Sands of Time – Kabanata 10

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 10

Kabanata 10
Gusto

Ang isang oras sanang paglalakad patungo sa kamalig ay umiksi dahil sa bilis ng lakad ko. I was already panting when I made it to the barn house. Nang palapit ay binagalan ko ang lakad ko. Malakas ang pintig ng puso ko, siguro’y halo sa bilis ng lakad at sa kaba na rin.

Habang nagmamadali ako sa paglalakad, paulit-ulit ang pag-iisip ko na baka umuwi siya sa Casa Riego. Kung sakaling ganoon nga, baka sa Lunes pa kami magkita. Ayaw ko ng ganoon. I feel like he’s mad at me and prolonging these things isn’t a good idea.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig. Ang kabayong madalas niyang dala ay nakatali rin sa parehong puno. Nakita ko rin ang iilang gamit ni Zamiel sa lamesa kaya napabuntong-hininga ako kahit paano. At least, he’s here.

Pinisil ko ang mga daliri ko para pigilan ang tensyon sa aking sarili. Slowly, I treaded the dried leaves until I reached the grassy part, nearing the stream.

Umahon siya pero sa malayong parte ng sapa. Hinilamos niya ang kanyang kamay dahil sa tubig na umagos galing sa buhok. Our eyes immediately met. His looked so forlorn and dark. I tried to smile, kahit pa alam kong hindi iyon ang dapat kong gawin. Hindi ko nga lang alam bakit ganoon ang opinyon ko. Basta alam ko, mali ang pagngiti.

I moved past the chairs and tables. Isang dipa na lang ang layo ko sa sapa para lang malapitan siya. Abot-abot ang tahip ng aking puso, parang kagagaling sa pagtakbo kahit na hindi naman.

“Uh, sorry… N-Naghintay ka raw kina Ma’am Avila. E, hindi ko alam na lalagpas kami…”

While I was talking, he started to swim near me, too. Umahon siya at nilagpasan ako. Kokonting pisik ng tubig galing sa kanyang katawan ay tumama sa akin pero hindi ko na inalintana iyon. Kinuha niya ang puting tuwalya na nakapatong sa lamesa at nilagay sa kanyang balikat.

“It’s okay,” malamig niyang sinabi.

I tried to go near him but his steps were too fast and wide. Dumiretso siya sa damuhan sa paanan lang ng sapa. Mabilis siyang naupo roon. Half of his legs were submerged under the water. Akala ko lalangoy siya pero hindi naman yata. Lalo na nang nakita kong pinapatuyo niya ang kanyang buhok gamit ng tuwalya.

It’s okay? This is not our usual conversation. Tinalikuran niya ako at pinatay ang usapan. Kung wala lang akong kasalanan, hindi naman ako mag-iisip ng masama pero dahil alam kong meron…

Lumapit ulit ako sa damuhan. Dalawang metro ang layo ko sa kanya nang naupo rin ako roon. Hindi basa ang damuhang inuupuan ko kaya tingin ko’y ‘di naman mapuputikan ang aking damit. Slowly, I plunged my left foot on the water. Nang nakalapat sa tamang lamig ay saka ko nilublob ang kabila.

Nilingon ko siya. His face looks so dark and perilious. At parang may kung ano sa kanyang nagsarado sa akin kaya hindi ko malaman ang tunay niyang nararamdaman. Sadness crept in me.

Galit nga siya. Nagkasundo kami na magkita kina Ma’am Avila ng tanghalian, hindi ko nasipot. Inuna ko masyado ang paggala.

“Galit ka?” Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ko para tanungin siya ng ganoon.

Ang alam ko lang, ayaw kong magkagalit kaming dalawa. Ayaw kong magalit siya sa akin. Ayaw ko siyang madisappoint o kahit ano.

“How was your date?” he asked coldly without looking at me.

Tinitigan ko muna siya. His brows were furrowed. Kahit na side view lang ang kita ko, alam ko, dahil mas nadedepina ang kakapalan nito tuwing nagkakasalubong ang mga kilay niya. His jaw was clenched, too. I can see it moving like he’s gritting his teeth very hard.

“Ayos lang naman.”
“Sinagot mo na?” dagdag niya.
“Hindi!” agap ko, medyo nagulat sa tanong na iyon.

