Sands of Time – Kabanata 1

March 15, 2018 By In Sands Of Time Comments Off on Sands of Time – Kabanata 1

Kabanata 1
Name

Isang maputi at maliit na kambing ang nakatitig sa akin. Tumitig rin ako sa kanya. Isang lubid ang nakatali sa kanyang leeg. Gumaling sa sakit ang nakababatang anak ng isa sa pinaka mahirap na pamilya ng nayon.

They are all wearing muddy clothes, halatang kagagaling lang sa pagsasaka. Nanginginig ang kamay ng kanilang padre de pamilya nang ihandog sa akin ang lubid kung saan tinali ang kambing. I know that it’s all they have.

“Tanggapin n’yo po, Mahal na Diwata, ang aming handog pasasalamat para sa inyo.”

Kinuha ng isa sa mga babaeng tauhan ni Papa ang lubid ng kambing. Hindi ako bastang nahahawakan ng kahit na sino, lalo na sa altar ko. Umiling agad ako. To take the only possession they have is just so cruel. Kahit pa sabihing inihandog nila iyon. It’s cruel. Lalo na dahil alam ko, hindi malubha ang naging sakit ng bata. Pahinga lang ng ilang araw at gagaling ito. I did not study medicine but through the years of doing this, I slightly know some things about it.

“Huwag na po,” banayad kong sinabi sa nakayukong pamilya sa harap ko.

My father’s shadow slightly moved. Alam ko na ayaw niyang tumatanggi ako sa kahit ano. Sigurado rin ako na naningil siya. Ang pagtitiwala at pagsasama ng mga taong narito ang nagtutulak sa kanila na sundin ang gusto ni Papa. My father is just taking advantage.

“Ang mabuti pa, iuwi n’yo na lang po ang kambing ninyo. Makakatulong po iyan sa pangkabuhayan-”
“Mahal na Diwata ng Liwanag, malinaw na nakasaad na ang sino mang gustong mabiyayaan ng pagpapala ninyo ay magbibigay ng mga mahahalagang bagay galing sa kanila…” nakayukong sabi ni Papa.

Umiling ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ako ng lakas ng loob at paninindigan na hindi ko dapat tanggapin ang alay nila. Hinahayaan ko lang ito noon pero ngayong mas malinaw na sa akin ang katotohanan, ayaw ko nang magpaloko pa.

We have almost a hundred constituents here. Lahat sila, sinasamba ako. Lahat sila, nag-aalay para sa ikabubuti ng pamilya. They all give their sacrifices in form of material or money. Kahit pa walang wala na sila. Kahit pa, hindi na makatarungan.

“Tanggapin n’yo na po ang alay namin. Para po talaga sa inyo ang kambing na iyan.”

Hindi na ako natuto. Sa kagustuhan kong tumulong, itama ang mga pagkakamali, nakakalimutan ko kung sino ang tunay na dapat sundin sa nayong ito.

“Hindi ba sinabi ko naman sa’yo na tatanggapin mo ang lahat ng iaalay?!” pagalit na sinabi ni Papa pagkatapos niya akong higitin patungo sa isa sa mga bribadong kwarto ng bahay.

Hinaplos ko ang aking palapulsuhan para maibsan ang hapdi ng pagkakahila niya sa akin.

“Nakakaawa na po sila. Halos wala na silang makain dahilan ng paulit-ulit na pagkakasakit-”
“Wala akong pakealam, Leil! Kapag sinabi kong tatanggapin mo, tatanggapin mo!”
“Papa, maawa naman kayo sa kanila-”
“’Yang mga ‘yan ang nagpapakain sa’yo kaya bakit ka pa aangal!? Kaya ka nakakapag-aral gaya ng gusto mo, dahil nag-aalay ang mga iyan!”
“Akala n’yo po ba hindi ko alam na kasinungalingan lang ang lahat ng ito?” I said when I lost it.

