hina, Leil…”

I simply smiled back. Ito ang isa sa bihirang pagkakataon na hindi ko inisip ang pagsasalita. I always want to start a conversation with friends… or just potential friends. Pero ngayon… wala akong ibang maisip.

“Dito ka na?” ani Jeff at tumigil na siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagulat na lang ako nang tama si Jeff at dito na pala dapat ako. Nilingon ko ang malayong kanan, kung nasaan ang long cut na madalas kong puntahan. It’s already four thirty. Gagabihin ako kung sa long cut ako dadaan. Ang araw ay umaamba na sa paglubog at nagiging kulay kahel na dahil sa katandaan.

Nilingon ko silang tatlo. Nakangising kumakaway si Sharlene habang patuloy na inaasar ni Charlie. Jeff remained standing with his bike on both hands.

“Mag-ingat ka…” ani Jeff.

Tumango ako at muling tiningnan ang kanluran, kung nasaan ang umaambang palubog na araw… kung nasaan ang long cut na dapat kong daanan… dahil gusto ko… lalo na ngayon.

But is Raoul in the barn house anyway? Baka wala? Kung dadaanan ko na lang din ang kamalig galing gubat? Pero gagabihin na ako, paano kung may mga baboyramo?

I sighed. Ngayon pa lang magdedesisyon na sa gubat na lang. I can deal with one whole day, tomorrow, without him, right?

I was right. Pagkauwi ko, nagpahinga na ako at nanggamot na rin pagkatapos. Sa Linggo, kung hindi ako nagbabasa ay kinakausap ko naman ang kambing.

“Umuwi siya kahapon. Hindi naman unusual, ‘di ba?”

Naaalala ko na may mga panahong nauuna siyang umuwi galing kina Ma’am Avila, normal lang siguro iyon.

“Pero kasi… may kung ano sa mga mata niya…” sabi ko.

Humiyaw ang kambing. Nilingon ko ito habang hinahagod ang likod.

“O baka guni-guni ko lang iyon. Gusto ko lang maging apektado siya… Tama. Guni-guni lang iyon.”

Humiyaw ang ulit ang kambing.

“Alam mo ba… Ang sabi ni Sharlene at Ma’am Avila, mahilig daw si Raoul sa mga matatangkad, sexy, at mature na babae.”

I smiled. I remember my thoughts when I was younger. Raoul Riego waiting for his bride to come to him. Anticipating his wife’s “I do”… and at the same time not wanting the ceremony to end.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Damang dama ko ang sakit para roon. Kinunot ko ang noo ko at hinawakan ang aking dibdib, diretso sa puso.

I know I questioned so many traditions and I know the truth. But I believe that someone out there can hear me. My heart is aching, maybe it’s sick. Please heal it and take all the pain away.

Ayos lang mangarap, Leil. Pero sana kayanin ng puso mo kung sakaling nasa harap mo na ang totoo.

Monday went smoothly at school. The usual rumors about me hypnotizing people did not surprise me anymore.

“Hay naku! Eto na pala iyong ipinalit ni Gasper sa akin? Syempre, witch, e. Hindi ba ang mga witch, kunwari maganda? Kunwari mabait? Kunwari nangangailangan ng tulong?” si Nellie nang dumaan ako sa canteen para bumili ng juice.

Nagtawanan ang lahat. Nasulyapan ko pa ang iilang kaibigan ni Gasper sa kabilang lamesa. Nilingon lang nila ako. Nakita ko rin si Pinky na malungkot akong tinitingnan. Ngumiti ako sa kanya.

Napatingin si Nellie sa banda nila. She’s a beautiful grade 12, kasali sa cheering squad at ang straight at mahabang buhok ay pinupuri ng lahat. Humalukipkip siya.

“Akala niya naman may kakampi siya. Walang kakampi ‘yan. Mga kulto lang kakampi mo…” ani Nellie sabay tawanan ulit.

Yumuko ako at kinuha na ang juice na para sa akin. Nagmadali agad akong umalis doon kahit pa patuloy ang pangungutya ng mga schoolmates ko. Sumulyap ako kina Pinky na nagpatuloy na lang sa pagkain habang panay ang masasakit na salita ni Nellie.