Hindi siya nagsalita. I sensed his heavy exhale. His lips twitched. I marveled at it even with just half the view.

“Why’d you let him kiss you, then?” may diin sa tanong niya.

Pumikit ako ng mariin. Mas maayos sana kung nagpatuloy na lang siya sa diretsong tingin sa sapa pero binalingan niya ako. His dark eyes makes me nervous. And to see him this attractive whenever he’s not in the mood is making me panic so bad.

“Uh…” Nanginig ang labi ko. “Laro lang naman iyon. ‘Tsaka sa pisngi lang.”
“Tss…” he scoffed and tore his eyes off me.

Parang tambol ang puso ko dahil sa kilos niya. Pakiramdam ko, sobra sobra ko siyang nadismaya sa ginawa ko. My heart ached so bad seeing him this hard on me. Kinagat ko ang labi ko. Napatuko na ang mga kamay ko sa damo, palapit sa kanya. I leaned closer even when it won’t do much with our distance.

“Hindi niya naman ako pinilit. Naglaro kasi kami ng Truth or Dare. Lahat naman, nakagawa ng pinagawa sa kanila. Dare kasi ang pinili ni Gasper at mahirap kasing tanggihan ang mga kaibigan niya. Sa pisngi lang naman…” paliwanag ko.

I saw his eyebrow shot up. Nilingon niya ako. The menacing look on his face made me confused. Hindi ko alam kung relief ba ang mararamdaman ko o karagdagang kaba.

“What was asked of you in that game?”
“Truth…”

Hindi siya nagsalita. Alam kong gusto niyang magpatuloy ako sa pag eexplain.

“Gusto ko ba raw si… Gasper. Syempre, sabi ko, oo…” dagdag ko.
“Do you like him?”
“As a friend…” nagkibit ako ng balikat.
“Now they all assume that you like him romantically. You let him kiss you-”
“Sa pisngi-”
“Even so! People are quick to assume. He thinks you like him that way. Reason why you let him kiss you…”
Umiling ako. “Hindi pwede iyon. Pagkakaibigan lang ang gusto ko sa kanya…”

He laughed mockingly. Ngayon nakatingin na naman sa unahan. Iniwas na sa akin ang tingin.

“Baka naman touchy lang siya gaya ng kaibigan mo?” I asked.
“He isn’t! He’s probably assuming now that you two will be boyfriend and girlfriend by the end of next week!” tumaas ang boses ni Raoul doon.

Natahimik ako sa gulat.

“Tss…” he tilted his head.

Inabot niya ang cellphone sa lamesa. Yumuko ako at bigong tiningnan ang aking mga kamay. What have I done? Kinagat ko ang labi ko. Tama si Raoul.

Akala ko lalangoy ulit siya pero nagpahulog lang siya sa sapa. Hanggang baywang ang lalim noon. Naglakad siya palapit sa akin. I was struggling with whatever realization I have inside my head but when I saw him nearing me, parang nagdilim ang aking utak. Tumigil sa pag-iisip ng kahit ano.

Halos umatras ako. I am not used to him this close. At least not when we’re both conscious. Kahapon ay tulog siya, ‘tsaka ako nagkaroon ng guts na malapit sa kanya. Ngayong gising siya at medyo hindi maganda ang mood, para akong sinisilaban.

He put his phone on my lap. Napatingin ako roon at bahagyang inayos ang pagkakaupo para hindi iyon mahulog sa tubig. Nasa harap ko siya. We aren’t touching but I am too frozen to move more. Hindi ko yata kakayanin kung may maglapat man sa aming dalawa.

Ang kanyang mga kamay ay nanatili sa magkabilang bahagi ng inuupuan ko, holding on to the grassy part of it. In between him was me. Dahilan ng ayaw kong paggalaw masyado.

He’s so tall. Iyong tipong kahit na nakaupo ako sa lupa, at ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa tubig, pareho parin ang aming lebel. Our eyes met in the same level. Even with him crouching a bit because of the stance.

“Which of my tagged photos is it? I’ll untag myself in it,” aniya sabay tingin niya sa cellphone na nasa aking kandungan.

Agad kong nakuha ang ibig sabihin niya. I pointed his phone a bit and it moved. Naharap na ito sa akin.

“Ayos lang. Alam ko namang ganoon sa Manila, ‘di ba? Lalo na kapag lumalabas ang mga kaibigan.”