Takot ako kay Papa. Pero dahil malayo ako sa abot niya at may tatakbuhan ako palabas ng silid, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita ng ganoon. Namilog ang mapupulang mata ni Papa. Sumugod siya sa akin at agad akong tumakbo sa pintuan ng kwarto. Nang nakita niyang may tatakbuhan ako ay tumigil siya.

“Ikaw ang pinagpala ng Panginoon. Ikaw pa ang hindi maniniwala sa kanya?” he said bitterly.

Nagpupuyos ay nagpatuloy ako sa pag-alis sa silid. Nagdadalawang-isip ako kung naniniwala ba talaga si Papa o ginagamit niya lang ang lahat ng ito para sa pansariling interes. I want to think of the better of him. But I will always end up confused after.

In my own home, I feel trapped. Dahilan kung bakit sinasamantala ko talaga ang libreng oras ko. I make sure that I get out of the village. That’s the only way I can feel free. Basta’t makauwi lang ako sa oras ng pagdadasal sa tamang araw, at oras ng paggamot.

Bumukas ang pintuan ng mga Avila para sa akin. Inanyayahan ako ni Ma’am Luz na pumunta sa kanila para makapag-aral naman ng kaonti ngayong summer. Para narin maayos ang marka ko pagdating ng sunod na taon.

“Leil… Andyan ka na pala…” said my teacher.

Pero bumaba ang tingin niya sa dala-dala kong hayop. Ang batang kambing na inalay sa akin noong nakaraang araw ay dinala ko ngayon. Hinayaan naman ako ni Papa na gawin iyon. Mas gugustuhin ko pa ang may dala-dalang hayop kesa sa hayaan ito sa nayon at baka maisipan lang ni Papa na kainin ito.

“Ba’t may dala kang kambing?”

Nahihiya akong ngumiti at itinuro ang isang pandak na niyog sa bakuran. May mga damo sa gilid kaya mainam itong lugar para itali ang kambing.

“Alaga ko po. Pwede ko po bang itali na lang muna siya?”
“Ay naku! Paano ‘yan? Balak pa naman ng Lola Brosing mo na isama ka sa lakad. Hindi naman pwedeng isama mo ang kambing na iyan.”
“Ganoon po ba? Pero pwede ko po bang itali na lang siya rito hanggang sa makauwi kami?”
“O… sige. Itali mo sa may puno, Leil.”

Ngumiti ako at hinatak na ang kambing. Humiyaw ang puting kambing, mukhang nagpoprotesta sa gagawin kong paghila.

“Halika na! Buti nga dinala kita rito. Kung iniwan kita sa bahay baka niluto ka na ni Papa!” sabi ko sabay hila rito.

Ilang sandaling pag-aagawan namin ng kambing ay matagumpay ko naman siyang naitali sa puno ng niyog. Sa loob naman ng bahay ay tiningnan ko ang kalagayan ng batang kambing na dala ko, it looks fine so I felt relieved.

Ang gusto ko tuwing pumupunta ako rito kina Ma’am Avila, palaging may handang meryenda. Ang mga pagkaing hindi ko madalas nakakain sa village, naroon. Softdrinks, juice, cake, at kung anu-ano pa. Ang sabi nga nila, napag-iiwanan na ng panahon ang pamumuhay namin doon. Kaonti lamang ang nakakarating sa sentro ng Costa Leona. Ang iba’y ipinanganak at namatay na lang nang hindi nakakalagpas sa madilim na kagubatang matapang kong tinatahak patungo rito.

Matakaw kong kinain ang isang chocolate cake. Pinanood ako ng dalawang nakakatandang ginang sa harap ko. Nahiya tuloy ako kaya nangiti ako at huminahon.

“Sabihin mo nga sa akin, Leil, paano mo ba ginagamot ang mga tao?”

May mga bagay na kaya kong sagutin pero hindi ko pinapaniwalaan. Ginagamot ang mga tao? Talaga bang ako ang gumagamot? Ang paniniwala ng iba? Pero kung kasinungalingan ang pinaniniwalaan nila, sino, kung ganoon ang gumagamot sa kanila?

