Worthless

Story Written: 2014

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he’s probably that hot and adorable. Kaya naman ay maaga niyang natutunan ang pag mamahal ng walang pag aalinlangan at takot. Kailanman ay hindi niya naisip na darating ang araw na susuko siya at mapapagod. Never. Noah will end up with her no matter what. But is it really right to love him intensely at a very young age? Her family didn’t believe in love. They think it’s pure sentiment. They think purely loving someone with your heart was wrong. Binigyan tayo ng Panginoon ng puso at utak. Puso, para maramdaman ang sentimento. Utak, para mapag isipan kung dapat bang tanggapin ang sentimento ng puso. We have to identify who’s the better judge.

But then again, do we always have that chance to judge? Paano kung ipaglaban mo man iyon ay wala ka parin namang halaga? How are you going to fight for your heart when you know from the very beginning you will lose? That you are Worthless?

Why do we all want this? To love what does not love us. To leave those who want to stay. To push away those who want to stay close. To treasure what is worthless.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • PrologueOpen or Close

    Prologue

    “What’s with the junk intake, Meg?” Tanong ng pinsan kong si Everlyse.

    Titig na titig ako sa malaking flatscreen namin. Dapat ay may sagot na siya sa tanong na iyon. Hindi ko na siya sinagot. Dahil sa panunuya ng kanyang boses ay alam ko na kaagad kung ano ang pinaparating niya.

    Pinapak ko ulit ang nakalatag na Cheerios sa aking tiyan habang pinindot ang repeat button sa remote control.

    Everlyse smiled. Ni hindi ko na kailangang lumingon sa kanya para makumpirma ang ngiting aso niya.

    Tumunog ang plastik ng Cheerios. Kumuha din siy galing doon. Hinintay kong makakuha siya bago kumuha na rin ng akin at isinubo iyon, nakatitig parin ako sa flatscreen.

    “I know you’ve packed…” She trailed on. Wala parin akong masabi.

    Tinutok ko ulit ang remote control sa TV at nireplay ulit ang pinapanood ko sa Youtube. Gusto ko ang video na ito, klarong klaro ang mukha niya. Madalas kasing hindi makuha ‘yong mukha niya habang tumutugtog.

    “We should check the bags. Finalize, Meg.” Utas ng pinsan ko.
    “I’m not in the mood.” Sagot ko.
    “I know you’re thrilled. Or… what… I’m not sure if you are thrilled or scared.”
    Nilingon ko si Everlyse.

    She’s right. I’m thrilled and scared. Umaapaw ang excitement ko sa pag uwi namin ng Pilipinas. It’s been years. Ilang beses kong tinangkang umuwi pero hindi ako kailanman nagkalakas loob. Kahit sa pasko. I would rather stay in this cold place.

    “Oh my God. I can’t believe you’re still obsessed with the same boy for years!” Umirap at tumawa ang pinsan ko.
    “I’m not obsessed.” I said.
    “Ilang beses mo na ‘yang dineny. You told me years ago na you tattooed his name to forget!”
    “I tattooed his name to forget! But I didn’t.” Iling ko.
    “You’ve got to be kidding me. ‘Nong una, sige, pinabayaan kita since you are that broken little girl. But right now, Meg, ang masasabi ko, sayang lang ang ganda mo!”

    Bumaling ako kay Everlyse. Halos pareho kami ng features sa mukha. Magkasing edad kami at lumaki ng sabay. High cheekbones, thin pouty lips, straight hair, slender, and tan. Magkaiba kami sa parteng iyon. Maputi ako, mana kay mommy. Although I envied her bronze skin. Madalas akong nagyayayang magpa-tan para lang mapantayan siya. But you can’t change what’s natural. And maybe… it’s natural for me to love one boy for this lifetime.

    “Dapat ay matakot ka na. Pagdating natin ng Pilipinas, imposibleng wala siyang girlfriend. Paniguradong meron-“
    “I stalked him. Wala siyang girlfriend. Though, pakiramdam ko may kung ano sa kanila ni Coreen.”
    “Oh my God.” Irap ulit ng pinsan ko. “Couz, grabe. Ayoko na. You’re creeping me out. Don’t stalk him, alright?”
    Umirap din ako at tumingin ulit sa TV.
    “Ikaw ang nang iwan kaya ikaw ang umiwas ngayon. You can’t do that again.” Sabi ni Everlyse.
    “I’ll try hard to stop myself, Lyse. Iiwas ako, alright? So stop being so paranoid.”

    Tumikhim siya na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

    Alam ko ang ibig niyang sabihin. At alam ko rin naman na kahit anong gawin ko ay hindi na rin ulit ako tatanggapin ni Noah. Hindi siya tanga. Hindi siya baliw para sumugal sa akin.

    Ilang taon na rin ang nakalipas. Iyong mga pangarap niya ay unti unti ng natutupad. Iyong pangarap niyang alam ko. Malayo na ang narating niya. Hindi mahirap makahanap ng iba lalo na pag isa kang Noah Reigan Elizalde, ang gwapo at seryosong lead ng isang sikat na banda sa Pilipinas.

    Kahit noong hindi pa siya sikat, habulin na siya ng mga babae. Isa ako sa kanila. Mahirap ang ganon. Pakiramdam mo ay wala kang halaga. Pakiramdam mo ay katulad ka lang ng ibang babae niya. Ni hindi niya matingnan sa mga mata. Hindi niya napapansin.

    Tuwing nakikita ko siya sa corridor kasama ang mga kabanda niya noon ay halos mangatog ang binti ko. He’s that typical popular high school boy who came from a rich family, suplado, malakas ang dating, tahimik, at misteryoso. Girls would die for their group. And I would die for Noah.

    Araw araw ay nilalagyan ko ng sulat ang kanyang locker. Kasama ko pa ang pinsan ko. Siya ang look out ko. Pareho kaming naka kulay navy blue na uniporme at nanginginig sa takot. Ayaw naming mabuking.

    “Lyse tapos na!” Sabi ko pagkatapos kong ihulog iyon.
    “Bilis na! Magtago tayo! Parating na sila!” Sabi niya sabay takbo ko patungo sa kanya.

    Mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o excitement. Hindi ito ang unang pagkakataon na naghulog ako ng sulat doon pero ngayon, mas espesyal ang sulat kong iyon. I confessed my love for him. Madalas kasi pangungumusta lang ang nilalagay ko, pero ngayon buong puso ko na ang ibinuhos ko doon.

    Nakangiti ako nang lumiko si Noah sa locker room. Magkahawak kamay kami ni Everlyse habang sinisilip ang pag bukas ni Noah sa kanyang locker. Bumuhos ang lahat ng sulat galing sa loob.

    “Ang dami…” Bulong ni Everlyse sa akin nang halos naging bukid ng papel at envelope ang sahig.

    Pinasadahan ni Noah ng palad ang kanyang buhok at dinungaw ang mga sulat. Nagtaas siya ng kilay at halos matunaw ako.

    “Relax, Meg!” Sabi ni Everlyse nang naramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Halos mapaluhod ako doon habang nagtatago kami.

    Lahat yata ng ikinikilos ni Noah ay nakakapanghina. Kaya kong manood sa kanya sa kahit anong ginagawa niya araw-araw! Kahit na maligo siya sa harap ko, ayos lang! Sobrang okay! Halos matawa ako sa aking iniisip.

    Nag squat si Noah sa sahig para tingnan ang mga envelope. May biglang pumasok sa locker room. Iyong mga kabanda niya pala. Umingay ito at mas lalo kaming nagtago. Mabuti na lang at madilim ang parteng pinagtataguan namin kaya hindi kami nakikita.

    “Baka makita tayo ng kapatid ko, pagalitan pa tayo.” Sabi ni Everlyse.
    “Hindi tayo makikita ni Stan. Nag uusap sila, o.” Bulong ko, nakatitig parin kay Noah.

    “Ang hirap naman nong assignment sa Biology. Pakealam ko sa mga halaman. Tsss.” Sabi ni Stan, ang pinsan kong kambal ni Everlyse. Umupo siya at bumaling kay Noah. “Love letters na naman? Patingin ng isa, Noah.” Naglahad siya ng kamay.

    Nakita kong may hinawakang kulay pink na envelope si Noah. Nanlaki ang mga mata ko.

    “Akin ba ‘yan?” Nagpapanic kong tanong kay Everlyse.
    “Shunga! Blue ‘yong sa’yo!” Sabay sapak niya sa akin.

    Nakita kong dinampot ni Noah ang kalahati nong love letters sa kabilang kamay sabay bigay sa nakalahad na kamay ni Stan.

    “Sa’yo na ‘yan. Wala akong pake sa mga sulat na ‘yan.” Utas ni Noah.

    Nalaglag ang panga ko. Tumawa si Stan at hinayaang mahulog sa sahig ang ibang loveletters. Titig na titig si Noah sa isang love letter na nasa kamay niya.

    “Teka, kay Megan ‘to ah?” Sabi ni Stan ng nakakunot ang noo. “Pang ilang sulat niya na ‘to, Noah?”
    Uminit ang pisngi ko habang binubuksan ni Stan ang sulat ko!
    “Patingin?” Sabi nong ibang kabanda nila at pinalibutan ang sulat kong nasa kamay ni Stan.
    “I don’t know.” Sagot ni Noah.
    “Ilang beses ko nang nakita ‘yong mga sulat niya. Di parin talaga nagsasawa.” Sabi ni Stan sabay tingin sa sulat ko.
    “Shit! Everlyse!” Niyugyog ko si Everlyse.

    Hindi ako nahihiyang malaman ni Stan ang nararamdaman ko para kay Noah. Alam niya na na may gusto ako rito. Ang pinag papanic ko ay ang panghihinayang na hindi si Noah ang makakabasa ng sulat ko kundi si Stan!

    “Kanino ‘yang hawak mo?” Tanong ni Stan kay Noah.
    Hindi sumagot si Noah kaya si Stan na ang sumagot para sa kanya.
    “Kay Coreen?” Ngiti ni Stan.

    Piniga ng matindi ang puso ko. Sa lahat ng sulat na ibinigay sa kanya, isang sulat lang ang tiningnan niya. Ni hindi niya tiningnan ang nakabasa sa likod ng envelope ko. Ni hindi niya tiningnan ang envelope ko! Ibinigay niya lang iyon kay Stan na ngayon ay hinulog rin ni Stan dahil sawa na siya sa kakabasa ng tungkol sa damdamin ko para kay Noah!

    ‘Yong pinaghirapan kong sulat ay nahulog lang sa sahig! Mahigpit ang hawak ni Everlyse sa kamay ko.

    “Tara na, Meg. Umalis na tayo dito.” Bulong ni Lyse pero nag ugat ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako aalis!

    Tumayo si Noah at naglakad patungo kay Stan. Inapakan niya ang mga sulat na nakakalat sa sahig. Inapakan niya pati ang sulat ko! Inapakan niya ang mga damdamin ng mga babaeng gustong makipag kaibigan man lang sa kanya!

    “I’m gonna keep this.” Utas ni Noah.
    “Heck, I’d die for her letter, Noah.” Halakhak ng pinsan ko.

    Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas ako sa pinagtataguan namin ni Everlyse. Halos mapasigaw si Everlyse ng pangalan ko para lang mapigilan ako. Napatingin silang lima sa akin.

    Bumaba ang tingin ko sa sapatos ni Noah na nakaapak sa sulat ko. May sumipol, hindi ko alam kung si Ynigo ba ‘yon o isa sa mga kabanda nila.

    “Megan, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Stan. “Lyse?”

    Nasa baba parin ang tingin ko. Nandon sa kawawa kong sulat na inaapakan ng lalaking hinangaan ko ng husto. And I wouldn’t deny it, I like him more because he’s mysterious and snob.

    “Noah, ‘yong sulat ko inaapakan mo.” Ngumiti ako.
    “Oh?” Nagtaas siya ng kilay at umatras.

    KItang kita ko ang sulat kong marumi na at halos magutay gutay. Humakbang ako palapit sa kanya. He’s intimidating but I’m determined.

    Yumuko ako para kunin ang sulat ko sa sahig at inilahad ko ito sa harap niya. Matamang tinitigan ni Noah ang sulat ko. Uminit ang pisngi ko.

    “Read it.” Sabi ko.
    “Ako na lang, Meg.” Tawa ng lalaking nasa likod ni Stan.

    Tinitigan ni Stan ang kabandang iyon at natahimik ‘yong tawa niya.

    “You’re asking me to read something disgusting?” Tanong ni Noah.
    Nalaglag ang panga ko. “M-Maayos ‘to kanina nong di mo inapakan.” I stuttered.

    Tinitigan niya ako. Halos matunaw ako sa mga mata niya. Kahit ngumiwi siya ay nangatog parin ang mga binti ko sa kilig. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako ka baliw sa isang Noah Elizalde.

    Kinuha niya ang sulat na iyon sa kamay ko. Sa kauna unahang pagkakataon, magbabasa siya ng sulat ko! Halos tumakbo ang puso ko sa kaligayahan ngunit iyon ay panandalian lang. Nang nakita kong pinunit niya ang sulat ko sa aking harapan ay napawi ang ngiti ko.

    “Lyse, umalis na kayo ni Megan.” Iritadong sinabi ni Stan sa kanyang kambal.

    Naestatwa ako sa ginawa ni Noah. Nag taas siya ng kilay at hinayaan niyang mahulog ang bawat piraso ng sulat ko. Ginulo niya ang kanyang buhok at tumitig ulit sa akin.

    “Make another one. It’s disgusting.” Sabi niya at tinalikuran ako.

  • Kabanata 1Open or Close

    Kabanata 1
    Noah Reigan Elizalde

    Romeo’s first love was Rosaline. Hindi siya napagtuonan ng pansin sa sikat na play ni Shakespeare dahil ginawa lang siyang basehan ng pagmamahal ni Romeo. Ihinambing lang ng mga manonood ang pagmamahal ni Romeo kay Rosaline sa pagmamahal niya kay Juliet at napag isipan na mababaw iyong kay Rosaline kumpara sa pangalawa.

    Nang nakita ng mga manonood na mas matindi ang pagmamahal ni Romeo kay Juliet ay tinapon na nila ang ideya ni Rosaline.

    Rosaline was the reason why Romeo and Juliet met. Hindi ko mapigilang ihambing ang nangyari sa amin simula pa lang.

    Grade 7 nang naging magkaklase kami ni Noah Reigan Elizalde. Nakaupo ako sa assigned seat, unang araw pa lang ng pasukan. Ang mga pinsan kong si Everlyse at Stan, also known as “kambal” ay parehong dito nag aaral simula pa yata nong Kinder pa sila. Ako naman ay palipat lipat ng paaralan. I lived in the States for months when I was younger. I will need to live there for God-knows-how-many-years again to complete my naturalization.

    Pumasok si Stan, naka ballcap at naka pulang varsity jacket. Nagtataas siya ng kilay sa akin habang kumikinang ang mga piercings niya sa tainga. So… this school allows their male students to have those kinds of piercings inside campus, huh?

    Lumakas ang halakhakan at napansin ko ang mabilis na pag galaw ng ibang babae. Ngumisi si Everlyse at kumindat pa sa akin. Her doe eyes became wider.

    “What?” Linabi ko sa kanya.
    Pinaikot niya ang kanyang daliri sa kanyang tainga sabay turo kay Stan. Oh, yes. She thinks her twin is going crazy over fame.

    I think it’s not about fame, though. Stan was naturally arrogant. He enjoys the attention of other girls. Nilingon ko ang mga babaeng nangingiti at lumalapit sa kanila. I never thought die hard fans can exist in this school. I was wrong. They exist everywhere. At ang hindi ko alam ay magiging isa pala ako sa kanila nang napatingin ako sa isang lalaki.

    Huli siyang pumasok sa classroom. Nasa likod niya nakasabit ang isang, tingin ko, electric guitar. Wala kasi akong alam sa ganong klaseng music. Dad wants me to enjoy violin or piano way back. Kaya kahit na hindi naman talaga ako ganon ka interesado ay pinilit akong matuto.

    Isang tingin niya lang sa akin ay agad siyang bumitiw. Hindi niya na ako tiningnan pabalik, kahit isang beses. Hinarap lang ng lalaking ito si Stan, ang pinsan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Matangkad siya, hindi gaanong maputi, kulay pink ang manipis na labi, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, medyo magulo ang buhok. Nakapamaywang siya nang nakipag usap kay Stan at nakita ko sa braso niyang hindi siya payat dahil sa muscles. Naka itim siyang t shirt at naka faded jeans.

    Nagtawanan sila nina Stan kaya medyo napatalon ako at nakabalik sa aking ulirat. He’s just another attractive boy. Pumangalumbaba ako at naiwala ko na naman ang sarili ko sa titig ko sa kanya.

    Tinanggal niya ang gitarang nakasabit sa kanyang likod at kinagat ang dulo ng isang itim na jacket habang nagsasalita siya. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Mabilis niyang sinuot ang isang jacket na sumisigaw ng Stussy bago pinulot at pinadausdos ang leash ng gitara sa kanyang katawan.

    “Hoy!” Halos napatalon ako nang sigawan ako ni Everlyse.
    Nanlaki ang mga mata ko at nilingon siya. That better be important, Lyse. “What?” Tunog iritado kong tanong.
    “I said I’ll call Stan and at least introduce you to his bandmates. Asar! Walang modo ‘tong kapatid ko.” Aniya at nagmartsa siya pinapaalis ang mga babaeng nakapalibot sa banda, nangungumusta sa nakaraang summer.

    Tumigil ako sa pagpapangalumbaba at inayos ko ang buhok ko. Whatever was wrong with me, I’m pretty sure this can’t be good.

    Tumingin sila sa akin at nakangising tumango si Stan kay Everlyse. Nagmartsa pabalik si Everlyse sa desk ko. Umupo ako ng maayos habang kumakalabog ang puso ko. Ngumiti ako sa kanila. Naglakad sila patungo sa akin, kasama naman ang iilang kaklase at schoolmate na nakikisawsaw na rin.

    “Mga ‘tol, this is my cousin. Megan Marfori.” Ani Stan sa mga kabanda niya.
    Tumango sila at may dalawang kabanda niya ang naglahad ng kamay.

    ‘Yong isang pinaka matangkad, at ‘yong isa namang medyo maskulado.

    “This is Joey.” Sabay turo ni Stan sa medyo maskuladong kabanda. “And this is Warren.” Aniya sa matangkad.
    Tumayo ako at tinanggap ang mga kamay nila.
    “Is she off limits like Everlyse, too, Stan?” Nagtaas ng kilay si Joey at tumawa kay Stan.

    Ngumiwi si Stan at hindi na sinagot ang tanong ni Joey. He’s arrogant but protective, I’ll give him that. Hindi na nila kailangan ng sagot. Tumawa na lang ang dalawa at nag high five sa isa’t-isa.

    “This is Noah.” Ani Stan sabay tingin kay Noah.

    Even his name screams heaven! Alright! Hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi siya naglahad ng kamay. Tumango lang siya sa akin at bumaling ulit kay Stan para kausapin sa hindi konektadong topic.

    “I’m Maria Georgianne Marfori.” Naglahad ako ng kamay kay Noah.
    Tumango siya sa akin at tinanggap niya ang kamay ko. Tumitig ako sa mga kamay namin. Mabilis niya naman itong tinanggal lalo na nang may tumawag sa kanyang isang babae galing sa labas.

    “Maria Georgianne, huh? But then I can call you Megan, right? Ayokong masyadong pormal.” Ani Warren at kinindatan ako.
    Hilaw akong ngumiti at tumango bago sinundan ng tingin si Noah.

    Nagpaalam sina Stan para pumwesto na sa likod kung saan sila uupo. Samantalang ako naman ay nakatayo parin at tinititigan si Noah.

    “Girlfriend niya ba ‘yong kausap niya?” Napatanong ako kay Everlyse habang umuupo ako.
    “Nino? Ni Noah? Walang girlfriend ‘yan.” Aniya at ngumisi.

    Siniko niya ako nang di siya matahimik sa inasta ko. Nilingon ko siya at ngumiti.

    “You like him?” Nagtaas siya ng kilay.
    “He’s mysterious.”
    “Oh girl. Masamang mahumaling sa mga misteryoso. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo.” Ngumiti siya.
    “Bakit?” Tanong ko, kumukunot ang noo.
    “If Stan’s arrogant, he’s twenty more times more arrogant and snob.” Nag kibit balikat si Everlyse sa akin.

    Hindi na ako nagsalita. Tiningnan ko na lang si Noah galing sa kinauupuan ko. Kailanman ay hindi pa ako nag kakacrush kahit kanino. Kahit nong elementary pa ako. The boys were friendly to me and I treat them my brothers or friends, that’s all. I just didn’t know what’s with Noah and why was I drawn to him from the very beginning.

    “Look at those weird girls.” Bulong ni Everlyse sa akin palabas kami ng classroom.

    Sa may hagdanan ay may iilang babaeng estudyanteng nakaupo at abala sa pag gugupit ng kung anu-ano.

    “They don’t look weird to me-“
    Hinila niya ang aking braso na para bang pinipilit niya akong umayon na weird nga ang mga babaeng iyon. “They’ve been cutting stickers for the Zeus since this morning! My Goodness! The event is still on Friday.” Ngumiwi si Everlyse.

    Ang pangalan ng banda nina Stan ay Zeus. Iyon ang alam ko. So these girls are supporting Zeus. They are their ‘fans’ or something like that. Inisa isa ko ang mga babaeng ito at nakita kong nag gugupit nga sila ng mga pangalan, mga picture, at kung anu-ano pa. Dinidikit nila ito sa mga pins, mga mug, at marami pang iba. Interesting!

    “What’s that? I heart Zeus pin? Do you have that at home?” Seryoso kong tanong kay Everlyse.
    Nanlaki ang mga mata niya sa akin. “Seryosong nagtatanong ka?”
    “Uhm… kasi kambal mo si Stan kaya tingin ko meron kang ganon-“
    Lumagapak ang kanyang palad sa kanyang noo na para bang may nasabi akong disappointing. Binalewala ko siya at tumitig na lang sa mga ginagawa ng mga babae.

    I’ve never seen them perform so I can’t say I love their band. Gusto ko tuloy marinig silang tumugtog.

    “Okay, so nakuha ni Noah Elizalde ang atensyon mo.” Sabi ni Everlyse at hinila na naman ako para makapagpatuloy na sa paglalakad.

    Hindi ako nagsalita. Halos mabali na ang leeg ko sa kakatingin don sa mga fan girls na nag gugupit.

    Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap niya ako sa kanyang mukha. “You can be an independent admirer, Meg. Wa’g ka nang magpamiyembro sa mga fanatics na iyan. If you’re thinking of joining them this early, then stop-“
    “I’m not joining them, Lyse. I’m just curious.”
    “Oh I know you, Megan Marfori. You like eating your own words.”
    Ngumiwi ako sa kanya. “That’s none of your business, Everlyse. Ako naman ‘yong kakain.” I said matter of factly.

    Umiling siya nang nilagpasan ko siya sa paglalakad. I don’t get why she hates fandoms too much. O siguro ay dahil lang kasi twin niya si Stan at hindi niya maatim na may mga die hard fans sa twin niyang nangungulangot naman gamit ang daliri sa kanilang bahay.

    Itinakbo niya ang distansya naming dalawa at nagpatuloy siya sa kanyang sermon.

    “May mga crush si Noah. Minsan ko na silang narinig ni Stan na nag uusap tungkol sa mga babae. And he’s a bit mature for his age. Sabi niya, love is impossible to feel at a very young age. Attraction lang daw ang maaari mong ma feel dito. He said something about having extreme feelings or attraction for someone because we are adolescent and that’s normal. Ayaw niyang tawagin itong ‘love’.”
    Kumunot ang noo ko at natigilan ako sa paglalakad. Tinitigan ko si Everlyse. “Talaga?”
    “Yes. Sa bahay ko sila narinig nong first at last nilang practice last summer. Well, I think he’s right. ‘Yong ibang mga kaklase ko kasi ay grabe na kung makapag deklara ng pag ibig, parang may digmaan kinabukasan, hindi pumapayag pag hindi nagkatuluyan. My god! We are still too young for that.” Ani Everlyse at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

    Hindi ako makapaniwala. Sa ilang minuto lang naming paglalakad ni Everlyse mula ikatlong palapag ng building patungong basketball court sa labas ay marami na akong nalaman tungkol kay Noah.

    “He liked Trisha Roncesvalles, Aria Miguel… ‘Yon ang alam ko. Well, my brother likes Aria Miguel too, maganda e.” Sabi ni Everlyse.

    Tumango ako at umupo sa bleachers. May grupo doong mga babaeng nag va-volleyball. Tingin ko ay mga grade six pa lang sila.

    “And that…” Sabay turo niya sa babaeng tinilian dahil sa pagkakadapa.

    Maputi siya, may konting tigyawat, at side bangs. Tinutulungan siya ng isang maputi at may mahaba at umaalong buhok na kaklase niya.

    “Is his sister, Reina Elizalde.” Ani Everlyse.

    Tumango ako at tinititigan ang babaeng halos hindi makatayo sa pagkakadapa. Hirap na hirap ang kanyang kaibigan na tulungan siya at ang lahat ng mga kaklase niya ay tumatakbo na patungo roon nang biglang tumakbo si Noah para tulungan ang kanyang kapatid.

    Napatayo ako. He looks pissed. Itinayo niya ang kanyang kapatid habang may sinasabi. Umigting ang kanyang panga at lumuhod habang tinatanggal ang alikabok na tumatak sa tuhod ng kapatid.

    “See? Kahit sa kapatid niya, harsh ang taong ‘yan.” Ani Everlyse, patuloy niyang sinisiraan sa akin si Noah.
    Ngumuso ako. “Galit siya kasi nadapa ang kapatid niya. Galit siya kasi nasaktan ang kapatid niya, Everlyse.” Sabi ko.

    I would like that reaction everytime I’m hurt. I would die for that reaction, Lyse.

  • Kabanata 2Open or Close

    Kabanata 2
    Picture

    Habang ang lahat ay tutok na tutok kay Stan sa entablado ay ako naman ang nakanganga kay Noah. I find him very cool on stage. Mukhang tahimik, seryoso, at misteryoso.

    Nagtatalunan ang lahat ng tao na tumitingala sa stage habang kumakanta si Stan. Nag hi-headbang si Noah bawat kaskas niya sa gitara at nakita kong mabilis ang kanyang kamay sa pag gamit nito. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan siya. I was certainly not here to adore someone this bad. Hindi ako lumipat para lumandi pero hindi ko lang talagang maiwasang magustuhan siya.

    Palihim akong lumapit sa mga babaeng nakita ko nong unang araw sa school. Sila iyong nag gugupit ng mga stickers. Iba naman ang pinagkakaabalahan nila ngayon. May mga pera silang hawak at may iilang puti at itim na t-shirt na nagkapatong patong sa gilid ng babaeng may malaking glasses.

    “Uhm, hi!” Nilagay ko ang takas na buhok ko sa aking tainga at yumuko para mapalapit lalo sa kanila.

    Nakaupo na naman sila sa hagdanan at mukhang nagbibilang ng kung ano dahil ‘yong isang babaeng chinita ay may dalang calculator.

    “I’m Megan Marfori…” Sabi ko at naglahad ng kamay.
    “Pinsan ni Stan!” Dalawang beses akong tiningnan nong chinita sa nanlalaking mga mata.

    Natigilan silang lahat at tumingala sa akin.

    “It’s an honor!” Sabay tayo nong babaeng kinakausap ko na pinapalibutan nilang lahat.

    Tinanggap niya ang paglalahad ko ng kamay at ngumiti siya, inaayos ang kanyang malaking salamin. Even with her big glasses, I can see that she is pretty. Iyong kutis porselana, matangos ang ilong, at mapupungay ang mga mata. Medyo kikay din siya dahil sa mga dalang kulay pink na mga bagay.

    Tumawa ako at umiling. “Ako ang dapat mag sabi niyan. Kasi… I want to know… paano ba maging miyembro ninyo?” Tanong ko.

    Natahimik silang lahat. Para bang may sinabi akong hindi maganda. I think they got probably offended. Umiling ako at kumurap kurap.

    “Or? May initiation ba? Process? Truth or dare? I’m sorry-” Pinutol ako nong babaeng may malaking glasses.
    “Why do you want to become one of us! You’re already close to them. Kami ‘yong supporters.”
    “Wella, hindi ba mas maganda nga iyon dahil may malapit sa atin sa Zeus?” Sabi nong chinita.

    Nagtanguan naman ang lahat ng kasapi sa grupo. Hindi ba pwedeng magpa miyembro ang isang tulad kong pinsan ng bokalista? I don’t care about Stan anyway.

    “Ni hindi nga lumalapit si Coreen Aquino sa atin dahil bestfriend sila ni Reina. Hayaan mo na ang isang ito.” Sabi ng chinita.
    “Whos’ your favorite band member?” Nagtaas ng kilay ‘yong Wella sa akin.
    “Noah Elizalde.” Sagot ko.

    Narinig ko kaagad ang tikhim ng mga nasa likod. Para bang may ipinahiwatig silang kalungkutan dahil nadagdagan na naman ng tagahanga ang kanilang idolo. For me, there’s nothing wrong with that. We cannot be selfish of something that does not belong to us.

    Tumango si Wella sa akin. “Well then… You just have to be active sa group. Pag may events, we need to coordinate. We are their fans at the same time para tayong mga manager.”

    Tumango ako at inintindi lahat ng sinabi ni Wella. They all have Facebook and Twitter accounts for Zeus. Hindi lang pala sa school na ito sila sikat ngunit pati na rin pala sa ibang tao. Nagkakaroon na sila ng gigs sa ilang mga restaurant. Hindi ako makapaniwalang ganon nga ang nangyayari. Well, it’s pure talent we are talking about. Hindi talaga maiwasang mangibabaw pag makikita mong kakaiba sila sa lahat kahit mga bata pa.

    “Nababaliw ka na talaga!” Everlyse concluded.

    Hindi ko maiwasang hindi mabuking dahil siya ang madalas kong kasama.

    “You should be happy about it! I made friends, Lyse.” Ngiti ko.
    “Yes and thank God for nerdy friends like them, hindi na matutuluyan ang utak mong nabilog ng kulturang dayuhan.”
    Ngumiwi ako sa sinabi niya at tumawa. Umiling naman siya at umirap.

    “So what do you guys usually do? Magdadasal sa harap ng imahe nina Stan?”
    “Tss? We don’t do that! May mga fund raising kami, nag po-post kami sa Facebook accounts ng mga promotions tungkol sa Zeus. We handle the Zeus’ fanpage. Isa na ako sa admin doon. That’s all.” Ngiti ko.

    Umiling siya at hindi ko alam kung ano ang punto ng pagtatanong niya kung ayaw rin naman niyang marinig ang sasabihin ko. Hindi ko naman maiwasan ang magsalita dahil masyado kaming malapit.

    Tiningala ko ang bahay nina Everlyse. Dala dala ko ang isang DSLR at inaayos ko ang lens nito. Nag volunteer akong mag document ng kanilang band practice. Ang sabi ni Wella ay pumayag naman daw ang buong banda kaya hindi na sila magugulat kung bakit picture ako nang picture mamaya.

    Inayos ko ang kulot na tips ng buhok ko, sinikop sila at ginawang bun. Tumikhim ako at lumabas sa sasakyan nina Everlyse.

    “Nandito na si Constantine, manang?” Tanong ni Everlyse sa sumalubong sa amin para kunin ang bag niya.
    Tumango si manang kay Everlyse kaya nilingon niya ako.
    “Andito na sila. Tara na sa loob. Anong gusto mong kainin?” Tanong niya, naglalakad kami papasok sa bahay nila.

    Malaki ang bahay nina Everlyse. Halos antique lahat ng gamit. Kung hindi naman ay gawa sa kahoy o mabibigat na materyales ang naroon. Ang kanilang malaking hagdanan ay gawa sa kahoy at palaging makintab. May mga halaman sa bawat sulok ng kanilang bahay. Papasok sa malaking pintuan ay narinig ko na kaagad ang ingay ng gitara at drums. Nasa sala sila nag papractice.

    Nilingon agad kami nina Joey at Warren pagkapasok. Si Noah naman ay nakita kong abala sa pag s-strum at pakikinig sa sariling tinutugtog habang nakikipag biruan si Stan sa kay Warren.

    “Maiinspire na ako nito!” Tawa ni Warren sa amin.

    Kinuha ko kaagad ang camera ko at pinicture-an sila. Wala naman silang naging imik. Ngumiti pa nga si Joey nang nakuhanan sila ng picture. Si Noah lang yata ang seryosong seryoso na nakikinig parin sa bawat pag s-strum ng gitara habang nag pi-picture ako. Dumiretso si Everlyse sa kanilang kusina, mukhang tutulong sa paghahanda ng pagkain.

    “I heard you play some instruments, Meg? Sample naman diyan.” Tawa ni Warren habang binibigay sa akin ang electric guitar na dinampot niya kay Joey.
    Umiling ako. “Hindi ako marunong.”
    “You are just being humble.” Ngiti ni Joey.
    “Strictly classical instruments only.” Nguso ni Stan at tinuro niya ang piano.
    “Whoa! Mas lalo yata akong nainlove.” Ani Warren at ngumiti sa akin.
    Umiling ako at tumawa bago siya pinicture-an ng isa pa. “Makaka move on ka na pag narinig mo akong tumugtog.”

    Pareho naming tinungo ang piano forte nina Stan. Binuksan ko iyon at pinindot ang iilang mga keys bago umupo. Lumapit si Joey at Warren sa akin. Nakapamaywang ang dalawa na para bang mga batang ngayon lang makakakita ng tutugtog ng piano.

    “What’s the first piece you’ve learned?” Nagtaas ng kilay si Warren.
    “Fur Elise.” Sagot ko na agad tinugtog doon sa mabagal na tempo at unti unting bumilis.

    It’s a familiar feeling to me. Bata pa ako nang pinilit akong tumugtog ng kahit ano sa mga classical instruments. My dad didn’t like contemporary music that much. And my mom wanted me to learn it dahil pareho sila ng dad kong naglalaro ang negosyo sa music industry pero walang instrumentong kayang tugtugin.

    “Galing!” Sabay palakpak ng dalawa sa akin.
    Ngumiti ako at nilingon si Noah na binababa ang gitara habang nakikipag usap kay Stan, nagbibiruan. I saw him smile. Halos mapatayo ako at nanghinayang agad nang napawi din ang ngiting iyon. I want to capture that smile of his!

    “Tama na nga ‘yang landian niyo! Kumain muna tayo.” Sabay turo ni Stan sa mga pagkaing nilalapag ni Everlyse at ng mga katulong sa center table ng sala nila.

    “Wow! Sakto, gutom na ako!” Sabi ni Joey at agad pumanhik patungo doon.

    Sinabayan naman ako ni Warren sa paglalakad habang pinapaulanan ako ng mga tanong tungkol sa tinugtog ko.

    “Ayaw mo bang matutong mag gitara?” Tanong niya sa akin.
    “Gusto. Ayos lang.” Sabi ko habang nakatingin kay Noah na umuupo sa sofa at sumusulyap sa amin.
    “Sabihin mo sa akin kung curious ka na, tuturuan kita.” Aniya.
    Tumawa ako. “Akala ko ba sa drums ka?”
    “I know how to play the guitar too.” Ngiti ni Warren.
    Tumango ako at dumiretso na kasama niya doon sa mga sofa.

    Mabilis namang umakyat si Everlyse sa kanilang hagdanan habang nagsasalita.

    “Ligo lang ako, Meg. Akyat ka lang pag may kailangan ka. Bababa ako pagkatapos.” Aniya.
    Tumango ako at umupo sa sofa. PInanood kong nilalantakan ng mga kabanda ni Stan ang mga pagkain.

    “I told him, I do the vocals so I could get laid.” Ani Stan sa isang matigas na ingles.
    Kumunot ang noo ko. I know my cousin’s naughty but I didn’t think he’d go that far. Nawala agad iyon sa isipan ko nang nakitang tumawa si Noah sa sinabi niya. May dinugtong pa siya roon at mas lalong naghagalpakan ang apat.

    Mabilis kong ni click ang DSLR sa bawat ngiti ni Noah. Damn, he looked so gorgeous in every shot.

    “Shhh! May babae, ano ba kayo!” Saway ni Warren sa kanila pero nakangiti parin.
    “Oh, don’t worry about her. She’s open minded. Unlike my twin.” Nag kibit balikat si Stan sa akin.

    Nakita kong tumitig si Noah sa akin dahil sa sinabi ni Stan. Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking pisngi. I have never been this nervous because of a stare before.

    Tumayo ako at dala dala ang camera ay dahan dahang umalis patungong kusina. I seriously don’t think I can take his stare. Hindi ko kayang kiligin ng husto pag nasa harap niya.

    Mabilis ang lakad ko patungong kusina. Mag isa ako doon kaya mabilis kong pinaypayan ang sarili ko at halos tumalon talon pa sa tuwa nang bigla kong narinig ang boses niya sa likod ko. Halos mapasandal ako sa ref nina Stan sa sobrang gulat.

    “Excuse me?” Ani Noah.
    “Yes?” Nag balik ang normal kong mukha, malayo sa babaeng kilig na kilig kanina. Nakaya ko pang mag taas ng kilay. I’ve got future in show business, I’m sure!
    “Can I have your camera, please?” Nagtaas siya ng kilay sa akin.
    Tinagilid ko ang ulo ko, nalilito sa gusto niyang mangyari. Do you want a selfie with me, Elizalde?

    Naglahad siya ng kamay. “Your camera.” Ulit niya.
    “What’s wrong with my camera?” Tanong ko habang tinatanggal ang camera sa aking leeg at binibigay sa nakalahad niyang kamay.

    Tinanggap niya ito, hindi man lang siya umimik nang binuksan niya ito. Lumapit ako sa kanya at sabay kaming dumungaw sa pictures na dinelete niya. ‘Yong mga pictures na nakangisi siya ay dinelete niyang lahat.

    “Bakit mo dinelete?” Tanong ko habang binabawi ang camera. “Ayaw mong napipicture-an kang nakangiti?”
    “Ayaw kong napipicture-an akong mag isa. You came here for the band, then picture-an mo kaming lahat.” He said.
    “What if your fans want a picture of you or Stan? Hindi pwede?” Tanong ko.
    “They don’t even need the pictures.” Mariin niyang sinabi sa akin.
    Nanliit ang mga mata ko.
    “If they love our music, then they can all listen. If you love us, you should love our music, not our faces.” Ani Noah.
    “Ang arte mo naman. Ganon naman kasi talaga dapat. You can’t really expect fans to just listen to you. We are not blind. We want to also look at your faces. Gusto namin ang music niyo, at the same time gusto rin namin ang mga mukha niyo. There is nothing wrong-” Naputol ang pagsasalita ko at agad niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

    Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang hininga ko. What’s his problem?

    And then he breathed… “Take a picture of Warren, then. Tutal ay close naman kayo.” Aniya at tinalikuran ako.

  • Kabanata 3Open or Close

    Kabanata 3
    Leave

    I get it. Noah is a cold hearted boy. Magaspang ang kanyang ugali pero hindi ko alam kung bakit lubos na lang ang pagkahumaling ko sa kanya. Inubos ko ang siyam na buwan sa pagiging active sa kanilang fans club.

    Siniko ako ni Everlyse nang nakitang papalapit ‘yong isang Grade 8 na laging bumibisita sa akin at nagpapacute. Nag iwas agad ako ng tingin. He just won’t stop.

    “Hi, Meg. Lunch?” Tanong ni William pagkalapit sa upuan ko.

    Panay ang pakiusap ko sa Panginoon na sana ay bumalik na ang teacher namin para maibigay niya na ang panghuling exam at nang sa ganon ay matapos na ito at mawala na itong si William sa harap ko. Ngingiti ngiti si Everlyse sa akin, nanunuya. Umiirap naman ako sa kanya.

    “Mag aaral pa ako, Will, e.” Sabi ko sabay pakita sa mga librong dala ko.
    “Oh, then I can help you study.” Aniya at nakapamaywang pa siya sa pag aabang sa akin.
    “No. Mas effective akong mag study pag mag isa.” Sagot ko.
    Nagkibit balikat siya. “Alright. Parang naiistorbo kita. See you later then.” Malamig niyang sinabi at umalis.
    Tumango ako at hindi umimik sa kanyang pag alis. Nang nakalayo na siya ay hinampas ni Everlyse ang desk ko. “Lintik, Meg. Ang gwapo ni William tapos ginaganon mo lang?”

    Nag angat ako ng tingin sa mga babae kong kaklaseng nakikiusyuso sa nangyari kanina. Pagod na pagod na akong mag explain kay Everlyse na hindi nga ako pumapatol sa lalaking hindi ko gusto.

    “Hindi ko kayang bigyan ng chance kahit sino. Si Noah ang gusto ko.” Sa huling pangungusap ay sinabayan pa ako ni Everlyse.

    Nauumay na siya sa kaka Noah ko at sa kaka deadma ni Noah sa akin. I don’t really mind. I sent him some letters. Hindi ko nga lang alam kung nababasa niya iyon. I find it corny but it’s what other girls do so I’ll joing the bandwagon.

    Summer ng taong iyon, inakala kong pupunta na naman kaming New York pero dahil sa success na natamo ng Moon Records, ang itinayo ni mommy na recording company ay hindi kami natuloy. Masaya ako lalo na’t madalas akong pumupunta kina Everlyse para doon makapag sleepover at makapag movie marathon.

    “Sumama tayo kina Stan, Meg.” Ani Everlyse kakagising ko pa lang.
    “Hmm? Saan?” Tanong ko, kinukusot ko ang aking mga mata.
    “Diyan lang sa basketball court ng village. E, mag babasketball sila kasama ‘yong banda at iilang kaklase nila. Kalaban nila ‘yong mga taga village din.”
    “Kasama si Noah?” Halos napatayo ako sa tanong ko.
    Ngiting aso ang sinalubong ni Everlyse. “Oo.”

    Kapag talaga si Noah ang pinag uusapan ay hindi ako mapalagay. Gusto kong makita siyang nag ba-basketball. Panigurado ay magaling din siya sa larong iyon. Kinagat ko ang labi ko habang nag aayos. Shorts at puting oversized na tshirt ang isinuot ko. Tinali ko lang malapit sa pusod ‘yong dulo ng puting tshirt at nag handa na agad ako ng isang cartolina at pentelpen.

    Habang naliligo si Everlyse ay sinulatan ko iyon ng “Go Noah! Fight! Fight! Fight!” Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Nagkalat pa ako sa kwarto ni Everlyse para lang matapos ito.

    “What are you doing?” Tumikhim si Everlyse nang lumabas siya sa banyo at nakita ang ginagawa ko. “Grabe talaga.”
    Ngumiti na lang ako at tiningnang mabuti ang banner na ginawa ko. I’m excited!

    Pagkatapos magbihis ni Everlyse ay bumaba na kami. Wala na sina Stan at ang mga kabanda niya doon at ang sabi ay dumiretso na sa court ng village. Ilang block lang din naman ang layo ng court kaya nilakad lang namin ni Everlyse iyon.

    Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang court. Sa bleachers nitong maliit ay may iilang babae ng nandoon at tinitingnan ang mga lalaking nasa gitna. Naka jersey sila, iba iba nga lang ang kulay dahil mukhang katuwaan lang naman ang game na ito.

    “Doon tayo.” Sabay turo ko sa bleachers.

    Palapit pa lang kami ni Everlyse ay tumataas na ang kilay ng mga babaeng medyo pamilyar sa akin. What is their problem? Nakita ko pa ang pagbubulung bulungan nila sa amin.

    “Some of the girls are from other schools. Dalawa lang sa kanila ang schoolmate natin.” Ani Everlyse. “Dito na lang tayo.” Sabay hila niya sa akin sa dulo ng bleachers.
    “Go! Constantine!” Sigaw ni Everlyse sa kanyang kambal na agad lumipad ang middle finger sa ere.
    Ngumiti ako. He hates his full name. Kinuha ko ang cartolinang dala ko at nakita kong sa pagsasalita ng isang player ay nakatulalang nakikinig si Noah. Nakatingin siya sa banda namin.

    Mabilis ko itong ipinasa ere para ipakita sa lahat ang pinaghirapan kong compromised banner. Tumili pa ako at tumalon talon. Nakapamaywang si Noah at nalaglag ang panga niya sa ipinakita ko.

    “Go Noah! Kaya mo ‘yan! You are the best! Kahit saan! Sa gitara o sa bola, Ikaw ang pinakamagaling!” I chanted.

    Napaface palm ng sabay si Stan at ang kanyang kambal na nasa gilid ko. Tumawa na lang ako at winagayway ‘yong banner. Nakita kong pumula ang pisngi ni Noah at pinagtulakan siya ng mga kaibigan niya.

    “Hanep, bro!” May lumapit sa kanyang medyo kamukha niya at tinapik ang kanyang balikat.
    “Shut up.” Sabay hawi ni Noah sa kamay nong mga nanunuya at nang aasar sa kanya.
    Nilingon ako ng ilang players at nakita ko doon ang mga pamilyar na mukha ng mga schoolmate namin. I can’t believe I even saw William there! Mga Grade 7 yata itong kalaro nila.
    “Meg, pwede ba?” Ani Everlyse na agad ko namang nilunod sa sigaw ko.
    “You are the best! Kahit saan! Sa gitara o sa bola, Ikaw ang pinakamagaling! Fight Noah Elizalde!” Sigaw ko na sinamahan pa ng sayaw na ngayon ngayon ko lang din naisipan.

    Nakita kong kumunot ang noo ni William habang nag iilingan at nag tatawanan naman ang ibang lalaki. Hinila ako paupo ni Everlyse kaya napaupo ako sa bleachers. Nilingon ko siya at pinag kunutan ng noo.

    “Hindi bagay sayo ang magpaka tanga. Please, Meg.” Iling niya.
    “I want to support him.” Paliwanag ko.
    “We are supporting them by just being here. Wag ka ng magpakatanga, please.” Natatawa niyang sinabi.
    “I want to show it, Lyse.” Sabi ko at tumayo ulit habang umiiling ang pinsan ko.

    Nagsimula sila sa paglalaro habang ako naman ay pasigaw sigaw parin kay Noah minsan. Tuwing nakakashoot siya ay hindi ko mapigilan ang pagtalon ko. Ako lang yata ang maingay doon. Tuwing nakikita ko naman siyang sumusulyap sa akin habang humihingal ay para akong nabibigyan ng panibagong lakas.

    “Ohhh, that other Elizalde is his older brother.” Ani Everlyse habang tumitili ako.
    Nilingon ko siya. “Alin?” Tanong ko.
    “‘Yong may Elizalde ring jersey sa kalaban nilang team.” Aniya.
    Tumango ako at tumingin sa medyo kahawig ni Noah. Kaya pala niya hawig. They are both tall. Pareho din ang kulay ng kutis nila, ang matangos na ilong, at halos ang mga mata. Iyon nga lang, palangiti ang may mapupulang labi na Elizaldeng isa, habang si Noah ay halos palaging nakakunot ang noo at nanununtok ng kung sinong lalapit sa kanya. Ngumiti ako at sumigaw ulit para kay Noah. “Go Noah Elizalde!”
    “And William looks pissed.” Wika ni Everlyse nang nakitang padabog na binagsak ni William ang bola sa court at sumulyap sa akin.

    Tinikom ko ang bibig ko at unti unting gumapang sa akin ang katotohanan na maaaring galit siya dahil nakita niya kung sino talaga ang kinahuhumalingan ko. If it wasn’t obvious the whole year, now it is very obvious today.

    “Siniko mo ako!” Sabi ni William sabay turo kay Noah.
    “Humaharang ka! Dapat nga ay offensive foul ‘yon!” Sigaw pabalik ni Noah at agad namang pumagitna ang iilang mga players.
    “Easy, dude, this is just a friendly game.” Anila.

    Natigilan ako sa pagsisigaw at pinanood kung paano nila kinausap si William at kung paano hinarap ni Stan si Noah. Tumatango na si Noah kalaunan at nagpatuloy din ang laro. Huminga ako ng malalim at medyo nawala na ang kaba sa namuong tensyon.

    Kalaunan ay bumalik ulit ako sa pag sigaw sa pangalan ni Noah. May biglang umubo sa gilid ko. Nong una ay naging abala ako sa pag sigaw dahil naipasok ni Noah ang bola kaya lumamang ang kanilang team. Pero nang lumakas ang ubo ay nilingon ko na ang tatlong nakahalukipkip na babaeng naroon.

    Pareho silang tatlong naka skater skirt, iba iba nga lang ang kulay. Nakataas ang kilay ng nasa gitna at ang kulot kulot niyang buhok ay hinahawi niya.

    “Will you stop shouting?” Anang babaeng nasa gitna. “Nakakairita.”

    Nalaglag ang panga ko. Lahat ng dugo sa aking katawan ay dumiretso sa aking ulo at kumulo.

    “Then you go home if you’re annoyed. I’m here to cheer. Kung hindi niyo matanggap, cheer with me, deal with me, or go home.” Ngumiti ako at nilingon ulit ang court.
    Tumawa silang tatlo. “Seriously, makakatulong sa’yo ‘tong advice namin. It’s better if you just stop shouting. Nagmumukha kang tanga.”
    “Ako ang nag mumukhang tanga, hindi kayo. So why do you care? Didn’t your mother teach you that you should stick your nose to yourself?” Nagtaas ako ng kilay at iritadong kinailangan ko pa silang lingunin imbes na manood sa laro ni Noah.

    “What’s that, Everlyse?” Narinig kong sigaw ng pinsan ko galing sa court.
    “Nothing, Stan.” Sigaw pabalik ni Lyse at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso.

    “You should be thankful, girl. Seriously, tingin mo nagugustuhan ni Noah ang ginagawa mo? He thinks you’re a bitch or a crazy fan girl.” Anang babaeng nasa gilid.
    “He’s blushing not because he likes what you are doing. Namumula siya kasi nahihiya siya sa ginagawa mo. Ikinakahiya ka niya.”

    Kung kanina ay nililingon ko lang sila, ngayon ay hinarap ko na sila. Kumulo pa lalo ang dugo ko at pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa inis. Bakit nila kailangang makealam sa ginagawa ko? Hindi ko naman sila pinapakealaman. Kung gusto nilang sumigaw para kay Noah, then I don’t mind! Kaya ko pang makipagkaibigan sa kanila para mag usap kami tungkol sa mga gusto nilang katangian kay Noah. I don’t mind!

    “Excuse me, miss. Hindi ko alam na manghuhula ka pala. Kaya mo palang hulaan kung ano ang iniisip ni Noah ngayon.” Sabi ko.
    “Aba’t-” Pinutol ko ang babae at nagpatuloy ako sa mabilis na pagsasalita.
    “Kung ayaw niya man sa ginagawa ko, then that is my business not yours. Hindi ba dapat masiyahan pa kayo dahil ayaw niya pala sa akin at baka kayo ang gusto niya? Bakit kailangan niyo pang mang basag ng trip?”

    Habang nagsasalita ako ay hinila ng babaeng nasa gitna ang cartolinang ginawa ko. Hinila ko rin ito pabalik. Hinila iyon nilang tatlo dahilan kung bakit ito napunit. Nanlaki ang mga mata ko. They went too far for this! They went too fucking far!

    “Buti nga sayo!” Sabay tawa nong nasa gitna habang itinapon ang mga pirasong napunit niya.

    Itinapon ko rin ‘yong pirasong nasa akin at humakbang patungo sa mga babae. Nakita kong umatras sila. Naramdaman ko rin ang paghila ni Everlyse sa akin.

    “Oh my God, Meg. No catfight for this please.” Sigaw ni Everlyse.
    “How dare you ruin my banner!” Sigaw ko. “You filthy jealous bitches!”

    “What’s going on?” Narinig kong sigaw ni Stan.

    Hindi ko na nilingon ang court pero alam kong tumigil sila sa paglalaro. Ayaw kong tumigil sila para dito. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. I am better than these bitches so I should stop bothering. Nilingon ko ang court at nakita kong humahakbang si Stan patungo sa amin. Nakita ko ring nag jog si Noah galing sa kinatatayuan niya at tinapik ang balikat ni Stan bago lagpasan ang pinsan ko.

    “What’s going on?” Ani Noah, malayo pa lang.

    Halos tumigil sa pag pintig ang puso ko. What’s wrong heart? Ganon ba ka grabe ‘yong pagtibok mo na natigilan ka at tuluyan ng nag heart attack?

    “Nothing, Noah.” Nakaya ko pang ngumiti. I don’t want to be a distraction.
    “Your ‘fan’, Noah, is annoying.” Anang babaeng nasa gitna.

    Gusto ko siyang supalpalin pero pinigilan ko ang sarili ko. I wasn’t raised to be violent when angry. Nanginginig nga lang ako sa galit at ang pag iisip na pwede ko siyang kaladkarin sa buhok ay nakakaengganyo.

    “Bakit? Anong ginawa niya?” Tumingin si Noah sa babae, ang isang paa ay nakatapak sa unang palapag ng bleachers.
    “I cheered for you guys, that’s all.” Inunahan ko lang ang babae.
    “Ang ingay niya. Pinatahimik ko. I’m pretty sure you’re distracted because of her yells and stupid chants. Ayaw niyang tumahimik. She can’t seem to understand that you’ll play a better game without her stupid chants.”
    “Noah-“
    “At pinapaalis niya pa kami dito!” Singit nong babae.
    Nilingon ko ang babae. “Pinapaalis ko kayo kasi nakekealam kayo!”
    “Edi ikaw ang umalis. Mabuti pa ikaw ang umalis.” Sabi nong babae.
    “Will you all shut up!” Iritadong sinabi ni Noah.

    Umirap ako doon sa babae. Oo nga. Dapat ay tumahik na ang walang kwentang ito. Nilingon ako ni Noah. Kinagat niya ang kanyang labi at seryoso akong tinitigan.

    “Can you leave?” Malamig na sinabi ni Noah sa akin.
    Naramdaman ko ang hila ni Everlyse sa akin. Tumunganga pa ako sa sinabi ni Noah. Hindi mag sink in sa utak ko.
    “I’ll cheer for you guys…” Lumiit ang boses ko.
    “I said, Megan, you leave.”
    “Meg, let’s go.” Bulong ni Everlyse.
    “Bakit ako ang aalis? Bakit hindi sila? Wala akong ginawang masama, Noah.” Nanginig ang boses ko.

    Hindi ko na maramdaman ang mga parte ng katawan ko. Namanhid na yata ang kabuuan ko. He is asking me to leave. He wants me to go.

    “Do I need to say it again for it to sink? I said, you leave. You are distracting us. They are right. It’s better if you leave.” Tinagilid niya ang kanyang ulo na para bang hinahamon ako.

    Bumagsak ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng braso ko. Tumango ako at hindi ko sinulyapan si Noah habang ginagawa ko iyon.

    I fully understand, Noah. Lumunok ako at hinawi ang kamay ni Everlyse sa braso ko. You don’t need to drag me out of here. I will leave. If that’s what he wants. That’s what he is asking. Tinalikuran ko siya at bumaba ako ng bleachers, nagmartsa palayo kahit na nanginginig ang mga tuhod ko at sumisikip ang paghinga ko.

  • Kabanata 4Open or Close

    Kabanata 4
    Appreciate Attention

    “You okay?” Everlyse asked.
    “Yeah.” Nabasag ang boses ko.

    Hindi na ulit siya nagtanong pa. Mabuti na lang at dahil wala na akong maisagot pa. I just want to shut up, stop talking, and think. That was the worst scene of my life so far. Ang sakit!

    Sinundo ako ng driver namin ilang sandali ang nakalipas. Hindi ko inasahan iyon dahil buog akala ko bukas pa ako uuwi pero dahil may importanteng dadaluhan ang mga magulang ko at kailangan kong sumama. Palagi kasi nila akong sinasama sa events.

    I saw my dad talking to Everlyse, pababa ako ng hagdanan. Inisip ko ay sinumbong ni Everlyse iyong nangyari. Tiningnan ko siya at walang bahid na guilt sa mukha ni Everlyse. Ayokong malaman ni daddy ang nangyari kanina. That was bad enough.

    Paalis kami ni dad ay binulungan ko muna si Everlyse.

    “What did you say?” Tanong ko.
    “Nagtanong lang sa mga hilig mo nitong mga nakaraang araw, sinagot ko lang.” Aniya.
    Tumango ako at sumunod kay daddy.

    Sa labas ay nakaabang na ang driver namin, pinagbubuksan si dad. Pumasok agad si dad sa loob kaya ginawa ko rin iyon. Kinuha ng driver ang bag ko at nilagay sa likod.

    “Pupunta tayo sa isang grand opening sa Chinese restaurant ng tita mo.” Ani daddy at nilingon ako.
    “Okay.” Tumango ako. Hindi niya ako tinantanan sa titig.
    “Everlyse told me that you like this certain boy…”

    Nilingon ko agad si daddy. Ang akala ko ba ay nagtanong si daddy sa kanya na ano ang kinahihiligan ko? Well, siguro nga. At sinagot niyang si Noah ang kinahihiligan ko.

    “I’m a fan, dad.” Sagot ko.
    “Elizalde, right?” Nagtaas ng kilay si daddy.
    Tumango ako. “Yup.” Alam kong kilala ang mga Elizalde kaya malabong hindi ito kilala ng pamilya ko.
    “I expect it’s the middle brother. I forgot his name. Magaling ‘yon sa business. I encourage you to connect with him.” Ani daddy.
    Tumango ako at tumingin sa labas.

    I’m lucky to have parents that aren’t that strict when it comes to boys. Siguro ay dahil masyado na rin silang abala para tingnan pa kung anu ano ang pinag gagawa ko.

    Mabilis na lumipas ang summer. My family went to Camarines Sur. Iyon ang naging trip namin sa Summer na ito, dalawang linggo kami doon. Pagkabalik ko naman ay naging abala ako sa pag aaral ulit ng piano. That’s what my mom wanted and I’ve got time to waste so I did it.

    Nang bilihan na naman ng mga notebook para sa sumunod na taon ay naexcite naman agad ako. Ngingiti ngiti pa ako sa National Bookstore habang pumipili ng binder at kung anu-anong mga ballpen at papel. Nagkitaan pa kami nina Everlyse at Stan sa National Bookstore, namimili din sila ng gamit.

    Niyakap ako ni Everlyse at nagtawanan kami. Kinwento ko sa kanya ‘yong naging trip namin sa Camarines Sur. Lahat ng tanawin ay inisa isa ko. Sinabi ko rin na gusto kong mag swimming kasama ang mga Butanding sa Oslob kaya lang baka sa sunod na taon ko na iyon gagawin dahil tapos na ang bakasyon.

    “So… anong balak mo sa mga club?” Tanong niya. “Alin ang sasalihan mo this year?”
    “‘Yon parin.” Sabi ko habang namimili ng magandang ballpen.
    “‘Yon parin?” Tanong niya.
    “Oo. Marami na akong naiisip na pwedeng gawin nga pala para sa Zeus. Bukod sa keychain, gusto ko ring magpagawa ng mga ballcaps. Hindi ba maganda ‘yon?” Ngiti ko.
    Kumunot ang noo ni Everlyse sa akin. “You are still at it?”

    Hindi ko alam kung bakit niya pa tinatanong iyan pero nagpatuloy ako sa pag eexplain sa kanya sa mga plano kong gawin.

    Naging totoo lahat ng ito nang nakabalik na ako sa school at sinabi ko sa mga kasamahan ko ‘yong gagawin. Nagustuhan nila iyon. Nagkaroon na rin ng bagong designs sa mga t-shirt at ang iba don ay ako pa ang nag disenyo.

    Tuwing dumadaan naman si Noah sa tapat ko ay ganon parin naman ang nangyayari. Normal na deadma lang at hindi naman ako umaasang lilingunin niya ako dahil unang una, hindi naman kami magkaibigang talaga.

    Halos mapapikit ako nang biglang may dumaang bola ng basketball sa harap ko habang naglalakad ako sa school grounds. Naagaw ng bola ang atensyon ko kaya tinakbo ko ito at kinuha para ipasa sa lalaking hinihingal at naghahabol nito.

    Ngumiti siya sa akin pagkabigay ko ng bola. He’s one of those half-foreign seniors. Sobrang tangkad at magandang tingnan ang set ng ngipin pero nagawa ko paring lingunin ulit ang buong banda ng Zeus na naglalakad sa school grounds at nilalagpasan ang isang babaeng may umaalong buhok habang nag lalahad ng isang supot ng hindi ko alam.

    “Uhm, thanks!” Sabi nong lalaking nagulat ako na hindi pa umaalis.
    “You’re welcome.” Sabi ko nang di siya nililingon.
    “Uhm, you’re Maria Georgianne, right?”
    Napalingon ako sa kanya. “Yup. Why?” Gulat na kilala ako.
    “I’m Ysmael.” Sabay lahad niya ng kamay. “I always see you at the cafeteria during lunch time…” Nagkibit balikat siya. “Wanna go grab lunch sometime?”

    He is hitting on me obviously. Nginitian ko ang gwapong si Ysmael. Kapag talaga Fil-Am ay maganda ang lahi. Hindi ko iyon maipagkakaila. I’ve seen so many of these males in New York. This isn’t my first time.

    “Sure.” Ngiti ko. “But right now, I need to go… Sorry.” Sabi ko at umambang aalis na para tingnan ‘yong babaeng hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya pagkatapos baliwalain ni Noah.

    Nakita kong nilingon ni Stan ‘yong babae at may sinabi pa siya kay Noah. Nilingon din ni Noah ‘yong babae pero binalewala niya lang ito.

    Lalapitan ko na sana ‘yong babae pero may humarang sa daanan ko. Sumipol siya at pinasadahan pa ako ng tingin. Ngumiti siya at unang sulyap pa lang ay nakilala ko na agad.

    “Oh you are gonna play hero? She doesn’t need to be saved.” Anang kapatid ni Noah.
    Nilingon ko ang babaeng nakatalikod sa amin at tinatanaw parin si Noah. “Nakita kong ibibigay niya sana ‘yong dala niya kay Noah. Di siya pinansin. Noah can at least receive the gift o kung ano man ‘yon.”
    “He doesn’t like the girl, bakit mo pipilitin. He doesn’t aim to please.” Nagtaas ng kilay ‘yong kapatid niya sa akin.
    “It’s also good to make other people happy. It’s just a simple gesture. I’m sure hindi siya masasaktan sa simpleng gesture na iyan.” Sabi ko at nilingon iyong babae na umaalis na at medyo malungkot.
    Uminuwestra ng kapatid ni Noah ‘yong babae. “He knows Coreen. She’s my sister’s bestfriend. She liked him since grade school pero pag ayaw ng tao, hindi mo mapipilit.”

    Hindi na ako nagsalita. Mabilis akong naglakad patungo kina Stan. Ayokong manghimasok pero may gusto lang akong tanungin kay Noah. Nilingona agad ako nina Warren nang nakitang papalapit ako. Huling lumingon si Noah na agad kong tinitigan ng mariin.

    “Nakita mo ba ‘yong babae, si Coreen?” I asked.
    Nagtaas lang ng kilay si Noah na parang walang narinig.
    “May ibibigay sana siya sa’yo pero di mo siya pinansin.” Sabi ko.
    “Meg, stop this.” Sabay harang ni Stan sa akin.
    “Tsss…” At naglakad palayo si Noah. Sinamahan pa siya ni Joey.

    Si Warren at Stan ay nanatiling nasa harap ko. Alam kong sasabihin ni Stan sa akin na sana ay huwag na lang akong manghimasok. I know he’s right. Naaawa lang ako don sa kay Coreen.

    “Meg, hayaan mo na si Noah. Don’t be bossy.” Sabi ni Stan.
    “Oo nga, Meg. It’s his problem. At isa pa, ganon talaga siya sa mga babaeng hindi niya gusto. ‘Yong mga gusto niya lang ‘yong pinapansin niya.” Ani Warren.
    “That is not healthy for your group. Paano kung may mga fan girls siya, hindi niya ba sila ngingitian man lang?” Sabi ko at napagtantong hindi ko na kailangang mag tanong sa kanila. I guess they are right. I should stop this.

    Tinalikuran ko na lang silang dalawa at iniwan doon. It’s none of my business anyway. Kaya naman ay nang dumating ako sa classroom at naabutan ulit ‘yong babaeng si Coreen kasama yata ‘yong kapatid ni Noah sa labas ng classroom ay hindi ko na naman naiwasan ang pag oobserba sa nangyari.

    Papasok na rin sina Stan kasama ang kabanda, nagtatawanan pa at nag bubulungan kahit si Noah. Umayos ako sa pagkakaupo sa aking desk at kumuha ng libro para makapag aral sa Biology na siyang susunod naming klase pagkatapos ng lunch break. Luminga ako para kay Everlyse na nasa cafeteria parin yata nang umupo sina Noah sa harap ko. Doon kasi siya nakaupo. Pare pareho silang umupo sa desk, nagtatawanan, at nag hahigh five.

    Napanood ko kung paano hinila nong kapatid ni Noah si Coreen papasok sa classroom. Dala dala niya parin ‘yong supot na tingin ko ay may lamang mga pagkain at kung anu-ano pa. Tahimik ko lang silang pinanood.

    “Kuya…” Maliit ang boses nong kanyang kapatid.
    “Reina… why are you here?” Ilang sandali pa bago nakita ni Noah ang kapatid sa likod nina Warren.
    “Andito kasi si Coreen. Galing kasi silang Ilocos. May dala siya para sa’yo. Pasalubong.” Ani Reina, ‘yong kapatid ni Noah.

    Nanginginig ang mga kamay ni Coreen at hindi siya makatingin kay Noah habang inilalahad niya ito sa harap nila. Tahimik sina Stan. I even saw that evil smirk on Stan’s face while he’s watching them.

    Tinanggap ni Noah ‘yong binigay ni Coreen. Very good, Noah.

    “Thanks.” Dagdag niya pa. Halos napatango ako sa kinauupuan ko at tumikhim.
    Ngumiti si Coreen sa ginawa ni Noah at hinila na si Reina. “You’re welcome.” Sabi niya.
    Pinanood kong tinitingnan ni Noah ‘yong nasa loob ng binigay ni Coreen. Kahit paalis ay pinanood din ni Coreen na tinitingnan iyon ni Noah. Nagulat ako nang hinampas niya ‘yong supot sa dibdib ng tumatawang si Stan. “Sa’yo na ‘yan.”
    “Oh? Bakit? Dislike sweets?”

    Nalaglag ang panga ko lalo na nong nakita kong natigilan si Coreen. Napanood niya ang nangyari!

    Tumalikod si Noah habang si Stan naman ay tinitingnan ang iba’t ibang klaseng pagkain na nasa loob non.

    “I don’t care.” Malamig na sinabi ni Noah habang lumipat sa upuan na malapit sa bintana.

    Napakurap kurap ako. Dahil lunchbreak pa ay wala pa gaanong kaklase sa loob. Ako, tatlong nerd na kaklase, at ang banda lang ang naroon. Sa pintuan ay nakita kong hinihila na ni Reina ang mangiyak ngiyak na si Coreen. Tumayo ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkaalis nina Coreen at Reina ay talagang nag alab na ang galit ko kay Noah.

    “Why are you so insensitive, Noah?” Umalingawngaw ang sigaw ko.
    Nilingon niya ako na para bang malaking effort sa kanya ang ginawang pag lingon kaya dapat akong magalak. Nagtaas siya ng kilay nang nakitang nakakunot ang noo ko at hindi man lang nasiyahan sa paglingon niya.
    “Kaibigan ‘yon ng kapatid mo! You know each other!” Sabay turo ko sa pintuan kung saan nakatayo kanina si Coreen at Reina.
    “Bakit ba ang hilig mong makealam?” Tanong ni Noah.
    “Kasi baluktot ang prinsipyo mo. Mali ang trato mo sa mga taong nakaka appreciate sa’yo!”
    “I didn’t ask for their appreciation.” Tumayo siya at nakita ko ang pagiging iritado niya sa akin. “Hindi ba dapat masaya ka? You like me. And you’ve seen me reject other girls, you should be damn greatful!”

    Napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit makitid ang ulo niya minsan at minsan naman ay napakamature. Noah’s one bipolar cold-hearted guy.

    “Yes! I like you! Pero hindi ibig sabihin non na ako lang dapat ang magkagusto sa’yo! May iba ring nag kakagusto sa’yo, Noah. And they deserve your attention. Kahit maliit na atensyon lang. They deserve it. That was your sister’s friend.”
    “So what if she’s my sister’s friend. I don’t like her.” Mariin at matigas niyang sinabi, halos pandidiri.

    I can’t believe I like this monster. Tingin niya sa ibang tao ay walang halaga. Ngumuso ako at hindi na nagsalita. I can’t believe him. Nakita kong ang nakatitig niyang mga mata sa akin ay nag iwas ng tingin at bumalik ulit ilang sandali. Parang nag isip.

    “What do you want me to do then? Enjoy reading her love letters? Huh?” Sarkastiko niyang sinabi.

    I find him ridiculous. Pero tuwing nasa entablado siya, bumabalik ‘yong pagkakagusto ko sa kanya. Tuwing tahimik siya at mukhang may malalim na iniisip ay bumabalik ang lahat sa akin. Gumagapang.

    Habang nag e-exam kami sa Biology ay tahimik ang lahat. Nag iisip ako ng sagot sa essay, huling parte ng exam, nilingon ko kung saan siya nakaupo at nakita kong pinag lalaruan niya lang ang kanyang ballpen habang kinakagat kagat ang labi, nakatingin sa labas ng bintana… nawala na ako sa aking iniisip. Damn it, Noah!

    Iyon ang naging kwento ko sa kanya sa huling loveletter na hinulog ko sa kanyang locker. Nakalagay sa sulat na iyon ang pagso-sorry ko dahil sa panghihimasok ko sa kanya nong nakaraang linggo. Pinalipas ko muna ang nangyari bago ako nagsulat muli.

    “Noah, ‘yong sulat ko inaapakan mo.” Sabi ko nang napanood na kinuha niya ‘yong kay Coreen.
    “Oh… You’re asking me to read something disgusting?” Tanong ni Noah.
    Nalaglag ang panga ko. “M-Maayos ‘to kanina nong di mo inapakan.” I stuttered.

    Ngayon unti unti na naman akong kinakabahan at nagagalit. Why is he so harsh to me?

    “Make another one. It’s disgusting.” Sabi niya at tinalikuran ako.
    Bumuga ako ng hininga at nagsalita. “I know you want me pissed because of what I did to you last week, Noah.”
    Nilingon niya ako. “Ikaw ang nagsabi I should appreciate other people’s efforts. Do you want me to appreciate you too? Huh? Megan? You are playing hero. Pero ang totoo, gusto mo lang naman na mapansin kita.”

    His piercing eyes made me so weak. Umiling siya na parang disappointed sa akin at naglakad palayo.

    Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Damn it!

  • Kabanata 5Open or Close

    Kabanata 5
    Pikon

    Kahit sa gaspang ng ugali ni Noah ay nagpatuloy ako sa pag iidolo sa kanilang banda. Mas naging aktibo ako sa club. And as usual, he was harsh on me. Hinayaan ko na iyon. I figured he was like that to everyone. Nalaman ko rin na hindi na naman siya nagbabasa ng kahit kaninong fan mails. Is it that hard? Maybe? I shouldn’t judge him. Hahayaan ko na lang siya at di na ako manghihimasok.

    At syempre, lagi parin akong present sa kanilang practice. Hindi na nga lang ako nakekealam kay Noah. Madalas ko rin silang naririnig na nag uusap ng tungkol sa mga babae. I heard he’s crushing on someone from the juniors.

    Nang tumungtong kaming grade 9 ay napansin ko na ang mga pagbabago sa kanyang katawan. He’s taller now and he’s developed muscles. Napansin ko talaga ‘yan kasi ang alam ko ay nag wo-work out si Stan at madalas silang mag usap ng tungkol don. One time I caught him flexing his biceps, halos mahulog ako sa kinauupuan ko.

    “Sasakit na naman ang wrist ko sa laro ngayon.” Sabi ko kay Everlyse nang sabay sabay kami ng mga kaklase ko papasok sa locker room.
    “Ako rin. But, damn, I love sports. Buti na nga lang at volleyball ngayon. Ayaw ko sa basketball. Sa Grade 10 pa ‘yong swimming diba? Sana mag grade 10 na tayo.” Ani Everlyse.
    “Lyse! ‘Yong sapatos ko.” Dinig kong sigaw ni Stan sa labas.

    Nilingon ko ang mga boys na nasa labas lang ng locker room namin. Abala ang mga girls sa paghahaloghug sa kani kanilang mga lockers sa Type D uniform at mga sapatos.

    “Sabi ko naman kasi sa’yo sa locker mo na ilagay. Ba’t sa akin pa? Stupid.” Ani Everlyse habang hinahanap ang kanyang susi.

    Nakita kong nakapamulsa si Noah at nakatingin din sa banda namin. Gwapo mo, Noah! Kinagat ko ang labi ko at binuksan na ang locker ko.

    “Nasagutan mo kanina ‘yong Chem? Hirap no?” Tanong nong nasa tabi ko.

    Sasagutin ko na sana siya ngunit napatalon ako sa gulat nang may biglang nag landslide na mga papel sa aking locker. Napamura pa ako nang nahulog ‘yong mga papel. Kabado din dahil may nilagay akong apat na maliliit na box sa aking locker. Kahapon kasi ay nag bake kami ng mga cake ni Everlyse dahil hindi raw siya marunong. Naka apat na cake na ako, sunog parin ‘yong sa kanya. Hindi naman namin maubos kaya naisipan kong itabi at ibigay sa mga taga Zeus. I know Stan won’t appreciate it but at least Warren, Joey, and well hopefully Noah will appreciate.

    Tumikhim ako sa kaba at lumuhod para pulutin ang mga envelope na nahulog. Buti na lang at hindi nahulog ‘yong mga box ng cake. They are all intact.

    “Akala ko ‘yong mga cake ang nahulog! Diyos ko! Good thing nilagay mo dito sa locker ko ‘yong sapatos mo.” Ani Everlyse at tinulungan na akong magpulot ng mga sulat.
    “Ikaw na.” Sabay tawa nong nasa tabi ko.
    “Grabe, Megan. Ikaw na talaga ang palaging may love letters, araw- araw.” Sabi ni Wella, ‘yong co member ko sa club.

    Umiling ako at inayos ang mga sulat. Binuksan ni Everlyse ‘yong locker niya at kinuha ang sapatos ko at ‘yong sapatos na rin ni Stan.

    “Shoo!” Ani Everlyse para umalis na sila.

    Sumulyap ako sa kanila at nakita kong nakatingin si Noah sa akin. Agad siyang naglakad palayo nang naabutan ko siya.

    “‘Yong iba sa love letters dito kay Everlyse, e. Naliligaw yata sa locker ko.” Tawa ko nang may nakitang isang love letter na para kay Everlyse.
    “Weh? Patingin?” Nag tipon tipon sila para maki usyuso sa mga natanggap ko nang bigla ko ulit naalala ‘yong mga cake.
    “Lyse! Teka lang. Ibibigay ko lang ‘yong cake sa Zeus!” Sabi ko at mabilis kong nilapag ulit ang mga loveletters sa loob ng locker ko para kunin ang apat na maliliit na box doon.
    “Oh, dahan dahan baka matapon!” Sabi ni Everlyse dahil sa pagmamadali ko.

    Lumabas agad ako ng girl’s locker room para maabutan ‘yong sina Stan. Nakita kong naunang umalis si Noah at may kausap pang isang kaklase. Hindi siya pumasok sa locker room at hinayaan ko na lang siya. Tinakbo ko ang distansya galing sa kinatatayuan ko patungong locker room nila.

    “Stan!” Sigaw ko, hinihingal. “Nag bake kasi kami ni Lyse kahapon ng mga cake. Ibibigay namin sa inyong apat. Ibibigay ko na ‘to nang makain niyo o mailagay niya sa locker niyo.”
    “Wow!” Ngiti ni Warren at agad lumapit sa akin para kunin ‘yong isang box. “Thank you. How sweet naman.”
    Ngumiti ako. “Sana magustuhan niyo ‘yan. Pag nagustuhan niyo ‘yan, ipagbibake ko ulit kayo.”

    Ibinigay ko kay Joey ‘yong kanya na agad niyang nilantakan. ‘Yong iba naman naming kaklaseng mga lalaki ay nagpaparinig sa akin na naiinggit sila. Kinuha ni Stan ‘yong kanya at sinabi sa aking mamaya ko na lang ibigay ‘yong kay Noah. Sumang ayon naman ako dahil wala pa siya doon.

    Bumalik ako sa locker room ng mga girls upang makapag bihis na. Nagmadali pa ako dahil iniwan na kami ng mga kaklase namin. Baka mag alburoto pa ‘yong teacher namin sa P.E. dahil late kami lahat.

    “Lyse, ibibigay ko pa ‘tong cake kay Noah. Mauna ka na lang.” Sabi ko.
    “O sige, sige. Bilisan mo’t baka mapagalitan ka.” Ani Everlyse at tumakbo na patungong ramp sa pagmamadali.

    Mabilis ang lakad ko at naabutan ko pang paalis sina Stan at Warren. Nagtaas ng kilay si Stan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan niya rin ang dala kong box.

    “Nandon pa si Noah sa loob at ilang kaklase. Ibigay mo na ‘yan, bilis.” Aniya.
    Tumango ako at dumiretso na sa locker room.

    Naabutan ko siyang nagtatali ng sintas ng sapatos. Sumulyap muna siya sa akin bago sinimulan ang kabilang sapatos.

    “Noah, ibibigay ko sana ‘tong cake sa’yo.” Sabi ko sabay lahad ng box sa kanyang harapan. “Binake ko ‘yan kahapon.”

    Sinulyapan niya ang box na inilahad ko at ikinagulat ko ang pag muwestra niya sa upuan.

    “Ilagay mo lang diyan. Salamat.” Mariin ang sinabi niya kaya hindi na ako nag atubili. Di na ako humingi ng dugtong.
    Tumango na ako agad at nilapag ang cake sa upuang nasa tabi niya at tumalikod para umalis.

    Pagkalabas ko ay halos tumalon ako sa tuwa. Patalon talon akong tumakbo pababa ng school grounds sa saya. Nilapitan ko kaagad si Everlyse na agad nangumusta sa pagbibigay ko ng cake kay Noah. Maging siya ay nagulat na tinanggap ito ni Noah.

    “Ang sikip nitong type D ko.” Anang isang kaklase namin habang inaayos niya ang kanyang shorts.

    Ang kulay dark blue at white naming type D o volleyball jersey ay medyo hindi gusto ng mga conserbatibong estudyante.

    “Talagang cycling type ‘yong shorts kasi volleyball. Don’t expect na tulad ng jersey ng boys ‘yong satin.” Ani Everlyse.

    Tiningnan ko ‘yong akin at sumang ayon. Ganito naman talaga dapat ‘yong jersey na pang volleyball. Kulay royal blue ang shorts namin samantalang halong puti at royal blue naman ang pang itaas.

    “First game.” Sabi ng aming teacher na agad binanggit kung sino ang unang maglalaro para sa mga babae.

    Kasali ako doon at si Everlyse. Batid kong alphabetical order at magkatabi ang pangalan namin kaya di lang kami sabay, teammates din. Hindi naman ako into sports pero masaya ang mag laro kaya madalas ay pinag hihirapan ko lahat.

    Pumwesto na ako sa sinabi ng teacher namin. Naghihintay na lang kami ng pito para mag simula na sa service ang kabilang grupo. Namataan ko si Noah kasama ‘yong isang kaklase namin, patungo pa lang sa bleachers kung nasaan ang ibang kaklase din.

    “Go Marfori!” Sigaw ni Stan para sa aming dalaw ng kanyang kapatid.

    Kinabahan tuloy ako. Yumuko ako para mas maramdaman ang pag coconcentrate sa paghihintay sa bola.

    “Megan, sexy!” Sigaw ng isang kaklase kong lalaki.
    Ngumiti ako. “Mga baliw.” Bulong ko.
    “Meg, feeling ko may isa tayong kaklase o dalawa na naglalagay din ng love letter sa locker mo.” Ani Wella.
    “Wala namang naglalagay ng pangalan, e. Gusto ko sanang mag sulat din para masagot ‘yong mga sulat pero saan ko naman ibibigay.” Halakhak ko.

    Pumito ang aming teacher kaya agad nagsimula ang laro. Sa akin ang unang score. Hindi ako magaling pero sinwerte yata ako ngayon.

    Naghiyawan ang mga kaklase kong lalaki at nakita ko pang may apat na tumayo, sumama pa si Warren habang kinakanta ang pangalan ko.

    “Tumigil nga kayo, kinakabahan tuloy ako!” Sigaw ko sa kanila dahil patuloy ang ginagawa nila.
    “Boys, you are distracting the players.” Saway ng teacher namin na biniro pa nila sa pagiging kill joy daw nito.

    Pinasadahan ko ng tingin ang bleachers at agad kong nakita si Noah na mayabang ang upo doon at nanonood sa banda namin. I’d like to think that he is looking at me. Pero masamang mag assume, ngumiti na lang ako sa sarili ko at nag concentrate sa papalapit na bola.

    Mahigpit ang laban. Magaling din kasi ang nasa kabila. Kahit puro amateur naman kami.

    “Yuko pa, Meg!” Sigaw ni Warren at pumalakpak.

    Umayos ako sa pagtayo at nilingon si Everlyse na nasa likod ko na ngayon.

    “Yeah, cous. I can see your butt from here. That’s what they are all looking at…” Sabay iling ni Everlyse.
    “Tsss. Boys… Mga manyak talaga.” Sabi ko at tinigil ‘yong stance na ‘yon kaya panay sila sa pag sigaw na yumuko ako.

    “Megan! Megan! Megan!” Sabay sabay nilang sigaw at nag aakbay pa. Dumami pa yata sila.

    Nilingon ko ulit si Noah nong nag serve ako. Nakita kong nakaupo lang siya doon katabi ni Stan. Yabang! Ngumiti ako at pinalo ang bola ng isang beses bago pinasaere at ni serve.

    Pumwesto ulit ako at yumuko na agad namang pinalakpakan ng mga lalaki kong kaklase. God! Crazy boys, indeed!

    Pagkatapos ng laro ay tinawag ang kalahati pang team ng mga babae. Hiningal ako habang umiinom ng tubig. Pinagmamasdan ko ang mga kaklase naming nag lalaro ngayon at naglakad ako patungo sa bleachers kung nasaan na ‘yong ka team ko at si Everlyse.

    Papalapit ako kay Everlyse na katabi si Stan at Noah ay nahagip ko ang tingin ni Noah na nakatingin sa suot ko. Nang inangat niya ang tingin niya sa aking mukha ay nag iwas siya ng tingin at bahagya pang umirap.

    “Kayo next.” Sabi ko nang nakalapit na ng husto.
    “Yup…” Ani Stan. “Hate volleyball. Pwede bang basketball naman?”
    “Why don’t you all change. You are all sweating.” Ani Noah.
    Inamoy ni Everlyse ang kanyang sarili at tumingin kay Noah ng nakaismid. “Di naman kami mabaho.”
    “Oo nga.” Sabi ko at inamoy na rin ang sarili ko.
    “Hindi ko sinabing mabaho kayo. Sinabi kong pawis kayo kaya magbihis na.” Ani Noah nang di parin tumitingin sa amin.

    Suplado nito. Ang arte pa! Ngumiti ako at umupo sa gitna ni Stan at Megan.

    “Sige, Meg. Samahan kita sa locker.” Pabirong sinabi ni Warren at umambang susuntukin ni Joey sa tiyan. “Biro lang, dude.” Tawa ni Warren.
    Tumingin si Joey kay Noah na agad tumayo.

    Tiningala ko si Noah sa kanyang pag tayo. Nagulat ako nang nilingon niya ako.

    “I told you to change…”

    Halos malaglag ang panga ko. Nilingon kong pareho si Everlyse at Stan na nagkibit balikat lang.

    “Are you talking to us, Noah? Or to Megan only?” Nagtaas ng kilay si Everlyse.
    “Chill…” Ani Joey at agad pumagitna. “Ang mabuti pa… magbihis na kayo, Lyse. Baka sakaling sumama rin ‘yong mga kaklase nating tapos na. Mag type C kayo, ‘yong jogging pants.”
    Humikab si Warren at umupo sa bleachers. Winagayway niya ang kanyang susi at ipinakita kay Everlyse. “Why don’t you also get my cake. ‘Yong binake ni Megan para sa akin kasi nakakagutom mag hintay matapos ang larong ‘to, e.”

    Nagkatinginan kami ni Noah at nakita ko ang panlalamig ng kanyang ekspresyon sa akin. Hindi siya umimik pero naramdaman ko ang nag alab niyang galit sa akin. Agad siyang bumaba sa bleachers at nag martsa patungong building.

    Nilingon ko sina Everlyse at Stan na parehong nagtataka sa nangyari. I think something’s wrong.

    “Susundan ko lang.” Sabi ko.
    “Georgianne, stop…” Narinig kong banta ni Stan.

    Hindi na ako napigilan. Nagmadali ako sa pag baba sa bleachers at patakbo kong sinundan si Noah. Nakita kong pumasok siya sa building kaya sinundan ko siya patungo doon. Umakyat din siya sa ramp. Pupunta siyang locker?

    “Noah…” Untag ko habang tinatakbo ang ramp.

    Alam niyang sinusundan ko siya pero di niya ako nililingon. Patuloy ang tawag ko sa kanya.

    “Noah!” Sigaw ko nang nakitang pumasok siya sa locker.

    Walang pag aalinlangan akong pumasok kahit na sa gilid ng aking mga mata ay nakakita pa ako ng nakatapis sa lalaki.

    “Noah!” Sigaw ko habang binubuksan niya ang kanyang locker at nilagay niya sa upuan ‘yong box na pinaglagyan ko ng cake. “What’s wrong with my cake?”
    “Why don’t you fool someone else, Meg?” Mariin niyang sinabi.
    “Ha? What do you mean? Anong pinag puputok ng butchi mo? It started with… well, you want me to change. And now my cake? I’m lost, Noah.” Sabi ko.

    I actually have an idea pero imposible. Very impossible.

    “You tell me what’s up.” Mariin kong sinabi.
    “You’re stupid!” Malamig niyang sinabi.
    Nalaglag ang panga ko at nairita sa kanyang kumento sa akin.
    “You like wearing that, don’t you? You like being stared at? Wearing that.” Sabay turo niya sa suot ko.
    “What? This is our uniform. Di mo ba alam? Di mo ba nakita? Who’s stupid now?” Iritado kong sinabi.
    “Alam mong maraming nagkakagusto sa’yo. You encourage them by wearing those kind of clothes.”

    Natigilan ako. ‘Yong galit ko kanina ay nawala ng parang bula. Go ahead, Noah. Tell me more. Naghihintay ako.

    “You like their cheers. And now? Sinungaling ka rin, ano? You told me you made this shit for me but you made shits for the half of the male population in our school?” Pumula ang pisngi niya habang mariin akong sinusumbatan.

    Tumayo lang ako doon at pinanood siyang galit na galit sa akin.

    “Noah, Warren is not half of the male population of the school. Binigyan ko kayong apat kasi gusto ko ang Zeus. Like you said, we, fans, should like your music.” Tinagilid ko ang ulo ko.
    Nag iwas siya ng tingin sa akin at nakitang nakabukas ang kanyang locker. Hinampas niya ito at hindi ako natinag man lang sa gulat.
    “Tell me, Noah. Are you jealous?”
    “I’m not. Why would I be?” Nagtaas siya ng kilay sa akin.
    “Then why do you want me to change? I can wear this and suffer the consequences. Kaya ko namang sabayan ang mga biro ng mga kaklase natin.”
    Huminga siya ng malalim at pumikit pagkayuko. Dumilat siya at nag angat ng tingin. It’s been almost three years at ngayon ko lang nakita sa kanya ang mga ganitong ekspresyon.
    “Then wear it. Leave. I’m pissed.” Aniya ng mas mahinahon.
    “Why are you pissed?” Hamon ko.
    “I said, Megan. Leave me.” Aniya.
    “Okay.” Nag kibit balikat ako pero halos tumalon na ‘yong puso ko sa tuwa. Damn it! If my thoughts are right, he is jealous!

    Narinig kong isang beses pa niyang padabog na sinarado ang kanyang locker. Kinagat ko ang labi ko at di ko mapigilang ngumiti.

    “Pikon.” Hindi ako magpapalit. Bahala ka.

  • Kabanata 6Open or Close

    Kabanata 6
    I am Sorry

    Hinaplos niya ang pisngi ko at agad akong umigtad sa kanyang ginawa. Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya. His smirk was leering.

    “Yesterday, my brother and I talked…” Ani Rozen.

    Ilang beses na kaming nag usap. We weren’t formally introduced or what. Hindi ko alam kung anong nagdadala sa kanya at bakit pumupunta siya sa akin tuwing may sasabihin siya tungkol sa kanyang kapatid. Pero nakilala ko na rin siya dahil tulad ni Noah ay sikat din siya sa buong eskwelahan.

    Nagawi lang naman ako sa mga Grade 11. Warshock ang aura sa kanilang mga corridors. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga gagong madalas ay nasa batch nila. At hindi ko maipagkakaila na isa sa mga gago na iyon ay ang kapatid ni Noah.

    “And?” Nagtaas ako ng kilay.

    Paikot ikot siya sa akin habang kinakausap ako. May mga kasama siyang mga barkadang babae at lalaki na nakatingin lang sa amin sa gilid at walang pakealam.

    “At pinuri niya si Coreen.” He told me.
    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Where is he going with this? I didn’t know. Hinayaan ko siyang magpatuloy.
    “Hindi niya iyon madalas ginagawa.” Tinagilid niya ang kanyang ulo, ang diamond earring na tulad nong kay Noah ay kuminang.
    Tumango ako. “Tapos?”
    Ngumiti pa siya lalo. “I thought you’re stealing his heart?”
    “His heart is his, Rozen.” Sabi ko.
    Humalakhak na siya ngayon. Ang iilang buhok ko ay sinabit niya sa aking tainga at nakita kong ilang babae ang natigilan dahil sa ginawa niya.
    “And besides? Puri pa lang naman. Are you so scared and insecure he’ll get your girl?” Nagtaas ako ng kilay.
    Napawi ang ngiting nanunuya sa labi ni Rozen. Tingin ko ay may naapakan ako. Bull’s eye, Megan. I want to stop talking but I also want to see if I did hit the bull’s eye.
    “Oh wait. She isn’t your girl yet. She’s still Noah’s girl.”
    “Shut up, Megan.” Iritado niyang sinabi.

    Nakakabingi na ang katahimikan sa paligid. Tingin ko ay naghihintay na lang ng signal ang mga kampon niya bago ako sugurin at patayin sa harapan ni Rozen Elizald. Humalukipkip ako. You won’t hurt a girl, Elizalde. At least not physically.

    “Bukod ba sa mga kabaliwang ginagawa mo sa banda nila, wala ka na bang ginagawang iba para mapansin niya?” Nagtaas ng kilay si Rozen at seryoso akong tinanong.
    “Rozen, maraming crush si Noah. So what if pinuri niya si Coreen. Pinuri niya lang ‘yon. Stop freaking out. You are such an obsessed freak.”
    “I don’t know who’s an obsessed freak between us, Megan.” Ngumiti siya.
    Ngumuso ako at tumango. “Okay. I told him to appreciate his fans. Hindi ‘yong iniisnob. If I was obsessed, I’d tell him to stop looking at other girls-“
    “Hindi mo siya masasabihan niyan dahil hindi kayo magkasundo. Kasi kung nagkakasundo kayo, paniguradong iyan ang hihilingin mong gawin niya. Admit it, Megan. Don’t be too tight. Loosen up. You want my brother for yourself.”
    Tinitigan ko na lang si Rozen. Hudyat iyon na tapos na akong makinig sa kanya. Nagkibit balikat din siya at nilingon ang mga kasama niya bago umalis.

    Ilang beses ko nang napag isipan iyong sinabi ni Rozen. Sa mag aapat na taon ko nang nakilala si Noah ay minsan na ring sumagi sa isip ko iyan. I like Noah in a romantic way. And that’s not because I constantly daydream about him like the other girls. Minsan kasi, naiinlove ka na lang sa isang crush mo dahil sa mga iniisip mong ginagawa niya o gagawin niya sa sarili mong mundo kahit na ang totoo ay hindi naman talaga siya responsive sa’yo in real life. I’m not into those kind of things. I realize the reality. I like Noah because he is passionate. Pag may gusto siyang bagay ay itutuon niya doon ang kanyang lakas at panahon. May prinsipyo siya.

    Kung totoo ang sinabi ni Rozen na nagugustuhan na nga ni Noah si Coreen, then I won’t be surprised. That girl isn’t hard to like. Maganda at consistent na gusto si Noah. Hindi ko mawari kung ano ang magiging reaksyon ko. Masisiyahan ako para kay Noah pero hindi ko maipagkakaila na hindi ko sila matitingnan ng diretso ng ilang araw o linggo.

    “You have another gift?” Tanong ni Everlyse sa akin nang umakyat siya sa aking kwarto.
    “Uh, yeah. This is the first time I got invited kaya bukod sa pinadala namin sa fans club, bumili na rin ako ng isa pang gift.” Sabi ko habang nililingon siya at inaayos ang damit kong may long sleeve at midriff.

    Totoong ngayon lang ako na imbita sa birthday ni Noah. Ang totoo niyan ay sa pagkakaalam ko, intimate dinner lang ang nangyayari sa birthday ni Noah noon kaya hindi ako naiimbitahan dahil syempre hindi naman ako malapit sa kanya.

    “What’s inside?” Tanong ni Everlyse, nakataas ang kilay.
    Ngumiti lang ako at tinakasan ang kanyang tanong. “Marami bang invited?”
    She pouted. “I think so. Malaki naman ang bahay nila kaya kasya ‘yong mga kaibigan niya don. And Stan said nag imbita daw ng marami si Noah dahil mukhang may pinopormahan siya.”

    Tinikom ko ang bibig ko at umupo sa aking kama. Pinaglaruan ko ‘yong ribbon sa maliit kong regalo bago iyon dinampot at nilagay sa aking purse.

    “Let’s go.” Sabi ko, walang ibang maidugtong.
    Ngumiwi si Everlyse. “Selos ka no?” Humalakhak siya.
    Muli akong tumingin sa kanya, tumatayo. “Ilang beses ko ng narinig na nagkakagusto si Noah sa iba’t ibang babae pero hindi ko pa siya nakikitang pumorma talaga. I think he’s torpe.” Ngiti ko.
    “Pero nagseselos ka? Kasi baka sa wakas magkakaroon na siya ng lakas ng loob, pero hindi naman sa’yo.”
    “No. I think he will never have the guts, Everlyse. Matayog ang kanyang pride. Abot langit. He will never confess anything like he’s so in love with another girl. Dahil paniguradong mararamdaman niyang talo siya pag nangyari.” Mariin kong sinabi.

    Hindi sa hinuhusgahan ko si Noah. For the past years na nakilala ko siya, naramdaman ko na iyon. I can taste the pride in him. I can see it dripping in his eyes, his voice, his moves. He will never bow to anyone, not even a girl, even for love. That’s Noah Elizalde for you. And girls who are hopeless romantic will never have their chance with him. Bitchy girls will only disgust him. Hindi ko alam kung sino ang babagay sa kanya. One day, may dadating na babae na makakapagpababa sa pride na inalagaan niya hanggang sa tumubong matayog. Although I can’t really expect that that time will come, but I can hope.

    Kabado ako sa loob ng sasakyan. Hindi naman ito pormal na party. Si Everlyse naka casual dress lang samantalang ang kapatid na si Stan ay naka black coat at faded maong jeans.

    “We’re here!” Sabi ni Stan nang nasa labas na kami ng isang malaking gate.

    Hindi mo makikita ang bahay sa loob nito. It was unwelcoming. Hindi tulad sa bahay na may malaking gate pero kita mo naman ang bahay sa loob. Ang isang ito ay parang sinadyang matayog na concrete walls ang itinayong nakapalibot at kung hindi ka papapasukin ay hinding hindi mo rin masisilayan kung ano ang nasa loob.

    “What’s their business ba, Stan?” Napatanong si Everlyse nang papasok na kami sa bahay.

    Kaya pala di mo makikita ‘yong bahay dahil malayo pa ito sa gate. Ilang metro pa ang itatakbo ng sasakyan bago makakapag park kasama sa ibang sasakyan. Sa magkabilang panig ng daanan ay ang malawak na garden.

    “Ang alam ko may kinalaman sa engineering, cement, and something like that.” Ani Stan.

    Iginala ko ang paningin ko sa mga sasakyang naka parking. May iilang papalabas pa at tinitingnan din ang sasakyan namin. May dala dala silang malalaking regalo at ang mga katulong nina Noah ay gumigiya sa kanila papasok sa loob na mukhang maraming tao, tanaw ko iyon kahit na papalubog na ang araw at dumidilim na.

    “You think their parents are here?” Tanong ni Everlyse.
    “Yup. That’s their parents.” Sabay turo ni Stan sa dalawang intimidating na hindi naman masyadong katandaang babae at lalaki na naroon din malapit sa double doors nila.

    Lumabas kami at hinayaan ang driver na magpark kung saan. Inayos ko ang sarili ko at nilagay ko sa isang side lang ang buhok ko. I’m meeting his parents!

    “Hi Tita! Tito!” Sabi ni Stan at nagawa pang bumeso ng pinsan ko sa kay ‘tita’.
    “Hello Stan! Hinihintay ka na nina Noah, Warren, at Joey sa loob.” Ngumiti ang mommy ni Noah at nakita ko kaagad na nagmana siya sa ngiti ng kanyang ina.

    Tahimik akong nagmamasid sa likod ni Everlyse. Naghihintay na maipakilala.

    “This is Everlyse, my twin.” Sabay pakita ni Stan sa kay Everlyse na agad nakipag beso sa mommy ni Noah at tumango sa daddy ni Noah. “And this is my cousin, Megan. She’s a big fan of Noah.” Ngiti ni Stan.
    “Hi po!” Ngiti ko at bumeso na rin sa mommy ni Noah at tumango sa kanyang daddy at napagtanto na dito yata niya nakuha ang kakisigan. Hindi naman sa ano pero I find his dad cool and handsome. Kamukhang kamukha ni Noah.
    “Oh? May fan ang anak ko na kasing ganda mo? He’s one lucky guy, then. Niligawan ka ba?” Nangingiting sinabi ng kanyang mommy.
    “Naku, hindi po. Di nga po niya ako pinapansin.” Tumawa ako.
    “That boy. Pasensya ka na don at medyo suplado. Hindi ko nga alam bakit ganon ‘yon.” His mother is intimidating but friendly.

    May tumawag kay Stan galing sa loob. Si Joey yata at nakita kong marami ng tao sa kanilang sala. May mga pagkain malapit sa malaking bintana o pintuan patungo sa kanilang backyard garden na mukhang may swimming pool.

    “Pasok na kayo sa loob.” Sabi ng mommy ni Noah pagkatapos marinig na tinatawag na si Stan.

    Pumasok naman kami agad dahil marami pa silang binati. Iginala ko na kaagad ang paningin ko sa buong bahay na punong puno ng kakilala namin. Dahil kasama ko si Stan na sinundo ni Joey ay agad akong nakakita ng iilang mga babaeng nagbubulungan na nakaupo sa sofa nina Noah.

    Nakita ko rin si Reina, yong kapatid ni Noah kasama si Coreen. Mas lalo kong iginala ang mga mata ko para mag hanap kay Rozen. I’m pretty sure he’s here somewhere. Nakita ko siyang nasa sofa rin, pinapaligiran ng babae. I think half of the invites were given to his friends. I saw William, Stefan , and all his other guy friends. Halo halo na yata ‘yong crowd dahil may mga kaklase din kaming naroon, Ynigo Sanchez and even Trisha Roncesvalles and her friends. Naisip ko tuloy kung sino ‘yong pinopormahan ni Noah.

    “Ayun si Noah.” Sabay turo ni Everlyse sa upuang malapit sa swimming pool. Nakahalukipkip siya at nakangiti habang kinakausap ang ibang mga kaibigang lalaki.

    Naka puting longsleeve polo siya at dark na maong. Gusto ko siyang lapitan para ibigay ang regalo ko sa kanya but I didn’t think it was a good time. Masaya siya habang kausap ang mga kaibigan kaya mamaya ko na siya iistorbohin.

    “Happy birthday, Noah.” Bulong ko sa sarili ko at tiningnan ang mga pagkain. Gutom na ako. “Lyse…” Nilingon ko ang pinsan kong nawala sa tabi ko dahil dumiretso na sa iilang kaibigang nakita.

    Si Stan naman ay nasa harap na ni Noah. I’ll be fine alone. I can eat alone. Lalo na syempre pag gutom.

    Dumiretso na ako sa mahabang mesa na maraming pagkain. Iba-iba at may mga hindi maispelling na pangalan. May nakalagay pang bansa kung saan nagmula ang recipe ng pagkaing iyon. May mga kandila sa bawat gilid at mga palamuti. Sa haba ng mesang ito ay tingin ko kalahati pa lang ang madadaanan ko, busog na ako. Kumuha lang ako ng iilang gusto ko at nilingon na agad ang mga puting maliliit na round tables sa loob at labas para mag hanap ng mauupuan.

    “I knew you’d be here.”
    Halos napatalon ako sa nagsasalita sa likod ko. Mabuti na lang at hindi ko natapon ang pagkain ko. Hinawakan ko ang dibdib ko sa kaba at tumawa. “Ysmael, you’re here!” Sabi ko.
    “Yup! I’m friend of the Elizalde’s so…”

    Madalas kaming magkita ni Ysmael sa school. Madalas siyang nakikipag sabay ng lunch sa amin ni Everlyse at dahil nakapunta na siyang New York, marami kaming napag uusapan tulad ng Time Square at iilang lugar doon na napuntahan ko na rin. I have learned that he’s falf Spanish-half Filipino. Nong nag hiwalay ang kanyang mga magulang ay dito na siya sa Pilipinas nanirahan habang ang kanyang mommy ay umalis patungong New York nong tumungtong siya ng Highschool para magpakasal sa isang Amerikano.

    Naputol ang pag uusap namin nang sinigaw ni Warren ang pangalan ko at nag lahad siya ng kamay para yakapin ako.

    “Megan!” Ngiti niya habang sinusulyapan ang katabi kong si Ysmael.
    “Warren.” Ngiti ko at nilingon agad sina Noah na patuloy parin sa pakikipag usap sa mga kaibigan. Niyakap ako ni Warren at sumulyap ulit sa kay Ysmael na hindi pa umaalis sa tabi ko.
    “This is Ysmael.” Sabi ko sabay tingin kay Ysmael. “Ysmael, this is Warren.”
    Tumango si Ysmael at ngumiti kay Warren pero di nag laan ay bumaling sa akin para mag yaya. “Would you like to sit somewhere? You’re struggling big time.” Tumawa siya at kinuha ang platong dala ko.

    God, the pig in me. Tumango tango agad ako medyo nahihiya sa pangyayari. Bumaling ako kay Warren at agad humingi ng dispensa. I need to sit somewhere so I can eat.

    “Kain tayo, Warren.” Sabi ko ngunit tumango lang siya at medyo hindi makangiti.

    Dumiretso na si Ysmael sa labas kung saan siya nakakita ng upuan kaya nalito ako kung sino ang lilingunin ko. Tumango si Warren at ngumiti kaya tumango na rin ako para iwan na siya. Lilingunin at tatawagin ko sana si Everlyse para sabihing lalabas ako kasama si Ysmael pero hindi ko na siya nakita kaya dumiretso na ako sa labas.

    Sumulyap ako sa nag uusap na sina Stan at nakita ko ang diretsong tingin ni Noah sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako, hihinto, o lalapit sa kanya para makabati ako.

    “Megan!” Tawag ni Ysmael sa akin.

    Hindi ko tinantanan ng tingin si Noah kahit na ganon. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa damit ko at medyo tumagilid ang ulo niya. Baka tulala lang ito? May ilang babaeng dumaan na inosente akong nabunggo kaya imbes na tumunganga sa gitna ay naglakad na lang palayo at dumiretso sa mesa namin ni Ysmael.

    Nilapag na niya ang aking plato sa harapan at nakita kong kumuha pa siya ng juice naming dalawa. Inayos ko ang buhok ko bago ako umupo.

    “Pasensya ka na. I wanted to find Everlyse, my cousin. She’s just around but I couldn’t finde her anywhere.” Sabi ko.
    “You should probably just text her. Maraming schoolmates. Maybe she’s with her friends.”
    Tumango ako. “You’re right.” At kinuha na agad ang cellphone ko para mag text kay Everlyse at sabihing nasa may swimming pool ako kumakain kasama si Ysmael.

    Pagkatapos kong itext si Everlyse ay pa unti unti na akong kumain habang kinakausap si Ysmael. May iilang lumapit sa amin na nakipag high five sa kanya. Mukhang mga kaibigan niya yatang seniors. Kaya habang nagkakausap sila pagkatapos akong ipinakilala ay sumulyap muna ako kina Noah.

    Nagtatawanan na sila at may iilang babae ng kasama sa kanilang pagtitipon. Nakangiti si Noah habang tinutulak siya ni Stan sa isang medyo maliit at maputing babae, may side bangs siya at ngumingiti din sa mga kausap na kabanda ni Noah.

    “So do you have a curfew?” Tanong ni Ysmael.
    Bumaling ako sa kanya ng medyo matabang ang pakiramdam. “Uhm, no. I don’t have.” Ngiti ko.
    “Talaga? That’s cool. Well, if I ask you to Prom, your parents won’t mind? I’ll take you home by probably 11 or 12 midnight.”

    Nagulat ako sa tanong niya. Napainom ako ng juice. Gusto niya akong isama sa Prom ng Grade 11 at 12? He’s Grade 12. I am only Grade 10 at hindi madalas ang mga nagyayayang grade 12 sa amin patungong Prom.

    “Sige ba! When is it?” Tanong ko.
    “It’s on the 14th of February. Sige ba? Are you sure?” Nagtaas siya ng kilay na para bang hindi makapaniwala sa agaran kong sagot.
    “Well, wala pa namang nag yayaya sa akin.” Ngiti ko.
    “Yes!” Wohoo!” Sigaw niya at pumikit siya na para bang nanalo sa lotto!
    “Yeah bro!” Binalikan siya ng mga kaibigan niya. Dumagsa sila sa table namin at tinapik nila sa likod si Ysmael na para bang nanalo nga siya sa lotto.

    Uminit ang pisngi ko habang nginingitian ng mga lalaking nasa basketball varsity na kasama ni Ysmael. Nagtawanan kami habang kinakantsyawan at pinupuri nila si Ysmael. Naagaw yata namin ang atensyon ng iilang mga kakilala na nasa paligid.

    “Ano ‘yan?” Tanong ng isang babaeng kakilala din yata nila.

    Nilingon ko ulit sina Stan at ang banda at nakita kong papalapit sila sa amin. Oh, damn!

    “Kamusta dude?” Narinig ko ang boses ni Stan sa likod ko habang nakikipag high five sa mga naroon.
    “Ayos lang, pre. Nice party, bro.”

    And Noah’s probably behind me? Kinagat ko ang labi ko at nakita kong tumayo ang natatawang si Ysmael habang inaakbayan ng isa pang kaibigan niya. Mukhang may pinag uusapan silang palihim. Now I’m left with the crowd near our table.

    Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko ang kamay na humawak sa gilid ng puting round table. Naka tupi hanggang siko ang kanyang puting long sleeves at ang relo niya ay sumisigaw ng Nixon. Halos naestatwa ako sa kinauupuan ko nang naramdaman ko ang hininga niya at naramdaman ko ang isa pang kamay niyang nakahawak sa upuan ko.

    “You came to flirt or you came for me? Which, Meg?” Malamig na boses ni Noah.
    “I am totally not flirting, Noah.” Hindi ko siya tiningnan.

    Bakit ang lapit niya? Ilang pulgada na lang ay mararamdaman ko na ang kanyang labi.

    “You came for me.” It was a statement, not a question.
    Dahan dahan akong pumikit at tumango.

    Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. It sent shivers down my spine. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang regalo kong nasa loob ng purse.

    “Happy birthday.” Sabi ko at inilahad sa harap ko ang regalo, hindi ko siya malingon dahil sa lapit niya.
    Narinig ko ang tunog ng pagnguso ng kanyang labi. Hindi niya kinuha ang regalo ko, imbes ay dinugtungan niya ang kanyang sinabi.
    “Sasama ka daw sa prom ni Ysmael. I thought you’re not flirting with anyone else, Meg.”
    Nagtaas ako ng kilay at bahagyang lumayo sa kanya para lingunin siya. “I am not.”
    “Then reject him.” Utos niya.
    Umiling ako. “Hindi pwede. Nasabi ko na, Noah. That’s too rude.” Sabi ko. “And besides, anong mapapala mo kung hindi ako sasama sa kanya? Bakit ayaw mo? Bakit? Nagseselos ka?” Sa tanong kong iyon ay tumayo siya ng maayos at seryoso akong tinitigan.

    You are unbelievable Noah. Hindi ko alam kung nag i-ego trip ka na naman ba. Hindi siya sumagot. Umirap ako at nilapag ko ang regalo ko sa mesa. I made that for you, idiot. I like this idiot too much. Damn it!

    Hindi ako umimik at hindi rin siya umimik sa tabi ko. Nakakabingi ang ingay ng mga kaibigan namin at nakakabingi din ang katahimikan namin. Noah, I would shout for you at every gig anytime. I am crazy over you but you can’t just order me to punch someone else for your satisfaction.

    Hinawakan niya ang regalo ko gamit ang kanyang daliri. Hinahaplos ang bawat dulo ng parisukat kong regalo. Sa mga kanta nila ay may tatlo doon na kinompose ni Noah. Ginawan ko ng rendition gamit ang piano forte ang tatlong iyon, nirecord at nilagay sa isang CD. Iyon ang regalo ko kay Noah.

    “Oo.” Mabilis niyang kinuha ang CD. “Sasama ako sa date niyo. I am gonna fetch you from your house and from the venue. I am sorry, Megan.” Aniya at tinalikuran ako.

    Kumunot ang noo ko habang unti unting nag sisink in sa akin lahat ng sinabi ni Noah. Shit? No way? Really? Imbes na mainis ay hindi ko alam kung bakit tumatakbo ang puso ko sa kaba at saya.

  • Kabanata 7Open or Close

    Kabanata 7
    Noah Elizalde’s

    I have never felt this weak in my entire life. Nangangatog ang mga tuhod ko at pinagpapawisan ako. Umalis na si Noah pero ang epekto ng mga salita niya ay ganon parin sa akin. Bumalik si Ysmael at halos hindi ko masundan ang mga sinasabi niya dahil sa pagiging pre occupied ko sa mga sinabi niya.

    Kung hindi ako ginulat ni Everlyse pagkarating niya ay siguro hindi na ako nakabalik sa sitwasyon ngayon.

    “Uy!” Sabay tulak niya sa akin.
    Ngumiti ang kaharap kong si Ysmael habang pinagmamasdan si Everlyse na ginugulat ako.
    “Nandito ka lang pala. Hinanap kita.” Sabi ni Everlyse.
    “I texted y-you.” Nagkakandautal na ako dahil sa naisip kanina.
    “Ganon? Hindi ko tiningnan ang cellphone ko.” Sumulyap siya kay Ysmael at pinanlakihan niya ako ng mga mata na para bang may sinasabing interesante.

    Alam ko ang iniisip niya. At kapag sasabihin ko sa kanyang niyaya ako ni Ysmael na pumuntang prom ay paniguradong magkakatotoo ang kung anong haka haka sa utak ni Everlyse ngayon.

    Umupo si Everlyse sa tabi ko pagkatapos ay sinabi sa akin lahat ng mga nakasalubong niya sa party. Nakinig ako. Samantalang si Ysmael naman ay naging abala sa mga lumapit na iilan pang kaibigan.

    “Hey, girls. Let’s go home. Tumatawag na si daddy.” Dinig ko ang boses ni Stan sa likod namin.
    Tumayo agad si Everlyse at humikab. “Talaga? Let’s go, Meg.” Sabay tingin niya kay Ysmael at ngumiti.
    “Ysmael, we gotta go. Hinahanap na kasi kami.” Ngumiti ako. “See you around?”
    “Uh… Sure!” Tumayo si Ysmael at medyo naaasiwang tiningnan ang kung sino ang nasa likod ko. I’m pretty sure Stan was staring daggers at him. “By the way, can I get your number? I will need it for prom, of course. Ako na ang bahala sa damit mo.” Sabay pakita sa kanyang cellphone.
    “Oh! It’s okay, Ysmael. Sure. Thank you.” Ngiti ko at hindi ko inakalang sasagutin niya ang damit ko. Gusto ko sanang sabihing ayos lang naman kung sagot ko na ang damit ko ngunit ayaw ko rin namang masira ‘yong gabi niya kung sakaling may binabalak siyang mag ka pair ‘yong damit namin o ano.

    Nilingon ko si Stan na nag paalam kay Noah sa malayo. Sumulyap pa si Noah sa amin habang si Everlyse ay abala sa pamamansin sa mga kakilala naming dumadaan. Nakita kong tumango si Noah at sumunod kay Stan.

    Kumalabog agad ang dibdib ko. I don’t want to assume that he’s now interested on me. Kung hindi naaapakan ang ego nito ay paniguradong may iba pang dahilan. Nauna kaming luambas ni Everlyse samantalang nasa likod namin si Stan at Noah, nag uusap ng kung ano. Medyo malakas ang boses ni Stan, banayad naman ang kay Noah. Gusto kong mag kwento kay Everlyse pero hindi pwede dahil nandyan pa si Noah sa likod.

    Sumalampak agad si Everlyse sa likod ng sasakyan. Sumunod ako at huling binuksan ni Stan ‘yong front seat. Tiningnan ko si Noah na natatawa sa mga pinag uusapan nila ni Stan.

    “Sige, pre. Happy birthday ulit. Alis na kami!” Ani Stan tapos ay tumango.
    Tumango rin si Noah at bahagyang nag salute. Sumulyap siya sa akin at halos matigil ako sa pag hinga. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mapalayo kami pagkatapos ay sumigaw na ako sa panggigigil.

    “What the hell is wrong?” Iritadong tanong ni Everlyse.
    “Lyse! Niyaya ako ni Ysmael sa prom tapos kukunin ako ni Noah at ihahatid don!”
    Namilog ang labi ni Everlyse sa pagkakalito. Hindi ako magkanda ugaga sa pangingisay habang si Stan naman ay humahalakhak lang sa front seat.
    “Alin ‘yong nakakakilig, Meg? ‘Yong nagyayang mag prom o ‘yong susundo? Wait? Bakit siya ang susundo?”
    Ngumisi ako. Iyan din ang tanong ko, Everlyse. And you know what he said?

    Kaya naman ay sa buwang iyon, hindi ako magkandaugaga sa pag iisip sa mangyayari sa prom na iyon. Kahit na hindi na ulit kami nakapag usap ni Noah tungkol doon dahil sa pagiging abala niya sa kanilang gig ay nakontento na ako. Mas lalo akong ginanahang suportahan sila simula nong birthday niya.

    “Go Noah! Go Zeus!” Sigaw ko, naka hawak ng tarpaulin at tumatalon talon kasama ang mga kaibigan ko sa club.

    Nasa ibang school kami. Naimbitahan kasi sina Noah para sa foundation day nila kaya sinuportahan namin.

    At tuwing inaangat ni Noah ang tingin niya galing sa kanyang gitara patungo sa audience ay kumakalabog ang puso ko. Tumatalon talon ako ng husto at nag iingay kasama ang ibang ka grupo.

    “Excuse me, miss.” May narinig akong tawanan ng mga lalaki sa gilid ko.

    Nilingon ko kaagad sila. Nagkakamot ng ulo ang isang medyo bata pang lalaki habang pinagtutulakan ng mga kaibigan niya.

    “Yes?” Nagtaas ako ng kilay, ibinababa ang malaking tarp na dala ko.
    “Uhm, can I get your number.” Pinamulahan ang lalaki ng mukha.

    Apat silang lahat at ang pinaka bata ang nanghihingi. Natatawa ang tatlo sa likod at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanilang lahat.

    “Naglalaro kasi kami ng truth or dare… And…” Nagkamot ulit ng ulo ‘yong lalaki.
    “Uy bawal sabihin ‘yon!” Sabay iling ng kasamang lalaki.

    Tumango ako agad at naintindihan sila. Kinuha ko ang dala kong Sharpie at naghanap kaagad ng papel. Kawawa naman ang isang ito kung hindi matugunan ‘yong dare.

    “Saan ko isusulat? May papel ka ba diyan?” Tanong ko.

    Namilog ang mata nong lalaki na para bang imposibleng gagawin ko nga iyon. Nginitian ko siya at naghanap ulit ng papel sa paligid. Medyo naiinitan na sa ingay ng mga taong tumatalon sa musika nina Noah.

    “Dito na lang.” Sabay lahad niya sa pawisin niyang palad.

    Kinagat ko ang labi ko at tumango. Naghirap akong isulat ang numero ko doon. Hiyang hiya pa ang binata nang nakitang medyo nahirapan ako dahil sa pawisin niyang palad.

    “Salamat talaga.” Wika niya at pulang pula na ang mukha nag tinalikuran ako.

    Ginulo ng mga kasama niya ang kanyang buhok at pinagtawanan siya nong papalayo silang lahat sa akin. Umiling ako at narinig ko ang sinabi ni Wella.

    “Grabe, Meg. Mabenta kahit sa ibang school-” Naputol agad ‘yong sinabi niya dahil sa pagmumura niya at pagsisigaw.

    Dinampot ko ulit ‘yong tarpaulin at tumingala sa entablado upang makita si Noah na kahit tumutugtog ay nakatingin sa akin. No way. He’s not watching me, alright? Siguro ay katabi ko o nasa likod ko. That’s way impossible, Megan. Kinagat ko ang labi ko at pinilig ang ulo. That’s way impossible.

    Wala pang album o kahit ano ay pinipilahan na sila ng iilang mga taga roon. May dalang notebook o di kaya ay picture para mapirmahan ng bawat miyembro. Enjoy na enjoy ni Stan at Warrena ng atensyon samantalang mahiyaing tinanggap ni Joey ang mga puri. Si Noah naman ay malamig ang tingin pero may pilyong ngiti.

    Kumalabog ang puso ko at pumila na rin doon. Magpapapirma ako. Kahit sa tarp lang. Sa pag usad ng linya ay papalapit kami ng papalapit sa mesa nina Noah. Maraming nagpapapicture at napagtanto kong dumadami na nga ang nakakakilala sa kanila. Hindi iyon maiiwasan. That’s pure talent you got there.

    “Malapit na tayo!” Halakhak ng mga kasama ko.

    Inayos ko ang shoulder bag ko at hinanda ang tarpaulin at sharpie. Inayos ko rin ang high-waist shorts ko at nagsimulang mag powder ng mukha. I need to at least look decent when facing Noah.

    Umalis ang dalawang babaeng nasa harap namin pagkatapos magpapirma at magpapicture at kami na kaagad! Malaki ang ngiti ko habang nagpapapirma sa tarpaulin. Inuna ko si Stan dahil siya ang pinaka nakakaumay para sa akin. Sunod si Warren dahil tawag siya nang tawag at hindi tumigil hanggat hindi ako nakalapit. Sinunod ko si Joey na mabilis na pinirmahan ang tarpaulin.

    Kahit na may iilan na akong picture sa kanilang apat, iba pa rin ‘yong picture na nasa event kang ito. ‘Yong parang remembrance na sa bawat gig ay dinaluhan mo sila kaya nagpakuha parin ako ng picture. Huli si Noah na nagtaas ng kilay at napawi ang pilyong ngiti pagkaharap namin.

    Nilapag ko kaagad ang tarpaulin sa kanyang harapan at inabot ang Sharpie sa kanya.

    “You’ve got a new fetish, I’ve noticed.” Hindi niya ako tiningnan habang kinukuha ang Sharpie at nilagyan ng pirma ‘yong tarpaulin.
    “What fetish?” Nagtataka kong tanong.
    Nag angat siya ng tingin sa akin. “For those shirts.” Naglahad siya ng kamay sa damit ko at nag igting ang panga niya. “You attract too much attention and you’re showing too much skin, Megan.”
    “It’s fashion, Noah.” Sabi ko at tiningnan ang midriff kong damit.

    “Bilis!” May narinig akong nag iinarte sa likod. Naiinip na yata ang ibang fans niya dahil medyo matagal kaming nagpapirma at nakikipag usap pa si Noah sa akin.

    Imbes na magpaalam na ako ay hinapit bigla ni Noah ang baywang ko. Halos madapa ako sa biglaang ginawa niya. Nakalapit ako sa kanya ng husto at uminit na parang kumukulong tubig ang mga pisngi ko.

    ‘W-What are you doing, Noah?” Nauutal kong tanong.

    Hinawakan niya ang tiyan ko at lahat ng balahibo ko ay nagtindigan sa kanyang ginawa. Nanlamig ang kamay ko at luminga linga habang ang ibang babaeng nakapila, maging ang mga club members ay gulat sa ginawa ng malamig na si Noah.

    Kinagat niya ang kanyang labi at inilapit ang mukha doon, inangat ang Sharpie. Hindi ako huminga nang nilapat niya sa aking tiyan ang Sharpie. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa baywang ko.

    “Anong sinusulat mo?” Tanong ko nang di na siya kumibo dahil sa pagsusulat sa aking tiyan.
    “There.” Aniya at tinakpan ang Sharpie tsaka binigay sa akin. “You can leave.” At nag iwas ng tingin.

    Yumuko ako para tingnan kung ano ang isinulat niya at nakita ko doon ang “Noah Elizalde’s”. Nalaglagan ako ng panga at pinanood siyang pumipirma ng mas marami pang mga picture ng nakangiti.

    “Oh my God!” Pinagkaguluhan na ako ng club members.

    Hindi na ako magkanda ugaga sa saya at hindi ko matanggal ang ngiti ko sa mga sumunod na araw. Noah’s very unpredictable. Sometimes he’s hot, sometimes he’s cold. Napangiti ako. But he’ll never fail to make me smile. Ano kaya ang kahulugan ng mga ginagawa niya sa akin? Or should I seek answers? No? I shouldn’t right? I shouldn’t expect anything. Kung hindi lang sana siya paasa ay matagal niya na akong napaniwala. Ganito na siya simula pa noon kaya imposibleng may kahulugan ito.

    Kaya naman ay malaki rin ang ngiti ko nong kinuha niya ako sa bahay para makapunta sa venue ng prom. I told Ysmael that my ‘dad’ will drive me there. Hindi ko masabi sa kanyang si Elizalde ‘yong maghahatid. He would question why and then it will piss Noah so I’ll make it easy for him. Besides, gusto ko rin naman ‘tong gagawin ni Noah. In fact, mas excited pa ako sa byahe kesa sa pagdating ko doon.

    Ni hindi man lang ako tiningnan ng dalawang beses ni Noah nang sumakay ako sa sasakyan nila. Tahimik siya at nakahalukipkip. Naka itim na tee shirt at itim ding pants. Ang suot ko ay kulay violet na long gown. Binigay ito ni Ysmael nong isang linggo, nong tinanggihan ko siya sa pagsusundo sa akin.

    “Is my dress fine, Noah?” Tanong ko para lang makuha ulit ang atensyon niyang wala sa akin.
    “I’m gonna pick you up at ten. Be sure your ass will be waiting outside by nine thirty.” Ani Noah.
    “What? Ang aga naman.” Umismid ako.

    Nilingon niya ako at inirapan tsaka nag iwas ulit ng tingin. That’s it, Noah? God, he’s cold!

    “Do you intend to be with him all night, Megan?”
    “Well, he’s my date.” Nagkibit balikat ko. “It’s my obligation as his date.”

    Bumulong bulong siyang hindi ko nakuha. Kumunot ang noo ko at hinawakan siya sa braso.

    “Pardon, Noah?”
    Hinawi niya ang aking kamay mukhang iritado. “I’m gonna gate crash if you’re not outside by nine thirty.”
    “Paano ka mang gi-gate crash. I didn’t know you have that attitude, Noah.” Ngumisi ako.
    “My brother is inside that hall, Meg. I will know.”
    Umiling ako. “Why are you so… jealous?” Natatawa kong tinapos. “Ang akala ko ba ayaw mo sa akin. You’ve always been so hard on me, Noah.” Nawawala na ako sa mga sinasabi ko. “I don’t get you. You can’t be possessive on anyone.” Nilingon ko ulit siya pagkatapos mag gala ng paningin ko.

    Nagulat ako nang nakapangalumbaba na niya akong tinititigan. Naka dekwatro siya sa pag upo at ang kanyang siko ay nakatukod sa tuhod, pinagmamasdan niya ako.

    “There are some things you need to possess, Megan. Some people you need to possess.”
    Napaawang ang bibig ko. Tumango ako at napalunok sa titig niyang nakakalasing. “Some people… And I’m one of those people.”

    Nakita kong ang lower lip niyang kanina pa kinakagat ay unti unting kumakawala sa kagat. Ngayon ko lang naramdaman na kanina pa pala tumigil sa pagtakbo ang sasakyan at tumunog na ang cellphone ko. Hinahanap na yata ako ni Ysmael.

    Pumikit ako ng mariin habang kinukuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag na nga si Ysmael. Damn. I still want to talk to Noah right now. Tell me more, Noah.

  • Kabanata 8Open or Close

    Kabanata 8
    That’s All

    Kahit sa pagbaba sa grand staircase at pagpapaulan ni Ysmael sa akin ng matatamis na salita tungkol sa suot ko ay hindi ko parin naalis sa utak ko ang sinabi ni Noah. Damn he knows how to occupy someone’s mind.

    “Let’s go?” Halos napatalon ako sa gulat nang hawakan ni Ysmael ang kamay ko para lang makahakbang ng maayos sa staircase.

    I am too unfair. I should stop thinking about Noah. Hindi ito ang nararapat na isipin ko sa mga sandaling ito. Kaya malaking ngiti ang ipinakita ko sa mga nakatanaw na schoolmate sa baba. I even saw Rozen Elizalde beaming near the staircase. Naroon kasi ang mesa niya. He probably knows that Noah is around. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nginitian ang iilang mga kakilala na naroon.

    Tinawag ang pangalan namin at nang tumapak na ako sa red carpet ay napawi ang kaba sa dibdib ko. Naging abala ako sa pangungumusta at sa mga puring natamo dahil minsanan lang ang mga Grade 10 na naiimbitahan sa prom.

    “You really look stunning, Meg,” malambing na sinabi ni Ysmael.
    “Thank you,” ngiti ko sa kanya samantalang pumapalakpak kami sa iba pang estudyanteng bumababa.

    Kasama namin ang mga kaibigan niya sa table. Medyo maingay sila. Nagtatawanan habang pinag uusapan ang mga nakakatawang nangyari bago sila pumunta dito.

    “You’re silent.” Pinuna ni Ysmael ang pagiging tahimik ko habang nag poprogramme at nag uusap usap na rin.
    Nginitian ko siya. “Nahihiya pa kasi ako.”

    Sa puntong iyon ay agad niyang tiningnan ang mga kaibigan niya at ipinakilala niya ako sa mga ito. Nawala sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin tungkol kay Noah. Nginitian at kinausap ko sila isa-isa kahit na halos hindi ko maalala lahat ng mga pangalan nila dahil sa dami.

    Four courses ang meal na kinain namin at pormal na pormal hanggang sa matapos ang programme at umuwi ang officers ng school. Nang nag party na ay sinimulan ng sweet music. Isa isang nagsitayuan ang mga estudyante para makasayaw ang kanilang mga date.

    Naglahad agad ng kamay si Ysmael sa akin at tinanggap ko iyon. Tumayo ako at walang kahirap hirap niya akong isinayaw. Tumawa ako dahil isang beses kong naapakan ang kanyang paa.

    “I’m sorry.” Humalakhak ako.
    “It’s okay,” sambit niya.
    Inangat ko ang aking tingin sa kanya at tumagilid ang ulo niya habang isinasayaw ako. “You know what? Lagi kitang pinapanood kapag dumadaan ka sa aming floor.”
    Nagtaas ako ng kilay. “Oh you are stalking me now?”
    Umangat ang gilid ng kanyang labi. He looked dashing too. Hindi ko maipagkakaila na kakaiba talaga ang kanyang mga mata. Hindi ito tulad ng mata kong kulay brown. Ito ay may halong berde at asul. “I like watching you walk, that’s all.”
    Ngumuso ako, hindi makapa ng sasabihin sa guwapong lalaking ito. I am very much flattered right now.

    Sa saliw ng I’ll Be ni Edwin Mccain ay sumayaw kaming dalawa. Pangatlong kanta na yata iyon habang nagtitigan kami ni Ysmael sa gitna ng dancefloor nang ang kamay niyang kanina ay nasa baywang ko ay humaplos pataas. I am open-minded but my innocent heart still can’t handle more moves like that. Nag iwas ako ng tingin kay Ysmael at nginitian ang iilang kilala na sumasayaw na rin.

    Inangat niya ang baba ko gamit ang kanyang daliri kaya napatingin ulit ako sa kanya. “If I ask you to be my girl, would you say yes?”
    Nanatili ang titig ko kay Ysmael. He looked straight right into me. If this was Noah right here the answer would be so damn easy. Nanuyo ang lalamunan ko. Part of me was devastated. I know my answer but I couldn’t say it loud to him. I like Noah for years. And I probably love him already right now.
    Ngumiti siya at bumaba ang tingin sa sahig. Para bang sa titig kong iyon ay nalaman niya ang sagot. “Oh, nevermind that. I was only joking, Megan. You look more beautiful when you’re seriou,” angat ulit ng kanyang tingin.

    Part of me got relieved. Ayaw kong dungisan ang pagkakaibigan namin ni Ysmael. That is what you get, Megan. Kung sana ay hindi ka na lang pumayag. You gave him clear signals when you said yes to this.

    “I know you like Noah, Meg,” tabang ang tanging narinig ko sa boses ni Ysmael.
    Hindi ako makapagsalita. Nanatili ang tingin ko sa kanya.
    “We can just have fun instead. As friends?” Inangat niya ang isang kilay sa akin at ngumisi.
    Mas lalong gumaan ang damdamin ko. I think he’s sport and thank God for that. Tumango agad ako kasabay non ang pag iiba ng music at sumalin ang iilang mix ng mga sikat na electronic at trance. Sumigaw ang iilang estudyante at nagsitalunan sa maingay na musika.

    Dumilim pa lalo at mas lalong nagwala ang neon lights. Mas maraming sumayaw dahil sa music. Katabi si Ysmael ay sumayaw na rin ako at tumawa sa dancefloor. Nagawa pang mag biro ng iilang kaibigan niya sa pagsasayaw kaya nakisali ako.

    Maingay at medyo nakakapawis ‘yong ginawa namin. Tawa kami ng tawa ni Ysmael pagkatapos naming umalis sa gitna dahil sa init at ingay ng mga tao. Ilang mga magka date ang naitulak namin palayo sa isa’t isa para lang makawala doon at ang huling naitulak namin ay naasar kaya tumakbo kami palayo at napahagalpak na lang.

    “Have you seen the guy’s face? He looks pissed!” Nilingon pa ni Ysmael ang dancefloor.

    Nasa gilid parin kami nito ngunit hindi na nakikisali sa mga nagsasayaw. Tumango agad ako sa sinabi niya at nilingon ko na rin ulit ‘yong tinutukoy niya.

    “Hala baka mag away sila,” nag aalala kong sinabi nang nakita kong paano lumaki ang mga mata nong babae at tinuro ‘yong lalaki.

    Hindi ko mawari kung ano ang pinag uusapan nila pero ramdam ko ang tensyon. Nanatili ang titig ko roon. May sinabing kung ano si Ysmael pero hindi ko narinig dahil sa ingay at dahil na riin sa pagtuon ko ng atensyon sa kanila kaya agad niyang hinapit ang aking baywang.

    Nilingon ko kaagad siya at nagtaka sa ginawa.

    “I said, don’t worry about them, Meg.” Ngumiti siya.
    “I just don’t want to spoil their night.” Bumaling ulit ako sa kanila.
    “Hey…” he whispered. Kinuha niya ang atensyon ko sa pag haplos ng aking pisngi at ang marahang pag giya niya patungo sa kanyang mukha.

    Kumalampag ang puso ko sa kaba at halos lumayo ako sa kanyang ginawa. Bago pa ako makalayo ng husto ay naaninag ko na si Noah nang tumama ang ilang Neon Lights sa kanyang mga mata. Nasa harap namin siya at nakatingin sa kasing tangkad niyang si Ysmael.

    Gulat na nilingon ni Ysmael si Noah. Luminga siya sa aming dalawa. Sa sobrang gulat ko sa pag dating niya ay halos mautal ako sa pagsasalita.

    “Anong ginagawa mo dito, N-Noah?” tanong ko kahit na kay Ysmael nakatingin.
    Nakakunot ang noo ni Ysmael at di ko malaman kung anong nasa loob ng utak niya.
    “You know I’ll be here. I told you, Megan.” Malamig ang kanyang tono. “Sinabi ko iyon sa’yo kanina nang hinatid kita. Did you forget?” Umangat ang gilid ng kanyang labi at naaninag ko ang kapilyuhan ng kanyang tingin sa akin.
    “Hinatid ka ni Noah, Megan?” Nahimigan ko ang galit sa boses ni Ysmael.
    “Hindi ba niya sinabi sa’yo?” Singit ni Noah, pilyo parin ang ngiti.
    “Noah…” Saway ko.
    Nalaglag ang panga ni Ysmael at nakita ko sa dilim ang kanyang pagkakairita.

    Alam kong napahiya ko siya at alam kong nalaman niyang nagsinungaling ako. Sana ay hindi na nakialam pa si Noah. What a stupid decision, Noah? Nang nakita kong bumalandra pa ulit ang pilyong ngiti niya ay nahinuha ko kaagad na baka sinasadya niya ito? But for what reason?

    “Akala ko ay hinatid ka ng dad mo?” Umiling si Ysmael. I cannot deny the fire in his eyes this time.
    “I-I was-“
    “Forget it.” malamig niyang sinabi. “I’m sorry because I didn’t know that you two have a thing now.”
    “We are not a thing, Ysmael.” Nahihiya kong sinabi. “I’m sorry I lied to you.”
    “No, it’s okay, Meg. Really. It’s okay.” Aniya at agad akong tinalikuran.

    Hahabulin ko na sana siya nang hinatak ako ni Noah pabalik sa kanya. Tamad siyang tumikhim at tumingala na para bang ang boring ng gagawin ko.