My breathing hitched when he picked his phone up and browsed it in front of me. Mabilis niyang hinanap sa “photos” ang iilang picture na nakita ko kahapon. Unang tingin ko nakita ko agad ang pagtatanggal niya sa pangalan niya roon kaya iniwas ko agad ang aking tingin.

“Sorry…” sabi ko.

Iyon nga lang, hindi sa isang specific na dahilan iyon. Para sa lahat. Pakiramdam ko, malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero ngayong nag-uusap kami, isa lang ang gagawin kong dahilan.

“Tama ka. Sana hindi na lang ako pumunta roon.”
“Don’t be sorry about that. Ayos lang na pumunta ka. Naging masaya ka naman. You earned friends. Don’t be sorry if it made you happy…” he said in a cold tone.

Nabuhayan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay ang pagkamangha ko sa kanya. I am just so amazed with him. Hindi siya makatingin sa akin. Nanatili ang kanyang mga mata sa cellphone. Ibinalik niya rin sa aking kandungan nang natapos ang kung anu-anong pindot.

“Pero tama ka… baka umasa si Gasper. Ginawa ko lang naman iyon kasi laro lang. ‘Tsaka… sinagot ko lang naman ng maayos ang tanong. Gusto ko naman talaga si Gasper pero… pagkakaibigan lang.”

His lips twitched sexily this time. Uminit ang pisngi ko sa kakatingin doon.

“Then don’t give him false hopes. Tell him that you only want friendship. If he’s a good person, he’ll understand.”

Tumango ako. I absorbed all of his words of wisdom thoroughly. Tama siya. Sa bagay, sa mga nobelang nabasa ko, minsan nahihirapan at natatagalan dahil sa kawalan ng komunikasyon. Kung hindi sasabihin ang tunay na nararamdaman, mahihirapan lang ang mga taong sangkot.

If I prolong this, Gasper will get mad at me. Paano kung pati ang mga kaibigan niya, ‘di ba?

“His friends might think you like him romantically. Kung hindi mo lilinawin ito, baka pati sila, magalit sa’yo.”

Pumikit ako ng mariin. How can I take it all back then? I let Gasper kiss me. I said I like him. Ngayon pa lang, iniisip na siguro ng lahat ang magiging future namin ni Gasper! Pagkakamali talaga yata iyon!

“Sorry… Tama ka. Dapat hindi na talaga ako sumama!” sabi ko, puno ng pagsisisi.

Hinagilap niya ang tingin ko at mas lalo siyang lumapit sa akin. I did not look at him because of what he’s about to say. I looked at him because he is making me so nervous with all his unconscious moves! He’s making me euphoric. Pakiramdam ko, panaginip ang lahat ng ito! Samahan pa ng marahang lagaslas ng mga dahon at ang sinag ng araw na tumatagos sa mga puno.

“Don’t regret. Ayos lang. You’re happy. You experienced normal things. That is what’s important for me, so don’t be sorry…”

Uminit ang pisngi ko sa titigan namin. Lalo na dahil alam kong nananantya siya. He’s making sure that I’m fine. That I’m feeling okay.

Ngumuso ako.

“Pero galit ka… ‘di ba?”

His eyes turned vicious again. He blinked and it was like he’s telling me that he really is without saying yes.

“Hindi ko naman alam na matatagalan kami.”
“Kumain ka na?” tanong niya, iniisip siguro ang aming tanghalian.
“Busog pa ako. Alas onse na kasi kami kumain noong mga pagkain nila. Ikaw?”
“Kumain na ako kina Ma’am Avila.”
“Sorry…” bigo kong sinabi. “Ngayon nagkaproblema pa tuloy ako.”
“Just tell him straight on Monday to clear things up.”

Hindi ko na siya matingnan ng diretso. My heart feels like it’s bursting from all the happiness. I wish this will never end. Naalala ko ang hourglass. I imagine it stopping right now. The sand will halt and everything will grow silent with it.

“Hindi ko alam kung paano.”
“Let’s practice…” aniya, mas relaxed na ngayon.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maitago ang nagbabadya kong ngiti.

“Say… I’m that boy and you’re you… Nagkita tayo sa school. Binati kita… anong sasabihin mo.”

