Non-Teen Fiction

every beast
Every Beast Needs A Beauty
Read Here

Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro sa kanya ngayon ay ang pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay: ang kanyang ina. Hindi pa nakakabangon sa sakit ay pinili niyang magpakatatag at mabuhay para sa sarili at para sa mga pangarap.

Life is hard but it’s easy to be strong. Iyon ang panlaban niya, ang pagiging matatag at pursigido. She was invincible because of that, but will she still feel invincible with a beast around? Lalo na pag napaibig na siya nito? Mahina ba talaga ang mga babae pag dating sa pag ibig? Because she was sure as hell beginning to lose all her strength.

Ano nga ba ang gagawin Sunny kung ang magiging hadlang sa kanyang maabot ang lahat ng gusto ay ang siyang magpapaibig rin sa kanya ng husto? Worst. May magagawa talaga kaya siya?



one night
One Night, One Lie
Read Here

It was wrong to be near her. No. He shouldn’t be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it’s pretend-love every night and the show is over every morning. Kaya illegal ang makaramdam ng constant attraction para sa isang babaeng hindi niya naman gaanong kilala.

But when Aurora Veronica wore that freaking corporate uniform, the walls he tried to build so hard came crashing down. Come on, Brandon, who are you kidding? The girl looked innocent but she’s damn hot with those killer heels. It probably won’t hurt that much. After all, it’s just a game.

It’s just a game. Yes, it’s just a game. Just one night. One night. It only takes one night to believe all the lies.

give in
Give In To You
Read Here

Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pamilya. She would climb mountains and swim vast oceans just for the happiness of her beloved parents and family. Pero minsan, sa sobra sobrang pagmamahal sa ibang tao, nakakaligtaan na ang pagmamahal sa sarili. Is it really worth it? She shouldn’t ask right? It’s family!

But then… how could one person make her doubt her decisions?

Is it really worth the sacrifice? To give all of her? To give everything? To give up everything? All for what she’s been hoping for since time immemorial?

heartless-book
Heartless *Published*
Read Here

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang oras na lang ay pasko na. Yung feeling na tatlong araw na lang simula na ulit ng pasukan. Yung feeling na nasa gitna ka pa lang at di ka pa nakakarating. Yung feeling na malapit na pero hindi pa. Yun ang laging gusto ko. Yung nasa gitna pa lang. Yung nasa gitna ka ng dalawang bagay. Gitna ng isang building. Gitna ng langit at lupa. Gitna ng dalawang matatabang tinapay. Gitna ng byahe papuntang disneyland. Mas gusto ko yung feeling tuwing nagbabyahe kesa doon sa nakarating ka na. Mas gusto ko yung feeling na may inaantay ka kesa doon sa nandyan na.

I always like the things in between.

“You only like things in between, Coreen. You only like the chase… You only want me chasing after you. You don’t want to decide… Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don’t think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko… You are just too heartless.”



piano
Worthless
Read Here
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he’s probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan at takot. Kailanman ay hindi niya naisip na darating ang araw na susuko siya at mapapagod. Never. Noah will end up with her no matter what. But is it really right to love him intensely at a very young age? Her family didn’t believe in love. They think it’s pure sentiment. They think purely loving someone with your heart was wrong. Binigyan tayo ng Panginoon ng puso at utak. Puso, para maramdaman ang sentimento. Utak, para mapag isipan kung dapat bang tanggapin ang sentimento ng puso. We have to identify who’s the better judge.

But then again, do we always have that chance to judge? Paano kung ipaglaban mo man iyon ay wala ka parin namang halaga? How are you going to fight for your heart when you know from the very beginning you will lose? That you are Worthless?

Why do we all want this? To love what does not love us. To leave those who want to stay. To push away those who want to stay close. To treasure what is worthless.

why hate me
Why Do You Hate Me
Read Here

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden Corpuz. Hindi pa kailanman ito nangyari sa buhay niya. Simula pagkabata, mahal na siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ni isa, mapa babae o lalaki, wala siyang naging hater. At ngayong 21 years old na siya, saka pa siya magkakaroon ng hater? At sa katauhan pa ng lalaking gusto niya? How did that happen? Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, pero bakit ang isang ito, naiirita sa kahit simpleng paghawi niya ng buhok?

Ang kwentong ihi-hate mo.



training to love
Training to Love *Teen Fic*
Read Here

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat araw-araw. Lahat nalaro mo na, poker hanggang pag-ibig naipanalo mo na. Kung sana may pwedeng paglaruan. Yung unique. Yung nakakatuwa.

Nang dumating siya sa buhay ko, natuwa ako kasi pinaglaruan ko siya. Humingi siya ng pabor. Binigay ko. Nagpaturo siya. Tinuruan ko. Humingi siya ng masasandalan. Binigay ko. Kasi nakakatuwa siya! Pero habang tumatagal, bakit siya na yung natutuwa at ako na pinaglalaruan?