    “Noah! Ba’t ka nangingialam? Nagalit tuloy si Ysmael!” sabi ko.
    “Well now that’s youre fault. You lied to him,” aniya.
    “Ayaw ko lang na magtaka siya kung bakit ikaw ang naghatid gayong siya ang date ko! That’s an insult to him!” I spat.
    “In the first place bakit ka pumayag na makipagdate sa kanya-“
    “Oh how stupid your reasons are, Noah!” Galit kong sigaw sa kanya.
    “Kung bakit hindi ka na lang magpasalamat sa akin dahil narito ako nang muntik ka na niyang halikan ay hindi ko maintindihan, Megan.” Kumunot ang kanyang noo.
    “Kasi kahit saan ko tingnan ay nakikisawsaw ka sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko! And so what if he will kiss me? And I can even say no or reject that kiss alone, Noah. Thanks but I don’t need your help!”
    Tinagilid niya ang kanyang ulo.

    Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung bakit siya nakikialam ay isa paring misteryo para sa akin. Ilang beses na siyang ganito at kahit na hindi ko maipagkaila ang kagalakan ko ay gusto ko parin ng mga sagot na mas klaro.

    Nilingon ko ang paligid at nakita kong may ilang babaeng nakatingin sa amin. Ayaw kong may nakakarinig sa pinag uusapan naming wala naman talagang sense kaya nag martsa agad ako patungo sa bukana ng venue. I will text Ysmael later. I will need to deal with this spoiled boy ever here first.

    Sumunod siya sa akin habang bumubulong bulong ng mga bagay na mas lalong nakakapag init ng ulo ko.

    “Buti alam mong gusto kong lumabas ka na don. At least medyo matalino ka rin naman pala…”

    Halos lingunin ko siya habang binubulong ko ito pero ayaw kong makabunggo ng mga waiter na nagsisilabasan sa mga kitchen at iilang taong nasa hall kaya dumiretso na ako sa labas bago siya hinarap ulit at tinapunan ng mga salita.

    “Buti sana kung sinabi mong nagseselos ka kaya ka nandito, matatanggap ko pa Noah pero kung nag e-ego trip ka lang at ayaw mong matoon ang atensyon ko sa ibang tao ay aba, e, patingin ka na!” asar kong sinabi habang inaayos ang damit ko.

    Nakita ko na pinasadahan niya ako ng tingin at humalukipkip pa siya na parang sinusuri akong mabuti at binalewala ang sinabi ko. I couldn’t believe this guy.

    Nasa labas na kami ng venue at narinig ko ang fountain sa magkabilang garden na umaagos at iilang mga bisita ng hotel ay dumadaan sa gilid namin paminsan minsan. Ilang sandaling lakad pa kasi bago mo marating ang parking lot. At heto kami at nagtatalo sa gitna.

    “Is that what it is? Did you say yes because you want me jealous, Megan?”

    No. I said yes because Ysmael is my friend, Noah. Iyon ang gusto kong sabihin ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig nang humakbang siya palapit sa akin. Nakatutok ang kanyang mga mata sa aking labi. Kinagat ko ito at nakita ko ang pagnguso niya at ang pag angat ng kanyang tingin sa aking mata.

    Halos tumakbo ang puso ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod at dumampi ang kanyang labi sa akin. Kumaripas na yata maging ang kaluluwa ko at hindi ko na napigil ang pag pikit ng mga mata ko.

    Halos magusot ko ang kanyang tee shirt nang kinuyom ko ang aking kamay sa pagkakahawak nito dahil sa kanyang halik. Kalabog lang ang narinig ko sa aking puso. Wala ng iba pa. Kaya nang bumitiw siya at dumilat ako ay mabilis ang hininga ko.

    “Got your first kiss,” he said confidently.

    Umawang ang labi ko. Lahat ng dugo ko ay umakyat yata sa pisngi.

    “That’s how to shut your mouth.” Ngumisi siya.
    “Para saan ‘yon, Noah?” I demanded. Estatwa parin sa kanyang ginawa.
    “You’re too naive.” Tinalikuran niya ako ng nakangiti.
    “What!?” Hinampas ko ang braso niya. Gusto kong malaman kung bakit niya ako hinalikan.

    Gusto niya na ba ako? Gusto niya na ba ako? Gusto ko ng sagot sa mga tanong ko.

    “Noah! Oh my God, Noah!? Do you like me?” Hindi ko maipaliwanag ang laki ng ngiti ko habang hinahabol siya sa paglalakad.
    Tumawa lang siya at umiling kaya hinampas ko na lang siya lalo, natatawa na rin at hindi na maipaliwanag ang nararamdaman.
    “Noah! Noah naman! Sagutin mo ako!” Natatawa kong sinabi.
    “Oh you shut your mouth, Meg. You are too noisy!” mariin niyang sinabi, papalapit kami sa kanilang sasakyan.

    “I am asking you! Dammit! Kung hindi ka sasagot sasagutin ko si Ysmael! Nanligaw siya sa akin and I find him very attractive and nice, Noah.” Humalukipkip ako at tumayo doon sa likod niya.

    Pinanood ko ang kanyang pagbaling sa akin. Ngayon ay malamig na ang titig. Gusto kong malaman niya na alam ko ang limitasyon ng lahat ng ito. Kung wala rin naman siyang gusto sa akin ay maiintindihan ko. I am just a fan to him while I am Ysmael’s friend. Mas malaki ang posibilidad naming dalawa ni Ysmael kesa sa amin ni Noah. He’s like some star that’s really hard to reach.

    Although, I don’t really intend to start a romantic relationship with Ysmael. But I want Noah to know that it could be possible. If he wants me now, he needs to get his balls together and tell me.

    “Sagutin mo kung ganon.” Malamig niyang sinabi.

    Parang may kung ano sa damdamin kong nawasak. He did not want me enough. He liked to play games and I was his favorite game. Ang larong alam niyang lagi siyang nananalo ay ang laro ni Megan.

    “I don’t mind, Megan.”
    Tumango ako at biglang nanigas ang aking pakiramdam dahil sa pamamanhid. “So… you don’t mind if he kisses me then?”
    “I got to kiss you first. I am your first kiss. I wont mind.” Pilyo siyang ngumiti.

    Hindi ko makalap ang mga salitang maaaring sabihin sa kanya. He’s too heartless this time. I can’t believe he just said that! Hinahamon niya ako. Hinahamon niya ang puso kong alam niyang sa kanya na nong una pa lang.

    “So that’s what you only want? My first? That’s all?” Nangatog ang boses ko.

    Tinitigan niya ako at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. It hurts like hell deep inside. I want to punch Noah so bad. I want him to suffer. Nakakapanghina ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinaglaruan niya lang ako. Pinasaya at pinaiyak. Pinaasa at lumagapak.

  • Kabanata 9Open or Close

    Kabanata 9
    I Missed You

    I refuse to plant hatred in my heart. Sinaktan ako ni Noah, oo, pero mas nangibabaw sa akin ang pasasalamat na hindi niya ako pinaglaruan. Alam niyang gustong gusto ko siya ngunit hindi niya pinatulan ‘yon dahil hindi niya naman ako gusto.

    I realized that there is an invisible gap between who my heart desires and who is meant for me. May mga bagay na hanggang diyan na lang talaga. May mga taong hahangaan ko at ilalagay sa pedestal at hanggang doon lang talaga. May mga tao ring magugustuhan ko, hindi man kasing bigat tulad nang naramdaman ko don sa hinahangaan ko, but still the feelings should be treasured and nurtured.

    “Ang nakakaexcite lang talaga sa Grade 11 ay ‘yong prom. Pero ‘yong mga subjects? God, Megan! Ayoko na!” Iiling iling si Everlyse nang banggitin ang lahat ng panibagog mahihirap na subjects para sa taong ito.

    Kararating ko lang galing Los Angeles. Sa dalawang buwan na walang pasok ay doon ako nagbakasyon sa tita kong nandoon. Isang buwan pagkatapos ng prom ay naging mabilis ang panahon dahil sa final exams namin. Naging mas malamig ang trato ni Noah sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay lumalayo siya dahil ayaw niyang umasa ako. Kahit na ang totoo ay huli na, napaasa niya na ako.

    “Megan!” Nilingon ko ang tumawag sa akin.

    Alam ko na kaagad na may tatawag sa akin pagkadaan ko sa hagdanan kung saan madalas ang club. Naroon nga sina Wella at ang iba pang miyembro ng fans club ni Noah. Umirap si Everlyse at alam niya na kaagad kung ano na naman ang gagawin namin.

    “Wala ka pala nong summer pero ayos lang. Nagpaprint kami ng bagong t-shirt para satin. Mamaya ‘yong Club shopping ng mga freshmen at tutugtog ulit sina Stan. Ano? Game ka ba?” tanong ni Wella sa akin.
    “Sure!” Ngiti ko sabay usisa sa mga damit na naroon.

    Pang limang taon ko na ito at limang beses na rin akong sumali sa gig nila tuwing club shopping. Tiningnan ko lahat ng plano nila at nagandahan na rin sa embossed design ng bagong t shirt nila na may nakalagay sa payat na mga letrang ‘Zeus’.

    “Madalas ang punta ni Noah sa bahay nong summer. Nag papractice sila ni Stan,” usal ni Everlyse sa akin habang hinihintay ako.

    Abala ako sa paggugupit ng iilang mga letrang ididikit daw nila sa likod ng illustration board para ma ispelling ang pangalang ZEUS. May tarpaulin na ngunit hindi sila nakuntento doon kaya heto at naging abala ako. Mabuti na lang at naisipan nilang sa mga benches kami sa gilid ng court kami uupo nang sa ganon ay hindi mahaharangan ang daanan ng mga tao don sa hagdanan.

    Nakasandal si Everlyse sa likod ko, talak nang talak habang ganon din ang ginagawa ng iilang club members na naroon sa may iba-ibang topic.

    “In fairness kay Stan mas gumaan at lumalim ang boses niya kaya mas bumagay talaga sa mga kantang tinutugtog nila,” ani Everlyse.
    “Uh-huh… Magaling si Stan, e.” Wala sa sarili kong sinabi habang naggugupit.
    “Speaking of the devils.” Humagikhik si Everlyse at may narinig akong tumikhim at tumili sa tapat ko.

    “Oh my God! Bakit parang masyadong matipuno si Stan at Noah?” Umalingawngaw ang boses nong sophomore na bagong recruit yata ni Wella.
    “Kumalma nga kayo. Fansclub tayo, mas nakakalapit tayo sa kanila. Wag kayong OA.” Pigil ni Wella na kahit siya ay pulang pula ang mukha.
    Nilingon pa nila si Everlyse pagkat bagyang nahihiya dahil kambal niya ang pinag uusapan nilang may pulang labi at makinis na kutis di umano. Iling lang ang naging ganti ni Lyse sa kanila.

    Mata ko lang ang inangat ko para makita na naunang naglalakad si Noah at Stan habang nag uusap. Sumilay ang ngiti sa labi ni Noah dahil sa pinag uusapan nila. And God if having that smile was illegal, matagal na siyang nakulong.

    Siniko ako ni Everlyse. “Kahit ano talagang gawin mo, halatang halata parin na patay na patay ka kay Noah.”
    Natigil ako sa paggugupit dahil sa panonood sa kanila. Kinunot ko na lang ang noo ko at sumulyap kay Lyse. “Nagulat lang ako. Matagal kaming di nagkita.”
    “Sabagay, dalawang buwan.” Dinig ko ang panunukso sa kanyang boses at hindi ko na kailangang lingunin ang kanyang ekspresyon. Nanunuksong talaga ang pinsan ko.

    Inangat ko ulit ang mata ko nang nasalubong ko ang nananatiling mata ni Noah sa akin. Mabilis kong binagsak ang tingin ko sa letrang Z na ginugupit ko sa pag iiwas ko ng tingin. But I was too curious to stop looking. Inangat ko ulit ang mata ko at nakita kong seryoso paring nanatili ang tingin niya sa akin.

    Abot abot ang pintig ng puso ko. Stupid, Megan. He’s just staring. Wag kang mag wala at hindi ka niyan type kahit anong gusto mo. I’ve seen his types and I must say, may mga pare parehong katangian sila. She likes shy type of girls. Gusto niya si Trisha Roncesvalles, ‘yong medyo mahiyain at boyish na taga ibang section. Gusto niya rin si Aria Miguel na mahiyain at mahinhin. I will never be his type. Someone as loud as me would never pass. Matagal ko ng tanggap iyon.

    “Totoo ba ‘tong nababalitaan ko, Meg? Nanliligaw daw si Ysmael sa’yo?” tanong ni Wella sa akin.
    Umiling kaagad ako at hinayaan ang titig ni Noah sa akin. “Hindi. Niyaya niya akong mag lunch ngayon. E, pupunta yata ‘yon dito. Hindi ko alam. Ewan ko rin kung sisipot kasi college na baka busy.”
    Tumango si Wella. Kumalat ang balitang iyon pagkatapos nong prom pero namatay din dahil hindi na ulit nasundan ang tagpo namin ni Ysmael. Nagalit yata sa akin kahit na humingi ako ng tawad. Naintindihan ko naman pero nong bumalik ako galing States ay bigla siyang nag text sa akin na kung pwede daw ba siyang bumawi.

    Bago ko pa ibalik ang tingin ko kina Noah ay narinig ko na ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa unang klase namin sa araw na iyon.

    Niligpit agad namin ang mga gamit. Ipinangako ng iilang sophomore na gagawin nila iyon mamayang lunchbreak at ipinaubaya naman ni Wella iyon.

    Halos tinakbo namin ang distansya patungong classroom nang hindi ma late. Saktong pagkarating namin ay ang pag dating ng aming guro na agad nagpakilala. Hindi katulad nong nasa Grade 10 kami na nagkaroon pa muna ng pagpapakilala sa sarili ay iba ang guro naming ito, agad siyang nag karoon ng lecture at naglagay ng seatplan kung saan nasa unang mga upuan ako. Sa likod ko ay nandon si Everlyse.

    Magkaklase kami ni Noah at alam kong may tatlong upuan pa ang pagitan sa amin. Nasa likuran pa siya at agad akong tumikhim sa pag iisip na hindi ko na siya masusulyapan ng basta basta, hindi tulad noong mga nakaraang grade.

    “I expect all of you to be mature enough-” Our new teacher paused for a while. Binigyan ng dramatic effect ang kanyang sinabi bago dinugtungan.

    Tumango lang ako at pinaglalaruan ang ballpen ko nang may kumalabit galing sa aking likuran. I didn’t want to talk so Everlyse should stop poking me right now. Gayunpaman ay nilingon ko ang pinsan ko at nakita ko ang patuyang ngiti at ang isang maliit na pinunit na papel ng notebook.

    “What’s this?” bulong ko at tinanggap, di na nag antay ng sagot.

    Binuklat ko ang maliit na papel at binasa ang nakasulat don.

    ‘Heard kayo na.
    -N. Elizalde’

    Iyon ang nakalagay. Noong una ay nalito pa ako sa nakasulat. Ni hindi rin ako makapaniwala na si Noah ang nagsulat non. Imposible. Ilang beses ko pang pinitik ang ballpen ko bago ng punit ng kasing liit na papel at nagsulat ng mensahe.

    ‘Kami nino?
    -M. Marfori’

    Mabilisan kong nilagay ang maliit na papel na iyon sa mesa ni Megan at nahagip ng tingin ko si Noah na seryosong nakatingin sa akin at nasa labi ang dulo ng ballpen. Suminghap ako at bumaling sa whiteboard. Oh my God! Dalawang buwan lang ‘yon, Meg pero tuwing nagkakatinginan kayo ngayon ay kulang na lang mag huramentado ka. Was he really that powerful?

    Ilang sandali ay naramdaman ko na naman ang kalabit ni Everlyse. Hindi ko na siya nilingon. Agad ko nang tinanggap ang papel na nasa balikat ko at binuklat ko iyon.

    ”Yong kano.
    -N. Elizalde’

    Kinagat ko ang labi ko at nagpunit ulit ng maliit na piraso sa notebook at mabilis na sinulat.

    ‘He’s half spanish. Hindi kano.
    -M. Marfori’

    After that, I received another piece of paper again. Hindi ko alam kung bakit nangingiti akong parang baliw.

    ‘I don’t really care what he is. I want to know.
    -N. Elizalde.’

    Ngumuso ako. Why, Noah? For what reason?

    ‘I thought you told me you’d support me in this, Noah.
    -M. Marfori’

    Hindi ko alam kung nababanas na ba ang inaabala naming mga kaklase para makarating lang ‘yong maliliit na pirasong papel pero konti lang ang pakealam ko. If they want us to stop, then they’ll have to deal with Noah’s piercing eyes.

    ‘I’m just asking. 😀
    -N. Elizalde.’

    Halos mapamura ako. Pinaglalaruan niya ba ako? Hindi ko na sinagot. Hinintay ko na lang na matapos ang oras hanggang sa mag lunch break at mapunta dito si Ysmael. Mahaba ang panahon namin mamayang hapon dahil walang pasok para sa programme.

    Nagmadali agad ako sa cafeteria nang natanggap ko ang mensahe ni Ysmael na naroon na siya. Halos kaladkarin ko si Lyse patungo doon kahit na panay ang sabi niyang kina Wella at sa iba pang kaibigan namin siya sasama dahil ayaw niyang makaistorbo. Pinakawalan ko rin naman siya nong nakababa na kami.

    “Hi!” Malaki ang ngiti ng matipunong si Ysmael nang tumayo siya para salubungin ako.
    “Hi!” bati ko at nginitian siya pabalik.

    Alam kong maraming nakapukol na tingin sa aming dalawa. Of course, an alumnus and an undergraduate on the same table.

    “I ordered.” Nagkamot ng ulo si Ysmael, nag aalangan sa sinabi.
    Tumango ako.
    “Sorry, di kita napapili. I figured you’re already hungry so…” Nilahad niya ang kamay niya sa iilang pagkaing nasa mesa namin.
    “Walang problema. Wala naman akong hindi kinakain sa mga ito.” Humalakhak ako.

    Mabilis kaming nagkaron ng topic dahil sa kakagaling ko lang ng States. Sinabi niya saking gusto niya ring pumunta ng Los Angeles nang binanggit ko lahat ng magagandang napuntahan ko doon. Tawanan at kwentuhan na halos hindi ako makakain sa ginagawa namin.

    Nahagip ng tingin kong tumayo si Everlyse kasama sina Wella. Sumenyas siya sa akin ng relo at napatingin kaagad ako sa relo ko. It’s 1:02pm! Siguro ay magsisimula na ang programa?

    “May pasok ka ba mamayang hapon?” tanong ko kay Ysmael.
    “Hmm yup. Mamayang three.” kibit balikat niya.

    Nakita ko ring tumayo sina Noah, Stan, Warren, at Joey sa unahan namin. Hindi pinapasada ni Noah ang mata niya sa amin ngunit nakangiting pilyo si Stan nang papalapit na sila.

    “Tara na? Magsisimula na ‘yong program. Second part pa kami pero masaya ‘yon,” anyaya ni Stan nang nakalapit sa mesa namin.
    “Oh? You have an activity?” Nagtaas ng kilay si Ysmael.
    Tumango ako at bumaling kay Stan. Si Joey at Warren ay nasa likod niya samantalang si Noah ay nauna nang naglakad. Sumunod agad si Warren, tinawag ito.
    “Yup. So…” Tinuro ko ang patungong stage.
    Tumango kaagad si Ysmael at tumayo. Tumayo rin ako kasama niya. Nagkibit ng balikat si Stan at naglakad na rin kasunod ni Warren. Sina Everlyse naman at ang iilan kong kaibigan ay dumiretso na nang nakitang tumayo na rin ako.

    “Ihahatid kita sa Stage,” wika ni Ysmael.
    “Ah! Sa classroom na lang muna ako. Naiwan ko don ang ilang books ko para bukas. Dadaanan ko lang.”

    Tumango si Ysmael at sumunod sa akin patungo sa building. Batid kong paalis na ang mga estudyante at patungo ang lahat sa stage. Nang nasa ikalawang palapag kami ay nakita kong abandonado na ang mga classroom. Wala na roon ang mga Grade 7 at 8. Excited talaga ang lahat sa programme kaya ganon na lang kung dumugin nila ‘yong Stage.

    “So… uhm… Are you allowed to go out on Saturdays?” tanong ni Ysmael na nagpatawa sa akin.
    “Of course. Bakit naman hindi?” Nanliit ang mga mata ko.
    “Oh great! That’s great! I’d love to ask you out sometime.”
    Tumango ako habang inaakyat ang palapag namin na halos abandonado na rin. Nakasalubong ko pa ang pilyong ngiti ni Rozen kasama ang dalawang babaeng hinahawakan niya sa likod. Umirap ako at nagsimulang maglakad patungo sa corridor namin. Wala na talagang tao. Kung meron man ay ‘yong janitor na lang siguro ng palapag na ito.

    Tinulak ko ang pinto ng classroom at nakita ang bag ko sa kinauupuan ko kanina.

    “Sigurado ka na, a?” tanong ni Ysmael.
    “Yup. Just text me.” usal ko at nilingon siya, nagulat ako sa lapit niya sa akin.

    I’m not really that conservative but I’m still not used to intimacy. Kung sabagay ay si Noah pa lang ang nakalapit sa akin ng husto. Well, that’s because of his kiss, I think.

    “Thank you so much for the time,” bulong ni Ysmael sa akin.
    Nag iwas ako ng tingin dahil mabibigat at malalim ang kanyang titig sa akin. “You are always welcome, Ysmael.”

    Naramdaman ko ang daliri niya sa aking baba. Ubos na ang distansyang pwede kong takbuhan dahil nasa likod ko na ang aking arm chair. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at sigurado akong hahalikan niya na ako ngayon pero halos napatalon kaming dalawa nang kumalabog ang pintuan at mabilis na pumasok si Noah.

    “N-Noah,” nagkanda utal utal ako.

    Mabilis niyang ni zipper ang kanyang gitara bago nilagay sa kanyang likod. Hindi ko namalayan na nasa loob ng classroom ang gitara niya!

    Lumayo si Ysmael sa akin ng bahagya sa kahihiyan. Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung bakit may kaonting guilt akong nararamdaman sa akin.

    Nagtaas ng kilay si Noah nang naayos ang gitara. At mabilis siyang nagmartsa patungo sa akin. Namilog ang mga mata ko nang nakita kong nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ako sa pulso at kinaladkad palabas ng classroom.

    “NOAH!” Sigaw ko, pinipigilan siya.
    “Hey!” Sigaw ni Ysmael na nakita kong mabilis na naglakad sa paghahabol sa akin.

    Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Noah at nilingon niya ako sa galit. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya. Para bang nainsulto ko siya sa pagpupumiglas ko.

    “Ysmael, magkita na lang tayo next time. Sorry, salamat sa pag punta,” nahihiya kong sinabi.
    Nalaglag ang panga ni Ysmael at nalilitong tinagilid ang ulo. “Noah, you can’t just force her. Nag uusap pa kami.”
    “Kung nag uusap kayo, ba’t ka niya pinapaalis? And are you deaf or stupid? Pinapaalis ka na ng babae. If you don’t know how to read between the lines.”
    “Noah!” Galit kong saway sa panunuya niya.
    Umiling si Ysmael at kita ko ang pag igting ng panga niya. Walang sabi sabi ay mabilis din siyang naglakad paalis doon.
    Sinundan ko siya ng tingin. “Ysmael… I’m sorry-” Susundan ko na sana ngunit pinagpatuloy ni Noah ang pag pihit sa akin ng dire diretso.
    “Noah!” Galit kong utas.

    Binuksan niya ang isang classroom na walang tao at doon niya pa lang ako binitiwan. Bago ko pa siya malingon para pagalitan siya ay naramdaman ko na ang magkabilang binti niyang kumulong sa aking baywang. Inatras niya ako at napasandal ako sa whiteboard ng classroom na iyon.

    Siniil niya ng mariing halik ang aking labi. Na kahit ang galit ko ay nakalimutan ko sa ginawa niya. Nanlalaki ang mata ko sa bigla lalo na nang naramdaman ko ang labi niyang nagpupumilit na buksan ang aking bibig. I could not breathe! Sa sobrang rahas ng halik niya ay nalasahan ko ang alat at bakal sa labi ko. Tinulak ko siya at nakita kong hiningal siya nang bitiwan ang labi ko.

    Napahawak ako sa labi kong namantal yata dahil sa halik niyang iyon.

    “What was that for, Noah?” Halos isigaw ko ang buong puso ko sa tanong na iyon!

    Humakbang siya palapit ulit sa akin at handa na akong sampalin siya kung hahalikan niya ulit ako ng ganon! Inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang labi ko na para bang maaaring mabasag ito. Mahinahon at malambing ang haplos niya, taliwas sa naging halik niya kanina.

    “Hindi ko talaga alam kung bakit nagagalit ako tuwing may iba kang napapansin,” aniya habang patuloy na hinahaplos ang labi ko.
    Hinawi ko ang kamay niya. Pero bago ko pa tuluyang magawa iyon ay inilapit niya ulit ang kanyang mukha sa akin at siniil pang muli ako ng marahan at nakakalasing na halik. Ang kamay kong hahawi sana sa kanya ay kinulong niya at idinikit sa whiteboard na sinasandalan ko. Tumigil siya sa paghalik para huminga. Nahaplos ng ilong niya ang ilong ko. Inantok ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon.

    Hinalikan niya pa ako ng isang beses, mabagal at mababaw.

    “You like me…” Isang beses pa, Megan. Isang beses pang pag asa. Kaya pa ‘yan diba? Kahit ilang beses pa akong mabigo, paniguradong hihingi ulit ako ng isa pang beses para magpakatanga.

    Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Binaba niya ang nanghihina kong kamay.

    “I missed you,” bulong niya. Sapat na para manghina ang aking tuhod.

  • Kabanata 10Open or Close

    Kabanata 10
    Tsaka Lang

    Halos magwala ako nang umakyat sila sa entablado para tumugtog. Nakita kong sumilay sa labi ni Noah ang ngiting pilit itinatago nang narinig ang mga tili ko para sa kanya.

    “Go Noah! You are so hot! I love you!” Sigaw ko, may galak parin sa aking puso.

    Alam niyo ‘yong pakiramdam na sa sobrang saya mo ay umaapaw na ‘yong kasiyahan at kahit anong kilos mo ay nakikitang masaya ka nga? Tumatalon talon ako, halos madapa na. Si Everlyse na nakasimangot at nililingon ako habang nagwawala ay nagtataka na rin sa nangyayari sa akin.

    “Look, Megan, I know sira ulo ka na para kay Noah pero-“
    “Go Noah!” Halos maiyak na ako nang kinaskas niya ang gitara at nag concentrate sa pagtugtog. “Oh my God, Noah!”
    “Hoy!” Sinapak na ako ni Everlyse kaya natigilan ako at napahawak sa ulo.
    “Ano ka ba? Anong nangyari sa’yo? Daig mo pa ‘yong mga freshmen sa pag fa-fan girl.”
    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko talaga alam kung pano ko sasabihin sa pinsan ko. Baka kasi maisigaw ko ‘yong nangyari ngayon sa sobrang galak.

    Nakalimutan ko ngang itext si Ysmael para humingi ng tawad kaya habang talak nang talak si Everlyse tungkol sa pagkakasira na ng ulo ko ay iyon ang ginawa ko. Pagkatapos kong mag type ay nagsisigaw na ulit ako.

    “Noah!” Naiiyak kong sigaw.

    Tawang tawa sina Wella sa reaksyon kong kahit na halos mag wala na ay natatabunan parin ng mga fangirl na nasa ibang grade level.

    “Ang alam ko, Megan, may offer sila sa isang outdoor party. Malaking offer ‘yon,” ani Wella nang nagkalapit kami.
    “Talaga, kailan?” tanong ko.
    “Sa sunod na buwan yata. Punta tayo?” anyaya niya.
    Agad akong tumango. “Alam mo namang basta para kay Noah…” hindi ko na kailangan iyong ipagpatuloy. Tumango na rin si Wella at sumigaw na para kay Stan na mas lalo yatang ginaganahan at nagpapasikat sa pag kanta.

    “Ika’y mag tiwala sapagkat ngayong gabi ako ang mahiwagang… elesi…” Pumikit si Stan at itinaas ang kamay na walang mikropono.

    Tumili ang lahat sa ginawang salida ni Stan. Nakakabanas din ang sigaw ng mga freshmen na kung makapag fangirl sa banda ay halos ikakamatay na nila. Ganon din ang ginagawa ko, e. Natatabunan nga lang dahil sa dami nila.

    Buong event ay nakatoon ang atensyon ko kay Noah. ‘Yong pag galaw niya ay kitang kita ko. Kahit ang pagkagat niya sa kanyang labi tuwing nag pa-plucking, ang blankong pagtingin niya sa mga audience habang kinakaskas ang gitara at ang pag aayos niya sa kanyang buhok pag nagugulo.

    Pagkatapos nilang tumugtog ay bumaba na sila sa entablado at nakita ko kaagad na tumingin siya sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at nilingon sina Wella na mabilis ang lakad patungong backstage.

    “Magtatanong tayo kung ano pang kailangan nila sa outdoor gig na iyon at kung saan ba talaga ‘yong address at kung may mabibilhan ba ng tickets.” Panay ang salita niya para sa mga bagong miyembro ng fansclub na naroon.

    Sumama ako sa paglapit nila nang ianunsyo ng speaker na sisimulan na ang pag sho-shopping o pamimili ng pwedeng salihang club. At dahil hindi naman talaga pag academic ang club namin at para lang iyon kina Stan ay wala kaming booth. Nagkalat ang mga estudyante sa mga booth sa gilid ng building at sa court.

    Nagliligpit ng gamit ang Zeus nang lapitan ni Wella at ng mga kasama namin. Nakita kong nilalagay ni Noah ang kanyang gitara sa lalagyan nito. Si Wella naman ay namumulang kausap ang may pilyong ngiti na si Stan.

    Siniko ako ni Everlyse. “Dito ka lang ah? Lalapitan ko lang ‘yong Drama Club,” sabay panhik palayo.

    Nang nilingon ko ulit sina Noah ay nakita kong nakatingin na siya sa akin. Kita ko ang mga nagpapapansing freshmen sa kanya. Ang suplado talaga nito. Kahit kaway ay parang ang hirap gawin. Ako lang ‘yong tinitingnan niya.

    Nagtaas siya ng kilay sa akin at sumenyas na lapitan ko siya. Noah, kung gusto mo ako, ikaw dapat ang lalapit. Tse, Megan! Wish mo lang! Kaya humakbang ako para lumapit sa kanya.

    Umupo siya sa isang bench na naroon sa gilid. Sinisita ng iilang seniors sa fans club ‘yong mga nagbabalak lumapit sa kanya at sinasabing bawal ang mag fan girl lalo na kay Elizalde dahil mababanas lang ito. Kahit ang ibang tao ay kilalang kilala na ang ugali niya.

    Nakatayo na ako sa harap niya nang hinawakan niya ang pulso ko at iminuwestra ang bench na inuupuan niya.

    “Ano?” Hindi nagpapahalatang abot abot ang kaba ko sa ginagawa niya.

    Kinagat ni Noah ang kanyang labi at tumitig siya sa aking labi. Ngumuso ako, hindi mapigilan ang ngiti.

    “What? Don’t tell me you’re addicted?”
    Ngumisi siya. “Open your mouth.”

    Halos kumalampag ang dibdib ko sa sinabi niya. Ayan, Megan! Brave soul, pero pag binabanatan ni Noah ay halos mamatay sa kilig! Halos mapamura ako at hindi ko na alam kung susundin ko ba siya. For sure ay ipapatapon kami pag nakita kaming naghahalikan dito!

    Tinagilid niya ang kanyang ulo. “Open your mouth, Maria Georgianne. I want to see if it hurt bad.”
    Kumunot ang noo ko nang unti unti kong nakuha ang gusto niyang mangyari. “Oh.” Sinunod ko ang gusto niya.

    Hinawakan niya ang labi ko at inexamin ang loob ng bibig ko. I brushed my teeth so I’m pretty confident. Nakita ko nga lang sa gilid ng mga mata ko sina Stan, Joey, at Warren na nanonood sa amin ni Noah.

    “Masakit ba?”
    Tinikom ko ang bibig ko nang bitiwan niya ang baba ko. Umiling ako kaagad bilang sagot.

    “Ano ‘yan, Noah?” Tanong ni Stan, lumalapit. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagtataka.

    Nakita ko rin si Everlyse na nagtatakang humahakbang patungo sa amin. Nilingon sila ni Noah.

    “I was just checking her lip. Nakagat ko yata kanina.” Sabi niya at agad tumayo.

    Nalaglag ang panga ng kambal sa sinabi ni Noah. Nakita kong ngumisi si Joey at kumunot ang noo ni Warren sa kanyang sinabi. Uminit ang pisngi ko nang nilingon ko ang mga pinsan kong hindi pa nakakabalik sa mundo.

    “Paanong?” Tanong ni Everlyse na hindi ko pinatapos at agad na akong nagmartsa paalis doon para makailag sa mga tanong.

    Halos tumakbo pa ako dahil sa paulan ng tanong ni Everlyse.

    “What happened? Bakit nakagat ang labi mo? What? Megan, what the hell?” naghuhuramentadong tanong niya.
    Nilingon ko siya, nag aalab pa rin ang aking pisngi. I guess I have no choice but to tell her.

    Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nangyari ay maging siya ay napatingin sa labi ko. Umiiling iling pa siyang hinarap ako.

    “Naku! Megan, wag kang maniniwala sa Elizalde’ng ‘yon. He’s just going to break your heart. You know that. Sa halos limang taon, Meg, alam mo na dapat ‘yan.”
    Tumango ako. “I know, Lyse. But I can’t help it.” Ngisi ko.

    Pakiramdam ko ay dininig ng mga santong noon ko pa dinadasalan ang lahat ng hinaing ko. Ngunit may kaonting takot parin siyempre sa puso ko. He kissed me before too… and although he did not admit it, I know he kissed me because he’s jealous. He kissed me today because he got jealous too. Gusto niya lang lagyan ng marka ang kanyang teritoryo. Alam niyang ako ay kanyang teritoryo at ayaw niyang may iba akong kasama kaya ganon. That wasn’t the love I deserve, though. I know that. But because I like him too much, I will be happy for myself.

    Sa sumunod na araw ay hindi ko na inasahan na may aasahan ako kay Noah. Tapos na iyon. Now that he’s not jealous, he won’t remember me anymore. Iyon ang pasan kong ideya sa utak ko papuntang school.

    “Megan, natapos mo ‘yong assignment?” Bungad ni Everlyse natataranta dahil tatlong minuto na lang ay oras na.
    “Oo, e. Kokopya ka?” Tanong ko at nagmadali akong umupo para kunin ang assignment ko.

    Nahagip ng tingin ko si Noah na nakaupo na roon sa likod pa ng upuan ng dalawang kaklase ko. Katabi niya’y si Joey at Stan. Nag uusap silang tatlo pero batid kong sa akin ang tingin niya. I didn’t want to assume anything. Ganon siya hindi ba? I’m used to it kaya ginawa ko na ‘yong mga normal kong ginagawa. Pinakopya ko ng assignment si Everlyse at halos mapunit ang notebook ko pagkatapos. Dumating ang teacher namin at agad niyang hiningi ang assignment.

    Sa kalagitnaan ng pag chi-check ng mga assignment ay kinalabit ako ni Everlyse. Nilingon ko siya at naisip kong wala namang mali sa ginawa kong assignment, a?

    Bago pa ako makapag react ay nakita ko na ang isang maliit na piraso ng papel. Alam ko na kaagad kung kanino iyon galing. Mabilis ko iyong kinuha at binasa.

    ‘Good morning! You’re a snob.
    -N. Elizalde’

    Aba’y niloloko yata ako ni Everlyse. Nilingon ko ulit siya at binulungan. “Wag mo akong lokohin. Sa’yo ‘to?”
    Umiling si Everlyse, natatawa. “Kay Noah.”

    Dahan dahan kong tiningnan si Noah na seryosong nakatingin sa akin habang pinaglalaruan ang kanyang ballpen. Mabilis akong nagpunit ng papel at nagsulat ng para sa kanya.

    ‘I’m not.
    -M. Marfori’

    Hinatid ulit ni Everlyse ang sulat ko sa lalaking nasa likod niya, sa babaeng nasa likod nong lalaki, hanggang kay Noah. Nakita kong binasa niya iyon at agad siyang nagpunit ulit ng papel.

    Confirmed! He’s writing them again. Malakas ang kalabog ng puso ko habang tumitingin sa teacher naming nag sisimula na naman sa kanyang mahabang explanations tungkol sa mga operationg ginamit sa problemang binigay niya sa aming assignment.

    ‘Tipid mong magsalita. When in reality you’re mouth won’t shut up.
    -N. Elizalde.’

    Hindi ko alam kung iniinsulto ba ako ng isang ito.

    ‘Why don’t you stop writing if you want me to shut up.
    -M. Marfori’

    Hindi ako mapakali tuwing naghihintay ako ng kanyang sulat. At kapag kinakalabit naman ako ni Everlyse ay parang nakakarinig ako ng awitin sa langit dahil sa excitement.

    ‘Wala akong sinabing gusto kong tumahimik ka. Bakit ang sungit mo ngayon?
    -N. Elizalde’

    Halos suminghap ako sa sulat na iyon kahit wala namang malisya doon.

    ‘Hindi ako masungit. Ikaw ang suplado.
    -M. Marfori’

    Matatapos yata ang buong araw na ito na ito lang ang laman ng isip ko.

    ‘How’s your lips?
    -N. Elizalde’

    Fucking Elizalde.

    ‘Nakita mo naman kahapon. They’re fine.
    -M. Marfori’

    Bumagal ang sagutan namin nang nagkaroon kami ng quiz. Mas lalo tuloy akong nacucurious kung naiirita naba ang mga nangangalabit ng kaharap para maipasa ang maliliit na sulat.

    ‘Sorry. Nasaktan kita.
    -N. Elizalde’

    Wow ha! For the first time in history, nagsorry si Noah Elizalde dahil nasaktan niya ako!

    ‘It’s okay. Sanay akong nasasaktan mo.
    -M. Marfori’

    Hindi na ulit ako nakatanggap ng sulat galing sa kanya. Kinalabit ako ni Everlyse at agad kong nilahad ang kamay ko ngunit tinawanan niya lang ako.

    “Walang sulat, baliw. Uuwi ako ngayong lunch kasi nakalimutan ko ‘yong project ko sa Filipino. Na i print ko na ‘yon kagabi. Ipapadala ko sana sa driver kaso di mahanap ni manang sa kwarto ko kaya ako na mismo ang kukuha non,” sambit niya.
    Tumango ako at nilingon si Noah na kausap na si Stan ngayon. Wala siyang kibo. I guess that was it, huh? Mabilis ulit akong tumango na ipinagtaka ni Everlyse. Tumayo siya at kinuha ang bag niya.
    “Mauna ka nang bumaba. Magliligpit lang ako. Baka nandon na driver niyo.” Sabi ko at agad niligpit ang mga gamit, nilalagay sa maliit na bulsa ‘yong mga maliliit na pirasong papel na sulat ni Noah simula kanina.
    Tinagilid ni Everlyse ang ulo niya at nagtaka sa medyo malungkot kong sinabi kaya ngumiti ako at umiling. Bago pa ako makapag salita ulit ay may sumikop na sa libro kong nakakalat.

    Nilagay ni Noah ang aking mga libro sa aking bag. Luminga ako sa mga nakatingin sa ginawa niya. Dinampot niya ‘yong mga maliliit na sulat at halos pinunit.

    “Hoy! Itatago ko pa ‘yan!” sabi ko sabay bawi ng mga ‘yon.
    Gulat si Noah sa sinabi ko pero binigay niya rin pabalik sa akin ang mga iyon.

    “Noah, tara na? Di ka sasabay sa aming mag lunch?” Patuyang sinabi ni Joey nang nakita ang ginawa ni Noah sa akin.

    Nakatanga na rin si Everlyse doon na parang baliw, hinihintay ang mga galaw ni Noah. Maging ako ay nabigla rin kaya nakatunganga ako doon habang nililigpit niya ang gamit ko.

    “Sasabay ako kay Megan,” mariin niyang sinabi at nag angat siya ng isang kilay sa akin.
    “Sige, Noah. Bakod pa. Maganda ‘yang pinsan ko, baka mamaya mamulat ‘yan at marealize niyang in love siya sa bato.” Humagalpak si Stan.
    Nilingon ni Noah ang pinsan ko at ang kanyang mga kabandang tinatawanan siya.
    “Uy, Stan! In love ka diyan.” Nahihiya kong sinabi. In love is a big word. At alam kong ayaw ni Noah ng may nag dedeklara ng pag ibig sa ganito ka batang edad. Kahit na totoo ‘yon sa akin ay ayaw ko paring marinig niya ‘yon sa iba.
    Hindi nagsalita si Noah sa kantyaw nila. Bumaling siya sa akin. Kinuha ko ang bag ko at sinabit sa aking balikat. “Are you coming with me?” tanong niya.
    Tumango ako ng marahan.
    “Baka makagat mo na naman ang labi niyan, a?” Isa pang hirit ni Stan na nagpainit ng pisngi sa akin.
    Gumuhit ang ngisi sa labi ni Noah. ‘Yong pilyong ngiti na mas lalong nagpahiya sa akin. “Tsaka ko lang makakagat ‘yan pag galit ako o sabik ako. Tingnan natin.”

    Fuck it, Noah Elizalde.

  • Kabanata 11Open or Close

    Kabanata 11
    Look At Me

    “Saan tayo?” tanong ko pababa kami ng palapag na iyon. Napansin ko kasing hindi kami patungo sa cafeteria.
    “Sa benches tayo kakain. Ako na ang bibili ng pagkain,” aniya.

    Tumango ako at sumunod sa gusto niya. Naglalakad pa nga lang kami ng magkasama ay may mga nakikita na akong halos mabali ang mga leeg sa kakatingin. Hindi ko alam kung anong mga nasa isip nila. And I wouldn’t care anyway. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang panginginig ng aking tuhod sa saya at ang kagalakan sa pagkakaamoy ng bango ni Noah sa distansya namin.

    “You stay here,” aniya at agad akong umupo sa bench na katabi ng malaking puno.

    Tumingala ako sa kanya at tumikhim siya nang may nakitang paparating sa kabilang banda. Nilingon ko ang babaeng may side bangs na magulo at may kaonting pimples sa mukha. It’s his sister.

    “Kuya…” Nagpabalik balik ang tingin ni Reina sa akin at sa kanyang kuya.
    “What?” tanong ni Noah.
    “Your tone.” Hindi ko maiwasang punahin ang kanyang iritadong tono.
    Sumulyap si Noah sa akin ng isang beses. “What is it, Reina?” Mas mahinahong tanong niya.

    Tumitig si Reina sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Tumingala na lang ako kay Noah at naghintay sa sasabihin ng kanyang kapatid.

    “Sinabi kasi ni mommy na sa bahay na lang daw kayo mag practice mamaya kasi may lakad silang apat ni Kuya Rozen, Kuya Dash, at daddy.” Hindi niya parin ako tinantanan. Habang nagtatanong ay sa akin ang kanyang mga mata.
    “Okay.” Tikhim ni Noah na mukhang namalayan ang titig ng kapatid sa akin. “This is Megan Marfori.”
    “I know…” ani Reina na ikinagulat ko.
    “Oh… Hi!” Tumayo ako at naglahad ng kamay sa kanya.
    “Hello, ate. A-Ako po si Reina Elizalde.” Matamis na ngiti ang isinalubong ni Reina sa akin.

    Ate. Tinawag niya akong ‘ate’. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Nahuhulaan ko na kung anong nasa utak niya.

    “Dito kayo mag la-lunch, Kuya?” tanong ni Reina.
    “Yup. Gutom ka na ba, Meg?” Bumaling si Noah sa akin.
    “Medyo.” Ngiti ko.
    Tumango si Noah at bumaling kay Reina. “I’ll leave you two here. Bibili lang ako ng pagkain namin.”

    Mabilis akong kumuha ng pera sa wallet na agad namang sinimangutan ng masungit na si Noah. Tumitig siya sa akin kaya agad kong binalik ang wallet ko. Umangat ang gilid ng kanyang labi sa ginawa ko. Tinalikuran niya na agad kami. Tinanaw ko lang siyang palayo sa amin ng biglang nagsalita si Reina.

    “Bagay kayo ng Kuya Noah ko.” Ngiti niya sa akin.

    Kahit na medyo mukhang mahiyain, may bangs, at may konting tigyawat ay bakas sa kanyang mukha ang pagiging Elizalde. Her brothers must be thankful that she’s not yet grown up. Sasakit ang ulo ng mga kuya nito sa oras na magkaroon siya ng lalaking mamahalin.

    “Thank you. Your brother hates me, though.” ngiti ko.
    “Really? I don’t think so. Hindi sumusunod si Kuya kahit kanino.” Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

    Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I’ve been with Noah for almost five years and I know that he’s stubborn and arrogant most of the time. At ayokong umasa sa sinasabi ni Reina.

    “Hindi ba crush ng best friend mo ang Kuya Noah mo?” Iniba ko ang usapan.
    Bahagya siyang nag isip muna bago tumango. “Si Coreen? Oo. Matagal na niyang crush si Kuya.”
    “You didn’t help her to get your brother’s attention?” Curious kong tanong.
    “Tinulungan ko siya pero sadyang di makita ni Kuya. I guess he likes someone else,” usal niya.
    “Your bestfriend is pretty. Ang alam ko maraming nagkakandarapa sa kanya.” Yes, Rozen’s one of them. “I don’t think Noah can ignore her.”
    Nagkibit balikat si Reina at tumayo, malayo ang tingin. “You’re pretty din naman. I’m sure my brother likes you. Hindi siya ganyan kahit kanino.” Sabay turo niya sa kuya niyang may dalang pagkain para sa aming dalawa.

    Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan siya. It’s weird to look at. Noah, ‘yong pangarap kong lalaki, nandito sa harap ko dinadalhan ako ng pagkain. Si Noah na walang alam kundi ang mag suplado ay nandito parang asong tinutugunan ang kapritso ko.

    “Bye, Ate Megan. Kakain lang din ako.” Makahulugan ang ngiti ni Reina sa akin.
    Tumango ako at nilingon si Noah na nakatingin sa papalayong si Reina. “Anong sinabi ng kapatid ko sa’yo?”
    Umiling ako. “Wala naman.”

    Nagtaas siya ng kilay, hindi naniniwala. Umupo siya sa tabi ko at nilapag niya ang pagkaing nakalagay sa loob ng styro. Nilapag niya rin ang dalawang softdrinks sa gitna naming dalawa tsaka humarap sa akin.

    “Let’s eat?” anyaya niya. Nakakapanibago. Hindi ko tuloy magawang mag seryoso.
    “Alright.” Nangingiti kong sinabi.
    “Why are you smiling?” tanong niya samantalang binibigay sa akin ang styro at ‘yong mga plastik spoon and fork.
    “Nagi-guilty ka ba kaya nililibre mo ako?” Pabiro kong sinabi.
    “We are gonna eat together from now on,” aniya.

    Halos natulala ako sa kanyang mukha. Parang wala lang sa kanya ‘yong sinabi niyang iyon pero para sa akin ay malaking pagbabago na iyon. I always eat with Everlyse and my other friends. Kung simula ngayon ay dapat magkasama kami ni Noah’ng kumain ay maninibago talaga ang lahat. And for what reason is this? I don’t know.

    “Always?” Tanong ko.
    Nagsimula na siyang kumain na para bang wala siyang sinabing kagulat gulat kanina.
    “Always, Megan.” Nag angat siya ng tingin.
    “Why? P-Paano kung nandito si Everlyse?”
    “Then, sasabay ako sa inyo.” Seryoso niyang sinabi.

    Halos hindi ako makakain. Gusto kong magtanong kung bakit ganon pero ayaw kong masira ang lahat ng ito sa pagtatanong ko. Kaya imbes na paulanan siya ng tanong ay kumain na lang din ako.

    Sa harap namin ay ang mainit na basketball court at ang tahimik na open field. Pinili ni Noah na dito kami kumain para walang manggulo sa amin. Bago ako makasubo ng isa pa ay naramdaman ko ang kamay ni Noah sa gilid ng mukha ko. Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko siya at seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa kung anong nasa mukha ko.

    “Eat your food properly. You seem preoccupied.” Tumagilid ang ulo niya.

    Ang konting distansya sa aming dalawa ay naglaho nang bahagya siyang lumapit. Ang pumagitnang mga softdrinks ay nasa gilid niya na.

    “Uhm, nothing. May iniisip lang ako.” Diretso kong sinabi para pawiin ang kaba sa aking puso.
    “Do I make you real nervous, Meg?” biglaan niyang tanong habang nilalagay sa tainga ko ang takas na buhok.

    Hindi na ako makakain. Naaasiwa na ako dahil tapos na siyang kumain at ang buong atensyon niya ay nasa akin na.

    “Not really, Noah.” I lied. Agad akong sumubo ng kanin para lang pagtakpan ang pakiramdam ko ngunit nanginig ang kamay ko habang ginagawa iyon.

    Narinig ko ang tikhim at halakhak ni Noah nang binaba ko ang kutsara at nginuya ko ng dahan dahan ang aking pagkain.

    “Sige, Megan, mag sinungaling ka pa.”
    Bumaling ako sa kanya. “Noah, how can I eat properly when you’re watching me?” Halos hindi ko pa nga nangunguya ng maayos ang pagkain ko.

    Pilyo ang kanyang ngiti habang tinitingnan akong mabuti. Para bang nag eenjoy siya sa sinasapit kong pagkakailang.

    “I’m sorry but I think it’s gonna be my new hobby. Watching you will be my new hobby.”
    “Oh.” Hindi ako makahinga nang nag iwas ako ng tingin sa kanya.

    Agad niyang nilagay ang kanyang kamay sa aking baba at hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Nanunuya ang kanyang ngiti. And how many times do I have to realize that this Elizalde is going to blow my mind up because of his intense piercing eyes?

    “That’s your hobby too, right? Watching me?” May kumpyansa niyang idineklara.
    Ngumuso ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko pala siya kayang tingnan ng ganito ka lapit.
    “Look at me, Megan.” he demanded. “Why don’t you look at me right now? Hindi ba iyan naman ang hobby mo?”
    “Noah, we’re too close.” Halos manginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.

    Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang mga estudyanteng nakatingin sa aming dalawa. They probably think we’re kissing or what.

    “Oh you don’t know what’s close to me yet, Megan.” he chuckled.

    Agad niyang binitiwan ang baba ko at umupo siya ng maayos. Tsaka ko lang yata napakawalan ang buntong hininga kong kanina ko pa kinimkim dahil sa galaw niya. Kinuha ko ‘yong softdrink at narinig ko ulit ang halakhak niya. Uminom ako para maibsan ‘yong kaba.

    “Mag papractice kami mamaya sa bahay namin para sa outdoor gig. First practice pa lang. I’ll get your number. You’ll stay in school again for the club activities?”
    Tumango ako na parang bata. “Why do you want my number?”
    “I want to check if you’re really doing your ‘activities’, Meg.”
    “Why do you want to check on me?” Nagtaas ako ng kilay.
    Kinagat niya ang kanyang labi at tiningnan akong mabuti. Buong akala ko ay hindi niya ako sasagutin sa tanong kong iyon. “I guess I might be slightly addicted.”

    Halos sumigaw ako nang ikwento ko iyon kay Everlyse. Pulang pula ang kanyang mukha habang nangingiti. Niyugyog ko siya sa sobrang saya, hindi ko kayang isantabi na lang ang mga sinabi ni Noah.

    “You think he likes you?” tanong ni Everlyse.
    “Hindi ko alam, Lyse. Natatakot akong magtanong kasi mamaya maudlot pa,” bulong ko nang sa ganon ay walang makarinig na taga fans club.

    Kahit naman pare pareho naming gusto ang bandang Zeus ay hindi ko rin naman pwedeng ipangalandakan ‘yong nangyari. Ayokong masaktan ang mga umaasa kay Noah na nasa grupo namin at ayoko ring isipin nilang nag fifeeling ako dahil lang sa ginawa ni Noah. But it’s Noah Elizalde, hindi niya iyon gagawin para lang sa wala.

    Tumunog ang cellphone ko at halos itapon ko ang lahat ng nasa bag ko para lang mahanap ko iyon at masagot ang tawag na inakala ko’y kay Noah. Nakita kong tumatawag pala si Daddy.

    “Hello, dad.” Kinalma ko ang sarili ko.
    “Hello, I’m outside your school. We need to go. Are you done with your class?”

    Napatingin ako kay Everlyse na inaabangan ang maaari kong ibalita sa kanya.

    “Yup. May activities pa po ako.” Sabay tingin ko sa iilang mga stickers na ginugupit namin.
    “Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban iyan? We need to go. Your mom’s at home na, nagbibihis. We’ll have a party later sa office.”
    Tumayo agad ako at sumenyas kay Everlyse na kailangan ko ng umalis. Ano kayang meron? “Party? Para saan, dad?”
    “We closed a deal between this international recording company. Atsaka para na rin doon sa advertising company na ginagawa ng mommy mo, it’s the launching tonight.”
    “Oh! Hindi ko alam ‘yon. Sige po. Bababa na po ako.” Sabi ko at nag ligpit ng gamit.
    “You tell Everlyse and Constantine, too. They will have to celebrate with us.”

    Ang suwerte naman talaga ng araw na iyon. Kaya naman ay hindi ko matanggal ang ngiti ko habang nag bibihis ako sa bahay ng simpleng kulay royal blue na dress at mini make up-an ng eksklusibong make up artist ni mommy. This is the biggest break for the company ever.

    “You should renovate the building, Madame.” Dinig kong sinabi ni Hugo habang minimake upan ako.

    Nanonood si mommy sa pag mimake up na ginawa ng make up artist niya sa akin. Si Hugo na kilala ko na simula pa noong bata pa ako ay kilala din ng malalaking artista sa industriya ng showbiz.

    “Medyo maliit. It’s not small time anymore.” ngiti ni Hugo.
    “I still couldn’t Hugo. Kulang pa sa budget and besides, I have other priorities,” usal ni mommy, nakatitig sa akin.
    “Like what?” Nagtaas ng kilay si Hugo at nag simulang mag lagay ng eyeliner sa aking mga mata kaya pumikit ako.
    “The international company will probably train me. Or whoever’s incharge. I also want to at si George na rin, ganon din ang iniisip.”
    “Mom, lalago ang negosyo niyo ni dad dahil sa offer na ito. For sure even your advertising company will be on the spot light.” Ngiti ko sa mommy kong tumatango sa akin.
    “Hopefully, Georgianne. We will need it to boom para na rin mas lalong lumago ang Moon Records.”

    Lumaki ang ngiti ko. And when the time is right, ipapakiusap ko kay mommy na kunin nila ang Zeus nang sa ganon ay hindi masayang ang hirap at passion ni Noah para sa musika. When the time comes… surely.

  • Kabanata 12Open or Close

    Kabanata 12
    Eat Me Noah

    Maraming tao sa party. Kanina pa nag sasalita si mommy sa harap tungkol sa success ng kompanya at sa pagpapalago nito. Napansin kong marami mga negosyanteng dumating. Iilan sa kanila ay tanyag sa iba’t-ibang larangan. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakikita kong nag sisidatingan ang iilang malaking tao sa showbusiness.

    “Megan…” Wika ni daddy nang papalapit sa kanya ang iilang mga malalaking tao ng industriya.
    “Yes, dad.” ilang beses na rin akong naipakilala sa iba’t-ibang mga tao. I know exactly how to deal with them.
    “Rodolfo…” Nag beso ang matandang babaeng kilala bilang CEO ng isa sa pinakamalaking TV station sa bansa.
    “Hi!” Bati ni daddy.
    “Congratulations sa inyo ni Alejandra. I knew you two can do this.” Ngiti ng matanda.
    “This is my daughter, Megan.” Sabay ngiti ni daddy habang ipinapakita niya ako.

    Nginitian ko lahat ng nakakausap at ipinapakilala sa akin ni daddy. Hindi ko na maalala kung sinu suno sila pero may iilan akong importanteng mga taong nakilala na noon at nanatili sa aking mga alaala. Pumalakpak kami pagkatapos mag salita ni mommy nang bigla kong napansin ang nakangiting lalaki sa gilid ng taong kararating lang.

    “Good evening, Mr. Marfori,” malalim ang boses ng bumati.
    Natoon ang paningin ko sa nakangiting lalaki. Luminga kaagad ako para hanapin ang kanyang kapatid na wala doon. Of course, I’ve seen Everlyse with her parents but Stan isn’t here. Mas inuna nila ang pag papractice sa banda. I understand that. It means a lot to them but still, I hoped for Noah’s presence tonight.
    “Good evening, Megan.” Malupit na ngiti ni Rozen.

    Tatlong lalaki ang humarap sa aking daddy. Kilala ko si Mr. Elizalde. Ngayon ko nga lang yata nakita ang isa pa niyang anak, ‘yong eldest nilang nasa kanan ni Mr. Elizalde.

    “Magkakilala nga pala ang mga anak natin, Rodolfo.” Ngumisi si Mr. Elizalde.

    Sa ngisi niya ay nakita ko ang anino ng mukha ni Rozen at Noah. Parehong pareho. They were all cut from the same cloth, I knew it.

    “Kilala ko po si Rozen dahil schoolmates kami.” Singit ko ng nakangiti.
    Nagtaas ng kilay si Rozen sa akin at nanatili ang kanyang ngiti. Nginitian ko siya pabalik. What is it this time, Rozen?
    “I’m glad you came. Mamaya ay pupunta na dito si Alejandra to talk about our new business.” Ngiti ni daddy habang iminuwestra kay Mr. Elizalde ang mga upuan sa tapat namin.
    “Rozen…” Tawag ni Mr. Elizalde at bumaling sa akin.
    “Po.” Sagot ni Rozen.
    “Can you take Ms. Marfori outside. Mamasyal kayo sa hall o di kaya ay lumabas kayo. I know this is gonna be boring for you two.” Ngumiti si Mr. Elizalde sa akin.
    “Okay, dad.” At mabilis namang umaksyon si Rozen.
    Nilingon ko lang si dad at agad siyang tumango sa pagsama ko kay Rozen. Whatever was the reason why we need to go somewhere else, I don’t really mind. Hindi ko man sabihin at ipakita ay inaamin kong boring nga ang mga tagpo doon at nagsisikap lang akong hindi antukin para sa mga magulang ko.

    Nauna akong maglakad sa nanunuyang si Rozen. Dinadaanan ko ang mga pagkaing naka hilera at kumuha ng iilan doon.

    “What is it, Rozen?” Tanong ko nang hindi siya nililingon.
    Narinig ko ang kanyang halakhak. “Sinong Elizalde ba ang sinabi mong gusto mo, Megan.”
    Nilingon ko siya pagkadating namin sa dulo ng mahabang mesa. Ang kanyang kamay ay nasa kanyang likod at bakat ang matipuno niyang katawan, tulad nong kay Noah, sa kanyang suit. “Bakit?” Kumunot ang noo ko.
    “Dapat ay hindi ako sinama ni dad at ni kuya. Sinama lang ako dahil nag usap ang daddy mo at daddy ko, nabanggit yata ng daddy mo noon na may gusto ka sa akin. That’s why.” Umangat ang gilid ng kanyang labi.
    “That’s ridiculous.” Mas lalong nag dilim ang paningin ko.
    “Megan, my dad likes playing god. And I can see that it’s your dad’s hobby too. There is nothing wrong with that, though. Hobby ko rin iyan. Pero kung ayaw mong ipagkasundo tayong dalawa, you should make a move.”

    Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi ni Rozen. Pansamantala pa akong tumunganga habang naghihintay siyang maproseso iyon sa utak ko. I don’t understand. Inakala ba ni daddy na ang gusto kong Elizalde ay siya? At gusto nila ng daddy ni Rozen na magkaigihan kami? For what? For business’ sake?

    “I don’t believe it, Rozen. Ikukumpara sa business niyo ‘tong business namin ay walang wala iyon. I don’t think your dad is going to risk it. We will be the pain in your ass if that happens. Alam kong naging successful ang deal ni mommy sa isang international na kompanya pero hindi ibig sabihin na mananatiling mabuti ang estado ng maliit naing business-“
    “My dad knows that your business is going to be successful in time. I don’t have time to argue with you but you need to know that we are both gonna be screwed if you won’t make your move.” Tinagilid niya ang kanyang ulo at inilapit iyon sa akin.
    “What move are you talking about?” Nalilito kong tanong.
    “My brother is already in love with you. He’s just too stupid to realize it. Why don’t you push him to his limits?” Malamig na sambit ng malademonyong labi ni Rozen.

    Tinalikuran ko siya dahil napansin ko ang iilang mga matang nakatingin sa amin. Hindi ko kayang isipin na ipagkakasundo kami ni Rozen. He’s probably just overthinking. Hindi iyon gagawin ni daddy at mommy sa akin. At hindi na rin kailangang paalalahanan ako ni Rozen tungkol sa kay Noah.

    Sumunod siya sa akin sa labas ng hall. Nasa may reception area na kami ng aming building. Nilingon ko ulit siya, mas komportable dahil wala ng mga matang nakatingin.

    “Ayokong pangunahan ang kapatid mo, Rozen. I know we can’t be together. You won’t let that happen. You are in love with someone else. I am too. Pwede ko namang ipaubaya na lang sa’yo lahat ng ito. You can do it.” Patuya kong sinabi. “Or I can tell my mom and dad that I like Noah. Syempre baka kami pa ang ipagkasundo-“
    “Your mom and dad specifically want me. They know Noah’s into music and they prefer someone who’s in love with business like me.” Umigting ang panga ni Rozen.

    Tumunganga ako sa kanya. That’s impossible. If Rozen’s bluffing, I would literally kill him.

    “Our parents can’t decide for us, Rozen.” Ngiti ko. May kompyansa ako sa sinasabi ko dahil iyon ang totoo. Rozen’s a fool if he thinks I’ll let that happen.
    Ngumuso siya at tinitgan ako.
    “Don’t worry. Magiging kami ni Noah. Malapit na.” Ngumiti ako na para bang malapit ko na talagang makuha ang pinapangarap ko.
    “Galitin mo. Mas mapapadali.” Ngumiti rin siya pabalik sa akin.

    I know, Rozen. I don’t need your help.

    Dahil sa pag uusap namin ni Rozen ay pakiramdam ko lumalapit na ang kaluluwa ko sa impyerno. I am not that desperate. I need to remind myself of that. But his words were scary. Ayokong mangyari iyon.

    “Ano ‘yan?” Kumunot ang noo ni Everlyse pagkatapos maibigay ni Wella ‘yong isang maliit na pouch sa akin.
    “Wala.” Sabi ko at nilagay agad sa bag ko.

    Bago ko pa masarado ang bag ko ay hinablot na kaagad ng pinsan ko. Halos mapamura ako sa kanyang ginawa. Tumikhim na lang ako. This is inevitable anyway.

    “What is this thing?” Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang pouch.
    Umirap ako. “Pinagawa ko ‘yan don sa kakilala ni Wella.”

    Dahan dahan niyang binuklat ang kulay itim na panty na may nakalagay na ‘Eat Me, Noah, please’

    “What the hell is this?” Nanlalaki ang mga mata ni Everlyse.
    Mabilis kong hinablot iyon sa mga kamay niya. Lalo na nang nakita kong paparating na sina Noah, Joey, Warren, at Stan. Nagkatinginan agad kami habang hindi pa natatapos si Lyse sa kakatalak tungkol sa nakita niya.
    “Shhh!” Saway ko sa pinsan ko para hinaan niya ang boses niya.
    “Para saan ‘yon?” Mahina ngunit mariin ang pagkakasabi ni Lyse. Sumulyap pa siya kay Noah bago ulit bumaling sa akin para sa sagot.
    “Para sa outdoor gig nila. Susuotin ko.” bulong ko.
    “Bakit panty? Magpapanty ka lang? Atsaka bakit ganon ang nakalagay?”
    I smirked. “Wala akong maisip, e. Tsaka hindi naman ‘yon panty. Maypagka boxer type ‘yon.”
    “Panty parin ‘yon.” Mariing bulong ni Everlyse.

    Bago pa niya madugtungan ay dumating na ang teacher namin kaya napilitan siyang umupo pabalik sa kanyang upuan.

    Mabilis kong binuklat ang notebook ko para magpunit ng papel. Ititext ko sana kaso nasa harapan ako at kitang kita iyon ng teacher ko kaya mabuting sa ganitong paraan na lang.

    ‘Please, let me go.
    -M. Marfori’

    Kasi ilang araw na namin itong pinagtatalunan tuwing nag lalunch break kahit sa harap pa ng kanyang mga kabanda at kay Everlyse. Ayaw niya akong isama sa gig nila. Ayaw niyang nandoon ako at hindi ko alam kung bakit.

    Kinalabit ako ni Everlyse at agad kong tinanggap ang kanyang reply.

    ‘No. I said no.
    -N. Elizalde’

    Ang sungit talaga ng isang ito.

    ‘Pupunta ako, bahala ka.
    -M. Marfori’

    Mabilis ang kanyang reply. Nangiti ako sa kasupladuhang ipinapakita niya.

    ‘Ang kulit mo. Sabi kong wag.
    -N. Elizalde’

    Wala talagang patutunguhan ang usapang ito. Nilingon ko si Noah at agad niya akong sinalubong ng irap habang naglalaro sa kanyang ballpen. I made a face. Kainis. Bakit ang gwapo mo?

    ‘Bakit? Siguro may tinatago ka? May ibang babae ka?
    -M. Marfori’

    Nakangising aso ako buong panahong naghihintay ako ng kanyang isasagot. Kahit na medyo natagalan ay hindi ko parin maalis ang ngisi ko sa aking labi. Agad agad kong binuklat ang ikinalabit ni Everlyse sa akin at tiningnan ang sasabihin ni Noah.

    ‘Nakita mo ba akong lumapit sa ibang babae? Ikaw lang naman nilalapitan ko, a?
    -N. Elizalde’

    Kinagat ko ang labi ko. Ang hirap hindi umasa. Hindi niya pa naman ako nililigawan pero ayos na ito sa akin. I couldn’t ask for more.

    ‘Kung ganon bakit ba ayaw mo ako don? Anong problema?
    -M. Marfori’

    Di niya na ako nireplyan hanggang sa natapos ang klase. Nilingon ko kaagad siya nang nag dismiss na at saktong pagkalingon ko ay ang pag alis nilang dalawa ni Stan sa classroom. Umiiwas talaga siya sa usaping ito.

    Mabilis akong nagtype sa cellphone ko.

    Ako:
    Bahala ka. Pupunta ako.

    Ano kaya talaga ang problema at ayaw niya akong pumunta? Well, ano man iyon ay wala akong pakealam. Gusto kong pumunta para suportahan sila. At isa pa, pinagawa ko ang burda nong pantyng iyon at kailangan ko iyong suotin doon. Like what Rozen told me, push him to his limits. Mapapaamin ko kaya siya pag nangyari iyon?

    “Huy!” Tinampal ni Everlyse ang balikat ko. Nahihiwagaan na siya sa pangisi ngisi kong mukha. “Ano ba ang balak mo?”
    “Basta. Samahan mo ako sa outdoor gig nila? Susuotin ko ‘yong panty.” Ngiti ko.
    Umiling si Everlyse. “You’ve lost your mind over Noah Elizalde.”
    “It’s worth it,” sabi ko.

  • Kabanata 13Open or Close

    Kabanata 13
    You Own Me

    Hindi alam ni Noah na pupunta ako doon. I just really want to support him. Show him that I care for his music. Nang datnan ko ang maraming tao sa isang malaking entablado, alas kuwatro ng hapon. Nanlalaki ang mga mata ko nang nakitang sobrang dami ng taong naroon habang tumatalon sa mga kanta ng naunang mga bandang naroon.

    “Oh my God! They are gonna play here?” Hindi ako makapaniwala nang ibulalas ko iyon sa mga kasama ko sa club.

    Nagmistulang maliit na stage ang naroon sa aming paaralan dahil sa entabladong ito. Masyadong maraming tao ang narito at puro masaya at nakikisabay sa musikang naririnig galing sa tumutugtog.

    “Pang ilan sila, Thea?” tanong agad ni Wella doon sa may hawak ng programme.
    “Pang pito.” Sagot nong freshmen.

    Dinumog nila ang programme na naroon habang nakikisiksik kami sa mga tao. Halos mga college boys ang tumutugtog at ibang klase na ang musikang likha nila. Hindi ko maipagkakailang kasing galing din sila ni Noah. Manghang mangha ako sa bawat pagsasambang naririnig ko galing sa audience.

    Mabuti na lang at naka shorts ako at midriff tank top dahil medyo umambon kaya nabasa kami ng kaonti. Hindi nagpatinag ang mga audience na lasing na sa musikang tinutugtog ng bawat grupo sa harap.

    “Pang anim na!” Patiling sinabi ni Wella nang umakyat ang limang lalaking sumunod sa kumanta kanina.

    Dalawa ang kanilang vocalist at medyo malumanay ang mga kanta nila. Humupa ang ingay ng audience pero aliw na aliw parin sila sa kantang pamilyar. Nilingon ko ang katabi kong si Wella na abala sa pag aayos ng mga glow in the dark bracelets. Ngayon ko lang napansin ang pag kukulay baga ng langit dahil sa paglubog ng araw.

    Tumalon talon ulit ako nang biglaang umingay ang tugtog ng pang limang banda. Medyo natalisod pa ako ng kaonti dahil sa suot kong boots at mabuti na lang ay may mga kamay na sumalo sa aking gilid.

    “Megan? Ngayon lang kita napansin,” ngumisi si William.

    He’s a guy from school. Kaibigan ito ni Rozen, sa pagkakaalam ko. I have met him way back ngunit hindi ko na ulit siya nakausap. May kasama siyang iilang mga lalaking hindi na pamilyar sa akin. Maybe guys from other schools?

    “Yeah. I’m supporting Noah.” Sinabayan ko iyon ng pagtuturo sa entablado.

    Sa tangkad kong limang talampakan at anim na pulgada ay matangkad na sa normal na height ng mga kaedad ko. Ngunit maraming college na pinaghalong babae, lalaki, at bading ang naroon kaya hindi parin ako makapag angat ng tingin ng maayos.

    “Holy crap!” Tili ni Wella nang medyo umambon ulit. “May bagyo ba?” Nagtanong siya sa mga miyembrong nasa likod.

    Hindi ko kinailangan ng sagot. I’m here for Noah, umulan man o bumagyo. Ngiting ngiti ako nang tinawag ang pangalan ng Zeus sa stage. Medyo lumakas pa ang ambon ay may iilang lalaki sa unahan na nag hubad ng t shirt kaya nag tawanan ang mga naroon.

    “Whoa!” Pumalakpak sina Wella, hindi ko alam kung dahil ba doon sa lalaki o doon sa pag akyat nina Stan sa stage.
    “It’s your favorite band, Megan.” Sabi ni William na nasa tabi ko parin.
    Tumango ako, ngiting ngiti sa pagpasok ni Noah. Seryoso parin ang kanyang mukha, at hindi mo malaman kung kinakabahan ba o para lang siyang nag peperform sa kanilang sala. Si Stan naman ay makapal ang mukha. Habang nag aayos sina Joey at Warren sa likod ay nginingitian niya ng bulgar ang mga audience na siyang dahilan kung bakit tiling tili ang mga ka club ko at ang iba naring naroon.

    “Go Stan! I love you!” malakas ang loob na sinigaw ni Wella dahil wala ang kambal nitong si Everlyse dito.

    Tinanggal niya ang kanyang t shirt at nakita ko ang caged bandeau na may galaxy print at may nakalagay na Constantine. Sumigaw at tumili ang mga ka club namin sa ginawa ni Wella. May nag tanggal pa sa kanyang malaking eye glasses na agad niyang inalma dahil hindi umano siya makakakita ng maayos pag wala iyon.

    Ibang klaseng galak ang naramdaman ko nang nagkagulo na kami sa sigawan at halakhakan habang nagsisimulang tumugtog sina Noah at Joey.

    Ang bawat miyembro ng club ay kung hindi tumitili ng pagkalakas lakas ay iwinawagayway ang tarpaulin ng Zeus. Nakita ko pang inakyat ng ilang seniors si Wella sa kanilang balikat. Tawang tawa si Wella lalo na nang tinuro siya ni Stan.

    Let’s light the fire, Meg. Walang pag aalinlangan kong hinubad ang aking maiksing shorts at winagayway ko iyon sa ere. Abot-abot ang kaba ko nang habang tumutugtog ay bumaba ang tingin ni Noah sa akin.

    “Go Noah!” Sigaw ko, winawagayway ang aking shorts nang biglang may iilang kamay ang humapit sa aking hita at inangat ako doon.

    Napatili ako sa gulat at takot na baka mahulog ako o ano. Nilingon ko pa ang mga nagtaas sa akin.

    “Huwag ka nang lumingon, Meg!” Sigaw ng isang ka club ko na nasa likod at tumulong na rin sa pag angat sa akin.
    Napasinghap ako nang nakita kong si William at ang isa pang lalaking kaibigan niya ang naroon at tumutulong sa pag angat sa akin. Nasa balikat ako nilang dalawa, parehong nakahawak sa aking binti.

    Nilingon ko kaagad ang stage at sumigaw na lang para kay Noah.

    “Go Noah! My Love!” Sigaw ko at tumili ako.

    Matalim niya akong tinitigan. Kumaway ako sa kanyang supladong titig. Kinagat ko ang labi ko at tinuro ko ang pantyng suot. Napaawang ang bibig niya at nakita ko ang dahan dahan niyang pag iling at pag pikit ng mga mata.

    “Go Noah! I love you!” Sigaw ko.

    Tumalikod siya habang tumutugtog at nakita ko pang sa gitna ng pag tugtog ni Joey ay nakuha pa niyang makipag usap kay Noah nang nakangisi bago sumulyap sa akin.

    “Gooo Zeus! Go Joey! Go Stan! Go Wareen! Go My Love!” Umalingawngaw ang tinig ko.

    Medyo umambon at di ko inalintana iyon. Sa kabuuan ng pag tugtog nila ay naka angat ako at hindi ko man lang tinanong kina William kung ayos pa ba sila. I just want a clear view of Noah while he’s out there making his own name in the music industry.

    Ang alam ko ay may mga agents sa iba’t ibang malalaking recording company na nanonood ngayon at pag nakita nilang malawak ang fan base ng Zeus at magaling ang musika nila ay maaring kukunin sila ng mga ito.

    Halos nalasing ako sa pang huling kanta ni Stan. Medyo malumanay iyon at nakita kong naging seryoso sila samantalang si Noah ay halos nakatalikod parin sa audience.

    Umaalingawngaw ang boses ko tuwing sinisigawan ko si Noah, “Tingin ka naman dito!”

    “Take my hand
    And gently close your eyes so you could understand
    That there’s no greater love tonight than what I’ve for you
    Well if you feel the same way for me then let go
    We can journey to a garden no one knows
    Life is short my darling tell me that you love me
    So we can fade into the night and you’ll know…”

    Sinabayan ko si Stan sa pagkanta nito. Hindi ko maiwasan dahil gustong gusto ko ang linyang iyan. Nakataas ang kamay ng mga audience na para bang sinasamba nila ang mga salitang lumalabas sa labi ni Stan at sa musikang galing sa mga stereo na tinutugtog nila.

    Pumikit ako at ganon na rin ang ginawa habang kinakanta iyon. Dumilat lang ako pagkatapos ng kanta. Sumigaw ako at pumalakpak habang dahan dahang binaba nina William at nong kaibigan niya.

    “Meg…” Inakbayan ako ni William at bumulong siya sa akin.

    Ang mga mata ko ay nakatoon sa kay Noah na binaba ang gitara at hindi man lang bumati sa audience kahit na ang tatlong kabanda ay nagawa pang yumuko at kumaway. Napaka suplado talaga ng Elizalde’ng iyon!

    “You free tonight? Perhaps we can have dinner?” Ang hininga niyay humahaplos na sa aking pisngi sa sobrang lapit.
    Umiling agad ako. “Busy ako, William. I’m sorry.” Nilingon ko sina Wella na hindi parin magkamayaw ang ngisi dahil sa ginawa naming suporta.
    “Huy, Megan! Mag shorts ka na! Tumulo laway ni Noah kanina.” Biro ni Wella.

    Humugot ako ng malalim na hininga at agad na nagpaalam para pumuntang CR na malapit. Nagpresenta pa si Wella na samahan ako at hindi ko iyon tinanggihan. Mabilis akong nag bihis sa CR na naroon at hindi ko maitago ang ngisi ko pagkalabas.

    Hindi tumulo ang laway ni Noah kanina but I’m pretty sure he can’t get me off his mind. Mabilis kong napagtanto na hindi nga pala ako nagpaalam kina William nang umalis ako kanina. Am I too rude? Nagpakahirap silang iangat ako pero iyon lang ang ginawa ko. Ni pagpapasalamat ay wala akong sinabi?

    “Grabe! Ang sikat na nila! Ang dami ng nakakakilala sa kanila. Nakita ko ‘yong ilang college na tumitili sa pangalan ni Constantine.” Sabi nong isang miyembro, she looks bothered.
    “Ayos lang ‘yon. Mas maganda nga ‘yon dahil baka magkaroon pa sila ng offer. Their music deserves the number one spot.” Ngiti ko sa kanila.

    Nakita kong umalis si Wella dahil may tumawag sa kanyang cellphone. Nilingon ako nong assistant niya at nagsabing pinaghahanap na sila sa kanila. Siyempre gabi na kaya kinakailangan na naming umuwi.

    “Hinahanap na rin ako.” Bungad ni Wella pagkatapos ng tawag.

    Mabilis kong kinapa ang cellphone ko. Ang alam ko’y may hinandang party ang banda sa bahay nina Everlyse. Doon din ako matutulog, kaya ako pinayagang gabihin ngayon dahil alam nilang kasama ko si Stan.

    “Ano? Ikaw, Meg? Lalabas na kami dito. Saan ka?” Nalilitong tanong ni Wella.

    Tiningnan ko ang cellphone kong may apat na mensahe ni Everlyse at may dalawang sa hindi ko kilalang numero. Bago ko pa mabuksan ang mga mensahe ay agad na may umakbay sa akin.

    “Bah. Galing ng pinsan ko, a?” Nangingising sinabi ni Stan.

    Nahanap niya ako! Buong akala ko ay nasa labas na sila naghihintay dahil dumaan silang backstage kanina. Hindi ko inakala na bumalik sila sa loob.

    “Stan?” Nakangiti kong sinabi at agad niyakap ang pinsan ko. “Congrats!”
    “Thank you. But I don’t think kinailangan mo pang mag strip para lang matauhan ang mga tao doon na magaling nga kami.” May kumpyansa niyang sinabi.

    Nanahimik ang club members dahil sa kanyang presensya. Mag isa siya at tingin koy hinanap niya talaga ako sa dagat ng mga tao.

    “Thank you, girls!” Sabi niya at hinarap ang mga ka member ko. “You did well. Hindi ko alam kung paano kayo mapapasalamatan. Siguro magkakaroon na lang tayo ng get together sometime.” Pilyo ang ngisi ni Stan at agad akong umirap.

    Nagkwentuhan, nagpurian, at nagpahayagan ng walang humpay na pasasalamat muna sila bago tuluyang umalis. Sumunod kami sa kanila, nakaakbay ang aking pinsan sa akin habang bumubulong. Nakahalukipkip ako at bawat mga mata ng babaeng papasok at palabas ay dumidikit sa kanya tapos sa akin. Can’t you all frigging see the resemblance? Maybe I am fairer than him but we have the same eyes you idiots.

    “Noah’s fuming mad, couz. Nagtagumpay ka ngang talaga.” Bulong ni Stan sa akin habang papalapit kami sa iilang sasakyang naroon.

    Napansin ko kaagad ang isang BMW na nakapark. Doon nakahalukipkip at nakahilig si Noah nang datnan niya ang titig ko sa pag uusap namin ni Stan. Agad niyang binaba ang kanyang kamay at nag igting ang kanyang panga. Umiling si Joey at ngumisi. Lumingon naman si Warren sa akin at tumango. Tinanguan ko siya pabalik.

    “Congratulations!” Ngisi ko binabalewala ang sinabi ni Stan sa akin.

    Nakita kong naglakbay ang mata ni Noah sa balikat ko at agad lumipad sa ere ang mga braso ni Stan na nakaakbay.

    “Easy, dude.” Natatawang sinabi ni Stan. “Baka makalimutan mong magpinsan kami.”

    Nalilito ko silang tiningnan. Nakita ko ang pag titig ni Noah sa akin. Nakakabinging katahimikan ang bumalot. Kung hindi humagikhik si Stan at Joey ay malilito na ako sa katahimikan.

    “Thank you for supporting us, Megan.” Pinasadahan ako ng tingin ni Warren mula ulo hanggang paa.
    “So…” Putol ni Joey. “Sinong sasakay sa sasakyan nina Stan?”
    “Ako.” Sabi ko, medyo nalilito sa nararamdaman na tensyon sa grupo.
    “No… You come with me.” Malamig na sinabi ni Noah.

    Luminga linga ako dahil ang tatlo ay nanahimik habang tinititigan ako ng seryoso. Si Stan lang yata ang may ganang ngumanga at paglaruan ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. Tumunog ang BMW sa gilid ko. Sasakyan ni Noah ‘yan?

    “Don tayo kay Stan, Warren.” Anyaya ni Joey.
    Tumango si Warren at sumulyap sa akin. Nilingon ko si Stan na ganon parin ang ginagawa at pinagtaasan ko siya ng kilay.

    Binuksan ni Noah ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nakita ko kung paano nag igting ulit ang kanyang panga. Nilingon niya ako at malamig na tinitigan.

    “Do I need to say it again, Megan?” Malamig niyang wika.
    “You’re still seventeen. You can’t drive.” Iling ko. “Kahit si Stan, may driver pa.” Umirap ako at agad na nagmartsa papasok sa sasakyan ng masungit pero gwapong lalaking ito.

    Ipinakita ko pa sa kanya na nagdadabog talaga ang mga paa ko papasok doon sa front seat.

    “Take care of her, Elizalde.” Dinig kong sinabi ni Stan at agad inakbayan si Joey at Warren patungo sa kanilang sasakyan.

    Sinundan ko sila ng tingin nang biglang humarang si Noah sa aking paningin kaya naputol ko ang paninitig. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang igting ng kanyang panga at ang kanyang kamay na nakakuyom ay nakahawak sa likod ng aking upuan at ang isa ay nasa pintuan. Ang isang paa niya ay nakapatong sa sahig ng sasakyan.

    “Who gave you the permission to show your skin? Who gave you the permission to even come to that motherfucking event, Megan?”
    Nanlaki ang mata ko nang ang marahan na boses niya ay unti unting naging sigaw. “I am supporting you, Noah.”
    “No. You’re not supporting me. You’re destroying me.” Marahan ngunit may diin niyang sinabi.

    Ngumuso ako at bumagsak ang tingin ko sa aking mga tuhod kung nasaan nakahawak ang aking mga kamay. Para akong pakawalang hayop na pagkatapos magliwaliw ay pinagalitan ng amo. Noah’s just too over protective. Wearing a panty in public is the same as wearing a bikini on the beach. Kumalabog ang pintuan ng kanyang sasakyan at umikot siya sa driver’s seat.

    “I’m sorry.” Sabi ko at nilingon siya.

    Pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

    “Unique kasi ‘yon, Noah-” Paliwanag ko na agad niyang pinutol at mariin akong siniil ng halik.

    Alam na alam ko ang halik na iyon. Naramdaman ko na iyon noon. Hindi ko sinuklian ang mahapding halik na isiniil niya sa akin ng ilang sandali. Halos mapaiyak ako dahil ramdam ko ang galit niya sa akin.

    Tumigil siya sa paghalik ngunit nanatili ang kanyang mukha malapit sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Mabilis ang kanyang paghinga at naramdaman ko ang kamay niyang galing sa aking tuhod ay naglalakbay pataas. Naglalaro. Naglalakad ang daliri niya at nakikiliti ako. Para bang ang sakit ng halik niya ay binbawi ng mga kiliti at haplos ng bawt paglapat ng kanyang pagsayad. It was tormenting. Bumilis ang hininga ko nang naramdaman ko iyon sa tiyan ko.

    Isang beses niyang marahang hinalikan ang aking labi na para bang matamis ito at hindi niya kayang hindi simutin.

    “I own you,” makumpyansa niyang sambit. “I own every inch of you.”

    Naramdaman ko ang haplos niya sa aking tiyan.

    “At lahat ng pag aari ko ay hindi pwedeng nahahawakan, nahahalikan, o kahit nakikita ng iba.”
    Tinikom ko ang bibig ko at binaba ko ang tingin ko sa kanyang labi. “Hindi naman yata tama ‘yan, Noah. You own me. But I don’t own you…”
    Umigting ang kanyang bagang. Ang makita ito ng malapitan ay nagpagising sa mga sensasyong ngayon ko lang yata naramdaman sa talambuhay ko.

    Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya iyon sa kanyang dibdib.

    “You own me too.”

  • Kabanata 14Open or Close

    Kabanata 14
    One Way

    Namumungay pa ang mga mata ko dahil sa halik namin ni Noah. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nag dadrive. I remember a quote from the bible at iyon ang pinanghahawakan ko tuwing naiisip ko ang pag-ibig. That it shouldn’t be selfish. Then if this isn’t love, because it is selfish and because I think I am, then what is it?

    Nililingon ko ang seryosong mukha ni Noah habang nag da-drive. Umigting ng bigla ang kanyang panga. Perpekto ang angle ng kanyang panga at ang medyo magulo niyang buhok ay mas lalong nagpakisig sa kanya. Sa bawat pag galaw niya sa manibela ay mas lalong humuhulma sa kanyang damit ang kanyang braso.

    “Stop staring, Meg,” aniya.
    Ngumiti ako. Ang sungit. Gusto kong mag tanong kung ano na kami gayong ilang beses na kaming naghalikan at nag ho-holding hands pa kami ngayon ngunit natatakot akong masira ang lahat ng ito sa simpleng tanong kong iyon.
    “Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng print na ‘yan?” he suddenly asked.
    “Of course, alam ko.” Nag init agad ang pisngi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Siya naman ngayon ang nakatingin sa akin.
    “Ba’t ‘yan ang naka print, then?” nahihimigan ko ang amusement sa kanyang tinig.
    “What should I put there anyway?” Hindi parin ako makatingin sa kanya.
    Narinig ko ang kanyang tikhim at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. Hindi parin ako makabaling pero sobra sobra na ang paghuhuramentado ko. Lalo na dahil tahimik na siya at wala na rin akong masabi bukod sa pagpapasensya.
    “I’m sorry. I don’t really mean it,” pagbawi ko.
    “You don’t want me to…” he trailed off at halos lahat ng init sa katawan ko ay naglakbay patungo sa aking mukha.

    My hands are sweating big time. Kabadong kabado ako. He might think that I am that crazy about it.

    “Uhm, no… I mean…” Hindi ko alam saan ako kakalap ng mga salita.
    Bigla siyang humalakhak. Ngumiwi ako at hindi parin makatingin sa kanya. “You want it…” Nangingiting sinabi niya.
    “No!” Halos maisigaw ko iyon sa kahihiyan.
    Mas lalong lumaki ang tawa niya. Binitiwan niya ang kamay ko at nakita kong paliko na kami sa street nina Stan. Tahimik lang ako at sinimangutan ko siya dahil mukhang pinagkakatuwaan niya na ako. Tinigil niya ang sasakyan at agad tinanggal ang kanyang seatbelt, pagkatapos ay ‘yong sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang pagsimangot ko samantalang di naman magkamayaw ang kanyang ngiti.
    “Ang lakas ng loob mo, naduduwag ka naman pala.” Ngiti niya at agad lumabas ng sasakyan.

    Huminga ako ng malalim at napansin niya pa yata iyon kaya hindi na naman natanggal ang ngisi niya.

    “Bilis na. Labas na tayo. Baka magawa ko pa hinihingi mo.”
    Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinapa ang handle para makalabas ako doon. Tawang tawa siya sa bawat reaksyon ko samantalang natatameme ako dahil wala akong maidugtong na biro.

    Nagtaas agad ng kilay si Everlyse, Joey, at Stan nang nakita kaming papasok sa bahay. Nakita ko kaagad ang mahabang table kung nasaan may mga pagkain na masyadong marami kesa sa naimbitahan.

    Naroon ang iilang kaklase namin na malapit sa banda. May iilang mga babae ring naimbitahan na alam kong pinopormahan ni Stan o di kaya ay ni Warren. Tipid na ngiti lang ang isinukli ko kay Everlyse nang binati niya ako pagkatapos humakbang ni Noah patungo sa mga kaibigan para makipag biruan at batian.

    “Kain na tayo,” makahulugang ngiti ni Everlyse habang iminuwestra ang mga pagkaing nakahanda.

    Sadyang hindi namin ka close ang mga naimbitahang babae kaya kaming dalawa lang ni Everlyse ang namalagi sa sofa. Abala naman sila doon malapit sa mga mesang inihanda para sa maliit na salu-salong ito. Nakita ko kung paano ngitian si Noah ng ilang babaeng naimbitahan nila at tuwi tuwina’y sumusulyap siya sa akin. Suplado. Hindi man lang ngumingiti!

    Siniko ako ni Everlyse nang napansin ang tinginan namin ni Noah.

    “What’s up? Kayo na ba?” tanong niya, umiinom ng juice.
    “Ewan ko.” Iyon lang ang naging sagot ko.
    “Anong ewan mo? Sabi ni Stan, galit na galit daw si Noah kanina sa ginawa mo. Nagkabati na kayo?”
    Tumango ako. “We kissed.”

    Sa pagkakalaglag ng panga ni Everlyse ay hindi niya na ako tinantanan ng mga tanong. Kung paano at anong klaseng halik ang natanggap ko kay Noah. She even asked me if I was Noah’s first kiss because he was mine.

    “Hindi ko alam.” Tanging naisagot ko.

    Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nagtatanong ng marami kay Noah dahil sa takot kong masira ang kung ano mang meron sa amin ngayon pero nakita kong tumayo si Noah at sumulyap sa akin. Nilingon pa siya ni Stan at nakita kong bumulong si Stan kay Joey na agad ngumisi sa galaw ni Noah.

    Nag alis ng bara sa lalamunan si Everlyse nang napansin ang paglapit ni Noah sa sofa. Kinagat ko ang labi ko at nagkunwaring walang nangyayari pero hindi ko napigilan ang pag singhap nang umupo siya sa tabi ko.

    “Dito ka ba matutulog?” tanong niya.
    “Oo.” Nilingon ko siya.
    “Then you change your clothes. May dala ka bang damit?”
    “Bakit? Maganda naman ang damit niya, a?” Singit ni Everlyse, nakangising aso.
    Tumikhim si Noah at agad bumaling sa akin. Bago pa makapag salita ay sumunod na sa mga sofa si Stan kasama ang dalawang babae. Isa isa na silang pumanhik doon, si Warren, Joey at ilan pang babae ay naroon na rin sa sofa, nagkakatuwaan.

    Nakabusangot ang mukha ni Noah na parang wala sa mood. Nakangisi naman si Everlyse at bumubulong pa sa akin.

    “Badtrip ang boyfriend mo.” Halakhak niya.
    Umiling ako at tumingin kay Noah. Bagaman hindi ko naman talaga iniisip na malaswa ang damit ko o kailangan kong magbihis dahil iyon ang hiling ni Noah. Alam ko ring dapat na nga akong mag shower at mag bihis sa kwarto ni Everlyse. Pagkatapos kong inumin ang juice na sinisimsim ko ngayon ay aakyat na ako.
    “I still couldn’t believe it. I really couldn’t,” ani Stan, umiiling.
    “Bakit?” Napatanong ako nang tumango si Warren at Joey.
    “May nag offer sa kanila na magkaroon ulit ng gig sa iilang outdoor venues. At biruin mo? Isa sa mga gig may kasamang iilang sikat na banda?” Halos patiling untag ni Everlyse.

    Malaki ang ngiti ko at iniisip kung anu-anong banda kaya ang makakasama nila. Saan kaya ang mga gig nila at ano na naman ang pakulo namin sa club? I can’t wait. Gagawa ulit kami ng design sa t shirt o di kaya ay jacket. That would be cool.

    “Next month, kasama yata natin ‘yong Going South. Kabilang school na banda iyon tsaka halos college na ang mga miyembro. Nagkaroon na sila ng malaking offer. Hindi ako makapaniwalang kasama tayo sa line up nila gayong wala tayong offer.” Banggit ni Joey.
    Tumango ako. “Magkakaoffer din kayo.”

    I can’t help but think about the rising recording company of my parents. Gusto kong mag offer sa kanila na mag record doon pero dahil hindi pa naman talaga established ang kompanya tulad ng iba at nangangailangan pa ng ilang sikat na manager ay nahihiya akong mag offer. I know they deserve better. They deserve the best. At naniniwala din akong kaya nilang sungkitin ang tagumpay nang hindi ko sila tinutulungan.

    Naramdaman ko ang kamay ni Noah sa likod ng sofa’ng inuupuan ko. Bago ko pa siya nalingon ay naramdaman ko kaagad ang kanyang hininga sa aking leeg. Ngumisi pa lalo si Stan at nagtaas ng kilay sa akin.

    “Change your clothes now, Meg. Sasamahan kita sa kwarto.”
    Halos pamulahan ulit ako ng mukha sa sinabi niya. Hindi ko kayang hindi iyon lagyan ng malisya dahil sa pag uusap namin kanina. Nilingon ko siya at agad kong ipinakita sa kanya ang aking simangot. “Sa kwarto ako ni Lyse. And you can’t enter the room, Noah. Ako na lang ang aakyat.”
    “I will wait outside.” Ngumisi siya. “Why are you so damn scared? I won’t do that… yet, Meg.”

    Pumikit ako ng mariin at nilapag ko kaagad ang basong iniinuman ko kanina. Tumayo ng diretso sa gitna ng pag uusap at excitement nila tungkol sa offer. Nag angat ng tingin si Lyse sa akin, naputol ko ang kanyang opinyon sa mga offer.

    “San ka, Meg?” tanong niya at nilingon ang nasa likod kong si Noah, sumusunod.
    “Magbibihis lang ako,” sabi ko.
    Sumipol kaagad si Stan at sumandal sa sofa, pinagmamasdan kami. “No girls allowed on my sisters room, pre,” aniya.
    “I know. I won’t dare,” naglalaro ang boses ni Noah.
    Humagikhik na lang si Stan at agad nag kantyawan si Joey at Warren. Hindi ko na sila nilingon. Mabilis na akong umakyat sa hagdanan samantalang mabagal naman ang bawat hakbang ni Noah.

    Pumasok agad ako sa loob ng kwarto ni Everlyse at sinarado ang pinto. Huminga ako ng malalim bago mabilis na sinuyod ang bag kong nilagay ko sa loob ng cabinet niya kanina. Nakuha ko pang magshower kahit na naghihintay si Noah. Ayaw ko kasing hindi naglilinis ng katawan bago matulog. Pagkatapos ay nagbihis ako ng isang oversized t shirt na may maraking ‘Zeus, the god of gods’ at isang maiksing shorts (dahil ganito ang mga shorts ko). Damn, ‘yong suplado ay magtataray na naman para dito.

    Pinasadahan ko lang ng suklay kong medyo basa pa at agad ng binuksan ang pintuan. Naabutan ko si Noah na nakahilig sa dingding, ang dalawang kamay ay nakapaloob sa bulsa. Nilingon niya ako, sinalubong ng isang malamig na ekspresyon. Dinayo ng kanyang mata ang damit ko pababa.

    “Better?” ngiti ko.
    Ngumuso siya at agad naglahad ng kamay. Kumunot ang noo ko sa kanyang ginawa. Inangat ko ang kamay ko para ilagay ko doon ngunit bago ko iyon nagawa ay hinawakan niya na ang palapulsuhan ko at hinigit niya ako sa kanyang dibdib.
    “Better.” Niyakap niya ako.

    Nanlalaki ang mga mata ko nang naamoy ko ang bango ng kanyang dibdib. Saglit lang iyong yakap niya at agad niya na akong hinila.

    “But your shorts are too short.” Ngumuso siya habang naglalakad kami patungo sa hagdanan.
    “Shorts are short, Noah.” Nangingiti kong sinabi kahit na may kung ano na sa tiyan kong namumugad.
    “May mga lalaki kaming kaibigan, Meg. And you don’t know how often they talk about you nong hindi pa kita inaangkin.”

    Halos malaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Bakit normal lang sa kanyang sabihin ang mga ito samantalang para sa akin ay nakakahuramentado na sa kalooblooban. Why are you so straightforward, Elizalde?

    Hinawakan niya agad ang kamay ko at dahan dahang nilalagay ang kanyang daliri sa gitna ng aking mga daliri nong pababa kami sa hagdanan. Nakita ko kung paano nag angat ng tingin ang iilan sa mga bisita namin. Nanliit ang mga mata ni Warren. Samantalang naabutan ko namang nagtatanong ang isa sa mga kaibigan ni Joey sa kanya na tumitingin sa amin.

    Kwentuhan at konting inuman ang nangyari para sa mga boys. Ang mga babae naman ay tinatawagan na ng mga magulang para umuwi kaya napipilitan na rin silang tumulak para maihatid na ang ilan. Sumama ako sa paghatid sa kanila sa gate ng bahay nina Everlyse. Nauna na si Joey na siyang maghahatid sa tatlong kaibigan nilang babae. Huli si Noah na agad nagpakita sa kanyang cellphone bago umalis na pinapanood ni Stan at Everlyse, ang dalawang curious kong pinsan.

    “I’m gonna text you when I get home,”
    Tumango agad ako sa sinabi ni Noah. Tumili pa si Everlyse sa gilid na parang siya ang kinikilig. Sumimangot si Noah. “I’m gonna wait,” sagot ko.
    Tumango siya at agad nilingon ang kalsada para makaalis na.

    Sa gabing iyon ay wala kaming ginawa ni Everlyse kundi ang mag usap ng tungkol kay Noah at mag enjoy sa panibagong nararamdaman ko sa bawat text niya sa akin. It was a weird feeling. Iyon bang tipong ang pangarap mo ay nagkakatotoo na. It’s too good to be true and yes, it is true. Kung panaginip man ito ay ayaw ko nang magising.

    “Magiging kayo na talaga. Kung hindi pa kayo ngayon.” Siguradong sinabi ni Everlyse sa akin habang nag lalagay ng kulay sa kuko ng kanyang mga paa.

    Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang cellphone kong may mensahe galing kay Noah.

    Noah:
    Shower’s done. What are you doing?

    Ngumuso ako at nag type ng reply.

    Ako:
    Nakahiga lang sa kama ni Everlyse. Sino mga ka text mo? :)

    “Natatakot ako.” Sabi ko.
    Kumunot ang noo ni Everlyse, “Bakit?”
    “We’re too young for something serious, Lyse. I want him for this lifetime. I don’t want him to be just my first love-”
    Natigil si Everlyse sa kanyang ginagawa at kita ko ang anino ng iritasyon sa kanyang mukha. “Don’t be such a coward. Kaya nga susubukan kasi titingnan kung pwede ba talaga kayo habang buhay. And besides, Meg, you’re too young to think of your future with him. Just enjoy what you have now.” Natatawang bawi niya.
    Tumango ako. She’s right. I shouldn’t be scared. Ang importante ay kung anong meron kami ngayon. Tumunog ang cellphone ko. Niyakap ko ang puting unan habang nagbabasa ng text niya.

    Noah:
    A couple of classmates and you.

    Ngumuso ako. Huh? May ka text naman pala itong iba, e.

    Ako:
    Girl classmates?

    Mabilis ang kanyang reply.

    Noah:
    Yup.

    Ngumiwi ulit ako at may kaonting katawa tawang sakit ang nanuot sa aking dibdib. Heartache isn’t a joke or an expression for failed love or relationships, it is real. Nararamdaman ko iyon ngayon. Ang nakakatawa lang ay nasasaktan ako sa maliit na bagay. Hindi agad ako nakapag reply at napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan pa kami ni Everlyse nang bago ko nakitang si Noah ang tumatawag. Ang konting sakit ay napalitan ng abot abot na kaba at kaligayahan. Damn this puppy love of mine.

    “Hello.” Bati ko.
    Hindi agad siya sumagot. Para bang sinusukat niya ang tono ng boses ko.
    “Noah?” Tawag ko.
    “You… did not reply.” Naririnig ko ang pagdadalawang isip sa kanyang tono.
    Ngumiti ako. “Hindi ko alam anong sasabihin ko.”

    Ibinaon ko ang aking mukha sa unan. Sa kahihiyan at sa kakiligan. Hindi na siya nagsalita at kung hindi siya humihinga ay iisipin ko nang pinutol niya na ang tawag.

    “I wonder if I’m allowed to sleep there. Sa bahay nina Stan.” Malambing ang tono niya.
    “You better ask him if you really want.”
    “I want to cuddle and kiss you,” tikhim niya.

    Huminga ako ng malalim at pumikit. Those were my dreamy nights. The nights I don’t want to end. Iyong parang nabubuhay na lang ako para sa malalim na tinig ni Noah at sa kahit walang katiyakan naming estado ay sobrang tama na ito para sa akin.

    “Mom,” kinatok ko ang nagsisilbing opisina ni mommy at daddy sa bahay.

    Agad lumipad sa ere ang kamay ni daddy para pigilin ako sa pagsasalita. May kausap siya sa kanyang cellphone at nakadungaw siya sa bintana, kausap ang kung sinong nasa kabilang linya.

    Umupo ako sa swivel chair at pinaglaruan ang maliit na globe sa malaking mesang naroon. Pinaikot ko ang swivel chair at kitang kita ko ang mga makakapal na libro sa mga kabinet namin sa paligid. Ang mga painting sa kisame ay nagpapatunay kung gaano ka mahal ng mga magulang ko ang classical music. May roon dong anghel na may dalang violin sa ulapan. Iyon ang kinalakhan ko. Iyon din ang dahilan kung bakit sinubukan ko ring tumugtog ng ganon. Sadly, music is just not my thing. I know how to play and it liberates me. But I just don’t think my heart is right there.

    “Sige, sige. Papunta na diyan si Alejandra. Susunod ako.” Dinig kong medyo natatarantang sinabi ni daddy.

    Mabilis niyang kinuha ang kanyang suit na nakasabit sa gilid ng malalaking kabinet ng mga libro. Magpapaalam sana ako sa susunod na gig nina Noah. They are not very strict but if it’s beyond 6pm, kailangan ko nang magpaalam ng mabuti.

    “Sige, okay, bye.” Mabilis na nilagay ni daddy ang kanyang cellphone sa bulsa at pinuntahan ako, hindi na pinagsalita at hinalikan sa noo. “Meg, honey, aalis muna ako. What is it? May meeting. Kailangan pala ako.”
    Umiling ako dahil pwede namang ipagpaliban iyon. Mukha kasing nagmamadali si dad. “Ayos lang. Next time, dad.”
    Tumango siya. “Okay, later. Pagkauwi namin ng mommy mo. Lock the door when you leave and tell manang to clean the mess.” Sabay tingin niya sa coffee table na may mga tasang nagkalat at upos ng sigarilyo.
    “Yes, dad.”

    Pinanood ko ang pag alis niya sa pintuan bago ko kinapa ang telephone na konektado sa aming kitchen at kung saan pang parte ng bahay. Habang dinadial ang kitchen para kay manang o sa kahit sinong katulong ang naroon ay nakita ko ang iilang mga papel at pasaporte sa mesa.

    “Manang, sabi ni daddy linisan daw ang office,” sabi ko habang tinataas ang mga papel.

    Maria Georgianne Marfori, George Rodolfo Marfori, Mary Alejandra Marfori, Manila to Singapore, Singapore to LAX.

    Binaba ko ang tingin ko sa mga date. Sa susunod na buwan ito, ah? Inakyat ko ulit ang tingin ko, nagbabakasakaling round trip ticket at para makita kung kailan ang balik.

    “It’s a one way ticket?”

  • Kabanata 15Open or Close

    Kabanata 15
    Push

    Siguro ay kukuha kami ng ticket pagkatapos ng ilang araw na bakasyon. It’s my tita’s city. Siguro naman ay bakasyon ang ipupunta namin sa Los Angeles.

    Hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Naging abala din kasi ang mga magulang ko. Pagkagising ko tuwing umaga, papuntang school ay maaga na silang umalis na dalawa. At tuwing uuwi naman ako sa hapon ay hindi pa sila nakakauwi. This life is boring, I know. Wala akong kapatid at halos palaging mag isa sa bahay. Para malibang ako ay tinatawagan ko na lang si Everlyse o nanghahalungkat sa computer.

    “Wella, natapos ko na ‘yong design ng bagong tarp kagabi,” sabi ko pagkapasok ko kaagad sa classroom, umagang umaga.
    Tumango si Wella, “Naisip naming gawan din sila ng individual tarp. Lalo na don sa pangalawang gig na offer sa kanila. Malaki ‘yong crowd tsaka kasama ‘yong ibang sikat na mga banda.”

    Sumang-ayon ako sa lahat ng plano ni Wella. Magaling talaga siya sa pagpaplano at organisadong organisado ang mga mangyayari pag nandyan siya. She’s a good leader. Dapat ay gamitin niya rin ito sa school dahil paniguradong magandang skill iyon.

    “Meg, may naghahanap sa’yo,” tawag ng isang kaklase ko.

    Sa hamba ng pintuan ay nakita ko kaagad si William kasama ang iilang kaklase. Kung posible ay nakita ko rin yata si Rozen na nakangisi at nakaaligid doon. Ano ang kailangan ng mga ito sa akin? Lumapit ako sa kanila at si William ang sumalubong sa akin.

    “Bakit, William? May problema ba?” panimula ko.

    Matatangkad ang mga grade 12 na ito kaya agaw pansin sa lahat ng naroon. Para bang hindi natatanggap ng mata nila na bumibisita sila sa aming corridor.

    “You remember last time? Hindi mo pinaunlakan ang imbitasyon ko. Now, I want to invite you for lunch.” Matamis na ngiti ang kanyang ibinaling sa akin.

    Rozen’s group of boys are vain and arrogant. Nakikita ko iyon sa pagkakasuot nila sa uniporme nila. Loose neckties, unbuttoned shirts, and evil smirk. William is not an exception to that. Sa likod niya ay nakita ko ang Zeus na papalapit. No, I saw Noah’s eyes bore into mine.

    “May kasama na kasi ako sa lunch, e. Sorry.” Nagkunwari pa akong disappointed. I don’t want to be rude. “Thank you, though.”
    Ngumuso si William na agad tinapik ng natatawang si Rozen.
    “What are you doing here, Kuya?” Malamig na angil ni Noah nang nakarating sa pintuan.
    Nilingon siya ng natatawang si Rozen. “Duwag si William, nagpapasama pa sa pagyayaya sa kay Megan na mag lunch.”
    “Shut up, Rozen,” napahiyang sinabi ni William.
    Sumulyap si Noah sa akin bago niya tiningnan si William na iritado sa siniwalat ng kanyang kaibigan. “Hindi siya pwede. She’s not available anymore,” malamig na sinabi ni Noah sabay pagitna sa amin.

    Nakita ko kung ilang tainga sa mga kaklase ko ang nakarinig non. May ibang palihim na tumili at may ibang tumikhim. Nakakairitang ngisi ang bumalot sa mukha ni Rozen samantalang kumunot naman ang noo ni William sa akin.

    “I told you, William. Let’s just go. Find another girl-” pinutol ni William ang pabirong sinabi ni Rozen.
    “Bakit? Are you her boyfriend?” Medyo iritado nitong tanong. “You are not, right? Kung maka bakod ka ay parang iyo. I bet you thousand bucks, hindi mo pa nahahawakan ang mga binti niyan,” mariin niyang sinabi.

    Agad napansin ng lahat ang tensyon. Pumagitna si Stan at tinulak si Noah. Nong una ay hindi ko pa alam kung bakit pero nang tinulak ni Noah si Stan para kwelyuhan si William na medyo nagulat ay nakuha ko rin. Nagkukuyom ang bawat kamao ni Noah at kitang kita ang pag aalab ng galit sa kanyang mga mata.

    “Noah!” Tawag ko at hahawakan ko na sana ang braso niya kung hindi lang ako pinigil ni Warren at Joey.

    “At hanggang doon ka na lang. I don’t need your bet. Hindi ko kailangan ng pera, marami ako niyan,” mahina ngunit mariin niyang sinabi.
    Kabadong humalakhak si William, “You are Rozen’s younger brother, do you think I’ll-” bago pa niya matapos ay nasuntok na siya ni Noah at ilang metro siyang napaatras. Napahawak siya sa kanyang pisngi na agad pumula at tingin ko ay mamamaga.
    “Noah! Stop it!” Napasigaw ako.

    Mabilis ang hininga ni William. Halatang galit at kabado. Mabilis na tinawag ni Rozen ang mga kaibigan at agad na hinigit si William para umalis. Ayaw niya pang umalis at gusto niya pang harapin si Noah ngunit panay ang payo ni Rozen sa kanya.

    “It’s your fault, anyway. Kung sana ay hindi tayo pumunta dito. The blame will all be on you. Let’s just go!” sigaw ni Rozen.
    “I don’t care who the fuck they-” Hindi niya pinatapos si William.
    “That’s my brother out there. I am also gonna punch you if I must, William. Let’s go and don’t be a fucktard.” Tinulak ni Rozen ang kaibigan na agad bumalikwas sa kamay niya.

    Naisip kong silang dalawa ang mag aaway mamaya dahil sa galit ni William at sa pagkakairita naman ni Rozen. Ilang sandali pa bago bumaling si Noah sa akin na malamig ang ekspresyon. Umiling si Stan at Joey na agad pumasok sa classroom para umupo sa kanilang mga upuan. Sumunod si Noah, nilagpasan ako at huli si Warren na binigyan lang ako ng apologetic look. Ang mga kaklase ko ay nagbubulung bulungan at ang iba naman ay nakikiusyuso kay Everlyse na nasa likod ko simula pa lang kanina.

    Nagmartsa ako sa upuan ni Noah. Hindi siya tumingin sa akin. Nilingon ko si Stan na agad nag angat ng tingin sa akin at medyo nairita sa sinenyas kong umalis muna siya at kailangan naming mag usap ni Noah.

    “I’m sorry.” sabay upo ko.
    “Go back to your seat. I am still pissed.” hindi siya makatingin sa akin.
    “Are you mad at me?” Ngumuso ako.

    Hindi siya nakasagot. Hindi niya rin talaga nasagot dahil dumating na ang teacher namin. Kinalabit na ako ni Stan dahil kailangan niya ng bumalik sa kanyang upuan. Napilitan akong tumayo habang tinitingnan ang mga mata ni Noah na nakatingin lang ng diretso sa aming white board.

    Dahan dahan akong bumalik sa aking upuan, sinusulyapan siya sa bawat hakbang at wala siyang ginawa kundi ang tumingin lang doon sa harapan.

    Nagsimula na naman ang teacher namin sa kanyang discussion. Agad kong kinuha ang aking papel para pumunit doon at magsulat.

    ‘Are you mad at me?
    M. Marfori’

    Binigay ko kaagad iyon kay Everlyse na alam agad kung kanino ibibigay. Pinaglaruan ko ang ballpen ko at naghintay ako ng sasabihin ni Noah. Ilang sandali lang ay kinalabit na ako ni Everlyse. Binuklat ko kaagad ang sulat.

    ‘Bakit ako magagalit sa’yo?
    -N. Elizalde’

    Sinubukan kong makinig sa teacher namin at mag take down ng notes habang nagsusulat din para kay Noah.

    ‘You said you’re pissed.
    -M. Marfori’

    Nagawa ko pang mag oral recitation habang naghihintay ng kanyang reply na agad din namang dumating.

    ‘Naaalala ko lang ‘yong nahawakan niya ‘yong binti mo.
    -N. Elizalde’

    Ngumuso ako. Hindi ko alam kung anong masasabi ko.

    ‘Pumayag ako para sa’yo. It was all for you.
    -M. Marfori’

    ‘No. I don’t really like you shouting out there for me. You are not one of the fans. You should be backstage, waiting for me to finish the gig.
    -N. Elizalde’

    ‘Fan mo ako. I like your music. Old habits die hard.
    -M. Marfori’

    Matagal ang kanyang reply at naintindihan ko iyon dahil nagkaroon kami ng maiksing quiz. Nang natanggap ko naman iyon ay halos tumigil ako sa pag hinga.

    ‘No. From now on, you should let that habit die.
    N. Elizalde’

    At doon ay nakatupi ang isang papel na sinulatan ko kanina. Sa pangalan kong ‘M. Marfori’ ay naka crash out ng isang beses ang apelyido at may nakalagay sa gilid na Elizalde.

    Naestatwa ako sa aking upuan nang natapos ang klase at maglalunch break na. Dinampot ko isa-isa ang aking mga gamit at nilagay agad ang mga ito sa aking bag. Nasa gilid ko na si Everlyse, naghihintay.

    “Ginugutom na ako,” aniya.
    “Sis, tayo na lang muna daw ang magkasamang kakain.” Inakbayan agad siya ni Stan.
    Kumunot ang noo ko, “bakit?”

    Isang lingon lang ng aking pinsan kay Noah na nilalagay ang bag sa likod ay nakuha ko kaagad. Tumango ako at tumikhim, nagpapatuloy sa ginagawang pagliligpit.

    “Okay…” Halakhak ni Everlyse. “Tara na, Stan, gutom na ako.”

    Hindi ko na tiningnan ang ekspresyon ng mga pinsan ko dahil alam kong ngiting-aso na naman sila. At tingin ko ay iniisip ni Everlyse na maghahalikan na naman kami ni Noah. Oh my God!

    Tumayo ako at napatingin sa kanya. Unti unti nang umalis ang mga kaklase ko.

    “Same spot?” tanong ko.
    Tumango siya at kinagat ang kanyang labi na para bang natural lang sa kanya iyon at hindi nakakakitil ng buhay. Suminghap ako at humakbang nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Ang mga daliri niya ay naglalaro sa aking palad.

    Sabay kaming pumunta sa canteen. Sabay pa kaming bumitiw na ilang tao na ang nakasalubong namin. Siguro ay pareho kaming hindi gusto na makatawag ng pansin sa kanila. Bumili siya ng pagkain naming dalawa at pagkatapos ay pumanhik na doon sa likod ng eskwelahan kung saan may bench sa tapat ng court, na nakasilong sa malaking punong kahoy.

    Tahimik kami ng kumain. Hindi ko magawang magsalita dahil natatakot akong masira ko ang panahong ito. Nauna siyang matapos sa pagkain at hayan na naman siya sa kanyang paninitig sa akin. Lumapit pa siya at nagkadikit ang aming mga balat.

    “Noah, naasiwa ako sa titig mo.” prangka kong pag amin.
    Ngumuso siya, hindi ko matantya ang kanyang ekspresyon dahil hindi ko siya matingnan. “Just eat the food, Meg.”

    Sumubo ako at hindi ko talaga mapanatili ang parehong pagkain tuwing hindi siya nakatingin. Binaba ko ang pagkain ko at nilingon ko siya. Kinuha niya ang canned juice na binili at binuksan pa para sa akin bago binigay.

    “Thanks.” Uminit ang pisngi ko at uminom na doon.
    “Finish the food.”
    Tumango ako at lumingon ulit sa kanya. “Sorry talaga kanina. Tinanggihan ko naman si William. Kahit wala ka, tatanggihan ko ‘yon.”
    “Really? In the past years, I have seen how much you want to send letters to your admirers. Ilang beses kitang narinig na gusto mong sumulat pabalik sa bawat nagsusulat sa’yo para pasalamatan sa atensyong binibigay nila sa’yo.”
    Nagulat ako sa naiisip niya. “Well, Noah. That’s a lesson for you. You have to appreciate the people who appreciates you. If you don’t like them, it doesn’t mean that you can treat them like shit.”
    “I can do whatever the hell I want to do, Meg. You know that. Ilang beses mo na akong sinabihan niyan at hanggang ngayon, I will not take your advice. I do whatever I want in this life.”

    Tumango ako. Well, Elizalde, I know I shouldn’t change you. You are that arrogant and foolish. Nagustuhan na kita noon kahit ganyan ka, at hindi iyon magbabago. Mahigpit ang hawak ko sa canned juice na nasa tuhod ko. Pansin ko parin ang paninitig niya sa akin.

    “I think I am inlove with you,” hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin iyon. Late reaction ang puso ko. Tsaka lang ako kinabahan ng husto pagkatapos ko iyong sabihin. Kumalampag at halos sumabog ang dibdib ko sa kaba. Alam na ni Noah ang tungkol sa pagtingin ko sa kanya since time immemorial.

    Hinaplos niya ang palapulsuhan ko at dahan dahang gumapang ang isang kamay niya sa aking mga daliri. Ang isang kamay niya naman ay kinuha ang canned juice at tinabi bago hinawakan din ang kabilang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming daliri at sa katahimikan ay nakontento ako. Kahit hindi niya na pangalanan ang namamagitan sa aming dalawa ay ayos na sa akin. Ayos na ayos na ito sa akin.

    “We are too young for this,” sambit niyang nagpapikit sa akin.

    Bracing myself for another disappointment. I know that even if I’ll break my heart again this time, I won’t mind.

    “I am only seventeen. You are too, Meg. If only I could push the seconds hand, or the thick minute hand, or the hour hand, I would. I want to push the hands of time. I want to know if your feelings for me would change in the future. Gusto kong malaman kung hanggang saan, kung hanggang kailan tatagal ng nararamdaman mo.”
    Ngumiti ako, nakatitig sa mga daliri niyang naglalaro sa palad ko. “I’ve been in love with you for a long time. Ako dapat ang magkaganyan. I want to know if how long can you make me feel this happy.”

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    “I’ve like many girls, Meg. But I have never fallen like this.” Hindi natanggal ang tingin niya sa akin at bumaba ang kanyang mata sa aking labi.

    Langit para sa akin ang paulit ulit na pag re-replay non sa aking isipan. Sa sobrang saya ko at sa sobrang ganda ng alaala ay tingin ko nananaginip lang ako. Masayang masaya ang araw kong iyon lalo na nang nalaman kong makakasama ko ang aking mga magulang sa dinner dahil maaga ang uwi nila sa hapong iyon.

    Nasa dining table na ako naghihintay nang sabay si mommy at daddy na bumaba at humalik sa akin pagkatapos ay umupo sa mga upuan.

    “How’s school, honey?” ngiting ngiting tanong ni mommy sa akin.
    “Fine, mom. Masyadong excited ‘yong mga kaklase ko sa prom. Biruin niyo, ilang months pa lang ‘yon ay nagpapatahi at nagpapadesign na sila ng gown?”
    Tumango si mommy at ngumiti sa akin pagkatapos ay nagyaya munang magdasal bago kumain. Pagkatapos ng pagdarasal ay inabot niya na agad sa akin ang nakahain.
    “Dapat lang. Hindi pwedeng basta bastang tahiin ang gown kung intricate ang design nito.”
    Napatingin si daddy sa akin habang umiinom ng red wine. “Tapos na ba ang first quarter exams niyo?”
    “It’s not till next week. Nag aaral na nga po ako, e,” sabi ko at napansin ko ang makahulugang titig ni daddy kay mommy.
    “Pwede namang hindi ka na mag take. We’re leaving in three weeks,” ani daddy at sinubo ang lettuce na nakahain.
    Nagkasalubong ang kilay ko, “Ba’t di ako magti-take? Hindi na ba tayo babalik?” nagawa ko pang tumawa sa tanong ko. Natawa ako dahil imposible iyon.

    Hindi ko kabisado kung ilang buwan o taon ang pwedeng lang itira ko ng tuloy-tuloy dito sa Pilipinas bago ko kakailanganing bumalik sa America para hindi mag expire o masira ‘yong citizenship ko doon pero natitiyak kong hindi ito ganon ka bilis. Kakabalik ko lang ng America, e.

    “Doon ka na muna magpapatuloy ng pag aaral mo. Eksaktong magsisimula na ang pasukan doon. Your mom and I will need to study and train for the company.”

    Hindi ko kaagad iyon na proseso. They must have been kidding me. Hindi iyon pwede. For the company? Hindi ako nakapagsalita at nakita kong inasahan iyon ng mga magulang ko.

    “Your cousins, Lyse and Stan, may schedule na rin sila sa kanilang alis probably around this year pero babalik pa sila dito bago tuluyan ng manirahan doon. Don’t worry. You probably won’t miss them that much. Bibisita sila sa New York,” sabay na ngumiti si mommy at daddy sa akin.

  • Kabanata 16Open or Close

    Kabanata 16
    Leaving

    “Mom, I can’t do that. Hindi ako pwedeg umalis. Hindi ba pwedeng patapusin muna ang high school?” Naghihisterya na ako sa puntong ito.

    Hindi ko kailanman inakala na mangyayari ito. Malungkot akong tiningnan ni mommy. Hindi na ako makasubo sa pagkain samantalang walang imik na kumakain si daddy.

    “I know you have friends out there, Meg. Close friends at nanghihinayang kang umalis-” pinutol ko si mommy.
    “My, I like it here. Yes, sumasama ako sa States pero gusto ko parin dito sa Pilipinas,” halos pasigaw kong nasabi ito.
    “Megan, huwag kang bastos. Kumakain tayo. Stop shouting at your mom,” mariing sinabi ni daddy.

    Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapalabas itong nararamdaman kong takot at panghihinayang gayong ayaw akong pagsalitain ni daddy sa hapag.

    “I am not shouting, dad. I want to know why? Hindi ba pwedeng magawan ng paraan ‘to?” halos naghihisterya na ako nang sabihin ko ito.
    “Is this about the Elizalde that you like?” mahinahong tanong ni daddy. “Well, you are too young for relationships, Megan. Mag co-college na rin si Rozen. He will study business while you are going abroad with us.”
    Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabing pangalan ni daddy. “Hindi po si Rozen.”
    Kumunot din ang noo ni daddy sa sinabi ko, “Anong hindi? You told us you like this particular Elizalde?”
    “I like his younger brother, dad. Noah Elizalde.” Matapang kong sinabi iyon.

    Nakita kong hinaplos ni mommy ang kanyang braso samantalang binibitiwan ni daddy ang kanyang mga kubyertos. Medyo lito ang kanyang ekspresyon nang tingnan niya ako dahil doon sa sinabi ko.

    “‘Yon bang walang interes sa business?” matigas ang kanyang tono.
    “‘Yong nagbabanda, dad. Their songs are good. Pwede natin silang i-sign ng contract sa company niyo ni mommy-” agaran akong pinutol ni mommy.
    “How can we sign them, Megan, if our company isn’t established yet? Hindi pa ito matatag. I will need to train. And we need to do it abroad. This is for our business, Meg,” malungkot niyang wika.
    “That boy still needs to grow up. Lumaki siya bilang Elizalde, mayaman at dapat ay may interes sa business. Fooling around with a band won’t do him any good.” Ngumiwi si daddy.
    “What about Stan? Magkabanda sila. Bakit hindi ganyan makapang husga ang kanyang pamilya sa ginagawa niya. Dad, trust me, their music is good. Pure talent-“
    “Stan will soon leave that band. He knows that. Aalis din siya patungong Amerika at doon na sila mamumuhay. That is just a phase to him. You cousin is smart, Megan. And what do you know about music? You can only play the piano and violin.”
    “George!” Saway ni mommy.

    Kinagat ko ang labi ko at tumayo. I want to process this all alone. I can’t be with them yet. Masasaktan ko lang ang mga magulang ko kung patuloy ko silang haharapin.

    “I’m done eating,” marahan kong sinabi at agad iniwan ang hapag kainan.
    “Megan,” si mommy nang paalis ako ng dining room.

    I want to be alone. I want to think. Nagmartsa ako patungo sa aking kwarto at agad na lumangoy sa aking mga kumot.

    This can’t happen! This can’t happen, alright!? Hindi agad natanggap ng aking sistema ang lahat ng mangyayari. There must be another way. I’m sure of that. Pu pwede naman sigurong dito na lang muna ako.

    Kumatok si mommy sa aking pintuan, tinatawag ako. Kinuha ko ang unan ko at agad nilagay sa aking mukha. Hindi ako nag lock ng pinto kaya isang pihit niya lang sa door handle ay nakapasok agad siya. Naramdaman ko ang pag upo niya sa aking gilid at sa pag haplos niya sa aking likod.

    “Ayaw mo ba talagang umalis?” Bigo ang kanyang boses.

    Hindi ako sumagot. Sino ba ang may gustong umalis? Kahit sino naman siguro ay mag luluksa.

    “I can tell your dad. This will be hard, Megan.”

    Nagulat ako sa narinig ko galing kay mommy. May paraan ba para hindi matuloy? Nangingilid ang panibagong luha sa aking mga mata nang lingunin ko siya. Umupo ako sa aking kama at pinunasan ang aking pisngi. Bigong bigo ang ekspresyon ni mommy habang tinatanaw ako. Kahit sa ngiti ay kitang kita ko ang pagkakabigo niya.

    “We will probably give up the offer and find another one.” Tumango siya ng parang wala sa sarili.
    Napalunok ako sa kanyang sinabi. Hinawakan niya ang aking kamay pero hindi ko tinanggap iyon. “What? Mom! There must be another way. Kailangan ba talagang agaran? Hindi ba pwede akong magpaiwan?” Naghanap ako ng iba pang maaaring paraan.
    Umiling si mommy. “We are going to stay together, Megan. You know how important it is for us. Tayong tatlo lang ang pamilya at kailangan hindi tayo maghihiwalay. We can give up the offer and try-“
    “Mom, you can’t be back to square one. That’s the biggest offer you ever had for the company. Baka nga ‘yan ang magpapatibay nito. We can’t…” umiling ako, mabilis na bumuhos ang luha sa aking pisngi.

    I am torn. This is my parent’s dream, our family’s dream… Ano ba talaga ang nagpapalungkot sa akin sa pag alis? Is it my friends? My cousins? Homesickness? Noah Elizalde?

    “We can’t leave you here. You’re just seventeen-“
    “Nagawa ‘yan ng maraming OFW, my.” Tingin ko ay pahisterya na ang lahat ng aking pangangatwiran.
    “Iniwan nila ang mga anak nila dahil hindi sila pwedeng dalhin sa ibang bansa habang nagtatrabaho. Tingin mo ay kung pu pwede nilang dalhin ang mga anak nila ay hindi nila dinala ang mga ito? Meg, kaya ka naming dalhin doon. And I swore that we are gonna stay together. You can finish your studies there. Kahit anong gusto mo. If you want music, you can pursue it. You want to work, you can, Meg. Ang importante ay magkasama tayo. Babalik din naman tayo dito.”
    “Kailan?” Medyo nahimasmasan ako sa sinabi niya ngunit hindi ko parin maatim ang pag alis.
    “Maybe in two or four years. It depends, Meg. We can visit here. You have social networking applications. You can still contact your friends through them.”
    Umiling ako at humikbi. Is this really happening?

    Humiga ako sa kama. Nanatili si mommy doon ng walang imik samantalang bumubuhos ang luha ko sa kalungkutan at sa takot ng pag alis. I can’t be selfish. This is my parent’s dream. Hindi pwedeng ang sarili ko lang ang iisipin ko dito. This is also hard for them. Tuwing naaalala ko na aalis ako ay sumisikip ang dibdib ko.

    Namamaga ang mga mata ko kinabukasan dahil sa pag iyak. Nakiusap ako kay mommy na hindi muna ako papasok. Pumayag naman siya sa gusto ko. I told Everlyse that I was sick.

    “Megan…” dinig ko ang boses ni daddy nang bisitahin ako ni mommy kinabukasan.

    Hindi ako tumingin sa kanila. Nasa kabinet ko ang mga mata ko. Ayaw ko munang makipag usap. We’re all in this, alright. I can’t fail them. Pero hindi parin iyon maayos sa akin.

    “You should pack. Mas maaga kang mag iimpake ay mas mabuti,” wika ni daddy na mas lalong nagpahabag sa akin.

    Mariin akong pumikit lalo na nang narinig ko si mommy na sinasaway si daddy.

    “Your daughter doesn’t want to go, George. Pagbigyan na muna natin…” mariing sinabi ni mommy.
    “She needs to decide. Our future… Her future depends on it, Alejandra. Siya rin naman ang magmamana ng kompanyang ito kaya natin palalaguin. The more established it is, the more sure her future is. And if this fails, wala na tayong ibang mapagkukunan pa ng pera. That is the truth.”

    Humikbi na lang ako. Gusto kong takpan ang tainga ko at ayaw ko nang makinig sa kanilang pagtatalo.

    “We are not like those multimillionaire businessmen na maraming negosyo. Ito ang pinaghirapan nating itayo for the past ten years and this is the biggest break ever. We can’t just let it go. Megan…” Tumaas ang boses ni daddy. “You have no say on this. Aalis tayo.”

    Nagmartsa palabas si daddy sa aking kwarto. Sinundan naman agad siya ni mommy at iniwan ako sa aking kwarto.

    I know that, mom, dad. Alam ko. Alam ko kaya ako nagluluksa ngayon. I can’t be selfish. Dapat ay hindi ang sarili ko lang ang isipin ko.

    Kinapa ko ang cellphone ko. Kanina pa iyon nag ri-ring at ngayon ko lang nakayanang kunin para tingnan ang mga mensahe. I received a few message from Stan and Everlyse. May ilan ding galing kay Noah. Tumunog ulit iyon bago ko pa nabasa ang message nila. Si Everlyse ang tumatawag.

    “Sinagot mo rin! Asan ka!? Ba’t ka absent? Are you sick?” she asked.
    Naririnig ko ang boses ni Stan sa background. “She’s probably just sick.”
    “I’m sick.” Sabi ko kay Everlyse.
    “Nanginginig ang boses mo. May sipon ka?”
    Huminga ako ng malalim. “Yup. May flu ako. Di ako nakapag reply agad kasi natutulog pa ako kanina.”
    “Dalawin ka namin mamaya?” aniya na agad kong pinigilan.
    “Huwag na. Pupunta na lang ako sa inyo mamaya,” sabi ko para makapag usap kami at makahingi ako ng payo sa kanya.
    “E, may sakit ka,” nalilito niyang sinabi.
    “Medyo maayos na ako ngayon. Pupunta na lang ako sa inyo mamaya,” ulit ko. “Sige na. Kakain lang ako. Bye.”

    Mabilis kong binaba ang aking cellphone. Tumunog ito sa panibagong text galing kay Noah.

    Noah:
    You didn’t even tell me. Uminom ka na ng gamot?

    Tumitig lang ako sa screen ng aking cellphone. How do I tell him that I’m leaving? Should I tell him? Paano?

    All my life I have been very honest to everyone, to myself. Ngayon lang yata ako naduduwag na sabihin o aminin ang katotohanan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan iyon kay Noah. Natatakot ako sa maaaring magiging reaksyon niya. He didn’t confirm anything about us. Hindi niya sinabi na kami na o na mahal niya ako. I guess that’s good. I guess that blur is good right now. Hindi pa ganon ka lalim ang pinagsamahan namin at hindi ko siya masasaktan ng ganon ka grabe. I don’t even know if he’s going to get hurt or mad. Pero sana ay hindi na. Sana ay hindi ko siya masaktan. Sana ay hindi niya ako ganon ka gusto. Sana ay hindi niya ako mahal.

    Masasalba pa iyong nararamdaman niya sa akin. No. I don’t care if I get hurt. I don’t care if it will break me into pieces. I want to protect him. To protect his heart. Halos napatalon ako nang nakakuha ulit ako ng isa pang mensahe.

    Noah:
    You are not replying.

    Mabilis akong nag type ng mensahe. Kinagat ko ang labi ko at nakapag desisyon.

    Me:
    Sorry. Kumakain ako. Yup. Uminom na ng gamot.

    I lied, yes. But it’s to cover up the truth. To delay the final decision. To stop the pain. I need to do something about this. Ang dumistansya kay Noah ang tangi kong naiisip. Sasabihin ko rin sa kanya na aalis ako pero tsaka na pag medyo malamig na kaming dalawa sa isa’t-isa. Not now… Just not now…

    Iyon ang naging desisyon ko sa pag mumuni muni sa aming bahay. Itinawag ko kay mommy ang pag alis muna at pag punta kina Everlyse nang dumating ang hapon. Pinayagan niya ako. Kaya nagmamadali akong nagbihis at nagpatawag ng driver para maihatid ako doon.

    Pagkarating ko sa kanilang bahay ay mabilis akong pumasok. Pagtapak ng aking paa sa sahig ng kanilang sala ay halos bumalik ulit ako palabas. Bumungad sa aking ang papatayong si Noah, nakatitig sa akin. Si Warren ay nakahawak sa isang gitara at nagtitipon tipon sila doon na para bang may practice. Ngumisi si Everlyse habang hinahawakan ang isang tray na may iilang mga pagkain.

    “How are you?” nakapamulsa si Noah nang lapitan niya ako.

    Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na ayos lang ako o magpapatuloy sa normal na trato ko sa kanya.

    “I-I’m fine,” nauutal kong sagot.

    Agad niyang hinawakan ang aking noo. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mukha. Hindi ko kaya. Nagtaas siya ng kilay na para bang ineexamin kung maayos ba ako. Matamis ang kanyang ngiti nang nacumpirmang maayos nga. Ang kamay niyang nasa aking noo ay bumaba sa aking kamay. Kahit na hindi ko naman ito hinanda upang makahawak kamay siya ay siya na mismo ang humawak nito at pinagsalikop ng isa-isa ang aming mga daliri.

    Nakatitig lang ako sa kanyang ginawa. Hinila niya ako patungo sa sofa kung nasaan sina Warren, Joey, at Stan. Pare pareho silang nakangiti. Samantalang hindi naman ako makangiti sa kanila pabalik.

    “Ayos ka lang, Meg?” tanong ni Warren.
    “Ayos na ako.” Hindi ako makatingin ng diretso.

    Umupo si Noah sa sofa at hinila niya ako sa kanyang tabi. Nakangiti si Everlyse sa akin habang isa-isang nilalapag ang mga pagkain.

    “Kunin ko lang ‘yong juice,” aniya.
    Mabilis akong tumayo. Tumingala si Noah sa akin. “Sasama lang ako kay Everlyse.”

    Hindi ko na hinintay ang opinion niya. Agad na akong dumiretso sa kusina patungo sa natatawang Everlyse.

    “Sana ay nakita mo ang reaksyon niya nang dumating siya sa classroom na wala ka! Hindi siya matahimik. Ilang beses niya akong tinanong. Hindi ka raw kasi nag rereply.”

    Umupo ako sa high stool nila sa counter. Nilapag niya ang pitcher ng juice na dadalhin niya dapat sa sala. Kinuha ko iyon at nagsalin sa isang baso at pinangalahati iyon.

    “May problema ka?” Nagtaas ng kilay si Everlyse sa akin.
    Tinitigan ko siya bago tumikhim. “We’re leaving.”