Wow! I did not prepare for this. It’s hard to look at him and think about Gasper. Kinusot ko ang mga mata ko para mapilit ang sarili pero nang dumilat ako, siya parin. The magnificent bone structure of his face and the perfect sculpted muscles of his upper body. I cannot imagine Gasper right now! Ang hirap!

“Uh… Magandang umaga, Gasper!” sabi ko.
“Hmm…” Hmmm? Gasper won’t do that! Uminit lalo ang pisngi ko. Oh, Raj… “Ihahatid kita sa classroom mo…”

Mabilis akong nag-isip. He’s serious about this! I should go with it! Tinutulungan niya ako kaya dapat magconcentrate ako!

“Gasper… Tungkol noong Sabado. Doon sa… k-kiss?” nag-angat ako ng tingin kay Raoul.

He looked at me intently. I can’t begin to fathom how confident he is. Samantalang ako, hindi ko siya kayang titigan ng diretso lalo na sa huling salita ko.

“At sa pagsabi kong gusto kita… Gusto kita bilang kaibigan lang…” pagpapatuloy ko.

He did not react. Nanatili ang nakakanerbyos niyang titig sa akin.

“Pasensya na pero hanggang doon pa lang talaga ang kaya ko.”
“Hanggang doon lang talaga…” pagtatama niya.
“Hanggang doon lang talaga ang kaya ko…” ulit ko naman. “Wala akong planong magkaboyfriend pa…”

He nodded slowly at that. Ngumiti ako at gumaan ang loob. Akala ko matatapos ang araw na ito na magkagalit kami. Mabuti na lang at mukhang umayos na naman ang pakiramdam niya.

Bumagsak ang tingin niya sa aking kandungan pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan.

“Browse my account and tell me if you see anything you don’t like…”
Umiling ako. “Sorry. Dapat hindi ko ginagawa iyon.”
“Ayos lang. I do it on your account, too.”

Pinulot niya ang cellphone at nilog-out iyong kanyang. Isang pindot lang, account ko naman ang nag open. Nagulat ako na maraming notifications ang naroon.

I pointed at the red number. He opened it.

“There are more than ten boys here… trying to hit on you,” sabay pakita niya sa messenger na puno nga ng panibagong chat.

Iilan ay kilala ko bilang kaklase, iilan naman kilala ko lang sa pangalan.

“Do you know them?”
Umiling ako at itinuro ang mga hindi ko kilala. “Eto… seniors ‘yan-”
“Kaibigan mo?”
“Hindi. Uh, nakikita ko lang sa school. Eto naman si Ronald ‘yan. Itong iba, kaklase ko…”

Nagkatinginan kami. His eyes remained menacing. Nagkibit ako ng balikat.

“Hindi naman ako masyadong interesado sa chat. ‘Tsaka magkikita naman kami sa school kaya huwag mo nang replyan. Hindi ko na rin rereplyan…” sabi ko.

His lips twisted again while he’s nodding slowly. Inalis niya ang messenger at ngayon sa account ko naman. I have only one picture and the rest was only tagged by some of my classmates. Nasasama lang ako pag may picture o pag may class activity. Bukod doon, wala na.

“You may browse my account. It’s fine with me… I don’t check my inbox so if you’re bored, you can check it yourself,” aniya at iniwan niya na ako para lumangoy sa sapa.

Dinampot ko ang cellphone niya at ngumiti. Kahit na ganoon ang sinabi niya, hindi ko parin magawa iyon. Takot parin ako. Pakiramdam ko, mali talaga iyon. Siguro, kung gagawin ko man ulit, palilipasin ko muna itong nararamdaman kong awkwardness sa pagbrowse gamit ang account niya.

It all turned out well. Nakatulog ako ng mahimbing sa gabing iyon at naging maayos naman ang Linggo ko. Of course with all the praises and my usual healing routines for the villagers.

Hindi ko alam kung dahil ba abala ako o ano pero lately nakikita kong maraming ginagawa ang mga tao sa amin na hindi ko alam. Someone celebrated a good harvest the other day without my knowledge. My father knows it, though. Kaya nga umuwi ng lasing noong nakaraan dahil nakipag inuman doon.

Sa eskwelahan naman, iyon ang una kong naisip pag dating. Kapag makita ko si Gasper, iyon agad ang gagawin ko.