“Alam mo kasi, isang matandang taga karatig bayan ang dumayo sa inyo noong nakaraan, hindi ba? Nagpagamot sa’yo.”

Tumango ako. Ganoon nga ang nangyayari. Some new believers… hopeless with the modern medicine… goes to us and offer my father money for the rituals I will perform.

“May mga damo at dahon akong pinapainit sa isang kandilang alay ng Diwata. Sinasabi ko rin ang sanitatem bilang dasal, pero depende po sa uri ng gagamutin ko,” diretso kong sabi. “Kung sugat, o pamamaga lang, o hindi kitang sakit, o kahit ano.”
“And we’re you taught by your holy god or goddess?” nag-aalalang tanong ni Ma’am Avila.

Yumuko ako at hindi na nakasagot. Alam niya na ang sagot riyan.

I’ve read books about other religions. How they all rose. Tila lahat ay galing sa isang milagro ng sugo. I cannot forgot how my father just told me to memorize it all and perform those things, holding my faith for Someone up above, as hostage. Na kung susuwayin ko siya’y para ko na ring sinuway ang Panginoon.

“Pasensya na, Leil. Concern lang talaga ako sa’yo. Ang bata mo pa para sa lahat ng ito. You ahve a bright future ahead,” sabi ni Ma’am.
Ngumiti ako. “Alam ko po, Ma’am. Magsisikap po ako para balang araw masasagot ko ng maayos ang lahat.”
“Bukod sa panggagamot, hija, ano pa ang ginagawa mo?” singit naman ng matandang Avila.
“Nagdadasal din po ako para sa maraming ani.” Kumislot ako nang may naalala. “Minsan na rin po akong nakapagsumpa ng iilang tao.”
“Sumpa?” usisa ni Ma’am Avila.

I know. I’ve cursed a group of children because they bullied one of the children on the village. Pumunta ang mga magulang noong bata sa amin at pinagdasal na magkasakit ang lahat ng umaway sa anak nila dahil sa paniniwala. I hated that one but like usual, my father made me do it.

Hindi ko alam anong nangyari sa mga batang sinumpa ko. Hindi na rin inalam ng lahat. Parang kontento na sila, naniniwala na sila, na naaksyunan ko na ang nangyari.

“Tama na, Luz. Umalis ang bata sa kanila para makawala. Hindi na dapat pa natin siyang tinatanong ng ganito.”

I can sense my teacher’s protest. Tila marami siyang gustong ipaliwanag at itama sa mga ginagawa ko pero tumigil na lang siya at tumango.

Espesyal sa akin ang araw na ito kumpara sa ibang araw na pinpapunta ako ng mag-inang Avila. Isasama kasi ako ni Lola Brosing sa Casa Riego. Oo, Casa Riego. Ang mansyon lang naman nina Raoul Riego.

I’ve been there before. Una ay iyong kasama ko si Papa, noong nine years old pa lang ako. Birthday iyon ni Felicia Riego at naimbitahan kami. It’s actually very embarassing that time. May engrandeng party pala at tahimik ang mga tao noong pumasok kami. PInagtitinginan kami ng Papa. Akala siguro nila sinong espesyal na mga panauhin dahil talagang sinundo kami ni Felicia Riego sa pintuan pa lang.

It’s a magical moment for me. To be in a very big mansion with people dressed like prince and princesses. Hindi man kami nagsuot ng gaya nila’y nakaputing bestida naman ako noon at ang mahabang buhok ay hinayaang nakalugay.

Kumain kami sa mahabang lamesa. Walang ibang tao kundi si Papa at si Felicia Riego. She’s very kind to me. Nang hawakan niya ako para ipakilala sa anak para akong lumilipad sa ere. Her hand was so smooth and soft.

“This is my son, hija. Raoul, si Soleil, anak ng Tito Balthazar mo.”

The first time I saw Raoul, I was instantly astonished. I have never seen anyone as beautiful as him in the village. Kahit pa sa sentro ng Costa Leona. I adored him from that day on.

“Eto nga pala ang give away ng party. Enjoy the night, hija,” si Felicia Riego.