  • Kabanata 17Open or Close

    Kabanata 17
    He’ll Fall

    Hindi agad iyon naproseso ni Everlyse. Matawa tawa pa siya at pakurap kurap nang kinumpirma ulit sa akin iyon.

    “Aalis kami. Titigil ako sa pag aaral. Kailangan para sa kompanya,” sabi ko.
    “Kailan ang balik niyo?” Nagtaas siya ng kilay. Hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin.
    “I don’t know.” Iling ko. “Maybe in three or four years. i can’t tell.”
    Nalaglag ang panga niya habang hawak hawak pa rin ang tray ng juice. Parang tulad ko ring hindi makapaniwala. “What about Noah?” iyon agad ang naitanong niya.
    Bumuntong hininga ako, “We’re too young, anyway-“
    “Sasabihin mo ba ito sa kanya?”
    “Naduduwag ako.”

    Nagkatinginan lang kami ni Everlyse. Hindi makapaniwala si Everlyse sa sinabi ko sa kanya. Gusto pa niyang mag usap kami kaya lang ay dumating ang kanyang kambal, nakangisi.

    “Ano? Ihahatid mo ba ‘yong juice, sis or not? They are thirsty.” Sabi ni Stan sa kakambal habang kumukuha ng isang baso at nagsalin ng tubig na hindi galing sa ref. “Come on.” Uminom siya at nagtaas ng kilay sa katahimikan.
    “Lalagay ko lang ‘to sa sala,” sabi ni Everlyse at pumanhik na samantalang tumitig lang ako sa basong ininuman ko kanina.
    Kita ko si Stan sa gilid ng aking mga mata na nakatitig rin sa akin habang sumisimsim ng tubig. “What happened to the the jolly Megan? Bakit mukhang malungkot?” humagikhik pa siya.
    Sinubukan kong ngumiti pag angat ko ng tignin sa kanya pero siguro ay nagmukha lang iyong plastik na ngiti. Naglipat ng tingin si Stan sa likod ko at nagulat ako nang dumating si Noah, nakipag high five sa kanya.

    Shit!

    “Water?” Nagtaas ng kilay si Stan kay Noah.
    Tumango si Noah at kumuha ng baso.
    “Well…” Nagkibit balikat si Stan at nakangising asong umalis.

    Gumalaw ako sa highchair, umaambang aalis din. I don’t want to face the problem yet. Kung masasaktan ko lang din naman si Noah ay mas mabuting ipagpaliban ko na lang muna. Hindi ko pa kaya.

    Lumapit siya sa akin bago pa ako makababa ng highchair. Hinawakan niya ang high chair at ang counter kaya naikulong niya ako sa kanyang braso. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinititigan siyang ganito ka lapit.

    “Noah…” nag iwas ako ng tingin.
    “Are you feeling better?” Malambing ng bulong niya sa akin.
    “Yeah…” halos hininga ko lang iyon.
    “Nag alala ako,” mas lalong malambing niyang sinabi. “You didn’t even text me.”
    “Sorry. Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko kaya ganon. Medyo matagal akong nagising.”

    Nilagay niya ang kanyang daliri sa aking baba para maiangat ang titig kong kumakawala sa kanya. Nagkatinginan kami. Nanliit ang mga mata niya nang nakitang nahihirapan akong magtagal sa pagtingin sa kanya.

    “I missed you.”

    Kinagat ko ang labi ko at binaba ulit ang tingin. I missed you too, Noah. Pero bawal na umasa ka pa sa akin. Hindi kita pwedeng ikulong sa mga palad ko kung aalis din naman pala ako. I want to set you free. Explore other worlds. I like you. No. I love you. I love you that’s why I’ll choose to set you free. Hindi ko kayang makita kang malayo sa akin, naghihintay sa walang kasiguraduhang pagbabalik. Mas gugustuhin ko pang magalit ka sa akin kesa sa masaktan ka. Tingin ko ay ikakamatay ko pag nasaktan kita.

    “I-Isang araw lang akong nawala, Noah. Baka sa susunod, matagal akong mawawala,” natatawa pa ako para lang matabunan ang bigong damdamin.
    “Did you miss me?” malamig at malambing ang namamaos niyang boses. “Hey…” Inangat niya uli ang baba ko dahil patuloy ko itong binabagsak. Mas lalo siyang lumapit sa akin. “Hey, did you miss me too?”
    Pumikit ako ng mariin at isang beses na marahang tumango. I am inlove with you, Noah. At hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para iwan ka. Hindi ko ata kaya.

    Malambing ang kanyang boses nang humalakhak siya at hinalikan ako sa noo. Huminga ako ng malalim at nagpipigil ng mga hikbi.

    “Noah, baka hinahanap ka na sa sala. Mag papractice kayo para sa gig, diba? Let’s go,” anyaya ko nang sa ganon ay makaiwas na sa usapan namin dito.
    “Alright, Megan.” Malambing parin ang tono niya ngunit hindi niya parin inaalis ang braso niyang nagkukulong sa akin.

    Tinulak ko iyon ng bahagya ngunit hindi ako nagtagumpay. Para bang sinasadya niyang gawin ang pagkukulong sa akin doon. Narinig ko pang humalakhak siya sa ginagawa kong pag tulak. Bahagya kong tinampal ang kanyang braso.

    “Noah, please?” frustrated kong sinabi.
    Nagngising aso siya bago ako pinakawalan. Pinamulahan yata ako ng mukha nang narinig ko ang napapaos niyang boses. “Sure…” humalakhak ulit siya.

    Nagmartsa ako patungong sala samantalang sumusunod naman siya sa akin at natatawa. Kita ko ang salubong ng tingin ni Everlyse sa akin na medyo nag aalala at nag iingat sa ikinikilos ni Noah. Tumayo galing sa pagkakaupo si Everlyse at agad na sinalubong ako.

    “Mag uusap lang kami ni Megan,” aniya sa banda.
    “Saan? I’m not yet done with her,” mabilis na singit ni Noah.

    Hindi ko siya tiningnan. Imbes ay kay Everlyse nanatili ang titig ko.

    “Grabe ka, Noah. Catch up muna kami. May mga assignments, e. Tara, Meg.”

    Umakyat kaagad kami ni Everlyse sa kanyang kwarto. Habang nasa hagdanan ay nililingon ko pa ang nakatingalang si Noah bago dumiretso na sa pag akyat. Damn it!

    Sinabi ko kay Everlyse lahat ng sinabi ni mommy at daddy sa akin at tahimik siya buong panahong kinwento ko ang mga iyon. Para bang sinusukat niya ang maipapayo niya sa akin.

    “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Noah iyon. And I think making him mad at me is much easier than hurting him like that,” sabi ko.
    “Pareho lang iyon. Pag ginalit mo siya, masasaktan siya. Pag iniwan mo siya, masasaktan din siya.”
    “At least pag galit siya, he won’t care if I’ll leave.” Halos hindi ko na marinig ang sarili ko nang sabihin ko iyon. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang gawin lahat ng naiisip ko.
    “So, you mean to say you are going to piss him off? Like that?” Ngumiwi si Everlyse.
    “No… If I can help it. Gagawin ko ang lahat para ma lessen ‘yong ipinapakita niyang affection sa akin. Find another girl that will suit him. Maybe some of his fans… I’m pretty sure madaling maka divert ng atensyon ang mga magaganda at pursigido niyang fans. I want him to detach. To stop thinking about me, if he is, and start to consider another girl.”
    Umiling na lang si Everlyse sa mga sinasabi ko.
    “Lyse, we’re too young. And do you actually believe na pag naging kami ngayon ay kami parin pagkatapos ng ilang taon? Ilang relasyon ba na nag simula sa highschool ang nagtatagal? We have to think about the reality. And it sucks, big time…” Gumaralgal ang boses ko sa itinatagong sakit. “This is reality. My family needs this break and Noah… Noah needs to be free.”

    Pinunasan ko ang tumakas kong luha. Nag aalala na naman ako dahil baka mamugto o mamula ang mga mata ko at magtatanong pa si Noah kung anong nangyari sa akin. I’m tired of lying to him. He didn’t deserve my lies. He deserved the truth. He deserved to be loved. He deserved attention and appreciation.

    Humiga ako sa kama ni Everlyse nang nakaisip siya ng paraan para hindi na ulit kami magkaengkwentro ni Noah sa gabing iyon.

    “She’s asleep. Sumakit ang ulo niya kanina. Tsaka may ubo siya. I will call tita and tell her that she’s asleep. Bukas na lang siguro siya uuwi,” malinaw kong narinig ang boses ni Everlyse nang buksan niya ang kanyang kwarto.

    Naroon si Noah at Stan, nag aalala sa kalagayan ko. Nandito ako at nakatalikod sa pintuan at pinipilit na pumikit.

    “Ang sabi niya ay maayos na siya. She’s still sick? Uminom ba iyan ng gamot?” si Noah.
    “Yup. Siguro ay maayos na siya bukas. Come on, Noah. Give her a break. Isang beses sa limang taon lang ‘yan nagkakasakit kaya hayaan mo na,” kapanipaniwalang tono ni Everlyse.
    “We should call tita,” singit ni Stan.
    “We will, Stan,” agarang sinabi ni Everlyse.
    “Okay then. Pagkagising niya tatawag ako. Aalis na kami. Sabihin mo sa kanyang nag aalala ako,” ani Noah.
    “Yes. Makakarating.”

    Simula pa lang iyon. Simula kung paano ko itutulak si Noah sa akin palayo. Umupo ako ng maayos pagkatapos isarado ni Everlyse ang kanyang pintuan sa dalawa. Tumikhim siya at humilig sa kanyang pintuan.

    “Do you think Coreen Aquino can make him fall in love?” Lumunok ako nang tanungin si Everlyse non.
    “She’s too young, Meg. And are you really sure about this?”
    Tumango ako. “Rozen Elizalde liked that girl. Siguro ay may kung ano sa kanya. Siguro magugustuhan siya ni Noah. They were cut from the same cloth, Noah and Rozen. I’m pretty sure this will catch his attention.” Inisip ko kung paano ko gagawin iyon nang hindi namamalayan ni Noah.
    Umiling na lang si Everlyse sa aking harap at umupo sa kanyang kama. “Megan Marfori, pagkatapos mong pangarapin ang atensyon ni Noah ay pinapangarap mo na namang mabaling ang atensyon niya sa iba? Can you really afford to see him like someone else? And what if hindi ka magtagumpay?”

    Huminga ako ng malalim at hindi na sumagot. I don’t have all the time I need. Wala akong ginawa buong Sabado at Linggo kundi ang tingnan ang lahat ng maaaring magawa ko para sa dalawang linggong nalalabi ay maisagawa ko ang naiisip ko. I don’t have too try so hard to make him like someone else I guess. Hindi niya pa naamin sa akin na gusto niya nga o mahal niya nga ako. This will be easy. But it’s breaking my damn heart!

    “Meg, handa na ‘yong mga ballpen at iilang pins para sa gig nina Noah,” salubong sa akin ni Wella. “Ayos ka na ba? Sabi may flu ka daw nong Biyernes. Mukhang matamlay ka parin ngayon.”
    “Ayos lang ako,” sabi ko at agad umupo sa aking upuan.
    “Oh? So, ano? Titingnan mo ba ang bagong pins? ‘Yong ballpen? Ayos kaya ‘yon sa’yo? Binigay ko kay Mari, e. Siya ‘yong may dala. ‘Yong tarp na lang ang kulang pati ‘yong individual letters.”
    Tumango lang ako ng wala sa sarili. Hindi ko alam pero ayaw ko munang makealam sa mga ginagawa nila. Ang mismong pagdadausan ng gig ay ‘yong mismong alis namin patungong Singapore.

    Kumalabog ang puso ko nang nakita ko si Warren na papasok. I’m pretty na susunod si Noah, Stan, at Joey. Kumuha ako ng notebook at nagkunwaring nagsusulat para hindi ko masalubong ang tingin ni Noah pagkapasok niya.

    Umalis na si Wella sa harap ko at bumalik sa kanyang upuan. Nang naramdaman ko ang paglapit ni Noah sa akin ay agad ko siyang tiningala.

    “Feeling better now?” Ngumiti siya.

    Tumango ako sa kanya at nag iwas ng tingin. Hindi malaman kung paano haharapin ang matamis niyang ngiti. Mabuti na lang at naisalba ako ng dumating naming teacher. Hindi na nagtagal ang pananatili niya sa aking harapan at dumiretso na siya sa aking upuan.

    Nakinig akong mabuti sa aming teacher para sa mga instructions ng exam sa araw na ito. Hindi ako nakapag aral ng maayos. But then again, why do I need to study when it’s gonna be useless. Iwi-withdraw din naman ng mga magulang ko ang pagkakaenrol ko dito at uulit ako sa year na ito abroad. But still, I tried my damnedest to answer the questions. Pagkatapos ng isang exam ay mamayang hapon ulit.

    Ngunit dahil hindi naman kami agad umalis dahil magbibigay pa ng pointers ang teacher namin sa isang subject ay nanatili muna kami sa classroom. Kausap ko ang katabi ko tungkol sa mga sagot namin sa quiz nang bigla akong kalabitin ni Everlyse.

    Nilingon ko siya at agad kong nakita ang kapirasong papel na inilalahad niya. Ang ekspresyon sa kanyang mukha ay simpatya at lungkot sa pinapadalang maliit na papel. Binuklat ko ito.

    ‘Lunch later? May isa pa tayong exam mamayang hapon and it’s not till 2pm.
    -N. Elizalde’

    Tinitigan ko lang iyong papel at nilagay sa aking desk. Pinukpok ko ang dulo ng aking ballpen sa aking desk habang nag iisip sa pagyayaya ni Noah. Yes, Noah, I’m gonna be there but we can’t be alone for lunch. Dapat ay sa cafeteria tayo kumain. Not our usual spot. That way, we can probably spot Coreen Aquino and I’ll see what I can do.

    “Nandito na si ma’am!” sigaw ng kaklase ko pagkarating ng aming teacher na agad nag buklat ng kanyang malaking notebook pagkatapos ay umubo.
    “Ito ang magiging pointers niyo for your exam this coming Friday.”

    Mabilis kong kinuha ang aking notebook para mag takedown ng notes na sinabi ng aming teacher. Pagkatapos niyang magsalita ay niligpit ko kaagad ang gamit ko. Bago ko pa tuluyang nailigpit iyon ay kinalabit ulit ako ni Everlyse. Kinuha ko kaagad ang kapirasong papel.

    ‘I wat to hold your hand.
    -N. Elizalde’

    Pumikit ako at agad nilingon si Everlyse. “Tara na sa cafeteria, Lyse.”
    Kitang kita ko ang pagtataka at pag iingat sa kanyang ekspresyon bago niya sinikop ang mga notebook niya. Hindi siya umimik at agad nang tumayo. Ganon rin ang ginawa ko. Hinayaan ko ang dalawang kapirasong papel na sinulatan ni Noah sa aking desk at sabay nang umalis kasama si Everlyse.

    “Megan!” sigaw niya nang nakalayo na kami.
    Pumasok agad ako sa lockerroom, hinihingal. Nilagay ko ang ilang libro ko doon tsaka ko siya hinarap.
    “Anong sinabi ni Noah sa’yo? Ba’t ka tumakbo?”
    “He wants us to eat together. Lyse, I can’t do this.” Umiling iling ako. “I can’t do this. You have to know, I can’t do this to him… I can’t fucking do this.” Mariin kong sinabi.
    Hindi na alam kung anong gagawin. Hinawakan ni Lyse ang aking braso at niyugyog ako. “Just tell him what’s happening, Meg! Wa’g ganito!”
    “Naduduwag ako! Paano ko sasabihin? Lyse, I might cry! I might… stay… And you know I can’t stay… You know that damn too well,” pahisterya kong sinabi.
    “Alam ko…” sabi ni Everlyse, pumipikit na rin. Dudugtungan niya pa sana ngunit may biglang pumasok sa lockerroom.

    Tahimik na pumasok si Coreen Aquino doon, mag isa. May dala dala siyang mga libro at hindi ko alam na nasa iisang linya pala ang mga locker naming dalawa. Binuksan niya ang kanyang locker at nakita ko ang mga dekorasyong nagawa namin sa club, nakasabit sa loob ng kanyang locker. Zeus rocks! Noah Elizalde! Lahat ng naroon ay alam na alam kong kami ang gumawa. She’s an avid fan. Pinagmasdan ko ulit ang mapupula niyang labi na nakaawang habang ginagawa ang pag aarrange ng mga libro, ang umaalon niyang buhok, ang makinis niyang kutis, at ang maganda niyang pangangatawan. No doubt, Noah can fall for this girl.

    Tahimik kami ni Everlyse habang pinagmamasdan siyang ginagawa iyon.

    “Noah can fall for her,” bulong ko.
    “Are you really sure you can do this?” bulong pabalik ni Everlyse sa akin.
    Tumango ako. “I’ll do it.”

    Tsaka lang namin pinakawalan ang aming mga hininga nang umalis na si Coreen sa locker room. Pumikit ako ng mariin at isang beses pang huminga ng malalim bago kinuha ang cellphone para mag text kay Noah.

    Ako:
    Cafeteria tayo kumain. I’ll study with Everlyse.

    “Let’s go…” yaya ko sa pinsan kong nakatunganga lang doon at naghihintay sa susunod kong gagawin.

  • Kabanata 18Open or Close

    Kabanata 18
    Please

    Pagkarating namin sa cafeteria ay naroon na si Noah kasama si Stan, Warren, at Joey. Nakaupo na sila doon at napansin ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Noah kung saan nakalapag ang pagkain na binili niya para sa akin. Sa harap niya ay si Stan kung saan may nakabakante ring upuan na para kay Everlyse. Hindi na ako naghintay na maunahan pa. Doon ako umupo sa tabi ni Stan at nagkunwaring wala lang iyon sa akin.

    “Ang hirap ‘nong test kanina,” sabi ko, umuupo.

    Nakuha kaagad ni Everlyse ang gusto kong mangyari. Nilingon ni Noah si Everlyse na siyang umupo sa upuang inilaan niya para sa akin. Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Joey sa pagtataka. Si Noah ay tumingin sa akin, nagtataka.

    “Nasagutan mo, Stan?” tanong ko, pinapanatiling normal ang boses kahit na nagtataka na ang titig nila sa akin.
    “Of course!” wika ni Stan.
    Bumaling ako kay Noah, “How about you, Noah?”
    Seryoso ang titig niya sa akin. Para bang tinatantya ang bawat galaw ko. “Yup. You didn’t answer my letters, though.”
    Humagikhik ako at nagkunwaring nagbibiro, “Magkikita din naman tayo ngayon, e. Tsaka, Nandon si teacher sa harapan, mamaya isipin niyang nag papasahan tayo ng kodigo.”

    Tahimik si Everlyse habang kumakain at nakatingin sa akin. Pinagpatuloy ko naman ang pagiging masayahin at pagkain nitong binigay ni Noah. Batid ko ang paninitig niya sa akin.

    Papatapos na akong kumain nang nakita ko si Reina at Coreen na papasok sa cafeteria. Kitang kita ko kung paano tumigil si Coreen nang nakita niya si Noah na nakaupo sa aming table. Pumula ang kanyang pisngi at hinila si Reina palayo doon. Nahihiya yatang makaharap ang crush niya.

    “Noah, your sister and her best friend,” maligaya kong pinuna.
    Nilingon niya ang kanyang kapatid at bumaling ulit sa akin ng nakataas ang kilay.
    Nagkibit balikat ako at tumingin sa mineral water sa harap ko. “Nakakatanggap ka parin ba ng love letters galing kay Coreen?”

    Nag uusap sina Stan at Warren ng tungkol sa isang freshmen na mukhang pareho nilang type habang ako naman ay naghihintay sa isasagot ni Noah. Si Everlyse ay nanonood sa mga ginagawa ko.

    “Ewan ko. I don’t read the letters.”
    “Liar. Naalala ko years ago, nong nabasa mo ang love letter ko. Pinulot mo ‘yong kay Coreen. You like her. Kanyang love letter lang ang pinagtutuunan mo ng pansin,” ngumisi ako nang sa ganon ay hindi niya maisip na mahirap ito sa akin.
    Nagkasalubong pa lalo ang kilay niya at sumingit si Joey. “And Aria Miguel’s love letter. Hindi naman kasi nagsusulat si Trisha sa kanya,” halakhak ni Joey na agad matalim na tinitigan ni Noah.
    “I got curious. My brother likes her,” kibit balikat ni Noah. “Bakit ka nagtatanong?”
    “Do you find her pretty?” linakihan ko pa lalo ang ngisi ko.
    Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin. Nilingon ko si Coreen na nakapila doon sa bumibili ng pagkain. Panay ang balik balik ng kanyang tingin sa aming table. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong bumaling na rin si Noah sa kanya. Tumitig ako kay Noah at agad ulit niyang binalik sa akin ang titig niya. “What’s your point?”
    “I’m asking you. Nagagandahan ka ba sa kanya?” Humagikhik ako.
    “Of course, Coreen Aquino is pretty.” Sabay lingon ni Stan sa kay Coreen.
    “She is.” Pag amin ni Noah.

    There, Megan.

    Tumango ako at ngumiti, tumingin kay Coreen na hinahawi ang umaalon na buhok. “Yup. Bagay kayong dalawa. Look at her fair skin, red lips, and her body. Isang taon lang ang tanda natin sa kanya pero dalagang dalaga na siya. Have you seen her sa P.E. nila? Swimming?” Wala sa sarili kong sinabi.
    “Tomboy ka, Meg?” Natatawang sinabi ni Warren.
    “No!” Tumawa ako. “Naaappreciate ko lang talaga ang beauty niya. Noah, pormahan mo kaya. She likes you. Have you read her letters? What can you say?” Bumaling ako sa kanya at titig lang na matalim ang kanyang ipinakita sa akin.
    “You want me to date her?” Kumunot pa lalo ang noo ni Noah.
    Nag iwas ako ng tingin. “You might like her. She’s pretty and she likes you.”
    “You want me to date her?” Tanong niya ulit sa mas seryosong tono na para bang hindi niya narinig ang salita ko kanina.

    Nanahim silang apat na naroon sa table namin. Pinapanood lang kaming dalawa sa nagtatakang mga ekspresyon. Ang mga mata ko ay nasa mineral water sa harap ko samantalang titig ni Noah ay kanina pa nasa akin.

    “Excuse me.” Tumayo si Noah at mabilis na tinalikuran ang mesa namin.

    Binuksan ko ang nilalarong mineral water at uminom. Tahimik silang tumingin sa akin na para bamg may ginawa akong masama.

    “What was that, Meg?” tanong ni Stan sa akin.
    Tumikhim si Everlyse at umiling, “Ganon ba gagawin mo?”
    “Ireto natin siya kay Coreen, Stan,” nilingon ko ang pinsan ko.
    “Wha- Bakit?” Ginulo ni Stan ang buhok niya.

    Kinagat ko ang labi ko at hindi na nakahanap ng salita. Panay ang tanong nila sa akin kung ano ang nangyayari ngunit wala akong maisagot. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Noah at lumilipad ang utak ko patungo sa kanya sa loob ng halos tatlong oras naming pag upo doon sa cafeteria.

    Hindi ko parin sinasagot ang tanong nila kung bakit ko iyon nasabi. Panay ang pilit nila sa aking hanapin si Noah ngunit hindi ko ginawa. I felt so dumb. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Noah ngunit alam kong magiging mahirap na iyon.

    Nag angat ako ng tingin nang pumasok si Noah sa classroom, tatlong minuto na ang nakakaraan nang nagsimula na kami sa aming exam. He’s late. Malamig ang kanyang tingin at hindi man lang siya sumulyap sa akin. Dinungaw ko ulit ang papel ko nang lumagpas na siya sa akin para magtungo sa kanyang upuan at sagutan ang exam.

    Pinukpok ko lang ang ballpen ko sa aking testpaper. Kinukurot ang puso ko habang sinasagutan ng wala sa sarili ang exam. Paglipas ng isang oras ay narinig ko ang galaw ng upuan sa likod.

    Napalingon ako sa nagpapasa ng papel. Si Noah ang pinakamabilis natapos. Siya rin ang unang umalis. Sinundan ko ng tingin ang kanyang pag alis doon at huminga ng malalim.

    “What the hell, Meg?” sigaw ni Stan sa akin nang nakauwi na ako sa bahay at pinilit nilang sumama.

    Kanina pa niya ako halos minumura dahil sa kagagahang ginawa ko kanina sa lunch kay Noah. Kinancel ni Noah ang practice nila sa araw na iyon sa sobrang pagkabadtrip. At kahit ayaw sabihin ni Noah ‘yong dahilan ay alamnilang kasalanan ko.

    Pumasok ako sa kwarto, dire diretso habang ang kambal ay sinusundan ako. Kinuha ko ‘yong malaking maleta na pinupuno ko ng damit simula pa nang nalaman kong aalis kami.

    “Aalis kami, Stan,” sabi ko na para bang sapat nang paliwanag iyon sa humihingal sa galit na si Stan.

    Dinungaw niya ang maleta ko at ang nagkalat na gamit sa aking kwarto. Umupo si Everlyse sa aking kama at mariin kaming pinagmamasdan sa pagtatalo.

    “Saan kayo pupunta?” Nalilitong tanong ni Stan, tinitingnan ang mga maleta.
    “We’re off to Los Angeles next week. Hindi ko alam kailan ang balik namin. I will drop out of school,” sambit ko.
    Napaawang ang bibig ni Stan. Nakapamaywang siya at tinitigan ang mga damit kong nagkalat.

    Nilapag ko ang bag ko sa mesa at tinanggal ang relo ko. Ilang sandaling katahimikan ang lumipas ay may kumatok sa pintuan. It was dad. Binuksan niya ang pinto at nang nakita ang mga pinsan ko sa loob ay tumango siya sa kanila. Nagmano si Everlyse sa kanya at sumunod naman ang wala sa sariling si Stan.

    “Napadalaw kayong dalawa? Akala ko sino ‘yong kausap ni Megan sa loob ng kwarto. Kayo lang pala…” ani daddy.
    “Tito, aalis kayo?” nag angat ng tingin si Stan.
    Bumaling si daddy kay Stan, “Hindi ba ‘yon nasabi ng daddy niyo sa inyo?”
    Umiling si Stan na para bang hindi matanggap ‘yong nangyari.
    “Well, now you know. It’s for the business.” Nilipat ni dad ang tingin niya kay Everlyse at sa akin. “Bumaba na rin kayo para makapag dinner na.” tsaka sinarado ang pintuan.

    Bumaling si Stan sa akin, hindi parin makapaniwala. Pinaulanan niya ako ng mga tanong tungkol sa pag alis. Ipinaliwanag ko sa kanya kung gaano ako nalito at kung gaano ako nahihirapan.

    “Why don’t you tell tito and tita na may relasyon kayo ni Noah and-“
    “Wala kaming relasyon ni Noah. Walang title ang namamagitan sa amin. And you really think my mom and dad would change their minds just because I’m inlove with Noah, Stan?”

    Tulala lang si Stan habang nakaupo sa aking kama. Tingin ko ay wala na siyang masabi sa sitwasyon. Kaya nong bumaba kami para kumain ay ang tanging naitanong niya sa kay mommy at daddy ay kung ilang taon ba ang itatagal namin sa America.

    “Three to four years, we don’t know yet. Bibisita naman kami dito,” ngiti ni mommy kay Stan samantalang hindi naman ako makangiti habang kumakain.
    “Hindi ba pwedeng maiwan si Megan, tita?” ikinagulat ko ang tanong ni Stan.

    Natigilan si daddy. Napainom ng tubig si Everlyse habang sinisiko ang kanyang kambal.

    “For what reason exactly?” tanong ni daddy.

    Walang naisagot si Stan. Katahimikan ang bumalot sa hapagkainan. Kahit ako ay hindi makasagot sa tanong ni daddy. I made up my mind. I’m going with them.

    “Is it because of that Elizalde?” Nilipat ni daddy ang tingin niya sa akin.
    Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Tumawa lang si daddy habang sinasaway ni mommy.
    “Come on, Stan. You and I know that you are all too young for relationships. Whatever you are feeling now are just pure sentiments. When you grow up, malalaman niyo rin kung ano ang ibig sabihin ng relasyon. Wag nating hayaang makulong ang buhay natin sa mga bagay na inaakala nating makakapag pasaya sa atin. We need to see things differently.” pangaral ni daddy sa amin habang isa isa kaming mariing tinitigan.
    Yumuko si Stan at natulala sa kanyang pagkain.
    “You all need to learn that this life isn’t all about love. There is a bigger world out there. It needs you. Hindi lang ito. Hindi lang ‘yong dito. Hindi lang kayo. Hindi lang ‘yong pakiramdam niyo. That’s least priority. Whatever you kids are feeling right now, it will soon fade away. Ang hindi mawawala ay ang tagumpay at ang edukasyon. Iyon ang dapat niyong pagtuonan ng pansin. Not the temporary feelings.” umiling si daddy sa katahimikan naming tatlo.
    “I know, tito. I’m sorry. Nag aalala lang ako kay Megan.” Basag ni Stan sa katahimikan at tumingin sa akin.

    Nagkatinginan lang kaming dalawa bago kumain muli para mapag usapan nila ang pagsunod nina Stan at Everlyse dalawa o tatlong taon mula ngayon.

    “Susunod din naman kayo. Maybe next year. But you’ll come back here. Bago tuluyan ng mag migrate. I hope you both know that,” nagtaas ng kilay si daddy sa dalawa.

    Pinaglalaruan ko na lang ang pagkain ko habang nawawala na sa usapan nina Stan at daddy. Tsaka lang ako naibalik ulit sa lupa nang natapos na ang kainan at nagpaalam na si Stan at Everlyse para umuwi na sa kanilang bahay. Hinatid ko sila sa labas. Kitang kita ko sa mga mata ni Stan ang lungkot sa nangyayari. Si Everlyse naman ay nakikisimpatya na lang.

    “Let’s go, Stan,” wika ni Everlyse nang papasok siya sa kanilang sasakyan.
    Nilingon ako ni Stan, “Are you sure you want to do this?”
    Pumikit ako at huminga ng malalim bago tumango. Tumango rin pabalik si Stan sa akin bago sumakay sa kanilang sasakyan.

    Mas lalong naging mahirap ang sumunod na mga araw. Abala kami sa exam at abala rin si Noah sa pagiging suplado ulit sa akin. He refused to even look at me everytime we’re inside the classroom. At tuwing kumakain kami sa cafeteria ay hindi na kami tabi at tahimik siya madalas at kung minsan ay nakikipag biruan lang kay Warren at Joey na parang hangin ako at hindi ako nakikita.

    Halos hindi ako makakakain pero pinipilit kong isubo ang pagkain sa aking bibig. Pinipilit kong magpakasaya at magpaka normal. Lahat ng emosyon ay pinipilit kong baliktarin. Naghahanap ako ng tyempo para maibalik ulit ‘yong usapan namin tungkol sa kagandahan ni Coreen at sa pagiging bagay nila ni Noah pero hindi ako makanahap ng tamang oras.

    Ngunit sa tingin ko ay hindi na rin naman kailangan.

    Nang patapos ang huling exam namin sa hapon at paalis ako ng classroom ay nakita ko si Noah, Stan, Joey, at Warren sa labas ng aming classroom. Para bang may inaabangan sila. Natatawa si Noah habang nakikipag highfive kay Warren.

    Nagtago ako sa hamba ng pintuan para makita kung sino ang inaabangan nila. Ang mga kaklase namin ay paalis na sa classroom at panay ang reklamo sa sobrang hirap naming mga exam. Kinalabit naman ako ni Everlyse sa pagtataka.

    “Huy! Anong ginagawa mo?” Tanong niya at nilingon na rin ang apat na nag aabang sa corridor.

    Nakita kong tinulak nila si Noah at tumawa na lang si Noah nang nagsilabasan ang mga estudyante sa kabilang classroom. Nakita ko na ang klase iyon nina Reina. Tumitig ako kay Noah at nakita ko ang pagkagat ng kanyang labi habang pinagmamasdan si Coreen na lumalabas doon.

    Lumipad ang aking kamay sa aking bibig at bahagyang kumirot ang puso ko.

    “You asked for that.” Bulong ni Everlyse sa aking gilid.
    Tumango ako at hindi nilubayan ang ginagawang pagtitig ni Noah at ang pagtutulak ni Stan sa kanya na pansinin si Coreen pero hindi niya ginagawa. Kitang kita ko kung paano pumula ang pisngi ni Coreen. Hindi makatingin kay Noah.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nilingon ako ni Noah at nagtama ang paningin namin. Siya, nangingiti dahil sa pangyayari. At ako na parang sinakluban ng langit at lupa dahil sa kagagawan ko. Mabilis kong inayos ang bag ko sa aking balikat at hinigit na kaagad ang aking pinsan palayo doon.

    “O, O, saan tayo pupunta?” Tanong ni Everlyse nang hinigit ko na siya palayo doon.

    Lumiko kami sa locker room at hinampas ko ang locker ko. Kasabay non ang pag takip ko sa aking mukha, hindi matigil ang pagbuhos ng aking luha.

    “Huy! Baliw! Ikaw ang may gawa non! Ikaw ‘yong nagbigay sa kanya ng ideya,” galit na sinabi ni Everlyse.

    Hindi ako nagsalita dahil alam kong kasalanan ko. Tama siya. Nagpapakagaga ako. Nagpapakatanga. Pero hindi ko babaliktarin ang ginawa ko. Tama iyon. Tama na ilaan ni Noah ang kanyang atensyon sa iba. My dad is right! I can’t invest on something that’s uncertain. I can’t invest on feelings. We can’t do that. Time will tell us that it’s wrong to invest on the things that are constantly changing. His feelings will fade. My feelings for him will fade to. And investing on that is just a waste of our time. I will get over this. I’m sure of that. At ngayong bumabaling na ang atensyon niya sa iba ay hindi na siya mahihirapang makalimutan ako. Hindi na ganon kasakit ang pag alis ko.

    Hindi matigil sa panginginig ng balikat ko dahil sa pag iyak. Panay ang mura ni Everlyse sa katangahan ko pero wala akong masabi. Sa huli ay niyakap niya na lang ako habang umiiyak.

    “Ano ba ‘yan, Meg…” Nanginig ang boses niya habang ibinabaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg.

    Ilang oras kaming nagtagal doon hanggang sa humupa ang pag hikbi ko. The next time I’ll see Noah, magtatanong na ako kung kamusta na sila ni Coreen. At mag susuggest ako na yayain niya itong mag date sila o di kaya ay sa school prom.

    Sa Sabado at Linggo ay nakumpleto ko na ang pag iimpake. Nakahilera na ang dalawang malalaking maleta ko sa gilid ng aking kama. Tulala ako habang tinitingnan ang ilang pictures namin ni Noah na niprint ko bilang alaala man lang sa lahat ng nangyari sa aming dalawa. Gising na ako sa panaginip na panandaliang iginawad sa akin ng tadhana. And I’m happy because it happened… at least. Some girls don’t experience any of it. Ni hindi sila nililingon ng taong mahal nila. At least ako, sa isang panahon ay naramdaman kong nagustuhan ako ni Noah.

    Pumasok ako sa Lunes kahit na sa Sabado ng linggong iyon na ang alis ko. Naglalakad ang mga estudyante na para bang isang panibagong araw na naman para sa kanila habang ako ay parang lumilipad sa ere, hindi makapaniwalang aalis na ako. For good.

    “Megan!” Tawag ni Wella sa akin nang nakarating ako sa classroom.
    “Oh?” Pinilit ko ang ngiti nang lingunin siya.
    “Wala ka nong Friday! Nandon na ‘yong tarp! Kumpleto na lahat para sa Sabado.”
    “Ganon ba? Mabuti.” Ngumiti ako at mahinahong pumasok sa classroom.
    Kumunot ang noo niya sa akin. Nginitian ko na lang siya. Hindi ko na kayang magkunwaring masaya.
    “Ayos ka lang ba?” Tanong niya at sinundan niya ako sa aking upuan.

    Umupo na ako doon at tinanguan siya na nakadungaw sa akin gamit ang nagtatakang mga mata. Bago pa siya makakibo ay may narinig na akong tili galing sa labas. Nilingon ko kaagad kung anong meron sa labas at nakita kong kumukunot ang noo ni Stan papasok sa loob. Umiiling siya sa akin at halos pula ang pisngi sa hindi malamang galit at pagkakabwisit sa kung anong meron sa sumunod sa kanya.

    Nang namataan ko ang pag pasok ni Noah na may dalang mga rosas na simpleng naka arrange ay halos kumirot ulit ang puso ko. Ngunit laking gulat ko nang umigting ang panga niya at dumiretso ang kanyang lakad patungo sa aking mesa at nilapag iyon sa upuan ko.

    Nanlalaki ang mata ko nang tiningala ko siya. “W-What’s this for?”
    Umigting ulit ang kanyang panga at dinungaw ako. “For being a jerk.” At tinalikuran niya ako para dumiretso sa upuan niya sa likod.

    Malaki ang ngisi ni Wella habang pinicture-an ako. Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang note na nakapaloob sa loob ng naka arrange na pulang mga rosas at binuklat ko iyon.

    ‘I’m sorry. I got really pissed. Bakit mo ako pinamimigay sa iba? I like you. I like you so much and I hate that you’re hurting me. I miss you. Badly. Please, let’s make up.
    -N. Elizalde’

    Napatunganga ako habang dinudungaw ko ang mga rosas at ang note niya. Walang salita ang kayang lumabas sa aking bibig.

  • Kabanata 19Open or Close

    Kabanata 19
    Fine

    Ang gaan gaan ng kamay ko nang dinampot ko ang mga rosas na kanyang ibinigay. Hindi ko ito magawang itapon. Hindi ko makakaya iyon. I want to keep it. Dahil alam kong isa ito sa magpapaalala sa akin kung gaano katamis ang atensyon ni Noah.

    Naririnig ko ang mga yapak ni Everlyse at agad kong nilagay ang mga rosas na binigay ni Noah sa loob ng locker. Pinutol ko ang isang rosas at inipit sa isa kong notebook. Kinuha ko rin ang note at nilagay kasama doon. Tumikhim ako at tiningnang mabuti ang locker ko na iyon na lang ang laman. Nilinisan ko na ito last week.

    Hinihingal pa si Everlyse nang tumabi sa akin at nagbukas din ng locker, “Nagtatanong si Noah kung bakit ka mabilis na umalis.” Tumitigil siya sa bawat salita para makahinga.

    Hindi ko na kailangang sabihin kay Everlyse kung bakit. Alam niya na iyon. Pero nakuha kong may idudugtong pa siya.

    “Susundan ka sana niya kaso pinatawag siya sa Discipline Office,” nagkibit balikat siya.

    Sinarado ko ang locker at nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka.

    “Bakit? Anong nangyari?” tanong ko.
    “Nandon ‘yong mommy at daddy niya. Napaaway yata si Rozen. Pinatawag silang magkakapatid. Even his older brother is there.”
    “Bakit siya kasama? Nakipag away ba siya tulad ni Rozen?” tanong ko.
    “I-I don’t think so… He’s not that kind of guy, right?”

    It’s weird. Kahit na alam ko sa sarili kong ayaw ko muna siyang harapin ay sinubukan kong pumunta sa Discipline Office. Nagtatago pa kami ni Everlyse sa mga pintuan ng laboratory na katabi nito para lang hindi makita nino man pero nakita kong sa labas ng opisina ay apat na lang ang naroon. It’s his mother, father, older brother, and Rozen. Wala na doon si Noah at sa tingin ko ay pinapagalitan nila si Rozen sa kabulastugang iyon.

    “I told you. By now, siguro ay hinahanap ka na niya. Tara na sa cafeteria!” yaya ni Everlyse sa akin nang biglang tumaas ang tinig ng mommy ni Rozen.
    “I told you to stop breaking the school rules, Rozen!”
    Narinig kong tumawa lang si Rozen. Pinakawalan ko ang ulo ko sa hamba ng pintuan dahil sa pagtataka at nakita kong dumiretso kaagad ang tingin ni Rozen sa akin, nakangisi.

    Oh!

    “Whatever, mom. Oh! I can see Noah’s girl.” Winala niya ang usapan para mapigilan ang galit ng kanyang mommy.
    Ang naka kulay all white na dress at itim na stilleto’ng mommy nila ay nilingon ako. Samantalang ang kanilang daddy naman ay umiling na lang kay Rozen bago tumingin na rin sa akin. Ang galit na mukha ng mommy ni Rozen ay umamo nang nagtagpo ang aming mga mata.
    “Is that the Megan Marfori?” dinig ko ang bulong ng nakakatandang kapatid ni Rozen sa kanya.
    Tinaas lang ni Rozen ang kanyang kilay bilang sagot.

    Kumalabog ang puso ko. Tumigil ako sa pagtatago at narinig ko ang bawat singhap ni Everlyse nang pareho kaming lumabas sa computer laboratory.

    “Hinahanap ka na ni Noah, miss. Magpahanap ka na, baka umiyak ‘yon,” tumawa si Rozen.
    Nilingon ng nakakatandang kapatid si Rozen. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. “Noah never cries, Rozen.”
    Ngumuso si Rozen at tumingin sa kapatid. “I know. Figurative speech, kuya. Di ka ba nag aaral?” Humagalpak sa tawa si Rozen na agad sinaway ng mommy niya.

    Ngumiti ang kanyang mommy sa akin. Tumango ako at ngumiti na rin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko gayong wala naman ako dapat dito.

    “My son is looking for you.” Ngumiti siya.
    Tumango ulit ako. “May ginawa lang po kami ng pinsan ko sa laboratory, Ma’am.” Iminuwestra ko ang kabilang daan at susundan ko na sana ng pamamaalam nang bigla ulit nagsalita si Mrs. Elizalde.
    “I’m sorry about my son. Siguro naman ay hindi ka rin napalagpas sa pagiging malupit at suplado niya. He’s always been like that. And I’m pretty sure it’s especially when he likes someone,” may simpatya sa kanyang mata.
    Nangapa ako ng salita. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ang magkapatid na Elizalde sa kanyang tabi. Tumayo si Rozen at humalukipkip, tinabihan ang kanyang nakakatandang kapatid. Now I see the resemblance. Ang pinakamatandang kapatid ang pinaka matangkad at pinaka matipuno. Well, maybe because he’s the eldest. Si Rozen ang nag mana sa kanyang mommy, kitang kita mo iyon sa kanyang ilong at labi, palangisi at palaging mukhang may masamang binabalak. Ganon din si Noah, only that he’s more reserved. Hindi rin ngumingiti masyado si Noah, halos busangot palagi ang mukha at hindi mo malaman kung bakit kahit na mukha siyang galit parati ay nahuhumaling ka sa malalim niyang mga mata at sa mga tipid niyang ngiti.
    “Ayos lang po, Mrs. Elizalde. I’m used to it.”
    Mas lalong naging malungkot ang kanyang mommy sa sagot ko.
    “See? I please the girls, Noah frustrates them. Poor girls. Nagkakagusto pa kasi kay Noah, e,” humagikhik ulit si Rozen.
    “Shut up, Rozen.”
    Tumango ulit ako at ngumiti sa mag asawang Elizalde. “Maiwan ko na po kayo.”
    Tumango siya at bumaling ulit sa mga anak na naroon.

    Mabilis akong naglakad palayo. Sumunod si Everlyse sa akin na maraming sinabi na hindi ko masundan.

    “Ano? Pupuntahan mo ba si Noah o hindi? Nasa cafeteria siya, Meg. At gutom na ako,” daing ni Everlyse nang papababa na kami at patungo nang cafeteria.
    “Pupuntahan,” sabi ko.

    Halos tinakbo namin ang distansya patungo sa cafeteria nang biglang may ilang estudyanteng humarang sa amin. Nag angat ako ng tingin sa kung sino iyon at grupo iyon ng mga kaibigan ni Rozen kasama si William.

    Humarang siya sa daanan ko, nangingiti. Nagmura si Everlyse sa likod ko dahil pareho kaming natigil sa paglalakad.

    “Hi, Meg!” tumigil si William sa harap ko.
    “Bilisan niyo na at gutom na ako!” Singit ni Everlyse na mukhang iritado na sa gilid ko.
    “Go on, Lyse. Save a seat for me,” nilingon ko ang pinsan ko na gulat sa naging desisyon ko pero pumanhik din.

    Bumaling ako kay William at binigyan ng nagtatanong na ekspresyon.
    “Hinanap kita. Since the exams are done. Gusto sana kitang yayaing makipagdate. I figured that Noah’s too possessive over you pag nandito sa school. Kayo na ba?”

    Tumabi ang mga kaibigan niya at may ibang pinagkaabalahan. Binigyan nila kaming dalawa ng privacy. Kinagat ko ang labi ko at nag angat ng tingin sa kanya. Naisip kong may utang na loob nga pala ako sa kanya at nasuntok pa siya ni Noah nang yayain niya akong mag lunch.

    “Hindi.” Tumikhim ako. “I’m kind of busy, William. I’m sorry. Lalo na sa week na ito.” malungkot kong ibinahagi.
    Ngumuso siya at tumango. Umigting din ang bagang niya bago bumaling ulit sa akin para ngumiti. “That’s too bad, then.”
    May simpatya ang ngiting ibinalik ko. Lumagpas ang tingin ko sa likod ni William na may nakatingin sa akin.

    Kitang kita ko kung paano inakbayan ni Stan si Noah, hinila ni Joey, at sinaway ni Warren nang natigilan si Noah sa pagtitig sa akin.

    “Tara na, Noah!” dinig kong sinabi ni Warren.

    Narinig iyon ni William kaya nilingon niya ang apat na nasa likod niya at bago pa siya makakibo ay sumunod na si Noah sa paghigit ng tatlo. Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay.

    “Excuse me…” sabi ko at dumiretso na ng cafeteria.

    Pinanood ni Everlyse ang pagdating ko. Siya na lang ang natitira sa mesa naming pang marami. Syempre, dahil wala na roon ang Zeus at hinigit na nila si Noah kung saan. Tinulak ni Everlyse ang pagkaing nakalaan yata sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko nang nakita ang isang pirasong note sa taas ng styro.

    “Si-Sinong…” hindi ko natapos at binasa ko ang nasa note.

    ‘I miss you. I really do.
    -N. Elizalde’

    “Sino pa ba? Edi siyempre ang Elizalde mo,” umiling si Everlyse at wala akong nagawa kundi ang suminghap.

    Hindi ko na malaman kung ano ang estado ng relasyon namin ni Noah. Sa sumunod na araw ay siya na mismo ang umiwas sa akin. Siya ang naunang umaalis sa classroom at wala siya sa mesa namin sa cafeteria tuwing kumakain.

    “Kumain na ba ang kaibigan mo, Stan?” pabirong tanong ni Joey nang nag Thursday at wala parin doon si Noah.

    Bumaling ako sa kanila. Ilang araw na rin kaming tahimik na kumakain. Walang bumabanggit kay Noah at ang tanging tinatawanan nila ay ang mga babaeng nakikita nilang naroon. Ngayon lang yata may naglakas nang loob na punahin ang kanyang pagkawala.

    “Sa dami ng fans non? ‘Yon pa ang di kumain? Paniguradong maraming nagbibigay ng pagkain don.” Humagalpak si Warren at uminom ng tubig.

    Sumubo ako ng kanin at nagkunwaring wala lang iyon sa akin. Nilingon ako ni Stan ngunit binalewala ko iyon. Siniko ako ni Everlyse ngunit ganon parin ang ginawa ko.

    “Meg…” malamig na wika ni Stan.
    “What?” simple kong tanong.
    “Ano na? It’s almost Saturday,” dinig ko ang frustration sa kanyang boses.
    “Yeah. I was aiming for that,” wala sa sarili kong sinabi.

    Sabay sila ni Everlyse na tumikhim at natigil ako sa pagkain.

    “God! Can you two please at least talk?” tumaas ang boses ni Stan.
    Bumaling ako sa kanya. “I was aiming for his coldness, Stan. I was even aiming for more. Entertain other girls. He needs that,” nakalimutan ko ang presensya ni Joey at Warren na parehong nagkakasalubong ang kilay sa sinabi ko.
    “Ayaw mo na kay Noah?” basag ni Joey.
    “Gusto niyang ayawan na siya ni Noah! Have you seen our practices, Meg? No! Wala kang nakita dahil hindi ka na pumupunta! Wala kaming nagagawa kundi break time lagi kasi wala siya sa mood.”
    Halos matawa ako, “don’t give me that shit. He was fine without me, he’ll be fine without me.”

    Tumayo si Stan at kitang kita ko na namumula na ang kanyang mga mata sa inis.

    “Pre…” tumayo rin si Warren at pumagitna agad sa amin ni Stan.
    “What do you want me to do, Stan?” medyo nawawala na rin ako sa sarili. Galit siya at wala na akong magagawa. I only have two fucking days in the Philippines!
    “Hold her, Everlyse,” ani Stan sa kapatid.

    Kumunot ang noo ko at lilingon na sana ako kay Everlyse nang bigla niyang hinawakan ang pulso ko sa dalawang kamay.

    “Hey!” Sigaw ko sa kanya.
    Pinandilatan niya lang ako. Pumiglas ako ngunit tumulong si Joey sa paghawak sa akin kaya mas lalo lang akong hindi nakawala.
    “Anong gagawin niyo?”

    Marahas akong hinila nI Everlyse. Halos murahin ko siya sa kanyang ginawa. Pinatayo niya ako at tinulak ng bahagya para makapaglakad.

    “Bitiwan niyo ako! Alright, alright! Sasama ako-”
    “Bullshit! Alam ko kung gaano ka tigas ang ulo mo.” Sigaw ni Everlyse sa aking likod.

    Pumiglas ulit ako ngunit napagtanto kong wala akong kawala. Papasok kami ng building sa school at hindi ko alam kung ano ang punto ng mga taong ito.

    “Stan, come on…” Nanghihina kong tawag sa pinsan kong nauna na sa paglalakad.

    Nakasunod sa kanya si Warren na dire diretso din ang lakad. Hindi ko alam saan kami pupunta pero tingin ko ay pupuntahan namin kung nasaan man ngayon si Noah. Halos sipain ni Everlyse ang aking paa nang hindi ako gumalaw para umakyat sa hagdanan.

    “I am gonna bitch slap you after this,” sigaw ko sa kanya.
    “Wa’g ka kasing tatanga tanga,” sabi niya naman sa akin.

    Kumulo ang dugo ko at padabog na humakbang paakyat. Patungo kami sa classroom at naisip ko na baka naroon nga si Noah. He’s probably there. That’s why they are all taking me there!

    Binuksan ni Stan ang pintuan at bumaling siya sa amin. Nanlalaki ang mga mata ko lalo na nang tinulak na nila ako sabay sabay papasok at agad na sinarado ang pinto sa likod ko. Sumigaw ako ng isang beses at hinampas ko ang pintuan. Wala na akong narinig na boses sa labas. Hindi ko alam kung nandyan pa ba sila o nagkukunwaring wala para hindi na ako mangulit. Nilingon ko si Noah na walang ginagawa kundi ang mag strum sa guitar na parang hindi ako nakita.

    Naestatwa lang ako doon, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nang nagtama ang aming paningin ay ginalaw niya ang upuang nasa tabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na nakaupo siya sa upuan ko sa harapan. Kinagat niya ang labi niya at bumaling ulit sa akin. Hinaplos niya ang desk at kahit hindi na siya magsalita ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang umupo ako doon.

    Lumunok ako at dahan dahang sumunod. Stan’s right! We need to talk. We, at least, need to say goodbye to each other. And this is the right time.

    Dahan dahan akong umupo sa harap niya at kitang kita ko kung paano siya tumitig ng tagos sa akin. Walang paliguy ligoy ang kanyang matalim na mata. Halong galit, inis, at lungkot ang nakita ko doon.

    “I don’t know what’s wrong with you,” halos pabulong niyang sinabi, pinagpapatuloy ang pag strum sa guitar.
    Lumunok ulit ako, “Noah…”
    “I want to kiss you. Nong Lunes pa. But I figured a kiss from you wouldn’t be enough to cover up the shit you gave me.”
    Pumikit ako ng mariin. Dumilat lang para tingnan ang nilalaro kong daliri. “Are you confused, Megan?”
    “Noah… please. Just know… that I did this for us. From now on, I am going to set you free. Lahat ng pakiramdam ko ay hindi mo na kailangang suklian. Hindi ka obligadong gawin iyon. I… I never asked for anything in return. I never asked for your attention. May iba pang nangangailangan niyan. I am not worth your attention.”
    “Tulad nino?” Tumigil siya sa pag s strum. “Mention it again, Megan. I dare you,” may pagbabanta sa kanyang boses.

    Huminga ako ng malalim at hindi ko na iyon dinungtungan.

    “If your worried that I might leave you, then stop it.” Bumaling ulit siya sa kanyang gitara. “Yes, I think we’re too young for this, Meg. Pero hindi ko sinabing hindi pwede. I’m just scared that along the way, after I risk my heart to you, you’ll find someone else.”

    Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang marinig ang lahat ng ito galing sa kanya.

    “The perfect words never crossed my mind
    ‘Cause there was nothing in there but you
    I felt every ounce of me screaming out
    But the sound was trapped deep in me…”

    Nagtindigan ang balahibo ko nang narinig ko ang kanyang boses. Ito ang unang pagkakataong narinig kong kumanta siya at napatanong ako kung bakit hindi siya naging bokalista ng Zeus? Halos pantay ang boses nila ni Stan. Magkasing buo at magkasing lalim. I even doubt if Stan can reach high notes but I’m pretty sure Noah’s voice quality can!

    “All I’ve wanted just sped right past me
    While I was rooted fast to the earth
    I could be stuck here for a thousand years
    Without your arms to drag me out…”

    Nakatitig lang siya sa akin na para bang saulo niya ang lahat ng chords sa tinutugtog.

    “No, I won’t wait forever
    No, I won’t wait forever…”

    Dahan dahan niyang kinanta iyon hanggang sa unti unting nawala ang strum ng guitar. Pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang seryoso niyang mga mata.

    “I’m inlove with you, Meg,” kinagat niya kanyang labi.
    Umiling na ako habang pinupunasan ang mga luha kong lumalandas sa aking pisngi. No. No way. No!
    “Noah, you can’t be inlove with me,” umiling ako.
    Nanliit ang mga mata niya ngunit hinawakan niya ang kamay kong nagpupunas sa aking luha. Pinigilan niya iyon sa ginagawa at ang isang kamay niyang kanina ay nag s-strum sa gitara ang siyang nagpupunas ng aking luha.
    “Please, si Coreen na lang. Mahal ka niya. That girl won’t hurt you.” Basag ang boses ko habang sinasabi ko iyon.
    Tumigil siya sa pagpupunas. “Bakit lagi mo akong pinagtutulakan? What’s the matter? Do you like someone else?” angil niya.
    Hindi ako tumango at hindi rin ako umiling. “Please, Noah. Hindi pwedeng-”

    Tumayo siya at nakita ko ang panibagong galit na nag alab sa kanyang mga mata.

    “Bakit? You tell me now. Halos mabaliw na ako nitong mga nakaraang araw sa pag iisip kung anong naglalaro diyan sa isipan mo! God, Megan! You have to spill it! What?” tumaas ang boses niya.

    Tumayo ako. Gusto kong hawakan at kalmahin ang braso niyang nanginginig pero hinawi niya ang kamay ko.

    “Is that what you really want?” Nanliit ang mga mata niya. “You want me to like Coreen?”
    Tumango ako. “Please…”

    Lumipad ang mga palad ko sa aking bibig.

    “You want me to date her? You want me to love her?”

    Tumango ulit ako. Panibagong luha ang naglandas sa aking mga pisngi. Ang sakit sakit pala. Ang bigat tumango. Ang hirap tanggapin. Namumula na ang kanyang mga mata sa galit. Rozen’s right, hindi nga siya umiiyak.

    “Fine.” Mariin niyang sinabi.
    “I’m leaving,” mabilis kong sinabi nang nakumpirma sa kanya iyon.

    Tinalikuran niya ako. Hinawakan ko ang braso niya, halos magmakaawa ako na tingnan niya ako pabalik habang nililigpit niya ang kanyang gitara.

    “Noah, I’m…” sabi ko sa gitna ng hikbi.
    “Leave. Don’t you ever come back,” sabay hawi niya sa kamay ko.

    Nanlaki ang mga mata ko at wala ng hagulhol na lumabas sa aking bibig sa sobrang pag buhos ng luha ko. Bumukas ang pintuan ng padabog at umupo na ako pabalik sa upuan. Mabilis na dumalo si Everlyse sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako ay hindi na makahinga sa sobra sobrang pag iyak.

    “Lyse… Lyse…” Hikbi ko.
    “Shhhh!” sabay haplos ni Everlyse sa buhok ko.

    I have never cried this much in my entire life. I’m sorry, Noah Elizalde.

  • Kabanata 20Open or Close

    Kabanata 20
    Respect

    “You done packing?” humalukipkip si Stan nang sumandal sa hamba ng pintuan, pinagmamasdan ako.

    Tumikhim ako at humalukipkip din. Natatawa sa mga titig nilang dalawa ni Everlyse sa akin. Ilang taon na rin ang lumipas simula nong umalis na ako ng tuluyan sa Pilipinas. It’s been almost five years!

    “Of course, I’m done,” ngiti ko kay Stan.
    “Ikamusta mo ako sa banda,” aniya.

    Tumango agad ako. Pinaglalaruan ko ang buhok kong may kulot sa dulo habang nililingon ulit ang TV. Paranoid ang dalawang ito. Hindi ko alam kung bakit sila kabado para sa akin. Well, yes, I’m slightly nervous. But that’s because I will temporarily reside in the Philippines for now.

    “Antayin niyo ako, a? Maybe, let’s say 6 months or a year from now,” wika ni Stan na umupo sa sofang nasa harap ko.
    “Dapat ay sumama ka sa amin ni Everlyse,” ngiti ko kay Stan. “You miss the band.”
    “I need to prioritize.” Iyon lang ang tanging naisagot ni Stan sa akin. “Ilang pasko naman tayong bumisita doon.”
    Umiling ako, “Not me. Hindi ako bumibisita doon.”
    “Yup. Hindi ka umuwi ng pasko pero bumisita ka naman ng dalawang linggo years ago,” nagtaas ng kilay si Everlyse.

    I really can’t escape them. Kung bakit malaking bagay ito para sa kanila ay hindi ko alam. Siguro ay dahil nakita nila kung gaano ka bigat ang pakiramdam ko noon nang umalis ako ng Pilipinas. Siguro rin ay dahil kaibigan ni Stan si Noah. Siguro ay dahil nakita nila kung paano kami nag simula. Siguro ay ganon.

    Ibang iba na kami ngayon. Tumangkad pa lalo si Stan. I remember him being 5’7 way back in highschool and now he’s 5’11. Samantalang ako ay nanatiling 5’6. This is a cruel world. Tumangkad din ng kaonti si Everlyse pero hindi kasing tangkad ni Stan. Stan’s still fair while Everlyse is still kind of tan. Maputla naman ako kumpara sa dalawa at hindi ko iyon gusto. Ang buhok na straight ko noon ay kumurba at umalon sa dulo at pinanatili ko naman ang aking timbang sa pamamagitan ng pag g-gym.

    Nang matapos ko ang high school ay nag aral din ako ng kursong pang negosyo habang nag pa-part time job. Uso kasi dito ang ganon. Kahit na ayaw ng parents kong ganon ay kinagat ko parin. Everlyse got herself a steady relationship with a Filipino-American, si Carlos. Kasama namin siya sa pag uwi ngayon sa Pilipinas. While Stan likes to play around with girls. Noon ko pa siya nakikitaan ng mga sintomas ng isang lalaking takot sa relasyon, ngayong nagtagal kami dito sa abroad ay napatunayan ko na iyon.

    “Look, Meg. Naghahanap ka lang ng sakit ng ulo,” seryosong sinabi ni Everlyse.
    “I remember what happened years ago, nong bumalik ako dito at bumisita sa mismong unibersidad na pinasukan ni Noah. You don’t have to remind me again.”
    “Because you are too stubborn, Meg. Remember that you left him. It was all your idea.”
    “Hindi ko ideya ang iwan siya. Iiwan ko siya dahil kailangan iyon ng pamilya-” giit ko.
    “Sinaktan mo ‘yong tao. Iniwan at sinaktan mo,” mariin niyang angil.
    “Ano ba ang dapat kong ginawa? Paasahin siya na doon parin ako? Kausapin siya at sabihing aalis ako at pwede bang maging kami kahit nasa malayo ako? That’s stupid. I can’t make him go through that,” umirap ako.
    “And yet you stand by your decisions. Hindi ka ba nagsisisi? May iba na siyang gusto ngayon. The girl you want him to date is probably dating him.” Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Everlyse.
    “Hey, hey, stop it you two! Hanggang ngayon ba naman ay pinagtatalunan niyo ‘yan. Gaano ka gwapo ba si Noah Elizalde para pag awayan niyo?” singit ni Stan.
    “Constantine, gaano ka gwapo ba ‘yong kaibigan mo at bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakarecover si Megan Marfori?” ngumisi si Everlyse.

    Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sariwa pa sa alaala ko ‘yong nangyari nang umuwi ako sa Pilipinas after two years of being abroad. Dalawang linggo lang ang bisita ko doon. Sumama ako sa pag uwi ni mommy at daddy galing States at nagpaalam na bibisita sa Boracay kahit na ang totoo ay nasa bahay lang ako nina Everlyse. Buong pamilya nila ang nasa Amerika kaya walang magsusumbong sa akin. Kung bakit ko nagawang magsinungaling sa mga magulang ko? Simple.

    “I heard from Stan. May relasyon kayo nong Noah Elizalde?” kalmanteng sinabi ni daddy nang nag bi breakfast kami isang umaga.
    “Wala po, dad,” hindi ako makatingin sa kanya kahit totoong wala. “Wish ko lang.”
    “It would be better, Megan, to be with a guy who’s interested in business. I heard from Stan he’s still playing in that band. I wish they grow up.”

    May kakaibang galit na namuo sa aking sistema pero hindi ko iyon ipinakita. This is my father, George Rodolfo Marfori. It’s always been security over love. It’s always been business over feelings.

    “Don’t you think, dad, na mas maganda kung makikipag relasyon tayo sa taong mahal natin?” matapang kong tinanong.
    Tumigil siya sa pag inom ng kape at nanliit ang mga mata niya sa akin, “What do you mean by that?” mariin niyang tanong.
    Nagkibit balikat ako. “Hindi ba importante ang love para sa iyo? Hindi mo ba pinakasalan si mommy dahil mahal mo siya?”
    “I love your mom, Megan. She loved me too. You’ve seen how we’re both working hard for our business. Dugo at pawis ang inialay namin para diyan at alam na alam mong sa industriyang pinasok namin mahirap mapanatiling namamayagpag ang ating kompanya. You will need a strong passionate man for business. Dahil ikaw ang magmamana nito. Ikaw ang tagapagmana.”
    “I can manage it,” giit ko para lang mapasang ayon siya.
    Tumawa si daddy, “Hindi kita minamaliit, honey, but I don’t think you can keep up when you’re alone.” Sumimsim siya sa kape at pinanood ko na lang siyang umiinom nito. “That worthless boy doesn’t like the business. You better stop looking up to him.”

    Umahon ang kaba sa dibdib ko nang tanungin ako kung bakit ako sasama sa Pilipinas gayong inayawan ko ang ilang paskong nag daan. Kaya ginawa kong alibi ang Boracay para lang makawala kay mommy at daddy.

    Limang araw akong tunay na bumisita sa boracay nang sa ganon ay maipakita kay daddy na naroon nga ako. Ilang kaibigan ang isinama ko. Laking gulat ko nang kinontak pa ako ni Wella at ‘yong dati naming kasama sa club at pumayag naman silang dalawa na sumama sa Boracay kahit conflict ito sa kanilang schedule.

    Kamustahan at punahan ng pagbabago ang nangyari sa amin. Wella told me that she’s still into Zeus at sinabi niya ring may bago ngang bokalista sa katauhan ni Wade Rivas. She showed me a picture of him and I won’t deny that he’s as handsome as Stan. Sa boses lang ang labanan niyan. I haven’t heard him sing but maybe he’s good. Kung nakapasa kay Noah at Warren ay paniguradong magaling nga ang binata.

    Kinamusta din niya ang pinsan ko at nahihiya akong sumagot na walang ginawa si Stan sa States kundi ang mag party at ang mag waldas ng pera. That asshole!

    Nang nakabalik kami ay pinaunlakan ko kaagad ang anyaya ni Wella na bumisita sa unibersidad nila. I got thrilled because it’s Noah’s school too. Marami akong tanong. Maraming marami. Para kay Noah. But do I have the right to ask him questions? Or even talk to him? Siya ang magdedesisyon non. Nagkasakitan kami at panalangin ko’y sana naghilom na ang sugat na idinulot ko.

    Hinawi ko ang buhok ko nang nakapasok ako sa malaking unibersidad na iyon. Abala ang mga estudyante sa kani kanilang mga klase samantalang abala ako sa pag gala ng aking mga mata.

    “This is where we usually eat,” sabay turo ni Wella sa cafe nilang mas malaki kumpara doon sa cafeteria namin noong high school.

    May ilan akong kakilalang nadatnan. Tinanguan ko lang sila at nakipag usap na rin ng kaonti. Maraming nagumusta kay Stan at Everlyse kahit parehong nasa Facebook naman ang dalawa. They should know what’s up with the two. Nakasalida ang buhay nila araw araw doon. Samantalang ‘yong akin ay halos kalawangin na.

    Malayo pa lang ay may ngisi na akong nakikita. Hindi ko mapigilan ang pagngisi pabalik. Tumangkad si Rozen at mas lalong naging guwapo. Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang katauhan ni Noah sa kanyang mukha. They look almost exactly the same!

    “Long time no see, Maria Georgianne,” ngisi niya.

    Hinihila na ako ni Wella, ayaw makipag usap sa isang tulad niyang madalas basagulero. Sinenyasan ko siya na saglit lang iyon.

    Humakbang ako palayo sa cafeteria. Sumunod si Rozen sa akin sumisipol.

    “Are you here for good?” tanong niya nang napunta kami sa may halamanan kung saan wala masyadong tao.
    “Nope. Dalawang linggo lang,” ngiti ko.
    “Nandon si Noah sa madalas nilang tinatambayan. They have a room here, you know. For club activities.”
    Tumango ako.
    “Well, I must say I am kind of sad. Dalawang linggo ka lang ba talaga dito?” Nagdilim ang titig niya.
    “Summer sa States ngayon kaya ako nakaalis. Magpapasukan na next week. I can’t stay. Bakit? May problema ba?” humalukipkip ako.
    “Your Noah is hitting on my Coreen. That’s what,” ngumisi siya.
    “Ohhh…” Nanliit ang mata ko at ngumiti na rin bilang panunuya. “Hindi ba nakaya ng kamandag mo, Rozen? Hindi kaya ng porma mo ang atensyon ni Coreen?”
    Umigting ang bagang niya. Gusto kong humagalpak sa tawa ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may narinig akong pamilyar na boses sa likod.

    “What are you doing here?”

    Para akong na stiff neck. Kahit na gusto kong lumingon ay hindi ko magawa. Kinalas ko ang pagkakahalukipkip ng aking mga braso habang unti unting tinatanggap na nandito si Noah… si Noah na pinakamamahal ko. Nandito sa likod ko!

    Rozen’s arm snaked around my naked waist. Siya na mismo ang nagharap sa naninigas kong katawan patungo kay Noah. Matalim na tumitig si Noah sa aking tiyan. What’s with him and midriff clothes? Hanggang ngayon ba naman?

    Nanlalaki ang mata ko nang unti unti kong tinanggap ang pagtangkad, pag gwapo, at pagiging matipuno niya. Kahit sa simpleng plain white v neck t shirt ay kitang kita mo ang hubog ng katawan niyang hindi naman ganito noon. The Noah I loved before is different from the Noah who’s standing in front of me now. I don’t know. Maybe it’s that look in his eyes or the way he clenched his jaw? Hindi ko alam pero mabilis at abot abot ang pintig ng puso ko. Daig pa nito ang nag jogging ng ilang kilometro.

    “Noah…” Namutawi sa aking bibig.
    “What is it? Kayong dalawa?” Nanliliit ang mga mata ni Noah.

    Ilang taon tayong hindi nagkita tapos iyan ang sasabihin niya? Galit pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon? Well, what do you expect, Megan? That he’ll welcome you back with his arms wide open? Dream on!

    Humalakhak si Rozen sa gilid ko at ngayon ko lang napagtanto ulit na nakahawak parin siya sa aking baywang.

    “Well, kung ayos lang sa’yo?” Nagtaas ng kilay ang walang hiyang si Rozen.

    Hinawi ko ang kamay niyang nakatungtong sa baywang ko at nakita ko kong paano tumingin si Noah don.

    “Noah,” ngumiti ako. “nice to meet you again.”
    “Why are you here?” ulit niyang tanong sa galit na tono.
    “I-I’m here for-” hindi niya ako pinatapos.
    “Well, whatever. I don’t really care.” Kumunot ang noo niya.
    Tumawa si Rozen, “Lie your ass out, brother. Whatever is your damn reason for rejecting Coreen all the damn time even if you… like…” nilagyan niya ng quotation mark sa ere ang huling salita. “her… She’s in front of you now.”

    Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rozen. Noah and Coreen? Of course I remember how I want Noah to like her back… pero ang marinig ang dalawang pangalan nila sa iisang pangungusap ay nakakagulat.

    “Shut up. I am asking her out, Kuya. Wala akong pakealam kung gusto mo siya.” baling ni Noah sa kay Rozen.
    “Yeah, sinasabi mo na ‘yan ngayon kasi nandito si Megan sa harap-“
    “Shut up, Rozen!” Bulyaw ni Noah sa kapatid na agad lumipad ang kamay sa ere.
    “Whatever,” at agad na naglakad palayo si Rozen, leaving us behind.

    Napalunok ako habang dinedetalye ang bawat pagbabago sa pangangatawan at mukha ni Noah. Nangangatog ang binti ko nang nakita ko kung paano nagkuyom ang kanyang kamao at kung paano humapit ang kanyang braso sa ginawang pagkuyom. Napaawang ang bibig ko. He’s hot! He changed a lot.

    “Anong kailangan ni Rozen sa’yo?” tanong niya.
    Umiling ako, halos hindi makasagot. “W-Wala.”
    “Tsss… And you think I will believe you?” Humakbang siya palapit sa akin.

    Muntik na akong madapa dahil sa mga mumunting bato na nagsilbing sahig nitong tinatayuan namin. Nang maramdaman ko ang dahon ng halaman sa aking likod ay tumigil ako sa pag atras at hinayaan siyang wakasan ang kaonting distansya sa aming dalawa.

    Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa aking tiyan. Isang haplos nito ay may kung anong init ang gumihit sa aking katawan. Halos mapapikit ako sa kanyang ginawa. I missed your touch, Noah.

    “K-Kayo na ni Coreen?” nagawa kong itanong kahit na nanginginig na ako dahil sa pagiging magkalapit ng mukha namin.
    “Ano ngayon?” pabalik niyang tanong.
    “K-Kung ganon, you shouldn’t b-be here with-“

    Bago ko pa naikumpleto ang sasabihin ko ay dumampi na ang labi niya sa akin. Parang tinikman niya lang ito sa halik na hindi lumalim at nanunuya. Mabilis ang hininga ko nang bumitaw siya at tinitigan pang muli ang labi ko bago hinawakan ang batok ko at siniil ulit ng halik.

    Naramdaman ko ulit iyon. Halos itulak ko siya nang nalasahan ko ang metal at alat sa kanyang halik. Ganitong ganito siya humalik pag galit! Hindi ko malaman kung itutulak ko ba siya o kakapitan. Tumigil siya sa paghalik at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata habang galit akong tinitigan.

    Nangilid ang luha ko at napahawak ako sa aking labi. Tumingin siya roon at narinig ko kaagad ang tawag ni Wella kung saan sa likod namin. Shit!

    “Is that all you got, Megan?” Nanliit ang mata ni Noah at umigting ang kanyang panga. Huminga siya ng malalim at kinagat ang kanyang labi. “You can kiss better than that.”
    “Bakit kita hahalikan pabalik kung may girlfriend ka? Noah, I respect-“
    “Fuck your respect,” aniya at tinalikuran ako.

  • Kabanata 21Open or Close

    Kabanata 21
    Nagmamahal

    “Oh my God? What happened to those really chinky eyes now?” Klarong klaro ang boses at panlalaki ng mata ni Everlyse sa akin habang nasa cellphone ko siya at nag S-Skype kami.

    Halos maputol ang braso ko sa pagdala ng aking maleta. Inangat ko ito at ipinatong sa X-ray machines ng NAIA.

    “Shut up, Lyse.” Sabi ko habang inaayos ang black rimmed kong eye glasses na sinuot ko para matabunan ang namumugto kong mga mata.

    Dinig na dinig ko ang pagbulung bulong niya tungkol sa katangahan ko.

    “‘Yang pag ibig mong ‘yan para kay Noah, parang imburnal. Pag nahulog ka ng walang nagtutulak sayo, isa lang ang ibig sabihin niyan! Tanga ka! Wala naman kasing nagsabi sa iyo na magpakita ka sa kanya. Ayan tuloy…” She sighed.
    “Are you kidding me? Wala ako don para sa kanya-“
    “Admit it… You also want to see if he still loves you. At ngayong nalaman mong hindi na, what now? Move on.” Naririnig ko ang frustration sa boses ni Everlyse.

    Nanahimik na lang ako. Kinuha ko ang bag ko sa X-ray at pati ang cellphone ko kung saan online parin si Lyse at nag aabang sa akin.

    “It’s almost boarding, I have to go…”
    “Don’t you give me that damn excuse! It’s been two weeks and you haven’t called!” Sigaw niya pero hindi niya napigilan ang pagputol ko sa linya.

    Hinigit ko ang stroller at sa bawat salaming nadadaanan ko ay pinagmamasdan ko ang aking mga matang mas lalong lumiit. My eyes have always been slightly big and chinky. But now, they’re small and chinky dahil sa walang humpay na pag iyak ko. Masakit pala talaga.

    Sa araw ding iyon, nang nagkita kami ni Noah ay nakahalubilo ko si Coreen. From the way I see it, she likes Noah. Kaya lang ay ginugulo siya ni Rozen Elizalde. That manwhore! Kung pwede lang ay pigilan ko siya sa ginagawa niyang panggugulo.

    Kahapon ay nakipagkita ako sa banda. Wala si Noah. Syempre, bakit siya pupunta? Si Warren at Joey lang ang bumisita sa bahay namin nang naghahanda na ako pabalik ulit ng New York.

    “Mas lalo kang pumuti,” ngiti ni Warren sa akin habang kinukurot ang pisngi ko.
    Ngumiti rin ako pabalik, “Tumangkad kayo!”

    Umupo kami sa mga puting patio chairs namin na nakaharap sa isa pang puting round table na unti unting pinupuno ng katulong ng pagkaing para sa kanya. Nakipag highfive sa akin si Joey na ngiting ngiti habang tinitingnan ako. Malaki ang ipinagbago nila. Bukod sa lumaki ang kanilang pangangatawan at tumangkad ay naging mas attractive din ang dalawa. Naisip ko tuloy ang pinsan ko. If he was here, they would have been the best band in the city.

    “Kumusta?” ngiti ko sa kanila.
    “We’re doing great. We heard…” nagtaas ng kilay si Joey sa akin.
    Tumango agad ako. “Nagpunta ako sa school niyo nong isang araw.” Hindi ko na kailangang dugtungan iyon. Sa mga tingin nila sa akin ay alam kong alam na nila kung ano ang nangyari.
    Tumango si Warren at uminom ng juice, pinaglalaruan ang baso. Si Joey ang bumasag sa katahimikan. “He’s kind of, I mean, really mad at you. Hanggang ngayon.”
    Nanliit ang mata ko at humilig sa mesa para makarinig pa ng husto. “Talaga? Paano niyo nalaman? Minumura niya ba ako?”
    “Actually, no. He doesn’t even talk about you. Like you never existed at all.” Pinaglaruan ni Warren ang straw at hindi man lang ako tiningnan.

    Bahagya akong natigilan roon. Alam kong galit siya. At siguro ay natural lang na kalimutan niya ako.

    “He’s courting Coreen.” Diretsong sinabi ni Warren at nag angat siya ng tingin sa akin.
    Dahan dahan ang pagtango na ginawa ko. Para bang unti unti kong pinoproseso ang isang katotohanang dapat ay alam ko na noon.
    “Are you okay?” Seryosong tanong ni Warren.
    Ngumiti ako, “Of course. So? Talo ba si Rozen?”
    Ngumiti si Joey sa akin. “I guess so. Coreen likes Noah. Alam mo ‘yan. Kung patay na patay ka kay Noah noon, si Coreen din naman. And she’s pretty. Hindi siya mahirap magustuhan kaya rin siguro nong umalis ka at napansin niya si Coreen ay nagka interes na siya nito.”
    “Bakit hindi pa nagiging sila?” napatanong ako.
    Nagkibit balikat silang sabay. “Well,” tumikhim si Warren. “I’m not sure if he really si courting her pero lagi silang magkasama nitong mga nakaraang buwan. Nag di-date o di kaya ay sa school.”
    Lumunok ako, “Masaya ba si Noah?”
    Nag angat ng tingin si Joey sa akin. “Alam kong hindi kaya ni Noah’ng mag panggap na gusto niya ang isang tao at masaya siya roon, Meg. You know that.”

    Bumagsak ang tingin ko sa baso ng juice ko. Inikot ikot ko ang straw at binali bali ito.

    “I know you’re still into him, Meg.” Sambit ni Warren. “And I can’t blame Noah for falling out of love. You left him.”
    “I broke his heart. I know.” Kinagat ko ang labi ko. “At least naging malaya siyang pumili habang wala ako. Malaya siya.”

    Tumigil ako doon. Dahil may kirot akong naramdaman sa aking puso. Kirot na itinago ko ng husto. Hinanakit na kahit anong gawin kong pagtago ay hindi nawawala.

    Dahil alam ko sa sarili ko na umaasa parin ako. Kasalanan ko, oo. But if his feelings for me were true, if it was real, then he’ll be loyal to me. Kahit na wala ako! Kahit na hindi kami! But it’s too much to ask for that because I broke his heart. May karapatan siyang magmahal ng iba at magtanim ng galit sa akin. May karapatan siyang kalimutan ako. Ngayon ako naman ang nanghihingi ng karapatan ko. Karapatan kong kalimutan siya!

    God has cursed me for hurting His gift to women. Sinaktan ko si Noah Elizalde kaya magdurusa ako habang panahon. Dahil kahit saan ako lumingon sa US ay hindi ko siya makalimutan.

    “I really don’t get it. Bakit nagpapatattoo ng pangalan ng girlfriend? Makakalimutan din nila iyan, masisira lang ang alaala at ‘yong balat nila pag nagkahiwalayan na.” That was Everlyse’s reaction to those who got inked.

    Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpatattoo. This is to remember that Noah will always be a part of me no matter what. At sana rin ay tama si Everlyse, na baka balang araw ay pagsisihan ko ang pagpapatattoo ko nito. Na balang araw ay patatabunan ko ‘to ng bagong tattoo at tatawanan ko na lang ‘yong lintik na pangalan ni Noah sa upper abdomen ko.

    “Sakit ng likod ko,” sambit ko habang tinutusok ng daliri ang aking batok. Gusto kong magpamasahe. Kaya ayaw ko talaga sa byahe ay dahil sumasakit ang kabutuhan ko. Probably signs of aging.

    Hinawi ko ang buhok ko habang tinitingnan si Everlyse at si Carlos na nagpupunasan ng pawis ng isa’t-isa.

    “Oh love, such a sweet, sweet thing.” Nangiti ako.
    Pinandilatan lang ako ni Everlyse habang humagalpak lang si Carlos. Love birds.

    Pagkaapak ko sa hagdanan namin ay halos tumakbo ako papasok. Ilang taon na rin akong hindi nakakabalik. Dahil hindi na maintain ang bahay nina Everlyse ay dito muna sila titira ni Carlos sa amin. Pina renovate kasi iyong bahay nila last month after ilang taon. Ang bahay naman namin ay simula nang bumalik si mommy at daddy dito 3 years ago ay nagkaroon na rin ng ilang renovations kaya halos hindi ko iyon makilala.

    “Saan ka pupunta, Meg?” Sinundan ako ni Everlyse nang pumasok ako sa bahay at hinaplos ang aking grand piano na nandoon parin hanggang ngayon.

    Nag iba man ang hitsura ng aming sala ay naroon parin ang paborito kong piano. Hinaplos ko ang mga puti at itim na keys habang naririnig ko ang yapak ni Carlos at Everlyse, papasok sa bahay.

    “Maghahanap ng trabaho,” sabi ko at nilingon ko sila.
    “Bullshit.” Nagtaas ng kilay si Everlyse sa akin at humalukipkip. “I heard you. Sa bathroom ng NAIA.”
    Ngumiti na lang ako at dumiretso sa grand staircase namin. “Because he offered me a training, that’s all. At baka rin may ideya siya saan ako magandang mag trabaho.”

    Umiiling na si Everlyse habang sinasalubong siya ng nagtatanong na mga mata ni Carlos. Kinwento niya yata ang nangyari kaya tumigil siya sa pagtatawag sa akin.

    Dumiretso ako sa kwarto kong ganon parin. Puti ang dingding at kulay gold at white ang makakapal na kurtina. Naroon na ang aking mga bagahe at inisip ko pa na kailangan ko nga palang mag unpack. But I can’t, right now. I have an appointment.

    Mabilis akong naligo sa bathroom at namili ng kahit anong susuotin. Napili ko ang itim na dress at nagpatuyo ng buhok. Hindi na ako nag abalang mag suklay at agad na akong naglakad palayo sa kwarto ko. Sa baba ay wala na si Everlyse at Carlos, siguro ay abala sa kwartong ibinigay sa kanila.

    Tumunog ang cellphone kong nasa purse ko. Luminga ako at naghanap ng magagamit na sasakyan.

    “Megan, you didn’t call. Akala ko delayed ang flight niyo?” I heard my mom’s stiff tone. Siguro ay nasa opisina siya.
    “Uh, yup. Mom, pagamit ng sasakyan.” Bumalik ako sa bahay para mag hanap ng katulong na maaaring makapag bigay sa akin ng susi.
    “Aalis ka? Kakarating niyo lang ah? For what reason, Megan? And it’s 6 in the evening! Why don’t we have dinner instead?”
    “Makikipag kita ako sa kaibigan ko. He’s offering me a training for business-“
    “Bakit pa kasi hindi ka nag business.”
    Uh-oh, here we go again. “My, now is not the time. Now you tell me which car?”

    Sinenyasan ko ang katulong na nakita ko at pinaghintay ko siya sa sagot ni mommy.

    “Gabi na! For God’s sake! Don’t you party and drink! Why don’t you bring Everlyse and Carlos with you?” Frustrated niyang linya.
    “Naghahanda sila. Uuwi yata sila sa Nueva Ecija para ma meet ni Everlyse ang pamilya ni Carlos na nandon.”
    “It’s not till next week. Megan…” May pagbabanta sa boses niya.
    “Come on, mom. Hurry up! I’m late! Kailangan kong makipagkita. It’s business. And maybe makapasok ako sa isang advertising company. Just let me go.”

    Sinagot niya ako kung aling sasakyan ang dadalhin ko para sa lakad kong ito. Mabilis kong kinuha ang susi na nasa kamay pa ng pinuno ng security guards sa bahay namin. Dumiretso ako sa kotse at pinaandar ko na iyon. I missed mom and dad but I’ll see them later tonight. I just need to see Rozen Elizalde for that stupid offer of his.

    Ipinarada ko ang sasakyan sa isang high end na restobar. I say it’s high end because it’s near the vicinity of the new high end buildings here in Quezon City. Sinulyapan ko ang aking wrist watch at nakitang late nga ako. Well, it’s just Rozen Elizalde anyway.

    Pumasok ako sa isang madilim na restobar at agad na binalot ang aking tainga ng isang boses ng babaeng napakalamig. Tumitig agad ako sa kumakantang naroon sa harap. Dalawa sila, ‘yong isa ay medyo sexy at matangkad at ang isa naman at petite at simple. Pasalit salit ang kanta nila at halatang may mataas at buong boses iyong sexy kumpara sa malamig at mababaw na boses ng payat.

    “You’re late.” Dinig kong sambit ni Rozen galing sa malapit na mesang naroon.

    Nilingon ko siya at nakita kong nasa harap niya ang isang bote ng mamahaling champage at may tatlong kopitang naroon. Ang isa ay ‘yong iniinuman niya at ang isa ay ‘yong pinag sasalinan niya.

    “There you are.” Ngumisi ako at umupo sa kanyang tabi.

    Nilapag niya sa harapan ko ang pinagsalinan niya. Tinanggap ko ito at ininom ng diretso. Tiningnan ko siya at hindi ko maipagkaila ang hawig nila ni Noah. Damn that shit he reminds me of Noah Elizalde. Nag iwas na lang ako ng tingin.

    “Dinner?” Tanong niya.
    “Yes, please. But we’ll talk. I can’t stay late. Kakarating ko lang. My parents will kill me,” sabi ko sabay kuha sa menu at naghanap ng makakain.

    Pagkatapos ng isa pang kanta at pagkabigay ko ng menu don sa waiter ay pumalakpak si Rozen kasabay sa mga audience na naroon. Ipinagkibit balikat ko iyon. Hindi ko alam na mahilig pala si Rozen sa ganitong mga restobar. I thought clubs are his thing.

    “Well done!” Tawag ni Rozen sa isang papalapit na babae.
    Kumunot ang noo ko at pinanood ko iyong babaeng nakatingin sa akin ngunit palapit kay Rozen. She’s cute, I give her that. Maputi, makinis, payat, at medyo maigsi. Hinawakan ni Rozen ang kanyang kamay nang nakarating sa gilid niya. Ito iyong babaeng may malamig na boses. Nilingon ko ang magaling niyang kasama na dumiretso sa isang table kung nasaan may ilang mga kasing edad niyang nakaupo at nakipag tawanan na.
    “This is Megan Marfori, by the way. An old friend,” ani Rozen.
    Ngumiti ako at tumingin sa babaeng medyo may bahid na pagdududa sa mukha. “Nice meeting you,” naglahad ako ng kamay.
    “Leonore Batungbakal.” Malamig na sinabi ng babae.

    Her name’s primitive. Well, she’s cute. Must be one of Rozen’s girls. Oh wait? Hindi ba ay may gusto ito kay Coreen? Well, Coreen’s with Noah so…

    Kinindatan ko si Leonore, “Ikaw pala ang kasama namin sa table. That’s why there were three wine glasses. I’m sorry to intrude. Hindi ko alam na magsasama si Rozen ng ibang babae sa pagkikita namin.”
    Napasinghap si Leonore at napatingin sa nakangisi at wala sa sariling si Rozen. Ngumiti ako ngunit ilang sandali ang nakalipas ay napagtanto kong mali ang sinabi ko. Oh god, Megan, you tactless idiot!
    “Oh I didn’t mean that-“
    “Excuse me,” ani Leonore at agad nang nagmartsa palayo.

    Sinundan ng tingin ni Rozen si Leonore bago bumaling sa akin ng nakakunot ang noo. Oh I’ve done it! And Rozen’s such an embecile. Ni hindi niya na kuha kung bakit nag walk out ang babae niya. I need to explain it to her but right now I don’t have time.

    “What did you do?” tanong ni Rozen.
    “Oh well, you can win her back anytime. I trust in your abilities. Bilisan mo na nga at nang makaalis na ako. I don’t have much time.”

    Luminga linga si Rozen, hindi mapakali sa nawawala niyang babae. Nagkibit na lang ako ng balikat at hinintay ang paglalapag ng pagkain ko nong waiter na nautusan. Kumalam ang tiyan ko at kumuha agad ng kutsara at tinidor.

    “The hell, Megan!” Hindi parin siya kumalma sa paglinga.
    “Well if that was Coreen, pagkaalis na pagkaalis niya pa lang, binaliktad mo na ang mundo.” Ngiti ko at tinusok ng tinidor ang steak na nasa plato ko.
    Tumikhim siya at bahagyang kumalma bago ako nilingon. “Condolence nga pala.” Naririnig ko ang panunuya sa boses niya. “Coreen’s with Noah. Hindi pala kaya ng damit mong ‘yan ang katigas ng ulo ni Noah eh. Is that all you got, Meg?”
    Ngumiti ako nang di siya nililingon. “Condolence din sayo. Di pala kaya ng katawan mong paamuin si Coreen. You don’t even make her legs tremble at all, Rozen. At least Noah can make my legs tremble so bad…” nanunuya kong sinabi sa kanya.
    Umigting ang kanyang panga at humalpak na lang ako bago sumubo.
    “Just give me the information I need and I’ll go. Find your new damsel in distress-“
    “You’re not gonna win Noah back?” tanong niyang seryoso.
    Natigilan ako. Sumimsim ng champagne bago siya tiningnan ulit. “Kung mahal niya si Coreen, then why should I?”

    Natigilan si Rozen. May kaonting kirot sa puso ko sa sinabi ko sa kanya. Pareho siguro kami ng nararamdaman and I don’t like where this is getting.

    “Kung pinapunta mo ako dito para magkaroon tayo ng kasunduan na kunin ko si Noah at kukunin mo si Coreen, well guess what? I’m not up for it.”
    Nagtaas siya ng kilay. “Oh well, let’s go straight to the point then…”

    Pinanood ko siyang kinuha ang kanyang cellphone. Nagpatuloy ako sa pagkain at naghintay ng kanyang sasabihin.

    “There’s this big advertising company. Kilala ko ‘yong anak ng may ari. Pwede kang kunin but you will need training,” ito ang sinabi niya sa akin kanina nang tinawagan niya ako pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas.
    “Sinabi mo ba kung saan ako galing? Not that I’m bragging, Rozen-“
    “This is a big international advertising company, Meg.”
    Tumango ako at pinagpatuloy siya.
    “Mas gusto nila ‘yong may background sa business kahit six months. You’ll undergo training or internship. I don’t know how but that’s from my source. I’ll send you the docs you need to know, the name of the company and all the other information you will need. Give me your email address.”

    Ibinigay ko nga sa kanya. Sa cursong kinuha ko na Digital Communications and Media, talagang sa mga advertising company ‘yong bagsak ko. Habang nandyan pa naman si mommy at daddy para sa business ay kailangan kong lumikha ng sarili kong pangalan sa sariling industriya na gusto ko. Nong una ay ayaw pa ng dalawa na kunin ko ang kursong ito pero dahil medyo malapit na rin naman ito sa business namin ay pinayagan rin ako kalaunan.

    “And I’ll send you the list of Noah’s gigs,” mapaglaro ang ngiti ni Rozen. “I know you miss him.”
    Nagtaas ako ng kilay sa kanya. “Send it to me too. Pupunta ako. Manonood. I miss the band.”
    “He’ll pee in his pants the moment you walk inside those bars, Megan.” Tumawa si Rozen at dumungaw ulit sa kanyang cellphone.
    “He won’t. He’s got Coreen,” gotcha, Elizalde.
    Nag angat siya ng tingin sa akin. “Mahal ako ni Coreen.”
    Ngumiwi ako. “Kiss my ass.”
    “No, really.” Seryoso niyang sinabi. “She told me.”
    “Coreen loves Noah. That’s the fact.” Umirap ako.
    “She got over him. I’m kind of mad at her so…” Luminga ulit siya.
    Nanliit ang mga mata ko. “Does this mean… nagmamahal si Noah sa isang babaeng mahal ka, Rozen?” Tumaas ang boses ko.

  • Kabanata 22Open or Close

    Kabanata 22
    The Same Room

    “I won’t go to that convention, mom. May usapan kami nina Everlyse at Carlos na mag beach bukas.” I insisted.

    Hindi nagpapatinag si mommy sa akin. Alam niyang wala akong magagawa sa pinapasalihan niyang convention pero pinipilit niya parin ako. Pinaikot niya ang kanyang swivel chair bago ako tinitigang muli at pinagsalikop ang kanyang mga daliri.

    “You are very stubborn, Megan. Are you going to party? Is that the reason?” tanong ni mommy na nagpairap sa akin.
    “Oh please, hindi kami sa Bora pupunta. Sa Batangas lang. Kakarating nilang Nueva Ecija, give them a break.”
    Umiling si mommy at nilapag niya ang kanyang glasses sa mesa. Tumayo na ako at hindi ko kailangan ng sagot niya sa gusto kong mangyari. Sasama ako kay Everlyse at Carlos dahil pagkatapos nito ay mag seseryoso na ako sa mga offer ni Rozen.
    “Do what you want, Megan.” Tawag niya habang paalis ako sa kanyang opisina.

    Bumaba kaagad ako sa building, nginingitian ang bawat guard sa lahat ng pintuang naroon. Binaba ko ang aviators ko nang palapit na ako sa entrance. Susunduin ako nina Carlos at Everlyse sa labas dahil mag sho-shopping daw itong pinsan ko ng swimwear. Inayos ko ang bag ko sa aking braso nang narinig ko ang naghihiyawan sa labas ng aming building at may iilang mga media pang naroon, nag uunahan sa pagpipicture.

    May paparazzi pa akong nadatnang kumuha na rin ng picture sa akin, sinamantala ang transparent na double doors ng building. What the hell? Tumigil ako sa paglalakad hanggang sa nakita kong tumakbo ang dalawang matatangkad na lalaking mukhang iritado. Sumunod ang isang natatawa at ang panghuli ay may litaw na dimple habang ngumingisi ng malaki sa dalawang iritado.

    “Good morning, miss!” Ngiti nong pangatlong lalaki at nag lahad siya ng kamay sa akin.
    Ngumiti ako pabalik. “Good morning!” sabay tanggap sa kamay niya.
    Agaran siyang siniko ng kanyang iritadong katabi at may binulong sa kanyang hindi ganon ka pribado dahil narinig ko iyon, “Stop it, Zac. That’s the daughter of Madame Alejandra.”
    Nag angat ulit ng tingin ‘yong lalaki. “I’m Zac.” Sinapak nong iritadong lalaki ang kamay ni Zac na umambang makipagkamayan ulit sa akin.
    Natawa na lang ako at humalukipkip habang sinusulyapan ang hindi pa humuhupang media sa labas. I know them. Tingin ko ay isa sila sa pinaka sikat na banda ngayon. Tiningnan ko ang damit ni Zac at nakita ko roon ang compirmasyon, ‘Going South’. Sila ang isa sa mga bandang hinahawakan ng kompanya nina mommy at daddy. Probably one of their biggest artists.
    “I have to go…” Sabi ko nang nakitang humupa na ang media.
    “Ohhh…” Hihirit pa sana si Zac ngunit sinaway pa ulit siya nong kasama niya at nagmadali na rin ako sa pag alis.

    Mabilis na lumipas ang araw. Pakiramdam ko ay pwede na akong pang third wheel kahit kanino. The lovers were heartless. Sa harap ko sila naglalampungan at minsan ay iniiwas ko na lang ang tingin sa kanila para hindi ako maasiwa. Not that I’m not used to it. Syempre, ganong ganon din sina Lyse at Carlos sa Amerika. Iba lang talaga ngayon dahil natatanaw ko ang bawat nilalang na lumilingon sa kanila tuwing nag papaka sweet sila sa isa’t-isa. Obviously the people in this side of the world aren’t used to it.

    Nag stretching ako pagkalabas namin ng sasakyan. Magkakasakit yata ako sa sobrang pagod sa byahe. Ilang oras din iyon, a? Ang init pa. Kinuha ko ang malaking shoulder bag ko na siyang pinaglagyan ng lahat ng damit ko para sa tatlong araw na stay dito. Oo, iyon lang ang dala ko dahil puro shorts, loose shirts, at two piece lang naman ang naroon.

    “Two rooms, please,” sabi ko sa tumanggap sa amin.

    Well, you can’t expect me to be with Carlos and Everlyse. Habang naghihintay sa card ay iginala ko ang paningin ko sa hotel nitong kulay brown madalas ang mga muwebles at kulay puti naman ang dingding. Magkahalong modern at old school ang disenyo mula sa kawayan na mga upuan hanggang sa mga lamp shade na pormal.

    “Eto na po,” sabay abot sa akin ng dalawang cards.

    Tiningnan ko kung anong room ang mga nakuha namin. Binigay ko kay Carlos ang isa at agad akong niyaya ni Everlyse na bilisan na namin sa paglalapag ng gamit dahil gusto niyang mag boating o kahit anong meron doong sports.

    Dumiretso kami sa aming room na magkatabi lang naman. Isang simpleng queen size bed sa loob ng tamang lapad, malinis, at medyo old school din ang mga nakapaloob na muwebles. Hinampas ni Everlyse ang aking pintuan.

    “Tara na! Bilis!” Sigaw niya na agad ko namang tinugon.

    Hindi pa nga natutuyo ang sunblock ay nagboating na kami. Na enjoy ko naman ang tanawin ng maputing buhangin at kulay asul na dagat. It’s all relaxing. This is what I miss.

    Pagkatapos non ay kumain lang kami saglit at nag try agad ng jetski. Doon ko napagtanto na malapad pala ang stretch ng white sand beach at iilang resort pa ang katabi nito. Sigaw nang sigaw si Everlyse habang yakap yakap si Carlos.

    “Stop the drama, Lyse. Don’t make me puke!” Sigaw ko nang tumili siya.
    “You’re just jealous! Mag boyfriend ka na kasi!” tawa ni Lyse.

    Agad kong naisip si Noah nang binanggit niya ang salitang iyon. You know that feeling, right? That feeling everytime… Siya ang naiisip ko. Iyong tipong kung hindi rin naman siya ay huwag na lang. Kailan pa ako makaka recover sa feelings ko sa kanya? Maybe I feel guilty? Siguro ay guilty ako sa ginawa ko sa kanya noon kaya hindi ko matanggap ngayon.

    Sinuot ko ang sleeveless shirt ko pagkababa ko sa jetski. Hindi pa tapos sina Everlyse at Carlos kaya hinayaan ko muna sila. Sinenyasan ko na lang na kakain muna ako kaya dumiretso ako sa open restaurant nila at napansin ko kaagad ang paglalatag ng red carpet sa labas at may mga kulay pink na rosas na nasa stand, hindi pa naaarrange.

    Umupo ako sa outdoor tables at kinuha ang menu galing sa waiter ngunit nakatitig parin sa mga taong naghahanda sa isang mukhang engrandeng kasal.

    “Kailan ang kasal?” Tanong ko sa waiter.
    “Bukas po, ma’am,” aniya.
    “That means hindi kami pwedeng kumain dito bukas?” Nag angat ako ng kilay.
    “Pwede po sa loob. Kung gusto niyo ng outdoor, mayron din naman po sa kabila,” anang waiter.

    Hindi ko na siya pinahirapan pa. Nag order na ako ng makakain at naghintay na matapos ang dalawa sa kanilang lampungan pa ulit. Sa gabi ay kumain kami doon sa loob ng restaurant at nag stargazing malapit sa shore. Tahimik at relaxing. Ramdam na ramdam ko ang pag eenjoy ng dalawa lalo na nang uminom kami ng kaonti at nagyaya na si Everlyse sa kwarto.

    “Dito na muna ako. I still wanna chill.” Sabi ko at hinayaan silang umalis.

    Pero pagkalipas ng ilang minuto ay dumiretso na ako sa aking kwarto para matulog. Life of a third wheel. Dapat pala ay isinama ko na lang si Wella o kahit sino sa kaibigan namin. Pagkabalik naming Maynila ay yayayain ko na si Wella’ng lumabas ulit. I can’t be with Carlos and Everlyse all the time. I think it’s unhealthy.

    Kinaumagahan, pagkatapos kong magbihis ay nakatanggap ako ng text kay Everlyse na sa restaurant na kami magkikita. Dumiretso naman ako doon para kumain. Nagtatawanan kaming tatlo dahil sa isang memory nong nasa States kami nang bigla kong napansin ang pagtigil ni Everlyse sa pag tawa. Tumingin lang siya sa akin ng diretso. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya.

    “What?” tanong ko at nakita kong dumiretso ang kanyang mata sa likod ko.

    Nilingon ko kaagad kung sinong nasa likod ko at nakita ko si Noah na pinapasadahan ng tingin ang buong restaurant. Sa likod niya ay naroon ang kasing payat kong si Coreen. Her expressive eyes widened when Noah said something probably strange. Tumawa si Coreen at ngumisi si Noah sa kanya bago bumaling ulit sa mga mesang naroon.

    Lumingon ulit ako kay Everlyse na umiiling na ngayon. Nakita kong curious na tinitigan ni Carlos ang dalawang nasa likod namin.

    “Hi!” Kumaway si Everlyse at naestatwa na ako sa aking kinauupuan.
    “Sabi na, e! Nandito na kayo!” Dinig ko ang boses ni Joey sa likod ko.
    “Megan!” Tawag ni Warren nang lumapit sila sa amin.

    Ni hindi ko sila nilingon. Umingay ang restaurant dahil sa mga taong dumating. Halos hindi na ako makagalaw dahil alam kong naroon si Noah kasama si Coreen. Rozen told me na mahal siya ni Coreen. But that manwhore is delusional, should I believe him? Kung ganon ay bakit sumasama si Coreen kay Noah? Well, I know girls do amazingly unpredictable things.

    “Kumusta na kayo? Bakit di niyo kami kinontak?” nagtatampo ang boses ni Joey habang papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Everlyse.

    Naging abala si Everlyse sa pagpapakilala sa dalawa kay Carlos at sa pakikipagkwentuhan tungkol sa pagdating namin. Halos isang buwan na rin iyon at medyo naging abala kami kaya hindi agad kami nakapag contact ng kahit sinong kaibigan.

    “Wow! Dito talaga tayo nagkita? Why are you here?” tanong ni Everlyse nang naupo na ang dalawa sa tabi namin.
    “Teka nga lang…” May nilingon si Joey at alam kong si Noah iyon. “Noah! Liam!” Sigaw niya.

    Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilingon ko na rin siya at nakita ko kung paano tumayo si Noah at may ibinulong kay Coreen bago ito sumunod na rin sa kanya paalis. Ang isang kaibigan naman nila ay may kausap na isang grupo ng mga babae at lalaki sa kabilang table kaya hindi na nila inistorbo.

    “Hayaan mo na si Noah, Joey. Alam mo namang gustong gusto non nang napag iisa sila ni Coreen.”

    Nagkatinginan ulit kami ni Everlyse ng saglit bago nagsimula ulit siya sa kanyang tanong.

    “Kasal ng ate nong bago naming Vocalist, si Liam. Tutugtog kami, e,” aniya.
    “Talaga? Iyan pala ‘yong pinaghahandaan diyan sa labas,” sabay tingin ni Everlyse doon sa mga naghahanda.
    “Oo. Mamaya pa namang mga alas tres. Kayo? Anong ginagawa niyo dito?” nilingon ako ni Warren.
    “We’re here for a vacation,” kibit balikat ko.
    “Are you gonna stay here in the Philippines for good?” Nangingiting tanong ni Warren.
    Kinagat ko ang labi ko, “Dito ako magtatrabaho muna.”

    Nagpatuloy ang kwentuhan at hindi na ulit bumalik si Noah roon. I don’t even know kung nakita niya ba ako. Naaalala ko pa noon kung gaano ako ka importante para sa kanya. Paano ako ang nagrereyna sa kanyang atensyon at ngayon ay parang hangin lang akong hindi nakita. That’s my fault. Your fault, Meg. So stop looking back. It’s done.

    Nagpaalam din sila para maghanda habang ako naman ay tumayo na pagkaalis nila. I wanna do something else to avoid that party.

    “I want to watch. Titingnan ko kung magaling ba iyong si Liam. That’s their third vocals. It was first Stan, and then Wade, and then Liam,” umangat ang gilid ng labi ni Everlyse. Hindi ko alam kung sinusubukan niya ako o talagang inosenteng gusto niya para sa kambal niya.
    “Aalis muna ako. Sa kabilang resort or mag bo-boating,” sabi ko.

    Agad akong nag arkila ng bangka para makapag boating ulit at pinatigil ko ito sa gitna ng karagatan para makalangoy ako roon. Nagpalipas ako ng oras at naghintay na medyo maging kulay orange ang langit bago bumalik.

    Pagkabalik ko ay halos gabi na. Tapos na ang kasal at tingin ko ay nasa loob para sa reception na ang mga tao. I sighed in relief. They will probably go home after this? O baka naman ay dito sila matulog?

    Dumiretso na ako sa kabilang restaurant kung nasaan sina Everlyse at Carlos para kumain ng hapunan. Nangingiti si Everlyse habang kapit kapit sa braso ni Carlos.

    “Pupunta sina Warren at Joey dito. Catch up. Maybe later after that party of theirs.”
    “Dito sila matutulog?” tanong ko.
    “What do you expect?” sarkastikong sagot ni Everlyse sa akin.

    That means Noah’s gonna be here too. Is he staying with Coreen? Well, damn yes maybe he is, Meg.

    “Buong pamilya yata ng mga Elizalde ang nandito. His brother’s here too,” ani Everlyse.
    Tumango ako at hinayaan siyang magsalita tungkol sa kasal at sa galing ni Liam. “But Stan is Stan, you know. He’s playful and not uptight. They need that. But Stan obviously didn’t need the fame or the money or the music.” Umiling siya habang naiisip ang kanyang kambal.
    “May ganon lang talaga,” sabi ko habang tinititigan ang iniinom kong whiskey pagkatapos kumain.

    Kung saan saan napadpad ang aming usapan hanggang sa narinig ko na ang boses ni Warren at Joey sa malayo, nagtatawanan. Nilingon ko sila at halos ibuga ko ang lahat ng hangin sa katawan nang nakitang wala si Noah. Duwag, Meg.

    “Ah! JDs!” Sabay kuha ni Warren sa aking baso at ininom niya ang Jack na may halong coke. That’s how I like it.
    “Hmm! Nice taste, Meg.” Kindat niya sa akin at umupo siya sa tabi ko. Umupo na rin si Joey sa tabi niya at agad tumawag ng waiter para sa order nila.
    “Tapos na ang reception?” Tanong ni Everlyse.
    “Yup! Kanina lang mga alas otso.” Sagot naman ni Joey.
    Tumayo ako at nagpaalam saglit na mag CR. Tinanong ko pa ang waiter kung may CR ba sila roon dahil ayaw ko nang lumayo sa table namin. Umulan kasi kanina at tingin ko ay uulan ulit ngayon kaya sana ay mas mabuting sa malapit lang.

    “Nasa hotel po o di kaya sa kabilang restaurant, ma’am.” Bad news ang natanggap ko sa waiter.
    Tumango ako at dahil kinailangan ko nang mag CR ay dumiretso na lang ako sa loob ng hotel para makagamit ng common CR. Ngunit papatulak pa lang ako sa salamin na double doors ay nakita ko na si Noah at Coreen sa may sofa malapit sa tanggapan.

    Naging dahan dahan ang datiy mabilis kong kilos. Hindi ko alam kung bakit abot abot ang pintig ng puso ko at kasabay pa nito ang kirot.

    Nakatayo si Coreen sa harap ni Noah na nakaupo naman sa sofa. Hinaplos ni Noah ang pisngi ni Coreen. Napaawang ang bibig ko. Lalo na nang tumayo si Noah at nakita ko kung paano nag dikit ang kanilang katawan. Hawak hawak ni Noah ang braso ni Coreen at may binulong siya roon na nagpatawa kay Coreen. Umangat ang labi ni Noah at halos napapikit ako. Oh, that smile was once mine! Natigil na ako sa paglalakad, takot na baka makita ako ng dalawang nakatingin doon sa kanila. Hinaplos pang muli ni Noah ang pisngi ni Coreen bago inayos ang medyo basang buhok nito. Hinawakan niya ang pulso ni Coreen at hinigit patungo sa hagdanan ng hotel.

    Parang may sariling buhay ang paa ko nang sinundan ko sila. Parang sinasaksak ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung paano ako nakakapaglakad ng matino sa sitwasyon kong ito. Umakyat rin ako sa hagdanan, dahan dahan at may tamang distansya sa kanila para hindi mahalata. Nang nakarating sa pangatlong palapag ay nakita kong lumiko sila doon.

    Nagtago ako sa may hagdanan at ang isang mata ko lang ang pinasunod ko sa kanila at nakita kong pumasok silang dalawa sa madilim nilang kwarto. Mabilis akong naglakad patungo roon at ang tanging narinig ko na lang pagkatapos naisarado ni Noah ang pinto ay ang kalapit ng lock sa door handle.

    They’re in the same room.

    Huminga ako ng malalim at natigilan sa harap ng kanilang kwarto.

  • Kabanata 23Open or Close

    Kabanata 23
    Annoying Questions

    Nakatunganga ako doon habang pinoproseso ang lahat. Rozen told me that Coreen’s inlove with him. But if she is bakit papayag siyang matulog kasama si Noah sa isang kwarto. Bumagsak ang bangs ko nang yumuko ako at sumandal sa dingding ng corridor.

    Pumikit ako at umiling na lang sa aking reaksyon. Kailangan kong kumalma. Maraming pumapasok sa aking utak at tingin ko ay wala na talaga akong magagawa.

    Nang biglang bumukas ang pintuan ilang sandali ang nakalipas ay napatalon ako. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong lumabas si Noah. I was expecting Coreen to show up too but she didn’t. Umigting ang bagang niya at sinarado ang pintuan. Kumalabog ang puso ko. Dapat ay kanina pa ako umalis pagkatapos ko silang sundan! But it’s too late to go now…

    Umawang ang bibig ko para sana unahan siyang magsalita pero naunahan niya ako.

    “What are you doing here?” aniya.

    Hindi ko alam kung anong isasagot ko roon. Kahit anong alibi ang sabihin ko ay magmumukha lang akong tanga kaya minabuti kong tumahimik na lang.

    “You’re stalking me again?” umirap siya at nilagay ang kamay sa bulsa.
    “I need to go,” mabilis kong sinabi at nag iwas ng tingin para makawala sa kanyang mga tanong.

    Mabilis akong nagtungo sa hagdanan at patakbong bumaba roon nang hindi siya nililingon. Dirediretso ang baba ko at pumanhik na rin sa CR, kung saan naman talaga ang tungo ko kanina bago ako nilihis ng sarili kong mga paa.

    Nagtagal ako doon sa CR. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko kaya kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Kabado ako nang nakalabas, luminga linga sa sulok ng hotel at natatakot na baka naroon si Noah. Suminghap ako nang wala at dumiretso palabas ng hotel para bumalik sa iniwan kong sina Everlyse, Carlos, at ang banda.

    Malayo pa lang ako ay napansin ko nang may nadagdag roon. Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung dapat ba akong tumuloy o bumalik na sa kwarto ko. Noah’s there. He’s sitting beside Warren. At kapag uupo ulit ako ay magkakaharap kaming dalawa.

    “Megan!” Tawag ni Everlyse at pinanlakihan pa ako ng mata, nababasa yata ang nasa utak kong pag balik na lang sa hotel.

    Pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo roon at umupo na lang ng di pinapasadahan ng tingin kung sino ang nasa harap ko. Pansin ko ang paninitig ni Noah sa akin kahit na hindi naman ako nakatingin.

    “Ang tagal mo namang nag CR,” puna ni Everlyse.
    “Sumama ang pakiramdam ko, e,” sabi ko at hindi ko na naiwasan ang paglipat ng tingin kay Noah na pinaglalaruan ang kanyang daliri habang titig na titig sa akin.

    God damn it! My heart is beating so fast because of those eyes! Mabilis ulit akong bumaling sa ibang tao para lang mapakalma ang puso ko.

    “So… uhm…” Nakita ko ang paninitig ni Joey sa akin at pabalik kay Noah. I know he’s feeling the tensyon.
    “Sayang at bukas na agad ang alis namin. We have gigs, you know.” Basag ni Warren sa katahimikan at tensyon.
    Tumango ako at sumulyap kay Everlyse.
    “Saan ba, Warren? Aalis na rin naman kami bukas. Mauuna lang siguro kayo.” Sabi ni Everlyse na halatang nilalamig na dahil sa pagkapit pa kay Carlos.
    “Wala naman bukas pero mag papractice kami para sa Friday. Iba iba kasing cafe ang tinutugtugan namin at madalas din kaming naiimbitahan sa mga parties.” Nag taas ng kilay si Warren sa akin. “Gusto mong sumama? Just like the old times?”
    Ngumisi ako, “Why not. Kung hindi busy.”
    “Isama mo rin sina Wella. Minsan pumupunta sila, e. I’ve seen their group the last time we went to Cafe Marcello for a gig,” wika ni Joey.
    “O sige, I’ll tell her,” sambit ko.
    “Tsss…” Reaksyon ni Noah na nakaagaw sa atensyon ko. “They’re busy, Warren. Hayaan mo na.”
    “Come on, Noah. Hindi naman namin sila pinipilit. Pag lang may oras sila,” ani Joey.
    “And besides, Noah, hindi mo ba namimiss si Megan?” May bahid na panunuya sa boses ni Everlyse nang sinabi niya iyon.

    Halos mapanganga ako at pinamulahan na yata ako ng mukha sa pag iinit nito. Everlyse won’t shut her mouth! Nagkatinginan kami ni Noah at kita ko ang iritasyon sa mata niya. Like I’m an eyesore and he’s unfortunate because I’m in front of him.

    “He has Coreen now,” wika ni Warren at tinapik si Noah.
    “Megan’s part of Noah, Warren. May past sila,” sabi ni Everlyse na para bang walang alam ang lahat ng tao na may past nga kami.
    “Lyse…” Saway ko. For God’s sake, oo na! Hindi mo na kailangang ipagsigawan iyon.
    “It’s in the past. People move on. Things have changed,” ani Noah at humalukipkip.
    Tumango ako, dahan dahan nong una hanggang sa bumilis. “He’s right. People change.”
    Nag angat ng tingin si Noah sa akin. “I don’t know about you, though.” umigting ang panga niya.
    “Mas lalo lang gumanda si Megan,” matamis ang ngiti ni Warren sa akin.
    Bumaling si Noah kay Warren at nangunot ang kanyang noo.
    “Well, I guess you’re right, Noah. Marami nang nagbago. Kayo nga pala?” Nagtaas ng kilay si Everlyse, bumabawi at binabago ang usapan. “Kamusta ang banda? Hindi ba ay may bagong vocalist daw kayo years ago?”
    “Si Wade? Umalis ng banda. It’s a long story. Siya ‘yong pumalit kay Stan. Nasa Going South na siya, e.” sambit ni Joey.
    “Yeah, yeah! I’ve seen old vids of the band at magaling nga iyon. Halos papantay kay Stan. And the looks.” Ngumisi si Everlyse kay Carlos bago nagpatuloy. “Anyway, magaling din si Liam.”
    “Magaling din siya, galing music school sa labas ng bansa. I just hope he’ll stay. Nag aaudition kami sa mga recording companies.” Lumingon si Warren sa akin.
    “Why don’t you audition sa Moon-” hindi pa ako natatapos ay pinugilan na ako ni Noah.
    “Hindi kami magpapatulong kahit kanino. We should earn success.” matigas ang kanyang boses.
    Humalakhak si Everlyse sa gilid ko.
    “I guess Noah’s right.” singit ni Joey. “We will, Meg. In time. Pero sana lang talaga ay magtagal si Liam.”
    “Bakit? Tingin niyo aalis din siya?” Tanong ni Everlyse.
    Bumaling si Joey kay Noah. “It depends.” Noah sighed.
    “Depends on what?” Napatanong ako.
    Nag angat ulit ng matalim na titig si Noah sa akin na parang wala akong karapatang magtanong sa kanya.
    “Family friend nila si Liam, e.” Si Warren ang sumagot kaya bumaling ako sa kanya. Isang beses akong sumulyap kay Noah at nakita ko na naman ang pag kunot ng kanyang noo kay Warren.
    “So what if he’s a family friend?” nagtanong ulit ako.
    “Depende sa-“
    “Depende sa relasyon ng pamilya namin. If their family’s cool with my family, then he’ll probably stay.” Singit agad ni Noah kaya bumaling ako sa kanya.
    Tumango naman ako at nagpatuloy ang kwentuhan. Dumating din kami sa usapan tungkol kay Stan at sa sinabi niyang kung hindi six months from now ay sa susunod na taon siya babalik ng Pilipinas. They were all excited, I was too. Hindi ko alam pero namimiss ko ang bonding nilang apat.

    Nilagok ko ‘yong Jack na may halong coke at nagsalin ulit doon. Hinaluan ko ito ng coke at tumitig na lang doon habang nag uusap pa sila. Napansin ko ang pagtitig ng matalim ni Noah sa akin. What the hell is his problem with me? Iritado? Hindi ko alam. Kung ano man ang pinagpuputok ng butchi niya diyan ay paniguradong hindi iyon dahil sa past naming dalawa. Siya na rin ang nagsabi, nagbago na siya.

    “So is New York cool? The parties and all? I’ve seen your posts. Madalas ka sa central park.” ani Warren.
    “Oh you’ve been stalking me?” Biro ko at naalala ko ang sinabi ni Noah kanina.
    “Malapit lang kasi sa pinag ji-gyman ko at madalas din si Everlyse at Carlos doong mag picnic, kaya…”
    “But you do party? Hindi ba? I’ve seen your halloween pics last year. You were damn hot!” Hinubog pa ni Warren sa ere ang katawan ko.

    Naaalala kong sinuot ko nga pala noon ay isang itim at maliit na dress at nag lagay ng itim ding bunny ears like some Playboy model.

    “Oh my God! You are damn stalking me!” sabi ko natatawa. “That was almost a year ago.”

    Habang nag uusap kami ay panay rin ang usapan ni Carlos at Joey tungkol sa magagandang lugar na pupuntahan doon.

    “May crush ‘tong si Warren sayo, Meg.” Tawa ni Everlyse.
    Umiling ako at nangingiti. Biglang tumayo si Noah na siyang nagpatahimik sa aming lahat. “I’m done for tonight. I’m gonna sleep.” Nilapag niya ang kanyang baso.
    Humikab si Joey at tumayo na rin. Tumingin siya sa kanyang wrist watch. “It’s one! Matulog na tayo?” Medyo mapupungay na ang kanyang mata.
    Nilingon ko si Everlyse na inaayos ng bahagya ang buhok ni Carlos. Umirap ako at tumayo na rin. “Let’s all sleep.”
    “Yeah.” ani Warren. “Saan ba kwarto mo? Ihatid na kita?”
    Nilingon ko siya pagkatapos kong makitang tumayo na rin si Lyse at Carlos. “No, thank you. Magkatabi lang ang room ko sa dalawang ito. Kami na ang magkasamang aakyat.”
    “Oh, but I can-“
    “Stop it, Warren. Don’t push it. The lady said no…” ani Noah.
    Narinig ko ang sipol ni Joey sa likod. “‘Tol, may mga chics don sa pool side, daan muna tayo doon bago akyat,” anyaya niya.
    Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Warren nang tiningnan niya papalit palit si Noah at Joey. “Well,” bumaling siya sa akin. “Good night, Megan. Can I have your number by the way?”
    “Sure!” sabi ko at agad kinuha ang cellphone ko para ibigay sa kanya ang number ko.

    Pagkatapos ay inakbayan na siya ng natatawang si Joey paalis doon para mag punta sa pool side. Nilingon ko sina Everlyse at Carlos na nauna nang pumanhok kaya sumunod na rin ako sa dalawa.

    Matindi ang lampungan na nakikita ko. Nang nasa hagdanan kami ay inangat ni Carlos si Everlyse sa kanyang braso at parang prinsesang inakyat. Tumili lang si Everlyse at ilang mura ang sinabi kay Carlos.

    “Whatever.” Sabi ko, tinitingala ang dalawa.

    Nilingon ko si Noah sa gilid ko na umaakyat na rin. Ikalawang palapag lang kami habang siya ay sa ikatlo kaya nang lumiko siya kasabay sa pag liko ko ay laking gulat ko.

    Lumingon ako kina Lyse na papasok na sa kwarto at kay Noah na nasa gilid ko, suplado at mukha paring iritado. Ang arte talaga ng gwapong ito.

    “Your room’s on the third floor. I think you are lost,” sabi ko.
    “Just open your damn room.” Mas iritado niyang sinabi.

    Tinapunan ko siya ng matalim na tingin kahit na alam kong hindi siya matitinag. Binuksan ko ang kwarto ko at pati na rin ang lights nito. Pumasok ako at nilingon ulit siya. Laking gulat ko nang pumasok rin siya doon ng dire diretso. Bumaling ako sa pintuan at dahan dahan kong isinara iyon.

    “So you let strangers inside your room?” Umupo siya sa aking kama.
    “Strangers? You are not a stranger.”
    Kinagat niya ang kanyang kulay pink na labi. God will forsake me the moment I’ll admit that I want to be his lips. “But you let strangers inside your room. Nong nasa U.S. ka pa.” Nag iwas siya ng tingin.

    Ang kanyang mga kamay ay itinukod niya sa aking kama at naka bahagi ang kanyang binti na para bang ang buong kwarto na ito ay sa kanya.

    “Bakit nagtatanong ka? I’m not that kind of girl,” sabi ko.
    “Tsss.” Hinawakan niya ang relo sa kanyang pulso at hinubad ito. “Masisiyahan ka siguro kung hinatid ka ni Warren dito.” Nilapag niya ang kanyang relo sa maliit na mesa sa tabi ng aking kama.
    “What do you mean by that, Noah?” nagbabanta kong tanong.

    Humalukipkip ako sa harap niya.

    “And why are you even here? May room ka naman sa taas.” sabi ko.
    “Coreen is sleeping in that room,” aniya at hinawakan ang kanyang sapatos para hubarin iyon.
    “So? That’s you’re room. Sa inyong dalawa. You can sleep there too. What’s the problem?” Nakapamaywang na ako.
    Matalim niya akong sinulyapan bago niya tinanggal ang kanyang top siders. “I respect her.”
    Tumango ako at umigting ang bagang. “Means? You don’t respect me. You’d rather be here?”
    “Tsss. Ikaw ang nag sabi niyan. Stop assuming, Meg. I’m sleeping here,” aniya at tinanggal ang kabilang sapatos.

    Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Wow! Noah Elizalde! I don’t get this man!

    “You sleep in the couch.” Utos ko.
    “Tsss.” Matalim ulit niya akong tinitigan. “Ang arte mo. Hindi ka naman conservative nong umalis ka. Ngayon bigla kang ganyan?”
    Suminghap ako at binuga. “Noah Elizalde, ikaw na nga ang makikitulog, ikaw pa ang arogante! Just sleep on that damn couch! I’m sleeping on my bed! I paid for that!”
    “I can pay it, too. Wag mo akong matakot sa pera at marami ako niyan.” Damn so cocky!
    “I already paid it! Okay? So sleep on that damn couch!” Sigaw ko.
    “Fuck, Meg, you are so noisy! Inaantok na ako.” mura niya at tumayo para maghubad ng t shirt.
    “Whoa, whoa!” Mabilis akong umatras sa biglaan niyang paghuhubad ng tshirt. I’ve seen the ripples on his chest move when he flexed it in one swift motion. Halos mapatili ako at kinailangan ko pang ibalik ang kunot ng noo sa aking mukha para lang mapanatili ang galit ko. “What the hell are you doing?”

    Kinakalas niya ngayon ang kanyang sinturon. Malakas ang kalabog ng aking puso. Napahawak ako sa aking batok dahil ramdam ko ang pag tayo ng aking mga balahibo.

    “Tsss.” Nangiti siya at may bahid itong panunukso. “Kung maka sigaw ka ay parang may mangyayari sa atin. Relax.”
    “How can I actually relax! You’re stripping!” Sigaw ko nang natanggal ang kanyang sinturon at binaba na ang kanyang zipper.
    “I told you I’m sleeping here. Isn’t that enough information? Tss?” Nakangisi siyang umiling at agad na binaba ang kanyang pants.
    “Oh my God?” Patanong ang sigaw ko at agad kong tinakpan ang mata ko.

    He’s wearing checkered boxers. Natagalan siya sa pagtanggal ng maong. Lahat ng init ay nasa mukha ko na at hindi ko alam kung anong mura pa ang maitatawag ko sa kanya. Tumalikod na ako, hindi ko kayang tingnan siyang ganon lang ang suot.

    Nang may tumama sa ulo kong shorts ay mabilis ko itong kinuha. Lumaki ang mga mata ko nang nakitang ang boxers niya iyon.

    “Oh my fucking! You are naked, Noah Reigan Elizalde?” Sigaw ko at narinig ko ang pagbagsak ng kanyang katawan sa aking kama.
    “I sleep naked, Maria Georgianne Marfori. If that answers your damn annoying questions.”

  • Kabanata 24Open or Close

    Kabanata 24
    I’m Sure

    Natahimik ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nasa kama ko siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang tanging nagagawa ko lang ay ang maingay na pag tikhim.

    “Just sleep, Meg. Good night,” napapaos ang boses ni Noah nang sabihin niya ito.

    Pumikit ako ng mariin at dahan dahang lumapit sa couch. I guess I’ll be sleeping here for tonight.

    Hindi ako nangahas na lingunin siya. Pinikit ko na lang ang mata ko at ginawa kong unan ang maliit na throw pillow sa sofa. Pinagkasya ko ang sarili ko doon at sinubukang matulog. Nong una ay hindi pa ako makatulog sa kakaisip sa presensya ni Noah sa aking kwarto. And he’s naked! Sa nakita kong katawan kanina ay naiisip kong may Greek god na natutulog sa aking kwarto. Nangingiti ako pagkatulog sa gabing iyon. Nevermind the pain. Nevermind all the hurt. Nevermind that he’s inlove with someone else.

    Kinaumagahan ay halos napatalon ako sa pagkakagising. Naramdaman ko ang kumot sa aking katawan. Nilagay ba ito ni Noah habang natutulog ako? Nilingon ko ang kama at wala nang Noah doon.

    Tanaw ko ang sikat ng araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. Kinusot ko ang mata ko at tinitigan ang kama kung saan natulog si Noah kagabi. Luminga ako para sa kanyang damit na kagabi ay nakakalat pa, wala na roon.

    Kinagat ko ang labi ko at natulala na lang sa kama. I missed him.

    Ilang sandali pa bago ako tumayo sa pagkakatulala at nagligpit ng gamit. Pagkatapos niyang matulog sa kama ko ay babalik siya sa kay Coreen. Lumunok ako habang kinukusot ang aking mata. I need to stop thinking and start packing. Huling araw namin ‘to nina Everlyse at Carlos bago bumalik ng Maynila.

    Pagkatapos kong mag impake ay naligo ako at nagbihis para hanapin na sina Everlyse at Carlos na naroon daw sa restaurant. Bumaba na ako, bahagyang tumigil sa pangalawang palapag at nagbabakasakaling makita o madatnan si Noah, pero wala. Pagkababa ko ng hall ay nakita ko ang iilang guests sa kasal na ginanap kahapon na paalis na doon.

    Pinasadahan ko ng tingin ang guests. Or maybe, Noah went home with Coreen already?

    Dumiretso ako sa restaurant at natanaw ko na si Everlyse at Carlos na parehong kumaway sa akin at tinuro ang mga pagkain sa harap. Marami silang inorder. Maybe because it’s our last day here.

    “Meg!” Tawag ni Warren at Joey na naroon pala sa kabilang table at nagkakape.
    “Oh, ba’t nandito kayo? Don na kayo sa table namin,” anyaya ko.
    “Paalis na rin naman kami,” sabi ni Joey. “Maaga ang alis namin, e.”
    Tumango ako at nakita ang bagaheng nasa gilid nila.
    “How was your sleep?” Ngiti ni Warren sa akin.
    “Oh…” Natigilan ako. “Fine.”

    May kung anong tiningnan si Joey sa kanyang cellphone bago bumaling sa akin at kay Warren.

    “Pre, we need to go. Nagtext na si Liam,” ani Joey.
    “Oh?” Ngumiti pa ng isang beses si Warren sa akin bago tumayo. Tumayo na rin si Joey.
    “We need to go, Meg.” Nilingon ni Joey si Carlos at Everlyse tsaka sinenyasan na aalis na sila. Kumaway naman ang dalawa bilang pagpapaalam.
    “Paki sabi kay Lyse na visit din kayo madalas sa gigs. Isama niyo sina Wella.” Baling ni Joey sa akin.
    “Okay, promise.” Ngiti ko.
    “Thanks for the company, Meg.” Ngiti ni Warren sa akin at mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

    Mabilis iyon pero tamang panahon lang para makita ko si Noah kasama si Liam sa may bukana ng restaurant na parehong nakatayo at bihis na bihis na. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang kanyang madilim na tingin sa akin.

    “Ayon pala sina Noah at Liam.” Sabay turo ko sa dalawa para kay Warren at Joey.
    “Oo nga. Alis na kami, Meg.” Ngiti ni Joey sa akin bago nila ako tinalikuran.

    Umirap si Noah at mabilis na kumawala sa aking titig. Nagsusuplado na naman. What was that for? Are you jealous? Kagabi ko pa namamalayan iyan. But it’s impossible, he’s in love with Coreen.

    Nang nawala ang apat ay dumiretso na ako sa lamesa nina Carlos at Everlyse. Pareho silang ngiting-aso na nakatingin sa akin.

    “Stop it, you two.” Sabi ko sabay kuha sa fries na nakalatag sa isa sa mga plato.
    “What happened last night? Nag kaayos na ba kayong dalawa?” Ngiti ni Everlyse.
    “Nagkaayos? Maayos kami ni Noah, Lyse. Maayos na maayos. Mahal niya si Coreen at tanggap ko iyon. Let’s respect his feelings.” Iling ko.
    “That’s not what I saw yesterday. Nagseselos siya sa inyo ni Warren at mabilis siyang mairita.”
    “Iritado siya sa akin. He’s annoyed, that’s why.” Giit ko.
    “Hindi siya maiirita kung wala siyang feelings. Kung galit man siya dahil sa nangyari sa inyo noon, Meg, ay ibig sabihin lang non, hindi parin siya nakakarecover hanggang ngayon.” Tumango tango pa si Everlyse na sinabayan ng kanyang boyfriend.
    Natulala ako saglit bago pinilig ang ulo, “Stop it. Wag niyo akong paasahin sa wala.”
    “Hindi kita pinapaasa, Meg-“
    “You know Noah’s been like that, Lyse. Nong high school pa lang ay seloso na siya kahit na wala naman talaga siyang feelings sa akin.”
    “Exactly, Meg!” May kung anong kislap sa mata ni Everlyse.

    Humilig pa siya ng husto sa mesa para marinig ko ang lahat ng kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung gusto niya bang makalimutan ko si Noah o gusto niyang hindi. Parang kailanlang nong pinapa iwas niya ako doon at ngayon naman ay parang suportado niya pa ako.

    “Hindi siya nagbago. Nakuha mo siya noon sa diskarte, makukuha mo siya ulit ngayon sa diskarte.” Ngiti niya.
    Nanliit ang mga mata ko. I feel bad for even thinking about it. “Stop it, Lyse.”
    “I guess Everlyse is right, Meg. It’s not bad to try again. To make your wrong decisions right. To try to make it work for one last time.” Seryosong sinabi ni Carlos na inaprobahan naman ni Everlyse.

    Pinilig ko ang ulo ko para mawala ko iyong pag iisip tungkol doon. This is a bad idea, I’m sure of that. I’m very sure of that. Masasaktan lang ako ng husto, kung hindi pa man ako nasasaktan ngayon.

    Pero nang umakyat ako pabalik sa kwarto para kunin ang mga bagahe namin ay nagulat ako sa nakita kong note at pagkaing pang dalawahan. May hot chocolate at coffee pang nakalapag. Hinawakan ko ang mga tasa nito at naramdaman kong lumamig na dahil kanina pa yata ito narito. Ang dalawang puting platong may bacon, omelet, cheese, ham, at toasted bread ay malamig na rin. Sa maliit na note ay may nakalagay na nagpalaglag sa panga ko.

    ‘I’m sorry for making you sleep on the couch. I told you you can sleep beside me.
    -N. Elizalde’

    Nanlamig ang katawan ko. Umalis siya kanina para kumuha ng pagkain. Hinatid niya ba ito rito nong umalis na ako? Napaupo ako sa kama at maraming ideya ang pumasok sa isip ko.

    Nagpunta si Noah dito para ibigay ito sa akin. Pang dalawahan. He’s expecting us to eat breakfast together but I wasn’t there to eat it with him. Iniwan niya at nag iwas siya ng note. And we saw each other at the restaurant. Mukha na naman siyang galit sa aking doon. Malayong malayo sa nagsulat ng note na ito na puno ng concern.

    May kumatok sa aking kwarto at kahit hindi ko pa sinasagot ay bumukas agad ito. Kumalabog ang puso ko at napawi din agad ito nang nakitang si Everlyse at Carlos lang pala. Of course, Meg, are you stupid? Umalis na sina Noah.

    “Let’s go?” Anyaya ni Everlyse sa akin na napatingin sa papel na hawak hawak ko.
    “Ano yan?” Hinablot niya na walang pasubali ang papel. Inilipat niya ang tingin niya doon sa pagkaing nasa harap namin bago bumaling ulit sa akin. “Ohhh. The good old days. Freaking notes.” aniya.

    Tinaas ko ang hawakan ng stroller at magyayaya na sana akong umalis na rin nang biglang tumili si Everlyse.

    “Ikaw ‘yong dinalhan niya nitong pagkain? Kanina pumunta siyang restaurant para mag order ng pagkain, binalewala ko kasi akala ko para kay Coreen. Ikaw pala? Meg-“
    “Stop it, Lyse.” Sabi ko sabay higit sa aking stroller.
    “You can’t ignore this.” Aniya, sinusundan ako palabas.
    Tumikhim ako at tumango. I couldn’t alright. Gusto kong panindigan ang pag iwan ko sa kanya ngunit hindi ko magawa. Lalo na ngayong nararamdaman kong kahit kaonti ay may nararamdaman pa siya sa akin. Kahit gaano kakonti iyan ay kaya kong sumugal. Nagawa kong sumugal noon kahit alam kong wala siyang nararamdaman sa akin, ngayon pa kaya?

    Iyon ang naging pangaral sa akin ni Lyse buong byahe pabalik sa Maynila. At ang tanging inatupag ko naman sa buong byahe, bukod sa pakikinig sa kanya ay ang pagtitext sa mga kaibigan kong parte noon ng fansclub nina Noah.

    Ako:
    Wella, may mga gig sina Noah. Free ka ba? Puntahan natin. Just like the old times?

    Tumunog ang cellphone ko ilang sandali ang nakalipas. Nakita kong si Wella ang tumatawag. Sinagot ko kaagad ito.