Naupo ako sa ilalim ng puno, sa madalas kong inuupuan noong nakaraan. I smiled when I realized I wanted to talk.

“Sayang wala ang kambing dito…”

I can’t wait to see Raoul later and tell him about it. I will tell him about Nellie. Sasabihin ko rin sa kanya na naroon sina Pinky at iba pang kaibigan ni Gasper. Malungkot ang mga tingin nila sa akin. I wonder if friends in real life are very alike with the friends in novels? Sa mga nobela kasi, ang mga kaibigan ay tagapagtanggol din kapag inaapi. Ganoon din kaya sa totoong buhay.

If Pinky’s in trouble, I will definitely help her. But then we are not all the same, right?

Sa hapon, nagpractice ulit sila ng para sa prom.

“Sayang, hindi ka ba talaga makakasama?” tanong nI Jeff sa akin habang nagliligpit na ako ng gamit.
Umiling ako. “Hindi ako pinayagan ni Papa, e.”
Tumango siya. “Sayang talaga…”

Naglakad ako pauwi. Kahit na ganoon, nabuhayan naman ako ng loob. For some reason, I feel happier going home now that going to school.

Masaya kong tinahak ang daan hanggang sa nakarating ako sa sapa. I ponytailed my hair. I remember Raoul telling me that my hair is nice that way so I did it again.

Natigilan ako nang nakita ang payapang kamalig. Walang kabayong nakatali at wala ring mga gamit sa lamesa at upuan.

Mabagal akong naglakad patungo sa kamalig para makita ng husto kung may tao ba o wala.

“Raoul?” tawag ko.

Nobody answered. Baka na late lang? Masyado ba akong maaga?

Ibinagsak ko ang aking bag sa lamesa at naupo na sa isang silya. I took my notebook out and started making some of my assignments. Habang nag-aantay ako, at least productive.

Huni ng mga ibon at lagaslas lang ng tubig ang naririnig ko. Paminsan minsan, may tunog ng mga halamang nasasagi. Nilingon ko iyon, tingin ko’y baboyramo o ano. Isang oras at kalahati, wala parin siya.

Bigo kong sinarado ang aking ballpen. Ano kayang nangyari? May problema sa planta nila? O baka may lakad siya? Wala naman siyang sinabi sa akin.

Alas kuatro y media nang sumuko ako para sa araw na iyon. There’s always a first, right? Sa buong buwan na ito, ito pa lang ang unang hapon na wala siya rito. Siguro may ginawang importante lang.

But for Tuesday, it’s all the same. Ang kaibahan lang, alas singko na akong umalis dahil nagsisi ako kahapon. Bakit kasi ang aga kong umalis noong Lunes? Baka dumating siya pagkaalis ko?

I sighed. Binagsak ko ang aking bag sa tabi ng kambing pagkauwi. Madilim na at kulay lila na ang langit dahil lubog na ang araw.

“Asan kaya siya?” tanong ko sabay yakap sa aking mga tuhod.

For Wednesday, all the hurtful words are the same.

“Bakit wala kang sinasabi?” sabay harang ni Nellie sa akin sa corridor nang hinayaan ko siyang magsalita ng masama, hindi pinapansin.
“Wala naman akong ginagawang masama.”
“Hindi ba binasted mo raw si Gasper? Ano ka, siniswerte? Ganda mo ‘no?” sarkastikong sinabi ni Nellie.
“Hindi naman siguro kasi tama na sagutin ko siya kung hindi naman talaga ako interesado.”
“Ang kapal mo naman! Wow!” sabay tawa niya at ng kanyang mga kaibigan.
“Nellie!” si Jeff sa aking likod.

Umalis ang mga kaibigan ni Nellie nang nakita si Jeff. Huminga ako ng malalim at malungkot na nagpasalamat na lang sa kaibigan.

“Sorry sa abala, huh…”
“Bakit ka nagsosorry? Ganoon naman dapat talaga!” giit niya.
Ngumiti ako at tumango.
“Gusto mo labas tayo para mawala ang lungkot mo?” si Jeff.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumisi ako at umiling na.

“Huwag na. May practice pa kayo.”
“Ipagpapaliban ko muna!” aniya.
Ngumiti ako. “Huwag na, Jeff. Kailangan ko na rin kasing umuwi.”