Raoul Riego handed me an hourglass. It’s my first time to have a “give away” from a party. I treasured it like a gift. Isang alaala na minsan akong napunta sa isang lugar na mukhang papangarapin ko na lang buong buhay ko.

Sa mga sumunod na pagpunta ko ay si Ma’am Avila at Lola Brosing na ang mga kasama. Parehong magaling ang mag-ina sa pag-aarrange ng mga aklat sa library. Dewey Decimal Classification ang gamit nila, walang may alam kahit sino pa sa mga kasambahay kaya kinakailangan ng tulong ng mag-ina. Sumasama ako pero wala ang pamulya Riego dahil hindi summer kaya nasa Maynila sila.

Minsan naman, kahit hindi summer, si Felicia at Hades Riego ay nasa bahay lang. Naaabutan ko sila, pero hindi kailanman si Raoul. Tuwing summer lang siya narito. Gaya ngayon. Kaya naman, sobra ang excitement ko.

“Dito po…” sabi ng isang de unipormadong kasambahay.

Diretso ang lakad ni Lola Brosing. Naiwan si Ma’am Avila dahil mukhang tumanggap yata siya ng summer tutorial sa kanila kaya kaming dalawa lang ni Lola.

Sumulyap sa akin ang kasambahay. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I smiled at her. Hindi naman siya nagreact at dumiretso na patungo sa library.

Kahit ilang beses na akong napunta rito, namamangha parin ako sa buong mansion. Galing sa katolikong simbahan, kung saan malapit ang bahay ng mga Avila, mahigit isang kilometro pa kaliwa ang kinaroroonan ng Casa Riego. Pero ang lupaing harap ng simbahan hanggang sa dulo ng mga bulubundukin ay sa mga Riego na. At iilang kilometro pa ang lapad noon kung sa kalsada susukatin.

Galing sa gate nila, malayo pa ang tatahakin hanggang sa maabot mo ang mansyon. Mahabang hilera pa ng mga sinadyang puno at halaman ang tatahakin bago ka makaabot sa tatlong andanang puting mansion, ang ancestral house ng mga Riego, ang Casa Riego.

Four large french pillars were on the protruding frontage of the mansion. Ang apat na posteng iyon ay nililukan ng baging at dahon. Pagkapasok ay walang kapintasan ang marmol na sahig, karpetado ng pulang mamahaling tela. Pag-angat ng tingin ay sa parehong kulay ng marmol, ang kisame ay parang langit na tahimik. Ang mga iilang nahuhulog na chandelier ay tila mga bituin. The large french windows and doors were all white, like all the walls inside. At sa likod ng mga pintuang iyon, nakikita ko ang terasa na may mga upuan at lamesa, perpekto sa isang araw ng pagbabasa ng libro.

The gold rustic bannisters and the grand marbled staircase in the middle sent shivers down my spine. Oo, sa gitna. Dahil may dalawa pang mas maliit pero engrande paring mga hagdanan sa magkabilang panig ng buong tanggapan.

All of it were whites. Only accented by rustic golds in the bannisters and some outlines on the walls. Even the long and thick curtains were creamy white. Ang tassel at iilang outline ay kulay ginto.

They also have sculptures. Dalawang sculpture ng ninuno ni Raoul ang nasa magkabilang panig ng hagdanan. At kung ipagpapatuloy ko ang pagkakamangha, maiiwan na ako ni Lola Brosing.

“Ang daming aklat!” puna ko pagkaalis ng naghatid na kasambahay.

Maayos naman ang pagkakalagay ng mga aklat pero may iilan nga lang daw na wala sa tamang sistema ng Dewey Decimal kaya iyon ang inaayos ni Lola Brosing. Tinutulungan ko siya tuwing may mga utos siya sa akin pero kapag wala naman ay sinasamantala ko ang pagkakataon na tumitingin tingin sa mga librong wala sa library ng mga Avila.

Halos lahat ng naroon sa isang shelf ay tungkol sa arkitektura. And I got lost in the beauty of the places outside the country.