    “Hi, Well! Kamusta?” Sabay tingin ko sa labas ng sasakyan.
    “I’m super fine, ikaw?” Natatawa niyang sinabi.
    “I’m good. So… ano?” Kinagat ko ang labi ko. “I know si Stan ang gusto mong mapanood sa Zeus, but…”
    “Ano ka ba? I like Liam also! Magaling siya like Stan! At naging kaibigan ko na rin naman sina Warren, Joey, at Noah kaya ayos lang ‘yan. Iyan din kasi ang pinag uusapan namin ni Althea nong isang araw. Alam niya kasing nakabalik ka na. Ano? Do you have their schedule?”
    Ngumiti ako at kakaibang kalabog sa dibdib ang nararamdaman ko. “Yes.”

    Kaya sa sumunod na mga araw, bukod sa paghahanda ko sa training o internship na inooffer ni Rozen sa akin ay abala din ako sa paghahagilap sa mga dating miyembro ng fansclub. At dahil si Wella ang magaling sa paghahagilap ng ibang miyembro ay nagtulungan kaming dalawa.

    Ang unang gig na pupuntahan namin para sa Zeus ay siya rin ang unang beses na magkikita kita ulit kaming lahat. Marami ang nagbago. Ang dating gusgusin pang mga high school girls ay sexy at hot na college o di kaya ay working girls na ngayon.

    “I missed you, Meg!” Sabay yakap ni Wella sa akin nang nagkita kita na kaming lahat.

    Nandoon din sina Thea at iba pang mga kaibigan namin na hanggang ngayon ay hinahangaan ang Zeus. Kahit nong college daw sila ay sinuportahan nila ang mga ito. Tsaka lang sila nagkawatak watak nang nagkaroon ng problema ang banda sa pag alis ng pangalawang bokalista nito pero ngayong maayos na ulit ay andito ulit sila para suportahan ang banda.

    “May tarp ako.” Nangingiti kong sinabi.
    “Wow!” Kantyaw ang inabot ko galing sa kanila.
    “Kahit kailan ka talaga, Meg.” Ngiti ni Wella. “Para kay Noah ba ‘yan?”
    Tumango kaagad ako at ipinakita sa kanila ang tarp na may nakalagay, ‘I still love you, Noah Elizalde’. Napasinghap silang lahat sa nakasulat roon. Sumeryoso naman ang mukha ni Wella nang tiningnan niya ako. “Sila ni Coreen.”
    Umiling ako. “Hindi.”
    Ngumuso siya. “Iyon ang alam ko.”
    Nagkatinginan sila ni Thea. Umiling ako. “Hindi sila.” giit ko at nilingon ang entabladong may isang banda pang tumutugtog.

    Sa oras na aakyat ang Zeus sa entabladong iyan ay aakyat din ako sa mesa namin para ipakita itong tarpaulin kay Noah. Iyon ang naging plano ko sa isip ko. Kung saan ko nahugot ang lakas ng loob at kapal ng mukha para rito?

    “Isa pa nga?” Sabi ko sa waiter na kanina pa ako hinahatiran ng vodka at tequila ng pasalit salit.

    Umiikot na ng husto ang paningin ko but I needed all the strength I can get. Nakakahiyang aminin na sa alak ko na kinukuha ang lakas ng loob ko ngayon.

    “Guys! Let’s support Megan! Next time, pa tarp din tayo! Malay natin makuha ng isang sikat na recording company ‘yong Zeus?” Ani Thea sabay tingin sa akin.
    “Oh Moon Records will give them an offer. I’m sure of that.” Sabi ko pagkatapos nilagok ang pang walong shot na nainom ko sa gabing iyon.

    Maingay ang mga tao sa pagsabay sa tugtog ng naunang banda. Nag he headbang at sumasayaw pa sila sa tunog na iyon. Nang matapos at nagsabog ng confetti ang stage ay alam ko na kaagad na sina Noah na ang susunod. Pagkaapak pa lang nila sa stage ay halos itabi ko lahat ng bote at shot glass sa aming table para lang makaakyat din ako doon.

    Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok bago nilatag sa aking harap at tinaas sa ere ang tarpaulin na pinagawa ko.

    “GO NOAH ELIZALDE!” Sigaw ko habang nakapikit. God, I’m so drunk!

    Tumili sina Wella sa ginawa ko. Natatawa na lang ang iba.

    “Well, stop her.” May narinig akong isa sa mga babaeng kasama ko.

    Oh no, you don’t stop me. Ito pa lang ang una sa marami kong gagawin para habulin ulit si Noah Elizalde. I’m sure he’s still in love with me. I’m sure of that!

    Bago ko pa mawagayway ang tarpaulin na nasa kamay ko ay may marahas nang humablot sa aking braso kaya muntik na akong mahulog galing sa mesa. Humiyaw sina Wella sa takot at kaba sa nangyari.

    “What the fuck?” Sabi ko sa humablot at naisip na isa iyon sa mga babae pero nang nakita ko ang galit sa mga mata ni Noah na sumalubong sa akin ay pumungay ang mga mata ko. “Noah…”
    “What are you doing?” Mariin niyang tanong at hinigit pang muli ako para maibaba.

    Bumaba ako at nilagay ang tarp sa mesa para harapin si Noah na naroon at mabilis ang hininga habang nag hihintay ng eksplenasyon sa akin.

    “Pumunta ka na sa stage. Magsisimula na ang gig niy-“
    “Ba’t ka pa pumunta?” Sigaw niya.

    May narinig akong sumigaw sa audience. Luminga ako pero bago ko pa mapasadahan ng tingin ang mga tao roon ay hinila na ako ni Noah paalis doon. Naiiwan ang tingin ko kina Wella na hindi ko alam kung nalulungkot o nagpapanic sa nangyari. Dinala ako ni Noah sa backstage na may ilang mga taong labas pasok. Nang naiwan na kaming dalawa doon sa labas ng mukhang isang room kung saan nagpapahinga ang mga banda ay tinulak niya ako sa dingding at sinuntok niya ang dingding na nasa tabi ko. Napapikit ako sa kanyang ginawa.

    “Ba’t ka nandito?” Galit niyang tanong.
    Dahan dahan akong dumilat at naabutan ko ang pag igting ng panga niya. “To support you. Just like the old times.”
    “I don’t need your support-“
    Hindi ko siya pinatapos. “You got jealous, right? Kaya matalim ang titig mo sa akin bago ka umalis sa resort na iyon. Naghanda ka ng pagkain para sa ating dalawa pero naabutan mo akong kausap si Warren kaya galit ka. Galit ka na naman? Why don’t you tell me, Noah. You are damn jealous! You are still in love with me!” Sabi ko at nagulat sa sarili na nasabi ko iyon ng diretso nang hindi kumukurap.
    “Why would I be jealous?” Nagtaas siya ng kilay at malupit ang tingin niya sa akin.
    Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kanyang titig. Titig niya pa lang ay nakakapanakit na sa akin ng husto.
    “I am in love with Coreen Aquino, Megan. I’m sorry but I think you assumed too much.” Iling niya bago ako iniwan doon ng nanghihina.

    Pumikit ako ng mariin at may luhang kumawala sa aking mata.

  • Kabanata 25Open or Close

    Kabanata 25
    Half Crazy

    Iniwan ako ni Noah doon na parang nawalan ng lakas. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang bawat taong dumaraan ay napapatingin na lang sa akin.

    “Ayun siya.” Narinig ko ang mga yapak nina Wella at Thea.

    Hinawakan nila ang magkabilang braso ko. Nakatakip kasi ang aking mga kamay sa aking mga mata.

    “Meg, what happened? Tumutugtog na sina Noah,” ani Wella.

    Hindi ako nakasagot. All I want right now is to go home. No… I’m not dead yet, I’m just broken. Like a soldier injured in war, uuwi lang ako para magpagamot pero hindi pa ako natatalo.

    “You can finish it. Uuwi lang ako.” Sabi ko nang medyo kumalma na.
    “Ha? What happened? May sinabi ba si Noah sa’yo?”

    Sinubukan kong ngumiti kahit alam kong useless iyon. Kitang kita ng dalawa ang mga luha ko. Pinunasan ko iyon at muli pang ngumiti. Maasim ang mukha ni Thea habang may simpatya naman ang kay Wella.

    “Sinaktan ka ba ni Noah?” Tanong ni Thea.
    “Kasalanan ko rin naman. Uuwi na ako. I’ll text Carlos and Everlyse, nasa bar sa malapit lang sila. Magpapasundo na lang ako,” sabi ko.
    “Meg, ihahatid kita sa labas-“
    “No, Wella.” Inangat ko ang tingin ko sa kanya. “I-I am perfectly fine.” tango ko.
    Kinagat niya ang kanyang labi at kita ko parin ang simpatya sa kanyang ekspresyon.
    “Pupunta tayo sa gig ulit nila next week sa Hard Rock.” Sinabi ko para malaman niya na nandito parin ako at hindi parin ako umaalis sa grupo.
    “Okay…” Ani Wella at niyaya ko na silang lumabas doon.

    Pagkalabas namin sa maraming tao ay dinig na dinig ko na ang boses ni Liam na umaalingawngaw sa buong restobar. Naghihiyawan ang mga tao at nagtatalunan sa kanilang kanta.

    Nilingon ko sina Wella at Thea at sinenyasan na na aalis na ako. Ngumiti si Wella at tumango. Hindi ko na inaksaya ang panahon, dumiretso na ako sa labasan at nag hanap na ng number ni Everlyse para magpasundo.

    “Akala ko ba mamaya ka pa? Anong nangyari?” May bahid na duda sa kanyang boses.
    “Just… fetch me, alright? Nandito na ako sa labas ng restobar.” Sabi ko at niyayakap na ang sarili sa lamig na naramdaman dulot ng panahon at ng mga nagsisiandarang sasakyan.

    Binaba ko ang aking cellphone at hinintay ang pag dating ng sasakyang dala ng dalawa. Habang naroon ay natutulala ako sa nangyari. Masakit pala talaga na si Noah mismo ang aamin sa akin na in love nga siya kay Coreen. But if he is in love with Coreen, bakit hanggang ngayon ay hindi nagiging sila? Bakit? Maybe because Rozen’s right! Siguro ay mayroon ngang namamagitan kay Coreen at Rozen. Rozen had been my ally for years, ngayon niya pa ba ako lolokohin? At ano ang mapapala niya sa pagloloko sa akin?

    More importantly, Meg, anong mapapala mo pag nalaman mo ang katotohanan na mayroon ngang relasyon ang dalawa? It doesn’t change the fact that Noah is really in love with Coreen.

    “Do you think it’s just his pride?” Everlyse mumbled.

    Nakapikit na ako sa back seat at naghihintay na lang na makauwi sa bahay. Sinabi ko kay Everlyse ang nangyari dahil hindi niya ako patatahimikin sa mga tanong niya. At ngayong tapos ko nang naidetalye sa kanya ay silang dalawa naman ni Carlos ang nag uusap.

    “I think it is his pride. I don’t know. Or he’s probably in love with another girl,” sabi ni Carlos.
    “Pinaasa niya si Megan. Sino ang baliw na gagawa non sa resort kung wala na siyang feelings-“
    “You know, Lyse. Before you got me, I like playing around with girls. Hindi ko sinasadya but I flirt and girls would hope.”

    Kinagat ko ang labi ko. Natahimik si Everlyse. Hindi ko alam kung magandang senyales ba ‘yong katahimikan niya o hindi. Dumilat ako at nagkusot ng mga mata. Nilingon ako ni Everlyse at nadatnan niya ang pag dilat ko. Ang pulang lipstick niya ay mas lalong nag highlight sa kanyang pag nguso.

    “It’s my fault,” sabi ko. “I left him. I deserve the pain.”
    Suminghap si Everlyse at positibo ako sisigawan niya ako. “For God’s sake, Meg! Pinapako sa krus ang nagpapakamartyr!”
    “Noah’s in love with Coreen. Coreen is probably in love with Rozen. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa nagiging sila ni Noah.”
    “I want you to pursue Noah, pero ayaw kong maging martyr ka.”
    “Imposibleng habulin si Noah nang hindi nagpapakamartyr.” Iling ko.

    Nagkatitigan kami ni Everlyse. And that ended our conversation. It hurt like hell but it didn’t kill me. Iyon ang alam ko sa sarili ko. May kung anong nag alab sa aking sistema sa gabing iyon. Noah will fall right into me, that’s for sure. He’s going back to me. Iyong pagmamahal niyang dati ay akin ay makukuha ko ulit. I am only wounded, not dead.

    Sa gabing iyon ay natulala na lang ako sa kwarto, nakatitig sa kawalan at iniisip ang masasakit na salita ni Noah sa akin. He fell for Coreen. At pinaligo ko yata ang lahat ng pagsisising alam ko noon pa na mangyayari ngayon. I didn’t want to be selfish so I set him free.

    Tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa aking email address ang iilang documentong nisend ni Rozen. He’s online. He’s probably working or what.

    Tiningnan ko lahat ng dokumento at napagtantong marami akong fi-fill up-an at marami akong hahagilapin na dokumento. Bukas ko na lang ito tatapusin. I want to rest for now.

    Naging abala ako sa pag aayos ng mga dokumento sa sumunod na linggo. Sa sala ako namamalagi para ilatag ‘yong mga papeles na kakailanganin.

    Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag na ‘yong pinapagawan ko ng t-shirt nong isang araw.

    “Hello?” Sabi ko sabay lagay ng lapis sa aking tainga.

    Nakita kong umupo si Everlyse sa harap ko at binuksan ang TV. Sinenyasan niya ang kakagising lang na si Carlos na kumuha ng pagkain sa kitchen.

    “Nagka problema po kasi don sa pinapaprint niyo, kulang po ‘yong bayad kasi naka emboss po pala ‘yong ilalagay sa likod?” Sabi ng nasa kabilang linya.
    “Ay opo. Magkano ang kulang? Ibibigay ko sa inyo pagkakuha ko. Kailan ba makukuha? Embossed yong nasa likod ah tapos kulay gold lahat.”

    Nagpaprint ako ng t shirt. Nilibre ko na sina Wella at ang buong grupo na pupunta sa gig nina Noah ngayong Biyernes. Gusto nga nilang magbayad pero iyon na ang sinabi kong kabayaran sa kawalan ko man lang ng pasalubong sa kanila. Si Wella na rin daw ang bahala sa susunod na tarpaulin.

    “350 po lahat lahat ‘yong kulang.” Sabi ng mamang nasa kabilang linya.
    “Okay po. Kailan makukuha?”
    “Bukas,” aniya at napatango ako.
    “Sige, kukunin ko bukas lahat.”
    “Sige, bye…”

    At binaba ko na ang cellphone ko. Nag stretch ako pagkatapos ay nilapag ang cellphone ko sa mesa. Umupo na si Carlos na may dalang isang bowl ng pop corn, umiiling si Everlyse sa akin.

    “Effort para kay Noah. Sige, Meg, push mo ‘yan!”
    Ngumuso ako at tumingin sa flatscreen. I should contact the club again at i check kung kamusta na ‘yong mga pinapagawa nila. We are not as active and they are not as willing anymore but at least ngayon ay medyo unti unti na naming naibabalik iyon. May mga buhay na kaming pinagkakaabalahan, iba-iba. Pero siguro na rin dahil sa pagmamahal sa Zeus at sa pagmamahal sa club ay nagagawa namin ‘to hanggang ngayon.

    Magaling parin na lider si Wella, nagagawa niya paring iorganisa ang bawat miyembro sa maliit na club naming kami kami na lang ng mga original members ang nangangatawan.

    “Ang ganda ng print.” Sabi ni Aubrey nang sinuot ang kulay itim na t shirt at may kulay gold na print.

    May nakalagay na Zeus at thunderbolt sa harap at sa likod naman ay God of Gods. Tuwang tuwa sila sa print na nag papaalala sa amin noong high school pa kami.

    “It brings back a lot of memories.” Sabi ni Wella.

    Ako naman ay tinitingnan ang tarp na may mukha ng apat na miyembro ng Zeus kasama syempre ang bagong vocalist. Alam kong isa sa dahilan kung bakit medyo bumaba ang numero namin ay dahil sa pagbabago bago ng bokalista. Everyone wants the the original, the first. Lahat naman siguro ay ganon. We all fear change and we want to stay the same all the time. Pero gaya ng panahon at pagkakataon, lahat ay nagbabago.

    “Suotin na natin!” Anyaya ni Thea nang nakitang dumidilim na, hudyat na malapit ng magsimula ang gig na pangungunahan ng mga hindi gaanong sikat na banda.

    Sa pagtugtog ng mga nauna ay naroon na kami. Sinamantala namin iyon para makakain doon sa bar. Nag chikahan na rin kami kahit na maingay dahil sa tumutugtog. Alam naming lahat na alas onse pa ang tugtog nina Noah ngunit hindi namin inalintana ang paghihintay. We all probably treasure the friendship we all have. Dahil sa Zeus ay nabuo kami.

    “Paano yung gig nila next month. Have you seen their schedule?” Tanong ni Thea.
    Nagtaas ako ng kilay. “Sa Batangas iyon, e. Beach resort. Who’s up for it?” Nagtaas ng kamay si Wella na agad na tumingin sa akin dahil alam niyang pupunta ako.”
    “Of course, I’m in.” Sabi ko.
    “Ako rin.” Sabi ni Mara.
    “I don’t think next month iyon? Hindi ba iyon sa January? Tingnan niyo ulit! Pero kahit kailan pa iyan, mag da-day off ako at sasama.”

    Nagtawanan kami at hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay avid fan parin ang mga ito.

    “Sayang lang talaga, no? Sana si Stan parin. I’m not against Liam, pero mas maganda parin talaga ‘yong original,” sambit ni Wella sabay tingin sa akin.
    Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko gayong wala naman talaga akong alam sa plano ni Stan o kung gusto ba nitong bumalik sa banda.

    Tinawanan lang namin ang oras na lumipas. Ni hindi namin namalayan na kina Noah na pala kung hindi namin narinig si Liam na nag hello sa audience.

    Sa sobrang excited ng lahat ay napahiyaw na kami kahit sa simpleng hello lang nito.

    “Hi, girls!” Kindat ni Liam.
    “Oh my God!” Tili ni Mara na parang kani kanina lang ay isa rin sa nanghinayang kay Stan.

    Liam’s equally handsome. Medyo magulo ang buhok, maputi, matangkad, perpekto ang anggulo ng panga, may dimple, at may malalim na mata. He kind of reminds me of Wade, their ex vocalist na sikat na sikat na ngayon bilang bokalista sa kabilang banda.

    “We’re the last for tonight. Hope we can all kiss you good night.” Malamig at halos bulong ang kanyang boses.
    “Ay gusto ko ‘yan!” Tili ni Aubrey na pumapalakpak na.

    Pumalakpak din ako at hinanap si Noah na kakaakyat lang sa stage. Inaayos niya ang kanyang gitara at ganon parin ang supladong mukha. Ang suot niya ay kulay grey na t shirt, black pants, at may malaking tsek sa kanyang itim ring sneakers. Sa kanyang palapulsuhan ay may itim na relo at may iilan pang itim na bracelet na agaw pansin tuwing iniipit niya ang string ng gitara at inaayos ang tono nito.

    May sinabi sa kanya si Warren at agad umangat ang labi sa isang tipid at mala demonyong ngisi. Oh damn… Tumawa si Joey at bahagyang tinulak ang braso ni Noah, hindi ko malaman kung bilang kantyaw o dahil lang sa tuwa. What I’d give to know what’s making him smile.

    Kinagat kagat niya ang kanyang labi parang nilalaro ito bago nakipag high five kay Warren at sumenyas ng ‘okay’ kay Liam.

    Unang tinugtog nila ay isang kantang nagpatulala sa akin. Narinig ko pang si Noah ang nag pasimuna nito dahil tinanong siya ni Liam kung iyon daw ba ang unang tutugtugin. Siya rin ang unang tumugtog bago si Joey at Warren.

    “Nitong umaga lang,
    Pagkalambing-lambing
    Ng iyong mga matang
    Hayop kung tumingin.
    Nitong umaga lang,
    Pagkagaling-galing
    Ng iyong sumpang
    Walang aawat sa atin…”

    Habang humihiyaw silang lahat sa kanta ay natutulala naman ako sa kay Noah habang tinutugtog ang bawat nota para sa kantang iyon.

    “O kay bilis namang Maglaho ng
    Pag-ibig mo sinta,
    Daig mo pa ang isang kisapmata.
    Kanina’y naryan lang o ba’t
    Bigla namang nawala.
    Daig mo pa ang isang kisapmata…”

    Tulala ako buong trenta minutos na nasa entablado sila. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang pagkakatulala ko. Nakapirmi naman ang ngiti ko at sandali ay napapatingin sa mga nasa gilid kong halos magsayawan na nang naging maingay ang tugtog nina Noah.

    “Thank you very much for listening.” Ngiti ni Liam pagkatapos mag standing ovation ang mga kasama ko sa mesa.

    Parang ngayon lang ako natauhan. Nakita kong sumulyap si Noah sa akin bago naunang bumaba sa stage. Nakipag high five siya doon sa iilang lalaking kaibigan nila yatang malapit sa stage. Sumunod si Joey na ganon rin ang ginawa.

    Tumayo ako at huminga ng malalim pagkatapos sabihin ni Liam ang huling mensahe niya sa gabing iyon. Nilingon ko ang kinausap kong manager kanina. Nasa bar siya at agad lang akong tinanguan.

    “Meg?” Tawag ni Wella nang nakitang naglalakad na ako patungong stage.

    Hindi ko na siya nilingon pero nang nakita ako ng iba ay napahiyaw na sila na parang alam na nila ang gagawin ko. Hindi ko alam pero abot abot ang tahip ng aking dibdib. Ilang beses na akong nag perform noon sa harap ng maraming tao. Most of my performance were for my parents. Most of them were also too formal for this crowd’s taste. So for tonight, tutugtog ako tulad ng musika na ginagawa nina Noah.

    Pagkarating ko sa entablado ay narinig ko na ang pangalan kong hinihiyaw ni Warren at Joey sa baba. Humiyaw na rin sina Wella doon sa mesa namin.

    Pinindot ko ang unang nota sa keyboard na naroon sa gilid, hindi nagamit dahil walang ganon sa banda nina Noah.

    Sa pangalawang pindot ko sa keyboard ay tinuluytuloy ko na. Bumuga ako ng malalim na hininga bago tinugtog ang buong kanta.

    “Know I haven’t slept a week at all
    Since you’ve been gone
    And my eyes are kinda tired
    From crying all night long
    Know I’ve never been too good at cooking just for one
    It’s so lonely here without you baby
    Come back home…”

    Inangat ko ang tingin ko at sa gitna ng maramig kantyaw at humihiyaw na kakilala ay sa mata lang ako ni Noah pumirmi. Ang kanyang kamay ay nasa kanyang labi, tinatabunan niyon. Gumagalaw ito na para bang may pinaglalaruan.

    “‘Cause I’m half crazy
    Feelin’ sorry for myself
    Half crazy
    Worried you’d find someone else to love…”

    Nilingon niya si Joey at may sinabi rito bago tumayo at umalis.

    Tumigil ako sa pag pindot sa keyboard at sinundan ko ng tingin si Noah hanggang sa nawala siya.

  • Kabanata 26Open or Close

    Kabanata 26
    Offer

    Hindi ko na naabutan si Noah sa labas ng restobar o kahit saan doon. Bigo ulit ako at nakita ko ang simpatya sa mukha ni Joey at Warren pagkabalik ko sa bar.

    “Baka may ano…” Naghanap pa ng idadahilan si Joey para lang maging maayos ang loob ko. “May kinuha sa sasakyan.”

    Kahit na batid kong pampalubag loob lang iyon ay nagawa ko paring umasa. Naghintay kami ng tatlumpong minuto pa bago unti unting nagpasya ang grupo na umuwi na dahil lumalalim na rin ang gabi.

    “Meg…” Malaki ang ngisi ni Warren sa akin.
    “Hmmm?” Halos hindi ko na alam kung ngingiti ba ako o matutulala.
    “Ihatid na kita?” Aniya nang lumapit na sa table namin. Tinapik niya pa ang aking balikat na para bang pinipilit na talaga akong umuwi.
    Umiling ako, “Hindi, ayos lang. Pupuntahan ako nina Carlos at Everlyse.”
    Kumunot ang kanyang noo. “Come on. Wag mo nang abalahin ‘yong dalawang ‘yon. Let me do it for them.”
    Tumingala ako sa nag aabang na si Warren sa aking gilid at umiling muli. “Okay lang ako, Warren.”
    Tumayo siya ng maayos at humalukipkip. “Kung si Noah ba ako at yayayain kitang umalis na ngayon, ihahatid ka, sasama ka ba?”
    Nagulat ako sa tanong niya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang kumalap ng salitang hindi ko mahanap.
    “Oo, diba? Nasa nag yayaya ‘yon? Hindi mo ba naisip na maaaring kaya hindi mo makalimutan si Noah dahil hindi mo naman binibigyan ng pagkakataon ang ibang tao?-” Natigil ang kanyang pagsasalita nang narinig ko ang pamilyar na boses ni Everlyse sa malayong dako ng restobar.

    “Asan si Megan?” dinig kong tanong ng pinsan ko.
    Nilingon ko kaagad siya at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kanina pa nag sialisan ang iba naming kasama. Apat na lang kaming natitira sa table na iyon at kahit si Thea ay umalis na. Tumayo na rin si Wella pagkatayo ko.

    Nagtama ang tingin namin ni Everlyse. Suminghap si Warren at agad ko siyang nilingon. Nagkatinginan kaming dalawa.

    “Ano, Meg?” Medyo natatawa pa ang bungad ni Everlyse sa akin. “Kamusta?”
    Hindi ko muna siya binalingan. Ngumuso ako kay Warren at nakisimpatya sa lungkot niya. “I’m sorry, Warren. Ayaw ko lang na abalahin ka. Tsaka, alam naman nina Everlyse at Carlos na kukunin nila ako ngayon kaya ayos lang iyon.”
    “Oh, anong nangyari?” Palit palit ang tingin ni Everlyse sa aming dalawa ni Warren.
    Umiling lang si Warren at tumikhim. “Meg wants to go home.”
    Nilingon ko si Everlyse.
    “That’s why we’re fetching her.” Nangunot ang kanyang noo.

    Nilingon ko si Wella na tahimik at pinapanood ang aming usapan. Nang napagtanto niyang nakatingin ako sa kanya ay tinawag niya ang dalawang natitira at nagyaya na siyang umalis.

    “Ihahatid ko si Mara,” ani Wella sa akin, may bahid na pag iingat sa mukha na para bang may problema ako kaya dapat ay wala siyang gawing hindi ka nais nais.
    Ngumiti ako para ipakita na wala lang iyong nangyari. I’ve been through worst. “O sige, ingat kayo. Aalis na rin kami nina Everlyse at Carlos.”

    Naglakad palayo si Warren sa amin. Pagkalingon ko ulit sa kanya ay papaupo na siya sa mesa nina Joey at ng iba pa nilang kaibigang naroon. Kinawayan ko sina Wella at ‘yong mga kasama niya tsaka ako bumaling sa nagtatakang si Everlyse.
    “You okay?” Tanong niya.
    “Yup. I’m fine. Nag walk out lang naman si Noah.” Sabi ko at nagkibit balikat.
    “Wow! Nag walk out lang naman. Oo nga pala, may mas masakit pa siyang nagawa diyan.” Sinundan niya ako at pinaulanan ulit ng mga salita. “Grabe pa ‘yong practice mo sa kantang iyon. Tinapos ba niya?”
    “Kalahati lang.” Sabi ko at dire diretso ang lakad paalis ng bar.
    “Wow! Kalahati! Akala ko pagkaakyat mo pa lang ay umalis na siya.” Natatawa niyang sinabi. “At least he heard the first stanzas and how you are so half crazy-“
    “Umalis pa rin siya. I need to do something better. Something that will remind him.” Nilingon ko si Everlyse at nakita kong pinatunog ni Carlos ang sasakyang nasa gilid ko.
    “Lumalaki na ang sayad mo.” Ngisi ni Everlyse. “Pero sige, pagbibigyan kita. Ano ba ‘yong nagawa mo pa sa kanya noon?”
    “Oh please, Lyse, not the panty.” Agad kong sinabi nang nag taas ng kilay si Everlyse at binaba ang tingin sa akin.
    “You just have to find a gig na nasa beach, Meg. Of course hindi ka magpapanty, mag bibikini ka. There’s a difference. And it will all blend in pag sa beach ‘yong gig. Pero pag wala naman ay pwedeng t shirt na lang with the same dirty statement.”
    Ngumuso ako at nag isip. Beach.

    Kalahati ng panahon ay nag iisip ako kung paano ko tatapusin ang mga dokumentong pinapagawa ni Rozen sa akin at kalahati naman ay kung anong magandang pakulo sa susunod na gig nina Noah.

    Hinampas ko ang mesa sa harap ni Rozen Elizalde pagkatapos niyang inilapag ang kapeng iniinom. Halos mapatalon siya sa ginawa ko at napamura siya nang muntik nang masabuyan nong kape ang mga dokumento sa tabi nito.

    “Wow! You can just emerge and greet me. Hindi iyong bigla ka na lang nanghahampas para ipaalam sa akin na nakarating ka na!” Nangingiting sinabi ni Rozen.
    “You ass! You told me Coreen’s in love with you! Dapat ay hindi ako naniwala sa’yo. You’re delusional ass is gonna burn-“
    “Oh you shut up, Meg. I’m here for the docs. I’m not here for that. I thought you’re gonna ask for help?” Nagtaas siya ng kilay at naglalaro ang panunuya sa kanyang mga mata.
    “Well, you send all of these. Isesend ko through email ‘yong iba. Ihahabol ko ‘yong portfolio. Nasa US, ipapadala lang ni Stan.” Sabi ko habang inilalahad niya ang upuang nasa harap ko.
    “Will you sit?”
    “I can’t stay. Aalis ako at pinapatawag ako ni mommy.” Sabi ko habang inaayos ang itim na shoulder bag sa aking balikat.
    “We need to talk about a few things. Ipapasok kita don sa kompanya dahil kaibigan ko ‘yong may ari. Usually it takes 6 months bago sila mag consider ng intern. But for me, or for you, it will take less than that.”
    “Oh Elizalde, you can make it weeks.” Hamon ko.
    Nagtaas siya ng kilay sa akin. Ngumisi ako sa kanya. “You really have the guts.”
    Tinapik ko ang ilang mga dokumentong nilapag ko kanina.
    “It’s true, Meg. Coreen’s in love with me.”

    Nanliit ang mata ko sa pag asang nasa mata ni Rozen. Parang pinapakita nito ang pag asang nararamdaman ko sa aking sarili. Suminghap ako at umiling bago siya tinalikuran. I didn’t need to ask him again. I know Coreen’s really in love with him. Hindi ko alam pero kilala ko si Rozen at alam kong tinutulungan niya rin ako sa parteng ito kahit na hindi naman talaga kami nagkakausap na madalas.

    Dumiretso na ako sa opisina ni mommy sa araw na iyon. Ang totoo ay hindi naman talaga ako pinatawag. Ako ang nagpatawag sa sarili ko dahil may gusto akong irecomenda sa Moon Records. At sino iyon? Kailangan pa bang itanong iyan?

    Dinudungaw lang ni mommy ang maliit na portfolio na dinala ko para sa aking konting presentation sa araw na iyon.

    “Zeus, God of Gods! Sa pangalan pa lang, my, malakas na ang dating.” Sabi ko habang naglalakad lakad sa kanyang harapan.

    Pabalik balik naman ang sway ng swivel chair habang nakatuon ang tingin niya doon sa picture ng apat na nag gu gwapuhang lalaki sa isang cut out ng news paper at ilang magazine.

    “Too westernalized. Kung sana ay Bathala ang pangalan ng-“
    “Mom! Are you kidding me? Walang dating iyon! And besides, everyone knows Zeus! I mean, Zeus the god!” Nagtaas ako ng kilay at nagkibit balikat si mommy kaya pinagpatuloy ko na.

    I cleared my throat. “Kilala sila simula pa nong high school. This was Stan’s band, mom. At alam kong masisiyahan si Stan pag-“
    “We don’t offer someone that because of our sentiments, Meg.” Nilapag ni mommy ang kanyang eye glass sa kanyang mesa.
    Tumikhim ako. I got it wrong again. “Mom, sinabi ko lang naman iyon. Talented ang mga lalaking ito. At gwapo pa. Malakas ang hatak nila sa madla-“
    “We have Going South. You know that. Four hot boys swooned by teenagers plus good music. Nakakasawa na kung ganito na naman. Wala na bang iba?” Humilig si mommy sa kanyang swivel chair.
    “Iba ‘yong genre nila sa Going South. Trust me. Have you heard them, my? Buti pa ay pakinggan mo. I have the complete playlist. Nasa CD riyan o kung gusto mo nasa iPad ko. Just try to listen.”
    “I don’t know. I’ll let Going South decide.” Kumunot ang noo ni mommy.
    “Hindi ba ikaw ang mag dedesisyon?” Tanong ko.
    “Ang Going South ang mag dedesisyon kung pareho nga ba ang genre ng dalawa. Mabuti sana kung mayron silang… unique quality. Like they have cello or the keyboards? Wala. They’re completely the same with Going South.” Iling ni mommy.

    God darn! How do I convince my own mom to buy the band? Mabuti na lang at wala si daddy dito. Siya ‘yong umalis para sa convention na inayawan ko.

    “Meg, you came here for this?” Seryosong sinabi ni mommy nang natigilan na ako, nawawalan ng alibi.
    “I came here for this pure talent.” Madrama kong sinabi at sinabayan ko pa ng tango.

    May kumatok sa opisina ni mommy. May pinindot siya sa kanyang mesa at napalingon ako sa malayong kulay brown na pintuan, gumagalaw ang door handle nito.

    “Papasukin mo.” Sabi ni mommy sa munting speaker.
    “Okay po, Madame.” Sabi ng kanyang sekretarya at agad bumukas ang pintuan.

    Humakbang ako palayo sa kanyang mesa at humalukipkip sa gilid para bigyang daan ang kung sinong dumating. Isang pamilyar na petite na babae ang nakita ko kasama ang isa pang pamilyar na sexy at matangkad.

    Dalawang beses akong nilingon nong medyo petite at nanliit ang mata ko, hinahagilap sa memorya kung saan ko nga ba silang nakita. Mas dumikit ang paningin ko doon sa mas pamilyar na petite.

    “Good morning, madame!” Bati nong matangkad at sexy. “Natanggap ko ‘yong binigay na kontrata sa akin ng talent scout.”
    “What?” Halos pabasag kong nasabi.

    Napalingon ang dalawang kakapasok lang na babae sa akin. Kasing edad ko lang sila at hanggang ngayon ay hinahagilap ko kung saan ko nga ba sila nakita.

    “Ah! I’m sorry. It’s Maria Georgianne, my daughter. Ano nga iyon?” Kumunot ang noo ni mommy.
    “My, binigyan mo kaagad ng kontrata?” Napatanong ako, hindi makapaniwala na ang pagmamakaawa kong mapasok sina Noah ay hindi pinaunlakan. Ngunit ang kontrata ay basta basta niya lang na pinapadala sa isang hindi naman kilalang mga talento?
    “I… uhmmm.” Yumuko ‘yong matangkad. Nahihiyang dugtungan dahil na rin siguro sa naging bayolente kong reaksyon.

    Nakatingin iyong medyo petite sa akin kaya bumaling ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Sino ba talaga ito?

    “By the way, this is my friend Leonore Batungbakal. Pareho po ang banda naming dalawa. Minsan nag sosolo din siya, tulad ko.” Matamis ang ngiti at naaninag ko pa ang dimple nong sexy.

    Leonore Batungbakal? Sounds familiar! Is this? Rozen Elizalde’s girl?

    “Ah! I know you two. Kayo ‘yong kumakanta sa bar. I think nakilala ko na kayo.” Singit ko sabay ngiti.
    Matalim akong tinitigan ni Leonore at ang isa naman ay bahagyang sumulyap lang sa akin.
    “Megan, can you stop? Go home.” Ani mommy na binalewala ko dahul bumaling na rin naman siya sa nagsasalita.
    “I’m sorry, Divine. Pero kung nagbabakasakali kang mabibigyan din ng offer ang banda niyo ay hindi ko iyon mapapaunlakan. The offer is specifically for you.” Seryosong sinabi ni mommy.

    Tumango ako at kinunot ang noo, unti unting iniintindi ang sitwasyon.

    “Ganon po ba.” Kinagat niya ang kanyang labi.
    “Div, ayos lang.” Bulong ni Leonore sa gilid niya.
    “Your band is cool. Good music. Pero hindi unlimited ang slots ng Moon Records, we have too choose the talents wisely. Not that they are not talented enough. But we also need to consider the market. What the market wants, what they need, what’s redundant, and what’s new and probably hit to them.” Tango ni mommy.

    Mommy’s right. I should also look into this.

    “What if hindi ko po kukunin ang offer? Ayaw ko pong umalis sa banda.” Matapang na sinabi ni Divine, ‘yong matangkad at sexyng nagpapatawa.

    Sabay kaming natawa ni mommy. Umiling ako at si mommy ay nagtaas ng kilay.

    “Then I won’t chase you at all. We don’t have time for that.”

    Ngumuso ako sa seryoso at masakit na sinabi ni mommy sa talent na nasa harap niya.

    “Div, kunin mo na.” Sabi ni Leonore sabay hawak sa kamay ni Divine.

    Nagkibit balikat ako at naglakad ng dahan dahan patungo sa mesa ni mommy. Sinikop ko iyong nilatag kong portfolio nina Noah. Nahagip ng mga mata ko ang pag angat ni mommy ng tingin sa akin. Inayos ko iyong mga pictures bago ako tumalikod. Tahimik ang dalawa at para bang nag iisip pa kung ano ang magiging desisyon.

    “I have to go, mom.” Sabi ko at dire diretso na ang lakad palabas ng kanyang opisina.

  • Kabanata 27Open or Close

    Kabanata 27
    Wish I Was

    Kinuha ko sa pagawaan ‘yong t shirt na pinagawa ko. Maganda ang naging kinalabasan nito. Kulay Neon Green na may itim na print ng ‘Eat Me Noah, Please’. It brings back memories. Outdoor gig at hindi beach ‘yong susunod na gig nina Noah kaya t shirt na lang ang pinagawa ko.

    “Wow! You’ve changed! Buong akala ko ay kahit hindi outdoor gig ay kaya mong suotin ulit ‘yong panty,” ngisi ni Everlyse habang tinitingnan ‘yong t shirt.

    Sumama sila sa akin dahil sa boredom. Wala silang magawa ni Carlos sa bahay kaya imbes na mag work out o manood ng movie ay sumama ang dalawa sa pagawaan. Anila’y magpapagawa din sila ng couple shirt.

    “Nagpagawa ako. But like you said, mas maganda sana kung bikini nga iyon. Pinagawa ko online ‘yong bikini. Aantayin ko pa. But that’s not what I’m gonna wear, Lyse.” Sabi ko habang nag kikibit balikat siya na parang hindi naniniwala.

    Abala si Carlos sa pagtuturo sa gumagawa ng mga designs kung paano ‘yong couple shirt nilang dalawa.

    “Asus. So you’re still going to wear that?” Nagtaas ng kilay si Lyse sa akin.
    Nagkibit balikat na lang ako at dumungaw sa cellphone. Binasa ko ang mga mensahe ni Wella na may lamang mga detalye para sa gig ni Noah. Sinabi niya rin sa akin kung saan sila nag papractice sa mga oras na iyon pero kinailangan kong bumalik ulit sa opisina ni mommy para mag makaawang mag sama ako ng kahit isang scout niya sa nalalapit na gig ni Noah.

    Hindi pumayag si mommy dahil tingin niya ay magaling sina Noah, pumayag siya dahil nakukulitan na siya sa akin. I don’t mind. Basta ba ay kahit opportunity ay maibigay kina Noah.

    Sa gabing iyon, suot suot ko na ang neon green na t shirt nang nagkita kami nina Wella. Wala silang unipormeng t shirt ngayon, they wore their usual clothes at ang tanging pagpapakita ng suporta nila para kina Noah ay ‘yong banner na dala nila.

    “Ang ganda naman ng print ng t shirt mo.” Salubong nina Wella sa akin pagkababa ko sa sasakyan.

    Ngumiti ako at kinwento ko sa kanila kung saan ko iyon pinagawa. Nasa labas pa lang kami ng malaking bar kung saan ‘yong gig nina Noah, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ilang sandali ang nakalipas ay naagaw nino ang atensyon ni Wella habang nakikinig sa kwento ko.

    Kumunot ang noo ko at nilingon ko ang taong nasa likod ko. Nakita ko si Joey na malaki ang ngiti habang binabati ang sabay sabay na bumanggit sa pangalan niyang nasa grupo namin.

    “Good evening!” ngiti niya sa akin.
    “O, Joey?” gulat kong sinabi.

    Nakapamulsa siya at hinagod ng tingin ang mga babaeng kasama ko. Napatingin rin ako sa mga kasama kong malaki ang ngiti at nakikitaan ko ng excitement.

    “Ilan kayo, Wella?” Tanong niya sa katabi kong si Wella.
    Tiningnan ko si Wella. “Walo lang naman kami ngayon.”
    “Then let’s go. You’ll all be allowed to join us.” ngiti ni Joey.

    Nanlalaki ang mata ko nang bumaling kay Wella. Kung tama ang hinala ko ay makakapunta kami sa backstage kung saan sila nag hahanda. Hindi ko pa nasasabi ang gusto kong itanong ay kinumpleto na ni Wella sa akin ang sagot.

    “Hindi ko nasabi sa’yo pero sinubukan kong magpaalam sa kanila na sana ay kahit nasa backstage muna tayo habang naghihintay. Finale pa kasi sila.”

    Nanuyo ang lalamunan ko. I don’t know what to do and what’s the big deal? Kaya ko namang harapin kahit sino pero hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong naduduwag pag si Noah na ang pinag uusapan.

    “So… let’s go? We’re practicing.” Ani Joey na nadaanan yata ng tingin ang t shirt ko. “Whoa! Whoa! Good thing it’s a shirt now, huh?” Tawa niya.
    Tipid akong ngumiti. “It’s still kinda offensive.”
    Umiling siya habang nangingiti sa t shirt ko. “Let’s go!” Ulit niya at tinalikuran kami.

    Nagkatinginan kami nina Thea. Nakita ko pa kung paano humalakhak at na excite ang mga kasama ko.

    “Para tayong mga teenager parin sa lagay na ito.” Iling ni Aubrey habang niyuyugyog si Mara sa panggigigil.
    Nangingiti din ako sa paglalakad papasok sa bar. Sa security pa lang ay halatang may ibang espesyal na pakikitungo sa amin ang guard nang sinabi ni Joey na kasama niya kami.

    Madilim sa bar at nang tumama ang mga ilaw sa akin ay mas lalong nadepina ang kulay nitong neon. Para akong bituin sa madilim na langit. Napapatingin ang mga tao sa akin habang naglalakad kami.

    “Glow in the dark.” Halakhak ni Thea sa suot ko.
    Hindi na ako makapagsalita dahil sa abot abot na takbo ng puso ko. Bumaba kami sa isang mas maliwanag na daanan. Pababa yata ito sa backstage ng bar. Ilang pintuan ang nadaanan namin at ang bawat pinto ay may nakalagay na pangalan ng banda. Lima silang tutugtog ngayon at pang huli sina Noah kaya mahaba pa ang oras namin dito.

    “We’re here.” Ani Joey at pinag buksan kami ng pintuan.

    Umalingawngaw ang tunog ng string sa guitar ni Warren habang kumakanta si Liam ng isang medyo tahimik at malamig na kanta. Isa yata iyon sa mga bagong kanta nila. Sinuyod ko kaagad ang room na may malalaking salamin, mga instrumento nila, iilang sofa, cabinet, at isang medyo malaking mesa.

    “Upo kayo dito.” Sabi ni Joey habang minuwestra ang malaking table na may plastic na mga upuan.

    Nilingon ko ang isang sofang nasa sulok at nakita ko kung paano nag titext si Noah na nakangiti doon. Hindi niya man lang nilingon kung sino ang dumating sa kanilang backstage. Natigil si Warren at Liam para ngumiti at bumati sa amin.

    “Hi!” Ani Liam na agad pinagitnaan ni Joey.
    “Hindi pa nga pala kita pormal na naipapakilala sa kanila, Liam.” Dinugtungan iyon ni Joey ng pagpapakilala sa amin. Ang tanging nagawa ko lang ay ang pag tango at ang pag baling ulit sa kay Noah na humilig na sa sofa at tinaas ang cellphone na parang may nakakawiling message na binabasa.

    Ngumuso ako. Kaonting kirot ang namuo sa aking dibdib. Pinilig ko ang ulo ko at binaling sa kawalan para makahinga ng malalim.

    “Hi, Meg! You’re here…” Hindi nadugtungan ni Warren ‘yong kanyang sasabihin nang napatingin siya sa aking t shirt. Ngumuso siya kaya napatingin ulit ako sa aking t shirt.
    “Is it that bad?” Napatanong ako sa kanyang reaksyon.
    Hindi siya sumagot. “So… you’re here to support Noah… only?” Nagtaas siya ng kilay at napatingin sa gilid kung nasaan si Noah.
    “Of course sinusportahan ko kayo, Warren.” Sabi ko ngunit bago ko pa matapos ay nagkibit balikat na siya at umalis sa harap ko.

    Nalaglag ang panga ko sa kanyang reaksyon. Nilingon ko sina Wella na nangingiti kay Liam at Joey habang umuupo sila isa-isa sa may mesa. Imbes na sumunod ako ay kinailangan ko pa yatang puntahan si Warren na ngayon ay nasa kanyang gitara na at may inaadjust doon. Seryoso ang kanyang mukha at tingin ko ay nagtatampo ito.

    “Warren…” Tawag ko nang nakitang hindi niya ako pinapansin kahit nasa gilid niya lang ako.

    Nilingon ko ulit sina Wella. Nakita ko ang nagtatanong na ekspresyon sa kanyang mga mata dahil sa ginagawa ko. Umiling lang ako at bumaling ulit kay Warren. He’s wearing a vintage blue v neck shirt and blue jeans. Seryoso parin ang kanyang mukha habang abala sa kanyang gitara.

    “Of course I’m here for all of you. I like Zeus for your music.” Sabi ko.
    “Don’t fool yourself. You like it because of Noah.” Nagtatampo niyang sinabi.

    Napapikit ako. Inalala ko nong una kong marinig ang tugtog ng kanilang banda. It was half true, alright. I like Zeus for their music but then I liked it more because of Noah Elizalde. Hindi mo talaga maiiwasang may mas gusto ka sa apat na magkakabanda. Ganon para sa aming lahat. But then Warren’s been my friend ever since. I don’t want him to feel bad.

    “Ngayon lang naman ako nakapag suot ng ganito. It’s always been Zeus. And I’m here to support Zeus, not just Noah.” pagkasabi ko non ay nilagpasan kami ni Noah at dumiretso siya sa kanyang gitara.

    Holy fuck. Kumalabog muli ang medyo kalmante ko nang puso kanina. Nakatalikod si Noah at nakanguso sa kanyang gitara, dinidinig ang bawat string kung tama ba ang binibigay na tunog nito.

    “Warren, uy…” Sabi ko, naiinip na sa kanyang pag tatampo.

    Habang sinasabi ko iyon ay kay Noah ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang sa gilid ng aking mga mata ang nanunusok na tingin ni Warren sa akin kaya bumaling ako sa kanya. Umiling siya na parang disappointed sa akin. Kinagat ko ang labi ko.

    “I will shout for all of you.” Sabi ko na para bang makakapag palubag ito ng loob niya.
    Sarkastiko siyang ngumiti at sinuot ang kanyang gitara bago tinawag si Liam at nag yayang subukan nila ulit ‘yong kantang tinugtog nila kanina.

    “Excuse me, Meg.” Ngiti ni Liam sa akin nang dumaan siya sa harap ko.
    “Oh…” Sabi ko habang naaapakan ang iilang mga wire sa sahig.

    Nilingon ko kung nasaan sina Wella at lumapit na para maupo roon. Pinagmasdan kong abala na si Liam at Warren sa pag eensayo samantalang si Joey naman ay nasa table namin, nakikipag usap sa ilang miyembro. Nilapag ni Noah ang kanyang gitara at muling hinarap ang kanyang cellphone. Nagmartsa ulit siya patungo sa sofang inuupuan kanina at nilagay iyong phone sa tainga.

    “May isang oras pa.” Sabi ni Thea habang tinitingnan ang kanyang relo.

    Narinig ko rin na oorder ng pagkain sina Wella at doon na rin ipapahatid. Samantalang ang buong atensyon ko ay nasa kawalan ngunit ang tainga ko ay nananagap ng radar sa aking gilid.

    Who’s calling Noah? Who’s making him smile that way because of some texts? I have a hint but I want to make sure.

    “Anong sa’yo, Meg?” Tanong ni Wella sa akin.
    “Just… shake or what. Kumain na ako kanina kasama si Carlos at Everlyse.” Sabi ko nang wala sa sarili.
    “Shots?” Anyaya ni Thea sa akin.
    Umiling ako. “Nag dala ako ng sasakyan. I can’t drink.”

    Nilubayan nila ako para mag tawag ng waiter kaya nagpatuloy ako sa pananagap ng mga sinasabi ni Noah sa cellphone.

    Narinig ko ang malambing na tawa ni Noah. “What are you doing? Tapos ka na ba sa assignment mo?”

    Ngumuso ako at binaba ang tingin sa aking low cut boots. Nagkukunwari akong may tinitingnan roon pero ang totoo ay sinisikap kong mas marinig ang mga sinasabi niya.

    “Maybe I can help? What is it about?” Aniya sa isang natatawang boses.

    I look idiotic, I know. But I can’t help it. I’m curious.

    “You’re crazy, Coreen. Damn it. Kaya ka napapagalitan, e.” He chuckled again.

    Unti unti akong pumikit. It’s Coreen. May kutob na ako kanina pero kinailangan kong marinig iyon. The deep passion in his voice and the way he sounded so fond of her made me realize that he’s slipping through my fingers… Or maybe, he slipped a long time ago. Of course, he did, Meg. Bakit hindi mo makuha iyon? Ikaw ang may kagagawan non!

    “I miss you.” Dinig kong sinabi ni Noah.

    I wish it was for me. And you can blame me all you want, I will accept it. This is all on me. That’s why right now, pagbabayaran ko ang kung ano mang sakit na naidulot ko sa kanya noon. I will move and try to win him again. Because I can’t just cry and feel all the pain… If I want him back again, I will try again…

    “Wag ka na dito, maraming tao. Wala kang kasama. Mamaya may lumapit sayo tapos nasa stage ako.” Bulong ni Noah na kahit gaano ka hinahon ay narinig ko.

    He really is in love with Coreen, then? Pero kung mahal niya si Coreen, bakit ay hindi naging sila? At ang sabi ni Rozen ay siya ang mahal ni Coreen, kailan lang ba iyon? Bago lang ba iyon? Kasi bago ako umalis patungong ibang bansa ay si Noah ang gusto ni Coreen.

    Nilingon ko si Noah at nakita kong nakangiti parin siya habang nasa tainga niya ang kanyang cellphone. My heart burned. Wish I was that girl. Kahit na huwag na ako dito malapit sa kanya, kasi parang malayo rin naman.

    “Oh, Megan… Tulala ka riyan.” Puna ni Joey na nakapag patalon sa akin.

    Ngumisi ako at tinawanan nalang ang puna niya sa akin. “May iniisip lang ako.” Sabi ko at tumawa ulit.

    “Nako! Parang alam ko na kung sinong iniisip mo.” Tawa ni Joey.

    “Tumigil na muna tayo, Liam. Kakain lang ako. Ginugutom ako.” Narinig kong sinabi ni Warren.
    Napatingin ako sa kanya. Oo nga pala… Muntik ko nang makalimutang nagtatampo nga pala si Warren.
    “Dude, wag ka nang mag order, nag order na ako. We have forty five minutes left before the show.” Sabi ni Joey pagkatapos tingnan ang kanyang relong pampulso.

    Kinagat ko ang labi ko at hinintay ang pagbaling muli ni Joey sa akin. Nang bumaling siya ay napansin niya ang aking titig. Ngumisi ako at tumayo, pumunta sa kanyang tabi.

    “Joey, may favor ako.” bulong ko sa kanya.
    “Anything, Meg.” Ngiti niya.
    Ngumuso ako. “Can I have Noah’s number?”
    Tumaas ang kanyang mga kilay sa bahagyang pagkagulat sa tanong ko. “For what?”
    Hindi ako makapagsalita. Buti at hindi niya hinintay ang sagot ko.
    “Well, sure. No prob.” Ngumisi ulit siya at kinuha ang kanyang cellphone para i scan ito.

  • Kabanata 28Open or Close

    Kabanata 28
    You Lost Me

    Dumating na ang mga pagkain. Ginutom ako kaya sumabay na ako sa pagkain ng girls. Naroon din si Warren na hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin.

    “Warren, soft drinks?” sinubukan kong makipag usap sa kanya sa pamamagitan non.
    Tumango lang si Warren sa akin nang hindi tumitingin.

    Kinuha ko ‘yong canned Coke Zero at tinaas para maibigay sa kay Warren na nasa tabi lang ni Wella. Nagtatawanan ang grupo dahil sa mga biro ni Joey pero ako ay abala sa pagsusubok ng usapan kay Warren.

    “Soft drinks?” Ulit ko habang inaangat na ‘yong canned Coke.

    Napatingin siya sa canned Coke at umambang kukunin na ito nang biglang pumagitna si Noah sa amin. Inilag ko ‘yong softdrinks at hinanap ko ang sasalubong na kamay ni Warren ngunit wala akong makita kundi ang dibdib ni Noah. Nag angat ako ng tingin sa kanya na nakatitig doon sa mga pagkaing nasa mesa.

    “Oh, Noah. Eat, dude. We only have fifteen minutes.” Ngiti ni Joey.
    Tumango si Noah. “I’m not hungry. Iinom lang ako,” aniya at kinuha ang isa pang canned Coke bago tumalikod.

    Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may binulong siya sa waiter na galing sa labas. Bumaling ulit ako kay Warren at ipinakita ko sa kanya ang inaangat kong canned Coke. Umiling na lang si Warren at pinakita ang bitbit niyang sariling Coke. Meron na siya? Oh… well. Nag kibit balikat ako at nilapag ko na lang ‘yong Coke.

    Pinangalahati ko ang juice na ininom ko kanina at nilingon si Wella para sana magpasama sa CR ngunit nadatnan kong nag uusap sila ni Joey kaya hindi na ako nagtangka. Inayos ko ang bag na dala ko at tumayo na para makapag CR sa labas.

    “Bathroom.” Sabi ko kay Thea na papasubo pa lang ng kanyang kanin.
    Mabilis siyang tumango. Ngumiti ako at tumalikod sa mesa. Nadatnan kong may inihatid ‘yong waiter na isang mamahaling alak sa tray at may apat na shot gloss ang naroon. Nag salin si Noah pagkatapos iyong mailapag sa mas maliit na mesa sa gitna ng mga sofa.

    Inayos ko ang aking bag sa aking balikat at nahagip ni Noah ang titig ko ng ilang sandali bago ako naglakad at dumiretso na sa labas. Dumiretso na rin ako sa CR at hindi na masyadong nagtagal doon dahil baka magsimula na ang gig nina Noah. Ngunit pagkalabas ko sa CR ay naroon siya at nakahilig sa dingding.

    Unang nagtama ang aming mga tingin. Natigilan pa ako. Unsure of what to say or how to react. He’s here. Is he waiting for someone else? Or what?

    Bumaba ang tingin niya, dahan dahan, sa aking dibdib, sa aking damit.

    “Go home.” Aniya, nakatitig sa aking damit.
    “Manonood ako sa inyo.” Humigpit ang hawak ko sa aking bag.

    Nakapamulsa siya at ang kaninang naka hilig na likod sa dingding ay humiwalay na doon para harapin ako. He has this lazy expression. Para bang nauumay siya sa pagsasalita sa harap ko.

    “I don’t need your support.” wika niya.
    “I know,” usal ko, hindi binibitiwan ang titig sa kanya.
    “You at least have to remove that shirt.” Nag iwas siya ng tingin.

    Napatingin ako sa aking t shirt at ngayon ko lang naalala na ito nga pala ang damit ko. Ngumuso ako. What is it to him? If he is in love with Coreen, then why the hell would he care about this?

    “You want me to support you out there naked, Noah?” Nagtaas ako ng kilay.
    Bumaling ulit ang isang malamig na ekspresyon sa akin. “I know that being away turned you into someone shameless, Meg, pero hindi mo na kailangang ipakita iyon sa akin ngayon. Will you stop being so desperate-“
    Kumunot ang noo ko, “Okay, Noah. Okay… Okay? I’m here as a fan. You don’t have to think about my feelings. As if you care anyway. Just leave me alone and let me be a fan. Kung ibang tao akong patay na patay sa iyo, I bet you’d leave me alone. So why can’t you leave me alone right now?”
    Nanlaki ang mata niya na para bang may nahulaan akong punto. “That’s the point! You’re not just anybody, so will you fucking stop?” Sigaw niyang nagpapikit sa akin.

    Dumilat ako at tinitigan ko siyang mabuti. It’s the same piercing eyes that blew me away years ago. That’s the same rage and anger I saw from him. Imbes na matakot ay tinagilid ko ang aking ulo para mas makita siyang mabuti.

    “You are still in love with me.” Tumango ako.

    Nalaglag ang kanyang panga at mas lalong nag dilim ang kanyang ekspresyon. Umigting ang kanyang panga bago nagsalita.

    “Stop claiming that.” Giit niya.

    I don’t believe you, Noah.

    “You’re just angry. Really angry.” Sabi ko, binabalewala ang kanyang sinabi.
    “I was in love with you, alright! Kung iyan ang gusto mong malaman!” Humakbang siya palapit sa akin at ramdam ko ang init ng kanyang galit. It made me tremble. Hindi ko nga alam kung dahil ba iyon sa takot.
    “You’re still in love with me! Kaya ka galit! Kasi kung hindi mo na ako mahal, dapat ay magkaibigan tayo ngayon!”
    Pumikit siya ng mariin, “Stop it, Meg. You’re hurting yourself.”

    Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Namuo ang luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko ito sa pag buhos. Tumingala ako at pumikit bago nagsalita.

    “Kung mahal mo nga si Coreen. O kung minahal mo siya… bakit hindi naging kayo?” Mariin kong tanong, nag hahamon.
    “Wala kang alam. You were not there.” Matabang niyang sinabi.
    “Bakit hindi naging kayo? I was not there, right? Hindi ka mag dadalawang isip! Iniwan kita at sinaktan. Dapat ay naka move on ka na, noon pa. Dapat ay sa galit mo ay nakipag relasyon ka na sa iba.”
    “Wala kang karapatang pakealaman kung ano ang mga desisyon ko. I’m not like you who’d jump from one guy to another! You probably broke up with me because you wanted freedom! Freedom to go and pursue someone again! Coz no matter what, I’m not going to be enough! Kasi malayo tayo! Kaya pinakawalan mo ako! Dahil gusto mo ring pakawalan kita!”

    Nanlalaki ang mga mata ko sa mga sumbat niya sa akin.

    “Now I’ve moved on. At alam kong ikaw ay hindi pa nakaka move on, Megan. I’m sorry, but you’re damn too late. I’m in love with someone else.”

    Titig na titig siya sa akin na para bang gusto niyang manuot ang kanyang salita sa aking sistema. And he succedded alright, but I won’t let him know that I’m hurt. Even if I really am.

    “If you’re inlove with her, then bakit di mo siya pinaglaban? Bakit hanggang ngayon ay hindi parin kayo? Bakit di mo nilabanan ang banta ni Rozen? Bros over hoes shit, you don’t give me that shit. You tell me? Where the hell’s the Noah who will claim the girl he loves right away! She’s in love with you. Pero bakit nga ba? Bakit hindi naging kayo?”

    Mabilis ang kalabog ng aking puso. Kung laro ito ay nilahad ko na lahat ng aking alas. I have never gambled like this before.

    Nanlalaki ang kanyang mga mata. Hindi malaman kung paano ko iyon nasabi sa isang katulad niyang malupit. I know you, Noah Reigan Elizalde. I know you damn too well. And I’m pretty sure that right now, you wish I didn’t.

    “Why are you such a pussy? You were ready to kill for me. Years ago.” Mahinahon kong sinabi. “Kasi ang kilala kong Noah, ay tulad ko, kayang kaya panalunin lahat ng laro maangkin lang ang taong mahal. And you know that too… That I’m going to win every damn game for the person I love, Noah.”
    Lumamig pa lalo ang kanyang mga mata. Tumikhim lang siya at umiling na parang disappointed sa lahat ng ginawa ko. “You won’t win this time, Meg. You lost a long time ago. You lost me a long time ago.” Aniya at tinalikuran ako.

    Hinayaan ko siyang iwan ako doon. Naupo ako sa isang maliit na hagdanang malapit lang sa kinatayuan namin kanina. Narinig ko ang ingay galing sa room ng Zeus at alam kong aalis na sila patungong bar para makatugtog na. Narinig ko rin ang tanong ni Wella kung nasaan ako.

    “Baka nauna na? Imposibleng nasa CR pa ‘yon.” Sabi ni Thea.

    Pumikit ako at hinilig ko ang aking ulo sa dingding. Was that my best shot? No. I’m not yet done. I’m not yet done till I am satisfied. Ngunit sa aking panghihina ay hindi ako nakagalaw. Ilang minuto pa bago natahimik ang kwarto at napagtanto kong nakalabas na silang lahat. Maaaring nandoon na sila at nagsisimula na ang gig.

    Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa aking bag. Nakita ko ang mensahe ni Wella.

    Wella:
    Where are you? Nagsisimula na.

    Tumunog ulit ito at nakatanggap ako ng mensahe galing doon kay Miss Leanne na scout ni mommy.

    Miss Leanne:
    Nice band. Kasama ko sina Hugo. I’ll ask them to audition. Magpapaudition ang Going South sa susunod na buwan.

    Tumikhim ako at tumunganga lang doon. I need to regenerate. Nanghina ako ng husto sa pagtatalo namin ni Noah. Napatalon na lang ako nang ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko.

    “Hello?” Sagot ko.
    “Where the hell are you? Patapos na, a? Nag aalala na kami kung nasaan ka!” Medyo iritadong sinabi ni Wella.
    “Nasa paligid lang ako, Well. I’m sorry. Pupuntahan ko na kayo.” Sabi ko sa mahinang tono at binaba agad ang cellphone.

    Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri bago ako naglakad palabas sa backstage para makapunta na sa madilim na loob ng restobar.

    Maingay ang loob nito dahil sa naghihiyawang mga tao. Finale sila kaya mas maraming tao. Nagkaroon din yata sila ng ilang tagahanga dahil pansin kong hindi lang kami ang naroon at sinisigaw ang pangalan ng mga miyembro. May iilang grupo ding naroon. Luminga ako para hanapin ang kinaroroonan nina Wella. Agad ko silang nakita dahil nasa may gitna sila at naghihiyawan, nakikikanta sa kay Liam.

    “Thank you!” Sabi ni Liam.

    Habang naglalakad ako patungo sa aming table ay namataan ko kung paano lumapit si Noah at Warren sa may stereo kung saan naroon ‘yong isang bote ng hard liquior. Nagsalin si Warren sa dalawang shot glass at nilagok nilang dalawa ng sabay habang nagsasalita si Liam sa harap at nagpapaalam sa pang huling kanta nila.

    Hinubad ni Noah ang kanyang gitara. Narinig ko ang sabay sabay na pag kakabigo ng audience. Pinasadahan ko ng tingin ang halos lahat ay babaeng manonood at nakita ko kung paano nila tiningnan ang pagbaba ni Noah sa stage. Is this their finale? ‘Yong kanta ni Liam na si Warren lang ang tumutugtog. Bitbit ni Joey ang bote ng Jim Beam na nasa kalahati na.

    Sumalampak si Noah sa sofa kung nasaan nakapalibot sina Wella. Natigil ako sa paglalakad ko dahil hinilig ni Noah ang kanyang ulo doon sa sofa. Is he drunk?

    Natatawa si Joey nang tinapik niya ang balikat ni Noah at nilapag ang Jim Beam sa mesa.

    “Ang galing niyo!” Bati ni Wella.

    Nakapikit si Noah at nakahilig sa sofa nang napagtanto kong may naka upong dalawang sexyng babae roon. Ang isa ay malapit kay Noah at nagawa pa nitong humilig sa kanya. Hindi pa ako nakakakurap ay nakita ko nang ginusot ng babae ang t shirt ni Noah nang kinuyom niya ang kanyang kamay sa may kwelyo nito at inabot ang kanyang labi para halikan.

    “What the… helll…” Bulong ko sa aking sarili.

    Whoever that slut was, she’s a fucking slut!

    Nangiti si Noah sa ginawa ng babae. Hindi maidilat ang kanyang mga mata. Kaya mas lalo siyang hinalikan nong babae. Narinig ko ang mga singhap nina Wella at ilang protesta ng mga nasa kabilang table.

    “Noah!” Panimula ko ngunit bago pa ako nag wala ay may humila na sa akin galing sa likod.
    “Let’s go home…” Sabi ni Everlyse.

    Nilingon ko sila ni Carlos. Nakita ko ang seryosong mukha ni Everlyse. May sinenyas lang siya kay Carlos kaya bago ako maka piglas ay nahatak na ako ng dalawa palabas doon.

    “Let me go! Lyse! Let me go!” Sigaw ko hanggang sa nakarating ako sa sasakyan.
    “Oh my God! Hayaan mo na ‘yong lasing na iyon-”
    “Hindi siya ganon noon!” Sigaw ko at napasinghap nang marahas at sabay nila akong tinulak sa back seat. Nagawa pang itali ni Carlos sa akin ang seat belt. Medyo natagalan siya at hindi ko alam kung bakit. Masyado na rin akong abala para alamin dahil sa harap ko ay ang naghihisteryang si Everlyse.
    “Like oh my God, Meg! ‘Yong kilala mong Noah ay high school pa! He’s an Elizalde for pete’s sake! Baka nakakalimutan mo! You don’t know him right now. You don’t know him at all! Kaya hayaan mo iyon! Alright! You want to chase him because you regret leaving him! Chase! Chase him all you want but don’t you ever let him see how wounded you are! Don’t you ever make him see that you’re hurt because he kissed some random slut! Or even if he’s kissed Coreen Aquino. Just don’t!” aniya at padabog na sinarado ang pintuan.

    Ilang sandali akong natulala. Nang natauhan ay nilingon ko ang seatbelt para sana kalasin ngunit nakita kong masyado itong nabuhol at talagang pinagplanuhan ito ng dalawa ng maayos.

    “Everlyse!” Sigaw ko nang pumasok siya sa front seat.

    Lumipad ang middle finger niya sa ere at inutusan na lang si Carlos. “Drive.”
    “But my car!” Giit ko.

    Pero binalewala niya iyon at dire diretso na ang biyahe patungo sa aming bahay.

  • Kabanata 29Open or Close

    Kabanata 29
    Same Noah

    Lumipas ang mga araw at alam kong bantay sarado ako kay Everlyse at Carlos sa bahay. Minsan pa akong binalaan ni Everlyse na isusumbong niya ako kay mommy at daddy pag ginawa ko ulit iyon.

    “I understand how you feel. I’m encouraging you, Meg. But know your limits. That’s not healthy. I mean, alam kong ganyan ka na kay Noah noon. You support him with pero kung sinasaktan ka lang rin naman niya, hindi siya ka support support.”

    And I know that she’s right. Pakiramdam ko lang talaga ay responsibilidad ko lahat ng nararamdaman ni Noah sa akin. Kahit iyong galit niya. Because I left him years ago. Hindi ko lang siya bastang iniwan, sinaktan ko siya ng husto.

    Sa mga sumunod na linggo ay naging abala ulit ako doon sa mga dokumento. Dumating na iyong pinadala ni Stan at nakita kong kulang kulang iyon kaya pinunan ko ang mga kulang. Tumulong din ako sa Moon Records. Madalas kasing wala si mommy at daddy dahil may malaking project ang Going South at may nalalapit din silang concert.

    Tumunog ang cellphone ko habang nasa kwarto ako at nag lilinis ng kalat galing sa ginawa kong panibagong portfolio kanina. Nakita kong tumatawag si Wella. Pinulot ko ang cellphone ko para sagutin ang kanyang tawag.

    “Hello?” Sabi ko habang nag liligpit ng iilang mga papel.
    “Are you busy?” Nahihimigan ko ang pagdadalawang isip sa kanyang boses.
    “Uhm, not really. Why?”
    “Kasi… yayayain ko sana kayo this Friday. Birthday ko,” aniya.

    Natigilan ako sa kanyang sinabi. I didn’t know. I should buy her a gift.

    “Saan?”
    “Let’s just go out. Dinner and party out? With the girls, of course.”
    Tumango ako at napa-oo. “Syempre.”
    “You sure you’re not busy? Ang sabi kasi ni Thea na madalas ka daw umayaw sa gig this past few days. Wala din kasi ako dahil medyo na busy sa trabaho.”
    “Oh… Na busy din ako sa pinag aapplyan ko. Don’t worry, I’ll be there.” Sabi ko bago kami nagpaalam at bumaba na.

    Sinuklay ko ang buhok ko at nagpasyang hanapin sa bahay ni Everlyse at magyayang lumabas para bumili ng kahit anong para kay Wella. Kinatok ko ang kwarto nila ni Carlos at ang kanyang boyfriend lang ang sumagot sa akin.

    Namumungay ang mata ni Carlos. Nagising ko pa yata sa pagkakatulog. “Nasa baba,” usal niya.
    “Oh. I’m sorry, Carlos.” Sabi ko at umalis na roon para hanapin ang pinsan ko.

    Bumaba ako sa sala at ang flatscreen namin na naka on lang at walang nanonood ang naroon. Asan ba si Everlyse?

    Hinalughog ko ang bahay. Pumunta ako sa kitchen at baka sakaling nagluluto, pero wala siya doon. Wala rin siya sa dining room o kahit sa maid’s quarter. Nang namataan ko ang labas at nakita kong nakaupo siya doon sa may patio at kaharap niya ang kanyang iPad ay tumikhim ako at nagsimulang lumapit.

    “She’s still pursuing him?” Narinig ko ang pamilyar na boses ni Stan galing sa iPad.

    Kumunot ang noo ko at natigilan sa paghakbang. Kitang kita ko na nag fi-Facetime ang dalawa. Likod ni Everlyse ang harap ko at si Stan naman ay nasa screen ng iPad.

    “Hindi na ngayon. Hindi na masyado. At first hinayaan ko. Noah seemed interested, e. Nong nasa Batangas kami, parang halatang gusto niya pa si Megan. But things got worst. Right now, I think nagkamali ako sa pag e encourage sa kanya,” ani Everlyse.

    Humilig ako sa hamba ng pintuan. It’s wrong to eavesdrop but I can’t help it. They’re talking about us.

    “Tsaka hindi ko alam na matindi pala ang galit ni Noah sa kanya,” dagdag ni Everlyse.
    “Damn…” Umiling si Stan sa screen. “It’s my fault. Noah’s been in deep shit, you know that. Nong umalis si Megan. Kahit galit ‘yon kay Megan, kita paring di niya makalimutan ‘yong pinsan mo. That was my fault right there. You think I did the right thing or what?”
    Umiling si Everlyse. “I don’t know Stan. Akala ko ayos ‘yon that time pero na realize ko ngayon na malaki pala ‘yong epekto non.”

    Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. Tumayo ako ng maayos para marinig ng maayos ang pinag uusapan.

    “Well, Noah liked Megan-flavored things that’s why.” Humagalpak si Stan. “Nakakairita ‘yon noon kaya ginawa ko. Para kasing wala na siyang nakikita kundi si Megan. Ayaw nang maghanap ng ibang babae at lagi na lang nagtatanong. Hell… But I’m a bit guilty.”
    “Ako rin, Kuya.” Tikhim ni Everlyse.
    “But it’s true. Megan and David dated for a while. Kahit ‘yong si Mike,” ani Stan.

    Nalaglag ang panga ko. Bakit nila pinag uusapan ang ilan sa mga kaibigan ko sa New York? Si David ay isa sa unang naging kaibigan ko sa school. Hindi ako masyadong nakakasabay sa iilan naming classmate dahil nag aadjust pa ako. Nang nakilala ko ‘yong ilang pinoy na kaklase namin ay tsaka lang ako naka adjust. Madalas kaming magkasama ni David but we didn’t date romantically! Si Mike naman ay isa sa mga kaibigan ko nong college. He’s Fil-Am and Carlos’ friend. Nong nasa NYU kami at nag aaral ay niligawan niya ako pero hindi rin naging kami. Nahalikan niya ako sa isang party but that was because I was very drunk!

    “Anong sinabi mo, Stan?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
    “Shit!” Napasigaw si Everlyse sa gulat. Binaba niya ang iPad at nanlalaki ang mata niya nang hinarap ako. “Fuck it, Meg. Wag kang manggulat ng ganon.”

    Dinampot ko ang iPad at inayos. Nakita ko si Stan na ngumunguso at nagmumura pero kalmado parin. Yes, he should be damn calm. Malayo siya sa akin, e.

    “What is it, Stan?” Nanginig ang boses ko nang nagtanong muli ako.
    “Meg…” Tawag ni Everlyse sabay hawak sa iPad na hindi ko binibigay sa kanya.
    “Stan! Ano ‘yong sinabi mo kay Noah!?” Tanong ko.
    “Just stop chasing Noah, Meg. It’s useless.” Humalukipkip pa si Stan na parang wala lang iyon at hindi parin ako sinasagot.
    Nilingon ko si Everlyse. Gusto kong malaman kung ano ‘yong pinag uusapan nila. I’m sure she knows a thing or two. “Lyse, what is it?”
    Kinagat ni Everlyse ang kanyang labi. Tumikhim siya at tinali ang buhok habang hindi ako sinasagot.
    “Lyse!”
    “Meg!” Pasigaw na sinabi ni Stan. “Pwede ba. Get over it. That was a long time ago. And he deserves to move on. Ikaw na rin ang nagsabi. Noah’s free. The moment you left the Philippines, he’s free.” Usal na dire diretso ni Stan.
    “Kaya nga. Ano nga kasi ang sinabi mo? I want to know.” Sabi ko at nilapag ang iPad sa lamesa.
    Tumikhim lang si Everlyse. Nilingon ko siya at nakita ko ang nagbabantang tingin sa akin. “Sinabi niyang naka move on ka na. Meron ka nang iba. Well, David?” Nagtaas ng isang kilay si Everlyse.
    “Oh for God’s sake! Kailan mo sinabi at bakit mo sinabi, Stan? Hindi naman iyon totoo.”
    “Meg, it’s annoying to hear your friend talk about you all the damn time. Lahat naririnig ko pati ang galit niya kaya nong sinabi mong may kaibigan ka sa new school mo ay sinabi ko rin sa kanya. Why are you mad?” Kumunot ang noo ni Stan.
    “Kasi nagsinungaling ka! Hindi naman totoo ‘yong sa amin ni David. We’re just friends!” Giit ko.
    “Oo. But I need to do something about Noah’s Megan-colored eyes. He needs to see other girls. At para mangyari iyon ay kailangang malaman niya na may iba ka na. Okay? That was my point.”

    Pumikit ako sa kagaguhan ni Stan. Ang akala ko ay si Rozen na ang pinakagago. Mayroon pa palang iba. At ang pinsan ko pa!

    “Stan, I am gonna kill you!” Sabi ko habang nakapikit.
    Tumatawa lang ang lintik kong pinsan na nasa screen. “Oh no. Don’t. Tsaka may katotohanan naman ‘yong kay Mike. You kissed in that damn party. I was there. I saw it. Kaya sinabi ko rin sa kanya iyon. He deserves to move on, Meg. And I guess he did. You should thank me. Iyan ‘yong gusto mo, hindi ba?”

    Halos sinuntok ko ‘yong iPad sa sobrang panggigigil ko. Hinampas ko ang mesa bago ako walang pasubaling nang iwan kay Everlyse. Papasok ako sa bahay ay naririnig ko rin ang yapak ni Everlyse kasabay ang pag tawag sa akin.

    “Meg… Where are you going?” Tanong niya.
    “I’m gonna talk to Noah.”
    “Oh my God! Hayaan mo na nga! It’s done! It’s been years at naka move on na siya. What’s the use!?”
    “Oh actually, nag Facetime kami nong isang araw at nagtatanong siya kung naging Ex mo nga raw ba talaga si Mike. I wonder why-“
    “Oh you shut up, Stan!” Sigaw ni Everlyse at pinatay ang Facetime sa iPad.

    Nilingon ko siya, nanlalaki ang mga mata ko. Tinanong niya iyon kay Stan? This is a fucking misunderstanding! Mabilis akong tumakbo sa hagdanan habang sigaw nang sigaw sa pagbabanta si Everlyse.

    “Wag ka nang maghabol kay Noah! Hindi mo rin naman alam kung nasaan siya!” Sigaw niya para mabigo ako.
    “I will know!” Sigaw ko pabalik at dumiretso na sa kwarto para magbihis at mag text sa mga kakilala at nagbabakasakaling mahanap ko si Noah galing sa kanila.

    Nagmamadali ako sa pagbaba. Naabutan ko si Everlyse sa baba ng hagdan at naghihintay sa akin para pigilan ako pero inunahan ko na siya.

    “Don’t start, Lyse. May alam ka pala kung bakit matindi ang galit ni Noah sa akin, tapos di mo sinabi sa akin?” Sabi ko.
    Umirap siya. “That was a long time ago.”
    Umiling rin ako at mabilis na lumabas ng bahay para gumamit ng sasakyan.

    Nabasa ko ang text ng isa sa mga taga club na may nakakita daw kay Noah sa university kaya doon ang tungo ko. Mabilis ang patakbo ko sa sasakyan at ilang minuto lang ay naroon na ako.

    Ako:
    Do you know where exactly?

    Text ko kay Mara na nasa university. Makikipag kita sana ako sa kanya kaya lang ay may pasok daw siya.

    Mara:
    Pumunta siya kay Wade Rivas. Nakita ko sila sa parking lot na magkausap kanina. I don’t know if they are still there.

    Luminga agad ako dahil nandoon ako sa parking lot. Namataan ko kaagad si Noah sa hindi kalayuan. Mag isa na lang siya at nakahilig sa kanyang puting BMW. Inayos ko ang buhok ko at binuksan ang pinto ng aking sasakyan. Padabog ko itong sinarado habang nanonood kay Noah na seryosong nag s-swipe sa kanyang cellphone.

    Kumalabog ang puso ko. Okay, Meg. Just breathe. Naglakad ako sa nakahilerang mga sasakyan. Hindi makadaan sa iilang barricade na naroon kaya sa likod ako naglakad.

    Nakatalikod si Noah sa akin at naroon parin, nakahilig sa nguso ng kanyang BMW. As I walked closer to him, nakita ko ang maliwanag na mukha ko sa kanyang screen. That was my profile picture on Facebook. Isang profile picture lang ang naka public kaya alam kong nasa profile ko siya.

    Nanlalaki ang mata ko. Hindi makagalaw sa natatanaw na pagbalik niya sa aking profile. Lumapit pa ako ng kaonti at nakita kong binaba niya ulit sa aking profile ang pag s-scroll. May nakita akong isang public post galing sa iilang kaibigan kong nasa New York. Ni click niya ang iilang mga taong nag post..

    Naestatwa ako. Is he stalking me?

    “Noah…” Sambit ko at mabilis siyang napatingin sa akin.
    “Wha-What the hell are you doing here?” Galit niyang usal.

    Kumunot ang noo ko at suminghap siya.

    “You’re stalking me?” Nanliit ang mata ko.
    “What?” Mabilis niyang tinago ang kanyang cellphone. Tumikhim siya at umiling na parang nahihibang ako. But I’m pretty sure I’m not hallucinating this time!

    Tinalikuran niya ako at naglakad siya palayo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi. Kinagat ko ang aking labi at pumikit bago mabilis na nag lakad para habulin siya.

    “Noah!” Sigaw ko kahit na namataan ko na si Coreen sa malayo at alam kong doon papunta si Noah.

    I can’t believe it. Sa sayang naramdaman ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hindi ko makalimutan ang gulat sa kanyang mukha ang bahagyang pagtalon niya nang nakitang naroon ako. Hinigit ko si Noah at mabilis siyang lumingon sa akin. Hinawakan ko ang kanyang baba at mariin ko siyang siniil ng halik. I closed my eyes. Samantalang bago ko iyon sinara ay nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Dumilat ako nang hinawakan niya ang kamay kong nanghila. His grip wasn’t tight. Hinawakan niya lang ito kaya kumalas ako sa halik. Nakita ko kung paano siya namula. Ngumisi ako. Now you don’t mess with me.

    “Stop following me, Megan!” aniya at mabilis na hinigit si Coreen.
    Nangingiti ako na parang baliw. “Oh? Bakit? Anong problema sa pagsusunod ko, Noah?” Tumaas ang kilay ko. “Wala naman akong problema sa paghahalughog mo sa Facebook ko. We should be kwits, alright?” Halakhak ko habang hinihigit niya si Coreen na naguguluhan sa nangyayari.

    I don’t fucking care if you claim that you love this girl.

    “You’re a stalker. Desperate girl.” Usal niya.
    Sakit nitong magsalita. Who’s the real stalker, Noah?
    “Mahal mo ako, eh. Alam ko yun.” Natatawa kong sinabi. This time, I don’t mean it that much. Whatever is his feeling towards me, I don’t really care. Gusto ko na lang siyang inisin. Ang suplado at pikon na si Noah.
    Nangasim ang kanyang mukha sa sinabi ko. Tumigil ako sa paglalakad at ngumisi. Hinayaan ko silang lumayo sa akin. Nilingon ako ni Noah na parang galit sa nangyari ngunit nang nakitang wala na ako roon ay luminga siya sa paligid.

    Tumawa ako. “You’re still that same Noah.”

  • Kabanata 30Open or Close

    Kabanata 30
    Noah Elizalde’s

    Nagdaan ang ilang araw at pinag kaabalahan ko na naman ang nakokompleto kong mga dokumento. Inayos ko rin ‘yong regalo ko para kay Wella at si Everlyse na mismo ang nagsabi sa akin na masyado daw akong dramatic kasi nag handa pa ako ng regalo.

    Sasama din si Everlyse at Carlos sa night out na plano ni Wella para sa kanyang birthday kaya isang sasakyan lang ang dadalhin namin. It’s an all girls night out pero dahil inseparable ang mag nobyong si Everlyse at Carlos ay exempted silang dalawa.

    “Cheers!” Sabay sabay naming pinagtama ang mga shot glass at nag bottoms up.

    Sa Tilt, iyong restobar na pinuntahan namin ay tutugtog din ang Zeus. But we didn’t prepare banners or shirts because we’re here for Wella’s birthday. Wala pang tumutugtog na banda at medyo rock and pop music pa ang nasa mga stereo. Hindi ko mapigilan ang pagsabay sa music.

    “Sana ay magsimula na iyong music night nila nang sa ganon ay diretso na sa party.” Halakhak ni Everlyse.
    Parehong napatingin si Thea at Mara sa kanya na para bang may mali itong sinabi.
    Ngumiti at umiling agad ang aking pinsan. “Oh don’t get me wrong! I mean, I like Zeus but I like party music better. We’re here to have fun and that’s my kind of fun.”

    Siniko ko si Everlyse. Napapasama lang naman siya sa grupong ito dahil sa akin. But then she’s also friends with Wella. Hindi nga lang siya fanatic ng Zeus tulad namin kaya hindi ko siya masisisi.

    “May kailangan pa ba kayo?” Tanong ng isang pamilyar na babae habang nilalapag ang iilang bote ng beer.

    Namataan ko ulit ang isang pamilyar na mukha. Now, I can’t be wrong. This is Leonore Batungbakal, Rozen’s whatever. Nang nakita niyang nakatitig ako sa kanya ay nag iwas siya ng tingin na para bang naiilang sa akin.

    “Uhm, actually Leonore, I’d like some Jack Coke.” Sabi ko.

    Napatingin si Everlyse sa akin, nag tataka sa pangalang binanggit ko. Napalingon siya kay Leonore. Si Carlos ay tahimik sa kanyang tabi at nag hiheadbang ng kaonti sa tunog na nanggagaling sa stereo.

    “You can call me Elle.” Medyo naiilang na sambit ni Leonore.
    “Oh, thanks for the info. Your name sounds medieval.” Ngisi ko na agad akong siniko ni Everlyse. Pinilig ko kaagad ang ulo ko nang nakita kong mas lalong nailang si Leonore o Elle.
    “‘Yon lang ba ang order?” Tanong niya.
    “Make it three shots of Jack Coke.” Wika ni Everlyse.
    Tumango si Leonore at umalis.

    Nagkatinginan kami ni Everlyse. I know what’s going on her mind. Nagkibit balikat ako.

    “Through Rozen. He dated her. I don’t know. Kilala mo ‘yon, kahit na sino…” Sabay tingin ko sa paligid na unti unti nang dumarami ang tao.

    Bahagyang umingay sina Wella, Thea, at Mara dahil sa gwapong nakitang pumasok sa bar. Panay pa ang halakhak nila dahil tingin nila ay bisexual iyon. Gusto ko sanang makisali sa tawanan kaso hindi pa tapos si Everlyse.

    “Ang akala ko ba ay si Rozen ay may gusto kay Coreen and the feeling is mutual?” Nagtaas siya ng kilay.
    Napawi ang ngiti ko at napatingin sa kanya. “Well, iyon ang sinabi niya. I believe him, though. I know he’s probably in hysterics when he told me that but he looked sure and happy.”
    “Kaya ba mukhang Biyernesanto naman ang isang iyon dahil iniwan ni Rozen?” Tanong ni Everlyse sa akin.

    Well, I don’t really care at all kaya imbes na ipagpatuloy ko ang pag uusap namin ni Everlyse ay nakisali na ako sa mga kantyaw nila doon sa lalaking mga gwapo ngunit mukhang bisexual.

    “Not that it’s wrong to be a bi… sayang lang talaga.” Iling ni Wella.
    “Marami namang gwapo riyan na hindi bi. Ang dami. Why don’t you take a look at our high school yearbook. Ang dami nila at puro successful na ngayon.” Usal ni Mara.
    “Mas maraming successful at guwapo sa mga nag daang batch pa sa atin.” Dagdag ni Aubrey. “Rozen Elizalde, Stefan Cruz, marami!”
    “Sinong hindi magiging successful? They own those business!” Giit ni Thea. “Kung talagang pinahawakan lang ni dad sa akin ‘yong negosyo namin ay tiyak na naging maganda na rin ang takbo ng buhay ko.”
    “Thea, kaya mo namang maging successful without depending on anything or anyone.” Ani Wella.

    Sumarap ang aming usapan tungkol sa mga nangyari sa iilang kakilala namin. Maraming nabanggit na iilang kilala ko at ngayon ko lang napagtanto na marami pala talagang nag bago.

    “Mabuti pa itong si Meg, paniguradong kanya ang Moon Records.” Lingon ni Thea sa akin.
    Umiling agad ako. “My mom and dad won’t trust me with their business. Maniwala kayo. Ni ayaw nila akong humawak ng kahit ano. My lines in Digital Communications and Media, may koneksyon naman pero iba parin talaga pag magaling sa business ang humawak. Kaya naman sigurong matutunan iyon.”
    “Ah! Those kind of parents! Alam ko na iyan. I heard pahirapan din daw bago nakuha ni Ysmael ‘yong kompanya ng dad niya.” Tango ni Wella.
    Ngumuso ako. “Ysmael?”

    Napatingin sila sa akin. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong may naaalala sila tungkol sa aming dalawa ni Ysmael. It may be short lived but I’m sure they still remember.

    “Oo, si Ysmael Aboitiz. Hindi ba ay nanligaw iyon sa’yo, Meg?” Nagtaas ng kilay si Wella.
    Ngumuso lang ako ng patuloy at nag isip. Ayaw kong kumpirmahin ang tanong niya.
    “Well, Spanish ‘yong daddy niya, hindi ba. Malaki ‘yong business nila and you know, he’s the only child pero pinahirapan parin. Parang ikaw lang din siguro.” Tango ni Wella.

    Naiwala namin ang usapan na iyon nang biglang mas dumami ang tao sa bar. May iilan na kaming mga kakilala. Nagulat pa nga kami at may grupo ng college girls na may dalang banner para sa Zeus, nasa harap na sila at mukhang handang handa na para sa gig na ito.

    “Malaki na ang fanbase nila, no?” Nangingiti namin silang pinapanood.

    Naaalala namin ang mga sarili namin sa kanila. May nilingon sila sa likod at nakakabinging hiyaw na ang bumalot. Tumigil ang pop music sa stereo at napalitan ng mas mahinang trance. Nilingon ko ang pintuan ng resto bar at una kong nakita si Joey na nakikipag apir sa mga taong malapit sa pintuan.

    “They’re here.” Ani Wella.

    Nanatili ang tingin ko sa pintuan. Nilagok ko ‘yong pangatlong Jack Coke sa gabing iyon at nagpunas ng labi.

    Sumunod kay Joey ay si Warren at Liam. Mas lalong naghiyawan ang mga college girls sa harap dahil sa pag dating nila. May naririnig pa akong sumisigaw sa pangalan ni Warren. Hindi lang iyong college girls ang meron doon, may isang grupo pang medyo ka edad na rin namin. Napapailing ako sa tuwa. Sikat na sikat na sila!

    Huling pumasok si Noah. Kasama niya ang lumilinga lingang si Coreen. Hawak ni Coreen ang isang itim na purse at sa kabilang kamay niya ay nakahigit kay Noah na para bang natatakot siyang mawala.

    Isang sulyap ni Noah sa akin at bumaling agad siya kay Coreen, may binubulong.

    Tumayo kaagad ako para salubungin ang buong banda ngunit napabalik ako sa mesa nang hilahin ni Everlyse ang buhok ko.

    “What the hell, Lyse?” Iritado kong tanong.
    “Where are you going? Stay here and don’t make a scene!” Banta niya.
    “I won’t. Chill, alright?” Natatawa at umiiling kong sinabi.

    Hindi niya ako napigilan nang diretso akong naglakad patungo sa papalapit na Zeus. Binati ko si Joey at Liam.

    “Oh, Hi! Asan si Wella!?” Tanong ni Joey.
    “Nasa table.” Ngiti ko at hindi pa siya nakakapagpaalam ay sinalubong niya na si Wella ng happy birthday.

    Nagtama ang tingin namin ni Warren at tumango lang siya sa akin. Oh great!

    “Warren! Bati na tayo, please?” Pumikit ako at pinagdikit ang mga palad ko.
    Umangat ang gilid ng kanyang labi kaya alam kong mawawala din iyang galit o inis na naramdaman sa akin. Humagikhik ako bago ko binaling ang mata ko kay Noah at Coreen na ngayon ay mas lalong nag lapit.

    “Hi Noah!” Sabi ko at kumaway pa sa kanya.

    Naka itim siyang jacket at sa loob nito ay isang t shirt na kulay maroon. Bagong gupit siya at mas lalong na depina ang kanyang mga matang malalim. Ang tangos ng kanyang ilong ay tama lang at ang kanyang kulay pink na labi ay agaw pansin tuwing nagsasalita siya o ngumunguso siya.

    “Hello!” Coreen answered me in a blank expression.
    Nilingon ko siya at tiningnan ang kanyang suot. She’s got fine taste. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa itim na purse na dala niyang paniguradong isang Prada.
    “Coreen Aquino!” Usal ko at nag lahad agad ako ng kamay. “I’m Megan.”

    Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit ganon. Siguro ay nagtataka siya dahil kinakausap ko siya ngayon.

    “Hi Megan. Kilala mo na pala ako. Ibig sabihin alam mo rin na girlfriend ako ni Noah?” Napatingin siya kay Noah bago sa akin.

    Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. Oh no you don’t lie like that. Kung ako ang nasa kanyang sitwasyon ay hindi ko diretsong sasabihin iyon. I would rather flirt. Hindi kapanipaniwala ang biglaan niyang pag amin sa harap ko. But then if it is true, then I should at least consider it.

    “Oh!” Gulat kong reaksyon.
    “Yes, Meg. Matagal na kami.” Ngumiti pa si Noah. Oh, great! That smile!
    “Really? May naka tiis sa pagiging suplado mo bukod sakin?” Tumawa ako lalo na nang nakita ko ang pag ngiwi ni Noah. Now he’s kind of pissed.
    “Actually, iyon nga ang nagustuhan ko sa kanya. Yung pagiging suplado niya.” Kumapit si Coreen sa braso ni Noah.

    Nanatili ang tingin ko sa kanyang kamay. All my life, I believe and I think that you really cannot own anything in this world. You just cling to them and pretend that you actually can. Dahil iyon lang ang magiging assurance mo. Assurance mo na hindi ka masasaktan dahil iyo iyang hawak mo. But then, you really can’t do that to anyone. We are all free beings. No one can own us unless we let them.

    “Pareho pala tayo! So, ano, tutugtog na ba kayo, Noah?” Hinawakan ko ang braso ni Noah. Nanunuya at nanggagaya kay Coreen. What was it like to feel reassured? Kasi nong minahal ako ni Noah, kailanman ay hindi ko siya inangkin.
    “Teka nga, Meg. Hindi ka pwedeng humawak sakin. Stop it.” Hinawi ni Noah ang kamay ko. Kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha.
    “Ay…” Ngumuso ako, nagpipigil na naman ng tawa. Noah Elizalde, you can’t really fool me. Alam kong nagsisinungaling kayong dalawa.
    “Back off. Can’t you see? I already have a girl.” Iritasyon ang nanatili sa kanyang mukha.
    Humalukipkip ako. Kita ko ang mukha ni Coreen na mukhang kabado sa ipinakitang pagkakairita ni Noah. Obviously, hindi pa nairita si Noah sa kanya ng ganito. Sa akin lang din naman kasi siya nagpapakita ng magaspang niyang ugali. “Hindi ba si Coreen yung mahal na mahal ng kapatid mo? Dapat sila ni Rozen, eh. Hindi kayo.”

    Siniko ni Noah si Coreen. Even that move! Oh you two! Anong tingin niyo sa akin, tanga? Tanga lang ako sayo Noah pero hanggang doon lang iyon. Hindi ako bulag, pipi, o bingi. Alam ko at basang basa ko ang galaw ninyo.

    “Well, si Noah ang gusto ko, e.” Nagkibit balikat si Coreen at nagtangka pang mang irap sa akin ngunit hindi ko na lang itinuon ang pansin ko sa kanya.

    Nagtama ang tingin namin ni Noah. His piercing eyes were as cold as ice. Tinitigan ko siyang mabuti, naghahamon. You know it, Noah. Alam mong hindi ako naniniwala. It is futile. You are in love with me and you’re just really hurt. Ilang beses pang pasakit ang gusto mong danasin ko bago ka gumalaw para sa ating dalawa? Do you hate me that much? Wala na ba talagang pag asa? And if you’re really in love with Coreen, than your fucking love wasn’t enough! Kasi kung tunay mo siyang mahal ay dapat noon pa, kayo na! Bakit pinatagal mo ng ganito?

    Bumalik ako sa mesa at agad nilagok ang kung anu anong hard liquors na naroon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para lang mapalambot ang matigas na puso ni Noah. Maybe I’m wrong? Siguro ay talaga ngang kinalimutan niya na ako at si Coreen na ang kanyang mahal ngayon. But that’s bullshit, I can’t be wrong! I am pretty sure that he’s still in love with me. Or at least that’s what I think.

    Sa kanilang pagkanta ay sumayaw ang mga tao. Hindi ko alam pero isa ito sa mga gig nila na ieenjoy-in namin nang hindi kami obligadong sumuporta sa kanila. We’re here for ourselves. We’re here to have fun. Hindi ko alam kung nasaan na si Coreen ngayong tumutugtog na sina Noah. I want to find her and maybe talk to her but then I’m too preoccupied!

    Nakataas ang isang kamay ko sa ere habang nakapikit at sumasayaw. Kampante ako dahil naririnig ko ang sigaw nina Everlyse at Wella sa aking gilid. Nilingon ko si Everlyse at sa likod niya ay si Carlos na nakahawak sa kanyang baywang at senswal siyang sinasayaw.

    Nag headbang pa ako sa kantang pamilyar sa akin at nagkagat ng labi nong bigla akong makakramdam ng isang mainit na kamay sa aking baywang. Oh who the fuck is this?

    I am tipsy but I’m not drunk enough to just dance with whoever is available. Nilingon ko siya at nakita kong isang moreno, makisig, at nakangising medyo lasing na rin na lalaki ang sumasayaw sa akin. Ramdam ko ang kanyang hita sa aking hita. He’s grinding against me.

    “Oh my God! Can you please back off?” Sabi ko sabay pagitna sa aming dalawa ng kamay. “It’s disgusting.”
    “What? Why? Let’s just have fun. Wag kang pakipot. We’ll only dance.” Nahimigan ko sa boses niya ang tigas ng ingles.
    Umiling ako. “I have a boyfriend, alright?”
    Tumawa siya. “Walang boyfriend ang papayag na sasayaw ka sa isang bar na puno ng tao. Mag isa ka pa. Asan ‘yong boyfriend na pinagmamalaki mo?”

    Now I’m pissed. Totoong wala akong boyfriend pero mahirap bang paniwalaan iyon? Madalas ay natatanggap ang excuse na iyan sa Amerika. Alam ko dahil ilang beses ko nang sinubukan iyon sa foreigners na sumasayaw sa akin and they will always back off, afraid that they might get hit by my ‘boyfriend’.

    “Just please back off.” Irap ko at bumaling sa stage kung saan panay na ang kanta ni Liam. “Damn it’s my favorite song!” Sabi ko at tinaas ko ang kamay ko sa ere nang biglang hinawakan nong lalaki kanina ang aking tiyan.

    Napabalikwas ako ngunit mariin ang pagkakahawak niya sa kabila kong braso. Tinulak ko siya ng husto at medyo napaatras siya. Mabilis kong tinaas ang aking damit para ipakita ang pangalan ng tinutukoy kong boyfriend.

    “My boyfriend is Noah Elizalde.” Sabay turo ko sa aking upper abdomen kung saan naka marka sa magandang sulat ang pangalan ni Noah.

    Itinuro ko ang stage para sabihin sa kanyang iyon si Noah Elizalde. May ilang mga lalaking napatingin na rin sa amin. Luminga ako para hanapin si Everlyse at Carlos ngunit wala akong nahanap. Nakita ko si Wella sa malayo na may kasayaw na hindi ko kakilala.

    Sumipol ang lalaki at nagkagat labi habang tinitingnan ang aking katawan. Biglang humina ang tunog ng music sa stereo at bago ko naibaba ang aking shirt ay lumipad na iyong lalaki. Iilang mga mesa ang tumilapon nang nahiligan niya ang mga ito. Basag ang mga bote at iilang plato at nanginginig ang kamay ni Noah nang hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at nilagay niya ako sa kanyang likod.

    Nanlalaki ang mata ko sa bilis ng pangyayari.

    “Whoa! Whoa!” Pumagitna ang iilang lalaking naroon.

    Natigil ang music sa stereo at agad sumugod ang iilang bouncer ngunit mabilis na tumayo iyong lalaki at agad niyang sinuntok si Noah sa panga.

    Napatili ako sa nangyari. Hindi siya tumilapon pero naramdaman ko ang pagtama nito sa kanyang panga. Binitiwan ako ni Noah at nasuntok niya rin pabalik iyong lalaking mabilis ulit na napahilig sa ilan pang mga mesa.

    “Tang ina mo, Elizalde! Ang yabang mo! Wala kang binatbat!” Sigaw ng lalaki habang hinahawakan na ng mga bouncer iyong lalaki.

    Nilapitan pa ni Noah iyong lalaki at sinipa.

    “Noah!” Sigaw ko sa kanyang ginawa.
    “Oh shit!” Mabilis na dumalo si Everlyse sa akin. Hindi ko siya malingon dahil nakatoon ang tingin ko kay Noah.
    “Tang ina mo!” Mura ulit ng lalaki.
    “Tama na! Tama na!” Sabi ng mga bouncer.

    Bumaling si Noah sa akin, malamig ang tingin ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko ng mahigpit.

    “Alamin mo muna kung kanino ‘yong hinahawakan mo.” Malamig niyang usal sa lalaking pinapatayo ng mga bouncer.

  • Kabanata 31Open or Close

    Kabanata 31
    Sick Fetish

    Ilang sandali akong hinawakan ng mahigpit ni Noah. Kahit sa mga tanong at salita ni Everlyse ay hindi ko naialis ang paningin ko sa kanyang kamay na nakahawak sa aking pulso. Pinaalis ng mga bouncer ang nanggugulong lasing samantalang naramdaman ko ang ingay galing sa stage.

    “Megan!” Naririnig ko ang frustration sa boses ni Joey.

    Nilingon ko siya sa pagtataka sa naging reaksyon niya. Saktong paglingon ko ay binitiwan ako ni Noah kaya napalinga ako kung kanino ba dapat nakatoon ang atensyon ko.

    “Bakit mo ginawa iyon?” Tumaas ang boses ni Joey na ikinagulat ko.

    Natoon ang buong atensyon ko sa kanya at kitang kita ko ang frustration at iritasyon. Malamig rin ang titig ni Warren sa akin ngunit nang tapunan niya ng tinging ganon si Noah ay mas lalo lang akong nalito.

    “Joey, don’t start-” Pumagitna si Everlyse na agad itinabi ni Joey.
    “Nag peperform kami!” Ani Joey sa akin. “Noah! Nag peperform tayo, dude!”
    “I’m not blind. Alam ko.” Sarkastikong sinabi ni Noah.
    “E, alam mo naman pala? Bakit bigla ka na lang umalis!? Ngayon nagtatanong sila kung talaga bang propesyunal tayo!” Sigaw ni Joey. Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasalita niya ay tinalikuran kami ni Noah.
    “Calm down, Joey.” Sabi ni Wella ngunit hindi makalmante si Joey. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata lalo na nang binalingan niya ako. “This is your fault, Meg.”
    “Kung bakit ba kasi patay na patay ka kay Noah. You’ll do everything to get his attention! Now you got it, I hope you’re happy.” Dagdag pa ni Warren.
    “Sandali nga, ano bang problema ninyo?” Tanong ko habang hinahawakan ang braso ni Warren para mapigilan siya sa pag alis.

    Nakita kong kalmado naman si Liam habang kinakausap si Joey. Ngunit iritado si Joey at nagdadabog pa. Nilapitan siya nina Thea at kinausap na rin. I can’t find Noah in here too.

    “Tatlong scout ang narito para sa gig na ito, Meg. Tinalikuran kaming lahat dahil sa pag alis ni Noah ng bigla sa finale!”
    “E si Noah ang pagalitan ninyo, Warren! Bakit kay Meg ang bunton ng lahat?” Pabulyaw na sinabi ng naiiritang si Everlyse.
    Bumaling si Warren sa akin at matalim ang kanyang tingin. “Alam mong walang gusto si Noah sayo. Are you that desperate, Meg? Ipapakita mo ‘yong dibdib mo sa ibang tao para mabastos ka at makuha ang atensyon ni Noah?”
    Suminghap ako sa kaliwanagan sa mga iniisip nila. “Hindi-“
    “Alam kong alam mong mahal ni Noah si Coreen. Alam nating lahat iyon. Alam namin dahil nandito kami nong wala ka at alam ko kung gaano niya kamahal si Coreen kaya tumigil ka na sa pagiging desperada! Wala ka ng pag asa! He’s in love with Coreen and it’s irrevocable! Respect that! Nakakawalang respeto ka.”

    Imbes na tatapusin ko iyong sasabihin ko ay hindi ko nagawa. Nanuot sa aking sistema ang mga sinabi ni Warren. Nakatayo ako roon na gulat sa lahat ng narinig galing sa kanya. Hindi dahil mahal ni Noah si Coreen kundi dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nagalit siya sa akin ng ganito.

    “Wala kang karapatang sabihin sa kay Megan ‘yan-“
    “Totoo naman, Everlyse. You know that. Bakit mo sinusuportahan si Megan? Alam kong alam mo na wala siyang pag asa. Kung manhid siya sa pagwawalang kibo ni Noah sa kanya ay panigurado namang hindi ka ganon!”
    “Kung wala talagang pakealam si Noah sa kanya, bakit niya pinutol ang kanta niyo para lang sa kanya?” Nakahawak na si Carlos sa mga braso ng iritadong si Everlyse.
    “Dahil syempre ay kilala niya si Meg! Kahit sino naman siguro ay susugod pag nabastos ng ganon!”
    “Tama na, Warren!” Sabi ni Liam habang tinatapik ang balikat nito.

    May mga sinasabi pa si Everlyse ngunit tumulong na ako kay Carlos para mapaalis siya doon. Ni hindi ko na nilingon sina Wella para makapag paalam. Sa iritasyon ni Everlyse ay kinailangan na namin siyang mapalabas sa restobar na iyon kung hindi ay mag aaway lang sila lalo ni Warren o ni Joey.

    “Nakakabwisit lang! Bakit sayo lahat ang sisi? Hindi ba dapat ay si Noah ang sisihin nila! Wala namang nag utos kay Noah na sumugod doon!” Sabi ni Everlyse at sabay pa ng kanyang mga hand gestures ang kanyang pagsasalita. Tinuro niya ako. “At ikaw naman, Meg. What the heck was that? Bakit mo ba pinakitaan ng dibdib iyong lasing at baliw na iyon? Kung hindi kita kilala ay talagang maiisip ko rin ang mga paratang nina Warren at Joey sa iyo!”
    “Lyse, pinakita ko sa kanya ang tattoo ko!” Sabi ko.
    “Oh great!” Umirap siya. “Para saan naman? To prove to him that you’re owned by someone?”
    Hindi ako nagsalita. Naghintay siya ng kumpirmasyon.
    “To prove to him that you are owned by someone!” Panigurado niyang sinabi. “Nahihibang ka na! You should say sorry to Warren, Joey, and Liam! Maging kay Noah! Alam kong nainis sila sayo dahil sa nangyari para sa banda nila! Malaking bagay iyon para sa kanila. Naiinis din ako sa kanila dahil sa mga paratang nila sa iyo pero galit sila sayo.”
    Tumikhim ako. “I know, Lyse. I’m sorry. Hindi ko naman alam na ganon ang gagawin ni Noah.” Ngimiwi ako. “Hindi ko alam na magkakagulo.”
    “God!” Hinawakan ni Everlyse ang kanyang noo at niyakap lang siya ni Carlos.
    Nagkatinginan kami ni Carlos. Blanko ang kanyang ekspresyon habang hinahapos si Everlyse. Ngumuso ako at natulala.
    “Mag so-sorry lang ako sa kanila.” Sabi ko at hindi na umimik si Everlyse. Tinalikuran ko silang dalawa para bumalik sa bar.

    Pagkapasok ko roon ay umalingawngaw na ang trance music sa buong bar. Luminga ako para hanapin si Noah. Gusto ko sanang magpasalamat ang mag sorry sa nangyari ngunit hindi ko siya mahanap. Maybe he’s with Coreen. Siguro ay umalis siya kanina para hanapin si Coreen at ngayon ay magkasama na sila.

    Dumiretso na ako sa table kung nasaan sina Joey at Liam kanina. Namataan ko doon sina Wella na kausap nila. Medyo may tensyon paring naroon. Ang ikinagulat ko ay ang pag kakaupo ni Noah sa gitna ng sofa. Nakahilig ang ulo niya roon at nakapikit ang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang mga babaeng naroon at wala akong nakitang Coreen. Where is she? Umalis na ba?

    Nang nakita ako ni Wella sa likod ay napatingin na rin sa akin si Warren at Joey. Nakita ko parin ang iritasyon sa kanilang mukha. Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang kamay ko habang papalapit.

    “I… uhm… I’m sorry.” Sabi ko.

    Mabuti na lang at kahit maingay ay naririnig parin naman ako. Nasa huling sofa kasi sila at malayo don sa naglalakihang stereo sa unahan.

    “Asan sina Everlyse, Meg?” Tanong ni Wella nang walang nagsalita.
    “Nasa labas.” Sabi ko at nilingon agad si Joey at Warren.

    Nanatiling ganon ang posisyon ni Noah. Hindi man lang dumilat nang narinig akong nagsalita. Nakita ko ang nakalapag na iilang hard liquor na nasa kalahati na. Jim Beam and Absulot in one table. Maybe he’s drunk?

    “Upo ka.” Sabi ni Thea at tinapik ang kanyang tabi.

    Iiling na sana ako dahil hindi rin naman ako magtatagal pero sa kanilang pagwawalang imik ay tingin ko ay hindi ko pwedeng madaliin ito.

    “I’m really sorry. Hindi ko naman alam kasi na ganon ang mangyayari.” Sabi ko.
    Inangat ni Warren ang kanyang tingin sa akin. Ang makapal niyang kilay at madilim na tingin ay mas lalong nagpalamig sa nararamdaman kong pisikal na ginaw sa buong bar. Napalunok ako. “I’ll try my very best to… uhm… insert your music sa Moon Records. Napansin na rin naman kasi kayo ng scouts kaya hindi na mahihirapan-“
    “Kung bakit ka ba kasi nagpapakita ng katawan sa ibang tao.” Usal ni Noah habang nakapikit. “Wala ka bang delikadeza?” Dumilat siya ng bahagya at kitang kita ko ang pagpupungay ng mga mata niya.

    Napalunok ako. Naghahanda ako sa masasakit na salitang maari niyang sabihin ngunit hindi niya itinuloy. Nagsalin siya ng Jim Beam sa kanyang baso.

    “Bakit nandito ka pa, Meg? Dapat ay umalis ka na. If his Coreen will see you here, baka masira lang ang diskarte ni Noah.” Ani Warren.
    Ngumuso ako at bumaling kay Joey na hindi man lang magawang tumingin sa akin. Parang may kumukurot sa puso ko ngunit pinanatili ko ang ekspresyong kanina ko pa hinahawakan. “I’m sorry, Joey. Hindi ko alam na mangyayari ‘yong kanina. Sorry sa mga na disappoint niyong mga ano…” Nabasag ang boses ko. Hindi mahanap ang tamang salita.

    Walang nakapansin sa pagkakabasag nito. Lahat sila ay hindi makatingin sa akin. Si Warren lang ang nagtityagang tumingin sa akin.

    “mga… ano… scouts.” Dugtong ko.
    “Kung di mo ‘yon ginawa.” Ngumiwi si Joey. “Bakit mo nga ba kasi iyon ginawa? Sobra sobra na ba talaga yang pagiging desperada mo, Meg?”
    Kinagat ko ang labi ko at pinilit na hindi humikbi. Umiling ako. “May nambabastos kasi kanina. May ipinakita lang ako.” Hindi ko masabi ng diretso. Hindi naman kasi iyon dapat pinagmamalaki o kahit sinasabi sa ganitong panahon. I would rather keep it to myself right now but I need to explain my side.
    “Ano? ‘Yong dibdib mo?” Sabi ni Noah at nilagok ‘yong shot.

    Nakita ko sa mga mata niya ang pagkakalasing na. Alam kong malupit si Noah at paniguradong mas lulupit siya ngayon dahil walang preno ang kanyang bibig sa alak.

    “‘Yan ang ipinapakita mo pag may nambabastos sayo? Para saan? Para mas lalo kang mabastos.”
    Nanlaki ang mata ko at umiling. “Sinabi ko sa kanya na may boyfriend ako. Para lubayan ako. Gumagana ang excuse na iyon sa States-“
    “Oh don’t give me that shit.” Natawa pa si Noah.
    “Meg, just go home.” Sabi ni Warren.
    “Warren, hayaan mo si Meg.” Sambit ni Thea.
    “I have tats.” Hindi ko masabi ng maayos. Natagalan pa ako sa paghahanap ng paraan para banggitin iyon. “Pangalan. I told him may boyfriend na ako at ito ‘yong pangalan ng boyfriend ko. Nasa tattoo ko.”
    “Sino naman ang boyfriend mong tinutukoy mo?” Nagtaas ng kilay si Warren.
    “Si Noah.” Maliit ang boses ko at bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri. Hindi malaman kung paano ko ipapaliwanag ang lahat.
    Tumawa pa siya ng bahagya. “So your tattoo is Noah’s name? Is that what you are saying?”
    Tumango ako nang hindi siya tinitingnan.
    “Really, Meg?” Tanong ni Wella.
    “Wag mo akong patawanin, Meg. You can’t possibly…” Hindi tinuloy ni Joey pero nakita ko sa kanyang mukha ang pagtataka.
    “I have Noah’s name on my upper abdomen.” Ngumiwi ako.

    Nag angat ng tingin si Noah sa akin. Malamig iyon, as always. Hindi na ako makatingin sa kanya ng maayos.

    “I don’t believe you.” Sabi ni Noah.

    Hinawakan ko ang shirt ko at unti unting tinaas iyon hanggang sa naipakita ang buong pangalan ni Noah Elizalde sa aking tiyan.

    “Oh my God!” Dinig kong alma ng ilang mga babae.
    Tumawa si Joey at umiling. “This is driving you crazy, Meg.”
    Humilig si Warren at nakita ko ang pag pikit niya.

    Nanlalaki ang mata ni Noah kahit na binaba ko na ang aking shirt. Huminga ako ng malalim.

    “Nahihibang ka na ba?” Angat ni Noah ng tingin sa akin.
    “Meg, nag iisip ka ba? Bakit…” Hindi matapos tapos ni Warren ang kanyang sinasabi.
    Tumatawa pa si Joey at dinig ko ang panunuya sa kanyang boses. Nakita kong nagsalin si Noah ng alak sa kanyang shot glass. Nilagok niya agad ito at nagsalin pa ulit para inumin ulit.
    “You know Noah’s into Coreen, right? Ngayon tingin ko ay sinayang mo lang ang tattoo’ng iyan.” Iling ni Warren.
    “If you think that I’ll come running back to you because of your little stunt-” Panimula ni Noah.
    “Hindi ko sinasabing bumalik ka sa akin para rito, Noah. Ni hindi ko nga ginustong malaman mo ito.” Mariin kong sinabi.
    “Don’t give me that shit!” Banta niya. “You’re a pain in the ass!” Hinawakan niya ang kanyang ulo at bahagyang minasahe ito.

    Umalingawngaw sa aking utak ang kanyang sinabi. Nangingilid na ang luha ko ngunit hindi ako pumayag na bumuhos ito.

    “Dude, I think that’s enough. We are all drunk here.” Sabi ni Liam sa kalmadong tono.
    “We need to drink to forget, Liam. We lost all our opportunities tonight. All because of…” Hindi tinuloy ni Noah pero alam kong sinisisi nila ako.
    “I-I will… ask our company’s scouts to-“
    “We don’t need your help, Megan Marfori.” Mariing sinabi ni Noah at binalingan ako ng tingin.
    Umiling ako. “I will help… Nakita na kayo nong mga scouts kaya paniguradong-“
    “I said, I don’t need your help!” Hinampas ni Noah ang mesa na siyang ikinagulat namin. Napapikit ako sa ginawa niya.
    “Warren, he’s drunk. We should… look for Coreen.” Sabi ko, hindi malaman ang sasabihin.
    “Oh she probably left me because of you.” Sabi ni Noah.
    “Meg, tama na. Umalis ka na lang, pwede?” Sabi ni Joey.
    “You boys should stop drinking. Lasing na kayo…” Sabi ko at nilingon sina Wella na naroon.
    “We will do whatever we want to do, wala kang pakealam don.” Sabi ni Warren.
    “Meg…” Tawag ni Wella.
    Kinuha ko ang cellphone ko sa pag aalala. Who’s going to drive for them kung silang lahat ay lasing? Where the hell is Coreen? Hindi ba ay sinama siya ni Noah dito? Maybe I should contact Rozen and ask him to fetch his brother. “Where is Coreen? Bakit niya iniwan si Noah ng ganito?” Sabi ko habang nag tatype ng mensahe para kay Rozen.
    “She left because of you.” Sabi ni Joey.
    “Tama na, Joey.” Wika ni Wella kahit na binalewala ko iyon.

    Bago ko pa matapos ang mensahe ko para kay Rozen ay naabutan kong nag bubulung bulungan si Warren, Joey, at Liam. Bumaling ako kay Noah na tulala sa kanyang shot glass.

    “Stop drinking, Noah.” Sambit ko sabay hawak sa kanyang kamay na nasa shotglass.
    “Why are you so desperate?” Nagtama ang tingin naming dalawa.
    Nalaglag ang panga ko at mas lalong kumirot ang puso ko. Kahit na nakatoon ang tingin ko kay Noah ay naririnig ko ng bahagya ang bulung bulungan ni Joey at Warren. “We should make her leave…” Ani Warren.
    “She wont. Nag aalala yan kay Noah. You should… trick her or something…”

    Hinawi ni Noah ang kamay kong nakahawak sa kanya. Kinakausap na ako ni Wella at Thea, nagtatanong kung asan sina Everlyse ngunit hindi ito makuha ng sistema ko. Naririnig ko pa sina Warren at Joey na bahagyang nagtatalo kung sino ang magpapaalis sa akin.

    Matigas at makapal ang mga dingding na nakapalibot sa aking pagkatao. Mahal ako ng pamilya ko at inaamin kong isa iyon sa naging dahilan kung bakit hindi ako nangangamba sa kahit anong bagay. Their love means everything to me. It made me whole. It made me a strong person. Kaya ‘yong dingding na nakapalibot sa buong pagkatao ko ay hindi basta bastang nagigiba dahil sa pagmamahal na binalot nila sa akin.

    But for the first time in my entire existence, I felt unwanted. Pakiramdam ko ay nagiging asungot na ako sa buong bandang Zeus at maging sa aking mga kaibigan. I suddenly wondered if Everlyse was sick of my shits? O baka naman naiirita na ang parents ko sa pagiging carefree ko? Kasi kitang kita ko sa harap ko ngayon kung gaano sila ka iritado maging sa presensya ko. Wala akong ginawa kundi ang mag alala pero wala silang gustong mangyari kundi ang mawala ako dito sa harapan nila.

    “Meg, I think Noah would feel better if you buy him something…” Ani Warren.
    “A-Anong… bibilhin?” Tanong ko sabay sulyap kay Noah na nakatulala lang ngayon.

    Nakikita ko ang pagsisiko ni Warren kay Joey. Ngunit nagkunwari akong hindi ko iyon napansin.

    “Softdrinks or something?” Nagtaas ng kilay si Warren.

    Luminga ako para sa waiter. Nang makahanap ay agad akong pinigilan ni Joey.

    “Mas maganda siguro kung Gatorade. Kaya lang wala ‘yon dito sa bar. Nasa labas siguro. Sa mga convenient store.” Napatingin si Joey kay Warren. Tumango si Warren at kitang kita ko ang pagpapanggap.
    “Talaga?” Tanong ni Thea sa inosenteng tono.

    Pumikit si Noah at humigil sa sofa. Kinagat ko ang labi ko.

    I know… I know they want me gone. Kaya nila ako pinapabili ng Gatorade. Kaya nag bubulung bulungan si Warren at Joey.

    And it hurts a lot. Iyong tipong alam mong ayaw na nila pero dahil hindi nila masabi sayo ay gagawa na lang sila ng ibang paraan para makaalis ka?

    “Hey… uhm… Listen… I’m gonna help you guys, sa Moon Records.” Sabi ko to assure them again. That no matter what happens, I am gonna help them out.
    Tumango si Liam. “Thanks, Meg. That’s great!”
    “Meg, I think we need Gatorade. Nagpapass out na si Noah.” Sabi ni Warren.
    Tumango ako at tumayo. Inayos ko ang sarili ko. Naramdaman ko ang pagtitig nila sa akin. “I-I’m gonna buy.” Sabi ko at kinagat ko ang aking labi.

    Tiningnan ko si Noah at nakita kong nakapikit siya at mukhang tulog na talaga yata. Payapa ang kanyang mukha. His lips looked tender and his eyes seemed at peace.

    “Bibili lang ako.” Hindi ko na sila tiningnan pabalik dahil hindi ko na magawang pigilan ang aking mga luha.

    Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang likod ng aking kamay habang mabilis na lumabas ng bar. Pinalis ko ang mga luhang lumandas sa aking mukha at natagpuan ko kaagad sa kinatatayuan nila kanina si Everlyse at Carlos. Isang tingin lang ni Everlyse sa akin ay pinapasok niya na agad ako sa sasakyan. Si Carlos ang nag maneho at dumiretso si Everlyse sa front seat.

    Humagulhol ako sa pag iyak nang nagsimula nang mag drive si Carlos. Nilingon ako ni Everlyse gamit ang mga matang may simpatya. Kinuha niya ang kamay kong mabilis na nagpupunas sa mga luha at mas lalo lang akong humagulhol.

    This is the last time.

    “Lyse…” Sabi ko at nanginig ang boses ko sa pag iyak. “May mga bagay pala talaga na kahit alam mong may pag asa ka ay hindi mo parin ipipilit. ‘Yong mga oportunidad na kahit alam mong kaya mong isulong, pero hindi mo dapat pinaglalaban.”

    Na may mga laban na kahit alam mong kaya mong ipanalo, hindi mo naman kayang ipaglaban. I can’t afford to love Noah and lose myself at the same time. Because it isn’t worth it.

    Kailan ko nga ba talaga natutunan ang lahat ng ito? Ang mahumaling sa mga bagay na mahirap abutin? Ang mahumaling sa taong walang ginawa kundi saktan ako? Hindi. Hindi lang ako ang ganon. This is a sick fetish since time immemorial. To love those who does not love us. To treasure a peson who makes us feel worthless. And I refuse to make it a fetish now.

  • Kabanata 32Open or Close

    Kabanata 32
    Audition

    Ilang gig ang hindi ko sinamahan. Hindi dahil masama ang loob ko sa kanila, kundi dahil tingin ko ay kailangan kong tumigil. I understand their reaction that night and it’s all okay.

    “Hello?” Narinig ko ang boses ni Wella sa kabilang linya.
    “Megan!” Tawag ni daddy habang tinuturo kung saan napadpad ang kanyang bola sa malayo.

    Nilagay ko ang kamay ko sa aking noo para pigilin ang ilaw na nanggagaling sa papalubog na araw.

    “Come on! You’re no fun! Pinagbibigyan mo ako, honey.” Tawa ni dad.
    “Dad! I am dead tired!” Sigaw ko habang tinatapik ang aking kabayo at binabalanse ang sarili ko.

    Hindi naman ganito ang palagi kong ginagawa pero nagpasama si daddy sa akin ngayon at ito ang isa sa paborito niyang past time, ang paglalaro ng Polo.

    “Why? Ano ba kasing ginawa mo?” Tanong niya at sinabayan ang paglalakad ng aking kabayo pabalik sa Lounge.
    “Sumama ako kina Carlos at Everlyse kanina sa gym. God, I was there for 4 hours at sinama pa ako ni Everlyse sa hot yoga. Anyway, dad…” Sinenyasan ko siyang may tawag at bumaling ulit ako sa cellphone.

    Tahimik lang si Wella doon. Natatawa pa ako nang sinagot ko ulit.

    “Sorry, Well. What’s up?”

    Ilang beses niya na akong tinawagan sa linggong ito para sa gig nina Noah pero hindi ko pinapaunlakan ang mga pagyayaya niya kaya sila lang ang mga pumupunta doon.

    “Uhm, are you busy? I’m sorry hindi ko alam. I should call sometime na lang.” Medyo nahihiya niyang sinabi.
    “No, it’s fine. Nag rerelax lang kami ni Dad.”

    Nakita kong bumaba si dad sa kanyang kabayo at kinausap ang caretaker nito. Tinitingnan ko ang boots kong nakasampa pa sa gear ng kabayo. Pinaglaruan ko ang paa ko at naghintay sa sasabihin ni Wella.

    “Uhm, so… tinulungan mo na ang Zeus na makapasok sa Moon?” She asked.
    Ngumiwi ako. “Hindi pa… Actually, sana next month ko pa gagawin. I’m sorry. I just want to be… free from them for the next weeks.”
    “Really? So? They got in because of pure talent?” Medyo narinig ko ang tuwa sa boses ni Wella.
    “They got in?” Nanlaki ang mata ko.

    Alam kong dapat ay hindi na ako magtaka kung nakuha sila. Sinabi na ng scout namin noon na gusto nila ang Zeus. Hindi na nila kailangan ang tulong ko pero willing ko paring gawin ang tulong na iyon dahil sa ginawa ko.

    “Oo. May audition sila sa Moon next week. Sina Wade Rivas ang mag ju-judge sa lahat ng kasali. Twenty bands at one time. Pinili na iyan at isa sila sa napili! Ang sabi ay tatlong banda ang kukunin para recording!” Sabi ni Wella, excited.

    Nangingiti ako habang bumababa sa kabayo. Nakita kong pumwesto na si dad sa may pool side sa malayo kung nasaan nakaupo si mommy at nag rerelax. Sinenyasan ko na lang din ang caretaker na kunin na ang kabayo. Isang haplos sa mukha ng kabayo at tumalikod na ako para magpatuloy sa paglalakad.

    “Good for them. Masaya ako.”
    “Are you sure na hindi mo sila tinulungan?” Nagdududa ang kanyang tono.
    “Yes, Well. Gusto ko nga silang tulungan, e. Dahil… alam mo na.”
    Natahimik kaming dalawa. Hindi ko nadugtungan ang sasabihin ko.

    Nang nakarating sa mesa nina mommy at daddy ay naabutan ko silang nagkakatuwaan sa isang bagay. Ngumiwi si mommy sa boots ko. She wants me to change or something.

    “Mamaya may gig sila bago. Tapos bukas ay magpapractice na sila para sa audition!” Sabi ni Wella. “You should come! Punta tayo mamaya! May pinaprint akong midriff na shirt. Maganda ang cut!”
    Nangingiti lang ako at gustong gusto kong pumunta kaso ay alam kong maling gawin iyon. “Uhm, may gagawin kasi ako. I’m quite busy right now.”
    “Ganon ba…” nagdududa ang boses niya. “How about tomorrow? Sa practice nila? Imbitado kami sa bahay nina Noah. Audience. Alam mo namang may music room silang malaki. Tara!”
    “Busy rin ako bukas-“
    “Sa Wednesday? Don’t tell me busy ka parin? Edi sa Thursday o Friday? Kahit Saturday?” Halos pasigaw na binanggit ni Wella ang mga araw ng linggo.
    Umiling ako kahit alam kong hindi niya iyon nakikita.
    “Meg, come on. Isang gabi lang ‘yong away ninyo. They miss you. Hindi mo ba natatanggap ang mga text ni Warren at Joey sayo?” May bahid na pagmamakaawa ang kanyang boses.

    Humalukipkip ako at tumikhim. Of course I received them. I replied too.

    Warren:
    Sorry sa nangyari at sa lahat ng nasabi ko kagabi. I was just drunk and pissed. Matagal naming pinangarap iyon and yet we’re labeled unprofessional. Medyo iritado rin ako kay Noah. I’m really sorry, Meg.

    Ako:
    It’s okay, Warren. Kasalanan ko rin naman. Don’t worry, mapapansin din kayo ng mga recording company. Magaling kayo at bulag na lang ang hindi makakakita sa talento ninyo. Sorry din sa nangyari. Believe me, hindi ko sinadya iyon. I was also drunk. :)

    Joey:
    Meg, alam kong nasaktan kita. That was my dream right there. Hindi ko kayang makita na nawawala ito na parang bula. I’m sorry for being an asshole. Hindi kita dapat sinisi. Kung ako ang nakakita sa nangyari sayo ay susugod rin ako doon at uupakan ko ‘yong lasing. I’m really sorry. I hope you forgive me.

    Ako:
    Ayos lang, Joey. I understand your sentiments. It was my fault. Marami pang ibang paraan para mawala ‘yong lasing at bastos na lalaking iyon pero hindi na ako nakaisip dahil na rin siguro sa kalasingan. Sorry din talaga sa nangyari. Guilty ako. Don’t worry, kaya niyo ‘yan. Naniniwala akong makakapasok din kayo sa isang recording company because of your talent. I wish you guys all the best.

    Ilang text pa ang natanggap ko sa dalawa. Sa sumunod na araw kung saan may gig sila at hindi ako nakakasama ay lagi akong nakakatanggap ng mensahe na nagsasabing miss na nila ako. Nirereplyan ko iyon ng miss ko na rin sila. That was true. And it’s also true that I’m busy. Only that I made myself busy para hindi na ako makapag isip na pumunta nga sa gig nila.

    Because moving on is a process. It does not happen overnight. Alam ko iyon. Dahil kahit ilang taon ako sa States ay nagbalik ako ng Pilipinas na hindi pa nakakaahon. Pero ngayon, desidido na akong makaahon sa pagkakalunod na ito. And I am aware that it does not happen in a blink of an eye. I need to be patient and try hard.

    “Syempre naman natatanggap. Nagrereply pa nga ako, e.” Tumawa ako. “Nagseseryoso lang talaga ako don sa trabaho. Alam mo naman. I need to impress my parents. Kailangang makita nilang kaya kong maging successful mag isa, without their help.”
    “Hindi ka ba makakapuslit kahit saglit? Kahit isang oras? Just to support Zeus?” Tanong ni Wella.
    “Sorry, Well…” Tikhim ko.
    Hindi siya agad nagsalita. Hinintay ko hanggang sa huminga siya ng malalim. “Kung ganon baka hindi na rin muna ako sasama sa gig bukas.”
    “Bakit?” Medyo napalakas ang boses ko.

    Si Wella ang tumayong lider ng fans club namin noon simula pa nong highschool. Malaki pa ang eye glasses niya noon at ngayong hindi na kami mga teenager at natuto na siyang magsuot ng contact lens ay siya parin ang lider namin.

    “Eh, wala ka.” Aniya.
    “Nandon naman sina Thea, Mara, at Aubrey.”

    Alam kong mas bata at hindi niya gaanong ka close ang tatlo pang kasamahan namin pero hindi iyon sapat para maging dahilan kung bakit hindi siya sumipot.

    “Alam mo namang ikaw ang pinaka close ko. Isasama ni Thea ang boyfriend niya tapos alam mo namang si Mara at Aubrey ay mag bestfriends.” Nalulungkot niyang sinabi.
    “Ayos lang iyan. Kaya mo na ‘yan. You’re a leader. Kaya mong pakisamahan kahit sino-“
    “Nangako kang tutulungan mo ang Zeus. Kahit na pag sipot na lang sa audition?”
    “Wella-“
    “Kahit sa audition na lang, Meg. Nangako ka. I know may issues kayo ni Noah at gusto mo nang tapusin iyon. I can’t fangirl for them forever too. We have to be realistic… Hindi ako palaging nariyan dahil magseseryoso na rin ako sa trabaho. But at least be there for them while they are rising. Kahit sa audition, Meg? Sa audition na lang? Plus! It is your company. Hindi yata allowed ang mga fans sa kung saan sila mag a-audition. You need to help us!” Dinig ko ang sobra sobrang kagustuhan niyang sumama ako sa kanila.
    Pumikit ako at ngumiwi.
    “Sinabi mo sa kanila na tutulungan mo sila! Now where’s your support. Alam kong may problema kayo pero please, Meg. Kahit hanggang audition lang. Ipakita lang na kahit anong mangyari ay nandyan tayo.”

    Hindi na ako nakasagot sa kanya. Pag iisipan ko, iyon lang ang tanging nasa isip ko. She’s right. Pero gaya ng sabi ko, hindi lahat ng tama ay dapat kong gawin. May mga tamang nakakasama.

    Sa sumunod na araw ay ganon parin ang natatanggap kong text galing kay Warren at Joey. Pakiramdam ko ay pareho silang guilty sa nangyari kaya sila text nang text na miss na nila ako. Araw araw ding tumatawag si Wella para yayain ako sa susunod na gig. Pero alam kong alam niya kung ano ang magiging sagot ko.

    Tumunog ang cellphone ko isang araw habang nasa gym kami ni Carlos at Everlyse. Pawis pa ako at lumalamon ng pineapple nang nakita ko ang tawag ni Rozen.

    “Hello?” Sabi ko kahit na ngumunguya pa ng apple.
    “You’re schedule for interview next week. Mahirap masali sa sampung taong iinterview nila pero napasok kita.” Halakhak ni Rozen.
    “May kapalit ba ‘to?” Nagtaas ako ng kilay habang tinutusok ang pinya.
    “Wala. Nasakin na lahat ng kailangan ko sa buhay. I’m just helping you. Naaawa kasi ako sayo.” Humagalpak siya sa tawa.
    “Fuck you, Rozen. Whatever. You got everything that you need? Ibig sabihin ay nasayo si Coreen?”
    “Malapit na.” Dinig ko ang tamis ng salita niya.
    “‘Yon naman pala, e. Malapit pa lang. Kailan ka ba darating at bakit palaging malapit na?” Tumawa ako.
    “At least I made some progress. You’re too bitter, Marfori.” Halakhak niya ulit.
    “I’m not as bitter as your past time lover, though. Leonore ‘Elle’ Batungbakal. Hindi ka ba nahahabag, Rozen?” Sambit ko.

    Hindi ko siya narinig na tumawa at hindi rin siya nagsalita agad. Pinagkibit balikat ko iyon.

    “Anyway, I gotta go. Goodbye! Itext mo ‘yong detalye kung saan ako iinterview at kailan, anong oras. Bye.”

    Pinatay ko kaagad ang aking cellphone at uminom ng tubig galing sa mineral water sa tabi ko. Kailangan kong mag seryoso doon. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nakatanggap agad ako ng mensahe galing kay Wella.

    “Where are you? Ngayon ang audition. Sabi mo ay pupunta ka? You promised! Kaya pumunta din ako. Di kami pinapapasok ng guards.”

    Halos masamid ako sa iniinom kong tubig at agad na luminga para kay Everlyse at Carlos na parehong nasa weights. Nagpaalam lang ako at agad naman akong hinayaan. Nag shower ako sa gym at nagpalit ng damit. Kailangan ko paring umuwi para magpalit ng damit. Umuwi muna ako, natraffic, bago nakarating sa Moon Records.

    Iritado na si Wella nang huli na akong dumating. Nakita ko kung gaano sila ka handa. Si Mara, Aubrey, at Thea ay may dalang banner samantalang naka t shirt namang God of Gods si Wella. Kumpleto kami at excited silang makapasok sa room kung saan ginaganap ang audition.

    Hindi na nagdalawang isip ang mga guards nang nakita akong paparating. Nakasalubong ko si Hugo, isa sa mga scout at designers na pinagkakatiwalaan ni mommy. Malaki ang kanyang ngisi nang nakita ako doon.