Hate. Lies. Temptations. Betrayal. Pain. Love. All in one. Training To Love.

baka sakali-1
Baka Sakali 1
Read Here

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal.
Dahil…
Baka Sakali…
Baka Sakali…

baka sakali-2
Baka Sakali 2
Read Here

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil…
Baka Sakali…
Baka Sakali…

Pero hanggang saan ang pagbabaka sakali mo?



baka sakali-3
Baka Sakali 3 *ON GOING*
Read Here

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal.
Dahil…
Baka Sakali…
Baka Sakali…

Kaya mo bang sumuko sa pagba baka sakali?

mapapansin-slide
Mapapansin Kaya? *Published*
Read Here

Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot?

“Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?”

Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant?

Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.

end this war
End This War
Read Here

Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinaiyak ka na?

Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?

whippped
Whipped
Read Here
Entice Ralene dela Merced Esquivel owns Alegria. Siya ang spoiled brat ng mga dela Merced. All her whims, laging nasusunod. Lahat-lahat. Kaya hindi siya sanay na may bagay siyang hindi nakukuha. Hindi niya nakukuha ang atensyon ni Knoxx Montefalco. So she did everything to get his attention. She was determined to make him fall so hard for her. No one can stop her, even Knoxx’s friend.

Kahit gaano niya pa ka alam na in love si Lumiere kay Knoxx, hindi niya tinigilan si Knoxx. But then a tragedy shattered her heart into millions of pieces. A tragedy she never thought to be possible.

Talaga palang hindi mo makukuha ang lahat ng bagay sa mundong ito kahit gaano mo pa kagusto. May mga bagay talagang sadyang hindi para sayo. There are loves you just can’t hold alone. Loves who will drift no matter how tight you hold them. People who just can’t be yours no matter how whipped you are.



ripped
Ripped
Read Here
No one is good enough to deserve the beautiful Freya Cuevas of Alegria. She’s witty, smart, and confident. Lahat halos sa buong campus ay hinahangaan siya. From the consecutive wins to topping her batch’s classes. Lahat ng iyon, nangunguna siya. Kahit yata sa puso ng pinakahahangaang lalaki sa kanilang eskwelahan.

Her life is perfect. She can control anything and anyone. It’s so easy! Kaya naman mabilis siyang na chachallenge sa isang bagay. She did everything perfectly for it. She played with it like it’s just a funny game.

Pero nang isa-isa na nitong nakuha ang lahat ng noon ay sa kanya, napagtanto niyang nagkamali siya. She ruined her own titles. She destroyed her own name. She ripped her own heart.

ripped
Tripped
Read Here
Lilienne Altamirano is not your typical probinsyana. Taliwas siya sa stereotype ng mga probinsyanang mahinhin at mahiyain. She’s a wanderess. A lioness. She can tame every sheep. And she can’t be tamed. By anyone. Or probably by anything. Or that’s what she thought. Dahil may isang bagay na hindi niya kayang gawin. Isang taong hindi niya kayang paamuin. Iyon ang pinagtuonan niya ng pansin. All her steps, little by little, are leading to him. Dahil, hindi, hindi siya naniniwala na hindi niya iyon kayang gawin. She can do it, you see. She’s Lilienne Altamirano!

She thinks she’ll succeed, only to find out that she didn’t tame him, he tamed her. She toppled, stumbled… complete with bruises… and the pieces of her heart were scattered on the ground… Because it was all too late. It’s all too late. She tripped. Alone. Fell. All alone. Gone. Alone.

She made sure she won’t make the same mistakes again. Alegria, she’ll be back with the bruises all healed and her heart whole again. She vowed to never fall again. That’s for sure now. But then again… she tripped.

scorchinglove
Scorching Love
Read Here
Nieves Solanna Galvez or Snow is the young, stern, and efficient heiress of the biggest hotel in Costa Leona. Natural na responsable at magaling magdesisyon dahil natutong maging independent sa murang edad. Ano nga ba ang pwedeng kahinaan ang isang tulad niyang lumaki sa karangyaan, with a clear plan in the future?

Deep-rooted hate, life changing decisions, thirst for revenge, how can a spark of love win? Pinanatiling baga para lang mabalikang nag-aalab parin ngunit sa pagbabalik… Paano kung ang inaasahan mong apoy ay natupok ng mga nangyari sa nakaraan? Can Snow really light a love that lost it’s spark? And will that love be enough to burn for a lifetime?



wavesofmemories
Waves of Memories
Read Here
Without her memories, Thraia Gabriella Fortunato doesn’t have a clue about her past. Kung paano siya dinala ng mga alon sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya ay lagpas na sa kanyang pang-unawa. With only a stranger who says he is her husband and friends who don’t have any clue of her past, too, she started to doubt everything.

Paanong may napapanaginipan siyang ibang lalaki? At paanong tuwing nananaginip siya’y halong pait at saya ang nararamdaman niya. And every time she wakes up looking at her husband’s eyes, the stranger, Ali Mercadejas, she feels nothing but indifference. Very opposite to the way the man of her dreams make her feel.

In her journey to find the truth, will the waves guide her way back home or will it stretch the distance destiny has already given her?

Island of Fire
Read Here

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

365711