Isa pang kumuha sa atensyon ko ay ang iilang kopya ng magasin sa isang malapad na lamesa. On the small part of the cover is a picture of Raoul and some of his teammates.

Nagmadali akong pumunta sa tamang pahina upang mabasa ang lahat ng tungkol sa kanya at sa lahat ng nangyayari.

They are an over all champion in a competition. Ipinakilala ang bawat miyembro ng team at ang tanging binasa ko lang ay ang tungkol kay Raoul.

Name: Raoul Vesarius Riego
Age: 18
Course: BS Civil Engineering
Height: 181cm

Binasa ko ang narrative tungkol sa kanya. Naka ilang panalo sa MMA, walang talo. Miyembro rin ng basketball team, at minsan na ring naglaro para sa ibang sport para irepresenta ang kanilang kurso. He’s a consistent Dean’s Lister and is known for being good in Polo.

Polo? Damit?

“Leil, paki lagay nito sa shelf na pang arkitektura…” bilin ni Lola Brosing na sinunod ko naman.

After all our hard work, pinag meryenda kami roon. Nag-usap si Aling Wanda at si Lola Brosing. Panay ang tingin ko sa malalaking pintuan at wala namang nagpapakitang may bahay. I wonder where Raoul is? Maybe with his friends?

Kontento naman ako nang umuwi kami ni Lola Brosing. Wala si Raoul pero nabasa ko naman ang iilang impormasyon tungkol sa kanya kaya masaya na ako.

Kasama ang alaga kong kambing ay umuwi na ako. At dahil paniguradong didilim na bago ako makauwi, kinuha ko ang isang shortcut patungo sa amin. Isang daanan na hindi ko pinupuntahan sa takot sa mga ahas at iba pa. Doon din malalaki ang mga puno. Ang mga ugat nila’y nakalatag sa lupa kaya hirap ang pagtahak. Pero kung ipagpapatuloy ko naman, isang oras lang ay nasa nayon na ako.

“Halika rito!” sabay hila ko sa kambing na nahihirapan din dahil sa naglalakihang ugat.

Labing limang minuto, natanto kong mas matatagalan ako dahil sa kambing kaya binuhat ko siya para mas mabilis ang lakad ko. Mabuti na lang at hindi naman gaanong mabigat ang kambing kaya ayos lang.

Sa dulo ng gubat na ito, naroon ang isang may kalakihang kamalig ng mga Riego. Walang tao roon madalas kaya pag nakikita ko na iyon, ibig sabihin susundan ko na lang ang sapa, makakauwi na ako sa amin.

Nakakatakot na mga huni ang naririnig ko pero binalewala ko iyon. Ang iilang halaman ay sumusugat na sa aking binti pero hinayaan ko na rin. If I stop, I will waste time. Wala rin namang mangyayari kung titigil ako para tingnan ang mga sugat.

Sa malayo ay tanaw ko na ang kamalig. Nagulat ako nang nakitang may usok sa kung saan. Akala ko may nasusunog pero nang narinig ko ang tawanan ng iilan ay natanto kong may mga tao roon.

My heart jumped when it dawned on me. Baka wala si Raoul sa kanila dahil nandito siya sa sapa kasama ang mga kaibigan niya?

Binitiwan ko ang kambing nang nasa mas magandang lupa na kami. Humiyaw ito kaya agad akong yumuko.

“Shhh!” sabi ko kahit na hindi naman naiintindihan.

Tawanan at asaran ang narinig ko, palapit pa lalo. But I figured the laughs were from the loungers, barbecues, and tables near the stream, hindi sa kamalig. Hinatak ko ang mabagal na kambing at nagpatuloy sa paglalakad.

I craned my neck to see who were there. I saw some familiar faces. Ang iba’t pamilyar sa akin dahil sa nabasang magasin kanina. These are Raoul’s friends from Manila. Some are from here but most were from Manila, I’m sure.