    “Oh Maria Georgianne, you look so fab!” Ngiti niya.
    Napatingin ako sa damit kong simpleng itim na dress at itim na pumps. Nasa likod ko ang aking mga kaibigan. Nagbeso ako kay Hugo at nginitian siya. “Hugo, mas maganda ka. Sayo nakukuha ni mommy ang kanyang fashion sense at sa kay mommy ko nakukuha ang akin so it all boils down to you.”
    Natawa siya at hinawakan niya ang kamay ko. “Napadpad ka dito?” Napatingin siya sa mga nasa likod ko.
    “I’m with my friends. Kailangan kong malaman kung saan nagpapa audition ‘yong Going South. May susuportahan lang kami.” Sabay hawi sa bangs ko.
    “Oh… just there, Meg.” Sabay turo sa double doors na karaniwang ginagawang theatre sa building na ito.
    “Of course!” Sabi ko nang napagtanto na walang ibang lugar kundi doon. “Thank you, Hugo. Papasok na kami ng mga kaibigan ko.”

    Tahimik sina Wella nang pumasok kami. Marami kasing bilin ang mga staff sa akin na dapat daw ay huwag mag ingay masyado dahil baka maka apekto sa judges.

    “We don’t want to annoy Going South.” Linya ng staff.

    Naghahagikhikan na sina Mara at Aubrey hindi lang dahil excited silang makita ang audition nina Noah kundi dahil na rin makikita nila ng malapitan ang Going South. Umiling ako nang sabay sabay silang kumuha ng camera nang nakalapit na kami sa mesa kung nasaan ang apat na miyembro at nakikinig sa bandang nasa harap.

    “Hi, Meg!” Nilingon ako ni Zac at ngumiti siya.
    Tumango lang ako at kumaway. Napatingin din si Wade sa amin at ngumiti. Halos yugyugin ako nina Wella sa nangyari. Umirap na lang ako at hindi nakita ang pagkaka espesyal non. Madalas ko naman silang nakikita. Kahit last week sa birthday ni daddy ay dumalo sila sa party at wala lang naman iyon sa akin. I guess we just have different worlds.

    Sa sumunod na nag audition ay namangha kaming lahat. Magaling sila habang kinakanta ang iilang lumang international na mga kanta. Nakita kong pumalakpak si Zac at natawa sa kanilang choice of music. At kung hindi ako nagkakamali ay panigurado nang pasok sila sa kukunin ng Moon.

    I could judge this thing, you know. If only mom believed in me.

    “Break muna.” Sabi ng isang staff na naroon din sa mesa nina Wade.

    Tumayo sila ng sabay sabay at ramdam ko kaagad ang naging tensyon sa aming grupo. Nang namataan kami nina Wade, Zac, Austin, at Adam. Si Wade ang pinakabata sa kanila. Parehong nasa late twenties o early thirties na si Zac at Adam. Samantalang si Austin ay mukhang nasa twenty five lang at mas bata pa roon si Wade.

    “Hi, Wade!” Ngiti ni Wella. Isang ngiting minsan ko lang masilayan… So… she likes vocalists. Alam ko dahil kay Stan ko lang nakita ang ngiting iyan.
    “Hello!” Ngiti ni Wade at nagpakita ang kanyang dimple.

    Wade’s hot. Ganon rin naman ang iba pang miyembro ng Going South. Minsan ay maiisip mo na hindi lang talaga musika ang nagdadala ng lahat. Magaling at maganda ang kanilang musika, pero syempre may hatak din ang kanilang mukha.

    “Wade, these are my girls… Wella, Thea, Mara, Aubrey, Angeli, Franz, and Gladdys.” Ngiti ko habang nilalahad ko ang kamay ko para sa kanila.
    “Hi girls! May sinusuportahan kayo?” Tumaas ang kilay ni Wade sa kanilang lahat.

    I could almost hear their sigh. Oh girls. Napangiti na lang ako. Nakita kong pinapasadahan ni Zac ng kanyang palad ang kanyang buhok at tinatawanan lang siya ni Adam at Austin.

    “Girls, this is… of course kilala niyo na. Wade, and then Zac, Austin, and Adam.”

    Naglahad sila ng kamay isa-isa. Tuwang tuwa sina Wella sa mga munting usapan kasama ang Going South. Hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataon na makapag papicture ngunit mabilis silang tinawag ng staff para mag break daw muna, kumain o uminom ng tubig.

    “Oh my God! Sobrang gwapo pala ni Zac sa personal!” Tili ni Mara.

    Hinayaan ko silang magtalo kung sino ang pinakagwapo sa Going South.

    “Believe me, mas lalong gumagwapo ang mga tao pag nasa taas na sila.” Tumango ako nang naalala kung paano ko pinanood ang unti unting pagsikat ng bandang Going South simula nong high school ako. Austin used to be very skinny but now he has muscles and all. Adam used to look so simple. Siguro dahil na rin siguro sa edad pero malaki parin ang nagagawa ng kasikatan at pera sa confidence at disposisyon ng mga tao. I wonder if fame and influence could change Noah… Well, parehong nasa kanya na ang dalawang iyon. Kahit ang pera ay nasa kanya kaya siguro hindi malaki ang pagbabago.

    I should stop thinking about him. Pinilig ko ang ulo ko habang naghahagalpakan sa tawa ang mga kasama ko dahil sa kilig na nadama nang bigla kong nakitang lumabas galing sa backstage si Warren.

    “Oh my God! Si Warren!” Sabay turo ni Mara sa kanya.
    “Sila na ang susunod? Oh my God!” Dagdag pa ni Thea.

    Lumabas si Liam at Joey. Inayos nila ang mga wire ng mga instrumento habang abala naman si Warren sa pag aayos ng kanyang gitara. Huling lumabas si Noah na dala ang kanyang gitara. Pinatong niya ang kanyang paa sa isa sa mga speaker. Nilagay niya ang gitara sa kanyang hita at ngumuso siya, pinaglalaruan ang labi. Nangiti siya nang may sinabing nakakatawa si Joey at nag high five silang dalawa.

    Napapikit ako ng mariin. Oh, Noah you are a freaking god. But I won’t worship you this time. I lost my faith the way I lost myself.

  • Kabanata 33Open or Close

    Kabanata 33
    Some Opportunities

    Nasulyapan ako ni Noah habang nag s-strum siya ng gitara. Pagkatapos ay hinubad niya ang leash ng gitara at bumaba ng stgae. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kumalabog ang puso ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Nakaawang ang bibig ko habang nangingiti naman ang mga kasama ko doon. Lumagpas si Noah sa mga upuan namin at dumiretso sa gitna ng hall para salubungin ang kararating lang na si Coreen.

    “I missed you!” Halakhak ni Noah tsaka hinawakan ang baywang ni Coreen, binuhat at inikot na parang ngayon lang ulit sila nagkita sa loob ng ilang taon.
    “Sila na ba talaga?” Ngiwi ni Thea.
    “Parang…” Malungkot na sagot ni Mara habang sinusulyapan ako.

    Pinilit kong ngumiti habang pinapanood silang dalawa. Nahagip kami ng tingin ni Coreen at pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Noah can make her blush, alright. Now, what, Rozen? Mukha namang may gusto parin si Coreen kay Noah. Siguro ay may mga bagay lang talagang hindi namamatay, tulad na lang ng pakiramdam ko para sa kanya. But then you can always murder it, kaya mamamatay rin ito.

    Yumakap din si Coreen sa kanya at hindi ko nasundan ang sinabi. Nag iwas ako ng tingin sa dalawa.

    “Goodluck kiss naman diyan!” Sigaw ni Warren habang pinupulot ang drumstick ni Joey.
    “Heh!” Nangingiting sigaw ni Coreen pabalik.

    Pinuno sila ng kantyaw sa tatlong natira doon sa stage. Tawang tawa pa si Liam sa naging reaksyon ni Coreen.

    “Sige na, please?” dinig kong suyo ni Noah na siyang ikinagulat ko.

    Nanlaki ang mga mata ko at agad bumaling sa kung saan sila nakatayo. Pulang pula ang pisngi ni Coreen, hindi makatingin sa makising na Elizaldeng nasa harap niya na nanghihingi ng halik.

    “Meg…” Bulong ni Wella.

    Hindi ako kumibo. Nanatili ang titig ko sa kanila. Hinintay ko ang halik ni Coreen para kay Noah. Pinanood ko kung paano lumapit ang mukha ni Noah kay Coreen at kung paano sinalubong ng pisngi ni Coreen ang labi ni Noah. Mukhang sasabog ang mukha ni Coreen sa sobrang pula pagkatapos ng halik. Sumipol si Liam at halos pumalakpak si Joey sa tuwa.

    Tinakbo pabalik ni Noah ang distansya ng kinatatayuan nila ni Coreen at ang stage. Unti unti namang naglakad si Coreen sa red carpet, patungong harapan. Lumilinga siya at naghahanap ng maaaring upuan. Kahit na sa dami ng upuan ay nakita kong hindi siya makapag desisyon kung alin don ang uupuan niya.

    “Coreen!” Tawag ko sa kanya.
    “Meg?!” Dinig ko ang iritasyon sa boses ni Wella. Nagpoprotesta sa pag tawag ko kay Coreen.
    “Oh my God, Well. This is not a good idea. This is not…” Ani Thea.
    “Meg, ba’t mo siya tinatawag?” Tanong ni Wella ngunit nginuso ko na ang upuan sa dulong tabi ko para doon na siya maupo.

    Pumanhik naman si Coreen at nakita ko ang kaba sa kanyang mukha. If you think I am going to bitch about you and Noah, think again. Hindi ako pinalaking ganon ng mga magulang ko at isa pa, hindi ko pag aari si Noah. Hindi ko ipaglalaban ang mga bagay na hindi naman akin. Ang pinaglalaban ko noon ay ang sarili ko. Dahil mahal ko si Noah kaya pinaglalaban ko ang nararamdaman ko.

    “Nakakainggit talaga. Sana palit na lang tayo ng kapalaran.” Ngiti ko nang nakalapit na siya.
    Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. “Huh? Bakit?” Ngumiwi siya.

    Naalala ko ang mga ngiwi nina Warren at Joey sa gabing halos ipagtabuyan nila ako. Nangiti ako nang dalawang beses akong tiningnan ni Joey at kinawayan niya pa ako. Mukhang ngayon niya lang ako nakita simula kanina. Tinuro niya ako kay Warren kaya kumaway din siya.

    Bumaling ulit ako sa nakangiwing mukha ni Coreen. I know she’s fully misunderstood me. Siguro ay tingin niya ay baliw akong babae na habol nang habol kay Noah. Siguro rin ay totoo ‘yon, baliw na nga yata ako noon. But I want my name cleared… kung unti unting pagbabago ang gusto ko, bago iyon ay maglilinis muna ako ng pangalan.

    Ipinakita ko sa kanya ang tattoo na nasa upper abdomen ko. Kita ko ang panlalaki ng mata niya at pagsinghap.

    “My God!”
    Humalakhak ako. “Sorry, ah? Crush na crush ko talaga siya, e. Noon, sayang talaga, nung na in love siya sakin, umalis ako kaya ayun at binasted ko.”

    Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. I knew it! Hindi ako binanggit ni Noah sa kanya. Walang sino man ang bumanggit sa akin sa kanya. Sa ilang taon kong pagkawala at ilang taon nilang pagkakaibigan ni Noah ay hindi niya ako nabanggit kahit kailan. Maybe I wasn’t significant. Maybe I was just his past time. His first experience, first kiss… Iyon lang iyon. And he’s stalking me because he’s just curious… Nagtatanong siya kay Stan dahil gusto niyang malaman kung siya parin ba. Because there’s a certain empowering feeling when you know that a person is in love with you.

    Tumunog ang double doors hudyat ng pagbabalik nina Wade. Tumalon talon na sina Wella sa saya lalo na dahil nagpalit ng damit si Wade. Medyo mas pumula din ang labi niya at nangingiti nang papasok doon.

    “Wooo! Wade!” Sigaw nina Wella habang niyuyugyog ako.
    Natawa ako sa kanilang mga sigaw. “Gwapo mo, Wade!” Sigaw ko na rin nakikisabay.

    Maingay kami samantalang si Coreen ay nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang pagbabalik nina Wade.

    “Hello, Zeus!” Ani Wade at dumiretso siya sa stage, kinakamayan ang lahat.
    “Oh my God! He’s so hot!” Singit ni Thea.

    May kaonti pa silang pinag usapan bago pumwesto pabalik ang Going South sa mahabang mesa. Nagsimulang tumugtog si Liam at sumabay kami sa lumang kantang iyon.

    Mukhang nagustuhan ito ng Going South. Pumalakpak lang si Wade at naisip kong papapasukin niya ang mga ito. Minsan niya rin itong naging banda. Dito siya nagsimula. Nang nakita kong tumango si Adam ay nakakasiguro na ako. Halos pumalakpak ako pagkatapos kumanta ni Liam.

    Nanlaki ang mga mata ni Liam at mabilis na tumakbo sa red carpet. Sinundan namin siya ng tingin at bago ko makita kung sinong naroon ay narinig ko na ang sinabi ni Coreen.

    “OMG! Reina!” Tumalon si Coreen at mabilis ring kumawala sa kinauupuan niya para sumugod kay Reina.

    Napangiti ako habang pinagmamasdan ang malaking pagbabago ng nakababatang kapatid ni Noah. Medyo may pagka morena si Reina noon pero ngayon ay nahaluan yata ng gatas ang kanyang balat. Makinis na ang kanyang tigyawating mukha at medyo tumangkad siya. Magaling din siyang mamili ng damit. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at ngumuso ako.

    She’s a sign of change. May mga tao talagang kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi nagbabago samantalang may mga tao namang tulad ni Reina, na may malaking pagbabago.

    Bumaba ang Zeus sa stage para dumugin si Reina. Nakita ko kung paano tumayo si Zac, Austin, at Adam para tingnan kung sino ang naroon.

    “Ganda, a?” Halakhak ni Zac habang sinasapak ni Adam.
    Tumawa ako at umiling.
    “My kind of girl.” Sabi ni Austin sabay tingin kay Reina.
    “Iyan ang lagi mong linya. You told me I was your type of girl. Players…” Iling ko at tumawa na rin.

    Napansin ko ang titig ni Noah sa akin. Ilang metro lang ang layo naming dalawa at nakakasiguro akong narinig niya iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay tinititigan niya na naman ako ngayon gamit ang galit niyang mga mata. What’s that for? I don’t want to know. Napawi ang ngisi ko at napatingin na lang sa aking mga kamay.

    Maaaring ang rason kung bakit hindi ko siya nakalimutan noon ay ang kawalan namin ng closure. Umalis ako na galit siya sa akin. Hindi kami nakapag usap ng maayos at inaamin ko na dahil sa kakitiran ng musmos kong pag iisip noon ay hindi ko siya naharap ng maayos. It’s my fault. But it ends there. Sa sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang buwan ay masasabi kong nakapagbayad na ako sa lahat ng sakit na iyon. Wala nang mas idudurog pa ang puso ko. Maybe it’s true… that you need to hit the rock bottom so you’ll wake up. At tingin ko ay nauntog na nga ako sa dulo ng pagkakahulog ko kaya ngayon lang ako nagising.

    We need closure. Kailangan ko iyon at kailangan iyon ni Noah. Kailangan niyang malaman na kailangan niyang tigilan ang pag ngiwi tuwing may ibang lalaking nakaaligid sa akin. He should not give me that expression.

    Nilapitan ni Noah si Reina at may munti silang pag uusap doon habang ako ay abala sa pag sagot sa mga tanong nina Wella tungkol kay Reina.

    “I heard ex niya si Wade Rivas.” Sabi ni Thea.
    Nagkibit balikat ako. I don’t know, really.
    “Meg, you showed Coreen your tats. For what?” Nakita ko ang pagdududa sa mukha ni Wella.
    Tumawa ako. “Para makita niya lang, Well. Anyway, may plano akong patabunan ito ng dream catcher.”
    “What?” Nalaglag ang panga nilang lahat sa sinabi ko.
    Tumango ako at ngumiti.

    Because right now, I want to completely get over him.

    Hinigit ni Coreen si Reina palapit sa amin. Napatingin si Reina sa akin at matipid itong ngumiti. Mabilis ang mga sinabi ni Coreen sa kanya kaya hindi ako makasingit. Isa pa ay kumanta rin sina Wade sa entablado kaya imbes na makipag kwentuhan ay natoon ang pansin ko sa kanila. Malaki ang ngiti ko habang nag fa-flying kiss si Zac sa akin.

    “May gusto yata ang mga taga Going South sa’yo, Meg.” Siko ni Wella sa gitna ng hiyaw.
    “Biro lang ‘yan, Well. Tsaka… natatakot ‘yang mga ‘yan sa akin dahil boss nila si Mommy.” Tawa ko.

    Lumingon ako sa bandang kanan kung nasaan nag hiheadbang ng kaonti si Coreen na katabi ng namamanghang si Reina. Sa malayo ay kitang kita ko ang titig ni Noah sa akin. Napawi ang ngiti ko at natigil ako sa konting pag palakpak. Sa titigan naming dalawa ay tumalikod siya at naglakad patungong double doors. Hindi ko alam kung lalabas o ano?

    “Excuse me.” Sambit ko para makadaan at masundan si Noah.

    This is probably the last time I’m going to support them physically. Kaya sasamantalahin ko ang pagkakataong ito para mag usap kaming dalawa.

    “Noah… Sandali.” Tawag ko.
    Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. “What is it?” Tanong niya.
    “Noah, can we talk, please.” Sabi ko.
    “Ano bang pag uusapan natin? Wala akong gustong sabihin sayo.” Mariing sinabi ni Noah.

    Nagulat ako nang biglang dumating si Coreen sa aming gilid. I don’t care. I want to talk to him for the last time.

    “Noah…” Sabi ko, diretsong nakatingin kay Noah. Seryoso ako. Gusto ko lang naman kasing mag sorry sa lahat ng ginawa ko. Gusto kong sabihin na sorry kasi pinatattoo ko ang pangalan niya. I know he finds it creepy. Sorry sa ginawa ko noong high school pa kami. Sorry sa lahat. And I hope we can be friends after everything. Hindi ako mangugulo. Pero hindi ko iyon nasabi dahil ayaw kong sabihin iyon sa gitna ng pagkakairita niya. I want to talk to him sincerely.
    “Ano ba? “May gagawin kami ni Coreen. Will you please stop stalking me! Naiinis ako sayo!” Mariing sinabi ni Noah.

    Bumagsak ang mata ko sa aking kamay. I guess this is not the right time, then? Tinalikuran ko sila para makaalis. Oo, nasaktan na naman ako. Pero ito ‘yong sakit na ikinakatakot ko. Sa sobrang pasakit ay namanhid na lang ako, wala nang luhang lumalabas. Para bang normal na lang ang sakit. Para bang nakasanayan ko na. And that’s not healthy. Noah is not healthy for me.

    Wala akong ginawa sa mga sumunod na linggo. Inindian pa ako ng big boss sa unang interview ko. Halos sigawan ko si Rozen at naisip kong pinaglalaruan niya lang ako, kung hindi lang sobrang pag aalala niya na wala ‘yong boss kaya hindi ako na interview ay sasabihin ko na talagang pinaglaruan niya ako.

    “He went to New York, sabi ng secretary. Hindi siya nagsabi sa akin. Shit!” Malutong na mura ni Rozen. “I’ll book you another appointment.”

    Halos nawalan na ako ng gana para doon. Talaga bang matatanggap ako sa kompanyang iyon? Kaya habang naghihintay sa oportunidad ay tinulungan ko na lang si mommy at daddy sa kompanya kahit ilang beses nila akong sinasaway na dapat ay hindi.

    Nakapag concert ang Zeus. Isa ako sa nag organisa kasama ang ibang staff. Mas gusto ko iyong nag popromote at nag aadvertise through digital art or photography. Ako rin ang gumawa ng iilang advertisements nila kasama ang ilan pang graphic artists. I’m not paid for this but I have some funds from my parents. Hindi naman ako nanghihingi pero gusto ko ang pakiramdam na ako mismo ang naghihirap sa sarili kong pera.

    “Papagalitan tayo ni Madame!” Halos patiling sinabi ni Hugo.
    “Oh, Hugo. Don’t worry about my mom!” Sabi ko habang nag kakatuwaan kami sa after party.

    Maraming games doon at nakisali ako sa pinaka nakakatawa at green na laro. Maraming pictures and I find them all green-looking. Hope this won’t be published or something?

    “You won that game, Maria Georgianne?” Nagtaas ng kilay si mommy nang nakarating na pagkatapos ng ilan pang laro.
    “Mom… what’s the prob?” Ngisi ko habang pinapakita sa kanya ang award ng mga nanalo.
    Umiling si mommy at uminom ng tubig.

    Nagkakatuwaan na ang staff ng Moon Records kasama ang Going South. Umupo si daddy sa tabi ko.

    “Ayos lang, Alejandra. Your daughter’s of age. It’s just a game. It’s not like she’s gonna marry Austin. And besides, he’s a good man.” Nakakunot ang noo ni daddy habang pinagmamasdan ang Going South na nagkakatuwaan sa gitna.
    Nanliit ang mata ko. “Ang akala ko, dad, ay hindi mo gusto ‘yong mga nag babanda?”
    Bumaling si daddy sa akin at tumikhim. “Honey, it’s Going South. They are established and very, very successful. Alam ko ring may mga business si Austin. Why? Is he courting you, honey?”
    Umiling ako. “Hindi po.”
    Tumawa si dad. “I heard Zeus, ‘yong banda ni Stan noon, got in? Nagustuhan ng Going South ang music nila. Marami pa silang bigas na kakainin bago maging kasing sikat ng Going South. O baka nga hindi nila iyon maabot.”
    “Dad!” Halos pasigaw kong sinabi.
    “That’s what I told them. You know, Megan, some opportunities are meant for certain people only… Hindi para sa lahat ng tao.”
    “You told them that?” Hindi ko maalis ang gulat sa mukha ko.
    “Yes. Kasi alam kong galing sa tanyag na mga pamilya ang nasa bandang iyon. It’s a shame if they continue their music and neglect their family duties for that.”

    Natulala ako kay daddy habang siya ay natawa sa nangyayaring laro sa gitna. I can’t believe him! Iyon ang sinabi ni dad kina Noah?

  • Kabanata 34Open or Close

    Kabanata 34
    Closure

    Ilang linggo ang aking pinalipas sa paghihintay sa trabahong gusto kong makuha. Nang nakatanggap ako ng text ni Rozen tungkol sa bagong schedule ng aking interview ay mabilis na akong nagbihis para don.

    Tumunog ang cellphone ko kaya pinindot ko ito. Patungo ulit ako doon sa building kung saan ako i iinterview nong big boss ng kompanyang nangangailangan ng tulad ko.

    “Hello, Meg. Asan ka? Mamayang 2pm ‘yong usapan natin ah? Huwag mo kaming indian-in. This is the last time.” Ani Wella.
    “Holy shit!” Hinampas ko ang manibela.

    Ito na ang huling pagpunta ko sa kahit anong event o gig nina Noah. Dito ko rin sana pinlano na magkausap kami ng masinsinan para maisarado ang kung ano mang namamagitan sa aming dalawa noon.

    “Ngayon ba ‘yon?” Tanong ko. “May interview ako ngayon.”

    Ala una ang interview ko kaya papunta na ako ngayon doon sa kompanya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon pero baka huli na para sa recording.

    “Ano? Hindi ba usapan natin… Then pupunta ka sa next gig nila-“
    “No… No, Well. Pupunta ako ngayon. Just chill, okay. I need to do this interview first. Okay? Tatawag ako pag papunta na ako. Bye.”

    Pinatay ko kaagad ang tawag at dinoble ang bilis ng takbo ng sasakyan. Kung tunay na matanggap ako sa kompanyang ito ay mawawalan na ako ng oras na bumisita sa kanilang susunod pang gig.

    Pinasok ko ang sasakyan ko sa parking lot ng building. Pagkapark ay inayos ko ang buhok kong mahaba. Ginawa ko itong malinis na bun at inayos ko ang bangs ko. Huminga ako ng malalim at dinampot ang aking mga dokumento pati ang portfolio.

    Sa elevator ay may malaking A na nakalagay. Ito ang simbolo ng buong kompanya. Hindi ito ang unang pagkakataong napunta ako dito pero mas kalmado ako ngayon kesa nong una. Sana lang ay nandoon nga ang big boss at hindi niya ako inindian.

    Pagtigil ng elevator sa tamang floor ay lumabas kaagad ako. May lamesa ng sekretarya na nilapitan ko kaagad. Nag angat ng tingin ang babaeng naroon at namukhaan niya yata ako.

    “Nandito po ba ang boss?” Tanong ko.
    “Opo… Nandito po siya. You’re scheduled for an appoinment today? Can I have your I.D?” Aniya.

    Nilapag ko kaagad ang I.D. ko at nag hintay sa kompirmasyon niya. Tumango siya at ngumisi. Kinuha niya ang telepono at may sinabi bago tumayo at inilahad ang itim na double doors.

    “Ready na po si Mr. Aboitiz.” Ngiti ng babae.
    Tumango ako ng wala sa sarili pero natigilan nang naalala ang sinabi ng babae. Bago pa ako makareact ay papasok na ako sa malaking opisina. Kulay puti ang dingding ng opisina at maging ang mga muwebles ay simple at halos kulay puti rin. Ang tanging itim lang sa opisinang iyon ay ang swivel chair at ang mesa.

    Nasagot lahat ng katanungan ko kanina bago ako pumasok sa sumalubong na nakasimangot na mukha sa aking harapan.

    “Ysmael?” Gulat kong banggit nang naaninag ko ang kanyang banyagang mata. Malaki ang ngiti ko ngunit hindi niya ito sinuklian.
    “Do I know you?” Tanong niya, nanliliit ang mga mata.

    Dumiretso na ako sa kanyang mesa. Malaki parin ang ngiti ko. Hindi niya ba ako namumukhaan. Tinagilid niya ang ulo niya na para bang iniisip kung saan kami nagkakilala. Nilapag ko ang mga dokumento sa kanyang mesa.

    “Megan Marfori. Hindi mo na ako naaalala?” Excited kong sinabi.
    Ngumuso siya at nag taas ng kilay. Binagsak niya ang kanyang tingin sa mga nakalapag na dokumento sa kanyang mesa.
    “You should only put the documents when I tell you to.” Aniya habang tinitingnan ang aking mga nilapag.
    Kinagat ko ang labi ko at isa isang dinampot iyon. “Hindi mo ba ako nakikilala?” Tanong ko. Umupo rin ako sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.
    “And…” Pumikit siya ng mariin. “You don’t sit when you’re not told.”

    Nagulat ako sa kanyang sinabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya agad akong tumayo. Hindi niya ba ako naaalala?

    “I-I’m sorry.” Nauutal na ako at dinalaw na agad ng kaba. Is this really Ysmael?
    “Of course, I remember you. Schoolmates tayo nong high school. You were my prom date.” Aniya habang kumukuha ng fountain pen at tinitingnan ang resume kong nasa kanyang mesa.

    Nakatayo ako at ayaw nang magsalita sa harap. Naaalala niya naman pala ako kung ganon pero may nagbago.

    “Nag masters ka ba?” Nagtaas siya ng kilay sa akin.
    Umiling ako, nanunuyo na ang lalamunan.
    “I see. You should.” Aniya at sinantabi ang aking papel.

    Malinis ang cut ng kanyang buhok. Naka coat siyang itim at ang kanyang necktie ay kulay grey. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri at pinanood ako sa ibabaw non.

    “You can now sit.” Aniya.
    Tumango ako at dahan dahang umupo.
    “May I see your portfolio?” Tanong niya.
    Natataranta akong inabot sa kanya ang mga papel na dala ko. Imbes na tanggapin niya iyon ay umiling lang siya.
    “Only your portfolio, Miss Marfori.” Malamig niyang sinabi.
    “Oh… I’m sorry.” Hilaw na ang ngiti ko at pinili iyong aking porfolio na nasa gitna ng mga iba pang dokumentong dala ko.

    Kinuha niya ito at matinding katahimikan ang bumalot sa amin habang tinitingnan niya ang bawat pahina. Dinig na dinig ko ang bilis ng pintig ng puso ko. May nagbago sa kanya. Marami. At siguro ay dala na rin ito ng panahon. ‘Yong Ysmael na kilala ko noon ay mabait ngunit ang Ysmael na kaharap ko ngayon ay medyo malupit. Maybe he’s just being professional? I should stop overthinking. Ganito lang siguro talaga ang mga big boss. I wonder if mommy’s this hard with her interns?

    “Hmmm. Magaling,” aniya. “May mga experience ka ba sa ibang kompanya?” Nag angat ulit siya ng tingin sa akin. His foreign features made him too handsome for someone this cold.
    “Wala pa. Freelance lang madalas. Tapos sa kompanya nina mommy at daddy.”
    “Bakit di ka sa kompanya na lang nila dumiretso? You’ll be a big help for them.” Tinagilid niya ulit ang kanyang ulo.
    “I want to create my own name. Kompanya nila iyon, hindi iyon akin. Gusto kong mapatunayan na kaya kong umunlad na ako lang.” Sabi ko.
    Tumango siya at sinarado ang aking portfolio. “Alright. My secretary will just call you if you’re hired.” Aniya sabay kuha ulit ng fountain pen at pirma sa isang papel. Sinuri niya pa itong mabuti na para bang may nakaligtaan siya.

    Nakatunganga lang ako doon habang mahinahong nagliligpit. Is that it? Nag angat siya ng tingin sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.

    “You may go,” malamig niyang suhestyon.
    Tumango ako at mabilis na tumayo. “I’m sorry.”

    Dumiretso na ako palabas nang hindi siya tinitingnan. Tsaka lang ako nakahinga ng malalim nang nakalabas na ako doon. Nakangiting sinalubong ako ng kanyang sekretarya.

    “Kamusta? Mabait si Mr. Aboitiz. Natanggap ka ba?” Tanong niya.
    Umiling agad ako. “Tatawagan pa lang ako pag natanggap na.”
    Kumunot ang kanyang noo. “Ganon ba? O bakit ka namumutla?”
    Umiling ulit ako bago ngumiti. “Kinabahan lang. Uhm, anyway, thank you, Miss. Maghihintay na lang ako sa tawag.” Tsaka tumulak na patungong elevator.

    Buong byahe patungong Moon Records ay wala akong naisip kundi si Ysmael at ‘yong pagiging malupit at malamig niya sa akin. Inalala ko kung anong nangyari sa huling pagkikita namin ni Ysmael. Iyon ba iyong prom o may iba pa? Matagal na iyon kaya halos hindi ko na maalala.

    One thirty nang nag park ako sa Moon Records. Dumiretso agad ako sa recording room kung saan doon mag rerecording ang Zeus. Nang nalaman kong kukunin sila for recording ay sobrang natuwa ako para sa kanila. Dapat ay tama na iyong naging suporta ako ngunit nangako ako kay Wella na pupunta ako ngayon sa unang recording nila. Ito rin siguro kasi ang huling pagiging sobrang active niya dahil magtatrabaho na rin siya.

    “Meg!” Ani Wella nang naabutan ko sila sa labas ng recording room.

    Pinalibutan nila agad ako. Tinuro niya ang double doors kung saan maaaring naroon sa loob sina Noah at bumaling sa akin.

    “Di kami pinapasok kasi wala ka!” aniya.
    “Okay… Let’s go.” sabi ko at tinulak na kaagad ang double doors kung saan di sila pinapapasok.

    Sinalubong ako ng staff na magpapalabas na sana sa amin ngunit nang nakitang naroon ako ay pinapasok kaming lahat.

    “I told you, Meg. Hindi namin kaya ‘to pag wala ka,” ani Thea.

    Tumikhim ako at pinanood ang iilang mga magagaling na Dj at musical director ang naroon at naghahanda para sa recording ng Zeus. Salamin ang pagitan namin sa recording room at nakita ko sa loob na wala pa ang Zeus. Naupo kami doon habang naghihintay. Hindi nila mapigilan ang excitement na nadama habang hinihintay ang Zeus.

    “O, ayan ‘yong bitbitin mo.” Sabi ni Wella at binigay sa akin ang isang bondpaper na may nakasulat.
    “Ano ‘to?” Tanong ko habang tinitingnan at binabasa ang ‘I love you, Noah!’ “Kayo na lang ang magdala nito.” Sabay bigay ko kay Mara.
    “‘Yong kay Warren ang dadalhin ko. Sige na, hawakan mo na lang muna, Meg.” Ani Mara.
    Tumikhim ako at tiningnang mabuti ang puro excited at nakangisi nilang mga ekspresyon. “This is probably the last time I’m going to join you girls.”
    “Kahit sa vacation o leave mo hindi ka sasama, Meg? Magtatrabaho din ako pero sasama naman ako pag may oras,” ani Wella.
    “Pero diba magpapatuloy parin tayo, girls?” Tanong ni Thea sa mga nandoon na agad namang sumang ayon sa kanya.

    Nagkatinginan kami ni Wella. Alam kong alam niya ang mga dahilan ko. Hindi ko na kailangang isa isahin iyon. Nakapag desisyon na ako na unti unti ko nang babaguhan ang buhay ko. Kung hindi lang ako umaasa ng closure sa amin ni Noah ay wala ako dito. Kung hindi lang ako nangako kay Wella ay hindi ako susuporta sa kanila. Kahit na nagkausap na kami ng konti nina Warren at Joey ay hindi ko parin maiwasan ang pagkakailang ko sa kanila. Lalong lalo na siyempre kay Noah.

    “Ayos lang bang mag ingay dito, Meg?” Tanong ni Mara sa akin pagkatapos nilang magtawanan.
    “Syempre naman ayos lang. Hindi naman maririnig ng nag rerecord ‘yong boses natin dito.” Sabi ko at tumango.
    “Talaga?” Nilakasan ni Mara ang kanyang boses at tiningnan ang mga direktor na hindi man lang lumingon.
    “Hi!” Sigaw pa ni Aubrey. “I love you po!” Mas maingay niyang sigaw.

    Sa gitna ng biruang pag iingay namin ay pumasok sa kabilang room si Warren at Joey.

    “I love you, Joey!” Sigaw ni Aubrey’ng pagkalakas lakas.

    Napapikit ako sa lakas ng hiyawan at tawanan nila. Sana pala ay hindi ko na lang binanggit na pu pwedeng mag ingay.

    “I love you, Noah!” Sigaw ko at nagtawanan kami.

    Hindi pa naman pumapasok si Noah doon sa loob kaya wala kaming ginawa kundi ang mag biruan. Naririnig naming ang strum ng guitar kay Warren habang inaayos niya ito pero hindi niya kami maririnig galing doon sa kinatatayuan namin.

    “Go Zeus! Go Zeus!” Sabay sabay naming sigaw. “Go Noah! Go Noah!”

    Nagsasayawan na kami doon sa room nang biglang nag angat ng tingin ang staff. Siguro ay nakita ang gulong ginagawa namin. Nagtawanan kami at tumigil. Bumukas ang pintuan ng room nila at dumungaw ang staff sa amin. Namataan ko rin ang pagpasok ni Noah sa kabilang room. Mabilis kong binitiwan ang papel na dala at nilapag ko iyon sa mesang nasa gilid namin.

    “Girls, please stay quiet.” Anang staff. “Masisira ang recording nila pag medyo maingay kayo.”

    Nilingon ko ‘yong staff at nakita ko ang pagkakailang niyang tumingin sa akin. Ngumiti ako at pinagtagpo ang mga palad.

    “Ay, sorry po. Sorry.” Yumuko na rin ako.

    Ngumiti ang staff kaya nag angat ako ng tingin. Pumasok pabalik ang staff sa loob kung nasaan ang mga musical directors. Bahagya kaming nagtawanan dahil sa mga ginawa namin nang nahagip ng tingin ko ang nakangiting si Coreen. Nakatitig siya ng diretso sa salaming nakapagitan sa amin sa Zeus at hindi ko na kailangang kumpirmahin kung sino ang katitigan niya.

    Yumuko ako nang nagsimulang tumugtog ang Zeus. Isang beses kong sinulyapan kung paano tinugtog ni Noah ang una ng kantang iyon at hindi ko siya kayang titigan. Nang medyo tumabi si Coreen sa amin ay hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.

    “Coreen, nandito ka pala.” Sambit ko at sumulyap sa kanyang nakangiti.
    “Oo.” Mahinahon ang kanyang boses.

    Nag angat ako ng tingin sa Zeus at nakita ko kung paano sila nalasing sa musikang tinutugtog. They deserve this so much. ‘Yong talento at tiyagang inialay nila para sa musika ay masusuklian na sila ngayon.

    “Ang galing nila ano?” Sambit ko. “I really think Noah should do the vocals, though.”

    Magaling naman si Liam. Pero hindi ko lang talaga maalis sa isip ko ‘yong kumanta si Noah sa akin ilang taon na ang nakalipas. Magaling din siya. Malalim ang kanyang boses at hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya kumakanta. Isang beses ko lang siyang narinig kumanta at iyon ay para mag kaayos na kaming dalawa. Isa iyon sa mga naging pinaka espesyal na alaala sa akin. That was ours. Kaming dalawa lang ang naroon at walang makakaagaw sa akin sa alaalang iyon.

    “Narinig mo na ba siyang kumanta?” Tanong ko.
    “Oo.” Sagot ni Coreen.
    Nagulat ako ngunit diretso akong namangha. “Wow!”

    Hindi ko alam na kumanta pala siya. Kailan kaya? At sinu sino pa ang nakarinig nito? Si Coreen lang kaya ang nakarinig non? Kinantahan niya kaya si Coreen? Inalayan niya ba ng kanta si Coreen? He really did fell for Coreen, huh? Iniyakan niya kaya ito? Ang alam ko ay hindi kailanman siya umiiyak para kahit kanino pero ngayon ba ay nabali nito ang prinsipyong iyon? Did his tears fell for her? When she broke his heart? Or when he expressed his love for her? Was I just his puppy love? Iyong pag ibig na una mong naramdaman para maging batayan lang sa susunod at tunay mong mamahalin?

    “Pero hindi siya kumakanta masyado. Nahihiya yan.” Her words broke into my thoughts.
    “Oo. In fact akala ko nga ako lang ang nakarinig sa kanyang kumanta.” Ngiti ko nang hindi siya nililingon.
    “Hmm. Kelan mo ba siya narinig?” Narinig ko ang pagtataka sa kanyang boses.
    Nagkibit balikat ako at tiningnan ko si Noah ng mabuti. Nag init ang gilid ng aking mga mata. I guess some things are meant to stay that way. Ang closure na hinahanap ko ay para sa sarili ko rin naman pero maaari kayang may mga bagay na wala talagang closure? Na ang closure na hinihingi ko ay eto na? Na ang closure ng istorya namin ni Noah ay ang mismong pagiging walang closure nito? Hindi na namin kailangan non. Dahil matagal nang sinampal sa akin ng panahon na hanggang dito lang talaga. This is our closure. Hindi sapat ang galit at kaonting atraksyon ni Noah para bumalik sa akin. At hindi sapat ang pagmamahal ko para kumapit sa aming dalawa. This is the closure I’ve been waiting for.

    Pagkatapos ng kanta nila ay nangiti ako at huminga ng malalim. I need to go.

  • Kabanata 35Open or Close

    Kabanata 35
    The Boss

    Problemado sina mommy at daddy sa mga sumunod na linggo. Isa isa kasing nagdatingan ang mga problema sa Going South. Matagal na silang maraming intriga pero itong mga nakaraan ang pinaka malalaki.

    “Ang problema kasi sa mga fans ay masyado silang naki carried away. Agad silang nag co-conclude kahit na ang totoo ay bulag sila sa katotohanan.” Sabi ni Everlyse habang kinakagat ang green apple.

    Bumisita ako sa kanilang bahay. Nakatanggap kasi ako ng mensahe galing sa sekretarya ni Ysmael o ni Mr. Aboitiz na tanggap na ako sa kanilang kompanya at magsisimula na ako sa Lunes. Ilang linggo na rin simula nong bumalik si Everlyse sa kanilang bahay. Syempre kasama niya si Carlos dito. Kakatapos lang ng renovation ng kanilang bahay at naninibago pa ako sa itsura nito.

    “Everlyse, you really can’t blame them. Wala silang alam. Good for us, alam natin ang mga nangyayari, sila ay hindi-“
    “Kaya nga dapat ay wag na lang silang mag conclude.” Umirap si Everlyse na ang tinutukoy ay ang mga fans ni Wade o ng Going South na umaalma sa pag ibig nito kay Reina Elizalde.
    “Halos kalahati ng fans ay teenagers. Hindi mo kakayaning intindihin ang raging hormones nila. Imbes na patulan ay hayaan na lang. Let them learn from their mistakes.” Sabi ko at umupo sa kanilang kulay beige na sofa.
    “Some of them won’t learn. Kailangan mo pang sampalin bago matuto.” Irap uli niya habang pinapatay ang TV kung saan nagpahayag si Wade Rivas ng kanyang speech tungkol sa nangyari at nagbabantang hindi mag rerenew sa kontrata.
    “Problema na nila kung ayaw nilang matuto. Hindi naman masisira ang buhay mo kung hahayaan mo sila. But I understand Wade… syempre nasaktan si Reina. ‘Yan ang napala ng mga fans.” Kibit balikat ko.
    “Anyway, Meg, pinaulit mo na ba ang iyong tattoo?” Tanong ni Everlyse.
    Umiling ako. “Hindi pa. Nagpaschedule pa lang ako ng appointment with Willy. ‘Yong artist na kilala ko galing boracay. Magaling siya kaya kinuha ko. Ipinakita ko na rin ang gusto kong disenyo, siguro next month na.”
    Tumango si Everlyse at kita ko ang pagdududa sa kanyang mukha. “Nag Facetime nga pala kami ni Stan kanina. Uuwi na pala siya next week.”
    “Whoa! Really?” Gulat kong sinabi.

    Nalaman ko kay Everlyse na nagkasundo si Carlos at Stan na mag sosyo sa negosyong gusto ni Carlos. Dapat ay babalik na ang dalawa sa New York pero dahil gustong mag negosyo ni Carlos ay nag extend na muna sa bakasyon.

    Araw-araw hanggang nag linggo ay doon ako nagpapalipas ng oras kina Everlyse. With their new pool and amazing patio, pakiramdam ko ay nasa isang international hotel ako.

    Umahon ako galing sa swimming pool. Sa lounge ay nakahiga si Everlyse samantalang tulog naman si Carlos sa kabila. Kitang kita ko ang mga mata niyang pinapanood ang tattoo ko.

    “Kailan mo huling nakita si Noah o ‘yong Zeus?” Tanong ni Everlyse.
    Ngumuso ako. “Nong recording? Bakit?”
    Tumango siya at nagkibit balikat. Hindi na nag abalang sagutin ang tanong ko. Siguro ay nagtanong lang siya para makumpirma na hindi na nga ako sumasama sa grupo tuwing may gig ang Zeus.

    And I admit it, mahirap. Mahirap na tanggihan ang mga lakad na nakasanayan mo na. Mahirap dahil gusto mo ring makita kung gaano ka ingay iyong crowd nong huli nilang gig. Pero ganon talaga. Hindi na kami mga bata at kailangan ko nang tapusin ito. Dapat nga ay matagal ko na itong ginawa. Hindi talaga mapapantayan ang sakit na naramdaman ko.

    Ang sumunod na araw ay unang araw ko sa kompanya. Mahirap ang trabaho. May sarili akong cubicle kasama ang iilan pang designers na magagaling at bihasa na sa larangan. Marami kami sa team at ang madalas naming ginagawa ay ang pag aadvertise ng iilang mga produkto ng iilang malaking kompanya.

    Sa aming palapag ay biglang dumaan si Ysmael. Nilingon ko siya at nakita ko kung paano siya ginalang ng mga taong nadadaanan niya. Tipid na ngiti ang isinusukli niya sa bawat isang bumabati ng magandang araw. He’s wearing a grey suit this time and he looks so drop dead gorgeous.

    Nang nalapit siya doon sa cubicle ko ay umubo na ako para siguraduhing hindi paos ang boses ko.

    “Good afternoon, Mr. Aboitiz.” Sambit ko nang dumaan siya ngunit hindi niya man lang ako nilingon.

    Ngumuso ako at pinaglaruan ang ballpen. Gumalaw ang swivel chair sa kabilang cubicle at narinig ko ang halakhak ng kasamahan kong nakilala ko kanina.

    “Gwapo ni Sir Ysmael no?” Ngiti ni Ma’am Alice.
    Ngumiti ako. “Oo. Schoolmates kami niyan nong high school. Magkaibigan kami pero ngayon parang…” Nagkibit balikat ako.
    “Oh? Uy, Alexis, lika dito.” May hinila siyang isa pang nasa malapit na cubicle. “Eto nga pala si Alexis.” Sabay lahad ni Ma’am Alice sa isang babaeng medyo boyish at may malaking glasses. “May schoolmate si Mr. Aboitiz dito. Sige nga sabihin mo sa amin kung paano siya nong high school?”

    Pinagkaguluhan nila ako. Hindi ko naman binanggit sa kanila na may kung anong namagitan sa amin ni Ysmael noon. Nabanggit ko lang na madalas kaming magkasamang kumain at mag usap pero ganunpaman ay nilagyan nila ito ng malisya. Umiling na lang ako at napatanong…

    “Siguro ay nag iba na lang ang pakikitungo niya dahil nagbago na. Ilang taon na rin naman ang lumipas. Siguro ay magagalit ang kanyang girlfriend o asawa pag maging friendly pa siya sa ibang babae.” Inosente kong sinabi.
    “Walang girlfriend si Mr. Aboitiz no!” Sabi ni Ma’am Alice.
    Ngumiwi ako at hindi naniwala. Ilang sandali ang lumipas ay pinaligiran na kami ng iilang projects. Alas tres ng hapon ay sumama pa kami sa isang photoshoot para sa isang sikat na magazine. Ako ang gagawa ng lay out, si Ma’am Alexis at Ma’am Alice ay mga photographers. Iba iba ang mga gawain namin sa grupo. At pagkabalik ng mga alas singko ay may isang ad kaming gagawin. Kahit na dapat ay out na kami ay nag eextend ang iba para lang gumaan ang trabaho kinabukasan.

    Ganon ang eksena halos araw araw sa trabaho. Minsan ay umuuwi naman kami ng sakto sa oras pag hindi ganon ka busy. Si Ysmael naman ay palagi kong nakikitang busy. Madalas siyang may kasamang naka suit rin at madalas siyang may convention o kung ano. Walang pasok pag Sabado at Linggo kaya hindi naman masyadong toxic sa ngayon.

    Pagka Biyernes ng linggong iyon ay patong patong ang mga trabaho namin. Panay na ang tawag ni Everlyse sa akin dahil isasama nila ako ngayon sa NAIA para sunduin si Stan. Atat na rin akong suntukin siya kaya lang ay patong patong ang trabaho namin.

    “Hindi ba pwedeng pumunta ako dito bukas para tapusin ko na lang ang lay out nito? Sa Wednesday pa naman ang deadline.” Sabi ko kina Ma’am Alexis at Ma’am Alice na parehong humihikab at nagtitimpla ng kape.
    “Ikaw ang bahala. Abay trabaho mo naman iyan.” Sabi ni Ma’am Alice.
    “I just really need to go.”

    Huling tawag ni Everlyse ay nasa parking lot ng building na sila ni Carlos. Sinadya ko pang hindi mag dala ng sasakyan ngayon sapagkat susunduin daw ako ng dalawa para sabay na naming puntahan si Stan sa NAIA.

    Dinampot ko ang mga gamit ko habang pinapanood nila akong natataranta. Pinasadahan ko sila ng tingin at kinawayan.

    “I’m sorry. Pupunta lang ako dito bukas para tapusin ang lahat ng ‘yan.” Sabay halos takbo ko sa elevator.

    Tumunog pa ang cellphone ko at nahulog ang iba kong gamit sa pagkakataranta. Isa isa kong dinampot ang alcohol at wallet kong nahulog sa elevator habang sinasagot ang cellphone ko.

    “Lyse, pababa na ako, okay?” Sambit ko ng wala sa sarili.
    “Meg?” Dinig ko ang isang pamilyar na boses.

    Pagkaayos ko ng gamit ay sinulyapan ko ang cellphone ko at nakita kong hindi iyon si Everlyse. It’s Wella!

    “Well? Ano?” Tanong ko.
    “Nandito ako ngayon kina Warren. Nag aaway ang tatlo sa banda,” aniya.

    Kumunot ang noo ko. Alam kong medyo matagal na kaming hindi nagkikita dahil matagal na akong hindi sumasama sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at tinatawagan ako ni Wella ngayon but this is really not a good time.

    “Bakit?” Tanong ko palabas sa elevator.

    Naaninag ko kaagad ang sarkastikong ngiti ni Everlyse at pinag buksan niya agad ako ng pintuan. Pumasok ako kaagad at tinaas ko ang aking daliri sa ere para pigilan siya sa pagtalak tungkol sa pagiging late ko.

    “Aalis kasi si Liam sa banda.” Halos mabasag ang boses ni Wella.
    “H-Huh?” Hindi ko maintindihang mabuti ang kanyang sinabi. Para bang hindi ko iyon lengwahe.
    “Aalis siya.” Ulit ni Wella.
    Tumawa ako. “Are you kidding me? Paanong aalis pumirma siya ng- shit!” Halos napapikit ako nang naalala ko ang mga kontratang pinirmahan.

    Recording pa lang ang napirmahang kontrata nila sa Moon Records. Tsaka pa lang ipapapirma ni mommy ng kontrata bilang isa sa mga artist nila ang Zeus pag bumenta ang kanilang nairecord na kanta. Tatlong kanta pa lang ang na irecord nila sa ngayon dahil naging abala sila sa mga show at gig.

    “Bakit siya aalis?” Pasigaw kong sinabi.
    “Meg, ano ‘yan?” Napatanong si Everlyse sa pagtataka.
    “Family problem? I don’t know. Basta may problema,” sambit ni Wella.

    Mariin akong pumikit nang napagtanto ang mga problema. Sa susunod na linggo ay concert ni Wade Rivas at tahimik lang kami pero alam naming lahat na kasal nilang dalawa ni Reina Elizalde iyon. Ang alam ko ay may gusto si Liam kay Reina. Hindi kaya konektado ito doon?

    “Meg, please puntahan mo sila dito. Nandito kaming lahat.”
    Kinagat ko ang labi ko at hindi na nagpaliguy ligoy pa. “I’m sorry, Well. Di ako makakapunta.”
    “Bakit? Baka magawan mo ng paraan? Mommy mo ang nagpapatakbo sa Moon Records, diba? You can tell her and ask her to stop Liam from leaving. Do something, Meg. Nag aaway na sina Joey at Noah. I feel so bad for Zeus.”
    “I’m so sorry. Wala akong magagawa. Hindi ako makakapunta.” Sabi ko ng diretso ulit.

    Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ko ang panginginig ng boses ko. Kahit na sinabi na ni Wella ang nangyari ay may parte sa aking hindi tumatanggap nito. She’s probably not serious. Liam is probably not serious. He’s just broken hearted! At isa pa, matagal na akong bumitiw sa Zeus. Yes, they are all my friends but sometimes, we have to cut the cords even for a while. Just until I get better.

    “Anong nangyari?” Tanong ni Everlyse pagkatapos kong ibaba ang aking cellphone.
    “Nagkaproblema lang ang Zeus.” Sabi ko.
    “Ang akala ko ba ay matagal mo nang iniwan ang bandang iyon?” Tanong ni Everlyse.
    Tumango ako. “Matagal na nga. Siguro naman ay kaya nilang mag isa. Kaya na nila iyon.” Sabi ko habang tulala sa labas.

    Nagising lang ako sa pagkakatulala ko nang sinigaw ni Everlyse ang pangalan ko at kailangan na naming lumabas dahil naghihintay na si Stan doon. Lumabas na rin ako at agad naman naming namataan ang aking pinsan.

    Mabilis na niyakap ni Everlyse si Stan. Tumatawa si Stan habang sinalubong si Everlyse samantalang halos hindi ako makapagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanya. I swore to myself that I’m going to punch him the moment I’ll see him. Pero ngayong nakita ko na nga siya ay wala akong ginawa kundi ang mangiti. I missed him!

    Kahit ilang buwan pa lang simula nang umalis kami sa New York ay nakita ko ang pagbabago sa kanya simula non. Sinuntok ko parin si Stan pero hindi kasing lakas na iniisip ko nong una kong nalaman kung paano niya nilinlang si Noah na may iba na akong gusto sa Amerika.

    “Ouch!” Iritado niyang sinabi sa akin. “What was that for?”
    “Magpasalamat ka at iyan lang ang inabot mo sa akin!” Sigaw ko sa kanya nasa gitna ng inis at katatawanan.
    “Is it Noah again? Ang akala ko ba ay mag mo-move on ka na?” Nagtaas siya ng kilay.
    “Whatever. Let’s just go home and celebrate, okay?” Ani Everlyse at agad nang hinila ang kanyang kambal.

    Abala naman si Carlos sa pag tulong kay Stan sa mga bagahe. Walang bukangbibig si Everlyse kundi ang pag siset up ng party sa kanilang bagong renovate na bahay.

    “We’ll invite friends, Stan!” Excited niyang sinabi.
    “Sure! Siguraduhin mong kasama sina Noah, Warren, at Joey sa sinasabi mo. When will it be? Tomorrow?”
    Nagkatinginan kami ni Everlyse. Napawi ang ngiting kanina niya pa pinapasada. Umiling kaagad siya at naaninag namin ang nguso ni Stan.
    “But I want it tomorrow!” aniya.
    “Bukas, Lyse.” Sabi ko dahil alam kong ako ang nagpipigil kay Lyse na gawin iyon. Lalo na nang narinig niyang gusto ni Stan na naroon ang tatlo.
    “Pero, Meg… We need to plan.” Nanlaki ang mata niya sa akin na para bang gusto niyang makisama ako.
    “Ayos lang ‘yan. Nasa trabaho ako bukas. Marami akong hindi natapos.” Nilakihan ko rin ang mga mata ko para malaman niyang hindi naman ako pupunta kaya ayos lang. “Baka pupunta ako pagkatapos.” Dagdag ko dahil nakatingin si Stan habang tinutulungan si Carlos sa paglagay ng kanyang bagahe sa likod ng sasakyan.
    “O sige…” Dahan dahang tumango si Everlyse na para bang may napagtanto siya sa sinasabi ko.

    Ayos lang kung mag party sila bukas dahil wala rin naman ako. Magiging dahilan ko ang trabaho sa pagiging absent ko doon sa partyng gaganapin sa bahay nina Everlyse.

    Kaya sa gabing iyon ay nagpalipas ako kina Everlyse. Kwentuhan at kamustahan sa aming apat ang nangyari habang nag s-swimming sa kanilang bagong swimming pool. Asaran at tawanan rin ang ginawa namin hanggang sa inantok kaming apat.

    Kinaumagahan ay umuwi ako sa amin at naghintay na mag hapon. Napag desisyunan ko kasing sa hapon na magtrabaho para diretsong gabi at tunay na hindi na ako makakapunta sa party na inihanda ni Everlyse para sa mga kaibigan ni Stan.

    Iilan lang kami sa opisina pag dating ko. Nagtimpla agad ako ng kape at tiningnang mabuti ang mga gagawan ko ng layout at kung ano ang gusto nina Ma’am Alice na mangyari sa gagawin ko.

    Isang project pa lang ang natapos ko ay alas tres na ng hapon. Kinusot ko ang mata ko at naisipang kailangan ko na yatang kumuha ng salaming pang radiation nang sa ganon ay hindi masira ang mata ko sa kakatitig sa computer.

    Isang project pa ang natapos at alas sais na.

    “Oh my God! Ang dami pa nito.” Sambit ko habang nag s-stretching.

    Sumakit na ang aking likod sa kakaupo dito sa harap ng computer. Ilan na lang kami sa opisina at tingin ko ay hindi ko ito matatapos ngayong gabi pero sinimulan ko parin ang pangatlong project.

    Narinig kong padabog na sinarado ang pintuan sa aming entrance. Nilingon ko kung sino ang pumasok at nakita kong si Ysmael iyon.

    “Noel, I need some specific reports.” Matigas niyang sinabi habang patungo doon sa iilang nag uusap kong mga ka officemate.
    “Opo, Sir.” Sagot nong officemate ko.

    Pinanood ko habang natataranta ang officemate ko sa paghahalukay sa kanyang mga papel. Nakatayo si Ysmael doon habang ngumunguso at pinapanood iyong ginagawa niya nang bigla siyang nag angat ng tingin. Nagtagpo ang tingin namin. Unti unti akong ngumiti ngunit hindi niya iyon sinuklian. Bumagsak ang tingin niya sa mga papel ng ka officemate ko. Binigay sa kanya iyong mga dokumentong kinakailangan tsaka tiningnang mabuti.

    Ngumiwi ako. He’s not really friendly anymore. Nagbago ba siya o may atraso ako sa kanya? I wonder if I should ask him or just leave him that way?

    Tumango siya at naglakad pabalik. Tinulak ko ang mesa ko para gumulong ang gulong ng swivel chair at malapit ako sa dadaanan niya. Hinintay kong lumapit siya at nang ganon nga ay ngumiti ulit ako kahit hindi naman siya nakatingin.

    “Workaholic ka na ngayon, Ysmael?” Ngiti ko.
    Napatingin siya sa akin at nakita ko ang lamig sa kanyang titig. “I’m your boss. Do you think it’s right if we’re on first name basis, Miss Marfori?” Tumigil siya sa harapan ko.

    Nanlaki ang mata ko at kumalabog ang sa kaba ang puso ko. Oh no, Megan!

    “I… Uh… I’m sorry.” Hindi ako makatingin ng diretso sa kahihiyan.
    Tumango siya at nilagpasan ako. Pumikit ako ng mariin at umiling. “Shit!”

  • Kabanata 36Open or Close

    Kabanata 36
    Let’s Do This

    Sa kalagitnaan ng pag gawa ko sa pangatlong project ay nakatulog ako. Unti unti na lang bumukas ang mga mata ko para maaninag ang oras na alas nuwebe at halos kalahati pa lang ang natatapos ko sa project na iyon.

    Kinusot ko ang mata ko at pinag isipang mabuti ang pag uwi na sa ganitong oras. Pinukpok ko ang ulo ko nang may naalala.

    “Holy shit! Hindi ko nga pala dala ang sasakyan ko! I need to freaking go.” Sambit ko pagkatapos ay tinitigan ang screen ng computer.

    Wala na doon ang ingay kanina ng mga ka officemate ko. Pag andar na lang ng aircon ang natitira at ginugulo ako ng utak kong kakapanood lang ng horror movie.

    Sa aking screen ay sumisigaw ang project na tapusin muna bago umalis. Nagmura ulit ako at nagdabog. Pinagsisisihan ko ang pagtulog kanina. Narinig kong kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako nakakakain!

    Bumaling ako sa teleponong nasa kabilang cubicle. Ni dial ko ang numero ng security sa baba nitong building. Dalawang palapag lang ang pag aari ng kompanya at nasa pang siyam na floor ako. Magtatanong lang ako kung may taxi pa bang pumaparada sa baba ng building. Siguro naman ay mayroon. Ang alam ko ay may call center sa ilang palapag nitong building at madalas umuwi ng disoras ang mga nagtatrabaho doon.

    “Hello?” Pumikit ako, medyo inaantok parin.
    “Yes, ma’am.” Sagot nong security.
    “Megan Marfori po ito ng Aboitiz. May taxi pa po kaya ngayon diyan?” tanong ko.
    “Meron po, syempre. Magpapatawag ho ba ako?” Tanong niya.
    “Wag na muna. Hindi ba iyan nauubos, manong?”
    “Hindi po,” sagot niya.
    “Sige po, salamat.” Sabi ko at binaba na ang telepono.

    Kinuha ko ang kulay dark blue kong mug at nag bukas ng isang instant coffee. Kaya ko pa naman siguro. Naglakad ako patungo sa water dispenser na hindi naman kalayuan sa mesa ko. Namataan ko pa doon ang isa kong officemate na nakangangang tulog sa kanyang swivel chair.

    At least, I’m not the only one.

    Pinuno ko iyong mug at hinalo ko iyong instant coffee. Binalot agad ng amoy nong kape ang buong room. Sumimsim ako ng kaonti, natatakot na mapaso. Sa pag simsim ay naalala ko na naman ang nangyari kanina bago ako dinalaw ng antok.

    “Stupid, Meg.” Iling ko habang naiisip ang malamig na tingin ni Ysmael sa akin.

    Inubos ko ang kalahating oras sa pag iisip kung ano nga ba talaga ang nangyari noon. Nang naalala ko na ang huli naming alaalang mag kasama ay iyong kinaladkad ako ni Noah palabas sa classroom at hinalikan kung saan ay naisip ko kung gaano ako ka walang pakealam sa pakiramdam ni Ysmael. Hindi nga pala ako nakapagpaalam ng maayos o hindi ko man lang siya na itext at humingi ng dispensa sa nangyari! But he can’t be that affected right? Na hanggang ngayon ay iyon parin ang ikinagagalit niya sa akin? Come on, that was ages ago!

    Pinilig ko ang ulo ko at napagtanto kong nag aaksaya ako ng panahon para sa wala. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at hanggang sa natapos ko iyon. Quarter to twelve nang natapos ko ang pangatlong project. Nag ligpit agad ako ng gamit para makaalis na doon. Inisip kong kumain muna sa cafeteria sa baba ngunit mas gusto kong umuwi kesa kumain kaya napagdesisyunan ko rin sa huli na sa bahay na lang ako kakain.

    Chineck ko ang cellphone ko at nakita kong may ilang message doon si Stan at Everlyse na hindi ko pa nababasa. Nang babasahin ko na sana ay namatay ito dahil na lowbat. Umiling ako at nagsimula nang manikop ng gamit para makaalis na.

    Kinuha ko ang jacket kong nasa likod ng swivel chair at agad itong sinuot. Ang nakapusod kong buhok ay nilugay ko, naghahanda sa malamig na klima sa labas. Madaling araw na kaya panigurado ay malamig.

    “Magandang gabi. Alis na po ako.” Ngiti ko sa guard ng palapag.

    Nakipag biruan pa siya sa akin bago ako tuluyang dumiretso sa elevator para makababa na. Halos makatulog ako sa byahe pababa. Nang bumukas ito ay nagpaalam na rin ako sa reception at sa mga guards doon. Lumabas agad ako ng tower para makahanap ng taxi. Magpapatulong sana ako sa security pero nakita kong marami namang nakaparadang taxi sa tapat at kaya ko namang pumara ng isa.

    Lumabas ako ng building at bumaba sa hagdanan para pumara na. Nanuot ang lamig sa aking balat kahit na may suot akong jacket.

    Nag angat ako ng tingin para makahanap ng taxi nang sa tapad ng mga nakaparada ay nakita ko ang isang pamilyar na kulay pulang pick up at sa labas nito ay may lalaking nakahilig sa pintuan at nakapamulsa.

    Malamig na tingin ang kanyang ibinigay sa akin. That usual and very familiar intense eyes. Why is Noah here? At anong ginagawa niya at ginagamit niya ang sasakyan nina Everlyse? Where is his BMW? At sino ang sadya niya sa building na ito?

    Napaawang ang bibig ko sa gulat. Tumayo ng maayos si Noah at uminuwestra ang sasakyan. Sinusundo niya ako? Ngumuso ako at lumapit ng dahan dahan. So much for cutting the cords. Great! Kaninong ideya ito?

    “Lasing na sina Stan at iyong iba. Pinapasundo ka nila,” aniya nang hindi nakatingin sa akin.
    Tumango ako. “Sila talaga. Inabala ka pa. Pwede naman akong mag taxi.” kumunot ang noo ko. “Tsaka sa bahay naman ang uwi ko.”
    “Gusto ni Stan na doon ka umuwi sa bahay nila,” aniya.
    Kinagat ko ang labi ko. That asshole is going down! At hindi ko alam na utusan na pala ni Stan si Noah ngayon?

    Binuksan niya ang pintuan sa front seat para sa akin. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

    “Asan ang sasakyan mo?” Tanong ko.
    “Nasa bahay nina Stan.” Nagtaas siya ng kilay at iminuwestra ulit ang loob ng sasakyan.
    “Okay.” Sabi ko at dumiretso sa loob.

    Kumalabog ang puso ko habang umiikot siya patungong driver’s seat. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan ng maayos pagkatapos ng nangyari. Gusto kong magtanong kung paano siya napapayag ni Stan na sunduin ako gayong panay ang iwas niya sa akin nong huli kaming magkita. Halos mandiri siya sa akin kaya lagi niyang pinapagitna si Coreen. And it hurts so much to think about it again right now. Hindi ko na nakayanan ang magsalita pang muli habang naiisip ko iyon. Ayaw kong magkamali sa mga sasabihin ko. I want to keep it casual between us.

    Pinaandar niya ang sasakyan at wala akong ginawa kundi manahimik. Tumingin ako sa labas at pinanood ko kung paano umandar ang ibang sasakyan. Medyo malayo ang bahay nina Stan at Everlyse kaya paniguradong mahabang biyahe ito ng katahimikan.

    Tumigil ang sasakyan dahil sa red light. Kumalam ang sikmura ko kaya napahawak ako doon habang nakatingin sa labas.

    “Kumain ka na ba?” Nagulat ako sa tanong ni Noah at kumalabog ang lintik kong puso.
    “Uhm…” Nag isip pa ako kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. “Hindi pa.”
    “Gusto mong bumili muna tayo ng pagkain?” Tanong niya.

    Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ay sa sobrang pagkamangha sa ginagawa niya ay mauutal ako kung sasagutin ko siya. Dahil sa sobrang lupit niya sa akin ay ang mga simpleng actions niyang ganito ay big deal sa akin.

    Nagkibit balikat ako at tumango. “Pwede nang fastfood. Para pagdating kina Stan ay matutulog na ako. Ayos lang?” Tanong ko habang nililingon ang nakikita kong malapit na fast food.

    Hindi siya sumagot pero diniretso niya sa drive thru ang sasakyan. Nang tanungin kung anong kukunin ay nilingon niya ako.

    “Burger and fries.” Sabi ko at nilingon niya agad iyong babae.
    “‘Yon ang gusto niya,” ani Noah.
    “Okay po, sir.” Sabi ng babae at bago pa ako makakuha ng wallet ay binigay niya na sa babae ang isang kulay gold na card.
    “Thanks,” aniya at pinaandar ang sasakyan para makuha na iyong inorder.

    Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ng babaeng nag abot sa kanya ng order pero wala siyang ginawa kundi baliwalain ito na para bang robot lang iyong nagbibigay sa kanya non at wala itong buhay.

    “Here.” Aniya at binigay iyon sa akin.
    “Thanks.” Sabi ko at kaagad nilantakan ang fries. Hiyang hiya pa ako at gusto kong mag alok sa kanya kaya lang ay sa seryoso niyang mukha ay pakiramdam ko hindi niya rin ako papansinin.
    “Ganitong oras ka ba lagi umuuwi?” Tanong niya habang kumakain ako.

    Nginuya ko ang fries at uminom muna ng softdrinks bago bumaling sa kanya para sumagot. Sa bawat pag ikot ng sasakyan at iniikot niya rin ang manibela. Ang itim niyang t shirt ay nakayakap ng mabuti sa kanyang katawan at braso dahilan kung bakit pormadong pormado ito. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa bawat pag higpit ng kanyang braso.

    “Hindi naman. Ngayon lang kasi may project.” Sabi ko at malaking pagtataka parin sa akin na kinakausap niya ako ngayon gayong hindi naman siya madalas na ganito.

    Ilang sandali ang nakalipas ay nanahimik na ulit kaming dalawa. Hindi na rin ako nagtangkang magsalita dahil baka tama ako at ayaw niya nga akong kausap. Napipilitan lang siya. Maybe he wanted us casual too…

    Niliko niya iyon sa isa mas mabilis na daan patungo kina Stan. Wala masyadong dumadaang sasakyan sa kalsadang iyon at residential iyon ngunit wala pa masyadong bahay kaya medyo tahimik. Sa malayo ay kita ko ang dagat. Doon ko tinoon ang tingin ko nang biglang tumigil ang sasakyan at napamura si Noah.

    “Anong nangyari?” Tanong ko habang pinapaandar niya ulit ang makina.
    Hindi siya sumagot. Pinanood ko ang pagpapaandar niya ngunit nang sa dalawang ulit ay hindi nagtagumpay ay hinampas niya ang manibela. “Fuck!” Aniya at lumabas.
    “Noah, nasiraan tayo?” Tanong ko at tiningnang mabuti ang guage. Marami pa namang gas kaya malamang ay sira nga ito.

    Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nilagay niya iyon sa kanyang tainga. Lumipat ako sa driver’s seat at sinimulan ang pagpihit ng susi nang sa ganon ay makatulong sa pag papaandar.

    “Nasiraan kami.” Dinig kong sinabi ni Noah habang binabanggit kung saang parte kami ng mundo. “Fuck you, Stan! Puntahan niyo kami dito! I told you I should use my BM- Fuck!” Sigaw niya.

    Nilingon ko si Noah at nakita kong halos basagin niya ang kanyang cellphone. Kinagat ko ang labi ko at kitang kita ko kung gaano siya ka frustrated ngayon. Bumaling siya sa akin.

    “Can you call Everlyse?” Aniya.
    Umiling ako. “Low bat ako.” Sabay pasada ko ng tingin sa ilang malalaking bahay sa kaliwang bahagi ng daanan. “Siguro pwedeng manghingi tayo ng tulong. Kumatok kaya ako sa mga bahay na ‘yan?” Sabi ko sabay turo doon.
    Bumaling siya sa mga malalaking bahay bago bumalik sa akin para umiling. “Wag na. Sinabi ko na sa kanila kung saan tayo. If your cousin really cared for you, he’ll be here any minute now.” Nakapamaywang siya habang tinitingnan ang tahimik na daan.
    “Uh, ba’t di mo kaya itulak tapos subukan kong paandarin?” Tanong ko.
    Bumaling siya sa akin at tumango. Medyo natagalan ang pagtitig niya sa akin bago niya biglaang hinubad ang kanyang itim na t shirt. Halos mapapikit ako sa biglang ginawa niya.

    All his damn muscles in their fucking glory is in front of me. God damn it! Bahagya niyang hinagis ang kanyang t shirt sa tabi ko at naamoy ko kaagad ang bango nito.

    “Okay, Megan, let’s do this.” Aniya at nagmartsa patungo sa likod habang napailing ako. Nilagay ko ang aking kamay sa noo.
    “Thanks a lot, Noah.” Sarkastiko kong binulong sa sarili ko.
    “Ano? Ready?” Sigaw ni Noah sa likod.
    “O-Oo! Mag bilang ka!” Shit.
    “Alright.” Aniya. “Ready? One, two, three!”

    Pinaandar ko kaagad ang sasakyan habang tinutulak niya ito. Natataranta ako dahil malakas ang pagkakatulak niya pero isang tunog lang ng makina ay nawala ulit iyon. Kinagat ko ang labi ko.

    “Let’s try again.” Aniya. “One, two, three…”

    Pinaandar ko ulit. Ngayon ay mas matagal na ang tunog pero namatay parin. He cursed. Kinagat ko ang labi ko.

    “Ulit.” Sabi ko.
    “O sige… One, two, three.”

    Ngayon ay narinig kong namatay ang makina sa unang tunog. Walang pag asa. Stan should be here anytime soon. Dalawang beses pa namin iyong sinubukan ngunit wala paring nangyari. Mas lalo lang lumapit ang sasakyan sa gilid ng boulevard.

    Binuksan ko ang pintuan at ang tanging naiisip ko ay ang pagkakairita na siguro ni Noah dahil nandito kami ngayon sa ganitong sitwasyon. He hated me so much. He’s annoyed with me and yet we’re together right now! Gaano kaya siya ka iritado ngayong nandito kami at anong magagawa ko para lang maalis kami sa sitwasyon?

    Hinihingal at pawis siya nang lumapit sa driver’s seat. Dalawang beses ko siyang sinulyapan lang habang hinahawakan niya ang pintuan ng sasakyan at hinahabol ang hininga. Medyo basa ang kanyang buhok sa pawis. His pants are hanging low on his Adonis’ belt. Ilang mura na ang ginawa ko sa aking utak. I should stop this! So much for moving on, Megan Marfori!

    “Uhm, maghahanap ako ng tindahan o taong gising pa sa daan. Baka sakaling makapag charge ako o baka makahiram ng cellphone.”
    Malamig ang kanyang tingin na bumaling sa akin. “No. You stay there.” Aniya.
    “Hindi tayo makakaalis dito pag di tayo gumawa ng paraan.” Paliwanag ko.
    “Stan’s probably coming. Delikado.” Wika ni Noah.

    Tiningnan ko ang pintuang nakabukas kung saan siya naka tayo. Mabilis akong lumabas at bahagya siyang napatabi sa ginawa ko. Tinuro ko iyong may iilang ilaw na mga bahay. Hula ko ay may tindahan doon.

    “Pupunta ako don.” Sabi ko.
    “Ang tigas ng ulo mo, Marfori.” Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang medyo basang buhok.
    “It’s for us, Noah.” Giit ko.
    “Malayo ‘yan. At isa pa, papunta na iyong pinsan mo dito. We can just wait inside the car.” Aniya.
    “Pwede ring hindi na tayo mag hintay at gumawa na lang ng paraan.” Sabi ko at tinalikuran siya para dumiretso na sana doon nang bigla niya akong hinatak pabalik.
    “I said, we’ll wait.” Mariin niyang sinabi. “Delikado!”
    “Oh come on, Noah. I know you’re annoyed with the whole situation! Pakawalan mo ako at tayong dalawa rin naman ang makikinabang!” Napataas ang boses ko.
    Nagtaas siya ng kilay. “Pano kung may masasamang loob diyan? Gusto mo bang makulong ako dahil nakapatay ako ng tao?”

    Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Pinilig ko ang ulo ko para mapigilan ang iba’t-ibang mga tanong sa utak ko.

    “Are you kidding me? Baka tayo pa ang mapatay.” Sabi ko.
    “Kaya nga hindi kita pinapayagan diba? Get in the car, Megan,” Muwestra niya sa sasakyan, nagbabanta sa akin.
    “Noah-“
    “I said, get in the car right now.” Mariin niyang ulit.

  • Kabanata 37Open or Close

    Kabanata 37
    I’m Sorry

    Tahimik akong pumasok sa sasakyan. Nakita ko ang pagkakakontento ni Noah sa pagpasok ko. Kinuha niya ang kanyang t shirt at tinupi ng maayos. Pinapanood ko siya galing sa driver’s seat at medyo kumalam na naman ang aking sikmura. Fries lang ang kinain ko kanina at may burger pang natira. Ginugutom na ako kaya kakailanganin ko ito. Hinubad ko ang jacket at nilagay sa front seat. Ngayon ay naka sleeveless black top na lang ako at mas presko ang pakiramdam.

    Bumaling ako kay Noah at nilahad sa kanya ang burger. Inisnab niya ito kaya binuksan ko na lang.

    Binuksan niya ang likod ng pick up at may kinuha siya doong bote ng tubig. Nakakabingi ang katahimikan naming dalawa. Ang tanging naririnig ko ay ang pag nguya ko sa burger. We can just stay silent the whole time, right? Wala naman kasi kaming dapat pag usapan.

    Sinarado niya ang pintuan sa likod at nakita kong may dala siyang throw pillow. Ngumuso ako at bahagyang sinarado ang pintuan ng driver’s seat. Patay ang sasakyan at medyo umiinit na sa loob. Uminom na lang ako ng coke na puno ng yelo.

    Nang biglang kinatok ni Noah ang salamin ay halos napatalon ako. Binuksan ko ang salamin at nagtaas ng kilay.

    “Dito na tayo sa labas mag hintay. Mamamatay ka sa init diyan,” aniya at hindi na ako hinintay na umangal pa dahil bumalik na siya sa pwesto niya doon sa likod ng pick up.

    Hindi ako gumalaw. Sa halip ay maliliit na kagat ang ginawa ko sa double cheeseburger na kinakain at nag iisip kung paano uubusin ang calories non sa pag g-gym. Nang medyo pinagpawisan ang noo ko ay doon ko pa lang naisipang buksan ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ko ay narinig ko kaagad ang sipol ni Noah galing sa likod.

    “Ang tigas talaga ng ulo kahit kailan…” Aniya.

    Nilingon ko siya doon at nakita ko kung paano siya umuupo sa likod ng pick up. He’s still topless though. Lintik! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Mag tabi kami doon sa likod? Are you kidding me, Elizalde? You hate me so much! You even want me gone! Kaya nga nandyan si Coreen diba? Kaya nga kinakasama mo siya? Hindi ko talaga maintindihan. I was damn sure that a part of him is still into me pero hindi na ako pwedeng umasa don dahil sa sakit na idinulot niya sa akin. No, I deserve better. Kahit na sinaktan ko siya noon ay alam ko paring hindi na tama ang pakikitungo niya.

    Kinagat ko ang labi ko at uminom ulit ng coke. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad lakad sa damuhan. Umihip ang malakas na hangin galing sa dagat at inaamin kong maginhawa sa labas kumpara sa loob.

    Hindi ako lumapit sa kanya. Imbes ay nanatili ako sa naka sementong maliit na haligi sa gitna ng buhangin at daan. It’s relaxing. May kaonting ilaw doon malapit sa dagat at iilang ilaw din ang makikita mo sa malayo. Wala nga lang tao dahil siguro ay madaling araw na.

    “You think Stan would come?” tanong ko nang di siya nililingon.
    “Tingin mo ay hahayaan ka nI Everlyse na kasama ako?” tanong niya sa akin pabalik.

    Ngumuso ako sa tanong niya. Ano ang ibig sabihin niya don? Siguro ay naalala niya ang nangyari sa bar at kung anong galit ang ipinakita ni Everlyse sa kanilang lahat dahil sa paninisi sa akin. Humarap ako sa kanya.

    “I’m sorry sa nangyari sa bar. Hindi ko sinasadya iyon. I was just drunk. That’s the truth. At wala akong ibang maisip na paraan para malayo ‘yong lalaki,” sabi ko at nanatiling malamig ang titig niya sa akin. That’s the usual look in his eyes. I’m not even surprised.

    Nailang ako sa kanyang titig. Imbes na tumingin rin sa kanya ay kung saan saan napadpad ang aking mga mata at naghanap ako ng iba pang topic.

    “You shouldn’t drink anymore. Kung tuwing umiinom ka ay nagpapakita ka ng balat ay dapat matagal mo nang pinagbawalan ang sarili mong uminom,” wika ni Noah.
    Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung saan niya napulot ang conclusion na ganon. Oo, hindi iyon ang unang pagkakataon na ipinakita ko ang tattoo ko dahil ilang beses ko nang nagawa iyon sa Amerika. “Uhm… Well, hindi maiiwasan.”
    “Tsss…” Bahagya siyang umiling.
    Humalukipkio ako. Determinadong ibahin ang topic. “Kamusta ang Zeus?” tanong ko.
    “Dunno. Aalis si Liam.” Nag iwas siya ng tingin.
    “I’m sorry to hear that. Siguro naman ay makakahanap kayo ng bagong vocalist. You can offer Stan-“
    “And we’re back to zero,” aniya.
    “The company might give you another chance. Besides, magalig parin si Stan hanggang ngayon.”
    “Ilang taon siyang nawala. He needs to catch up,” mariing sinabi ni Noah.
    “Still. You should try.” Giit ko.
    “Let’s not talk about this.” Malamig niyang sinabi.

    Kinagat ko ang labi ko at nanahimik na lang. I think we shouldn’t talk. Pakiramdam ko ay naiirita na naman siya sa akin kaya hindi na ako nagtangkang magsalita pa. Napansin ko ang pag angat niya ng tingin sa akin. Para bang nagtataka siya sa pananahimik ko. Sinipa ko ang iilang batong nakita ko sa ilalim ng aking sapatos habang kinakagat ang straw ng coke.

    “Bakit ka nag tatrabaho? Ang akala ko ba ay ikaw ang mamamahala ng Moon Records? That’s what your father told me.”
    Bumaling ulit ako sa kanya. My father told him? “Hindi pa sa ngayon. Wala akong alam sa business. I need to learn. At gusto ko ring magkaron ng trabaho at maramdaman na ako talaga ang kumikita sa pera ko.”
    “Tsss…” Pinanood ko kung paano siya ngumiwi. “Ba’t di ka na lang mag trabaho sa kompanya niyo? Your degree suits the nature of the company.”
    “My degree?” Nanliit ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim. Gusto kong magtanong kung saan niya nalaman kung anong natapos ko at sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya nagtatanong. Oh, yes, I forgot he’s a full time stalker! “So what if I want a new environment. Gusto ko ng success na ako talaga ang nakakuha. Hindi iyong nakikisakay lang ako sa pangalan ng mga magulang ko.”
    “Isn’t Manila a new environment for you? Galing kang New York ah?” Dinig ko ang pagiging sarkastiko niya.
    “Bakit parang gusto mong makulong ako sa Moon? Ano bang pakealam mo sa pagtatrabaho ko sa ibang kompanya? More importantly, why are you asking me these damn questions?” Tumaas ang tono ng boses ko. “Last time I checked, wala kang pakealam sa akin.”
    Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Because you are damn making me feel worthless, Megan.” Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa pick up.

    Ano? Hindi ko matandaan ang mga panahong nilampaso ko ang pagkatao niya tulad ng mga ginawa niya sa akin. I’ve learned my lesson… may mga bagay na hanggang tingin na lang talaga ako. I am so damn tired of his bullshits! Alam kong ganyan na talaga ang ugali ni Noah pero hindi ko na kayang magpakatanga para lang masunod ang kapritso niya.

    “How dare you say that?” Tumaas na ang boses ko at naramdaman ko na ang pagkulo ng dugo ko. “Ikaw! Ikaw ang nagparamdam sa akin na wala akong kwenta, Noah! I feel so damn stupid! Alam kong hindi mo naman hiningi sa akin ang suporta ko sa inyo pero sana ay hindi mo ako tinratong ganon!” Huminga ako ng malalim at nagulat kung saan nagtungo ang usapang ito.
    “Your father told me to back off because I was worthless! Na hindi ako bagay sa iyo dahil saan ka gumraduate at tagapagmana ka ng kompanyang pinag hirapan nila! I’m living in the shadow of my parents and brothers! I am worthless because I only know how to play music! Fuck, Meg? Anong meron ka at ang hirap mo talagang abutin? Ha?” Sigaw niya sa akin.

    Nanlaki ang mata ko at naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko makuha lahat ng sinabi niya.

    “Iniwan mo ako dito para mabaliw at pag balik mo hindi parin kita makuha kasi mahal ko ang musika? What the fuck? And you don’t even know that! Ang tanging alam mo lang na gawain ay ang akitin ako…” Tinuro niya ako.
    Bumilog ang bibig ko sa gulat. Hindi ko makakalap ng tamang salita. No. No… No… I’ve come this far. Ilang beses ko nang tinanggihan ang lahat ng gig nina Noah para lang maging maayos kahit paano. He tore my soul apart when he made me feel like I’m god damn worthless. Hindi ang salita niya ang makakapagpabago ng isip ko.

    “Where is Coreen right now?” Matabang kong tanong habang nagbabadya ang luha ko na ayaw tumulo dahil sumabog ang bulkan ng galit sa kalooblooban ko. Galit na noon ko pa nararamdaman ngunit natatabunan ng pagmamahal. Ngayon ay wala akong makita kundi iyon.
    “Ba’t mo ako tina-“
    “Where is Coreen?” Ulit ko. Hindi nanginginig sa titig niyang malamig at malupit. Tumango ako nang naliwanagan. “He’s with Rozen, right?”
    Kumunot ang noo niya at pinanood ako habang tumatango.
    “He’s with Rozen kaya nandito ka sa akin ngayon.” Sabi ko.
    “Tss…” Hindi ko siya pinagsalita.
    “I know, Elizalde. Kaya kung iniisip mong makukuha mo ako ngayon ay nagkakamali ka. Alam kong pinaglalaruan mo lang ako. Drop me when you don’t need me. Pupulutin mo ako pag wala si Coreen. I am your rebound. ‘Yong first love mong binabalikan pag pinakawalan ka nong pinakamamahal mo! Kasi alam mong nandyan ako parati para saluhin ka! Kasi alam mong ikaw lang ang para sa akin.”

    Humakbang siya ng mabilis patungo sa akin na siyang ikinabahala ko. Kumalabog ang puso ko at umiling ako.

    “Ako lang ang para sayo, really, Meg? I have heard about your freaking adventures in the US. I have heard from Stan. At pag balik mo dito ay ganon parin ang mukha mo. You still have that innocent look. The look you’ve been sporting since day one. Parang walang nangyari. Parang ako parin.”
    Halos matawa ako. Nasa harap ko na siya at ramdam ko ang init ng galit niya sa kanyang mga mata. Gusto kong sabihin na nagkakamali siya sa mga alam niya tungkol sa akin. Sa lahat ng sinabi ng lintik na Stan na iyon pero wala na akong pakealam. Kung ano man iyon ay hindi ko na iyon babawiin. Ano pa ang dahilan?
    “She reminds me of you.” Mahinahon niyang sinabi.

    Ngumisi ako at umiling. Ang luhang kanina pa sa gilid ng aking mga mata ay tumulo. Umamba akong magmamartsa paalis sa harap niya dahil sa pagkakairita. I told you, Megan! This was a bad idea!

    Ngunit imbes na dumiretso ay nadapa ako sa mga maliliit na batong naroon. I fell flat on my face. Ang tira tirang coke at natunaw na yelo galing sa iniinom kong coke ay natapon dahilan kung bakit nabasa ang damit ko.

    “Shit!” Sigaw ko habang iniinda ang sakit.

    Naramdaman ko ang hawak ni Noah sa aking baywang ng pinulot niya ako at pinaupo sa likod ng pick up. Tinakpan ko ang mukha ko. Ayaw kong makita niya ang pag iyak ko.

    “Hands up.” Utos niya.

    Malamig ang tubig na nasa damit ko. Hindi pa nag iilang segundo ay nanginig na ako dahil sa ihip ng hangin.

    “Hands fucking up.” Ulit niya at pinilit niyang tinaas ang kamay ko.

    Tinaas niya ang aking damit at hinubad niya ang sleeveless top ko sa aking kaliwang kamay. Binalik ko ang kamay ko sa aking mukha. Kinuha niya ang isa ko pang kamay at tinaas, hinubad rin iyon at pati sa ulo ko.

    “Where’s your jacket?” Tanong niya.

    Mabilis ang punas ko sa aking mga luha. I don’t need this right now. I don’t need him like this. Hindi ako sumagot ngunit siya na mismo ang dumiretso sa harap ng sasakyan para mag hanap.

    Kinalma ko ang sarili ko. Pinupunasan ko isa isa ang aking mga mata para matigil ang luhang parang talon kung makabuhos. Breathe in, breathe out. Iyon ang ginawa kong mantra. Hanggang sa natulala ako at bumalik siya dala ang kanyang t shirt at aking jacket.

    Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya. Pinaglalaruan ko ang daliri ko at hindi na gumalaw. Wala akong pakealam sa lamig na nararamdaman ko. Pwede akong mamatay sa pamamanhid dahil sa lamig at wala akong pakealam.

    Nilagay niya ang aking jacket sa aking likod. Hindi ko iyon sinuot sa aking mga braso. At wala rin akong pakealam kung kita ni Noah ang bra ko ngayon. Wala akong pake. Hindi ako tumitingin kay Noah at wala na akong pake sa kanya. Ubos na ako. Matagal niya nang sinagad.

    Ang magkabilang kamay niya ay nasa gilid ng hita ko. Yumuko siya para hanapin ang tingin ko. Hindi ko alam kung anong nasa mata niya at hindi ako titingin dahil wala na akong pakealam. I just want us out of this situation.

    Umangat ang kanang kamay niya at naramdaman kong dumampi ito sa aking tattoo. Hinaplos niya ang aking tattoo na para bang babasaging bagay iyon. Pumikit ako ng mariin. Next week, papatabunan ko na iyan. Wala nang Noah Elizalde’ng naka ukit sa aking balat. Nong sinabi kong tama na, ay talagang tumigil na ako.

    Yumuko pa siya at ikinagulat ko ang pag dampi ng kanyang labi sa aking tattoo. Isang mababaw at halos nanunuyang halik ang iginawad niya roon na para bang pag didiinan niya pa ng kaonti ay mababasag ito.

    “Do not fool me, Noah.” Nanginig ang boses ko. “Nasaktan ka ni Coreen kaya nandito ka sakin.”
    “Kaya akong saktan ni Coreen. Pero ikaw? Kaya mo akong wasakin. Ng pinung pino.” Pabulong niyang sinabi nang biglang umilaw galing sa harapan ng sasakyan.

    Tumayo siya ng maayos at nanliit ang mga mata niya sa ilaw. I’m sure that’s my cousins right there. Tinulak ko siya ng bahagya at tumayo akong mag isa. I’m sorry, Noah.

  • Kabanata 38Open or Close

    Kabanata 38
    Lunch

    “Hey guys!” Natatawang sambit ni Stan nang tumunog ang sasakyan sa harap.

    Kinuha ko ang hinuban kong damit at hindi na ininda ang lamig at ang pagkakabasa nito. Mabilis kong sinuot ang aking jacket at niyakap ang sarili. Hindi ako makangiti pabalik sa malaking ngising sinasalubong ng pinsan ko sa akin. Padabog na bumukas ang mga pintuan sa front seat at sa likod at nakita kong lumabas si Warren at Joey. Natatawa rin si Joey at base sa kanyang pulang pulang mukha ay alam kong lasing na siya.

    “Sorry natagalan kami.” Rinig ko pa ang katigasan ng accent ni Stan.

    Gusto ko siyang pagalitan pero wala na ako sa mood para magsalita. Nararamdaman kong nanunuod si Noah sa akin habang nagsusuot siya ng damit. Pinagmamasdan niya akong mabuti na para bang nanghihingi siya ng maaari kong aksyon.

    “Hila na lang namin ang pick up, bro. I’m to drunk to check it right now.” Ani Stan habang binubuksan ni Warren ang makina ng sasakyan.

    Pumasok na ako sa loob ng pick up at pumikit ng mariin. Wala na akong pakealam kung mainit sa loob. Binuksan ko na lang ang bintana at naghintay na matapos itong lahat.

    “Ayos ka lang, Meg?” Tanong ni Joey at dinungaw ako sa loob.

    Hindi ako makatingin sa kanya. Halu halong emosyon ang nararamdaman ko para sa buong banda. May pagtatampo dahil naaalala ko na naman ang nangyari sa bar, may awa, at sakit.

    “I’m fine.” Sabi ko nang di siya tinitingnan.

    Sinarado ni Warren ang makina at diretso ang tingin niya sa akin. Kahit na hindi na makapag focus ng maayos ang kanyang mata ay alam kong may iniisip siya.

    You guys are all too late. Tulad ni Noah. Binigay ko ang lahat para sa banda ninyo at ayaw ko mang balikan ang sakit na idinulot ninyo sa pagtataboy sa akin ay nakamarka na ito sa puso ko. Hindi ko alam kung ilang buwan pa bago maghilom ang sugat na ginawa niyo but one things for sure, it will leave a scar. We will never be the same again…

    “Ayos ka lang, Noah?” Tanong ni Stan ng natatawang inaakbayan si Noah.
    “Umuwi na lang tayo.” Sabi ni Noah.
    “Alright. Warren, paki hook ‘yong dala natin.” Sabay turo ni Stan sa sasakyan nila.

    Dumiretso si Stan sa sasakyang dala at pinaandar ito para mapatalikod sa pick up. Si Warren ang tumulong sa ginagawa ni Stan dahil si Joey ay nakahilig lang sa harap at natatawa kahit wala namang katatawanan.

    “Wala nang mga bisita kina Stan?” Tanong ni Noah kay Joey.
    “Wala na. Ang tagal niyo kasi. Ang saya pa naman! Tawang tawa ako sa mga kwentuhan, e.” Ani Joey.
    Tumango lang si Noah at tumulong na rin kay Warren. Pumikit ako ng mariin at nag isip na sana ay umuwi na lang ako kanina. Ilang sandali ang lumipas ay narinig kong maayos na at pwede na kaming tumulak.
    “Oh, Noah? Gusto mo palit muna tayo?” Tanong ni Warren nang bumaling siya kay Noah.
    Umiling lang si Noah at dumiretso sa sasakyan. Tumingin ako sa labas pagkatapos niyang isarado ang pinto.

    “Tara na!” Ani Stan galing sa driver’s seat ng kanyang sasakyan at pumasok na kaagad si Joey. Nanatili pa si Warren sa labas at tiningnan kaming dalawa.
    “Warren!” Tawag ni Stan tsaka pa lang siya gumalaw at pumasok sa loob.

    Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. I’m gonna have to endure another moment with Noah. Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga. Nag aalab ang galit ko at nasasaktan ang puso ko tuwing naaalala ko ang sagutan namin kanina.

    Mabagal pa nang unang tumakbo ang sasakyan nina Stan. Nang nasa concrete road na ay naging maayos at matulin na rin ang takbo nito.

    Ang ingay na maririnig lang sa loob ng pick up ay ang mga tikhim namin ni Noah. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko kung paano niya ako tinitingnan. Paano niya nagagawa iyan? Paano niya ako nagagawang tingnan ngayon kung noon ay halos mandiri siya sa akin ng husto? Paano niya ako nagawang ipagtabuyan noon kung ganito siya kung makatitig sa akin ngayon? I am so bothered! How can he keep his damn feelings like that?

    And then I wondered what my father told him. Alam ko na noon pa na medyo malupit si daddy sa mga nagbabanda. He’s in the industry at kabisado niya ang mga nagbabanda kaya istrikto siya lalo na’t alam niyang may nagugustuhan akong tulad ni Noah.

    “You can wear my t shirt it you want.” Bulabog ni Noah sa katahimikan naming dalawa.
    Umiling lang ako. Ayaw kong magsalita.
    “May damit ka ba sa bahay nina Stan-”
    “Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa akin?” Sabi ko nang di siya tinitingnan. “Stop this shit, Noah. I know you’re only doing this because you are lonely. Coreen’s not with you anymore.”
    “Stop talking about Coreen, Meg.” Naririnig ko ang iritasyon sa kanyang boses.
    “How come you want me to stop mentioning her name now when just months ago you were always talking about her-”
    “That’s because you’re always around, Megan. And I don’t want you to fucking feel that you’re the only one for me. No way. Lalo na tuwing naaalala ko ang mga sinabi ng daddy mo? Tsss.”

    Gusto ko siyang sigawan! Si daddy ang kanyang kalaban! Kay daddy siya dapat magalit! Hindi sa akin! Pero hindi! Ako ang kanyang sinaktan! Saakin niya binuntong ang lahat ng sakit! Now, I am asking for a break. Because I’m not a god, I get tired too.

    “I know I won’t be the only one for you. Kahit nong high school pa lang tayo. That’s why I want to push the hands of time, to make it fast, to see if you’re still into me when we’re ready. Because I know you know me, Meg… I want to be the only one. I want to be the first and the last.”

    You have always been my only one, Noah. But I can’t tell you that now. Pride na lang ang natitira sa akin at iyon ang kailangan ko para maging maayos ako. Mabilis kong tinulak ang pintuan ng sasakyan pagkadating namin sa bahay.

    Mabagal namang lumabas si Noah sa sasakyan samantalang lumabas ng natatawa si Joey at Stan. Nilingon ko ang tatlong lumabas at nagpasalamat na lang. Tumango lang sila kaya bumaling na ako sa bahay.

    “You two have gone crazy. Kung hindi ko kayo kaibigan kanina ko pa naiisip na high kayong dalawa.” Nalunod ang boses ni Warren sa mga yapak ko.

    Mabilis kasi akong dumiretso sa bahay nina Everlyse. I’m not sure where I will sleep tonight. Siguro doon sa guestroom na madalas kong tinutulugan.

    “Oh, Meg?” Tawag ni Warren.
    “What happened, Noah? Bakit ganon ang pinsan ko?” Tanong ni Stan papasok ako sa loob ng bahay.

    Hindi ko na narinig ang dinugtong nila. Sumalubong sa akin ang mapupungay na mata ni Everlyse sa sala. Nadatnan ko siyang tulog sa sofa at naalimpungatan nang narinig ang yapak ko.

    “Oh my God!” Aniya pagkatapos ay tumayo at sinalubong ako.

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay na medyo magulo pa. Iniisip ko kung sinu sino ang mga nagpunta. Siguro ay nagpunta rin dito sina Wella at ang iba pa naming kaklase noong high school.

    Mag aalas tres na ng madaling araw at pagod na pagod na ako. Masakit na ang mga mata ko dahil sa pag iyak at pagtatrabaho kanina.

    “Are you okay? Anong nangyari sa inyo ni Noah? Nag inuman pa kasi sila at hinintay pa nilang umalis ‘yong mga bisita bago kayo nasundo!” Ani Everlyse, sinasamahan akong umakyat sa hagdan nila.
    “Ayos lang ako. Nabasa lang ang damit ko. I’m tired… sa kakatrabaho.”

    Naramdaman ko ang mapanuring titig niya ngunit binalewala ko iyon. I don’t want to answer anymore damn questions. Mabigat na iyong mga sagutan namin ni Noah at ang tanging gusto kong mangyari ay matapos ang araw na ito.

    “Bakit iyan nabasa?” Tanong ni Everlyse habang binubuksan ang guest room para sa akin.

    Pagkapasok namin sa loob ay hinubad ko kaagad ang jacket sa kanyang harapan at iyong sleeveless top. Gumapang agad ako sa kama. I want to shower and all but I am so tired for all of that.

    Kinagat ni Everlyse ang kanyang labi at tiningnan ako habang nakahilata doon sa kama nila. Pumikit na ako.

    “May tuwalya sa closet. Dadalhan kita ng damit para makapagpalit.” Aniya.
    “Wag na. Just lock the door, please. Uuwi ako ng maaga. Mga alas singko.” Sabi ko.
    “Huh? Bakit?” Tanong niya habang inaayos ang kumot sa akin.
    “Sa bahay na ako magbibihis at lahat. I want to be home.” Sagot ko.
    “Oh… Okay…” Dahan dahan niyang sinabi. “Sasabihin ko sa driver.”
    “Wag na.” Mabilis kong sinabi natatakot na baka malaman ni Noah. “Magtataxi ako.”
    “Hmmm… Okay.”

    Iniwan ako doon ni Everlyse. Halos hindi rin ako nakatulog sa nalalabing mahigit na dalawang oras sa pag alis ko. Wala akong inisip kundi iyong mga sagutan namin ni Noah. Gusto kong malaman kay daddy kung anu ano ang mga sinabi niya. Gusto kong umuwi at magpahinga.

    Kaya nang nag alas singko at tahimik na ang sala nina Everlyse ay dumiretso na ako sa labas. Nagpatawag ako ng taxi at umuwi na. Hindi ko alam kung naroon pa ba sina Noah o umuwi na rin. Basta ay umuwi na lang ako ng mag isa para makapag isip isip.

    Inubos ko ang buong Linggo sa pagtulog at pagpapahinga. Ni hindi ko nabuksan ang cellphone ko dahil low bat ito at hindi ko pa nai cha charge. Gabi na nang naicharge ko ito. Pagkababa ko sa aming sala ay napansin ko ang pagiging tahimik nito.

    “Manang, nasan si mommy at daddy?” Tanong ko.
    “Hindi ba tumawag sa cellphone mo, Megan? Nasa kompanya pa sila, dalawang araw na.” Sabi ni manang habang nilalapag sa hapag ang kutsara, tinidor, baso, at plato ko. “Alam mo na, abala sila para don sa concert ng Going South at marami pang problema.”
    Tumango ako at nag isip kung kailan kaya kami makakapag usap ni daddy?

    Pagkaligo ko sa gabing iyon ay halos maubos ko ang oras ko sa pagtitig sa magandang pangalan ni Noah na nakaukit sa aking upper abdomen. He kissed my tats. Kinagat ko ang labi ko at naiinis ako sa sarili ko kung bakit nanginginig parin ako para sa kanya. Ngayong linggo ay patatabunan ko na ito.

    Kinaumagahan, kahit na maaga akong gumising para sa trabaho ay hindi ko na naabutan sina mommy at daddy. Talagang abala at hands on sila pag dating sa Going South. Habang nag iisip tungkol sa kanilang ginagawa ay naiisip ko naman kung anong gagawin ng mga taga Zeus sa pagkakawala ni Liam? Mabubuwag kaya sila? Maghahanap ng bagong vocalist? Papayagan kaya sila ni mommy? Pag ba si Stan ang ipapalit nila ay papayagan sila ni mommy? Papayag kaya si Stan?

    Pinukpok ko ang ulo ko nang nag alas onse na ng tanghali at hindi ko pa natatapos ang lay out ng isang proyekto dahil sa mga iniisip.

    “Uy, Ma’am Megan… Ayos ka lang? Break muna tayo?” Pansin ito kahit ng officemates ko.
    “Tatapusin ko lang ‘to.” Frustrated kong sinabi at tumitig ulit sa monitor.

    Habang seryoso akong tumitingin doon ay may biglang kumalabit sa akin sa likod. Kumalabog ng husto ang puso ko at mabilis kong nilingon kung sino iyon. Isang pamilyar na babae ang ngumiti sa akin habang pinapakita ang isang styro ng pagkain.

    Kumunot ang noo ko sa pagkakalito. “Po?”
    “May nagpadala nito.” Sambit nong babaeng napagtanto kong sekretarya ng big boss.

    Nilapag niya iyon sa gilid ng computer monitor ko. Namilog ang mata ko habang tinitingnan iyong styro at may note pang nakalagay sa itaas. Halos gusto kong lumipad at mabaliw. May naaalala akong eksenang ganito. Those… precious lunch time and those sweet little notes. Hindi ko namalayang nangingiti na ako kaya mabilis kong iniba ang ekspresyon ko galing doon sa nakasimangot na mukha bago ako bumaling sa sekretarya.

    “Kanino galing?” Tinanong ko pa.
    “Basahin mo na lang ang note.” Sabay kibit balikat niya.

    Nilingon ko ang mga katabi kong cubicle na halos wala ng tao dahil nag lunch break na ang mga ito. Lumunok ako at naghintay na iwan ng sekretarya bago ko dinampot ang maliit na note.

    ‘Sorry last Saturday. I don’t want to be harsh.
    -Ysmael Aboitiz’

    Natigilan ako. Kay Mr. Aboitiz galing ang lunch na ito? Huminga ako ng malalim at halos mapukpok ko ulit ang ulo ko.

  • Kabanata 39Open or Close

    Kabanata 39
    As You Wish

    Alas sais nang nagligpit ako ng gamit sa opisina. Tinapos ko muna ang lahat bago ako umalis. Nilingon ko sina Ma’am Alice at Ma’am Alexis na parehong sumisimsim ng kapeng barako. Niyaya ko silang umuwi na para magkasabay naman kami.

    “Naku buti ka pa! Pumunta ka kasi dito nong Sabado kaya tapos mo na, diba? Mukhang mahabang gabi ‘to. Wednesday na kasi ang deadline.” Sabi ni Ma’am Alice, ginagalaw ang kanyang eye glass.
    Tumango ako. “Ako lang pala ang uuwi nito.”
    “Dala mo naman ang sasakyan mo, diba?”
    Tumango ako at ngumiti sa kanila. “Sige, see you tomorrow!”
    “Bye, Meg! Ingat!” Sabi ni Ma’am Alexis nang di tumitingin sa akin.

    Kumaway na lang ako at tinalikuran ko na sila. Dumiretso na ako ng elevator pagkatapos nagpaalam sa ilan pang mga taga opisina. Hinanap ko rin ang susi ng sasakyan ko sa aking bag. Nang tumunog ang elevator, hudyat ng pagbubukas ng elevator ay lumabas na rin ako. Dire diretso ang tungo ko patungong hall para maka punta na rin sa parking lot nang nakita ko si Mr. Aboitiz sa sofa. Tahimik siyang nagbabasa ng diyaryo. Nong una ay binalewala ko ito pero kalaunan ay bumalik ako sa dinaanan ko para puntahan siya. I need to express my gratitude for the lunch he gave me.

    Tumigil ako sa harap niya. Nangangapa ng salita at natatakot na baka maging malupit ulit siya sa akin. Should I say thank you or should I go instead?

    Tinupi niya ang dyaryo at nag angat siya ng tingin sa akin. The traces of blue in his eyes are now very visible. Ang buhok niyang naturally brown ay mas lalong nagpatingkad sa kakaibang kulay ng kanyang mga mata.

    “Uhm, Mr. Aboitiz…” Naasiwa ako sa tawag ko kay Ysmael. “I just want to say thank you for that lunch.” Tipid akong ngumiti.
    Matigas ang kanyang tingin. Halos mautal ako sa susunod kong sasabihin para makapagpaalam na.
    “No problem.” Sagot niya sa matigas na ingles. “Are you free tonight?” Nagtaas siya ng kilay.
    Pumasada pa sa gilid ang mga mata ko, naghahanap ng sagot sa tanong na hindi ko gaanong naintindihan. “Huh?”
    “Nagtatanong ako kung wala ka bang gagawin ngayong gabi? Maybe you can join me for dinner?” Binaba niya ang dyaryong tinupi kanina at nilapag sa mesa.
    “Uh, wala naman akong gagawin pero nakakahiya Ysmael, I mean, Mr Aboitiz.” Kinagat ko ang labi ko sa konting pagkakamali.

    Tumayo siyang bigla. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

    “For old time’s sake, Megan. Wag ka nang mahiya.” Aniya at nagawa pang ngumisi.
    “Well,” tumango ako. “For old time’s sake then.” Iyon ang sinabi ko kahit sobrang kabado kong balikan ang nakaraan naming dalawa.

    May sinenyas siya sa security guard ng building. May tinawagan naman ang security guard habang nag uusap sila ni Ysmael. Dalawang kamay ang nakabuhat sa aking itim na bag habang naghihintay sa maaaring mangyari.

    Naisip kong kung hindi ko siya nilapitan kanina ay yayayain niya kaya ako? He’s probably bored tonight that’s why. Oh, wait? May girlfriend ba siya? O asawa? Hindi ba iyon magagalit?

    Nilingon ako ni Ysmael at kahit sa pag lingon niya ay nagulat pa ako. Napatalon ako ng bahagya kaya uminit ang pisngi ko sa hiya. He didn’t mind. It’s like it’s a usual reaction of anyone.

    “Let’s go?” Aniya.
    Tumango ako at tinuro ang parking lot. “Dala ko ang sasakyan ko.”
    Tumango rin siya. “Babalikan natin ‘yan dito mamaya.”
    “Okay.” Sambit ko at nagsimula nang pumanhik kasama siya.

    May isang guard na lumabas sa kanyang sasakyan at agad binigay sa kanya ang susi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti at magpasalamat bago pumasok sa loob. Umikot siya at pumasok na rin sa driver’s seat. Inayos ko ang aking seatbelt. Ganon rin ang ginawa niya sa kanya.

    “Again, Meg, I’m sorry for being rude to you that day. I got stressed at marami akong iniisip.” Aniya sa walang emosyon habang nag dadrive.
    “No worries. I understand. And also, I am rude to you too. Dapat ay iginalang ko na boss ka namin. Ano na lang ang sasabihin ng iba pag tinawag kita sa pangalan mo like we’re friends.” Wala sa sarili kong sinabi.
    Sinulyapan niya ako. “You’re still that same old Megan. Some things never change, huh?” Ngumiti siya sa daan.
    Tinitigan ko siya. “And you… changed a lot. But it’s a good change naman.” Ngiti ko. “By the way, hindi ba magagalit ang girlfriend o asawa mo na isinama mo ako ngayon sa dinner? You should have called her or maybe let her join us too?” I suggested.
    Bahagya siyang tumawa. “I don’t have a girlfriend or a wife, Meg. I’m sorry to disappoint.”
    “Oh?” Gulat kong reaksyon. “That’s impossible, Mr. Aboitiz. Sa gwapo mong iyan at sa pagiging successful mo? Two things? It’s either you got hurt a lot by your past lovers or you’re gay!” Humagalpak ako ngunit nasa gilid ng tono ko ang biglaang takot na baka masamain niya ang sinabi ko. “I’m sorry.”
    Nagtaas siya ng kilay. “First, you can call me Ysmael when we’re alone. Sa opisina mo na ako tawaging Mr. Aboitiz. Second, I’m not hurt or gay, Megan. Kung gusto mo ay ngayon agad ko papatunayan sa’yo na hindi ako bakla… or hurt. I just don’t really like committments at the moment. It’s been five years since I had my last girlfriend. Kuntento naman ako sa wala ngayon. Mas malaya ako at iwas stress.”
    “Oh… You must’ve dated the wrong girls. Dapat ay nakakatanggal ng stress ang lovelife, hindi nakakastress.” Lumipad ang isipan ko kung saan kaya pinilig ko ang ulo ko para maibalik sa ngayon.
    “I guess you’re right.” Itinigil niya ang sasakyan sa isang mamahaling strip ng mga restaurant. Iginala ko ang paningin ko doon habang tinatanggal ang seatbelt. “We’re here.”

    Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nilagay ko ang aking bag sa aking balikat at nilingon siya. Pinasadahan niya ng tingin ang mga restaurant at tumigil ito sa isang malapit lang sa amin.

    “Let’s go…” Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.
    “Okay.” Sabi ko at sinundan na rin siya.

    Pagkapasok namin sa restaurant ay may sumalubong agad na waiter na naglahad sa aming table for two. Dumiretso si Ysmael doon habang inaayos ang kanyang relo. He looked too corporate for me. Kahit sa black pencil cut skirt at white top ko ay hindi ako nababagay bilang kasama niya sa lugar na ganito. Itinaas niya ang kanyang kamay at agad may nagpuntang waiter para sa menu.

    “What do you want, Meg?” Tanong niya habang binibigay na rin sa akin nong waiter ang isa pang menu.
    “I’m fine with Swedish Beef Stew and pineapple juice.”
    Naabutan ko ang matalim niya tingin sa akin. Naiilang akong ngumiti pagkatapos ay bumagsak ang tingin niya sa menu. “Two of that, please.” Sabay bigay niya ng menu sa waiter.
    “Wine sir?” Tanong ng isa pang waiter habang may dala dalang mamahaling wine.
    “Yes please.” Ani Ysmael habang pagkatapos ay nagsalin ang waiter na iyon sa aming mga wine glass. Natuon ang tingin niya sa akin. “I hope you drink wine?”
    “Yes. Sure.” Tumango ako at kinuha ang wine glass para sumimsim doon.

    Nang tumama ulit ang tingin ko sa kanya ay napansin ko ulit ang kanyang paninitig. Bahagya akong ngumiti.

    “So how is Megan Marfori after all those years?” Tikhim niya.
    “As you can see, Ysmael. I’m not as successful as you. Unti unti pa lang gumagawa ng pangalan. How about you?” Nagtaas ako ng kilay.
    “Oh you really know how to flatter a man. I am not yet successful. My father is successful kaya ko naabot ito. And you are a Marfori… you should be successful.”
    Umiling ako. “No. Gusto ko ring paghirapan ang lahat bago ko makuha ang success na hinihingi ko. Still a long way to go. Gusto kong maging kagaya mo.”
    Hawak hawak niya ang wine glass habang mabigat ang tingin sa akin. “I expect you have a boyfriend?” Nagtaas siya ng kilay.
    Tumawa ako. “I don’t have one.”
    “Oh… You’ve got to be kidding me.” Matamis ang kanyang ngiti. Napangiti rin ako. “Habulin ka ng lalaki noon.”
    Nanlaki ang mata ko. “Hindi ah!”
    “Well, hindi mo siguro makita dahil may iba kang gusto.”
    Napawi ang ngiti ko habang umiiling. “That was a long time ago, Ysmael.”
    Nagkibit balikat siya at uminom ulit galing sa wineglass. Hindi siya makatingin sa akin.
    “I know this is long overdue but I’m sorry…” Tumingin ako sa wineglass ko bago ko ibinalik ang mata ko sa kanya. Hindi parin siya makatingin sa akin. “Hindi ako nagpaliwanag ng maayos sa iyo noon.” Tinikom ko ang bibig ko sa takot na baka mabanggit ko ang pangalan ng isa pang tao.
    “That was nothing. Matagal na iyon. At isa pa, alam ko namang wala akong chance sayo. You were too passionate and your eyes was only for Zeus.” Tsaka pa lang siya napatingin sa akin.
    “Noon yon.” Mariin kong sinabi dahil iyon ang pinaniniwalaan ko ngayon. Definitely.

    Nagkatitigan kaming dalawa. Tsaka lang naputol iyon nang dumating na ang order namin. Nagtawanan na lang kaming dalawa habang pinag uusapan iyong mga nangyari nong high school. Not bad. Pagkatapos naming kumain ay may tumawag sa kanya na board member kaya natigil kami sa pag alaala ng mga nangyari nong high school. Pagkatapos ay nag desisyon na kaming bumalik na sa building.

    Masayang kasama si Ysmael. Kahit na hindi ko maiwasan ang pagkakailang dahil siya ang boss ko pero tuwing binabalikan namin iyong nangyari nong high school, iyong sayaw namin, at iyong lahat ng mga alaala ay gumagaan ang loob ko. Tumunog ang kanyang cellphone at kinailangan ko ulit manahimik dahil sasagutin niya iyon.

    “Hello?” Matigas ang boses niya. “Yes. I will be there tomorrow night.” Tumigil siya at niliko ang sasakyan sa building. “Maghahanap ako ng empleyadong ise-send ko. Just give me the details, Fiona. Thank you.” Binaba niya ang cellphone niya at sumulyap sa akin.
    Tipid akong ngumiti habang kinakalas ang seatbelt.
    “I’m sorry for the calls. Hindi maiiwasan sa trabaho.”
    “It’s alright. Naiintindihan ko naman. Nahihiya nga ako baka ako pa ang nakakaistorbo sa trabaho mo.”
    “No… Hindi naman ganon. Shall I walk you to your car?” Nagtaas siya ng kilay.
    “Naku! I’m fine. Wag ka nang mag abala.”
    “Don’t reject me, Megan.” Mariin niyang sinabi at bumaba para pagbuksan ako.

    Humagalpak ako dahil sa kanyang ginawa. Hindi ako sigurado kung paano siya pakikitunguhan. Shall I treat him like my boss or my friend?

    “Nakakatawa ba ako?” Mariin niyang sinabi.
    Napawi ang tawa ko. Pinigilan ko ang sarili ko. Nagmukha ulit siyang galit.
    “Are you mocking me?” Tanong niya.
    “Nope, Mr, Aboitiz.” Sabi ko.
    Ngumuso siya. “Then let’s go… Stop the cute laughs.” Ngiti niya.

    Kinagat ko ang labi ko at nilahad niya ang daanan. Kitang kita ko kung paano tumingin ang mga security guards sa amin. Sabay kaming naglakad patungong parking lot. Para akong lumulutang sa ere at hindi ko malaman kung naiintimidate ba ako o ano.

    “I won’t be around the office starting tomorrow. May conference ako until Friday. But can I still buy you lunch?” Tanong niya.
    Pinindot ko ang car alarm bago siya nilingon. “Wag ka nang mag abala.”
    “I told you, Megan. Don’t reject me.” Banta niya.
    Napangiti ako. “If that’s what you want, Mr. Aboitiz. But seriously, Ysmael, nakakahiyang bigyan ng lunch ng boss.”
    “That’s what I want. Unless may ibang nagbibigay sayo ng lunch.”
    “Wala no. Who would?”
    “I don’t know. So… I can buy you lunch? Ipapahatid ko sa sekretarya ko.” Ulit niya.

    Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at pumasok ako sa loob. Binaba ko ang salamin para makausap siya.

    “Okay, Mr. Aboitiz.”
    “And…” iginala niya ang kanyang paningin sa aking sasakyan. “Wag mong dalhin ‘tong sasakyan mo sa Biyernes. I want another dinner with you pagkabalik ko. Ihahatid kita sa inyo pagkatapos.”
    Kumunot ang noo ko sa gulat pero inunahan niya na ako.
    “No rejections.” Ngisi niya.
    Huminga ako ng malalim tsaka tumango. “As you wish, Mr. Aboitiz.”
    “Very good. Take care, Megan.” Pagkatapos niyang sambitin ito ay tinalikuran niya kaagad ako.

    Mabilis ang kanyang lakad pabalik sa building nang di ako nililingon. Nanatili ang titig ko sa kanyang malapad na likod at sa all black niyang suit. He is refreshing. Thank you, Ysmael.

  • Kabanata 40Open or Close

    Kabanata 40
    Sinusundo Kita

    “Let them, Alejandra.” Pagkagising ko isang araw ay ang sigawan sa baba ang bumungad sa akin.

    Aalis si mommy at daddy ngayon. Magbabakasyon daw silang dalawa dahil tapos na ang preparation sa concert ng Going South. Dumungaw ako sa aming sala at nakita ko si Tito Adolfo, ang daddy nina Stan at Everlyse.

    Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam na nakabalik na pala ang mga magulang nina Stan galing US? Mabilis ang pagbaba ko para mag mano at bumati.

    “Tito, kailan kayo dumating? Where’s tita?” Tanong ko, nangingiti.
    “Last Wednesday, hija. Nasa bahay ang tita mo. Aalis ulit kami for business matters next week. You should visit your tita later. She missed you.” Ngiti ni tito bago bumaling sa nagsusupladang si mommy.

    Kahit walang make up si mommy dahil masyado pang maaga ay kitang kita parin ang awtoridad at ang pagiging matigas niya sa bagay na gustong mangyari ni tito.

    “I hope they will not fail me again, Adolfo.” Mariing sinabi ni mommy.
    “Stan’s never failed before.” Sagot naman ni tito.
    “What about Stan, mom?” Kumunot ang noo ko sa usapan nila. “Sorry to interrupt. What is this all about? Bakit kayo nagtatalo?”

    Tumayo si mommy at nagkibit balikat. Umiling naman si daddy kay tito Adolfo.

    “Nasayang ‘yong perang ininvest namin sa bandang iyon.” Ani daddy.
    “Mababawi niyo rin iyon. Besides, Stan is your nephew!” Giit ni tito Adolfo.
    “Kailangan ma publicize ulit ang banda. Hija, babalik si Liam ng Paris. Ang mali lang ng kompanya ay hindi natin sila kinontrata muna. This time, we’ll let them sign a contract. Lalong lalo na ang vocalist. Are you sure you’re okay with this, Adolfo?” Ani mommy.

    Unti unti akong naliwanagan sa usapan nila. Nalaglag ang panga ko nang napagtanto kong babalik si Stan sa grupo.

    “They will need more gigs. Mas marami pa sa ginawa nila sa linggong ito. Give me two months to expose them. At isa pa, kailangan din nilang sumunod sa mga kondisyon ko.” Sabi ni mommy.
    “You signed them, mom? Payag ka na na si Stan?” Tanong ko.
    “Of course, Meg.” Sagot ni mommy. “They have to work with one of my new artists. Idedebut ko siya kasama sila. They have to accept my conditions. Kung ayaw nila…” Nagkibit balikat si mommy. “It’s their loss.”

    Nilingon ko si daddy na pinapanood ako kanina pa. Kumunot ang noo ko habang ginagawa niya iyon ng nakapangalumbaba. Hindi parin kami nakakapag usap tungkol sa mga sinasabi niya kay Noah. I want to confront him but surely this isn’t the right time to do that. Nasa harap namin si tito Adolfo at ang mommy.

    “Are you going to prepare for your work, Meg? Or are you gonna stay here and watch us all day?” Tanong ni daddy.
    “I’ll prepare dad.” Sabi ko at umalis na doon para bumisita sa kitchen at maghanap ng makakain.

    Ano pa ang punto ng pagtatanong ko kay daddy sa lahat ng mga sinabi niya kay Noah kung unti unti ko nang aalisin si Noah sa aking sistema? I will only complicate things if I ask him questions. Pero hindi ko mapigilan ang pag iisip ko tungkol doon.

    Pagkatapos kong kumain, maligo, mag ayos, at magbihis ay bumaba na ako. Naroon parin si daddy kung saan siya nakaupo kanina. Katabi niya ang isang malaking maleta. And I can imagine mommy still doing her thing in their room. Nakapikit si daddy. He’s obviously tired of waiting. Tito Adolfo was not there anymore. Siguro ay umalis na kanina pa habang nag aayos ako.

    Hinalikan ko ang pisngi ni dad. Nagulat siya sa ginawa ko. Ngumiti ako.

    “Alis na po ako. Mag ingat kayo ni mommy. Enjoy Los Angeles, dad.” Sabi ko ngunit hindi agad umalis.
    Kinusot ni daddy ang kanyang mga mata bago ako tiningnang mabuti. Gumagapang sa isip ko iyong mga maaaring nasabi niya kay Noah. “How’s your work?” Biglaan niyang tanong.
    “Fine, dad. Magandang training ground to sa akin.” Sabi ko, pinapanood siya.
    “Well, that’s good. You should go and get yourself a boyfriend too. You’re young but you’re of age.” Ngumiti siya.
    Hindi ako makangiti pabalik. Gusto kong magtanong ng mga tungkol doon pero iniwasan ko iyon. “It will come, dad.”
    Tumango si daddy. “May pumuporma ba sa iyo? Can I expect na pagbalik namin ng mommy mo galing L.A. ay may ipapakilala ka sa amin?”
    “Dad!” Ngumiti ako. “Wala pong pumuporma sa akin.”
    Nagtaas siya ng kilay na para bang hindi naniniwala.
    Tipid akong ngumiti. “Wala po talaga.”
    Tumaas ang kanyang dalawang kilay. “Then I will just wait.”
    Hinalikan ko ulit si daddy pagkatapos ay nagpaalam na para makaalis na ng bahay. Naglalaro parin sa isip ko iyong mga tanong ko habang nasa loob ng taxi pero pinutol ko ang naglalakbay kong utak. I should stop thinking about him. Wala ngang pakealam ‘yong tao, ako pa ang makekealam sa kanya?

    Sa umagang iyon ay naging productive ako. Marami akong natapos na trabaho. Nang nag lunch break ay nakakuha ulit ako ng styro na may note galing kay Ysmael.

    ‘Happy lunch.
    -Ysmael Aboitiz’

    Nangiti ako habang dinudungaw ni Ma’am Alice ang note na agad kong itinago.

    “Sino ba talaga iyang secret admirer mo, ha?” Tanong ni Ma’am Alice habang binababa ang kanyang eye glass.
    “Sino ba edi si Mr. Aboitiz!” Pabirong umirap si Ma’am Alexis. “Ilang beses ko na ‘yang nadatnan ngayong linggo.”
    “Naku! Wala ah! Hindi ko siya secret admirer. May atraso kasi ‘yon sakin kaya ganon.” Giit ko.

    Pinagkatuwaan pa ako ng mga kaopisina ko tungkol kay Ysmael. Nakisabay na lang ako sa kanila at naisip na malabong pormahan ulit ako ni Ysmael. Sa mga nangyari sa amin noon ay sa palagay ko ay nadala na siya sa akin. Pero hindi maalis sa utak ko iyong pangako niyang dinner namin mamaya.

    Nag stretching ako nang nag alas singko. Humikab na si Ma’am Alexis habang nagliligpit ng gamit. Dinungaw ko ang cellphone kong may text galing kay Wella. Binuksan ko iyon.

    Wella:
    Hi Meg! Wala kang trabaho ng Saturday diba? So you’re free tomorrow? May gig kasi ‘yong Zeus sa Cafe Marcello. Ito ang first time kong makita ulit sila na si Stan na ang vocalist. Please, come with us?

    Ginulo ko ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Wella. Syempre ay hindi ako pupunta pero gusto ko ring makita kung kamusta na sila ngayong si Stan na ulit ang vocals. Hindi pa sila nag iisang linggo sa arrangement na iyon.

    Tinulak akong bahagya ni Ma’am Alexis. Inaayos niya ang mahabang bohemian skirt niya at ang kanyang sling bag na dala.

    “Di ka pa aalis? May date pa kayo ni Mr. Aboitiz no?” Tukso niya sa akin na siyang dahilan kung bakit napatingin ang ibang ka officemate sa akin.
    “Hindi ah! Wala!” Uminit ang pisngi ko. Nilakihan ko ang mata ko para matigil na siya pero humagalpak lang siya sa tawa.
    “Naku! Swerte mo. Sa dalawang taon ko na dito isang beses ko lang nakita si Mr. Aboitiz na nag date. Kung ididate ka niyan, ibig sabihin may meaning.” Tumango pa si Ma’am Alice.
    “Hindi kami mag didate no!” giit ko ulit kahit na wala namang naniniwala sa akin.

    Ilang sandali pa nila akong biniro hanggang sa tuluyan na silang umalis. Nagligpit na rin ako ng gamit habang nag lalagay ng konting make up sa aking mukha. Tumunog ulit ang cellphone kong nasa tabi ng monitor. Nagulat ako at si Wella ulit iyon.

    Wella:
    Have you seen their recent gigs? Mas dumami daw ang nanood. I haven’t seen it. Dahil sa work of course. Pero you know they have been so busy with their gigs. Kakagaling lang daw nilang Batangas kahapon? Dalawang araw sila don.

    Oh? Really? I have no idea. Wala parin akong maisagot sa kanya kaya pinag patuloy ko ang paglalagay ng konting make up nang biglang may umubo galing sa likod ko. Sa pagmamadali ko ay halos natapon ko lahat ng gamit ko nang tumayo.

    “Oopps!” Sambit ko at pinulot ang iilang ballpen na nahulog ko.
    “Oh…” Humalakhak si Ysmael at tinulungan ako sa pagpupulot nito.
    “Thank you.” Nahihiya kong sinabi pagkatayo ng maayos.
    “Sorry at ginulat pa kita. But are you ready?” Ngiti niya.
    “Y-Yup!” Nauutal kong sinabi sabay tango.
    “Shall we?” Sabay lahad niya sa pintuan ng opisina.

    Iilan na lang ang natitira sa floor namin pero bawat ulo ay napapalingon parin sa amin na para bang may salidang nangyayari. Uminit ang pisngi ko sa bawat tingin ng mga tao sa amin.

    “Do you usually treat your employees like this?” Tanong ko nang nasa elevator kami.
    Nakapamulsa siyang humarap sa akin. This time, he’s wearing an all black suit and a blue longsleeve under shirt with a red neck tie. Damn! “Of course not. I prefer to build walls between me and my employees, Megan. But you’re an old friend. What’s the matter?” Tanong niya nang nakitang balisa ako.
    Umiling ako. “Wala. Baka kasi magka isyu pa.”
    “Don’t worry about it. Ano ngayon kung ano ang isipin nila?” Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Hindi ko mapigilan ang pagkakamangha sa kanya.

    Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan kaya dumiretso ako sa loob ng malaking ngiti. Pagkapasok niya ay pinaandar niya agad. We’ll have dinner again at siya ulit ang bahala sa akin. Maybe I’ll treat him sometimes, huh?

    “Oh my God!” Marahan kong sinabi habang hinahawakan ang aking labi. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa daan.
    “Why?” Napatingin siya sa akin.
    “Oh forget it! Babalikan ko na lang mamaya.” Binigyan ko siya ng ngiti at sumulyap ako sa kanya. “I forgot my phone. Nasa desk ko.”
    “Daanan na lang natin mamaya pagkatapos nating mag dinner. Is that alright?” Tanong niya.
    Tumango ako. “Yeah. I’m sorry. Hassle.”
    “It’s okay.” Ngiti niya.

    Nagpark siya doon sa parehong restaurant na kinainan namin. Pumasok kami doon at binigyan ulit ng table for two ng waiter. Ngayon ay pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant na may kulay pulang mga dingding at sahig.

    “Is this your favorite restaurant?” Tanong ko sa kanya.
    “Yes. Di mo ba gusto dito?” Binaba niya ang menu at tinitigan akong mabuti.
    “Gusto, syempre Ysmael. I’m just curious.” Sabi ko at dinungaw na rin ang menu.

    Nag order kami ng ibang pagkain at nag toast nang binuhusan ng waiter ng red wine ang aming mga wine glass.

    “How’s your day?” Tanong niyang ikinagulat ko.

    I don’t want to really assume something but I’m quite sure this is going somewhere. Hindi ko rin alam kung gusto ko ba ang nangyayaring ito. I just like his company because I find it refreshing and light.

    “Ayos naman. Ikaw? Kamusta ‘yong conference mo? By the way, hindi pa ako nakakapag thank you sa’yo sa mga binigay mong lunch sa akin.”
    “You are welcome. Well, the conference was okay. Oh, by the way… Are you interested? May seminar na gaganapin sa Batangas. This is exclusively for advertisers and designers like you. I have one slot and you know, matagal na sina Alice, Alexis, and the rest of your group sa kompanya kaya pareho silang nakapunta na dito.”
    Nanliit ang mga mata ko. I’m interested. Pangpadagdag din ito ng credentials.
    “You know you’re overqualified for my company, right? Anyone with your skill and credentials should be in higher ranks-“
    “Ysmael, nagsisimula pa lang ako kaya ayos lang sa akin. Nevermind my credentials. This is my first experience sa trabahong ito. I don’t mind if I start from scratch.” Giit ko.
    Ngumuso siya at sumimsim ng red wine. “I got your point. But by being in this seminar, Meg, madadagdagan pa lalo ang credentials mo. With more experience, I can offer you promotion.”
    “Hindi pa nga ako nag iisang buwan.” Ngumiwi ako.
    Humagalpak siya sa tawa. “I know, I know. Sinabi ko lang. Let’s say you’ll last a year in my company. Pwede ka nang head sa inyo pag ganon. We’ll that’s if you stay. I’m not quite sure if you will. Your a daughter of a business tycoon.” Tinagilid niya ang kanyang ulo.
    “Hindi ko alam, Ysmael, pero I want to join that seminar. Saan ba iyon sa Batangas?” Tanong ko.

    Nilalapag ng waiter ang inorder naming mga seafood ngayong araw. Inilapag din nila ang Perignon na inorder din ni Ysmael kasama ng mga seafood. Malaking lobster ang umagaw sa aking atensyon. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.

    “I will send you the details. It’s next month. You sure you want that slot? I’m sorry isang slot lang ito. It’s an international seminar. Lahat ng malalaking advertising company ay kasali. It’s a seminar slash training.”
    “Oh! Ito ‘yong binanggit ni Rozen sa akin.” Wala sa sarili kong sinabi.
    “Yes. I didn’t know you were friends with him. Ang akala ko ay si… Noah lang ang kaibigan mo…”
    Kinabahan ako sa sinabi niya sa hindi malamang kadahilanan. “Oo. We communicate sometimes.”
    “Pati ni Noah?” Tanong niyang bigla nang hindi nakatingin sa akin.
    “Hindi maiiwasan. Lalo na ngayong nakabalik ang pinsan ko galing States at nasa iisang banda ulit sila. Pero hindi naman kami palaging nagkikita. Tsaka lang pag may gathering. Family gathering or something.” Kinuha ko ang kutsara at tinidor ko para makapag simula nang kumain.
    “Let’s eat?” Anyaya niya.

    Kaya linantakan ko na ang pagkain sa hapag. Nahihiya naman ako kaya tipid ang aking mga kinukuha. I should work out tomorrow. Ngayong may trabaho ay minsan na lang ako nakakapag work out.

    “So you still communicate, huh? Kamusta na kayong dalawa?” Tanong niya gamit ang mabibigat na mga mata.
    “Huh? We’re friends! May girlfriend na yata iyon. Matagal na iyong kabaliwan ko sa kanya.” Hindi naman ako makatingin sa kanya ngayon.
    “Oh? I’m sorry. I don’t want to be nosy. Nagtatataka lang ako kung ano na ang nangyari sa inyong dalawa.” Aniya.
    Sumulyap ako sa kanya habang nginunguya ang pagkain. “We’re cool. Hindi ko alam kung sila pa ba ni Coreen pero you know, an Elizalde like him won’t run out of girls.”
    “Coreen? Coreen Aquino is with Rozen Elizalde.” Nanliit ang mata niya.
    “Oh, yeah, right! Hindi ko alam kung sino ang girlfriend ni Noah ngayon.” Sabi ko at nagkibit balikat.
    “You used to have a crush on him, right? Alam ko iyon. Alam ng lahat.” Mariin niyang sinabi.
    “Hindi ko naman pinagkakaila.” Tumawa ako. “That was the young me.”
    “So the Meg now isn’t young anymore?” Nagtaas siya ng kilay na para bang naghahamon.
    “Definitely, Ysmael.” Nagtaas din ako ng kilay.

    Ngumuso siya at ilang sandali pa ang titigan namin. Hindi ko maalis ang ngiti ko buong panahong nag uusap kami. Magaan siya sa loob. Minsan lang ay naaasiwa ako. Palabas kami ng restaurant ay tsaka ko pa lang naalala na naiwan ko nga pala ‘yong cellphone ko sa building. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagod niyang mga mata. Mas lalo lang tuloy akong nahiya.

    “Pwede namang mag taxi na lang ako pauwi. I’m fine.” Sabi ko para huwag niya na akong ihatid.
    “No. Ihahatid kita.” Wika ni Ysmael at pinagbuksan ako ng pintuan.
    “But I know you’re tired.” Malungkot kong sinabi pagkatapos ay pumasok sa front seat.
    “Ihahatid parin kita.” Ulit niya pagkapasok sa loob ng sasakyan.
    Ngumuso ako at hinayaan siya sa pagdadrive non. Nagkakwentuhan pa kami kung paano siya pinahirapan ng kanyang daddy sa pagkuha ng kompanya. Noon ay hirap na hirap siya at ngayon ay tinatawanan niya na lang.
    Umiling ako sa pagkakamangha. “It must’ve been hard for you. Hindi ka ba pinagkatiwalaan ng daddy mo sa kompanyang yan nong una?” Tumitig ako sa kanya.
    “Pinagkatiwalaan naman siguro. Maybe he wants me to prove that I deserve the company.”
    Dahan dahan akong tumango nang nakatitig sa kanya. Ang dating nakangiti niyang labi ay unti unting sumimangot habang humihina ang sasakyan. Nakita ko sa labas ang matayog na building kung nasaan ang opisina namin. Nakarating na pala kami. Inayos ko ang bag ko at nang napatingin sa labas ay nakita ko ang isang kulay puting BMW na naka park at ang lalaking nakahilig don.

    Ano na naman ang ginagawa ni Noah dito?

    “Uhm…” Nilingon ko si Ysmael.
    “Ikaw ba ang sadya niya?” Nanlamig ang boses niya.
    “Hindi ko alam. Titignan ko.” Sabi ko at binuksan ang pinto para mapuntahan ang lintik na si Noah.

    Nakatingin pa ng paulit ulit ang lalaking ito sa kanyang relo na para bang may hinihintay na babaeng sobrang late na.

    “What are you doing here?” Matalim ko siyang tiningnan.
    Napalingon siya sa akin ng hindi man lang nasisindak. Pinagmamasdan niya akong mabuti bago niya inilipat ang paningin sa nakaparking na sasakyan sa likod ko. Tumunog ang pintuan bilang pagsarado sa sasakyang nasa likod ko.
    “Sinusundo kita.” Mayabang na sinabi ni Noah pagkatapos ay hinarap ako.

