Why Do You Hate Me?

Story Written: 2013

If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden Corpuz. Hindi pa kailanman ito nangyari sa buhay niya. Simula pagkabata, mahal na siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ni isa, mapa babae o lalaki, wala siyang naging hater. At ngayong 21 years old na siya, saka pa siya magkakaroon ng hater? At sa katauhan pa ng lalaking gusto niya? How did that happen? Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, pero bakit ang isang ito, naiirita sa kahit simpleng paghawi niya ng buhok?
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: This story may not be suitable for younger readers. It may contain explicit, violent or provocate content. Read at your own risk.

READ ON WATTPAD

  • PrologueOpen or Close

    Prologue

    “It’s been a year, man!” Tinapik ni Chase ang balikat ko.
    “I know…” Humalakhak ako.

    Ngumisi si Chase. Alam ko na ang ibig niyang sabihin sa mga ngisi niyang ganito. We’ve been friends simula nung nagclassmate kami noon sa MBA sa Manila.

    “Pag-iisipan ko pa, Chase Martin.”
    Nagkibit-balikat siya, “You know my plans, Jayden. At ngayon pa lang, nililigawan na kita.” Tumawa siya.

    Naghihintay samin ang maganda niyang asawa. Sinusundo nila ako. They don’t need to. Itong si Chase kasi ay may offer sakin. Tinanggihan ko na pero nagpupumilit parin.

    “Kung sana ay hindi ka nag via Cebu City…”
    “No, Chase. Alam kong kahit sa Manila ako nag touch down ay susundan mo ako. I know your style, man.” Sumulyap ako sa asawa niya.

    Ngumisi naman si Eliana Castillo. Mahigit isang taon o dalawang taon na yata silang kasal. Taga Manila itong si Eliana, hindi ko nga alam kung paano napatira ni Chase Martin ang isang tulad nitong sobrang yaman. Ang alam ko kasi, nag iisang anak ito ng isang sikat na businessman. Not sure if my facts are correct.

    “You know my style. Pero bakit dito ka sa Cebu lumapag?”

    Simpleng tanong niya ay hindi ko masagot. Of course, wala silang alam. Kaya gusto kong dito na lang muna sa Cebu ay dahil ayaw kong may maalala sa Manila.

    “New environment.” Simple kong sagot.

    Pumasok kami sa kotse ni Chase. Nasa likod ang tahimik niyang asawa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito. Para bang laging nakabantay. Natawa na lang ako sa inaasta ng kaibigan ko.

    Napalingon siya sakin.

    “Ilang araw ka dito?” Tanong ni Chase.
    “Months, I think.” Sagot ko.
    “See, man? I told you, tanggapin mo na lang yung alok ko. It’s not hard. Mataas akong magpasahod.” Tumawa siya.
    “I don’t know if I can handle it, Chase. Masyadong malaki at ambisyoso yung hotel and resort niyo sa Bantayan. Oh come on!” Tinignan ko ang traffic ng Cebu City sa labas.

    Mainit at maraming tumatawid sa bawat nadadaanan naming pedestrian lane.

    “Oh come on!? Ilang Le Marcelle na ang na handle mo? Halos gawin ka ng manager ng Taj. Hinabol ka ng offer sa Singapore pero nagresign ka? What’s up with you?”
    “Just soul searching.” I grinned.
    Ngumuso siya.

    He finds it ridiculous, huh? Syempre , kasi hindi niya na kailangang mag soul searching. His soul is right here.

    “Baka nandito sa Cebu ang hinahanap mo. Malay mo, nasa Bantayan pa.” Humagalpak siya sa tawa.

    Umiling na lang ako sa kawalan. Damn guy!

    “Saan ka ba nag s-stay?” Tanong niya.
    “Riala.” Sagot ko.
    “Ah!” Sumulyap siya sa asawa niya sa likuran. “Which floor?”
    “15th.” Sagot ko.
    “Ah! Magkapitbahay pala kayo ng dating ni-rirentahang condo ni Eli.”
    “Maganda dun.” Simpleng sinabi ng tahimik niyang asawa.
    “Talaga, thanks!” Nilingon ko siya at nginitian.

    Ngumiti din si Eliana sakin.

    “Nirerentahang condo? Bakit? Kanino yun noon?” Tanong ko kay Chase.
    “Kay Celine. Yung asawa ng pinsan ko. Pero may nakabili na nun. Yung anak ng mayor dito.” Sumulyap at ngumisi si Chase sakin. “Neighbors yata kayo kung 15th floor ka.”
    “Malamang.” Sabi ko.

    Nakita ko ang malaking letters ng “RIALA TOWERS” sa taas ng condo na titirahan ko.

    “Here you go.” Pinark ni Chase ang sasakyan niya.
    “Thanks for the drive, man.” Sabay tapik ko sa balikat niya.
    “You think walang kapalit to? Meron. You work for my hotel. Di kita pinipilit pero di ka rin pwedeng tumanggi kaya… kwits, alright?”
    Tumawa ako, “Businessmen.”

    Natawa din si Eliana. “Pagbigyan mo na, Jayden. Minsan lang yan naghahabol.”
    Sumulyap si Chase kay Eliana. Ngumuso si Chase, yung tipong nagpipigil ng ngiti.
    Suminghap ako, “Alright! Sige, pag ililibre mo ako mamaya sa isang magandang bar dito, Chase Martin.”
    “Sure!” Si Eliana ang sumagot. “Of course he’ll treat you, Jayden.”
    “Okay! Syempre isasama ko itong asawa ko. Isasama ko na rin ang pinsan ko. If that’s okay with you?”
    “Of course, Chase.”
    “You don’t need to stay forever there, Jayden. Pwedeng dito ka lang sa Riala. Computerized naman yung data. Pwedeng weekends ka lang pumunta dun or when you want to. Basta kailangan mabisita mo yun sa loob ng isang linggo.”
    Tumango ako, “Alright, Chase.”

    Umikot ako para kunin ang luggage sa likod ng sasakyan niya. Lumabas din si Chase para tulungan ako.

    “Thanks, man!”

  • Chapter 1Open or Close

    Chapter 1
    Ang Pangalan.

    “Damn it, Cha! Will you stop flaunting your… your everything? We get it! You have the boobs and the butt… so will you stop wearing ultra mini dresses?” Umirap ang pinsan ko.
    “Sorry, babe. Will you stop being too nosy? Kakalipat ko lang ng condo unit. At ayaw kong halughugin ang bawat box ng damit ko para maghanap ng matinong damit. Balik ka na lang ng Manila…” Umirap ako sa pinsan kong si A.
    “Stop it, you two. Nandito tayo para magsaya, hindi para mag away.” Sabi ng isa ko pang pinsan.

    Of course! Binuksan ko ang sunroof ng sasakyan ni CJ. Tumawa siya nang ginawa ko yun at nilakasan pa ang music sa sasakyan niya.

    Ramdam ko agad ang hangin sa mukha ko. Nililipad nito ang buhok ko. Kitang-kita ko ang bawat skyscrappers ng Cebu.

    “PARTYYY ON, BABY! WOHOOOOOOO!” Sigaw ko at tinaas ang dalawa kong kamay.

    “Mayor Frederico Rama’s daughter getting wild. Bukas, laman yan ng Sunstar Daily kaya tumigil ka sa kakasigaw diyan at baka makasuhan kita ng public disturbance!” Nagtataray na naman si A.

    Tumawa na lang ang mga pinsan ko sa likod. Uuwi na siyang Manila bukas. Nagagalit ito sakin dahil di ako sasama.

    “Oh, A.” Sabay upo ko pabalik sa sasakyan. Sinarado ko ang sunroof ni CJ at bumaling ulit sa pinsan ko. “Hindi talaga ako makakasama sa Manila. I hate it there… Walang freedom. Dito lang ako.” Ngumisi ako.

    Nag park agad si CJ sa tapat ng Penthouse.

    “Bakit kaya papasok pa lang tayo sa bar ay parang tipsy ka na, Cha? May iniinom ka ba bago pumasok?” CJ chuckled.
    “Uh. Tubig?”
    “She’s always like that, Cej. Hindi mo ba napapansin? Kahit pumasok sa school parang laging tipsy.” Nagtawanan ang mga pinsan ko.

    Kahit palagi akong inaasar ng mga ito, mahal na mahal nila ako. Palagi yang nakapila para pagtakpan ako sa mga kabulastugan ko. Yes, I’m not hiding my crazy nature. Marami na akong nagawang kabulastugan dahil sa pagiging uhaw ko sa freedom.

    “So tell me again, couz. Bakit ka nga ba lumipat?” Tanong ni CJ nang papasok na kami sa Penthouse.

    I don’t really want to talk about this. Lalo na pag papasok kami ng bar. I just want to have fun. Hindi naman sa naiiyak at nawawasak ang puso ko tuwing naaalala ko kung bakit. Hindi… NO FREAKING WAY! I could laugh my ass off if that’s the reason.

    “Some obsessed guy, Cej. Neighbor ko sa condo-“
    “See, Cej? She’s really hiding it! What ‘some obsessed-guy’, Cha? He’s your ex boyfriend!” Sabat ng isa kong pinsan.
    “Oh please…” Umirap ako at humiwalay na sa kanila.

    Kaya kong mawala at malunod sa crowd na ito. Late na kaming pumasok kaya marami ng tao. The party’s at its peak. Kaya gustong-gusto ko. Yun nga lang, natatakot akong baka nandito yung obsessed school mate ko noon or worst yung ex neighbor ko sa dating apartment. Nakakainis yung mga iyon, huh? Ang problema sa kanila, sa simula laging cool at no nonsense, pagkalaunan ay nagiging posessive and jealous. Yun pa naman ang ayaw ko sa lahat. Nasasakal ako kaya iniiwan ko. Naiinis ako lalo na pag nagmamakaawa na sila. Yung tipong mamamatay na sila pag wala ako.

    Excuse me, I can live without you so you better do the same. Masyadong high maintainance. Daig pa ang mga babae. Hindi naman sa masyado akong harsh, nadidiscourage lang talaga ako sa mga possessive. I have my own life. Kung gusto mong tumatag ang relasyon natin, you should let me have my own space, diba? Hindi yung iikot ang mundo mo sakin dahil ‘mahal’ mo ako. What kind of love is that? Ni hindi nga ako matali ng mga magulang ko, ibang tao pa kaya?

    Nilagok ko yung mga nakalatag na tequila at sumayaw na sa stage.

    Passion ko ang pagsasayaw. Masarap sumayaw kasi free ka. Yung mga taong hindi marunong sumayaw, hindi free. I mean, kung hindi ka marunong, dapat sumayaw ka parin. It’s a way to express yourself. To feel your freedom.

    Binalingan ako ng spot light at na mention ng DJ. Tinaas ko ang kamay ko at kinawayan sila.

    “WOHOOOOO!” Sigaw ng marami.

    Lumapit ako sa DJ. Tumatawa siya. Nagpapicture kaming dalawa. Ilang camera din ang tumutok sakin habang nagsasayaw ako o umiinom ng shot.

    Maingay at puno na ng usok ang Penthouse. Naiinitan na rin ako. Nasaan na kaya ang mga pinsan ko?

    Lumayo ako sa dancefloor para maghanap sa bawat sofa at table. Sigurado akong nasa VIP room na naman sila.

    “Hey, baby, what’s your name?” Hinarangan ako ng nakangiting expat.

    Hinawi ko ang buhok ko at kinuha ang inumin niya. I need time… to think about my name. Last night… ako si Anne. Tonight… I’m gonna be…

    “Trisha.” Kumindat ako sa kanya at binagay pabalik ang ubos ng shot.
    “That’s a really nice name. I’m Michael. Do you mind?” Naglahad siya ng kamay at tinuro ang dancefloor.
    “Sure!” Hinigit niya ako pabalik ng dancefloor.

    FORGET ABOUT THE COUSINS!

    Pagkatapos ng 15 minutes na pagbababad sa dancefloor kasama si Michael (na manyak pala) ay umalis na ako.

    “Sorry, Michael, I’m really tired.” Excuse ko para sa kanya.

    Nung una, ayaw niya akong pakawalan. Pero kalaunan ay tinalikuran ko na siya at hindi na nagpapigil.

    Damn, boys! Kaya ayaw ko sa mga ka-age ko. Hinawi ko ang buhok ko at nagpatuloy sa paghahanap sa mga pinsan ko. Where are they? Habang naglalakad ko, naramdaman ko ang tama ng alak sakin. Ano kaya yung laman ng shot ni Michael at bakit umaalon na ang sahig sa paningin ko?

    “Cigar?” May nag offer sakin ng isang stick.

    Kumulog ang tiyan ko at naramdaman kong nag contract ito at pilit na lumalabas sa lalamunan ko.

    “Oh gosh! Don’t tell me I’m gonna puke.”

    Tumigil ako sa paglalakad, pumikit at tinakpan ang bibig ko.

    “Hey!” Tinawag ko yung nagbibentang waiter. “1 Cigar, please.”

    I don’t smoke. Pero sa panahong nasusuka ako, kailangan. Ayokong masuka. Pag susuka ako, mas lalo akong sumusuka. Ayaw ko naman sa feeling na sumusuka ako. Kaya pinipigilan ko sa kahit anong paraan.

    Nanginig ang kamay ko nang hinawakan ko ang lighter at sinundihan ang sigarilyong nasa bibig ko.

    Umupo ako sa pinakamalapit na high chair ng bar.

    Seryoso? Nasusuka ako? Ilang shots pa lang naman yun, ah? Siguro dahil sa inumin ni Michael. Ang swerte ko talaga.

    Binuga ko ang smoke ng sigarilyo at pinikit ang mga mata. Nakaka wala talaga ng suka ang anghang ng sigarilyo. But I don’t like smoking… Ayokong na aadik sa kahit anong bagay. Addiction means no freedom. Bawat actions mo palaging anchored sa kinaaadikan mo. Kaya ayokong maging adik sa kahit anong bagay.

    Habang nakapikit ako at dinarama ang mint ng sigarilyo ay may biglang humablot nito. Dumilat ako at nakita ang durog kong sigarilyo sa ash tray.

    “You shouldn’t smoke, girl.” Masungit na sinabi ng isang lalaki.

    Maamo ang mukha niya, clean cut ang buhok, perpekto at assymetric ang mukha, almost 90 degrees ang angle ng jaw line at higit sa lahat, mabango…

    “What’s your problem? I’ll smoke if I want to.” Taray ko sa kanya.
    Binalingan niya ako at tinitigan gamit ang galit na galit na mga mata.
    “Nakakababa ka ng tingin. Trisha pa naman ang pangalan mo.”
    “What?” Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
    “Kung makasayaw ka kanina para kang prostitute. At kung makapanigarilyo ka para kang addict. Wala ka bang matinong nagagawa?”
    “WHAT?” Nanlaki na ang mga mata ko. “Wa’g mo nga akong pagsabihan na parang kilala mo ako!” Tumayo ako para sumbatan siya.

    Ang gwapo mo pero nakakainis ka, huh?

    “Forget it… Wala akong time para makipag usap sayo.” Tinalikuran niya ako.
    “WHAT THE HECK!? Ikaw itong lumapit sakin tapos ganyan ka makaasta?”

    Unti-unti siyang lumingon sakin. Kahit maingay ay narinig ko parin ang sinabi niya.

    “Sorry, miss. Concerned lang ako sayo kaya ganito. Forget it.” Malungkot ang mga mata niya nang sinabi niya yun.

    Tinignan niya ako head to foot.

    “I hate your dress.”

    Napatingin ako sa damit kong maiksi.

    “I hate your attitude. You should change it. It doesn’t suit you.”

  • Chapter 2Open or Close

    Chapter 2
    Ang Kapitbahay

    “Hey!” Tinawag ko siya pero nalunod na siya sa mga tao sa bar.

    Tumunganga na lang ako sa high chair. Hindi ko matanggal ang titig ko sa lugar kung saan siya nakatayo kanina.

    Ang hunk niya pero ang sungit. Sino kaya yun? Talagang nilait pa ako, huh? Is that some strategy? Art of Seduction? Tsk.

    Patuloy ako sa pagtunganga hanggang sa may biglang kumalabit sakin.

    “Cha! Ano bang nangyayari sayo? Drunk?” Humalakhak si CJ.

    Pinalibutan ako ng mga pinsan ko. Nandito rin pala ang ibang kaibigan ko.

    “Saan kayo galing?” Tanong ko.
    “Sa VIP Room. Ang bilis mo yatang na lowbat? Inaasahan ko pang magpapaulan ka ng alak bago ka bababa ng stage, eh.” Tumawa si A.

    Binigyan ko sila ng masasamang tingin. For some reason, nawalan ako ng gana sa gabing ito. Hinawi ko ang buhok ko at tinignan isa-isa ang mga kaibigan at pinsan ko.

    “You okay?” Tanong ni Lyka.
    “Yup.” Suminghap ako.
    “Just some guy…” Sabi ko.
    Humagalpak sa tawa si CJ.

    Nang marinig yun ng mga kaibigan ko ay umalis na sila at nakihalo na sa mga nagsasayawan. Si CJ na lang ang natira. Pinaglalaruan niya ang cross niyang necklace at inaayos ang ballcap.

    “Some guy, huh? Kelan ka pa ba nagkaganyan sa isang lalaki?”
    Binigyan ko siya ng masamang tingin. “Cej, this is different. Nilait ako nung lalaking ito. Alam mo yun, tinawag niya akong prostitute. Inagaw niya sakin yung death stick at inupos sa ash tray.”
    Tumaas ang kilay ni CJ, “So? Buong akala mo lalapitan ka niya para pormahan pero nilait ka niya kaya gulantang ka?”

    Hindi ako nagsalita. Yung iniiisip ko lang dito ay paano niya ako naging ‘hate’ gayung hindi pa naman niya ako kilala. Pag nakilala niya ako, siguradong magugustuhan niya rin naman ako, diba?

    “That’s some Art there, Cha. Nagpapansin lang siguro yun para maagaw ang atensyon mo.” Nagkibit balikat si CJ at sinindihan ang isang sigarilyo.

    Pinanood ko siyang manigarilyo. Naglahad siya ng isa sakin pero umiling ako.

    “Pero kung pinormahan niya ako through that, dapat hindi siya tuluyang umalis, diba?”

    My eyes darted at the stage.

    “Try mong sumayaw sa stage, baka lapitan ka niya ulit.”

    Tumango ako at sinunod ang payo ni CJ. Marami ng sumasayaw sa stage pero nang umakyat na ako, naagaw ko agad ang center at pati na rin ang spot light. Nilaro ko ang buhok ko at nag half-open sa bibig habang sumasayaw at sinusuyod ang mga tao sa bar.

    Wala siya. Wala yung hunk na papagalitan ako.

    Ilang sandali pa akong sumayaw bago umalis.

    “Wala siya, let’s go home?” Sabi ko sa mga pinsan ko.
    “HUH?” Napasigaw sila at sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila sakin.
    “Ganito ka aga, uuwi ka?”

    Umirap ako at kinapa ang purse ko.

    “CJ, please, hindi ako nagdala ng sasakyan. Iuwi mo na ako.” Sabi ko.
    “Cej, iuwi mo na nga yan. Signs of aging? Parang ang wild mo kanina papunta dito pero badtrip ka ngayon? Menopause, teh?” Untag ni Shaira.
    Umirap ulit ako, “I dunno. Nasusuka ako.”
    Nagkatinginan sila ng mga pinsan ko, “OH NO! Don’t tell me you’re pregnant!?”
    “What the fvck? Hindi ba pwedeng dahil sa alak, muna? Let’s go, Cej.”

    Tinalikuran ko sila at nagmartsa na palabas ng bar. In fairness, natamaan talaga ako sa sinabi nung lalaking iyon. Kahit nasa labas na kami ng bar ay nakatingin parin ako sa paligid. Wala parin yung hunk.

    Narinig kong tumunog ang sasakyan ni CJ kaya mabilis akong pumasok sa front seat.

    “Ihahatid lang kita ah.” Umikot siya para sumakay sa driver’s seat. “Kung di lang kita mahal, di talaga ako aalis doon.”
    “Thanks, Cej!”

    Humalukipkip ako.

    “You’re really not in the mood, couz.” Humalakhak si CJ.
    Umiling ako at imbis na patulan ang panunuya niya ay nilakasan ko na lang ang music ng sasakyan niya.

    Mabilis siyang magpatakbo kaya mabilis din kaming nakarating sa Riala.

    “Thanks, Couz.” Sabi ko at agad ng lumabas.
    “Alright.”
    “It’s just the alcohol.” Sabi ko.
    “No, I think it’s the guy.” Ngumisi siya.

    Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa pagpasok sa Riala. I love my new condo unit. Malinis pa kahit second hand. Parang hindi tinirhan. Sa pinsan naman kasi ito ni Chase, si Luke. Aniya’y fiancee daw ni Luke ang tumira dito noon. Nag rent din daw yung wife niya dito. Puro mga babae kaya malinis talaga.

    Pinindot ko yung 15 sa elevator. Hinawi ko ulit ang buhok ko at naghintay na makarating sa floor ko.

    Lumabas ako nang bumukas ang pintuan sa 15th floor. Dadaan pa ako sa dalawang rooms bago ako makakapunta sa unit ko. Normal akong naglakad nang may biglang humila sa braso ko.

    “Anthony!” Sigaw ko nang naaninaw ko ang mukha ng ex ko.
    “Cha… Bakit ka lumipat dito? Miss na miss na kita.” Kinulong niya ako sa mga bisig niya at padabog na pinasandal sa dingding.
    “What the fvck, Anthony?” Sigaw ko sa kanya.

    Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatulak. May CCTV dito kaya sana naman may rumesponde agad na guard. Pinagpawisan na ako sa sobrang kaba dahil sa ginagawa niya.

    “Bakit mo ko iniwan? Anong pagkukulang ko sayo?” Pilit niya akong hinalikan.

    Tinulak ko pa siya lalo at sinampal pero di siya natinag. Patuloy siya sa panghahalik niya. Hinalikan niya ako sa leeg. Sinabunutan ko na siya at lahat-lahat na pero dahil masyado siyang malakas, hindi na talaga siya natinag. Hinawakan niya ang dibdib ko. Narinig kong napunit ang damit ko.

    “AHHHHHHHH!” Sigaw ko.

    Biglang tumigil si Anthony. Ang sunod kong nakita ay humandusay siya sa sahig. Nakatalikod sakin ang lalaki pagkatapos niyang suntukin si Anthony.

    “Rapist, huh?” Kinwelyuhan niya si Anthony at sinuntok ulit.
    “Anong problema mo’t nakikialam ka?” Tumayo din si Anthony para suntukin ang lalaki pero nakailag ang lalaki at nasuntok niya ulit si Anthony sa may tiyan.

    Humandusay ulit si Anthony. Mabuti na lang at rumesponde ang mga guard kaya hindi na natagalan ang pang bo-boxing nung lalaki kay Anthony.

    Damn it! Lumapit ako kay Anthony para sipain siya.

    “Ow!” Sigaw niya.

    Mabilis parin ang pintig ng puso ko dahil sa pangyayari.

    “Walang hiya ka! How dare you do this to me, Anthony!” Sigaw ko.

    Hindi siya nagsalita. Nilagyan na lang siya ng posas ng mga guard.

    “Ma’am, mag fa-file ka po ba ng case?”
    “Uhm… Tatawagan ko muna ang mga abogado ko.” Sabi ko at natulala na lang sa nangyari.

    Suddenly, I realized na may tumulong pala sakin. Nilingon ko ang lalaking inaayos ang t-shirt niya.

    “Salamat nga pala, Mister…”

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong si Hunk guy ang lumigtas sakin!

    Masungit parin ang mukha niya at ayaw niyang tignan ako.

    “You’re the guy from Penthouse!”

    Aaminin ko, tuwang-tuwa talaga ako nang nakita siya ulit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina ay badtrip ako sa mga sinabi niya pero hinahanap ko parin siya dun sa bar. At ngayong nahanap ko nga siya dito sa Riala ay laking tuwa ko. Pakiramdam ko kasi, kailangan kong patunayan sa kanya na hindi naman ako dapat kamuhian.

    Diretsong kumunot ang noo niya at tinignan ang damit ko.

    “Kinausap mo yung mga guards ng may punit ang damit mo. I can see your bra from here, Trisha. Baka gusto mong tahiin muna ang damit mo bago ka makipag usap sakin.”

    Napatingin ako sa damit ko. Gosh! Tama siya! Agad kong hinawakan ang konting punit ng damit ko at ngumisi sa kanya.

    “Ngayon, pwede na ba akong makipag usap sayo?”

    Kumunot pa lalo ang noo niya. He’s so grumpy but I like it…

    “Hindi ka talaga nadadala? Muntik ka na ngang ma rape, kaya mo pang tumagal ng ganyan sa publiko? Tss.”

    Hinubad niya ang t-shirt niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nagflex ang abdominal muscles niya.

    “Stop staring and wear this, Trisha. Wait… Are you stalking me?” Binigay niya sakin ang damit niya.

    Kinuha ko ito at naamoy ang bango. SHUCKS! ANG BANGO NIYA TALAGA! His scent is really sexy. Yung tipong hindi mo basta-basta mahahagilap na pabango.

    “No, I’m not. Taga rito ako. That’s my condo over there.” Sabay turo ko.
    Plastik siyang humagalpak ng tawa, “Whoa! That’s great! Magkapit bahay pa tayo, huh? Ang swerte ko talaga!” Umiling siya at tinalikuran ako.

    What is his problem with me? And stop calling me Trisha, that’s not my name!

    ———-

  • Chapter 4Open or Close

    Chapter 4
    Ang Trabaho

    I don’t get it. Bakit ang hard niyang makitungo sakin? Para bang may atraso akong ginawa sa kanya.

    Ilang araw ko rin siyang ngingitian tuwing naabutan sa labas ng mga unit namin. Pero ang tanging natatanggap ko ay ang mga malalalim na hininga niya at pag irap.

    “I don’t get it, Erica. I mean… sobrang suplado niya. Hindi ko siya kayang ihandle.” Sabi ko sa cellphone ko. Nasa kabilang linya ang pinsan ko.

    Pupuntahan ko pa naman sila ngayon sa Alchology. Ayun, night out na naman.

    “Edi hayaan mo. Hindi ka pa naman nauubusan ng lalaki. Bakit siya pa ang pinagdidiskitahan mo?”
    “Ewan ko. Basta, I like him. Ewan ko…” Umiling ako at inisip kung bakit ko siya gusto. “Ewan ko.”
    “Hay! Ewan ko rin sayo. Bilisan mo na dito. Andaming gwapo. May mga swiss expats. Nasa table namin. Tsaka nandito pa si Julio.”
    Ngumuso ako at hinawi ang buhok.
    “Diba noon mo pa ‘to crush? Diba M.U kayo nito noon pa?”
    “Uh-huh… Pero kung crush niya parin ako ngayon baka hindi na kami M.U-” Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita kasi nakita ko nang humahakbang si Jayden sa parking lot.

    Naka puting longsleeve siya na nakafold halfway sa kanyang braso.

    “Charity? Nandito rin yung ex mong si Aldwayne.”
    “Call you later, Erica.”
    “H-Huh? Hindi ka ba pupunt-“

    Pinutol ko na ang linya. Kung pwede lang saksakin yung gulong ng sasakyan ko ay ginawa ko na. Pero agad akong nakaisip ng mas magandang ideya.

    “H-Hey, Jayden!” Nag half-run ako papunta sa kanya.

    Nang nakita niya ako ay agad siyang umiwas. Para bang virus akong dapat laging iniiwasan dahil kung hindi ay mahahawa siya.

    “What?” Bumaling siya sakin nang nakalapit na kami sa sasakyan niya.

    Red Mitsubishi Strada. Hindi ko tipo ang ganitong mga sasakyan pero, damn, ngayon nag iba na ang pananaw ko.

    “Can I hitch? Nawala ko kasi yung susi ko. Got so drunk last night kaya hindi ko na maalala. And I need to go somewhere really important.”
    Kumunot ang noo niya, “Iresponsable. Kung hindi mo naman pala kayang uminom ng marami dapat hindi ka na lang umiinom nang di ka malasing.”
    “Yeah. I’m sorry.”
    Mas lalong kumunot ang noo niya, “Pinalabas mo lang sa kabilang tainga mo ang sinabi ko, diba?”
    Natigilan ako. Masyadong demanding ang tono ng boses niya. Hindi siya sanay sumunod sa mga utos, sanay siyang nang uutos. “I-I get it, Jayden. Hindi ko na uulitin, okay? Just… just let me ride with you.”
    “Tsss. Bakit sakin pa? Marami pang iba diyan.” Sabay turo niya sa isang lalaking nakatingin saming dalawa na papunta din sa sasakyan niya.
    “Hindi ko naman yun kilala. IKaw, kilala na kita. At mapagkakatiwalaan.”
    “Magaling ka namang magpakilala, diba, Trisha. Kaya kaya mo yan.”
    “Hindi ako magaling. Kasi kung magaling ako, dapat ngayon alam mo na kung anong tunay na pangalan ko. I’m not Trisha. My name is Charity.”
    Nanlaki ang mga mata niya, “Hindi ka lang pala malandi, sinungaling ka pa.”
    “What? Ako nagsisinungaling? My name is Charity, Jayden. That’s the truth.”
    “Kung ganun bakit mo sinabing Trisha ang pangalan mo? Sinungaling ka parin.” Matabang niyang sinabi.

    Ano bang problema ng lalaking ito at bakit mukha siyang may pinaghuhugutan?

    “What’s your problem? Hindi naman ikaw yung sinabihan ko na Trisha ang pangalan ko, diba? Yun lalaki sa bar. Not you… And besides, I’ll have my own name if I want to.”
    “Dinudungisan mo ang mga pangalan ng ibang tao.” Malamig niyang sambit.

    Natahimik ako. Pinatunog niya ang sasakyan niya tsaka pumasok. Binuksan ko ang pintuan ng front seat niya at umupo doon.

    “Come on, I just want a ride. Bakit malayo na ang narating ng usapan natin?” Ngumisi ako.
    Suminghap siya, “I don’t really want you around me.”

    Napalunok ako. Bakit ayaw na ayaw niya talaga sakin?

    “Ano bang nagawa ko at bakit parati kang annoyed sakin? Para bang lagi kong naapakan ang pagkatao mo kahit wala naman akong ginawa kundi maging friendly sayo.”
    Kumunot ang noo niya at inirapan ako, “I don’t really like friendly people. Ang pagiging friendly mo ay mahuhulog din sa paglalandi.”

    I’m kinda pissed now. Pero bakit imbis na kamuhian siya ay mas naattract ako sa kanya? Yung tipong sobrang mature niya. Yung maturity na hinahanap ko sa isang tao ay nasa kanya.

    “Well, sorry na lang kung iisipin ng ibang tao na lumalandi ako. I’m just friendly. That’s all. Now, I hope you’re friendly enough to let me ride. Diyan lang naman ako sa may Crimson. Please.” Sabi ko.

    Nakita kong ngumuso siya.

    “Are you stalking me?” Untag niya.
    “What?”
    Umiling siya, “Papunta din ako ng Crimson. You are stalking me…”
    “Hindi no! Nandun ang daddy ko. May ka meeting sa VIP section ng restaurant nila. Pupuntahan ko siya. I like you, but I’m not that desperate to get to you.” Tumingin na lang ako ng diretso.

    Naramdaman ko kasing natigilan siya at tinitigan ako dahil sa sinabi ko.

    “Hindi ka ba nag si-seatbelt?” Tanong niya. “O baka naman hinihintay mo pang ako yung magsoot ng seatbelt mo sayo?”
    “Tss. Hindi naman siguro tayo madidisgrasya nito. It’s okay. Sanay ako.”
    “Whatever!”

    Akala ko ipapaandar niya na ang sasakyan pero nagkamali ako. Inabot niya sa gilid ko ang seatbelt at nilock sa harapan ko bago pinaandar ang sasakyan.

    “I don’t really like seatbelts. Pakiramdam ko nasasakal ako tuwing sinusoot ko sila.”

    Sinulyapan ko siya. Kitang kita ko ang city lights na naka reflect sa seryosong mga mata niya. Expressive at malalalim niyang mga mata. Matangos ang ilong niya at manipis ang kissable lips. Matulis din ang panga niya. Yung tipong pang magazine na mukha. Yung buhok niya, clean cut at mukhang palaging in place. Hindi nagugulo.

    “It’s not about you like it or not… Ang importante ay kailangan mo ito. For your safety.” Seryoso niyang sinabi.
    Humalakhak ako, “Ayaw mo ba ng may konting thrill?”
    Umiling siya, “Ayaw kong nakikipag usap sayo. Kaya just wait till we get there, alright.”
    “Ang harsh mo naman. Ano ba talagang problema mo sakin?” Sabi ko habang tinitignan ulit ang mukha niyang nalilipasan ng iba’t-ibang kulay ng Cebu.
    Nagkibit-balikat siya.

    Sinubukan kong tignan ang playlist ng sasakyan niya. Tinignan ko rin kung anong meron sa loob ng mga drawers niya. Maybe evidences of…

    “Anong ginagawa mo?”
    “Nothing… researching.” Sabi ko.
    “Researching bout what?”
    “Okay. Wala akong mahanap. I google ko na lang… So… may girlfriend ka ba?”
    Binigyan niya ako ng galit na mukha, “Wala.”
    Ngumisi ako, “Ako rin walang boyfriend. Ba’t wala kang girlfriend? I bet because you’re too grumpy for the girls.” Nanunuya kong sinabi sa kanya.

    Hindi siya sumagot. Agad niyang pinark sa tapat ng Crimson ang sasakyan niya. Hindi pa nga ako nakakalabas ay lumabas na siya at padabog na sinarado ang pintuan. Lumabas ako at nag half-run sa pagsunod sa kanya papunta loob ng Crimson.

    “Wait lang, Jayden.”

    Ngayon lang ako nainis sa heels kong ito ah. Pero parang hindi naman kasi kumpleto ang shorts at peplum top ko kung walang pumps.

    “Hey, Jayden!”

    Naglalakad lang siya pero ang bilis. Lumiko siya sa restaurant at binati ang mga kakilala niya.

    Hiningal ako dun ah.

    “Anak ni Mayor Rama, may hinahabol na lalaki.” Sabi ng isang bodyguard ni daddy na nakatambay sa pintuan ng restaurant.

    I glared at him, “Nothing dangerous. Wa’g kayong OA. I’m just chasing my boyfriend.” Inirapan ko siya at dumiretso sa loob.

    I think it’s my lucky day!

    “Hey, people!”

    Kumunot ang noo ni Luke at Celine nang nakita akong sumusunod kay Jayden. Suminghap si Jayden at umupo na sa harap nina Chase at Eliana.

    “What a small world! Kilala niyo pala itong si Jayden?”

    Nakita kong natatawa na si Chase at Eliana.

    “Yup, Charity. Bakit?” Tanong ni Chase.
    “He’s my new neighbor. Wow. Ang liit talaga ng Cebu. Paano kayo nag kakilala, Chase?”
    “Classmate ko siya sa MBA, Cha. And actually, he’ll work for me para sa resort ko sa Bantayan? Naalala mo yung inoffer kong job sayo as HR? Pero tinanggihan mo kasi gusto mong mag night life gabi-gabi at ayaw mong kaharap ang dagat araw-araw?”
    Nanlaki ang mga mata ko, “Huh? Tinanggihan ko ba iyon, Chase?” Pagkukunwari ko. “I don’t remember. Tinanong pa yata kita noon kung kailan ako magsisimula. Ikaw itong hindi na ulit ako kinausap tungkol diyan.”
    Tumawa si Luke, “Where’s your ate, Cha?”
    “Idunno, outside the country, whatever Luke. Chase? Ano? Kailan?”
    Umiling si Chase, “I’ll just text you. Pagsasabayin ko na lang kayo ni Jayden. So…” Tumingin si Chase kay Jayden at sakin.

    Nakita kong Biyernesanto ang mukha ni Jayden.

    “That’s great!” Napapalakpak ako.

    May biglang lumapit sakin, yung body guard ni daddy.

    “Ms Rama. Pumasok daw kayo sa VIP section.”
    “What? Hindi pa ba ito VIP section? Nandito si Chase Castillo.”
    Umiling ang body guard, “Sa VIP section ng daddy niyo po.”
    Umirap ako at hinawi ang buhok.

    Nakita kong pinagmamasdan ni Jayden ang galaw ko pero umirap siya pagkahawi ko ng buhok ko.

    Sinimangutan ko siya. What is his problem? Wala pa naman akong ginagawang masama?

    “Wait lang kuya… Chase, deal na yan ah?” Sabi ko.
    “Aryt.”
    “Sinong hinihintay niyo?” Tanong ko.

    Maingay na bumuntong hininga si Jayden sa tanong ko.

    “Mga supervisor ng resort. I memeeting ko lang bago idedeploy. Ipapakilala ko yung general manager.” Sabay tingin ni Chase kay Jayden.
    “Mga babae ba?” Tanong ko.
    Tumango si Chase.
    “Nako! Susupladuhan lang yan ni Jayden.”

    Tumalikod ako at umalis. Habang umaalis ako ay narinig kong tumawa si Luke at Chase.

    “Suplado ka na pala ngayon!?”

    You mean… he’s not that grumpy? Nilingon ko sila at nadatnan kong nakatitig si Jayden sakin. Seryoso at malalim ang titig niya. Nagtatawanan si Chase at Luke pero seryoso siya kung makatingin sakin.

    Kinindatan ko siya. Sige… Tignan natin kung sinong hindi mahuhulog, Jayden.

  • Chapter 5Open or Close

    Chapter 5

    Ang Pagkakakulong

    “Dad, alam mo namang hindi ako tulad ni Ate Nat.” Umirap ako kay Daddy.

    Ayan na naman siya at nangungumusta sa lovelife at career ko. Kaya ayaw kong sinasabi sa kanya yung nangyari samin ni Anthony nung isang araw dahil panigurado, dalawa lang ang pwedeng mangyari, lalayo ako sa Cebu o di kaya ay irereto niya ako sa ibang tao.

    “May boyfriend na ako at mahal ko siya.” Untag ko habang iniisip si Jayden. Charing! Ang assuming ko talaga. Pero yes na, ayaw kong mag isip siyang nag loloko na naman ako. “Tsaka, I’ll work. No need to chain my future, dad.”

    Si Ate kasi, sumusunod sa lahat ng gusto ni daddy at mommy. Ayaw ko pa namang sumunod sa mga rules. Gusto kong maging malaya.

    “Saan?”
    “Kina Chase Martin. Sa Resort nila sa Bantayan. That means mejo mamamalagi na ako dun.”
    “Bantayan Island?” Tumaas ang kilay ni Daddy.
    Umirap ako at tumayo na. “Alis na ako dad, pupuntahan ko pa sina Erica.”
    “Alright.” Suminghap siya. “Tawagan mo naman yung mommy mo! Kakarating lang nila ng Manila. Hinahanap ka. Hindi ka raw sumasagot.”
    “Opo. Sorry po. Medyo busy. Mamaya.”

    Lumabas ako sa VIP section at tumuloy sa section nina Chase. Nandun parin sila at kasama na nila ang tatlong mukhang mga propesyunal na mga babae. Dalawa sa mga babae dun ay nakikipag usap kay Jayden. Nakangiti si Mr. Masungit habang kinakausap ang dalawa.

    Nasulyapan niya ako at bumaling siya kay Chase. May sinabi siya kay Chase na dahilan kung bakit sabay-sabay silang tumayo at umalis.

    Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood ang pagdako ng kamay ni Jayden sa baywang ng huling babae. Makinis at mahaba ang buhok ng babaeng ito. Mukha rin siyang interesado kay Jayden dahil masigla silang nag uusap na dalawa. Sumulyap si Jayden sa akin nang nandoon na sila sa pintuan at palabas na. Naabutan niya akong tulala at nakasimangot sa kanilang dalawa.

    Nag half-run ako palabas ng Crimson para maabutan sila.

    Nakita kong hinatid niya sa loob ng taxi ang tatlong babae. Nakangiti siyang kinawayan ang mga ito. Nakita ko ring umalis na si Chase at Luke gamit ang kani-kanilang sasakyan.

    Pinatunog ni Jayden ang sasakyan niya tsaka kinawayan si Chase at Luke.

    “Jayden!” Tawag ko.

    Lumingon siya at sumimangot sakin.

    “What?”
    “Saan ka pupunta? Pwedeng pahatid?”

    Nilingon niya ako.

    “I’m not your driver.” Masungit niyang sinabi.
    “Kung pwede lang naman sana. Kung uuwi ka ng Riala, pwede namang i drop mo na lang ako sa Mango. Kailangan kong pumunta dun. Nandun kasi ang friends ko.”
    “What is with you and your night life?” Kumunot ang noo niya.
    “What?” Kumunot din ang noo ko.
    “And what’s with your clothes? Tss. Diba sabi ko sayo wa’g kang mag soot ng mga ganyan ka iksi kung ayaw mong mabastos?”

    Tinignan kong mabuti ang short-shorts ko at peplum top.

    “Anong gusto mong sootin ko? Yung pang nanay?”

    Natahimik siya.

    “I just want a ride. Come on. Masyado ka talagang namemersonal.” Ngumiti ako.
    “At ano na naman ang gagawin mo sa Mango? Sasayaw ka na naman sa stage? Para may makalandian?” Nag iwas siya ng tingin sakin.
    “Hey, what’s your problem? Nung isang araw ko pa talaga napapansin ah? Ilang linggo pa lang tayong nagkakilala pero parang may pinaghuhugutan ka ng galit sakin? Ano ba yan? Kailan mo itinanim ang galit mo at hanggang ngayon ba ay dinidiligan mo parin? At anong klaseng halaman yan bakit hindi ko alam?”

    Umiling siya at binuksan ang sasakyan niya.

    Binuksan ko na lang ulit ang pintuan ng sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob. Narinig ko na naman ang maingay niyang paghinga ng malalim.

    “Kung mag trato ka ng ibang babae, okay lang naman ah. May pahawak-hawak ka pa sa baywang. Ako kahit titig, di mo nagagawa. Hindi ko naman naapakan ang paa mo nung una nating pagkikita, ah?”
    “I just don’t like you… That’s all.” Pinaandar niya ang sasakyan niya.

    Natahimik ako sa sinabi niya. Parang kinukurot ang puso ko. I’m so pissed. I like him at hindi ko maintindihan kung bakit. Though he’s getting under my skin, I still can’t hate him.

    Hindi na ako nagsalita. Nang naramdaman niya ang inis ko, siya naman yung nagsalita.

    “We’re going home.”

    Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Nilingon ko siya. Sa sobrang inis ko ngayon, naiiyak na ako. Pero ginawa ko ang lahat para hindi tuluyang bumuo ang luha sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang huminga normally.

    “Pupunta ako ng Mango, Jayden. Umuwi ka kung gusto mo-“
    “I’m the driver, here. Sasakyan ko ito at nandito ka sa loob kaya ako ang masusunod.”
    Umiling ako, “Sasakyan mo ito. Sasakyan mo ang pag aari mo. Hindi ako. Maybe… just drop me here. I can walk from here. O di kaya mag tataxi.” Sabi ko sabay tingin sa mga kanto.

    Umiling din siya, “We’re going home.”

    “You are. I’m not.”

    Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya.

    “Hoy! Isarado mo yan!”
    “It’s either mananatili itong ganito o ibaba mo ako!” Sabi ko.

    Bahagyang lumiko ang sasakyan niya dahil inabot niya ang kamay kong nakahawak sa pintuan.

    “Close it!” Sigaw niya.

    Ayaw ko sanang sundin pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila para maisarado ko yung pinto.

    “Stupid stubborn girl!” Untag niya.
    “Bakit di mo pa tinitigil? Do you want me to jump from here?”

    Hinampas niya ang manibela ng sasakyan niya.

    “Fine! Ihahatid kita sa night life mong yan. But I won’t give you that satisfaction.”

    Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko naintindihan kung anong satisfaction ang sinasabi niya pero ang importante lang sakin ngayon ay sinabi niyang ihahatid niya ako.

    God! I should have brought my car. Hinawi ko ang buhok ko.

    Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami sa Mango. Maraming tao at maingay kahit sa labas ng Hybrid. Nakangisi na ako nang nakita ko ang ilang kakilala ko. Para akong batang ipinasyal sa Disneyland.

    “Dito lang.” Utos ko sa kanya.

    Pero nabigla ako nang hindi niya ako nidrop sa Mango. Humanap siya ng parking space at nag park.

    “A-Anong? Are you staying? May pupuntahan ka rin?” Tumaas ang kilay ko.

    “I said… I won’t give you that satisfaction. That means, I won’t give you the freedom to dance and drink all over this place. I’ll be watching you tonight.”

    Nalaglag ang panga ko. Lumabas na siya ng sasakyan at nanatili ako sa loob na nakalaglag ang panga. Sa unang pagkakataon, na gustuhan ko ang pagkakakakulong ko. Kung kapalit naman ng sinabi niya ay ang freedom ko, wala akong pakealam. Somehow, it was heart warming.

    Kinatok niya ang pintuan ko nang narealize na hindi pa ako lumalabas. Inayos ko muna ang sarili ko tsaka dahan-dahan iyong binuksan.

    “Did you change your mind?” Tumaas ang kilay niya.
    Umiling ako, “Nope. Hell, I won’t.”

  • Chapter 6Open or Close

    Chapter 6

    Ang Freedom

    Malaki ang ngisi ko pagkalabas ng sasakyan niya. Nakasimangot naman siya at mukhang pagod.

    Nauna ako sa paglalakad. Hinayaan ko siyang sumunod sakin. May nakakita agad sa akin. May isang table ng kaibigan kong lumingon agad sakin pagkababa ko pa lang. At alam kong nakikita nila si Jayden na nakabuntot sakin ngayon.

    “Charity!” Sigaw ng Shaira.

    Nakaamba na siyang yayakapin ako.

    “Shai!” Sabay yakap ko sa kanya.

    Nagbeso siya sakin at sumulyap sa lalaking nasa likod ko.

    “Akala ko dika pupunta dito!” Tumawa siya. “Andun na sina Erica sa loob, dito muna kami, nagpapahangin.”

    Itinuro niya ang sandamakmak na kaibigan kong nakaupo sa Hybrid.

    “Shot? Tara!” Sabay hila niya sa braso ko.

    Tumango ako at sumunod sa kanya. Hinila niya pa ako lalo at bumulong sa tainga ko.

    “Who’s the hunk?”

    “Uh… Chaperone.” Ngumisi ako.

    “Uy, seryoso? Mukhang seryosong lalaki yan, ah? Iba sa mga naging boyfriend mo noon? May kasabay ba yan ngayon? Boyfriend mo na ba? Siya lang ba? Hindi siya bagay na tinotwo time, mukhang seryoso-“

    “Shaira!” Bulong ko rin sa kanya.

    Sumulyap ako kay Jayden at nakita ko siyang seryosong nakatingin samin. Mas lalo siyang sumimangot nang nagkatagpo ang mga mata namin.

    “Ano ba kasi, Cha?”

    Ngumuso ako at di siya sinagot. Wala rin naman kasi akong maisagot.

    “Huy, Cha! Malihim ito, oh!” Sumulyap din si Shaira kay Jayden sa likod.

    Napapikit siya nang bumaling ulit sakin.

    “Sobrang gwapo, gosh!”

    I know right. Hunk at gwapo. Seryoso pa at propesyunal. Iba siya sa mga naging boyfriend ko. Halatang hindi siya mahilig sa night life. Halatang seryoso siya kung magkaka girlfriend.

    “Uy, Charity!” Bumati ang mga kaibigan kong nag yoyosi at umiinom sa Hybrid pero sa likod ko sila tumingin.

    “Hi guys!” Bati ko.

    “Ipakilala mo naman kami sa bago mong boyfriend! Pamalit ba yan kay Anthony?” Sabi ng walang hiyang si Angelo.

    Kumunot ang noo ko sa kanya at umirap naman siya pagkatapos ay nag iwas ng tingin.

    “Hey, you watch your mouth.” Galit na sambit ni Jayden sa kay Angelo.

    Hinawakan ko agad ang braso ni Jayden. Baka kasi magka eskandalo pa dito.

    “Angelo! Just leave us alone! He’s just my neighbor guys-“

    Pero bago pa ako natapos sa pagsasalita ay hinigit na ako ni Jayden palayo ng Hybrid.

    Walang nagawa ang mga kaibigan ko. Ilan sa kanila ay sinundan kami sa tingin. Yung iba naman ay pinag tsismisan kaming dalawa ni Jayden.

    “Hindi ako pamalit at mas lalong hindi tayo! Kaya itigil mo na ang pag sasabi sa kanila na tayo na kasi hindi mangyayari yun!” Sigaw niya sakin sa parking lot ng Mango Square.

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kinurot ang puso ko. Masyadong matalim ang salita niya. Para bang ikinakahiya niya ako.

    “Wala akong sinabing ganun, Jayden. I’m not that desperate.”

    Tinalikuran ko siya. Kanina pa ako nababadtrip sa kanya. Bahala na nga siya sa buhay niya. Sobrang sungit! Hindi ko keri! Nagmartsa ako papasok ng Club Alchology. Hinila niya ako sa braso kaya napalingon ako sa kanya.

    “Ganyan ba ka dami ang lalaki mo at kahit sinong nakakasama mong lalaki, nalilink agad sayo? Kung makapagpalit ka siguro ng boyfriend, parang nagpapalit lang ng damit, ano? At siguro two-timer ka rin!”

    Unti-unting nag alab ang galit ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ang laki-laki ng atraso ko sa kanya at ganyan siya makapanghusga.

    “What?” Kinagat ko ang labi ko.

    Gusto kong mag mura sa harapan niya at mag burst out na lang sa galit na nararamdaman ko. Pumikit na lang ako at tinalikuran siya.

    Nagmadali akong pumasok sa loob ng Club Alchology. Maingay at maraming tao sa loob. Maraming bumati sakin, maraming lumapit, pero mahal ang ngiti ko ngayon. Hindi ko kayang makipagplastikan sa lahat ng taong bumabati sakin. Tumango-tango na lang ako sa kanila habang dumadaan sa pagitan ng mga taong sumasayaw.

    Nababalot na rin sa usok ang buong bar. Marami talagang tao. Marami ding sumasayaw sa stage.

    Na kita ko sina Erica na kumakaway sa may sofa. Kasama niya ang ibang mga kaibigan ko. Nakita ko rin ang pinsan kong si Lyka na tumatawa kasama ang isang lalaki.

    Lumapit ako sa kanila. Imbes na bumati sa kanila ay agad kong nilagok ang tatlong basong tequila na nakita kong nakalapag sa table.

    “One lemon is to 3 shots of tequila? Really, couz?” Tumawa si Lyka sa ginawa ko.

    Umiling ako at tinignan ang mga nagsasayawang tao. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila ni Marcus. Wala naman talaga akong naririnig sa sobrang ingay.

    “Where’s your boyfriend?” Pasigaw na tanong ni Shaira sakin.

    Napalingon sina Angelo sa tanong ni Shaira. Hindi na ako nag aksaya ng laway para sumigaw pabalik kay Shaira. Umiling na lang ako at nilagok ulit ang isang shot ng tequila. Nagtawag ako ng waiter at nagpahatid ng Jack Daniels at ilang beer.

    Ewan ko. Trip kong mag lasing ngayon.

    Mabilis na nakabalik ang waiter. Inaya ako nina Shaira na sumayaw. Maging si Lyka ay nandoon na sa stage at sumasayaw na kasama si Marcus. Pero ako dito, busy sa paglalagay ng shot sa shot glass ko. Nakatitig lang ako sa shot glass. Ilang sandali ang nakalipas ay umikot na ang mundo ko. Beer, tequila at Jack. Syempre. Buti na lang pala wala akong sasakyan. Sasabay na lang ako kay Lyka o di kaya kina Shaira.

    Nasaan kaya yung pinsan kong si CJ? Ay! Ewan! Hinawi ko ang buhok ko at ininom ulit ang isa pang shot.

    “Sayaw tayo, Charity.” Naglahad ng kamay si Angelo sakin.

    Nakangiti siya at halatang mejo nakainom na rin. Wala sa sariling nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Pagkatayo ko ay nabigla ako dahil bumigay ang tuhod ko. I’m sure I’m just tipsy. Pero darn, sarap ng matulog. Gusto ko ng umidlip dahil blurry na ang paningin ko.

    Tumatawa ako habang isinasayaw si Angelo. Hinahawi ko ang buhok ko dahil naiinitan na ako. May nakita pa akong titig na titig na koreanong sumasayaw sa harap ko. Nabigla din ako nang nakita ko yung friend kong si Julio. May sinasayaw siyang babae pero ako yung tinitignan niya. Tumawa na lang ako sabay hawi ulit sa buhok ko.

    “You damn, damn, girl!” Kahit maingay ang music sa bar ay dinig na dinig ko ang boses ni Jayden na humila sakin.

    Halos madapa ako sa pagkakahila niya. Pero sapat na ang pwersya niya para pigilan itong mangyari.

    “Dude, what the fvck!?” Sigaw ni Angelo.

    Umikot ang mundo ko. I need to be steady. Wake up, Charity! Itinulak ni Angelo si Jayden, dahilan kung bakit may napasigaw. Agad kong tinulak ang dibdib ni Angelo. Bahagyang humina ang music. May lumapit ding mga bouncer samin.

    Oh no, Charity! Front page na naman ba ng newspaper?

    “Ser, tama na po. Warning na. Ipapalabas namin kayo kung manggugulo pa kayo.” Sabi nung isang bouncer kay Angelo.

    Pulang-pula ang mga mata ni Angelo na hinarap ang mga bouncer.

    “Hindi ako ang nanggugulo. It’s him!” Sabay turo niya sa nakabusangot na si Jayden. “Dude, hindi ka niya boyfriend kaya wa’g kang nangingialam!”

    “Sh- Angelo, tama na-” Nagawa ko pang magsalita gayong hindi ko na talaga ma maintain ang balanse ko.