The only thing on my mind now is to plan how to wait for Raoul. Inisip kong tuwing kasama ang kambing, lagi ko siyang nakikita kaya isasama ko ang kambing ko. Baka good luck iyon.

“Kung ganoon, sa Sabado?” determinadong sinabi ni Jeff.
“Pupunta ako kina Ma’am Avila, e.”
“E ‘di pupunta rin ako. Doon na lang tayo magkita?”
“Hmm. Okay…”

Bigo akong umalis sa school.

For Wednesday, dumaan ako sa kamalig at umuwi na. Wala si Raoul doon pero iniba ko ang paraan ng paghihintay ko. Kukunin ko ang kambing galing sa amin bago babalik ng kamalig para mag-antay.

It’s five thirty in the afternoon when I decided to go home. Kabado na ako… sa nangyayari.

Wala si Raoul. Siguro tatanungin ko si Ma’am Avila bukas kung busy ba ito?

I remember his eyes again, the last time I saw him. My heart hurt a bit. I shrugged it all off and continued my daily routines.

“Hindi ko alam. Baka sa Sabado nasa bahay din. Bakit? Anong problema?” tanong ni Ma’am Avila.

Muntik ko nang makalimutan na wala nga palang alam si Ma’am at Lola tungkol sa pagkikita namin ni Raoul sa kamalig. Hindi nila alam bakit ako naguguluhan sa unusual na nangyayari ngayon.

“Leil, nga pala… I have been… tracing your family members…” ani Ma’am Avila.

Ngumiti ako. Nagpapasalamat na talagang may malasakit si Ma’am sa akin. Gusto niya na talaga siguro akong makawala sa village.

“Talaga palang nag-iisa ang pamilya ng Nanay mo sa Iloilo, ‘no?” bigo niyang sinabi.
“Iyon ang sabi ni Papa sa akin.”
“Akala ko’y nagsisinungaling ang Papa mo. At dahil ulila rin ang Papa mo, wala rin siyang kamag-anak. Kahit distant relative, wala akong mahanap.”

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa mga araw. Thursday is also the same. Nothing changed.

Panay ang tapon ko ng bato sa sapa. Wala parin si Raoul. For Friday, may ideya na ako. Hihintayin kong matapos ang practice sa prom bago umuwi. Tutal ay naaaliw naman akong tingnan silang nagpapractice, at least hindi ako nababagot.

“Maghihintay ka?” tanong ni Jeff nang napansin ang kawalang gana kong magligpit ng gamit.
Tumango ako.
“Sige! Ihahatid kita sa uwian mo. Basta hintayin mo ako, ha?” determinado niyang sinabi.
I agreed to that. It’s fine that way, anyway.

Nangingiti ako habang nakatingin sa practice nila. Sayawan at kantahan ang nangyari. How nice it is to be included there, huh? But if I have a chance to choose right now… which is more important for me? Iyong… eto… or iyong ganoon?

Bakit mas gusto ko na lang…

“Leil!” sigaw ni Ronald nang nakita akong nag-aantay.
“Hello!”
“Ang tagal nating hindi nagsabay. Buti naghintay ka ngayon!” si Ronald.
Ngumiti ako.
“Ako ang hinihintay niya, Ronald…” singit naman ni Jeff ngayon sabay masamang tingin kay Ronald.
Natawa ako nang natahimik silang dalawa. “Ayos lang. Pwede naman siguro tayong magsabay tatlo…”

Iyon nga ang ginawa ko. While walking, isa lang din ang naisip ko: sana nandoon siya. Please. Limang araw ko na siyang hindi nakikita.

Halos wala ako sa sarili habang naglalakad at nagkukwentuhan kami. Hindi ako halos makasabay.

“So bukas, Leil, ha? Anong oras ka ba madalas kina Ma’am Avila?” si Jeff pagkatapos namin magpaalam kay Ronald.
“Uh… Siguro… mga alas nuebe. Depende sa… gising ko…”
“Anong oras ka naman uuwi?” aniya.
“After lunch? Baka…” sabi ko, hindi parin sigurado sa mga sinasabi.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Jeff na nagpagulat sa akin.

Ngumiti ako. Overacting na naman.