    He’s wearing his black leather jacket and faded blue jeans. Kulay grey na v neck ang nasa loob ng leather jacket. Yabang!

  • Kabanata 41Open or Close

    Kabanata 41
    Boyfriendless

    “Bakit?” Tanong ko. Alam kong nasa likod ko na si Ysmael.
    “Anong masama sa pagsundo? Ang sabi ni Stan di mo raw dala ang kotse mo kaya susunduin kita. Sa kanila ka daw mag di-dinner ngayon.” Nakita ko ang pagsulyap niya sa aking likod. “Don’t worry, hindi na tayo masisiraan this time.”

    Ngumiwi ako at panandaliang natakot sa maaaring maisip o sabihin ni Ysmael. Narinig ko ang yapak ng paa ni Ysmael.

    “Is there a problem, Meg?” Tanong ni Ysmael.

    Nilingon ko siya at nakita kong hindi niya tinantanan ng tingin si Noah. Now this is awkward!

    “I called you a couple of times, Meg, at walang sumasagot sa cellphone mo.” Sabi ni Noah, binalewala ang tanong ni Ysmael.
    “Walang problema, Ysmael. Uh, naiwan ko ang cellphone ko sa opisina.” Dagdag ko.
    “Then let’s get it.” Sabi ni Noah at nauna pa siyang naglakad patungo sa building.

    Ngumiwi ako sa pagkakalito at nilingon ko si Ysmael. Naabutan kong umigting ang kanyang panga habang tinitingnan si Noah na papasok sa building.

    “I’m sorry, Ysmael. Nakalimutan ko na pupunta nga pala ako kina Stan ngayon. Tsaka di ko alam na susunduin ako ni Noah.” Sabi ko.
    “No. It’s okay.” Malamig niyang sinabi at nag iwas ng tingin.

    Nagulat ako nang nilingon niya ang kanyang sasakyan at pinatunog ang alarm. Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagtanong kung bakit. Nilingon niya ako at panandaliang tiningnan bago tinalikuran.

    “Then, I should go…” Aniya at binuksan ang pintuan.
    Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang bwisit na si Noah na nasa pintuan ng building at nakapamulsa habang tinitingnan ako. Mabilis akong naglakad patungo sa pintuan ni Ysmael. Kinatok ko ang kanyang salamin.
    “Megan!” Sigaw ni Noah na para bang iritado.

    Shut up, jerk! Naiirita lang ako lalo. Mabuti na lang at binaba ni Ysmael ang salamin at nilingon niya ako.

    “I’m sorry. Uh, babawi ako.” Sabi ko nang nalilito. Hindi ko alam kung anong maaari kong sabihin.
    Kitang kita ko sa kanyang mata ang galit. Umiling siya. “It’s okay, Megan.” at mabilis na sinarado ang salamin ng kanyang sasakyan. Umilaw ang head light ng kanyang sasakyan kaya agad akong tumabi para makadaan na siya.

    Mabilis ang kalabog ng puso ko. Takot na baka ginalit ko si Ysmael. Pinaghirapan ko ang pagkakaayos namin at sa isang iglap ay ganito ang mangyayari? Humarurot ang kanyang Colorado sa aking harapan. Umihip ang malakas na hangin dulot non at bumaling ako sa kay Noah na nagawa pang mag kibit balikat at ngumiti sa akin.

    Umirap ako at nagmartsa patungo sa kanya. Hagip ko ang bango niya habang sinusundan niya ako ng tingin nang nilagpasan ko siya.

    Sumipol lang siya at sumunod sa akin. Bumaling ako sa kanya at tinuro ang pintuan.

    “Stay!” Sabi ko.
    “I’m not a dog, Megan.” Humagikhik pa siya. “So what if susunod ako sa’yo? Kukunin lang naman natin ‘yong cellphone-“
    “Ewan ko sa’yo, Elizalde. Why are you even here? Bakit ba bobo ang Stan na iyon?” Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator.

    Sumunod siya at nanatiling nakapamulsa. Nanatili din ang galit kong mukha at ang paminsan minsan kong pag irap tuwing nahahagip ko ang kanyang mukha.

    “Hindi ba ay nasagot ko na ang tanong mo? Nandito ako para sunduin ka. Are you pissed because I ruined your whatever with Ysmael?” aniya.
    “Oo! Bwisit ka rin, e. Asan na ba iyang Coreen mo at bakit ako ang ginugulo mo ngayon?” Umirap ako.
    “Hindi ko siya ginugulo. Why are you so pissed? Naaalala ko pa noon nong masaya ka tuwing nandyan ako-“
    Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko na siya. Fuck you, Noah Elizalde! Ngumiwi siya sa sapak ko at nag reklamo pa. “What the?”

    Tumunog ang elevator kaya dumiretso na ako sa labas. Umiiling ako at padabog na dinampot ang cellphone sa tabi ng aking monitor. So much for calling me a “couple” of times when I have 37 damn missed calls! Bastard!

    Bumalik ako doon sa labas. Hindi siya pinapasok ng guard kaya doon lang siya malapit sa elevator na may lounge nag hintay. Nakaupo siya at agad tumayo nang nakita ako. Nakataas ang kanyang kilay at pinapanood ng mabuti ang masungit kong mukha.

    Pinindot ko ang elevator at lumayo ng bahagya sa kanya nang sa ganon ay matigilan ko ang pag amoy sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakatingin siya sa akin. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang umirap at humahalakhak siya sa ginagawa ko.

    Tahimik kami at nang tumunog ulit ang elevator hudyat ng ground floor ay dumiretso na ako palabas.

    Pinatunog niya ang kanyang sasakyan sa aking harap kahit na nasa likod ko pa siya. Binuksan ko ang pintuan ng kanyang front seat at umirap ulit. You see the darn difference between the Elizalde and Ysmael?

    Sumisipol si Noah nang nasa loob na ng sasakyan at nagulat ako nang nilingon niya ako. Lumapit siya ng bahagya at kinuha ang seatbelt ko para i-lock iyon sa aking gilid.

    “Kahit na masungit ka ayaw ko paring may mangyaring masama sa’yo.” Sabi niya.
    “Shut up, Noah! Just drive at nang makauwi na tayo!” Sabi ko.
    “Tss.” At pinaandar niya kaagad ang sasakyan.

    Ginulo ko na lang ang airconditioning ng kanyang sasakyan nang sa ganon ay may pagkaabalahan ako. May ginulo naman siya sa stereo at ang bumungad sa aking tainga ay isang pamilyar na kanta.

    “The perfect words never crossed my mind
    ‘Cause there was nothing in there but you
    I felt every ounce of me screaming out
    But the sound was trapped deep in me…”

    Bahagya kong nilingon ang stereo at tinikom ang nakaawang kong bibig. I don’t want to initiate the conversation. At ayaw kong makinig sa kantang ito. Naalala ko lang iyong panliligaw niya sa akin at iyong rejection ko. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Ang ibalik namin ang mapait na kahapon?

    “Saan kayo galing ni Ysmael?” Tanong niyang bigla sa kalagitnaan ng kanta. Now his voice authoritative. As always.
    “Nag dinner. Pupunta lang ako kina Stan para kumustahin si tita at tito na kakauwi lang ng New York. Tapos na akong mag dinner.”
    “That’s why the name of your company sounds familiar. Iyon naman pala… pano ka ba nakapag apply sa kompanyang iyon?”
    Iritado na ako sa puntong ito. “Nagpasa ng application at portfolio? Hindi ba obvious ‘yan?”
    “Why are you sarcastic?” Pabalik niyang tanong.
    “Kasi ang dami mong tanong. Wag ka na lang makealam. Buhay ko naman ito.” Umirap ako.
    “Do you want me to stop the car so we can talk, Maria Georgianne?”
    Mabilis ko siyang nilingon. “What?” Sigaw ko.
    Humalakhak siya ngunit dumilim din kaagad ang mga mata. “You’re dating your boss now, huh?”
    “I’m not dating Ysmael!” Galit kong sambit.
    “That’s called dinner date, Meg. It’s the same.”
    “It’s not, Noah! At ano ngayon kung oo at nag didate kaming dalawa? You want me gone. Now I’m gone. Pero heto ka at nambubwisit. What do you really want?” Inis kong tanong sa kanya.
    “Shall we stop the car so we can talk?” He slowed down.
    “Fuck no! Why can’t you say it now? Kung ayaw mong sabihin. Ayaw ko rin namang malaman! Naiirita lang talaga ako sayo! Just fucking drive at nang makarating na tayo.”
    “Fine, Miss. Then I’ll drive!” Aniya at pinaharurot ang sasakyan na parang naiwan ang kaluluwa ko.

    Panay ang mura ko sa kanya. I’ve never been this pissed at him. Ilang beses ko niya na akong nasaktan pero ngayon lang ako nairita ng ganito. Kaya kahit na hindi pa nakakapagpark ay binuksan ko na ang pintuan para makalabas na ako.

    “Hey! Hey!” Sigaw niya at madaliang pinark ang sasakyan sa garahe nina Stan.
    “Stop following me.” Sabi ko at pumasok na sa bahay nina Stan at Everlyse.

    Bumungad agad sa akin ang naglalampungang si Everlyse at Carlos sa sala. Natigil sila sa kilitian nang nakita ako.

    “Oh, Meg!” Mapupungay ang mata ni Everlyse. “Sinundo ka ni Stan?” Napatingin siya sa likod ko at ang pinakitang ngiti ay napawi.
    “Nakarating na ba si Stan?” Tanong ni Noah kay Everlyse.
    Umirap ako nang narinig ko ang kanyang boses. “Hindi pa.” Bumaling si Lyse sa akin. “Sinundo ka niya?”
    Tumango ako at nilingon ang kitchen. May naaamoy akong ulam galing doon. Kahit na busog ako ay ginutom ako ng amoy. I missed Tita’s Caldereta. Madalas iyon ang sadya ko pag bibisita ako sa bahay nina Stan.

    Galing sa malaking folding glass door na nag paparte sa bahay at sa garden nila ay lumabas si Tita.

    “Georgianne!” Her arms wide open.
    “Tita!” Lumaki ang ngiti ko at mabilis na naglakad para salubungin ang kanyang yakap. Hinalikan niya ako sa noo ng ilang beses at niyakap ko siyang mahigpit.
    “I missed you. Alam kong mag isa ka lang sa inyo ngayon kasi nagbakasyon ang mommy at daddy mo. You should sleep here. Or better, you should stay here muna while your parents are away!” Kitang kita ko ang resemblance ng mata ni Everlyse sa mata ni tita. Ang kanyang straight at hanggang balikat na buhok ay manipis at makintab.
    “Talaga? Pwede akong mag sleep over?” Ngiti ko kahit alam kong pwedeng pwede iyon. “Yes. Sure. At isa pa, sabi ni Everlyse ay gusto mo raw’ng subukan ang pool namin nong una mong punta dito pero wala pa iyong tubig. Ngayon meron na! Now you can swim!”
    “Whoa! Thank you tita!” Sabi ko at niyakap si tita.
    “Noah, dito ka na mag dinner.” Anyaya ni tita sa lalaking nasa likod ko.
    “Wag na po. I’m fine. Hinatid ko lang si Megan dito.” Naririnig ko ang ngiti sa kanyang boses.
    Kumalas ako sa pagkakayakap kay tita. “No, hijo. You should eat here. Wala pa nga si Stan. Antayin mo na lang at dito ka na magdinner. And how gentleman of you to fetch my niece.” Ngumiti si tita sa akin.

    Hindi naman ako makangiti pabalik. Napatingin ako kay Everlyse na nakahalukipkip at pinapanood ng mabuti si Noah.

    “Lina kayo! Doon na tayo sa dining room habang naghihintay kay Stan.” Anyaya ni tita, excited sa munting pagtitipon.

    Umupo si Noah sa tabi ko sa dining table. Magkatabi naman si Carlos at Everlyse sa aming harap. Si Tita at Tito ay nasa magkabilang side ng table. Nang dumating si Stan ay kumain na kami.

    “So you’re not really into business?” Tanong ni tito habang nilalagyan ni Noah ng gabundok na kanin ang aking plato.
    Nginiwian ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nanatili ang kanyang tingin kay tito na nagtatanong sa kanya. “No, tito. Mas gusto kong mag invest lang. I’m good with numbers so I’ll play with my strengths.”
    Tumango si tito at ngayon ay abala ako sa pagtingin sa plato kong nilalagyan ng kaldereta ni Noah. Gusto kong umangal pero hindi ako makaangal dahil panay ang pag uusap nila ni tito Adolfo. Napatingin ako kay Stan na tumatango rin kasama ang kanyang daddy. Si Everlyse lang ang nanonood sa aking plato, tulad ko. Si Tita ay abala sa pag uutos sa mga katulong na ihatid na ang kung anu anong pang himagas na hinanda.
    “Well, your brothers liked business. Pero magaling din iyang sa iyo.”
    “I hate marketing.”
    “But I’m sure you’re good at it.” Tango ni tito Adolfo.
    “I don’t do things just because I’m good at it. Mas gusto ko iyong gusto ko ang ginagawa ko. And… I think investing is good. I’m gonna buy stocks and let it grow. No sweat.”

    Nakasimangot na ako habang tinitingnan ang gabundok na kanin at mga ulam sa aking pinggan.

    “I think Noah’s idea is genius, dad. Gusto ko rin ng ganyan.” Sabi ni Stan.
    “Yup, hijo. But before that you need to earn money to buy stocks from different companies.”
    Bumaling si Noah sa akin nang nakita niyang hindi ko halos ginagalaw ang pagkain ko. “Eat.” Utos niya.
    “Baliw ka ba? Kumain na nga ako. Konti lang dapat ang kakainin ko. Ngayon ang dami nitong nilagay mo.” Mariin ngunit pabulong kong sinabi.
    “Is it my fault? Next time wag ka nang makipag dinner.” Mariin din niyang sinabi.

    Tinikom ko ang bibig ko para mapigilan ang sarili ko sa pagmumura. Damn you, Elizalde!

    Inunti unti ko ang pagkain non habang nag uusap na naman sila tungkol sa negosyo. Wala akong ginawa kundi ang panoorin ang kanin kong nagmamakaawa sa aking kainin sila. God, I hate him!

    “Meg, want to take a dip? Night swimming?” Anyaya ni Everlyse pagkatapos ng panghimagad.

    Tumayo na si tita para pagsabihan ang mga katulong na ilabas ang ilan pang pagkain at ilagay sa wooden table sa poolside. Tumango ako kay Everlyse at tumayo na rin.

    Sabay kaming pumunta sa kanyang kwarto. Mabuti na lang ay may mga bikini siyang hindi pa nagagamit. Iyong plain black stringed bikini ang ibinigay niya sa akin. Nag bihis ako sa simpleng board shorts at tshirt. Sa ilalim non ay ang bikini.

    “Nababaliw na ba ang Noah’ng iyon?” Sambit ni Everlyse habang abala kami sa pagbibihis. “Pinapanood ko ang galaw niya.”
    “Ewan ko sa kanya. Naiirita ako. Istorbo siya kanina! Ihahatid na sana ako ni Ysmael! Nabadtrip ‘yong tao kasi nakita niya si Noah.” Sabi ko habang sinusuklay ang buhok.
    “Busy sila this week. Kahit tanghali ay may mga gig sila. Ngayong araw lang yata sila free at bukas ay may gig ulit sila. Grabe ang ginagawa ng mommy mo sa kanila. Para bang minamadali ang pag sikat. Baka ma strain ang boses ni Stan.”
    Ngumuso ako. “I hope it’s just for the next two weeks. Tinanggap siguro iyan ng Zeus kasi talagang nakakapanghinayang ang pag alis ni Liam.”
    “Oo. Tuwing umaga ang practice nila tapos sa hapon ay may gig na kaagad sila. Imagine that? That’s why they are too busy this week.”

    Tumango ako at napagtanto na ang rason kung bakit ngayon lang ulit nagparamdam si Noah mula nong nagkausap kami ay dahil abala sila sa mga gigs. Pinilig ko ang ulo ko. Whatever.

    Bumaba na kami ni Everlyse. Wala nang ingay galing sa dining room ngunit nang nasa poolside na kami ay narinig namin ang tawanan ng tatlo: Carlos, Stan, at Noah. Now they are here.

    Dumiretso si Everlyse sa kay Carlos at hinalikan ang kanyang pisngi. Nag iwas ako ng tingin sa mga lalaki at bumaling sa malapad na rectangular pool. Pinagiba iyong maliit na pool nila noon at ginawang kasing lapad ng pang Olympics. Well, that’s an exaggeration but this pool reminds me of it. Sa hagdanan lang ang may ilaw at sa dulo ng rectangular pool ay madilim. Ang kanilang patio lang ang may ilaw doon.

    Naghubad agad ako ng board shorts at t shirt. Napatingin ako ng bahagya kay Noah at nakita ko ang kanyang seryosong mga matang nakatuon sa akin. Bumaling ulit ako sa pool at agad ng nag dive. Nang dumampi ang tubig sa aking balat ay agad kong naramdaman ang lamig. Pagkaahon ko ay naghilamos ako at nasa gitna na ako ng pool.

    “Lyse!” Tawag ko at nakita kong hinihila pa niya ang natatawang si Carlos.
    “Sige na!” Ani Everlyse.
    “I should get a girlfriend.” Tawa ni Stan.
    “Ako rin!” Sigaw ko. “I should get a boyfriend.” Sarkastiko kong sinabi nang may naalala tungkol kay Stan at sa lahat ng pinagsasabi niya kay Noah. “I’ve been boyfriendless for ages! Gusto ko ring subukan na magkaboyfriend kasi kahit kailan di ko pa nasubukan iyon.”

    Nanatili ang titig ni Noah sa akin. Seryoso at matalim. Bumaling ako kay Stan na ngayon ay pinaglalaruan ang labi. Kalahating natatawa at kalahating pinipilit na magseryoso.

    “Really?” Naghahamong sinabi ni Noah bago bumaling kay Stan.
    “Well… hindi mo pala naging boyfriend si David?” Painosenteng tanong ni Stan.

    Tinulak ko ang umaalong tubig kay Stan at umilag siya. Muntikan ng mabasa.

    “Obviously, bastard!” Sabi ko.
    Nagkibit balikat siya at umupo ng maayos. Bumaling siya kay Noah. “Akala ko.”

    Umiling ako at lumangoy na lang ulit.

  • Kabanata 42Open or Close

    Kabanata 42
    Not Yours

    Pinagkaabalahan ni Stan ang kanyang cellphone. Nagawa niya pang umalis habang matalim siyang tinitigan ni Noah. Bumagsak ang katawan ni Carlos sa pool at tawanan ang narinig ko sa kay Lyse nong nag dive rin siya doon.

    “Oh, Jesus, Everlyse!” Frustrated at natatawang sinabi ni Carlos.

    Humilig ako sa madilim na parte ng pool, nagpalutang at tumingala sa mga bituin. Ang munting malanding hagikhikan ni Everlyse at Carlos ay naging mas lalong tahimik.

    “Now, I’m soaking. God, Everlyse!” Ani Carlos.

    Nakakabingi ang tili ni Everlyse nang may ginawa si Stan sa kanya. Naramdaman ko naman ang lamig sa aking balikat nang umihip ng hangin kaya tumigil ako sa paglutang. Baka magkasakit ako nito.

    Carlos groaned. Mukhang tinanggal niya ang kanyang t shirt at narinig ko ng bahagya ang bulung bulung ni Everlyse sa kanya tungkol sa pagkuha ng maiinom sa kitchen.

    “What mix do you want?” Tanong ni Carlos sa pinsan ko.
    “Meg, iinom kami ng cocktail. What mix do you want?” Sigaw ni Everlyse sa akin.
    “Jack Coke lang.” Sagot ko at bahagya silang tiningnan.
    “Alright!” Ani Everlyse at umahon agad galing sa pool. Hinila niya si Carlos at pinasahan ng tuwalya.

    Nang inayos ko ang aking sarili para matingnan ang kabuuan ng pool ay nakita kong wala na si Noah sa inuupuan kanina. Mag isa ako ngayon dito sa pool at wala ring tao sa poolside. I was about to swim to the other side when I heard footsteps beside me. Lumingon ako at nakita kong nakapamulsa si Noah na lumalapit sa kung saan ako nakasandal.

    Lalangoy na sana ako palayo ng mariing hinawakan ni Noah ang braso ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakayuko na siya at seryoso ang kanyang mga mata.

    “What?” Iritado kong tanong kahit na kumakalabog na ang buong sistema ko.

    Binitiwan niya ako. Nag squat siya sa doon habang ang isang kamay ay naglalaro sa labi bago nagsalita muli.

    “Your cousin lied to me…” He said. “And your dad, too.”
    “Why does it matter?” Nag iwas ako ng tingin.

    It’s done. Nakapag desisyon na ako at ang desisyon ko ay ang huwag nang balikan ang mga panahong desperadang desperada ako. Oo, desperada ako. Desperada ako non dahil alam kong may kasalanan ako kay Noah bago ako umalis. Alam kong nasaktan ko siya ng husto kaya tinanggap ko ang sakit na idinulot niya sa akin pagkabalik ko. But that’s that. I’ve had enough.

    “Umahon ka.” Utos niya.

    Napalingon ako sa kanya. Nanginig ang buong sistema ko nang nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. I am not sure if it was for me. But I am sure that he’s pissed. Inaamin ko na kahit na sanay na ako sa pagiging malupit at suplado niya ay nangangatog parin ako tuwing ganon siya.

    Huminga ako ng malalim at inangat ang sarili para makaupo sa gilid ng pool. Sobrang lamig ang naramdaman ko sa aking dibdib at likod. Napawi ito nang lumapit siya sa akin. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa swimming pool. Dapat ay kanina ko pa siya iniwan. Dapat ay hindi ko siya sinusunod. What are you doing, Meg?

    “Your dad told me about this boy you’re with while you’re abroad-“
    Nilingon ko kaagad si Noah. “Kailan ba kayo nag uusap ni daddy at bakit ka naniniwala sa kanya?” Umigting ang bagang ko.
    “He’s your dad! At kailan pa naging masama ang pagiging tradisyunal? At anong rason ko para hindi maniwala kung iniwan mo ako! You didn’t even bother to offer me a long distance relationship. Just because you’re away, you want us off!” Frustrated niyang sinabi.
    “Ang tagal na panahon na iyon. We shouldn’t be arguing about this. It’s stupid. Marami nang nangyari.” Umiling ako at umambang lumusong ulit sa tubig nang hinigit niya ulit ako. Hinapit niya ang aking baywang para mapigilan at mas lalong mapalapit sa kanya.

    Nanlaki ang mata ko sa gulat. Seryosong mga mata at nakaparteng labi ang sumalubong sa aking paningin.

    “No… No… we have to talk. Namuhay ako ng galit sa’yo, Meg. Galit na galit ako sa’yo. You want me to fall for Coreen, then well, yes! I tried so hard to fall for her! Para lang masaktan ka ng husto! Para lang maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko! I waited for you! Hindi na tayo 18th century! We have fucking Facebook but you didn’t even try to contact me! What the hell was that? Binaliw mo ako tapos iniwan?”

    Nanlalaki ang mata ko habang dirediretso niya itong sinabi sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko ngunit sinikap kong magsalita.

    “Guess what? Nagtagumpay ka! Nasaktan mo ako ng husto! You hated me so damn much kaya nasaktan mo ako! Ng ilang beses! Ng sobra sobra!” Hindi ko mapigilan ang pagkirot ng puso ko. I should be over this a long time ago. Walang luha ang nagbadya sa aking mata. Pati sila ay napagod rin sa kakabuhos.

    Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay bumagsak ang mata niya sa aking labi. Ang nakaparteng bibig niya ay mas lalong umawang. Kinagat niya ito ngunit hindi rin napigilan ang pagparte ulit.

    Nanghina ako. Bahagya ko siyang tinulak ngunit sa panghihina ko ay hindi ako nagtagumpay. Dumampi ang labi niya sa akin ng isang beses. Sa pangalawang beses ay tumigil siya. Sa pangatlong beses ay halos maitulak ko na siya sa panunuyang ginagawa. Sa pang apat at pinakamatagal ay bumitiw ulit siya.

    “Fuck you-” I protested when he finally gave me a deep kiss.

    Pumikit ako ng mariin nang naramdaman ko ang sakit sa aking labi. Ang metal na pamilyar sa akin ay nalasahan ko. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan dahil sa halik na iyon. Huminahon ang kanyang dibdib kalaunan at ang paulan niya ng halik ay naging mas banayad. And I hate that it’s making me feel dizzy!

    “I want to hurt you so bad without kissing you. Gusto kong mamantal ang puso mo sa sakit. Dahil gustong gusto kong makaganti. Dahil iniwan mo ako. Dahil hindi ako matanggap ng daddy mo. Dahil ako lang ang lumaban para sa ating dalawa nong wala ka. Wala ka nong mga panahong iyon-” Bulong niya nang tumigil siya sa paghalik.

    Tinulak ko siya at tinakpan ko ng likod ng aking palad ang aking labi. Lumayo ako ng bahagya sa kanya ngunit ang kamay niya ay nasa baywang ko parin.

    “I did not ask you to fight for us while I’m abroad!” Sigaw ko.
    “But I did! At sa lahat ng narinig ko, tingin mo pagkabalik mo ay magkakandarapa parin ako ng husto sa iyo? Yes, I might still be fucking lovestruck pero hindi ko iyon ipaparamdam sa’yo! No way! Pagkatapos mo akong iwan ay magpapakita ka na parang walang nangyari! Parang walang taon na lumipas? Magpapakita ka na parang hindi ka nagmahal ng iba?”

    Damn! Hindi nga ako nag mahal ng iba! Pero magmamahal na ako ngayon.

    HInawi ko ang kamay niyang nakahawak sa aking baywang ngunit hindi parin ako nagtagumpay. “Bitiwan mo ako.” Mariin kong sinabi.
    “I don’t usually let my belongings go.” Nalalasing ako sa kanyang mga mata kaya nag iwas ako ng tingin.
    “I am not yours.” Sabi ko.
    “May pangalang nakalagay sa’yo. Isn’t that enough evidence?” Pabulong ngunit may diin ang tono niya.
    Umiling ako. You’ll see, Noah. Mawawala itong pangalan mo sa akin. “I am not yours, Noah. You lost me a long time ago.” Tinulak ko siya at mabilis nang nagdive sa pool.

    Sa gitna na ako umahon. Hindi ko siya nilingon pero galing sa kinatatayuan niya ay sumigaw siya.

    “Really, Megan? If I did lose you, then I can find you again.”

    Lumangoy ulit ako ng mas malalim ngayon. Pagkaahon ko ay nasa kabilang dako na ako ng swimming pool. Nilingon ko si Noah na naroon parin sa madilim at nakatayo. Umirap ako hanggang sa narinig ko ang tawanan ni Everlyse at Carlos. May dala na silang champage at isang tray ng mga maiinom.

    “Try Elizalde. Kaya mo bang maghabol?”

    Umahon ako at agad na sinalubong ang tray ni Everlyse. Natigil siya sa kanyang hagikhik nang nakita akong mabilis na naglalakad patungo sa kanya. Kinuha ko ang tuwalya sa gilid at nilagay iyon sa katawan ko. Kinuha ko kaagad ang isang shot ng Jack Coke na hiningi ko at nilagok ito ng dalawang beses hanggang sa naubos. Pumikit ako ng mariin.

    Remember it clearly, Megan. The days he treated you like trash. The days when he can’t even fight for me. The days when I can almost bleed because of the pained he caused me. Remember it clearly.

    “Whoa!” Ani Everlyse.
    Dumilat ako at plastik na ngumiti kay Everlyse. “I’m gonna change. Sumasakit ang ulo ko, e.” Sabi ko at di na nilingon pa ulit si Noah sa kinatatayuan niya.

    Dumiretso na ako sa guestroom na tinutuluyan ko pag nasa kina Everlyse ako. Nag lock ako ng pinto at naligo. Nanatili sa utak ko ang mantra na kailangan kong alalahanin ang lahat at baka makalimutan ko iyon.

    Natulog ako na iyon parin ang iniisip. Siguro ay sa panaginip ay dinalaw rin ako nito dahil gumising ako ng may konting luha sa mata. Halos tumalon ako galing sa pagkakatulog dahil iniisip kong may trabaho ngayon. Mabuti na lang at Sabado pala.

    Habang nakahilata at nagmumuni-muni ay may kumatok sa aking pintuan at sinubukan pang buksan.

    “Meg, si Everlyse ‘to.” Sabi niya.
    Tinitigan ko lang ang kulay brown na pintuan at ang pag galaw ng door handle. Ayaw kong buksan dahil…
    “Umuwi na si Noah kagabi. May gig sila mamaya diba? Malaking gig mamaya kaya nag practice sila sa bahay nila. Chill.” Sabi ni Everlyse na dahilan kung bakit napatayo ako.

    Alam na alam niya talaga kung anong nasa isip ko. Binuksan ko ang pintuan at nakangiting Everlyse ang bumungad sa akin. Kinusot ko ang mata ko at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

    “Breakfast na tayo sabi ni mommy. Anong nangyari sa’yo kagabi? Nagkasagutan na naman ba kayo ng manliligaw mo?” She chuckled.

    Umupo siya sa kama at pinaglaruan ang kanyang paa. Ang kanyang mahaba at morena’ng legs ay kumikinang.

    “Manliligaw? Naalala ko lang na sinaktan pala ako ng lalaking iyon kaya umalis ako. At kung manligaw man siya ay hindi ko tatanggapin.”
    Napatingin siya sa akin. “Ay? Bakit? Kasi sasagutin mo kaagad?” I just couldn’t believe what she just said.
    “Of course not!” Binato ko pa siya ng unan.
    Tumawa lang siya at hinawi ng unan. “I was just checking. Tara na at baka lumamig na iyong breakfast. Alam mo naman si mommy, ayaw nang hindi sabay kumain. Minsan lang sila nandito kaya pagbigyan na natin!”

    Sumunod ako sa kanya sa baba. Naisip kong mukhang magandang ideya ang madalas kong pagpunta dito sa bahay nina Everlyse. Kasi iniisip ko pa lang na sa bahay ako uuwi mamaya ay nangungulila na ako.

    “Sorry po, tita. Hindi ko mapaunlakan iyong sinabi niyong dito na muna ako habang wala si mommy. Alam niyo naman ‘yong si Madame Alejandra. Magtatampo iyon pag di ko inuwian ang bahay.” Ngisi ko.
    “I know, hija. Mag dala ka na lang ng gamit at iwan mo dito parakung sakaling maisip mo na dito umuwi ay hindi ka na mamomroblema.”
    Sumang ayon naman ako sa gusto ni tita. Sa bagay ay kung sakali lang naman iyon.

    Umuwi ako ng bahay at agad nalungkot nang nadatnan kong mag isa ako don kasama ang mga katulong. Naisip ko tuloy kung gaano ka swerte si Everlyse at may kakambal siyang nakakairita. At least ay hindi boring ang kanilang buhay. Ako? Wala na ngang kapatid, wala pang boyfriend.

    In speaking of boyfriend, naisip kong hanapin si Ysmael Aboitiz sa Facebook. Hindi siya mahirap hanapin dahil nag iisa lang ang pangalan niya. Agad ko siyang in-add at nagulat ako nang agad niya akong na accept. Gumulong ako sa kama at agad ni click ang kanyang pangalan para makapag message ako.

    Ako:
    Hi Sir! Sorry kagabi. Pinatawag kasi ako ng mommy ni Everlyse para don na mag dinner sa kanilang bahay. Wala si Stan kaya si Noah ang sumundo.

    Kinagat ko ang labi ko at naghintay ng reply. Nakita kong nagtitipa na siya at abot abot ang kaba ko.

    Ysmael:
    No problem.

    Ay? Ang suplado rin nito, ah?

    Ako:
    Are you mad? I’m sorry. Alam kong di mo type si Noah.

    Ysmael:
    No. It’s okay. I understand you and Noah.

    Ang lamig talaga. Ngumiwi ako at nag tipa ulit ng reply.

    Ako:
    Nagtatrabaho ka?

    Ysmael:
    Yup.

    Ang iksi ng sagot. Mag tatype na ulit sana ako ng reply ng biglang halos sumabog ang cellphone ko sa ingay nang tumatawag. Halos mapamura ako at mapapatay ko talaga ang unknown number na naghahasik ng lagim.

    “Hello!?” Padabog kong sagot.
    “Ohhh, so you answer calls from strangers? Let’s change that, Miss. You shouldn’t…”

    Sa boses pa lang ay kilala ko na kaagad kung sino ang nasa kabilang linya.

    “Fuck you, Elizalde.” Sabi ko.
    He chuckled. PInatay ko agad at ang huli kong narinig ay ang pilyo niyang tawa. Oh God!

    Pumikit ako ng mariin at tinitigan ang chatbox kung saan may sagot si Ysmael. Wala akong ma itype pabalik!

  • Kabanata 43Open or Close

    Kabanata 43
    There Is No One Else

    Nakatulugan ko ang pag iisip ng irereply kay Ysmael. Nagising na lang ako nang maingay na tumunog ulit ang aking cellphone. Napamura ako at kinapa ko iyon. Hindi pa nakadilat ay agad nang sinagot.

    “Hello?” Narinig ko si Wella sa kabilang linya. Maingay ang kanyang background. Halos ilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga dahil sa narinig na ingay.
    “Wella? Bakit?” Kinusot ko ang mata ko.
    “Ang sabi ni Stan ay pupunta ka raw ng gig nila ngayon. Asan ka na? Malapit nang magsimula.”
    “Huh?” Napaupo ako sa kama. May sinabi ba akong ganon? Ngayon ba iyong gig nila na inanyayaan ako ni Wella?
    “Meg naman… Sige na, ah? Kumpleto kami. Ikaw na lang ang kulang! Please!” Mabilis niya namang pinatay ang tawag dahil nalulunod ang kanyang boses sa ingay sa background.

    Tumayo ako at binuksan ang ilaw ng madilim kong kwarto. Tumunog muli ang cellphone ko kaya matalim ko itong tinitigan. Iniisip kong si Wella na naman ang tumatawag at manghihikayat sa pagsama ko ngunit nagkakamali ako. Pangalan ni Everlyse ang naroon.

    “What?” Salubong ko.
    “What are you doing? Patungo na kami ni Carlos sa inyo. We’ll fetch you. Punta tayo sa gig nina Stan. Di mo pa ulit sila naririnig simula nong nabuo sila, diba?” She asked.
    Tumikhim ako. “Maliligo pa ako, magbibihis, kakain. Mauna na kayo. Susunod ako. I can drive.”
    “Oh no… Maghihintay na lang kami sa sala niyo. Wag ka nang magdala ng sasakyan kasi aksaya ka lang ng gas.”
    “Pero-“
    “Bye na. Malapit na kami! Maligo ka na!” Humalik pa siya bago pinutol ang linya.

    Umiling ako at dumiretso na lang sa bathroom para makaligo at makapag ayos. Pagkatapos kong suotin ang isang simpleng itim na dress at black wedge ay bumaba na ako sa sala. Inisip kong gumawa na lang ng salad dahil iyon ang madaling kainin. Kailangan kong kumain muna dahil ramdam ko na ang gutom sa aking tiyan.

    “Hi, pretty!” Ngiti ni Everlyse dahil naroon na sila ni Carlos sa sala. Nilingon nila akong pareho.
    “Gawa muna ako ng salad. Kain tayo?” Yaya ko.
    Umiling si Carlos nang tiningnan siya ni Everlyse. “Kakakain lang kasi namin. Alam mo naman, pag nandyan si mommy ay busog kaming lahat.”
    Tumango ako at nilagay ang matching black purse ko sa mesa bago dumiretso ng kitchen. Kumuha ako ng iilang lettuce, pineapple slices, olive, cheese, dressing at pinaghalu halo na lang. Umupo ako sa counter pagkatapos punahin ni manang ang pagkakatayo ko.

    “Hindi ka ba magdidinner ng maayos? May ulam naman akong niluto. Ayain mo rin sina Everlyse at yong boyfriend niya.”
    “Nagmamadali ako manang, e. Tsaka ito lang muna. Diet ako.” Kumindat ako sa kanya at ngumiti.

    Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag na si mommy. Huminga ako ng malalim at sinagot. Kinwento ko sa kanya ang pag alis namin ngayon para sa gig nina Stan.

    “Alright, Georgianne. And then you tell me if it was a good gig, okay?” Ani mommy.
    “Yes, my.”
    “Anyway, sa bahay ka matulog. I heard nag sleepover ka kina Lyse kagabi. Magtatampo ang bahay natin pag walang among natutulog sa kanya. You know how much I am particular of that.”
    Umirap ako sa kawalan. “Yes, mom.”

    Pagkatapos ng iilan pang bilin ay natapos rin ang tawag at natapos na rin ako sa pagkain. Nag toothbrush na lang ako sa common bathroom sa baba at agad nang niyaya ang mag irog na umalis na.

    “Hindi ka ba naeexcite?” Tanong ni Everlyse nang nilingon niya ako, nagdadrive si Carlos ng mabilis.
    “Hindi naman. Bakit?”
    “Oh, Megan… You’re their number one fan. This is the original Zeus, finally! Well, siguro nga ay nagbago ang tingin mo sa mga miyembro simula nong nagtampo ka?” Nagtaas ng kilay si Everlyse sa akin.
    “I don’t know, Lyse. Wala lang. It’s just the usual gig.” Sabi ko.
    “Baka nagsawa na.” Sabat ni Carlos.
    Nanlaki ang mata ni Everlyse at tumango sa akin. Nagkibit balikat ako at tumingin sa labas. I don’t know…

    Nang nasa labas na kami ng Cafe kung saan ang gig nina Noah ay hindi na ako nagtaka sa dami ng tao. Hindi talaga nagkamali ang Moon Records sa pagkuha sa kanila. Ang problema na lang nila ngayon ay kung paano na iyong recording. Of course they will still release it. Siguro ay magrerecord sila ng new songs para sa kay Stan.

    “Megan!” Sabay yakap ni Wella nang nakita ako. “I missed you!”
    “‘To naman! Parang ilang taon nang di nagkita, a?” Tawa ko at niyakap na rin ang ibang mga kagrupo.

    Kumaway lang si Everlyse sa kabilang table na inuupuan nila ni Carlos. Nilingon ni Wella ang entablado at nakita kong naroon na sina Noah sa stage. Mukhang kanina pa ito nag simula.

    Tiningnan kong mabuti si Stan at nakapikit lang siya habang nagsisimula ang kanta. Parang na hi-hypnotize ang mga manonood dahil sa kanyang ginagawa. Sa likod niya ay nakita ko si Noah na seryoso ngunit kagat kagat ang labi habang nag s-strum.

    “Am I real?
    Do the words I speak before you make feel…”

    Kinilabutan ako sa boses ni Stan at sa pagtugtog ng Zeus. Nilingon ko si Joey na seryoso din sa ginagawa at si Warren na may eye contact sa audience ngunit mukhang preoccupied sa pagtugtog.

    “That the love I’ve got for you will see no ending?
    Well if you look into my eyes then you should know
    That you have nothing here to doubt nothing to fear
    And you can lay your questions down cause if you’ll hold me
    We can fade into the night and you’ll know…”

    Nag angat ng tingin si Noah sa audience at nakita kong tumigil siya sa mga mata ko. Ngumuso siya at umiling bago binagsak ulit ang ulo sa gitara.

    “Upo ka muna, Meg.” Lahad ni Thea sa itim na sofa kung saan sila nakaupo.

    Umupo na rin ako at pinanood na lang ng tahimik ang kanta nilang iyon.

    “I want you to know
    The world could lie
    And everything may die
    Still you shouldn’t cry…”

    Nang nagpalakpakan ang audience ay para akong nagising sa isang panaginip. May kung ano sa Zeus ngayon. They have never been this connected and soulful before. Is it the song? Or is it the way they performed it?

    Huli akong pumalakpak habang tinitingnan ang kasamahan kong maingay at humihiyaw. Tinaas ni Wella ang kanyang kamay. Ang akala ko ay bababa na sila ngunit ikinagulat ko nang may sinabi si Stan tungkol sa isang special guest.

    “Si Divine?” Narinig kong sambit ni Mara.
    Divine? Oh yes! May pinapasikat nga palang singer sina mommy ngayon. Di hamak na mas sikat siya sa Zeus dahil solo artist siya at mas naunang pumirma ng kontrata kesa sa kanila.

    Nilingon nila ang gilid ni Noah kung saan may nakapulang dress na babae at itim na pumps na paakyat sa stage. Humiyaw ang mga taong naroon at namataan ko ang iilang mga babaeng sinisigaw ang kanyang pangalan.

    Madaling maghanap ng mga may talento. Ang mahirap ay ang pagkakatanggap sa isang recording company. If you really on your pure talent, maghihintay ka pa ng ilang taon bago ka madiskubre. Para ma diskubre ay kailangan mong ma advertise. I know that. Lumaki ako sa mga prinsipyong iyan. What with the nature of my parents’ business and the nature of my major, that’s the first thing I learned.

    “Si Diva?” Sabi ni Wella, nakatitig sa paakyat na babae.
    “Diva.” Dagdag ni Thea.

    Iyon ang ipinangalan ng Moon Records sa kanya. Ilang ads at music video na ang ginawa para sa kanya. Pinanood ko ang muntikan niya nang pagkakadapa sa stage nang medyo natalisod siya sa taas ng heels.

    Mabilis na naglahad ng kamay si Noah. Ngumiti si Divine o Diva sa kanya at tumango naman siya. Nagtawanan ang Zeus at lumapit si Warren at Joey sa kanya para magyakapan at magkamustahan.

    “They know each other?” Napatanong ako.
    “Ah! Oo. Nong nasa U.S. ka madalas silang nagkakaroon ng gig kasama ang banda ni Diva.” Wala sa sariling sinabi ni Wella.

    Bumagsak ang tingin ni Noah sa gitara ngunit nakita kong halos mabali ang leeg ni Diva sa kakatingin sa kanya at kakangiti. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagkapahiya. Dumiretso siya sa tabi ni Stan at inayos ang kanyang pulang dress at buhok sa harap na para bang hiyang hiya siya sa nangyari.

    “I’m sorry for that.” Awkward siyang tumawa.
    Ngumuso ako at nanood lang sa bawat awkward niyang pag harap sa audience. She seriously needs to earn more self confidence. Umiling ako. Dapat ay ipag workshop ito ni mommy.

    Inayos niya ulit ang kanyang buhok at ipinakita niya sa harap ang kanyang album. Marami siyang sinabi kung saan iyon mabibili at ilang track ang naroon. Sa huli ay nilingon niya lang si Noah. Tumango si Noah at sinimulan na ang kanta.

    “I was alone not long ago
    Without a love to call my own.
    I was afraid and thought
    It wasn’t meant for me…” Nauna si Stan, kinakanta iyon habang naglalakad lakad sa stage at ngumingiti sa audience. Pagkatapos ng ilan pang stanza ay sumabay na si Diva.

    “I never had somebody I could lean on.
    I never had a shoulder I could cry on…”

    Pumalakpak at humiyaw na ang audience. Tinapos ang kanta at nag bow na lang si Diva. Mukha siyang nagmamadali at may iilang taga Moon Records akong namataan na sumusundo sa kanya. Maybe this isn’t her last gig of the night?

    “Magaling si Diva. Malamig ang boses tsaka buo.” Tango ni Aubrey.
    Nagkwentuhan pa sila ng kung anu-ano tungkol sa kay Diva nang napansin ko ang pagbaba ng Zeus at ang pagsalubong sa kanila ng ilang mga fan girls.

    Pinanood ko ang pagtawa ni Stan at ang pagkuha niya sa ilang Sharpie para mapirmahan lang iyong mga dalang poster at kung anu-ano pang items. Mukhang naninibago pa ang ilang fans sa kay Stan. Pinanood ko rin kung paano parang walang nakikita si Noah na fan. Nag aabang at naiintimidate ang fans sa kanya at siya naman ay parang walang nakikitang ganon. Sarap batukan ng supladong Elizalde’ng ito. Kinalabit pa siya ni Joey bago niya pinansin ang nag aabang sa kanya.

    Nginitian lang niya at pumirma ng konti bago nilingon ulit ang aming table. Umirap ako sa kawalan at humalukipkip. Should I drink? Nag aabang ang waiter sa gilid ko ngunit hindi ko magawang umorder pagkat naaalala ko na naman iyong nangyari sa huling pag inom ko sa Tilt.

    “One shot of Jack Coke.” Sabi ko sa waiter bago siya umalis para tugunin ang order ko.

    Pagbalik ko ng tingin sa kanila ay nakita ko na papunta na silang apat sa amin. Nakangisi si Stan at agad nilahad ang kanyang braso sa mga kaibigan kong nangingiti at naeexcite na.

    “Hi girls!” Pinasadahan niya ng tingin silang lahat. “All drinks on me tonight. Last gig of the week.” Kumindat pa si Stan kay Wella.
    “Pati ba samin, Stan?” Tumatawang tanong ni Joey.
    “Pay your own sa inyo.” Tawa naman ni Stan.
    “Aw, that’s so unfair!” Umupo si Warren sa gitna ni Thea at Mara.

    Humagikhik ang dalawa. Nahagip ako ng tingin ni Warren.

    “Oh, Meg! Long time no see. Uhmmm…” Napatingin si Warren kay Joey.
    Nakatingin na si Joey sa akin. I refused to make it awkward so I smiled. “Hi! Long time no see! Busy kasi ako sa work.”
    “That’s for this month only. Wala na siyang trabaho next month.” Sambit ni Noah na nakatayo parin hanggang ngayon kahit na may bakanteng sofa pa naman.
    “Ohhh…” Sabay sabay ang tingin sa akin ng mga girls.
    “In his dreams.” Nagkibit balikat ako. “Hectic ang sched ko. Seryoso kasi ako sa trabaho.”
    “That’s good, Meg. I mean, magandang may trabaho na. Independent.” Tango ni Joey.

    Habang nagsasalita siya ay naramdaman ko ang pag alis ni Wella sa gilid ko. Lilingunin ko sana ngunit napahaba ang mga salita ni Joey.

    “Bakit di ka sa Moon mag trabaho? May slot naman yata para sa iyo don at syempre anak ka ng may-ari!” Nagtataka niyang tanong.
    “Gusto ko lang ng…” Napatingin ako sa gilid ko dahil nakaupo na doon si Noah. “…ng… ano… gumawa ng sarili kong pangalan.”
    Tumango si Joey. “Kayo girls, san kayo nagtatrabaho?” Nilingon niya ang mga babae na agad rumesponde sa tanong.
    “Did you save my number?” Bulong ni Noah sa gilid ko.
    “Why would I?” Tanong ko nang di siya nililingon.
    “Ang sungit mo, miss. Period?” Nanunukso niyang sinabi.
    Bumaling ako sa kanya. “Go away, Noah. Why are you even here?”
    “It’s my gig! Kung hindi mo alam, miss. Syempre, manonood ka. I miss the way you watch me every gig. Parang pinupuri mo ang kagwapuhan ko-“
    “What?” Tumatawa na siya sa pagkakairita ko. “Ang kapal mo, Noah! Hindi ko pinupuri ang kagwapuhan mo.” Bulong ngunit may diin. “Stop flirting.”
    Humagalpak pa siya lalo na dahilan kung bakit napapatingin na sila sa amin. “I am not flirting. Kasi kung ginagawa ko iyon ay baka nag away na tayo ngayon.”
    “Oh shut up.” Sabi ko at pumangalumbaba.

    Nilapag ng waiter ang Jack Coke na inorder ko. Napanood iyon ni Noah at agad kong kinuha ang glass.

    “Sa Cali kami madalas pumupunta ng family ko. Don kami nagbabakasyon. Nandon kasi ang tita namin. You know…” Patuloy na kwento ni Stan.

    “I don’t like the drunk version of you.” Bulong niya.
    “You don’t have to like anything about me.” Umirap ako at mabilis niyang kinuha ang aking inorder. “Noah!” Sigaw ko.
    “Kayong dalawa!” Sigaw ni Stan sa iritadong tono dahil nawawala siya sa momentum dahil sa amin ni Noah. “Umalis na nga kayo dito! Don na muna kayo sa kabilang table! Maghanap kayo ng ibang table!”
    Napalunok ako. “Si Noah na lang ang paalisin mo, Stan. Siya ang nanggugulo!”
    “Umalis na kayo, Meg. Don na kayo kina Everlyse. Kanina pa kayo ah!?” Habang sinasabi iyon ni Stan ay hinatak na ako ni Noah paalis don.

    Bago pa ako makapag protesta ay nasa mesa na kami nina Everlyse at Carlos. Malaking sofa at silang dalawa lang ang naroon.

    “Oh it’s you two…” Natatawa at mukhang lasing na si Everlyse. “Join us!”
    “Thanks, Everlyse.” Sagot ni Noah at ang kapal ng mukhang umupo sa isang sofa.
    Tumingala si Noah sa akin at kumunot ang noo niya sa pagkakatayo ko. Hinila niya ako paupo. “Great!” Sarkastiko kong sinabi.

    Nagtawag ako ng waiter para sa isa pang Jack Coke kahit na nakita ko ang pagkakairita at hamon sa mukha ni Noah. Tinarayan ko lang siya at ilang beses na inirapan. Ang galit sa mukha niya habang nakatitig sa akin ay unti unting napapawi at napapalitan ng ngiti.

    “Para kang bata.” Aniya.
    “Wala akong pake.” Sabi ko, diretsong nakatingin kay Everlyse at Carlos na nagkukurutan sa gilid.
    “I’m sorry.” Bulong ni Noah.
    Laking gulat ko sa biglaan niyang sinabi kaya nilingon ko siya. Nakatagilid ang ulo niya, mapupungay ang mga mata, ay nakangiti na parang pagod sa akin. I’m sorry for what? Bumagsak ang mata niya sa aking labi. Nanlaki ang mata ko at natigilan.

    Tumili si Everlyse na siyang umagaw ng aming atensyon. Hinalikan ni Everlyse si Carlos sa labi. Humalik pabalik si Carlos at nakita kong kinagat niya ang labi ni Everlyse. Hindi ko na naiwasan ang pag face palm. Ano ba naman ito?

    Tumayo ng bigla si Noah. Tiningala ko siya. Halos makumpirma ko na iiwan niya ako ng mag isa sa loob ng Cafe nang bigla siyang lumiko patungo sa stage. Nagulat ako kaya sinundan ko siya ng tingin.

    Nilapitan niya ang walang taong keyboard at pinindot ang isang key. Napatingin ang mga tao sa kanya. Nilingon ko sina Stan at nakita kong nagtataka din sila.

    Inayos ni Noah ang microphone sa harap ng keyboards at nagsimula siya ng isang pamilyar na tugtog. Napaupo ako ng maayos at nalaglag ang panga ko. He’s gonna sing in public! He’s gonna sing in public!

    Sa intro pa lang ng ay parang nawawasak ang puso ko.

    “Kailan siya na tutong tumugtog ng keyboard?” Wala sa sarili kong sinabi.

    Pinahaba niya ang intro na dahilan kung bakit mas lalo akong namangha. Parang loop ng intro nung particular na kanta.

    “The reason why I walked out when I heard you sing this to me, Miss, is because I tried to sing this for you when you left me.” Aniya.

    Nalaglag ang panga ko at tinakpan ko na lang ito ng aking kamay.

    “Damn, memories.” Aniya bago sinimulan ang pag kanta.

    “Know I haven’t slept a week at all
    Since you’ve been gone
    And my eyes are kinda tired
    From crying all night long
    Know I’ve never been too good at cooking just for one
    It’s so lonely here without you baby
    Come back home…”

    Hindi ako makahinga at ang luhang akala koy natuyo na ay nagsimulang namuo sa gilid ng aking mga mata.

    “‘Cause I’m half crazy
    Feelin’ sorry for myself
    Half crazy
    Worried you’d find someone else to love
    But baby there is no-one else
    Half crazy…”

  • Kabanata 44Open or Close

    Kabanata 44
    Boyfriend

    Pumikit si Noah habang kinakanta niya iyon ng buong puso ko. Unti unting bumuhos ang mga luha ko. Kinapa ko kaagad ang purse ko at nagmadaling pumihit para umalis. Hindi para gayahin si Noah sa ginawa niya sa akin noon ngunit para hindi niya makita na lumuluha parin ako para sa kanya.

    Siguro ay pag minahal mo ng husto ang tao, hindi kailanman mawawala ang pagmamahal na iyon ilang taon man ang lumipas o gaano ka sakit man ang dinanas mo sa kanya. It will remain in your heart. Especially if it’s true. And what I had for Noah was really true. Kasi I will never endure too much pain if it wasn’t.

    Kinagat ko ang labi ko habang kinakawayan ang dumadaang taxi. Nakita kong may sakay ito kaya binaba ko ang kamay ko at nilingon pa ang isang paparating.

    “Kung gusto mo ng umuwi ay sana sinabi mo na lang. Pwede naman kitang ihatid.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likod. Hindi ko na kailangang lingunin para makumpirma kung sino iyon. I know it was him.

    Gumapang ang kamay ko sa aking pisngi. Mabuti na lang at natuyo na ang luha ko kanina. Hindi ko parin siya nilingon. Kumaway ako sa taxi’ng papalapit para makasakay na ngunit ang nakataas kong kamay ay hinawakan niya at binaba.

    Pagod na tumikhim si Noah. “I’ll drive you home.”
    “No, thanks, Noah. Magtataxi ako.” Sabi ko kahit na hawak hawak niya pa ang kamay ko.
    “Wag na natin pag awayan ito. Just get in the car, Meg. I swear I won’t talk when you don’t need me to. I swear ihahatid lang kita and that’s it.” Iginiit niya at dahan dahan akong hinila patungo sa parking lot. Hinila ko ang kamay ko ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

    Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at binuksan ang pintuan sa front seat. Nilingon niya ako at blanko ang ipinakita kong ekspresyon ko sa kanya.

    “Please, get in the car.” Aniya.

    Tumikhim ako at inisip na sa oras na magsalita ulit siya ng tungkol sa nangyari ay lalabas ako doon kahit na tumatakbo ito. I don’t want to talk to him. Takot ako. Takot ako na baka bumigay ako kahit na alam kong hindi tama. It’s never enough. Nothing will be. He made me feel so worthless, so hurt. Hindi maaaring sa oras na gusto niya akong pulitin ay available ako para mapulot niya. Hindi. Learn, Elizalde.

    Pumasok ako sa sasakyan at halu halo ang naramdaman ko sa aking sarili. Pumasok siya sa loob at naramdaman kong bahagya siyang tumingin sa akin na para bang natatakot siya sa maaari kong gawin o sabihin habang nandoon kami.

    Pinaandar niya agad ang sasakyan at tumulak na kami paalis doon. Nakahalukipkip ako at nanonood sa labas. Iyong mga sasakyang dumadaan. Mabagal ang patakbo niya sa sasakyan. Gusto ko sanang mag kumento tungkol doon ngunit ayaw kong magsimula ng mapag uusapan kaya hindi ko na lang iyon pinuna.

    Imbes na kayang umuwi galing doon ng mga twenty minutes ay parang isang oras yata ang binyahe namin. Mabilis kong kinalas ang seatbelt na suot at agad na bumaba pagkarating ng bahay.

    “Salamat.” Sabi ko.
    “You’re welcome.” Sabi niya bago ko sinarado ang pintuan.

    Itinulog ko na lang lahat ng gumugulo sa isip ko sa gabing iyon. I don’t want to overthink. I’m scared. Kung hindi pa man sapat na dahilan ang mga sakit na dinanas ko noon ay wala na akong maidahilan pa sa takot kong ibalik iyong nakita sa mukha ni Noah kanina habang kumakanta.

    Umaga ng Lunes ay naunang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag imbes sa alarm. Sinagot ko kaagad iyon kahit nakahiga pa at nakapikit.

    “Hello?”
    “Good morning, Megan! We’ll fly back there next month. The day before your birthday.” Si mommy iyon.
    “Uh-huh. And then?” Tanong ko, kinukusot ang aking mga mata.
    “I figured we should celebrate it! With your tita and tito in the Philippines, we should at least throw a party.”
    “Oh, mom…” Ipinarinig ko sa kanya na ayaw ko.
    “Come on, Meg. Alam kong sanay ka nang walang celebration sa birthday mo but I think it’s time to celebrate. You’re almost twenty four.” Sabi ni mommy.
    “Ngayon pa talaga ako mag ce-celebrate?” Sarkastiko kong sinabi.
    “It’s just a friendly family dinner, that’s all. It’s still a party though. Sa bahay lang gaganapin. Please? So I can plan it.”
    “Oh, I thought you’re on vacation? Ito iyong iniisip mo habang nagbabakasyon kayo ni daddy? This is bothering me.” Sabi ko habang bumabangon at hinahanap ang bedroom slippers.

    Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri habang pumapasok sa bathroom. Time to prepare for work.

    Nakumbinsi ako ni mommy sa gusto niyang mangyari. As long as it’s just a family dinner, then I don’t mind.

    Dala ko ang sasakyan ko para siguradong hindi ako mamroblema pauwi mamaya. Suot ko ang isang long sleeved short grey dress nang papasok ako sa opisina. Lumilinga linga ako para hanapin ang boss kong si Ysmael. I need to say sorry or at least show him that I appreciate his efforts. Ayokong mangyari ulit iyong mga nangyari sa amin noong high school kami. It’s rude. I don’t want to be rude.

    “Papasok kaya si Mr. Aboitiz?” Tanong ko kay Ma’am Alice na umagang umaga ay may bohemian headband na nakapulupot sa ulo at malaking black rimmed glasses.
    “Ask Fiona. Bakit?” Nag ngiting aso siya.
    Ngumiwi ako. “Wala, nagtatanong lang.”
    Hindi niya ako tinantanan dahil sa tanong ko. “Hmm. May nararamdaman na talaga ako sa inyong dalawa ni Mr. Aboitiz. Wag ka nang maglihim. Asus!” Tawa niya.
    “Wala nga talaga.” Bumaling na lang ako sa computer ko at nagsimulang magtrabaho.

    Naiwala ko yata ang sarili ko sa pagtatrabaho. Tambak na naman kasi sa linggong ito. May kinukuhang deal pa ang kompanya sa isang malaking company. Nagkaroon pa kami ng meeting ng mga alas diyes ng umaga para lang doon.

    “We need more trainings. Iyong gusto ng kompanyang ito ay hindi lang through paper ads. Gusto nila ng multimedia. I know halos lahat tayo ay may training na at skill but this is a big international company. It’s the leading pharmaceutical company in Asia. I believe Mr. Aboitiz can close the deal pero kailangan ay maging maayos din ang trabaho natin.”

    Iyon ang bilin sa amin kaya mas doble ang kayod namin sa mga araw na ito. They even mentioned na kailangan ko na raw kunin iyong seminar o training na gagawin sa Batangas. Dumating ang sekretarya ni Ysmael sa aming meeting para ibigay sa akin iyong hard copy ng mga detalye at imbitasyon sa training na tinutukoy. Pinagkaguluhan pa iyon nina Ma’am Alice at Ma’am Alexis. Anila ay nakapunta na sila sa training na iyon at pahirapan daw sa tatlong araw na ibinigay. Sa unang araw ay lecture lang, sa pangalawa ay preparation, at sa pangatlo ay presentation. Kinabahan tuloy ako dahil bigatin ang mga dadalo.

    Tiningnan ko si Fiona na nakangiti sa akin. Gusto kong magtanong kung papasok ba si Ysmael ngunit may sinabi na siya agad na nagpatikom ng bibig ko.

    “Nasa mesa mo na ‘yong lunch.” Ngiti niya sabay alis sa room namin.

    Pagkatapos ng meeting ay nagmadali kaagad ako sa aking desk at nakita kong may dalawang styro ang naroon. Ang isa ay may note tulad nong binibigay parati ni Ysmael at ang isa ay may malalaking nakakairitang salita na nakasulat gamit ang pentel pen o sharpie. Ngumiwi ako at dinampot ang note ni Ysmael.

    Enjoy your lunch.
    -Ysmael Aboitiz.

    Ikinumpara ko ito sa nakasulat na maiitim na letra sa styro ng binigay ng lintik na Elizalde’ng iyon.

    Sana tumaba ka. Luto ko ‘yan.
    -N. Elizalde.

    I suddenly want to throw that darn styro. Binuksan ko ang styro ni Ysmael at nakita kong isang fried chicken at gulay ang ulam. Binuksan ko naman iyong styro ni Noah at nakita may spare ribs, lasagna, at buffalo wings.

    “Wow! Hanep! Ang daming bigay ni Mr. Aboitiz ngayon, a?” Usisa ni Ma’am Alice, humahagikhik.

    Kinuha ko iyong mga styro at niyaya na lang silang kumain. Gusto ko mang itapon iyong kay Noah ay nasasayangan naman ako. Iniisip ko iyong mga batang walang makain tapos ako ay magtatapon lang ng pagkain dahil galit ako sa nagluto nito.

    “Uy, ang sarap nitong lasagna.” Sabi ni Ma’am Alexis nang kinainan niya iyon.
    “Oo nga. Masarap din itong spare ribs. Galing ba ito kay Mr. Aboitiz lahat?” Tanong ni Ma’am Alice habang inaangat ang styro para makita kung may note rin ito.
    “Uh! Basta, kumain na lang kayo!” Sabi ko at pinigilan ko siya.
    Nag ngiting aso ulit silang lahat sa akin.

    Iyon ang naging eksena sa sumunod na tatlo pang araw. Dalawa ang natatanggap kong lunch at hindi ko rin madalas makita si Ysmael. Busy o di kaya ay wala sa opisina. Ni hindi niya ako tinitingnan pag dumadaan siya. Sinubukan ko ring sundan ngunit masyadong mabilis ang kanyang lakad para mahagilap ko.

    Tumalon ako nang tumunog ang aking cellphone pagkatapos kong kumain.

    “Hey…” I heard Noah’s voice.
    “What?” Ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng ngiwi. Humilig ako sa aking swivel chair at humalukipkip.
    “Natanggap mo ang lunch mo for today?” Naririnig ko ang ngiti niya sa kabilang linya.
    “Oo, Noah. Kaya lang may nagbibigay na kasi sa akin ng lunch kaya pinapakain ko sa mga kasama ko.” I said matter of factly.
    Hindi siya agad sumagot. “Uh…” Tumikhim siya. “Pero tinitikman mo naman siguro?” He asked.
    “Busog na kasi ako pagkatapos kumain nong binigay saking lunch kaya…” Nagkibit balikat ako.
    Hindi siya sumagot pero alam kong nasa kabilang linya pa siya.
    “Hello? Noah? Nandyan ka pa ba? Ibababa ko na, a? Busy ako sa work.”
    “Oh, alright.” Malamig niyang sinabi at pinatayan ako ng tawag.

    Natulala pa ako sa aking computer bago ako nagsimula muli ng pagtatrabaho. Naisip kong paniguradong ang pikon na iyon ay hindi na magpapadala ng lunch simula bukas. Mabuti na rin at nang sa ganon ay matigilan niya na ako.

    Kinabukasan ay inabangan ko talagang mag alas onse. Unang dumating iyong lunch na galing kay Mr. Aboitiz.

    “Lunch na tayo, Meg?” anyaya ni Ma’am Alexis sa akin pagkatapos ko iyong matanggap.
    “Ah! Sige, sige.” Ngiti ko at nagsimulang magligpit.

    Nasasanay akong pinapadala ni Noah iyong pagkain sa akin sa guard kaya tinitingnan ko iyong guard kung may ginagawa ba pero naroon lang siya at nakaupo.

    Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe. Galing sa isang numerong hindi naka phonebook. Binuksan ko ito at binasa ang mensahe na paniguradong kay Noah.

    ‘I’m sorry natagalan ‘yong lunch. I overslept because of our gig last night.’

    Nilingon ko kaagad ang security guard sa aming floor na may hawak ng styro at pumasok na sa aming department. Kumunot na agad ang noo ko.

    “Pinadala ito nong elevator boy, ma’am. Tulad nong kahapon.” Ngiti ni manong sa akin.
    “Salamat po.” Sabi ko at nakita kaagad ang isang drawing mga mukha ng baboy sa styro. Binuksan ko iyon at nakita kong steak, fish fillet, at isang slice ng cake ang naroon.

    Damn it, Noah.

    Tsaka pa lang ako gumalaw at kinuha ang styro na galing kay Ysmael at Noah patungo sa room para doon na kumain kasama ang mga kasamahan ko.

    Biyernes nang dumalaw si Mr. Aboitiz sa aming opisina. Hapon na at inaantok ako kaya nawala agad iyon nang nakita ko siya. Sinalubong ko siya ng ngiti ngunit kunot ng noo naman ang kanyang ipinakita sa akin. Napawi ang ngiti ko at pakiramdam ko ay talagang galit siya sa akin dahil sa nangyari.

    Kausap niya ang isa sa mga boss namin. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko hanggang sa natapos na sila. Namataan kong naglalakad na siya palabas ng aming floor.

    “Ganon lang?” Bulong ko sa aking sarili.

    Isang beses ko pang tiningnan ang aking monitor bago ako tumayo para sumunod sa kanya. I need to atleast tell him that I was sorry again. This time, in person.

    Naabutan ko siya sa elevator. Gulat pa ang mukha niya habang inaayos ang coat nang nalingunan ako.

    “Hi Mr. Aboitiz.” Bati ko nang nakangiti.
    Hindi siya umimik.
    “Salamat sa lunch nitong mga nakaraang araw. Kahit galit ka sa akin.” Ngiti ko.
    “Hindi ako galit sayo.” He looked away.
    Tinikom ko ang bibig ko. “I’m sorry, Ysmael. I’m sorry. Alam kong galit ka talaga dahil sa nangyari nong kinuha ako ni Noah.”
    “I don’t mind, Meg. I told you, I don’t mind. Ganon naman talaga kahit noon, diba? I’m not surprised.”

    Tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Ni hindi niya ako tiningnan nang bumilis ang lakad niya palabas ng elevator. Hinila ko ang kanyang braso para pigilan siya.

    “Ysmael, I’m sorry.” Tikhim ko.
    Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso at nilingon ako. “If you really are sorry, then pauunlakan mo ang pagyayaya ko sayong mag date tayo ngayong gabi. If you really are sorry, you’ll give me a chance to court you again. If your really are sorry, Megan, you’ll make me your boyfriend.”

  • Kabanata 45Open or Close

    Kabanata 45
    Papaiyakin

    Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako makakuha ng tamang salita. Nakaawang lang ang bibig ko habang naririnig kong sumarado ang pintuan ng elevator. Hinawi ni Ysmael ang kamay kong nakahawak sa kanyang coat. Inayos niya ang kanyang suot tsaka ako tinalikuran dahil sa pagwawalang kibo ko.

    Nang nakita ko siyang nakalayo ng ilang metro sa akin ay tsaka pa lang ako nagising sa aking pagkakagulat.

    “Ysmael, wait!” Tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon.

    Dire diretso ang labas niya sa building. Naisip ko ang naiwang trabaho ko ngunit saglit lang iyon. Mas inisip ko ang pagiging galit ni Ysmael sa akin.

    “Ysmael!” Tawag ko bago siya pumasok ng kanyang sasakyan. Nilingon niya ako sa isang malamig na ekspresyon.
    “What is it, Meg?” Tanong niya.
    “I-I’m sorry.” Hindi makatingin ng diretso ang mga mata ko sa kanya. Para bang napapaso ako sa kanyang titig. “I’m really, really sorry. I mean it.”

    Tinitigan niya lang ako. Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri kong naglalaro sa isa’t-isa, nililibang ang mga mata kong walang mapuntahan.

    “Let’s have dinner.” Aniya pagkatapos ng ilang sandaling tinitigan ako.

    Nag angat ako ng tingin sa kanya. Binuksan niya ang kanyang pinto para sa akin. Tinuro ko ang daan pabalik sa building.

    “Hindi pa ako tapos sa mga ginagawa ko. Tsaka ‘yong gamit ko.” Sabi ko.
    “I don’t care.” Nag iwas siya ng tingin.

    Tinikom ko ang bibig ko at tumango. Sumalampak ako sa loob ng kanyang sasakyan at nag angat ng tingin bago niya iyon sinarado. Umikot siya at pumasok sa driver’s seat. Pinagmasdan ko ang pagtagilid ng kanyang ulo para paandarin ang sasakyan. Kahit na may ginagawa ay batid kong malalim ang kanyang iniisip.

    Nanahimik ako sa buong byahe. Iniisip ko kung paano siya kakausapin mamaya pag nasa restaurant na kami. Hindi ko makuha kung bakit niya ako gustong maging girlfriend. Hindi naman ako nagbubulag bulagan. Noong una pa lang ay alam ko nang may malisya itong paglabas namin. I opened my doors for another man because I think I won’t forget Noah if I don’t. Pero hindi niyon ibig sabihin na kaya ko ring samantalahin ang kagustuhan ni Ysmael na maging kami para lamang kalimutan si Noah. Who am I kidding? Kung gagawin ko iyon ay mas lalo lang kukumplikado ang sitwasyon.

    Nakaupo na kami pareho sa restaurant at kakasabi ko lang ng order ko. Hindi ako kakain ng buong meal. I ordered mango shake. Hindi rin naman kasi siguro ako makakakain ngayon dahil sa iniisip kong pag uusapan namin ni Ysmael.

    “Ysmael, tungkol don sa-“
    “Did you receive the invitation? ‘Yong sa training, Meg?” Hindi niya ako pinatapos at nilihis niya pa ang usapan. Siguro ay hindi siya kumportableng pag usapan namin iyon.
    “Oo. Uh, binigay ni Fiona sa akin kanina.” Sabi ko.
    “It’s in two weeks.” Nakapag desisyon ka na ba? You’ll be alone.” Aniya at ngayon ay nakatingin na sa akin.
    “Yup. It’s an asset din naman.” Tumango ako.

    Katahimikan ang siyang bumalot sa amin pagkatapos kong magsalita. Uminom si Ysmael ng wine at pinanood ko lang ang kanyang ginawa. Seryoso parin ang kanyang mukha. Abot abot ang kaba sa aking puso. Hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa takot sa galit niya o sa komprontasyong alam kong siyang kahihinatnan ng gabing ito.

    “Ysmael.” Matapang kong sambit. “Tungkol sa sinabi mo sakin kanina…”
    Tumingin siya sa akin, matalim ang mga mata.
    “I-I-I just want to say that… it’s too early to, you know,” hindi ako makahanap ng tamang salita. “engage in a relationship with you.”
    “Binabasted mo ba ako, Megan?” Katakot takot ang tono niya. It kind of reminded me of Noah.
    “No. I mean. No. I mean,” umiiling ako sa bawat pabalik balik na salita. “I mean, we can stay friends and see if we should take it to the next level. Hindi naman pwedeng agaran-“
    “You know I waited for years.” Kumunot ang noo niya. “Pinili mo si Noah kahit na malupit siya sa’yo. Ngayon ay siya parin ba?” Tumikhim siya. “But I will respect your decision. But this time, please know that I won’t accept bullshits and rejections, Meg. Dati mo na akong pinaasa sa wala. Dati mo na akong binilog. We didn’t have our proper closure and this time, I don’t want the damn closure. I want to see a good ending.” Diretso niyang sinabi na para bang may business proposal siya sa akin.

    Nilapag nong waiter ang pagkain niya at ang shake ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa presensya ng ibang tao ngunit nang umalis ang waiter ay tsaka pa lang ako nagkatyempo.

    “Ysmael, wag mo akong ipressure-“
    “I am not, Meg. I just want to be fair. Hindi ako martyr. If you want me then you can have me right now. But if you don’t, you have to tell me immediately so I can burn the bridge between us.”
    “What?” Nanlaki ang mata ko. Gusto kong magprotesta ngunit ayaw kong ipakita sa kanya na kinabahan ako sa pangalawang desisyon. Ibig sabihin pag binasted ko siya ay magagalit siya sa akin at hindi na ulit kami mag uusap? Kung tama ang naiintindihan ko sukat sa sinabi niya ay iyon nga ang mangyayari!
    Nagtaas siya ng kilay. “If you’re scared of losing me, then you should choose to have me. That’s the thing about you. You only like the chase. You like rejection so much. It’s your drug. Kaya nong hindi kita pinansin nong una ulit tayong nagkita ay nagtaka ka. You want the attention. You want the people who can’t give it to you. You like to like those who can’t like you back. And when they do, you’ll drop them.” He said matter of factly.

    Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Those words kept me awake the whole night. Hindi ako makatulog lalo na’t panay na naman ang balita nina Wella sa akin tungkol sa pagkaka full ng gig nina Noah kung saan. Kahit si Everlyse ay naroon. I just couldn’t go out tonight. Masyadong malalim ang iniisip ko.

    Tinulugan ko ang pag iisip ko. Sa Sabado ay tinapos ko ang mga hindi ko nagawang tapusin kahapaon. Ang tanging naging libangan ko habang ginagawa iyon ay ang mga munting texts ni Noah na kahit nakakairita ay inaamin kong nakakapagpangiti sa akin.

    Noah:
    Just woke up. What are you doing?

    Kahit na unknown number ay pakiramdam ko ay alam na alam ko nang siya iyon. Napatingin pa ako sa orasan na ala una na ng hapon. Ganitong oras siya nagising ngayon dahil sa gig nila kagabi? It must have been very good, huh?

    Ako:
    Work.

    Noah:
    Nag lunch ka na? It’s 1pm. We’ll record today. Pupunta ka ba sa Moon?

    Kinagat ko ang labi ko. Is this their first recording with Stan? Oh god! But I shouldn’t right?

    Ako:
    Wala si mommy sa Moon. I don’t care what you’ll do for today.

    Hindi ko matapos tapos ang pagtitig sa cellphone ko. These past few days I have been so harsh on him. Maybe it’s my defense mechanism. Ayaw kong masaktan niya ulit ako. Ayaw kong maisip ng Zeus na nagpapakadesperada ulit ako.

    Noah:
    I know. Sinasabi ko lang naman. Sabihin mo na lang sakin anong gagawin mo ngayon. That would be better.

    Parang may kaonting kirot sa puso ko. In my ass, Noah Elizalde!

    Ako:
    I’m working nga!

    Medyo matagal siyang nagreply. Siguro ay mga isang oras. Isang oras din akong walang magawang matino. Halos magmura na ako sa harap ng monitor dahil wala na akong ginawa kundi ang abangan ang lintik niyang mensahe. Oh damn it!

    Noah:
    You have work tomorrow? It’s a Sunday.

    Nag reply ka pa, huh?

    Ako:
    Wala. Wag mo nga akong itext!

    Ginulo ko ang buhok ko at humilig sa swivel chair. Tinitigan ko ang isa sa mga video na ineedit ko for an advertisement. Hindi ko matapos tapos kahit na kaninang umaga ko pa ito ginagawa. Imbes na nasa huling parte ako ay tsaka pa ako nagkakaroon ng block!

    Noah:
    I want to text you now because I can. Mamaya hindi na ulit ako makakapagtext. Do you have your car? Makakauwi kang mag isa?

    I want to throw away my phone and stop replying! Nakakafrustrate at hindi ko alam kung magrereply ba ako o hindi. Sa huli ay napagdesisyunan kong wag na lang pansinin ang kanyang mga text. Pagkatapos ng trabaho ay nagbabad ako sa gym ng ilang oras. Ilang messages at tawag sa mga taong malapit sa akin ang natanggap ko. Si Wella na nag yayayang sumama sa gig, si Everlyse na ganon din, si Ma’am Alice na may bilin sa opisina, at si Ysmael na nagsasabing nasa isang business trip siya.

    Pagkatapos ko sa gym ay dumiretso ako sa isang kilalang vegetarian restaurant. Kakatapos ko lang kasing mag work out at ayaw kong ma guilty sa kakainin ko kaya napag desisyunan kong doon kumain.

    Bumagsak ang mata ko sa menu. Alas nuwebe na ng gabi at kaonti lang ang kumakain doon. Naghihintay ang waiter sa oorderin ko habang nasa tapat ko.

    “We have Garden Salad, ma’am. Lettuce, pineapple, olives, cherry, cheese, ceasar dressing ‘yong nandyan. We can also add ham if you want.” Ngiti niya.
    Umiling ako. “I’ll have that without the ham.” Sabi ko at binigay sa kanya ang menu. “And water please.”

    Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at napansin ang isang babaeng titig na titig sa akin. Tingin ko ay may sira ang mata ko at hindi ko gaanong makita ang mukha ng babae gayong hindi naman siya kalayuan. Nanliit ang mata ko at nakita ko kung sino iyon.

    “Coreen.” Napabulong ako sa aking sarili.
    She smiled at me. Kinakausap siya ng lalaking kaharap niya na alam kong si Rozen. Bumaling si Rozen sa akin at tumango ako sa kanya. Ngumiti siya at binalik ko ang tingin ko kay Coreen na mas lalong humaba at umalon ang buhok. She looked blooming pero mas lalo yata siyang pumayat ngayon at medyo pumuti ng husto.

    Ikinagulat ko ang pagtayo niya habang nakatingin sa akin. Pinanood ko ang pagpanhik niya patungo sa kinauupuan ko. Nagtawag si Rozen ng waiter at kinausap niya iyon para sa order nila ni Coreen.

    Nang nakalapit si Coreen sa mesa ko ay inilahad ko ang upuan sa harap ko. I don’t know what she’s up to but I’m not rude.

    “Is it okay?” Tanong niya, tinuturo ang upuan sa harap ko.
    “Of course.” ngumiwi pa ko. Bakit naman hindi magiging okay ang pag upo niya kasama ako?
    “Kamusta kayo ni Noah?” Iyon agad ang tanong niya, tinatagilid ang ulo.
    Para akong ginyera nang hindi pa handa. “Wha-What? Walang kami ni Noah.” Bahagya akong natawa.
    Ngumiti siya. Isang matamis na ngiti. Probably the reason why despite of Noah’s cruel nature, she got him. I won’t deny that. She got him. Kahit na sabihin nating nangyari lang iyon dahil gusto ni Noah na patunayan sa akin na kaya niyang mag mahal ng iba sa katauhan ni Coreen ay alam kong kahit paano ay nakuha rin nitong si Coreen ang loob ni Noah. “Hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Noah. Honestly, hindi ko talaga alam. He’s too secretive. I thought I was his bestfriend, hindi pala.”
    “Ah! That’s okay. Siguro ay iyon ay dahil hindi naman ako importante para malaman mo pa. And maybe ayaw niya rin talagang malaman mo. Masisira ang diskarte niya sayo pag nangyari.” Tumawa ako.
    Umiling siya. “Diskarte? He has his own way with his words, Megan. I’m sure you know that. But I have never seen or felt it. Iyon ang totoo. Hindi siya dumiskarte sa akin. Mahal na mahal ko siya noon at kahit nong sinabi niyang nagustuhan niya na ako simula pa lang noong high school ay alam kong hindi iyon sapat. Hindi sapat ‘yong feelings niya para sa akin dahil hindi niya pinaglaban. Well, not that I’m not greatful that he didn’t. I’m in love with Rozen. I just want you to see it.”
    Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong punto ni Coreen. “Kailan mo nalaman ang tungkol samin?”
    “Last Thursday. May family dinner kasi sa aming bahay. Late nga iyong dumating tsaka pagod. Nagkausap kami. May sinabi na rin si Rozen sa akin tungkol sa inyo ni Noah.”
    Tumango ako. Why does it matter to me?
    “Ikaw… pinaglaban ka niya ng husto.” Marahang sinabi ni Coreen.
    Ngumiwi ako. Sinubukan kong ngumisi pero nabigo rin. “What song did he sing for you?” Halos mabasag ang boses ko.
    “He did not sing for me. I just heard him sing it a couple of times. That’s all.” Sabi niya, nalilito.
    Tumango na lang ako at ayaw ko nang magtanong ulit.
    “Half Crazy.” Sagot niya.
    Kumunot ang noo ko. Siguro ay iyon lang ang alam niyang kanta? Who am I kidding? Nag init ang gilid ng aking mga mata pero hindi ko hinayaang bumuhos ang luha ko.
    “I’m sorry. Did I say something wrong?” Kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. Tumagilid pa ang kanyang ulo.
    “I’m sure Noah cried for you. Kahit na malupit iyon ay alam kong natamaan iyon sa’yo. He wants to get rid of me through you. He’s not usually like that. Espesyal ka sa kanya. Minahal ka niya.” Sabi ko.
    Tumango siya. “Now that you mentioned it… I saw him teary eyed once.” Umangat ang tingin niya sa kisame. “I’m not sure if he did cry. You know…”

    Sabay kaming dalawa. “Noah never cries!”

    Nagtawanan kami sa sinabi naming iyon. Humilig pa siya sa akin nang napasarap ang tawanan namin sa di malamang kadahilanan.

    “Si Rozen ilang beses ko nang nakitang umiyak. Si Noah, pakiramdam ko mahal yata ang luha non.”

    Kinagat ko ang labi ko. He never even cried when I let him go. He never cried when I pushed him away. Some damn girl will someday make him cry, huh?

    “Hey, girls! What are you talking about? Pinag uusapan niyo ba ako?” Kumindat pa si Rozen sa akin. Ang kapal din ng isang ito.
    “No, Rozen. I’m sorry but we’re talking about your brother.” Tawa ko.
    “Noah’s girls…” Umiling siya at tumingin kay Coreen.
    “Can we sit here instead, babe? Parang gusto kong paglihian si Megan.” Tumawa si Coreen.
    Ngumuso si Rozen at tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Coreen is pregnant? “Oh my gosh, you’re pregnant!?” Halos sigaw ko.
    “Is that impossible, Meg?” Sarkastikong tanong ni Meg.
    Tinuro ko si Rozen. “This jerk here did that?”
    Hinawi ni Rozen ang kamay ko. Tumawa si Coreen. “I’m not a jerk!” Umupo siya sa tabi ni Coreen.
    “Oh you are.” Ngiti ko.
    “Nagsalita naman ang hindi.” Ngumiti siya pabalik at hinalikan sa tainga si Coreen. “Asan ba ‘yong kapatid ko?”
    “Ewan ko. Busy sa gig. Hayaan mo na. Malaki na ‘yon.” Uminom ako ng tubig.
    “You should stop teasing Noah and Megan, Rozen.” Sabi ni Coreen.
    “Nakakainis kasi ang isang iyon. Masyadong torpe. Ang tayog ng pride. Paiyakin mo, Meg. I don’t believe na hindi umiiyak ang isang iyon.” Umirap si Rozen.
    “I’m moving on.” Sabi ko at sabay pa silang dalawang ngumiwi.
    “Papaiyakin niya talaga yata.” Sabi ni Coreen habang tinitingnan ang nakangiting si Rozen.

    Alas onse na nang nakauwi ako sa bahay. Napasarap yata ang kwentuhan namin nina Rozen at Coreen. Nagawa pa naming uminom ng champagne ni Rozen habang nag kukwentuhan. They invited me to their wedding. Next week na pala iyon at naisip kong pumunta nga. Pupunta rin naman ang Zeus dahil tutugtog sila maging ang Going South. Sina Everlyse at Carlos ay nasa guestlist na rin. Pag iisipan ko munang mabuti iyon.

    Sumalampak agad ako sa kama dahil sa pagod. Damn it! Sakit ng katawan ko sa kaka squat kanina. Hindi na ako nakapagbihis man lang dahil sa pagod. Mabuti na lang at kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa araw na ito ay wala akong gagawin. Pwede akong matulog buong araw pero kailangan ko pang itext si Everlyse tungkol sa wedding ni Rozen at Coreen.

    Bumaba ako at nag isip na kakain ng cereals ngayon para sa breakfast nang bigla kong naamoy ang bango ng iba’t ibang klase ng pagkain sa aming kitchen.

    “Manang?” Tawag ko sa pagtataka ngunit bago pa ako masagot ni manang ay isang hubad na likod ang bumungad sa akin habang nag luluto sa aming stove.

    Holy shit! Noah Elizalde in our kitchen?

  • Kabanata 46Open or Close

    Kabanata 46
    Full Time

    “What in the world?” Madrama kong sinabi.

    Nilingon agad ako ni Noah nang narinig ang boses ko. Ngumiti siya at napatingin ako sa niluluto niyang mukhang beef steak. Napalunok ako. Smells good, huh?

    “What are you doing here, Elizalde?” Tanong ko at tinigil ang paglalaway sa luto niya at ngayon ay inilipat ang mata sa kanyang katawan. Darn!
    “I am obviously cooking.” Sarkastiko niyang sinabi.
    “At bakit ka nandito?” Luminga ako para mag hanap ng katulong pero wala doon. Nakatunganga lang si Noah at mukhang uulitin na naman niya iyong naging sagot niya kanina kaya imbes na hayaan siya ay umalis ako sa kitchen para maghanap ng eksplenasyon kung bakit nandito siya.

    Mabuti na lang at wala talaga ang parents kung hindi ay kanina pa siya pinatapon ni daddy. Mainit ang dugo ni daddy sa kanya at pag nakarating ito sa kanya ay paniguradong masasakit na salita na naman ang ibabato niya kay Noah.

    “Manang?” Naabutan ko si manang na nag pupunas ng mga muwebles malapit sa malaking pintuan namin patungong swimming pool.
    Dahan dahan niya akong nilingon.
    “Manang… sino po ang nagpapasok kay Noah dito?” Tanong ko.
    Tinuro niya ang sala. “Pumasok silang dalawa ni Constantine. Nasa sala si Constantine.” Ani manang kahit kanina pa ako padaan daan sa sala at wala ni anino ni Stan ang nakita ko.
    “Wala po si Constantine sa sala, manang.” Sabi ko.
    Nagkibit balikat si manang at nagpunas ulit ng vase. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagmamartsa ko patungong kusina.

    Nasa counter na iyong niluto ni Noah at napansin kong nilagyan niya iyon ng toppings na sesame seeds. Nakaupo siya sa high chair ng counter at napansin ko ang dalawang nakalatag na pinggan, kutsara, tinidor, baso, at juice. Ngumisi siya na para bang nanunukso sa akin.

    “Good morning, miss. Wala ka pang ligo, a?” Panunuya ang nasa boses niya.
    “Noah-“
    “Don’t ask me the same question again, Meg. Kumain na lang tayo. I don’t want to waste our time together. I’m free the whole day today. Bukas ay may gig ulit kami mula hapon hanggang gabi. Hindi kita masusundo.” Aniya at humalukipkip.

    Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanyang katawan na malayang nakabalandra sa aking harap. I admit it. He’s very hot. Ang panatilihin ang pagkakairita at galit ay mahirap.

    “Ginamit mo si Stan para makapunta dito? Pasalamat ka at wala ang parents ko!” Galit kong usal.
    Hindi siya natinag. Nanatili siyang nakangiti na para bang nawiwili sa pagkakairita ko. “Kunwari ka pang galit, tinititigan mo naman ang katawan ko. Tss.”
    Nalaglag ang panga ko. Gusto kong mangatwiran ngunit sa iritasyon ay hindi ako makapagsalita.
    “Come on, Megan. From now on, kahit anong iutos mo sa akin susundin ko.” He offered.
    “What is that? Pampalubag loob sa lahat ng nagawa mong pagkakamali sa akin?”
    Nagtaas siya ng kilay. “Yes? Partly. The other half is because I’m courting you. Ah! I’m too old for this! I courted you years ago, binasted mo ako. Ngayon,”
    “Basted ka na.” Sabi ko at humalukipkip. “Umalis ka na.”
    “Di ako aalis dito.” Sabi niya at mukhang walang pakealam sa sinabi ko. Nagsalin lang siya ng juice sa baso ko. “Come here and sit.”
    “Ang kulit mo.”

    Tumayo siya at abot abot kaagad ang pintig ng puso ko kahit na isang galaw niya lang. Bahagya pang lumaki ang aking mga mata nang humakbang siya palapit sa akin. On instinct, pinag ekis ko kaagad ang aking mga kamay at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang siko ko.

    “Come on, miss. Please?” Malambing niyang sinabi habang bahagya akong hinihila patungo sa counter.

    Hinawi ko ang kamay niya kaya nahaplos ko bahagya ang kanyang dibdib. Halos ma estatwa ako sa kinatatayuan ko. Gumuhit na naman ang ngiti sa kanyang mukha. Oh that face when he smiles!

    “Noah!” Sinisiko ko siya dahil nasa likod ko na at tinutulak ako ng dahan dahan sa high chair.
    “Please, miss.” Bulong niya at mabilis na pinulupot ng mahigpit ang kanyang braso sa aking baywang.
    “Noah!” Sigaw ko at halos mapatili ako nang inangat niya ako at pinaupo sa high chair. “Fuck!”

    Nilingon ko siya at naabutang kinakagat ang kanyang labi at pula ang mukha. Ang kanyang magkabilang braso ay kinukulong ako. Nasa likod ko na siya at para bang ayaw niyang makawala ako doon.

    “Noah!” Sabi ko tinatampal ang braso niyang nagkukulong sa akin.
    Inirapan niya ako at kinuha ang kutsara. Naglagay siya ng kanin sa aking pinggan at kinuha niya ang tinidor. Tinusok ang lutong beef steak at nilagay sa plato ko. Pinagmasdan ko ang ginawa niya kasabay ang pagrereklamo.
    “Let me feed you, okay? Pagkatapos nito ay ayos na ako.” Aniya at sinubo sa akin ang kanin.
    “Kaya kong kumain mag isa, okay?” Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. “Bitiwan mo ang kutsara.” Ngunit hindi niya ginawa. Nakahawak pa ako sa kamay niya habang sinusubo ko ang kanin at pati ang beef steak.

    I just couldn’t imagine that this hot guy right here can cook. Nga naman. Imposibleng may magawang hindi masarap ang lalaking ganito ka gwapo? Now he looked so satisfied.

    “Masarap ba?” Tanong niya habang nginunguya ko ang kanyang luto. Yes but I won’t admit that.

    Tumayo siya ng maayos at kinuha ang basong may lamang juice. Pinigilan ko siya at iginiit ko na marunong naman akong kumain mag isa. Kaya humakbang siya pabalik sa high chair na nasa tapat ko. Pinanood ko siya habang nag lalagay din ng kanin at beef steak sa kanyang plato.

    “Lalabas ka ba mamaya?” Tanong niya habang sinusubo ang beefsteak ng wala sa sarili. Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok at bahagyang nagkasalubong ang kilay. HIndi ko maiwasan ang paninitig sa kanya habang ganito kami kalapit. Mukha talaga siyang masungit pero parang mas lalo yata siyang gumugwapo pag nagsusungit.
    “Hindi. Bakit?” Tanong ko.
    “Good. Kung lalabas ka ay sasama sana ako. Hindi ka naman lalabas kaya buong araw tayo sa bahay niyo. Let’s watch a movie.” Aniya.
    “Ano ba itong trip mo, Noah?” Iling ko.
    Nagtago siya ng ngiti. “I want to date you the whole day, miss. If you don’t mind.”

    Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak ni Noah. Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa taas para maligo. Tsaka ko lang naramdaman ang hiya ko kanina dahil hindi pa nga pala ako naliligo. Pinuna pa niya. Uminit ang pisngi ko habang nagsusuklay ng buhok. Damn it, Noah!

    Isang oras akong nag ayos bago bumaba ulit sa sala dala ang cellphone ko. Napansin ko kasing may nisend si Ysmael sa akin sa Facebook. Mukhang detalye ng gaganaping seminar na dadaluhan ko.

    Sa sala ay naroon na si Noah at naghahanap ng magandang papanoorin namin. Hindi ko naman maiwasan ang pagpuna sa kanyang t shirt. Nakasuot na siya ng puting printed t shirt. May nakita rin akong nachos at pop corn sa coffee table namin.

    Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Ysmael.

    Ysmael:
    You only? Did you receive my docx?

    “Anong gusto mong panoorin?” Tanong ni Noah habang hawak hawak ang remote control.
    “Kahit ano.” Sabi ko habang nagtatype ng reply para kay Ysmael.

    Ako:
    Yup. Thank you for this. I will review it.

    “Sinong ka text mo?” Tanong niya at agad na umupo sa tabi ko.

    Mabilis kong inilag ang cellphone ko sa kanyang mga mata. Why is he so nosy? Napangiwi siya sa ginawa ko. Again, those piercing beautiful eyes flashed. Nagsusungit na naman siya.

    “Pake mo?” Galit kong sinabi.
    Umigting ang panga niya at nakita ko ang pag iwas niya ng tingin. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

    Tumahimik lang siya at hinayaang magsimula ang isang movie na alam ko ngunit hindi ko pa nakikita. Umayos ako sa pagkakaupo. Inangat ko ang binti ko sa sofa at niyakap iyon, hawak hawak ang cellphone.

    Tumunog ang cellphone habang pinapakilala ang characters sa movie. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita kong may reply si Ysmael.

    Ysmael:
    I miss you.

    Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung anong i rereply sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong nakatingin si Noah sa akin. Binalingan ko siya. Galing sa galit ay huminga siya ng malalim at umupo ng maayos.

    “Napanood mo na ‘to?” Tanong niya sabay tingin sa TV.
    “Hindi pa.” Sagot ko at nagpatuloy sa pagrereply.

    Ako:
    I miss you too. :) See you tomorrow.

    I need to sort out my feelings towards Ysmael. Gusto ko siya. Tama, gusto ko siya. But then I don’t love him to take the risk. He’s a nice guy. Nasaktan ko na siya noon at nagiguilty ako sa mga nangyari. But then my feelings for Noah are unique. Ito iyong pag ibig na kahit bumabasag na sa buong pagkatao ko ay hindi ko parin mabitiwan. I don’t know if it’s the same for Noah. At ayaw ko parin iyong aminin sa kanya dahil nasaktan niya ako ng sobra sobra. Nawasak niya ako at hindi ako sigurado kung kaya ko siyang tanggapin muli at mahalin ng buo dahil basag na basag pa ako.

    Tulala ako sa screen ng aming Tv nang tumunog ulit ang aking cellphone dahil sa reply ni Ysmael. Narinig ko ang tikhim ni Noah. Kita ko pa ang pagkuyom ng kanyang kamay sa kanyang binti. Tumitig muna ako doon bago ko siya binalingan. His perfect jaw moving like he’s mad or something. Para bang pinipilit niya ang sarili niyang huwag na magsalita.

    “Galit ka?” Tanong ko.
    Umiling siya at bumaling sa akin. Bahagya kong nakita ang matalim niyang mata ngunit ngumisi siya kaya napalitan ito. “No… No…” Umiling pa siya at tumingin ulit sa TV.
    Tumango ako at binasa ang chat ni Ysmael.

    Ysmael:
    Lunch together tomorrow?

    Mabilis akong nagreply habang naririnig nag tikhim ni Noah.

    Ako:
    Sure. :)

    Tumikhim pa ulit si Noah at humalukipkip habang titig na titig sa TV. Naabutan ko ulit na umigting ang kanyang panga. Ngumuso ako. He’s mad. Pero ayaw niyang sabihin o ipakita sa akin.

    Nilagay ko ang cellphone ko sa coffee table at kumuha ng nachos. Nilingon ko siya at nakita kong tumitig siya sa cellphone kong naroon.

    “Ikaw nagluto nito?” Tanong ko.
    “Yup.” Aniya at tumingin sa akin.

    Kinagatan ko ang malaking nacho at gusto kong tumango sa sarap ng timpla ng dressing at kung anu ano pang hinalo.

    “Masarap ba?” Tanong niya ngunit bago pa ako nakasagot ay tumunog pa ulit ang cellphone ko.

    Umirap siya sa kawalan at tinagilid ang ulo. Medyo lumayo siya ng bahagya sa akin. Kinuha ko naman agad ang cellphone kong nasa coffee table at tiningnan ang reply ni Ysmael.

    Ysmael:
    Alright! I can’t wait for tomorrow. Take care.

    Ngumuso ako at nagtype ng reply.

    Ako:
    See you! Take care din.

    At binaba ulit ang cellphone sa mesa. Bumaling ako kay Noah. Hindi ko na masundan ang movie habang siya ay titig na titig doon at seryoso ang mukha.

    “Napanood mo na ‘to?” Tanong ko.
    Umiling lang siya na parang walang gana. Ngumisi ako at bahagyang lumapit sa kanya. Mad Noah is gorgeous as hell!
    “Ako rin, e.” Sabi ko.
    “Then, watch.” Sabi niya ni di ako nililingon.
    “You sound mad.” Panunukso ko.
    “I am not.” Nilingon niya pa ako kahit na matalim ang kanyang titig.
    “You are.” Sabi ko at tinagilid ko ang aking ulo.
    “I said I’m not!” Iritado niyang sinabi.
    Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti.

    Tumunog ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon dinampot. Nanatili ang titigan namin hanggang sa umirap siya at umiling.

    “Tss…”

    Nilingon ko ang cellphone ko at bago ko pa iyon makuha ay kinuha niya na iyon. May password kaya hindi niya makita kung anong meron pero sapat na siguro ang nakita niya sa screen kung sino ang may mensahe para sa akin.

    “Noah!” Sabi ko sabay bawi sa cellphone ko. Binigay niya naman at kitang kita ko ang sakit sa kanyang ekspresyon.
    “You… you’ll see each other tomorrow. Hindi ba pwedeng ako muna ngayon?” Bigo niyang sinabi.

    Naestatwa ako sa hiningi niya sa akin. Gusto kong mag mura. I want to call bullshit on his words but I couldn’t speak.

    “I have endured large amounts of jealousy from you and your boys, Megan. Believe me. Pero iyong harap harapan?” Umiling siya.
    “Me and my boys? Wow! Noah, hindi pa ako nagkakaboyfriend. Paanong ako at ang mga lalaki ko?”
    “Nakalimutan mo sigurong niloko ako ni Stan at ng daddy mo.” Sabi niya kahit na maingay ang TV sa action na nagaganap sa pinapanood namin.
    “Kasalanan mo at nagpaloko ka! Naniwala ka!”
    Mariin siyang pumikit. “Paano ako hindi maniniwala kung may dalawang videos akong napanood galing kay Stan?” Tumaas ang boses niya. “You kissed two different guys in a span of three months kaya sinabi ko kay Stan na huwag niya na ulit akong padalhan ng mga ganong klaseng video, Meg! Paanong hindi ako maniniwala?”
    Nanlaki ang mata ko. “What video, Noah?”
    “Ah! I deleted it a long time ago. I’m sorry, I’m no masochist. I might be a martyr but not a fucking masochist.” Lumayo siya ng bahagya sa akin.

    Huminga ako ng malalim at hindi ko iyon maipagkaila. Kapag nag iinuman kami ng mga pinsan ko sa States ay nakakalimutan ko ang mga nangyari. May napanood akong isang video ni Everlyse na kumakanta at sa gilid ay kahalikan ko si David. Iyon ba iyon? Oh my God! Fucking Constantine! I want to strangle him right now!

    Nilingon ko si Noah. “I was just drunk.”
    “Yeah, pag lasing ako natutulog lang ako. Ikaw, may kahalikang iba. And you told me you love me, then leave me, and kiss someone else. I would damn kiss another girl too. Bakit ako aasa sayo? Wala ka namang ipinangako sa akin noon, diba?” Bulong bulong niya.
    “I’m sorry, Noah.” Sabi ko.
    Nilingon niya ako. “Stop replying. Give this day to me.” Umigting ang panga niya at tiningnan akong mabuti. “Give it to me before I decide to leave Zeus and be your full time man.”
    “What? No!” Marahas akong umiling sa sinabi niya.

    Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng cellphone.

    “Then give this day to me, Megan. I want your day for me.” Bulong niya at dahan dahang kinalas ang cellphone sa aking kamay.

    Hindi ako makahinga ng mabuti. Hindi ko malaman kung saya ba o lungkot ang nararamdaman ko ngayon.

  • Kabanata 47Open or Close

    Kabanata 47
    Lost and Found

    Nakatulog ako sa kalagitnaan ng movie. Tahimik na kasi kami ni Noah pagkatapos kong ilagay ang cellphone ko sa mesa at hindi na ginalaw ulit. Nakatulog din yata siya dahil sabay kaming ginising ni Manang para sa tanghalian. Sabay din kaming kumain sa hapag at wala siyang ginawa kundi asarin ako.

    “Kumain ka pa.” Sabi niya sabay lagay ng pagkain sa aking pinggan.
    “Noah!” Saway ko at pinandilatan siya.
    He only grinned. Sumimsim siya sa tubig at pinanood ang paglalagay ko ng pagkain sa kanyang pinggan. Naisip ko tuloy ang mga nakain ko nitong mga nakaraang araw. Noah’s spoiling me with too much carbs. I should diet.
    “What’s wrong with eating more?” Tanong niya habang nasa bibig ang french fries.
    “Nothing’s wrong except that I’m going to gain weight and then tataba.” Sabi ko.
    “Ano ngayon kung tumaba ka? You’re naive.”
    Nalaglag ang panga ko. “Are you courting me? God! Noah!” Iling ko.
    “Yes, I am. Hindi ko talaga makuha ang punto mo. Bakit ayaw mong tumaba?” Ngiwi niya.
    “Why don’t you mind your own biz? Tsaka busog na rin naman ako kaya hindi na ako kakain.”
    “Tss…” Sabi niya habang nagmamartsa ako patungong kitchen para ilagay ang mga pinggan na tapos na gamitin.

    Umakyat ulit ako sa kwarto ko para mag toothbrush at hinayaan ko si Noah na palaboy sa aming sala. Wala talaga yatang balak na umalis sa aming bahay. Habang nag to-toothbrush ay naiisip kong bigla iyong kakatok dito. Papatayin ko talaga siya.

    Pagkatapos kong mag toothbrush ay sinikop ko ang buhok ko at tinali bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ay naririnig ko ang grand piano namin na tumutunog sa himig na putol putol at di ko malaman. Dumungaw ako sa railing kung saan kitang kita ang buong sala namin. Sa baba ay naroon si Noah at nag pi-piano. Tumikhim ako at bumaba sa hagdanan habang nagtatanong sa kanya.

    “Kailan ka natutong mag piano?” Tanong ko.
    Hindi siya lumingon pero sinagot niya ako. “Nag aaral na ako bago ka umalis.” Sabi niya.

    Lumapit ako ng husto sa sa piano namin. Nag angat siya ng tingin habang tumutugtog kahit na may ilang mali-mali. Ngumuso ako at napatingin na rin sa kanya.

    “Anong tinutugtog mo?” Tanong ko.
    “It’s our new single. Sinusubukan ko lang.” Tumigil siya at humarap sa akin.

    Tiningnan ko ang keys ng piano at pumindot ako ng isa. Sa taranta ko nang hinawakan niya ang aking baywang gamit ang dalawa niyang kamay ay napapindot ulit ako ng isa.

    “Noah!” Ngumiwi ako at hinawakan ang kamay niya.
    Dinilaan niya ang kanyang labi bago kinagat. “Will you help me with this, please?”

    Uminit ang pisngi ko at tiningnan ang piano. “Hindi mo ako kailangang hawakan para matulungan kita diyan.” Sabi ko at marahas na tinanggal ang kamay niya sa baywang ko.
    Inangat niya ang kamay niya at tumawa. “Alright, miss. Please teach me now?” Humahagikhik parin siya habang umuupo ako sa kanyang tabi.
    “Paano ba ‘yan?” Masungit kong sinabi.
    Ngumuso siya. “Hindi mo pa nga pala alam ang notes.” Aniya at nagsimulang tumugtug ng medyo putol putol.

    Dininig ko ng mabuti ang kanyang tinutugtog. Tama siya, hindi ko makukuha kung hindi ko naman alam ang kantang ito. Kaya sinabayan ko na lang siya kahit na nanghuhula ako sa mga nota. Bahagya siyang tumigil sa pagtugtog at hinayaan ako doon. Sa gilid ng aking mga mata ay ramdam ko ang kanyang titig pero pinagpatuloy ko parin ang pagtugtog na biglang naging isa sa mga class piece na paborito kong tinutugtog.

    “Ano na, Noah?” Tanong ko at nilingon siya dahil hindi ko na alam kung anong isusunod ko.

    Nang nasulyapan ko ang pamumungay ng kanyang matang nakatitig sa akin ay natigilan na ako. Umiling ako at hinarap siya.

    “Dugtungan mo. Hindi ko alam kung paano.” Sabi ko kahit na kabado sa kanyang titig na matatalim ngunit malambing.
    “The second time you’ll fall for me is going to be the last. I’m gonna make sure of that.” Bumaba ang kanyang titig sa aking labi.

    Tinikom ko ang bibig ko sapagkat abot abot na ang bilis ng paghinga ko sa kabang idinudulot niya.

    “And you’re gonna fall hard. This will be your hardest fall, Meg.”
    Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. “I fell for you really hard before, Noah. That was the hardest fall of my life.” Umiling ako na parang kampanteng hindi na ulit iyon mangyayari.
    “Uh-huh…” Napapaos niyang sinabi, pabulong. Ang takas na buhok malapit sa aking noo ay nilagay niya sa aking tainga. Pinilit kong huwag masindak sa kanyang ginawa lalo na nang hinawakan niya ang aking pisngi. “This time, it’s going to be more than that, miss. You’re gonna fall harder than that.”

    Halos malasing ako sa mga munting bulong niya. Binitiwan niya ang pisngi ko at nilipat niya ang daliri niya sa piano. Pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigil na hininga at pinagmasdan ko siyang nakataas ang kilay sa akin habang tumutugtog.

    Damn you, Noah Reigan Elizalde!

    Umuwi siya pagkatapos ng dinner nang sinundo na siya ni Stan para sa practice nila. Inanyayaan pa ako ni Stan na dumalo ngunit umayaw ako.

    “Ano ka ba? Nagtatampo ka parin ba kina Joey at Warren?” Tanong niya, nagtataas ng kilay sa akin.
    “No. That was a long time ago.” Ngiti ko kay Stan kahit na may kaonting tampo parin akong nararamdaman sa kanila.

    I couldn’t remember the exact moments or the exact words but I remembered how they made me feel. How worthless I felt that night. Pinaglaban ako ni Noah sa gabing iyon ngunit galit siya sa ginawa kong pagpapakita sa aking tattoo. Nalasing siya at sa mga sinabi nina Warren at Joey ay nagsa walang kibo siya.

    “Natatakot na sila sa’yo kasi pakiramdam nila hindi ka na raw tulad ng dati.” Sabi ko habang nasa sala kaming tatlo. Si Noah ay abala sa pag aayos ng kanyang sintas samantalang si Stan naman ay nakatayo at tinatanaw akong nakayakap sa throw pillow ng aming sofa.
    “Ang akala ko ba ay ayaw nila sa dating ako?” Tanong ko at nakita ko ang pag angat ng tingin ni Noah sa akin.
    “Syempre, hindi. They were also drunk that night, Meg. I don’t know the whole story pero alam kong hindi ka masasaktan sa wala. I know you. Mas manhid ka pa sa naturukan ng anesthesia.”
    “Is that an insult, Stan?” Kumunot ang noo ko.
    Tumawa si Stan. “But then they were probably worried about you kasi naoobsess ka na ng husto kay Noah.”
    “Hindi siya obsessed sa akin.” Sabi ni Noah habang nag aayos ng sintas.
    “I know what’s the next statement, Noah.” Tumawa si Stan.
    “Don’t make her go. Alam kong pinipilit lang ni Warren kasi crush non si Meg. He’s bitter. Mabuti pang dito na lang siya sa kanilang bahay at baka masira ko lang ang gitara ko habang nagpapractice tayo.”
    In my ass, Noah! Humagalpak lang sa tawa si Stan at nagkaayaan na silang umalis. Hinatid ko sila sa labas at nakita kong hindi pala dala ni Noah ang kanyang sasakyan kaya sa front seat siya ni Stan umupo.

    Binaba niya ang salamin ng sasakyan ni Stan para makausap ako.

    “This is my day, remember? I’ll text you. Stop texting that suitor of yours. Or maybe, screen cap your conversations so I can-“
    “What? Bakit ko gagawin iyon, Noah?” Seryoso ba siya sa hinihingi niya. He’s going overboard! Hindi pa nga kami ay napaka posessive niya na para bang pag aari niya ako. “And besides, you cannot be possessive of something you do not own.”
    Ngumiti si Noah. “Your skin screams my name. Hindi pa ba ebidensya iyan na akin ka?”
    Ngumiwi ako at naisip na patatabunan ko na talaga itong tattoo ko sa lalong madaling panahon. “You are still courting me, Elizalde!” Sigaw ko dahil pinatakbo na ni Stan ang sasakyan. “Ang yabang mo!”
    Tumawa lang siya at kumindat sa akin. “I get excited everytime I think about your chest and my name. I’m sorry, miss!” Sigaw niya at pinakita ang kanyang cellphone.

    Huminga ako ng malalim at tiningnan na rin ang cellphone ko at kinontact na si Willy. Mga picture ng tattoo na gusto ko at ang tattoo ko sa aking dibdib. He needs to find a way! Kailangan ay ma cover up na itong tattoo na ito. Bago ko pa makita ang sagot ni Willy ay may text na si Noah.

    Noah:
    I’m sorry, Miss. Can I call?

    Pumikit ako ng mariin. Nireplyan ko siya ng hindi pwede ngunit tumawag parin siya. Ang kulit mo, Elizalde!

    Ayun at puyat na puyat ako kinaumagahan dahil hinintay ko pang matapos ang practice nila bago ako matulog. Nalibang din naman kasi ako sa panonood ng videos sa Youtube at sa pagkukumbinsi kay Willy na iyon nga ang gusto kong tattoo para ma cover up itong pangalan ni Noah.

    Willy:
    Your tats is very dark, Meg. Kung dream catcher lang ang ipapalit mo dito, hindi siya totally ma co-cover up. You need to choose another design.

    Ako:
    Is it hard for you, Will? Or is it really impossible? I only want that design. Ayaw ko ng masyadong dark ang shading. Hindi ba pwede? :(

    Willy:
    May blank shading ang dream catcher. Dagdagan pa ng sobrang dark ng shade nitong Noah Elizalde. Hindi ‘yan mabubura ng dream catcher lang. Maybe you should visit my shop earlier than the said appointment so I can see it in person.

    Ako:
    Okay, Will. Maybe this Friday. Is that okay?

    Willy:
    Sa Sunday ang first session mo, diba? If you really want that dream catcher then are you prepared na hindi mabubura iyong Noah Elizalde? Because I tell you, Meg, it will stay there. It won’t be covered. Kahit anong gawin ko.

    Ako:
    We’ll see. Gusto ko talaga iyon, e.

    “Hoy!” Halos mapatalon ako nang itulak akong bahagya ni Ma’am Alice na ngayon ay naka bohemian long skirt at spaghetti strap dress. Ang maiksing buhok ay naka half pony tail at ang black rimmed glasses ay mas lalong lumaki.
    “Uy!” Sabi ko at kinusot ang mata, binaba ang glasses.
    “Lunch na!” Sabi niya kaya agad akong napatayo sa pagkakataranta. Tumawa pa si Ma’am Alexis sa inasta ko ngunit napawi din ang kanyang tawa nang may narinig kaming nagsalita.
    “Meg, let’s go?” Sabi ni Ysmael sa likod namin.

    Nilingon ko siya at nadatnan kong nakadungaw siya sa kanyang relo bago bumaling sa akin at tumango.

    “Oh…” Nag ngiting aso si Ma’am Alice at nginitian si Ma’am Alexis. “Let’s go, Sis! Tayo na lang ang magsasabay.”
    “Uy!” Tawag ko nang kumaripas na sila. “Next time!” Pahabol ko bago bumaling kay Ysmael at tumango.

    Nilingon ko ang gamit ko at nilagay iyon sa purse bago ako sumunod sa kanya patungong elevator. Naging medyo awkward kami sa elevator. Pormal ang kanyang mga tanong tungkol sa trabaho habang nag aayos siya ng kanyang relo at ang lupi ng kanyang coat.

    “Presentation na lang ng team ninyo at ma co-close na natin ang deal.” Aniya pagkatapos akong kwentuhan tungkol sa Pharmaceutical Company na gagawan namin ng Ads.
    Tumango lang ako. “Sana nga.” Sabi ko at tumunog ang elevator, hudyat ng pagbubukas nito.

    Unang hakbang ko paalis ay naramdaman ko kaagad na pumulupot ang kanyang kamay sa aking baywang. Napatingin ako doon at medyo na tense. Hindi ako sanay na ganon ang ginagawa niya. I’m not very conservative but somehow, I feel weird.

    “Where do you want to eat?” Nagtaas siya ng kilay at ngumiti bago binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.

    Nakahawak parin ang kanyang kamay sa aking baywang hanggang sa nakaupo na ako sa front seat.

    “Pwedeng doon parin naman, Ysmael. You seem to like that restaurant very much. I like it too. And besides, hindi iyon malayo dito.”
    Tumango siya. “I guess that’s a good idea.” Bago sinarado ang pintuan.

    Sa drive ay napag usapan ulit namin kung paano kami naghahanda para sa presentation don sa malaking kompanya.

    “I’m actually kind of guilty, Ysmael. Next Monday na iyon at hindi ko sila matutulungan masyado dahil may training ako Saturday of next week.” Sabi ko.
    “But you have all the time next week to plan out and prepare the presentation. Tutulungan ko naman kayo.” Aniya. “But I won’t be there during the presentation.”
    “Alam ko namang may time pa next week pero iba pa rin iyong naroon ako kahit sa Biyernes man lang.” Pag aalala ko.

    Habang kumakain kami ay nagdadalawang isip na siyang ipadala ako sa Batangas.

    “You look upset. Don’t worry, you’ll close the deal without much hard work, Meg. Magagaling kayo at kilala na tayo sa advertising.” Sabi ni Ysmael.
    “I hope so, Ysmael. Baka lang magtampo sina Ma’am Alice sa akin dahil wala ako.” Sabi ko.
    “Oh, Meg, they will understand. Don’t worry about it.” Ngiti ni Ysmael bago tumunog ang cellphone ko.

    Nagkatinginan kami ni Ysmael bago ko hinanap ang cellphone ko sa aking purse. Nakita kong tumatawag si Ma’am Alice doon. Hindi naman iyon tatawag kung hindi importante kaya sinagot ko ang kanyang tawag.

    “Excuse me.” Sabi ko at tumayo muna para talikuran ang hapag. “Hello, Ma’am?”
    “Megan!” Natatarantang sinabi ni Ma’am Alice. “Sinabi no Manong guard sa reception may gamit ka raw na nawawala! Importante! I claim mo raw ngayon sa Lost and Found center?”
    Laglag ang panga at kunot noo ang ekspresyon ko habang nakikinig. “Anong gamit ang nawawala?”

  • Kabanata 48Open or Close

    Kabanata 48
    Please

    Mabilis kong nilapitan muli ang aming mesa kung nasaan ang aking bag. Hinanap ko roon ang aking wallet. Kumunot ang noo ni Ysmael sa pagkakataranta ko.

    “May problema ba?” He asked.
    Umiling ako at dininig muli ang cellphone. “Anong bagay iyan? Nandito naman ang cellphone ko, pati wallet.”
    “I don’t really know, Meg. Sabi lang ni manong na importante ang bagay na nawawala sayo. Kunin mo raw agad sa Lost and Found.” Bigong sinabi ni Ma’am Alice.
    “Okay,” Pumikit ako, nalilito. “Sige, sige. Salamat.”

    Binaba ko ang tawag at bahagyang nag isip. Hindi pa kami nakakakain ni Ysmael pero ang bastos naman kung aalis na lang ako dahil sa isang bagay na nawawala na hindi ko naman alam kung ano.

    “May iki-claim daw ako sa Lost and Found.” Sabi ko at umupo na.
    Iminuwestra naman niya agad ang pagkaing kanina pa pala nilapag ng waiter. “I’m sure that can wait. Let’s eat first?” Anyaya niyang tinanguan ko.

    Hindi ako mapakali sa aming pagkain. Pilit kong iniisip na wala lang iyon dahil nandito naman lahat ng importanteng bagay sa akin pero may pangamba parin sa akin na baka nga may nakalimutan lang ako.

    Mabilis na lumipas ang pagkain namin. Maraming sinabi ni Ysmael ngunit hindi ko nasundan ng mabuti dahil sa pag aalala ko.

    “You enjoyed our lunch?” He asked nang tumayo kami galing sa table at iminuwestra niya ang pintuan paalis sa restaurant.

    Bahagya niyang hinawakan ang aking baywang. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

    “I can’t be with you tonight. May board meeting ako. Tomorrow, we’ll have lunch again too?” Nagtaas siya ng kilay.
    Tinitigan ko siya. Seryoso ba siya? “Hindi mo naman kailangang makipag lunch sa akin araw-araw, Ysmael.”
    “Hindi ko kailangan pero gusto ko, Meg.” Tumitig siya pabalik sa akin ng mas malalim.
    Tumango ako at unang bumitiw sa titigan. I didn’t know how to turn him down without making him feel rejected. Iyon nga ang sinabi niya, ayaw niya ng rejection.

    Nang nakarating kami sa opisina ay sinalubong kaagad siya ng kanyang sekretaryang si Fiona para sa isang meeting. Nilingon niya ako kaya kinawayan ko na lang siya.

    “I’m okay. Kukunin ko lang ‘yong gamit ko sa Lost and Found. Aakyat ako pagkatapos.” Tango ko.
    “Okay.” Aniya at bumaling agad kay Fiona at pinagkaabalahan ang mga papeles na dala.

    Sinundan ko muna siya ng tingin bago ko nilingon ang daanan patungong Lost and Found Center sa building malapit sa Maintenance. Unang beses kong makapasok doon kaya kumatok ako. Binuksan ako ng isang kasing edad kong babaeng naka ngiting aso.

    Nagulat ako nang bumugad sa akin si Noah sa mesa na may karatulang “Lost”! Namilog ang mata ko at agad pumasok sa isip ko na siya marahil ang nagpatawag sa akin dito. Humalukipkip siya nang naaninaw ako.

    “You’re here?” Bungad ko.
    “Isn’t it obvious?” Maarte niyang sinabi at agad kong nakita ang lalagyan ng pagkain.

    Nabigo agad ako nang napagtantong kumain na ako at busog na busog pa. I suddenly feel guilty. Oo nga pala at nagluluto nga pala ang isang ito para sa akin.

    “Kumain na ako.” Sabi ko at bumagsak ang tingin ko sa pagkaing naroon.
    Tiningnan din iyon ni Noah na para bang nagtatanong siya kung ano na ang gagawin niya sa niluto niya.
    “Akin na lang ho ‘yan, sir.” Humagikhik ang babaeng in charge yata sa opisina na siyang nagbukas sa akin kanina. Nilingon ko siya at palihim na nginiwian. Hindi siya pinansin ni Noah. Well, sino ba kasi ang papansinin ni Noah Elizalde?
    “Kumain kayo sa labas?” Tanong ni Noah, seryoso ang tama ng titig sa akin.
    “Uh, yeah.” Hinawakan ko ang lalagyan ng pagkain at bahagyang ineeksamin kung anong meron doon.
    “With your boss.” Hindi iyon tanong.
    Humugot ako ng malalim na hininga. “Ano bang naiwala ko, miss?” Nilingon ko ang babaeng nakikiusyuso sa amin.
    “‘Yong baon niyo po? Tsaka ‘yong boyfriend mo?” Ngiti niya sabay muwestra kay Noah at sa pagkain.
    “Hindi ko siya boyfriend.” Tumingin ako kay Noah, nanliit ang mga mata ko. “Wala ako kaya dito ka dumiretso para mataranta ako?”
    “Hindi ka naman nataranta. Kumain pa nga kayo, diba?” Nag iwas siya ng tingin na para bang natatakot na may mabasa ako sa kanyang ekspresyon. Tumayo siya kaya tinangala ko at bahagya pa akong umatras.
    “Galit ka?” Tanong ko.

    Tumitig siya sa akin. Hinintay ko na magsalita siya ngunit ngumuso lang siya at muntik na naman akong malasing sa kanyang malalim na tingin. Nag iwas agad ako.

    “Kung ayaw mo niyan, Miss. Akin na lang.” Humagikhik pa ng isang beses iyong babae kaya hinablot ko na iyong dala ni Noah at lumabas na sa opisinang iyon.
    Sinundan ako ni Noah at nalingunan ko siyang nakangiti. Nang nadatnan ko ay agad niyang pinawi iyon.
    “Ba’t ka nangingiti?” Tanong ko.
    “Hindi ako nangingiti, a?” Nag kagat siya ng labi.

    Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang wala siyang ginagawang masama. Dala dala ko parin iyong lalagyan kanina.

    “You cannot be possessive of something you do not own, huh, miss?” Ngiting demonyo ang pinakita niya.
    Tinagilid ko ang ulo ko. “I’m not possessive, Noah. If that’s what you are implying.”
    Hinawakan niya ang lalagyan at umamba siyang aagawin iyon kaya inagaw ko rin. Humalakhak siya sa ginawa ko. Uminit ang pisngi ko. “I’m sure you are not, Miss.”
    “Binigay mo ito sa akin kaya akin ‘to!” Sabi ko.
    “Binigay ko na ang sarili ko sayo noon pa, kaya sa’yo ako. You have the every damn right to be possessive of me. I belong to you, miss. You need to know that. Para naman ay next time, hindi mo na ako maiwala.” He smiled and then mabilis na naglakad palayo sa akin.
    “Noah!” Nag iinit ang pisngi ko habang tinatawag siya.
    Nakangiti niya akong nilingon. “I have a gig. I need to practice. If I don’t walk away right after this, then I’m never leaving.”
    Mabilis ang hininga ko. Hindi ko alam kung bakit. “Umalis ka na nga!” Pinarinig ko sa kanya ang iritasyon ko.
    “I am gonna text, though.” kumindat siya bago umalis.

    Lutang na lutang ako pagkapasok ko sa opisina. Abala pa naman ang mga ka opisina ko sa mga projects namin habang ako ay hindi ko maibalik ang paa ko sa lupa.

    “Uy, ano ‘yang dala mo?” Puna ni Ma’am Alice, inaayos ang malaking glasses at tinitingnan ang dala ko.
    NIlapag ko iyon sa tabi ng monitor at nagkibit balikat. “Kakalunch ko lang. Kakainin natin ‘yan mamaya pag nagutom.” Sabi ko.
    “Si Sir ba ang nagbigay niyan? Sweet talaga ni Sir! Nag lunch out na nga kayo, may snacks pa!” Hagikhik ni Ma’am Alice.
    Umiling ako at nakita kong napatalon siya at nagtakip ng bibig habang tumitingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko at inikot ang swivel chair para makita roon ang nakatayong si Ysmael.

    “Ysmael-I mean, Mr. Aboitiz!” Gulat kong sinabi at napatayo ako.
    Nakakunot ang kanyang noo. Pinilit niyang itaas ang kanyang dalawang kilay bago inayos ang mga papel na dala. “I have here more details regarding the seminar next week. I hope you review them at tingnan mo rin kung anong kulang.” Habang nagsasalita siya ay dahan dahang umalis si Ma’am Alice, nahiya siguro na naabutan kaming dalawa na nag uusap sa kanya.
    Tinanggap ko ang papel na tumatango. “Noted, sir.” Sabi ko bago nag angat ng tingin sa kanya. Naabutan kong nakatingin siya malapit sa aking monitor. Sinundan ko ang kanyang titig at nakita kong diretso iyon doon sa lalagyang pagkain ni Noah.
    “Uh…” Bumaling ako sa kanya.
    “May nagbibigay pala sayo ng pagkain dito? Sino sa mga empleyado?” Tanong ni Ysmael.
    Luminga ako sa mga empleyado. “Wala, Sir.”
    “You call me Ysmael. Who sent you those?”

    Napansin kong napatingin na sa aming dalawa ang ibang naroon. Maging si Ma’am Alexis ay nilingon na kami kahit medyo malayo siya sa akin.

    “Ah. Si Noah lang.” Hindi ako makatingin kay Ysmael.
    Tumango siya at tinalikuran ako. Pinakawalan ko ang kanina ko pa pinipigilan na hininga at nagkatinginan na lang kami ni Ma’am Alexis.
    “Who’s Noah?” Tanong niya.

    Buong akala ko ay kinabukasan magiging malamig ulit si Ysmael sa akin pero nagkamali ako. He was true to his words. Nagsabay parin kaming kumain na parang walang nangyari. Binigyan parin ako ni Noah ng kanyang luto at hindi ko na maiwasan ang mga tanong ng mga officemates ko.

    Nang nag Biyernes ay nagyaya na naman sina Wella at Everlyse para sa gig nina Noah ngunit alam kong hindi ako makakapunta dahil may appointment ako kay Willy. Isa pa, medyo natataranta din ako para sa kasal ni Rozen at Coreen na bukas rin gaganapin.

    “This will be really hard, Meg.” Tinali ni Willy ang kanyang kulot na buhok.
    “Wala na ba talagang paraan, Will?” Tanong ko habang tinitingnan niya ang disenyong gusto ko.
    “Hindi ko ‘yan maco-cover up. Like what I said, masyado siyang maraming blank space. Kung sana ay mas makapal nito ang gusto mo.” Bumaling siya sa akin.
    “Then, just do it na lang. Hindi bale nang hindi siya matakpan.” Sabi ko.
    Kumunot ang noo niya. “I thought your purpose is to delete this tats on your skin? Ngayon ay ayos lang na hindi siya matakpan? Ayos na kayo ni Noah Elizalde?” Tanong niya.
    Umiling agad ako. Hindi makahagilap ng mga salita. Siguro nga ay isusugal ko na lang iyon. Hindi bale nang hindi mabura iyong pangalan ni Noah. Gusto ko lang na medyo matabunan iyon.

    Pilit kong pinag isipan iyon kinabukasan sa kasal. Kulay royal blue ang theme ng church wedding kaya naka pormal akong dress ng ganong kulay. Si Everlyse at Carlos ang kasama ko. Gusto kong mag isip ng tungkol sa tattoo o kahit sa anu-ano para lang matabunan ang kaba ko.

    “Tara na sa loob.” Yaya ni Everlyse na excited sa mangyayaring kasal.

    Marami nang tao sa loob ng simbahan ngunit wala pa raw ang bride. May bumati pa sa aking kakilala ko kaya nakipag kwentuhan muna ako ng kaonti bago sumama na kina Everlyse at Carlos sa loob. Si Carlos ay naka coat and tie samantalang si Everlyse ay naka kulay blue na long dress. Kulay blue na long dress na may long pencil cut skirt ang suot ko.

    Nang makita ko si Rozen na nakatingin sa kanyang relo sa bunganga ng simbahan ay kinabahan agad ako. I can’t deny their resemblance. Masyadong malakas ang dugo ng mga Elizalde. Si Reina ay nasa gilid ni Rozen na para bang inaasar siya dahil mukha siyang kabado.

    Wala doon si Noah kaya medyo nakahinga naman ako ng konti. Humakbang ako palapit sa kanila. Sa malayo pa lang ay kita na ni Rozen ang pag dating ko. Ngumisi siya.

    “Finally, huh?” Sabi ko, tinutukso siya. “Hi Reina!” Bati ko sa kanyang kapatid.
    “Hi, Ate Meg!” Ngiti niya. “Etong si Kuya, kabado baka daw di siya siputin ni Coreen.” Tumawa si Reina.
    “Dapat lang na kabahan siya.” Tumawa ako at matalim akong tinitigan ni Rozen. Napawi ang tawa ko. He looks like damn Noah Elizalde!
    “Shut up, Megan.” Iling ni Rozen.
    Mas lalo lang akong tumawa at napansin ang medyo tabingi niyang kwelyo. Inayos ko iyon at tumulong na rin si Reina. “After years and years of struggle, Rozen, sa wakas.” Kantyaw ko sa kanya.
    “Sorry, I’m late.” May narinig ako sa aking likod. Mabilis kong nilingon si Noah na inaayos ang kanyang cuffs. Naka itim na coat and tie siya, taliwas ng kay Rozen na puro puti. And my, he looks drop dead gorgeous. Nangatog ang binti ko at bahagyang tumabi kay Rozen.

    Nakatitig sa akin si Noah, matalim ang mga mata na para bang may atraso na naman ako sa kanya habang inaayos ang kanyang cuffs.

    “Oh, Noah. Where have you been?” Bungad ni Reina.
    “Mag gig kami kagabi. Tinanghali ako ng gising.” Sabi niya habang nag papatulong kay Reina sa kanyang cuffs.
    Luminga ako at nag isip na babalik na kina Lyse pero tawa ni Rozen ang nang agaw ng atensyon sa akin. Kinunot ko ang aking noo bilang pagtatanong. Umiling siya at tiningnan si Noah. Napatingin rin ako kay Noah na ngayon ay umiigting ang panga. Nakita niya siguro sa gilid ng kanyang mata ang pag tingin ko kaya nilingon niya ako. Inilahad niya ang kanyang kamao sa aking harap, malamig akong tinititigan. “Ayusin mo, miss.” May tonong galit sa kanyang boses.
    Tumawa pang muli si Rozen. “I know you, bro. Hindi ka namamansin or nagsusungit ka pag nagagandahan ka.” Tinapik ni Rozen ang kanyang balikat.
    “Shut up, Rozen.” Umirap si Noah.
    Bumaling si Noah sa akin at naghintay na tanggapin ko ang kanyang kamay. Tumigil si Reina sa pag aayos sa kabilang cuff niya at ngumiti sa akin. “Akin na nga.” Sabi ko at kinuha ang kamay niya.

    Humarap siya sa akin na parang bata at inayos ko iyong damit niya. Alam kong dinudungaw niya ako habang ginagawa niya iyon. Si Rozen ay binalingan si Reina na ngayon ay nasa cellphone na.

    “Ang ganda mo talaga.” Bulong ni Noah.
    Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagtaas ng kilay. “Huh?”
    Tumitig siya sa akin gamit ang mapupungay na mga mata. Habang nagkakatitigan kami ay hinawakan niya ang kamay kong kakatapos lang ayusin ang kanyang cuffs at inangat niya ito sa kanyang kwelyo. Nag iwas siya ng tingin sa akin. “Please…” Bulong niya.
    Nagpigil ako ng ngiti at inayos ang kanyang neck tie. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko na alam kung paano ko pa mapagkakasya ang mga emosyon ko sa aking puso.
    “I am, goddamn it, in love with you.” Bulong niya at bumaling sa akin.

  • Kabanata 49Open or Close

    Kabanata 49
    One Day

    Naging abala ang buong pamilya ng Elizalde lalo na nang dumating na ang bridal car ni Coreen. Pumwesto na kami ni Everlyse at Carlos sa may gitnang parte ng mga upuan. Abala si Everlyse at Carlos sa pag puna sa mga detalye ng engrandeng kasal. From the pretty flowers to the cute little trinkets above us.

    Punong puno ng media ang kasal. With Going South as the wedding singer and an Elizalde for the groom, hindi na maiiwasan na baka makarating pa ito sa magazines o sa newspapers.

    Nilingon ko ang nakapwesto nang si Rozen sa unahan kasama ang kanyang mommy at daddy. Tumindig ang balahibo ko nang tumugtog ang isang pamilyar na piano piece. Nagsimulang maglakad si Rozen sa marahan na mosyon. Sa likod ay kitang kita ko si Coreen na kakalabas lang ng limousine. Pinagbuksan siya ni Noah at nagtawanan pa ang dalawa. She looked so stunning. Nga naman… Rozen’s taste. Naglahad si Noah ng kamay sa kanya. Ang isa pa niyang kuya na si Kuya Dashiel ay naroon din sa gilid nila kasama ang kanyang asawa.

    Naglahad ng kamay si Noah kay Coreen para matulungan niya itong humakbang paakyat ng hagdan at pumwesto ng maayos sa red carpet. Lumunok ako nang nagtawanan pa ulit ang dalawa. Paano kung wala ako dito? Pano kung silang dalawa ang nagkatotoo? Coreen loved Noah and surely Noah did love her back nong umalis ako. I looked away…

    “Si Noah…” Tinuro pa ni Everlyse ang likod ko. Siguro ay naglalakad na si Noah patungo kay Rozen. Hindi ko siya nilingon hanggang sa nilagpasan niya ang aming upuan at dumiretso na sa gilid ni Rozen.

    Nagtama ang paningin naming dalawa. Malamig ang kanyang titig. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. It’s weird.

    “Ang ganda ni Coreen.” Sabi ni Everlyse nakatingin parin sa likod.

    Hindi din ako makatingin. Sa altar na lang nanatili ang aking paningin habang naglalakad ang iilang mga principal sponsors at iba pa. Sinulyapan ko si Noah at nakita kong abala siya sa pagtitext pagkatapos ay bumaling kay Rozen nang nakangiti, mukhang may sinabi. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at tiningnan ko naman kung sino ang maaaring nag text at nakita kong tama ang hinala kong ako ang tinext ni Noah kanina.

    Noah:
    Months from now, you’re gonna walk down the aisle.

    Kumunot ang noo ko at halos matawa. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya pero nag reply ako doon sa text niya.

    Ako:
    Predictions? Hindi ka magaling mag predict.

    Nag angat ako ng tingin kay Noah at nakita kong mukhang sarap na sarap na siya sa kwentuhan nila ni Rozen. Maging si Kuya Dashiel ay nakisali sa dalawa. Elizalde brothers, huh?

    Nang naglakad na si Coreen ay hindi na makapag salita si Rozen. Nakatoon lang sa kanyang bride ang buong atensyon niya samantalang patuloy na nagtawanan si Noah at Kuya Dashiel. Nilingon ko si Coreen at nakita kong malaki ang kanyang ngiti habang tinitigan ang kanyang groom.

    That’s so sweet. Iyong sa gitna ng maraming tao ay ang isa’t isa lang ang napansin niyo? Hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal. I have been Rozen’s friend for years and I know how much he adored Coreen. They are finally together now. Alam kong sa mundong ito, mahirap makatagpo ng ganyang relasyon. But then for the people who deserved it, it will surely come. Hindi naging perpekto ang kanilang love story. Coreen loved Noah, Rozen got mad and tried other girls, but in the end sila paring dalawa.

    Ginanap ang reception ng kasal sa isang rooftop ng building. Papalubog na rin ang araw kaya’t hindi na mainit. Naroon na kaming lahat at pinag diriwang na namin ang kasalan ng dalawa. Noah’s with his family. Sa kanilang mesa ay naroon din si Reina, Wade, Dashiel, kanyang asawa, si Noah, at ang kanilang mommy at daddy.

    Sa mesa ko naman ay kasama ko ang Zeus, si Carlos at Everlyse, at ilang mga kaibigan nilang naimbitahan din sa party na iyon.

    The programme was short. Iyong mga importanteng mga seremonyas ay ginawa. Ang paghahati ng cake, pagsasayaw, pagpapakawala sa mga dove, at ilang speech galing sa malalapit sa dalawa. Si Dashiel rin ang nag speech para sa toast bago nagsayawan.

    “Tutugtog pa kami ngayon.” Sabi ni Stan habang tinitingnan ang stage kung nasaan paakyat ang Going South para tumugtog ulit.