    “Sigurado ka bang hindi ako ang boyfriend niya?” Tumaas ang kilay ni Jayden nang sinabi niya yun kay Angelo.

    Tiningnan ako ni Angelo.

    “Cha! What- Just a neighbor, right?”

    “Yes, we’re neighbors. And I’m also her boyfriend. Kaya wa’g ka ng mangarap.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Jayden. Sayang lang at hindi ko matignang maayos ang reaksyon ng mga kaibigan kong nakasaksi sa nangyari dahil nahuhulog na ang mga mata ko.

    “Let’s go home.”

    Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

    “I said, let’s go home.” Sabay hila ni Jayden sa braso ko.

    “What the?!” Suminghap si Angelo. “Charity! Where’s your freedom now?”

    I don’t know. Basta hinahatak lang ako ni Jayden. At hindi ako manlalaban. Hahayaan ko siya.

  • Chapter 7Open or Close

    Chapter 7
    Ang Unan

    Hindi ko alam kung paano ako napunta sa front seat ng sasakyan niya. Ni hindi ko naaalalang pumasok kami dito.

    “You crazy girl.” Sambit niya.

    Nakapikit ako at hinilig ang ulo sa upuan.

    “Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Diba sabi mo ayaw mo ng pinagkakalat ko yun? I didn’t! Tadaaa!” Tumawa ako. “You did.” Tinuro ko siya.

    Dumilat ako at nakita ko ang seryosong mukha niya. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakasarado ng labi niya. Galit?

    “That’s because I needed too. Not because I like you.”

    Natawa ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung bakit kaya bahagya akong napa alik-ik.

    “I know you hate me so much.”

    Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang kinis. Tinignan kong mabuti ang mga mata niyang chinito at seryoso. Inalis niya ang kamay ko sa pisngi niya.

    Suminghap ako at sinubukang haplusin ulit ang pisngi niya. He looked so soft, so fragile, so hurt. Why?

    “Tama na! Stop seducing me. Hindi ka magtatagumpay.”
    “I’m not seducing you. Na se-seduce ka ba?”

    Hinawi niya ulit ang kamay ko.

    “Kung hindi ako ang lalaki dito sa tabi mo, what do you think will happen to you?”

    Ngumuso ako at tumingin ng diretso sa labas. Hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan. Lumalalim ang gabi. Nakikita kong may naglalabasan sa club alchology at may mga pumapasok parin sa loob. May kumakatok pa saming nagbibenta ng cigar.

    “Can I smoke?” Tanong ko sabay turo sa naka bihis na babae sa labas.
    “No. I’m asking you… Kung wala ako dito, anong mangyayari sayo? Kung ibang lalaki ito, anong mangyayari sayo?”

    For some reason, noon, kung may gusto akong gawin at pinipigilan ako, mas lalo akong nagrerebelde, pero ngayon… simpleng “No” niya lang, sumusunod na ako. Para bang may command sa boses niya. Para bang sinusunod ko ito at masaya pa ako kahit na pinagkakaitan ako ng freedom.

    “Why can’t I smoke?” Tanong ko.

    Hindi dahil gusto ko talagang manigarilyo. Kundi dahil gusto kong malaman ang dahilan niya sa pagpipigil sakin. He hates me… Pero nag aalala ba siya sakin?

    “Because I said so… Now, I’m asking you… Kung ibang lalaki ako, anong mangyayari sayo?”
    Nagkibit-balikat ako, “I don’t just go with anyone, Jayden.”
    “Really?” Tumaas ang kilay niya.
    “Yes.”
    “Kung ganun, paano mo nagawang makipagsayaw na parang baliw kasama ang lalaking iyon? And the first night I saw you, akala mo ba hindi kita nakitang nagsasayaw na parang prosti? And look at your clothes? Your hair? Your make up-“
    “Excuse me, hindi makapal ang make up ko.”

    Pumikit ako dahil umikot na naman ang mundo ko. I seriously wanna puke.

    “Hindi naman ako sumama, diba? Just dancing, Jayden.” Sabi ko nang nakapikit ang mga mata ko.
    “Really? Hindi ka sumama kasi nandito ako. Paano kung wala ako?”
    “Nandyan ka naman.” Ngumisi ako nang nakapikit.

    Damn. I’m sure that’s my heart beating loud and fast. Dahil ba ito sa alak o some other unknown heavenly reason?

    “I’m not always here.”
    “I want you to be always here.” Sambit ko ng wala sa sarili.

    But that’s the truth. Natahimik siya kaya sinubukan kong dumilat. Nakita ko siyang seryosong nakahawak sa manibela at nakatingin ng diretso. Hindi parin umaandar ang sasakyan niya.

    “No. I won’t be.” Malamig niyang sinabi sakin.

    Pumikit ulit ako. Kung ganun naman pala… Can I sleep now? Ugh! I’m seriously drunk. Dinig na dinig ko kasi ang palpitation ng mga pulso ko. Siguro nga dahil sa alak.

    “Damn Jack Daniels.” Sambit ko sabay hilig ulit sa ulo.
    “Wa’g ka kasing naglalasing kung hindi mo naman kaya.”

    Napangiti ako. Pero agad iyon napawi nang narinig kong hinampas niya ang manibela niya.

    “Don’t do this again!” Aniya.
    “What if I do it again?” Nakangiti kong sinabi.

    Natahimik siya.

    “I want you to be there… fetch me… and take care of me.”

    Pinaandar niya ang sasakyan. Nabigla ako kaya dumilat ako at pinagmasdan siya. Mukha siyang galit na nag dadrive.

    “Sorry, I’m being overly dramatic. Especially when I’m tipsy.” Tumawa ako at pumikit ulit.
    “You’re not just tipsy. You’re damn drunk.”

    Hindi ko na namalayang nasa Riala na pala kami. Hindi na talaga ako makalakad ng maayos nang hinila ako ni Jayden palabas ng sasakyan niya.

    “Can I just remove my pumps?” Pagkatapos kong natapilok nang tatlong beses.
    “Whatever!” Aniya.

    Yumuko ako para kunin ang sapatos ko pero agad niya akong pinatayo pabalik. Tumingin siya sa likuran namin.

    “Bakit?”
    Umirap siya, “Stay that way. Ako na magtatanggal. Gusto mo bang mabosohan ka?”

    Lumingon ako sa likod at nakita kong may tumatawang mga lalaking kakagaling lang din ata mag night life. Bumaling ulit ako kay Jayden na hindi ko na nakita.

    “Jayden?” Sambit ko.

    Nilakihan ko ang inaantok kong mga mata. Kung hindi ko lang naramdaman ang maiinit niyang kamay na humawak sa binti ko ay hindi ko siya mapapansin. Nakaluhod siya sa harap ko at tinatanggal ang sapatos ko.

    OH MY GOSH! I hear the palpitations again.

    Tumingala siya sakin at binigyan niya ako ng disappointed-look.

    “Here you go.” Aniya sabay tayo.

    Napalunok ako. I think I’ve gone mad.

    “Next time, wa’g ka ng magsoot ng ganyan kaiksing mga damit. Kung ayaw mong mabastos.”

    Nakaapak ang mga paa ko sa malalamig na sahig.

    “Let’s go.” Aniya at hinawakan ang kamay ko.

    Siya pa ang may hawak ng purse ko at maging ang pumps ko. This is the sweetest thing I’ve ever experienced. Hindi naman sa namumulubi ako ng mga tweetums sa buhay ko. I’ve been surprised by teddy bears, roses, balloons, chocolates and whatnots… pero ngayon ko lang talaga naramdaman ang kuryenteng ito. Yung pakiramdam na hindi ko mapigilang ngumiti.

    Pinindot niya ang elevator. Pagkapasok namin, humilig agad ako doon. Hindi ko na mapanatili ng maayos ang balanse ko. Pumikit ako pero nakahawak parin ako sa kamay niya. Naririnig ko ang mga paghinga niya ng malalalim.

    “Where’s the key?” Tanong niya nang hinalughog ang purse ko sa tapat ng condo unit ko.

    Kinuha ko yung susi at binigay sa kanya. Inaantok na talaga ako kaya kahit nakapaa ako ay muntik parin akong nadapa.

    “You alcoholic.”

    Tinulungan ako ni Jayden na tumayo at inalalayan niya ako papuntang kama. Napangiti ako nang naramdaman ko yung kamay niya sa leeg ko. Dahan-dahan niya akong pinapahiga sa kama.

    Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at walang pasubaling hinalikan siya. Mabilis lang kasi agad siyang umatras.

    “Charity!”

    Napadilat ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. The first time he called me by my name!

    “GANYAN BA ANG GAGAWIN MO SA MGA LALAKING MAGHAHATID SAYO DITO?” Nakita ko na naman ang nag aalab na galit sa mukha niya.

    Para bang nahuli niya ang girlfriend niyang may kasamang iba. Ganun yung tono ng sinabi niya sakin.

    “Hindi, Jayden! I kissed YOU! Hindi yung ibang lalaki. Stop thinking about the ‘other’ boys. Kasi walang ganun.” Sabi ko.
    “Paano kung ibang lalaki yung naghatid sayo? GANUN ANG MANGYAYARI!?” Sigaw niya. Dama ko parin ang galit.
    “No! I kissed you because I like you!” Napaupo ako sa kama ko.

    Nakita kong lumayo siya.

    “I don’t like you…”

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    “I even hate girls like you…”

    Parang may kutsilyong tumaga sa puso ko. Diretso. Sa bagay, diretsahan din naman yung pagkakasabi niya. Walang paliguy-ligoy.

    “How do I get you to like me, Jayden?” Matapang kong tanong sa kanya.
    “There’s no way I will like you.”

    Tinalikuran niya ako. Yung tipong pag talikod na may markang katapusan.

    “Jayden!”

    Hindi siya tumigil sa paglayo. Kinapa ko ang kama ko at ang tanging nakuha ko ay ang unan. Bunato ko siya ng unan at na bull’s eye naman ito sa ulo niya.

    “I will find a way.” Sigaw ko. “I want you to like me…”

    Tumigil siya sa paglalakad. Hawak-hawak niya na ang doorknob. Pabukas na siya ng pintuan at paalis na siya ng kwarto ko. Pero nagawa niya pang tumigil para lang sabihin ito.

    “Then… change.”

  • Chapter 8Open or Close

    Chapter 8
    Ang Damit

    Ang sakit ng ulo ko. Damn! I can’t even cook my own breakfast. Nakahiga lang ako sa kama. Anong oras na kaya. At ano ba yung nangyari kagabi?

    Unti-unti akong dumilat at tumingala sa ceiling. Unti-unti ko ring ni re-recall ang lahat ng nangyari. Si Jayden. Ang gentleman na naghatid sakin dito sa condo. Kahit hinalikan ko na siya at alam niyang lasing ako, hindi niya parin iyon pinagsamantalahan. Nagawa niya pa akong talikuran kahit sinabi ko na sa kanyang gusto ko siya.

    Napangiti ako sa sarili ko. Damn! My head hurts! Pero hindi parin nito mapipigilan ang saya ko. Kahit na sinabi niyang ayaw niya sakin. He hates me. Masaya parin ako. Kasi gusto ko siya. Is that even possible? Masaya lang ako dahil gusto ko siya. Hindi ko iniinda yung masasakit na salitang sinabi niya sakin.

    “Then…change.”

    What kind of change is that, Jayden?

    *KRIIIIIIING*

    Napatalon ako sa pag ring ng cellphone ko sa loob ng purse. Anong oras na kaya at bakit may tumatawag? Si CJ ba ito? Pag nagkataong siya, papatayin ko talaga siya. Madaling araw, grabe kung tumawag.

    Hinalughog ko ang purse ko. Nang nakapa ko ang cellphone ay agad na lang nilagay sa tainga nang di tinitignan kung sinong tumatawag.

    “WHAT?” Naiinis kong pambungad sa tumatawag.
    “Whoa! Is that how you talk to your manager?”

    Who the hell?

    “What manager? I’m the manager of my life. Hindi ikaw. Bye, stalker!” Sabay pindot ko sa end button.

    Hinagkan ko ang unan sa kabilang side ko at nag isip. Sinong manager? Wala pa nga akong trabaho may manager na? Manager ng Alchology? Manager ng Riala? What freaking manager?

    Napaupo ako sa kama nang narealize kung sino yung tumawag. Napahawak din agad sa ulo kasi unti-unti kong naramdaman ang sakit at pagkahilo.

    “OH MY GOD! IT’S JAYDEN!?”

    Halos lumipad yung cellphone ko sa pagkakataranta ko nang tumawag ulit siya.

    “CHARITY RAMA!” Yun ang pambungad na sigaw niya sakin.

    Para akong timang na nakangisi kahit na ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Jayden.

    “Yes, good morning!” Bati ko.
    “KANINA PA KITA TINATAWAGAN? WE HAVE A MEETING RIGHT NOW! PARA SA RESORT! ARE YOU COMING OR NOT! KASI KUNG AYAW MO TATANGGALIN NA KITA! HINDI KO KAILANGAN NG MGA TULAD MO!”

    Ang sungit naman ni koya.

    “What meeting? I mean… madaling araw.”
    Narinig ko ang pagsinghap niya, “You’re fired-“
    “WHOOOPS! Jayden, please, sorry. Kakausapin ko si Chase Martin. Anong oras na ba? Eto na babangon na ako at maliligo at magbibihis. Nasan ka ba?”
    “Bye.”
    “Wait- Shit!” Binabaan ako.

    Langya talaga yung hunk na yun! Sus kundi ka lang hunk! Mabilis akong naligo at nagbihis. Pero hindi nawala yung daily routines ko nang paglo-lotion at ano pang mga ritwal. Yun nga lang, hindi na ako nakapagblower ng buhok.

    Tinawagan ko ulit yung number ni Jayden para sana magtanong kung nasaan siya pero kinacancel niya ang mga tawag mo.

    “Akala mo, ah?”

    Pinindot ko ang numero ni Chase Martin. Agad sumagot. Kakagaling lang yata sa tawanan.

    “Yes, Cha?”
    “I assume na pareho kayo ng inuupuan ng Jayden ko? Where are you, Chase Martin?” Tanong ko at pinindot ang button pababa ng elevator.
    He chuckled, “‘Ko’? Bakit? Sayo?”
    “Oh just tell me, please.”
    “Aryt, nasa Crimson kami. Make it fast, Cha.”
    “Okay, bye.”

    Fast? No… Dahil hindi ko gagamitin ang sasakyan ko ngayon. Goodbye, baby. Sorry hindi na kita nagagamit ngayon. Ito ang paraan ko para makabonding si Jayden. Magtataxi ako papuntang Crimson at paalis dun, makikisabay na naman ako sa kanya.

    Mabilis akong pumara ng taxi.

    “Manong, Crimson po.”

    Mabilis ding magdrive ang driver. Kahit na traffic dito sa Metro, kaya parin naman. Nagmadali akong pumasok sa Crimson. Baka magsungit na naman ang isang yun dahil natagalan ako. Pero ang sarap niyang magsungit kung tinatawag niya ang buong pangalan ko sa tuwing nagagalit siya, huh!

    “Sorry, I’m late!” Bati ko sa kanila.

    Nandoon ang tatlong babaeng supervisor, si Chase Martin at ang asawa niyang si Eliana, at syempre si Jayden.

    “Hi!” Nag beso ako kay Eliana na nakangisi at tahimik lang sa tabi ni Chase Martin.

    Ngumisi din ako syempre sa tatlong babaeng supervisors. Pero hindi ako nagbeso, naglahad lang ako ng kamay.

    “Charity Rama.” Sabi ko.

    Nagkatinginan silang tatlo.

    “The Charity Rama?” Sabi nung isang namumukhaan kong hinawakan noon ni Jayden ang baywang niya.
    “Uh-huh.”

    Tinanggap niya ang kamay ko. Nakipagkamayan din ako sa dalawa. Kahit na nakapalibot na sila kay Jayden ay gumawa parin ako ng paraan para makaupo sa tabi niya.

    “I’m Shiela.”
    “Nicole.”
    “Tina.” Eto yung hinawakan ni Jayden ang baywang nung isang araw.

    “Tina, pwedeng patabi.” Sabi ko sabay tulak sa upuan niya.
    “H-Huh?” Nakita kong sumimangot siya.

    Pero ngumisi lang ako at nagtawag ng waiter.

    “Waiter, pwedeng pakitabi na lang dito yung upuan na yan.”
    “What?” Angal ni Jayden.

    Tatabi ako sayo! I told you, I’ll do anything.

    Tinignan ko siya habang nilalagay nung waiter ang upuan sa tabi niya at abala ang mga supervisor sa paglilipat ng mga upuan nila.

    Nihead-to-foot niya ako at inirapan.

    “What?” Pabalik kong tanong sa kanya.

    Nakita kong tumaas ang kilay niya at ibinaling ang atensyon sa kay Chase na nakangisi ngayon sakin.

    Tinignan ko ang sarili ko. Of course, short shorts again. Wala naman kasi akong ibang damit kundi mga ganito. At least this one’s decent. Non the denim type, diba? Black and beautiful. What’s his problem with my clothes? Fashion yan!

    Umupo na ako sa tabi niya at nagsimulang magsalita si Chase tungkol sa Resort niya. Chase Paradise Waterpark and Resort. Akala mo naman hahabulin mo ang paraiso, yun pala, pangalan niya.

    “15 hectares ang buong waterpark. At 5 hectares ang beach resort.”
    “Ang laki naman, Chase.”
    Sinimangutan ako ni Jayden sa pagsingit ko.
    “Alam ba ito ni daddy? I mean, hindi ba siya nagyayang mag invest?”
    “Hindi, Charity. Family-owned lang ito. Walang board.”
    Tumango ako at hinayaang magsalita si Chase.

    Dahil late ako, pinamukha sakin ni Jayden ang pagkakamali ko.

    “As I was saying… hay inuulit ko na naman kasi may mga taong late… I hope you change your attitude…” Wala naman talaga siyang tinutukoy pero alam kong ako ang pinaparinggan niya.

    MALAMANG!

    “Kaya bukas…”
    “BUKAS AGAD?” Sumingit ako kay Jayden na ngayon ay mukhang inis na inis na sakin. “Okay, yes, po.” Ngumisi ako pero inirapan niya ako.
    “Bukas, pupunta na tayo ng Bantayan.”
    “Okay lang sakin kasi taga Bantayan naman ako.” Sabi ni Tina.
    “Nako! Uuwi talaga ako ng Cebu. Hindi ko kaya, My God!” Sabi ko sabay tingin kay Jayden. “Diba? Uuwi tayo?”
    Kumunot ang noo niya, “Ikaw lang. Hindi ako sasama.”

    Nakita kong nagtatago ng ngiti ang dalawang supervisor na si Nicole at Shiela dahil sa sinabi ni Jayden. Pahiya ako dun, ah? Well, let’s just try again.

    Pagkatapos ng meeting at konting kainan, napag desisyunan nina Chase na tapusin na ang meeting. Umalis na ang tatlong babae at sumakay ng taxi. Syempre, si Chase at si Eliana naman ay sumakay ng kanilang sasakyan. And me?

    “Jayden, can you please drop me sa may Ayala terraces?”
    “Stop it. I’m not falling for that again.”
    “Huh? Madadaanan mo naman diba?”
    “Nope. Papunta akong Riala para mag impake. Bakit di ka na lang umuwi at mag impake?”

    Kung uuwi ba ako, isasakay niya ako?

    “No… Kailangan kong pumuntang Ayala.”
    “For what? A date? Your ex? Your flings?”
    “What? Syempre bibili ako ng mga damit. Sa mga titig mo sa soot ko, alam kong hindi ito ang gusto mo.”

    Natahimik siya.

    “Now, tell me. What do you want me to wear, Jayden?”
    “Tsss.”
    “Sige na, sabi mo diba? You hate my clothes-“
    “I hate you…” Malamig niyang sinabi. “Not just your clothes.”

    Napaawang ang bibig ko. May sasabihin pa sana ako pero nawalan ako ng lakas para sabihin pa ito. Natuyuan ako ng lalamunan. I get it. You don’t need to tell me over and over again, Jayden.

    Napatingin ako sa taxing dumadaan. Papara na lang siguro ako. Nanikip yung dibdib ko habang tinitignan yung mga taxi. Na kahit nasa tapat ko lang si Jayden at yung sasakyan niya ay kinailangan ko pang maghanap ng taxi.

    Sana hindi ko na lang inabanduna ang sasakyan ko.

    Pagkalunok ko, nabigla ako nang naramdaman ko ang pagsakit ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak. Damn! Ganun ba iyon ka sakit? Ganun ba ka nakakaapekto iyon sakin?

    Tinaas ko ang kamay ko para pumara ng taxi.

    “Hey!” Sigaw ni Jayden nang nakitang halos habulin ko na yung taxi sa kakapara.
    “Damn it! May pasahero pala.” Umiling ako at naghanap ulit ng taxi.

    Pagkalingon ko sa kabila, naaninaw ko si Jayden na lumalapit sakin.

    “I’ll take you there.” Aniya.
    “Huh? Wa’g na. Mag tataxi na lang ako.” Sabi ko.
    “I said, I’ll take you. Sasamahan kita. Tignan natin kung damit ba talaga ang pupuntahan mo dun.”

    Kainis! Hanggang ngayon ba naman?

    “No, thanks.”
    “Akala ko ba gusto mong magustuhan kita?”

    Hindi ako sumagot.

    “Then let me see the clothes you’ll buy.”

    Napalunok ako. Nalulusaw ako sa mga tingin niya. Nanlalambot ako sa mga mata niya.

  • Chapter 9Open or Close

    Chapter 9
    Ang Tsinelas

    Nanghihina ako nang tumuloy ako sa front seat ng sasakyan niya. Hindi ko maintindihan. Kung ibang lalaki talaga ang nagsalita sakin ng ganun, baka nabigwasan ko na. Hindi ako sanay na may naiinis o naiirita sakin.

    Wala naman akong masakit na nagawa sa kanya, bakit kaya ganyan na lang siya kung makatrato sakin?

    Tahimik ako buong byahe. Tahimik din siya pero naramdaman ko ang pagsulyap niya halos kada limang segundo sakin. Ngumuso ako at diretso parin ang tingin sa kalsada.

    Like it or not, you will like me, Jayden.

    Hindi ko man lang siya sinulyapan pagkatapos niyang mag park. Panay ang tingin ko sa salamin at inaayos ang sarili ko. Nilagyan ko ng powder ang ilong at noo ko. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya sakin.

    Lumabas ako ng sasakyan niya at sumunod rin siya. Naglakad kami papuntang Ayala at sumunod rin siya ng walang imik.

    “Charity!” Sigaw ng kilala ko noong college. “OH MY GOSH! NA MISS KITA!” Nanggigigil na bati ni Angel sakin.
    “Oh my, Angel! Nakauwi ka na pala! Hindi ka man lang nagsabi!”
    “Of course! Surprise!” Tumawa siya at sumulyap sa nasa likod ko.

    Nakita ko ang pagkislap ng mga mata. Humagikhik siya at siniko ako ng palihim.

    “Boyfriend mo?”

    Napatalon ako sa tanong ni Angel.

    “Di, neighbor. Ito nga pala si Jayden.” Hindi ako sumulyap kay Jayden. “This is Angel.”
    “Hi, Jayden! Kamusta si Cha as neighbor?” Ngumisi si Angel.
    “Okay lang.” Narinig ko ang malambing na pag halakhak ni Jayden.

    Napakunot ang noo ko. Ang lambing niya sa ibang babae pero sakin ang harsh!

    “Kumusta ba siya as a friend?” Humalakhak ulit ng malambing si Jayden.

    Hindi ko na naiwasan ang pagtingin sa kanya. Matagal ang titigan namin kahit si Angel naman talaga ang kausap niya. Nakangiti siya pero alam kong di iyon para sakin.

    “Naku! Mabait itong si Charity! Paborito ko nga ito eh. Miss congeniality. Maramig kaibigan simula pa nung college kami.”
    Tumawa ako.
    “I don’t know if that’s a good thing, though.”

    Nagkatinginan ulit kami ni Jayden. Napawi ang tawa ko at napalunok na lang ako ng limang beses. Damn it! Is that a bad thing?

    “Uy! Masaya kaya! Masaya siyang kasama kaya syempre maraming gusto siyang maging kaibigan.”
    Tumango si Jayden sa sinabi ni Angel.
    “Oh! Anyway, sige na, maiwan ko na kayo. Imemeet ko pa yung mga pinsan ko. Cha! Party, alright?”
    “When?” Agad kong tanong.
    “Itetext lang kita! Ugh! I miss you so much!” Sabay yakap niya sakin. “Nakuha ko yung number mo kay CJ. Itetext lang talaga kita, alright!” Kumaway siya at kinindatan si Jayden.
    “Alright! Hihintayin ko.” Nakangisi kong sinabi sa kanya.

    Umalis din naman siya kaya nagpatuloy ako sa paglalakad para pumunta sa mga paborito kong boutique kaya lang meron atang tuliro at hindi mapakali sa nangyari.

    “Who’s CJ?”
    “What?” Napalingon ako kay Jayden.
    “CJ? Sino yun? Nabanggit nung kaibigan mo na nakuha niya ang numero mo kay CJ-“
    “He’s my cousin. Not… not some of the flings you are talking about.”
    “Magpaparty ka na naman? Pupunta na tayong Bantayan bukas. Paano na yan?”

    Natigilan ako. I almost forgot! Hay nako! Imbyerna!

    Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi naman kasi ako uhaw sa mga party. Uhaw akong makasama ang mga kaibigan ko… hindi yung party ang pupuntahan ko. Pero marami namang next time. Paninindigan ko na talaga itong trabahong binigay ni Chase sakin. Maybe it’s time to grow up… kahit konti lang.

    “Hindi na lang ako sasama.”
    “That’s better.” He sighed.

    Napalingon ako sa kanya. Nanliit ang mga mata ko.

    “Pag ipagpapatuloy ko ba ito, magugustuhan mo na ako?”

    Naging seryoso ang ekspresyon niya. Brace yourself, Charity. Another harsh blow from your prince hunk charming!

    Halos mapapapikit ako sa pag hihintay ng isasagot niya pero binalewala niya ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit na natigilan na ako. Pumihit siya at bumaling sakin.

    “Saan ka ba namimili?”

    My heart skipped a beat. Abnormal na ba ako? Bakit ganito ako maka react kahit na wala naman siyang sinasabing maganda o nakakatunganga?

    Itinuro ko ang Topshop at iba pang mga suki kong boutique dito sa Ayala. Tumango siya at nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa likuran niya ng sobrang excited.

    Namili kami ng mga damit doon. Mahirap talaga pag taste mo na ang pinag uusapan. I want carefree and comfortable clothes, yung mga cropped tops, aztec tops, high-wasted shorts, or yung mga maiiksing shorts na ang ipapares ay yung mga mejo formal tops at blazers. Kung jeans naman ay mahilig ako sa mga may butas-butas o faded. Pero minsan lang talaga akong nag papantalon. Most of the time, shorts tsaka dresses ang trip ko.

    Mabuti na lang at nagkasundo kami ni Jayden sa dresses. Pero hindi naman pwedeng buong buhay akong mag di-dress kaya napangiwi ako nang bigyan niya ako ng dark blue jeans.

    “Para saan ‘to? Sa isla tayo maninirahan for the mean time. I can’t wear this-“
    “I’ll buy it. Wa’g kang mag alala. Just try it out!”
    “But I don’t like it-” Nanghina ang boses ko at kinuha ko na lang sa kamay niya ang jeans na iyon.

    Pumasok ako sa fitting room at sinubukan. Not bad. Pero hindi ko talaga trip ito.

    May pinasoot pa siya saking sneakers. True, I love aztec things but I hate sneakers. WTF? I’m not a teenager! At hindi ako patweetums!

    “What? Gagayahin ko ba si Taylor Swift dito?” Umirap ako habang naglalakad gamit ang sneaks na pinasoot niya.
    “Looks good on you.”
    “That’s because I have long legs. Lahat naman talaga babagay. Pero hindi ibig sabihin na kung bagay sakin, gusto ko na.”

    Tumunganga siya sakin gamit ang seryosong mga mata. Mukha na naman siyang bombang sasabog anytime kaya bago ko pa matrigger ang button…

    “Alright! I’ll take this, miss.” Sabay irap ko sa malas na tindera.
    “I’ll take that.” Sabay bigay niya ng cold cash sa swerte palang tindera.

    Nilagay nung tindera ang buhok niya sa tainga bago kinuha sa kamay ni Jayden ang cash.

    “Ok po, Sir.” Sabay ngiti.

    Kumindat ang hunk. Masyadong pa-fall. SA LAHAT NG BABAE! Pero sakin? Ako ang chosen one! Chosen one na pinagdiskitahan niyang i-hate!

    “Tsss.” Sabi ko nang umalis yung babae.

    Marami na siyang dalang damit na pinamili ng sariling pera niya. Akin lahat. Wala siyang binili para sa sarili niya. Hindi ako gumastos ng kahit isang kusing. Hindi naman sa pinapagastos ako ng mga ex ko tuwing nag di-date pero ngayon lang talaga yata ako napag shopping ng ganito ka gara. I guess that’s the perks of having a mature, professional and earning BOYFRIEND! Oh ha! Secret lang yan kasi di niya alam!

    “I need to buy slippers.” Sabi ko at pinagmasdan ang reaksyon niya.

    Wala namang kaluluwang makikita sa paa ko kaya maghuhuramentado na talaga ako pag ayawan niya ito.

    “Alright!”

    Dumiretso kami sa Havaianas at Ipanema para maghanap ng gusto ko. Nang sa wakas ay nakakita ako ng all black na flipflops, umupo na agad ako sa upuan doon para sukatin ito.

    But darn it!!! Umamba akong tatanggalin na yung sapatos ko pero bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Dahilan kung bakit tumili ang mga tao sa loob ng tindahan at nagkaroon ng commotion dahil sa pag ti-take ng pictures at video.

    I was like, “What the?”

    “OMG! Charity Rama! Finally engaged!?” Narinig ko ang isang babaeng di magkandaugaga sa pagvivideo.

    Bumaling si Jayden sa kanya at ngumisi, “Not so fast, missy. Tsinelas pa lang isosoot ko ngayon, hindi pa singsing.” Kumindat siya at halos mamatay ang babaeng nag vivideo.

    Mukha silang na petrify sa sinabi ni Jayden. Humalakhak si Jayden at bumaling sakin.

    My gosh! Sigurado akong di normal ang paglakas ng pintig ng puso ko. It’s not the alcohol, Charity… I know it’s not. He’s making me fall, hard, deep-rooted. Unti-unti ring kumirot ang puso ko. Cuz I know, he hates me so damn much… Ang tanong, kaya ko kaya siyang paibigin?

    And if you want me to change, I will.

  • Chapter 10Open or Close

    Chapter 10
    Ang Halik

    Kinikilig ako habang ako yung pumipindot sa elevator at si Jayden ang nagdadala ng lahat ng pinamili niya para sakin. Para kaming mag boyfriend at girlfriend.

    Tahimik kami sa elevator. Nakangiti ako habang tinititigan siyang mukhang nasunugan naman yung mukha. Nakakunot ang noo niya at mukha paring galit.

    “Bakit ka nakangiti?” Tanong niya.
    “Ikaw? Bakit ka nakasimangot?” Pabalik kong tanong.

    He sighed.

    “Ah! Alam ko na! Pareho tayo ng dahilan. Nakangiti ako coz we’re together. Nakasimangot ka, coz we’re together.”

    *TING*

    Nasa 15th floor na kami kaya sabay kaming lumabas ng Elevator. Kukunin ko na sana yung mga bag ng damit para makapasok na siya sa condo niya pero iniwas niya ang kamay niya sa kamay ko.

    “Ako na maghahatid nito sa condo mo.” Aniya.

    Natigilan ako at nilagpasan niya. WHY ARE YOU SO GENTLEMAN AND SWEET? Alam ko, harsh ka sakin, pero unconsciously, lumalabas ang pagka gentleman mo. Yung ibang lalaki, pa impress, nagpapakagentleman pero sa huli, ang sasama pala ng ugali. Pero itong si Jayden, pinipilit ang pagiging harsh kahit na sa totoo naman ay gentleman siya.

    Mabilis ko siyang sinundan. Binuksan ko ang condo ko at agad din siyang pumasok sa loob.

    Nilapag niya ito sa pinakamalapit na table at umambang aalis na.

    “Jayden, Jayden, Jayden, wa’g ka munang umalis.” Sabi ko.
    Tumaas ang kilay niya, “Bakit?”
    “Dito na tayo maghapunan. Please!”
    “I can cook my own food.”
    “Alam ko naman yun. I just want to thank you for these.”
    Huminga siya ng malalim at tumango, “Alright. Since I’m too tired to cook. Siguraduhin mong masarap yan.” Masungit niyang sinabi at tinalikuran ako.
    “O, saan ka pupunta?” Tanong ko.
    “Magbibihis lang ako. Seriously? You’re too clingy.” Umirap siya at umalis.

    Napatunganga ako sa sinabi niya.

    Me? Too clingy? Yan nga yung palagi kong reklamo sa mga naging boyfriend ko dati. Clingy sila. At ako naman ngayon ang nagiging clingy? Hindi naman ako clingy, ah? Nag tanong lang naman ako! Ugh! Jayden!

    Imbes na isipin ko yung sinabi niya, nagluto na lang ako. Nasanay na rin naman ako sa mga banat niyang nakakasakit. Nagiging immuned na ako sa mga harsh words niya. I don’t know if that’s a good thing or a bad thing.

    “Malapit nang matapos.” Sabi ko nang bumalik siya at nakabihis na ng puting t-shirt at nakaupo na sa sofa ko.

    Hinilig niya ang ulo sa sofa. I really admire his soft features. Mukha siyang korean or japanese actor na nakikita sa mga koreanovela. Hindi ko talaga type yung mga ganito, mas gusto ko yung mga Fernando Jose ng mga Brazilian or Latina drama pero itong si Jayden lang yata ang nakakapag convert sakin at gumigising sa asian blood ko. Bakit napadpad ako sa mga drama?

    Umupo siya ng maayos at may inamoy sa hangin.

    “Sunog na ba yang niluluto mo?” Tanong niya.

    “Ay shit!” Sabay patay ko sa stove.

    Ang walang hiyang fried chicken na pinaghirapan ko ay sunog. Buti na lang at yung first two batch ay matagumpay na naluto. Yung panghuli lang yung nasunog.

    Lumapit siya sakin at tinignang mabuti yung niluto ko.

    “Fried chicken for dinner?” Tanong niya.

    Nilalagay ko ang mga fried chicken sa platong may tissue. Napamaywang siya at tinignan akong ginagawa iyon.

    “Bakit? Anong gusto mo para mailuto ko?”

    Napatitig siya sakin. Hinintay ko ang sagot niya. Pinilig niya ang ulo niya…

    “Forget it. I’ll eat that.”

    Umupo siya sa table at nakabusangot parin ang mukha habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

    “May wine nga pala ako.” Tumayo ako at kinuha ang wine sa refrigerator.
    “We need to wake up early tomorrow. Bakit tayo iinom? Tsss.”
    “May alarm naman kaya paniguradong makakagising tayo ng maaga bukas.”

    Sinubo niya ang pagkain. Hindi siya nagsalita hanggang sa naubos yung pagkain sa bibig niya.

    “Why are you alcoholic?”
    Napalunok ako sa tanong niya.
    “Tsss.” Sumubo ulit siya ng pagkain.
    “Minsan lang naman.”

    Marahan din akong sumubo ng pagkain habang tinitignan siyang nginunguyang mabuti ang pagkain.

    “Nung wala pa ako alam kong araw-araw kang umiinom.”
    “Uy, hindi naman. Tuwing napupunta lang sa bar-“
    “Which is, by the way, every night.”
    “Hindi ah? Every weekends?”
    “I doubt it.”

    Napalunok ulit ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Hindi ko na nga lang iinumin yang wine! Masarap pa naman yan! Pero nang naghugas na ako ng plato at nakaupo lang si Jayden sa mesa ay pinagdiskitahan niya ang wine.

    Nang natapos ako sa paghuhugas ng plato, dadaluhan ko na sana siya kaya lang tumunog ang cellphone ko. Naramdaman kong pinagmasdan niya akong mabuti habang kinukuha ko ito sa table.

    “Hello?” Tinalikuran ko siya.
    “Charity, please, patawarin mo na ako sa ginawa ko. I just want to-“
    “Anthony?”

    Napalingon ako kay Jayden na ngayon ay nakatitig sakin at umiinom ng wine.

    Bumulong na lang ako sa cellphone ko. Pag nalaman ito ni Jayden, baka paulanan na naman ako ng iba’t-ibang paratang at masasakit na salita.

    “Please, matagal na tayong wala. Pag nakita pa kita na malapit sakin, I swear magfa-file na talaga ako ng kaso-“
    “Alam kong ayaw mong sinasakal kita. Palagi ka kasing maraming lalaki kaya hindi ko maiwasang magselos at pagbawalan ka-“
    “I don’t need that explanation, kahit anong bargain pa yan, hinding hindi na magbabago ang isip ko. We’re done. D. O. N. E-“
    “Who’s that?” Malamig na tanong ni Jayden.
    “No one.” Nabasag ang boses ko.

    Sumulyap ako sa kanya at nanginig ang sikmura ko sa mga titig niya. Pakiramdam ko girlfriend niya ako at guiltyng-guilty ako kasi tumatawag ang ex ko.

    “Wait? Charity, sino yan? May pamalit agad ako?! What the? Si Angelo ba yan? O yung si Julio? Who’s there, Charity? Sagutin mo ako!” Sigaw ni Anthony sa kabilang linya.
    “You are doing it again. Sabi mo di ka na mananakal, di ka na magseselos, bakit ngayon kung makapagtanong ka parang tayo parin. Excuse me, wala ka ng-“
    “WHO’S THAT?”

    Tumayo si Jayden at nilapitan ako. I can hear my heart beating faster.

    “No one, Jayden.”
    “Tignan natin kung sino yang ‘no one’ mo.” Sabay hablot sa cellphone ko. “Hello!

    SHIIIT! Hindi ko alam kung anong sinabi ni Anthony pero mas lalong naging matulis ang titig ni Jayden sakin.

    “So you’re the rapist? Huh? Bakit mo siya tinatawagan?”

    Nakinig siya sa sinabi ni Anthony.

    “You want her back? Well, sorry, you can’t have her anymore. She’s mine.”

    Pinindot niya ang cellphone ko at nilagay sa table.

    “Bakit ka nakikipag communicate sa rapist mo?” Mataas ang boses niya.
    “Hindi naman. Siya yung tumawag. Hindi ko alam na-“
    “Then freaking change your number!” Sigaw niya ulit. “Tss!” Tinalikuran niya ako at bumalik sa table.

    Uminom ulit siya ng isa pang shot.

    “Ah! May extra sim nga pala ako. Wait lang.” Untag ko sabay pasok sa kwarto at kuha sa isang sim.

    Nilagay ko agad ang sim sa cellphone ko at nag move ng mga contacts bago bumalik sa mesa at sa wine na halos kalahati na ang nauubos.

    “Jayden, mukhang naparami yata ang inom mo.” Sabi ko.
    “It’s because you’re too naive! Alam mong dapat hindi pwede pero lumalandi ka parin.”
    Kumunot ang noo ko.

    Out of focus na ang mga mata niya.

    “Jayden, you’re drunk.”
    Umiling siya, “Kaya ayaw ko sa mga tulad mo, eh. Malalandi. Part here, party there… Bakit ka nag ba-bar? Para makahanap ng lalaki? Hindi mapagkakatiwalaan yung mga taong name-meet mo sa bar. Example, Anthony!”
    “College friends kami ni Anthony, Jayden. At hindi naman ako naglalandi sa bar-“
    “No. The fact na palagi ka sa bar, meaning malandi ka. 90% chance of cheating pag may boyfriend ka na. Haha!” Tumawa siya at uminom ng isa pang shot.

    Lumapit ako sa kanya at napatingin siya sa mukha ko.

    “Really? Try me, Jayden.” Sabi ko.
    “Para saan pa? To prove to my self that you’re a cheater? No, thanks!” Tumawa ulit siya.
    “To prove to you that I’m not.”

    Pumungay ang mga mata niya at nagkatitigan kami. Ilang sandali ang nakalipas ay ngumiti siya, bibitiw sana siya sa titigan namin pero di ako pumayag. Siniil ko siya ng halik. Pumikit ako at dinama yung labi niya. I so want to kiss him. Hindi siya gumalaw.

    Dumilat ako ng konti at nakita ko ang unti-unting pagpikit ng mga mata niya. Unti-unti din siyang gumanti sa halik ko. Humilig siya ng konti sakin at humilig din ako ng konti sa kanya.

    Tumunog yung paa ng dalawang upuan namin dahil sa paggalaw naming dalawa. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. Naglakbay ang isang kamay niya sa likod ko at ang isa ay sa baywang ko.

    Mariin at mas lumalim ang halik niya. He tastes like the wine. Bumilis ang paghinga niya. He cupped my cheekn. I’m almost out of breath. Slowly, he unclasped my bra.

    Napadilat ako sa ginawa niya. Nakapikit parin siya at naramdaman kong naglakbay ang kamay niya sa dibdib ko.

    “Trisha…”

    Kumunot ang noo ko at tumigil sa paghalik.

    “Charity, Jayden.” Sabi ko.

    Tumigil din siya at mukhang natauhan sa nangyari. Umiling siya ng ilang beses bago pinasadahan ng palad ang buhok.

    “I know.” Huminga siya ng malalim.

    Pumikit ako at umambang hahalikan ulit siya pero tinulak niya ako bago tumayo.

    “I need to go…”

  • Chapter 11Open or Close

    Chapter 11

    Ang Penis

    Nakangisi ako buong magdamag sa pag iisip tungkol sa halikan namin ni Jayden. His kisses were soft and really sweet. Hindi ko maalala sa talambuhay ko kung may lalaki ba akong pinagpuyatan sa pag iisip ng halik niya. I don’t remember. Even my first kiss didn’t make me feel this way.

    Ang pinagtataka ko lang dito kay Jayden ay ang strange obsession niya sa pangalang Trisha. Bakit kaya? Aksidente lang ba yun o talagang may past siya sa pangalang Trisha? In speaking of past… ilan na ba ang naging girlfriend ni Jayden? Sa bilis niyang na hubad ng bra ko gamit lang ng isang kamay, malamang marami na siyang experience.

    Nakatulog ako sa gitna ng pag iisip ko tungkol samin ni Jayden. Nagising din ako sa napaka ingay na tawag sa cellphone ko.

    “WAKE UP! ANO BA? DIBA MAAGA TAYO NGAYON? NASA BABA NA YUNG VAN PARA MAGHATID SATIN SA HAGNAYA PORT!”

    Sarap sanang pakinggan ang boses ni Jayden kung di lang siya sumisigaw.

    “Opo, heto na. Babangon na.”

    Binabaan niya ako ng cellphone. Hinawi ko ang buhok ko at natulala pa bago ako pumasok sa banyo.

    This is it! Finally! Magtatrabaho na ako! Wala naman talaga akong plano sa buhay kahit na pinipressure na ako ng mga magulang ko. Gusto nilang tulungan ko si Ate sa clothing line niya, kaya lang, stylist lang ang kaya kong gawin. At gumraduate naman akong Psychology ang kurso. Siguro naman tama lang kung sundin ko itong linya ko, diba?

    Lumabas ako ng banyo nang nakatuwalya. Lumabas din ako ng kwarto nang naka ganoon lang para sana kumain. Nakita kong nakapamaywang at pabalik-balik ang lakad ng bihis na bihis na si Jayden sa sala ko.

    Umiling siya at pumikit, “What?” Huminga siya ng malalim.

    “Ano?” Tanong ko at nagpatuloy sa pagpunta sa kitchen para kumuha ng slice bread at lantakan na lang kasi nagmamadali na.

    Galit na tinuro ni Jayden ang pintuan ko.

    “HINDI MO NI-LOCK ANG PINTUAN MO! FOR HEAVEN’S SAKE!”

    “Ganun ba?” Sinilip ko ang pintuan ko at bumaling ulit kay Jayden.

    “Anong ‘ganun ba?’? What if may pumasok at mangrape sayo dito?”

    Kinakain ko na yung slice bread.

    “May lock naman yung kwarto ko-“

    “Paano kung wala ako? Tapos iba yung naghihintay sayo dito? Edi na rape ka!?”

    “Well, I guess I should lock it next time-“

    Suminghap siya at ni head to foot ako, “At tignan mo yang bihis mo. Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto ng nakatuwalya lang, pwede ba.”

    Nagmadali akong kumain para bumalik na sa kwarto.

    “Okay… okay… I’m sorry. Eto na, magbibihis na.”

    Nanliit ang mga mata niya habang kinakagat ko ang huling piraso ng slicebread. Dumapo iyon sa legs kong basa.

    “Uy, namboboso.” Humalakhak ako.

    “What?” Galit niyang sinabi. “Just go to your room and change your clothes!”

    “Opo! Eto na po!” Tumatawa ako at tumakbo na papuntang kwarto.

    Mabilis akong nagbihis kasi galit na si Hunk. Kailangan ng pantapat sa white longsleeves niyang nakalukot hanggang elbow at black pants niya. He’s just so damn adorable and formal. Kahit na hindi naman ako pormal na tao, pakiramdam ko kailangan kong maging formal dahil sa kanya.

    Nagbihis ako ng peplum skirt at black sleeveless top. Walang cleavage kasi baka magalit siya. Dahil naka allblack ako, nilagyan ko ng gold necklace at nagsoot na rin ako ng gold bangles. Hayan! Tapos na akong mag blow dry ng buhok, nilagyan ko na lang ang labi ko ng brick red lipstick, Viola! Solve!

    “Tayo na?” Sabay hila ko sa bagahe ko.

    Ni head to foot niya na naman ako. Tumigil ang titig niya sa Louboutin kong itim at bumalik si pulang labi ko.

    “What’s with your clothes?” Tanong niya.

    “Formal. Ay naka denim pants ka pala. Pero ok na naman ito, diba?”

    “Pupunta tayo ng isla tapos yan ang susuotin mo? Nasan yung mga pinamili ko?”

    “What? Hindi ba ito pwede?”

    “Change your clothes!” Umiling siya at umupo sa sofa.

    “Ano? Yung sneakers ang sosootin ko?”

    “Whatever, just change it!”

    Umirap ako at bumalik ng kwarto para sootin yung t-shirt at pants na binili ko. Hindi ko talaga kayang magsoot ng sneakers kaya dinala ko na lang ito at nagsoot ako ng Reef slippers. Kung sakaling gusto niyang mag sneakers ako, at least hindi ko kailangang balikan dito.

    “Done.”

    Ni head to foot niya muna ako bago nilapitan.

    “Okay na ba ito, kahit hindi sneakers?”

    Hindi niya ako sinagot. Basta niya na lang kinuha ang stroller bag ko.

    “Let’s go.”

    Tumalikod siya at binuksan ang pinto para lumabas na ng condo ko. Napangisi ako ng parang tanga habang tinitignan siyang nagdadala ng baggage ko. Jayden… you’re just too sweet.

    “Don’t forget to lock the door.” Bilin niya.

    Ang laki ng ngisi ko nang nakalabas na kami sa Riala at nakita ko ang van sa kalsada. Nandoon na ang tatlong babaeng supervisor. Si Jayden ang naglagay ng gamit ko sa likod. Hinintay ko siyang matapos bago pumasok.

    Sa front seat siya umupo at ako naman umupo sa tabi ni Tina. Nagtatalakan silang tatlo buong byahe at paminsan-minsan ay sumasali din si Jayden. Pareho silang apat na business majors kaya nosebleed ako. Natulog na lang ako hanggang sa nakarating kami sa port. Hindi ako agad bumaba kasi ininda ko pa yung sakit ng katawan ko. Tatlong oras ba naman ang byahe.

    “Darn! Walang building, no booze, no music, no party. I wanna cry!” Sabay hikab ko pagkakita ng barge na sasakyan namin.

    “Am I not enough to keep you entertained?”

    Nilagpasan ako ni Jayden habang hinihila niya ang stroller bag ko. Kinusot ko ang mga mata ko at tinapik ang sariling mukha. ANONG SABI NIYA? WAS IT JUST MY IMAGINATION O TALAGANG SINABI NIYA IYON?

    “Hey! Jayden!”

    Tumakbo ako palapit sa kanya pero kausap niya na yung tatlong supervisors.

    “Tayo na.” Aniya sa kanila.

    “Jayden!”

    “What? Make it fast! Wala ka namang dala kaya bakit ka nahuhuli?” Inirapan niya ako at nagsimulang maglakad paakyat ng barge.

    Nabuhay ang katawang lupa ko sa sinabi niya, ah? Kanina inaantok pa ako pero ngayon, tutok ako sa mukha niya at sa mga sinasabi niya. Ngumisi ako sa sarili ko. Let’s try the Art of Seduction, Jayden. My own Art of Seduction. Dahil ramdam ko, unconsciously mong pinaparamdam sakin yan.

    Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakbay sa buong barge. Preoccupied pa kasi siya sa pakikipag usap sa tatlong supervisor na iyon.

    Marami akong nakitang expats. Not bad, Bantayan. You are really earning a lot. Daming turista. Dinama ko ang hangin at ang dagat. Ang sarap! Sometimes, you need a break from everything else. Hindi ko nga lang talaga magawang magsawa sa kakaparty noon, pero ngayon parang okay lang. Nandito na ako. Kasama ko si Jayden kahit na binabalewala niya lang naman ako.

    “Hey stop showing your penes, Miho!” Sabi ng isang batang koreano sa kapatid niyang umaambang iihi sa dagat. “Stop showing your penes!”

    Si Miho naman ay inilabas na yung kanya sabay ihi nang matagal.

    Nakakatuwa tignan. Nasan kaya ang mga magulang nito? Lumapit ako sa kanilang dalawa. Napatingin yung kapatid ni Miho sakin, si Miho naman ay patuloy sa pagdama ng pag ihi.

    “Hey, what’s your name?” Tanong ko sa batang nakatingin sakin.

    Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako gamit ng singkit niyang mga mata.

    “By the way, it’s not penes, it’s PE-NIS. PENIS.”

    “P-Penes.”

    “No…No… No…It’s peenis. peeee-nis.” Sabi ko ulit with feelings na sa bata.

    “Pee-nis. Pee-nis.”

    “There, better. So it’s not penes, it’s peee-nis.”

    “CHARITY!” Napatalon ako sa sigaw ni Jayden sa likod ko.

    “Yes?” Nakangiti ko siyang nilingon.

    “Anong tinuturo mo sa mga bata?”

    “Huh? Ano? Pronunciation?”

    Umiling siya at nilapitan ako, “Wa’g ka ngang kung saan-saan lang nag pupupunta. Alam mo namang nakakaattract ka ng mga kriminal. Tss…”

    Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palayo doon.

    “Tapos wala ka na bang ibang pwedeng ituro sa mga inosenteng bata kundi yang kabastusan mo?”

    “Mali kaya yung pronunciation niya. Ansabi niya penes kaya sabi ko peenis… It’s not penes… It’s pee-nis.”

    Napatingin sakin ang mga tao at may tumatawa pang foreigner at tinititigan ako head to foot dahil sa sinabi ko. May isang sumipol pang koreano at kumindat sakin.

    Galit na galit na bumaling si Jayden sakin at hinila ako palapit sa kanya.

    “Shut up or else I’ll kiss you.” Hamon niya.

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, “Hamon ba yan o reward ko? HAHA! I don’t mind kissing you in front of these people, Jayden.”

    Ngumuso siya at nakita ko ang unti-unting pag ngiti niya.

  • Chapter 12Open or Close

    Chapter 12

    Ang Calling Card

    Nang nakarating na kami sa Bantayan, panay ang selfie ko gamit ang cellphone. Mag fo-flood ako mamaya sa Instagram ng mga pictures ko. Maiinggit ng husto yung mga pinsan ko dito. Mamaya sa sobrang inggit nila, baka pumunta pa ang mga iyon dito.

    “What are you doing?” Tanong ni Jayden.

    Nag dirty finger pa ako malapit sa karatulang ‘Bantayan’. Ang ganda ng buhangin, puting-puti. Buti nagdala ako ng sunblock, maliligo ako mamaya ng sunblock para in case na maisipan kong maligo at magbilad sa araw, hindi ako magkakacancer.

    “Hey, pati pa naman sa pictures mo kitang-kita parin yung attitude mo?”

    Ewan ko talaga sa Jayden na ito. Okay lang sana kung pinapansin niya ako dahil gusto niya ako. Kaya lang, tuwing pinapansin niya ako, pinapagalitan o sinasaway naman.

    “Jayden, wala lang naman ito. It’s just a picture.” Nakangiting sinabi ko.

    Umiling siya at nag inarte.

    “Okay, if you don’t like it, I’ll delete it. Sabi ko naman sayo, willing akong mag bago para magustuhan mo ako.” Ngumisi ako kaya lang tinalikuran niya lang ako.

    “Sungit talaga ng hunk na ito!” Sabi ko.

    Hindi niya ako pinansin. Sus!

    “Asan na yung kiss mo? Diba sabi mu pag mag iingay ako hahalikan mo ako? Asan na?” Talak ako nang talaka habang siya naman ay mabilis ang lakad.

    Mukhang nahuli na yata kami. Nauna na yata ang tatlong supervisors sa loob ng resort. Paano ba naman kasi, panay ang picture ko kanina. Nag flood na yata ako ng selfie pics ko sa Instagram. Pinicture ko si Jayden nang nakatalikod at dala-dala ang bagahe ko.

    Napangiti ako at agad inupload na may caption, ‘I want you so I’m ready to go’. Linya iyan sa paborito kong kanta.

    “Faster!” Untag ni Jayden nang tumigil ako sa paglalakad.

    Pwede naman niya akong iwan pero hindi niya ginagawa. I really need to observe him. Masungit siya pero may mga pagkakataong sweet ang pagiging masungit niya.

    “Okay… Okay…” Sabay lakad ko ulit.