Alam ko na mamayang tanghalian pa kami magkikita pero dahil gustong-gusto ko nang humingi ng paumanhin, sinadya ko talaga ang classroom nila.

Classmates sila ng tropa niya. Naghiyawan ang lahat nang nakita ako sa floor ng seniors. Lalo na syempre nang lumabas si Gasper sa classroom nila para kitain ako. Break noo. May thirty minutes kaming break at hindi pa nakakapagsnack, dumiretso na ako rito.

“Oh… Gusto mong magsabay tayo sa snack?” sabay ngiti ni Gasper at lakad na sa corridor.

Nilingon ko ang malayong field ng eskwelahan. Natatangi ang malaking puno na pinag-uupuan ko roon. Beyond it is a diamond wire wall separating the basic education department from the higher studies or college campus.

Tumigil ako at hinarap iyon. Hinawakan ko ang barandilya bago siya nilingon. Nakaawang ang labi ni Gasper nang naabutan ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin.

“Gasper, tungkol sa nangyari noong Sabado.”
“Ah…” He blushed.

Mahirap pala ito kapag totohanan na. Kay daling sabihin noong kaming dalawa pa ni Raoul.

“Doon sa halik… at sa pagkakagusto ko sa’yo…”

Now he turned bright red. Ngumisi siya pero bago pa ito nagsalita ay inagapan ko na.

“Gusto kita, Gasper. Ayaw ko lang na maisip mong higit pa sa pagkakaibigan ang gusto ko sa’yo. Sorry…” bigo kong sinabi. “Hi-Hinayaan kitang halikan ako dahil sa laro. Sana huwag mong bigyan iyon ng kahulugan.”

His jaw dropped. It remained that way for a moment before he finally nodded. Suminghap siya at umiling.

“Sorry…” sabi ko, bigo parin.
“Hindi mo man lang ako mapagbigyan ng pagkakataon?”

Kinagat ko ang labi ko. I feel really bad for him but Raoul’s right, prolonging this is ridiculous.

“Mag-iisang linggo pa lang…”
“Sorry, Gasper…”
Umiling siya at tumangong muli. “Naiintindihan ko. Akala ko lang medyo mahabang panahon ang ibibigay mo sa akin para mapatunayan ko sa’yo na maganda ang intensyon ko. Hindi ko inasahan na agad mo akong babastedin.”
“Hindi naman sa ganoon-”
“Naiintindihan ko, Leil. Pero gusto kong malaman mo na magkaibigan pa rin tayo at susubukan ko parin…”

Susubukan parin?

“Ayaw mo lang sigurong paasahin ako. Pero gusto kong malaman mo, binasted mo man ako, aasa parin ako… dahil gusto kita… gustong gusto kita… higit pa sa pagkakaibigan.”

Sa tanghaliang iyon, hindi ako sa ilalim ng puno kumain. Pumunta ako sa faculty kung saan si Ma’am Avila. Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang desk at pinaglaruan ang parehong hourglass na naroon.

“Hay naku, Leil. Ganyan talaga. Kahit hindi mo gusto, maaapektuhan ka parin…” si Ma’am Avila pagkatapos kong ikwento sa kanya na medyo naapektuhan ako sa pag-uusap namin ni Gasper.
“Naawa ako, Ma’am. Feeling ko, ang sama sama ko…” sabi ko sabay tago sa mukha ko.
“Kesa naman patagalin mo. Pero sigurado ka ba talagang hindi mo iyon magugustuhan? Hija, gwapo at matalino iyon. Mabait pa, gaya ng sabi mo…”

Pumikit ako ng mariin at bumuntong-hininga.

“Baka magsisi ka sa huli. Baka sa susunod na buwan, magustuhan mo na iyon tapos nabasted mo na.”

Hindi na ako nagsalita. Nang nakabawi, may sasabihin sana ako kaso naunahan na ako.

“Ma’am Avila, may naghahanap sa labas. Anak anakan mo raw…” sabi ng isa pang teacher.

Napaahon ako. Nagkatinginan kami ni Ma’am Avila. Nahiya tuloy ako kasi ang ibang teacher ay nagpapahinga dahil lunch break pa lang. Tumayo agad ako at dumiretso na sa labas.

I saw Dixon, another senior on the door. Hawak niya ang isang librong pamilyar sa akin. Noong nakaraan kasi sa library, may gusto akong hiraming libro pero isa lang ang mayroon at naunahan niya ako. He promised me he’d lend it to me when he’s done.