    Naglapag ang waiter ng iilang mga shots sa aming harap. Kanina ko pa ininom ‘yong wine sa wine glass ko at sa lamig dito sa rooftop ng building ay kailangan ko ng pampainit.

    “Ano ‘to?” Tanong ko sa waiter habang nilalapag ang ilang ganon sa aming mesa.
    “Vodka, ma’am.” Sagot niya sa akin.
    Tumango ako at nilagok agad iyon. Pagkatapos ko iyong gawin ay sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Warren. Nginitian ko siya.
    “Stop drinking.” Aniya kaya sabay sabay akong nilingon ni Stan at Joey.
    “Meg…” Saway ni Stan.
    “Ano ba kayo? Ang O-OA ninyo. It’s just a shot. Chill.” Tawa ko.
    “You know what happened the last time you got drunk.” Mariing sinabi ni Joey.
    Ngumiwi ako at naalala nga ang kanyang gustong ipaalala. “Yeah, I know what happened. Tinaboy niyo ako. If I’ll get drunk now, itataboy ninyo ulit ako.”
    “Damn, I would not let that happen, Meg. You know that.” Ani Stan.
    “Meg…” Tawag ni Everlyse sa akin bilang pagbabanta na tigilan ko na ang pagsasalita.
    Napaawang ang bibig ni Joey at Warren at tiningnan ko sila ng nakangiti. I didn’t mean to bring that one back but I just can’t help it. “Noah’s drunk that time. Halos tulog siya sa mesa.” Paliwanag ni Joey.
    “Kaya niyo ako tinaboy? Pwede namang sabihin ninyo sa aking umalis na lang ako kesa sa mag usap kayo behind my back kung paano niyo ako paaalisin.” Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Ang pait ay hindi ko maitago sa aking tinig.
    “Because you were drunk too. Gusto naming umalis ka kasama sina Everlyse at Carlos.” Sabi ni Warren na tumataas na ang boses.
    “Warren!” Saway ni Joey sa kanya.
    “Kung uto-uto ako,” Kinuha ko ang nilapag na shot ng waiter at nilagok ko iyon agad. “Edi bumalik ako doon ng wala na kayo? May dalang Gatorade para kay Noah? Tapos wala na kayo. Diba? But I’m not dumb. I know you didn’t want me there. Inuto niyo ako para lang itaboy.” Mariin kong sinabi.
    “Because you are pissing me off, Meg!” ani Warren.
    Agad na hinawakan ni Joey ang kanyang dibdib para pigilan sa pagtayo. Ang kanyang boses ay tama lang para maagaw ang atensyon ng nasa kabilang table.

    “Meg, don’t ruin Coreen’s wedding!” Bulong ni Everlyse sakin. Tumango ako at desididong tigilan na ang mga pambabato ko pero ginalit ko yata si Warren kaya mabilis ang hininga niya at matalim ang tingin niya sa akin.
    “Puro ka na lang Noah! Noah ka nang Noah kahit na wala siyang pakealam sa iyo! You should learn to stop when a person doesn’t love you! Stop being so obsessed!” Aniya.
    “Warren!” May awtoridad na boses ang pinakawalan ni Stan. “You are talking to Megan Marfori!”

    Tumayo si Warren at pilit siyang pinapaupo ni Joey. Mabilis ang hininga ni Warren kaya tinigilan ko na ang gulong sinimulan ko.

    “Meg, we’re sorry. Alam namin iyong hinanakit mo sa amin. We were drunk too. We couldn’t even drive. Pinagsisihan namin ang nangyaring pantataboy sa’yo. You are our friend at pasensya na kung bigong bigo kami sa gabing iyon. We worked hard for our success at sa isang iglap ay nawala. And you wouldn’t even stop. We were pissed.” Paliwanag niya habang kinukuha ko ang isang mas malaking shot nong Vodka.
    “Meg, stop drinking that.” Mahinahong sinabi ni Stan.
    “Meg!” Sigaw ni Warren nang nasa labi ko na ang shot at agad niya itong hinawakan para bawiin sa akin.
    Napatayo ako at buong lakas ko itong binawi para hindi niya makuha. Bakit niya ako papakealaman? Sa pagkuha ko non ay hindi ko sinasadyang matapon iyon sa may likod ko. Nagulat ako nang tumili si Everlyse sa nangyari. Akala ko naitapon ko sa kanya ngunit laking gulat ko nang natapon ko iyon kay Noah.

    Basa ang mukha pababa ni Noah sa vodka na natapon ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakagalaw. Nakapikit ang isa niyang mata na parang natapunan din nong vodka.

    Tumugtog ang Going South at bumaling ang mga tao roon sa kanila samantalang parang tumigil ang panahon sa harapan ko.

    “Tabi.” Utos ng babaeng tumulak sa akin para punasan ang mukha ni Noah.

    She’s wearing a royal blue off shoulder dress. Matangkad at pamilyar sa akin ang kanyang likod.

    “Ako na…” Sabi ni Noah at pilit na kinukuha sa kanya ang panyong pinupunas sa leeg na basang basa gawa ko.
    “Basang basa ka. Bakit ka niya binasa? Ang bastos naman!” Sabi nung babae na bahagya kong pinanood bago ko namukhaang si Diva iyon.

    Napapikit ako sa ilang flash ng camera sa banda nila. Bahagya akong hinila ni Stan palayo doon at luminga ako nalilito kung ano ang nangyayari.

    “Palamig muna tayo. Baba muna tayo. Joey, ibaba niyo muna si Megan.” Sabi niya sabay lingon kay Joey.
    “Huh?” Sabi ko habang tinitingnan si Noah na inaagaw parin iyong panyo kay Diva.
    “Let’s go, Meg.” Sabi ni Joey sa akin hinahawakan ang aking braso.

    Si Stan naman ay abala sa paghihila sa medyo iritado pang si Warren. Si Everlyse at Carlos ay nag uusap at tinitingnan si Noah.

    “Noah!” Tawag ni Stan bago kami nakapasok sa elevator.
    Nilingon ko si Noah at abala siya sa pag aayos ng kanyang damit. Nag angat siya ng tingin kay Stan at may sinenyas lang si Stan sa kanya bago sumarado ang elevator. Pagkasarado nito ay agad na kinwelyuhan ni Stan si Warren.
    “Stan!” Sabi ko sabay hawak sa kanyang braso.
    “Matuto kang ilugar ang galit mo! We are not random people anymore. Maraming media doon at pag nagkagulo pa roon ay baka masira lang tayo!” Sigaw ni Stan bago binitiwan ang kwelyo ni Warren.
    “I got pissed!” Sigaw ni Warren sa akin.
    “Kasi totoo naman ang sinabi ni Megan. You two are being very unreasonable that time.” Sabay tingin niya kay Warren at Joey.
    “I said I’m sorry.” Sabi ni Joey sa akin.
    “At ikaw naman, Meg. Stop drinking. Binilin ni Noah na huwag ka nang painumin dahil nadala na siya nong nasa bar at napaaway siya. Stop it!” Sigaw ni Stan sa akin.
    Tumikhim lang ako.
    “Ayusin niyo na nga iyang gulo ninyo. Maiissue pa iyon si Noah kasi tinulungan pa siya ni Diva. Maraming pictures ang kakalat sa internet, I’m sure of that.” Sabi ni Stan at umiling.

    Tumunog ang elevator at mabilis siyang lumabas doon. Sumama ako sa kanya at sa likod ko ay si Joey at Warren. Nasa hall na kami ng hotel na iyon at agad umupo si Stan sa sofa, niluluwangan ang kanyang necktie. Umupo ako sa isang sofa at inisip ang nangyari kanina. Sumunod si Joey at Warren na parehong nakatingin sa akin.

    “We’re sorry, Meg.” Sabi ni Joey, seryoso akong pinagmamasdan.
    Tumango ako at pumikit. “Sorry din sa inasta ko. Hindi ko lang agad makalimutan iyong mga nangyari. You were my friends.” I said bitterly.
    “We still are.” sabi ni Joey.

    Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin. Tumango ako at ngumiti na rin. Sa gilid niya ay si Warren na pinapasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok na para bang di mapakali.

    “I like you, Meg.” Bigla niyang sinabi.
    Kumunot ang noo ni Joey at nilingon niya si Warren.
    “Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit lumipas na ang ilang taon at si Noah parin ang gusto mo.” He looked away.
    Nagkatinginan kami ni Joey at narinig ko na lang ang mura ni Stan sa gilid. Umupo ng maayos si Stan at ninamnam ang katahimikan naming apat. Nagulat ako nang ngumisi siya at umiling. Pinagkunutan ko siya ng noo sa pagtataka.
    “Lintek ang swerte ni Noah.” Bulong ni Warren at umiling, tumingin sa kanyang mga sapatos.
    Nangiti si Joey at nagkatinginan pa sila ni Stan. Umubo ako para basagin ang katahimikan. “Hindi ba ay tutugtog pa kayo?” Tanong ko.
    “Oo, mamaya pagkatapos ng Going South. Pinalamig lang namin.” Sabi ni Joey, hindi parin matanggal ang ngiti sa kanyang labi.

    Tumunog ang elevator at sabay sabay kaming nag angat ng tingin roon. Pinanood namin ang paglabas ni Noah. Hubad na niya ang kanyang coat at ang necktie ay naluwangan na. Ang puting long sleeve ay kumukurba ayon sa hubog ng kanyang katawan. Hinanap agad ako ng kanyang mga mata at matalim akong tiningnan papalapit siya.

    Tumikhim ako. Tumayo agad si Stan at Joey sa pagdating ni Noah. Tinapik ni Stan ang balikat ni Noah.

    “Magkaka issue kayo ni Diva, for sure,” aniya.
    “I don’t care.” Sagot ni Noah.
    “Baka ma issue pang nakikisama tayo sa kasikatan ni Diva.” Sabi ni Joey kay Stan.
    Nagkibit balikat si Stan at nilingon ako. “Aakyat na kami. We’ll text, Noah, pag malapit na kaming tumugtog.”
    Nagkasalubong ang kilay ko, nalilito sa gusto niyang mangyari. Huling tumayo si Warren na agad sumunod sa kanila. Tinapik niya lang si Noah sa balikat at agad nilagpasan ng walang kibo. Inakbayan siya ni Joey pabalik sa elevator. Samantalang si Stan ay natawa lang. Umiling ako habang pinagmasdan sila. Naputol lang ang tingin ko sa kanila nang umupo si Noah sa tabi ko.

    “Uminom ka na naman.” Malamig niyang sambit.
    “It was just a shot. Give me a break.” Iling ko at bahagyang lumayo sa kanya.
    Muli niyang sinarado ang distansya sa aming dalawa.
    “Move, Noah. Bukas ay baka magka issue ka na na kayo ni Diva. Baka may makakita satin dito at isipin pang ako ang third party.” Umirap ako.
    Ngumisi siya. “I can even kiss you to prove a point here, Meg. Kung may makakita mang media sa ating dalawa ay mas gusto ko iyon. The whole world should know that you are my girl.”
    “I am not!” Baling ko sa kanya. “Hindi pa kita sinasagot!”
    Ngumuso siya at kinagat ang labi. “Next week, may tour kami. Hindi kita maipagluluto ng pagkain pero uutusan ko ang katulong namin na hatidan ka ng lunch.” Nagulat ako sa pag babago ng topic niya. “Wala ako simula bukas at baka hanggang Biyernes o Sabado. Nasa Ilo-ilo, Cebu, Davao, at kung saan-saan pa kami. I am gonna miss you big time.”

    Parang may kung ano sa tiyan kong naglalaro. Tiningnan ko ang aking mga daliri at pinaglaruan ko iyon. I am gonna miss him too. Fuck it. Ang hirap pala pag ganyan ang buhay niya. Wala rin ako sa Sabado dahil don sa Seminar ni Ysmael.

    Ang pinaglalaruan kong mga daliri ay hinawakan niya, binawi, at binalot sa kanyang dalawang kamay. Ngumuso ako at nanatili ang mata ko doon kahit na nakatitig si Noah sa akin.

    “Wag kang magseselos ah? Baka iwan mo ako sa selos pag may issue tungkol sa amin ni Diva. Kasama pa naman namin iyon sa tour.” Sabi niya ng natatawa.
    Nag angat ako ng tingin sa kanya. “Ba’t ako magseselos? Buhay mo ‘yan. Kung kayo, edi kayo. Wala akong pakealam.”
    “Wala ka talagang pakealam ano? Kahit noong high school pa tayo ay bihira kang mag selos.” Iling niya. “Kahit nong sinabi kong kami ni Coreen ay walang pinagbago ang pakikitungo mo.”
    “Noah, you cannot be possessive of something-”
    “-you do not own.” Dugtong niya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at bahagya itong dinampian ng halik. Sa sobrang bilis at babaw nito ay pakiramdam ko hindi nangyari. “Pero wala kang pakealam. Buhay ko ‘to. Wala kang pakealam kung angkinin kita o sabihin kong akin ka.” Bulong niya.
    Tinulak ko siya ng bahagya at luminga sa paligid. Wala naman gaanong tao at sa laki ng espasyo at mga sofa ay halos walang nakapansin sa amin. Uminit ang pisngi ko at nilingon ko siya.
    “One day, it’s going to be more than your kiss.” Napapaos ang kanyang boses nang sinabi niya ito.

  • Kabanata 50Open or Close

    Kabanata 50
    I Wanna Be Your Everything

    Doble kayod sa trabaho ang ginawa namin sa sumunod na linggo. Araw araw paring dumarating ang pagkain galing kay Noah. Ganon din kay Ysmael. Busy nga lang siya dahil sa iba’t-iba niyang mga meeting at kung anu-ano pa.

    “Kaya kaya natin ito?” Tanong ni Ma’am Alexis, ilang kape na rin ang nalalaklak namin at gabi gabi kaming dis oras nang umuuwi para sa presentation namin sa isang Pharmaceutical company na sa Lunes na ipapakita.
    “Kaya ‘yan, Ma’am!” Naghilamos ng kamay si Ma’am Alice. Pare pareho kaming puyat sa team. Nilingon niya ako. “Oh, Meg. Umuwi ka na. Hindi ba ay bukas ng umaga ang alis mo para sa seminar?” Puna ni Ma’am Alice sa akin.
    “Oo nga, e.” Sabay stretch ko sa aking braso.

    Mabuti na lang at pumayag naman si Everlyse at Carlos na ihatid ako sa Batangas. Di biro ang byahe, a. Akala ko nga ay hahayaan nila akong mag commute. Siguro may ibang plano ang dalawa kaya ko sila napapayag? Hindi ko alam. Hindi na ako nagtanong, ang importante ay pumayag sila. Ayaw ko rin kasing magdrive ng ganon ka haba ng mag isa. Iniisip ko pa lang ay inaantok na ako. Kaya mag co-commute na lang siguro ako pabalik.

    Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagdadrive ko pauwi ng bahay. May nag text yata at paniguradong si Noah ito. Kanina pa siya nangungulit sa akin na umuwi na ako. Gabi gabi siyang ganyan kaya napapaisip ako kung may gig ba sila tuwing gabi.

    Noah:
    You home yet?

    Napansin ko ang isa pang text ni mommy sa akin. Nakarating na sila galing sa kanilang vacation. Nong Lunes ay trabaho kaagad ang inatupag ng dalawa. Hinahanap na rin ako ni mommy. Nagkibit balikat ako at nireplyan si Noah at mommy.

    Ako: (to Noah)
    Pauwi na.

    Ako: (to mommy)
    Lapit na po.

    “Mag ingat ka doon, a. Text ka sa amin. HIndi mo naman kailangan ng seminar na iyan kahit international pa iyan, Meg. You have greater credentials.” Sabi ni mommy habang hinihila ko na ang aking maleta kinabukasan.
    Umiling ako. “Believe me, mom, I need it. Kailangan ko pa ng experience at dagdag sa credentials. There’s always a room for improvement.” Sabi ko sabay halik sa kanya.
    “Well then… Sa Sunday ba ang uwi mo?” Tanong niya.
    Tumango ako at humalik na rin kay daddy para magpaalam. “Sabihin mo kay Carlos na mag ingat sa pag dadrive.” Bilin ni daddy, nagtataas ng kilay.
    “Sure, dad.” Sagot ko naman at hinila na muli ang stroller palabas ng bahay.

    Ang sabi ni Everlyse ay nasa gate na sila ng village kaya naghanda na rin ako malapit sa gate. Nang namataan ko sila sa aming gate ay hindi na ako nagulat sa suot nila parehong aviators at sa mga hinanda nilang pagkain sa loob. They’re ready for that long drive.

    Tinulungan ako ni Carlos na ikarga ang aking stroller sa kanyang sasakyan at pagkatapos ng ilang bilin ni mommy sa dalawa ay tumulak na kami. Masayahin ang mag irog sa byahe. Kumakanta ng mga awitin galing sa stereo na akala ko’y magiging dahilan ng pagkakadilat ko buong byahe. Nagkamali parin ako, sa puyat ko kagabi ay nagawa ko pang umidlip. Gising lamang tuwing nagugutom o di kaya ay ginigising ni Everlyse para sa kung anu-ano niyang naiisip.

    “Mamamasyal din kami sa Batangas kaya pumayag na rin kaming ihatid ka.” Paliwanag ni Everlyse sa akin.

    Late ako sa registration at halos lunch na nang nakarating ako sa resort kung saan ginanap ang seminar. Iniwan ko lang ang bagahe ko sa suite na sagot ng kompanya para sa akin at ang tanging dala ko sa hall ay ang aking laptop at iilang soft copies ng mga na discuss kanina.

    Inabot pa kami ng gabi sa mga discussion kaya sumakit ang katawan ko. Ilang araw na rin naman akong puyat kaya hindi na rin ako nagulat.

    Nang natapos ang gabi sa seminar ay dumiretso na ako sa suite. Wala ako masyadong nakahalubilong mga delegates ng ibang kompanya. Ang tanging nakausap ko lang doon ay iyong speaker at organizer na nagtanong kung bakit isa lang ang nisend ng kompanya ng Aboitiz para sa seminar na ito. Ipinaliwanag ko naman na bukod sa eksperyensyado na ang mga kasamahan ko ay abala rin kami sa isang proyekto.

    “Mom, I’m okay here.” I rolled my eyes. Ilang beses kasi niya akong tinawagan simula nang nag alas otso.
    “Hindi ka nag text nong nakarating ka na riyan a? Nag aalala ang dad mo.” Paliwanag niya.
    “I’m sorry. Naging abala po ako kasi late po akong nakarating. Abala rin po ako tonight. May gagawin akong design atsaka bukas ko ipagpapatuloy. Sa Sunday iyong presentation at pagbibigay ng certificates.”

    Kahit na sa totoo lang ay kaharap ko ngayon ang Facebook. Nagpasya kasi akong bukas ko na lang gawin lahat ng trabaho dahil ilang gabi na akong puyat at sumasakit na naman ang ulo ko.

    “O sige. I will not disturb you anymore. Update me tomorrow. Okay?” Ani mommy.
    “Okay, my.” Sabi ko at binaba na ang cellphone.

    Nagulat ako nang may nag pop out sa chat. Si Ysmael iyon. Binuksan ko kaagad ang kanyang mensahe.

    Ysmael:
    Hi! How’s the seminar? Kumain ka na ba?

    Mabilis akong tumipa.

    Ako:
    Yup. It’s fine. Thanks for this. :)

    Ngumuso ako at nagbrowse habang naghihintay ng kanyang reply.

    Ysmael:
    I’ll check on you tomorrow.

    Nagulat ako. Hindi ko alam na may oras pa pala siya para pumuntang Batangas at tingnan kung kumusta na ako. Well, tomorrow is Saturday. Siguro ay wala na siyang gagawin? At isa pa, lugar rin ito para mag unwind. Kung sa syudad o hotel siguro ginanap ang seminar na ito ay mas lalong nakaka stress. Mabuti na lang at sa isang beach resort naman ito ginanap. Ang alam ko ay ang may ari ng resort na ito ay palaging host sa ganitong event.

    Ako:
    Naku! I’m fine here. Don’t worry about me.

    Mabilis nag reply si Ysmael.

    Ysmael:
    No. Pupunta ako. I want to see if you’re okay.

    Hindi ako makapagreply sa kanyang sinagot. It feels weird. Totoong nagkasundo kami ng sarili ko na maghanap na ng iba imbes na si Noah pero… ano nga ba talaga ang magagawa ko kung hindi ko magawang umusad. I’ve tried my best to move on. I just couldn’t.

    Huminga ako ng malalim at sinarado ang aking laptop. Humiga ako sa kama at pinatay ang lights bago ko kinapa ang cellphone ko sa mesang katabi. I knew it! Noah texted again.

    Noah:
    Kumusta ang Batangas, miss?

    Bukod sa text niya ay may nakita rin akong pangungumusta ni Wella roon.

    Wella:
    Successful ‘yong mga tour ng Zeus. Sayang at wala tayo no? They’re all over the news.

    Pareho ko silang nireplyan. Bago ko nisend ang reply ko para kay Noah ay binuksan ko ang browser sa aking cellphone para tingnan ang ilang pictures sa kanilang tour.

    Ako:
    Ayos lang. :)

    Nakita ko roon ang dami ng tao na naroon sa kanilang tour. Higit na dalawampung pictures na siguro ang nakita ko nang may isa akong nilagpasan at binalikan muli. Sa picture na iyon ay si Joey at Warren na parehong nakataas ang kamay para sa mga tao at si Noah na abala sa pag s-strum ng gitara habang nasa gilid si Diva na nakangiti, nakahawak ng microphone at tissue sa kabilang kamay na parang pinupunasan ang pawis na leeg ni Noah.

    “Ang hilig mamunas ng babaeng ito. Bakit hindi si Stan ang pinagdidiskitahan niya?” Bulong bulong ko habang zino-zoom ang picture ng dalawa.

    Tumunog ang cellphone ko at nakitang may mensahe si Noah.

    Noah:
    You alone in your room? Suite ba o dorm type?

    Kumunot ang noo ko sa kanyang mga tanong.

    Ako:
    Ba’t ka nagtatanong? Anyway, hindi ka ba napupuyat sa gig niyo?

    Noah:
    I just want to know. What if Ysmael is with you? Napapagod ako pero ayos pa naman.

    Ako:
    Ysmael is NOT with me. Hindi ka napapagod syempre. Paano ka mapapagod, someone’s taking care of you.

    Hindi siya agad nakapag reply. Inayos ko ang kumot ko at halos takpan ko ang mukha ko. Ang bitter naman nong naging reply ko. Ano kayang ginagawa nito ngayon? Hindi kaya nagpaparty sila? Sabad na bukas, a? Hindi kaya uuwi na sila bukas kaya nag ce-celebrate sila ngayon?

    Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko sa tawag. Abot abot ang pintig ng puso ko nang nakitang si Noah ang nasa kabilang linya. Dammit!

    “Hello.” Bati ko.
    “Hi, Miss!” Kahit napapaos ang kanyang boses ay dinig ko ang ingay sa kanyang background. Dinig ko ang mga ingles na mura ni Stan habang tinatawanan niya si Warren.
    “Napatawag ka?” Tanong ko.
    “I’m bothered by your last text.” His voice was husky. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. “I hope you’re talking about our manager?” Panunuya ang narinig ko sa kanyang boses.
    “Maybe?” Nagtaas ako ng kilay.
    “Si Megan ba iyan?” Narinig ko ang ingay na ginagawa ni Stan sa kabilang linya. “Nambababae si Noah dito, Meg. Basted mo na ‘yan!”
    Kinagat ko ang labi ko habang nagmumura si Noah kay Stan. Kahit kailan talaga ang Stan na iyan! Alam na alam kung saan ‘yong pipindutin! “Inaantok na ako, Noah.” Sabi ko.
    “Wha-Wait!” Narinig ko ang padabog na pagsarado ng pintuan at naging tahimik na ang kanyang paligid.
    “Inaantok na ako. Ano bang itinawag mo?”
    “Miss, you’re too uptight. Are you jealous?” Dinig ko ang ngiti sa boses niya.
    “I am not.” Natural kong sinabi. “Bat ako magseselos? Tss.”
    Hindi siya agad sumagot. Ilang sandali pa kaming nag hingahan sa magkabilang linya bago niya binasag ang katahimikan. “Alright. Are you sleepy? Maaga ka pa bukas?”
    “Yup.” Sagot ko habang niyayakap ang unan.
    “Hmmm. Okay, miss. I’ll sing until you’re asleep. You okay with that?”
    Kinagat ko ang labi ko. Of course, Noah! Damn it! “Uhmm…”
    Humalakhak siya. “Ang arte… Pinag iisipan pa.”
    Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Natawa na rin siya at nagsimula ng kumanta sa malumanay at malamig na boses.

    “The first time I looked in your eyes I knew
    That I would do anything for you…
    The first time you touched my face I felt
    Like I’ve never felt with anyone else…”

    Tumigil siya at humalakhak saglit. “Are you still my number one fan?”
    Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Parang naaalala ko iyong mga bata pa lang kami na para bang kahapon lang iyon nangyari. I supported him all the way. I loved him so much. At hindi ako makapaniwalang kahit anong gawin ko ngayon ay mahal ko parin siya.
    “I hope you still are.” Nakarinig ako ng kalungkutan sa boses niya ngunit saglit lang iyon. “Kahit nasaktan kita. Kahit nagkasakitan tayong dalawa.”

    “I wana give back what you’ve givin’ to me
    And I wanna witness all of your dreams
    Now that you’ve shown me who I really am
    I wanna be more then just your man”

    Tahimik kong pinunasan ang aking mga luha. I will always be your number one fan, Noah Elizalde. Always.

    “I wanna be the wind that fills your sails
    And be the hand that lifts your veil
    And be the moon that moves your tide
    The sun coming up in your eyes
    Be the wheels that never rust
    And be the spark that lights you up
    All that you’ve been dreaming of and more
    So much more, I wanna be your everything…”

    Mahimbing ang naging tulog ko at kinaumagahan ay pakiramdam ko matingkad ang sikat ng araw. Napailing na lang ako sa disposisyon ko. God, is this even right? Hindi ko na alam.

    Naging abala na lang ako sa pag gawa nung proyekto para bukas. Nasa hall kaming lahat at nakihalubilo na ako sa ibang delegates at nagulat akong marami nga dito ang nasa malalaking kompanya. Iyong iba ay galing pang ibang bansa.

    Kwentuhan sa iilang nakilala ko, kainan, at trabaho ang inatupag ko. Gabi na nang umalis kami sa hall. Inayos ko ang lahat ng ipepresent ko bukas. Ayaw kong ipahiya ang Aboitiz Company kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Isa pa, ayaw ko mag cramming. Mas gusto kong laging handa.

    Pagkalabas ng hall ay ikinagulat ko ang pagkakakita ko kay Ysmael na naka pamulsa at para bang may hinihintay sa gilid ng pintuan.

    “Ysmael!” Bati ko, dala dala ang laptop.
    “Dinner?” Ngiti niya at inakbayan agad ako palabas ng hall.
    “Sure! Uy! Saan ka galing?” Tanong ko, bahagya siyang tinampal.

    Alam kong sinabi niya kagabi na bibisitahin niya ako pero hindi ko naman alam na kahit disoras ay mapapadpad siya rito.

    “Galing pa akong Manila.” Aniya habang kinukuha ang bag kung nasaan ang laptop ko.
    “Wag na. Ako na! Galing ka pa palang Manila. You’re tired.” Sabi ko, umiiling.
    “Ako na.” Nagtaas siya ng kilay sa akin at kinuha niya ang aking laptop.
    Umirap ako. “Ba’t ka pa pumunta? I mean…” Ngumiwi siya kaya tumawa ako. “Maayos naman ako dito. I’m sure you’re busy! Pumunta ka pa dito para lang tingnan kung maayos ako? Nag abala ka pa!”
    Ngumiti siya at sinundan ko siya na palabas doon sa hotel hanggang sa naglalakad na kami sa buhangin at sa bandang kanan ay ang dagat na.
    “Ayaw mo bang nandito ako?” Nagtaas siya ng kilay.
    “Of course, gusto. Pero syempre, diba? Pagod ka.” Paliwanag ko.
    “Well, I kind of missed you.” Nilingon niya ako at halos nabilaukan ako sa mga salitang gustong kumawala pero di ko masabi. “Nasanay ako na parte ka ng araw ko.”

    Marahan akong tumango at hindi na nakipagtalo. Kahit na tinititigan niya ako ay hindi ko siya tiningnan.

    “By the way, shall we eat here? Pagod na kasi ako sa formal dining. I want fresh air too.” Aniya sabay turo sa isang kainang may mga barbecue at kung anu-ano pa.
    “Of course!” Sabi ko at tiningnan ang mga puting plastic chairs.

    Ang lugar ay pinapalibutan ng puting lights at ang bawat bilugang mesa ay may kani kanyang payong sa itaas. Tinanong kami ng ale kung ano ang kakainin namin kaya tinuro ko iyong manok na nakatuhog. Ganon rin ang tinuro ni Ysmael at ilan pang side dishes.

    “Sana pala ay inakyat ko muna itong laptop ko sa taas bago tayo kumain.” Nakita kong nilapag niya iyon sa kabilang upuan.
    “Ayos lang. Iaakyat natin ito mamaya.” Ngiti ni Ysmael at sabay na kaming umupo sa mga plastic chairs.

  • Kabanata 51Open or Close

    Kabanata 51
    Big Time

    Kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa seminar ang ginawa namin ni Ysmael habang kumakain. Hindi ko maiwasan ang pag kokumento sa dami ng nagsidaluhang importanteng tao at magagaling na speaker. Hindi ko rin pwedeng di punahin ang naglalakihang kompanya na pinanggalingan ng ibang delegates.

    “How about you, Ysmael? Kumusta?” Tanong ko nang napansin kong puro ako na lang ang pinag uusapan.
    “I’m good. Medyo busy sa opisina.” Aniya at humilig sa mesa, pinagsalikop ang mga daliri habang tinitingnan ako. “I missed you.”
    Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ang sinabi niya. “M-Miss ko na rin nga ang opisina. Naisip ko tuloy kung kamusta na sina Ma’am Alexis at Ma’am Alice tsaka ‘yong buong team. Kinakabahan ako sa sunod na linggo, e. I hope we’ll make it.” Binalik ko ang ngiti ko.

    Ngumisi si Ysmael at bahagyang yumuko ng saglit bago nagtaas ulit ng tingin sa akin.

    “I’m sure you can do it. Kaya ng team niyo iyan. Don’t you miss me?” Malambing niyang sinabi.

    Naglapag ng mga bote ng beer ang lalaking waiter nong kinainan namin. Sinenyasan yata ni Ysmael kanina pagkatapos naming kumain kaya dumating na iyong beer. Mabilis ko itong kinuha at napainom muna ako bago ko siya sinagot.

    “Of course, I missed you.” Tumawa pa ako para mabalewala ang pagiging awkward ng pangyayari.
    Ngumiti siya at nagkatinginan kami. “Ready ka na ba bukas? Want me to help you?”
    “Ah! Maayos na rin naman ‘yong nagawa ko. Kaya naman siguro bukas.” Sabi ko.
    “Hindi ka ba nahirapan? You can ask me some questions if you want.”
    “Hindi na. Ayos lang.” Ngiti ko.

    Bumalik ulit sa opisina ang aming usapan. Nalaman ko na talaga palang hectic ang trabaho niya at stressful. That’s what the top is all about anyway. Ma eenjoy mo ang pera pero bugbug ka naman sa trabaho.

    “Your dad must be real proud of you.” Sabi ko pagkatapos niyang ibahagi sa akin ang mga nangyayari sa kanya sa trabaho.

    Hinawakan niya ang kanyang labi at matagal akong tinitigan. Ngumiti lang ako at naghintay ng kanyang sasabihin.

    “My dad will be more proud if I get myself a girlfriend.” Tumawa siya.
    Namilog ang mata ko at bahagyang hindi naging kumportable. “You should get a girlfriend. I’m sure marami kang kaibigang nagkakagusto sayo. Sa gwapo mong iyan.” Umiling pa ako.

    Tumitig pang muli si Ysmael sa akin na para bang may sinabi akong hindi niya matukoy. Ilang bote na ang naubos naming beer dahil napasarap na ang kwentuhan. Hindi ko sinasadyang humikab sa kanyang harapan. Alas dyes pa naman pero sa tindi ng trabaho ko ngayong araw ay napagod yata ako ng husto.

    “Want to sleep?” He asked.
    Ngumiti ako at ramdam ko ang pagod sa aking mga mata. “Maaga pa ako bukas, e. Tsaka pagod ako today. Sa wakas! Last day na tomorrow. Then, I can go home. I miss Manila.” Sabi ko at humikab ulit.
    “Then, you should rest.” Aniya at nagtawag na ng waiter.
    “O sige.” Sabi ko at hinawakan na ang laptop na nasa kabilang silya.

    Nagbayad siya sa waiter at kinuha pa iyong laptop na hawak hawak ko.

    “Let me, Megan.” Ngiti niya. “Ihahatid na kita sa kwarto mo. Titingnan ko na rin ang presentation mo. Hindi ko naman kinikwestyon ang abilidad mo dahil alam kong magaling ka. I just want to see it.”
    Nalito ako sa sinabi niya. Nataranta ako nang tumayo na siya roon. “Hindi. Ayos lang, Ysmael. Ayos lang ako. I can do it on my own.”
    Tumikhim siya at naglakad na patungong hotel. “Let me.” Aniya. “Isa pa, dito na rin siguro ako magpapalipas ng gabi. I’ll book another room so I can sleep here. Ayaw ko ng bumyahe pa-Manila ng disoras. Isa pa’y inaantok na rin naman ako. Baka makatulog lang ako sa daan.”

    Oh shit! I did not like the sound of it. I just don’t want to sound very rude kaya hinayaan ko siyang sumama sa akin sa aking suite. Now how do I tell to go right after? I didn’t know. Siguro ay pag tinatawag na ng pangangailangan ay kaya ko naman siyang tabuyin ng hindi gaanong masakit sa kanya.

    “This is my room.” Sabi ko nang nasa tapat na kami ng aking room.

    Binuksan ko ito at ang lahat ng ilaw. Pagkapasok ko ay pumasok rin siya tsaka sinarado ang pintuan. Nilingon ko siya at imbes na dumiretso ako sa kama ay umupo pa ako sa may couch.

    “You may put my laptop here.” Sabay turo ko sa maliit na mesa sa gilid ko.

    Niluwangan niya ang kanyang necktie at nilapag nga ang laptop ko roon. Bahagya kong pinasadahan ng kamay ang mga butones ng puting long sleeves ko. I need to check if they’re all buttoned. I don’t want to promote dirty thoughts right now.

    “Pwede ko bang tingnan ang presentation mo?” He asked.

    Yumuko pa siya at dahan dahang kinuha sa loob ng case ang aking laptop. Pumangalumbaba ako sa mesang nasa tabi ko at humikab. I need to give him hints that I’m already tired and I want to be alone.

    “Sure.” Sabi ko at hinayaan siya sa ginagawa.

    I did not even offer him a seat. Hinayaan ko siyang nakatayo. I know it was rude but then I already want to rest. Binuksan niya ang aking laptop kaya tinuruan ko siya kung nasaan iyong file ng presentation ko. Nakapamaywang na siya habang binabasa ang nasa loob nito.

    “You’re brilliant!” He said, smiling at me.
    “Thank you. Though I wish I could add more but then, I’m really tired. Gusto ko na lang matulog ngayon.” Sabi ko.
    “Oh!” Aniya at tumayo ng maayos. “I’m sorry. Then siguro ay istorbo na ako sayo!” Aniya at agad nilubayan ang laptop. Tumawa siya. “I should go and get a room for myself. Will you be okay here?”

    Sa sinabi niyang iyon ay naging panatag ako. Tumayo ako at lumipat ng pag upo sa kama. I know Ysmael’s half foreign. Sanay ako sa westernized culture ng mga taong nakakahalubilo ko and I won’t deny that at some point of my life, it got me too. But not right now. Not right now when my heart’s tangled. Mahal ko si Noah at nagkasakitan na kami dahil sa pagpapakawala ko sa aking sarili noon. Kung nakaya ko noong makihalubilo at mag entertain ng ibang tao, ngayon ay hindi ko na yata kaya.

    “Are you sure you’ll be fine here?” Dinungaw niya ako at lumapit siya ng bahagya.
    “Yup.” Sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya.

    Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong papalapit na siya sa akin. Nagawa pa niyang umupo sa tabi ko. Nilingon ko siya at namumungay na mga mata ang kanyang ipinakita sa akin.

    “May sagot ka na ba sa tanong ko noon, Meg?” Tanong niya habang ang kamay niya ay naglakbay mula sa aking likod patungo sa aking leeg.

    Naestatwa ako. Gulat sa ipinakitang intimacy niya sa akin. I’ve kissed boys way back in New York, be it because I was too drunk or because they all taught me it was okay to kiss a friend. It was okay. My first kiss was Noah. The second, third, fourth wont matter. Ang una lang ang importante at iyong huli. Iyon ang naisip ko nong nasa labas ako ng bansa. But right now, something’s changed. I think every kiss should be treasured. Kahit pang ilan ko na iyan. Kahit na makakalimutan ko rin naman iyan. It should be treasured.

    “What question are you talking about, Ysmael?” Tanong ko ngunit hindi na yata siya nakikinig dahil ang kanyang mga mata ay naka direkta na sa aking labi. “Ysmael.” Sabi ko nang dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

    Tinulak ko siya ng bahagya. “Ysmael, sandali lang.” Sabi ko.
    Napatayo siya at kita ko ang bigo sa kanyang mga mata. Magsasalita na sana ako habang niluluwangan niya ng husto ang kanyang neck tie at nag baba ng dalawang butones sa kanyang long sleeves nang biglang may kumatok sa kwarto.

    Huminga ako ng malalim at luminga sa pintuan at kay Ysmael. Sino ba ang uunahin ko sa dalawa? Uminuwestra ni Ysmael ang pintuan.

    “Housekeeping?” aniya.
    Tumango ako at dumiretso na roon sa pintuan para buksan iyon nang nakita ko ang pinaka malaking bouquet of red roses. Bumungad iyon sa akin bago ang nakangiting mukha ni Noah.

    Holy fuck! Nalaglag ang panga ko at lumipad agad ang kamay ko sa aking bibig. Nang marinig ko ang mga yapak ni Ysmael sa aking gilid ay nataranta na ako.

    “Sino ‘yan, Meg?” Tanong ni Ysmael bago ko nakita ang pagbabago ng ekspresyon ni Noah.
    Tumindig ang balahibo ko sa nakitang galit sa kanyang mga mata. Bumaba ang paningin niya sa damit ni Ysmael. Ilang beses ko na siyang nakitang galit pero ngayon ko pa siya nakitang ganito na lamang ang pagkamunhi. Ang hawak hawak na bouquet ay itinapon niya sa gilid ko at pinatabi niya ako para makadaan roon.
    “What are you doing here?” Tanong niya at agad na sinuntok si Ysmael na napatihaya sa gilid ng kama.
    Tumili ako at hinawakan si Noah. Ramdam ko ang panginginig ng braso niya pagkatapos ng suntok at umamba pa siyang susugurin ito. Nakahawak si Ysmael sa kanyang labi na pumutok sa pagkakasuntok ni Noah. “Ako ang dapat na magtanong sa’yo niyan, Elizalde!” Sigaw ni Ysmael at tumayo para ayusin ang kanyang damit, kalmante at hindi umamba ng suntok pabalik kay Noah.
    Umamba pa ng isa pang suntok si Noah pero pinigilan ko siya. Umigting ang panga niya at nilingon ako sa galit. “Bakit siya nandito?”
    Tumawa si Ysmael. “Why are you so pathetic? I’m here because I am Meg’s boss-“
    “Mr. Aboitiz, can you please leave us?” Sabi ko nang di nililingon si Ysmael.

    Matinding katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagkuha ni Ysmael sa kanyang coat at pag aayos sa kanyang necktie.

    “Fine.” Ani Ysmael at nagmartsa siya paalis.

    Sinundan ni Noah ng tingin si Ysmael at ramdam ko ang panginginig sa kanyang braso. Nang nakalabas sa kwarto si Ysmael ay hinawi ni Noah ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

    “Really, Megan?” Aniya at hinarap ako.
    “Noah, hindi ganon ang iniisip mo. Sinubukan kong paalisin siya in a decent way. Paalis na siya non-“
    “Yeah! Bakit ako magtatanong. Wala ako sa lugar kung makapag tanong.” Nag iwas siya ng tingin sa akin. “I came here to give those damn roses to you.” Umiling siya at tinalikuran ako. “Aalis na ako.”
    “Noah, sandali lang.” Sabi ko at hinawakan ang kanyang braso.
    Nilingon niya ako at may galit parin sa mga mata niya. “Kung hindi ako dumating ay hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa inyo ng boss mong iyon.” Mariin niyang sinabi.
    “Walang mangyayari! Pinapaalis ko nga, diba?” Paliwanag ko, frustrated na.
    Hinarap niya ako. “Alright! Then, wala.” Aniya. “Kung bakit mo kasi pinapunta pa dito sa kwarto mo? Is it so hard to reject boys, Meg? Why is it so hard to say ‘no’?” Nanliit ang mata niya. “I want to punch his face non-stop, pagkapasok ko dito kanina. You know that? I can’t believe you let him in!” Sigaw niya.
    “Ayoko lang maging bastos sa kanya! I can say ‘no’, Noah. Kayang kaya kong tumanggi! I’m not a child!” Sigaw ko pabalik sa kanya. “Believe me! I tried so hard! Ayaw ko lang nang isipin niyang tinataboy ko siya! He’s my boss and my friend! Pero hindi ko naman hahayaan na ma violate ako pag hindi ko gusto! Wala kaming ginagawang masama dito! At wala kaming gagawing masama-“
    “Did he kiss you!?” Sigaw niya nang bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi.
    “No!” Sigaw ko pabalik.
    “Did you kiss him?” Humakbang siya palapit sa akin.
    Umiling ako at bumaba ang boses. “No. Of course… no…” Sabi ko.
    “Fuck it.” Aniya at sinuntok ang dingding sa gilid ko.
    Napapikit ako nang narinig ko ang kanyang pagkakasuntok. Pumikit siya ng mariin at kinagat ang labi.
    “Nong narinig ko na may kahalikan ka sa abroad, halos mabaliw ako. Ayaw ko namang makita iyon. Baka makapatay ako sa galit.” Bulong niya.
    “Hindi na ako manghahalik ng iba.” Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ang tingin ko sa aking mga paa.
    Bahagya siyang tumawa. Ngumuso ako at nakayuko parin. Nangangatog ang binti ko sa sobrang kaba.
    “Bakit? Sino na lang ang hahalikan mo?” Tanong niya.

    Pumikit ako ng mariin at ilang mura na ang nasabi ko sa aking utak. Fuck. Shit. Damn it.

    Nilagay niya ang kanyang daliri sa aking baba at inangat niya ang aking mukha. Tinagilid niya ang kanyang ulo at nagtaas siya ng kilay. “Sino na lang ang hahalikan mo?”
    “Ikaw.” Sabi ko, namumungay na ang mga mata.
    “Sino?” Tanong niya ulit. Kumunot ang noo ko. Ayaw ko nang ulitin. Nakita niya iyon kaya yumuko siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “Sino?”
    “Si Noah Reigan Eli-” Hindi ko na natapos ang kanyang pangalan. He kissed me deeply.

    Napapikit ako sa kanyang halik. Ang kanyang kamay ay nasa aking tiyan nakahawak. Matapang kong sinuklian ang kanyang halik kaya tumigil siya.

    “And you kiss so damn well. Sana ay hindi kita tinuruan noon. Sana ay hindi ka na lang marunong. Para wala ka nang ibang nahalikan.” Bulong niya.

    Nanghina na ako sa bawat bulong niya. I want him to shut up and just kiss me. I want him to kiss me more. To make up for they years we have lost. We loved each other fiercely. Kaya kaming nagkasakitang dalawa. And I’ve decided to let him in once more.

    Hinalikan niya muli ako. Ngayon ay mabababaw at nanunukso. Para bang naiirita pa ako dahil gusto ko pa ng marami at mas malalim ngunit hindi niya ibinibigay sa akin. Is this some punishment, Noah Elizalde?

    Ang kanyang kamay ay naglakbay sa aking likod, pababa. He cupped my butt. Gusto kong mag protesta pero natawa lang siya at inangat ako. Pinulupot ko ang aking binti sa kanyang baywang. And then I knew how turned on he was from there. Nagawa niya pang maglakad habang ramdam ko sa gitna kung gaano niya ka gusto ang nangyayaring ito.

    Nilapag niya ako sa kama ng marahan at tumigil siya sa paghalik. Hinabol ko ang aking hininga habang dinudungaw niya ako. “Will you be my girlfriend, miss?” Namumungay na ang kanyang mga mata.
    Tumango ako at hinaplos ang kanyang pisngi. This is my Noah Elizalde. Kinagat niya ang kanyang labi at pumutok ang mga butones ng aking damit. “Shit, Noah!” Sabi ko nang mabilis niya iyong hinubad.
    “You tried to cover up your tats?” He asked. Nong isang linggo ay pinalagyan ko ng dream catcher ang pangalan ni Noah Elizalde. But then, Willy’s right! Hindi nga ito matatabunan. That was my first session. May pangalawang session pa.
    “Yup.” Sabi ko.
    “Try harder, Megan.” Aniya at dahan dahan niyang hinalikan ang ang tattoo kung nasaan ang pangalan niya. “You punished me too much. You made me wait too long. You broke me too many times.” Aniya habang hinahaplos ang akig dibdib.

    Napadaing ako sa kanyang ginawa. Pumikit ako at lumiyad nang pinaglaruan niya ito. Ang kanyang mga halik ay bumaba sa aking leeg. Naging mapanukso ito at nangiliti sa bawat gilid. Ang mga binti kong gustong kumawala ay ikinulong niya sa kanyang mga binti.

    Isang kalabit niya lang sa likod ko ay kumalas na kaagad ang aking bra. Bumaba ang halik niya sa aking dibdib. Ang isang kamay ay naglalaro nito at ang isa ay hinahaplos ng pabalik balik ang tiyan ko.

    “Noah…” Daing ko.
    “Shhh…” Aniya habang bumababa ang isang kamay sa aking hita.

    Lahat yata ng kuryente ay napunta na sa aking katawan. Hindi ko na alam kung ano pa ang gugustuhin ko. Nang bahagyang hinaplos ako ni Noah ay nagliyab ang mga pakiramdam na bago sa akin.

    “Holy… fuck.” Mura niya at mabilis niyang hinubad ang kanyang t-shirt bag ibinahagi ang dalawa kong binti.

    It felt weird. I’ve never spread my legs this wide. Kinagat ko ang labi ko at nang nakita kong bumaba na roon ang kanyang halik ay imbes na manlaki ang mata ko ay napapikit ako. Tila dumugo ang aking labi sa pagkakakagat at sa pag iiwas na dumaing ng pagkalakas lakas.

    His tongue twirled and circled the depths of me. I want to tell him something but then I’m not the master of myself anymore.

    Hinawakan niya ang aking kamay nang naramdaman ko ang pagkayanig ng buong katawan ko. I lost myself and he held me tight.

    “I’m gonna take you now, Megan.” Aniya.
    Huminga ako ng malalim, hindi pa natatapos sa mga naramdaman. “Noah, I-I’m a virgin.” Sabi ko sa wakas.
    Ngumiti siya. “I know. I promise, I’ll be gentle.”
    Binuksan niya ang kanyang sinturon at binaba ang kanyang maong. I’ve seen Noah in all his naked glory but this Noah in front of me right now is scary hot. Hinalikan niya ang aking tiyan, ang tattoo, ang aking dibdib, ang aking leeg, pataas, at ang mga kamay ko ay nasa kanyang leeg o di kaya’y balikat habang dahan dahan niyang hinuhubad ang kanyang boxers. Tumikhim ako pagkatapos ng kanyang ginawa. Kinagat ko ang labi ko nang nakita ko ang buong siya. “This is gonna hurt. Big time.” Bulong ko.
    Ngumiti siya at hinalikan akong muli. “I am completely in love with you.” Bulong niya sakin.
    “I’m in love with you, too.”

  • Kabanata 52Open or Close

    Kabanata 52
    You Think

    Tumunog ang cellphone ko kinaumagahan. Masakit pa ang katawan ko habang kinakapa ang katabing mesa para doon. Di ko pa dinidilat ang mga mata ko ay sinagot ko kaagad iyon.

    “Hello, Good morning, Megan!” Si mommy.
    “Mom…” Kinusot ko ang mata ko at nilingon ang kama. “Good morning.”

    Wala na roon si Noah. Kumirot ang puso ko sa libo libong naiisip ko. Bakit wala siya? Iyong gabing iyon ba ay panaginip lang? Pinagtabi ko ang aking binti. Underwear lang ang suot ko at ramdam ko ang sakit at hapdi ng nangyari kagabi. We did it three times and hell I can’t move without feeling sore.

    “Uuwi ka ba ngayon? Namimili ako ng isusuot sa birthday mo. Alam kong wala ka pang plano pero gumagawa na ako.” Nakangiting sinabi ni mommy.
    Nanlaki ang mata ko. “Mom, I want it to be simple! Wag mo pong gawing bongga. I mean, ang plano ko lang ay magpaparty kami nina Everlyse, wala nang iba.”
    “Oh don’t say that, Megan. Dapat ay ang uwi namin ng daddy mo galing sa bakasyon ay sa Biyernes pa. I know hindi ka magpaplano kaya umuwi kami ng mas maaga para ako na ang gagawa ng hindi mo hinahanda. You don’t say that to me now.”
    Umirap ako at umiling. “Okay mom. If that’s what you like. Anyway, I have to go. May gagawin pa akong presentation. Maghahanda lang ako.” Sabi ko at sinubukang tumayo.
    “Alright, Meg. You take care and don’t forget to eat your breakfast. I love you.”
    “Love you, my.” Sabi ko at binaba na agad ang aking cellphone.

    Tumikhim ako at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto na walang bakas ni Noah. Pumikit ako ng mariin at nag isip na imposibleng panaginip iyon dahil masakit. Nang biglang bumukas ang pintuan at napaangat ang tingin ko. Bumungad sa akin si Noah na may kasamang waiter. Namilog ang mata ko nang nagtama ang paningin namin. Ngiti niya ay nanunukso at kita sa mga mata niya na may kahulugan ang titigan namin.

    “You can leave it here.” Ani Noah nang hinarap ang waiter na may dalang tray. Inilagay nong waiter ang isang tray ng pagkain sa mesa sa tabi ng kama. “Thank you.” Bago umalis.

    Sinarado ni Noah ang pintuan at bumaling sa akin. Hindi parin ako makapagsalita.

    “Ngayon ang uwi mo?” Tanong niya at inilapit sa akin ang mesa.
    Tumango ako, naiilang. “Pero mamaya pa kasi may presentations pa kami.” Nilingon ko ang orasan at 6:30 na ng umaga. Alas otso ang dapat dating namin sa hall para sa pang huling araw.
    “I’ll wait for you here. Di ka nagdala ng sasakyan diba? Ako na ang mag uuwi sayo.” Aniya.
    Tumango ako at tiningnan ang pagkain. Umupo siya sa tabi ko at nilapit ng husto ang mesa. “Eat.”
    “Hindi ka kakain?” Tanong ko nang napansin kong dalawa ang pagkain sa hapag ngunit hindi niya iyon pinansin.

    Umupo siya sa tabi ko at ang isang kamay niya ay nakatukod na malapit sa baywang ko.

    “Mamaya na. I want to feed you first.” Aniya at kinuha ang kutsara.
    Tiningnan ko ang ham na hinihiwa niya ng dahan dahan bago niya inilapit sa aking bibig. “I can do it, Noah.” Sabi ko.
    “Let me do it for you.” Aniya at tumango pa habang nakatitig sa akin.
    Tinanggap ko ang sinubo niyang ham. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Pagkatapos gawin iyon ay hinalikan niya ang balikat ko. Halos hindi ko manguya ng maayos ang pagkain.
    “Sorry nasaktan ulit kita kagabi.” Aniya.
    Nilingon ko siya at ngumuso ako. Nag iwas ng tingin at tinagilid ko ang ulo ko sa aking pinggan. That was the best pain I’ve ever felt my entire life, Noah. “Sanay na ako. Lagi mo naman akong sinasaktan.” I smirked.
    “Tss.” Humalakhak siya sa tainga ko. Binawi ko ang tinidor sa kanya at mamaya ay di pa ako matapos sa pagkain ko. Hinalikan niya ang baba ng aking tainga kaya bahagya ko siyang tinulak. “Noah!”
    “You smell so good. I can even smell my perfume on you, miss. Amoy-Noah.” Kumindat siya.
    Ngumiwi ako sa kanya. “Shut up.” iling ko.
    Humalakhak siya sa tainga ko at ilang sandali pa naistorbo ang pagkain ko bago niya ako nilubayan. Tumunog ang cellphone niya kaya humiga siya ng maayos sa kama para sagutin ito.

    “Yeah… Yeah… Yup.” Iyon lang ang tanging narinig ko sa pagsagot niya sa tawag.
    Nilingon ko siya nang tapos na akong kumain. “Kain ka na rin. Maliligo lang ako.” Sabi ko.
    Tumango siya at bumaba pa ang tingin niya sa dibdib ko. Malagkit ang kanyang tingin habang may kinakausap sa cellphone. Umiling na lang ako. Unbelievable, Noah Elizalde!

    Nagmadali na ako sa bathroom. Nang nakapasok ay tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at hindi ko mapigilan ang pag puna sa pulang mukha ko. Damn it! Mababaliw na yata ako nito!

    Nagmadali ako sa pagligo. Doon na rin ako nag bihis. Damn, after last night ay pakiramdam ko may malisya na ang lahat ng paninitig ni Noah sa akin. Lumabas ako sa banyo ng naka corporate attire na. Nadatnan ko pa siyang nakapangalumbaba, nakasimangot na nakatitig si flatscreen bago niya ako nilingon na ganon parin ang ekspresyon. Di parin talaga matatanggal sa kanya ang pagiging suplado!

    Nilingon niya ang orasan at nakita ko ring kinse minutos na lang at mag aalas otso na. Umayos siya sa pagkakaupo sa kama. Naglakad ako patungo doon sa laptop at hindi ko mapigilan ang pamumuna sa pagtitig niya sa paglalakad ko. Nang nagtama ang paningin namin ay nagkibit balikat lang siya at bumangon.

    “I’ll wait here until you are done. O baka maligo ako sa dagat. Depends on my mood.” Tumayo siya sa tabi ko at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang.
    Tumango ako at pinanood ang pagkuha niya sa aking laptop.
    “Ihatid na kita don.”

    Iyon nga ang ginawa niya. Marami siyang bilin sa akin tungkol sa presentation at naging kabado na rin ako sa mangyayari. Nang nakarating kami sa hall ay hindi pa nagsisimula. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng hall samantalang abala ako sa pag iisip sa gagawin ko mamaya.

    “Don’t be nervous. Kaya mo ‘yan. I checked your presentation, it’s good.” Bulong niya sa akin.
    Tumango ako at inisip na kaya ko ito. Isa pa, bukas ang tunay na presentation sa Pharmaceutical Company. This is just a mock presentation. I can do this.

    Lumabas rin siya nang nagsimula na. For some reason, habang naghihintay ako ay kabado ako ngunit nang nasa harap na ay hindi na ako nakaramdam ng kaba. Naging mabuti rin ang nangyari kaya natahimik na ako pagkatapos ng presentation ko. Sa huling oras ay binigyan na kami ng certificate, plaques, at kung anu-ano pa.

    Malaki ang ngiti ko pagkatapos ng nangyari. Nakaabang pa si Noah sa labas at binalot niya ako ng yakap nang nakitang malaki ang ngiti ko.

    Kinagat ko ang labi ko. Everything’s perfect to me. Hindi ko matanggal ang ngiti ko kahit nong kumain na kami sa restaurant.

    “Do you want to stay here for another day? or uuwi na tayo?” Tanong ni Noah habang nilalapag ng waiter ang mga inorder namin.
    Umiling kaagad ako. “Uuwi na tayo. May presentation pa ako bukas, for real.”
    Ngumuso siya, “After that presentation, please resign. I don’t want to see you with your boss.”
    Umismid ako, “Noah, sayang ‘yong experience.”
    Umirap siya. “Heto na naman tayo. Magpaalam ka na lang sa mommy mo na doon ka na sa Moon Records mag trabaho. Or better, wag ka nang mag trabaho. Seriously, I can pay for us. I can even pay for our future family. You don’t need to work.”
    Nanlaki ang mata ko. “Noah, are you kidding me? Mag boyfriend pa lang tayo. Masyado kang advance mag isip. At isa pa, I feel worthless pag wala akong trabaho.”
    Ngumuso siya at nagtaas ng kilay sa akin. “Saan ba patungo ito? Sinagot mo ba ako para hiwalayan sa sunod na buwan?”
    “Hindi naman sa ganon.” Iling ko.
    “Then if that presentation of your tomorrow is exceptional, then I want you to resign right after.”
    Aangal na sana ako ngunit tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa aking bag at nakita kong si Stan ay tumatawag sa akin. “Si Stan…” Sabi ko bago iyon sinagot.

    “Where the hell is Noah Elizalde? Two mall shows and he’s not here! Pauwi na kami!” Sigaw ang binungad niya sa akin.
    “What? Stan? Asan ka?” Tanong ko.
    “Nasa Batangas! At wala kaming lead kasi wala siya! Asan ba ‘yong manliligaw mong iyon? I figured ikaw lang naman siguro ang pwedeng maging rason kung bakit di siya nakadalo! He’s not answering his phone!”
    Sa titig pa lang ni Noah sa akin ay alam kong alam niya na kung anu ano ang mga sinasabi ni Stan sa akin. Ngumiwi ako at nagpatuloy lang si Noah sa pagkain na parang wala.
    “Okay, I’ll tell him.”
    “I knew it! So he’s with you? He’s with you!? Kagabi pa iyon ah? We’re packing. Pauwi na kami at wala kaming gig ng dalawang araw. The next days mag rerecord kami. Sabihin mo na galit na ang manager namin at makakarating ‘to sa kay tita Alejandra! Tell him, Megan!”
    “Yes, Stan. I will. Okay, bye.”

    Hinarap ko si Noah at nag kibit balikat lang siya sa akin.

    “Iniwan mo sila? Stan’s furious!” Tanong ko.
    “They can do it without me. Sinabi ko naman sa manager na may gagawin ako. Tsaka, I’m kind of annoyed there. Diva’s always with us the whole time.”
    Nanliit ang mata ko. “Yeah, I’ve noticed. Close kayo, no?” Sabi ko habang kumakain.
    Nag angat siya ng tingin sa akin. “Magkakilala na kami noon pa. You know, their band and Zeus. Madalas kaming pareho ng line up sa gigs.”
    Tumango ako. Nakatitig parin siya sa akin na parang may inaabangan. “Anyway, Stan’s furious. You should call him, Noah.”
    “Pupuntahan ko lang sila pagkauwi nating Manila. Alam ko na anong sasabihin niya pag tumawag ako. Mumurahin lang ako non.” Iling niya. “Mas importante sa akin na nandito ako, baka bumalik pa iyong boss mo.”
    Tumawa ako. “You want to leave last night, Noah. Remember?”
    He smirked. “Yeah, I will leave your room but not the vicinity. Of course, not.”
    Ngumiwi ako. “Bolero!”
    Tumwa siya. “I’m glad I didn’t leave your room.” He flashed a sexy smile.
    Umiling na lang ako at nagdasal na sana ay hindi masyadong mamula ang pisngi ko sa sinabi niya.

    Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami patungo sa suite nang sa ganon ay makuha ko na ang gamit ko at makapag check out na kami. Napag alaman ko pa namang binayaran ni Noah ang pangatlong araw kahit na hindi naman kami dito magpapalipas ng gabi.

    Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Ysmael iyon. Binitiwan ko ang kamay ni Noah. Papalapit na kami sa kwarto at pakiramdam ko ay kahit na ganon ang nangyari kagabi ay kailangan kong sagutin ang tawag ni Ysmael.

    Napansin ni Noah ang pagsagot ko sa tawag kaya nilingon niya ako bago binuksan ang pintuan ng kwarto.

    “Hello?” Sagot ko.
    “Hey! I just want to know if the seminar’s done? How was it?” Malamig ang kanyang boses taliwas sa concern sa mga tanong niya.
    “M-Maayos naman.” Napatingin ako sa malamig na titig ni Noah.

    Pinapanood niya ako at para bang alam niyang hindi si Stan o kahit sinong tao ang tumatawag. It was like he knew it was Ysmael. Sa titig niyang matalim at sa pag sandal niya sa dingding habang lumalayo ako ng bahagya sa kanya ay alam kong alam na niya.

    “Uhm, I’m sorry kagabi-” Sabay kami ni Ysmael nang sabihin ito.
    “I’m sorry.” Ulit ni Ysmael.
    “No. I should be sorry.” Nag iwas ako ng tingin kay Noah at tumingin sa kanan, humalukipkip. I’m sure Noah will understand that after all he’s still my boss. “Ibibigay ko ang report sa iyo bukas. Thank you so much for this experience.” Sabi ko habang nararamdaman na hinaplos ni Noah ang aking baywang.

    Naglakbay kaagad ang kanyang kamay sa aking baywang. Ang isa ay nasa tiyan ko na. Bahagya ko siyang tinulak at pinatahimik. Nasa cellphone pa si Ysmael!

    “No problem! You need that at kaya kong ibigay iyan sayo. I’m just sorry last night.” Tumikhim si Ysmael.

    Ang hininga ni Noah ay nasa tainga ko na. “I know you’re still sore.” Hinga niya.
    Siniko ko si Noah ngunit hindi ko naiwasan ang pag init ng pisngi.

    “Are you alone? I-I’m… still here in Batangas. Sa isang hotel sa malapit. Uuwi ka na, diba? Sunduin na kita.” Maligaya niyang sinabi.

    Aangal na sana agad ako ngunit hinahaplos na ni Noah ang dibdib ko. Nasa likod ko siya at bahagyang dinidiin ang sarili sa akin. Fuck it, Elizalde!

    “U-Uhmmm… H-Hindi na pwede, e.” Hindi ko madiretso ang sinasabi ko dahil sa lintik niyang ginagawa.
    “It’s okay. Gusto ko lang bumawi sana kagabi.”

    Bumaba ang isang kamay ni Noah sa hita ko at sa manipis na paldang suot ko ay nararamdaman ko ang bawat haplos non.

    “I-I-I’m sorry, Ysmael. Pero may s-sundun, I mean, susundo na… sakin.”

    Naglakbay na ang init sa aking katawan. Halakhak ni Noah ang bumalot sa aking tainga.

    “Oh! I see. See you in Manila, then,” ani Ysmael.
    Pinatay ko kaagad ang cellphone ko at nilingon si Noah. “Noah!”
    Ngumuso siya. “I’m sorry. I hate it when you talk to Ysmael.”
    “Baliw ka na talaga!” Angil ko.
    Nagkibit balikat siya at nilapitan ako. “I waited years for you, miss. I’m sorry but I waited for you too long. I can’t share you with anyone. I earned you. And your boss needs to know that. Huh?” Hinanap niya ang mata ko. Hindi ko na siya matingnan dahil nalasing na ako sa kanyang bulong.
    Kinagat ko ang labi ko at huminga ako ng malalim. “Hindi mo ako maihahatid. Baka magalit si daddy. Kina Stan mo na lang ako ihatid.” Sabi ko, nag iiwas ng tingin sa kanya.

    I like all of these. And I can’t afford to ruin it just because of dad. Alam kong hanggang ngayon ay ayaw parin niya kay Noah. Alam kong hindi niya magugustuhan si Noah habang nasa banda siya at wala sa negosyo.

    Dahan dahan niya akong sinandal sa dingding. Ikinulong niya ako sa kanyang braso. Wala pang ginagawa ay mabilis na ang hininga ko. Ang kanyang labi ay nasa aking tainga. Ang cellphone na hawak hawak ko ay nabitiwan ko na. Umalingawngaw ang tunog ng cellphone na tumama sa sahig ng suite.

    “You think I’m afraid of him? After all these years, miss?” Bulong niya sa aking tainga.

  • Kabanata 53Open or Close

    Kabanata 53
    Presentation

    Mahaba ang naging byahe pabalik ng Manila. Ilang minuto akong tulog at nagising nang nagising ay malapit na kami sa bahay. Pinasadahan ko ng tingin ang labas at papalubog na ang araw.

    “You hungry?” Tanong niya nang nakitang gising na ako. “We can stop over for food.”
    Umiling ako at tiningnan siya. Sumulyap siya sa akin bago iniliko ang sasakyan. “Wag na. Sa bahay na tayo kumain.” Pinanood ko ang ekspresyon niya. Tumango lamang siya at pinagpatuloy ang pag dadrive. “You sure you’re okay?”
    Umangat ang gilid ng kanyang labi. “Nag iisip pa ako na papagalitan ako ng mommy mo. Nalaman niya na yata na wala ako sa Batangas.”
    Kinagat ko ang labi ko. “Anong sasabihin mo?”
    Nag kibit balikat siya at sumulyap ulit sa akin.

    Kung ano man ang nasa isip niya ay hindi ko mabasa. Ganyan naman talaga siya palagi. Palaging malihim at kahit sa akin ay hindi nagsasabi. I don’t know if I should be terrified or excited. Or maybe both.

    Kaya naman nang pumasok na ang sasakyan niya sa malaking gate namin ay tumatahip-tahip na ang puso ko. Walang sumalubong sa amin nang tumapat ang sasakyan sa hagdan ng bahay namin. Pinark niya lang sa gilid ng daanan ang kanyang sasakyan.

    “Gusto kong dito ka na mag dinner, Noah. But then…” Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko.

    I like all of these and I don’t want it ruined just because of my father. Nagtaas lang ng kilay si Noah sa akin.

    “Don’t worry about it. Your dad can’t hate me forever.” Kumindat siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin para mahalikan ako.

    Papapikit na ako nang tumambad si daddy sa may hagdanan. Kahit na tinted ang BMW ni Noah ay napatalon ako nang tawagin ng mariin ni Daddy ang aking pangalan at humakbang pa papalapit.

    “Si dad, Noah.” Sabi ko at hindi man lang natinag si Noah sa posisyon niya. Tanging ulo lang ang binaling niya sa papalapit kong daddy tsaka pinatunog ang locks ng sasakyan.

    “Dad!!” Kabado kong sinabi pagka bukas ko ng pintuan. Inayos ko ang buhok ko dahil alam kong nagulo ito kanina habang natutulog ako sa loob ng sasakyan ni Noah.

    Bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Noah at lumabas na rin siya. Sinarado niya agad ito kaya pinili kong isarado na rin ang pintuan ko.

    “Good evening, tito Rodolfo.” Bati ni Noah.

    Matigas ang ekspresyon ni daddy. Nakaipit ng husto ang labi na para bang ayaw itong buksan at may pinipigilan. Bumaling siya sa akin at kay Noah naman pagkatapos.

    “Hindi ka sinundo nina Everlyse?” Tanong ni daddy sa akin nang bumaling ulit siya.
    Umiling ako. “May ginagawa sila ni Carlos. Si Noah po ang sumundo sa akin, dad.” Sabi ko at humakbang palapit kay Noah.

    Habang ginagawa ko iyon ay namataan ko si mommy na naka robe lang ng satin at pababa ng hagdanan. Nakataas ang kanyang buhok at may make up pa sa mukha.

    “Megan! Dumating ka na…” Huminahon ang boses niya nang namataan si Noah sa gilid ko.

    Bumaling pa siya sa sasakyan nito bago hinawakan ang braso ni daddy. Si mommy lang ang ngumingiti sa aming apat at halos mahimatay na ako sa kaba lalo na’t hindi parin umaamo ang mukha ni daddy.

    “Noah? I heard from your manager na wala ka daw sa last two gigs niyo sa Batangas.” Napawi ang ngiti ni mommy.
    “I’m sorry for being irresponsible, tita. May importante lang po akong ginawa. Naipaliwanag ko na sa manager at sa kay Stan. Babawi po ako next time.” Sabi ni Noah.

    Bumalik ang tingin ni mommy sa akin. Para bang naghahanap siya ng kasagutan sa kung ano mang tanong ang nasa utak niya.

    “It is very important, surely.” Ani mommy. “Pumasok na kayo at mag dinner.” Sabay tapik niya sa balikat ni daddy at sabay silang tumalikod na dalawa para pumasok na.

    May kung anong binulong si daddy kay mommy habang papasok sila. Nilingon ko si Noah na matigas rin ang ekspresyon tulad ni daddy habang pumapasok sa aming bahay.

    Dumiretso na kami sa hapagkainan. Mukhang kakain na rin sana si mommy at daddy bago pa ako umuwi. Nanatili ang titig ni daddy sa kay Noah samantalang palipat lipat naman sa akin at kay Noah iyong tingin ni mommy.

    “Nakaplano na ang iyong birthday ngayong Sabado. I know you wouldn’t plan for a party, Meg. Ang gusto mo ay iyong after party lang. Good thing at maaga ang uwi namin ng daddy mo at naiplano ko na.”
    “Mom, dapat ay hindi engrande. I’m fine with just being with my friends.” giit ko habang umuupo. Ganon din ang ginawa ni Noah.
    “This party will be intimate, don’t worry. Hindi engrande, simple lang. Alam mo namang pag nandito ang tita at tito mo ay mahilig sila sa mga family occassions. Bago bumalik ng Los Angeles ay gusto nilang magkaroon ng ganito.” ani mommy.
    “I will invite some business partners and friends, Megan.” Sabi ni daddy na sa wakas ay napatingin sa akin.
    Tumango ako at bumaling kay Noah. “Okay po.”
    “Noah…” Malamig na sinabi ni daddy.

    Nilingon ko si daddy at nanlaki ang mata ko. Handa na akong pagitnaan ang masasakit na salita na maaari niyang sabihin kay Noah.

    “Invite your family.” Ani daddy.
    Kumunot ang noo ko at nilingon ko si Noah. “Yes, tito.”
    Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni mommy. Hindi lang ako ang gulat rito. Pati siya. Umubo si mommy at bumaling sa akin bago nagsimulang pag usapan iyong susuotin kong gown na gawa ng paborito niyang designer.

    I’m fine with everything as long as it’s not a ball gown. Pareho naman kami ng taste ni mommy kaya hindi na ako nagulat kung nagustuhan ko ang venue na garden ang theme. Long flowing gown na kulay itim ang gusto niyang suotin ko. Maraming kilalang personalidad sa showbiz at may media pang kasama. Intimate but I can’t say it’s not grand. It still is grand!

    Nakatingin ako sa kay daddy at Noah na parehong nakatayo malapit sa swimming pool at nakatalikod sa amin habang pinapakita ni mommy iyong design ng gown at iyong iba pang detalye sa magiging party ko. Nagsasalita siya ngunit hindi pumapasok sa utak ko lahat ng kanyang sinasabi dahil nanatili ang atensyon ko sa dalawang lalaki sa buhay ko.

    “Megan…” Mom called softly nang napansin niyang hindi na ako nakikinig.
    “I-I’m sorry, mom. What is it?” Tanong ko.
    “Do we get your usual make up artist or-“
    “Opo, my. Thank you.” Sabi ko bago bumaling sa kanya.
    Napatingin na rin si mommy sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang paglagay niya sa takas na buhok sa likod ng aking tainga. “What do you want for your birthday?” Iyon ang tanong niya taon taon sa akin.
    Sumulyap ako kay mommy ngunit binalik din ang tingin sa dalawa. Umiling ako. “Wala na po.”
    Tumikhim si mommy. “I know your dad’s just protective, Meg. You are our only child. Mahal na mahal ka niyan and you know what’s up with band guys. They’re usually into girls… lots of girls… and many more. Kaya ayaw niya kay Noah simula pa lang.”
    Nilingon ko si mommy. “He’s changed his mind, right? Hindi naman ganon si Noah, my.” Sabi ko.
    Tumango si mommy. “I know.”

    Hinayaan ko silang mag usap na dalawa. Tumagal yata ng tatlumpong minuto ang pag uusap nila at naroon lang kami ni mommy sa likod, nanonood. Pareho silang umiinom ng whisky. Nang tumalikod si daddy at sinundan siya ni Noah. Nagkunwari akong nagsusuri pa ng ilang detalye sa magiging venue ng birthday ko nang papalapit siya sa akin.

    “Where’s your mom?” Tanong niya nang nakitang wala na roon si mommy sa tabi ko.
    “Nasa kitchen po.” Sagot ko at nilagpasan niya ako.

    Si Noah ay humahakbang palapit sa akin. Wala nang laman ang dalang baso ng whisky. Malamig ang kanyang ekspresyon at umupo sa tabi ko habang hinihipan ng hangin ang puting kurtina ng aming double doors.

    Umayos ako sa pagkakaupo at umupo naman siya sa tabi ko.

    “Bati kayo ni dad?” Tanong ko, nahihiwagaan.
    Nag kibit balikat siya at ayaw magsalita.
    “Paano?” Tanong ko ulit.
    Tumawa lang siya.
    “Noah! What did you do?”
    “Miss, don’t ask me. I need to go. Baka mapatay pa ako ng Zeus pag hindi ako magpakita ngayon.”
    Kumunot ang noo ko at sinapak ko ang braso niya. “Bakit nga kayo bati ni dad? At saan ka pupunta? Sa bahay nina Stan?”
    Humalakhak siya. “Yup. Would you care to take me outside? I want to kiss you a bit. Wag dito, mamaya ma bad shot na naman daddy mo sakin.” Tumayo siya at hindi ko matanggal ang ngisi ko.
    “Noah!” Sabi ko habang sinusundan siya paalis ng bahay.

    Nasalubong namin si mommy sa may sala. Nagpaalam si Noah na aalis na siya samantalang panay parin ang tawag ko sa kanya.

    “O sige. Ginabi ka tuloy. Mag ingat ka. Meg, ihatid mo si Noah sa labas.” Bilin ni mommy habang sinusundan kami ng tingin.
    “Yes, mom.” Sagot ko at sinundan si Noah.
    “Hey…” Tawag ko.
    Nilingon niya ako at hinigit palapit sa kanya. Nagawa niya pang tumingin sa likod namin na para bang chinicheck kung naroon pa si mommy.
    “Di mo pa sinasabi sa akin ang sekreto mo.” Sabi ko.

    Inakbayan ako ni Noah, papalabas ng bahay. Pinatunog niya ang kanyang alarm nang nasa harap na namin ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at bumaling sa akin.

    “Wag ka nang pumasok. Baka di na kita pababain pag pumasok ka pa.” He chuckled again.
    Sinapak ko ang braso niya. “Tumigil ka nga.” uminit ang pisngi ko.
    “Puntahan ko sina Stan sa bahay nila. You charge your batts, I’m gonna text you all night. Okay?” Aniya at hinalikan ang noo ko, pagkatapos ay ang pisngi ko, pababa sa aking labi. Sinuklian ko ang kanyang halik ng malalim, napapapikit.
    “Hmmm…” He stopped. “No…”
    Ngumuso ako at tinagilid ang ulo. Tinagilid niya rin ang kanyang ulo.
    “Don’t tease me like that. Not in your house. Not when your dad’s around.” Aniya at hinawakan ang baba ko. Inilapit ang kanya at isang beses pang hinalikan. “See you tomorrow.”
    “Huh? Wala kayong gig tomorrow?” Tanong ko.
    “Wala.” Kindat niya at isa pang halik ang ginawad sa akin. “I love you.” Aniya.
    Tumango ako at pumasok siya sa kanyang sasakyan. Umatras ako nang pinaandar niya iyon. Binaba niya ang salamin at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Kinunot ko ang noo ko.
    “One last kiss before I leave, please, miss.” Aniya ng nakangiti.
    Tumikhim ako at nagkunwaring tinatamad pero sa totoo lang ay more than willing akong humakbang palapit para yumuko at halikan siya. “I love you.” Bulong ko pagkatapos ng mababaw na halik.
    Pumungay ang mga mata niya. “I am more in love with you.” Bulong niya pabalik.

    Hindi matanggal ang ngiti ko sa gabing iyon at tingin koy hindi na ito matatanggal pang muli pag nagpatuloy ang lahat ng ito. Sa kama ay wala akong ginawa kundi mag text kay Noah. Wala na rin akong tanong kay daddy. Kung ano iyong pagtrato niya kay Noah kanina ay hahayaan ko na iyon. That was more than what I asked. Kaya sa nalalapit na birthday ko ay wala na akong mahihiling pa.

    Kinabukasan ay naging kabado ulit ako sa magiging reaksyon ni Ysmael sa opisina. Pagkapasok ko ay paranoid ako at palinga linga. It’s true, I need to at least apologize to him in person. Hindi maganda ang nangyari nong Sabado at maging nong Linggo.

    “Kamusta ang Batangas?” Tanong ni Ma’am Alexis pagkadating ko.
    “Maayos naman.” Sabay tingin ko sa paghahanda nila.

    Taliwas sa mga normal na araw ay naka corporate attire ang buong team. Nanibago ako sa mga pencil skirt at coat na suot nila. Mabuti na lang at naka puting dress ako kaya hindi masyadong out of place sa kanila.

    “Kayo? Kamusta ang paghahanda? Ano ang maaaring maitulong ko?” Tanong ko.
    Kinagat ni Ma’am Alexis ang kanyang labi. “Natataranta na kami. Pumasok kasi rito si Fiona at ang sinabi niya ay mamaya pa daw ang presentation natin ng mga alas nuwebe, pero gustong panoorin ni Mr. Aboitiz ang presentation ng mas maaga kasama ang iilang board members.” Nakatingin silang lahat sa akin.
    “Bakit?” Tanong ko.
    “To see kung hindi ba sila mapapahiya sa Pharma Company? Meg, you should do the presentation.” Ani Ma’am Alexis.
    Abot abot na ang kaba ko sa siniwalat niya. “Ha? Why me?” Gulat ko.
    “Hindi ba ay gusto ka niya. We would probably pass if you-“
    “Alexis, wag na. Kaya na namin ‘to nina Paolo.” Sabi ni Ma’am Alice. “Besides, wala siya nong Friday at Saturday, may mga binago tayo. And anong magagawa ni Mr. Aboitiz kung ganoon ang presentation natin? Mamayang ala una na iyon. Ano man ang magiging reaksyon niya mamaya ay wala na siyang magagawa.”

    Hindi ako nakapagsalita. Halu halo ang mga inisip ko tungkol sa pag pepresent namin nito sa kay Mr. Aboitiz. Sa kanyang opisina at sa harap ng board members! Nong nakita ko ang presentation ay halos wala akong alam. Malaki ang binago nila sa concept ng pag a-advertise ng mga produkto. But then the original concept of the ad itself is still there.

    “Kaya ‘to, Pao!” Sabi ni Ma’am Alice paakyat kami sa floor kung nasaan ang opisina ni Mr. Aboitiz.
    Huminga ako ng malalim at nag isip kung ano maaari ang magagawa ko habang pinipresenta naming lima itong gawa namin.

    Sinalubong kami ni Fiona na mukhang nag aalala at natataranta. Relax pa kami pagkalabas ng elevator ngunit nang nakita naming halos maihi na sa takot si Fiona ay nataranta na kami.

    “Ang tagal niyo naman! May meeting pa si Mr. Aboitiz pagkatapos! Galit na siya kasi late kayo!”
    Sabay sabay kaming napatingin ng team sa aming mga relo. “We’re late, shit!” Sabi ni Sir Paolo sabay tingin kay Ma’am Alexis.
    “Yeah. Late for like 5 minutes? Mabilis lang ang presentation. Kung wala siyang masyadong tanong ay hindi na tayo matatagalan. And besides, bakit niya pa kailangang gawin ito? We can present this later to the Pharm Company and let them be the judge.” Iling ni Ma’am Alexis.
    Napatingin si Ma’am Alice sa akin at umiling na rin siya.

    Pagkapasok namin sa kanyang opisina ay nakahanda na roon ang projector. Si Ysmael ay naka dekwatrong upo at sa tabi niya ay dalawang kasing edad niyang lalaki na nanonood sa bawat galaw namin.

    “I don’t like to be kept waiting.” Malamig na sinabi ni Ysmael nang nagtama ang paningin namin.
    “Meg, ikaw na mag set up.” Utos ni Ma’am Alexis.

    Tumango ako dahil alam kong sa ngayon ay iyon lang ang magagawa ko. Lumapit ako sa mesang may projector at mabilis na binuksan ang laptop kung nasaan ang presentation. Nasa harap na si Sir Paolo, Ma’am Alexis, Ma’am Alice, at Ma’am Kathleen na parehong mga beterano sa gawaing ito. Nag simula na sila sa kanilang presentation habang ginagawa ko iyong paghahanda sa laptop.

    Nagkaron pa ng problema sa pagkakakonekta kaya nang natapos na si Sir Paolo sa pagsasalita at wala pang presentation sa projector ay dinaluhan na nila ako para tulungan.

    “Tss…” Narinig ko ang pag bubulung bulungan nina Ysmael at ng mga kasama niya.
    “If I were that Pharma Company, I’m going to reject your team, Mr. Aboitiz.” Natatawang sinabi nong may katabaang kasama niya.

    Napatingin ako sa kanila habang tinutulungan ako ni Sir Paolo sa pag siset up. Pinagpapawisan na si Ma’am Alexis kahit na full naman ang aircon dahil sa kaba. Nag angat ng tingin si Ysmael sa akin at nag taas ng kilay.

    “They will be here any minute now. Wala pa tayong nakikita, Ysmael. It’s a waste of time.” Anang isa pang kaibigan niya.

    Umismid ako at tinoon ulit ang pansin sa laptop na pinagkakaguluhan namin kasi ayaw kumonekta sa projector.

    “Mr. Aboitiz, wala po bang ibang projector? Hindi po yata compatible o di kaya ay may problema itong sa inyo.” Nahihiyang sinabi ni Ma’am Alice.
    “Why don’t you let Megan handle that? Siya ang walang alam sa presentation, hindi ba? You all should work together. Hindi naman pwedeng wala siyang maitulong.” Ani Ysmael, hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

  • Kabanata 54Open or Close

    Kabanata 54
    House

    Pabalik balik na ako sa labas para manghiram ng bagong projector. Ako na rin ang nag ayos nito ayon sa gusto ni Ysmael. Butil ng pawis ay namuo na sa noo ko. Tulad ng mga kateam ko ay kahit na malamig sa loob dahil sa aircon ay todo ang pawis ko.

    Napapalakpak talaga kami nang nakitang gumana na ang projector. Napatingin ako kay Ysmael at nagtaas lang siya ng kilay.

    Hinayaan kong magsalita ang mga ka team ko sa harap habang ako ang nag mamaniobra ng laptop. Tuwing may sinasabing magaling si Ma’am Alice ay napapatingin ako sa board members at kay Ysmael. Nakapangalumbaba siya at lagi kong nahuhuling tumitingin sa akin at nag iiwas agad ng tingin pag napapansin ko.

    “What about you, Miss Marfori? Anong masasabi mo sa presentation?” Tanong niya nang bahagyang sumang ayon ang isang board member sa presentation.

    Napatayo ako sa kinauupuan. Kabado at medyo iritado dahil pinapansin ako ni Ysmael kahit na hindi na naman dapat.

    “Well, I agree with Mr. Almazan, Mr. Aboitiz. And I’m sorry kung hindi gaano ako nakakatulong sa pagpepresenta nito. Because you sent me in Batangas for this seminar. I hope you remember.” Sabi ko.
    Nagtaas siya ng kilay. “Of course, I remember. I remember what happened in Batangas.”

    Napatingin ang apat kong ka team sa akin. Ilang din akong tumingin sa kanila. Kaya habang nag di-deliberate ang tatlo ay inusisa ako ng mga kasama ko.

    “What happened in Batangas, Meg?” Tanong ni Ma’am Alice sa akin.
    “Wala.” Hindi ako makatingin sa kanila.
    “I’m sure may koneksyon kung bakit niya tayo pinapahirapan ngayon. What happened?”
    Umiling ako. “Pinuntahan lang niya ako doon. Bukod don ay wala na.”
    “Pinuntahan ka?” Nagkatinginan silang apat. “That is very unusual. Hindi siya pumupunta sa mga seminars namin.”

    Ilang ulit ko pang sinabi na wala ngang nangyari. Tingin ko ay hindi na rin naman importante na malaman nila iyon. Kung ano man ang nangyari sa Batangas ay akin na lang iyon.

    “I’m not quite convinced with the presentation.” Sabi ni Ysmael at medyo itinapon ang soft copy na hawak niya sa kanyang mesa.

    Kitang kita ko kung paano nagulat at namutla ang mga kasama ko. Kumunot ang noo ko at tiningnang mabuti si Ysmael. Ayaw kong isipin na namemersonal siya pero hindi ko maiwasan iyon.

    “Maybe you should put whatever you learned from that seminar, Miss Marfori, in your presentation? Para mas maging maayos ito.”
    Umigting ang bagang ko. Gusto kong lumaban pero sana ay kung ako lang ang malulunod, gagawin ko. Isang buong team kaming malulunod pag ginawa ko ito kaya pinigilan ko ang sarili ko.
    “W-Wala pong time. Kakarating ko lang kahapon, po, galing Batangas.” Sabi ko.
    “Maybe you should-“

    Kumatok at binuksan ni Fiona ang opisina ni Ysmael kaya naputol siya. Napatingin kaming lahat kay Fiona at ilang buntong hininga galing sa kasamahan ko ang narinig ko.

    “Mr. Aboitiz, an investor representing the company is here with his colleagues. Papapasukin ko po ba?” Tanong ni Fiona.
    “Yes, please, Fiona.” Hindi tinanggal ni Ysmael sa akin ang kanyang titig. “Let’s see kung papasa kaya ito sa investor.”

    Halos lahat ng dugo sa aking ulo ay nanlamig yata. Abot abot ang kalabog ng puso ko nang pumasok ang dalawang naka coat and tie na parehong may dalang atache case. Tumikhim ang mga ka team ko at halos mangatog na si Ma’am Alice.

    “This is the scariest presentation ever!” Nagmura pa siya sa gilid ko.

    And damn I feel so guilty about it. Tingin ko ay ginagawa talaga ito ni Ysmael para pahirapan ko. Yes, may atraso ako sa kanya pero hindi na sana niya dapat dinala sa trabaho ang kung ano mang namagitan sa amin.

    “Oh my God.” Bulong bulong ni Ma’am Alexis habang tinitingnan ko na ang laptop ko.

    Tumayo si Ysmael at ang kanyang mga board members para makipag kamayan sa mga dumating. Napatingin ako sa kanila at nakita kong namilog ang mata ni Ysmael sa tinitingnan niyang pumasok.

    Nilingon ko kaagad at laking gulat ko nang nakita ang diamond earrings ni Noah Elizalde na agaw pansin sa kanyang all black suit at striped grey and black tie. Sumulyap pa siya sa akin, nakataas ang kilay. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at halos malaglag ang panga ko.

    “Good morning, Mr. Aboitiz.” Anang naunang may dalang atache case.
    “Si Mr. Elizalde po ang pinadalang representative ng CPI for today’s presentation. He is an investor of the company and he would like to see the presentation.”

    Naglahad ng kamay si Noah sa dalawang board members samantalang nakatunganga lang si Ysmael sa kanya. Nilagpasan niya ang pag lahad ng kamay kay Ysmael at kitang kita ko ang panunukso sa kanyang titig roon. Umawang ang kanyang bibig at ngumiti pa nang nakita ang reaksyon ni Ysmael.

    “Mr. Elizalde!” Ngiti ng may katabaang board member ni Ysmael. “I’m sorry but we don’t quite like the presentation our team has. We can arrange this meeting tomorrow, if you want.”

    Dinig ko na ang mantra ng tatlo sa likod ko. Pareho silang nakapikit at nag co-cross fingers.

    “Please, gwapo, pakinggan mo muna ang presentation.” bulong bulong ni ma’am Alice.

    “Noah…” Gulat na sinabi ni Ysmael sa wakas. “I didn’t know you’re into business.”
    “I’m not.” Iling ni Noah. “But I like numbers so much.” He said it huskily bago ako nilingon. “Alin diyan ang hindi mo gusto?”
    “Well, I’m sure your CEO won’t approve of this. Hindi pwedeng sa iyo manggaling ang desisyon nito, Noah. You can’t just let them do it because you like it.”

    Parang hindi nakikinig si Noah habang may binubulong sa kanya iyong may dalang atache case. May binigay sa kanyang ilang papel.

    “Sir! Please let us present it again. Pag ayaw niyo ay kaya naman naming gawin ito ng isang araw.” Halos mahisteryang sinabi ni Sir Paolo.

    Sa bawat hawi ni Noah sa mga papel na hinahawakan niya ay may ilang sulat siyang ginagawa at dalawang tuldok sa huli. Kumunot ang noo ko habang tinititigan ko ang ginagawa niya. Nakakunot ang noo niya at nakanguso habang ginagawa iyon.

    “Please, sir. Uhm, Meg, i-play mo ulit.” Desperadong sina ni Sir Paolo.

    Nataranta naman ako kaya dumiretso sa laptop at binuksan ang presentation. Pumagitna sila at nakita ko pang parang hinihika na si Ma’am Alexis dahil sa nangyayari.

    Isa pang tuldok at sinarado ni Noah ang folder. Binigay niya ang ballpen sa katabing may dalang atache case tsaka bumaling kay Ysmael.

    “This is your company. I’m giving you a favor. Tatanggapin ko ang project na ito because I trust your employees. I don’t need to see the presentation. Alam kong magaling ang mga iyan. I don’t know why you’re bringing your own company down by telling me that you are not satisfied, Mr. Aboitiz.” Ngumiti si Noah. “I am very satisfied. You know that?” Nagtaas pa siya ng kilay. “Very damn satisfied.”

    Pumikit ako ng mariin at napahinga ng malalim. Dammit, Elizalde! What are you doing?

    Hindi makapagsalita si Ysmael at pulang pula ang kanyang mukha. Ang dalawang board members ay nakangiti na kay Noah.

    “What do you want, Noah?” Sa galit ni Ysmael ay ito lang ang kanyang naitanong.
    “I want that project done. And after that, I want you to cut her contract, Ysmael.” Banta ni Noah.
    “Noah!” Sabi ko at wala na akong pakealam kung anong isipin ng mga kasama ko sa nangyari.

    Tinaas ni Noah sa ere ang kanyang daliri bilang pagpipigil sa akin. Napatingin si Ysmael sa akin, nanlalaki parin ang mga mata. Bahagya siyang tumawa at bumaling kay Noah.

    “Pano pag di kita susundin?” Tinagilid ni Ysmael ang kanyang ulo. Namumula na ang mga mata sa iritasyon kay Noah.
    Umangat ang gilid ng labi ni Noah. “You’re advertising company will go down.”
    “Mr. Aboitiz, bakit naman hindi?” Tanong ng isang board members.
    “At paano mo iyon gagawin? You don’t have a say on that, Noah. You are not my investor!” Iling ni Ysmael.
    “Majority of your clients are my companies, Ysmael. Might want to check their… investors. What’s common? Elizalde.” Ngiti niya at nilagay ang mga papel sa mesa ni Ysmael.

    Inayos ni Noah ang kanyang coat at tinalikuran ang galit na si Ysmael. Bumaling si Noah sa akin at kumindat. Naka sunod sa kanya ang dalawang naka coat and tie na lalaki bago umalis ng tuluyan sa opisinang iyon.

    Hindi pa kami nakakalabas at wala pang nagsasalita sa amin ay tumunog na ang cellphone ko.

    Noah:
    I like your dress. But then I like you better without it.

    “Megan!” Sunod nang sunod sa akin ang mga ka team ko at hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag sa kanila tungkol sa nangyari.
    “Sino ‘yon? Elizalde? Anak ba siya ‘nong sikat na businessman?” Tanong ni Ma’am Alice.
    “Boyfriend mo, Meg? Anong nangyari sa Batangas?” Tanong naman ni Ma’am Alexis.

    Nasa office na kami at nakaligtas na sa galit ni Ysmael. Hindi naman ako nakaligtas sa kanilang mga tanong.

    “Shall we celebrate? We need to celebrate!” Ani ma’am Alice.
    “Tsaka na lang tayo mag ce-celebrate pag tapos na ang proyekto, Ma’am Alice.” Sabi ni Sir Paolo.

    Nakatingin silang lahat sa akin habang naghahanap naman ako ng tyempo para ma replyan si Noah. Ayaw nila akong tantanan. Iyon yata ang naging laman ng araw namin.

    Tunay ring narinig ko na nahiligan ni Noah ang pag iinvest pero hindi ko inakalang marami na nga siyang nainvest. Kaya pala ang yabang ng Elizalde’ng iyon? Damn!

    Kaya sa opisina ay imbes na trabaho ang inatupag nila ay Google sa computer ang ginawa. Nalaman nila na si Noah ay miyembro ng Zeus at anak nga ng kilalang Elizalde sa mundo ng business.

    “He’s the last Elizalde na bachelor! His brothers are taken at ‘yong unica hija ay wife na rin ni Wade Rivas!” Ani Ma’am Alice.

    Nagsiksikan sila sa computer ni Ma’am Alice samantalang nagtitimpla ako ng kape. Hindi ko sinasagot ang mga tanong nila dahil hindi ko nakukuha kung ano ang pangangailangan non.

    “Oh my God, Meg!” Halos manggigil si Ma’am Alice sa mga nababasa.
    “Sandali lang, sandali lang… May gig siya dito, oh?”

    Napatingin ako sa tinitingnan nilang mga images sa Google. May ilan doong bago galing sa tour nila.

    “Oh… Crush siya ni Diva?” Nilingon nila ako.
    Kumunot ang noo ko. “Baka.”

    Ni zoom nila ang ilang pictures na magkasama sila. Si Noah ay nag gigitara habang nakatitig sa kanya si Diva. May ilan rin doong magkahawak sila ng kamay. Well, sa picture na original ay lima silang magkahawak kamay pagkatapos mag bow sa audience. I’ve seen that. Warren, Joey, Stan, Diva, and Noah. Ganyan ang kanilang mga posisyon at magkahawak kamay. Only that in this particular picture, ni crop ang ibang miyembro at silang dalawa lang ni Noah ang nasa picture.

    “I’ve seen that one.” Sabi ko at uminom sa kape.

    May pinakita pa silang interview ni Diva. Puno ng make up ang kanyang mukha at masyadong malaki ang extension ng eyelashes niya habang kumukurap siya at nagpapacute sa media.

    “Well, wala po akong boyfriend ngayon. But I’m in love.” Makahulugan ang ngiti niya.
    “Isa ba sa mga miyembro ng Zeus ang nagpapatibok sa iyong puso?” Tanong ng nag iinterview.
    Tumawa lang siya at umalis. Naputol ang interview sa ganon.

    Umirap ako. “Show business. You know what happened between Wade Rivas and Shan?” Sabi ko, binabanggit ang sikat ring miyembro ng banda na ginawan ng issue sa isang TV host na wala namang katotohanan. “Ganyan ‘yan.”

    Ipinagkibit balikat ko ang lahat ng iyon. Lalo na’t tuwing naiisip kong si Noah ang susundo sa akin sa gabing iyon. Nothing else mattered.

    Kinuha ako ni Noah sa gabing iyon at nagyaya pang pumunta daw sa bahay nina Rozen. May kaonting salu salo kasi doon. Naroon ang kanyang mommy, daddy, bunsong kapatid na si Reina, Rozen, Wade, at si Coreen.

    Kumunot ang noo ko. “Anong meron? And where’s Dashiel?” Tanong ko.
    “You should call him Kuya Dashiel from now on.” Kumunot rin ang noo niya nang tumingin siya sa akin.
    “Bakit?” Tanong ko.
    “You should also call Rozen, Kuya Rozen.” Aniya nakatingin parin sa daanan at masungit na naman ang mukha.
    Ngumiwi ako. “That would be awkward. I’ve known Rozen for like, years. It’s like you are asking me to call Ysmael ‘kuya'” Tumawa ako.

    Habang nagsasalita ako at tumatawa ay nilagay niya ang kanyang kamay sa aking hita at bahagya itong hinimas. Mabilis ko itong hinawi.

    “Noah!” Saway ko.
    Bumaling siya sa akin. “What?” Umirap siya.
    “Tumigil ka nga. Papunta tayo sa bahay nina Rozen. Okay, Kuya Rozen.”
    “I should take care of my belongings. I’m taking care of you.” Aniya at nilagay ulit ang kanyang kamay sa aking hita.
    “Taking care?” Sabi ko at hinawi ulit ito, umiiling. “Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa opisina kanina. Galit si Ysmael. Tingin ko ay pag iinitan ako non sa opisina.”
    Tumikhim siya at nilagay pa ulit ang kamay niya. Ang kulit talaga ng masungit na ito. “Ang yabang, e. Dapat lang ay malaman niya na Elizalde ka kaya hindi dapat siya nagyayabang.”
    “Anong mayabang? Ikaw nga itong mayabang!” Sabi ko natatawa.
    Bumaling siya sa akin habang niliko ang sasakyan sa bahay nina Rozen. Ngumuso siya at nagtaas ng kilay.
    “Hindi bale. Diyan mo ko nakuha, e. Sa kayabangan.” Nag iwas ako ng tingin.

    Ang kamay na nasa hita ko ay hinuli ang kamay ko. Nilingon ko siya at seryoso ang kanyang mga mata habang pinapark sa garahe ang kanyang sasakyan. Pagkatapos gawin iyon ay nilingon niya ako at hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko para hindi makapanlaban sa kanyang ginawang halik. Damn it! Hindi ako lalaban, Noah. Alright?

    Kumalabog ang pintuan sa banda ko at sa gulat ay napatalon ako at natigil sa pag halik kay Noah. Nilingon ko ang natatawang si Rozen sa labas.

    “Noah.” Sabi ko dahil hindi siya natinag roon.

    Umirap si Noah at tumikhim. Pinasadahan niya ang kanyang buhok ng mga daliri. Inayos ko ang sarili ko at biglaang naging kabado sa pag iisip na nandito ang kanyang parents.

    Lumabas si Noah sa pintuan. Umamba rin akong lalabas ngunit pinagbuksan ako ni Rozen.

    “Salamat.” Sabi ko at nang nakarating si Noah malapit sa pintuan ko at tinulak niya ito sa braso.
    Natatawa si Rozen sa ginawa ng kapatid. “Oh! Oh!” Ani Rozen. “Chill!”
    “Lang hiya ka talaga.” Sabi ni Noah.
    “Pinagbuksan ko lang ng pinto, e.” Ani Rozen na agad umatras, natatawa.

    Biglang nagpakita si Coreen sa gilid ni Rozen. Nagtataka sa nangyari. Hinawakan niya kaagad ang braso ni Rozen.

    “Noah!” Ani Coreen at niyakap agad si Noah.

    Ngumuso ako at bumaling si Noah sa akin ng nakataas ang kilay at may mala demonyong ngiti. Bumaling si Coreen sa akin at ngumiti rin pagkatapos yumakap.

    “Megan!” Aniya at yumakap na rin sa akin. Niyakap ko siya pabalik habang nakatingin at nakataas parin ang kilay ni Noah sa akin. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. “Pasok kayo. Rozen, ayusin mo na nga ‘yong ginagawa mong barbecue!” Ani Coreen.
    “Fine, babe.” Ani Rozen at hinaplos ang pisngi ni Coreen.
    “Nandyan ba si mommy?” Tanong ni Noah kay Coreen.
    “Yup. Nandito na rin si Wade at Reina. Parehong nasa garden at nagluluto ng barbecue.” Ani Coreen. “Tara!”

    Sabay na naglakad si Rozen at Coreen patungo sa loob ng kanilang bahay. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito. Ganon rin ang ginawa ni Noah. Puti ang kulay halos lahat ng furniture at kahit na moderno ay kita mo parin ang pagiging classic nito. Puting tiles ang gamit sa flooring at malawak ang sala nito.

    Hinawakan ni Noah ang kamay ko at nilingon ko siya. Tinagilid niya ang ulo niya sa sofa’ng naka hilera at pati na rin sa sahig na puting puti. Ngumuso siya.

    “Anong tinitingnan mo?” Tanong ko.
    Umiling siya at bumaling sa akin. Nagtaas ulit ng kilay at hayan na naman ang pilyong ngisi.
    Kumunot ang noo ko. “What’s on your mind, Noah?”
    “Why are you so curious, miss?”
    Nanliit ang mata ko. Kung hindi kami tinawag na dalawa patungo sa kanilang garden ay siguro’y nagkahalikan na kami roon dahil sa pilyong titig niya. “Tara na daw.” Sabi ko.
    “Pagkatapos ng birthday mo, punta tayo sa bahay, a?” Aniya.
    Bumaling ako sa kanya at imbes na magtanong ay nakipag high five siya kay Wade at yumakap naman kay Reina.

    “Hi!” Bati ko kay Reina at nag beso siya sa akin. Naka maroon na dress at pormal na pormal si Reina. Si Wade naman ay simpleng v neck grey t shirt at maong. Sa harap nila ay nag gi-grill ng barbecue.

    “Coreen, pumasok ba kayong kitchen?” Tanong ni Reina sa bestfriend.
    Umiling si Coreen. Habang ang kamay naman ni Noah ay dumantay sa aking baywang habang nakikipagtawanan kay Wade.
    “Ate Meg, puntahan natin si mommy at daddy sa kitchen?” Tanong ni Reina.
    “Uhm…” Tumango ako at nahihiya pang sumunod. “Noah, sa kitchen lang daw kami ni Reina.” Sabi ko para maiwan ko siya.
    Tinitigan niya ako bago bumaling kina Wade. “Sa kitchen lang daw kami.” Aniya.
    “Tang ina, Noah, bitiwan mo naman si Megan minsan.” Tawa ni Rozen. “So damn whipped.” Nagtawanan sila at wala akong ginawa kundi umiling at kabahan.
    Minura lang ni Noah si Rozen at Wade bago sumunod sa aming dalawa ni Reina patungo sa kitchen kung nasaan nakaupo ang mommy at daddy nila sa counter.

    Umaliwalas ang mukha ng kanyang mommy nang nakita ako. Nakahawak ng wineglass ang kanyang daddy at pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kitchen.

    Humalik si Noah sa kanyang mommy at nagmano sa kanyang daddy. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanilang dalawa.

    “Megan Marfori. Hindi ba ay nagkakilala na tayo noong highschool pa lang ang anak ko?” Nakangiting sinabi ni Mrs. Elizalde sa akin.
    Tumingin ako kay Noah bago tumango. Lumapit si Noah sa kanyang daddy at kahit sa akin nakatingin si Mr. Elizalde ay mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.
    “Opo. Ako po iyon.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
    “Mom, natapos niyo na po ba iyong ginawang salad?” Tanong ni Reina.
    “Yes, hija. Nilapag ko iyon sa mesa.” Sabay tingin ng kanyang mommy sa maliit na mesa bago ngumiti ulit sa akin.
    Umambang may sasabihin si Mrs Elizalde sa akin nang biglang nagsalita si Noah. “Birthday ni Megan this Satruday, mom. You all should be there.” Ani Noah.
    “Oh!” Namilog ang mata ni Mrs. Elizalde at bumaling sa akin. “Advance happy birthday! Sige! Dadalo kami! Is it okay? How about your mom and dad, hija?” Tanong niya sa akin.
    “Actually inimbitahan po kayo ni mommy at daddy.” Nahihiya kong sinabi.
    “That’s great!” Ani Mrs. Elizalde at pumalakpak pa.

    Napatingin si Reina sa akin at ngumiti na rin. Nginitian ko siya pabalik.

    “So, Noah… what can you say? Wala pa kaming napipili ni Wade na bahay. You know… Nalilito pa ako. Mabuti pa si Rozen at tinulungan ni daddy.” Ani Reina.
    “Tulad nito…” Sabi ni Noah. “Only wider garage, sala, and instead of white tiles ay red carpet iyong pinili ko.” Hindi ko iyon makuha kaya tiningnan ko na lang si Noah.
    Tumango si Reina. “So you did buy a house, huh?”
    Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Luminga ako sa magkapatid. Tumawa lang si Mrs Elizalde.
    “You might be surprised, Reina. Nauna siyang bumili kay Rozen.” Ani Mr. Elizalde at uminom ng wine.

  • Kabanata 55Open or Close

    Kabanata 55
    Noah’s Story

    Tahimik ako habang nasa hapag. Parehong maingay si Rozen at Coreen habang kumakain kami. At ibang klase din kung mag usap si Mr. Elizalde, Noah, at Rozen tungkol sa business. Paminsan minsan ay sinasali pa nila si Wade na mukhang may interes din sa business.

    “Meg! Do you drink?” Ngiti ni Reina nang napansin na tinitingnan ko silang nag uusap pagkatapos kumain.
    Tumango ako at tiningnan ang isang bote ng beer na dala niya. Pero bago ko pa iyon mainuman ay bumaling na si Noah sa akin at sumimangot. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. “No alcohol.”
    Ngumiwi ako sa kanya. “It’s just beer. Nagiging OA ka. Alam kong may pagkakamali ako nong uminom ako at nalasing pero-“
    “No buts.” Aniya at hinalikan ang gilid ng aking tainga bago bumaling ulit sa kanyang daddy at nagpatuloy sa pinag uusapan.
    “Ang OA mo, Noah!” Sabi ni Reina at kinuha ang bote ng beer pagkatapos ay nagmartsa pabalik sa kitchen.
    “Sorry, baby.” Sabi ni Noah sa kapatid.

    Nakita ko ang mga mata ni Wade na sumusunod sa kung saan pumunta si Reina. Habang si Coreen naman sa harap ko ay patuloy na kumakain ng paunti-onti. Nagtawanan ang mga lalaki dahil sa pinag uusapan nang biglang naging seryoso.

    “Itutuloy mo na hindi ka mag rerenew ng contract, Wade?” Tanong ni Rozen kay Wade.
    “Pinag iisipan ko pang mabuti. Nairenew ko na ang three-year contract ko sa Moon. But then I’m thinking pag bubuo na kami ng pamilya ni Reina ay gusto kong lagi akong nariyan. I hate tours. I mean, I like it when Reina’s with me, pero kung magpapamilya na kami ay hindi naman yata pwedeng sumama siya palagi sa akin.”
    Tumango si Mr. Elizalde sa sinabi ni Wade kaya nag usap ulit sila ng tungkol sa business.
    “Hmmm. Ayan na naman ba ang pinag uusapan ninyo?” Sabi ni Reina nang nakabalik sa hapag. “Stop it, Wade. Your fans need you. And that’s your passion. Ever since, hindi ba? Hindi naman ibig sabihin na pag tinuloy mo pa iyan ay hindi ka na magiging mabuting ama.” Lumapit siya kay Wade at agad pinulupot ni Wade ang kanyang braso sa baywang ni Reina at hinalikan ang kamay.
    “Mag gi-give way na ang Going South sa Zeus!” Tawa ni Rozen.
    “Iba ang genre nina Noah, Rozen. Kaya paniguradong hindi sila maikukumpara.” Ani Coreen at sinubo ang isa pang barbecue.
    “Wade, pwede mo namang sabihin kay mommy na mag la-lie low muna kayo. And besides, kawawa naman ang mga kasama mo sa Going South.” Sabi ko.
    “Gusto na rin naman ni Adam na mag concentrate sa kanyang pamilya. We have been number one for years. We have enough funds for a lifetime.” Ani Wade at huminga siya ng malalim, yakap parin si Reina.
    “Surely this is not just about the funds? Kasi kaya kong iwan ang Zeus at mag concentrate sa pag iinvest at mag travel na lang kasama si Megan kung gusto ko. I love music at isa pa, ganon rin ang mga kasama ko sa Zeus. If we can do this together, then why not, hindi ba?” Ngiti ni Noah habang inaakbayan ako.
    Tumango ako sa sinabi niya. “He’s right, Wade. It’s about your passion.” Sabi ko.

    Iyon ang naging laman ng aming pag uusap buong gabi. Kaya inisip ko ring tulungan si Wade tungkol doon lalo na sa pakikipag usap kay mommy. Kaya lang ay sa linggong ito ay kung hindi trabaho ang pinagkakaabalahan ko ay iyong birthday kong nalalapit naman.

    Si Noah pa ang nagmamaneho sa akin nang kunin ko ang dress ko pagdating ng Biyernes. Gusto niyang araw-araw akong sunduin kahit na imposible iyon dahil sa hectic ang schedule niya. Kaya sa Biyernes ay sinadya kong magpagabi, inaayos ang trabaho at naghihintay na rin kay Noah.

    “May susuotin na ba kayo?” Tanong ni Ma’am Alice kay Ma’am Alexis habang abala ako sa pag iedit.

    Inimbitahan ko ang ka team ko sa aking birthday. Maging si Ysmael ay imbitado. Ganon kasi ang bilin ni daddy. Aniya’y minsan na silang nagkakilala dahil na rin sa nature ng business nila. Kaya binigay ko na lang kay Fiona ang imbitasyong para sa kanya. Hindi na kasi kami nagkita nitong mga sumunod na araw dahil abala din siya sa mga meeting. Inisip ko ngang iniiwasan niya rin ako. I need to somehow say sorry but how can I do that? Dahil tingin ko ay patong patong na ang galit niya sa akin.

    Pinaglalaruan ni Noah ang kanyang daliri sa sofa nang lumabas ako sa fitting room. Lumipat ang mga daliri niya sa kanyang labi at tiningnan akong mabuti. Walang ekspresyon sa mukha.

    “Ang ganda!” Anang assistant nong designer na wala na roon dahil ginabi na kami sa pag kuha.

    Tinagilid ko ang ulo ko dahil bigat lang sa mga mata ni Noah ang nakita ko. Hindi ko alam kung nagandahan ba siya o hindi.

    “What do you think, Noah?” Tanong ko.

    Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo niya.

    “Ho! Nagandahan si sir kaya speechless!” Sabi nong assistant at pumalakpak pa.
    Uminit ang pisngi ko lalo na nang napansin ang bigat ulit sa kanyang mga mata. Tinalikuran ko ang papalapit na si Noah at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa loob ng fitting room.
    “Can I ask for a glass of water, please?” Baling ni Noah sa assistant na agad nataranta. Damn he’s always so intense!
    “Sure po! Sure!” Aniya at mabilis na umalis ang assistant na tanging naroon sa may fitting room bukod sa amin.
    “Ano, Noah? Maganda ba?” Tanong ko.

    Hinaplos niya ang baywang ko at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking tiyan habang ang kanyang labi ay lumalapat na sa aking leeg. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Ang itim na long dress na suot ko ay kumikinang ng husto sa lights ng fitting room. Ang mga sequins at kristal na ginamit ay hinaplos ni Noah mula dibdib ko pababa, dahan-dahan.

    “Very beautiful.” Bulong ni Noah. “But then I like you most when you’re wearing me.”

    Huminga siya ng malalim sa aking leeg na kitang kita dahil sa mababang neckline nito. Kinagat ko ang labi ko at may kung anong kuryente ang namuo sa aking batok.

    “Noah, seriously.” Sabi ko.
    Hinaplos niyang muli pataas ang damit ko. Ang medyo nakikitang cleavage ay tinaas niya para matabunan ng konti. “‘Yong akin ay akin lang dapat. Hindi pinapakita.” Aniya.
    “Heto na po ang tubig!” Natarantang sinabi nong assistant.

    Maging ako ay nataranta kaya bahagya kong naitulak si Noah palayo sa akin nang harapin siya. Kitang kita ang pagkakailang sa mukha nong babae at nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa baso. Hindi natinag si Noah. Naroon lang siya sa aking likod at nanatiling nakapulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.

    “Ilagay mo lang sa mesa.” Aniya sa malamig na tono.
    “Okay po!” Sabi nong babae.
    “Sandali lang, Miss.” Sabi ko nang napansing nagdadalawang isip siyang umalis o hindi.
    “Po?” Aniya at bumaling sa akin.
    “Okay na ‘to. Tatanggalin ko na.” Ngiti ko sa kanya.
    “Why don’t you let me?” Bulong ni Noah at hinalikan niya ang aking balikat.
    Umirap ako. “Noah…” at bumaling sa kanya.
    Ngumisi siya at tinanggal ang kamay na nakapulupot sa katawan ko. “Alright, alright!”
    Umiling ako at hindi ko napigilan ang pag ngisi.

    Pagkauwi namin ay busy na rin sa bahay dahil sa mangyayari kinabukasan. Kabado pa ako sa dami ng media na inimbitahan ni mommy. What is this? Birthday of the Year? Mom really likes flashy things. Siguro ay dahil na rin sa trabaho niya ay nasanay siyang ganito.

    Naisip ko tuloy na mabuti na lang talaga na nasa U.S. ako habang papasikat pa lang ang Moon Records. Dahil kung narito ako ay paniguradong tuwing birthday ko ay ganito ka bongga. I’m satisfied with just a few family members, friends, food, that’s all. Pero hindi yata iyon pwede kay Alejandra Marfori.

    Umaga ng birthday ko ay abala na ang lahat sa mangyayari. Habang naliligo ako ay dinala ko ang cellphone ko sa bathroom. Tunog ito nang tunog dahil sa sari saring bati galing sa mga kaibigan ko. Tuwing tumutunog ay pinapatay ko ang shower at tinitingnan kung si Noah ba ang nag text.

    Tuwing hindi ay bumabalik ako sa shower para maligo ulit. Inisip kong baka ay tulog pa siya kaya ganon ngunit nang nag tanghali at pumunta na ako sa hotel kung saan gaganapin ay hindi parin siya nag text. Naroon na ang make up artist at ilang photographers, naghahanda sa event at sa mga behind the scenes.

    “Naku, Megan. Bitiwan mo muna iyang cellphone mo. We’ll have to shoot.” Ani Hugo, ang bading na kaibigan ni mommy pagkatapos akong makitang tingin nang tingin doon.
    Ngumiti ako at pumikit nang lagyan ulit ng eyeshadow ang mata ko. “Hugo, tingin mo dadalo ‘yong mga inimbitahan ni mommy at daddy na mga businessman?”
    “Of course! Pag ang mga Marfori na ang mag papasabog ng party ay paniguradong dadaluhan ng lahat. Lalabas ito sa magazines, Megan. Hindi mo ba alam iyon?” Kumunot ang noo niya.
    Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan ang artist na gawin ang mukha ko para sa gabing iyon.

    Mga bulaklak ay nagdagsaan sa suite ko. Iba-iba at malalaki. Ang bawat isa ay tiningnan ko at hinanap kung naroon ba kay Noah. Hindi nagpaparamdam ang isang iyon. Napaparanoid na ako! Pupunta kaya iyon? Dalawa lang iyan: may sorpresa o nagpapa miss lang!

    “Sino? Sino?” Dinig ko ang boses ni Hugo habang tatlong camera ang nakatutok sa akin.

    Sa salamin ay kitang kita ko kung paano siya tumango sa at nagkukunot ang noo sa bawat pagbabalita ng kanyang assistant sa kung ano. Hindi ko naman matanggal ang ngiti ko dahil sa nakatutok na camera.

    “Okay, ‘yong gown niya naman.” Sabi nong photographer at doon naman sila dumagsa sa gown kong naka damit sa mannequin.

    Bumaling ako kay Hugo at umiiling siya sa pakikipag usap sa kanyang assistant. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang naka kulay champagne dress na si Diva at ang isa pang bading na kaibigan din ni mommy.

    “Diva!” Sabi ni Hugo at nilapitan agad si Diva na nakapasok na sa aking suite. “You look so pretty!”
    “Thanks, Hugo.” Nagkibit balikat si Diva.
    “Sino may gawa ng gown mo?” Tanong ni Hugo.
    “The usual, Hugo. Alam mo naman ako, kung sino ang first love, siya na talaga rin ang huli.” Tumawa si Diva at makahulugang nginitian si Hugo.
    “Hugo, what do you think? Sasabihin ba natin kay madame?” Tanong ng kararating na bading.
    “We should. Dapat ay hindi na kasi dagdag sakit sa ulo ito pero kung involve ang kanyang pamangkin-“
    “What is it, Hugo?” Hindi ko na naiwasan ang pagsasalita.

    Napatingin silang apat sa akin. Sumulyap ako kay Diva na ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik pero agad ding ibinalik ang tingin kay Hugo.

    “Dear…” Ngisi niya at naglakad pabalik sa akin. “Wala ito. Relax!”
    “Sinong pamangkin? Everlyse o si Stan?” Tanong ko, hindi pumapasa ang kanyang pag ngisi.
    Tumikhim siya at bumaling sa bading at sa babaeng bumubulong sa kanya kanina. “Nasa suite niya na ba si Everlyse Marfori?” Tanong niya.
    Umiling ang dalawa. Bumaling ulit si Hugo sa akin.
    “Atin atin lang muna ito, Megan. Ayaw kong ma stress ang mommy mo at birthday mo pa naman ngayon.” Tikhim niya.
    Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya tungkol sa mga pinsan ko kaya tumahimik ako at nakinig.
    “Nag aaway-away ang Zeus ngayon. ‘Yong pinsan mong vocalist, si Stan, medyo mainit ang ulo kanina nang dumating sa venue. Nakuhanan iyong pagtatalo nila nong drummer ng Zeus kaya baka maging issue pa ito.” Iling ni Hugo.
    “What? Why? Ba’t sila nag away?” Tanong ko, nalilito.
    “Ganyan talaga, Hugo. Noah will need to sacrifice one. He needs to choose. He can’t have both. Career or lovelife.” Ani Diva na ngayon ay sumasandal na sa isang sofa ng suite ko.

    May pumasok pa roong isa pang make up artist at may sinabi sa kanya. Bumaling ako kay Hugo.

    “What’s wrong with Noah?” Tanong ko.
    “Hindi niya sinabi but somehow, nakarating ang balita na aalis siya sa grupo. And Stan is furious about it.” Ani Hugo.
    “Aalis si Noah?” Gulat kong sinabi.

    Hindi ko alam kung alam ba ng mga tao rito na may koneksyon kami ni Noah. Bago pa lang kami at hindi pa namin naipapakita sa lahat na kami na nga dahil sa pagiging busy nitong mga nakaraang araw.

    “Ganyan talaga, no? Like Wade Rivas. Kung hindi siya natali sa kanyang wife ay hindi siya mag iisip na umalis sa grupo. Kung hindi sana siya nagpakasal ay buong buo ang Going South in the next years.” Iling nong babae na kilala ko bilang Ludy.
    “Why? Magpapakasal na ba si Noah?” Tanong ko, nalilito.
    Tumawa si Diva habang inaayos ng kanyang artist ang kanyang buhok. “Maybe? We don’t know. I mean, it has to be life changing. Iyong dahilan ng pag alis niya. I’ve known Noah for a quite long time at ang masasabi ko ay passionate siya sa musika, mahal niya ang banda at lalong lalo na ang mga kaibigan niya kaya kung ano mang higit pang bagay roon ang nakapagpabago sa isip niya ay paniguradong importante iyon.” Nagkibit balikat ako.
    Hindi na maitsura ang mukha ko habang nakikinig kay Diva. Hindi ako makapagsalita. Kanino magpapakasal si Noah? Sa akin? But then why would he leave the group?

    “Miss Diva, pwede bang magpapicture kayong dalawa ni Miss Marfori?” Tanong nong isang photographer.
    “Sure!” Sabi ni Diva at bumaling sa akin. Tumayo siya samantalang tulala pa ako. Maraming naglalarong tanong sa aking utak.
    “Megan.” Tango ni Hugo sa akin.
    Tumango ako at tumayo na rin para tumabi kay Diva at magpapicture.
    “Fantastic!” Ngisi ni Hugo habang kinakalabit na naman siya noong bading sa kanyang gilid. Iritado siyang tumingin rito at may ipinakita pa ito sa kanyang iPod. “Holy shit!” Sigaw ni Hugo at nagtakip ng bibig, nanlalaki ang mga mata.
    “Puntahan natin si Madame.” Sabi nong babae.
    “What happened?” Tanong ko, kinakabahan.

    Bumaling rin si Diva sa kanila at ang mga photographers ay abala naman ngayon sa invitation, sa sapatos ko, sa iba pang detalye sa aking birthday.

    “Dear, magpaganda ka lang diyan. Puntahan muna namin si Madame. You don’t need to know all of these.” Iling niya at silang tatlo agad ang lumabas.

    Nanatili ang titig ko sa pintuan habang si Diva ay nakahalukipkip at lumapit sa akin. Inayos niya ang kanyang buhok, nakatingin sa salaming attached sa tukador na ginagamit ko.

    “Ano ‘yon?” Tanong ko, nagtataka parin sa nangyari.
    Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam. Maybe still about Zeus.”
    Nakatingin ulit ako sa pintuan, kinakabahan. Hindi matanggal sa akin ang galit ni Stan at ang desisyon ni Noah. Bakit niya iyon gagawin? Kinuha ko ang cellphone kong nasa harap ng tukador at mabilis na hinanap ang pangalan ni Noah.
    “Alam mo bang ayaw ng manager ng Zeus ang magpakasal ang kahit sino sa kanila? Alam kasi nila na pag ganon ay baka mawasak ang banda.” Ani Diva na siyang dahilan kung bakit natigil ako sa paghahanap sa numero ni Noah.
    “I know. We’ve been in this business for years. Ganon talaga.” Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking tono.
    “Kaya sayang si Wade kung aalis siya. Kung aalis siya. Hindi pa naman yata iyon sigurado. And for Noah, sayang at rising ang Zeus. Kung aalis siya ay paniguradong manghihinayang siya sa maaabot nina Stan. Iyon ay kung buo parin ba ang Zeus pag alis niya.”

    Gusto kong sabihin na ilang beses silang nawalan ng vocalist at hanggang ngayon ay buo parin naman sila. But then I don’t want him to walk out of Zeus just because they can manage it without him! Gusto kong parte siya doon. Hinangaan ko siya noon dahil sa pagmamahal niya sa musika at sa paghahabol sa kanyang pangarap. Ngayon na nagtatagumpay na sila ay dapat niya iyong gawin!

    “Kawawa naman sina Stan, Warren, at Joey.” Sabi ni Diva at umiling pa siya bago tumingin sa akin.
    Hindi na maitsura ang pag aalala ko. Isang kalabit na lang at tatawagan ko na si Noah.
    “I know he’s going to propose to you now.” Seryoso niyang sinabi sa akin.
    Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pero dahil sa mga sinabi ni Hugo kanina ay nasindak ako sa siniwalat ni Diva.
    “Don’t allow that to happen if you can help it. Sayang ang Zeus. And I know what’s between you two…” Aniya. “Alam kong bago pa lang kayo. Magpapakasal agad kayo?”
    “Thanks, but I think ako ang dapat magdesisyon niyan.” Nanliit ang mata ko.
    Ngumiti siya, nanunuya. “I know Noah’s story. How he pursued Coreen and failed because of his brother. Hindi mo ba napansin na tsaka ka lang niya niligawan nong nagpakasal na si Rozen at Coreen? Hindi kaya ginagawa ka lang niyang panakip butas?” Tinagilid niya ang kanyang ulo.
    “P-Paano mo nalaman ang lahat ng iyan?” Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko siya nito.

    Gusto kong magpakatatag pero ang mga salita niya ay nanunusok sa aking kalamnan. I know all the fucking facts! I don’t need anyone to enumerate anything!

  • Kabanata 56Open or Close

    Kabanata 56
    Be My Wife

    Ngumisi lang ng husto si Diva sa tanong ko. Mabilis ang pintig ng puso ko at nanginginig ang kamay ko habang binalik ang atensyon sa cellphone para ma-dial ang numero ni Noah. Napatingin ako kay Diva habang dinidinig sa aking cellphone ang pagri-ring ng kabilang linya.

    “I’ve been Noah’s friend for a quite long time, Meg. Kung gusto mong kumpirmahin ay pwede mo siyang tanungin.” Aniya at bahagyang hinaplos ang aking upuan.

    Hindi sumasagot si Noah kaya ni dial ko pa ulit ang kanyang numero. Come on, Noah! Pick it up!

    “Sinasabi ko lang na pag isipan mong mabuti. Do you really know Noah Elizalde?” Nanliit ang mata ni Diva sa akin.
    “I’ve known him and love him ever since, Diva. Kung iyan ang gusto mong malaman.” Nanginig ang boses ko ngunit nagsikap akong magpakatatag.

    Hindi parin sinagot ni Noah ang kanyang cellphone. Binaba ko ang aking cellphone at tiningnan para makapag text man lang. Sana ay mag reply na siya this time.

    “I hope so… Make sure you’re not his rebound. Make sure you’re not his last resort. Make sure you know everything.” Ani Diva bago niya hinawi ang kanyang buhok at tumalikod.

    Napalunok ako habang tinitingnan siya palabas ng suite. No, Megan. No one can shake your faith. Nothing can…

    Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Inisip ko lahat lahat ng sakit na indinulot ko kay Noah at lahat ng sakit na idinulot niya rin sa akin. I need to forgive. He’s forgiven me. Inisip kong sinabi ni Diva na bakit tsaka niya lang ako niligawan nong magpapakasal na si Coreen. Ganon ba kasakit na hindi niya kayang walang panakip butas? Pisikal na sakit ang naramdaman ko sa aking puso.

    Ano nga ba ang nasa isip ni Noah?

    “Miss Marfori, tara sa labas. Mag pi-pictorial muna tayo.” Ngiti ng photographer habang nakakunot pa ang noo ko.
    Huminga ako ng malalim at pumayag na.

    Pilit na ngiti ang ibinalandra ko habang kinukuhanan nila ako ng picture. I feel so damn fucked up. Sa likod nitong maganda kong gown at mukha ay para akong bulkan na kaonting kalabit na lang ay maaari nang sumabog.

    “Nice one, Megan!” Anang photographer habang ginagawa ko ang seryosong pose na kanyang dinirekta.
    “The party’s in five minutes. Wrap up na kayo.” Sabi ni Hugo, pagkarating niya roon. Luminga pa siya na parang may hinahanap.
    “Okay na. Sa pagbaba niya naman.” Sabi ng photographer.

    Nang nakawala ako sa kanila ay mabilis kong nilapitan si Hugo kahit na dalawang artist ang lumapit sa akin para ayusin ang make up ko at ang damit ko.

    “Hugo, what’s wrong? Anong problema kanina?” Tanong ko, natataranta.
    Umirap siya. “Just an old picture, Meg. Old picture of Diva na kumalat sa internet. That’s the problem with publicists. Minsan kahit ano na lang talaga-“
    “Anong picture?” Luminga rin ako, hinahanap si Diva.

    Hinawi ko pa ang kamay ng artist na patuloy na naglalagay ng blush sa akin. Medyo pinagpawisan kasi ako sa shoot na ginawa.

    “Nong di pa siya sikat. It’s in a bar. She’s kissing someone.” Nagkibit balikat siya at hindi makatingin sa akin.
    Kumunot ang noo ko. Magtatanong pa sana ako ngunit naging abala siya a pagtatawag ng mga artist para dumiretso na sa backstage ng unang palapag kung saan gaganapin ang aking birthday.

    Lumapit sa akin ang coordinator at inutusan niya akong bumaba na at nasa venue na ang guests. May ipinakita pa siyang listahan sa akin ng guests para alam ko kung sinu-sino na ang naroon.

    Ysmael Aboitiz, Wade Rivas, Reina Rivas, Rozen Elizalde, Coreen Elizalde. Pati ang mga magulang ni Noah ay naroon na. Naroon na rin sina Stan, Everlyse, Carlos, Warren, Joey, ngunit wala akong Noah na nakita.

    Kinuha ko ang cellphone ko at binigyan siya ng isang text na nagtatanong kung nasaan na siya at bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko.

    “Megan, keep your phone or give it to me.” Sabi ng coordinator kaya agad kong binaba ang kamay ko.
    “Ayos lang. Sakin lang ito.” Sabi ko.

    Pagkapasok ko sa venue ay lumingon ang lahat sa akin. Sa gilid ko ang mga fountain na umalab sa bawat hakbang ko. Sinalubong ako ni Everlyse, Stan, Wella, at kung sinu-sino pang kaibigan na bumabati.

    “Happy birthday!” Kindat ni Everlyse sa akin habang ilang camera ang nakatutok sa pagbebeso naming dalawa.

    Hilung hilo ako sa mga taong naroon. Medyo sumakit ang ulo ko sa kakalingon sa mga bumati. Nginitian ko sila at nagpasalamat. Ni hindi ko pa napasadahan ng tingin ang lugar na punong puno ng bulaklak at halaman. Para kaming nasa gubat ng mga bulaklak sa ilalim ng madilim na gabi.

    Mga kandila at lampara ang tanging ilaw roon. Ang puting lights sa itaas ay nagsilbing parang mga bituin. Ang bawat yakap sa mga kakilala ko at bawat bati nila ay nagpainit sa aking puso.

    “Happy birthday, Meg!” Kitang kita ko sa ekspresyon ni Stan ang pagod. Hinawakan ko kaagad ang braso niya.
    “I know what happened. Where’s Noah?” Tanong ko.
    “What? What do you mean?” Nagmaang maangan pa siya.
    Ngumiwi ako. Gusto niyang pagtakpan ang lahat.
    Huminga siya ng malalim at tinalikuran ako. Natabunan siya kaagad ng ilang kakilalang naroon din para bumati. Sa gilid ko ay sina Warren at Joey na halos hindi makatingin sa mga mata ko habang binabati ako.
    “Joey!” Tawag ko nang tinalikuran nila ako pagkatapos ng ilang picture at bati.
    Pagod niya akong nginitian.
    “Ayos lang kayo?” Tanong ko.
    Tumango siya. “Oo naman. Bakit hindi? Enjoy your night, Meg!” Sabi niya bago ako tinalikuran.

    Fuck, how can I enjoy this night, really? Ilan pang artistang kilala at mga producers ang nagpapicture bago ako tuluyang nakahinga at napadpad sa unahang mga table kung nasaan si daddy at mommy kasama ang ilang business partners. Namataan ko si Ysmael sa kanilang mesa. Malamig ang titig niya sa akin at para bang iba ako sa kanya. Ngumiti ako ngunit masyado akong naging abala sa pag pasada ng tingin sa mga naroon imbes sa paghihintay sa kanyang ngiti pabalik.

    “Happy birthday, Megan…” Medyo malamyang bati ni Coreen sa akin.

    Humaplos ang kanyang tiyan sa akin. Natigilan ako. Napawi ang pilit kong ngiti nang hinarap ko siya. Sa kanyang likod ay kitang kita ko ang tingin ni Diva kasama ang iilang artistang nakakontrata sa aming kompanya.

    “Happy birthday!” Ngisi ni Rozen na nasa tabi ni Coreen.
    “Salamat.” Yumuko ako at tumango, hindi maintindihan ang nararamdaman.
    Nang inangat ko ang tingin ko sa kay Coreen ay kita ko parin ang ngiti niya ngunit nakakunot ang kanyang noo. Para bang pagod at pag aalala ang pag dungaw niya sa akin imbes na saya.

    Ngumuso ako at nag iwas ng tingin. Tiningnan ko si daddy na naroon at kausap ang iilang investors. Naroon din si mommy na iniinterview ng taga media. Huminga ako ng malalim at hinawakan ng coordinator ang braso ko.

    “You need to say a few words to the guests.” Sabi niya sa akin.

    Bumalik si Coreen at Rozen sa kanilang kinauupuan. Tumango ako sa coordinator at muling sinulyapan ang mesa kung nasaan umupo si Rozen at Coreen. Nakita kong ganong ekspresyon din ang tingin ng mommy at daddy nila sa akin. Ngumisi ako sa kanila at hindi ko naiwasan ang pag lapit.

    “Happy birthday, Megan!” Sabi ng mommy ni Noah at hinalikan ako sa pisngi.
    “S-Salamat po, tita.” Sabi ko at napatingin kay tito na naroon sa kanyang tabi.
    “Happy birthday,” bati ni tito.
    “Where is your son?” Nagulat ako sa boses na narinig ko sa likod. Iyon ay boses ni daddy. Lumapit siya roon at medyo kinabahan ako sa bigat ng kanyang tono.
    “Dad!” Ngiti ko sabay lahat ng kamay sa kay Mr. and Mrs. Elizalde. “Pamilya po ito ni Noah. This is Coreen, Rozen, and his parents…-“
    “I know, Meg.” Sabi ni daddy at bumaling sa kay Mr. Elizalde.
    “The media spreads wrong rumors, Rodolfo.” Kibit balikat ni Mr. Elizalde. “For publicity.” Tumayo siya at naglahad ng kamay kay daddy.
    Tiningnan lamang ito ni daddy. Nagkatinginan kami ni Rozen at Coreen. Kung kabado ako kanina ay mas lalo lang akong kinabahan ngayon. Lumapit si mommy kay daddy at bahagya niya itong hinila palayo sa mesa ng mga Elizalde.

    Binaba ni Mr. Elizalde ang kanyang kamay. Napalunok ako at napatingin sa mommy ni Noah na nag aalala.

    “I hope this won’t change your opinion about Noah, Meg.” Aniya.
    “Po? Bakit po?” Tanong ko, naguguluhan.
    “Mom, don’t start.” Saway ni Rozen.
    Tiningnan lamang ni Mrs. Elizalde si Rozen bago tumayo at inilahad ang cellphone sa akin. Nakita ko ang isang picture na madilim. Si Noah ay naroon at si Diva ay nasa kanyang gilid. Hindi naglapat ang mga labi ngunit kuha sa camera na kung hindi ito tumigil ay malamang nagkahalikan ang dalawa. Medyo payat pa roon si Diva at mahaba ang boots na suot hanggang tuhod. Si Noah ay naka itim leather jacket at maong. Nalaglag ang panga ko. Dinig na dinig ko ang singhap ni Rozen sa gilid.
    “My brother is fucked.” Bulong niya.
    “A-Ano po ‘yan? Ano ‘yan, Rozen?” Tanong ko, lumilinga linga sa kanila, naguguluhan.

    I want someone to lie to me. Gusto kong makarinig ng kasinungalingan sa ngayon. Halu halo ang emosyon ko. Sa picture. Okay, Megan, calm the fuck down. That was an old picture. Surely kumalat para sa publicity ng dalawang kampo. Kay Diva at para sa Zeus. But then, do I really know Noah? Sure, I’ve seen him kiss other girls. Sure, I’ve seen him kiss them at the bar. But then… nilingon ko si Coreen na kay Rozen lamang ang atensyon. Noah did court me right after she broke his heart. Ilang beses niya akong sinaktan at ilang beses niya akong itinaboy noon. Ano ang nasa isip niya sa mga panahong itinataboy niya ako?

    Did he mean it? Gusto niya ba talaga akong mawala noon? At nong nawala ako ay bakit tsaka pa lang niya ako hinanap? Tsaka pa lang siya nangulila nang nawala na si Coreen sa kanya?

    Slow motion sa akin ang lahat nang hinatak ako ng coordinator at pinagsabihang kailangan ko nang magsalita para masimulan ang konting programa at makapag salita na rin si mommy at daddy.