    Nang napunta na kami sa hotel proper, wala akong ibang ginawa kundi ang picturan ang halos lahat ng furniture. Ibang klase talaga itong mga Castillo. Kung makapuhunan ng mga negosyo, wagas!

    Nakita kong nagkakamayan si Jayden at yung dalawa pang pormal na lalaki. Nandoon din ang tatlong supervisor, nakikipagkamayan din sila. I think I need to go there.

    “Hi! I’m Charity.” Sabay lahad ko ng kamay sa isang chinitong kakamayan kanina ni Tina.

    “Charity?” Bumusangot yung mukha ng kinakamayan ko. “Charity Rama?”

    “Yep!” Tumango ako.

    “Ah! Ikaw yung nakasayaw ko last year sa Life Dance?”

    Kumunot ang noo ko at inisip kung sino ba itong lalaking ito. Wala akong maalala noong Life Dance kasi papunta pa lang kami doon, lasing na lasing na ako.

    “Really? Anong pangalan mo?” Tanong ko.

    Ngayon lang nag register sa utak ko yung features sa mukha niya. Inisip kong mabuti at inaalala kung talaga bang naisayaw ko siya, pero di kaya ng powers ko. Talagang wala akong maalala.

    “I’m Christian.”

    Tumango ako at ngumiti.

    Umubo si Jayden bigla. Pareho kaming bumaling ni Christian kay Jayden na ngayon ay nakatingin lang ng diretso sa mga kamay naming kanina pa hindi naghihiwalay.

    Tinaas ko ang kilay ko at hinintay na tignan niya ako ng diretso. Ilang sandali ay tinignan niya ako nang nakataas din yung isang kamay.

    “Ah… Hehe.” Sabay hiwalay ko sa kamay naming dalawa ni Christian.

    Mejo malagkit pa yung pagkakahawak niya. Hindi niya agad ito binitiwan. Pero dahil curious ako sa violent reaction ni Jayden, bumaling na lang ulit ako sa kanya.

    “Christian, asan yung kwarto namin? Magpapahinga muna ako. Pakidala na rin yung mga papeles na kailangan kong ireview.” Pormal na sinabi ni Jayden.

    “Okay po, Mr. Corpuz.” Kinindatan ako ng nakangiting si Christian.

    Ngumisi ako at nilagay ang konting buhok sa likod ng tainga ko. Nakita kong kahit na kausap nina Tina, Nicole at Shiela yung isang lalaki, panay parin ang tingin ni Tina samin ni Jayden.

    “Dorm type po yung sa tatlong supervisor. Nirequest ni Sir Chase na yung sa inyo ni Ms. Rama, suite type.”

    Pumalakpak si Shiela at nagyakapan sila ni Nicole dahil sa narinig. Si Tina lang yata yung mukhang nasunugan.

    “Talaga? Iisang kwarto ba kami ni Jayden?” Tanong ko.

    Parang na harras ang mukha ni Christian ng tinanongko iyon.

    Umiling si Christian, “Hindi. Yung sa may dulo sa first floor yung kwarto niyop. Magkatapat lang sila. Hindi sila iisa.” Aniya.

    Tumango ako. I need to contact Chase. Bakit hindi niya ginawang isa lang yung kwarto namin? Sana kahit dorm type, ang importante ay iisa. LOL! Mahalay na talaga ako.

    Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga nanunusok na titig ni Jayden. Galit na naman siguro dahil sa mga sinabi ko.

    “Uh… Ipapadala ko na lang sa secretary niyo yung papeles.” Sabi ni Christian kay Jayden. “Kaya lang, hindi pa kami nakapag hire kasi hinintay pa namin yung HR.” Sumulyap siya sakin. “Marami kasing nag aapply, pinaghintay ko na lang sa main office ng hotel-“

    “Di ko na kailangan ng secretary. Hindi naman kasi marami yung trabaho ng HR kaya siya na lang ang gagawin kong secretary.”

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jayden. “Me? Secretary? Bakit? Hindi naman secretarial yung course ko. Tsaka HR na ako kaya pwedeng HR na lang?”

    “Bakit? Ayaw mong maging secretary ko? Gusto mo kumuha ako ng ibang babae?”

    Mas lalo akong nalaglagan ng panga sa sinabi ni Jayden.

    “Tsss. Ihatid mo na lang yung papeles sa kwarto, Christian. At ikaw…” Sabi niya sakin. “Maghatid ka ng kape at ipauwi mo yung nag aapply as secretary.” Pumihit siya para talikuran kami.

    “Sungit!” Sabi ko nang nakangiti.

    Kahit masungit yan, gusto ko parin. Ewan ko. Iyan yata yung unang reason sa pagkakahulog ko sa kanya. Of course, gusto kong mapalapit sa kanya, kahit na ayaw ko ng dagdag sa trabaho, okay na rin para magkalapit kami.

    Nilagay niya sa harap ng pintuan ko ang bagahe ko. Pinasok ko iyon at nicheck ang magandang suite. Not bad. Hmmm. Nag picture ako ng ilang beses bago ako nag timpla ng kape. May biglang kumatok sa pintuan ko.

    “Pasok!” Sigaw ko.

    Nakalimutan ko na naman kasing i-lock iyon. Sinilip ko at naaninaw ko si Christian na may dala-dalang mga papel. Napakamot siya sa ulo at napatingin sa maiksi kong shorts. Nag bihis na kasi ako ng damit pang ‘isla’.

    “Uhm…” Pumikit siya at para bang nahirapan siya sa ginagawa niya.

    Ipinilig ko ang ulo ko para panoorin siya.

    “Eto na nga pala yung mga papeles na pinapakuha ni Mr. Corpuz. Ikaw na lang maghatid kasi nababadtrip ako sa aura niya. Masyadong masungit.” Humalakhak siya sabay lapag sa mga papeles sa table ko.

    Ngumisi ako, “Ganyan talaga si Jayden. Masungit talaga iyon. Pero siguro masungit lang siya dahil nandun ako. Kung wala ako, okay naman siya.”

    “Bakit naman tuwing nandyan ka lang?”

    Nagkibit-balikat ako.

    “May something ba sa inyong dalawa?” Naghintay siya ng sagot.

    “Wala. Wish ko lang.” Tumawa ako sabay kuha ng mug para sa kape ni Jayden. “Pero thanks, ah! Ako na magdadala nito.”

    Tumango siya at may nilagay na papel sa tabi ng mga papeles, “By the way, Cha. Here’s my calling card. In case gusto mong magparty. Marami yan dito sa isla.” Tumawa siya.

    Natigilan ako, “Meron dito? Weh? Pero iba yun sa syudad diba? Konti lang ang tao?”

    “Pag peak season, marami. kaya sige… Call me, aryt?”

    “Sure!” Umaliwalas ang pakiramdam ko nang nalamang may party dito.

    Nakangiti ako nang dinadala yung papeles at yung mug ng kape sa loob ng kwarto ni Jayden. Nilapag ko iyon sa table niya.

    “Jayden?” Sigaw ko nang wala akong naabutang anino niya.

    Asan kaya siya? Lumabas? Sinuyod ko ang kwarto niya at ang bag niyang nasa tabi ng higaan niya. Nakita ko ang cellphone niyang nandoon sa kama. Gusto kong iexplore. Tignan kung anong meron. Ano naman kaya ang meron sa cellphone ng isang hunk na tulad ni Jayden Corpuz?

    Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko, yung inbox o yung gallery? Kung inbox ang uunahin ko, baka ma violate ko ang privacy ni Jayden. Kaya inuna ko yung gallery.

    Umupo ako sa kama niya at dinampot ang cellphone niya.

    Nakita ko ang mga pictures niya sa Singapore… May picture din doon na kumakain sila kasama yata ang pamilya niya. Mommy at Daddy niya tsaka yung dalawa niya yatang kapatid na babae at lalaki. Malaki ang ngiti niya sa picture. Ang gwapo niya sobra lalo na pag nakangiti. Pero he’s damn attractive when he’s mad. Umagik-ik ako sa tawa habang niscan yung mga pictures.

    May isang picture ako doong hindi naintindihan. Para bang aksidente niya lang itong nakuha. Aksidente o stolen shot. May isang babaeng nakatalikod sa isang front desk. Naka skirt yung babae. Pipindutin ko na sana ang next pero narinig ko ang paglabas niya sa bathroom. Agad kong ni cancel iyon at binalik yung cellphone niya sa kama. Tumayo ako at lumayo doon.

    “Jayden.” Pambungad ko.

    Nakatuwalya lang siya at kakagaling lang maligo. Basa yung buhok at katawan niya. Napatingin ako sa katawan niya. May init akong naramdaman sa tiyan ko. Napalunok ako at pinanood bawat tulo ng tubig galing sa ulo niya at nahuhulog sa katawan. Ilang abs na yung nakita ko, ilang triceps at biceps na yung nakita ko at ang masasabi ko lang eh kay CJ yung pinaka defined. Pero ngayon, nag iiba na ang paningin ko. Jayden’s body is a wonderland.

    Naglalakad siya papunta doon sa mga papeles. May kinuha siyang card, binasa, at pagkatapos ay nilukot. Ni shoot niya iyon sa basurahan at tinignan niya ako. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa katawan niya. Sorry po… Hindi ko mapigilan talaga. Parang nanghihina ako. Gusto ko na lang humiga sa kama dahil sa panghihina ko.

    “What are you staring at?” Nilapitan niya ako.

    Napaatras ako. Pakiramdam ko hindi ako makakapagpigil pag lumapit pa siya lalo sakin. Pero bago pa ako makapag isip ng diretso, naalala ko yung calling card na ibinigay ni Christian. Yun ba yung nillukot ni Jayden at hinagis sa basurahan.

    “Wait a sec. Bakit mo nilukot?” Tanong ko at tumakbo na sa basurahan para kunin ang nakalukot na calling card.

    Mabuti na lang wala pa masyadong basura kaya madali ko itong nahanap at hindi nakakadiri. Lumapit siya sakin.

    “Kainis ka naman. Kukunin ko pa number niya-“

    “For what?”

    “Para communication?” Nagkibit-balikat ako at agad na namang dumapo yung paningin ko sa katawan niya.

    “Give me that calling card.” Aniya at naglahad siya ng kamay.

    Kumunot ang noo ko at the same time ay ngumisi.

    Are you jealous, Jayden?

    Inilayo ko ang calling card sa kanya. Lumapit siya sakin at sinubukang kunin sa kamay ko ang calling card. My gosh! Pinagpapawisan na ako sa pagkakalapit ng katawan namin. Masyado nga lang akong preoccupied sa paglalayo ng calling card sa kanya.

    “Give me that, Charity.”

    “Bakit?” Nilayo ko pa lalo yung calling card.

    Naramdaman ko na yung biceps niya sa pisngi ko dahil inaabot niya ang calling card. Tinulak ko bahagya ang basa niyang katawan. Nanghihina na ako.

    “You can’t have flings.”

    “Hindi naman talaga. But I can have a friend, too, Jayden.” Sabi ko nang nakangisi.

    He really is jealous. Ano naman kung magkaroon ako ng flings? Sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko pero unresponsive siya at pinaparamdam niya sakin na wala siyang pakealam, ngayon bakit ayaw niyang may iba ako? You’re jealous, Jayden.

    Seryoso niya akong tinitigan. Tumigil siya sa pag abot sa calling card. Ang bilis naman nitong sumuko. Galit na galit ang kanyang mukha habang pinagmamasdan akong nakangiti.

    “You’re jealous. Admit it.” Ngumisi pa ako lalo.

    Pero imbis na tumunganga siya sa harapan ko at magsungit dahil sa pagiging assuming ko, hinila niya ang ulo ko at hinalikan niya ng mariin ang labi ko. Nakapikit siya pero nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. This time, he isn’t drunk or tipsy…

    “I said, you shut up or I’ll kiss you.” Sabi niya sa gitna ng paghahalik sakin.

    Unti-unti kong naipikit ang mga mata ko. Nanghihina ako. Hindi ko na maramdaman ang binti ko. Naramdaman ko yung isang kamay niya sa baywang ko. Unti-unti ko ring binaba ang kamay kong nakahawak ng calling card.

    “Gotcha.” Tumigil siya sa paghalik at kinuha yung calling card.

    Pinunit niya iyon sa harapan ko. Yung tipong dinaig pa ang shredder sa pagkakapunit kasi hindi mo na talaga maitsura yung calling card.

    “You don’t do that to me.” Aniya sabay tapon sa gutay-gutay na calling card sa basurahan.

    Ngumisi ako.

    “Kung hahalikan mo pala ako twing nag iingay ako at nagseselos ako, pwes, patuloy akong manghihingi ng calling card sa bawat lalaking nakakasalubong ko.” Tumawa ako at tumakbo.

    Kasi naman ang mukha ni Jayden ay nakabusangot na. Para siyang bulkan na sasabog na naman sa inis.

    “Bye, Jayden. Boy hunting muna ako para mahalikan mo ulit!” Kumindat ako at umalis sa kwarto niya.

    Halos mapatalon ako sa corridor sa sobrang saya. GOD DAMN IT! I’M ADDICTED WITH HIS TENDER KISSES!

    I wanted freedom. Pero kung ang kapalit ng freedom ko ay ang atensyon ni Jayden, I’ll take the risk and tempt fate. I’m choosing love over my freedom.

  • Chapter 13Open or Close

    Chapter 13
    Ang Bad Girl

    Nangolekta ako ng mga calling cards. Yung iba, sa tissue nilagay ang mga number nila. Limang number pa lang yung nakokolekta ko. Mamaya ko na ito ipagpatuloy dahil baka mag alburuto na naman si Sungit Hunk sakin dahil wala ako sa tabi niya. Alam niyo naman iyon, mejo clingy. Charot! Wish ko lang!

    Bumalik na ako. Naririnig kong sumisipol sa akin yung ilang foreigner na nakaupo sa sofa ng reception. Di ko na tinignan. Hindi naman kasi namimilit ang mga ito kung hindi ka nagbibigay ng motibo.

    Papasok na sana ako ng office nang bigla kong nakita si Jayden na nagsasalita sa gitna ng mga staff.

    “Let’s all work together to make this resort number 1. Alam natin ang goal ng mga Castillo.”

    Uupo na sana ako kasama ng ibang staff doon. Kakapasok ko lang sa office na ito pero late agad ako sa meeting.

    “Shit!” Malutong kong pagmumura nang nasamid ang paa ko sa paa ng silya.

    Walangyang silya!

    Natigil si Jayden sa pagsasalita kasi umalingawngaw yung karampot na mura ko. Napalingon lahat ng mga staff sakin.

    “That’s Charity Rama, our new HR.”

    Kinawayan ko ang mga tao doon. Ngumiti din naman sila sakin.

    “At secretary ko rin siya kaya kung may mga papeles o mga concerns kayo na wala ako…”

    Lapitan niyo lang siya… Yes, yes… Tumango-tango ako habang pinapanood si Jayden.

    “Kung wala ako, wala din siya. Okay? Dismiss. Salamat sa pakikinig.”

    Napatunganga ako sa sinabi niya. Agad gumalaw at nagsialisan ang mga staff. Kahit na may iba doong hindi pa nakakaget over sa kapogi-an ni Jayden…

    “Ang gwapo niya, shet! Inspired ako nito lagi!”

    Ako naman, hindi makarecover sa huling sinabi niya. Ibig sabihin sabay kaming luluwas sa syudad linggo-linggo? OMG! Yun ang gusto niyang mangyari.

    Agad akong tumayo para sundan sana si Jayden, kaya lang ay hinarang ako nang nakangiting si Christian.

    “Hey, ano? Mamayang gabi? Party tayo doon sa Sand and Booze? Di mo pa ako tinitext, ah?” Aniya.
    “Actually, yun nga sadya ko sayo. Naiwala ko yung calling card mo, eh. Pwede penge ulit?” Ngumisi ako.
    “Sure! Basta ba wa’g mo na iwala ulit!” Ngumisi din siya.
    “Of course.” Humalakhak ako.

    Inabot niya naman sakin yung calling card niya.

    “Thanks!” Sabi ko.
    “Saan ka ba kakain ng lunch? Para sabay na tayo?”

    At dahil ginugutom na ako, sumabay na ako kay Christian. Ang sarap ng mga pagkain dito sa Chase Paradise. Pumili ka lang kung sa harap ba ng pool o sa harap ng dagat. Syempre, pinili ko yung sa harap ng dagat. Puro seafood ang nandito. Napasarap tuloy ang kain ko. Amoy na amoy mo pa ang maalat na dagat. Maraming taong naliligo.

    “Sarap ng mga shrimps.” Sabi ko kay Christian habang ninanamnam ang paubos ko ng mga seafood.
    “Oo nga, kaya lang, mahal talaga lalo na dito sa Bantayan.” Sabi ni Christian.

    “Mahal talaga pag wala kang pera.” May biglang sumingit at naramdaman ko agad na may nakatayo sa gilid ko.

    Sumulyap ako at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Jayden.

    “Mr. Corpuz, dito kayo.” Sabi ni Christian sabay lahad ng isang upuan.
    “Hindi na, Christian.” Bumaling si Jayden sakin.
    “Kain tayo!” Ngumisi ako sabay pakita sa hipon.
    “Tapos ka na ba? Ipagluluto mo pa ako.” Masungit niyang sinabi.
    “TALAGA?” Hinigop ko yung softdrinks at nagmadali sa pagtayo.

    Noon, ayaw ko talaga ng mga responsibilidad. Sarili ko lang ang gusto kong gawing responsibilidad. Magluluto ako para sa sarili ko. I embrace freedom and independence. Yung pera ko ay nakukuha ko sa paminsan-minsang pagtulong sa kapatid ko sa kanyang clothing line. Pero ngayon, mahilig na akong mag alaga ng ibang tao. Gusto kong akuin ang responsibilidad para makakain si Jayden. Nababaliw na talaga yata ako.

    “Bakit di mo sinabi agad kanina? May pa walk-out walk-out ka pang nalalaman.” Panay ang talak ko habang sinusundan siya papunta sa kwarto niya. “Tsaka… Pwede namang bumili ka na lang ng pagkain. May mga raw foods ka ba diyang pwedeng lutuin? Nagdala ka ba ng meat tsaka mga spices?” Tanong ko.
    “Just check the ref.” Aniya at pumasok na nang diretso sa office niya.

    Umupo siya sa desk at humarap sa laptop. Ako naman ay nag check sa ref na puno pala ng pagkain. The perks of being the manager, huh? Ano naman ang lulutuin ko? Magluluto na nga lang ako ng adobo, marami kasing manok dito sa ref kaya iyon ang pinag diskitahan ko.

    “Saan kayo nagkakilala ng Christian na yun?” Tanong ni Jayden.

    Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang seryosong nichi-check yung mga papeles sa harapan.

    “Sa Life Dance last year? Sa… Maribago yata yun?”
    “Anong Life Dance?”
    “Uh… The biggest summer party ever… dito sa Cebu. Dumadayo pa taga ibang syudad, maging mga taga Metro Manila just to join.” Kumindat ako.
    “And you’re proud because of that?” Tunog sarcasm na ang kanyang boses.
    “Hindi naman ako proud. Nagtanong ka eh, sinagot ko.”

    Nagpatuloy ako sa paglalakad.

    “Tapos, ano? Sumayaw ka doon? Siya yung kasayaw mo?”
    Nilingon ko siya at napangiti ako.

    You’re really just jealous, Jayden. And I like it that way…

    “Hindi lang naman siya, marami.” Untag ko.

    Hinawi ko ang buhok ko at nakita kong sumimangot siya. Tumayo siya sa kinauupuan niya.

    “Gaano karami?” Malamig niyang tanong.

    Napangising-aso ako sa tanong niyang hindi ko sinagot.

    “Gusto mo bang magustuhan kita?”
    “Oo!” Mabilis kong sagot.
    “Edi tigilan mo na yang paglalandi mo.”

    Humakbang siya palapit sakin.

    “H-Hindi naman ako naglandi.”

    Patay! Eh kasi naman hahalikan niya ako pag marami akong calling cards, diba? Pero ayaw niya naman palang nag eentertain ako ng ibang lalaki? Edi paano ako mahahalikan kung hindi ako mag eentertain?

    “Liar.” Aniya.

    Napalunok ako at napaatras. Masyadong malakas ang dating ni Jayden lalo na pag seryoso at mejo galit.

    Napapikit ako sa anticipation sa halik niya. Isang dangkal na lang ang lapit ng mga mukha namin at ramdam ko na ang aura ng katawan niya sa katawan ko.

    Napaawang na ang mga labi ko at naghihintay na lang na ibalot niya ito sa kanya. Pero unang naramdaman ko ay yung kamay niya sa bulsa ng mga shorts ko.

    “No kiss for a bad, bad girl.” Bulong niya nang kinuha lahat ng calling cards sa bulsa ko.

    Lumayo siya sakin at unti-unti akong dumilat.

    “Ang daya! Jayden! Kanina hinalikan mo ako kasi may isang calling card ako! Ngayon, bakit binabawi mo na.”

    Pinapanood ko siyang pinupunit ang bawat calling card, papel at tissue ng mga numerong nakuha ko.

    “No kiss for a bad girl, Cha.” Aniya at tinapon ang mga napunit na calling card sa basurahan.

    Ngumuso ako. If you’re wise, Jayden, then I’m wiser. Dala ko yata ang determinasyon sa pagkakakulong sayo.

    “I cooked you your lunch. Then I’ve been real good.” Humalakhak ako. “A kiss for a good girl?”

    Ngumuso si Jayden at tinignan ako.

    “Tignan ko pa kung masarap, kung hindi, wala.”

    Ang daya talaga ng gwapong ito.

    “Then, I’ll clean your room. Or do whatever you like. Just kiss me, again, Jayden.”

    Umiling siya.

    “You’re crazy, Cha.”
    “No, I’m not.” Humalakhak ako. “O sige, kung hindi mo ito magustuhan, maglilinis ako ng kwarto mo… At syempre, sure nang magiging malinis iyon kaya pwedeng mag advance? Kiss muna bago linis?”

    Ngumisi si Jayden.

    “You really are crazy.”

  • Chapter 14Open or Close

    Chapter 14

    Ang Laro

    Araw-araw kong nililinis ang kwarto ni Jayden sa pagbabakasakaling mahalikan niya ulit ako sa pagpapakabait ko. Dalawang linggo na ako dito, oo, wala pa akong planong umuwi kasi wala rin siyang plano. Para kasi akong insektong nahuhumaling sana liwanag. Hindi ko kayang lumayo sa kanya.

    Busy siya at sa twing nakikita kong propesyunal siyang nakikitungo sa tatlong propesyunal ding supervisors. Pero hindi ko maiwasang manlait tuwing napapansin ko ang biruan nila sa isa’t-isa.

    Bumungisngis si Tina pagkatapos biniro si Jayden na dapat magpaparty minsan para ganahan ang mga nagtatrabaho.

    “Marami ka namang pera, ikaw na ang sumagot!” Bumungisngis pa siya lalo.

    “Anong mangyayari sa araw na yan, closed ba muna ang resort para sa party?” Tumawa din si Jayden.

    Umubo ako, peke para maistorbo ko silang dalawa.

    “Eto na nga pala yung files na hinihingi mo sa finance, Jayden.” Sabay lapag sa harap ng dalawa yung files.

    “Hindi naman kailangang lahat yung nagtatrabaho. Yung mga waiter, waitress, security guards muna. Yung mga malalaki yung rank, tsaka na.” Sabi ni Tina. “Sila muna ang substitute sa mga nagpaparty.”

    “So you mean, tayo, hindi kasali?” Sabi ni Shiela kay Tina.

    “Oo. Mahalaga talaga sakin yung pakikitungo sa workers, lalo na sa kanila, eh.”

    Ngumisi si Jayden at tumitig kay Tina. Ngumisi siya at dahan-dahang tumango.

    “That’s really adorable and professional.” Sabi ni Jayden. “I like you.”

    Napalunok ako. He likes her. What about me?

    Wala akong narinig kay Jayden kundi, ‘I hate you… not just your clothes, I hate you…’

    Napatingin ako sa damit kong akma sa mga gusto niyang sootin ko. Kahit nasa isla ako, hindi pa ako nakakapagswimming kasi alam naman nating lahat na ayaw nitong lalaking ito sa mga babaeng nagpapakita ng balat.

    Madalas pa akong naka sneakers.

    “Nice shoes.” Iyon lang ang kanyang linya.

    Dun! Tapos! He’s cold. Insensitive. Hindi ko alam kung sakin lang ba o maging sa ibang babae. Pero ngayon, napagtanto kong mukhang sakin lang talaga yata. Like I’m some stupid ugly duckling trooping with swans.

    Hindi naman sa nag daramdam ako, nagulat lang ako kasi madali niyang nasabi iyon sa isang babae. ‘I like you’. Ganun ba kahirap akong magustuhan at bakit hanggang ngayon wala pa akong narinig na ganun galing sa kanya?

    Ako yung kasama niya nung nasa Cebu pa lang kami, ah? Wala ba siyang adorable trait na nakita sakin para masabihan niya man lang ako ng kahit ‘adorable’.

    “Aww, Jayden, I like you, too. Pero ganun naman talaga dapat, diba?” Kumislap ang mga mata ni Tina kay Jayden.

    Nanlisik ang mga mata ko. Tinitigan ko si Tina, baka sakaling makita niya yung galit ko sa sinabi niya pero walang nakatingin sakin.

    “Wow! You two like each other.” Panira kong sinabi nang nakangisi.

    Ang bitter ko. I’m not usually like this.

    “Oo nga!” Sabi ni Shiela at tinukso silang dalawa.

    Nagtawanan si Jayden at Tina.

    Parang yung sarcasm ko ay naging daan pa para matukso ang dalawa, ah?

    *Kriiiiing*

    Lecheng cellphone! Kung kailan marami pa akong gustong sabihin sa kanila. Napatingin si Jayden sakin. Napatingin din ako sa kanya. Kabadtrip kang hunk ka, ah? Tsaka mo lang talaga ako pinapansin pag ganito.

    “Hello?” Sagot ko sa cellphone ko.

    Tumalikod ako at umalis sa opisina ni Jayden.

    “Alas singko na rin nga pala, pahinga na lang muna tayo. Pag iisipan ko yung sinabi mo, Tina.”

    “Talaga? Uy, sabay ka na saming mag dinner.”

    Natigilan ako sa harapan ng pintuan. Ako yung nagluluto ng dinner ni Jayden. Pag sasabay siya, ibig sabihin yung akin lang ang lulutuin ko?

    “Sure! Seafoods trip tayo. Matagal na rin akong di nakakakain ng masarap.”

    Napalingon ako kay Jayden gamit ang naiinis na mga mata. Shet! Ibig sabihin talagang hindi masarap yung luto ko?

    Padabog akong lumabas doon at padabog ko ring sinarado.

    “What the? Cha! Mag ingat ka naman dyan, nabibingi ako dito sa ingay diyan.” Untag ni CJ sa kabilang linya.

    Humalakhak ako at hinawi ang buhok.

    Lalabas ako ng hotel para manood ng sunset. Tutal wala naman akong lulutuin ngayong gabi.

    “Bakit ka napatawag, Cej? Miss me?” Panunuya ko sa pinsan ko.

    “No, crazy girl, guess what?”

    Narinig ko ang bungisngis nina Lyka at Shaira – ang dalawa kong pinsan.

    “WHAT? Nasa Pent kayo? Party na naman? May event ba? Oh come on, Cej, don’t make me jealous!”

    Sinapa-sipa ko ang puting buhangin sa inis ko. Kulay orange na ang langit dahil papalubog na ang araw.

    “Ayoko na. That’s enough. I’m living like a cavegirl here. Survivor ang peg ko dito. Survivor: Bantayan Islandssss.” Tumawa ako.

    Tumawa si CJ, “Kasama ko ngayon si Lyka, Shaira, Erica, at Jeremy.”

    “Okay, then?”

    “Rendezvous at Sand and Booze?”

    Nanlaki ang mga mata ko nang narealize ko kung anong ibig niyang sabihin.

    “Oh my God! Oh my God!” Pinaypayan ko ang sarili ko.

    Tumalon-talon ako sa sobrang saya ko.

    “NASA BANTAYAN KAYO!? THAT’S WHY YOU’RE WITH JEREMY? NASA BANTAYAN KAYO?”

    Natatawa si CJ sa reaksyon ko.

    “Yes. Sa resort nila kami tutuloy. Ayaw namin diyan kasi nag titipid si Shaira. Dolyar kasi diyan eh. Tsaka libre kami dito sa resort nila.” Humalakhak siya.

    “Oh my gosh!” Halos mangiyak-ngiyak akong hinahawi ang buhok.

    I can’t believe it. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko na miss ang mga pinsan at kaibigan ko.

    “Anong oras?”

    “10? 11? Syempre. Magpapahinga muna kami.” Aniya.

    “Alright, Cej. Kakain lang din muna ako at magmumukmok sa kwarto.”

    “Okay, Cha. Sige, see ya later.”

    Halos patalon-talon akong bumalik sa resort. Naaninaw ko pang kumukunot ang noo ni Christian sakin nang nakita ang kasiyahan ko.

    Ayaw ni Jayden na lumalabas ako tuwing gabi. Alas diyez, chinicheck niya kung nasa kwarto ako. Ewan ko ba sa mokong na iyon. Wala rin namang problema sakin kasi mabilis akong inaantok these past few days. Ngayong gabi lang yata ako magkakaproblema. I want to go there! Pero ayaw kong malaman ni Jayden yun dahil malamang, didiligan na naman ng katotohanang iyon ang galit na nakatanim sa puso niya.

    Alright, maybe I should trick him once in a while. Naka short-shorts ako at halter top na nagpapakita ng two-piece bra ko nang humiga ako sa kama. Agad kong tinabunan ang sarili ko ng kumot kahit hindi naman ako nagkukumot.

    Kung sakaling makakatulog ako ngayon, nag alarm na ako ng 11pm para makagising din at makapunta kina CJ. Pero dahil sa pagiging excited ko, hindi ko nagawang antukin.

    “Hello?” Naramdaman ko ang pag bukas at sarado ng pintuan ko. Wala na si Jayden!

    Matutulog na yun! Nag hintay ako ng 15 minutes bago lumabas. At nang sa wakas ay nakalabas na ako… Para akong ibon na nakalabas sa hawla!

    “Hello? Hello?” Nagmadali akong nidial ang number ni CJ.

    “Cha, andito na kami. Lika na!” Sabi ni CJ.

    Ang ingay ng background music niya. Trance. Oh how I missed them and the party, of course.

    “Saan po ba patungong Sand and Booze?” Tanong ko sa security guard.

    “Nasa dulo lang ng resort na ito.” Sabay turo kung saan ako dapat magsimulang mag lakad.

    “Okay, thanks!”

    Nanggigigil ang mga paa ko sa paglalakad. Marami akong expats at mga party peaople na nakasalubong habang papunta ako doon. Maraming grill sa may seashore, maraming nag iinuman. Alive pala ang isla tuwing gabi. Hindi ko nga lang ito naabutan kasi natutulog na ako at hindi naman ako napapadpad dito.

    Maingay at may mga banda pang tumutugtog. May nakita pa nga akong nagsasayawan sa tabing-dagat.

    Naenjoy na ako, papunta pa lang akong Sand and Booze. At nang sa wakas ay nakita ko na ang neon lights ng bar na iyon, napatalon na ako sa tuwa.

    “Sand and Booze.”

    Yung sahig ng bar ay buhangin. Tama lang itong soot ko sa mga tao sa loob ng bar. Mala-Penthouse din ang dating nito, yun nga lang, ang mga drinks ay pang isla, yung mga elements ng decoration ay pang isla. May nakita pa akong coconut tree sa loob. Naloka pa ako nang may nakita akong pool. May mga nakabikini pang lumalangoy sa pool.

    Malaki ang bar na ito. Kung hindi ko tinawagan si CJ, hindi ko sila mahahanap. Nasa sofa pala sila katabi ang isa pang coconut tree.

    “OH MY GOSH!”

    Napatili ako nang nakita ko ang mga pinsan at mga kaibigan ko.

    “Chaaa!” Sigaw ni Erica sabay yakap sakin.

    “We missed you!” Sabi ni Lyka. “Ang boring mag party pag wala ka!”

    “Syempre, life of the party yata ‘to!” Tumawa ako.

    Isa-isa ko silang niyakap.

    “Oo nga, wala ng parang wild animal na sumasayaw sa gitna ng stage at kaibigan lahat ng DJ sa Club Alchology!” Tumawa si CJ.

    “Kumusta na?” Tanong ni Shaira.

    “Ugh! Pwedeng bukas niyo na ako kumustahin?” Sinuyod ko yung bar. “Sa ngayon, I just wanna have fun!”

    Inabot ni Jeremy sakin ang isang shot ng tequila kasama ang lemon.

    “Thanks!” Kinindatan ko siya at ininom iyon diretso at kinagat at sinipsip ko yung lemon. “Wala bang asin diyan?” Sigaw ko at binigay ulit sa kanya yung shot glass.

    Nagtawanan kami at naghamon pa si Cj ng body shots.

    “Kadiri, Cej! Paano pag tayo mag body shots! Yuck! Incest! Tsaka ayaw ko rin naman kay Jeremy.”

    Ngumisi si Jeremy. “Stranger body shots na lang?”

    Ngumisi ako at agad ding sumimangot.

    “Uy! Ayaw ko ng ganyan…”

    “GOOO! GOOOO! Sige na! Come on, Cha!” Tumawa si Erica.

    “Gusto mo ng sample?” Sabi ni Shaira.

    Tumayo siya at binitbit ang tequila niya.

    Nalaglag ang panga ko nang itinuro niya ang isang tahimik at gwapong korean na nakaupong mag isa. Agad niyang nilapitan ito at binulungan.

    Umiling ang koreano at napaatras ng konti sa kanya. Lumingon siya samin atnagkibit balikat. Bumaling siya sa koreano at may binulong ulit. Huminga ng malalim ang koreano at tumango ng dahan-dahan.

    Nilagay ni Shaira ang asin sa pisngi ng koreano.

    “OH MY GOSH?” Sigaw ko at ganun din ang sigaw ni Lyka.

    Napapalakpak si Jeremy at natawa si CJ.

    Dinilaan niya yung asin sa pisngi ng koreano bago nilagok ang tequila at sinipsip yung lemon.

    Tumatawa si Shaira pabalik sa sofa. Nicongrats siya nina CJ at Jeremy.

    “Oh my gosh!” Pinaypayan niya ang sarili niya. “Sobrang miss kita, Cha, kaya ginagawa ko na ang mga gawain mo noon.”

    Tumawa ako, “Huy! Hindi ko pa yan nagagawa sa isang stranger no!” Sabi ko.

    “Well, yes, kasi lagi mo namang nagiging kaibigan yung ‘stranger’.”

    Tumawa si Shaira at umupo sa tabi ko.

    “Cej, ikaw naman!” Aniya.

    “Oh? Simple.” Nagkibit balikat si CJ.

    Ininom niya muna ang kanyang shot bago tumayo para maghanap ng biktima.

    Naparami ang inom ko sa larong gusto ni Jeremy. Tapos na silang lahat nang mukhang natatamaan na ako sa iniinom naming tequila.

    “Sige na, Cha. You’re the last. Pagkatapos mo, sasayaw na tayo.” Kumindat si Erica sakin.

    “Ang Ba-Bad Influence niyo!” Sabi ko.

    “Ikaw naman yung nagturo nito noon!” Tumawa si Erica.

    Lumagok ako ng tatlo pang shots.

    “Alright, Alright… Pero dapat mas lasing pa ako.” Tumawa ako at lumagok pa ng isa bagoio tumayo.

    Jayden’s going to freak out! Freak out my ass, Charity. He doesn’t care about you. He doesn’t like you…

    Kahit na halos magpakaalipin ka na at sinusunod mo na ang lahat, you are still nothing to him. Ikaw lang ang nagkukulong sa sarili mo sa kanya.

    Lumapit ako sa isang maskuladong lalaking may mga kasamang kabarkada. Hinawi ko ang buhok ko. Paghawi ko pa lang ay napalingon na siya.

    “Hi! I’m Cha. Kanina pa kita napapansin.” I lied. “Parang may kamukha ka… Kamukha mo yung dad ko.”

    I smirked. If you only knew.

    Nilapag niya ang beer niya at humarap sakin.

    “So? Gwapo ba yung dad mo?”

    “Well…” Sumimangot ako at nag isip.

    “Well?”

    “well, of course!” Kumindat ako. “Hindi naman siguro ako maganda kung pangit siya, diba?”

    “Ibig mong sabihin gwapo ako?” Ngumisi siya.

    “You’re only a bit like my dad, but yes you’re cute.”

    Mas lalo siyang sumimangot sakin.

    “Kung sana mejo guluhin mo yung buhok mo tulad nito.” Hinaplos ko ng marahan ang buhok niya at ginulo. “Then that’s better.”

    Lumagkit ang tingin niya sakin dahil sa ginawa ko.

    Ilalagay ko na sana yung asin sa kamay niya habang nagkakatitigan pa kami pero may humigit ng malakas sa braso ko. Yung tipong may galit ang pagkakahigit. Sa paraan at sakit pa lang ng pagkakahigit niya, kilalang kilala ko na agad kung sino.

  • Chapter 15Open or Close

    Chapter 15
    Ang Mesa

    Pa BP nga, tumataas yung blood pressure ko dahil sa lakas ng pagkakahigit ni Jayden sakin.

    Likod niya lang ang nakikita ko. Nakikita ko na ang mga nagtatakang expresyon ng mga pinsan kong babae. Si CJ naman ay kumaway lang habang tumatawa.

    “Jayden, bitiwan mo ako!” Sabay piglas ko sa pagkakawahak niya.

    Kaya lang, masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

    “JAYDEN!” Sigaw ko nang dumadaan na kami doon sa mga may nag iinuman.

    Consistent parin ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Ganun parin kabilis ang paglalakad niya. Hindi na ako pumiglas dahil nanghihina ako. Dulot na rin siguro ng traydor na tequila. Tsaka lang ako natauhan at nabunutan ng tinik nang naaninaw ko na yung kwarto ko.

    “Ano-Ano bang problema mo, Jayden!”

    Hinila ko ang kamay ko. Hinila niya rin iyon at hinarap ako. Nakita kong halos umuusok na yung pisngi niya sa galit.

    “What do you want me to do? Magmukmok dito sa kwarto ko while my cousins are damn here!” Hinawi ko ang buhok ko at humalukipkip.
    “Sa tingin mo kinaladkad kita dito kung umupo ka lang doon at nakipagkwentuhan, Charity?” Sigaw niya pabalik sakin. “Hindi. Hahayaan kita. Pero lumapit ka sa lalaking iyon at may balak ka pa yatang dilaan yung kamay niya.”

    PASALAMAT KA NGA AT KAMAY LANG YUNG BALAK KO, HINDI YUNG LEEG!

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

    “You… You were there the whole time?” Nanliit ang mga mata ko. “Why? Bakit mo ko sinundan, Jayden?”

    Natahimik siya at nag iwas ng tingin sakin. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nahihirapang sumagot sa tanong ko.

    “Is it because you hate me…” Pumiyok ang boses ko.

    Hindi ko maiwasan yung pagbabara ng lalamunan ko.

    “You hate me kaya naghanap ka pa ng ibang rason para mas lalo mo akong kamuhian? Okay… You got what you want. Now… hayaan mo na lang ako. If you fvcking hate me… then hate all you want.”

    Lalagpasan ko na sana siya nang hinila niya ulit ang braso ko.

    “I hate seeing you with other men, Cha!”

    Tumindig ang balahibo ko sa leeg. Hindi ko maiwasang di tumingin sa kanya.

    “Ano-Anong sabi mo, Jayden?”
    “Ayokong nakikita kang may ibang nilalandi. You said you want me… why can’t you want me alone?”

    Kahit kailan, ang daya talaga ni Jayden. Alam niyang hindi ko siya kayang tiisin, lalo na paghumihirit na siya. Alam niyang siya lang talaga. Na kahit anong landi ko… siya parin yung gusto ko.

    “Bakit importante sayo na ikaw lang ang magustuhan ko? You don’t even like me, Jayden. What’s the big deal?”

    Hinawakan niya ulit yung kamay ko, pumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

    “Stop it, Cha.” Sigaw niya sakin.
    “Bitiwan mo ako!” Sigaw ko sa kanya.

    Tinulak niya ako sa pintuan niya.

    “You’re just trying to make me jealous!” Aniya.
    Napatingin ako sa kanya, “Why? Nagseselos ka? Bakit ka nagseselos?”

    Lumapit siya sakin. Tinulak ko siya. Gusto kong marinig yung sagot niya, hindi yung pag aasim ng mukha niya.

    “Nagseselos ako kasi gustong-gusto kita. Gustong-gusto kita pero tinatakot mo ako sa paglalandi mo. You’ll cheat soon. Kita mo na? Lalabas ka pala, why did you have to sneak out?”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi na ako nakagalaw. Tinitigan ko na lang ang mukha niya.

    “Hindi pa nga tayo… nag lilihim ka na sakin!?”
    “B-Because you were too… too insensitive.”

    Wala na akong masabi. Hindi nagsisink in sakin ang sinabi ni Jayden na gusto niya ako.

    “You like Tina, too, right. Anong kaibahan namin, Jayden?” Napalunok ako.

    Humakbang siya palapit sakin. Nagkadikit na yung katawan namin. Hindi ko alam kung malamig ba yung katawan niya o masyadong mainit lang yung akin dahil sa tequila.

    “Do you really wanna know?”

    Tumango ako. Hindi ko matikom ang bibig ko gayung linalapit niya ang mukha niya sakin.

    “Y-You said I’ll cheat… how can you be so sure?” Pabulong kong sinabi.

    Naamoy ko na ang mabangong hininga niya. Ang lapit na ng mukha niya.

    Hindi niya sinagot ang tanong ko, nilapit niya na lang yung bibig niya sa tainga ko.

    “Sinabi ko iyon sa kanya para magselos ka… Sinasabi ko ito dahil yun ang ramdam ko.”

    Napatingin ako sa kanya sa gilid ng mga mata ko. Nanghina ang binti ko. Naramdaman kong unti-unting nag iinit yung katawan niya.

    “Good. Then our feeling’s mutual.” Pabulong kong sinabi.

    Halos hindi ko na marinig ang sariling boses ko.

    “No. You’ll cheat soon. You have your boys, Charity.” Suminghap siya.

    Hinila ko ang chin niya at inilapit sakin.

    “Try me, Jayden.”

    Hinalikan ko siya. Masyado akong masaya para magsalita pa. He likes me… He’s probably even in love with me! Nabigla ako nang hinaplos niya ang balikat ko habang hinahalikan ko siya. Mariin niyang ginantihan ang bawat halik ko.

    Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Walang tao sa corridor, syempre, madaling araw na. Kaya malaya kaming nakakapaghalikan dito.

    “You’re in love with me…” Sabi ko sa gitna ng halikan namin ni Jayden.

    Pinasadahan niya ng haplos ang likod ko hanggang baywang. Nagpatuloy kami sa paghahalikan nang naramdaman kong binuksan niya sa likuran ko yung pintuan.

    Napaatras ako dahil bukas na ang pintuan papuntang kwarto niya. Napahakbang siya para hulihin ang labi ko at makapaghalikan ulit kami.

    “Yes, I’m in love with you, Charity. So don’t you ever make me jealous again.”

    May kung anong confetti na sumabog sa puso ko nang narinig ko iyon galing sa kanya. HE LOVES ME! HE’S IN LOVE WITH ME! JAYDEN IS IN LOVE WITH ME!

    Mas lalo kong pinalalim ang halik ko sa kanya. Gumanti rin siya ng mas malalim at mas mainit na halik. Binuhat niya na ako kasi nanghihina ang binti ko sa mga halik niya.

    Nabigla ako nang nilapag niya ako sa mesa. Habang pumupungay ang mga mata ko at di na makapag hintay sa ganti ng halik niya, hinubad niya ang t-shirt na sinoot niya. Napanganga ako sa katawan niya. I really love his body. Katawan pa lang, ulam na. I traced his chest with my index finger. Pinagmasdan niya ang ginawa ko sa dibdib niya. Binaba ko ang daliri ko hanggang akaabot sa abs.

    Hindi ko na naipagpatuloy kasi hinalikan niya na naman ako. Yung sabik at mainit. Yung tipong alam mo na yung kasunod.

    Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa likod ko. Mabilis niyang kinalas ang bikini top ko. Syempre, isang hila lang noon, kalasa na agad. Buong akala ko ay huhubarin niya muna ang halter top ko pero nagkamali ako, hinablot niya ang buong bikini bra at tinapon kung saan. Now I don’t have a bra.

    Kinagat niya ang labi niya nang nakita ang soot kong halter top na walang bra. Habang nag eenjoy siya sa pag titig noon ay kinalas ko ang butones ng shorts niya at binaba ang zipper.

    “Jayden, I’m in love with you, too. So in love…” Humalakhak ako. “Hindi ako naniniwalang di mo yun alam.”

    Hinawi niya ang sleeves ng halter top ko para makita ang dibdib ko. Hinalikan niya ito. Napatingala ako sa sarap ng feeling.

    “Kung ganun, wa’g ka ng maghanap ng iba.

    Hinaplos niya ang gitna ng shortpants ko.

    “Jayden…”

    Goodness gracious! Ni wala pa ngang nahahawakan, napapa moan na ako!

    Yung isang kamay niya ay nandoon nakapirmi at hinahaplos ng pabalik-balik ang gitna ng hita ko habang ang isa naman ay nasa boobs ko.

    Ang tanging suporta ng katawan ko ay ang dalawang kamay kong naka hawak sa mesang inuupuan ko.

    Nabigla ako at parang humiwalay ang kaluluwa ko nang bigla niyang ininsert yung kamay niya sa ilalim ng shorts at sa ilalim ng panty ko. Now he’s touching my skin! Halos mamilipit ako sa ginawa niya.

    Hindi ko alam kung ibabahagi ko ba yung dalawang binti ko o isasarado.

    “Oh my… Jayden!”

    Goodness! I think I’m getting there!

    Kinagat ko ang labi ko at dinilat ang mata para tignan si Jayden. Kinakagat niya ang labi niya at pinagmamasdan ako. KInalas niya ang kamay niya.

    “JAYDEN! UGH!”

    Nabitin ako ng langyang ito!

    “No, Charity. You don’t make me jealous.”

    SHIT!

    Binuhat niya ako palayo sa mesa at linapag sa kama. Namimilipit na ako sa sobrang bitin. Hinubad niya ang shorts niya. Hinubad ko rin ang shorts ko. Nakita ko yung kulay green niyang boxers.

    Naiinis talaga ako sa pagkabitin ko pero alam kong kaya niyang ulitin iyon.

    “You don’t make me jealous, Cha. You’re mine…” Aniya bago ipinasok sa loob yung kanya.
    “Don’t worry, I take contraceptives.” Napapikit ako sa sakit.

    Damn, Jayden.

    “You… What?” Tanong niya.

    Hindi ko na siya sinagot. Masyado na akong nagconcentrate sa ginagawa niyang pag thu-thrust.

    Ilang sandali pa bago niya ako hinalikan ulit. Yung halik niya pa lang at yung mga haplos niya, nawawala na ako sa sarili eh. Nababalik lang ako twing nasasaktan ako sa pagthrust niya.

    “Ah!”

    Tumindig ang balahibo ko nang ilang sandali ay narinig ko iyong nanggaling sa kanya.

    “Jayden, I love you.”

    I’ve never been this cheesy. Pero dahil gusto kong ipaalala sa kanya, kailangan kong sabihin iyon.

    “I… love… you too, Charity.” Aniya.

    Napapikit ako at napapilipit na sa naramdaman ko sa sarili ko. Bumilis pa lalo ang galaw niya dahil sa pamimilipit ko.

  • Chapter 16Open or Close

    Chapter 16
    Ang Selos

    Nagising ako sa amoy ng kape. Napangiti ako nang naalala ko ang nangyari kagabi. Panaginip ba iyon o hindi? Tinignan ko sa ilalim ng kumot ang sarili ko. Naka t-shirt ako ni Jayden! Hindi ko matandaang sinoot ko ito kagabi. Siguro ay siya yung nagsoot sakin!

    Bumangon ako para hanapin si Jayden. Nakita ko siyang nakatitig sa tanawin sa labas. Nakabukas ang malaking slide up door ng terrace at umiihip ang hanging galing sa labas, nililipad nito ang puting kurtina.

    “Good morning!” Niyakap ko siya galing sa likuran.

    Natigilan siya sa pag inom ng kape. Hinawakan niya ang kamay ko.

    “Mornin’.” Aniya.

    Napangisi ako sa napapaos niyang boses. Hinarap niya ako at napailing siya nang nakitang ginawa kong damit ang kumot niya.

    “Gusto mo ng kape?” Alok niya pero yung titig niya ay nasa katawan ko parin.
    “Sure…” Kinuha ko ang kape niya at uminom ng konti.

    Umiling siya sa ginawa ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Naka ilang boyfriends na ako. Minsan, long term, pero mas madalas yung isang buwan lang, break na agad.

    Hindi naman sa madali akong nagsasawa, nagkakamali lang talaga ako. Nakikilala ko yung mga lalaki as mature at ma experience sa relationship, hindi clingy. Pero kalaunan, hindi ko nagugustuhan. Kailangan may text oras-oras.

    “Nasaan ka ngayon?”
    “Sinong kasama mo?”
    “Bakit ang tagal mong mag reply?”
    “May ginagawa ka ba?”
    “May kasama ka bang iba? May kabit ka?”

    God, it was suffocating! Hindi naman ako palaging may lakad, madalas nasa bahay ako, sa condo o di kaya sa bahay ng pinsan ko. Bakit parang laging dapat nakaabang sila? I want freedom. Ayaw ko ng nilalagay ako sa hawla. Pero ngayon, nagbago na ang pananaw ko. Pakiramdam ko, kahit na tanungin ako ni Jayden oras-oras tungkol sa whereabouts ko, okay lang. Mas gugustuhin ko sigurong makapiling siya kesa magbarhop kasama ang mga pinsan ko.

    Hinawakan niya ang braso ko.

    “Bakit ka lumalabas dito sa terrace na ganyan ang soot mo. You should wear your clothes.” Kinaladkad niya ako papasok sa loob at papunta ulit sa kama niya.

    Nakita kong nandoon lang pala sa gilid ng kama yung mga damit ko.

    “May t-shirt mo naman ako, ah?”

    Kumunot ang noo ni Jayden.

    “I can see your nipples from here, Charity. You should wear your undies.”
    “Yes, po.” Biro ko kay Jayden.

    Tumalikod agad siya nang nakitang dinampot ko na yung panty at shorts ko. You are really a gentleman. Kahit anong gawin mong pagpapakipot at pagiging masungit sakin, nangingibabaw parin yung pagiging gentleman mo.

    “Mag sho-shower lang ako.” Sabi ko sabay suklay sa buhok ko gamit ang mga daliri ko.

    Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at hinalikan siya ng mariin sa labi. AH! YES! I can kiss him anytime I want now…

    Napaawang ang bibig niya sa ginawa ko.

    “See you later.” Kinindatan ko siya at umalis na sa kwarto niya.

    Pagkapasok ko naman sa kwarto ko, halos mapatalon ako sa tuwa. Jayden is in love with me!

    Masaya akong nagshower. Hindi ko inakalang ganun ang kakahinatnan ng gabing iyon. Ang saya-saya ko! Gusto kong pasalamatan ang mga pinsan kong nagpunta dito. Malamang nandito pa rin sila ngayon.

    Basa pa yung buhok ko nang lumabas ako ng kwarto para tignan ulit si Jayden sa kanyang kwarto. Kaya lang, yung janitor ang naabutan ko sa loob.

    “Manong, nasan ho si Jayden?” Tanong ko sa nag mo-mop na janitor.
    “Ay, ma’am, nasa opisina daw po. Bilin niya na pag pumunta ka dito, puntahan mo na lang daw siya sa office.”
    Tumango ako at binigyan siya ng matamis na ngiti, “Okay po. Thanks!”

    Masaya akong nagmartsa papuntang office. Hindi na ako kakatok. Boyfriend ko naman si Jayden, eh.

    Pagkabukas ko ng pintuan ay naaninag ko yung cleavage ni Tina. Nasa tabi siya ni Jayden at may itinuturo siya sa laptop sa harap. Alam ko namang walang nangyayaring masama pero hindi ko nagustuhan ang pambungad na cleavage!

    “Jayden!” Sigaw ko.

    Napatingin silang dalawa sakin. Napatayo ng maayos si Tina kaya hindi ko na ulit naaninag ang cleavage niya. Hindi ko alam pero unti-unting gumapang ang init na galing sa leeg ko papuntang mukha ko. Bumilis din ang paghinga ko.

    Tumaas ang kilay ni Jayden nang nakita akong ganoon ang reaksyon.

    “Good morning, Charity!” Sabi ni Tina.

    Hindi ko magawang ngumiti. Kahapon pa silang dalawa naglalandian, ah? Ah! Hindi! Si Tina lang yung nilalandi si Jayden.

    “What are you doing here?” Mainit kong sinabi kay Tina habang naglalakad ako ng marahan papunta sa kanya.

    “Who? Me?” Sabay turo niya sa kanyang sarili. “Ano pa, syempre, nagtatrabaho.” Natatawa niyang sinabi.

    Kahit na confident ang tono ng boses niya, nakita ko parin ang pamumutla niya dahil sa tanong ko.

    “Nag paplano kami para sa break ng mga nagtatrabaho dito-“

    Tumayo si Jayden para salubungin ako. Pinisil pisil ni Tina ang daliri niya, para bang defense mechanism niya ito pag kinakabahan siya o nagsisinungaling siya.

    “Pinaplano o naglalandi?” Tanong kong galit kay Tina.

    Nung isang araw pa siya, ah? Last week, palagi din niyang hang out dito sa office ni Jayden. Ba’t di na lang siya tumambay sa office niya? Sa may pool since supervisor naman siya doon?

    “Charity, that’s enough!” Marahang utos ni Jayden.