“Hi!” sabi ko.
“Uh… Tapos ko nang basahin ito. Gusto mo?”
Ngumisi ako. Tumikhim si Ma’am Avila na ngayon ay naroon na rin sa pintuan.
“Good noon, Ma’am Avila.”

Dixon is the vice president of the student’s government. He’s a known good public speaker at mas studios kung ikukumpara kay Gasper na mas athletic naman.

“Good noon, Dixon…” si Ma’am Avila.
“Sana sinoli mo na lang tapos hiniram ko na lang ulit para hindi na kita maaabala.”
“Hindi na. Ayos lang. Kanina nga, hinanap kita roon sa puno. Hindi ba roon ka kumakain madalas? Wala ka kaya naisip ko… baka rito…”

Tinanggap ko ang libro at dahil sa kanya nakapangalan ito, sigurado akong ibabalik ko pa ito sa kanya.

“Poporma!” diretsahang sabi ni Ma’am Avila.
Tumawa si Dixon at namula na lamang. Ngumisi ako at medyo awkward na tumango.
“Sige… Sorry… nakakahiya…” ani Dixon at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Ma’am Avila. Umiling si Ma’am, pinapalabas na dismayado.

“Hay naku, Leil. I am tracing your lineage to see if you have relatives. I can marry your uncle or whatever…” pabirong sinabi ni Ma’am Avila.
Tumawa ako at hindi na sineryoso iyon.

By the end of the day, hindi ko alam kung paano kumalat pero naririnig ko na sa mga kaklase ko ang balita.

“Binasted mo raw si Gasper?” tanong ng kaklase kong hindi ko naman close pero nang uusisa ngayon.
Umiling ako. Alam kong mali na magsinungaling pero hindi ko gusto ang tunog noon.
“Sabi noong seniors, badtrip daw. Hindi naman sinabi na basted mo pero feeling nila. Kasi ang huling kasama raw, ikaw. Pinuntahan mo raw kaninang break!”
“Naku! Galit na galit si Nellie. Iyong ex niya? Ginayuma mo raw!”
“Hindi ako marunong noon… Magkaibigan parin naman kami ni Gasper kaya…”
“Pati ang tropa niya, galit sa’yo!”

They all scrambled when our teacher came. It bothered me so much. Iyon ang inisip ko hanggang sa huling period namin. Nagplano pa ako na huwag na munang umuwi para makausap sina Pinky tungkol doon.

May practice pa para sa prom kaya kung hihintayin ko sila, matatagalan ako.

I was about to stay so I can talk to them when I saw a girl from their group walking towards me. Mukhang kagagaling itong canteen, at aakyat na sa kanilang classroom. Nakita niya ako at sigurado akong magkakasalubong kami.

I smiled shyly at her but she did not smile back. Kinabahan agad ako.

“Charie,” tawag ko sa kaibigan ni Gasper.
Tinaas niya lang ang kilay niya bilang kumpirmasyon na narinig ako.
“Uh… Masaya ako noong Saturday. Nakakatuwa kayong magkakaibigan. Salamat sa pagiging mabait sa akin-”
“Mabait lang naman kami kasi mabait ka kay Gasper.” Humalukipkip siya. “Binasted mo siya?”

Kung kanina, madaling itanggi. Ngayong kaibigan ni Gasper ang kausap ko, hindi ko malaman saan humugot ng mga salita.

“Hindi niya sinabi pero naramdaman namin. Paasa ka rin, e. Ginayuma mo talaga yata. Kung hindi ka lang niya talaga gusto, hindi ako makikisama sa’yo-”
“Charie!” Pinky pushed Charie away from me.

Nakita ko ang pagkakagulat ni Charie sa nangari. She calmed down. Bigo akong binalingan ni Pinky. My heart hurt at the disappoinment I’m giving them. And also… the disappointment I’m giving myself. Akala ko kaibigan na.

“Leil, sorry. Hindi sinasadya ni Charie ‘to. Galit lang siya kasi… medyo badtrip si Gasper, e.”
Tumango ako.
“Charie!” she nagged and pushed her friend away.
“Sorry din. May kasalanan ako sa nangyari.”