“Ayos lang!” sabi ko sabay tigil dahil nasa daanan na ako patungo sa kamalig.

Tumitig siya sa akin. For a moment, I think I saw Raoul in his eyes. The way he fell silent, weighing my thoughts and my eyes. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Ngumuso ako. That is not something Raoul would do. I don’t think he’ll hold me… or even try.

“Ayos lang ako…” ulit ko sabay tawa kahit na hirap na hirap na.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata. Jeff pulled me closer to him. Wala akong naging lakas para magprotesta o kahit ano pa.

It’s been five days. Six, including this one. Please… be there.

Are you mad at me? Are you angry? Hindi na ba tayo magkikita? Kahit pagpapaalam na lang?

Pinalis ko agad ang naglandas na luha sa aking mga mata. Ganoon din ang ginawa ni Jeff. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya.

Narinig ko ang kabig ng mga nagsidatingang kabayo. Sa takot at kaba ay isang hagip kong pinunasan ang mga luha ko at bumaling na sa kalsada. Zamiel Mercadejas and his friends maneuvered their horse behind the bars between the two big lands of the two biggest families in Costa Leona.

Nagtagal ang tingin ni Zamiel sa akin. Pagkatapos sakin ay kay Jeff naman. Tumigil ang kanyang kabayo malapit sa amin. Lumagpas naman ang mga kaibigan nito. Inisa-isa ko, wala roon si Raoul.

Magtatanong sana ako, kung hindi lang nanginginig ang labi ko. At kung hindi niya lang din pinaliko na ang kabayo.

Hinawakan ni Jeff ang kamay ko at hinarap niya ako para palisin pa ang luhang natira. Zamiel’s horse neighed before sprinting towards their land.

Bumaling ulit ako sa kanilang dinaanan.

“Ayos ka lang ba talaga, Leil?” ani Jeff. “May problema ba sa inyo?”
Umiling ako. “Wala naman, Jeff…”

Hinarap ko siya nang tuluyan nang nabigo dahil wala na sina Zamiel at mga kaibigan niya.

“Magkita na lang tayo bukas kina Ma’am Avila,” sabi ko.

At gaya ng mga nagdaang araw, bigo parin ako sa Biyernes.

I regret so many things. I regret not being able to tell him how much I treasured our moments together. I regret not thanking him for the friendship. I regret it.

Sa mga panahong naging abala ako sa kanyang cellphone, imbes na titigan siya. Nagsisisi ako. Nagsisisi ako ng husto.

Sa kamalig din ako dumaan nang nag Sabado. Baka sakali lang naman pero bigo ulit ako.

Naroon na si Jeff kina Ma’am Avila. The usual jolly Avilas were already cooking our lunch when I came. Tahimik ako sa kusina habang nakatingin sa likod ni Ma’am. Nakaupo si Jeff sa silyang madalas inuupuan ni Raoul.

“Ang tahimik ni Leil, ah!” maligayang tukso ni Lola Brosing.

Sumulyap si Ma’am Avila sa akin. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

“Syempre, andyan crush niya!” ani Lola sabay gulo sa buhok ni Jeff.

Nagtawanan si Lola at Jeff. Ngumiti na lang din ako, hindi na binawi. Nawawalan na ng lakas.

“Lola naman. Huwag mo po kaming tinutukso… nakakahiya kay Leil. Hindi naman po ‘yan totoo…” ani Jeff.
“Anong hindi? E, inamin niya sa amin!” ani Lola.

Pumikit ako at natawa na lang.

“Mama, ha! Tama na ‘yan. Pinapahiya mo na ang anak ko!” si Ma’am Avila naman.

Iniba ko na lang ang usapan. Tinanong ko si Jeff kung tapos na ba siya sa kanyang proyekto. Mabuti na lang at nakisabay na rin naman si Lola. Wala namang sinabi sina Lola at Ma’am tungkol kay Raoul kaya sana wala namang masamang nangyari rito o sa kanilang pamilya.

Pero kung meron man, aabot talaga sa amin ang balita. We are squatting on their lands, after all. Any information about them is a bit essential to the villagers. Nasisiguro kong walang masamang nangyari.