    Hinawakan niya ang braso ko.

    “Everything’s changed now. I’m your girlfriend.” Sabi ko.

    Tinakpan ni Tina ang nakangangang bibig niya. Nabigla siya sa sinabi ko. Hindi sinabi ni Jayden sa kanya na kami na? Okay, I get it! Hindi naman iyon importante kasi katrabaho niya lang naman si Tina.

    “I-I’m sorry…” Bumaling si Tina kay Jayden.

    Suminghap si Jayden at bumaling din sakin.

    “We’re just working, Cha.” Sabi ni Jayden.
    “I know. Pero may iba diyang may ibang sadya.” Naningkit ang mata ko kay Tina na ngayon ay dahan-dahang naglalakad palabas.
    “I-I’m sorry, Jayden.” Aniya.

    Sinundan ko siya ng titig hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas.

    “What’s your problem, Charity?” Untag ni Jayden.
    “She’s seducing you, Jayden!”
    “Seducing?” Umiling siya at pinasadahan ng palad ang kanyang buhok.
    “Oo! Last week ko pa siya napapansin no. Wala lang akong magawa kasi wala naman akong karapatan! Pero ngayon, meron na kaya patay siya sakin!”
    “We are planning for the event. Paanong nang seseduce siya?”
    “She was… She was showing her boobs! Nakikita ko na yung cleavage niya! My goodness! Halos makain mo na kasi nasa gilid na ng ulo mo yung boobs niya!”

    Natatawang umiiling si Jayden sa sinasabi ko.

    “I bet, kung di ko dumating ipinatong niya na yung boobs niya sa mukha mo-“

    Natigilan ako kasi nilapat niya ng marahan ang labi niya sa labi ko. Isang halik niya lang, nalulusaw na ang galit ko. Nakakalimutan ko na kung anong pinaghuhuramentado ko. Maging ang pangalan ko, nakakalimutan ka na.

    “You’re just jealous…” Aniya.
    Uminit ang pisngi ko, “Yes, I’m jealous.” Sirit ko.

    I want to kiss him again. Kaya lang, umatras siya at hinawakan ang kamay ko. Darn, Jayden, I want your freaking kiss!

    “Kumain muna tayo. Para lumamig yang ulo mo.” Humalakhak siya.

    Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na ka holding hands siya. Maraming nagtatrabaho ang nakatingin saming dalawa. I’m pretty sure, mabilis itong kakalat.

    Pero nang nakarating kami sa seafood restaurant ay agad niyang kinalas ang pagkakahawak sakin. Dumungaw ako sa kamay niya at kamay ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya para makapagholding hands ulit kami pero…

    “Maraming tao, let’s not be PDA, okay?”

    Ayaw niya pala sa PDA. Ayaw ko rin naman pero gusto ko kasing hawakan yung kamay niya. Bakit parang nag iiba na ang ugali ko? Iba na yung mga gusto ko?

    “Okay.” Kinalas ko ang pagkakahawak ko.

    Kumislap ang mga mata ko nang nakita ko ang mga pinsan ko. Kinawayan nila ako at tinuro ang isang table sa katabi nila. Nakita ko pang nalalaglag ang panga ni Lyka at Jeremy habang tinitignan na nasa likod ko si Jayden at sumusunod sakin.

    “Hi!” Bati ko nang dumating kami ni Jayden sa table na itinuturo ni Shaira kanina.
    “Hello!” Sabay-sabay nilang awkward na sinabi.
    “Oh? Akala ko ba kina Marcus na resort kayo magpapalipas oras, bakit nandito kayo?” Tanong ko at umupo na.

    Umupo din si Jayden sa harap ko at nagsenyas ng menu sa waiter. Ngumunguso naman si Erica kay Jayden. Ngumisi na lang ako.

    “Kasi naman…” Tinuro ni CJ ang jetski. “Nag jetski kami at napadpad dito. Ayun, tumambay muna.” Sabay turo sa beer sa table nila.
    “Ahhh!”

    Binalot kami ng matinding katahimikan. Nakatingin lang silang lahat kay Jayden.

    “Ah! Nga pala… Na meet niyo na si Jayden diba?”
    Bumaling si Jayden sa kanila at binigyan sila ng ngiti. Tumango naman si Shaira sakin.
    “Eto nga pala si Jayden, boyfriend ko…” Humalakhak ako.

    Nakita kong nagkatinginan sila gamit ang nakakamatay nilang malalaking mata.

    “B-B-Boyfriend?” Nauutal na sinabi ni Lyka.
    “Yes…” Sabi ko.
    “Kelan lang?” Tumaas ang kilay ni CJ sakin.
    Sinimangutan ko siya, “Kagabi… Jayden, this is CJ, Shaira, Erica, Lyka and Jeremy…”

    Tumango si Jayden sa kanila.

    “Kayo ba ang mga pinsan ni Cha?” Tanong niya.
    Tinuro ni Jayden si Lyka, Erica at ang kanyang sarili. “Kami.”
    “Sorry kagabi, kinuha ko siya sa inyo.”
    “It’s okay, though…” Sabi ni CJ. “Baka kung di mo kinuha, she’ll end up dancing like a horndog-“
    “Cej!” Sigaw ko sa pinsan kong walang preno.
    Tumawa si CJ sa reaksyon ko, “Now, I get why she’s acting strange lately… Strangely formal.” Aniya kay Erica.

    Mapapahiya yata ako kay Jayden nito kung masyadong maingay ang mga pinsan ko.

    Tumaas ang kilay ni Jayden sakin. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

    “You’re formal?” Tanong niya.
    Ngumuso ako.

    Mejo… Ni ayaw ko nga sa laru naman kagabi. Napilitan lang ako.

    Kumain kami ni Jayden. Tahimik lang kasi yung nasa tabi ko ay maiingay na nag iinuman.

    “Hey, Cha, gusto niyo mag jetski? Pwede kong isakay si Erica sa jetski ko para kaying dalawa ang sumakay sa isa.”

    Napatingin ako kay Jayden sa alok ni Jeremy.

    “Sige na, Jayden!” Sabi ko.
    “Alright.” He sighed.

    Kaya pagkatapos naming kumain, lumapit na agad kami sa jetski. Kailangang maghubad ng damit at mag two-piece. Naiinggit ako kina Erica kasi nagagawa iyon.

    Umaamba pa lang akong huhubarin na yung t-shirt ko ay binababa na agad ni Jayden.

    “No…” Umiling siya.
    “Bakit?”
    “No. I don’t like my girlfriend to show too much skin. Kaya… that’s a no for you.”

    OO BA! NO LANG PALA EH! NO NA KUNG NO! AYAW KO RIN NAMAN EH! KUNG PWEDE LANG MAG JACKET NA AKO MATAWAG MO LANG ULIT AKONG GIRLFRIEND!

  • Chapter 17Open or Close

    Chapter 17
    Ang Tanong

    “WOHOOOO!” Sigaw ko nang pinaandar na ni Jayden ang jetski.

    Ang sarap ng hangin! Ang sarap talaga ng simoy ng hangit at sikat ng araw pag nasa dagat ka. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at kumaway-kaway kina Erica na tumatawa na sa galak ngayon.

    “Cha, hold on tight!” Sigaw ni Jayden.
    “Pero ang saya pag tinataas mo ang kamay mo, Jayden!” Sabi ko.
    “Just hold on tight… I don’t want you to fall.”

    Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko naman pero nang narinig ko iyon galing sa bibig niya ay nanghina ako. Napawi yung sayang naramdaman ko. Hindi naman iba yung ibig sabihin niya, pero iba yung pagkakaintindi ng utak ko.

    Unti-unti kong binaba ang kamay ko at marahang pinulupot iyon sa kanyang baywang.

    Lumunok ako at sinubukang mag isip ng happy thoughts. Tumatawa at winawagayway ni Erica ang kanyang kamay. Tumawa din ako sa kanya pero hindi na ako nangahas na itaas ang kamay ko. Masyado ng matabang yung pakiramdam ko.

    Iniwan ni Jayden ang jetski sa seashore.

    “Uy, sige na, Cha!” Sabi ni Erica pagkababa niya sa jetski ni Jeremy.
    “Alis na kami…” Sabi ni CJ.
    Tumango ako at nginitian sila.
    “Kelan kayo babalik sa Cebu?” Tanong ni Lyka.
    Nagkibit-balikat ako sabay tingin kay Jayden na nasa gilid ko.

    Ngumuso siya at tinignan ako.

    “Siguro next week.” Sagot niya.
    “Ayun, next week.” Sabi ko.
    “Tagal naman! Lapit na kayong mag isang buwan dito. Di mo ba na mimiss ang syudad?” Tanong ni Shaira.
    “Miss, syempre. Pero gusto ko rin naman dito.” Sabay tingin ko kay Jayden.

    “Sir Jayden?” May isang boses ng babae akong narinig sa likod namin.

    Lilingunin ko na sana pero…

    “Cha, sige na, alis na kami… Kita na lang tayo sa Cebu…” Paalam ni Lyka.
    “Okay, okay!”

    Isa-isa silang umalis gamit ang jetski. Si Erica at Shaira ay sabay na kumaway sakin. Kinawayan ko na rin sila bago ako bumaling sa kausap ni Jayden ngayon, na nasa likod namin.

    “Eliz?”

    Seryoso ang mukha ni Jayden nang hinarap ang isang babaeng mataas at straight ang buhok. Mejo mas matanda siya sakin ng konti pero hindi rin yata ka age ni Jayden.

    “Kumusta ka na?” Malaki yung ngisi nung babae at excited na nilapitan si Jayden.
    “I’m fine…”
    Napawi ang excitement at ngiti sa babae, “Uhm…”

    Nagkatinginan sila. Nakita kong nag iwas ng tingin ang babae kay Jayden.

    “H-Hindi ka pa ba babalik ng Manila?” Tanong noong babae.

    Naningkit ang mga mata ko sa reaksyon niya. Para siyang nahihiyang tanungin si Jayden tungkol sa Manila. At isa pa, nakakainis din itong si Jayden, hindi pa ako pinapakilala, ah?

    “Hindi na muna…” Matabang na sinabi ni Jayden.
    Tumango ang babae at napalingon sakin.

    Humalukipkip ako at pinagmasdan si Jayden. Come on, introduce me to this girl. What? Is she your ex? Eliz, huh?

    “Ah! This is Charity, by the way, Eliz.” Sabi ni Jayden sa kausap niya.

    Ngumiti ako doon sa kausap niya. Thank God! Akala ko matatapos ang pag uusap nila nang di ako pinapakilala.

    “Ba’t ka nga pala napadpad dito?” Tanong ni Jayden.
    Ngumisi si Eliz.

    WAIT A MINUTE! Bakit kulang yung introduction?

    Umubo ako para mapansin ni Jayden… Napalingon siya sakin. Parang di niya na kukuha ang gusto kong iparating sa kanya kaya naglahad na ako ng kamay.

    “I’m Charity Rama, Jayden’s girl.” Dagdag ko.

    Nagdugtong ang kilay nung babae ng saglit bago tumango at tinanggap ang kamay ko.

    “Eliz… uhm, katrabaho ni Jayden noon sa Manila.”
    Tumango ako at kinalas ang kamay ko sa kanya.

    Bumaling si Eliz kay Jayden.

    “Uh, treat for myself? Kasama ko friends ko. Aalis kasi ako papuntang Macau. Binigyan ako ng opportunity ni Mr. Salazar na mag trabaho sa Le Marcelle doon.” Aniya.
    Tumango si Jayden, “Good for you.”
    “Ikaw? Saan ka na nagtatrabaho?” Mejo naaasiwang tanong ni Eliz.
    “Dito.” Sabi ni Jayden.

    Lumipad na yung utak ko sa kalagitnaan ng pag uusap nilang dalawa. Buong akala ko ex niya itong babaeng ito. Hmmm. Ayaw niya kasi akong ipakilala as girlfriend.

    Kaya naman, nung natapos na sila sa kanilang kumustahan at pinakawalan na ni Eliz si Jayden, nagmartsa na si Jayden pabalik sa hotel. Sinundan ko siya at pinaulanan ng tanong.

    “Jayden… Uhmmm… May tanong lang ako.”

    Pumihit siya at hinintay ako sa paglalakad para magkasabay kaming dalawa. Napangiti ako at dinahan-dahan ang paglalakad. Pakiramdam ko talaga lumilipad ako tuwing magkatabi kaming naglalakad.

    “Hmmm?”
    “Ilan na ba ang naging ex mo? Ex girlfriend?”
    Kumunot ang kanyang noo at matamang tinitigan ako, “Ikaw? Ilan ang naging ex mo?”
    Uminit ang pisngi ko, “Ako yung unang nagtanong kaya ako ang sagutin mo.”
    “Three.” Simple niyang sinabi. “You?”

    Kinagat ko ang labi ko at pinikit ang mata bago ko siya nasagot.

    “Seven?” Patanong pa nang sinagot ko siya.
    “Except the flings?” Nakataas ang kanyang kilay.
    Ngumuso ako, “Nope… I don’t do flings…”
    “So you mean to say, yung rapist mong ex mo, may seryosong relasyon kayo nun? You have serious relationship with a man like him? With a jerk?” Tumaas ang tono ng boses niya at natigilan.

    Napatingin ako sa mga taong dumadaan sa tabi namin. Nasa hotel na kasi kaming dalawa at timing na nandyan ang tatlong babaeng supervisors sa reception at pinapanood kami.

    “Hindi siya jerk nung una ko siyang nakilala. The thing about men, Jayden, is at first you seem to be generous and mature adults… Kalaunan, nabibigla ka na lang kasi nagkamali ka pala.”
    “You mean to say I’m one of those guys, huh?” Tanong niya.
    “Nope!” Hinawakan ko ang braso niya at nginitian siya.

    Umiling siya at tumingin sa paligid.

    “You’re a jerk at first, then a gentleman later on… Pabaliktad yung evolution mo.” Sabi ko.
    Tumawa siya, “You’re crazy…”
    “So… about your exes… Tell me about them…”

    Kinalas ni Jayden ang kamay ko sa braso niya at sinimagutan ako.

    “Bakit gusto mo silang makilala?”
    “Of course, gusto kong malaman anong nangyari at bakit nag end ang mga relationships mo with them. Yung una, anong nangyari?” Tanong ko.
    “We’re too young?” Aniya. “Nag mature kami so we fell apart.”

    Nagsimula ulit siyang maglakad papuntang office niya. Naramdaman ko ang titig ng mga supervisors saming dalawa. Yes, people, he’s mine now.

    “How about the next one?”
    “She’s too immature… selosa… Always accusing me about silly things… Na may iba ako.”

    Napalunok ako. So, kailangan ko palang mag ingat. Dapat hindi ako magselos… UGH! I don’t usually get jealous, pero bakit kanina nung nakita kong nandoon si Tina sa opisina ni Jayden ay parang naiinis ako agad.

    “Okay… How about the third?” Tanong ko.

    Tumigil siya sa tapat ng kanyang office.

    “We’re off to Cebu City tomorrow… I need a break.” Iyon ang sagot niya.
    “Huh? REALLY?” Masaya kong sinabi.
    “Yes, Cha. Don’t pack too much things, siguro mga tatlong araw lang.” Aniya at binuksan ang pintuan.

    Pumalakpak ako sa saya. Iniisip ko pa lang na babalik akong Cebu City kasama si Jayden ko ay bumibilis na ang tibok ng puso ko…

    But wait a minute… hindi yata nasagot ang tanong ko…

  • Chapter 18Open or Close

    Chapter 18
    Ang Le Marcelle

    Hindi ako yung tipo ng tao na nag du-dwell sa mga bagay na kaonting detalye lang. Noon pa man, kung anong nasa isip ko ay sinasabi ko iyon, at hindi na ako masyadong nang uungkat. Kung anong sinasabi ng isang tao, madali ko itong matatanggap at hindi mag iisip ng kung anong masama rito.

    Pero ngayon, bumagabag masyado sa sistema ko ang sinabi ni Jayden na ‘I don’t want you to fall’… at ang weird nang di niya pag sagot sa huling tanong ko.

    Kaya naman, nang sinundo na kami ng van nina Chase sa pier para sa tatlong oras na byahe papuntang Cebu City.

    Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya nang nagsimulang umandar ang sasakyan. Kaming dalawa lang ang nasa backseat. Do you think he really loves me? Sinabi niya naman saking mahal niya ako, ah? Kahit kailan, hindi ko iyan naitanong sa sarili ko. It’s either, sa mga past relationships ko, over confident akong mahal ako ng boyfriend ko… or I just don’t simply care if their feelings were true. This time, it’s different. Hindi ko matatanggap kung hindi totoo ang feelings ni Jayden sakin.

    Pumikit ako at ibinaon sa limot ang mga negative feelings ko. Natatakot akong pag nalaman niyang may mga doubts akong ganito, baka maging katulad ako ng mga ex niya. Napagpasyahan ko na ring wa’g munang i-open yung topic tungkol sa pangatlong ex niya. I don’t want him to think I’m too nosy…

    Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang ulo kong nakasandal sa balikat niya. Kinurot ang dibdib ko. Kahit na nakapikit ako ay mahigpit kong pinagdikit ang mga kilay ko hudyat na pinipigilan ko ang sarili kong magsalita, magtanong at makiusyuso sa ayaw niyang sabihin sakin.

    Nakatulog ako sa balikat niya. Nang nagising ako ay nasa lap niya na ako. Tumingala ako para tignan si Jayden na ngayon ay nakatulog na rin. Yung kamay niya ay nasa buhok ko. Para bang nakatulog siya habang hinahaplos iyon.

    Dahan-dahan akong umayos ng upo at tumingin sa driver…

    “Manong, malapit na ho ba tayo?” Tanong ko habang pinasadahan ng tingin ang nasa labas.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nasa Mandaue na kami.

    “Opo. Mejo nag stop over ho ako kanina para mag gas.”
    Tumango ako at tinignan si Jayden na ngayon ay kinukusot ang mata.
    “Nandito na tayo…” Sabi ko.
    Ngumiti siya at tumingin sakin, “We’re finally home.” Aniya.

    Hindi ko alam kung bakit mejo napawi ang excitement kong umuwi. Ngayong iniisip kong nandito na ako sa Cebu, kitang kita ko na yung matatayog na buildings, hindi ko na nararamdaman at naaalala kung bakit excited akong umuwi. Hindi ko na alam bakit gusto kong mag party. Bakit kaya?

    Naglahad si Jayden ng kamay sa akin nang nasa tapat na kami ng Riala. Nakalabas na siya at dala-dala niya ang bag naming dalawa.

    Ngumiti ako at nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.

    “Home, Charity.” Utas niya.
    Tumango ako at tiningala ang matayog na condo ng Riala.
    Sumimangot siya, “Oh? Bakit parang malungkot ka? Don’t you like it here?”
    Umiling ako at nagsimulang maglakad papasok sa loob.

    Nakahawak parin ang kamay niya sakin. Hinawakan ko rin ito pabalik nang sa ganun ay hindi kami magkahiwalay.

    “I like it here, Jayden. Just here. Hindi ko na masyadong feel lumabas tuwing gabi. Hindi ko na mahanap yung pagkakahumaling ko sa night life.” Sabay pasok naming dalawa sa elevator.
    “That’s good.” Ngumisi siya.

    Tinignan ko siyang mabuti.

    “Why do you hate night life so much? It’s not that bad…” Sabi ko.
    “Madalas yung pumupunta sa bar at nag na-night life ay yung mga naghahanap ng sex, Cha. Casual sex. Do you like that?”
    “No. Pero hindi naman lahat. Hindi naman ako pumupunta doon para makipag sex. Pumunta ako doon para magsayaw. Dancing makes me feel good. Parang hinahayaan ko ang sarili kong maging malaya.”

    Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

    “Hindi ka makakalaya sakin.” Bulong niya sa sarili niya.

    Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon ko lang narealize kung gaano ko kagustong makulong sa kanya.

    “What did you just say, Jayden?” Tanong ko.
    “No… Nothing.” Nag iwas siya ng tingin.
    Ngumisi pa lalo ako, “Gusto mo bang bakuran ako?”
    Napatingin siya sakin, “Paghinigpitan kita, baka mas lalo ka lang makawala… Kaya never mind.”
    “NO! Of course not!” Natatawa kong utas. “Try me, Jayden. Just try me…”

    Nagkatinginan kaming dalawa.

    Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kaming dalawa. Ngumisi siya at umiling.

    “You are crazy, Charity.” Aniya.
    “Yes, I think I’m really crazy coz of you…” Sabi ko.

    Agad niyang hinila ang chin ko para mahalikan ang labi ko. Tumunog ang elevator, magsasarado na sana, pero pinindot niya ang isang buton para bumukas ito at hinila ako papasok sa condo niya.

    Nagpatianod ako sa kay Jayden. Yes. I want him. I want him to own me. Sa kanya lahat ng rights sakin. Coz I’ve never felt this way about anyone. I’m crazily in love with Jayden Corpuz.

    Kumislap ang mga mata niya nang sinarado ang pintuan. Inatake niya agad ang mga labi ko at nilagay ang mga bag namin sa sahig.

    “I’m really falling in love with you, Charity. So. Damn. In. Love.” Sabi niya sa gitna ng halikan naming dalawa.

    Laking tuwa ko nang sinabi niya iyon. Napawi lahat ng pagdududa ko. Binuhat niya ako. Nilagay niya ang dalawang kamay sa butt ko para suporta sa buong katawan ko.

    Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan sa kwarto niya. Inilagak niya ako sa kama habang hinuhubad niya ang kanyang t-shirt. Kinagat ko ang labi ko nang nakita ko ang katawan niyang pinagpapawisan at mabilis na humihinga.

    Pumatong siya sakin at binahagi niya ang dalawang hita ko.

    Hinalikan niya ng marahan ang labi ko. Naka crouch siya kaya hinawakan ko ang abs niya. Ang init!

    “Jayden, are you really true?” Tanong ko.

    Ngayon, hinahalikan niya na ang leeg ko. Ang sarap niyang humalik. Bawat himaymay ng kalooblooban ko ay nag rereact sa munting halik niya pababa. Pati ang kaluluwa ko ay nahuhumaling sa bawat paglapat ng labi niya sa balat ko.

    Napaliyad ako nang hinawakan niya ang dibdib ko.

    “Can you feel me, Cha?”
    “Uhmm… Ye-s…”
    “Then, hell I’m true.”

    Binuksan niya ang butones ng jeans ko at dahan-dahan nitong hinubad sakin. Damn, ayaw ko ng dahan-dahan. Mamamatay ako sa anticipation.

    “Jayden…” I moaned his name napahawak din ako sa buhok niya.

    Mabilis niyang nahubad ang bra ko. Matama niyang hinalikan yung dibdib ko habang gumagapang yung kamay niya sa gitna ng hita ko.

    “Charity, it’s my turn to ask you now… Are you going to cheat?”

    UGH! How can I freaking answer when you keep on doing that to me, Jayden?

    “No…” Basag kong sagot.

    Napapikit na ako sa marahan niyang pagkakalabit.

    “Do you really love me for real?”
    “Yehes….” Kinagat ko ang labi ko.

    I can’t even understand my language.

    “Do you want to stay with me?”
    “Urgh… of… course…”

    Mas lalo akong napaliyad. Pumilipit ako sa ginawa niya at natigil ang mundo ko.

    “Good. Then, we’re on the same page.” Aniya tsaka pinasok yung kanya sakin.

    Nakatulog si Jayden pagkatapos noon. Narealize kong pagod nga pala siya sa byahe. Pwera saking buong byahe ata akong tulog. Napangisi ako sa huling tanong niya sakin kanina.

    “Stay with you?”

    Kinagat ko ang labi ko at hinaplos ang buhok niya. I freaking love you, Jayden Corpuz. Ito yata ang una kong pagmamahal. And I want it to be the last… for this man.

    Bumangon ako at naisipang mag luto. Ginugutom na rin kasi ako at malamang pagkagising ni Jayden ay ganun rin ang mararamdaman niya.

    Nicheck ko ang ref niyang walang laman kundi beer at juice. Okay, naiintindihan ko naman iyon. Kakagaling namin sa Bantayan kaya malamang hindi siya nag grocery at baka masayang lang ito dito.

    Kumuha ako ng post it note sa ibabaw ng ref niya at nilagyan ng, ‘Grocery lang muna. I love you. Chacha. Bye gwapo.’

    Darn, stay with you Jayden? You mean like this? I’ll cook for you, you do the lovin for me?

    Para akong shunga na nakangisi sa counter ng department store. Marami akong pinamili. Ikaw bang walang pinaggagastusan ang pera dahil nasa isla ka ng halos buong buwan. Ni hindi ko na nga namamalayan ang oras, malapit na nga pala akong mag twenty-two… Next week agad. Ang bilis ng panahon.

    “Eto lang po ba?” Tanong ng babae sa counter.
    Tumango ako.
    Ngumisi siya at nilagay sa supot ang mga binili ko.

    Aalis na sana ako pagkatapos kong magbayad nang biglang may kumalabit sakin.

    “Ikaw yun, diba? Yung girlfriend ni Jayden?”
    Nanliit ang mga mata ko sa pag eexamin kung sino itong babae sa harapan ko.
    “Ako yung si Eliz sa Bantayan…” Ngumisi siya.

    Unti-unti kong naaalala kung sino siya. Yung babaeng napagkamalan kong ex ni Jayden!

    “Oh! Hi!” Ngumisi ako.
    “Hello!” Napatingin siya sa pinamili ko.
    “Grocery.” Sabi ko.
    Tumango siya, “Nakauwi na pala kayo? Kahapon lang kami eh. Mabilis lang. Ang mahal kasi dun. Dito lang muna kami sa Cebu para bumisita sa Plantation Bay, mamaya kami pupunta. Nakapunta ka naba dun?”
    “Yep. Maganda doon.” Simple kong sinabi.
    “Oo. Syempre, sanay kasi ako sa pool ng Le Marcelle. Ang alam ko malawak daw yung pool doon. Parang dun sa Chase Paradise Waterpark. 11 hectares ba?”
    “Mas malawak nga yung Plantation Bay. Pero mas maganda yung Chase Paradise.”
    Tumango siya, “Ang liit kasi sa Le Marcelle.”
    “Syempre, hotel naman kasi iyon. Yun ang mas pinagtutuunan nila ng pansin.”
    “Oo nga, eh. Kaya masyado akong na iignorante sa lawak ng pools dito sa Cebu. Nabigla pa ako kasi nakita ko si Sir Jayden. Akala ko nasa Singapore pa siya. Nandito lang pala siya. Sayang talaga nag resign siya sa Le Marcelle. Ang galing niya kayang manager.”
    Kumunot ang noo ko, “Bakit ba siya nag resign?”
    Ngumuso si Eliz at tumingin sakin, “Eh diba nga dahil kay Trisha.” Nagkibit-balikat siya. “Kilala mo naman siguro siya, diba?”

  • Chapter 19Open or Close

    Kabanata 19
    Ang Tagapagmana

    Trisha? Trisha who?

    “Tsk tsk.” Matamang umiling iling pa si Eliz habang pinagmamasdan ang kawalan. “Pero syempre, hindi ko naman siya masisisi. Si Sir Troy na yun, eh. Pero ewan ko, ah? Para sakin, kung ako si Trisha, si Sir Jayden talaga pipiliin ko. Alam mo yun, mature, tsaka gentleman. Troy’s a playboy. Well, kaya nga tinawag na playboy kasi marunong siyang magpaikot ng babae. Though, I’m not saying na pinaikot niya si Trisha. Papakasalan niya ba yun sa Barcelona kung hindi, diba?”

    Napatunganga ako sa sinabi niya. Kung totoo lang yung pag nonosebleed twing hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ay siguro naubusan na ako ng dugo ngayon.

    Nakita niya ang reaksyon ko kaya’t nilagay niya agad ang kamay niya sa bibig niya.

    “Oh my gosh!? Oh my? Hindi mo alam?”

    Nakita kong nagpanice siya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

    “Trisha yung pangalan ng ex ni Jayden? Third ex?” Tanong ko.

    Kahit hindi ko naman talaga naintindihan ang mga dinaldal niya ay kahit paano, may maliwanag sa isip ko.

    Umiling-iling siya at mapilit na tinikom ang bibig. Hindi na siya nagpaalam at patakbo ng umalis.

    “TEKA!” Sigaw ko sabay hawak sa braso niya.

    Kaya lang, madulas ang balat niya at nakawala agad. I’m cool with exes, pero bakit ganun siya maka asta? Like there’s some sort of secret behind it? Syempre, siguro dahil nakita niya sa reaksyon ko na hindi ko pa alam ang tungkol sa Trisha’ng iyon, kaya lang, I’m sport with past loves, she shouldn’t act like there’s something wrong about it. Past is past.

    Habang nagdadrive ako pabalik ng condo, iyon lang ang laman ng isip ko.

    There’s Troy, there’s kasal sa Barcelona… There’s Trisha… Pinili. Pinili ni Trisha si Troy… over Jayden? There’s some sort of love triangle here… Nagpakasal na si Troy at Trisha sa Barcelona.

    Bigla kong tinigil ang sasakyan. Halos tumilapon ang mga pinamili kong nilagay ko lang sa front seat.

    TRISHA!

    Trisha iyong pinakilala kong pangalan sa bar noon. Narinig niya iyon kaya nilapitan niya ako. He tried to stop me from smoking. Doon palang, dineklara niya na agad ang hate niya sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Wa’g niyang sabihing na offend ko siya sa paninigarilyo? It should be none of his business… but… he thinks I’m… I’m Trisha.

    Nalaglag ang panga ko at nilagay ang palad ko sa bibig ko. Hindi ako makahinga.

    “Trisha…” That was the name he moaned after our first kiss. He called me by her name!

    He think I’m Trisha!?

    Nanginig ang kamay kong nidial ang numero ng isa kong pinsan na nasa Manila.

    “What, Charity?” Masungit na tanong ni A sakin.
    “A-Av,” Nauutal ako at nanginig ang boses ko, “C-Can you please uhmm…” Nakalimutan ko ang sasabihin ko sa kanya.
    “Cha? You okay?” Nag aalalang tono niya.
    “Yes…” Humikbi ako.

    Hindi ko namalayang panay na pala ang tulo ng luha ko.

    “Uhm. Alam mo ba kung san yung Le Marcelle?”
    “Of course…” Nag aalala parin ang tono niya. “Why? What’s the matter?”
    “P-Pwede bang alamin mo kung sino si Troy… Or si Trisha? Nagtatrabaho ba sila doon? What-“

    Natigilan ako. Hindi ko alam. Gusto kong ako yung pumunta. Gusto kong sakin agad papuntang ang information.

    “Bakit?” Tanong niya.
    Kinagat ko ang labi ko at bumunot ng malalim na hininga, “I’ll go there… Sa Manila.”
    “Whoa? Why? Dito ka sakin mag stay.” Aniya.
    “No, I’ll stay at Le Marcelle.”

    Hindi ko na siya pinasagot. Agad ko nang binaba ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa pagdadrive. Kahit na gulong-gulo na ang utak ko, nakaya ko paring umabot sa Riala nang di nababangga.

    Kinuha ko yung supot na may lamang groceries para sana kay Jayden at nilagay ang cellphone sa tainga ko pagkatapos nidial ang numero ni daddy.

    “Hello, Charity.” Sagot ni Daddy. “Nakauwi ka na ba? Bisitahin mo ang mommy mo sa bahay.”

    Tumango ako. Kinurot ang puso ko ngayong narinig ko ang boses ng dad ko. Hindi naman ako ganito ka emotional noon. Pakiramdam ko, boses niya pa lang tumatahan na sa sakit na nararamdaman ko.

    “Opo, dad.” Sagot ko.
    Natahimik si daddy. Para bang sinusuri niya ang sagot ko.
    “Dad…” Putol ko sa katahimikan niya. “Pupunta ako ng Manila.”
    “Wha- Bakit?”
    “I-I want to visit Ate Natalia.” I lied.
    “Alright. Kailan?”
    “Kung pwede sana last flight mamaya.”
    “Pero hindi ka pa bumibisita ng bahay, ah?”
    “Papunta na ako sa bahay, Dad.” I lied again.

    Dahil sa ngayon, nilalapag ko pa ang groceries para kay Jayden. Sinilip ko siya sa kwarto niya at nakita ko siyang tulog na tulog parin. May batong bumagabag sa lalamunan ko nang tinignan ko ang mukha niya.

    I love him so much. Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, hindi ko inakalang dadating ako sa puntong iiyakan ko siya. Na manghihinayang ako.

    He noticed me because of her name. He kissed me because of her… Tinawag niya akong Trisha. Hindi kaya, may nangyari din samin dahil inisip niyang ako si Trisha? At tuwing nakikita niya na hindi ako yung ex niyang mahal na mahal niya parin hanggang ngayon ay naiinis siya kaya ayaw niyang hawakan ang kamay ko… Kaya… kaya ayaw niyang mahalin ako ng buo?

    No! Jayden loves me! Sinabi niya sakin iyon! Narinig ko. He told me he loves me. At naramdaman ko iyon.

    Come on, Charity! Don’t fool yourself! Mature lang talaga siya na pakiramdam niya ay responsibilidad niya ang ‘panagutan’ ka. Ayaw niyang may naikakama siyang hindi girlfriend. That wouldn’t be called a relationship, it would just be a fling. Respetado siyang tao at ayaw niyang mabahiran ang pangalan niya ng fling. Ayaw niyang maging playboy. Ayaw niyang maging tulad ni Troy… na pinili ni Trisha.

    Nilagyan ko ng pagkain yung mesa ni Jayden bago ako umalis. Hindi ko nilagyan ng note o kahit ano.

    Siguro naman ay makakabalik ako ditong naliliwanagan. I want to ask him directly, pero ayaw kong makita niyang may ganito akong mga iniisip tungkol sa kanya. Balak kong bumalik dito nang wala siyang alam na alam ko na ang katotohanan tungkol sa past niya. Tsaka ako maghihintay sa tamang panahon na kaya niya ng sabihin sakin.

    Come on, Charity! Kaya hindi niya sinasabi sayo kasi hindi parin siya nakaka move on. You’re just a rebound.

    Nasa airport pa lang ako ay nakita ko nang tinatawagan ako ni Jayden.

    “Hello?” Sagot ko.
    “Where are you?” Tanong niya.
    “Uhmm… Nasa airport.”
    “What? Why?” Malakas ang boses niya nang tinanong niya ako nito.
    “Pupunta akong Manila.” Humalakhak ako kahit wala namang nakakatawa doon.
    “Bakit?”
    “May aasikasuhin lang saglit. Sa… ano… clothing line ng Ate ko. Babalik din ako, Jayden.” Matabang kong sinabi.
    “Bakit hindi ka nagpaalam ng mabuti sakin? Bakit di mo ako ginising? Bakit di mo ako sinama?”

    Kinagat ko ang labi ko dahil sa panginginig nito.

    “S-Saglit lang ako. I’ll be back there… Maybe tomorrow.”
    “Charity-“
    “Hey, Jayden, I need to go… tinatawag na ako. Bye…” Sabi ko at pinutol ang linya.

    He’s just using you to move on. You’re just a rebound. You’re just his past time. You’re nothing, Charity. He’s still in love with Trisha.

    Diretso ang taxi ko sa Le Marcelle nang nakarating ako sa Manila. Napilitan akong gamitin ang allowance ko galing kay Dad para makapag check in doon. Nilagay ko sa ulo ko ang malaking sunglasses ko. Alas singko na nang hapon at soot soot ko parin ito. Namumugto kasi ang mga mata ko kaya eto at ginawa kong panangga.

    “One room, please.” Sabi ko sa receptionist sabay suyod sa lugar.

    Anong meron sa Le Marcelle?

    “Okay po, ma’am. Ikaw ba si Miss Charity Rama? Yung nagpareserve?” Tinignan niyang mabuti ang I.D ko.
    Tumango ako at pinagmasdan ang engrandeng hotel na ito.

    Jayden used to work here. Malaking hotel. Syempre, chain of hotels kaya ito. Ilang Le Marcelle na kaya sa buong mundo? Siguro aabot ng hundred plus.

    “Miss, sino yung manager ninyo dito?” Tanong ko.
    “Si Mr. Sia po. Do you want to talk to the manager, ma’am?” Tanong niya pabalik.
    Umiling ako, “Troy Sia?”
    Umiling din siya. “Nope, Joaquin Sia po.”
    “Ay, ganun?” Tumangu-tango ako. “Akala ko si Troy yung manager.” Tinignan ko ang receptionist sa gilid ng mga mata ko.
    “Si Sir Troy po yung tagapagmana ng Le Marcelle. Only son ni Mr. Salazar.” Bumungisngis ang babae.

    Ngumuso ako. Okay. May lead na ako. Troy… is… wait… a what? TAGAPAGMANA?

    “Oo nga pala. I just thought he was the manager here. Siguro nandun parin yung lalaking iyon sa Barcelona.” Tinignan ko ulit yung receptionist sa gilid ng mga mata ko.
    Umiling siya at ngumisi, “Magkakilala po kayo? Are you his ex po? Hindi po. Nandito na sila ni Ma’am Trisha. Ikakasal na nga sila dito sa Pinas, eh.”

    Nandito na sila sa Pilipinas? Gotcha!

    “By the way, ma’am, ready na po yung room niyo. Kunin niyo lang po sa desk yung card.” Aniya.

    Tumango ako at nilingon yung front desk. Walang makakalagpas saking impormasyon dito.

    Tinanggap ko yung card sa babaeng nasa likod ko nakatingin.

    “Thank you…” Sabi ko sabay hubad ng isang butones sa jacket ko.

    Feeling nasa states kasi nag ja-jacket talaga ako ng itim na may malalaking butones sa magkabilang gilid. Thank God malakas ang aircon dito sa Le Marcelle. Maybe I should change.

    “Good evening Mr. And Mrs. Salazar.” Sabay sabay na bati ng mga nagtatrabaho doon.
    “Good evening.” Malamig na sinabi ng isang lalaki.

    Nilingon ko agad ang kanina pa nila tinitignan sa likod ko.

  • Chapter 20Open or Close

    Chapter 20
    Ang Art of Seduction

    Nakahiga ako sa kama ko habang panay ang sermon sakin ng pinsan ko.

    “Cha, this isn’t good.” Umiiling siya.

    Kanina pa siya iling nang iling sakin.

    “You’re too obsessed with that guy! I mean, look at you! Bigla kang napunta dito just to check on his past! My God!” Umirap siya.
    “Hindi ko talaga siya matanong ng diretso, A. Anong itatanong ko? Sigurado ako sa sagot niya… That I’m being too childish… always dwelling on the past.”
    “So? Ano naman ngayon?”

    Hindi ako sumagot. Bumangot na lang ako at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin sa tabi ng kama ko.

    “What happened to the Charity I know? Sabi ni CJ nung mga araw na nandun ka pa sa Cebu bago ka umalis ng Bantayan, hindi ka na daw masyadong nagpapakita. Hindi ka masyadong lumalabas. I thought you were always drunk-“
    “Hey? Is it that bad? Yung changes ko? Mabuti ba yung pagiging lasing ko gabi-gabi at pagbabar ko gabi-gabi? At parang imbes na manalo kayo sa lotto dahil sa pagbabago ko ay daig niyo pa ang nasunugan?”

    Hindi siya nakasagot.

    “Ito yung dapat ginawa ko noon pa, diba? All the changes… Lahat ng ito, para din naman ito sa kapanan ko.”

    Napaawang ang bibig ng pinsan ko.

    “Can’t believe you said that.”

    Hindi ko mapagtanto kung bakit imbes na sumaya siya sa mga pagbabago ko ay mukha pa siyang na ooffend. I just don’t get it.

    Napangiwi ako habang sinusuklay ang buhok ko.

    “Some love are just not good for us, Cha. They make us feel we’re whole, when in fact were losing every bit of us in the process. It’s dangerous. And this is one of those kind of love.”

    Nilingon ko siya.

    “What do you mean, A?”
    “Yes, Jayden’s your first true love… I can see that… But this isn’t healthy, Cha. You’re not you anymore. You’ve lost yourself… because you found him.”

    Kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Naiinis ako dahil nanghihimasok siya sa mga desisyon. Siguro iyon ang dahilan ng paninikip ng dibdib ko. Pero kalaunan, narealize kong hindi… hindi iyon ang dahilan… Ako… dahil alam ko sa sarili ko, na tama siya.

    “Come on, let’s go out. Maybe you’ll forget him-“
    “A, Jayden will call to check on me-“
    “Oh! Forget about him! Can’t you see? He’s still not over his ex. You’re a rebound, Cha. I’m sorry, but you really are…”
    “No. Wa’g kang bitter.” Maangas ko iyong sinabi kahit na namumuo yung luha ko. “Bitter ka lang.”
    “I’d rather be bitter than be hurt…” Hinila niya ang kamay ko.

    Tuluyan na akong nanghina sa pagkakahila niya. Nagpatianod ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami patungo.

    Siya yung nag drive, wala akong ginawa kundi tumunganga at minimemorize ang mga plate number ng ibang sasakyan sa labas. Hindi rin umiimik si A. Ang alam ko lang, panay ang tawag niya sa mga kaibigan niya. Mukhang makikipagkita siya sa kanila doon sa isang sikat na bar.

    “Tribe Lounge, yes, yung pinsan ko- si Charity- Charity Rama- Oo- Yung anak ng mayor-“

    Ilang beses niya itong inulit. Wala akong pakealam kahit na anong sabihin niya sa mga kausap niya. Gusto ko lang magmuni-muni.

    “Get out, Cha…” Utos ni A pagkatapos niyang mag park sa tapat ng isang lugar na puno ng napakaraming bar.

    Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay. Bumuntong-hininga ako at padabog na sinarado ang pintuan ng sasakyan.

    “Oh! God! Please, Charity! Find your lost self!” Hinila niya ako papasok sa isang bar na may malaking Tribe Lounge na nakalagay sa taas.

    Yes, maybe I need some booze. But, darn, Jayden will freak out… Naalala ko yung huli kong pagbabar sa Bantayan, galit na galit siya. But… will he really freak out? Nag freak out ba siya dahil nagseselos siya? Dahil mahal niya ako? O dahil lang naapakan ang ego niya? Dahil lang ayaw niyang makita akong nagkakagusto ng iba? Dahil nakakalift ng ego niya yung pagkakahumaling ko sa kanya?

    Inilagok ko ang pangatlong Absolut.

    Nakatitig lang si A sakin kahit kanina pa may nangungulit sa kanyang magsayaw.

    “A, you’re going to be an old maid. Parati kang masungit, aayaw ang mga lalaki sayo. You should be a little flirty.” Ngumisi ako.

    Wala na yata ako sa sarili ko. Pinaglalaruan ko na lang ang bunganga ng shot glass bago ito inilagok ulit.

    “Why? You don’t seem flirty yourself. Kung noon, flirty ka to the highest possible level, ngayon naman morbid. Ikaw siguro ang magiging old maid satin.”
    “Oh come on, I’m still young.”
    “I’m young, too.”
    Napatingin ako sa kanya, “Pero maldita ka. Aayaw ang lalaki sayo. Try Art of Seduction.”
    “I’m not desperate, Cha. At least… Walang mawawala sakin kung umayaw sila. Coz I don’t like them. Eh, ikaw? Panay ang ingat mo sa kanya, pero…”

    Lumagok ako ng mabilisan, tatlong shots. Nalaglag ang panga ni A nang nakita iyon.

    Bimuga ako ng hininga dahil sa anghang na naramdaman sa lalamunan ko.

    “pero… he’s drifting away.” Dagdag ko.

    Napatingin ako sa dancefloor. Habang tinitignan ko ang mga taong nagsasayaw, may nakita akong isa na nakatitig sakin. Isang lalaking nagsasayaw doon pero sakin nakabaling ang buong atensyon.

    Bahagyang tinulak ni A ang balikat ko bilang panunuya.

    “Go, Cha. Make him feel like he’s not the only one. That’s your art of seduction, right?”

    Mas lalong lumagkit ang titig ng lalaki. Uminom pa ako ng tatlong beses bago bumaling ulit kay A.

    “Yes, you’re right… I’ll make him FEEL like he’s not the only one. Pero hindi ko yun tunay na gagawin. I will make him my only one, kahit na ipaparamdam ko sa kanyang hindi.”

    Habang sinasabi ko iyon sa kanya, may naaninaw ako sa bar table. Nakaupo siyang mag isa at tinititigan iyong shot niya. Magulo ang kanyang buhok at mejo mukhang badtrip. Tinititigan niya ang shot glass na parang may lalabas na fairy doon. Masyado siyang nahuhumaling dito at hindi niya namamalayan ang mga babaeng pa-cute nang pa-cute sa kanyang harapan.

    “A, stay here.” Bigla akong nabunutan ng tinik.
    “Huh?”

    Tumingala si A at sinundan ako ng tingin. Lumalapit na kasi ako sa lalaking iyon. I’m right! Habang papalapit ako sa kanya, mas lalong lumiwanag ang kanyang mukha. It was Troy… The Troy of Trisha. Ito yung karibal ni Jayden, if I’m not mistaken.

    Hinila ko pataas ang dress kong sinoot bago tumabi sa kanya. Kahit na matangkad ako, masyadong matangkad itong upong inuupuan niya kaya’t nahirapan ako sa pag upo. Namalayan niya naman ang pag upo ko sa tabi niya. Agad kong narinig ang mabigat niyang buntong-hininga bago ininom yung shot.

    “Isa pa…” Aniya sa bar tender.
    “Oh! You look broken hearted.” Bumungisngis ako.

    Narealize kong plastik ang pagbungisngis ko. Sana hindi niya iyon namalayan.

    “None of your biz, miss.” Masungit niyang sinabi.
    “I’m broken hearted, too.” Sabi ko.
    “Heard that a lot of times. I’m not interested.” Masungit parin ang tono niya.

    Hindi niya man lang ako nililingon. Panay lang ang lagok niya sa iniinom niyang Daniels.

    “Minsan… pag nag cheat na yung tao, hirap talagang mag trust ulit. Pakiramdam mo, anytime kaya kang ipagpalit ulit. Kaya niyang ulitin. Yung tipong you’ve done it before, you may do it again…”

    Hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko bakit ito yung naging linya ko. Siguro ay dahil kahit wala parin naman talaga akong nalalaman tungkol sa nangyari sa kanila noon, ay may hinala na ako. Gaya ng sabi ko, tanga ako pero hindi palagi, kaya may hinala akong pinagpalit ni Trisha si Jayden para kay Troy. At kung ano mang bumabagabag sa kanya ngayon, it’s either he’s falling out of love or she’s doing it again.

    In this case, it would be the latter. Kasi naman, titig na titig siya sakin pagkatapos ko yung sabihin.

    “What? You’ve done some research? Sabagay, hindi mahirap ungkatin. The whole world knows it… Hah!”

    Pakiramdam ko nakatapak ako ng treasure box. TAMA YUNG HINALA KO.

    “I bet not.” Tumawa ako. Pa effect at the same time natatawa ako sa pagiging tama ko. “I’m from Cebu, kaya hindi pa buong mundo yung nakakaalam sa story mo. Hindi ko narinig sa Cebu, eh.”
    Umiling siya at hindi na sumagot.

    He’s really killing the conversation. Para bang annoyed siya sakin kahit na interesante naman yung pinag uusapan namin.

    “Your hair is kinda messy. Pa hair cut ka kaya?” Give him weird remarks – Art of Seduction rule.
    “Not here to please anybody. If it’s ugly, so be it.”
    “I’m not saying it’s ugly, you know. I’m just saying it needs trimming. Para mas lalo kang hot.”

    Hindi ulit siya umimik. Umorder na lang siya ng isang beer. He’s really killing my clauses. I hate it. Pakiramdam ko hindi gumagana yung Art of Seduction ko sa kanya.

    “Pareho kayo ng ginagamit na perfume ng lolo ko.” Sabi ko.

    More weird remarks, Cha. Lalo na ngayong beer na ang iniinom niya. Ibig sabihin, malapit na siyang umuwi. Papatapos na yung pag inom niya.

    “Your lolo has the same taste with my wife, then.” Sa wakas at may sinabi siya.

    Pero kung totoong nagpapapansin ako sa kanya, sumuko na ako. Kasi may wife, eh. Pero dahil hindi ako nagpapapansin at kailangan ko ng impormasyon, I will persevere.

    “Your wife… Is she the reason bakit badtrip ka?” Tanong ko.

    Hindi siya sumagot. Annoying guy! Ayaw niya talagang patulan, ah? He really loves him that much!

    “Kung totoong mahal ka niya, dapat hindi ka niya pinaparamdam ng ganito. Dapat secured ka. Dapat hindi yung iniisip mo pa kung maaagaw ba ulit siya o hindi…” Nagsalita naman ako kahit na hindi ko iyon ma apply sa sarili ko. “Kung pinaparamdam niya ito sayo, then that means she doesn’t love you.”
    Umiling siya at padabog na nilapag ang beer. “Stop it. You don’t know a thing so shut it.” Tumayo siya at humakbang ng isang beses.

    Pero mukha yatang masyado na siyang maraming nainom, napasandal siya sa isang upuan dahil nasamid siya. Tumayo agad ako para tulungan siya pero tinulak niya ako.

    “I’m just trying to help you…” Sigaw ko.
    “I don’t need the help.” Masungit niyang utas.

    Hinawakan ko ang braso niya pero pumiglas siya. Inangat niya ang mukha niya. Pinagmasdan kong mabuti kung paano nagbago ang reaksyon niya. Unti-unting lumiwanag ang mukha niya. Nakita ko ring kumuyom ang panga niya sa nakita niya sa unahan namin.

    “What?” Tanong ko at nilingon ko kung sino ang nakita niya’t para siyang nakakakita ng multo.

    Inalalayan ko siya, hindi na siya nakaangal sa sobrang pagkabigla niya.

  • Chapter 21Open or Close

    Chapter 21
    Ang Paghaharap

    Nalaglag ang panga ko nang nakitang nag apoy ang mga mata niyang nakatitig sakin. Nanlumo ako at napalunok ng ilang beses.

    Kumunot ang kanyang noo at unti-unting humigpit ang pagkakatikom ng kanyang labi. Ang kasama niya namang si Trisha ay nakatitig lang kay Troy.

    “What are you doing, Troy?” Malamig na tanong ni Trisha sa kanyang asawa.

    Pumiglas si Troy sa pagkakahawak ko at humakbang papunta kay Trisha.

    “Charity…” Malamig na utas ni Jayden sa pangalan ko.

    Napatingin si Trisha sakin. Hindi niya na ulit binawi ang pagbaling niya sakin.

    “WHAT ARE YOU TRYING TO DO, CHARITY?” Pasigaw na tanong ni Jayden sakin.

    Kahit na maingay sa loob ng Tribe Lounge, dinig na dinig ko parin ang nakakapanindig-balahibong sigaw niya. He really is angry.

    Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang siya. Bakit siya andito? Para saan? Ganun na ba talaga siya katakot na malaman ko yung totoo kaya siya nandito ngayon?

    Nag alab ang galit na namuo sa puso ko.

    “ARE YOU TRYING TO SEDUCE HIM?” Dagdag na tanong ni Jayden sakin.
    “What? You think I’ll be seduced, Jayden?” Sarcastic na tumawa si Troy sa sinabi ni Jayden.
    “Stop it, Troy!” Sigaw naman pabalik ni Trisha kay Troy.

    Binalewala ni Jayden si Troy. Sakin lang nakabaling ang buong atensyon niya.

    “Charity! Sagutin mo ako!” Frustrated niyang sinabi.

    Habang tinititigan ko siya, si Trisha at si Troy… unti-unti kong napagtanto kung anong meron. Troy is insecure… Nag react siya nang sinabi kong tungkol sa pagtataksil. Ano ba talaga ang tunay na nangyari? Trisha is Jayden’s ex… At bakit sila nagkahiwalay? Hindi kaya dahil nagcheat si Trisha sa kanya? At si Troy yung pinalit niya kay Jayden.

    “You cheated on him?” Malamig kong sinabi kay Trisha.

    Kumunot ang noo ng babae. She was pretty. Simple yet really pretty. Walang arte sa katawan. Naka shorts at printed t-shirt lang siya. Sneakers ang soot niyang sapatos. Sneakers… Those… Keds… Iyon ang mga damit na gustong isuot sakin ni Jayden. He wants me to be like her. He wants me to be just like Trisha.

    Akala niya noon ay Trisha ang pangalan ko, kaya niya ako napansin. Ibang-iba naman kami ng Trisha’ng ito, kaya sinubukan niyang gawin akong tulad niya. From changing my fashion sense to changing my way of life… Hindi ako yung minahal niya, hindi ako, kundi yung Trisha’ng nakita niya sa pagkatao ko.

    “CHARITY!” Bumilis ang paghinga ni Jayden sa kakapigil sakin.

    Humakbang siya papunta sakin at hinawakan ang braso ko.

    “Pinagpalit mo si Jayden kay Troy?” Nakatoon parin ang pansin ko kay Trisha.

    Bumaling ako kay Jayden na ngayon ay galit na galit na nakatitig sakin.

    “Hindi ako yung minahal mo, Jayden… Hindi ako… si Trisha parin, diba?” Nanliit ang mga mata ko.

    Kahit baradong barado na ang lalamunan ko, nakaya ko paring sabihin iyon.

    “What are you talking about, Charity-“
    “Bakit hindi na lang kayo magkabalikang dalawa! Tutal naman andito si Troy sa bar na ito, mag isa, at naglalasing dahil sa frustration! Mukha namang di siya inaalagaan ng asawa niya, kayo na lang kayang dalawa ang magkatuluyan? Nang sa ganun ay hindi kami mafrustrate dalawa?”

    Narinig kong suminghap si Troy.

    “Hindi kami magkakabalikan! Ano ba?” Sigaw ni Jayden.
    “Hindi kasi andyan si Troy, diba? What do you want me to do? Seduce him so you and Trisha can be together again? Come on, Jayden…” Nanginig ang boses ko.

    No. I won’t fvcking do that. Halos matawa na ako sa sinasabi ko.