Pati ang mga babae, mga kaibigan nga ni Raoul dito sa Costa Leona. They are all easy to spot. At alam ko, purong mga anak ng mayayamang angkan ang mga ‘yan, dito sa Costa Leona, at karatig pang lalawigan.

Palapit sa kamalig ay mas lalong umugong ang tawanan. Pero isang halinghing ang narinig ko nang natapat ako sa may bintana noon.

One glance and I saw a man and a woman, inside. My eyes widened when I realized that the familiar shape of that body is Raoul’s.

Nagmamadali akong lumapit sa bintana, kasama ang kambing. Mahirap siyang hatakin dahil ayaw lumapit pero pinilit ko. When the view from the window wasn’t enough, I went to the door. Ang siwang sa pintuan ng kamalig ay ang naging bintana ko para makita ang nangyayari.

Isang maputing kama ang nakita ko sa loob. Nakaupo ang isang babae, hindi ko tanaw ang mukha. Her long legs were spread far apart and Raoul’s waist is in between them.

I saw Raoul’s hand move from her chest down her stomach… pababa hanggang sa hindi ko na makita dahil natatabunan na ito ng kanyang malapad na likod.

Raoul is topless. His body is muscular. Tama lang sa kanyang tangkad. He’s wearing a faded jeans that hung so low that I can properly describe a bit of his round and firm buttocks. His shoulders were broad and powerful. His back is long, masculine, and fit. The thick layers of muscle grooved his spine. At nang inangat niya ang bestida ng babaeng kasama ay nakita ko ang pag-igtingan ng kanyang braso at ang mga ugat nito.

The girl moaned and laughed cutely. My eyes widened more when I realized that they are kissing. I saw her lips turn so red after Raoul tilted his head for a deep kiss.

Napabuntong-hininga ako. Tinabunan ko ng palad ang aking bibig. Bago pa ako makalma ay humiyaw ulit ang batang kambing sa tabi ko. The girl shrieked with fear for the unknown sudden sound. Napatalon naman ako sa kaba na baka makita ako lalo na noong nilingon na ni Raoul ang pintuan.

Bago niya pa ako makita, tumakbo na ako. The poor baby goat looks so miserable when I saw it almost choking because of my forceful run.

“Tumakbo kasi tayo!” sabi ko pero sa huli ay niyakap ang kawawang kambing at inangat na para hindi na makapag aksaya ng panahon.

“Uy! Uy may bata!” narinig ko galing sa isang lalaki malapit sa sapa.

Mabilis akong tumakbo at alam ko ang pasikot-sikot kaya ginamit ko iyon para makalayo. But then, I forgot that he’s friends were older than me… have more strength than me… and more athletic than me.

Dalawa sa mga lalaking hindi ko kilala ay humarang sa akin. Dahil mabilis ang takbo ko, hindi ako agad nagkaroon ng lakas para tumigil kaya tumama kaming dalawa ng kambing sa dibdib noong lalaki.

“Saan ka pupunta, huh? Nagnanakaw ka, ‘no?” paratang noong isa.

Tinulak ako ng natamaan ko. Sabog ang aking mahaba at maalong buhok. Mahigpit ang yakap ko sa kambing. Natatakot na baka hingin nila ito sa akin bilang kapalit.

“H-Hindi po. P-Pauwi lang po ako sa amin,” sabi ko, takot.
“Pauwi? Bakit ka nakatayo doon sa barn house? May ninakaw ka roon? Naninilip ka?” sabi ng lalaking tinamaan ko kanina.

“Sino ‘yan?” tinig ng babae galing sa sapa.

Umiling ako at inayos ang sumabog na buhok. The other boy’s eyes widened. Nagkatinginan ang dalawa.

“Uuwi na po ako…” nagmamakaawa kong sinabi.
“Su-Sumama ka samin…” nag-aalinlangang sinabi noong isa at hinawakan ang sa braso.

Hinila niya ako patungo sa sapa, kung nasaan ang ibang kaibigan. Yumuko ako at hinayaang tabunan ang mukha ng buhok. Pati ang dala kong kambing.