    Tumango na lang ako ngunit halos wala akong marinig sa mga tanong sa utak ko. Nangingilid ang mga luha ko habang binibigay sa aking ang microphone.

    “Good evening, everyone! Thank you so much for being here with me as I celebrate my 24th year in this world. Alam kong busy kayong mga tao, sa negosyo, at sa industriya, pero nagawa niyo paring pumunta. I a-appreciate it.” Sinubukan kong huwag manginig ang boses ko. “Thank you so much and I hope you enjoy this night.”

    Hindi na ako makahinga nang ibigay ko iyon sa master of ceremonies. Tinawag si mommy na siyang nagbigay ng speech na patungkol sa kaarawan ko, sa mga kaibigan niya sa showbiz, at sa mga taong naroon.

    Umupo ako sa gilid, tulala. Nakita ko ang pagtayo ni Everlyse at pagkunot ng kanyang noo. Tanaw kong patungo siya sa akin kaya lumingon ako sa video na pinapakita ngayon sa lahat ng tao habang naglalagay ang mga waiter ng pagkain.

    “Hey, are you okay?” Umupo siya sa tabi ko, nag aalala.
    “Yup.” Sabi ko.
    “Seryoso. Kanina pa kita napapansin. Ano ang nasa utak mo, Megan?” Tanong niya sa akin, seryoso.

    Tiningnan kong mabuti ang itim at maiksi niyang dress. Ngumiti ako.

    “I like your dress.” Sabi ko.
    Hindi siya nangiti sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko ngunit pinandigan ko iyon.
    “Hindi ka pa ba nagugutom?” Pagkatanong ko non ay napansin ko kaagad ang pagiging tahimik ng kanina’y abalang mga bisita.

    Napalingon ako sa kanila na ngayon ay may tinitingnan sa gitna. Hinawakan ni Everlyse ang kamay ko at napansin kong may isang lalaking naka itim na suit na naglalakad sa gitna ng red carpet mag isa. NIlingon ko si Everlyse at ngumiti siya sa akin.

    Tumayo ako para tingnan o kumpirmahin kung sino iyon. Nang nakita ko si Noah, mag isa, ay gumuho ang mundo ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong naroon. Si Coreen ay abala sa pag vi-video habang si Rozen ay nakatingin ng diretso sa kanyang kapatid. Ang mommy at daddy niya ay nakatingin sa akin. Si mommy ay ngumunguso na nakatingin kay Noah at si Daddy ay kumain lamang at binalewala ang nangyari.

    Kinuha ni Noah ang microphone at bumaling sa akin. Ang kanyang isang kamay ay nasa kanyang bulsa.

    “First, Megan. I’d like to apologize. Alam kong bad timing ito. Hindi ko alam na magkakaganito. But hell, I am very, very sure about this so I’ll push it. I’m sorry for that picture.” Lumunok siya.

    Titig na titig ako sa kanya, nangingilid ang aking luha. Marami ang naging pagbabago sa kanya simula nang una ko siyang minahal. Tumangkad siya lalo, medyo naging hitik ang katawan, mas gumwapo. He’s my first love, my only love. I loved him since time immemorial. Iyong bata kong puso ay mahal na mahal siya at ang puso ko magpahanggang ngayon ay ganon parin.

    But then… I have so many questions right now.

    I want to know… I want to know so many things about him. Sa tagal naming nagkasakitan ay nakaligtaan yata naming magkaalaman. Nakaligtaan kong magtanong sa mga bagay. But is it really that important, Meg?

    He’ll give up his band for me. Right? Should I be happy about it? Masasaktan ko si Joey, si Warren, si Stan.

    “Matagal na iyon. I have been so lost without you, Megan. For the past years, I thought I can do it without you. Nong iniwan mo ako noong high school pa lang tayo ay sinaktan kita. Dahil hindi ko matanggap na kaya mo akong iwan ng ganon ganon na lang. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi ako aalis ng bansa. Hindi kita iiwan. Yes, I am stubborn. I am that stubborn. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo iyon magagawa para sa akin. Inisip ko hindi mo ako ganon ka mahal.”
    Umiiling na ako sa ngayon at ang mga luha ko ay bumabagsak na sa aking pisngi.
    “What I’m supposed to do with all this love I have for you? Hindi ko alam. So I waited. And your father can tell you all the details about my waiting. Hinintay kita pero nong nalaman kong nakahanap ka ng iba ay mas lalo akong nagalit sayo. Marami akong pagkakamali dahil sa galit ko sa’yo. Hindi ko alam kung paano ako magbabayad sa mga sakit na naidulot ko sayo. But then, I have an idea…” May kinuha siya sa kanyang bulsa na nagpasigaw sa ilang mga kilala namin.

    “Noah!” Dinig ko si Stan. Hindi ko alam kung bakit niya ito tinatawag ngunit hindi man lang lumingon si Noah sa kanila.

    “Please forgive me. I am sorry for all the hurts I’ve caused you, Miss. I am so sorry. I am so in love with you, intensely, fiercely, madly.”

    Hinahabol ko na ang hininga ko. Halos mag hyperventilate na ako habang ang mga luha ay patuloy sa pagbuhos. Panay ang bigay sa akin ni Everlyse ng tissue at tumutulong pa siya sa pagpupunas sa aking pisngi.

    Parehong tumayo si mommy at daddy. Hindi ko alam kung lalapit ba sila sa akin.

    “Pagbabayaran ko ang lahat ng sakit na naidulot ko sayo. Let me be your man, I will give you my world. Let me be your man, I’ll be forever down on my knees and do all your biddings.”

    Lumapit siya sa akin at halos mapaatras ako. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata sa ginawa kong pag atras ngunit hindi siya nagpapigil dito. Nang nasa harap ko na ay lumuhod siya at tiningala ako.

    “Please, be my wife, miss.” Aniya at inilahad sa akin ang isang singsing na may malaking diamond sa gitna. Sa gilid nito ay tig tatatlong maliliit na diamond.

    Abot abot ang hinga ko habang umiiling ako at humagulhol. Nalaglag ang panga ni Noah at napapapikit siya ng mariin.

    Huminga ako ng malalim at hinawakan ang braso ni Everlyse. “Excuse me.” Sabi ko at sinikop ang long gown ko para makaalis ng maayos sa venue nang hindi man lang sinulyapan si Noah.

  • Kabanata 57Open or Close

    Kabanata 57
    Leave Me Alone

    Mabilis akong pumara ng taxi sa labas. Siguro ay sa gulat ng mga tao sa ginawa ko ay hindi na sila nakagalaw sa kanilang mga inuupuan. Nagsimulang bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata.

    “Saan po, ma’am?” Tanong ng driver habang naglilitanya ako ng mura.

    Pumikit ako ng mariin at inisip kung ano nga ba talaga ang mga tinalikuran ko. Magagalit si mommy. Iskandalo iyon sa party. But then dad would support my decision. Pagtatakpan ni mommy ang nangyari. Kontrolado niya ang media. But then people in that party will talk. Still. Tinalikuran ko si Noah. All because of my doubts. Is it worth it? Did I lose it forever? He will never forgive me. He’s proud and his ego won’t take this blow. Lahat ng sakit na idinulot ng lahat ng ito sa akin noon ay wala nang silbi dahil sa pagtalikod ko ngayon.

    “Maxims, Kuya.” Sabi ko at mabilis na kinuha ang maliit na wallet ko.

    Tanging wallet at cellphone ang dala ko. Cellphone na sumasabog sa tawag ng mga kilala ko. Pinatay ko kaagad iyon. For once, I want to be alone. I want to be with myself. Gusto kong mag isip nang hindi naiistorbo o naaapektuhan ng ibang tao. Gulong gulo ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko.

    Pinagtitinginan ako ng mga tao pagkapasok ko sa hotel. Naka itim pa akong gown at kakagaling ko lang sa pag iyak. Nang tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ng hotel ay hindi naman nasira ang make up ko, ngunit kita pa rin ang pamumugto ng mga mata.

    Pagkatapos kong ibigay ang ilang impormasyon tungkol sa akin at pagsasabing gawing pribado ang lahat ay binigyan na rin ako ng card para sa room. Sinamahan pa ako ng isa sa mga empleyado nilang palangiti. Tahimik ako sa elevator habang kasama ko siya roon.

    “Turista, ma’am?” Tanong niya habang tinitingnan ang damit ko.
    Umiling ako at di siya tiningnan. Hindi ba nakikita ng mga tao na ayaw kong magsalita?

    Kung sana ay pwede akong magpakalayo. Kung sana ay pwede akong mapag isa na lang muna. Kung sana ay pwede akong lumabas ng bansa. Ayaw ko munang makipag usap kahit kanino. I just want to sort things out my way. I want to listen to myself. Ilang araw na akong nakikinig sa mga tao sa paligid ko. Kay mommy, kay daddy, kay Everlyse, kay Coreen, kay Stan, kay Noah… hindi ba pwedeng sa ngayon ay pakinggan ko muna ang sarili ko?

    Ano ba talaga ang gusto ko?

    Pagkapasok ko sa loob ay iniwan agad ako ng empleyado. Sa pintuan pa lang ay hinubad ko na ang pumps ko at ang paa ko ay lumapat sa pulang carpet ng buong suit. Natigilan ako at may naalala. Pula rin carpet sa bahay ni Noah. May bahay siya.

    Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa kama. Patalikod akong humiga at gumapang. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Nasa isip ko ay puro mapapait. Pakiramdam ko ay napagkaisahan ako ng lahat. Pakiramdam ko ay nasaktan ko rin silang lahat. I lost Noah years ago, and I will surely lose him now.

    Hindi matigil ang pag iyak ko doon. Tahimik at kahit TV ay hindi ko binuksan. Hinayaan ko ang sarili kong tumangis hanggang sa natulog ako katabi ang luha.

    Nasilaw ako sa araw sa kalagitnaan ng tulog ko. Ayaw ko pang magising ngunit kahit na nakapikit ako ay alam kong umaga na. Kaya naman ay nang nawala ang silaw at medyo dumilim, kahit masarap pang matulog, dumilat ako sa pagtataka.

    Pagkadilat ko ay nakita kong sarado na ang malalaking kurtina. Hindi ko iyon sinarado kagabi nang dumating ako. Diretso ako sa kama at nakatulog, a? Mahapdi ang mga mata ko nang idinilat at iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto.

    Pinasadahan ko ng tingin ang buong suit at umupo ako sa kama. Laking gulat ko nang may nakita akong anino ng lalaki na naka dekwatro ang upo at naghuhubad ng sapatos!

    “W-What are you doing here, Noah?” Instinct na sa akin ang takpan ang aking katawan kahit na naka gown parin naman ako.

    Umigting ang kanyang panga. Kitang kita ko iyon habang nagtatanggal siya ng sintas sa kaliwang sapatos.

    “You did not lock the doors.” Mariin niyang sinabi.
    Tiningnan ko ang pintuan ng nakalock na ng maayos ngayon. Kagabi ay tanging ang sarili ko at ang nararamdaman ko lang ang naisip ko.
    “I-I mean, why are you here? Umalis ako para lumayo! I want space! I need it! I want to be alone, Noah.” Sabi ko.

    Bahagya siyang sumulyap at nagtagal ulit ng sintas sa kabilang sapatos bago ito hinubad. Anong ginagawa niya? Kinalas niya ang kanyang neck tie at nag hubad ng mga butones sa kanyang long sleeves.

    “Noah-“
    “I know, Megan.” Mariin niyang sinabi ang aking pangalan kaya natigilan ako. “So just pretend that I’m not here. You have your needed space! I can give you more space if you want, okay?” Tumayo siya at may kinuha sa isang bag sa tabi ng kanyang inuupuan.

    Isang pares ng sapatos na top sider at dalawang papel ang naroon.

    “Your dad’s gonna kill me for this.” Sabi ni Noah at nilapag sa harap ko ang ticket na patungong Palawan.

    Umiling ako at nag angat ng tingin kay Noah. Tumalikod siya at nag hubad ng sleeveless. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit niya ako binibigyan ng ticket na ganito? Marahas niyang kinuha ang isang itim na t shirt at sinuot niya iyon ng mabilis bago bumaling ulit sa akin at humakbang palapit.

    Napaatras ako sa inuupuan kong kama. Hindi niya tinanggal ang titig sa akin habang kinukuha ang ticket.

    “Ano ‘yan, Noah? I want to be alone. Can you please just give me time to be alone?” Sabi ko habang may kinukuha siyang paper bag at nilagay sa aking kama.

    Nilingon ko ito sa pagkakalito at nang nakita kong ilang damit ang nasa loob ay nanlaki ang mata ko. Ano ang ibig sabihin nito?

    Lumapit siya sa akin ng husto na ikinagulat ko. Tinulak ko siya at hindi man lang siya natinag sa ginawa ko. Hinampas ko ang dibdib niya at napapikit lang siya, umiigting ang panga.

    Gusto ko siyang sigawan! Minahal mo ba talaga ako? Ginawa mo ba akong rebound? Bakit hindi ko alam na naging sila ni Diva? Ano pa ba ang mga kasinungalingan niya sa akin?

    “Leave me alone, Noah.” Sabi ko at tinulak pa ulit siya.
    Bumaling siya sa akin, pulang pula ang mga mata at mukhang galit na galit. “Change. Ihahatid kita sa Amanpulo, and then I won’t disturb you from there. You need time alone, right? I will give you your time alone-“
    “Kaya kong gawin iyan, Noah! Hindi ko kailangan ng tulong mo!”
    Ngumisi siya ngunit pulang pula ang mata. Galit at iritado sa pagpupumiglas ko. “Oh? You think so? Or you want to just go home and face your parents. It’s okay, Meg. Papunta na siguro ang mga tauhan ng daddy mo dito para kunin ka pabalik.”
    Umiling ako. “Aalis ako at babalik kung kailan ko gusto. Hindi ko kailangan ng tulong mo! At isa pa, hindi ako mahahanap ni daddy kung hindi mo ako sinumbong! Besides, how did you know that I’m here?” Iritado kong sinabi.
    “You swiped your card for this hotel room, Maria Georgianne, I am not dumb! Kung gusto mong mapag isa nang hindi ka pinipilit ng mga magulang mong umuwi na ay hindi ka dapat nagpapahanap!”
    Nalaglag ang panga ko at hindi ko makuha kung paano niya nga nalaman na narito ako. Sabihin na nating tama siya at ni swipe ko nga ang card ko sa hotel na ito pero saan siya nakakuha ng impormasyon tungkol sa card ko? Wala na akong panahon para mag tanong. Tumitig siya sa akin habang nilalagay ang sapatos sa bag at binasa ang ilang papel.

    Nakatulala lang ako doon habang pinagtatagpi tagpi lahat ng mga sinabi ni Noah nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sumulyap siya sa akin bago iyon sinagot.

    “Hello, tito.” Ani Noah. “Yes… Resorts World. Yes, tito.” Sumulyap siya sa akin gamit ang matatalim na mata bago iyon pinatay. Umigting ulit ang panga niya. “Pinapauwi ka na.”
    Umiling ako. Ayaw ko pang umuwi. Kailangan kong mag isip. Totoong kailangang hinaharap ang mga problema pero hindi ko pa kaya. At isa pa, heto ang problema sa harap ko. Bakit siya nandito ay hindi ko alam.
    “Then change. Right now. Aalis tayo. You’ll have your alone time, there, Meg. Kahit ilang araw, ikaw lang. Huwag kang mag alala.” Nag iwas siya ng tingin sa akin.

    Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano ni Noah. Iiwan niya ako sa Palawan? Ihahatid niya ako roon at iiwan niya ako? Pagkatapos ko siyang saktan at ipahiya sa lahat ng tao ay magagawa niya ito sa akin?

    “I want to be alone, Noah.” Sabi ko, isang beses pa.
    “You will be. Don’t worry.” Aniya nang hindi ako tinitingnan.

    Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Noah sa mangyayari. Naubos ang cash ko kagabi sa taxi. Ang tanging natitira ay hindi kasya sa gagastusin ko pa kung sakaling gusto ko munang magpakalayo saglit. May card ako pero mati-trace ako pag ginamit ko iyon.

    “Thanks.” Sabi ni Noah sa taxi driver at inabot ang kanyang pera.

    Nasa NAIA kami at halos tumatakbo na ako para lang maabutan siya sa kanyang paglalakad. Mabilis at parang galit siya kung makapag martsa patungo sa airport. Hindi sa pangkaraniwang airlines kami sasakay.

    Nilingon ako ni Noah nang nakalapit na kami sa maliit at mukhang private plane na sasakyan yata namin. Naglahad siya ng kamay nang nakaapak sa hagdanan papasok.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Binaba ko ang tingin ko sa kanyang kamay na nakalahad para alalayan ako sa pag akyat. Nang napagtanto niyang hindi ko iyon tatanggapin ay umatras siya at inilahad ang hagdanan.

    Huminga ako ng malalim at nagmartsa paakyat doon. Wala siyang imik na sumunod sa akin, dala dala ang damit niya at damit ko na nasa iisang bag.

    Umupo agad ako malapit sa bintana. Siya naman ay sa kabila. Alam niyang gusto kong mapag isa kaya hindi na ako nagtaka sa kanyang ginawa. Hinilig ko ang ulo ko sa bintana at nag hintay ng dalawa pang foreigner na sasakay yata sa maliit na plane na iyon.

    Nang pina ayos na sa amin ang seatbelts ay sumunod na ako. Napagtanto kong apat lang kaming papunta sa islang iyon. I’ve never been in that island. Kay Noah na ideya ito. Pinatulan ko dahil wala na akong magagawa. I want to be alone. Hindi ko iyon magagawa kung mati-trace din naman pala ang card ko.

    Habang nasa himpapawid ay iniisip ko kung iiwan niya ba ako sa isla? Iniisip ko kung ihahatid niya lang ba ako at babalikan kung kailan ko gustong magpasundo. O babalikan niya pa kaya ako? Ako na lang ang babalik at makikita ko siyang iba na sa Manila?

    Litung-lito ako sa mga iniisip ko. I want him but then it is not enough. I need assurance. i need to be his heart. I want to be his heart. I want to be the only want. Pero pilit na bumabaon ang mga salita ni Diva sa akin. Rebound ako. Nong umalis ako ay na inlove siya kay Coreen. Nong umalis ako ay nahulog siya sa kanya kaya lubusan niya akong pinagtabuyan nang nakabalik ako. He wanted me but then he wanted Coreen too. Kung wala ba si Rozen ay pipiliin ba ako ni Noah?

    Hindi naman kalayuan sa Manila ang Amanpulo kaya hindi tumagal ang byahe. Nilingon ko si Noah sa kalagitnaan ng byahe at nakahalukipkip siya sa kanyang upuan, may aviators sa mata, at tulog. Ngunit nang nag landing ang eroplano ay nauna siyang lumabas roon.

    May kausap siyang mukhang empleyado ng hotel na may kasama namang mukhang taga roon. Pababa ako ng hagdanan ay naamoy ko kaagad ang tubig dagat sa hangin.

    Puti ang buhangin ng isla. Kitang kita ito sa gilid ng runway. Mula roon sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko rin ang dagat. It’s relaxing.

    Nalingunan ko si Noah na nakatingin sa akin sa baba. Huminga ako ng malalim at umayos tsaka tumuloy sa pagbaba sa hagdanan. Nang tumabi na ako sa kanya ay napatingin na rin ang empleyado ng resort sa akin.

    “Kasama niyo ho ba ang dalawang iyon?” Tanong ng empleyado, nginunguso ang foreigner na magkasintahan na pababa sa plane.
    Umiling si Noah. Nagtaas ng kilay ang empleyado at tumango.
    “Kung ganon ay dalawang villa talaga ang gusto ninyo? May I confirm it, sir?” Tanong ng empleyado.
    “Yes, please.” Sabi ni Noah at nagpatuloy sa paglalakad.

    Kumunot ang noo ko at tinanaw siyang naglakad kasama ang empleyado at iyong taga roon. Hindi ko alam kung alin ang una kong iisipin. Magpapaiwan siya dito? Ang akala ko ba ay iiwan niya ako ng mag isa? Ang akala ko ay hinatid niya lang ako? Gusto kong magtanong ngunit hindi ko magawa.

    Naglakad kami paalis ng airport. Nag uusap si Noah at ang empleyado. Sa malayo ay tanaw ko ang dagat. Ang dinadaanan namin ay purong buhangin na napapalibutan ng halaman.
    “Madalas pong pumupunta dito ay nag ho-honeymoon. Madalang kaming nakakatanggap ng guests na…” Nilingon kaming dalawa ng empleyado. “Magkasama pero dalawang casita ang pinili.”
    Nilingon ko si Noah at hindi siya nagsalita. Nang natanaw ang kabuuan ng tabing dagat ay namangha ako sa lawak ng puting buhangin at sa pagiging kulay asul at linaw ng dagat.

    Tumunog ang payong na dala ng taga roon nang binuka niya ito. Nilingon ito ni Noah at sumulyap siya sa akin. May binulong siya sa lalaki. Tumango ang lalaki at napatingin sa akin tsaka niya iyon inilahad.

    “Ma’am, baka ho naiinitan kayo.” Aniya.
    Tumango ako. “Salamat.” At tinanggap ang payong.

    Nag iwas ng tingin si Noah sa akin nang bumaling ako sa kanya at nagpatuloy sa pakikipag usap sa empleyado. Hindi ko mabasa ang mata niya dahil sa aviators na suot.

    Nilingon niya ang dagat habang naglalakad. Napalingon rin ako doon at nakita ko ang iilang speed boat na nakahilera.

    “Ito po ang pina reserve ninyong casita. Malaki po iyan.” Sabi ng empleyado at tumigil sa tabi ng isang golf cart. Sa tapat nito ay isang maliit na bahay na gawa sa hard wood.

    Sa labas pa lang ay alam kong kasya kahit lima kami doon sa loob. Maliit siya ngunit tama lang para sa maramihan. Inisip kong sinadya ni Noah na kumuha ng dalawa para kung sakaling umalis siya ay hindi ko mamamalayan.

    “Magkano ‘to, sir?” Tanong ko habang umaakyat sa maliit na hagdanan ng bahay.
    “Bayad na po iyan.” Ngiti ng empleyado.
    Nilingon ko si Noah na nag iwas ng tingin. “She likes this. Sa kabila ba nito iyong akin?”

    Kinagat ko ang labi ko at nag isip sa gastos na maaaring inaksaya ni Noah para dito. Babayaran ko siya pagkadating ng Manila. Kung sana ay may cold cash ako ay nabayaran ko na ito. Damn, Megan!

    “Dito po naman ang sa inyo.” Sabi ng empleyado at inilahad ang kamay sa daanan patungo sa isa pang villa.

    Umamba si Noah na papasok sa aking villa dala-dala ang bag ngunit nang nagtama ang paningin namin ay tinawag niya ang lalaking taga roon.

    “Paki lagay ito sa kanyang kama.” Utos niya at mabilis namang kinuha ng lalaki ang bag ko.

    Tumayo pa siya roon habang pumapasok ang lalaki. Naglakad ako patungong pintuan ng casita at nakita ko ang kabuuan. Malaki ang kama at may mga rose petals pa. Pagkaipit ng ilang rosepetals dahil sa paglapag ng bag ay agad ring umalis ang lalaki at bumaba doon sa casita.

    “Salamat.” Sabi ko at tsaka pa lang umalis si Noah kasama siya.

    Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siyang palayo sa akin. Umihip ang hangin at tinabi ko ang payong sa may hagdanan. Gusto kong tingnan kung nasaan ang kanyang villa ngunit alam kong mali iyon. I came here for myself. Malay ko ba kung umalis rin iyon maya-maya. May mga gig iyon at marami siyang naiwan sa Manila. Hindi iyon magtatagal dito.

    Huminga ako ng malalim at pumasok sa casita. Sinarado ko ang pintuan at natulala sa kama.

  • Kabanata 58Open or Close

    Kabanata 58
    Speed Boat

    Nakatulog ako sa kalagitnaan ng pag iisip. Hapon na at papalubog na ang araw nang gumising ako. Umupo ako ng maayos at nagsisi na natulog ako gayong nasa isang paraiso ako.

    Napatingin ako sa mesa na may pagkain. Sino kaya ang naglagay non doon? Tumayo ako at naglakad patungo sa mesang may pagkain. May note doon na nakalagay. Binuklat ko ito at libu-libong alaala ang bumuhos sa aking utak. Naaalala ko lahat ng mga pasahan namin ng papel ni Noah noon sa highschool.

    Binasa ko ang note na nasa gilid ng plato.

    Take care. Happy birthday. I love you.
    -N. Elizalde

    Napatingin ako sa pagkaing naroon. Ginugutom ako ngunit mas gusto kong lumabas para tingnan ang paligid.

    Tinali ko ang buhok ko at binuksan ang pintuan ng casita para makalabas. Papalubog na ang araw. Hindi na gaanong mainit at malayo na ang dagat sa sea shore.

    Luminga ako at tiningnan ang parehong casita sa di kalayuan. Ang una kong nadatnan ay sarado at mukhang walang nangungupa. Pinasadahan ko ng tingin ang lawak ng buhangin at dalawang magkasintahan lang ang nakita kong nasa isang lounger. Wala masyadong tao sa resort na ito.

    “Do you need anything, ma’am?” Tanong ng isang empleyado rito na iba sa naghatid sa amin kanina.

    Pare pareho silang may kulay patay na dahon na suot kaya alam kong empleyado siya ng resort. Umiling ako sa tanong niya at ngumiti.

    “Kung gusto niyo pong kumain mamayang gabi, may apat po kaming restaurant sa iba ibang cuisine. You may refer to your brochure for more questions.” Aniya ng nakangiti.
    Luminga ulit ako at tiningnan ang mga casita sa malayo. “May… kasama ako kanina. Umuwi ba siya?” Tanong ko.
    Gulat ang mukha ng lalaki sa tanong ko. “Baka po naglalakbay sa buong resort? I’m sure babalik rin iyon sa casita ninyo. Lahat ng guests ay may mapa kaya imposibleng mawala sa resort.”
    Umiling ako. “Hindi kasi kami pareho ng casita. Hindi ako sigurado kung may casita ‘yon.” Sabi ko.
    “Oh, I am so sorry madame pero hindi ko po alam. May umalis na plane kanina patungong Manila carrying seven people. Kung tingin ninyo po ay hindi siya nagtagal ay baka nga po umalis.” Anang lalaki at ngumisi ulit.
    Tumango ako at tumikhim. That’s what I want right. Mabuti rin naman ito. Makakapag isip ako.

    Pagkatapos kong saksihan ang paglubog ng araw ay nagpasya akong bumalik sa aking casita. Kinain ko iyong pagkaing naroon at pagkatapos ay tiningnan ang mga damit na binili ni Noah para sa akin. Ang laman ng bag na iniwan niya ay puro mga damit ko lamang. Bago ito lahat at tamang sukat lang sa akin. Isa lang ang swim wear na naroon at hindi ko mapigilang magpasalamat sa kanya sa aking utak. He’s always true to his words. Pag sinabi niyang mag iisa ako ay ganon nga ang gagawin niya.

    Namasyal ako sa gabing iyon sa kanilang mga restaurant. Hindi ako umorder ng kahit ano sa restaurant dahil paubos na ang cash ko. Kung hindi ako nilapitan ng waiter para bigyan ng fruit shake ay siguro umupo lang ako doon at tiningnan ang mga nag ha-honey moon.

    Nang lumalim ang gabi ay nag lakad ulit ako sa seashore kung nasaan may mga bonfire. Sa kaliwa ko ay mga koreanong mag irog na nagyayakapan at sa kabila naman ay dalawang pares ng pinoy na magkasintahan o mag asawa din.

    Tumikhim ako at tiningnan na lang ang nag iinit na bonfire habang nag iisip ng tungkol sa mga nangyari simula ng birthday ko.

    Inisip ko kung ano na ang naiisip ni mommy at daddy ngayon. Nag aalala iyong dalawa sa akin and I’m suddenly feeling so damn guilty. Sana pala ay sinabi ko sa kanilang maayos ako at gusto ko lang munang mag isip. But then I recalled dad’s call nong nasa Resorts World kami ni Noah. Alam ni daddy na kasama ko si Noah kaninang umaga. Alam niyang maayos ako.

    Nang medyo lumalim ng bahagya ang gabi ay humikab ako at naluha ang mga mata ko. Tumayo ako sa hinigaang lounger at nagpasyang bumalik na sa casita. Sinarado ko ang mga bintana ng casita at ang pintuan bago ako na engganyo sa bath tub na punong puno ng rose petals.

    Nakatulog ako habang nagbababad doon. Nang nagising ako ay alas diyes na kaya lumipat ako sa kama at mahimbing na tulog ang nakuha ko mula roon.

    Sa ikalawang araw ko ay kabado na ako. Inisip kong isang araw lang ang binigay ni Noah sa akin sa islang ito pero nang puntahan ako ng isang babaeng empleyado para mag hatid ng breakfast…

    “Miss, makikita ba ninyo kung ilang araw lang pwedeng mag stay ang guest? Kasi hindi ako iyong nag book nito.” Paliwanag ko.
    “Ah! Opo. Sige po, titingnan ko. Ano po ang pangalan nila?” Ngiti niya.
    “Maria Georgianne Marfori.” Sabi ko habang umuupo sa mesa kung nasaan ang pagkain.

    May kinuha siyang walkie talkie at may sinabi sa nasa kabilang linya. Binanggit niya ang pangalan ko at inulit ang tanong ko.

    “Walang Maria Georgianne Marfori na nagpareserve.” Sabi ng kabilang linya.
    “Ah! Try mong Noah Reigan Elizalde, miss.” Sabi ko.
    “Noah Reigan Elizalde?” Tanong niya sa kabilang linya.
    Ilang sandali pa bago sumagot ang nasa kabilang linya. Uminom ako ng mainit na hot chocolate at bahagyang pumikit.
    “Walang nilagay kung ilang araw. Maybe just as long as she wants to stay.” Sabi ng sa kabilang linya.
    “Hanggang kailan niyo raw gusto, ma’am.” Sabi ng empleyado.
    Tumango ako at ngumuso.
    “Excuse me, ma’am. Enjoy your breakfast!” Ngiti niya at umatras na.
    “Thank you.” Ngiti ko pabalik at hinayaan siyang umalis sa aking casita.

    Kumain na lang ako at nagpahinga ng saglit. Nagbihis ako at nag ayos ng gamit bago umalis sa casita para maglakad lakad ulit sa sea shore.

    Bawat casita ay tinitingnan kong maigi kung may tao ba. Marami ang walang tao. Dalawa lang iyan: siguro ay naliligo sa dagat o di kaya ay wala talagang nag rerenta.

    Bumalik ako sa aking casita at sumakay sa golf cart. Nilapitan pa ako ng isang empleyado para sana tulungan ako pero inilingan ko siya at nagpasalamat na lang ako. Madalas kaming mag golf o mag polo nina mommy at daddy kaya hindi na ito iba sa akin.

    Sumakay ako non habang tinitingnan ang mapa at ang mga signs sa paligid. Sa bawat gilid ng dinadaanan ng golf cart ay may mga halaman. Mabuti naman ang mga pathway kaya hindi naging problema. Pinarada ko lang iyon sa gilid ng kanilang Club House.

    “Good morning, Ma’am! Welcome to our Clubhouse!” Anang empleyadong bumati.

    Napansin ko na walang tao sa lugar na iyon. Wala masyadong tao sa islang ito. I then wondered why? Mahal kaya ito? O talagang malayo sa sibilisasyon? Tiningnan ko ang mapa ng Pilipinas at nakita kong hindi naman ganon.

    “May iba bang guests dito, miss?” Tanong ko habang pumapasok sa Clubhouse.
    “Of course! Nasa ibang bahagi lang po sila ng resort at hindi po kami crowded dito.”
    Tumango ako. “Napansin ko nga.”
    “Do you want to eat, ma’am? Or perhaps watch movies or read books?”
    Ngumiti ako at yumuko siya.
    “Just call us if you need anything.” Bago siya umalis.

    Iginala ko ang paningin ko sa kayumangging kulay na dingding ng clubhouse. Ang mga puti roon ay ang kurtina, unan sa mga sofa, at iilang muwebles lang. Naisip kong doon na lang ako kakain mamayang tanghali dahil masyadong mainit sa labas kung babalik pa ako sa tabing dagat.

    Nanood ako ng movie habang nakaupo sa sofa ng mag isa. Iniyakan ko pa ang istoryang iyon dahil iniwan ng lalaki ang babae para sa trabaho ngunit nang bumalik ang lalaki ay may iba na ang babae. Hindi ko alam kung bakit nanunusok sa aking dibdib ang nangyari sa pinanood ko. Siguro ay dahil iyon sa napagdaanan ko nitong mga nakaraang araw.

    Habang kumakain din ako doon ay naisip ko ang tungkol kay Diva. Kung iisipin kong mayroon nga silang nakaraan, then fine. Kung ano iyon ay nakaraan na iyon kaya kakalimutan ko na iyon. It’s just a stupid news from that stupid girl. Sinisiraan niya ba si Noah sa akin? Siguro. Did she still like Noah? Most likely. Obvious sa mga galaw niya noong nag to-tour sila.

    In speaking of tour, how is the band? How is Stan? Ayos lang ba kay mommy ang nangyari? Are they finally on tour again right now?

    Pagkatapos kong kumain ay nagpahangin ako sa isang kwartong tanaw ang buong resort at pati ang karatig isla.

    Nang medyo bumaba ang araw ay umalis na ako ng Clubhouse para lumapit sa puting buhangin sa may dagat.

    Hinayaan kong magtampisaw ang aking paa sa dagat habang umuupo sa isang local boat na naroon lang sa gilid ng seashore. Tanaw ko ang iilang magkasintahan sa malayo na nagtatawanan habang nasa Speedboat.

    Sa gabi ay kumain ako sa kanilang Vietnamese Restaurant. Kakaibang putahe ang mga nakain ko doon. Hindi ko nagustuhan ang ilan ngunit kahit paano ay nabusog parin ako. Tuwang tuwa pa ako sa local band na kumakanta ng mga classic music na naroon.

    Ilang sandali ang nakalipas ay inantok ako kaya bumalik na ako sa aking casita para maligo at makatulog.

    Sa sumunod na araw ay sa isang Spanish Restaurant naman nila ako kumain. Sa mga naroong tatlong pares ng magkasintahan ay ako lang ang walang ka pares. Should I go back to Manila? But then nakapag isip na ba ako ng maayos tungkol sa nangyari? Do I have enough faith for Noah? Huminga ako ng malalim. He’s probably in one of his gigs right now.

    Nanood ako ng ilang mga pawikan na nangingitlog sa hapon. Naisip ko ring hindi pa ako nakakaligo sa malinaw na dagat nila kaya bukas iyon ang gagawin ko. Masyado akong natuwa sa mga pawikan kaya hindi ko na naisip na mag enjoy sa dagat mismo.

    Maaga rin akong natulog sa araw na iyon dahil sa matinding pagod sa paglalakad at pag iikot sa buong isla.

    Lumapat ang labi ni Noah sa akin at sa kasabikan ko ay hinalikan ko siya pabalik. Kinagat ko iyong labi niya sa panggigigil. Marami akong gustong itanong sa kanya ngunit abala ako sa mga halik niyang mapanukso. Ang kanyang kamay ay humahaplos sa aking likod, dahan-dahan, pababa. Ang kabilang kamay niya ay pinaglalaruan ang dibdib ko.

    Ibang klaseng pinaghalong kuryente at init ang naramdaman kong naglakbay sa aking batok pababa. And I know he felt it! Ang kamay na naglalakbay sa likod ko ay naglakbay pababa.

    “Shit, Noah.” I whispered, trying to catch my breathe.
    When his hand reached the middle of my thighs, I couldn’t help but thrust myself unto him.
    “I want us to talk, Megan.” He whispered. Pero ang kanyang kamay ay naglalaro na ng paikot ikot sa akin at kahit may saplot pa ako ay hindi ko namapigilan ang sarili kong inaabot ang kung ano.

    Matindi ang paghabol ko sa aking hininga at basang basa ako sa pawis pagkagising ko na ganon ang panaginip. Pumikit ako habang hinahabol pa ang hininga. Tiningnan ko ang kumot na halos magkalasug lasug na sa aking tabi. Tumindig ang balahibo ko at ang nakabahagi kong binti ay pinaglapit ko.

    Luminga ako sa kabuuan ng aking casita. I’m alone. Fuck! What was that dream all about?

    Matagal akong nakahinga ng mabuti at natauhan sa panaginip kong iyon. Hinatid ng babaeng empleyado ang aking pagkain at hinayaan ko na lang siyang ilapag doon sa aking mesa.

    “Uhm, paano ba rirenta ng speed boat?” Tanong ko sa kanya habang inaayos ang aking breakfast.
    “Gusto niyo po? I’ll book you one Speedboat.” Ngiti niya.
    Tumango ako. Gusto kong magtanong kung magkano ba iyon ngunit natatakot ako sa sagot. “Excuse me, ma’am.” Ngisi niya bago umalis.

    Ngumiti ako at napatingin sa pagkaing nakahain doon. Agad ko na iyong kinain pagkatapos kong mag bihis ng isang beach dress na kulay puti. Sa loob ng aking dress ay ang natatanging swim wear na binili ni Noah para sa akin. Kulay puting two piece.

    Nagkaproblema pa ako sa pagsu-suot at kinabahan. Uuwi na lang siguro ako bukas. Paubos na ang mga damit ko at mamaya ay masyado nang mahal ang gagastusin ko dito.

    Pagkalabas ko ng casita ay kita ko ulit sa dagat ang isang speedboat at ang isang mas malaking speedboat. Sa loob ng malaking speedboat ay may natatanaw akong may hawak ng manibela. Nanliit ang mata ko. I should have this checked. Mukhang dahil sa trabaho ay masisira na itong mata ko, a?

    “Doon ka po sa malaking Speedboat, ma’am.” Sabi ng lalaking empleyadong nakasama ko nong unang araw ko dito.
    Kumunot ang noo ko at tumango bago naglakad patungo roon sa mas malaking speedboat. “Kaming dalawa lang ng captain?” Tanong ko.
    Tumango siya at ngumisi. “Actually, si Mr. Elizalde po ang nasa loob.”

    Nakaapak na ako sa malamig na tubig ng dagat ay natigilan ako habang tinatanaw kung sino ang nasa loob. Nang nakita kong si Noah nga ang naroon ay halos mag dalawang isip ako. He’s here? Hindi siya umalis? O bumalik siya? I haven’t seen him in three days? Mag aapat na araw na, a? Ganito ba kalaki ang islang ito para hindi kami magkita.

    Inalalayan ako ng lalaking taga roon paakyat ng hagdanan sa gilid ng speedboat. Nakita kong sa likod ay may sofa pang pwedeng tambayan ng isang barkada.

    “Is this safe?” Tanong ko sa umalalay sa akin.
    “Marunong po si Mr. Elizalde, ma’am.” Sabi niya.

    Nilingon ko ang nasa loob ng cabin na si Noah. Seryoso ang kanyang mukha habang nag iiwas ng tingin sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pag andar ng speedboat. Nakikiramdam sa alon at nililiko para makaandar na at makadiretso sa karagatan.

    Nasa mga sofa ako at nagpasalamat na hindi gaanong mainit. May salaming pintuan patungo sa cabin at kitang kita ko ang sofa sa likod ni Noah at isang maliit na lamesita. May mga fishing rod din sa gilid ko. Hindi ako marunong mangisda kahit na nasubukan ko na rin ito noon.

    Mabilis ang paandar ng speedboat. Napahawak ako sa railings sa likod ng sofa at ilang sandali pa bago ako nasanay. Sa sobrang linaw ng dagat ay kitang kita ko ang mga lumalangoy na isda. I think the water is also shallow. Sana lang ay ganito hanggang sa gitna ng karagatan para hindi masyadong nakakatakot lumangoy.

    Malaki ang ngiti ko nang nakitang malayo na kami sa isla ay malinaw at mukhang mababaw parin ang dagat. May ilang speedboat din kaming nakita sa di kalayuan.

    Nang napansin kong humina ang pag andar ay napawi ang ngiti ko at nilingon ko na ang cabin kung nasaan si Noah. Huminga ako ng malalim at naisip na lalangoy na lang ako dito pag titigil siya.

    Nang tumigil nga ang makina at nakitang bumaling na siya sa akin ay nag iwas agad ako ng tingin. Tiningnan ko na lang ang karagatan at ang ganda nito. I’m going to swim here. But then, magtatanggal ba ako ng damit habang nakatingin siya?

    Walang imik na kinuha niya ang fishing rod at nag hubad ng t shirt. Tumindig ang balahibo ko nang nakita ang pawisin niyang katawang natatamaan ng init ng araw. Naalala ko iyong panaginip ko kagabi.

    Dammit, Megan! Hinubad ko ang aking dress at dahan dahang lumapit sa hagdan ng speedboat. Bumaling siya sa akin, nakatitig. Tumingin ako sa dagat at dahan dahang nagpadausdos para makalangoy. Sinubukan kong abutin ang kailaliman at tama ang hinala kong hindi nga ito malalim.

    Isang beses pa akong sumisid at nakita ko ang iilang mga isdang naiistorbo ko sa kanilang mga gawain. Lumangoy ako para bahagyang makita si Noah habang nag fi-fishing. Itinapon niya ang dulo sa malayo at sa ginawa niya ay mas lalong kuminang ang kanyang likod. Naka board shorts ay bahagyang nagpapakita ang kanyang boxers.

    I need to swim, alright?

    Ilang sandali ang nakalipas ay humapdi ang balat ko kaya nagpasya akong bumalik na. Hinawakan ko ang hagdanan ng speedboat at dahil basa ang aking kamay at paa ay medyo nadudulas ako tuwing sinusubukan ko.

    Isang kamay ang naglahad sa akin habang sinusubukan kong muli. Napatingin ako kay Noah na seryosong inilalahad ang kamay. Huminga ako ng malalim at tinanggap iyon. I have no damn choice.

    Inangat niya ako at dahil sa ginawa niya ay bahagyang natapon ang katawan ko sa kanya.

    “I-I’m sorry.” Sabi ko nang naramdaman kong nabasa ko ang kanyang boardshorts.

    Bahagyang lumapat ang aking dibdib sa kanyang dibdib at halos mapapikit ako ng mariin sa kuryenteng naramdaman ko. Huminga ako ng malalim at hindi ako makatingin sa kanya.

    “Ayos ka lang?” Tanong niya hinahawakan ang balikat ko at hinahagilap ang paningin ko.
    Kinagat ko ang labi ko at tumango. “Sorry, nabasa kita.” Sabi ko.

    Binaba niya ang kamay niya galing sa aking balikat at bahagyang nahaplos ang aking dibdib.

    “Fuck…” Mahinahon kong mura nang naramdaman ko kung paano naglakbay ang panibago at mas matinding kuryente sa aking katawan.
    “Meg?” Gulong tanong ni Noah.
    Umiling agad ako at aalis na sana nang hinawakan niya ang braso ko. Ang isang kamay niya ay hinaplos ang aking baywang. Halos mapaigtad ako sa kanyang ginawa. Nahihilo ako at umiinit ang pisngi ko. Hindi ko siya matingnang mabuti kahit na anong angat ko ng tingin.
    Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. “Are you alright?” Tanong niya.
    “Yeah. Hmmm.” Sabi ko at napahawak ako sa batok ko.

    Isa pang beses na itinaas niya ang kanyang kamay at nahaplos nito ang dibdib ko ay hindi ko nakayanan. Uminit ang pisngi ko at pumikit ako ng mariin habang hinahawakan ang kanyang braso.

    “Miss, are you fine?” Bulong niya, inilalapit sa akin ang kanyang mukha at ang bawat bulong ay kiliti sa aking tainga.
    “Yes, Noah…” Mas mahinahon kong bulong pabalik.

    Naglapat ang mga labi namin. Hindi ko mapigilan ang init sa aking katawan. Ang kanyang kamay ay naglaro na sa aking dibdib. Bawat halik niya ay sinusuklian ko ng mas malalim na halik.

    “Miss, we have to talk.” Bulong ni Noah habang hinahalikan ang aking leeg at dinidiin ko ang kanyang ulo doon na para bang hindi sapat ang halik lang.

    Nang ang kanyang kamay ay bumaba sa aking hita ay idiniin ko na ang sarili ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko sa nipis niyang board shorts kung gaano siya nag init rin sa gitna ng pagsasalita niya.

    “Noah…” Bulong ko habang ang isang strap ng aking bikini top ay kumalas na. Hinahalikan niya ang dibdib ko.

    Tumingala ako sa kanyang ginawa. Ang isang kamay niya ay naglalaro na sa gitna ng aking hita.

    Nagpalit kami ng posisyon. Ako na ang nakahilig sa dingding ng cabin habang ang isang kamay ay ipinapako niya roon para mahalikan niya ako ng maayos.

    “Please…” Bulong ko.
    “I want us to talk.” Bulong niya habang kinakalas na ang aking bikini bottom at pinakawalan ang kanya.
    Pumikit ako ng mariin at hinalikan pa siyang muli.

    Naging mabilis ang pangyayari. Hinahabol naming dalawa ang aming hininga habang hinahalikan niya ang aking pisngi ng paulit ulit. Hindi ako makahinga ng maayos sa nangyari. Nang tinanggal niya ay mabilis kong inayos ang aking bikini top. Siya na mismo ang nag ribbon ng string bikini bottom ko.

    “Meg…” Aniya, hinahanap ang mga mata ko.

    I want to talk. I have so many questions. I want to fix this. But then I don’t want to appear too needy or insecure. I am not usually like this. Prinsipyo ko na hindi ko aangkinin ang bagay na hindi kailanman magiging akin ngunit kinain ko ang mga prinsipyong iyon. Noah is not mine. He will never be. He’s an individual and it is wrong to assume that I can cage this man in my hands.

    “Bumalik na tayo sa Amanpulo, Noah.” Sabi ko at kumawala sa nanghihina niyang braso. Hiyang hiya ako sa nangyari. Hindi pa kami nagkakabati ay nang udyok na akong gawin niya iyon sa akin.
    “Meg, let’s talk.” Sumunod siya sa akin.

    Huminga ako ng malalim at tiningnan ang dagat na malinaw. Hindi ako makatingin sa kanya.

    “Are you not done with your space yet?” Tanong niya sa akin. “Hindi pa ba tapos ang pag iisip mo? You need more time? I can give that to you, Meg. But then…” Hindi niya ipinagpatuloy.
    Bumaling ako sa kanya at nakita kong pula ulit ang kanyang mga mata sa galit, iritasyon, at frustration. Tumango ako. “We’ll talk. Bumalik na tayo sa Amanpulo, Noah.” Sabi ko.

    Pumukit siya ng mariin at tumango nang dumilat.

    “Okay. If that’s what you want.”

  • Kabanata 59Open or Close

    Kabanata 59
    You’re Mine

    Tahimik akong pinapanood ang dagat habang pabalik kami sa isla. Nasa harap ako ng speedboat ngayon at ayaw kong lumingon para makita siya sa loob ng cabin.

    Papalapit na sa tabing dagat ay humawak na ako sa railing para dumiretso sa hagdanan nito kung sakaling tumigil ito sa pagtakbo. Nang nakalapit na ay itinigil na ni Noah ang makina. Ramdam ko ang bawat hampas ng alon sa speedboat. Nakita kong sinalubong ng dalawang taga roon ang lubid ng angkla ng speedboat.

    Bumaba ako nang nakitang hanggang tuhod na lang ang tubig. Napamura pa ako nang muntik nang natalisod sa dulas ng hagdanan.

    Naramdaman ko ang paglabas ni Noah sa cabin. Imbes na lingunin siya ay dumiretso ako sa paglalakad. Hindi pa nakakalayo ay isang bagsak lang ang narinig ko sa tubig at alam kong nakababa na siya.

    Tutok ang araw sa tanghaling langit at dire diretso lang ako patungo sa aking casita. Iniisip kong tanghali na ngunit hindi ako dinalaw ng gutom. Siguro ay dahil iyon sa nangyari sa amin ni Noah.

    Pagkabukas ko ng pintuan sa aking casita ay mabilis na hinawakan ni Noah ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

    “Let’s talk.” Malamig niyang sinabi samantalang sinasarado ang pintuan ng casita ko sa likod niya.

    Nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan sa mga tanong sa utak ko. Binitiwan niya ang braso ko. Tumikhim ako at humakbang patungo sa sofang malapit sa malaking bintana na tanaw ang dagat.

    Nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan. Naka tshirt at black board shorts. Basa pa ang bikini ko sa ilalim ng aking puting dress ngunit hindi ko magawang tumayo para magbihis muna.

    Nag angat ako ng tingin nang humakbang siya palapit sa akin. Tatabi siya sa akin? Abot-abot ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. God, his effect on me. Bahagya akong umatras para mabigyan siya ng espasyo.

    “Do you want to ask or do you want me to say something?” Mahinahon niyang sinabi nang bumagsak ang tingin ko sa aking mga paang inakyat ko sa sofa.
    I can’t believe he asked me that question. Nagkibit balikat ako. “I want you to talk.” Sumilip ako sa kanya habang niyayakap ang aking tuhod.
    “Okay, miss.” Huminga siya ng malalim. “I’m sorry about that picture. Alam kong hindi mo inasahan iyon. Matagal na iyon. College pa lang ako.”
    Kumunot ang noo ko. “College ka? Hindi ba ay si Coreen ang mahal mo non?” Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking tono.
    Tumitig siya sa akin. “It’s not hard to like Coreen, Meg. At ganon rin si Divine nong mga panahong iyon.”
    Inangat ko ang ulo ko. “You liked them both?”
    Umangat ang labi niya. “I find Divine interesting. She’s a good singer. I must admit, sa panahong iyon ay mas sikat ang kanyang banda kesa sa amin nong naroon pa si Wade. Kahit na umalis na si Wade at nag disband kami pansamantala ay hindi siya tumigil sa pagsuporta sa amin. She became our vocals… sa ilang fun gig namin.”
    Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na naging bokalista ng Zeus si Diva.
    “Ang sabi niya ay kahit noong highschool pa siya at si Stan pa ang vocalist namin ay sinusubaybayan niya na kami. May mga stickers siya namin. ‘Yong mga ginawa niyo noon ni Wella nong high school pa tayo. She even made a scrapbook for Zeus.”
    Nanliit ang mata ko. “Madali kang mahumaling sa mga fan girls mo, Noah.”
    Tumitig siya sa akin. Sa sobrang bigat ng titig niya ay natahimik ako at nag iwas ng tingin. “Ano pa ang gusto mong malaman?” Mahinahon niyang sinabi.

    Ngumuso ako at tumitig sa maputla kong kuko sa paa. Marami pa, Noah. Hindi ko siya tiningnan nang tinanong ko sa kanya ang bagay na matagal nang nagpapagulo sa akin.

    “Bakit… tsaka mo lang ako niligawan nong magpapakasal na si Coreen at Rozen?” Tanong ko.

    Ang kanyang kamay ay inilapit niya sa aking baba at marahan niyang inangat ang ulo ko para magtama ang aming paningin. Umilag ako sa ginawa niya at bahagyang pinangunutan ng noo. Isang beses pa niyang ginawa iyon at nang nasulyapan ko nga siya at pumikit ako ng mariin.

    “You’re right. I have a strange preference towards girls who dedicate their time for the band. Maybe it reminds me of someone.”

    Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

    “The ‘fan girls’ you are talking about, Meg. I like them because it reminds me of someone who left. Ayaw ko mang aminin noon at gusto ko mang iwasan ang mga babaeng ganon dahil nadala na ako sayo ay palagi nilang nakukuha ang atensyon ko.”
    Ngumuso ako at tulala parin sa kawalan.
    “Nong umalis ka at sinabi mo saking si Coreen ay magugustuhan ko, inisip kong umiwas kay Coreen. Nagtataka ako noon kung bakit gustong gusto ni Rozen si Coreen, I got so curious kaya binanggit ko iyon kay Stan. Inisip kong baka…” Tumigil siya. “Baka nalaman mo na nagtatanong ako tungkol kay Coreen. Baka inisip mo na hindi naman talaga ako seryoso sayo kasi naghahanap pa ako ng ibang babae. Kaya mo rin siguro ako pinagtulakan sa kanya kasi inisip mo na espesyal siya sa akin when in fact I was just real curious. I like older girls, bakit si Rozen ay mas nagugustuhan ang mga mas bata? Isn’t it weird? Nong nalaman ko na gusto ako ni Coreen ay umiwas ako. And you know why, Meg. I’m sure you know why.”
    “I don’t know.” Sabi ko at hinalikan ang tuhod ko.
    “God!” He sighed. “Kasi tayong dalawa hindi ba, noong high school? Tss…”
    Huminga ako ng malalim. “But then… you did not answer my question, Noah. Bakit tsaka mo lang ako niligawan nong nalaman mong magpapakasal na si Rozen at Coreen?”
    Bahagya siyang natawa sa frustration. “Matagal ko nang alam na si Rozen na at Coreen. Matagal na rin kaming nagkasundo ng kapatid ko. He’s just a real jealous boy. Magkaibigan kami ni Coreen and I loathe you to the depths. You left me, pagkatapos ay babalik ka ditong mahal mo pa ako pagkatapos kong malaman na may iba kang kahalikan sa States? Are you fucking kidding me? Noong una ay gusto kong kalimutan na lang ang lahat, makipag kaibigan na lang sayo and that’s that. But who am I kidding? Hindi ko kaya iyon sayo. Having you near me and not marking you an Elizalde will send me straight to hell, Miss.”

    Hindi ako makapagsalita. Inangat niya ulit ang baba kong nakapatong sa aking tuhod. Nang nagtama ang aming paningin ay kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Para bang may luhang nagbabadya ngunit hindi makalabas. Right! Noah never cries. It is not in his nature to cry. Kahit anong mangyari.

    “Matagal ko nang alam ang tungkol sa kanilang dalawa, Meg. Kung bigo ako kay Coreen kaya kita liligawan ay dapat noon pang nalaman kong sila na ay niligawan na agad kita. No… There are reasons I couldn’t say… One things for sure, pinangunahan ako ng galit ko sayo. I love you and I’m mad at you at the same time.” Iling niya.

    Ang isang kamay niya ay hinawakan ang buol ng aking paa. Bahagya akong nakiliti. Binaba ko ang mata ko sa kanyang kamay ngunit agad niyang inangat ang baba ko para magkatitigan ulit kami.

    “Kaya pinilit ko si Coreen na magpanggap. Coz I want you to see that you’re not the only one for me. God knows how much I despised business. Your dad wants me to be in the business world, Meg. He told me I’m not good enough for you. Na kahit gaano mo ako ka gusto ay hindi niya papahintulutan na maging tayo. That you are only playing. He told me to remember that you will always choose to answer what they want. Kahit na maging tayo ngayon ay pag sasabihin nilang lumabas ka ng bansa ay lalabas ka ng walang pagdadalawang isip. Damn, you didn’t know what I’ve gone through nong nawala ka kaya halos manginig ako nong sinabi niya iyon sa akin.”

    Umiling ako. I would never do that to him again. Iba iyong noon sa ngayon. I was a kid. I was helpless! Nangilid ang luha ko habang naaalala iyon.

    “Kahit na iniwasan kita, sinubukan ko parin ang gusto ng daddy mo.”
    “My dad… is a big time jerk.” Bumuhos ang luha ko at pinunasan ko ito gamit ang aking daliri.
    Pinunasan niya rin ang gilid ng mga mata ko. “Don’t blame him.”
    “Ano pa ba ang mga sinabi niya sayo? Are those the reasons you are talking about? The reasons you could not say?”
    “Somehow, challenge iyon para sa akin. Nong nasa New York ka pa lang ay nag iinvest na ako sa ilang kompanya, hindi ko nga lang sineryoso. I’m content of what I have. Nong bumalik ka ay tsaka ko pa lang sineryoso. The last time your father and I talked bago naging tayo ay noong umalis si Liam sa banda. Yes we were devastated but I am not really shaken at all. Your father told me to see him. At sinabi niyang narinig niyang marami na akong nainvest sa ibang kompanya. He told me that I should build my own investing company.”

    Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwalang nakipagkita si daddy sa kanya.

    “That was my cue, I knew he was giving me a chance. Sinabi ko sa kanya na wala akong planong gumawa ng kompanya. He got disappointed again.”
    “Sana ay hinayaan mo na lang si daddy…” nanginig ang boses ko. “Why is it such a big deal for you, Noah?”
    “Because, miss, I am traditional.” Aniya at nilagay sa tainga ko ang takas na buhok. Hanaplos niya ang pisngi ko. “He got disappointed but when I told him I’m gonna invest on Moon Records, hindi siya nakaimik.”
    Nanlaki ang mata ko.
    “Naghintay ako, Meg. Naghintay ako bago kita pinormahan ulit. I tried to push you away because I was damn scared. Yes, I got really scared. Scared that it’s easy for you to walk away from me.”
    Umiling ako. “Sa tingin mo ba ay madali iyong ginawa ko nong umalis ako noon? Hindi iyon madali, Noah. I was helpless that time. I’m only a kid.”
    Umiling rin siya. “Yes, it’s not easy. But hell it’s more difficult to leave. Kung ako ang nasa sitwasyon mo noon ay hindi ako aalis. Pero tapos na iyon. I don’t wanna look back.” Bulong niya at lumapit siya sa akin.

    Ang aking paa ay inangat niya at nilagay sa kanyang gilid. Ang mga hita niya ay dumikit na sa aking palda. Ang katawan niya ay lumapit sa katawan ko. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa tuhod ko.

    “Nong umalis ka at nalaman ko ang lahat ng nangyari sa States, gusto ko na lang kalimutan ka. Kuya Dashiel told me to try other girls.” Ngumisi siya.
    Kumunot ang noo ko.
    “So I dated Coreen. She’s like you. She likes the band. She’s a fan girl, miss, just like you.” Bulong niya.
    Kinagat ko ang labi ko.
    “It’s like Megan all over again. But this time, she won’t leave. Kaya madali ko siyang nagustuhan. She’d pursue me kahit malupit ako. She’s like my Megan.” Pabulong niyang sinabi.
    Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang tupi ng t shirt niya sa braso. “Masasaktan mo lang siya, kung ganon.”
    “But then she told me that she’s falling for my brother.” Aniya. “Of course I got hurt, miss. It’s like Megan’s falling for someone else. Pero inisip kong oo nga pala, si Coreen ito. Si Megan ay nasa States, nakikipag halikan sa ibang lalaki. Kaya nanatili akong kaibigan ni Coreen. She’s my best friend. Nong wala si Rozen ay kami ang magkalapit. And when Rozen came back at iritado siya sa akin dahil sa pagiging malapit namin ay gusto niya agad agawin si Coreen.” Tumawa siya.
    Nagkatitigan kaming dalawa.
    “Yes, I liked Coreen, I liked Diva, because both of them remind me of that certain fan girl years ago…”
    “Kung may ibang mag fan girl sayo, baka sila naman ang gusto mo.” Sabi ko ng wala sa sarili.
    Kumunot ang noo niya. “Why are you suddenly so insecure?” Ngumuso siya para magpigil ng ngisi.
    “I’m not, Noah. I’m just saying… na parang… ganon.” Nag iwas ulit ako ng tingin.
    “Oh come on…” Humalakhak siya at inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. “Isang fan girl ko lang, sapat na sakin.”

    Mabilis ang pintig ng puso ko habang ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. God, Noah. Parang nabunutan ako ng tinik sa lahat ng sinabi niya.

    “You cried for Coreen…” Sabi ko kahit alam kong sinabi ni Coreen ay hindi naman niya ito nakitang umiyak.
    “What?” Natatawa niyang sinabi. “Hindi umiiyak ang mga lalaki, Meg.”
    Napatingin ako sa kanya. Matalim ang mga mata ko at halos sapakin ko na. “Tao ang mga lalaki. Ang mga tao ay umiiyak pag nasasaktan, masaya, o ano pa mang dahilan. You can’t say that. Marami na akong nakitang umiyak na lalaki, Stan, Rozen… name it.”
    “Well, I don’t cry.” Ngisi niya. “Hmm. Pagnasasaktan ako, masakit sa puso. Nong nakita kong umiyak si Divine kasi namatay ‘yong papa niya, nasaktan ako. Nong sinabi ni Coreen sa akin na lumayo na muna dahil baka mag selos si Rozen ay nasaktan din ako.” Aniya habang nag iisip.
    Tumango ako. Siguro ay ganon talaga siya.
    “Nong iniwan mo ako sa ere habang nag po-propose ako, nasaktan ako. Sobra sobra.” Mahinahon niyang sinabi. “Alam kong bad timing iyon dahil sa picture namin ni Divine. But then hindi ko naisip na tatalikuran mo ako para sa maliit na bagay na iyon-“
    “I got worried, Noah. I’m sorry.” Pumikit ako at naalala ang party ko. “I’m sorry. inisip kong mawawasak ang banda pag nawala ka, may mga bagay na hindi ko alam sa inyo ni Diva, at isa pa… Diva told me that I’m just a rebound. Kasi niligawan mo ako pagkatapos mong malaman na ikakasal na si Coreen at Rozen.”
    Umigting ang panga ni Noah habang tinititigan niya ako. “And you believed her?”
    “Noah…” Naghanap ako ng salita. “Wala akong alam. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Somehow, natakot ako. Na baka totoo.”
    Umiling siya. “Meg, I am not shallow. I will never ever settle for anyone just because my love is taken. If you were taken, hindi mo ako makikitang magpo-propose kay Divine the next day. That doesn’t work for me. I might have a new girlfriend pero hindi ko siya maihaharap sa altar. I told you, I am traditional. Ang ihaharap ko sa altar at papangalanan kong Elizalde ay ang babaeng mahal ko.” Aniya.
    “Would you give your name to Coreen, Noah? To Diva?”
    He sighed. “What am I gonna do with you, Maria Georgianne? I won’t do that. Hindi ko makakayang pakasalan ang isang tao dahil lang nakikita kita sa kanya.”

    Natahimik ako at nilagay ang kamay sa aking tuhod. Kinuha niya iyon at hinalikan.

    “What am I going to do with all your insecurities? I’m sorry, Meg. Alam kong ako rin ang dahilan ng mga iyan.” He kissed my fingers again.

    Tiningnan ko ang mga daliri ko.

    Ngumisi siya. “You’re damn jealous and insecure. Tingin mo ay may mang aagaw sa akin.”
    Sinapak ko ang braso niya nang narinig ko ang kanyang halakhak. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.
    “Tapos? Anong gagawin mo pag may mang aagaw sakin? Come on, Marfori. Anong gagawin mo?”
    “Tumigil ka, Noah.” Sabi ko at sinapak siyang muli.
    “Are you going to bitch about it? You’re gonna put up some damn high walls around me?” Halakhak niya.
    “Noah…” Kumunot ang noo ko.
    “Come on…” Nagtaas siya ng kilay. “Are you gonna own me, finally?” Bulong niya.

    Hindi ako nagsalita. Hinalikan niya ang aking pisngi. Hindi ako makapiglas dahil ang dalawa kong kamay ay hawak hawak niya ng mahigpit. Umilag ako sa nakakakiliting halik niya sa aking leeg.

    “‘You’re mine’, say it, Meg. Say it.” Aniya habang hinahalikan ako sa leeg pababa.

    Ginalaw ko ang binti ko ngunit pati iyon ay pinirmi niya. Tinutulak niya na ako dahil sa mga halik niya.

    “Noah…”
    “Say it, Meg. That you own me,” bulong niya.
    Kinagat ko ang labi ko nang tumigil siya. Hinahabol niya ang kanyang hininga at pulang pula ang kanyang labi dahil sa pag halik sa akin kung saan saan.
    “You’re mine, Noah.” Ngisi ko at agad uminit ang pisngi ko.
    Ngumiti din siya. “Now… are you finally willing to be my wife?”
    Tumango ako at napamura siya.

    Hinalikan niya ang aking labi ng malalalim at mapupusok na halik. Pumikit ako at sinabayan siya.

    “Everytime you enter my mouth, I get turned on big time.” Bulong niya. “We’ll stay here for a couple of days. Papatayin rin naman ako ng daddy mo, lulubus lubusin ko na.”
    Ngumiti ako sa sinabi niya.

  • Kabanata 60Open or Close

    Kabanata 60
    That’s What

    Unti unti kong dinilat ang mga mata ko sa isang maaliwalas na umaga. Ang sinabi ni Noah na dalawang araw ay naging apat pang mga araw. He just didn’t want to leave. I just didn’t want to face what’s out there.

    Unti unti akong bumabangon, nahihilo sa biglaang ginawa. Nakabukas na ang pintuan at ang puting kurtina ay umaalon dahil sa hangin galing sa labas. We’re leaving today and that’s for sure.

    Kahapon ay sinubukan naming buksan ang cellphone naming dalawa. Galit ang lahat sa bahay. Pati rin ang mga kilala namin. Alam nila na kasama ko si Noah. He told my dad about it unang araw pa lang na dumating kami sa Amanpulo. But he wanted us back, hindi iyon sinunod ni Noah kaya nagalit siya.

    “Yes, please. Aayusin ko pag dating ko.” Dinig kong sinabi ni Noah sa kanyang cellphone.

    Nakaharap siya sa dagat at ang malapad niyang likod ay kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko. Dahan dahan akong naglakad ng nakapaa.

    “Oo nga, uuwi nga kami ngayon. Don’t worry.” Sabi niya at napatingin sa akin.

    Tumitig siya sa akin habang nakikinig sa kabilang linya. Nakapamaywang siya at nag angat ng ngiti.

    “Oo, paki sabi na rin kay Rozen, Kuya.” Aniya tsaka binaba na ang cellphone.

    Naglahad siya ng braso sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at halik sa noo.

    “Good morning, Miss! Sorry, nagising ba kita?” Tanong niya.
    Umiling ako. “Good morning!” Medyo inaantok pa ako.
    Umangat ulit ang gilid ng kanyang labi at kinalabit ang ilong ko. Hinalikan niya ako sa labi kaya bahagya akong napaatras at nagtakip non. “Don’t kiss me. Di pa ako nakakapagtoothbrush.”
    Tumawa siya. “We make love every morning, Meg. I kiss you the moment you wake up, ngayon ka pa ba mag aalala niyan?”

    Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip at hinalikan pang muli ang labi ko. Umiling ako ngunit ang dalawang kamay niya ay naglakbay na sa aking likod at inaatras niya na ako papasok sa casita.

    “Noah…” Kinagat ko ang labi ko.

    Pinaulanan niya na ako ng halik sa leeg. Nang tawagin ko ulit ay tsaka pa lang niya binigay ang kanyang atensyon.

    “Do you think it’s better if I take… uh, pill or something?” Uminit ang pisngi ko.

    Noong nagkaayos kami ay naisip ko ito. Noong una naming dalawa ay siguro sinwerte lang ako at nakaligtas. Nitong mga nakaraang araw ay naisip kong dapat ko nang gawan iyon ng paraan.

    “Wag na. Gusto mong mag family planning? Kaya ng pera ko kahit sampu.” Tumawa siya.
    Matalim ko siyang tinitigan. “Well I’m sure you don’t want me to look like a whale, Noah.”
    “Oh, Meg, that’s my goal. Hindi mo ba iyon napapansin?” Tumawa ulit siya.

    Sinapak ko ang braso niya pero kinindatan lang ako at nakipagharutan pang muli.

    Hindi ako makapaniwala na aalis na kami. He said we can extend pero ako na mismo ang nagsabing huwag na at nami-miss ko na rin sina mommy at daddy. Takot pa ako sa mangyayari sa pagdating namin.

    Naka aviators kaming dalawa papasok sa airplane na sasakyan pa-Manila. Nakangisi iyong naghatid na empleyado ng Amanpulo sa aming dalawa. Kahit na wala siyang sinasabi ay mukhang napansin niya ang pagbabago ng tratuhan namin ni Noah simula nang dumating kami at ngayong paalis na kami.

    “Hope you enjoyed your stay! See you again soon!” Aniya nang papasok na kami sa airplane.

    Sa ilang minutong byahe ay pareho kaming nagkwentuhan habang nasa himpapawid. At nong nakababa na sa eroplano ay doon ko pa lang naramdaman ang sobra sobrang kaba sa mangyayari.

    Palabas sa airport at ikinagulat ko ang kumuha sa mga bagahe namin. Nakaunipormeng gray sila at medyo pamilyar na rin sa akin.

    “Salamat.” Sabi ni Noah at tsaka ko napagtantong driver nila iyon.

    Naghihintay ang isang malaking itim na BMW sa labas. Pinagbuksan ako ni Noah ng pintuan. Pumasok ako tsaka siya sumunod. Sa harap non ay ang driver at isa pang lalaking naka gray.

    “Kina Megan tayo.” Sabi niya at tinanggal ang aviators.
    Nilingon ko siya para bumulong. At habang bumubulong ako ay tinanggal niya ang aviators ko at inayos ang mga takas na buhok. “Nagpasundo ka pala? At sasama ka sa bahay?”
    “Oo. Tumawag ako kay Kuya Dashiel kanina para dito at para sa iba pang bagay. Bakit di ako sasama sa bahay niyo?” Kumunot ang noo niya.
    “Let me handle dad first. I’m sure he’s mad.” Sabi ko.
    Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. “We’ll handle him together.”
    “Pero Noah, mainit ang dugo niya sayo. Baka magkaproblema pa.” Kumunot ang noo ko.
    “Matagal na siyang may problema sa akin. Ngayon pa ba ako matatakot?”

    Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang kaba. Nang tahakin na ng sasakyan ang aming village ay halos di na ako makahinga sa kaba. Napansin niya iyon kaya nilingon niya ako at hinigpitan pa lalo ang hawak sa aking kamay.

    “Relax, miss. You look so tensed.” Ngisi niya.

    Tumigil ang sasakyan sa harap ng aming gate. Sumulubong ang aming security guard na may kinausap pa muna sa walkie talkie bago binuksan ang gate. Pumasok ang sasakyan at sa malayo pa lang ay kitang kita ko na si daddy na pababa sa hagdanan at hinahabol ni mommy na naka bath robe lang.

    Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Daddy. Para bang nagtitimpi siya ngunit hindi niya na iyon mapipigilan ngayon.

    Hindi pa nakakatigil ang sasakyan ay hinahampas na ni Daddy ang bintana nito. Galit na galit habang pinipigilan siya ni mommy sa likod.

    “Lumabas ka diyan, Elizalde!” Sigaw ni daddy.

    Hindi na ako makaimik. Gusto kong ako ang maunang lumabas ngunit sa pintuan siya ni Noah mismo humahampas. Sabay naming binuksan ni Noah ang pintuan. Ako sa side ko at siya naman ay sinalubong ni daddy.

    “Rodolfo!” Sigaw ni mommy at agad akong tumakbo, umikot sa sasakyan.

    Nasaksihan ko ang pagiging blanko ng ekspresyon ni Noah habang kinikwelyuhan siya ni daddy at tinutulak sa kanilang sasakyan. Si mommy ay lumingon sa akin, halatang hindi alam kung alin ang uunahin, ang kanyang asawa o anak.

    “Huminahon ka!” Sigaw ni mommy.
    “Dad!” Sabi ko sabay hawak sa kanyang braso para pakawalan niya si Noah pero masyado siyang matigas at ayaw niyang magpapigil.
    “Ipinagkatiwala ko ang anak ko sa’yo, tarantado ka!” Sabi ni daddy.
    “Dad!” Sigaw ko at nanlalaki ang mata ko.
    “I’m sorry, Mr. Marfori. Kinailangan po namin ng panahon at-“
    “Lintik ka! Panahon?” Mas mariin ang pag ku-kwelyo niya. “Anak ko ang pinag uusapan natin dito, Noah! Anak ko iyan at bigla bigla mo na lang ki-kidnap-in?”
    “Rodolfo, stop it!” Sabi ni mommy.
    “Dad, please, tama na po!” Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

    Mabilis ang hininga ni daddy at kumalas iyong kamay niya sa kwelyo ni Noah. Pumagitnaa ako sa dalawa. Hinawakan naman ni Noah ang magkabilang balikat ko bago ako itinabo para maharap si daddy.

    “It’s okay, Meg.” Sabi ni Noah at humarap kay daddy. “Your daughter dumped me. I need to make a move. I earned her, Mr. Marfori. Of all the people, ikaw ang nakakaalam kung paano. Please, sa lahat ng nagawa ko ay hindi niyo parin ako mapagkatiwalaan?”
    “That’s because you always find a way to screw things up in the end, Elizalde. Kung inuwi mo si Megan ay sana hindi na kami nag alala! Saan mo ba nilalagay ang kokote mo, hijo de puta! You still don’t get it, do you?-“
    “Kung inuwi ko siya ay mas lalo kaming magkakalabuan.”
    “Dad, ginusto ko ang umalis. Noah helped me out. I wanted space. Hiyang hiya ako sa nangyari sa harap ng mga kilala natin at sa harap ng media.” Naramdaman ko ang kamay ni mommy sa aking braso.
    Bumaling lang si dad kay Noah, nag aalab parin sa galit. “Saan mo dinala ang anak ko? Hinarap ko ang ama mo. At ayaw niyang sabihin kung nasaan kayo!”
    Nanlaki ang mata ko. “Dad! Nag eskandalo ka ba sa mga Elizalde? Dad, I’m not a child anymore! Siguro naman ay kaya kong mag desisyon sa sarili ko-“
    “Ang tanong dito ay hindi ang desisyon mo, Megan. Ang tanong ay kung kaya nga ba ng Elizalde na ito na magkaroon ng wais na desisyon. My daughter deserves the world. My daughter deserves a man who can decide properly. And clearly, you are not that man!” Sigaw ni daddy.

    Pumikit ako ng mariin. Nilingon ko si Noah na nakatingin lang kay daddy. His usual poker face. I can’t believe my dad just said that to the man I loved! At iniisip ko pa lang kung ano pa ang maaaring nasabi niya kay Noah in the past years ay hindi ko na masikmura.

    “Your daughter deserves the world, Mr. Marfori. I know that. And I am here to give her the world. Your daughter deserves a man who can decide properly, and I’m right here to decide that I will marry her, no matter what you say.” Sabi ni Noah.
    “Estupido!” Sigaw ni daddy at umambang susuntukin si Noah.

    Tumili ako at pumagitna. Hinawakan ni Noah ang braso ko para mapigilan ako sa gagawin ko nang biglang sumayaw ang paligid ko at parang ang hirap hirap na ibuka ang mga mata.

    Isang bagsak at sigaw ni mommy na lang ang narinig ko bago dumilim.

    Hinahabol ko ang hininga ko at ramdam ko ang pawis sa aking noo habang nakahiga sa isang sofa. Hindi ko alam kung nasaan ako at unti unti ko pang inalala ang nangyari kanina. Kung hindi ko naririnig ang mga boses sa paligid ay malamang hindi ko iyon maaalala.

    “Stop fighting, you two. Your daughter is ill, Rodolfo!” Mariin na sinabi ni mommy.

    May naramdaman akong humawak sa braso. Nakita kong isa iyon sa mga katulong namin.

    “Madame, gising na ho si Megan.” Aniya.
    “Call the doctor again! Ang sabi niya ay nandito na siya any minute now. Where is he?” Tarantang sinabi ni mommy.

    Mabilis akong dinaluhan ni Noah. Tumabi siya kay mommy na ngayon ay naglalahad ng tubig sa akin. Unti unti akong bumangon nang nakita ko ang nag aalala niyang mukha. Bawat kurap ni Noah ay mas lalong nagiging bigo ang ekspresyon.

    “Tumabi ka!” Sigaw ni daddy kay Noah.

    Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Noah at bahagya siyang tumabi. Umupo si daddy sa paanan ko. Napatingin ako kay Noah na ngayon ay unti unting ginapang ang kamay sa aking mga daliri.

    “How are you, honey? Ano ba ang masakit sa iyo?” Tanong ni pdaddy sa isang malumanay na tinig.
    “Drink this, Meg. Uminom ka muna ng tubig at baka nahilo ka dahil sa init ng panahon. You might be dehydrated.” Ani mommy, nag aalala.
    “Madame, parating na po ang doctor.” Sabi ng katulong namin.
    Tinanggap ko ang inaabot ni mommy na baso ng tubig ngunit hindi niya iyon binigay ng tuluyan sa akin. Tinulungan niya ako sa pag inom.

    “Ano ang masakit sa iyo, Meg? What’s wrong? Ano ba ang ginawa ninyo sa Palawan? Baka naman ay nagka injury ka roon at ayaw mo lang sabihin.” Umigting ang panga ni daddy at sinulyapan si Noah.

    Naramdaman ko ang panghihigpit sa kanyang hawak sa akin.

    “Noah, what did you do to her?” Tumayo si daddy kaya napatayo na rin si Noah.
    “Rodolfo!” Huminga ng malalim si mommy. “Pu pwede ba ay tama na iyan?”
    “Dad!” Sabi ko at bahagyang hinawakan ang aking ulo.

    Masakit iyon at hindi ko rin naintindihan kung bakit ganito na lang ang sakit non. Pero habang nagtatrabaho ako noon ay naaalala kong ilang beses rin akong nasaktan ng ganito. Ang alam ko ay dahil ito sa aking mga mata.

    “It’s probably just an eye problem. Sa trabaho kasi ay madalas kong gamit ang mga mata sa harap ng computer. Overtime at work. Sumakit lang ang ulo ko dahil don.”
    “Do you faint when you have an eye problem?” Luminga si daddy kay mommy at sa mga katulong.

    Napatingin ako kay Noah na nanliliit ang mata sa akin at tahimik na. Ngumuso ako at nag aalala parin sa lahat ng sinabi ni daddy sa kanya kanina.

    “Kung sana ay hindi siya umalis ng bahay ay sana hindi na ito nangyari!” Nagsisimula na naman si daddy.
    “Dad! Ako ang may kasalanan. Sinabi ko kay Noah na aalis ako!” Sabi ko but then he wouldn’t listen to me.
    “Tumahimik ka, Rodolfo at nandito na ang doktor!” Sabi ni mommy at nagmadali na sa pag uutos sa mga katulong.
    “She should be transfered to her room!” Ani mommy habang sinasalubong ang doctor.
    “Okay, tita.” Sabi ni Noah at mabilis na dumalo sa akin para sikupin ako sa kinauupuan kong sofa sa aming sala.
    Ngumuso ako, “Noah, I can walk.” Sabi ko.
    Umiling siya.
    “Punyeta, ay hindi ako makakapayag na makakapasok siya sa kwarto ng anak ko!” Sigaw ni daddy.

    Pumikit ako ng mariin. Suminghap lang si Noah nang inilagay niya ako sa kanyang braso.

    “I’m sorry, Noah.” Bulong ko habang naglalakad na siya at si daddy ay mura nang mura habang nakikipagtalo kay mommy.

    Narinig kong pumasok ang doktor sa bahay at natahimik din ang dalawa. Mukhang sinalubong nila ang doktor sa mabuting paraan.

    “Hindi ko alam na ganon ka tratuhin ni daddy.” Sabi ko. “I’m really sorry.”
    “Shhh… How are you feeling?” Tanong niya.

    Nagulat ako nang hindi niya na kailangan magtanong kung nasaan ang kwarto ko. Ngumuso ako nang buksan niya ang pintuan nito. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan habang nilalapag ako sa aking kama.

    “I’m… okay. Headache lang.” Ngiti ko at itinuro ang glasses ko. “I probably need that.” Sabi ko.
    Napatingin siya sa tinuro ko. Bumaling ulit siya sa akin, masungit ang mukha. “Do you… feel… queasy?”
    Kumunot ang noo ko at umiling sa kanya.

    Narinig ko kaagad ang mga hakbang ni mommy at daddy sa labas. Patungo sila sa kwarto ko kasama ang doktor. Naririnig ko pa ang mga sinabi ni mommy tungkol sa nangyari.

    “Mainit kasi sa labas. Bigla siyang nahimatay. Napano kaya ito, doc?” Tanong niya papasok sila sa kwarto.

    Umayos ako sa pagkakaupo habang nginingitian ang doctor na kakarating lang. Naka puting coat si Dra. Mejia at may dalang itim na bag. Nakipag beso pa siya sa akin bago kinuha ang kanyang stethoscope. Mukhang kukuhanan ako ng blood pressure.

    “May I talk to you for a sec, doc?” Tanong ni Noah.

    Nakita ko ang pag angat ng tingin ni daddy kay Noah. Nasa tabi ko na si Doktora at inaayos na ang para kuha ng blood pressure. May monitor siyang tiningnan bago siya tumango kay Noah.

    “Maybe Miss Marfori’s a little stressed.” Ani doktora.

    Tahimik at walang nangahas na umimik habang kinukuhanan ako ng blood pressure. Nginitian ko si mommy na nag aalala parin. Si Noah naman ay hindi makangiti at seryosong tinitingnan ako.

    “Maayos naman.” Kumunot ang noo ni Dra. Mejia. “Siguro ay pagpahingahin na lang muna natin siya rito. Mas makakabuting huwag na muna natin siyang bigyan ng rason upang ma stress muli. Mr. and Mrs. Marfori, you might want to cook something for her? Perhaps… Megan…” Nilingon ako ni Doktora. “What do you want? Gutom ka ba?”
    Nilingon ko si Noah bago tumango. “Gusto ko ng luto ni Noah.”
    Nanlaki ang mata ni Noah sa sinabi ko. Tumikhim si daddy at umiling habang may binubulong na pampakalma si mommy sa kanya. Ngumisi lang ako kay Noah pero simangot parin ang ipinakita niya. Ngumiwi ako para makitang napupuna ko ang pagsisimangot niya.
    “Okay, ipagluluto rin siya ng katulong.” Sabi ni mommy at may nilingong katulong sa labas.
    Napawi ang ngisi ko. “Si Noah na lang, my. Masarap siyang magluto.” Half of me wants Noah to cook for us para maibsan ang tensyon nila ni daddy, ang kalahati sa akin ay gustong makakain ng luto ni Noah.
    Tumikhim pang muli si daddy umupo sa tabi ng kama ko. “Are you sure walang masakit sa iyo? Doktora, hindi ba ito konektado sa kanyang mata? Baka nahihilo siya dahil doon?”
    “I’ll have to run some eye exams. Pero kung hindi naman malabo ang mata ni Megan ay hindi naman siguro ito seryoso. I can also refer her to an opthalmologist, Mr. Marfori. For now, rest is what she needs. Let her.” Bumaling si Doktora kay Noah. “What is it, Mr. Elizalde?”

    Nilingon ni Noah si Doktora at tumango lang ito.

    “Rodolfo, let’s let Megan rest. Lumabas muna tayo.” Sabi ni mommy ngunit ayaw mag paawat ni daddy.

    Nilingon ko si Doktora at si Noah na lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang nawala sila sa paningin ko. Hinaplos ni daddy ang noo ko at ang buhok ko.

    “I’m sorry, honey. Na stress ka ba sa lugar kung saan ka dinala ni Noah?”
    Umiling agad ako. “Na relax po ako. Pumunta po kami sa Amanpulo. Sa Palawan, dad. It’s such a beautiful place! Dapat ay pumunta tayo doon buong pamilya! I’m sure you’ll enjoy! You’ll love it more than the places outside the country.” Ngiti ko.
    Suminghap si daddy at patuloy akong hinahaplos sa noo.
    “Dad, I’m just worried about Noah. Bakit mo siya pinagsalitaan ng ganon? Alam kong mali na umalis kami ng walang paalam pero ako po ang humingi non. Sumunod lamang siya sa gusto ko. I don’t like the way you treat him.”
    Hindi umimik si daddy. Tinapunan niya lang ng tingin si mommy.
    “Meg, nagluto ako kanina ng lasagna at salad. You want to try it?” Ngiti ni mommy habang pinapahiran ang likod ni daddy.
    Ngumiti lang ako at sasagot na sana nang biglang nakabalik si doktora at Noah sa loob ng kwarto.

    Tumabi si daddy para maupo si doktora sa pwesto niya. Napatayo siya at nasa paanan na lang ng kama habang hinaharap ako ni doktora.

    “Meg, can you walk?” Tanong ni doktora.
    Tumango ako at tumawa. “Syempre, doktora.”
    “Then can you walk patungo sa bathroom?” Tanong niya.
    “Aalalayan ko na lang siya.” Sabi ni Noah at hinawakan na ang kamay ko.
    “Better, Noah.” Sabi ni doktora.

    Tumawa na lang ako nang hinawakan ni Noah ang kamay ko. Tumayo ako ng maayos at tumalon talon pa.

    “I’m feeling better! You guys are over reacting!” Tawa ko ngunit ako lang yata ang maligaya. “Bakit, Noah?” Tanong ko nang nasa bathroom na ako at nasa labas lang siya ng pintuan nakatingin sa akin.

    Sa loob ng itim na bag ni doktora ay may kinuha siyang puting plastik. Isang tingin ko pa lang ay alam ko na kaagad kung ano iyon. I’ve seen it in Everlyse’s bag a couple of times.

    “Huh?” Sabi ko at nag angat ng tingin sa dalawa.
    “We can’t be sure of that, Noah. It’s too early and also… kailangan ng tamang appointment sa doktor.” Sabi ni doktora.
    “You think… I’m?” Tinagilid ko ang ulo ko habang tinitingnan si Noah.
    “Please, do it, Meg.” Sabi ni Noah.

    Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung takot ba ako o ano. Basta ay nanlamig ang buong katawan ko. Sinarado ni Noah ang pinto at ang huli kong nakita ay ang kanyang mga matang malalim.

    Ginawa ko ang sinabi ng pregnancy test. Umupo pa ako sa inodoro habang naghihintay ng resulta. Humikab ako at tiningnan ang mga bodywash na nakahilera sa tukador. Humikab pa ako ulit at nahuhulog na ang mga mata ko. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Ngumisi ako. Damn, Noah Elizalde.

    Dinilat ko ng maayos ang mata ko at tiningnan ang pregnancy test. Ano ba ang ibig sabihin nito? Hinanap ko pa sa basurahan ang plastik na lalagyan nito dahil itinapon ko nga pala iyon at unang beses ko pa lang gumamit ng ganito kaya medyo wala akong alam.

    Habang pinupulot sa basurahan ay kumakatok sa pintuan si Noah.

    “Hindi ko naman sinarado ‘yan.” Sabi ko.

    Binuksan niya iyon at umiling siya sa akin. “You really just don’t get it, do you? Lock the doors when you’re inside somewhere, Marfori.” Mariin niyang sinabi.

    Ngumuso ako at nagmartsa patungo sa kanya. Naalala kong hindi nga pala alam ni mommy at daddy na pinasubok ako ni doktora nito dahil sa bathroom na nila ako kinausap.

    “It’s…” sabi ko at tinitingnan ang plastik.

    Kinuha ni Noah ang pregnancy test at tumitig siya roon na para bang babasahin ito. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto kung ano ang nakuha ko.

    Nalaglag ang panga ni Noah habang tinitingnan ang pregnancy test at agad niya akong niyakap!

    “Noah? What is it?” Narinig kong tanong ni Doktora habang nasa pintuan ng bathroom.

    Kumalas si Noah sa pagkakayakap sa akin. Tulala pa ako at dinig na dinig ko ang puso kong tumatalon na hanggang ngayon ay hindi ko makuha kung kabado ba o masaya.

    Lumuhod si Noah sa harap ko at itinaas ang t shirt kong suot.

    “God, I knew it! I knew you’re there, baby.” Hinalikan niya ang aking tiyan. “Man, I never cry. But this time…” umiling siya at nagpunas ng luha.

    Nangilid ang mga luha sa aking mga mata at tinakpan ko ang nakaawang kong bibig. Tumayo si Noah at hinalikan ako sa labi. Bumuhos pa lalo ang mga luha ko. Noah Elizalde cried for my baby? For our baby!

    Tumawa ako habang pinupunasan ang medyo basang pisngi niya. Umilag siya sa punas ko at hinalikan ako sa labi. Ngumisi siya at niyakap ako ng marahan.

    “Fuck all of these, Miss. You’re gonna be a Mrs. Elizalde before this month ends.” Bulong niya sa akin. “I want my child and his or her mommy right under my roof. I want you, Meg. I want you so bad. For years.”

    Kinagat ko ang labi ko at niyakap siya. Kung anong kaba man ang naramdaman ko kanina ay nawala agad iyon. If you’re assured by someone so worth it like Noah Elizalde, then I’ll endure anything for us.

    “Well then… I must say dapat ay magpa appointment na kayo sa OB!” Sabi ni Doktora.
    “O. B.? What?” Dinig ko ang tinig ni daddy sa labas.

    Pumikit ako ng mariin. Ngumisi si Noah at hinalikan ako sa tainga.

    “I will cook for you. I don’t care if your father treats me like shit, Meg. Your son will get his dad. And I will get her mom, too. Okay, Mrs. Elizalde?” Bulong niya at hinalikan ako sa leeg.

    “Your daughter is pregnant, Rodolfo! That’s what!” Tawa ni doktora sa labas.

  • EpilogueOpen or Close

    Epilogue

    Inaayos ko ang relo ko habang nakatayo sa malaking pintuan ng simbahang pinili mismo ni Megan. Sa gilid ko ay si Rozen na humahalakhak at nakikipag kwentuhan kay Kuya Dashiel.

    “I still remember it clearly, Noah. ‘Yong mga panahong nagtanong ka kung paano makalimot ng babae.” Tawa ni Kuya.
    “Oh shut it, Kuya.” Iling ko nang hindi siya tinitingnan.

    Unti unti ko rin iyong naalala. Bitterness was all I felt the moment she left me for reasons I could never understand. Bumagsak ang mga sulat galing sa iba ibang babae pagkabukas ko ng aking locker. Tumikhim ako at yumuko para pulutin ang mga iyon.

    “Find another girl, Noah. Life’s too short to hope for uncertain things. Besides, I’m sure hindi ka naman baliw na isang babae lang talaga ang kayang tingnan. Just look at Rozen? He keeps on claiming that he’s in love with Coreen but the next day, ayun at nakikipaghalikan kay Emerald.” Tawa niya.

    He’s right. I don’t get Rozen sometimes. Nong medyo napansin ko si Coreen ay nagkasuntukan kami dahil ayaw niyang pinapansin ‘yong ‘mahal’ niya. What a stupid asshole. Mahal niya ba talaga ang kaibigan ni Reina o ginagawa niya lang na pedestal? Iniwasan ko na lang si Coreen but then I realized, sana pala ay siya na lang ang kinaibigan ko, hindi na sana ako nahulog sa patibong ni Megan.

    “Bukas na lang ako sasama sa practice, a?” Sabi ni Stan kay Warren at Joey. “O bukas na lang tayo mag practice. Busy kasi ako ngayon. May handaan sa bahay kasama si tito. Kakabalik galing L.A.”

    Nakatingin ako sa sulat ni Coreen. It kind of resembled Megan’s letters. Ngunit naiwala ko rin iyon sa utak ko nang unti unti kong nakuha ang sinabi ni Stan.

    “Your tito is back, Stan?” Tanong ko.
    Napatingin si Joey at Stan sa akin. “Uh, yes.”
    “It’s been… three months.” My heart raced.
    Huminga ng malalim si Stan at tiningnan ako, bigo. “Si tito lang, Noah. Hindi niya kasama si Meg. Nag aaral na si Meg don, e.”
    “Dude, I heard you’re taking Trisha to prom? Totoo ‘yon?” Tanong ni Warren at naramdaman kong winawala niya ang usapan.
    Sinarado ko ang locker ko at pinilit na huwag magsalita ng masama bago ko binalingan si Warren. “Yes, I’m taking her to prom.”
    “Akala ko ay si Coreen ‘yong kukunin mo?” Tanong ni Warren pabalik.
    “Wow! Noah! Ang daming umaasa sayo, a? Pipili ka lang pala.” Tawa ni Joey sabay tapik sa balikat ko. Tumawa rin si Warren kasabay niya ngunit si Stan ay nakatitig lang sa akin.
    “May pupuntahan lang ako sa court.” Ngumisi lang ako at naglakad na palabas ng locker room. Wala naman palang practice kaya hindi namin kailangang magtagal doon. Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang mga yapak ni Stan sa likod ko. Kahit na ganon ay hindi ko na siya nilingon. Hinayaan ko siyang abutan ako.

    “Noah,” hinihingal niyang sinabi.
    Tumigil ako nang nagkatabi kami at bumaling ako sa kanya. “Bakit?”
    “Ang mabuti pa ay kalimutan mo na si Megan,” aniya.
    Ngumisi ako. “Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan sa akin. Hindi kami nakataling dalawa. She set me free. I broke her heart.”
    Umiling si Stan. “Wag na tayong mag bolahan. Alam kong umaasa ka pa sa pinsan ko.”
    Napawi ang ngiti ko. Hindi ko maitago ang galit na tumatakas sa aking sistema. She did not ask me to wait for her. But if I choose to wait, so what?
    “She’s not coming back until she graduates. And the way I see it, tingin ko ay masasaktan ka lang. You know Megan. She’s not a wallflower. She’s a smooth talker and kung mananatili siyang ganon sa US-“
    “What are you trying to say, Stan?” Nag iwas ako ng tingin.
    “I-I’m just saying na baka magalit ka lang sa kanya kung patuloy kang aasa. Ayaw kong masira ang banda natin dahil sa pinsan ko. I love music. I treasure the band,” aniya.
    “I know, Stan. Huwag kang mag alala, hindi ako aasa.” I lied.

    Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad palayo. Iniisip ko ang mga sinabi ni Stan. Yes, certainly, Meg’s a smooth talker at hindi rin siya takot na makihalubilo sa ibang tao kahit sa lalaki. Pumikit ako ng mariin habang nakaupo sa bleachers.

    Wala nang tao sa court. Ako lang din ang mag isa na nasa bleachers at tinitingnan ko ang buong court na tahimik. Naaalala ko iyong paglalaro ni Megan dito ng volleyball.

    I miss her chinky eyes. I miss her long black hair. I miss her smooth skin. Naaalala ko pa kung gaano ako ka iritado sa kanya isang beses na nandito kami sa bleachers na ito. Titig na titig ako sa kanya non habang sumisigaw siya para sa isang player na nasa higher grades. Akala mo naman crush niya ‘yong player kung makatili. Nang tumama ang mata niya sa akin ay nag peace sign lang siya at ngumiti. I looked away. Nag walk out ako nang di niya alam kung bakit. I hate that she’s giving out her precious attention to just about anyone out there. Ang atensyon ay ibinibigay lamang sa taong gusto mo, hindi sa lahat.

    At pagkatapos ng araw na iyon ay nakatanggap ako ng love letter niya? Fuck, I was so annoyed! I was so angry to the depths na tingin ko ay pinaglalaruan niya ako ng husto! At mas lalong nakakairita ay kung bakit ako galit dahil lang ibinibigay niya ng ganon ka simple ang atensyon niya sa kahit kanino.

    Huminga ako ng malalim at napatingin sa isang puno. May nakatayong babae doon na nakatingin sa akin. Nang nakita niya akong napatingin sa kanya ay bahagya siyang nagtago sa puno. It was Coreen. Humigit ulit ako ng hiningang malalim bago tumayo para umalis doon.

    Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang mahabang red carpet patungo sa altar. Nag uusap si Rozen at Kuya Dashiel at nagtatawanan ng tungkol sa nakaraan. Habang ako naman ay tahimik na inaalala ang lahat.

    “Shut up, you two.” Iling ko.
    “I was just being protective, Kuya.” Tawa ni Rozen. “With Noah broken hearted, lahat yata ng babae ay willing na pawiin ang sakit ng kanyang puso. Ayaw kong gawin niyang panakip butas si Coreen. Or worst, ayaw kong madevelop siya kay Coreen.”
    Tumawa si Kuya Dashiel. “Ang sabihin mo ay gusto mo pang maglaro nong high school!”
    Tinaas ni Rozen ang kamay niya sa ere. “College na ako nong narealize niya na hindi worth it si Megan na hintayin. As long as walang pumupormang ibang lalaki kay Coreen at hindi niya pa ako mahal ay hindi ko siya pipilitin. Pero dahil nakikita kong mukhang magkakamabutihan sila ni Noah ay tsaka pa lang ako kumilos!”
    Umiling si Kuya Dashiel, hindi nakikinig kay Rozen.

    Ngumiti na lang ako ngayong naaalala ko ang lahat ng iyon. Ilang buwan pa lang pagkakaalis ni Megan ay may sinabi na si Stan sa akin.

    Napatalon ako nang naabutan niya akong tinitingnan ang Facebook ni Megan. Hindi na kami friends sa Facebook ngunit may kaonti akong nakikitang picture na public kaya tinitingnan ko iyon. Bigo ang mukha ni Stan nang naabutan akong ganon. Agad kong nilagay sa bulsa ko ang cellphone ko habang kinukuha ang gitara ko para sa gig namin.

    “Noah…” sabay tapik niya sa aking balikat.
    Tumango ako at bumaling sa kanya. “Ano?”
    Tumingin siya sa gitara ko. “Nagkausap nga pala kami ni tito nong isang araw…”
    Tumango ulit ako at naghintay sa karugtong.
    “May boyfriend na yata si Megan doon. E, sabi niya nakapagsabi daw si Everlyse na naghahalikan sila nong unang naging kaibigan niya sa pinapasukang eskwelahan.” Nagkibit balikat siya.
    Nanlaki ang mata ko. “Sinisiraan mo lang siya, Stan. I know Megan’s not exactly a shy girl but she won’t do that. Bago siya umalis ay sinabi niya sa aking mahal niya ako.” Giit ko.
    Nag iwas lamang ng tingin si Stan. “Sinasabi ko ito sayo para kalimutan mo na siya. Kasi wala ka talagang maaasahan sa kanya. Your performance is affected! Wala tayong keyboards pero bakit iyan ‘yong madalas mong ineensayo?” Tumaas ang tono ng kanyang boses.
    “Ano ba ang pakealam mo kung ano ang gusto kong aralin?”
    “Kakalimutan mo ba ang banda natin at ang mga nabuo na para lang sa kay Megan? God, Noah! I didn’t know you were as hopeless as this? Isang babae lang ‘yan at bata pa tayo! Marami pang lalapit sayo na babae-“
    Mabilis ang hininga ko at tumayo ako. Nanginig ang kamay ko sa sobrang galit.
    “Alam kong nag eensayo ka ng keyboard kasi ‘yon ang instrument na tinutugtog ni Megan! Bakit di mo na lang isali ang violin?” Iritadong sinabi ni Stan.

    Uminit ang pisngi ko at hinampas ang gitara sa mesang nasa tabi namin. Isang hampas lang ay nawasak agad ang katawan nito. Sa pangalawang hampas ay nabali na ito at hinagis ko na lang sa gilid dahil ayaw kong mas lalo ko pa itong mawasak. Nanlaki ang mata ni Stan sa akin. May gig kami ngunit wala na akong pakealam.

    “Ano ngayon kung para kay Megan!? Pwede ba, hayaan mo ako? You think gumagana sa akin ang mga paninira mo para lang sa ating banda?”
    Nanlaki ang mata ni Stan. “LANG? Para LANG, Noah? Really?”
    “Fuck you, dude!” Sigaw ko. “Walang kwenta lahat ng ginagawa mo!” Sabi ko habang sinisikop ang gamit na dinala para makaalis na doon. Nag aalab pa sa galit ang pakiramdam ko at ayaw kong masuntok ko pa si Stan.
    “Kung gusto mong malaman kung naninira ako kay Megan, edi tingnan mong mabuti ang Facebook niya. Or better yet, add her as a friend and you’ll fucking see!” aniya.
    “Tsss.” Ngumisi ako at umiling bago umalis doon at iniwan si Stan na nagmumura at halos nagwawala.

    “Shit!” Sigaw ko nang habang naglalakad patungo sa sasakyan ay bumuhos ang ulan. Sinalubong ako ng payong nong driver ngunit hinawi ko ang payong niya.

    Pumasok kaagad ako sa sasakyan at naghubad ng pang itaas na basang basa. Pumasok rin ang driver na napatingin sa akin sa rearview mirror.

    “Akala ko ay mamaya ka pa matatapos? Hindi natuloy?” Usisa niya.
    “May importante akong pupuntahan. Pupunta tayo sa bahay nina Megan Marfori.” Sabi ko habang inaayos ang t shirt.

    Kakausapin ko ang kanyang daddy. Tatanungin ko kung bakit siya dinala sa US gayong umuwi naman pala siya dito sa Pilipinas para sa negosyo nila. Walang imik na nagdrive ang driver namin patungo sa village nina Megan. Hindi pa kami pinapasok sa gate ngunit ang sabi ng security guard ay naroon daw sa loob si Mr. Marfori. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang daang tatahakin ko.

    “Sasamahan ba kita? May payong dito.” Sabi ng driver.
    “Ako na lang. Pahiram ng payong.” Sabi ko sabay kuha ng payong at labas sa sasakyan.

    Pinapasok ako ng guard ngunit hinatid ako sa loob. Nang binuksan ang double doors na pintuan ng bahay nila ay nakita ko kaagad ang Piano sa kanilang sala. Sa ibabaw nito ay may picture frame niyang nakangiti. Tinikom kong mabuti ang bibig ko.

    I will never believe, Stan, Meg. Naniniwala ako at pinanghahawakan ko ang sinabi mong mahal mo ako. After today, I’m gonna add her on Facebook and say sorry. Nagulat lang ako at nasaktan. I want her back. I miss her care. I miss the way I send her notes. Miss na miss ko na ang payat at makurbang sulat kamay niya. Miss na miss ko na iyong pagiging straightforward and confident niya.

    “Nasa loob si Mr. Marfori.” Sabi ng guard habang itinuturo ang isang mas maliit na double doors na palagay ko ay study room o office.

    Kinatok ng guard ang pintuan. Narinig ko ang boses ni Mr. Marfori na nagsasabing papasukin ang bisita. Pinapasok agad ako at tinanguan ang guard. Hindi pa nakakalapit sa kanyang malaking wooden table ay tinitingnan niya na ako sa likod ng kanyang salamin.

    “Anong kailangan mo dito, hijo?” Tanong niya.
    Lumapit ako. “Ako po si Noah Elizalde-“
    Tinaas niya ang kamay niya sa ere. “I know you. You’re the boy who likes my daughter.”
    Umigting ang panga ko.
    “Bakit ka narito? Ano ang kailangan mo?” Tanong niya.
    Kinabahan ako ng husto. I’ve never been this nervous all my life. Kahit na sa entablado ay hindi ako tinatablan ng kaba. Ngayon lang. “I just want to know kung kailan po babalik si Megan o kung bakit po siya sa labas ng bansa nag aaral gayong-“
    Tumawa siya, hindi ako pinatapos. “Babalik? Hijo, bakit siya babalik? I don’t get you.”
    Umigting ulit ang bagang ko. “This is her home-“
    “Home is when your loved ones are there. Her mom’s there. At iyong mga pinsan niya rin. This is not her home anymore.” Mariin niyang sinabi.
    Nagkatitigan kami ni Mr. Marfori.
    “Sige, sasabihin ko sayo, Mr. Elizalde. Ang anak ko ang magmamana ng kompanyang pinaghihirapan namin ng kanyang mommy. She needs the best education, experiences, and a business mind for it. Now, I want to know, bakit ka nagtatanong at bakit importante ito sayo? Do you like my daughter?”
    Kinagat ko ang labi ko. “May mga unibersidad sa Pilipinas na magaling sa business. Surely, your company will provide the best experience you’re talking about. And yes, I like your daughter, Mr. Marfori. That’s why I am asking you kung kailan ang balik niya. I cannot wait.”
    Humagalpak si Mr. Marfori na para bang may sinabi akong sobrang nakakatawa na halos mangiyak ngiyak na siya. “Oh, Elizalde. Kung sana ay iyong dalawa mong kuya ang lumapit sa akin ay masisiyahan pa ako. You… you’re the Elizalde who, unlike your two brothers, do not have the skills in business.” Iling niya.
    Mabilis ang hininga ko at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What about Rozen and Dashiel.
    “Dashiel Elizalde, high school siya nong siya ang nag manage sa rubber plantation ninyo sa Camino Real, hindi ba? At Rozen Elizalde, your other brother is always with your father during his business meetings. You’re the favorite, right? Iyong hindi pinapahawak sa business at hinahayaan sa mga kapritso. You’re the spoiled one.” Sabi niya na parang kilalang kilala niya ako. “Your mother is very fond of you that she forgets the importance of developing your skills in business. No wonder matalim ang dila mo, you’re spoiled. You’re suggesting the universities here in the Philippines? I guess you’re right. There are some good universities here. Pero tingin ko ay tamang desisyon na inilayo ko si Megan. Kasi kung ikaw lang din naman ang manliligaw sa kanya ay natatakot na ako para sa anak ko.”

    Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Gusto kong magwala. Nanginginig ang kamay ko sa galit ngunit kinalma ko ang sarili ko. Imposible pero nagawa kong hindi manginig nang magsalita.

    “Hindi ko alam kung ano ang ibig ninyong sabihin o bakit galit na galit ka sa akin. Business is not for me, Mr. Marfori. You’re right. Ang mga kapatid ko ay marami nang nagawa sa larangan na iyan sa maliit na edad. But I’m sure hindi po ‘yan ang sukatan-“
    “‘Yan ang sukatan. Hindi mo ba ako narinig, hijo? Ang sinabi ko kanina ay si Megan lamang ang tagapagmana ng kompanyang pinaghirapan namin ng kanyang mommy. Kung ito ay babagsak sa kanya, kailangan niya ng lalaking magiging kaakibat niya para pangalagaan ito.”

    That’s bullshit! Ang ibig niya bang sabihin ay pag ako ay hindi ko iyon mapapangalagaan? That’s bull fucking shit!

    “And besides, she’s dating a boy right now in the US, Mr. Elizalde. David? I forgot the name but she’s doing pretty well with him. I don’t know why you’re still there hoping she’ll like you back. She won’t.” Tumawa lang siya.

    Nanlaki ang mata ko. Nanginginig ako nang paalis sa kanilang bahay.

    Fuck this shit! May iba na siya? No! No way! No way! Hindi niya iyon magagawa sa akin.

    Nakalimutan ko nang mag payong palabas at malakas ang buhos ng ulan. Tulala ako at hindi ko na lubusang mahawakan ang lahat ng nararamdaman. I think I’m going to explode from the different things I’m feeling. Pain, longing, anger, love. Putangina, mahal parin? Hindi pa ‘yan, Noah. Pinaiikot ka lang nila. Ayaw ni Mr. Marfori sayo kaya sinisiraan niya si Megan. Lahat ay gagawin niya para lang mawalan ka ng gana. Kaya pa ‘yan!

    But then when Stan showed me a video of her laughing and kissing someone…

    “Si Megan, ‘yan?” Tanong ni Warren habang tinitingnan namin ‘yong video. “What happened to her?”
    “Alcohol happened?” Tanong ni Joey.

    Sabog ang kanyang straight at itim na buhok. Naghaharutan sila ng isang matangkad na amerikano. May pinag uusapan sila at gustong kumawala ni Megan ngunit hinahawakan siya nong amerikano sa baywang.

    Nanatili ang mata ko sa kamay ng amerikanong nakahawak sa baywang ni Megan. Sa nipis na baywang ni Megan. Lumapat ang kamay ng amerikano doon sa parteng iyon ay nag alab ang galit sa akin. I want to just break his arm for it! Tahimik ako ngunit mabilis ang hininga ko.

    “No…” Maarteng sinabi ni Megan.
    “You won’t go with me to prom, baby, because you asked someone else?” Tawa nong amerikano.
    She fucking asked someone to prom?
    “David…” Tawa ni Megan at bahagya niyang tinulak iyong amerikano sa dibdib. Habang ginagawa niya iyon ay nilapit nong amerikano ang kanyang mukha at hinalikan si Megan.

    Tumigil ako sa paghinga. Ang kanyang kamay na nanlalaban kanina ay humigpit ang hawak sa t shirt ng amerikano. Halos mapunit niya ito sa pagkakahawak habang sinusulian iyon ng halik.

    May kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Literal na parang may nahuhulog o nababasag doon habang tinitingnan ko ang pagdiin pa ng kanyang kamay sa t shirt.

    “Putang ina! Putang ina talaga!” Sabi ko habang tinuturo ang kawalan. “Fuck! Fuck shit! Ganon?” Wala na ako sa sarili. Ilang shot ang nilaklak ko at kanina ko pa minumura si Stan. “Tangina, Stan, tanungin mo nga kung gaano ba kasarap ang halik ng kanong iyon!? Tanungin mo nga ang pinsan mo? Nakakapilipit ba?”
    “Noah! Putangina, tumahimik ka nga!” Sabi ni Joey.

    Padabog kong nilagay ang shot ng whiskey. I’m not a heavy drinker. Pagnanalasing kasi ako ay nakakatulog ako kaya napeperwisyo silang lahat. Kaya pinipili kong huwag uminom ng marami pero ngayon ay hindi ko kayang hindi. If this will make everything numb. If this will make me at least forget her for the mean time.

    Pero, Meg… Kung… hindi pa naman kayo… kung lasing ka lang o ano… bumalik ka na dito. Tatanggapin parin kita. Kakalimutan ko ‘yong halik. Tutal ay halik lang naman iyon. Fuck, I sound so desperate even to my ears.

    “Sabihin mo, ha, Stan! Na putangina, sabi ni Noah.”
    “Baliw ka ba? Nag away kayo nong umalis siya!” Sabi ni Stan, iritado.
    “Sino hindi magagalit? E iiwan niya ako!”
    “Hindi niya naman ginusto iyon ah?” Giit ni Stan.
    “‘Yong halik ba, hindi niya rin ginusto? Ha?” Natahimik si Stan. “Sabihin mo, putangina. Ang higpit ng hawak niya sa damit nong kano. Parang gusto pa ng maraming halik. Ano? Kailangan niya pa ng marami? Hindi pa sapat? Kulang pa?”

    Pumikit ako ng mariin. I want to curse some more. Sa oras na magkita tayo ulit, Meg. Hindi ko titigilan iyang labi mo hanggang hindi mamantal.

    The next days, I feel so lost. Lahat na lang ng nagpapaalala sa akin sa kanya ay iniiwasan ko. Ayaw ko na muna siyang pag usapan dahil puro mura lang ang nasasabi ko.

    Nakihalubilo ako sa ibang babae. They are right. Masyadong maaga para masaktan ng ganon. I should forget her, alright? I should move on. Kasi iyon ang ginawa niya. At tuwing nagkikita kami ng kanyang daddy sa mga gatherings kasama ang ibang businessman, binabati ko siya ngunit halos hindi niya ako tingnan.

    That’s when I met Coreen. She’s a good friend. She likes me. Mga sulat niyang konti na lang ang nabasa ko dahil huli na nang nakuha niya ang atensyon ko. Truly, her letters resembled Megan’s. Iyong tipong nagkukwento muna siya ng tungkol sa kanyang sarili. It’s entertaining. Most girls right about how great we are on stage. Hindi na nila kinikwento kung ano ang nangyari sa kanilang araw. I know I shouldn’t care but it’s weird and entertaining.

    Rozen told me to back off. Seriously? Bakit? Mahal ba siya ni Coreen? Hindi naman ah? At simula pa lang nong high school ay inilalayo niya na si Coreen sa akin na para bang pag aari niya? Ni hindi nga siya nakikita ni Coreen, e.

    “Gwapo mo, Noah!” Tawa ni Coreen nang umakyat sa hagdanan, inaalalayan ni Rozen. “Always the most gorgeous, Elizalde.”
    “Hindi naman yata ako makakapayag niyan, Coreen.” Tawa ni kuya Dashiel.
    “Mas lalo ako.” Kumunot ang noo ni Rozen.
    Umiling si Coreen. “You two… Stop it. Nang aagaw pa kayo ng eksena.” Umirap na lang siya at ngumiti sa akin.

    Ngumiti ako pabalik kay Coreen habang inaalala ko gamit ang kanyang mga mata. I loved her too. She was there for me when I was so lost. She was my Megan when I needed her the most. She’s my friend. My best friend. Kahit na hindi niya alam ang tungkol kay Megan. Because I refuse to retell the story. Because I was hurt too much, I can’t bear telling it to anyone.

    “Estupido! Bakit ka nandito!? Ang akala ko ay umigil ka na!” Galit na bulalas ni Mr. Marfori nang bumisita ako sa kanila.

    Bumalik si Megan ngunit wala siya sa kanilang bahay. Huminga ako ng malalim at gusto kong makausap siya. It was not clear to me. Nong nagkita kami ay parang mahal niya pa ako. Pinopormahan ko na si Coreen pero bago ako tuluyang sumugal sa kanya ay gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nasa isipan ni Megan.

    “K-Kayo na ni Coreen?” Tanong niya.
    “Ano ngayon?” nagulat ako kaya nagtanong din ako.
    “K-Kung ganon, you shouldn’t b-be here with-“

    Hinalikan ko siya ng husto. Her lips so soft and smooth. I can’t get enough of it. I can’t stop myself from kissing the girl who’s hurt me too much. Ngunit nang maalala ko iyong halik niya sa kanong iyon sa video ay hindi ko na napigilan ang pagiging marahas. Why can’t I make her twist so much because of my kiss?

    “Is that all you got, Megan You can kiss better than that.” Galit kong sinabi.
    “Bakit kita hahalikan pabalik kung may girlfriend ka? Noah, I respect-“
    “Fuck your respect,” sabi ko at tinalikuran siya.

    Wala akong pakealam kung isipin niyang girlfriend ko si Coreen. Pero ngayon ay nandito ako sa bahay nila at halos mag makaawa na makita ko siya. Bullshit talaga! Nakakagago naman ito!

    “Wala ang anak ko dito! At hindi ka niya gusto! Ilang beses ko ba iyang sasabihin sayo? Bugok ka ba?” Galit na bulalas ni Mr. Marfori.
    Umigting ang bagang ko. I just want to talk to her. Kung sana ay hindi ako nagpakagago noon at hindi ako pinangunahan ng galit ko ay sana nagkausap kami! “Nagkita kami sa school-“
    “Madre de puta! Umalis na siya! Halughugin mo man ang pamamahay ko ay hindi mo mahahanap ang anak ko. At isa pa, may boyfriend na iyon kaya mas mabuting mag hanap ka na ng iba mong magugustuhan at tigilan mo na siya.” Iling ni Mr. Marfori.
    “Bakit kayo galit sa akin? Iyon lang ba ang ikinagagalit ninyo? Because I’m not a business prodigy like my brothers? is that so important? Do you let Megan be with someone just because he’s into business? Hindi niyo ba inaalala kung gusto niya ang gusto mo para sa kanya?” Hindi ko napigilan ang sarili ko.

    Tumayo siya galing sa pagkakaupo niya at parang manghang mangha siya sa sinabi ko. Tumawa siya ng pagkalakas lakas! Tinuro niya ako.

    “Megan is my only daughter. One day, pag mag kakaanak ka, malalaman mo na hindi mo kayang ipagkatiwala ang anak mo sa isang nagbabandang babaerong walang inisip kundi ang musikang walang kwenta. I bet you my life, Elizalde. Di mo ‘yan kayang ibigay sa anak mo. Ikaw ang pipili ng makakabuti sa kanya.”
    “I have a sister, Mr. Elizalde. And I know how you’re feeling. But then I can give that man a chance if he deserves it.” Mariin kong sinabi.
    Nanliit ang mata niya. “Do you deserve it? You don’t. You. Don’t.”

    Tinakpan ko na lang ang mukha ko sa loob ng bar pagkatapos ng ilang shot ng whisky. Tigilan ko na nga itong kahibangang ito.

    “Sino ba ‘yan, Noah at mukhang ang laki ng problema mo? Si Coreen ba?” Tawa ni Warren habang tinatapik ako sa balikat.
    Hindi ako nagsalita. “Si Coreen ‘yan!” Tawa ni Joey habang binibigyan pa ako ng isa pang shot ng whisky.

    I lost Coreen. It’s like I lost Megan all over again. This time, she’s leaving me for another man. This time, she’ll kiss another man.

    “Hindi ba ay magtatagal si Rozen sa Paris? Edi ibig sabihin ay may pag asa ka pa kay Coreen.” Ani Warren.

    Tumango ako. Half heartedly, I want Coreen to love me back again. I want to feel the warmth I lost from someone… It’s nostalgic. Pero alam ko sa sarili ko na mali iyon. Na mali ang pumili ng isang tao dahil lang naaalala ko ang mahal ko sa kanya. I won’t hurt her just for nostalgia. Dahil lang naaalala ko si Megan sa kanya? Hindi. I love Coreen. I can’t hurt her like that. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. Hindi tama na pagsasamantalahan ko ang pagkawala ni Rozen para pormahan siya. Ni hindi niya alam ang tungkol kay Megan. She’s that innocent, I can’t do that to her.

    I care for her too much. Kaya nanatili kaming magkaibigan.

    “Did you invite, Diva, Noah?” Nagulat ako nang sa likod ko nanggaling ang isang boses na pamilyar.

    Nilingon ko si Mrs. Marfori kasama ang kanyang asawa. Siya ay naka pulang dress na abot hanggang paa at si Mr. Marfori ay naka itim na tuxedo. Umiling ako.

    “Hindi po, ma.” Sabi ko.
    Ngumiti si Mrs. Marfori sa akin at bumaling siya sa asawa.

    Huminga ako ng malalim. I know I should have invited her too. She’s only a casualty. Nagpapasalamat ako na mahal ni Coreen si Rozen, kung hindi ay baka masaktan ko lamang siya. Nasaktan ko si Diva ng husto. Tulad ni Coreen ay mahal niya rin ang banda. Tulad ni Megan ay gustong gusto niya rin ako. In her eyes, I felt Megan’s presence. Gago nga yatang talaga ako para isiping kayang punan ng ibang tao ang kawalan ko kay Megan.

    Nong nagbalik si Megan at nagkita kami sa Batangas ay nagmumukha na akong tanga na nakatitig sa mga mata niya tuwing hindi siya nakatingin!

    “Tsss. Kung maka sigaw ka ay parang may mangyayari sa atin. Relax.” Sabi ko habang naghuhubad para matulog na sa tabi niya.
    “How can I actually relax! You’re stripping!” Sigaw niya sa gulat habang titig na titig sa akin.

    Tumindig ang balahibo ko at pinasadahan ko ng tingin ang kanyang nipis na katawan. God, I hope you guide me tonight. Hindi pa kami maayos na dalawa ngunit hindi ko parin siya maiwasan kahit na galit na galit ako.

    “I told you I’m sleeping here. Isn’t that enough information? Tsss.” Umiling ako.
    “Oh my God?” Nag takip siya ng mata habang hinuhubad ko ang aking pantalon.

    Pinasadahan ko ng tingin ang kurba ng kanyang baywang. Naalala ko tuloy iyong ipinakitang video sa akin ni Stan nong naghalikan sila ng isa pang lalaki. Lasing siya non at hawak nong lalaki ang nipis niyang baywang. God, Noah! Now is not the time to think about that! Tuwing naiisip ko iyon ay nag iinit lamang ako sa galit. I just suddenly want to kiss her and ask her who’s the better kisser.

    Hinagis ko sa kanya ang boxers ko.

    “Oh my fucking! You are naked, Noah Reigan Elizalde?”
    “I sleep naked, Maria Georgianne Marfori. If that answers your damn annoying questions.” Sabi ko at humiga na sa kanyang kama habang nanginginig siya sa kinatatayuan niya.

    Kinagat ko ang labi ko at parang may parte sa puso kong naguguluhan. Whatever happened to her in the US, am I willing to accept it? Kaya ko bang tanggapin na ilang beses niya man akong sinabihang mahal niya ako ay nakapagmahal parin siya ng iba? Na ang akala ko noon na tunay at malupit na nararamdaman niya para sa akin ay mababaw lang naman pala at madaling baliin?

    “I’ve been so tired of looking at your face, Noah.” Sabi ni Mr. Elizalde sa akin nang nagtungo ako sa kanyang opisina.
    “I don’t know why, Mr. Elizalde. Hindi naman tayo nagkikita araw-araw.” Sabi ko.
    He smirked. “Don’t fool me. You’re not in good terms with my daughter. Why would you be? She’s in love with someone else. Unless you want her to cheat with his boyfriend, then, you can be her past time.” Ani Mr. Elizalde.
    Umigting ang bagang ko. “Wala siyang boyfriend ngayon.”
    “Sinong nagsabi? Might as well ask Stan-“
    “You just hate me too much, that’s why. Kaya ayaw mo akong lumapit sa kanya.” Sabi ko.
    “Totoo iyon. At mabuti ring alam mo na ayaw ko naman talaga sayo. Kahit anong gawin mong panliligaw sa kanya, sa oras na sabihin kong bumalik siyang New York ay babalik siya sa isang iglap ng mga mata. Because I told her so. Because I am her father. And you’re just the worthless piece of bastard who thinks you’ll stand a chance.”
    Hindi na ako makahinga sa galit. Tanging respeto sa matatanda na lang ang nanatili sa akin. “Ano ba talaga ang gusto ninyo na gawin ko para magustuhan ninyo ako?” I asked desperately.

    Noon ay sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko tatanungin sa kanya iyan. Pero hindi ko na naiwasan ngayon. I’ll change my ways. I’ll try everything just to make this work this time.

    “Layuan mo siya-“
    “Please don’t ask me that. I tried that before. It didn’t work.”
    Tumawa siya. “You did not try hard enough. Screw more girls-“
    “I don’t screw girls, Mr. Marfori!” galit kong sinabi.
    “Wag mo akong bilugin. That’s pretty ramphant in your field. Alam ko ang pasikot sikot sa pagbabanda, Noah.”
    Nanliit ang mata ko. “I know you’re daughter is really precious, Mr. Elizalde. Inilalagay ko ho siya sa isang pedestal pero ang pedestal na iyon ay aabutin ko kahit anong mangyari, kahit ayaw ninyo.”
    Napawi ang ngiti niya. “You try. And I will ask her to leave this country once more. Sino kaya ang pipiliin niya? Ikaw na nasaktan na siya noon? o ako na ama niya?”

    Nagkatinginan kami at naalala ko kung paano niya ako iniwan noon. Pumikit ako ng mariin. Hindi malaman kung ano ba talaga ang gagawin ko? Ayaw ko mang tamaan ng takot ngunit ang buong sistema ko ay nanginginig sa takot tuwing naiisip na mamahalin niya ako ngunit bibitiwan sa huli. Nawasak niya ako noon, kung mawawasak niya pa ako ngayon ay tuluyan ko nang mawawala ang sarili ko. I couldn’t afford that. I can’t lose myself again! Not this time!

    Pero ganonpaman ay habang iniiwasan ko siya ay sinusubukan ko na ang mag invest. Still so stupid just like the old times.

    “Nandyan na ang bridal car.” Sabi ng coordinator. “Pwesto na Noah.”

    Ngunit nanatili ang tingin ko sa bridal car na kararating lang. Puting limo na masyadong tinted.

    “Nasa loob ba siya?” Tanong ko at sinapak kaagad ni Rozen.
    “Wala! Gago! Nasa airport, pabalik ng Amerika.”
    Kumalabog ang lintik kong puso. Napatingin ako kay Rozen kaya humagalpak siya ng tawa. Kinurot siya ni Coreen at pumilipit siya sa sakit.
    “Ang kulit mo talaga!”
    “Aray!” Tawa niya. “Sorry naman!”
    “Of course, Noah, nasa loob siya. Sinong aatras sa pagpapakasal sayo?” Tawa ni Coreen.
    “Anong sinabi mo, Coreen?” Tanong ni Rozen at binalingan si Coreen.

    Huminga ako ng malalim at nagpunas ng pawis. Naglakad ako doon sa itinuturo ng coordinator habang sinasabi sa akin kung ano ang gagawin ko at kailan ako magsisimula. Tumango lang ako, lutang ang pakiramdam.

    “Dude, pagdating sa harap, tatapusin mo muna bago mo siya tatanggapin.” Bulong ni Stan, ang best man ko.
    Tumango ako at di na makatingin. Nanatili ang mata ko sa altar. Sa Panginoon na nasa harap, kung saan ko ihaharap mamaya ang babaeng pinakamamahal ko.

    Nagsimulang tumugtog ang instrumental song ng isang sikat na kanta ngayon. Live orchestra ang nasa gilid na pinapatugtog ito. Inayos ko ang tuxedo ko at kitang kita ko si mommy at daddy na nasa gitna na, naghihintay sa akin para makapagmano ako bilang simbolo ng pamamaalam na magpapakasal na ako.

    Ginawa ko iyon pagkatapos ay naglakad mag isa patungo sa altar. Ilang click ng camera ang nangyari. Sumunod si mommy at daddy, pagkatapos ay si Stan.

    Naaalala ko nong galit na galit ako dahil pinakita niya ang tattoo niya sa loob ng bar. Ni hindi ko alam na may tattoo siyang pangalan ko. Crazy right? No one’s crazier than her!

    Sa galit ko ay gigil na gigil ako. Sinisisi ko si Megan sa pagiging liberated niya at basta bastang pagsasayaw at pagpapakita ng katawan doon sa lalaki ngunit muntik ko ring mapatay ang lalaki sa galit.

    Sigaw nang sigaw si Megan sa gilid habang basag na basag ang mukha nong lalaki at sinipa sipa ko pa pagkatapos kong paduguin ang mukha.

    “Alamin mo muna kung kanino ‘yong hinahawakan mo.” Mariin kong sinabi.

    Hawak hawak ko si Megan para makasigurong maayos siya. Ngunit nang napaalis na ng bouncer ang nambastos na lalaki ay binitiwan ko rin siya. Hinilamos ko ang kamay ko sa galit sa sarili at sa bawat waiter na dumadaan ay nanghihingi ako ng alak.

    Ilang shots ng whisky at vodka ang ininom ko sa iritasyon ko sa sarili ko. Pinalibutan na nina Joey at Warren si Megan. Huminga ako ng malalim at uminom pa.

    “Tatlong scout ang narito para sa gig na ito, Meg. Tinalikuran kaming lahat dahil sa pag alis ni Noah ng bigla sa finale!” Sabi ni Joey.
    Pumikit ako ng mariin at uminom pa ng dalawang shot ng whisky. Damn, it was my fault, alright?

    “Noah! Nag peperform tayo, dude!” Galit na baling ni Joey sa akin.
    “I’m not blind. Alam ko.” Iritado kong sinabi habang apat na whisky ang dire diretso kong nilagok.
    “E, alam mo naman pala? Bakit bigla ka na lang umalis!? Ngayon nagtatanong sila kung talaga bang propesyunal tayo!”

    Pumikit ako ng mariin habang nagtatalo sila at hindi ko na masundan. Ang alam ko ay galit na galit si Everlyse sa pagtatalo nila ni Warren at Joey. Napatingin ako kay Megan na mangiyak ngiyak. Umiling ako at lumayo sa kanila.

    “Wag kang iiyak. Kasalanan mo ‘yan. Ipinakita mo ang sarili mo sa lalaking iyon. Wag na wag kang iiyak para sa kasalanan mong iyan.” Bulong ko ng mariin pagkatapos ay nag desisyon na umalis doon para mag hanap ng mesa na mauupuan at nang makainom na lang imbes na isipin ang nangyaring kapalpakan.

    Mura nang mura si Joey at Warren nang nagtungo sa mesa ko kung nasaan sina Wella. Isang Jack Daniels at Absolut sa harap ko ang kanina ko pa halos higupin lahat. Nakikita ko ang mga mata ni Mara at Aubrey sa akin habang umiinom ako ng dire diretso.

    “Noah, calm down. Malalasing ka. Magdadrive ka pa.” Sabi ni Liam.
    “Tawagan niyo na lang si Kuya Dashiel, kung sakali.” Sabi ko at pumikit ng mariin. Umiikot na ang paningin ko.

    Ang sunod na narinig ko ang ang malambing na boses ni Megan. “I’ll try my very best to… uhm… insert your music sa Moon Records. Napansin na rin naman kasi kayo ng scouts kaya hindi na mahihirapan-“
    “Kung bakit ka ba kasi nagpapakita ng katawan sa ibang tao. Wala ka bang delikadeza?” Sabi ko nang nakapikit sa galit ko sa kanya.
    Narinig ko ang pagsinghap niya pagkatapos ay nawala na ulit ako sa sarili ko. Damn, too much whisky.

    Nang lumakas ng kaonti ang malambing na boses ni Megan ay bahagya ulit akong nagising. . “May nambabastos kasi kanina. May ipinakita lang ako.”
    Halos matawa ako. “Ano? ‘Yong dibdib mo?” Dumilat ako at naghintay ng isasagot niya habang nagsasalin ng shot ng whisky. Dalawang beses pa akong lumagok. Manhid na ang katawan ko. “‘Yan ang ipinapakita mo pag may nambabastos sayo? Para saan? Para mas lalo kang mabastos.”
    “Sinabi ko sa kanya na may boyfriend ako. Para lubayan ako. Gumagana ang excuse na iyon sa States-” Hindi ko siya matingnan ng maayos sa sobrang kalasingan ko.
    “Oh don’t give me that shit.” Sabi ko at tumawa ng wala sa sarili.

    Boyfriend? Ayan na naman. Asan ba iyang boyfriend mo at nang maharap ko? Hinilig ko ulit ang ulo ko sa sofa.

    “I have Noah’s name on my upper abdomen.” Ang nakapikit kong mata ay dinilat ko nang narinig ko ang boses ni Megan. Hindi ko alam kung ilang oras akong naidlip. Wait? What did she say?
    “I don’t believe you.” Sabi ko ng mariin.

    Pero nang unti unti niyang tinaas ang kanyang t shirt at nakita ko kung gaano ka gandang pagkakasulat ang pangalan ko sa kanyang upper abdomen ay halos manginig ako. Nagising ako ng husto kahit na umiikot na ang mundo ko!

    “Nahihibang ka na ba?” Mariin kong tanong.

    Bakit siya magpapatattoo ng pangalan ko? Ano ba ang sinabi ng boyfriend niya o mga naging boyfriend niya tungkol sa tattoo’ng iyan? Hindi ba sila nasaktan? No. Crazy! This must be just a stupid dream! Oh! Maybe I’m too drunk! This is just a dream! Drunk dream! She can’t possibly tattoo my name on her abdomen!

    Tumindig ang balahibo ko nang naisip na akin siya. Akin siya! Akin… Siya!

    “If you think that I’ll come running back to you because of your little stunt-” Halos naghihisterya kong sinabi.
    “Hindi ko sinasabing bumalik ka sa akin para rito, Noah. Ni hindi ko nga ginustong malaman mo ito.” Aniya
    “Don’t give me that shit! You’re a pain in the ass!” Mariin kong sinabi habang iba-ibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Halu-halo.

    I want to punish her so bad. I want her to hurt. But then I want to be gentle to her too. I want to kiss her. I want to drag and ask her to be with me. But her father despised me. Pag sasabihin ba ng kanyang ama na babalik siya ng US ay agad ba niya itong tutugunin? Iiwan niya ba ulit ako? Susugal ba ako? Nanginig ulit ako. Dahil alam ko sa sarili ko na nagsisimula na naman ako sa kahibangang dapat noon ko pa tinakbuhan!

    “I-I will… ask our company’s scouts to-“
    “We don’t need your help, Megan Marfori.” Sigaw ko sa kanya.
    “I will help… Nakita na kayo nong mga scouts kaya paniguradong-“
    “I said, I don’t need your help!” The alcohol is getting into me. But I still can’t forget my name on her abdomen. God, I wanna kiss it.
    “Warren, he’s drunk. We should… look for Coreen.” Sabi ni Megan. Kaya niya pang banggitin si Coreen ngayon!
    “Oh she probably left me because of you.” Mariin kong sinabi at uminom pa ng whisky.
    “Stop drinking, Noah.” Sabay hawak sa kamay kong may pangatlong shot ng vodka.
    Nanliit ang mata ko. “Why are you so desperate?” Sambit ko sa iritasyon ko sa kanya at sa nararamdaman ko. Humilig ako sa sofa at hinayaan ang sarili kong mawala.

    After this, lalayuan ko siya. At haharapin ko si Mr. Marfori. Haharapin ko siya at ipapakita ko sa kanya na ako iyong ayaw niya para sa kanyang anak. Dahil habang hindi pa ako ang lalaking gusto niya para sa kanyang anak ay maaari niyang utusan na lang ng bigla si Megan na bumalik ng US! Habang hindi pa ako sapat, ay lalayuan ko siya ng husto! Because I can’t afford to be a wreck again. Not that I am not a wreck now! Iipunin ko ang mga pirasong natitira sa akin. And while I’m still that worthless man, I will never close the distance between us.

    Tumugtog ang isang pamilyar na musika sa buong simbahan nang tumungtong si Megan sa huling baitan ng hagdanan. Titig na titig ang seryoso niyang mukha sa likod ng veil.

    Nang napansin niya kung ano ang gagawin ko ay nilagay niya ang kanyang palad sa kanyang bibig. Ngumiti ako.

    “There are times
    When I just want to look at your face
    With the stars in the night
    There are times
    When I just want to feel your embrace
    In the cold of the night
    I just can’t believe that you are mine now…” Naglalakad na siya kasama ang kanyang mommy at daddy.

    Titig na titig siya sa akin, manghang mangha sa pagkanta ko sa loob ng simbahan.

    “All those years I’ve longed to hold you in my arms
    I’ve been dreaming of you
    Every night,
    I’ve been watching all the stars that fall down
    Wishing you would be mine
    I just can’t believe that you were mine now…”

    Dahan dahan ang lakad niya patungo sa akin. Nasa gitna na ako, hinihintay siya. Naiinip sa pagiging mabagal ng kanyang paglalakad.

    “Time and again
    There are these changes that we cannot end…”

    Nagkipagkamayan si mommy at daddy sa kay Mr. and Mrs. Elizalde. Hinalikan ko si mommy at kinamayan ko si daddy bago ko hinalikan si Mama at kinamayan ang umiiyak na si Mr. Elizalde.

    “Finally, Noah, you got her.” Bulong ni Papa sa akin.
    Tumango ako at nag init ang gilid ng aking mga mata. Bumaling ako kay Megan na hindi makangiti sa sobrang pagkamangha. That fangirl inside her is still there. Until now, Miss? It’s still there? Come on, I’ve been yours since time immemorial. Hanggang ngayon ay namamangha ka parin?

    Yumuko ako at kinuha ang kanyang kamay. Hinalikan ko ito bago ko nilagay sa aking braso.

    “Oh my God, kumanta ka!” Nanginig ang kanyang boses.
    Umawang ang bibig ko sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang takas na luha. Pinunasan ko iyon. “For you.” bulong ko.
    Titig na titig siya sa akin na para bang may kakaiba sa akin. “I’m in love with you, Noah Elizalde.”
    Ngumisi ako. “I’m in love with you too. Finally, I got you this time, Megan. I got you, finally.” Bulong ko.
    Ngumiti siya at naglakad kami patungo sa gitna.

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

25

54 Responses to Worthless

  1. Hehe the story was awesome hope so makapangasawa din ng isang elizalde haha kahit kamuka lng pala nila..Good story and the author was so good hehe. Keep up the good work in making awesome stories. :) <3

    Reply