    “That’s what you want, right? Kasi alam mong kaya kong lumandi ng tao. And you want your happy ending…”
    “Hindi ko yun kailanman binalak-“
    “Oh come on! Be true to yourself, Jayden. Yun ang gusto mo-“

    Natigil ang pagsasalita ko dahil sa sampal na naramdaman. Masakit. Sa sobrang sakit, naging makati na yung pisngi ko. It stings… Tulad ng sakit na naramdaman ko sa puso ko.

    Nanlaki ang mga mata ko nang nilingon ko ang sumampal sakin. Nakita ko si Trisha na mangiyak-ngiyak na pinigilan ni Troy.

    “Nagpatulong si Jayden sakin na hanapin ka dahil tingin niya ay hahanapin mo ako. Pumunta siya dito para hanapin ka at nagpatulong siya sakin. He’s an old friend kaya ko siya sinamahan.”

    Kinurot ang puso ko. Bakit naglalasing ang asawa niya?

    “I’m sorry, Trisha.” Narinig kong sinabi ni Troy sa likod niya.

    Pinulupot ni Troy ang braso niya sa baywang ni Trisha. Kahit patalikod niya niyakap si Trisha, nakapikit parin siya at parang feel na feel niya ang pagkakayakap sa kanya.

    Naagaw ni Jayden ang atensyon ko nang hinila niya ulit ang braso ko.

    “Let’s go home…” Mapupungay ang mga mata niya nang sinabi sakin ‘to.

    Hinila ko ang braso ko at lumayo ako sa kanya. Nabigla siya sa ginawa ko.

    “You… You didn’t really love me, Jayden.” Untag ko.
    “Charity, stop being so immature.”
    “I’m a rebound.” Umiling ako.
    “Charity, mahal ka ni Jay-“
    “Shut up!” Sigaw ko sa sumingit na si Trisha.

    I don’t need your comforting words.

    Humakbang si Jayden palapit sakin.

    Dumadami na ang tao at nakakaagaw na kami ng atensyon.

    Nakita ko ang pinsan ko sa malayo na nakatingin sakin. Gusto niyang pigilan ako pero may nakita akong kamay na nasa braso niyang nagpipigil sa kanya.

    “Wa’g kang bastos, Charity.” Sabi ni Jayden.
    Mas lalong kinurot ang puso ko, “You still love her. You are still in love with her! Kaya nung narinig mong Trisha ang pangalan ko, naagaw ko ang atensyon mo. Kaya nung una nating halik, Trisha ang tinawag mo sakin.”

    Namutla si Jayden sa sinabi ko. Confirmed. His actions resonated in my mind. Tama ang hinala ko.

    “You want me to wear sneakers, you want me to stay home, ayaw mong lumalabas ako tuwing gabi. You are turning me into her… And lastly…” Nanginig ang boses ko, “You didn’t make love with me. Siya yung inisip mo habang ginagawa natin iyon.”

    Natulala si Jayden sa sinabi ko. Nakita kong unti-unting kumunot ang noo niya. Kumuyom ang panga niya nang nakita ang luha kong tumulo sa mata.

    Kumuha ako ng isang shot sa isang table.

    “Tell me, Jayden, why do you hate me?”
    “Charity. Stop this nonsense, please-“

    Sinabuyan ko siya ng shot na nasa kamay ko. Napapikit siya sa ginawa ko. Sa mukha ko kasi binuhos yung liquor.

    “You hated me because you thought my name’s Trisha. Pero nakita mong magkasalungat ang ugali namin, right?” Sarcastic akong tumawa.

    Nilagpasan ko siya para pumunta na sa pinsan ko pero hinila niya ang braso ko.

    “Will you stop acting like a brat, Charity?”
    “Yes. I will, Jayden.” Binawi ko ang braso ko sa kamay niya at madaling tumakbo sa pinsan kong naghihintay sakin.

    Hindi ako natigil sa paghagulhol. This is my first broken heart. He’s my first love and I’m his rebound. Just a fling. Yung dinidate niya para makalimot. Yung ginamit niya para lang ma boost ulit ang nasira niyang ego. I am that girl. He didn’t love me a bit, he hated me. At ako? Mahal na mahal ko siya. The pain is excruciating.

    It’s all your fault, Charity. You have the freedom. Pero pinili mong ikulong ang sarili mo para sa lalaking mahal mo, pero hindi ka naman siguradong mahal ka niya pabalik. You built your own jail. I lost myself because I found him. The only way to find myself again is to go back to that life.

    I’m not Trisha. I will never be.

    Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Ang hapdi ng mga mata ko kaya hindi ko agad ito dinilat. Hinayaan ko na lang ang pagtawag ni Jayden sakin. Hindi ako bumalik sa hotel. Kinuha ni A ang mga gamit ko doon at hinatid kina Ate Natalia.

    Unti-unti akong bumangon at dinungaw ang cellphone kong may 78 missed calls from Jayden.

    Pinatay ko ang cellphone ko pagkatapos nung tawag niya. Hinawi ko ang buhok ko at kinusot ang mata.

    Today, I woke up and I realized that I’m tired of chasing people. People who want me in their life will prove themselves to me. This isn’t narcissism or brattiness, this is self worth. I will scrap the shitty ones and I’ll invest more on loving myself. Mukhang simula nung nakilala ko si Jayden, hindi na ako nakapag isip sa sarili ko. Now, I should take myself back. Wala akong pakealam kung mas lalo niya akong kamuhian. I’d rather be hated for being true than be loved for who I’m not.

  • Chapter 22Open or Close

    Chapter 22
    Ang Sigarilyo

    “What are your plans, Cha?” Tanong sakin ni A.

    Pauwi na akong Cebu. Hinawi ko ang buhok ko at bumaling ako sa kanya.

    “Come what may.” Sagot ko.
    “Lalayuan mo ba si Jayden?”
    Umiling ako, “I’m not bitter. May kasalanan din ako dito. Hinayaan ko siyang gawin iyon sakin. And since mature naman siya, alam niya kung saan siya lulugar sakin kasi alam ko na yung lihim niya. He would probably help me move on. Ganun siya…” Sabi ko.

    Umiling si A. Tinalikuran ko na lang siya para makaboard na sa eroplano. Nakinig na lang ako ng mga kanta ni Beyonce habang nasa loob ako ng eroplano. Iniisip ko yung mga mangyayari sa muling pagkikita namin ni Jayden. Yun ay kung babalik pa siyang Cebu. Taga Manila naman siya, at may kasalanan siya sakin, kung guilty siya, dapat di na siya bumalik. Hayaan niya na lang akong mag move on. Pero dahil alam kong gentleman siya, hindi niya yun gagawin. He will talk to me… apologize. But darn, I hate that kind of shit! Tapos na! Hindi na maibabalik pa. Hindi na maibabalik ng sorry ang saya ko.

    Men. Akala ko iba si Jayden, ngayon, pareho din pala siya sa iba. They are born to betray, it’s just a question of when.

    “WELCOME BACK, CHARITY! To the place where people think you are drunk all the time!” Tumatawang bati ni CJ sakin sa Mactan International Airport.

    Kinuha niya ang bag ko. Nakita ko rin si Erica, kasama niya.

    “What’s up? Bakit niyo ako sinusundo?” Tanong ko nang nakakunot ang noo.
    “Sinabi na ni A samin yung nangyari.” Humagalpak siya sa tawa like me being broken hearted was a big fat joke. “Come on, kaya ka namin sinusundo kasi hindi lang literal na nagbalik ka, talagang magbabalik ka na! If you know what I mean.”

    Pagod akong ngumisi at isa-isa silang tinignan.

    “Finally, tinamaan ka ni Cupid!” Tumawa na rin si Lyka.
    “I’m exhausted.” Sabi ko sabay lakad.
    “Oh no! Wa’g mong sabihin yan! Excuse mo lang yan! Tara! Let’s party!” Sabi ni Lyka.

    Nag isip akong mabuti sa maari kong idahilan para hindi ako makasama. I know… I need a break from all these sad feelings. Talagang pagod lang ako.

    “Babalik na akong Bantayan bukas.” Sabi ko.

    Nakita kong napaawang ang bibig ni CJ nang narinig ang sinabi ko. Ngkatinginan pa si Erica at Lyka.

    “You’re not going back there, Cha.” Utos ni Lyka.
    “No. I’m okay…” Tumawa ako. “Naka ilang boyfriend na ako at kaya ko naman silang iwan kahit nakaaligid parin sila sakin. I’m sport. Wa’g tayong maging bitter. I can handle myself around him. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. I can move on even if he’s around me… You know that.”
    “I don’t know, Cha. This guy’s different. Alam mo yan. Kaya nga nawiweirduhan kami, diba?”
    “But what do I do? Mag reresign sa Bantayan? Pareho lang yan. Tsaka… I won’t push myself too much. Kung hindi ko na kayang i-handle, saka na ako magreresign. But like I said, I’m not bitter about us. I get his point. I get everything.” Napayuko ako.

    Tinulak at hinila ako ng dalawang pinsan ko papasok sa sasakyan ni CJ. Ayaw talaga nilang paawat. Gusto talaga nilang isama ako sa bar.

    “Sige, pagbibigyan ka namin. But I want you to have fun tonight, okay?” Sabi ni Erica.

    Nakapangalumbaba ako sa front seat ng sasakyan ni CJ habang pinapakinggan si Erica at Lyka na nag tatalo tungkol sa kung saan kami pupunta.

    “Penthouse…”
    “The Loft.” Sabi ni Lyka.

    Tahimik kaming dalawa ni CJ. Background music nila ang kantang nasa iPod ni CJ.

    “We’re not lovers
    But more than friends
    Put a flame to every single word you ever said
    No more crying
    To get me through
    I’ll keep dancing till the morning with somebody new
    Tonight I’m getting over you…” Sinabayan ko ang kantang ito kahit na nakatunganga lang ako sa labas.

    Darn pati yung kanta, alam kung anong pakiramdam ko. Nang nagpark na si CJ sa parking lot ng Riala. Dinalaw agad ako ng kaba ko. Of course, Jayden and I were neighbors. Siguro naman hindi pa siya nakakauwi. Nasa Manila pa siya, kaya hindi ako dapat kabahan ng ganito.

    Si Cj ang pumindot ng buton sa elevator. Hindi parin napapawi ang pagtatalo ni Lyka at Erica kaya ako na mismo ang pumili.

    “Club Alchology. Enough said.” Sabi ko sabay labas sa elevator nang nakarating na kami sa tamang floor.

    Kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba. Naaninag ko agad ang pintuan niya. Lifeless. Mukhang hindi parin siya nakakabalik.

    Naghahanap ako ng maisusoot pagkatapos kong maligo. Nakaupo ang mga pinsan ko sa kama habang pinapanood akong nag ri-ready.

    “Kumain muna tayo bago pumasok doon, ah? Ginugutom ako.” Sabi ni CJ.
    “Hey, Cha. I don’t know if it’s okay to ask… pero… I’m curious…” Sabi ni Erica.

    Tinignan ko siya pagkatapos isinoot yung dress kong animal print.

    “About what?” Tanong ko habang tinatalo ang buhok.
    “How are you going to treat Jayden? Are you going to be stone cold? O just normal like nothing happened? Sorry.” Defense niya agad sa tanong niyang below the belt.

    Pinagmasdan ako ni Lyka at CJ.

    “I-I just wanna ask. Kasi… it takes a lot to make you furious…”
    “Probably, stone cold, nothing happened, and silent.” Sagot ko, ngayon, nilalagyan ko na ng lipstick yung labi ko. “You know pag galit ako, I can talk for like million words per second… pero pag sukdulan na, I would rather be silent. That means, you can just die in front of me and I just go on with my life like nothing happened.”

    Sabay-sabay na naglaglagan ang mga panga nila sa sinabi ko. I knew it… They all feel like I’m going to be really bitter about this.

    Tumawa ako sa mga reaksyon nila pero hindi ko iyon binawi.

    “Let’s go!” Sabi ko sabay kuha sa purse ko.

    Kumain muna kami sa Zubuchon at nag chill saglit sa Hybrid. Marami akong kaibigan na sumipot. Well, kung si CJ yung mag yayaya, palaging buong bayan ang nandyan.

    “Charity! Long time no see!” Nakakunot-noo akong binati ni Angelo.
    “Hi!” Ngumisi ako. “Saan ka ba galing?”
    “Ah! Nagtrabaho ako sa Bantayan.”
    “Really? Kaya naman pala missing in action ka lately.” Bumungisngis siya.

    Marami pang ibang bumati. Ilang sandali pa bago kami pumasok sa Alchology. Pero nang pumasok naman kami, nawalan ako ng gana. Parang ibang mundo na yung pinasukan ko. Parang… hindi ito yung gusto ko…

    Umupo lang ako sa sofa at pinanood ang mga pinsan kong sumasayaw. Tipsy na si Lyka, pero nandyan naman si Marcus.

    Halu-halo na yung ininom ko. Beer, Bacardi, Daniels, Tequila. Burn, liver! Nasusuka na rin ako. I wanna light a cigarette. Kaso… naaalala ko yung ginawa ni Jayden. AH! Fvck, Jayden!

    “Hey, miss, can we dance?” Yaya sakin ng isang sobrang gwapong expat.

    Nakita kong halos manisay sa kilig ang mga babae sa kabilang table sa paglahad niya ng kamay sakin. Lumagkit ang titig niya sakin. Ngumisi ako. I wanna flirt… Pero parang hindi yata tama. Parang may pwersa sa sistema kong nagsasabing hindi pwede. WHAT THE FVCKING SHIT IS WRONG WITH ME?

    “Uhm… No…”

    Kumuha ako ng isang cigar sa packet ni CJ.

    Mukhang disappointed ang gwapong expat kaya’t umalis na lang siya. Hindi ko na siya sinundan ng tingin, nag concentrate na lang ako sa pagsisindi ng cigarette. Sukang-suka na talaga ako. Maybe I should go to the bathroom para sumuka, kesa sa humithit ng sigarilyo? Titigilan ko na sana yung pagsisindi nang may biglang humablot nito sa kamay ko.

    “Ah Shit!” Malutong ang mura niya.

    Mukha yatang napaso siya sa sigarilyo. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko yung sino yung humablot nito. DAMN IT! It’s Jayden! He’s here! Again?

    Kahit na nagplano naman ako kaninang patayin na lang yung sigarilyo para magsuka sa bathroom, naisipan kong kumuha ng isa pa. You hate this, Jayden, right? Then, I’ll do it…

    Hinablot niya ulit ang sigarilyong hindi ko pa nasisisindihan.

    “Cha! Can you please just stop?”
    “What?” Inis kong sinabi. “What do you mean? Anong problema mo kung gawin ko yun?” Umirap ako kahit sobrang kaba na yung naramdaman ko.

    Nagkadikit na ng mabuti ang labi niya sa sobrang inis. Parang isang kalabit na lang ay kakaladkarin niya na ako palabas. Hindi siya umimik.

    Umirap ako at tumayo kahit na hilong-hilo na ako. Hinawakan niya ang braso ko. Agad akong pumiglas.

    “Don’t touch me!” Sigaw ko at dumiretso na sa dancefloor.

    Panay ang kalabog ng puso ko sa biglaan niyang pagsulpot. Nakihalo ako sa mga taong sumasayaw. Sumayaw na rin ako. Tinuro pa ako ng DJ. Marami na ring kumuha ng picture ko. Ewan ko ba kung bakit twing sasayaw ako palagi kong nakukuha ang atensyon ng mga tao.

    Nakita ko, sa gitna ng neon lights ng bar, ang mukha ni Jayden na papalapit na sakin. Kaya imbes na pumirmi ako doon sa sinasayawan ko ay dumiretso pa ako sa harap. Umakyat ako sa stage malapit sa DJ.

    Naghiyawan ang mga tao. Merong mga gumaya sakin. Alright! Let’s dance, people!

    Nakapikit na akong nagsasayaw. Hilong-hilo na kasi ako. Baka pag dumilat ako, umaalon na ang stage at bumigay yung binti ko.

    “Damn girl, I have no choice!” Narinig kong sinabi iyon ni Jayden.

    SINUNDAN NIYA AKO SA STAGE? Bago pa man ako makadilat para kumpirmahin ang presence niya doon ay may bumuhat sa akin.

    Pumiglas ako. Tumili yung mga taong nakakita. Yung iba naman, walang pakealam. Nakita ko ang galit niyang mukha habang pinipigilan ang pag piglas ko.

    “Jayden! Ibaba mo ako!” Sigaw ko sabay tulak sa dibdib niya.

    Nanigas na ang braso niya sa kakabuhat sakin. Panay ang tadyak-tadyak ko. May natamaan pa nga yata akong tao. Pero hindi siya nagpatinag. Parang wala siyang naririnig.

  • Chapter 23Open or Close

    Chapter 23
    Ang PDA

    Binaba niya ako sa labas ng Alchology. Dinig na dinig ko parin ang ingay sa loob.

    Inayos ko ang sarili ko at hinarap siya. He clenched his jaw as he watched me staring daggers at him. Unti-unti kong pinigilan ang nag aalab kong galit.

    “Anong problema mo?” Mariin kong tanong sa kanya.
    “You’re dancing again, Charity!” Sigaw niya sabay turo sa bar.
    “So what?” Mas galit kong sinabi.

    Oo, hindi ko nagustuhan yung pagsasayaw ko tulad ng pagkahumaling ko sa pagsasayaw ko noon. But, damn, I won’t tell him that I hate it now! So what if I’m dancing? Ano iyon sa kanya? Ayaw niya kasi hindi naman iyon ginagawa ni Trisha? He’s turning me into Trisha again? Hindi naba talaga siya natuto.

    “So what?” Umirap siya. “Kung makaasta ka parang walang nag mamay-ari sayo, ah? You’re like a lost brat!”
    “For goodness sake, will you just leave me alone? Kung anong gusto kong gawin, gagawin ko. You don’t have some control over me tulad ng inaakala mo. Yes, may past tayo, and that’s that! We’re done. I’m tired of your shit. Can’t you see that?”
    “Kung makabanggit ka ng past, parang ilang taon na ang nakalipas, ah? Is that it for you? Pagkatapos ng lahat, babalik ka lang sa dati. Pagkatapos nun, parang wala lang. Walang nangyari?”

    Humakbang siya palapit sakin.

    “I’m not owned by anyone, Jayden. I’m free-“
    “No… You can’t dance there, Cha. You can’t just dance there like nobody owns you… Kasi the last time I checked, pag aari kita.”

    Halos mapudpod ang ngipin ko sa inis. Mariin kong pinaglapat ang labi ko para mapigilan ang pagmumura pero hindi ko kayang hindi magsalita.

    “Oh really? The last time I checked you’re not over your ex yet at tingin mo ako ay siya kaya mo ako natanggap… When in fact, you hated me from the start. And you still hate Charity. You only love Trisha, Jayden. You loved me because you see her in me!”

    Pangako ko sa sarili kong wa’g maging bitter. But he’s beating the shit out of me…

    “You’re wrong, Charity! I hated you for the wrong reasons-“
    “And you loved me for all the wrong reasons, too-“
    “Will you just fvcking listen?!” Ginulo niya ang buhok niya at suminghap.

    Natigilan ako sa madiing pagmumura niya.

    Humakbang siya sakin, napaatras ako. Nakita ko ang mga taong dumadaan na naagawan namin ng atensyon. Mabuti na lang at nasa madilim na parte kami ng parking lot at masyado ng lasing ang mga tao para mapansin pa kami.

    “Oo! Nung nakilala kita may natitira parin akong pagmamahal kay Trisha! Inakala kong Trisha ang pangalan mo. BECAUSE YOU TOLD THAT GUY YOU WERE TRISHA! Ayaw ko sa asta mo… you’re too westernized, you’re a big brat, opposite kayong dalawa ni Trisha. Hindi kita dapat nagugustuhan, eh. Hindi kita dapat minamahal.”

    Napalunok ako. Is this some kind of a joke?

    “Minahal? Ako ba yung kausap mo o yung Trisha’ng nakikita mo sakin?” Tumawa ako. Hindi dahil masaya ako kundi dahil nababaliw na ako.
    “Mukha ba akong nakatingin kay Trisha ngayon?”
    “Aba malay ko, hindi naman ako yung gumagamit ng mata mo!”
    Mas lalong kumuyom ang panga niya, “Oh… fvck! Just look at how you answer me… I don’t believe it!” Tinitigan niya ako.
    “What? You hate my brattiness, Jayden? Then leave! I’m not asking you to stay! Ako na yung unang umalis kasi ako naman yung nagpumilit na pumasok sa buhay mo, hindi ba? Now all you have to do is let me walk away!”

    Ang sakit ng lalamunan ko. Kanina pa pala ako sumisigaw. Pumihit ako para sana umalis pero hinila niya na naman ang braso ko.

    “I’m still talking to you, Charity!” Sigaw niya at napaharap ulit ako.
    “What do you want to talk about now? Yung nangyari sa Manila? It’s okay, Jayden.” Mahina kong sinabi.

    Umirap ako at umambang tatalikuran ulit siya pero pinigilan niya ako.

    “Hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Trisha dahil alam kong marerealize mo rin ito. Na napansin kita kasi Trisha ang pangalan mo noong una. At mangyayari ito. At magkakaroon ka ng ganitong conclusions…”
    “Really? Then tell me, bakit ayaw mong PDA tayo? You don’t even like to hold my hand around some people. Ikinakahiya mo ako? O baka naman kasi hindi ka parin nakakaget over sa kanya. Gusto mong malaman ng lahat na wala kang iba-“
    “Look at your logic! Tigilan mo nga ang pagbibigay ng meaning sa mga nonsense na yan. Totoong ayaw ko ng PDA, pero damn it, you ant PDA, I’ll show PDA!” Sigaw niya at marahas akong hinila para halikan naman ng marahan.

    Dinig na dinig ko agad ang kalabog ng puso ko. Darn it! Tinulak ko agad siya. This is freaking dangerous!

    Sinampal ko agad siya. Nakita kong pumula ang pisngi niya. Hindi siya agad nakabawi ng tingin. Nanatili ang mukha niyang nakatagilid hanggang sa nagsalita ako.

    “You ruined me, you just can’t knock on my door and get in easily again. You’d have to beg for it.”

    Pumihit ako at mabilis na umalis. Mabuti na lang at maraming taxi sa tapat ng Mango Square. Agad akong pumara ng isa at sumakay.

    “Manong, Riala.” Sabi ko. “Paki dalian po.”

    I need to get there fast. Lalo na nung nakita ko sa side mirror na nandyan si Jayden sa likod. Nagpapaharurot ng sasakyan.

    “Manong, dodoblehin ko po yung pamasahe, basta paki bilisan. Pwedeng short cut.”

    Mabilis akong nakarating sa Riala. At dahil hindi naman kailangang mag park ni manong ng matino, naunahan ko si Jayden.

    Tumatakbo akong parang baliw papunta sa elevator. At nang sa wakas ay nakarating ako sa unit ko, agad kong sinarado ang pintuan.

    Ilang sandali ang nakalipas, kumalabog ito. He’s literally knocking on my door.

    “Charity, open the damn door!”

    FVCK THIS LIFE!

    “I’m asleep. Really tired. Bye.” Sigaw ko.
    “Open the damn door!”

    Napapikit ako. No. Way. Not. Again.

    Pinaandar ko na lang ang stereo ko at nagkaroon ng music session habang naghuhubad para makatulog. I don’t care if Jayden’s outside my door.

    Kahit na hindi ako makatulog sa kwarto ko, hindi ko parin nagawang buksan ang pinto. Marami paring bumagabag sa utak ko.

    Nung pumunta kaming Manila, Troy looked so sad. Siguro ay nagselos iyon nang nalaman niyang nandoon si Jayden. At ang sabi nung Trisha ay nagpatulong si Jayden sa kanya. Are they both cool now? And if they’re cool, mahal na ba ako ni Jayden? At kung mahal nga niya ako agad ko ba siyang tatanggapin? No. I need to love myself first. I need my time, my space…

    I can’t lose myself just because I found him.

    Kinaumagahan, namulat ako sa sinag ng araw sa kwarto ko. Babalik na nga pala ako ng Bantayan ngayon. Buti na lang at konti lang yung dala ko.

    Kumain lang ako ng cereals, naligo, tsaka nagbihis bago tinawagan si Chase Martin.

    “Hello, Chase? balik na akong Bantayan. Pwedeng pasundo sa van?” Tanong ko.
    “Huh? Bakit ako yung tinatawagan mo? Where’s the GM? Si Jayden?” Humalakhak siya.
    “Idunno…”

    Nilolock ko na ang unit ko nang nakita kong nandoon si Jayden sa tabi nito. Nakaupo sa sahig at tulog na tulog. His hair was slightly disheveled but God he’s so gorgeous. Bahagya pa siyang nakatingala. Yung isang binti niya ay matuwid at isang binti ay naka tupi.

    “I-I mean… just… here… P-Pero hindi ako sasabay sa kanta. It seems like he’s enjoying his stay dito sa syudad. Me? I need to go back.”

    Sinuri ko ang mukha niya. Darn, ang sarap niyang patawarin na lang agad.

    “Really? Well, alright, papunta na dyan yung sundo. Hintayin mo na lang sa tapat ng Riala.”
    “Okay, thanks…”

    Binaba ko ang cellphone ko at pinagmasdan si Jayden ng mabuti. What shall I do with him? Nakatulog siya sa pag aantay saking pagbuksan siya.

    Napatalon ako nang nakita kong bahagyang gumalaw ang ulo niya.

    “Uh-oh…” Tinalikuran ko siya agad ng walang pag aalinlangan at umalis na.

    “Bahala ka sa buhay mo.” Bulong ko sa sarili ko nang nasa elevator na ako.

    Ilang sandali pa ako nag hintay sa van na pinadala ni Chase Martin. Nang nakapasok naman ako doon, nabigla ako nang di agad iyon umalis.

    “Manong, tayo na po? Baka mahuli ng barge. Tatlong oras at kalahati pa pa naman yung byahe.” Sambit ko.
    “Sorry, ma’am. Utos kasi ni Sir Jayden na hintayin siya-“
    “What?”

    Tinignan ako ng driver sa rearview mirror. Naputol lang yung titigan namin nang napatingin siya sa gilid.

    “Ay, hindi na kayo maghihintay ma’am, andito na si Sir!”

    Oh this is freaking ridiculous!

    Ginugulo niya ang buhok niyang basa pa habang half-running palapit sa van.

    “I can’t believe this life…” Umiling iling ako.

    Mas lalong bumilis ang iling ko nang binuksan niya na ang pintuan at tumabi sakin. Nagkatitigan kaming dalawa. Ako na yung nag iwas ng tingin kasi panay ang kalabog ng puso ko. Mamaya marealize pa niyang mahal ko parin siya.

    “Good morning!” Bati niya.

    MORNING YOUR FACE!

    Tumingin ako sa labas at di na umimik.

    “Sana ginising mo ako paglabas mo.” Aniya.

    Kinagat ko ang labi ko. Ignore, Cha… Just ignore the man!

    “Ang sakit ng leeg ko. Parang maling position yata yung tulog ko.”
    “Sino ba kasing nagsabing matulog ka sa labas.” Hindi ko na mapigilang magsalita.
    “I don’t need anyone to tell me what to do, Cha. Kung gusto ko, iyon ang gagawin ko. Kung mahal ko, iyon ang pipikutin ko.”

    Mas lalo kong kinagat ang labi ko. Hindi mo naman ako mahal pero bakit kinakabahan ako sa sinasabi niya.

    “Edi pikutin mo si Trisha.” Darn, I sound sooo bitter. Why? Ilang kilo ng ampalaya ang nakain ko?

    “Bakit? Ikaw naman ng mahal ko.”

    Pumikit ako at kinuha ang earphone saka nilagay sa tainga ko. I’m not listening to the words you’ll say. Like I said, you’d have to beg for it.

  • Chapter 24Open or Close

    Chapter 24
    Ang Kwarto

    Paalis pa lang kami ay nakatulog na agad si Jayden. Siguro matagal itong nakatulog kagabi dahil tulog na tulog siya ngayon.

    Pinagmasdan ko siyang mabuti. Paano kaya nagawang ipagpalit ni Trisha si Jayden sa iba? Pakiramdam ko nga wala ng makakahigit sa kanya, eh. Pinagmasdan ko siyang mabuti hanggang sa hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

    Nanigas ako sa kinauupuan ko. Tinulak ko siya ng bahagya pero hindi ko siya tuluyang maialis sa balikat ko. Kaya tinodo ko ang pagkakatulak. Dahil doon, nagising siya…

    Inaantok parin ang mga mata niya nang pinagmasdan ako.

    “Uhm… Sa likod ka na lang matulog kung gusto mo.” Sabi ko.

    Nilingon niya ang bakanteng likuran at bumaling ulit sakin.

    “Pahiram lang ng balikat saglit.” Aniya.
    “Huh? Pwede namang sa likod na lang-“
    “Noon nga sa balikat kita natutulog, bakit ngayon hindi na pwedeng ako naman?”
    “Noon yon. Iba na ngayon.”
    Kumunot ang noo niya, “Kung makapagsalita ka ng noon parang ilang dekada na talaga ang nakakaraan ah? Tatlong araw lang naman tayong nawala sa Bantayan.”
    “Whatever! Kung ayaw mo sa likod, edi ako doon!”

    Tumayo ako at bahagyang yumuko para maglakad papunta sa likod ng van.

    At linsyak, biglaang nag brake si manong driver kaya ayun at napaupo ako sa mga hita ni Jayden.

    “Darn it!” Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

    Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hinawakan niya pa talaga ang magkabilang braso ko na para bang nagustuhan niya ang pagkakalagak ko sa katawan niya.

    Nagsitindigan ang balahibo ko sa haplos niya. This is really really dangerous. Kaya naman agad akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang pagsunod niya ng titig sakin.

    Nang nakaupo na ako sa likod ay dinig na dinig ko naman ang malalakas na buntong hininga niya. Damn right? Frustration kills, Jayden. Ganyan yung ginagawa mo sakin noon. Pero ewan ko lang kung bakit ka frustrated, kung dahil ba mahal mo ako o dahil naapakan ko ang ego mo.

    Malamig parin ang turing ko sa kanya pagkarating namin sa sakayan papuntang Bantayan.

    Dinampot ko yung bag kong dinampot niya rin. Kaya nakapatong iyong kamay niya sa kamay ko. Nagkatinginan kami. Ako, matutulis ang titig ko sa kanya, siya naman nakangisi.

    “Let me.” Aniya.

    Napalunok ako. Damn! Ang daya talaga! Kahit na galit ako sa kanya, gusto ko parin siya. Ito yung dapat kong baguhin sa sarili ko. Kung mag mamahal ako, hindi yung ibubuhos ko ang lahat. Noon, hindi naman ako nahihirapan sa mga relasyon kasi hindi ko siniseryoso. Kung baga, standards yung pinapairal ko noon. Ngayon, hindi na…

    Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang nakita ang mga kamay naming ganun parin ang posisyon.

    “Ako na, Jayden. I’m a girl. I can handle this.” Sabi ko.
    “Ako na.” Mariin niyang utas.
    “I can handle, Jayden.” Buntong hininga ko.
    “I know… But you don’t need to carry this when I’m here, Charity.”

    Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya agad ko na lang binitiwan ang bag ko at hinayaan siyang bitbitin ito.

    Hindi ako tumabi sa kanya sa barge kahit na naghihintay siyang tabihan ko. Tuwing sumasagi yung paningin ko sa kanya, nakikita kong nakatitig siya sakin at seryoso ang mukha. Hindi ko siya nginingitian at patuloy ako sa paglalakad-lakad sa barge.

    Nang nakarating kami ng Bantayan, papasok na sana ako sa suite ko nang biglang…

    “Ms Rama! Wa’g po!” Sabi ng tigalinis.

    Kumunot ang noo ko at binuksan agad ang pintuan ng room ko. Nabigla ako nang may nakita akong matandang couple! Nakapatong yung lalaki sa babae at pareho silang nakahubad.

    “OH MY SHIT! I’m sorry!” Sigaw ko sabay sarado sa kwarto ko.

    Sinugod ko agad ang babaeng taga linis. Napakamot siya sa ulo habang ako naman ay galit na galit na humarap sa kanya.

    “What the fvck? Bakit ganun?” Sigaw ko sa kanya.
    “Ma’am p-pasensya na po… Hindi po ba sinasabi ni Sir Jayden?”

    Fvck? Jayden again?

    “Ang ano? I’m fired?” Sigaw ko.

    Napayuko siya. Nandoon pa kasi si Jayden sa lintik niyang office. May inasikaso di umano. Kaya ako yung nauna sa kwarto ko pero bakit ganun ang eksenang tumambad sakin?

    “Damn him!” Sabay gulo ko sa buhok ko.
    “K-Kausapin niyo na lang po siya…” Sabi ng taga linis.

    Nagmartsa agad ako papunta sa opisina niya. At syempre, dahil kakarating lang niya, tumambay doon ang tatlong babaeng supervisors dito sa Resort. Si Shiela, Nicole at Tina. Gaya ng dati, si Tina ang nakaupo sa pinakamalapit sa kanya.

    Nagtatawanan silang apat nang dumating ako.

    FLIRT!

    Well, I don’t care… I’m not his girlfriend anyway.

    Dumiretso ako sa table niya. Nakita kong kumunot ang noo ni Tina nang nakita akong pumasok.

    “Jayden! What is wrong with my suit? Bakit may… may… Ugh! May nag se-sex na matatanda doon?” Nanginginig ang mga labi ko habang sinasabi iyon.

    Tumaas ang kilay ni Jayden at naglahad ng kamay.

    “Return the card, Cha.”

    Tinago ko ang card ko sa likod. Ito ang susi ko sa kwarto.

    “Why?” Tinaas ko rin ang kilay ko.
    “We are in short of rooms. For now, sa kwarto kita matutulog.”

    Para akong binagsakan ng kisame sa sinabi niya. Narinig ko agad ang pagbubulung-bulungan ni Nicole at Shiela sa gilid ko. Nilingon ko sila kaya parehong natigil sa pinag uusapan nila.

    “Wait a minute, Jayden. Hindi mo ito binanggit, ah? We can compromise for that… Besides, I heard wala na kayo. Hindi ba mejo… mejo hindi magandang tignan iyon?” Sambit ni Tina.

    For the first time in history, ngayon ko lang talaga pasasalamatan ng marami itong ka epalan ni Tina.

    “Oo nga! Wala na tayo!”

    Tumayo si Jayden at nilagay ang dalawang kamay sa mesa niya. Umatras ako ng bahagya kasi inilapit niya ang mukha niya sakin.

    “In your dreams, Cha. In your dreams.”

    Halos umusok yung tainga at ilong ko sa sinabi niya. Padabog akong nagmartsa palabas ng opisina niya. Mabilis ang paghinga ko sa sobrang inis. Lahat ng nakikita ko, nakakapandilim ng paningin.

    “Kala mo ah?” Sabi ko sa sarili ko.

    I’ll take your challenge. Hindi na ako magpapaapekto sayo. I will categorize you as non existent. Like I said, you can just die in front of me and I can just step on your face. Non-existent ka.

    “Yung card nga sa kwarto ni Jayden.” Masungit kong hiningi sa front desk.

    Binigay agad sakin. Mukhang na orient na yata ang lahat dito na mag iisa na kami ng kwarto.

    Lintek, ng pumasok ako, daan-daang alaala ang naalala ko. Yung mesa, yung kama… lahat. DARN IT!

    Hindi ka magpapaapekto, Charity. Hindi ka niya mahal… Naapakan lang talaga yung ego niya. See his desperation? Hindi naman siya ganun noon, ah? Halos isuka niya nga ako? Kung pwedeng itanggi ako, noon niya pa tinanggi. Pero ngayong hindi ko na siya pinapatulan, tsaka naman siya aastang ganito.

    Nag arrange ako ng gamit ko sa mga cabinet niya.

    “Bahala siya! Akala niya maapektuhan ako! Mukha niya! God! Nababaliw na yata ako kasi nagsasalita na ako mag isa.”

    Nidial ko agad ang numero ni Chase Martin pagkatapos kong mag arrange ng gamit.

    “Chase Martin Castillo!” Pambungad ko sa kanya.
    “Hmmm?” Mukhang kakagising lang ng mokong.

    Anyare? Tanghali na ah? Well… married life. We can’t tell.

    “BAKIT KAMI MAG IISA NG KWARTO NI JAYDEN?” Tanong ko.
    Humalakhak siya, “He asked for it, Cha. Besides, we’re in short of rooms. Kailangan ko yatang bilisan yung pagbi-build ng kabilang hotel.”
    “Goodness!” Sabi ko sabay gulo sa buhok ko.
    “Sige na. I have some work to do. Enjoy diyan. Wa’g kang magbabalak mag resign. Baka pakasalan ka niyan kung mag reresign ka.”
    “ANO?”

    Pero wala na… Putol na ang linya.

    Kinagat ko ang labi ko. Darn it! Talagang kinikilabutan ako.

    “I’m here!” Ani Jayden nang pumasok sa kwarto.

    Napatalon ako at nag kunwaring nag aarrange ulit ng gamit. Tinalikuran ko siya at agad binuksan yung sliding door ng terrace.

    Ang sikip ng kwartong ito para saming dalawa.

    “Hindi ka pa ba ginugutom?” Tanong niya sakin.
    Nagkibit-balikat ako at kinuha yung wallet sa table.

    Umupo siya sa kama at tinanggal ang kanyang sapatos. Darn it! Tumitindig talaga ang balahibo ko.

    “Kakain lang ako sa labas-“
    “Sabay na tayo!” Utos niya.

    Nilingon ko siya at diretsong tinignan. Binuksan ko ang pinto para lumabas na sa kwarto niya.

    “Look, Jayden. That’s enough. We’re done. Wa’g mo nang pilitin. Tama na.”

    Natigilan siya sa sinabi ko. Agad kong kinagat ang labi ko at padabog na sinarado ang pintuan.

  • Chapter 25Open or Close

    Chapter 25
    Ang Mga Aplikante

    Kinagat ko ang labi ko habang naglalakad sa seashore ng Bantayan. Mainit ngayon pero malamig ang simoy ng hangin.

    Darn! Guilty agad ako? Bakit ganun? Nung siya ba yung nanakit sakin, naguilty ba siya?

    Naalala ko na naman lahat ng nangyari sa Manila. Hinawakan ko ang pisngi kong sinampal ni Trisha. He didn’t even react that time. Kinonsente niya ang ginawa ni Trisha, yung pagsampal sakin.

    Parang kinurot ang dibdib ko nang naisip ko kung sino kaya ang pipiliin niya sa oras na tanungin ko siya kung sino saming dalawa ni Trisha ang mahal niya.

    “Ikaw, Charity.”

    Yes, maybe, sasabihin niya iyon. Tumigil ako sa isang coconut tree at sumandal doon. Hinawi ko ang buhok ko at pinilig ang ulo.

    Ako yung pipiliin ni Jayden. Syempre, kasi may iba na si Trisha. Pero paano kung wala si Troy? Paano kung walang iba si Trisha? Will I still be me?

    Bumuntong hininga ako at napalingon sa aninong nakita ko sa gilid. Naaninag ko si Christian.

    “Uy…” Pambungad ko.

    Nakangisi siya at nakatingin ng diretso sakin.

    “Totoo ba yung narinig kong kayo na daw ni Sir Jayden?”

    Darn! Iyan pa talaga yung tanong niya? Nag iwas ako ng tingin.

    “Hindi.” Sagot ko.
    Tumango siya.

    Tumindig ang balahibo ko kaya hinaplos ko ang magkabilang braso ko. Paano ba naman kasi, naaalala ko yung sinabi ni Jayden, ‘In your dreams, Cha…’

    “Kung ganun, bakit kayo pinag tsi-tsismisan ng ibang trabahante?” Tanong niya.
    Nagkibit-balikat ako at tumayo ng maayos, “Ewan ko.” Sagot ko.
    Tumango siya at tinitigan ako, “Bakit parang ang seryoso mo?”
    Ngumisi ako, “May iniisip lang.” Humalakhak ako.
    “By the way, inutusan nga pala ako ni Sir Jayden na bumalik ka na daw sa hotel kasi may iinterviewhin kang mga applikante.”

    Naglakad ako papuntag hotel kasama si Christian.

    “Ganun? Anong applicants daw?” Tanong ko.
    “Iba-iba. May mga lifeguards, pati na rin yung mga sa housekeeping. Ang alam ko, may mga interns yatang tatanggapin itong resort. Ikaw yata yung mag aapprove sa kanila.”
    Tumango ako, “Alright.”

    Inungusan ko si Christian para makapagtrabaho na agad.

    “Thanks, Christian.” Sabi ko.
    “Hey, Cha!” Pahabol niya, “Since you’re single, hindi naman siguro bawal na pumunta tayo ng Sand and Booze, hindi ba?”
    Ngumisi ako.

    Actually, ayaw ko. Parang I just wanna stay in my room. Kalagitnaan na ng pag iling ko nang nabunutan ako ng tinik.

    “SURE!” Sabi ko.

    Ano ba naman, Charity? Bakit ayaw mo? Jayden’s with you sa room. Mas mabuting wala ka dun habang gising siya. Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya sa lugar na iyon. Pwedeng mag bigti na lang tayo, maisasalba pa ang kaluluwa mo.

    Umikot ako sa swivel chair ko dito sa opisina ni Jayden. Seryoso niyang tinititigan ang laptop niya habang ako naman ay nakatingin sa mga application letters, resumes at kung anu-ano pang requirements ng mga applicants. Over all, may 15 ka taong nag apply. Pito doon ang nag aapply para sa internship.

    “Ma’am, ahmmm, I can cook, do housekeeping, marami pa po…” Sagot nung huling babaeng intern na nakausap ko.

    Ang sabi ni Chase ay limitado lang yung interns dito. Dapat lima lang at yung the best. Eh ang lamya naman ng babaeng ito. Isang slot na lang ang natitira kasi naaprobahan ko na iyong naunang tatlong lalaki at isang magaling na babae.

    Sinulyapan ko ang isa pang resume ng intern at nakitang gwapong bata itong si Jason – pangalan nung college student na nag aapply.

    “Just wait for the damn call.” Wala sa sarili kong sinabi.

    Umikot ulit ako sa swivel chair at pinapasok si Jason.

    “Hi!” Nakangisi siya at naglahad ng kamay sakin.

    Ohhh… Swabe ang dating ng isang ito. Ni head to foot ko siya.

    “Hello, Mr. Marasigan.” Sabi ko sabay ngiti. “Gandang gising?” Humalakhak ako.

    Hindi parin siya umuupo. Ohh… May manners. Tignan natin kung paano siya sumagot sa mga tanong ko.

    “Please, sit down.” Sabi ko saka siya umupo.
    “Base sa records mo, you can clean a room within 1 minute? Really? That’s interesting.”
    “Yes, ma’am! Iyon po kasi yung naranasan ko sa Plantation Bay, we were trained to clean rooms within 1 minute. Mabilisan po doon kahit hindi naman kailangan. Pero magandang skill po iyon.”
    “How do you do it?” Tanong ko.
    “Una po yung bedsheet. May technic po kung paano siya tatanggalin ng madalian without ruining the bed. Mahirap po siyang iexplain. But I can show you.” Matamis ang ngiti niya.

    This is interesting. Within one minute, really?

    “Pano kung may tae naman sa CR? Malalaki ang rooms namin dito. Hindi lang bed sheets ang kailangang pagtoonan ng pansin.” Sabi ko pero tumatango at nakangisi na siya habang nagsasalita ako.
    “We were really trained, ma’am. If you want, I can show you. Pwede niyo akong dalhin sa pinaka ‘usual’ na maruming room dito sa resort niyo. Well, wa’g lang po yung sinadya talagang lagyan ng mga tae sa kisame at sa mga dingding.” Tumawa siya.
    Natawa rin ako, “Ano ba yan! Bakit tae pa kasi ang inopen ko sayo. But that’s really interesting Mr. Marasigan.”
    “I can show you, ma’am. Baka po isipin niyong linoloko ko lang po kayo at nagyayabang ako.”

    Tumango ako at ilang ulit pang pinasadahan ng tingin ang resume niya.

    Maybe I should call Christian at ipahanap ko sa kanya ang roomboys para ipaturo kung saan ang pinaka maruming room at doon ko titignan ang demonstration ni Jason Marasigan.

    Tumayo ako at inayos ang sarili.

    “If you can do that, then I’ll hire you.”

    Tumayo siya at mas lalong ngumisi.

    “SURE, PO! No problem! Sisiw po ito.”

    Pareho na kaming umaambang aalis sa opisina ni Jayden nang narinig ko siyang pumalatak.

    “Hey, just… just hire the boy, Charity!”

    Pumihit ako at tinignan siya ng matutulis na titig. Mind your own biz, Jayden!

    “Whoa! Thank you po, sir!” Sabay talon ni Jason nang narinig si Mr. Jayden S. Corpuz (General Manager) na nagsalita ng ganun.

    Bumuntong hininga ako at hinayaang umalis si Jason mag isa. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Jayden ang nasa opisina niya. Sinenyasan ko yung next na maghintay na lang muna at wa’g munang pumasok kasi susupalpalin ko pa si Jayden.

    Nakakunot ang noo niya at masungit akong tinignan.

    “I’m the HR here. Kung gusto mo, you take my place. Bakit ikaw yung nag ha-hire bigla?”
    “You and that boy? Sa iisang room? No way, Charity.”

    WHOA!? Wait a minute… What? Hinawi ko ang buhok ko at humalukipkip.

    “Ano bang iniisip mo? Na mag kakaroon kami ng secret affair doon sa loob ng isang minuto? And for God’s sake, nandun yung room boys, akala mo ba gusto kong kami lang dalawa ni Jason yung nasa loob ng room na iyon?” Napangiwi ako.
    “Jason? Kung maka ‘Jason’ ka parang close na kayo, ah? Besides…” Tumayo siya at lumapit sakin. “Akala mo ba hindi ko namamalayan na kanina ka pa hire nang hire ng lalaki?”
    “So what?”
    “Lalaking interns? Tss! For what? Alam kong hindi nakakalayo ang edad mo sa kanila-“
    “WHAT THE FVCK, Jayden? What do you mean by that?”

    Nag alab ang galit sa utak ko dahil doon sa logic niya.

    “So? Iniisip mong papatol ako? I’m not cheap! Kasalanan ko bang mas nagustuhan ko yung mga sagot nung mga lalaki.”
    “That’s because you’re a girl! Nahuhumaling ka sa charms! Be professional, Charity.”
    “Fire me, then! Ikaw naman general manager, fire me!”

    Natahimik siya at suminghap na lang.

    “Why don’t you fire me?” Hamon ko.

    Tinalikuran niya ako at bumalik na siya sa computer niya.

    “I’m not professional? Fire me!” Sabi ko ulit.

    Nakakapag init ng dugo.

    “Mind your own biz.” Umirap ako at bumalik sa swivel chair ko.

    Wala kang karapatan, Jayden. Friends kami ni Chase. Buti pa ikaw ang umalis, ikaw naman itong hindi nangangailangan ng trabaho tsaka hindi ka naman taga Cebu kaya bumalik ka na sa pinanggalingan mo… KAY TRISHA! Langya ka!

    Pinapasok ko yung isang babaeng sumunod… Tatlong babae pa ang sumunod para mag apply as life guards pero, darn, ayoko talaga. Wala akong pakealam kung anong sabihin ni Jayden sakin tungkol sa choices ko.

    LIFEGUARDS ito! Hindi mga beauty queen in swimsuit competition.

    “Marunong po ako ng butterfly stroke, back stroke, dog stroke…”

    DARN IT! I don’t even care kung ma stroke ka! Ang lamya! Parang hindi kayang sumagip ng tao. Para sa lifeguards, dapat demo yung gagawin eh, hindi yung ganito.

    “Okay, you may proceed sa next uhm screening, bring your swimming attire, hindi yung swimsuit ah? I’ll just post the schedule later. Hintayin niyo na lang.” Ngumiti ako sa payatot na babaeng nag aapply.

    Nang may pumasok na isang payat namang lalaki, napa face-palm na ako.

    “Ma’am, 8 years old pa lang po ako marunong na ako mag swimming. Naka tira po kasi kami sa isang bayan dito sa Bantayan tsaka malapit po sa beach.” Aniya.

    Tumango ako at tinignan siyang mabuti. Not bad. But he’s too skinny.

    “I think you’re too skinny. What if mataba yung malunod?” Tanong ko.
    “No, ma’am.” Tumawa siya na parang nag joke ako. “Ganito lang po ito kasi naka t-shirt ako. Pero… kung gusto niyo po, maghuhubad ako ng t-shirt para makita niyo ang nakatagong pandesal ko.”
    Tumango ako at humilig sa kanya, “Sige nga.”

    Tumayo siya at agad tinanggal ang t-shirt niya sa harapan ko. Humagalpak ako sa tawa. Tumawa rin siya at uminit ang pisngi. IN FAIRNESS, NOT BAD!

    “CHARITY RAMA, WHAT IN THE WORLD ARE YOU DOING?”

    Napawi ang tawanan namin nang umalingawngaw ang sigaw ni Jayden sa buong opisina. Pumasok tuloy yung isang clerk para tignan kung anong nangyayari samin dito.

    “Sorry po…” Sabi nung applikante sabay soot ulit sa damit niya.

    Humilig ako sa swivel chair ko at umikot ikot. Si Jayden naman mabilis at mabibigat ang paghinga. Para siyang bombang kahit kailan ay pwedeng sumabog. Mabilis siyang nagmartsa papunta sa table ko.

    Sinenyasan ko iyong lalaki at yung clerk na lumabas na lang kasi nag aalburuto na naman si GM.

    *PAK*

    Napalakas ang pagdapo ng kanyang mga kamay sa table ko.

    “YOU DON’T FLIRT WITH OTHER GUYS, CHARITY. YOU ONLY FLIRT WITH ME!” Mabilis at mabigat ang paghinga niya.
    Tumaas ang kilay ko, “What? Are you jealous?”

    Darn. Ramdam ko yung mga paru-paru sa tiyan ko. This can’t be good.

    “Yes, yes, I am…” Tumango siya at pumikit. “Alam mo kung paano ako pag nagseselos ako, Cha. You know me…”

    Napalunok ako. Kasi nung nagselos siya sakin noon, may nangyaru saming dalawa. DARN… THAT CAN’T BE GOOD!

    “Push all the buttons, Charity. Get under my skin. Then… let’s see kung hanggang saan yang pagpapakipot mo.”

  • Chapter 26Open or Close

    Chapter 26
    Ang Sagot Sa Mga Tanong Ninyo

    Napangisi ako habang nag aayos ng buhok sa CR.

    Push all the buttons, Charity? Yes, Jayden, hindi mo na ako kailangang pagsabihan ng ganun. Kung iyon ang dapat kong gawin para magalit ka at ma frustrate ka tulad ng pagkafrustrate ko sayo noon, gagawin ko talaga.

    Umalis ako doon at agad kong nakita si Christian. Mukha atang may pupuntahan. Pero nang nakita niya ako ay tumigil siya at nginitian ako.

    “Ano? Friday ngayon at packed na naman ang hotels. Mamaya?” Anyaya niya.
    “Hmmm. Sige ba!”

    Sa bagay, gaya ng sabi ko, ayaw kong makasalamuha si Jayden doon sa kwarto. Hindi ko kaya. Lalo na pag gising pa siya at masungit ang aura niya. Gusto kong bumalik ako doon ng tulog na siya para peaceful ang life ko.

    “Don’t worry, isasama ko si Nicole.” Aniya. “Tsaka yung head ng security, si Wesley.”
    Tumaas ang kilay ko, “Si Nicole?”

    Yung isang supervisor na kabarkada ni Tina na fanatic kay Jayden.

    “Oo. Don’t worry, hindi kasama si Shiela at Tina. Nababanas ako sa kanila, eh. Masyadong maarte.”
    Tumango ako at ngumisi.

    Then, we’re settled. Sa bagay, mas maganda nga naman kung marami kami. Sa Cebu kasi lagi kaming marami kung pupunta ng bar. Para bang kami yung may ari doon kaya wala akong pakealam kung malasing man ako ng todo doon. Hindi naman ako hinahayaan ng mga kaibigan kong mawala sa paningin nila.

    “Okay, deal. Anong oras tayong magkikita? Saan?” Tanong ko habang naglalakad na kami sa corridors ng hotel.
    “Sa tapat na lang ng hotel.” Malagkit na ngumisi si Christian.
    Tumango ako at nag iwas ng tingin.

    Minsan kasi, yung mga malalagkit na ngisi at tingin ay na eencourage ng pag titig.

    “Sige, kita na lang tayo mamaya.”

    Kailangan ko nga palang pumunta muna sa suite namin ni Jayden para makaligo at makapagready. Sana ay wala pa siya doon.

    Pero nang tinulak ko na yung pintuan ay agad ko siyang naaninaw sa table. May pagkain siyang inihanda doon at may dalawang pinggan sa table. Humalukipkip siya at mas lalong sumimangot nang nakita akong pumasok.

    “Are you expecting someone?” Sabay halungkat ko sa gamit ko.

    Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

    “Don’t worry, kung may bisita ka, ayos kasi may lakad ako tonight. You can have the whole room.” Sabi ko.

    Mabibigat talaga ang buntong-hininga niya kaya hindi ko napigilang mapatingin sa kanya.

    “Anong problema-“
    “Hinihintay kita para makapagdinner na ako, Charity!” Simple niyang sinabi.

    Nalaglag ang panga ko at agad dumapo ang paningin ko sa mga inihanda niya. Roasted chicken. Darn! Pinaghanda niya ako?

    “What’s the occassion? Oh my! Don’t tell me happy birthday, Jayden!” Sigaw ko sabay hakbang papunta sa kanya.

    Mas lalo ko yata siyang nagalit.

    “It’s not my birthday, Charity. Mag di-dinner tayong dalawa. Now…” Tumayo siya at hinila ang upuan. “If you don’t mind…”

    Naglahad siya ng kamay sa upuan. Agad kumalabog ang puso ko. Darn, traydor na puso! Pwede bah? This isn’t his first sweet moment with me, wa’g kang umarte diyan na as if ito yung una.