“Mamayang alas dos, gusto mo, pumunta tayo sa bahay namin? Pasyal ka lang?” ani Jeff sa akin habang tinutulungan na namin si Lola Brosing sa mga kubyertos.
“Uuwi na ako pagkatapos ng tanghalian, siguro, e…” sabi ko.

I am not losing my hopes. Uuwi ako at maghihintay sa kamalig. Siguro, kukunin ulit ang kambing. He’s a good luck, right? Sabado ngayon. Mas malaki ang chance na naroon siya.

“Ganoon ba? Sayang naman. Pero… sige… ihahatid ulit kita?”

Pumayag na ako sa alok ni Jeff. Nakakahiya nga kasi talagang buong oras ng pagkain ay wala ako sa sarili ko.

Nakatingin na si Ma’am Avila sa akin habang tinutukso ni Lola si Jeff.

“Mahal na mahal ko itong apo ko. Kung magyayaya ka ng date, daan ka muna sa amin ni Luz, hijo! Naku! Hindi kami istrikto pero kailangan mong rumespeto!”
Tumawa si Jeff. “Syempre, Lola…”

Sinubo ko ang panghuling kutsara ng pagkain ko bago binitiwan ang mga kubyertos. Nag-angat ako ng tingin kay Ma’am Avila.

“May problema ka ba?”

Natahimik si Lola at Jeff. Napawi ang ngiti ni Jeff doon. Siguro ay naalala ang pag-iyak ko kahapon.

“Wala naman po…” pagsisinungaling ko.
“Leil, anong problema sa inyo? Papa mo?”
Umiling ako. “Wala naman si Papa, Ma’am…”
“Kung ganoon, ano? Gusto mong sumali sa prom? Malapit na iyon, ah.”
“Hindi naman po, Ma’am. Ayos lang na huwag na.”
“Gusto mo ako na ang kakausap sa Papa mo?”

So the rest of the hour was spent that way. I’m convincing all of them that I’m really okay. Mabuti naman at sa huli ay nakumbinsi kahit paano.

“Leil, alam kong may problema ka…” ani Jeff nang tahimik kaming naglakad na patungo sa gubat.

Doon ako dadaan pauwi bago ko kukunin ang kambing. Ala una pa lang. Saktong alas tres ang magiging oras pagkadating ko mamaya sa kamalig, kasama ang kambing.

“Wala, Jeff. Totoo!” mas maligaya kong sinabi.
“Hindi ba sinabi mong magkaibigan tayo? Nagsasabihan ng nararamdaman ang magkaibigan, Leil…”

Hinarap ko siya. Seryoso ang kanyang mga mata. Umihip ang pangtanghaling hangin sa gitna naming dalawa.

Natuturuan ba ang nararamdaman? If I tell myself to like someone, will I like him eventually? Like… not in a friendly way… something different. Something like… what I’m feeling for Raoul.

What is it?

Love?

Like those of love novels? Kaya bang turuan ang puso na magmahal ng iba? Can we control it?

“Ayos lang ako. Medyo malungkot lang… Iyon lang.”
“Kung ganoon, bakit?” tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit kahit na itinuturing kong kaibigan si Jeff, hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman kong ito. Wala akong takot na malaman ito kahit nino. Pero wala rin akong planong ipagsabi. It’s very personal. Very private. I almost don’t want to tell myself that, even. So why will I tell someone else?

Kung si Raoul kaya? Kung siya ang kaharap ko… masasabi ko ba?

Nag-angat ako ng tingin. Sa puso ko, tanaw si Raoul kahit pa hindi naman. Wala naman ito rito.

“Ako rin nalulungkot…” dagdag ni Jeff.
“Bakit?” medyo nag-aalala kong tanong.

He looked away. Hinanap ko ang mga mata niya.

“Hindi mo ako tinuturing na kaibigan. Hindi ka nagtitiwala sa akin, Leil.”
“Hindi ganoon ‘yon, Jeff…” sabi ko sabay hagilap sa kamay niya.

Napababa ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanya.

“Huwag ka sanang magalit. Magiging okay din ako sa Lunes, Jeff. Pasensya na talaga…”

Nagpaalam na ako at tahimik nang naglakad pabalik sa village. Pagkarating ko roon, naligo muna ako para mahimasmasan bago kinuha ang kambing at nagsimula nang maglakad patungong kamalig.