“Sino ba ‘yan?” tanong ng isa pang babae.
“Ay naku! Istorbo!” another girly voice said.

Through the strands of my brown hair, I leveled my head to see who’s there. Nakita kong naroon na si Raoul. Kasusuot niya lang sa isang kulay abong t-shirt. Ang babaeng nakatayo sa likod ay nakahalukipkip. She’s wearing a flowy top and white mini skirt, taliwas sa nakita kong eksena kanina sa loob ng kamalig.

Titig siya sa akin, mukhang galit. While Raoul went to a small round plastic table. Nagsalin siya ng tubig at uminom. Sumulyap siya sa akin pagkatapos uminom ng tubig.

My heartbeat doubled. Inayos ko ang buhok ko. Nilagay ang iilang tikwas sa likod ng aking tainga at inangat ang tingin sa lahat ng naroon. Natahimik sila. Siguro’y namangha sa kambing na dala ko.

Binaba ko ang kambing. Humiyaw ito at agad kong sinaway na tumahimik na muna.

“Bitiwan mo, Peter…” Raoul’s voice sounds like a growl from a large animal.

He sighed heavily and looked at me. Binitiwan ako ng lalaking katabi. Hinawakan ko ang braso kong mahapdi dahil sa pagkakahawak nito.

“Naninilip yata ito… O ‘di kaya’y nagnanakaw, Raoul,” sabi ng isa pang lalaki.

Raoul’s eyes bore into me. He didn’t look friendly. In fact, he looks dangerous and almost brutal. The way his jaw moved and the way he licked on his lips sent shivers down my spine. He looks harsh, cruel… Pero paanong matipuno at guwapo parin siya kahit na ganoon?

“H-Hindi ako nagnanakaw.”
“Ah? So nanilip ka lang?” sabi noong babaeng kahalikan ni Raoul sa kamalig.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Iilan sa mga lalaki ay nanatiling seryoso at nakatingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko at napayuko na lang.

“Bakit ka nandito? Galing ka sa gubat?” Raoul asked.
Tumango ako.
“Malapit nang dumilim. Hindi mo ba alam na maraming mabangis na hayop sa gubat? Bukod pa sa masasamang tao?”
“S-Sanay naman ako…” sagot ko.
“Iyon naman pala, Rao. Dito na lang muna ‘tong batang ‘to. Ihahatid ko na mamaya,” sabi ng isa sa mga kaibigan niyang lalaki.

Ano? Raoul turned his head towards that friend. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa ekspresyon ng kanyang kaibigan. Tumango ito na tila may naiintindihan.

“Just kidding, pare…”

Then Raoul turned to me again.

“What’s your name again?” he asked.
“S-Soleil…” maliit ang tinig ko nang sagutin ko siya.

He nodded gently. He licked his lower lip before finally responding.

“Leil, saan ang bahay ninyo?”

Leil… Leil… Kailanman hindi ko inisip na maganda pala ang tunog ng pangalan ko. Ngayon lang. Nang banggitin niya. Ngumiti ako at itinuro ang kalaunan ng sapa.

Sinundan niya ng tingin ang aking kamay. He nodded then turned to me again.

“Are you sure you know how to go home alone?”
“Palaboy yata ‘yan, Rao. Hayaan mo na…” sabi ng isang babae.
Tumango ako. “Sanay ako.”

Raoul nodded again.

“Umuwi ka na, kung ganoon. Bago pa dumilim.”
Tumango ulit ako.
“And I’m sorry if we scared you.”
“Ayos lang…” sabay ngiti ko.
“You should really get going. It’s late…”

I nodded once more before I finally turned. Hinila ko ang kambing na dala at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang nakalayo ay nilingon ko ang kinaroroonan nila. Nagtatawanan na ang mga kaibigan ni Raoul. Siya naman ay nakaupo na sa upuan, nangingiti sa asaran.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Natigil lang ako nang nakita kong sumulyap siya sa kinaroroonan ko.

And that was the highlight of my eleventh summer in this world.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

2

Comments are closed.