    Nagkibit balikat ako at matamang tinignan siya.

    “Well…” Humakbang ako palapit sa kanya tsaka umupo.

    Umikot siya para umupo doon sa harap ko.

    “Let’s just eat and get this over with.” Sabay tusok ko sa kawawang manok.

    Nilantakan ko agad iyon. Gutom naman pala ako. Sige, buti makalibre ako ng pagkain. Tsaka… pagkataos nito, maliligo na ako, magbibihis at aalis.

    Nakatitig lang siya sakin gamit parin ang nakabusangot na mukha.

    “What?” Kinakagat ko na yung legs ng chicken.
    “Don’t you have a romantic bone in your body?”
    “HUH? Anong romantic?”
    “I wanna date you, Charity. Kaya kita pinaghanda nito. Don’t act as if inimbitahan lang kita sa pyesta at walang meaning ang lahat.”
    “Anong gusto mong gawin ko? Makipagtitigan sayo?” Inirapan ko siya.
    “Damn this girl.” Sabi niya sa sarili niya.

    Ang buong akala ko ay makikipagtalo pa siya sakin, pero nagkamali ako. Hinayaan niya akong kumain ng tahimik. Nilagyan niya rin ng wine ang wineglass ko. Hindi ko na siya tinignan.

    “Thanks.” Sabay lagok agad sa isang shot ng wine.

    Nakaupo ako doon hanggang sa unti-unti kong pinagmamasdan ang paglalaro niya sa bunganga ng wineglass. Nang naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya ay saka naman siya tumitig din. Nag iwas agad ako ng tingin.

    “Do you have some questions in your mind, Cha?” Malamig niyang tanong.

    Sinasabi ko na nga ba. I knew it. Ito ang gusto niyang mangyari ngayong gabi. Marami. Marami akong tanong na gusto kong sagutin niya. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko bang marinig lahat ng mga sagot niya.

    Ilang sandali pa ako bago nagsalita.

    “Do you still love her, Jayden?”

    Umiling siya. Tinitigan ko siyang mabuti. Tumitig din siya sakin. Kaya lang, agad akong bumitiw. It was dangerous. He is dangerous. Konting titig niya lang sakin, nalusaw agad ang dinidiligan kong galit sa puso ko. Nalulusaw ang mga pader na ginawa ko panlaban sa kanya. I don’t even know if he loves me, pero nalulusaw na agad. This is all just ego trip. Gusto niya lang akong makuha ulit to prove that he’s really good.

    “What happened between you and her?” Matabang kong tanong.

    Ilang sandali pa siya bago nagsalita. Pero nang nagsalita siya ay may dala namang buntong-hininga.

    “She cheated on me…”

    Tumango ako. That’s why… Kaya naman pala lagi niyang ipinapaalala sakin na hindi dapat ako nag chi-cheat. Dapat siya lang. Is this his ego trip all along? Kasi kung nag cheat si Trisha sa kanya, ibig sabihin masyadong naapakan ang pagkalalaki niya. Ibig sabihin, he lost his self-esteem. At nang natagpuan niya ako, unti-unti ko itong na ayos. Syempre, kasi hinabol ko siya.

    Napalunok ako. Hindi ko kaya iyong naramdaman kong nagbabara sa lalamunan ko. Damn these insecurties. I’m not usually like this.

    Simula pa noong highschool pa ako, hindi ko kailanman naranasan na may mas magaling, mas maganda, mas higit pa sakin. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko iyon. And I don’t like it. I just didn’t like this feeling.

    “Si Troy ba iyong ipinalit niya?”
    “Yup.” Simple niyang sagot.

    Pinahupa ko muna ang pakiramdam ko bago ako nagtanong ulit.

    “Sa tingin mo, bakit siya nag cheat sayo?”

    Naramdaman ko ang mariing titig niya sakin.

    “Because she loves him, Cha.”

    Kumunot ang noo ko.

    “Nang sinagot ka ba niya hindi ka niya mahal?”
    “Minahal niya ako, pero hanggang doon na lang iyon. Troy was her extreme love. Yung tipong hindi niya mabitiwan. Yung binabalik-balikan.”

    Kinagat ko ang labi ko. I can’t believe na siya mismo ang nagsabi sakin nito. Ibig sabihin, nag usap na sila ni Trisha tungkol sa nararamdaman nila?

    “And she’s your extreme love?” Tanong kong bitter.
    “Nabitiwan ko na siya at hindi ko na siya babalikan. That’s not extreme, Cha.”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. I want to be his extreme love. Yung tipong hindi mabitiwan. Yung binabalik-balikan. Darn!

    Tumango ako ng marahan. I guess that’s enough for now. Baka mamaya pag ipagpatuloy ko maging nagger lang ako dito at magmumukha ulit akong tanga.

    Tumayo na lang ako. Sinundan niya ako ng tingin.

    “Okay… I guess that’s all.” Pumihit ako at tinalikuran siya.

    Hinayaan niya akong pumasok sa bathroom. Naligo ako at natagalan sa loob. Paano ba naman kasi, biglaan kaming nag heart to heart talk ni Jayden. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Naiinis ako dahil sa pag uusap namin, hindi niya sinabi saking in love siya sakin, hindi niya sinabing extreme love niya ako… walang pampalubag loob. Hindi naman sa kailangan ko ng ganun ngayon…

    Nagblowdry ako ng buhok at nakita kong nakaupo parin siya doon at umiinom ng wine.

    “Where are you going?” Tanong niyang halos hindi ko marinig sa ingay ng blower.
    “Night out.” Sagot ko.
    “Night out?” Tumaas ang tono ng boses niya.

    Binaba ko ang blower. Tumataas na rin yata ang BP ko dahil sa tono niya.

    “Yes.” Sagot ko at binalewala ang kislap ng galit sakin.

    Hinalughog ko ulit iyong cabinet na pinaglagyan ko ng iilang gamit ko para hanapin iyong pills. Nagulat naman ako nang hindi ko mahanap ang mga iyon. Marami akong dala para hindi ako maubusan at hindi ko makaligtaan. Sigurado akong dala ko iyon pero wala iyon dito.

    “Darn! Where’s it…” Bulong ko sa sarili ko.

    Narinig ko ang padabog na paglapag ni Jayden ng wine.

    “Why can’t I make you stay?” Tanong niya.

    Nilingon ko siya.

    “The dinner doesn’t make it all okay, Jayden. I told you… I think we really are done.”

    You are just here to power trip, ego trip, that I’m all yours kahit hindi naging sa iyo si Trisha. I know I’m over reacting, pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon. It’s probably because alam ko sa sarili ko na kahit anong deny ko sa kanya, siya parin iyong gusto ko.

    Imbes na aminin ko iyon, I won’t give him the satisfaction of it, idedeny ko na lang. Coz sometimes, some things are just not enough to take the whole thing back.

    “Anong karapatan mo para magdesisyon niyan? This is OUR relationship, Charity. Tayong dalawa. Saan pumwesto yung desisyon ko satin?” Tumayo siya at lumapit sakin.

    Halos ginulo ko na ang buong cabinet sa pagmamadali at paghahanap ng pills. FVCK! Where is it?

    “Ito ba ang hinahanap mo?”

    Nilingon ko siya at ipinakita niya ang isang lalagyan ko ng pills.

    “Give me that, Jayden!” Sinubukan kong kunin iyon sa kamay niya pero inilayo niya agad sakin.

    Pakiramdam ko pusa akong pinagkakaitan nung yarn sa ginagawa niya. Matangkad ako, pero mas matangkad siya. Syempre, mas malakas din kaya kahit anong abot at pilit ko, hindi ko makuha iyon.

    “Give it back to me, Jayden.”
    “Bakit mo ba ito iniinom?” Seryosong tanong niya.
    Kumunot ang noo ko, “Why do you care!?”
    “Para safe? Tuwing may party, hindi ka na mag aabala?”

    Mas lalong sumiklab ang galit ko.

    “JUST GIVE IT BACK!” Nilahad ko ang kamay ko.
    “No. Way.” Aniya.

    Tumindig ang balahibo ko. Tinulak ko siya pero hindi siya natinag.

    “ALRIGHT! Baka gusto mo yang inumin kaya hindi ko babawiin. It’s all yours, then! I don’t need that!” Umirap ako. “Akala mo?”
    Nanliit ang mga mata niya, “Para saan ba ito?” Tanong niya.
    “Mind your own biz!”

    Yes, para iyan sa regular menstruation, at para na rin safe ako.

    Sinubukan ko ulit abutin pero hindi ko nagawa.

    “YOU!” Itinuro ko siya. “You aren’t my damn first and you won’t be my last, Jayden! Akala mo, ha? Ego tripping mo lang ito! Iniisip mong sayo ako ng buong-buo? Well, nagkakamali ka… By now, alam kong alam mo na kung anong klase akong babae. I’ve dated many guys… been with so many guys kaya wa’g kang mag ego trip sakin kasi ako yung babaeng hindi lang sayo-“

    Seryoso siyang humakbang palapit sakin. Napaatras ako at nanghina.

    “Really, Charity? Really?” Malamig niyang tanong. “Akala mo ba hindi ko alam kung anong nawala sayo nung first night natin?”

    Napalunok ako. DAMN!?

    “Alam ko. I felt it. Hindi iyon naging importante sakin dahil alam kong gabi-gabi ka sa bar, Cha. Pero naramdaman ko kung anong nawala sayo sa gabing iyon, so don’t act as if I’m not the only one. Because I know I am, Cha! I am the only one! At balak kong selyuhan iyon. Hanggang sakin ka na lang.”

  • Chapter 27Open or Close

    Chapter 27
    Ang Kama

    Napaawang ang bibig ko. Ang dami kong gustong sabihin pero mukhang ayaw yatang lumabas ng boses ko.
    Tinulak ko na lang siya at agad na tumakbo palabas ng kwarto.

    This is impossible. Just so impossible! Paano niya nalaman? Malalaman ba iyon?

    Well, yes, totoo yung sinabi ni Jayden. Maaga akong nagkafirst kiss, pero hanggang doon na lang iyon. Imbes na ikama ako ay pinaiikot ko yung mga pinag uusapan namin at binibitin ko ng bongga ang mga naging boyfriend ko. Simply because I just didn’t like it. Kumbaga, hindi ko sila ganoon ka mahal para ibigay ang lahat.

    Nung kami naman ni Jayden, naging masyado ko ata siyang mahal kaya ganun. DARN! At alam niya? Paano?

    “Hey, Cha!” Kumaway si Christian sakin.

    Napatalon ako. Kumunot ang kanyang noo nang nakita ang gulat na gulat na reaksyon ko.

    “May problema ka ba?” Tanong niya.

    Lumingon ako sa likod ko. Hindi naman ako sinusundan ni Jayden. Kumalabog ng mabilis at malakas ang puso ko. What is wrong with you, heart?

    “W-Wala.” Nauutal kong sagot.
    Ngumisi si Christian at itinuro sakin ang makakasama namin ngayong gabi.

    Nakita ko si Nicole at isang morenong malaki ang katawan na si Wesley. Pareho silang ngumiti kahit na kitang-kita ang pahapyaw na pagbusangot ni Nicole.

    “Really? o sige, tayo na.” Aniya at naglakad na siya sa direksyon ng Sand and Booze.

    Syempre, sumunod din ako kahit na praning ako at panay ang lingon ko sa likod. Pakiramdam ko kasi susundan kami ni Jayden.

    Nagtatawanan sina Wesley, Nicole at Christian. Hindi ko na alam kung anong pinag uusapan nila. Masyado na akong napapraning sa kay Jayden.

    Damn that guy! Ano kayang iniisip niya tungkol sakin ngayon? Lalo na nung sinabi ko sa kanyang marami na akong nakapiling na mga lalaki? At alam niyang hindi iyon totoo… Niloloko ko siya, oo, kasi alam ko namang iyon talaga ang iniisip ng mga tao tungkol sakin. Pero I just can’t believe it! Nalaman niya yung pagiging V ko!

    “Cha?” Naaninag ko ang nakakunot na noo ni Christian. “Are you really okay?”
    “O-Oo.”
    “Talaga? Parang ang weird kasi hindi ka nagsasalita.” Aniya.
    Tumawa ako ng hilaw, “May iniisip lang ako.”

    Nanliit ang mga mata niya saka inakbayan ako. Napatingin tuloy ako sa kamay niyang nasa balikat ko.

    “Lika na nga! Malapit na tayo sa Sand and Booze, oh!” Sabay turo niya sa bar sa tapat namin.

    He’s right! The bar was jam-packed with guests. Hindi ko alam kung makakakuha pa ba kami ng table o sa stage na lang agad kami.

    Nakita ko sa harap kong inakbayan na rin ni Wesley si Nicole na mukhang tuwang-tuwa sa ginagawa nito. Double date ba ito?

    Nawindang ako nang nakahanap agad ng table sina Wesley at Nicole.

    “Pinareserve namin.” Malaking ngiti ni Christian sakin.

    Ngayon ko lang narealize na malapit pala iyong mukha niya sa mukha ko kaya iniwas ko ito sa kanya.

    Umupo na agad ako sa highchair. Nag siupuan din sila at agad nag order ng hard drinks. Bacardi at Rhum Cola.

    Pinagmasdan ko ang buong bar, ang daming sumasayaw at mukhang lasing na. Hindi na rin kami magkarinigan nina Wesley, Nicole, at Christian. Kaya tuwing may sasabihin si Christian ay inilalapit niya sa tainga ko ang bibig niya.

    “Saya talaga dito pero iba parin ang Cebu.” Aniya.
    Tumango na lang ako para di ko na kailangang lumapit sa tainga niya.

    Syempre, nag inuman kami. Less talks since hindi naman kami magkarinigan.

    Matindi ang trance music dito, halo yung modern tsaka beach music. Parang gusto kong tumayo at sumayaw na rin.

    Hindi ko na namalayan ang oras, basta ang alam ko na lang ay paubos na ang bacardi at mejo mapupungay na ang mga mata ni Nicole at Wesley. Magka holding hands na silang dalawa at nagkakatitigan. Blurred lines.

    There’s a thin line between tipsy and drunk. Tuwing malalasing ka, magkakaroon din ng thin blurred lines ang friendship niyo ng kasama mo. Well, as for me, bihasa ako dito. Although, nararamdaman ko ang pag alon ng sahig dahil sa alak, hindi ko parin kayang mawalan ng ulirat. I’ve been a party girl for years, nainkwentro ko na lahat ng ganito noon.

    Sinundan ko ng tingin si Nicole at Wesley na magkaholding hands na umalis.

    “Sasayaw yata.” Nabigla ako sa mainit na hininga ni Christian sa tainga ko.

    Naglahad siya ng kamay bago pa ako makalayo.

    “Sayaw din tayo? Let’s finish what we started sa Life Dance?” Aniya.

    Ngumisi ako at nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. I love dancing. At dahil mejo tipsy na ako, mawawala ng pagsasayaw ang bisa ng alak.

    Pumikit ako nang nasa dancefloor na kami. Inaaalala ko lahat ng mga pagba-bar ko sa Cebu. Sa sobrang dalas ko sa bar, tanyag na ako doon. Ngayon, nawawalan na ako ng ganang pumunta sa mga ganito. I’m here pero yung isipan ko ay lumilipad sa apat na pader na kwarto namin ni Jayden.

    Darn! I’m in love with him. At natatakot akong ako lang yung in love dito. Sana lang ay kung may nararamdaman siya para sakin, hindi iyon para lang ma tabunan iyong nararamdaman niyang sakit kay Trisha. I hope I’m not a rebound. I wish I’m his extreme love. Sana ako yung hindi niya magawang iwan, at babalik-balikan niya. How will I know that kung agad akong bibigay sa kanya? I need to make sure, this time. Kasi hanggang ngayon, ramdam ko parin yung sakit ng sampal ni Trisha sa harap niya.

    Kumirot ang puso ko.

    Naramdaman ko ang kamay sa baywang ko kaya napadilat ako.

    Nakita kong malapit na si Christian sa mukha ko. Nakangisi siya at papapikit na ang mga mata.

    “You’re just so effing sexy, Cha.” Aniya sabay tulak pa sakin palapit sa katawan niya.
    “I know, Christian.” Pero hindi ka makakascore.

    Lumayo ako ng bahagya. Nakawala ako pero lumapit siya at mas lalong hinigpitan pa ang pagkakahawak sa baywang ko.

    “And you are such a tease.” Dagdag niya.
    “Just a tease for you, man.” Narinig ko ang tawa ng isang lalaki sa gilid ko.

    Pero bago ako makalingon ay hinila niya na ang braso ko. Si Jayden! Gamit ang kanyang nakabusangot at gwapong mukha ay tinitigan niya si Christian. Napalingon-lingon si Christian saming dalawa.

    “Oh? Ano? Hindi mo naman siya girlfriend, ah? Bakit mo siya hinihila palayo sakin?” Tanong ni Christian sabay hawak na rin sa braso ko.

    GOD! Why? Silang dalawa iyong nakahawak ng mahigpit sa braso ko. Para bang hindi nila namamalayang ang hirap ng sitwasyon ko.

    “Hey!” Tatanggalin ko sana iyong braso ko pero parehong humigpit ang pagkakahawak nila. “WHAT THE?”

    “Bitiwan mo siya, Christian.” Mainit na sinabi ni Jayden.

    Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Jayden pero hindi siya nagpatinag sakin.

    “Bitiwan mo, or I’ll fire you!” Galit niyang sigaw kay Christian.
    “No, Christian!” Sabi ko.

    Kahit na nababanas ako kay Christian, hindi ko rin nagustuhan ang panggagamit ni Jayden sa pagiging GM niya dito. Kaya lang, binitiwan ako ni Christian at galit na umiling kay Jayden.

    “May araw ka rin sakin!” Banta niya.

    Tinalikuran siya ni Jayden at lumabas siya ng bar na kinakaladkad ako.

    “ANO BA? GANITO BA LAGI ANG EKSENA PAG NASA BAR AKO? Lagi akong nakakaladkad mo?” Sigaw ko nang nasa labas na kami at nabawi ko na ang braso ko.

    Hinaplos ko ang braso kong pumula na yata sa higpit ng pagkakahawak niya.

    “Ano, Cha? You’re dirty dancing with that guy! Tingin mo okay lang iyon sakin? Why are you doing this to me?” Aniya na parang ang tanga ko lang kasi ganun ang ginawa ko.
    “Ano naman ngayon kung hindi iyon okay sayo? What’s it to me? I don’t need your freaking approval to do things on my own. May freedom ako dito, Jayden.” Sabi ko.

    Lumapit siya sakin. Agad tumakbo na parang kabayo ang puso ko. mabilis at mabigat ang hininga niya at diretso ang tingin niya sa mga mata ko, tumagos pa sa puso.

    “You don’t have, Cha.”

    Tumindig ang balahibo ko at napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit parang may mga paru-paru sa tiyan ko. Kung noon ito, sinampal ko na siya, kasi ayaw na ayaw ko iyong pinagkakaitan ako ng freedom. Ngayon, bakit ganito ang nararamdaman ko.

    Suminghap ako at umirap saka ko siya nilagpasan at umalis.

    “Yes, I give you your freedom, Charity. But not to be with anyone else. You are bound to me.”

    Halos tumakbo ako nang narinig ko iyon sa kanya. DARN! Half running akong dumating sa hotel. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang gusto ko siyang lingunin at halikan. OH MY GOD!

    WHY?

    Padabog kong sinarado ang pintuan. Agad niya itong binuksan.

    “Matutulog na ako!” Sabi ko sabay hila sa kumot.
    “Yes, right here, Cha. Dito ka lang. Hindi ka makakawala.”

    FOR GOD’S SAKE, WILL YOU STOP THIS JAYDEN? Uminit yung pisngi ko kaya tinabunan ko na lang ang buong katawan ko ng comforter. Ang tanging naririnig ko ay ang puso ko at ang mga footsteps niyang palapit sa kama. SHIT!

  • Chapter 28Open or Close

    Chapter 28
    Ang Bulaklak

    Mariin akong pumikit nang naramdaman kong lumubog ang kama, hudyat na humihiga na siya sa tabi ko.

    Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa gilid ko kaya imbes na maestatwa ako sa kinahihigaan ko ay tinalikuran ko siya.

    “You belong here beside me, Cha.” Marahan niyang utas.

    Nagtindigan ang balahibo ko lalo na nang naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko.

    “Jayden! What are you doing?”

    Nanigas na ako habang hinihigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin galing sa likuran.

    “Making you feel that I own you.” Bulong niya sa tainga ko.

    DAMN IT!

    “You don’t.” Sabay kabig ko sa kanyang braso pero nanigas ito doon at mas lalo pang humigpit.
    “Really? Kung ganun bakit ang bilis ng pintig ng puso mo ngayon? Bakit ka pinagpapawisan?” Aniya.

    Napalunok ako at mas lalo na lang naestatwa sa ginagawa at sinabi niya.

    “It’s just… so hot.” Marahan kong sinabi.

    Kinagat ko na lang ang labi ko pagkatapos ko iyong sabihin. Mukha atang mali pa iyong naging linya ko. Naramdaman ko ang mabilis na paghinga ni Jayden sa likuran ko. Tahimik lang siya at mukhang mas nagiging tensyonado kami.

    “S-So…” Nautal na ako sa kaba. “Uhm… Lumayo ka naman sakin. The bed is big. Hindi naman tayo mahuhulog kung me-mejo lumayo ka ng konti.”
    “I don’t want you cold, Cha. I want you hot.”

    Para akong nabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ko iyon sa kanya. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa batok ko.

    “Don’t worry.” His voice was husky. “Liligawan kita. All out, Charity. Kaya walang pwedeng mangyari satin dito, unless you kiss me. Remember that.”

    OH MY GOSH! Ang hirap! Weh? Hindi ko naman siya hahalikan kaya wala talagang mangyayari. Nahirapan ako sa pagtulog sa gabing iyon. Kahit sabihin pa nating nakainom ako at inaantok na ako dahil sa alak, ayaw mag shut down ng brain cells ko dahil sa mga sinabi at pinaramdam ni Jayden.

    Walang nangyari samin… Hay. O bakit tunog disappointed ako? Darn it! Nagising ako sa sumunod na araw dahil sa bango ng niluluto ni Jayden.

    Pinilig ko ang ulo ko saka tumayo. Mejo masakit ito, may slight hang over yata ako kahit hindi naman talaga ako lasing.

    “Good morning!” Bati niya habang nilalapag ang mga ulam namin.

    Bacon at sunny side up eggs. Nakatalikod siya sa akin dahil inaayos niya pa ang nalalabing bacon na hindi pa naluluto.

    Parang mag asawa lang. Napangiti ako at pinagmasdan ko siyang mabuti sa ginagawa niya. Ang gwapo talaga ng Jayden ko. Ang sabi niya pa kagabi liligawan niya na ako? Nag ilusyon lang ba ako kagabi? Baka naman masyado lang akong lasing kaya iyon ang nasa utak ko.

    “Kain na tayo!” Yaya niya nang natapos ang huling mga bacon.

    Umupo siya sa tapat ko. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko tsaka nilagyan niya ng maraming ulam. Nalaglag ang panga ko sa mga pagkaing nasa pinggan ko.

    “Jayden, tataba naman ako niyan.” Sabi ko.
    “That’s why I’m doing this, Cha. I don’t want you hot.” Aniya.
    Kumunot ang noo ko, “Ang sabi mo sakin kagabi, you want me hot? Bakit ngayon ayaw mo? Tsaka anong kinalaman ng pagkain sa pagiging hot ko?”
    Matama niya akong tinignan, “I want to make you hot. But I don’t want you to look hot.”

    WHAT? Nag iwas ako ng tingin pero mukha atang balak niyang itanim ko iyon sa kokote ko dahil titig na titig siya sakin.

    “Ang daming nagnanasa sayo. Kagabi sa bar, habang pinagmamasdan kitang napapaliyad at nag ga-grind sa gitna, maraming nabaling leeg sa kakalingon sayo.” Nag iwas siya ng tingin. “That;s the reason why I hate seeing you putting on those damn clothes.” Sabay turo niya sa damit ko.

    Napaawang ang bibig ko.

    “Kaya ba binili mo ako nung mga damit na tulad kay Trisha? The sneakers, the pants, the t-shirts and all?” Matabang kong tanong.
    “Binili kita non kasi hindi iyon nagpapakita ng sexiness. I want my girl to be hot in front of me… not in front of other guys.” Aniya.

    Tinignan ko siya ng mabuti.

    “Because you don’t want me to cheat. Right, Jayden?”

    Dumilim ang titig niya sakin.

    “Or m-maybe, binilhan mo ako ng mga damit na iyon para maalala si Trisha.”

    Darag kong nabitiwan ang mga kubyertos habang hinahabol ang sariling hininga. It’s early in the morning, Charity! Why are you so emotional? Naramdaman ko na lang ang nagbabara kong lalamunan.

    “We’re not having this conversation, again, Cha.” Aniya.
    “Why? Bakit ayaw mong balikan? I want to know, Jayden!”

    It’s just not that simple to trust him. Kung pagkakatiwalaan ko man siya, gusto kong may sapat akong ebidensya na ako iyong mahal niya, at hindi si Trisha… Gusto kong may matibay na ebidensya. Ayaw ko ng mabuhay sa pag asa. Gusto ko ng kasiguraduhan. This is pathetic, but I don’t want to be the loser in the end. Naging loser na ako nang binisita ko sila sa Manila at nalaman ang buong katotohanan. Ayoko ng bumalik pa sa pagiging loser ko.

    “Because this isn’t about me and her, Cha. It’s about us!” Tumaas ang tono ng boses niya.
    “Iyong picture sa cellphone mo ng babaeng nakatalikod, siya ba iyon? Sa Le Marcelle ba iyon?”
    Tumikhim siya at pinagmasdan akong mabuti, “Where is this conversation going?” Bulong niya sa sarili niya.
    “What’s with the sneakers? Bakit hindi mo siya pinigilan nang sinampal niya ako? Bakit-Bakit nagseselos si Troy sa inyo? May dapat ba siyang pagselosan?”
    “WHAT THE FVCK, CHARITY?” Sigaw niya.

    Tumayo agad ako. Ginalit ko siya. Oo. Mas mabuti na rin siguro itong nasasabi ko ang nararamdaman ko. Napasan ko na ang mga pagsusungit niya sakin ngayon, now it’s his turn. At sa klase niya, alam kong hindi niya ito makakaya. Hindi niya makakayang pasanin ang insecurities ko saming dalawa. He’s too controlling. Paano niya ide-deal ang isang babaeng hindi ma control ang feelings niya?

    Ngunit, ang tangi ko na lang naisip ay eto: Kung hindi niya ako kaya ngayon, wa’g na lang siyang tumuloy sa panliligaw. I’ll show him the shits I have, let’s see if he can handle it.

    “Kahit kailan, hindi ko naramdamang insecure ako kahit kanino. KAHIT KAILAN! Ngayon lang talaga! God, Jayden, you made me so insecure with her! Kasi alam ko simula palang mali na tayo. Mali na ako para sayo. So don’t just barge in to my heart again and say na liligawan mo ako…”

    Padabog akong nagmartsa palabas ng suite niya. DARN IT! Alam mo yung ganun? Pabigla-bigla na lang iyong nangyayari? Kinagat ko ang labi ko. Ang dami kong sinabi. Pero mabuti na rin iyon, kailangan kong ibuhos iyon lahat. It’s up to him now. Ayaw kong mag ipon ng mga sakit ng loob. Kung anong nasa puso ko, iyon ang lalabas sa bibig ko.

    Hindi na pwedeng tulad noon ay si-settle na lang ako sa mga sinasabi niya. Natatakot na akong masaktan ulit.

    “Nagpatawag ng meeting si Sir Jayden.” Sabi nung isang clerk.
    “Talaga? Hindi ko alam iyon.”

    Paano ba naman kasi, masyado kong ginawang busy ang sarili ko sa pag chi-check ng mga empleyado. Hindi naman ako magtatanggal pero ayaw ko lang manatili sa office kung saan naroon si Jayden. Ayaw ko muna siyang makasama. Alam kong pasan niya rin ngayon lahat ng mga sinabi ko.

    “Oo. Para iyon sa binabalak nila ni Ma’am Tina na party para sa mga empleyado, bukas.” Aniya.
    “Talaga? Mag papaparty siya?”
    “Oo! Ang bait ni Sir Jayden, ano?” Aniya.

    Kaya ilang sandali ang nakalipas ay pinatawag na lahat ng empleyado. Huli na akong pumasok. Buong akala ko ay nagstart na iyong meeting pero saka lang tumayo si Jayden nang nakita akong pumasok.

    Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Pero siya naman hindi matanggal ang titig sakin.

    “Ayan na, start na.” Sabi nung isa.

    Hindi parin ako tumitingin kay Jayden kahit na kapansin-pansin na ang pagtitig sakin at pagtayo niya sa harap.

    “Bago ang lahat…” Aniya.

    Tinignan ko ang kuko ko. I need manicure.

    “Charity, kumain ka na ba?”

    Napalingon lahat ng empleyado sakin. Halos malaglag ako sa upuan nang tignan siya ng matalim na tingin. WHAT? Napalingon-lingon na lang ako sa mga nakatitig na mukha sakin.

    “Kasi kung hindi pa, ipaghahanda na muna kita at imo-move ko na lang ang meeting mamaya.”

    Naligo ako ng mura ko sa sarili at unti-unting nilubog ang sarili sa upuan ko. Unti-unti akong tumango saka ngumisi ng plastik sa iba.

    “Tapos na.”
    “Good, then we’ll start…”

    Pabalik-balik ang tingin niya sakin. Napatingin tuloy ako sa kabilang gilid kung nasaan si Christian. Umiiling siya sakin tsaka nginuso si Jayden. Tumikhim ako at tinitigan na lang ulit ang kuko ko.

    “Is the plan okay with you, Charity?” Paimportanteng tanong ni Jayden sakin pagkatapos niyang inilahad ang plano niya bukas ng gabi.
    “Of course!” Hilaw na ngiti na naman ang naisalubong ko sa kanya.

    Narinig ko na ang mga bulung-bulungan tungkol sakin. Mas lalo ko na lang inilubog ang sarili ko sa upuan.

    Damn it, Jayden! Why are you doing this?

    “Good, then let’s call this a day.” Aniya tsaka umupo sa kanyang swivel chair.

    Isa-isang nagsilabasan ang mga excited na employees. Bukas ng gabi ang mga admin, kasama ako, ang mga lower employees ay sa susunod na gabi naman.

    Nagpatianod na rin ako sa mga lumalabas kaya lang…

    “Charity, you stay.” Aniya.

    Nakita kong umirap si Tina at umalis na para hayaan kaming dalawa ni Jayden sa opisina niya. Nakatayo ako ngayon sa harap niya at tinititigan niya lang ako hanggang sa humupa na ang mga empleyado.

    Ang pinaka huling umalis ang nagsarado ng pintuan.

    “Where have you been?” Tanong niya.
    “Ginagawa ang trabaho ko.” Sagot ko naman.
    Nanliit ang mga mata niya at tumayo siya para lapitan ako.

    Bumuntong-hininga ako at tamad na tumayo doon sa harap niya.

    “Ano na naman-” Tanong kong di na natapos nang nakita kong may isang bouquet siya ng bulaklak.

    “For you.” Aniya sabay ngiti.
    “For what? Kasi nanliligaw ka?”

    Nasa mukha ko na iyong bulaklak pero hindi ko parin iyon tinatanggap.

    “Hold it.” Utos niya.

    Dinampot ko iyon at umirap na.

    “No.” Aniya.
    “Then? Para saan? Hindi naman ako patay.” Malamig kong sinabi.

    Nalaglag na lang ang panga ko nang nakita siyang nakaluhod bigla sa harap ko.

    “I’m marrying you, Cha.”

    Tumingala siya sakin at inilahad ang isang engagement ring.

    Chapter 29
    Ang Basted

    “WHY?” Agad kong tanong pagkatapos niyang ibulalas sa harapan ko ang alok niya.

    Yes, I love Jayden so much! Pero hindi ako basta-bastang sasagot niyan. I still feel unstable.

    “You want assurance, right? Then I give you my name. I give you my world. I give you my heart.” Aniya nang nakaluhod parin.

    Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Gusto niyang mapawi ang insecurities ko kaya niya ito ginagawa. Hindi niya na ako niligawan. Mabilisan niya na lang na sinabi ito para agad ko siyang sagutin dahil alam niya kung anong isasagot ko rito. Madaya. Alam niyang mahal ko siya kaya pipikutin niya na lang ako basta-basta.

    Binaba ko ang bouquet. Nakita kong namutla siya dahil sa ginawa ko. Kinagat ko ang labi ko. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko.

    “This is ridiculous, Jayden. Why here?” Sabay turo ko sa place na pinangyarihan. “Wala man lang candles? Wala man lang magandang view? Just, why here? Basta-basta na lang ba ako? Bakit? Noong nanligaw ka kay Trisha, saan mo siya dinala? Na i-surpresa mo ba siya ng kahit ano-“

    Mas lalo siyang namutla sa sinabi ko.

    “S-Stop comparing yourself, Charity! Hindi ko siya niyayang magpakasal, ikaw lang! Can’t you see, I’m serious!” Giit niya.

    Yumuko ako at dahan-dahang umiling.

    “No.”
    “What?”
    “I said, no, Jayden, I’m not marrying you.”

    Pumihit ako at dumiretso sa pintuan. Iniwan ko siya doong nakaluhod at nakatunganga.

    Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya. Damn it, Charity! Mahal mo yung tao pero tinanggihan mo? It’s because, I just can’t marry him kahit hindi pa nawawala ang issues naming dalawa.

    Kaya imbis na makisalamuha kay Jayden ay binusog ko na lang ang sarili ko sa tanawin ng Bantayan. Nang gumabi ay dumiretso ako sa kwarto dahil alam kong nandoon pa siya sa opisina at maraming ginagawa.

    Humiga ako sa kama at agad nag flashback sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina. Jayden on bended knees habang ipinapakita sakin ang isang singsing na may diamond sa gitna. Kailan niya iyon inorder? Imposibleng kanina lang. Ibig sabihin, mejo matagal-tagal na? O baka naman sa Cebu niya pa iyon pinlano?

    Baka napressure ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya noong umaga? Mabilis akong nakatulog at nagising ako ng madaling araw.

    Nilingon ko ang gilid ko at nakita kong wala parin si Jayden doon. He’s still working? O baka naman sinasadya niyang hindi umuwi dito sakin?

    Tumayo ako para puntahan siya sa opisina. Dahan-dahan ang lakad ko nang palapit na ako doon. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

    Bumungad sakin ang nakasandal niyang batok sa swivel chair. Tulog na si Jayden.

    Lumapit ako sa kanya. Kaharap niya parin ang kanyang laptop. Mukhang hindi niya pa ito napapatay. Siguro sa kalagitnaan ng pagtatrabaho niya ay nakatulog siya.

    Ginalaw ko ang mouse para tignan kung anong ginawa niya kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakikipagchat siya doon.

    Trisha Roncesvalles Salazar. Iyon ang pangalan ng ka-chat niya. Napalunok ako at sinulyapan ang mahimbing na dragong natutulog. Sapo ko ang dibdib ko habang ini-scroll ang mga pinag-usapan nila. He’s still in contact with her. May communication. Alam ba ito ng asawa niya?

    Hindi na ako humihinga habang pinagmamasdan iyon. Nakita ko ring background ng pag cha-chat nila ay ang profile ko sa Facebook. Ang tagal ko nang hindi nag oonline. Kaya naman outdated na ang mga pictures ko. Profile Picture ko pa iyong Status Party last March. Hindi ko pa nakikilala si Jayden niyan.

    Iniscroll ko muli ang chat nilang dalawa.

    Trisha: How was it?
    Jayden: Basted.
    Trisha: WHAT?
    Jayden: On bended knees akong inalok siyang magpakasal, still, it didn’t work.
    Trisha: Sabi ko naman sayo, we girls are the same. Kahit na mahal ka niyan, gusto parin niya ng dahan-dahan. Gusto parin niyang ligawan mo muna siya.
    Jayden: But I wanna marry her…

    SHIT! Halos hampasin ko ang mesa sa harapan niya. Tinakpan ko na lang ang nakanganga kong bibig habang pinagpatuloy ang pagbabasa.

    Trisha: Tinamaan ka talaga yata. Haha! Niligawan mo ako noon, hindi inalok ng kasal. Ang galing!
    Jayden: I know. Minsan kasi masyado siyang nahuhumaling sa pagiging malaya. Wala siyang pakealam kung sinong masaktan niya, ang importante masaya siya at nagsasayaw sa bar. I hate it, Trish.
    Trisha: Sabi ni Troy dapat daw yatang imbes na yayain mo siya mag pakasal, pikutin mo tsaka samahan mo na lang tuwing nag ba-bar. Haha!
    Jayden: I’m doing that all the time.
    Trisha: She’s probably really hurt then. I’m sorry, Jayden.
    Jayden: Kasalanan ko. Pero hindi ko siya mabitawan. Can’t just let her go.
    Trisha: Mahal mo, eh

    Hindi na nakasagot si Jayden. Gumalaw siya ng bahagya kaya napatalon ako at halos tumakbo palabas ng opisina, pero bago ko iyon nagawa…

    “Cha!” Malamig niyang utas.

    Lumayo ako sa kanya. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kaya ayan at hindi ko siya matignan ng diretso.

    Sumulyap siya sa laptop niyang pinakealaman ko.

    “I-I’m just checking on you. H-Hindi ka kasi natulog sa suite.”

    Kinusot niya ang mga mata niya saka ako tinignan ng madilim.

    “You don’t want me there.” He said a matter of factly.

    Pinisil ko ang mga daliri ko.

    “B-But it’s your suite.”
    “It’s yours now, too.”

    Sinulyapan niya ang laptop niya saka ako tinignang muli. Pinagsalikop niya ang mga daliri niya.

    “So… Nakita mo yung mga ginagawa ko dito sa computer ko?”
    “Hindi.” I lied.

    Suminghap siya at tumayo.

    “Do you want me in our room?” Tanong niya.

    Napaatras ako.

    “Uhm…”
    “If you want me in our room, then I’ll sleep with you.” Aniya.
    “Bakit mo naman nasabing ayaw ko?”
    “Binasted mo ang proposal ko. Bakit ko naman iisiping gusto mo ako?” Masungit niyang sinabi.

    It’s because I want to feel your love slowly. I want assurance bago kita sagutin.

    “What do you want, Cha? How can I make you love me again? How can I make you marry me?”

    Tumindig ang balahibo ko sa mga tanong niya. Hinaplos niya ang baba ko at itinaas ito para mahuli ang mata ko.

    Napapikit ako sa lambot ng paghaplos niya sa pisngi ko.

    “Coz I think this love is extreme, Charity. Kahit anong balikwas mo sa akin, pipilitin ko paring pumasok sa puso mo ulit.

    Binigyan ko ng lakas ang nangangatog kong mga binti. Parang kulang na lang ay tumalon ako at hagkan siya. I just wanna hug him… Napawi lahat ng pagdududa ko. Napawi lahat ng insecurities ko. Ni hindi ko na maintindihan kung ano iyong rason ko kanina at tinanggihan ko siya. Nakalimutan ko lahat.

    Cha, invest more on your self. Invest more on the people tht matter. You shouldn’t settle with him, sinaktan ka niya at sasaktan ka pa niya kung may pagkakataon siya. Ikukulong ka niya sa mga palad niya, you won’t have your freedom anymore. You will be jailed in his arms. Magiging miserable ka lang kasi masasaktan ka ng lalaking yan. He has that power. The power to ruin you… into more pieces you were ever broken.

    I didn’t like that.

    Lagi akong in control sa feelings ko noon. Lagi kong napipigilan. Or maybe, wala lang talagang nakapagpatibok sa puso ko tulad ng ginagawa ng lalaking nasa harapan ko?

    Napatingin ako sa mga mata niya. His eyes were sorrowful. Nahihirapan din siya. Alam kong hindi niya rin alam kung anong dapat niyang gawin. Natunaw lahat ng mga ipinangako ko sa sarili ko. Nabiyak ang lahat ng plano kong mag re-evaluate ng mga tao sa buhay ko. Because Jayden will be the only exception. Hindi ko na siya kailangang i-evaluate. Babalikan at babalikan ko siya kahit na ano man ang kasalanan niya. Kahit na nasaktan niya ako. He’s my extreme love, too.

    Humugot siya ng mas malalim na hininga at hinawakan ang kamay ko.

    “Let’s go to our room.”

    Marahan niya akong hinigit. Hindi ko na kayang pumiglas. Nagpatianod na lang ako sa paghila niya.

    Nang nakarating na kami sa loob, umupo siya agad sa kama at binuksan ang mga butones ng polo niya.

    Umupo din ako sa kama naming dalawa tsaka dahan dahang gumapang sa kama. Matitindi ang pagbubuntong-hininga niya. Para bang ang laki-laki ng pasan niyang problema.

    “Ang sakit palang tanggihan sa alok na kasal.” Aniya.
    “Gusto kong ligawan mo ako, Jayden.” Agad kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos ko iyong sinabi.

    Humiga siya sa kama. Ngayon, hindi niya na ako hinagkan tulad ng ginawa niya kahapon.

    “Kahit na pakasalan mo ako, liligawan parin kita araw-araw. Do you think kakaligtaan sa oras na kasal na tayo? Hindi. I’ll make sure you’ll be obsessed with me.”

    SHIT! Meron pa ba akong i-oobsess nito? I think I’m already so obsessed with him… pakiramdam ko illegal na nga itong pagkakaobsess ko sa kanya.

    “Pero, sige, since you want me to court you, then I will. Basta ipangako mo sakin hindi mo na ulit babanggitin si Trisha. Hindi ka na maiinsecure sa kanya. Sa oras na marinig ko ulit sa tono mo na naiinsecure ka sa kanya, magtatawag na ako ng huwes o pari para ipakasal tayo.”

    God, anong klaseng banta iyan?

    “Remember the rules, Cha. You get jealous, I’ll marry you. You kiss me or make me jealous, then I’ll make love to you… and I’ll remind you kung sino talaga ang nagmamay-ari sayo.”
    “Bakit? Sino bang nag ma-may ari sakin?” Nakangisi ako sa ilalim ng kumot.

    DARN IT! The feels!

    “You want to know?” Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa tiyan ko.

    Halos ma electrify ako sa sobrang kilig.

    “I think… I already know.”

  • Chapter 30Open or Close

    Chapter 30
    Ang Blender

    Mahimbing ang tulog ni Jayden sa gabing iyon. Ako naman, puyat na puyat dahil sa kamay niyang nakapatong sa tiyan ko.

    Kaya naman, kinaumagahan ay tanghali na ako gumising. Nilingon ko agad ang katabi ko at nakitang wala na siya roon. Busy talaga siya. Mamaya na rin kasi iyong party ng staff. Tapos may bukas pa.

    Dahan-dahan akong bumangon saka hinawi ang buhok ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

    “Gising ka na pala.” Bumuntong hininga siya at nagmadaling pumasok sa loob.

    Naka longsleeve na puti siyang ni-fold niya hanggang siko. Napatingin ako sa relo at nakita kong alas diyez na pala ng umaga.

    “B-Ba’t di mo ako ginising?” Tanong ko.
    “I want you to rest.” Aniya habang hinahalungkat ang mga kubyertos sa kitchen.

    Kumunot ang noo ko at tumayo sa pagkakaupo sa kama.

    “Tapos na akong mag breakfast kaya magbreakfast ka na rin.” Aniya habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa.
    “B-Bakit mo ako pinaghahanda?” Tanong ko at nilapitan ang mesa.
    Nagkasalubong ang kilay niya at tinitigan ako ng matalim, “Masama ba?”
    “Pero may trabaho ka pa. Naiinitindihan ko naman kung hindi mo ako mapapakain.”
    “Hindi ko maiintindihan iyon. Kung mahal ko, pagsisilbihan ko. Walang trabahong mauuna.” Malamig niyang sinabi.

    Ngumuso ako. Bakit kahit malamig ang tono niya ay napapangiti ako sa mga sinabi niya?

    “Okay.” Sabi ko sabay upo sa upuan at hinarap ang mga pagkain.
    “Eat well. Balik lang ako sa trabaho.” Aniya. “And… magtrabaho ka na rin. Nakakaantok mag isa sa opisina.” Ngumisi siya sakin.
    “Alright.” Sabi ko nang nag iiwas ng tingin.

    I still don’t know how to react when he’s being sweet.

    Kaya pagkatapos kong kumain, maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa opisina niya. Hindi naman pala siya mag isa dito, andito ang mga supervisors, si Christian, si Wesley at marami pang iba.

    Nagmemeeting ata sila. Bahagya siyang natigilan sa pagsasalita noong pumasok ako. Hinawi ko ang buhok ko saka dumiretso na lang sa table ko. Hindi ko na lang sila pinansin.

    Umupo ako sa swivel chair ko saka tinignan ang mga files na nakatambak sa mesa ko.

    “Okay, meeting adjourned.” Biglang sabi ni Jayden sa mga kasama niya.
    “Pero sir… Talaga bang wala ka tomorrow?” Tanong ni Tina.
    “Yep.”

    Napatingin ako sa kanya. Wala siya bukas?

    “Uuwi kami ni Cha sa Cebu City. Kayo na muna bahala dito.”
    “But why?”
    Ngumisi si Jayden, “May pag uusapan lang kami ni Mayor Rama.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagtindigan ang balahibo ko nang seryoso niya akong tinignan.

    “WHOA? Sir, totohanan na ba yan?” May narinig akong nagsabi noon.

    Nagsunod-sunod ang bulung-bulungan ng mga tao. Nakita ko ring lumingon si Christian at umiiling sakin. Hindi na ako nagbigay ng comment. Mas lalo ko na lang inilubog ang sarili ko sa swivel chair at hinarap ang maraming papeles.

    “Wow, Cha! Ang swerte mo!” Dinig kong sinabi ni Nicole.

    Hinintay kong maubos silang lahat doon bago ko binalingan ng matatalim na titig si Jayden.

    “What did you just say?” Tanong ko.
    Bumuntong-hininga siya, “I’ll meet your dad, Cha.”
    “WHY?” Agad kong tanong.
    “Of course, hihingin ko ang kamay mo- I mean, manliligaw ako sayo!”

    Kahit kailan, wala pang na meet si daddy sa mga naging boyfriend ko. I just didn’t like it. Mayroong gusto siyang ma meet pero hindi ko pinapayagan. Meron ding kilala niya pero hindi kailanman nakatapak sa bahay para ipakilala ang sarili niya as boyfriend ko. Si Jayden pa lang!

    Napalunok ako sa sinabi niya.

    Dad will think that I’m getting serious this time… Kinakabahan ako. Hindi dahil natatakot ako kundi dahil sa sobrang excitement.

    “Sana magpakasal ka na lang sa isang matinong lalaki kesa mag party ka gabi-gabi.” This has always been his line.

    Ayaw niya akong lumalabas gabi-gabi. Ayaw niya sa freedom na binigay niya sakin. Ayaw niya sa pagiging uhaw ko sa freedom. Gusto niyang matali na lang ako nang sa ganun ay wala na siyang aalahanin.

    At ngayong may matinong lalaking haharap sa kanya. I know he’ll be more than happy na ipamigay ako.

    “Kailangan pa bang humarap kay Dad? Pwede naman sigurong saka na.” Sabi ko.
    Umiling siya, “Napostpone niya na yung mga meeting niya para bukas ng dinner.”

    Nanlaki ang mga ata ko sa sinabi niya.

    “How come? W-What?”
    “Nag pa set ako ng appointment sa secretary niya.”
    “Hindi siya basta-basta nag se-set ng appointments. He’s the mayor. He’s busy. Sobrang busy. Paano mo nagawa iyon?”
    “I told him I’ll marry his daughter so I need to see him as soon as possible. Kaya siya ang nag set ng date bukas.”
    “WHAAAT?”

    Halos mapunit na siguro ang mukha ni Daddy sa kakangisi ngayon. Finally, his Charity will have a man!

    Halos malaglag ako sa upuan ko nang tinitigan ko ang seryosong mukha ni Jayden.

    “Ayaw mo ba talagang pakasalan ako?” Tanong niya nang nanliliit ang mga mata.

    May dinampot pa siya sa ilalim ng mesa niya at nakita ko ang isang malaking box ng tanyag na chocolate: Ferrero Rocher.

    Tumayo siya at lumapit sa table ko dala-dala iyon.

    “Niyayaya mo na naman ba ako?” Tanong ko.
    “Hindi. Kasi kung niyaya kita ulit, hindi ganyan ang isasagot mo.” Umirap siya.

    Ang sungit talaga ng isang ito.

    “By the way, eat all of these ah?”

    Napatingin ako sa mga chocolate. Ito na yata yung pinakamalaking box ng Ferrero.

    “Huh? Ayoko nga. I’ll get fat. Ayokong tumaba.”
    Nagdilim ang titig niya, “Bakit? Sino pa bang pinapasexyhan mo eh wala na naman, ah? Mahal na kita kahit anong mangyari kaya tumaba ka man, wala akong pakealam.”
    “Anong sasabihin ng iba? Magmumukha na lang akong balyena bigla? Ayoko nga. I’m the sexy Charity Rama, I just can’r give this image up just because of these chocolates.”
    “You’re giving up your image because of me.”
    Ngumuso ako, “You don’t love me for me, Jayden. Hindi mo ba talaga matatanggap ang buong pagkatao ko?”
    “Tanggap ko, Cha. I just need to know that I’m part of you. I need to feel it… I need your name marked mine. I want you to include me in your image, in your life.” Aniya sabay tulak sa chocolates.
    “Kailangan ba talagang tumaba ako?” Tanong ko.
    “You won’t get fat with me, Charity.”
    “Hindi? Eh pinaghahanda mo ako araw-araw, 3 times a day, tapos pinapakain pa ng chocolates na ganito ka rami? I’m not bulimic, Jayden. Buti sana kung pagkatapos kong kumain ay isusuka kong lahat ng ito.”
    “No… You still won’t get fat.”

    Ngumisi siya. Yung tipong ngisi na nararamdaman kong may masamang binabalak. Kahit ganun ay mas lalo ko tuloy siyang gustong hagkan. WHY? Why, Jayden? Why are you so handsome?

    “Pagpapawisan ka gabi-gabi kaya mababawi mo rin yan. So if I were you, bibilisan ko na ang pagsagot sa suitor kong si Jayden Corpuz, para hindi na tumaba at laging pagpawisan twing gabi.”

    Nag iwas ako ng tingin. Narinig ko ang halakhak niya.

    “God, Jayden. What are you talking about?” Nag iwas ako ng tingin.

    Alam ko. Noon ay hindi naman talaga ako uncomfortable pag pinag uusapan ang mga ganito, pero ngayong siya na ang nagsasalita ay nahihiya na ako. Pakiramdam ko may makakarinig.

    Hindi natanggal sa utak ko ang mga sinabi niya. Hanggang sa nag party na ang staff.

    Maraming single kaya madalas na game ay by pairs. Ang saya. Hindi mapawi ang ngiti at tawa ko sa banana eating contest, hanapan ng pin, at marami pang pair games. Pero kahit kailan ay hindi ako nasasali. Nakakabanas nga, eh, kasi muntik na akong masali pero palagi akong tinatanggihan ng emcee.

    Nakasalikop ang kamay ni Jayden sa presidential table, katabi si Chase Martin at Eliana habang nanonood ng game.

    “Damn, I really want to join the banana eating contest.” Bulong ko sa sarili ko.
    “Hmm? Mukha atang hindi ka pinapasali ng possessive mong Manager.” Sabi ni Christian sakin.
    “Huh?”
    “Kanina pa nga ako tinitignan niyan. Kaya hindi kita yayayain. Katabi pa naman niya si Mr. Castillo, mamaya masibak pa ako dito. Kailangan ko pa naman ang experience dito para matanggap sa Resorts World.”

    Tumayo ako nang nakita ang mga matang lawin ni Jayden na nakatitig kay Christian habang nakikipag usap kay Chase.

    “I want to join!” Sabi ko sa emcee sabay kuha ng saging.

    Natatawang pinag agawan ako ng tatlong staff na lalaki. Pumili ako ng mejo presentable ang mukha. Nagkantyawan pa sila sa isa’t-isa at pinuri ang pinili ko.

    “Go na!” Sabi ko dahil nakikita kong nakatayo si Jayden at umaambang pipigilan ako.

    “O-Okay! Ready participants? Ang mananalo nito ay makakatanggap ng blender each!”

    FOR THE BLENDER, CHARITY! Halos humagalpak ako sa tawa nang nalaman ko kung anong prize.

    “Ready, gooooo!” Umalingawngaw ang boses ng emcee at agad ko ng binuksan ang saging gamit ang bibig ko.

    “Hey, hey, hey!” Mas lalong umalingawngaw ang boses ni Jayden.

    Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakangisi si Tina sa gilid niya. Pinagmamasdan nito ang mga kamay nila ni Jayden na magkahawak at papalapit sakin.

    “Oh? Nakahanap na ba siya ng iba? O baka naman pagseselosin niya ako through Tina?” Bulong ko sa sarili ko.

    Pero nagkamali ako.

    Tinabi niya si Tina sakin. Umalingawngaw ang tawa at palakpak ni Chase sa presidential table sa harap.

    “You want the blender? I’ll give you dozens, Cha. Just don’t join the damn game! Tina!”
    “Sir?” Mabilisang sagot ni Tina.
    “Sub kay Charity.”

    Hinila niya ang saging na kinagatan ko na at tinitigan ang lalaking kapares ko.

    “Wa’g ka ngang mag skandalo.” Sabi ko sabay tulak kay Jayden.

    Imbes na hawiin niya ang kamay ko ay hinawakan niya ito.

    “Continue the game without her.”

    Kinagat niya ang saging na may kagat ko na.