Tama ang kalkulasyon ko, alas tres nang natanaw ko ang kamalig. Alas tres din nang nakita kong may tao nga roon.

Maingay sa tawanan at tubig na nagsasabugan. Kinabahan agad ako. My heart is beating so fast and hard that my hands are sweating. Hindi ko maayos ang hawak ko sa lubid ng kambing.

Malayo pa lang ay tuloy-tuloy na ang hiyaw ng kambing. Mas lalo akong kinabahan. Lalo na nang natigil ang tawanan dahil sa ingay.

Zamiel Mercadejas, Raoul’s closest friend got out of the water. His eyes remained on me.

Luminga-linga ako. I counted the horses available. There were three. Si Zamiel, ang kapatid nito na nasa likod lang ang nakita ko. Sigurado akong narito si Raoul!

Hindi ako nahiyang pumagitna sa kamalig at sapa. Nilingon ko ang kamalig at nang nakitang ibang Riego ang lumabas, para akong bahagyang na dismaya. But… no… I’m sure he’s here.

“S-Si… Raoul?” tanong ko sa palapit na Zamiel sa akin.

He eyed me warily for a moment. He reminds me of Raoul so much. But I’m not sure… I think Raoul reminds me of everyone.

Umahon din ang isa pang Mercadejas. Nakita ko ang pagtingin niya sa kambing. Humiyaw ang aking kambing habang naghihintay ako ng sagot.

“Wala siya rito. Nasa Maynila. Umuwi sa girlfriend niya. Nabagot dito. Baka ‘di na babalik. Bakit?” ani Zamiel sa akin.

Napaatras ako roon. Hindi ba sinabi niyang wala siyang girlfriend? Pero kung nagkaroon siya sa gitna ng mga araw na iyon, ano ngayon? Baka nag kagirlfriend siya sa gitna ng mga araw na iyon. Sigurado ako.

“Bakit mo siya hinahanap?” ulit ni Zamiel.

Nag-iwas ako ng tingin. Umiling ako at umatras muli. My heart is aching and bleeding so bad. Memories of my own imagination and some facts washed through me.

Iyong paghihintay ni Raoul sa kanyang bride. Ang saya at anticipation niya. At ang nangyari sa kamalig noon. Iyong napanood ko. Halikan na parang walang bukas. Passion that’s burning so bright it hurts.

“Hindi na kita iiwan dito. I’m sorry I left you for that small town. It’s all for business…” I can hear his thick voice saying that to his tall and sexy woman.

I can imagine that woman sporting stilletos and edgy dresses, with a ponytail high up, gaya ng gusto niya sa buhok ko.

“I love you. You are all that’s important to me.”

Parang gripo ang mga luha ko. Wala na akong tiningnan ni isa sa kanila. Tinalikuran ko na silang lahat, kasabay noon ang pagtanggal ko sa pusod sa aking buhok. No ponytails for you, Leil!

Sumabog ang umaalon kong buhok. Kasabay ng pag ihip ng napakalakas na hangin.

Kung noon, hahangaan ko ang babaeng papakasalan niya, ngayon… nagdidilim na ang pananaw ko. I don’t know what have I become. Kung sino man ang magustuhan niya, hindi naman kasalanan ng babaeng iyon. I should be happy for them. For him…

Pero napakasama ng puso. Hindi marunong makisaya para sa ibang pusong nagsasaya.

Hirap akong tumakbo dahil sa kambing na dala pero ginawa ko parin. I can hear my goat’s strained cries. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Sa huli, nagsisi ako kasi ganoon ang pagtrato ko sa kambing.

Sa huli, lumuhod ako at tumigil na sa paglalakad habang niyayakap ang natatangi at matagal ko nang kaibigan.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

1

Jonaxx on FacebookJonaxx on InstagramJonaxx on Twitter
Jonaxx
Jonaxx
Writer
The Official Website of Jonaxx Stories. She writes romance stories in Tagalog/Filipino, Teen Fiction, Non Teen Fiction including her popular published books like Mapapansin Kaya, Heartless, Every Beast Needs a Beauty and 24 Signs of Summer. All Jonaxx Stories and New Updates are available here..

Comments are closed.