Nag-anunsyo ang mga adviser sa covered court. Napabaling kami ni Pinky roon. I expected her to walk away from me but I’m kind of glad when she didn’t.

“Pasensya ka na talaga. Hindi ganoon ang tingin ko sa’yo, gaya ng kay Charie kaya sana huwag kang magalit sa amin. Dala lang siguro ng pag-aalala niya kay Gasper iyon.”
“Naiintindihan ko…” maliit na ang boses ko nang sinabi ko iyon.
Pinky smiled. “We’re still friends, okay?”

My mood lightened up when she said that. Lalo na nang lumaki rin ang ngisi niya.

“Walang sinabi si Gasper sa amin pero hindi siya kailanman nagkaganito sa isang babae. Sigurado akong, hindi iyon susuko sa’yo. Pero ano man ang desisyon mo, tingin ko, mabait ka. Hindi gaya ng mga sinasabi ng mga tao. Kaya huwag mo nang isipin iyon…” ani Pinky.
I smiled. “Thank you…” medyo nahahabag ako.

She waved at me, smiling, before she left for the practice.

Hindi na ako nag-antay. Minabuti kong umuwi na lang. Sa paglalakad pabalik sa amin, iyon lang ang tangi kong inisip.

Kahit paano, naibsan ang nakadagan sa damdamin ko. Hindi man naging maganda, hindi ko rin naman inasahan na magiging masaya iyon. I am bound to hurt someone for my feelings. If I don’t say it as early as now, I can hurt them more.

Tinawanan ko na lang ang problema ko. Ikukwento ko na lang kay Raoul pag-uwi.

Niyakap ko ang malaking libro na ipinahiram ni Dixon sa akin kanina at nagsimula na akong maglakad patungo sa kamalig. I may not be that happy but I’m relieved. Nasabi ko ang nararamdaman ko. Hindi man nagustuhan ng lahat.

Palapit na ako sa kamalig nang nakitang tatlo ang kabayong nakatali sa malapit na mga puno. Kinabahan agad ako. Nang huli kong nakitang ganoon, may mga babaeng kaibigan si Raoul.

I heard the strums of guitar and some voices. Namataan ko rin na mayroon ngang kasama si Raoul, pero puro lalaki naman. I figured it’s his closest friend and an unfamiliar man. Kaedad niya siguro rin iyon. Nakatawa ang lalaking hindi ko pamilyar pero nang nakita ang atensyon ni Zamiel Mercadejas sa akin, natigil siya.

Raoul stopped strumming the guitar. Itinabi niya iyon. Kinuha naman noong isang lalaki at nagsitayuan na sila. Hinarap ako ni Raoul, his eyes already testing me.

Sinundan ko naman ng tingin ang dalawa niyang kaibigan. Parang awtomatiko silang umalis doon at dumiretso sa kamalig ng tahimik. Wala nang imikan o ano pa man.

“They got bored so… they won’t be here tomorrow. Don’t worry,” si Raoul na parang mali pa ang pagdadala ng kaibigan.
I shook my head. “Ayos lang naman na nandito sila.”

His brows furrowed and then eyed his friends on the barn house. He dragged a chair for me at naupo na siya sa inupuan kanina. Hinawakan niya ang likod ng upuan ko.

“How was your day?” tanong niya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Nilapag ko ang malaking libro sa lamesa at huminga na lang ng malalim. Now, I’m ready to tell him what happened with my day.

“Sinabi ko na…” sabi ko.
“And?” aniya ng wala sa sarili habang tinitingnan ang title ng aklat na nilapag ko sa mesa.
“Naintindihan niya naman. Iyon nga lang, medyo nagtampo ‘yong mga kaibigan niya…” pagpapatuloy ko, medyo hinihinaan ang boses para hindi marining ng mga kaibigan niya.
“Tapos?” ngumuso siya at may kinuhang nakaipit sa aklat na dala ko.
“Mabait iyong si Pinky, sabi niya magkaibigan parin kami…” patuloy ko pero hindi ko na naidiretso nang nakita ang bilis ng pagpunit niya sa isang sobre.

He opened a letter up. Mabilis at marahas din ang pagbuka niya ng papel. His jaw clenched. Nakalimutan ko tuloy ang dugtong sa sasabihin.

“Bakit?”
He laughed mockingly. Ang mga mata niya’y nanatili sa papel.
“You have a love letter.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Comments are closed.