    “And you really are making me too damn jealous, Charity. You know what will happen next right?” Bulong niya sa tainga ko.

    Yes, I know… OMG! Mukhang tunay yatang mababawi ko yung kinain kong chocolate kanina.

  • Chapter 31Open or Close

    Chapter 31
    Ang Katapat

    Kinaladkad ako ni Jayden papuntang suite namin.

    “Jayden, we c-can’t just leave the party.” Sabi ko pero huli na ang lahad.

    Padabog niyang sinarado ang pintuan ng suite niya at marahas na hinawakan ang batok ko. Nanghina agad ako sa ginawa niya.

    “I hate it, Cha. I hate it when I get jealous.” Bulong niya saka hinalikan ang ilalim ng tainga ko.

    Kinagat ko ang labi ko. Kung hayaan ko na lang na nakaawang ang bibig ko ay baka mapa ungol na ako sa kiliting nararamdaman.

    Tinulak ko siya at tinigil niya ang paghalik sa leeg ko pababa. Hinuli ko ang labi niya at hinalikan ito.

    Wala akong pakealam kung nanliligaw pa siya sakin, gusto ko rin siyang halikan, eh.

    Naramdaman ko ang pagbilis ng hininga niya. Hinawakan niya ang balakang ko at binuhat. Agad kong idinikit ang sarili ko sa baywang niya. Pinulupot ko ang mga binti ko sa baywang niya. Yung kamay niya ang nakasuporta sakin. Pinulupot ko na rin ang kamay ko sa leeg niya at patuloy siyang hinahalikan.

    “Do you love me, Cha?”

    Umiling ako at ngumisi. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya.

    Naglakad siya papuntang sink at nilapag ako ng bahagya.

    “Do you want me back?” Tanong niya.

    Umiling ulit ako at hinuli ang labi niya.

    The Push and Pull theory… Ipakita mong gusto mo siya pero ideny mo. I can’t believe I can still apply the Art of Seduction this time.

    “Then…” Narinig kong umungol siya sa halik kong mapupusok. “Jesus! What are we?”

    Agad nag init ang kaloob-looban ko. Unti-unti ko na lang binuksan ang butones ng damit niya.

    “Nothing, Jayden. We’re nothing.” Nanginginig kong sinabi.

    Hinawakan niya ang kamay ko at nakita kong pumikit siya. Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng damit niya. Habang ginagawa ko iyon ay abala siya sa pagtatanggal ng bra ko sa loob ng dress ko.

    Naramdaman ko ring hinaplos niya ang gitna ng hita ko. Natitigilan tuloy ako sa pagtatanggal ng butones.

    Nakita kong kinakagat niya ang labi niya habang hinahaplos iyon. Napapikit ako sa init na naramdaman ko.

    “Oh my gosh…” Sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa braso niya.

    Saka niya naman iyon tinigil. Dumilat ako para tignan siya. Hinaplos niya ang batok ko at umiling siya.

    “That’s enough for now, Cha. Pinagpawisan ka naman, diba? At hindi pa tayo-“
    “WHAT? A-Ang sabi mo we’ll make love pag nagseselos ka?” Nanghihinayang kong tanong.
    “Sagutin mo muna ako.” Aniya.

    Napakamot ako sa ulo.

    “You undressed me, tapos bibitinin mo ako?”
    Kumunot ang kanyang noo, “You’re kissing me like you want me inside you and you ignore my questions? No way, Charity.”

    Uminit ang pisngi ko.

    “I know you too well… Ganyan ka talaga kung kumuha ng atensyon. Ipaparamdam mong ako pero hindi naman pala. What’s that? Some kind of push or pull?”

    Shucks! Natututo na yata siya sa mga ginagawa ko, ah?

    “You’ll get fat, Cha. Kung hindi mo ako sasagutin. Foreplay isn’t enough to burn the calories.” Umiling siya at tinalikuran ako.

    Hindi ako umalis doon sa sink. Pinagmasdan ko na lang siyang umuupo sa kama at tinatanggal ang sapatos niya. Damn it! Binitin niya talaga ako ng sukdulan! Mukha ring wala na siyang planong balikan ako dito. Hindi man lang siya tumitingin sakin kaya lumapit ako sa kama.

    “Okay, magbibihis lang ako.” Sabi ko sabay dahan-dahang inalis iyong dress ko.

    Nakita ko siyang bahagyang tumitig sakin. Hindi ko pala naayos iyong bra ko kaya inayos ko na lang.

    “Maliligo lang ako tapos matutulog na.” Sabi ko.
    “Bilisan mo, maliligo din ako.”

    Napatingin ako sa suplado niyang mukha. Why don’t you join me? Conserve water! Damn, Jayden! Hindi ko na lang pinatulan ang pagiging masungit niya. Naligo na lang ako ng mabilisan pero sinigurado kong mabangong-mabango ako paglabas.

    Nang natapos na ako sa pag ligo ay siya naman ang sumunod. Napatingin ako sa tuwalya niyang konti lang ang natatabunan. OMG! Tinaas ko na lang ang kilay ko at nilagpasan siya.

    Dumiretso din naman siya sa loob. Hindi ako nagbihis hanggang sa natapos siya. Halos nilamig na nga ako sa hindi ko pagbibihis, eh. Tinayming ko talagang paglabas niya ay nagpapahid ako ng lotion sa legs.

    Nakita kong tumaas ang kilay niya sa tanawing nakikita sakin.

    “15 minutes ka nang nag lolotion?” Panira niya.
    “Hindi. Ngayon lang ako nagsisimula.” Sagot ko namang totoo.
    “Bakit?”
    “Wala lang.” Nagkibit balikat ako.

    Pinagpatuloy ko ang pag lolotion ko sa harap niya.

    Nakita kong nakabihis na siya ng boxers bago umalis ng banyo. Nagsoot agad siya ng mga damit saka humiga sa kama.

    “Hindi ka ba magkakasakit niyan? Magbihis ka na.”

    Seriously? Hindi ko ba talaga siya na tetempt.

    “Yeah, yeah.” Matabang kong sagot.

    Nagbihis ako pero hindi niya iyon nakita. Tumalikod kasi siya. Ayaw niya atang matukso.

    “Jayden?”
    “Hmmmm…” Hindi parin niya ako nililingon.
    “Paki soot ng bra ko.” Malambing kong sabi.
    “Why? Babae ka naman at lagi kang nagsosoot ng bra? Bakit ngayon hindi ka na marunong?” Masungit niyang tanong ngayong nakatalikod parin.
    “Okay… Maybe I should find someone who can do it for me, then?” Malamig kong sinabi.
    “Damn it, Charity! Stop pushing my buttons!” Aniya sabay harap at bangon.

    Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at tumalikod. Dahan-dahan niyang inayos ang bra ko.

    “There… Magbihis ka na.” Aniya.

    Hinarap ko siya kaya’t nag iwas agad siya ng tingin sakin.

    “Okay…” Sabay soot ko sa spagetti strap kong damit.

    Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga lalo na nung gumapang ako sa kama niya.

    “Matulog ka na. We’re leaving early tomorrow. Ayokong ma late tayo sa meeting namin ng dad mo.”

    Tinignan ko siya pero nakapikit na siya. Damnnnnnnnn! Mukha talaga yatang walang mangyayari samin ngayong gabi. Ang sungit ni Jayden! Super sungit! Nakakafrustrate! Buti nga sayo, hindi kita sasagutin! Akala mo ah? Umirap ako at tinalikuran siya sa kama.

    “K.” Malamig kong sagot.

    Naramdaman kong bahagya siyang lumapit sakin.

    “Damnnnnn… I just can’t get enough of you.” Aniya sabay pulupot ng braso niya sa baywang ko.

    Halos mabaliw ako sa sinabi at ginawa niya. Sabi na, eh! Ituloy na, please?

    Hinarap ko siya at nakita kong pumungay ang mga mata niya.

    “But like you, I want assurance too, Cha. Are you really mine?”
    Ngumisi ako at di siya sinagot.

    “DAMN IT, CHARITY! YOU ARE!” Sagot niya sa sariling tanong niya.

    Hinalikan niya ang batok ko. Tumindig ang balahibo ko. Naestatwa na lang ako sa takot kong maramdaman niya ang paghuhuramentado ko.

    “See? You really are mine.” Humalakhak siya.

    Hindi niya ako pinilit kahit na hindi niya naman ako kailangang pilitin. Actually, ako pa yata yung gustong pilitin siya. Kaya lang, hindi ko pa kayang sagutin siya. Ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal niya sakin, pero naghihintay ako ng magandang tyempo kung kailan ko siya dapat sagutin.

    I’m being cautious now. I can’t afford another heartbreak.

    Kinaumagahan, naghanda na kami ni Jayden pabalik ng Cebu. Siya ang nagdala ng lahat ng bags ko. Nakabusangot ang mukha niya habang tinitignan akong nagpapaalam kay Christian at Wesley.

    “Kelan ang balik niyo?” Tanong ni Christian.
    “Hindi ko alam. Siguro mga tatlong araw mula ngayon.” Sagot ko.
    “Uuwi rin siguro ako ng Mandaue bukas.” Aniya.
    “Talaga? Sayang, sana sumabay ka na lang samin, libre ka pa sa barge at van-“
    “CHARITY!” Tawag ni Jayden sakin.

    Nilingon ko siya at nakita kong nag aapoy ang mga mata niya. Ooooppps!?

    “Yes, Jayden.” Malambing kong sinabi.
    “Hehe.” Napakamot si Christian sa ulo. “Okay lang. Sige, mauna na kayo.”
    Tumango ako at dumiretso na sa nag aapoy na si Jayden.

    Binaba niya ang bag ko sa harapan ko.

    “Carry your own bag! That’s the price you are paying for today!” Aniya.
    “What?” Tinignan ko ang malaking bag kong nakalapag sa harap ko.

    Pumihit siya at naglakad ng kaonti. Napatingin ako kay Christian at Wesley na ngayon ay palapit na sakin.

    “Ako na lang, Cha. Tutulungan na kita.” Ani Wesley sabay dampot sa bag ko.
    “Sama na ako.” Sabi ni Christian.
    “Thanks, ah?” Ngumisi ako at babawiin na sana ang bag kaso may humablot na sa bag ko.
    “Stupid! Pinaparusahan ko, tapos i-spoil niyo? I’m the boyfriend, so you stay where you are and stop waiting for the opportunity.” Umirap si Jayden kay Wesley at Christian.

    Natahimik ang dalawa habang tinitignan si Jayden na mura nang mura palayo samin.

    Nagkibit balikat na lang ako sa dalawa. Kasabay silang umiling at humalakhak.

    “FASTER, WOMAN!” Sigaw niya sakin.
    “Opo, eto na po!” Sigaw ko pabalik sa kanya.
    “Leche… magreresign na ako. Hindi ko kayang makita si Sir Jayden na nagpapaalipin sa isang babae. Akala ko firm at authoritative, iyon naman pala si Charity lang ang katapat.” Humagalpak sa tawa si Wesley.

  • Chapter 32Open or Close

    Chapter 32
    Ang Prima

    Malamig ang trato ni Jayden sakin buong byahe. Nakabusangot ang mukha niya at natulog na lang sa tabi ko.

    “Jayden, ginugutom ako.” Ginising ko siya sa kalagitnaan ng byahe.

    Kinusot niya ang kanyang mata at tinignan ako.

    “Paki tigil po ang sasakyan pag sa pinakamalapit na syudad o kainan.” Aniya sa driver.

    Hinawakan ko ang tiyan ko at nag pout sa inaantok niyang mukha. Inirapan niya ako. Kahit natulog siya ay hindi niya parin yata nalilimutan ang nangyari kanina.

    Ang sungit! Pero caring at sweet at the same time.

    Ang laki ng ngisi ko pagkatapos kong kumain. Hanggang Cebu City yata malaki parin ang ngiti ko. Pero nang nakarating na kami sa Riala ay gumapang na ang kaba sakin.

    Dad’s going to embarrass me in front of the man I love. Malalaman ni Jayden lahat ng kabulastugan ko noon. Baka nga umurong pa siya sakin dahil doon.

    “Namumutla ka yata?” Tanong ni Jayden nang napansing tahimik ako pagkarating ng floor namin sa Riala.
    “H-Huh? Hindi ah?” Napalunok ako.

    Darn it! I can imagine dad’s mustache while smoking his cigarette.

    “Hijo, this is the deal, marry her or marry her. Kung hindi, hindi ka na makakalabas ng buhay sa bahay na ito.” And his evil laugh!

    Joke! Hindi naman ganun si Daddy pero alam kong desperate siyang makahanap ako ng matinong lalaki gaya ni Jayden.

    Tapos naiimagine ko namang napapalunok ng sampung beses si Jayden sabay pangangatog ng tuhod.

    “AYOKO NA SAYO, CHA! AYOKO NA! AHHHHH!”

    Parang ang OA yata ng imagination ko.

    “Huy!” He snapped his fingers at me.

    Napatalon ako sa bigla.

    Nasa tapat na pala kami ng pintuan ko. Wait a minute, bakit siya nandito sa tapat ng unit ko? Nakasandal ang braso niya sa pintuan ko tsaka pinagmamasdan akong maigi.

    “Are you nervous?”

    Umiling ako. I shouldn’t be nervous! Siya nga dapat yung nininerbyos dito!

    “Kung ganoon, bakit ka maputla?”
    Kinagat ko ang labi ko bago siya sinagot, “Hindi naman, ah?”

    Bahagya akong napatingin sa kanya at tumindig ang balahibo ko sa mabigat niyang titig.

    Napaatras ako. Para niyang tinitignang mabuti ang mukha ko, ang kaluluwa ko… at iniisip kung ano ba talaga yung iniisip ko.

    Yung isang kamay niya ay tinulak ako palapit pa lalo sa kanya. Mas naging mabigat at madilim ang titig niya sakin dahil sa pag iiwas ko ng tingin.

    “What? You don’t wanna be tied to me?”

    Napalundag ang puso ko. Uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Kaso, ganun parin ang titig niya sakin.

    “What do you mean?”
    “Parang Biyernesanto iyang mukha mo ngayong palapit na tayo sa dinner, ah? Ayaw mo ba talagang matali? Parusa ba para sayo ang maging asawa ko?”

    Tinawag ko na talaga lahat ng santo sa mga sinabi ni Jayden. Naalala ko tuloy ang Patron namin dito, kailangan ko na yatang magsimba dahil sa sobra-sobrang biyayang binigay ni Sto. Nino sakin!

    “O-Of course, hindi!”
    Ngumisi siya at pinulot ang bag sa baba.

    “I’m buying your unit from Chase Martin. Dito na rin ako titira.” Aniya.

    OMG! TALAGA? Kaming dalawa sa iisang unit? OMG!

    Halos mapunit na ang mukha ko sa kakangiti. Pero siya, hindi parin ako masyadong pinapansin. Para bang lagi siyang busy o masyadong mahal ang kanyang atensyon.

    “Oo, okay- Kayo na bahala diyan, Tina- Kaya niyo na yan.” Aniya sa phone.

    Ang inggiterang Tina na iyon, tumatawag pa kay Jayden! Tinanggal niya ang dalawang butones ng kanyang polo saka tumingin sa labas ng balcony ko.

    Naiinitan siya kaya lumapit ako sa aircon at nilakasan ito. Binaba niya ang cellphone niya.

    Magsasalita na sana ako kaso may tinawagan na naman siya.

    “Wesley, siguraduhin mong ayos ang seguridad diyan. Yung guests- Oo- Okay-“

    Shiz! Busy man… Kaya imbes na antayin siyang matapos sa pakikipag usap niya sa kahit sino ay natulog na lang ako doon sa sofa.

    Nang nagising naman ako ay nakita ko siyang iba na ang soot at umiinom ng kape sa kitchen ko at nakatitig sakin. What a sight! Nakita kong papalubog na ang araw sa balcony ko.

    “Bakit di mo ako ginising?” Pambungad ko ng tanong.
    “Coz you’ll be too noisy when you’re awake?” Patanong pa ang sinabi niya.
    Sinimangutan ko siya, “Ang sama mo talaga.”
    “Maghanda ka na. In an hour, aalis na tayo.” Aniya.

    Ang sungit! Minsan sweet minsan mas mapait pa sa kapeng iniinom niya. Pero ewan ko ba kung bakit attracted talaga ako sa kanya kahit na masungit siya. No. Probably not attracted. Coz if this was attraction, matagal na akong sumuko sa kanya, matagal na akong umayaw, pero hindi, nagpatuloy ako kahit na sinigaw ko na sa mundo na ayaw ko na sa kanya. We all know that. My whole system knows that. That I’m still so into him, and he’ll be forever stuck in my heart.

    “O, ba’t tahimik ka dyan?” Tanong niya sa loob ng sasakyan.
    “You said you don’t like me noisy?”
    “Didn’t say that.” Malamig niyang sabi.
    “What? Sabi mo hindi mo ako ginising kasi maingay ako pag nagising?”

    Hinintay ko ang sagot niya habang nililiko niya ang sasakyan sa kahabaan ng General Maxilom Avenue.

    “Oo, pag mas maaga kang nagising baka maisipan kong halikan ka at dalhin ka sa kama kasi malayo pa ang oras, diba? Kaya tama lang na isang oras na lang, bago kita ginising para di na ako mag iisip pa ng ganun. Think, Charity.”

    ABAH? ANG BOBO KO NAMAN PALA KASI DI KO ALAM IYON?

    Hindi natanggal sa labi ko ang malaking ngiti. Sheeet! Sana nagising ako ng mas maaga. Langyang Jayden!

    Pumasok kami sa magarbong pintuan ng Waterfront. Binati kami ng mga receptionist at mga staff doon.

    “Ms. Rama, nasa likod po ng Port si Mr. Rama, hinihintay kayo.”
    “Sa function room ba?”

    Napatingin ang babaeng receptionist kay Jayden kaya hindi niya agad ako nasagot. Napatingin na rin ako kay Jayden na lumilingon-lingon sa buong hotel at nakapamaywang. Importanteng tao talaga ang aura niya. Lahat yata ng nandito ay napapatingin sa kanya.

    “MISS! Sa function room ba?” Ginulat ko iyong babae.
    “Ah-hehe-Opo.” Aniya.
    Inirapan ko at hinawakan ang braso ni Jayden.

    YES, YES, YES, Alam kong huhusgahan ako. Ang daming nakaabang sakin last year dahil sa mga kabulastugan kong ginawa. So far, wala naman akong malaking eskandalong nagawa. Yung sobra-sobra lang naman doon ay iyong nakikipag dirty dance ako sa ex ko noon sa Loft. Navideohan kasi. Pagkatapos noong dirty dance ay naghalikan kami ng mapupusok na halik. Ayun! Patay na ang pangalan ko simula noon. Kahit wala naman talagang nangyaring mas grabe pa doon.

    I was too drunk by that time at tingin ko may nilagay ding kung ano yung ex ko sa inumin ko kaya wala akong maalala. Thank God for my cousins!

    May nakaabang na mga body guards na nakaitim sa pintuan papasok ng function room.

    “Marami parin talagang naglalaro sa casino dito sa Cebu.” Utas ni Jayden.
    “Oo.” Sabay tingin ko sa taas ng function room kung nasaan ang Casino part ng hotel.

    Binuksan noong guard ang pintuan at pumasok kami ni Jayden. Laking gulat ko nang agad bumungad sakin si daddy na tumatayo at naglalahad ng kamay kay Jayden.

    May nakahaing pagkain sa harap namin.

    “Kumusta, Mr. Corpuz?” Bati ni daddy.
    “Okay lang po, Mayor.” Sagot ni Jayden. “We’re finally here.” Sabay tingin niya sakin.
    “Yep, mabuti nga. Kaso wala pa ang kanyang mommy. We’ll have to wait. Matagal kasi iyong mag ayos.” Tumawa si daddy at napatingin sakin.

    Nilahad niya ang kanyang braso at hinagkan ako.

    “How are you? I missed you so much! Wala ng sakit sa ulo ko.” Tumawa si Daddy saka ako binitiwan.

    Napalunok ako.

    “Are we going to talk about my shits, daddy?” Bulong ko sa kanya.
    “Why not?” Laking boses na sagot niya. “If this Mr. Corpuz wants you, dapat siguro kilala ka niya, hindi ba?”

    SHUCKS! What if ayawan niya ako? No, Cha. Nakita ka na niya sa worst mo, kaya matatanggap ka niya. No… those nights weren’t my worst… yet.

    Seryoso ang mukha ni Jayden nang tinignan niya ako.

    “What’s with the face, Charity?” Malamig niyang tanong sakin.

    ACK~! Goodness! Mukha atang wala akong choice kundi isiwalat ang lahat kay Jayden. Dad naman… Past is past. Kalimutan na natin ang mga video kong may mapupusok na french kiss na hindi ko naman maalala.

    “Ganun ba kahirap sayong… pakasalan ako?”

    Nabunutan ako ng tinik sa tanong ni Jayden at sa paghagalpak ni Daddy.

    “N-Nooo…” Umiling ako. “I-I’m just…” Scared you might back out!
    “Then, what is it?” Tanong niya.

    Sumulyap ako kay daddy.

    “Umupo ka muna, Cha.” Sabay turo ni daddy sa upuang nasa tabi ni Jayden.

    Kinuha ito ni Jayden at nilahad sakin. Lumapit ako doon at umupo na.

    “You’re a gentleman.” Utas ni daddy.
    “Yes he is…” And don’t you ruin this for me dad.
    “So… Mr. Corpuz, my daughter is hard-headed, stubborn and a liberated party-girl.”

    Ang dami kong mura sa utak ko habang pinapakinggan si daddy.

    “He knows that, dad.” Putol ko sa kanya.
    “Not anymore.” Matapang na sabat ni Jayden.

    Humilig si daddy sa table.

    “She is. Have you seen the newspapers last year? Laman ng balita. I wanted her to settle down. And I still want her to settle down now coz I know she’s still that same girl.”
    “DAD!” Sabi ko.
    Umiling si Jayden, “Not anymore, po. She’s my girl now.”
    Tumaas ang kilay ni daddy, “Why? Did you change her?”
    “Hindi ko po siya binago. Coz I like her that way… pero narealize kong unti-unti siyang nagbabago. At ito lang po ang masasabi ko, ano mang pagbabago iyan, for the better or for the worst, I will still love her.”

    REALLY? Natahimik ako sa sinabi niya.

    Tumango si Daddy. He looked satisfied with his answer.

    “Okay, so… Mr. Corpuz…” Tinitigan ni daddy si Jayden. “My daughter loves freedom. Ayaw niyang ikadena siya at ikulong. Masasakal iyan. Kaya palaging walang matinong boyfriend.”
    Tumango si Jayden at tumingin sakin, “I know that, mayor. At alam ko rin kung paano ko papanatilihin ang atensyon niya sakin. One things for sure, hindi ko siya ikakadena o ikukulong, I’ll hold her tight in my arms, let’s see if she can afford to leave…”

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ko nga siya kayang iwan.

    “Good, then sa huwes na lang muna dito sa Cebu since hindi mo pa siya napapakilala sa parents mo. I want it tomorrow. At walang dapat makaalam nito dahil wala pa sa simbahan.” Sumulyap si dad sa secretary niya.

    Nalaglag ang panga ko sa pag uusap nila. May pinirmahan siya sa isang papel bago bumaling samin.

    “You have my approval.”

    Ngumisi si Jayden.

    “Thank you po!”
    “You still don’t have mine, Jayden.” Sabi ko sabay tingin ko sa kanya.

    Ngumuso siya sakin at humagalpak ulit sa tawa si daddy.

    “See? She’s stubborn.”
    “My stubborn.” Pagtatama ni Jayden kay dad.

  • Chapter 33Open or Close

    Chapter 33
    Ang Proposal

    Gusto ko ng prenup videos! Gusto ko ng prenup photoshoot! Gusto ko ng mahabang preparasyon.

    Lutang pa ako pagkaalis namin ng Waterfront. Si Jayden naman ay mabilis ang lakad kaya kinailangan ko pang maghabol sa kanya.

    “Let’s go.” Aniya sabay bukas sa pintuan ng front seat.
    “What in the world is happening?” Nakatulala parin ako nang umupo sa sasakyan niya.

    Umikot siya at mabilis na umupo na rin sa driver’s seat.

    “We’re getting married tomorrow.” Aniya.

    Napalingon ako sa kanya at nakita kong malaki ang ngisi niya pero nagmamadali niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ng diretso palabas sa Waterfront.

    “What about my gown-“
    “You heard your dad, Cha, sa huwer muna. Wa’g mong problemahin iyan.” Ngumisi siya at sinimangutan ko.
    “Wait a minute, Jayden. Ni hindi pa kita nasasagot sa panliligaw mo. Ni hindi pa kita nasasagot sa tanong mo.”

    Umirap siya at diretso parin ang kanyang takbo papuntang I.T. Park.

    “You’re asking for the gown, then you’ll tell me hindi mo pa ako nasasagot?”

    Kinagat ko ang labi ko.

    “Gutom lang yan.” Aniya sabay hinto sa sasakyan sa tapat ng grassy part doon sa I.T. Park.

    Humalukipkip ako. He sound too relaxed! Para bang sakin lang big deal iyong kasal. Damn!

    Pero bago pa ako makapagprotesta ay umalis na siya sa sasakyan at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

    “What are you waiting for?” His brows furrowed.

    Suminghap ako at padabog na lumabas ng sasakyan.

    “Sungit mo namang fiancee.” Tumawa siya.

    I glared at him. Damn! It’s really not a big deal, huh?

    Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko itong binawi. Nauna akong magmartsa sa damuhang kadalasan ay puno ng taong nag s-stargazing pero ngayon ay parang ghost town.

    “Saan tayo kakain?” Pumihit ako at sinimangutan siya.

    Naabutan ko siyang nakahalukipkip at ngumingisi.

    “Why are you so mad?” Tanong niya.
    “Because…” Nanuyo ang lalamunan ko.

    Gusto kong magtanong tungkol sa unang monthsary nila ni Trisha. Gusto kong magtanong kung paano niya nisurprise si Trisha. But I don’t want to look stupid and insecure. He’s marrying me, that’s all that matters, right?

    Humakbang siya palapit sakin. Nangatog agad ang lutang kong binti. Nag iwas na lang ako ng tingin para hindi na ako masyadong kabahan.

    Tumigil siya sa harapan ko at humalukipkip ulit. Unti-unti kong tinignan ang ekspresyon niya. Nakita kong nakangisi parin siya. Para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari saming dalawa.

    Kahit kulang siya sa effort… I mean, effort sa pag popropose ay tanggap ko parin siya. Bibigay parin ako. Laging maayos ang lahat tuwing nakatitig ako sa mga mata niya. Ganoon na talaga ang epekto niya saakin noon pa man. Ilang beses niya na akong tinulak pero hanggang salita lang ako. Babalik parin ako sa kanya. Nalulusaw parin ang galit ko.

    Hindi naman ako demanding na tao. Okay sakin kahit ano ngunit mula yata noong nasaktan ako ay natuto na rin akong pahalagahan ang sarili ko.

    Hinaplos niya ang pisngi ko. Kasabay nito ang pagpikit ko. Kasabay rin nito ay ang pagsabog sa taas. Agad akong napadilat. Bumungad sakin ang nakangisi paring mukha ni Jayden.

    “You want candles, Cha, I’ll give you more. You want a nice view, I give you nighttime Cebu.”

    Lumundag ang puso ko nang tumingala sa langit. Nakita ko ang iba’t-ibang makukulay na fireworks.

    Tinakpan ko agad ng palad ang bibig ko. Napansin ko rin ang mga taong tumitingala sa malayo. Nasa gitna kami ng maraming tao. Actually, napapalibutan kaming dalawa ng tao.

    Nilingon ko si Jayden at nakangisi parin siya.

    SEE? You are just so stupid, Cha! You are so stupid! Sisi ko sa sarili ko. Hinding hindi ko na siya pagdududahan ulit.

    Tinuro niya ang mga taong nakapalibot sakin. What now? Is daddy around? What?

    Nilingon ko ang mga tao at nakita kong isa-isa nilang binuklat ang tarpaulin na pagkahaba-haba.

    Umikot pa talaga ako para basahin iyon. Hindi mo kasi mababasa ng buo kung nakapirmi ka lang. Nakapalibot samin ang buong tarpaulin. Nagsisilbi itong barricade sa gitna namin at ng mga taong nakahawak nito.

    “I love you, Charity. All of you. Your weaknesses and strengths. Will you marry me? Look at me if its a ‘yes’, Walk away if its a ‘no’. Now, look at me.”

    Tumawa ako sa message na nakapaloob. Hindi ko rin namalayang may luha na sa mga mata ko kaya nang tinignan ko si Jayden ay tumulo na ito.

    Hinagkan niya agad ako. Tamang-tama lang sa paghagulhol ko.

    “So, it’s a yes, right!?” Tumawa siya.
    “Who would say no to you?” Sabay sapak ko sa balikat niya kahit nanginginig na ang kamay ko.
    “Ikaw…” Tumawa siya. “You always say no.”

    Sinapak ko ulit siya.

    Parang nasa langit ako hanggang nakarating kami sa Riala. Hindi ko mabitiwan ang kamay niya. Ni hindi ko kayang tumingin sa iba. Diretso ang titig ko sa kanya. Siya naman panay ang iling at ngisi na lang sa atensyong natatanggap niya sakin.

    “What are we going to wear tomorrow? Sinong pupunta? A-Anong mangyayari? May kainan ba? What about the guests?”

    Di niya na ako sinagot, nilagay niya na lang ang index finger niya sa labi ko.

    “Hush, Charity.”

    Siniil niya ng halik ang labi ko.

    “I love you…” Aniya at tinignan ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.

    Binuksan niya ang pintuan sa unit ko at tinulak ako ng marahan papasok sa loob.

    “Say it back now…” Aniya.
    Napalunok ako, “I-I love you too.” I can’t believe I’m stuttering.
    “You shouldn’t stutter like your scared to love me, Cha.” Firm niyang sinabi sabay hila sakin papasok sa kwarto ko.
    “I love you…” Hindi pa ako natatapos nang hinalikan niya ako sa leeg kaya naman ungol na ang lumabas sa bibig ko nang binanggit ko ang pangalan niya, “Jayden.”

    Humalakhak siya.

    “I like that sound…”

    Tumindig ang balahibo ko at hinanap ang labi niya. Hinalikan ko siya. Kasabay nito ang paghuhubad ko sa damit niya. Siya naman ay pinapagapang ang kamay sa buong katawan ko. Hinahaplos niya ito ng dahan-dahan.

    Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at binigyan siya ng malalim at maiinit na halik.

    “Jesus, Charity. You are making me…”

    Hindi niya iyon tinapos kasi marahas niyang tinanggal ang damit ko. Dahan-dahan akong humiga sa kama. Sabik siyang pumatong sa akin at pinaghiwalay agad ang mga hita ko gamit ang binti niya.

    Napaliyad na lang ako nang hinaplos ng isang kamay niya ang dibdib ko, ang isa naman ay gumagapang na pababa. Busy naman ang halik niya sa dibdib ko. Pumilipit ako nang naramdaman ang kamay niya sa gitna ng hita ko.

    Hinaplos niya ito ng marahan. Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko. Nawawala na ako sa ulirat ko. Halos di ko na maalala ang pangalan ko. Yung kanya na lang ang naaalala ko dahil panay ang tawag ko sa kanya.

    “J-Jayden…”
    “Yes, you may rule outside the bed, Cha. Pero dito, ako yung masusunod alright?” Bulong niya sa tainga ko.

    Kinagat ko ang labi ko at hinalikan siya. Hinila niya ako at pinaupo ng bahagya. Tinanggal niya ang blackshorts ko habang nakaupo kaming dalawa at nagpapalitan ng maiinit na halik.

    Tumigil kami nang tinanggal niya ang shorts ko. Nag-resume ulit ang halikan nang tuluyan na itong natanggal. Hinaplos niya na naman ang gitna ng hita ko. Uminit ang pisngi ko dahil alam kong ramdam niya na kung gaano ako ka ready sa kanya.

    Idiniin niya ang sarili niya sa hita ko at naramdaman ko rin kung gaano siya ka turned-on.

    “Ano ‘to? Mauuna ang honeymoon?” Humalakhak ako.
    “Every night ill be our honeymoon, Cha. Hinding hindi yata ako magsasawa sayo.” Sabi niya in between his kisses.

    Unting-unti niyang binaba ang panty ko at hinaplos ang nasa gitna. Napapikit pa lalo ako sa ginawa niya.

    Feels like our first night together. Damn it! Iba talaga pag mahal mo ang tao, ramdam na ramdam mo lahat. Nakapag-MOMOL na ako sa mga dating boyfriend ko pero I’ve never been this turned-on. Kaya naman napipigilan ko parin talaga.

    Tinanggal niya ang kamay niya. Uminit ulit ang pisngi ko. Pati na rin yata ang buong sistema ko.

    Naramdaman ko agad ang pagpasok niya sa loob ko. Hihiga na sana ako pero hinawakan hinawakan niya ang likod ko at pinigilan ako.

    Unti-unti niyang nilagyan ng rhythm ang pag labas-pasok sa loob ko. Napapikit ako at napatingala.

    “Charity…” His voice was hoarse.

    I know what’s up with him. Napangiti ako at dumilat para tignan siya. Naghahabol siya ng hininga habang lasing ang mga matang tinitignan ko.

  • Chapter 34Open or Close

    Chapter 34
    Ang Bridal Shower

    Agad kong inalala ang pag inom ko ng pills. I’m sure kahit na papakasalan na ako ni Jayden ay wala pa sa isip niya ang magkaroon ng pamilya. Natigil ako sa pag inom nang kinuha niya iyon pero nabawi ko rin naman kaya okay pa siguro.

    Pagod na pagod kami nung gabing iyon. Ahi-hi-hi. Ako pa talaga yata ang unang nakatulog kasi wala na akong maalala pagkatapos ng pang limang round. Kinusot ko ang mata ko nang naramdaman ang liwanag galing sa glass window ko.

    Umaga na pala.

    Nilingon ko ang katabi kong si Jayden pero nakita kong wala na siya doon. Ang OA pero kinabahan agad ako. Was it all just a dream? Ilang araw ba akong nakatulog?

    Gumalaw ako at naramdaman ko ang hapdi down there. Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang umupo. It was not a dream. Nakumpirma ko ito nang binuksan ni Jayden ang pintuan. Topless siya at naka jeans.

    Ulam na agad! HAHA

    Nakita kong may dala siyang tray.

    “Breakfast in bed.” Kumindat siya at nilapag iyon sa table malapit sa higaan ko.

    “Good morning!” Bati niya sabay halik sa pisngi ko.
    “Good morning…”

    Tumaas ang kilay niya at humalakhak siya.

    “Napagod ba kita kagabi?”
    Uminit ang pisngi ko, “Mejo.” Natawa rin ako.

    Pinagtabi ko ang dalawang tuhod ko. Tumaas ang isang kilay niya at nakita kong ngumisi siya.

    “Ayaw mo na? Or you’re playing hard to get again?” He chuckled.
    “Of course, gusto ko!” Agad kong sinabi.

    He chuckled again. Tumindig ang balahibo ko nang tumabi siya sakin at kinuha ang isang plato na may bacon, rice at sunny side up egg.

    “Kumain na tayo, pagkatapos nito, magtoothbrush tapos pumunta na agad tayo sa huwes.”
    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, “Hindi man lang tayo maliligo o di kaya magbibihis?”

    Ni head to foot niya ako at sumimangot siya.

    “Of course, dapat kang mag bihis ng shorts o kahit ano, Cha. Hindi pwedeng magpapanty ka lang dun.”
    “Hindi talaga tayo maliligo?”
    Umiling siya, “Nope. First things first. Kasal muna, pagbalik natin dito, sabay na tayong maligo.” He winked.

    Naramdaman ko agad ang init sa kalooblooban ko. Buti na lang at seryoso si Jayden sa sinasabi niyang pagmamadali namin papuntang huwes. Baka maantala ang kasal namin pag ako ang magdedesisyon. Parang mas feel kong manatili na lang sa condo at mag cuddle kasama siya. Cuddle na mauuwi sa make-out session. Make out session na mauuwi sa paliguan. Damn!

    Naka short-shorts lang ako, floral top, gladiator sandals. Siya naman ay naka jeans lang, black v-neck t-shirt. He still so gorgeous! Sa bagay, kahit naman walang damit yan ay nakakapanlimot parin ng pangalan.

    Napa head to foot ang huwes nang nagpunta na lang kaming bigla sa opisina niya.

    Siniko ko si Jayden at ginapang ako ng kaba habang masusi niya kaming tinignan.

    “Jayden, he’s probably cancelling our wedding. I mean, wala tayong witnesses today, and also, I don’t think shorts is a proper attire. Napirmahan na ba ni Daddy yung consent? Ni hindi pa tayo nakakapagseminar about sa mga chuchu? Yung about sa marraige, family planning at kung anu-ano pa-“
    “Relax, Cha.” Hinawakan niya ang baywang ko.

    Nakita kong tumaas ang kilay ng huwes sabay tingin sakin.

    “Jayden Corpuz, sir.” Sabay lahad ng kamay ni Jayden sa kanya.

    Tumango siya.

    “I see you’re marrying a Rama.” He gave us a smug smile.
    Tumango si Jayden at hinila ang ulo ko palapit sa labi niya saka ako hinalikan. “Yes, po.”

    Tumango ulit ang huwes at wala ng sinabi pa. Sinimulan niya na ang proseso, yung signing, agad-agad. Pero nasa utak ko parin ang mga witness, ang seminars at lahat lahat na.

    “Did you pay for everything?” Tanong ko pagkatapos.

    Parang walang nangyari. Pinirmahan ko lang ang dapat kong pirmahan at ganun din yung kanya.

    “Of course!” Masungit niyang sinabi. “Kahit sa church wedding natin, ako lahat ang gagastos. I won’t give your father a headache.” Sabay halik niya ulit sakin.
    “Hindi naman si Dad. Pwede naman nating paghatian. May naipon din naman ako-“
    “No, Charity. You’re my wife. You’re the love of my life. And your husband is Jayden Corpuz, hindi ko hahayaang gumastos ka as long as kaya ko pa.”

    Ngumuso ako. I think I’m the luckiest girl.

    Hinila niya ang kamay ko papasok sa sasakyan niya.

    “Where are we going now?” Tanong ko.
    “Sa bahay ninyo.” Aniya.

    Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong meron but I can practically see my cousins laughing at me. Finally, Charity Rama will be choked to death because of a man. Yikes! But it’s not like that with Jayden. Kahit na nakatali ako sa kanya, hindi ko nararamdamang wala akong freedom. I loved the feeling of being with him. At hindi ako kailanman magsasawa.

    Kumunot ang noo niya, “Why are you so nervous?”
    “Eh kasi… Nandyan na naman si daddy, si mommy, mga pinsan ko, marami pang iba.”

    Mas lalo siyang sumimangot.

    “Ikinakahiya mo ba ako?” Tanong niya.
    “What? NO!” Agad kong sinabi.
    “Then why are you nervous?” Umirap siya.

    Nagsusungit na naman. Ngumisi na lang ako ng palihim. Kahit na baliw na baliw ako sa kanya ay big deal parin sa kanya na baka ayaw ko sa kanya.

    “FVCK IT! WALANG BRIDAL SHOWER? ANO BA YAN!” Sigaw sakin ni Lyka nang sinalubong kami sa double doors naming pintuan sa bahay.

    Nandoon nga ang lahat. Mabilis akong nakapasok, si Jayden naman ay nagpahuli, dramatic entrance. Nagtitipon silang lahat at may nakita akong lechon sa mesang nasa sala na namin. Ang daming handa. But it was intimate. Just my family and some close friends.

    “Ang possessive naman kasi… Baka hindi na pwedeng mag bar.” Pabulong na sinabi ni Erica.

    Tumawa ako nang pinalibutan ako nilang lahat. Nilingon ko si Jayden na sinalubong ni daddy, mommy at ng mga tito at tita ko.

    “Hey, it’s okay, I can loosen my grip.” He chuckled.

    Uminit ang pisngi ni Erica nang narealize na narinig ang sinabi niya ni Jayden.

    “Pero dapat nandun ako.” Mas lalong tumawa si Jayden bago bumaling ulit sa tito kong nagpapakilala.

    Umirap na lang ako sa pagngiwi nila.

    “No damn boys for you, Cha.” Tumawa si CJ.

    Nilapit ko ang mukha ko sa kanilang lahat at sinenyasan silang lumapit sakin.

    “Pwede ko naman siyang kumbinsihin na lumabas tayo na tayo lang-” Bulong kong pinutol agad ni Lyka.
    “Nahh… He’ll just stalk.”
    “No! Mature si Jayden, he’ll trust me.” Kumindat ako.

    Nakita ko ang pagdadalawang isip nila sa sinabi ko. Humalukipkip si Erica at pinagmasdan si Jayden ng mabuti.

    “Mukha naman. I think he’s mature enough to handle that. Okay. When and where? We should hire some… macho boys!”
    “WHAT?” Laglag pangang tanong ni Lyka.
    “Ano ka ba! Bawal pa virgin dito! It’s a bridal shower for God’s sake! Anong gagawin natin? Mag fi-field trip sa zoo?”

    Agad akong naexcite sa plano ni Erica. I want that. Syempre, ang bonding ang gusto ko. Fun. Hinding hindi ako mag chi-cheat kay Jayden.

    Nilingon ko si Jayden na ngayon ay masinsinang kinakausap na ni daddy.

    “So when are you taking her to Manila?”
    “Siguro po by Friday. Nakabook na po ako para saming dalawa. We’ll be staying there for probably a week. Next month ko na naplano ang church wedding, dito sa Cebu.”
    “Okay lang ba sa pamilya mo na sa Cebu kayo magpakasal?”
    “Opo. I don’t think they’ll mind. Dito kami nag kakilala, so I think mas magandang dito rin kami ikasal.” Sumulyap si Jayden sakin at tinignan ako ng madilim.

    Ngumuso ako. He’s still in his mood swing. Ang sungit ng asawa ko. Pero kahit ganun siya at masungit siya ngayon, hindi ko parin matanggal ang ngisi ko.

    “Oh! I heard that! Pupunta daw kami ng Manila sa Sabado para i meet ko ang parents ni Jayden.”

    WHAT? Did I just say that? Meet the parents? Nabunutan ako ng tinik at di na naipagpatuloy ang sinasabi ko dahil sa kaba.

    “WHOA! Mukhang masaya ‘to! Let’s book a flight, too!” Sabay yugyog ni Erica kay Lyka. “It’ll be a blast! Doon natin gawin ang bridal shower! Sa Manila!”

    Ngumisi si Lyka.

    “Good idea!”

    Now we’re all hyped up about the plans. I’m excited. Kinakabahan din dahil sa meet the parents part. But I’m pretty sure it’s going to be okay. Jayden’s with me… kaya okay ang lahat. Tinignan ko ang dalawang singsing sa kamay ko. Isang plane circlet at isang may diamond sa gitna. Magiging tatlo na ito sa church wedding namin. I can’t wait!

    “Isama natin sina Angel. Isa pa, nandoon si A. Kaya mas lalong gaganda.” Sabi ni Lyka.
    “Pati na rin mga kaibigan natin para mas masaya.” Sabi ni CJ.
    “Cha, chill ka lang diyan at kami ng bahala sa Bridal Shower na ito. Wa’g mo nang alalahanin.”

  • Chapter 35Open or Close

    Chapter 35
    Ang Mga Ex

    Mabagal ang araw tuwing excited ka. Pero dahil mag asawa na kami ni Jayden at masaya ang bawat araw ko ay mas lalo na lang bumilis ang panahon. I don’t want to end this little bubble of happiness. Masaya ako dito sa Cebu kasama siya. Kaya lang, kailangan naming i-meet ang parents niya. Syempre, nagpakasal kami ng wala siya kaya’t kailangang espesyal na mapuntahan namin sila.

    “Hindi ba strict ang parents mo?” Tanong ko nang hinahanap namin ang upuan namin sa eroplano.

    Nasa Manila na ang mga pinsan ko. Anila’y kailangan nilang mauna para maghanda ng macho dancers. Really? Nakakatakot naman yan. Pwede siguro akong malasing ng bongga sa bridal shower, pero hindi yung tulad nang nangyari sa Cebu.

    “Nope…” Ngumiti si Jayden at pinisil ang kamay ko.

    Umupo na kami sa magkatabing upuan na nakatalaga saming dalawa. Siya iyong nasa window side pero gusto ko doon kaya hinayaan niya akong umupo dun.

    “Talaga? Uh, naipakilala mo na ba mga ex mo sa kanila?” Tanong ko.
    Tumango siya.
    “Hindi ba sila nagalit sa kanila?”
    Kumunot ang noo niya, “Ba’t naman sila magagalit?” He pinched my nose. “Mababait yun.”

    Ang alam ko may dalawang kapatid si Jayden. Babae at lalaking nakakabatang kapatid. Ano kaya ang itsura ng mommy niya? How about his dad? Yung lalaking kapatid? Yung babae? Wala akong inisip kundi ang mga kapatid niya sa buong byahe. Siya naman ay abala sa pagsagot sa mga tanong ko.

    “I’m getting really really nervous.”
    He smirked, “Ito ba ang first time mong ipakilala sa family?”
    Umiling ako, “Hindi naman.”
    Ngumuso siya at bahagyang sumimagot. “Who was the first boy who introduced you to their parents?”

    Alam na alam ko na kung ano ang punto niya sa usapang ito.

    “Ano ka ba? It’s all in the past. Yung mga nangyari, di ka pa dumadating nun.”
    “I know… Gusto ko lang malaman kung sino…”
    “Si Jake?” Patanong pa ang pagsagot ko.
    “Jake?”
    “Jake.” Sabi ko.
    “Jake lang? Anong apelyido?”
    Nanliit ang mga mata ko.
    “Anong gagawin mo sa apelyido niya?”
    “Wala baka kilala ko?” Nanliit din ang mga mata niya.
    “Hindi mo yun kilala. He’s from Cebu din. Boyfriend ko siya nung highschool pa ako.” Sabi ko.
    “Ilan ba ang naging boyfriend mo noong highschool ka?” Mas lalong naningkit ang mga mata niya.

    Kung makapagtanong ito parang nag ti-test lang.

    “Dalawa?”
    “College?” Tanong niya agad.
    “Apat?”
    “At isa after college? Yung rapist?” Tumaas ang kilay niya.
    Ngumuso rin ako sa sagot niya.
    “Ilang months ba ang pinaka matagal mong relasyon?” Tanong niya.
    “Months talaga? Di pwedeng years?” Tumawa ako.
    “So… may tumagal ng taon?” Humilig siya sakin kaya napaatras ako. “Sino?”
    “T-Teka? Why are we having this conversation?”
    “Because we always talk about my exes, Cha. Hindi natin napag uusapan yung mga boys mo.” Seryoso niyang sinabi.
    “Boys ‘ko’? Ex ko rin sila-“
    “So…” Binalewala niya ang sinabi ko.

    Mas lalong naging seryoso ang mukha niya. Hindi ko mapigilang ngumiti.

    “Sino yung pinakamatagal?” Tanong niya.
    “Si Jake?” Patanong ko paring sagot.
    “JAKE? What’s his family name?”
    “Bakit ba?”
    “High school boyfriend mo tapos taon ang itinagal ninyo?”
    Tumingin ako sa taas habang inaalala ang nakaraan, “Actually six months lang yata kami ni Jake noong highschool. Pero nagkabalikan kami noong college, pitong buwan ang itinagal namin, hindi nag work out.”
    “Bakit? Anong nangyari? Sino ang may problema? Siya ba? Ayaw niya ba sayo kaya hindi nag work?” Dirediretsong tanong niya.

    Nakita kong napalingon pa ang katabi niya saming dalawa. Apparently, his voice was loud enough for everyone to hear. Uminit ang pisngi ko at tinulak siyang bahagya.

    “Jayden, tone down your voice.”

    Para kaming nasa ligawan stage kung makapag usap dito sa loob ng eroplano.

    “Hindi. Ako. Syempre. You know I’m not the serious type until I met you.” Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
    “So what’s his family name?” Tanong niya ulit.
    “Ugh! Jayden!” Napangisi na ako sa kakulitan niya.
    “Sobrang dami sigurong gwapo sa San Carlos at bakit iniwan mo si Jake, ano?” Panunuya niya.
    “Mejo!” Sinakyan ko naman.

    Pero mas lalo siyang sumimangot. Humalikipkip siya at hindi na ulit ako kinausap.

    “Ang OA nito! Noon naman yun!” Sabi ko sabay hila sa kamay niya palabas kami ng eroplano.

    Nag susungit na naman si Jayden hanggang sa pumara kami ng taxi para makaalis na ng airport.

    “Ano? Pupunta na ba tayo sa bahay niyo?” Tanong ko.
    Umiling siya at umirap sakin, “Naka book tayo sa Le Marcelle for today. Bukas ng umaga tayo pupunta ng bahay. Sa bahay namin ang breakfast.” Aniya.
    “O-Okay… Tapos, ano… mamaya nga pala yung bridal shower.”

    Naku! Patay ako nito! Ngayong nagsusungit siya, talagang hindi ako papayagang umalis ng Le Marcelle. Well, it’s not a big deal for me. Syempre, I’ll miss the fun. Kaya lang mas fun yata kung si Jayden ang kasama ko.

    Matalim siyang tumingin sakin. Napalunok ako at napakamot sa ulo.

    “Kung a-ayaw mo, it’s okay. I can stay with you all night.”

    Hindi siya sumagot. Inirapan niya lang ako hanggang nakarating kami ng Le Marcelle. Kilala si Jayden doon, syempre dahil na manage niya na ito.

    Sabay kaming humakbang sa Le Marcelle ng magkahawak kamay. May mga tumataas ang kilay na tumitingin sakin. Yung iba ay talagang iniexamin ang soot ko at pati ang pagsasalita ko ay binabantayan.

    “Yes, po, Sir Jayden.” Sabi ng receptionist pagkatapos ng tanong ni Jayden tungkol sa room namin.

    “Let’s go.” Anyaya niya sakin.

    Kahit na masungit siya at mejo galit sakin, kaya niya paring hawakan ang kamay ko ng mahigpit. Wala siyang imik nang nasa elevator kami. Hindi ko na lang siya pinilit hanggang sa nasa room na kaming dalawa.

    Malaki at engrande ang room na nakuha niya. Ito yata yung isa sa mga pang VIP. Hindi tulad noong na stayhan kong room dito last time akong pumunta ng Maynila.

    Nilapitan ko si Jayden na nag titimpla ng kape sa kitchen pagkatapos naming nilapag ang mga bagahe sa kama.

    “Jayden, about later… Pwede namang hindi na ako-“
    “No… You go and have fun.” Matabang niyang sinabi.
    “P-Pero baka ayaw mo. I mean, yes, I wanna have fun pero mas masaya naman kung kasama kita. I’m not really into parties anymore.”

    Nilapag niya ang iniinom na kape sa mesa at lumapit sakin.

    “Maraming gwapo, Cha. But I’ll make it damn sure that you’re going to only see me.”

    He cupped my chin. Instinct na ang pumikit ako at agad kong naramdaman ang mapupusok niyang mga halik. Yung tipong nakakapanginig ng tuhod.

    I’ve been kissed so many times but no ones ever kissed me like the way he did. Yung nakakalasing. Nakakawala sa ulirat. Nakakalimutan ko ang mga dapat kong gawin.

    “Damn…” Napapikit ako nang hinalikan niya ang leeg ko at unti-unting binababa ang strap ng spagetti top ko.

    Hinawakan niya ang hita ko at itinaas ito.

    “I don’t think I can have my bridal… shower tonight.” Paungol kong nasabi.
    “You will have it, Cha. At ito na ang huling pagkakataong makakalingon ka sa ibang gwapo. I’ll only allow you tonight. You’re not going to see anymore boys when you get home later tonight.”

    I can’t believe I have my possessive husband’s approval!

    “Jayden…” Nanginig ang labi ko nang narinig kong halos mapunit yung top ko sa kakahalik at kaka baba niya nito. Umuungol na ako sa pangalan niya. That easy.

    Siya lang ang nagpapatayo sakin. Kasi kung hindi niya hinahawakan ang hita ko, I swear mahihimatay na ako dito at hihiga na lang sa carpet.

    “Yes, Cha. I want you saying it loud and clear. Ako lang dapat. Walang iba.”
    “Th-Then, b-bakit mo ako pinapayagan na magkaron ng bridal shower?”

    Okay. 99% ayaw ko ng gawin ang bridal shower. Nasa cloud nine na kasi ako. 1% na gusto kong gawin dahil sa guilt sa mga pinsan ko. Pinaghandaan nila iyon kaya laslas leeg kung di ako makakapunta. Ako pa naman yung center of attention.

    “Coz I know you won’t cheat.” Ngumisi siya.

    Naramdaman ko iyon sa bawat halik niya pababa sa dibdib ko.

    “I… won’t.” Sabi ko.
    “I won’t give you a chance to.” Bulong niya sa tainga ko. Dinig na dinig ko ang authority sa boses niya.

    Controlling and possessive, I like him that way. Who would have thought? Yung obsession ko sa freedom ay nawala ng parang bula. I want to be locked, caged, and loved by Jayden Corpuz.

  • Chapter 36Open or Close

    Chapter 36
    Ang Boxers

    Pinayagan nga ako ni Jayden na magkaroon ng bridal shower.

    “Come on, Cha. He’s mature enough to trust you and to let you go.” Ngumisi si Erica.

    Nandito sila sa suite namin. Dito kami naghanda. Nandito rin naman si Jayden, pero busy siya kaharap ang kanyang laptop para magtrabaho. Ilang araw na rin kaming wala sa Bantayan kaya panay ang trabaho niya online.

    “I know… Pero madalas kasi siyang possessive. Ayaw niyang nagpaparty ako.” Sabi ko.
    “Hay! Isipin mo na lang na last na ito.” Tumawa si Lyka. “Matatali ka na sa kanya, kaya hindi mo na ito madalas magagawa.”

    Tumango ako at nagpatuloy sa paglalagay ng make up. NIlagyan ko ang lips ko ng pink lipstick nang agad hinawi iyon ni Erica.

    “Try this…” Sabay bigay niya sakin ng brick red lipstick.

    Hindi ako sanay na mag mala-Anne Curtis ang lips ko. Naglalagay ako ng lipstick pero pink and peach shades lang. Umiling ako.

    “Sige na! Bridal Shower, diba? Dapat mejo daring na lipstick mo!” Aniya.
    “Daring naman talaga si Cha.” Dagdag ni Lyka.
    “O sige, mas daring pa!”

    Kinuha ko ang lipstick at nilagay sa labi ko. Alright. Kahit na alam kong baka magalit si Jayden sakin. Ang iksi ng black tube dress ko. Yung tipong yuyuko lang ako makikita na agad ang kaluluwa ko. Wala namang kaso ito sakin. Komportable parin naman ako. Kaya lang, alam kong hindi magiging madali kay Jayden ang tignan akong ganito. He hated me because of my daring attitude.

    Nang natapos kami sa paghahanda at isa-isa ng lumabas sa kwarto, naabutan namin si Jayden na seryosong naka toka ang buong atensyon sa laptop niya. Nang lumabas ako ay nakita kong umangat ang ulo niya at pinagmasdan akong mabuti.

    Ngumuso ako at pinagmasdan din ang sarili ko.

    “Ayos ba?” Tanong ko.
    “Cha,” Humahalakhak na tawag ni A sakin, “Doon na kami maghihintay sa parking lot. Be there ah.” Agad na silang umalis na para bang may naghahabol.

    Kumunot ang noo ko at bumaling ulit kay Jayden.

    “Ano? Uhmmm…”

    Tumikhim siya at tumayo. Humakbang siya papunta sakin at ang buong sistema ko ang nagsisigaw na hindi na talaga ako pupunta sa sarili kong Bridal Shower. Kung makatitig siya parang nahuhubaran na ako eh. Agad nanghina ang mga binti ko. Kahit tinitignan niya pa ako at papunta pa lang siya sa akin ay bumibigay na agad.

    Nilagay niya ang ilang strand ng buhok ko sa likod ng tainga ko at tinaas ang baba ko gamit ang daliri niya.

    “Ano? Okay lang ba ito? Ayaw mo ba? Pwede naman akong magpalit?” Dinig ko na ang panic sa boses ko.
    Umiling siya, “I love you, Cha. Kahit ano pang soot mo. Kahit wala.” Ngumisi siya.
    Hinampas ko ang dibdib niya.
    “Don’t worry, I’ll be a good girl, okay?” Ngumisi ako.
    “I know.”
    Tumaas ang kilay ko.
    “Sakin ka lang dapat bad girl, alright?” Humalakhak siya.

    Naweirduhan parin ako kung paano niya ako pinayagan na magkaroon ng Bridal Shower na wala siya. Yes, I know it’ll be ridiculous kung nandyan ang husband ko sa bridal shower, kaso it’s not like him.

    Nagkibit balikat na lang ako nang nakarating na kami sa Republiq Club. Ang daming tao!

    “Uy!” Sabay high five ni CJ sa mga kakilala naming taga Cebu na dito na sa Manila nakatira.
    “Hello!”

    Nawindang ako sa dami namin dito. Napatingin ako sa likod ni CJ na may isang pamilyar na at matangkad na lalaki akong naaninaw.

    “JAKE?” Napasigaw ako sa gitna ng maingay na trance music.
    “Charity!” Tumawa si Jake nang nakita ako.
    “Akala ko nasa New York ka? Nakauwi ka pala ng Pinas?” Tanong ko.

    Hinawakan niya ang braso ko at inilapit ang sarili sakin. Syempre, hindi kami magkakarinigan kung magkalayo kami.

    “Oo. Last week. Uuwi na sana ako ng Cebu pero tinawagan ako ni CJ na dito muna sa Manila kasi pupunta daw kayo.” Itinuro niya ang barkadang mga lalaki ni CJ na nandito rin sa Manila.
    “Oo.” Tumawa ako.

    Hindi ako makapaniwalang nag uusap lang kami ni Jayden kanina tungkol sa kay Jake kanina sa plane ay ngayon, nag materialize na siya sa harap ko.

    “A, diba mamaya pa kayo papasok sa VIP room?” Tanong ni CJ na halos sumigaw na sa ingay.

    Napapikit-pikit ako sa sobrang nakakahilong mga neon lights galing sa bar. Ang likot kasi. At siguro hindi na ako masyadong sanay ng ganito.

    “Oo. Mamaya pa kasi dadating yung mga order namin. Tsaka. Gusto din naming mag explore muna!” Habang nagsasalita si A ay may nagbigay sa kanya ng maiinom.

    Agad niya itong binigay sakin. Tumawa ako at nilagok iyon.

    Umupo muna kami sa isang sofa. Hindi ko na mahagilap si Erica, Shaira, Jeremy, at Marcus. Mukha atang nag sasayawan na sila sa gitna ng dancefloor.

    “Kumusta?” Tanong ni Jake sakin.

    Hindi ko akalang nakasunod parin pala siya samin. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Halos wala siyang pinagbago noong college kami. Kung meron man, siguro ay mas lalo siyang tumangkad. Si Jake kasi ay Basketball Player namin sa USC noon. Star Player. Maraming offers sa kanya sa Manila, La Salle, Ateneo, at kung anu-ano pang malalaking school na bigyan siya ng scholarship magtransfer lang siya doon. Pero dahil sikat ang pamilya ng mga Aznar dito sa Cebu at masyadong loyal ang dad niya, hindi siya pinayagan.

    “Okay lang.” Sabi ko at ngumisi. “Ikaw? Long time no see!” Tumawa ako at nilagok ang tequilang binigay ni CJ sakin.

    Agad kong sinipsip ang lemon. Ang init agad ng bituka ko. Dalawang shot pa nga lang ang naiinom ko. Siguro ay hindi na talaga ako masyadong sanay sa gawaing ito.

    Siniko ako ni Angel at binigyan ako ng isang inuming hindi ko kilala.

    “Ano ‘to?”
    “Cocktail yan. Try mo. Masarap yan.” Tumango siya.

    Nilagok ko at tama siya, masarap nga. Kaso mukhang may vodka. Hindi pa naman kami friends ng Vodka.

    Tumawa na lang ako at pinasadahan ng tingin ang dancefloor. Ilang sandali ang nakalipas ay hilong-hilo na ako. Umabot na naman sa point na nasusuka ako. Bunga ito ng Vodka’ng ininom ko. Ilang beses ko ba dapat isaksak sa kokote ko na hindi ako pwedeng uminom ng Vodka.

    “Uy, Cha! Malapit na tayong pumasok sa VIP. Sumayaw ka na.” Sabay hila sakin ni A sa dancefloor.

    Humagikhik na lang ako at nagpatianod sa kanya. Saka niya lang binitiwan ang kamay ko nang nandoon na kami sa dancefloor. Pumikit ako at pinaglaruan ang buhok ko habang sumasayaw. I wish Jayden was here…

    Kinagat ko ang labi ko tuwing naiisip ko ang tingin niyang mainit sakin kanina. Napangiti na lang ako. May naramdaman akong biglang dumidikit sa katawan ko. Sa gulat ko ay dumilat agad ako. Bumungad sakin ang nakangising mukha ni Jake. Idinidiin niya ang sarili sakin.

    Normally, kung ganito ay wala lang sakin. Pero ngayon, hindi ko na maatim. Tumigil ako sa pagsasayaw at umambang aalis na pero naramdaman ko ang kanyang braso na nakapulupot sa baywang ko. Hindi ako makagalaw.

    “Jake, balik muna ako.” Sabi ko ngunit hindi niya ako narinig.

    Dala na rin siguro ng ingay sa loob ng bar. Hindi niya ako marinig. Kahit anong sabihin ko sa kanya.

    Kaya imbes na magsalita ay tinulak ko na lang siya at umiling. Kumunot ang noo niya at nagsalita. Hindi ko rin iyon marinig kaya inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Sa sobrang lapit nito ay nakikiliti ako tuwing humihinga siya.

    “What’s the problem, Cha?” Tanong niya gamit ang malambing na boses.
    “Babalik na ako.” Nilapit ko rin ang bibig ko sa tainga niya. “Pupunta pa kami ng VIP room.”
    Tumango siya at hinawakan ang baywang ko para sumunod sana sakin. Napatingin ako sa kamay niya.

    Hahawiin ko na sana ang kamay niya pero nasiko ako ng isang nagsasayaw.

    “Dahan-dahan naman!” Sigaw ni Jake sa kanya.

    Marahan niya akong tinulak palabas ng dancefloor at nawalan na ako ng pagkakataong tanggalin pa ang kamay niyang nasa baywang ko.

    Nang nakabalik na kami sa sofa ay panay parin ang sunod at titig ni Jake sakin. Ngumuso na si A sakin at umiling.

    “Tuwing Bridal Shower talaga maraming nangyayari.” Aniya at binigyan ako ng tequila.

    Tinignan ko ang isang shot at umiling ako.

    “WHAT? AYAW MO?” Gulat na gulat siya sa asal ko.

    Ayaw kong may mangyaring masama ngayon kaya hindi ako iinom ng marami. Kaya ko naman ang sarili ko pero gusto kong manigurado. Hindi nila ako tinantanan.

    “Anong klaseng Bridal Shower ito?” Bulong niya sakin.
    Tumawa na lang ako nang inirapan niya ako.

    Ilang sandali pa bago kami pumunta ng VIP room.

    “Pwedeng sumama?” Tanong ni Jake sakin.
    Umiling si A, “Sorry Jake. Bridal Shower, eh. Kailangan babae lang.”
    “Dammit!” Panay ang mura ni CJ, as if he’s not enjoying the scene.

    May nagsasayaw na sa stage na naka bikini lang. Ano ito? Life Dance?

    “Whoa! Great! Sinong ikakasal?” Tanong niya.

    Itinuro ako ng mga pinsan at mga kaibigan ko. Ngumisi ako kay Jake. Nalaglag ang panga niya sa nalaman. May sasabihin pa sana ako pero hinila na ako ng mga pinsan ko papasok sa VIP Room.

    Doon lang ako bumanat sa pag inom. Lahat yata ng binibigay sakin ay nilalagok ko. It’s all safe here… All safe… We are all girls.

    Sa loob, may mini bar din. May billiard tables, flatscreen na mukhang pwede mag videoke at mga sofa.

    Good na good na ang mga pinsan ko. May tama na si Erica at Lyka. May pinaputok pa silang napatalon ako. Sumabog ang confetti at panay parin ang tawa nila. May nagbukas din ng wine at nag overflow ito. Nabasa ang buhok ko. Tumawa na lang ako sa kabangagang ginagawa nila.

    “YUNG AKALA NATING MAGIGING PARTY GIRL FOREVER PA ANG NAUNANG MAKAPAG ASAWA! WOOOOH!” Sigaw ni A.

    May nag on ng stereo. Napatalon ako sa ingay. Mas gusto ko yata dito kesa sa labas. Masyadong maraming tao doon.

    May kinuha silang cake na may design na isang malaking Penis.

    “BLOW! BLOW! BLOW!” They chanted.

    Tumatawa na lang ako sa kanila. Pinalibutan na nila ako.

    “BLOW IT LIKE IT’S JAYDENS!”

    Mas lalo akong humagalpak sa tawa. Uminit ang pisngi ko sa sinabi nila. May nagsindi sa tip ng kandilang hugis penis. Sa kabilang kamay naman ni A ay may isa pang cake na ganun din ang design. Pero ngayon ay hindi na kandila. Ang whole cake na mismo ang penis.

    Humahawak na lang ako sa tiyan ko sabay bungisngigs sa tawa. Ang gulo-gulo na. Habang pinipilit nila akong iblow ang kandila, may nagpapasabog ng confetti. May nagsoot pa sa ulo ko ng boxers!

    “HOY!” Sigaw ko sabay tanggal noon.
    “Ano ‘to?”
    Tumawa sila, “Nahanap namin yan sa kwarto niyo ni Jayden! Wa’g ka ng pavirgin, Cha!” Tinapon ulit sakin ang boxers ni Jayden.

    Wala akong nagawa kundi ang pagbigyan silang lahat at mamatay sa katatawanan.

  • Chapter 37Open or Close

    Chapter 37
    Ang Macho Dancer

    Nilagyan nila ako ng piring pagkatapos kong iblow ang candle. Ang mga walang hiya, pinicturan pa akong kinakagat iyong dulo ng cake na dinala nila! Pero, sige, pagbigyan natin kasi pinaghandaan nila ito.

    Hindi na ako makapag isip ng mabuti dahil sa sobrang tequila na pinaglalagok ko kanina. Inayos ko ang piring. Sobrang dilim. Syempre nga, nakapiring na ako.

    Tumatawa sila sa background. Naranig ko ring bumakas ang pintuan at tumawa na naman sila.

    “Uy, ano yan?” Tanong ko.
    “Bawal magtanong!” Agad na sabi ni Erica.

    Kinagat ko ang labi ko saka dinig na dinig ko na ang maingay kong puso. Anong meron? Mga macho dancer ba? Bigla silang natahimik.

    “Uy, ano na?” Tanong ko.

    I feel so helpless and blind. Litrerally blind. May nagplay na isang erotic na sound.

    “WHOA? Really?” Humagalpak ako sa tawa nang narinig ko ang saxophone sa background.

    Humalukipkip ako. Nakaupo parin ako sa sofa.

    “Anong pakulo ‘to? May macho dancer ba?” Tanong ko.

    Narinig kong may humalakhak sa malayo.

    OMG! Baka ako na lang mag isa dito sa sofa? Tumayo agad ako at lumingon-lingon kahit alam kong wala rin naman akong makikita sa piring ko. Mas lalong lumakas ang background na sax. Sa puntong ito, hinaplos ko na ang sarili kong mga balikat dahil nagtindigan na ang balahibo ko. This is just too erotic.

    “Hoy ano ba?” May naramdaman akong mabangong daliri na lumapat sa labi ko.

    Natahimik ako at mas lalong tumindig ang balahibo ko.

    “Oh my gosh, Jayden will be really furious!” Sabi ko hanggang sa naramdaman kong diniin ng macho dancer ang sarili niya sakin.

    Humagalpak sa tawa ang mga panira kong pinsan. Hindi na ako nakapagsalita. Topless ang macho dancer kasi naramdaman ko ang init ng katawan niya.

    Umikot siya nang nagsasayaw parin ng slow horny waves sa akin. Bawat haplos ng katawan niya sa katawan ko ay napapatikhim ako.

    SINO BA ITO? GOODNESS! Ano na?

    “Come on, Cha! Do something!” Sigaw ni Angel.
    “MGA WALANG HIYA!” Sigaw ko.
    “Ibang klase din talaga ang kamandag ni Jayden, ah? Nawawala na ang pagiging manyak mo. Ano yan? Ginayuma ka ata nun!” Nagtawanan sila.

    Umiling na lang ako. Nalaglag ang panga ko nang mas lalo niyang idiniin ang sarili niya sakin. To the point na naramdaman ko na ang kanya sa akin.

    Malulutong na mura ang ginawa ko. Lumipad ang kamay ko sa bibig ko para takpan iyon. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay iyon sa mga biyak ng kanyang abs. Hindi ko na mapigilan ang mga mura ko.

    Binaba niya ang kamay ko. Ginagawa niya ito habang umaalon-alon ang katawan niya sa pagsasayaw.

    Habang ang mga kamay ko ay nasa abs niya ay kinakalas niya ang piring ko. At nang nakalas na ito ng tuluyan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko… It was Jayden!

    Naka faded at punit-punit na jeans siya habang nagsasayaw. May maskara siya pero kitang kita ko ang mga mata niya. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nagsayaw. Ngumisi siya at kumindat sakin. Kinagat niya ang kanyang labi. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napailing iling ako habang inaalis niya ang kanyang sinturon.

    “OH MY GOSH! OH MY GOSH!” Sabi ko.

    Napatingin ako s amga pinsan kong nasa kabilang pader at panay ang video sa nangyayari.

    “SHIT!” Mabilis niyang binaba ang pants niya at doon ay naka boxers lang siya.

    Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Uminit na ng todo ang pisngi ko. Ayaw ko ng isipin kung anong kulay na meron ito ngayon.

    Idiniin niya ang sarili niya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa abs niya pababa. Napapikit ako sa ginawa niya. Humalakhak si Jayden.

    “You want PDA, Cha? I’ll give you more.”

    AYAW KO NA! HAHA! Maghahyperventilate na yata ako sa pag sasayaw niya sakin.

    “You can’t dry hump on me Jayden!” Sabi ko.
    “Sinong nagsabing hindi pwede?” Bulong niya sakin.

    Hindi ko kinakaya ang pagpapatuloy niya. At boxers lang talaga ang soot niya. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin ito.

    Hinalikan niya ang labi ko.

    Narinig kong naghiyawan ang mga pinsan ko.

    “I told you, Cha. There’s no chance to cheat here. Sakin ang buong atensyon mo, alright?” Aniya sabay ngisi.
    “Damn, I won’t ever cheat, Jayden. Kung alam mo lang.” Sabi ko at napapikit sa mga halik niya sa gitna ng leeg at tainga ko.

    Nakakalimutan ko ng pinapalibutan nga pala kami ng mga pinsan ko. Hinawakan niya ang naka expose kong mga hita at diniin iyon sa kanya.

    “Whoa whoa whoa! Mamaya na yan, okay?” Sabi ni A.

    Pero wala… Ayaw niyang magpaawat. Bumalik siya sa paghalik sakin sa labi at mas lalo itong pumupusok.

    “This is super ultra PDA. Mamaya magkakaroon na kami dito ng live show ah? Tama na yan.”

    Tumigil si Jayden at tumawa.

    “Hoy! Tumalikod nga kayo!” Saway ko sa mga pinsan ko. “Naka boxers pa siya oh!”
    “Weh? Kanina pa kami nanonood dito… At in fairness, Cha… Mala adonis!” Tumawa si Shaira.

    Sinimangutan ko sila. Tumawa rin si Jayden at naglakad para kunin ang jeans niya. Hindi ko mapigilang punahin ang pagiging confident niya sa paglalakad ng nakaboxers lang.

    “Jayden! Bilisan mo sa CR!” Sabi ko nang nakitang pagkadampot niya ng jeans ay bumalik pa siya sakin.

    Tumawa siya nang nakita akong nakasimangot na nakatitig sa kanya.

    Sumipol ang mga pinsan ko, “Jayden, panu yung performance mo samin?”

    Tumawa ulit si Jayden. Nilingon ko ang mga pinsan ko at tinignan ng matatalim.

    “Bilis na!” Sabi ko sabay tulak sa kanya sa CR.

    Hinalikan niya ako ng malagkit at mapusok na halik bago pumasok sa CR nang tumatawa.

    “What the fvck, A?” Umirap ako.

    Nagtawanan silang lahat.

    “It was his idea! Nanghingi lang naman ako ng permiso kung pwede ba akong mag hire ng macho dancer. Sabi ko sasayawan ka lang naman. Bawal ang hawakan at halikan. Hanggang nood lang tayo at maging ang macho dancer. But he’s just too possessive, Cha. You are freaking right!”

    Bumungisngis sila.

    “Ako na ang sasayaw! Ako na ang magiging macho dancer! He offered, Cha!” Tumawa si Lyka.

    Nakasimangot parin ako pero hindi ko na mapigilan ang pagngiti. Sinasabi ko na nga ba. Alam kong hindi niya kayang ipaubaya ako sa bar.

    Pagkatapos magbihis ni Jayden sa kanyang jeans at isang grey t-shirt ay umupo na siya sa sofa at pinanood ang games ng mga bangag kong pinsan.

    “Treasure hunt!” Anila.

    May mga obstacle tulad na lang ng pag inom ng isang tequila, pagkain ng saging nang hindi hinahawakan, pagputok ng balloon at pagsoot ng t-back.

    Walang katapusang katatawanan ang inabot ko. Yung premyo ay isang box ng condom.

    “Hindi na kailangan yan!” Sabi ni Jayden. “Bubuntisin ko rin yang pinsan ninyo.” Tumawa siya.

    Wala akong nagawa kundi ngumanga sa sinabi niya. Nagkatinginan kami at kinindatan niya ako.

    Pagkatapos ng mga bangag na laro ay nagkaroon ng huling pakulo ang mga pinsan ko.

    “Gift giving.”

    Oo, gift giving na nauwi sa green giving.

    “Ito ay para sa mga gabing tulad ngayon.” Hindi matapos tapos ni A ang sinasabi niya dahil sa pagtawa niya. “Ayoko na!” Aniya at humagalpak na. “Naaalala ko yung mukha nung cashier pagkabili ko nito!” Tumawa siya.

    Sex lubricant! Parang nasa isang bote ng lotion iyon. Pinagkaguluhan nilang lahat.

    “Ako naman!” Winagayway ni Erica ang regalo niyang nasa loob ng box. “Buksan mo na.”

    Binuksan ko naman at nakita kong condom rin ito.

    “Condom yan, but wait, there’s more, may vibrator sa loob!”

    Nagtawanan ulit kami. Maging si Jayden ay natawa na rin sa mga regalo nila. May lingerie, may posas pa… Para saan yung posas? I can only imagine!

    Natapos iyon nang inubos na namin ang Patron, Bacardi at Schnapps na inorder ni CJ para samin. Kaya ang resulta, lasing na lasing ako buong magdamag.

    Pagkalabas pa namin sa VIP room ay nag inuman na naman kami ng Black Label na galing parin kay CJ. Ito na yata ang isa sa mga gabing iyon. Mabuti na lang at nandyan si Jayden at inaalalayan ako. Hindi niya ako pinipigilan sa pag inom. Dahil alam ko rin namang pinagbibigyan niya lang ako. Just this one night, hahayaan niya akong uminom ng marami. Basta nandyan siya.

    Tumatawa ako at humihilig sa dibdib ni Jayden.

    “Hey, Cha, ipakilala mo naman ang last love mo sa first love mo, oh?” Lasing na linyang sinabi ni Jake.

    Napatalon ako at napatingin sa kanya. Inaawat na siya nina Jeremy. Pulang pula ang kanyang mukha sabay turo-turo kay Jayden na para bang may malaking atraso si Jayden sa kanya.

  • Chapter 38Open or Close

    Chapter 38
    Ang After Party

    Tinulak ni Jeremy si Jake dahil nag eeskandalo na ito sa buong club. Maging si CJ na pulang-pula na rin at mukhang may amats na ay umaawat na rin kay Jake.

    Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, itong si Jake ang pinaka seloso. Minahal ko siya. Syempre, siya yung una kong naging boyfriend. Siya ang una kong nagustuhang lalaki. Nagsimula kami sa pagiging tweetums. Nagsimula lahat sa kilig. Pero dahil sa pagiging seloso niya ay hindi ako nagtagal. Hindi ko maiwasang magkaroon ng kaclose na lalaki. Hindi ko maiwasang magsaya at makipagtawanan sa iba. He just didn’t like it. So we ended our relationship. Nang nag college kami sa San Carlos, akala ko nag mature na siya. Pero ganun parin ang naging problema.

    “Ano bah!?” Tinulak ni Jake si Jeremy kaya bahagya itong napaatras.
    “Dude, chill! Tayo na nga sa labas! Yosi tayo!” Sabi ni CJ para pigilan si Jake.
    “Hindi, eh! Hindi talaga!” Aniya.

    Napahawak ako sa braso ni Jayden.

    “You slut, Charity!” Sigaw niya sakin.

    Hindi ko na napigilan ang kamao ni Jayden na dumiretso sa mukha ni Jake. Humilata agad si Jake at napahawak sa panga niya. Kinwelyuhan siya ni Jayden at pinatayo.

    “You don’t call her slut!” Sigaw niya saka sinuntok ulit.

    Napasigaw na kaming mga babae sa nangyari. Bumaling si Jayden sakin at umambang babalik na sa akin. Nakita ko sa likuran niyang bumangon si Jake at agad pinagsamantalahan ang pagkakawalang malay ni Jayden. Sinuntok niya si Jayden sa pisngi.

    Napasigaw ako at agad nang sumugod.

    “JAKE!” Sigaw ko.

    Hinawakan ni Jayden ang braso ko at umambang itatabi ako pero napigilan siya nina Jeremy at CJ. Agad hinawakan ang magkabilang kamay ni Jake ng mga bouncer doon sa club.

    “Bitiwan niyo nga ako!” Aniya sa mga bouncer na nakapalibot. “Ako ba yung nagsimula eh yung lalaking iyon naman?” Aniya.

    “Come on, man! Stop acting like you still have a relationship!” Sigaw ng galit na si CJ.
    “Ano naman ngayon? Ako yung nauna kay Cha! At alam kong ako parin, CJ! Not him!” Napangiwi siya nang tinignan si Jayden.
    “Really?” Narinig ko ang nanunuyang boses ni Jayden sa likod ko.
    “FCK YOU!” Sigaw ni Jake.
    “Jake! You’re drunk!” Sigaw ko sa kanya. “Stop it!”
    “Hindi pa kayo kasal! Wa’g kang pakasisiguro!” Ani Jake.

    Hinawakan ni Jayden ang kamay ko at ipinakita ang mga daliri naming dalawa.

    “Sino ba kasing nagsabing hindi kami kasal?” Nanunuya parin ang boses ni Jayden. “Kasal na kami at ikaw? Hanggang first love ka na lang. Ako yung tatapos sa mga pagkakataon mo, ninyo, ako ang huli. Kaya walang puwang ang first love dito!”

    Hinila na ng mga bouncer si Jake palabas. Nagwawala parin ito habang ginagawa iyon sa kanya.

    Bumaling agad ako kay Jayden na nakakuyom parin ang kamay. Hinawakan ko ang braso niya kahit na mejo nahihilo na ako.

    “Jayden, I’m sorry. Ganun talaga siya, kahit noon. Ganyang ganyan din siya. Lalo na pag lasing. Pero maayos namana siya pag hindi. Ngayon lang sigur-“
    “Shh.” Aniya saka niyakap ako. “You don’t have to explain… Alam kong mga jerk talaga ang mga naging ex mo.” Humalakhak siya.

    Bumuntong-hininga ako. Ang tunog ng tawa niya ang nakapagpakalma sakin.

    “Kasi kung hindi sila jerk, noon ka pa nila tinali.” Humalakhak ulit siya. “Buti na lang mga jerk sila.”

    Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ang bango-bango niya parin kahit disoras na ng umaga. LOL.

    Umupo ulit kami sa sofa. Na badtrip kasi si Cj sa pag eeskandalo ni Jake kaya ayaw niya pang umuwi, baka daw siya naman ang mag wala. Kaya imbes na umuwi sila ay bumalik na lang sila sa dancefloor.

    “Beer na.” Sabi ni Erica habang nakapikit na sa sofa.

    Yung utak ko, lumilipad parin sa suntukan ni Jayden at Jake. Napatingin ako kay Jayden at nakita kong may konting pasa sa kanyang pisngi.

    “Hala…” Sabi ko.

    Sa kalasingan ko, hindi ko na ito agad napansin. Hinaplos ko iyon. Hinawi niya ang kamay ko at sumimangot.

    “May pasa ka.” Sabi ko.
    “Don’t worry about that.”
    “Jayden, umuwi na tayo. Gagamutin ko yang pasa mo.” Sabi ko.
    “Mamaya na. Just have fun with them.”

    Hindi siya nagpaawat. Pero pagkatapos ng 30 minutes ay nakumbinsi ko na siyang umuwi. Mabuti na lang at umandar ang pagiging KJ ni A kaya nagyaya na rin siyang umuwi sa kanilang lahat.

    “Alas kwatro na! Umuwi na tayo!” Masungit niyang sigaw sa mga pinsan ko.

    Nauna na kaming lumabas ni Jayden sa club. Binuksan niya ang sasakyan niya (naka park pala iyon sa Le Marcelle nung dumating kami). May kinuha siyang jacket sa backseat at sinoot sakin.

    Ngumisi ako sa gesture niya. Hindi niya iyon namalayan. Sobrang gentleman talaga niya. At hindi niya sinasadya yung pagiging gentleman niya.

    Binuksan niya ang pintuan para sakin at inilagak ko ang sarili ko sa backseat. Sumimangot siya sa move ko. Nag peace sign ako. Nang naramdaman ko ang sofa ng upuan niya ay nahulog na ang mga mata ko. Inaantok ako at nararamdaman pa lalo ang pagiging lasing ko.

    “You’re drunk, Cha.” Aniya.
    “Not yet. Just tipsy.” Sagot ko.
    Umiling siya at sinarado ang pintuan.

    Umikot siya at umupo sa driver’s seat. Humagikhik ako at nilagay ang kamay ko sa hita niya. Pinaandar niya agad ang sasakyan at hinawi ang kamay ko sa hita niya.

    “Jayden…” Nagtatampo kong sinabi sabay balik sa kamay ko sa hita niya.
    “Not now, Cha… Alas kwatro na. We need to sleep. Bukas ng umaga, imi-meet mo pa ang parents ko.”
    “Hindi ba pwedeng next day na lang?” Tanong ko nang nakapikit na.
    “Nakapagpromise na ako sa kanila.” Sabi niya.
    “HMMMP!”

    Nilagay ko ulit ang kamay ko sa hita niya. Hinawi niya agad ito.

    “Charity!”

    Napadilat ako sa saway niya sakin.

    “Gusto ko lang namang mag lambing.” Sabi ko.

    Nakita kong ngumisi siya at umiling nang nakatingin sa kalsada. Ngumisi din ako.

    “Alright, next day, then.”

    Pinaharurot niya ang sasakyan at kaya agad kaming nakarating sa Le Marcelle. Nasa labas pa lang kami ng suite ay panay na ang halik ko sa kanya. Tinataas ko ang hita ko dahil gusto kong sumakay sa baywang niya kaya lang ay binababa niya ito.

    “Let me, Jayden.” Sabi ko.
    “No… Shhh…” Aniya sabay baba sa skirt ng dress kong tumataas na at nagpapakita na ng panty. “May mga CCTV cameras, dito.”

    Hindi ako nagpaawat. Buti na lang at binuksan niya agad ang pintuan ng suite namin. Napaatras na siya papuntang sink dahil panay ang tulak ko sa kanya.

    “Easy, Charity. I won’t run.” Aniya.

    Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko yung halik niya. Ngayon. Dito.

    Humalakhak siya nang mas lalo kong hinalikan ang mga labi niya.

    “Damn, girl!” Aniya at tinulak ako para hubarin ang kanyang soot na t-shirt.

    Pinagmasdan kong mabuti kung paano nag flez ang kanyang abs at ang kanyang braso sa move na ginawa niya. Agad niyang nakita ang pagtitig ko kaya binuhat niya ako at pinaupo malapit sa sink. Naramdaman ko ang lamig ng sink. Iyon pala, tuluyan nang nakataas ang dress ko. Kitang kita na ang panty ko. Well, I don’t really care.

    Iyon agad ang pinagdiskitahan ni Jayden. Binaba niya ang panty ko habang hinahalikan ako.

    Agad nag init ang kalooblooban ko. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng dress ko. Hindi niya na tinanggal ang lock ng bra ko. Hinawi niya na lang ang cup at pinaglaruan ang boobs ko. Bahagya akong humilig sa kanya. Hindi ko na kaya ang init na nararamdaman ko.

    “Jayden…” Kinurot ko ang balikat niya.

    “You feel it, Cha?” Tanong niya.

    Hindi na ako sumagot. Mas lalo na talaga yata akong nalasing dahil sa sinasabi at ginagawa niya. Binaba niya ang kamay niyang galing sa boobs ko at dahan-dahan itong pinaglakbay sa mga hita ko.

    “Ugh!” Mas lalo kong inatake ang labi niya.

    Jusko! Magpapaalipin talaga ako sa kanya. Magpapakulong ako sa bahay namin basta ba ganito. Walang problema sakin!

    Hinaplos niya ang gitna ng hita ko. Pumilipit na naman ako sa naramdaman ako. Binahagi niya ang mga hita ko at pinagpatuloy ang paghaplos nito. Ngumisi siya dahil talagang pumupungay ang ang mata ko at nawawala na ako sa sarili.

    Hinila niya ang magkabilang binti ko at inilapit iyon sa baywang niya saka niya binuksan ang kanyang pants.

    Halos dumugo ang balikat ni Jayden sa pagkalmot ko nang pumasok siya sakin. Dahan-dahan niyang sinabayan iyon ng paglabas-pasok.

    “Jayden! Shit!” Napamura ako.

    Nanginginig na ang labi ko. Mas lalo niyang diniin ang sarili niya sakin.

    “I love you so much, Cha. I want to be the father of your children.”

    Hindi ko na masabing ‘I love you, too’ dahil walang wala na ako sa sarili dahil sa ginagawa niya sakin.

    Kinaumagahan, nagising na lang ako sa kama namin. Hindi ko na maalala kung paano ako napadpad dito. Ang huling memory ko ay nasa sink kami. Nilingon ko siya at nakita ko ang payapa at gwapong mukha niyang natutulog. Gumalaw ako ng konti at naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko. Damn, hang over! Kaya imbes na bumangon ako ay pinagmasdan ko na lang ng mabuti ang asawa kong mahimbing na natutulog.

    Nilingon ko ang orasan sa tabi ko at nakitang alas nuwebe na pala ng umaga.

  • Chapter 39Open or Close

    Chapter 39
    Ang Vase

    Hinaplos ko ng marahan ang maamong mukha ni Jayden. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang kasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko. Ilang buwan lang ang pagitan noong mga oras na hindi ko pa mahanap ang sarili ko, at sa mga buwan na mahal na mahal ko siya… pero pakiramdam ko ang tagal ko na siyang minahal. At walang hangganan ang pagmamahal ko sa kanya.

    Napatalon ako nang narinig kong bumukas ang pintuan sa suite. Nasa loob kami ng kwarto kaya hindi ko alam kung sinong pumasok.

    “Jayden?” Narinig ko ang isang boses ng matandang babae.

    Nilingon ko si Jayden. Mahimbing parin siyang natutulog. Napatingin ako sa soot kong bra at panty lang. Kaya’t pinulupot ko ang sarili ko sa kumot. Naka boxers lang din si Jayden. Napatingin ako sa doorknob na hindi sarado.

    Sino naman kaya ang makakapasok dito nang ganun-ganun lang? Si Trisha? Napalunok ako. Pero mas lalong gumuho ang mundo ko nang nabuksan na ang pintuan ng kwarto.

    Kasabay kaming nagulat nang isang mukhang sopistikada at may edad ng babae. Nasa late 50s siguro siya, bihis na bihis isang puting bestida at may simpleng gold necklace. Kung ihahambing siya sa mommy kong wagas kung mag bihis, di hamak na mas simple at sopistikada ang isang ito.

    “Ma’am? Maling kwarto po yata.” Sabi ko sa gitna ng panic.

    Nag alab ang tingin niya sakin. May isang babae pang nag pakita sa gilid niya. Siguro kasing edad ko ang isang ito, matangkad, maputi at chinita. Wait a minute… Kamukha yun ni Jayden ah.

    “Anong nangyayari?” Nanginginig na tanong ng mommy niya. “A-Ano ‘to?”

    Umalingawngaw ang boses niya sa buong Le Marcelle. Napatayo ako sa gulat at kaba. Dahan-dahan ding gumalaw si Jayden sa pagtulog niya hanggang sa unti-unti siyang nagising.

    Pinasadahan ako ng tingin ng babae. Halos makita ko na ang usok sa tainga at ilong niya habang tinitignan ang kumot na nakapulupot sakin.

    “Ma, let’s go… Hayaan po muna natin sila ni Kuya.”

    KUYA? MA? THIS IS… THIS IS JAYDEN’S MOM!? And that’s his sister?

    Nakita kong dumilat ang mga mata ni Jayden at nakita ang mommy niya.

    “Jayden!” Mabilis at mabibigat ang paghinga ng mommy niya.

    Nanginginig ang kamay niyang tinuro ako.

    “WHAT DID YOU DO TO HIM?”
    Umiling ako, “Wala po.”
    “Ma!” Bumangon si Jayden.

    Halatang naalimpungatan ito sa ginawa ng kanyang mommy.

    “MY GOODNESS! MY GOODNESS! Babalik ka ng Maynila at ito ang bubungad sakin? Sabi mo may surpresa ka at bakit ako yung nasurpresa dito!?”

    Kinusot lang ni Jayden ang kanyang mga mata at inabot ang kamay ko. Hindi ko alam kung tama bang iabot ko itong kamay ko gayong matatalim ang tingin ng mommy niya sa akin.

    Nakita kong nanginig ang labi ng mommy niya nang nilagay ko ang kamay ko sa kamay ni Jayden.

    “Surprise, Ma!” Humalakhak si Jayden at ipinakita ang mga singsing namin. “I’m married.”

    Pabalik balik na bumuka at natikom ng mommy ni Jayden ang kanyang bibig bago ako inirapan at nag walk out!

    “Sorry, Kuya. Masyadong excited si mommy na makita ka. Ayaw ko sanang papuntahin dito kaso… mapilit siya.” Malungkot akong pinagmasdan ng kapatid ni Jayden bago sumunod na sa mommy niya.

    Ginulo ni Jayden ang buhok niya saka bumangon. Ako naman, naestatwa na sa kinatatayuan ko.

    “Jayden… is this bad?” Nanginginig kong tanong.
    Umiling siya pero alam kong masama nga itong nangyari.

    Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

    “Wa’g kang mag alala sa kanya.” Aniya.

    Pero kahit ano yatang sabihin niya ay hindi ko mapigilang mag alala. Nahuli kami ng mommy niyang nakahubad (well, may bra at panty ako, may boxers si Jayden) sa suite niya. Hindi niya alam na kinasal na si Jayden. Susurpresahin sana siya ni Jayden ngayong umaga pero pinilit ko si Jayden sa sa susunod na araw na lang. Kaya heto at sinugod kami dito para madatnan na ganun!

    “Hindi mo pala sinabing kasal ka na?”
    Umiling siya, “She’ll be furious. Sabi ko lang sa kanya engaged na tayo. Gusto niya na ngang lumipad sa Cebu nang nalaman niya iyon pero sinabi kong maghintay dahil uuwi kami dito. Pag lumipad siyang Cebu, paniguradong di yun papayag na sa huwes lang tayo. Mas lalong tatagal ang kasal natin. Baka next year niya pa i-set. Ayaw ko namang pangunahan niya ako.”
    “P-Pero… Paano na ngayon ‘to?”
    Ngumisi siya, ngising nagpakalma sakin kahit paano, “Hayaan mo siya. Wala siyang magagawa. Lambingin na lang natin. Maayos din ang tingin nun.”

    Kung lambing lang rin naman… kaya ko iyon. Pero ibang usapan ito. Mommy ito ni Jayden at may wrong first impression siya sa akin. Anong iniisip niya sakin? Na isa akong walang delikadezang babae.

    Napatingin ako sa seryosong mukha ni Jayden habang nag da-drive. Alam ko kung bakit niya inamin agad kanina na kasal na kami. Nahuli kami ng mommy niyang nakahubad sa loob ng iisang kwarto. Hindi naman namin pwedeng sabihin na nag mahjong kami doon sa loob diba? Alam niyang may nangyari saming dalawa. Kaya para masalba ang paningin niya sakin ay agad na lang inamin ni Jayden na kasal na kami.

    “I’m sorry, Cha.” Tumikhim siya nang nagpark kami sa bahay nila.

    Malaki at simple ang bahay nila. May garden, fountain, at maayos na village ang napili nilang pagtayuan nito. Mukhang dito nakatira ang mga may kaya sa Manila. Sa bagay, iyong damit pa lang ng mommy niya kanina ay sumisigaw na ng pera.

    “Sana sinabi ko na lang agad kay mama.”
    “It’s okay, Jayden.” Sabay tingin ko sa bahay nila.

    May nagbukas ng gate. Pinasok agad ni Jayden ang sasakyan niya at nagpark sa garahe. Nakita kong may tatlong dalawang nakahilerang sasakyan pa doon. Sabay kaming lumabas.

    Ngayon, sinigurado kong maayos ang damit ko. Dress, pero long sleeve. At hanggang tuhod ang haba ng skirt. Naka wedge ako, hindi masyadong mataas para mapagkamalang kung ano.

    “Let’s go…” Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko ito.

    Halos sumabog na ang puso ko sa kaba. Para itong sinisipa ng kabayo habang binubuksan niya ang pinto at pumapasok kami. Nakita kong may nakakunot ang noong mas bata saking lalaki ang nag aabang sa sala.

    “Kuya.” Aniya.
    “Jude.” Bati ni Jayden.

    Pinilit kong ngumiti sa likod ng kaba.

    “This is Charity. Charity, ito si Jude, kapatid ko.”

    Naglahad ako ng kamay. Tinignan niya ang kamay ko saka tinanggap.

    “Oh, Kuya…” Nandyan na naman ang kapatid niyang babae na may disappointed look sa kanyang mukha.
    “Nga pala, Cha, ito si Jen. Kapatid ko rin.”

    Ngumisi si Jen sakin pero saglit lang. Maglalahad na rin sana ako ng kamay pero agad siyang bumaling kay Jayden.

    “Tinawag ka ni mama.”

    Tumango si Jayden at hinawakan ang bakante kong kamay. Umamba siyang dadalhin ako sa mama niya pero pinigilan siya ni Jen.

    “Kuya, ikaw lang daw… uh… dapat… Sorry.”

    Ngumuso si Jayden at iminuwestra ako sa pinaka malapit na sofa.

    “Hintayin mo na lang muna ako dito.” Aniya at naglakad na papuntang kitchen ata ng bahay nila.

    Umalis si Jen at Jude, umakyat sa taas. Kaya ayun at ako lang ang nandito sa sala nila. Hindi ako mapakaling nakaupo lang. Kaya ang ginawa ko ay nilapitan ang nakahilera nilang mga frame malapit sa mga muwebles.

    May nakita ako doong bata pa si Jayden. Kahit noong bata pa siya ay sobrang gwapo niya na. Yung tipong pag naging schoolmates kami ay magiging ultimate crush ko siya. Nakita ko ang picture niya noong High School. Seryoso at makisig na siya noon pa man. Nakita ko rin sina Jude at Jen na close na close sa kanya. Nakita ko ang picture nila buong pamilya. Ang kanyang daddy at mommy. Magkahawig si Jayden at ang daddy niya kaya naman ay hindi ko agad napagtanto na mommy niya iyong kausap ko sa kwarto.

    Nang nasa piano na ako ay may nakita ako doong pictures ni Jayden kasama ang mga kaibigan niya. May nakita pa nga akong picture ni Chase Martin doon. At sa huli… napaawang ang bibig ko nang nakita ang isang picture ng mga naka unipormeng pang Le Marcelle (the scarf and all that). Sa tabi niya ay isang naka peace sign na Trisha. Marami sila sa picture na iyon pero silang dalawa ang nasa gitna.

    “AYOKO!” Napalingon ako sa banda kung saan pumunta si Jayden.

    Hindi ko gaanong marinig kaya lumapit ako ng konti sa isang cabinet ng mga iilang muwebles para marinig ang pinag uusapan nila ng mommy niya.

    “I DON’T LIKE THAT GIRL, JAYDEN!” Sigaw ng mommy niya.
    “Ma… Calm down-“
    “No! Divorce! Separate! O mag pa anull kayo!”
    “MA!” Narinig ko ang malakas na sigaw ni Jayden.

    Tumindig ang balahibo ko. I know he’s angry. Really angry.

    “Sa lahat ng dinala mo dito? Si Anna, noon, okay lang siya sakin kahit ang babata niyo pa noon. Si Olivia, okay lang din sakin kasi mabait iyon. At si Trisha, sobrang bait nun! Anong nangyari at ngayon ka lang ata pumalpak sa pag pili ng babae? AT PINAKASALAN MO PA TALAGA!?”

    Kinagat ko ang labi ko.Parang pinisil ang puso ko sa narinig. Cha, stay strong. Wa’g kang mag paapekto sa sinabi ng mommy niya.

  • Chapter 40Open or Close

    Chapter 40
    Ang Galit

    Dahil masyado akong nacarried away sa mga sinasabi ng kanyang mommy ay hindi ko namalayang masyado na pala akong nakahilig sa isang malaking vase.

    Saka ko lang iyon namalayan nang tumagingting ito dahil sa pagkakatumba at pagkakabasag ng bunganga.

    “Shit!” Mura ko nang nakitang na detach ang ulo at handle nito.

    “ANO YON?” Sigaw ng mommy niya galing sa kitchen.

    Agad kong dinampot ang mga bubog ng basag na vase sa sahig. May lumapit na matandang katulong sakin, may dalang walis at dust pan. Kaya lang, sa sobrang panic ko ay marahas ko ng pinagdarampot ang mga bubog, resulta nito ay ang sugat sa mga palad ko.

    Ang sakit! Dumugo ang isang daliri ko at maging ang palad ko.

    “Charity?” Tawag ni Jayden.

    Tinago ko ang kamay ko nang sa ganun ay hindi niya makita ang nangyari.

    Pero bago niya ako madaluhan ay nasa likod niya na ang moomy niya, nakaawang ang bibig at ready nang manupalpal sakin.

    “ANONG GINAWA MO?” Sigaw niya.
    “MA!” Sigaw rin ni Jayden.
    “JAYDEN!”

    Nakita kong nagsipuntahan ang dalawa niyang kapatid sa amin.

    “Ma, ano yan?” Tanong ni Jen sa ina.
    “Itong… babae ng kuya mo! Binasag lang naman ang mamahaling vase natin!” Aniya sabay turo sakin.

    Mahigpit na hinawakan ni Jayden ang kamay ko at nilagay ako sa likod niya.

    “Stop pointing your finger at her, Ma!” Galit na sinabi ni Jayden.

    Kinagat ko na lang ang labi ko. Sa pitong naging ex ko, lahat sila, nang pinakilala ako sa parents nila ay mabuti naman ang trato sakin. Ngayong sa asawa ko na, hindi pa ata ako tanggap. Aaminin ko, masama talaga ang naging unang pagkikita namin.

    Tumikhim ang mama niya at tinalikuran kami. Umiling si Jayden at bumaling sakin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

    Ang mga kamay ko ay nasa likod ko nang sa ganun ay hindi niya nakita ang mga sugat noon.

    “Aakyat lang muna ako sa taas, kakausapin ko si Papa tungkol sa asal ni mama sayo. I’m sorry.”

    Tumango ako.

    “Okay lang, naiintindihan ko naman.”

    Humugot siya ng malalim na hininga at umiling. Alam kong namomroblema na rin siya ngayon kaya ngumiti ako at pinaalala sa kanya kung gaano ako ka determinadong klase ng babae.

    “Kaya ko, Jayden.” Sabi ko.

    Tumango siya at umalis para puntahan ang papa niya. Ako naman ay abala sa panonood sa katulong na inaayos iyong vase. Hindi na iyon maayos pero sinusubukan niyang ayusin iyon. Nilingon ko ang mga kapatid ni Jayden na parehong bumalik sa taas.

    Wala akong nagawa kundi umupo sa sofa at maghintay kay Jayden.

    “Ayusin niyo yan!” Galit na utas ng kanyang mama. “Kung kailan marami tayong bisita! Kung alam ko lang na ganyang babae ang dadalhin niya dito ay sana hindi na lang ako nag imbita!”

    Anong bisita? May bisita?

    “Bukas! Pag dating ng mga bisita dito, kailangan maayos na yan!” Aniya.

    Napatingin ako sa vase na nilalagyan ng mighty bond. Tsk. Kaya ba yan?

    “At ikaw?” Tinuro ako ng mama ni Jayden.

    Kumunot ang noo niya at ni head to foot ako.

    “Anong tinutungatunganga mo diyan!? Tulungan mo!” Sigaw niya.

    Napatayo ako at agad nang tumabi sa katulong na nag aayos.

    “Opo.” Sabi ko.

    Panay ang lagaslas ng masasamang salita galing sa mama ni Jayden.

    “Kung bakit pa kasi nagkamali sa pagpili. Kung sana si Trisha na lang. Kung sana bumalik na lang siya kay Olivia. Sa isang… haliparot pa napunta. Anong mangyayari sa success na tinatamasa niya? Hihigupin lang ng pagkahaliparot ng isang ito.”

    Kating kati na ang dila ko. Gusto kong sumagot. Hindi ako yung tipong nag papaapi na lang. Pero alam ko rin naman kung kailan sasagot at kailan hindi. I want to earn her respect, kaya wa’g na lang muna. Mananahimik na lang ako.

    “Naku, hija, may sugat ka pala.” Sabi ng katulong habang nilalagay ko ang mga bubog.

    Damn, this is mission impossible.

    “Ayos lang po ito-“
    “AYUSIN NIYO YAN! MANANG! SIGE NA! HAYAAN MO SIYA DIYAN! DOON KA SA LABAS, IPAGPATULOY MO PAG AAYOS SA GARDEN!”
    “Opo.” Nilingon ako noong katulong at dumiretso na sa labas.
    “TAGA SAN KA BA?” Pati ang tanong niya sakin ay ginamitan niya ng mataas na boses.
    “T-Taga Cebu po.” Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
    “Asus naku! Sabi na eh! Bakit pa kasi dun pa? Pwede namang dito sa Manila nang sa ganun ay mas maiintindihan ko. Sus, bakit kasi di si Trisha! Ang bait nun!”

    Kinagat ko ulit ang nanginginig kong labi.

    “May nangyari na ba sa inyo?”

    Napatingin ako sa mama niya.

    “Ay? Hindi ko na dapat tinanong iyon.” Nakapamaywang na siya ngayon. “So… Are you pregnant?”
    Umiling ako.
    “Kung ganun bakit kayo nagpakasal ng maaga? Hindi na ba talaga maipagpapabukas yan? No… No… You’re pregnant!” Aniya.
    “Hindi po…” Sagot ko.
    “Imposibleng magpakasal si Jayden sayo nang walang dahilan. Isa lang siguro. Nabuntis ka niya kaya napilitan siya!”
    “Mama!” Sigaw ni Jayden na ngayon ay tumatakbo pababa ng hagdanan.

    Umirap ang mama ni Jayden at tinalikuran ako.

    “Dito na kayo mananghalian. Dito na rin kayo maghapunan. Dito kayo matulog-“
    “Naka book po ako sa Le Marcelle…” Matalim na sagot ni Jayden.
    “No… You are going to stay here for tonight.” Aniya.
    “Mama. Hindi na po ako bata-“
    “Kung sana ay hindi ka rin naging childish sa mga desisyon mo ay sana hindi ako magkakaganito, Jayden. You two will stay here for tonight! Mahirap na, baka makabuo kayo.” Sumulyap siya sakin at binawi agad ang tingin.
    “Mama!” Napadaing si Jayden dahil sa sobrang pagkabigo.

    Hinawakan ko ang braso ni Jayden. Napatingin siya sakin. Umiling ako at bumulong…

    “Tama na… Okay lang. Dito na tayo.”

    Umalis ang mama ni Jayden at hinayaan kaming mag isa sa sala. Walang ginawa si Jayden kundi pabalikbalik na mag sorry sakin.

    “Umuwi na lang kaya muna tayo ng Cebu?”

    Napangiti ako sa sinabi niya. Actually, nahabag ako. First time kong maramdaman kung gaano ako ka importante sa kanya. Naramdaman ko naman noon pero ngayon lang talaga nayanig ang buong sistema ko.

    UMUWI TAYO NG CEBU. CEBU IS HIS HOME NOW?

    Kumunot ang noo niya, “Have you lost your mind?”
    Umiling ako at ngumisi parin.
    “Bakit ka ngisi lang nang ngisi diyan? Nagugustuhan mo ba ang asal ng mama ko sayo?”
    Umiling parin ako at ngumisi.

    Humalukipkip siya at madilim akong tinignan.

    “Dito na lang muna tayo.” Nainspire ako sa linya niya kaya naman ay pakiramdam ko ay kaya ko ang lahat.

    Nang nagtanghalian ay nakilala ko ang papa niya. Kasing tanda ni daddy ang papa niya. Di hamak na mas maunawain ito at mas mabait kumpara sa mama niyang walang ginawa kundi mag taas ng kilay sa hapagkainan.

    “Anong trabaho ng mama mo, Charity?”
    “Businesswoman po si mommy.” Sagot ko.

    Hindi ako makasubo dahil tahimik silang lahat. Kaming dalawa lang ng papa ni Jayden ang nag uusap. Si Jayden naman ay pinapanood lang ako at ang reaksyon ng mama niya.

    “How about your father?”
    Napalunok ako, here goes nothing… “Uhm… Mayor po siya ng Cebu.”
    “Your dad is a politician?” Singit ng mama ni Jayden. “Aba’t ilang milyon ang sinasayang niyo tuwing eleksyon-“
    “Mama!”

    THIS. I can’t take.

    “Hindi po ganun si Daddy. Mahal po siya ng mga tao.”

    Mataginting na umirit ang mama ni Jayden habang umiinom ng tubig. Nagpalpitate na ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang umiinom ng tubig dahil mukhang nabilaukan sa kakatawa niya.

    “Are you kidding me?”

    Mabigat na binitiwan ni Jayden ang kutsara at tinidor niya saka galit na sinaway ang mama niya.

    “MA-MA!” Narinig ko talaga ang bigat ng pagkakabanggit niya sa tawag niyo roon.

    Tumigil ang mama niya at umayos.

    “Can you please act right? Bakit ganito kayo? Kararating ko lang dito, ah? You want me to leave? Coz I will! Right now!”

    Natahimik ang buong bahay. Hinaplos ko ang braso ni Jayden.

    “Jayden, wa’g kang ganyan sa mama mo. Mama mo parin siya.” Sabi ng papa niya.
    “Wa’g rin siyang ganyan kay Charity. Dahil hindi niyo alam kung anong kaya kong gawin at anong kaya kong talikuran para sa kanya.”

    Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Jayden sa sobrang bigla ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo ng mama niya.

    “Ma, stop it. Hayaan na lang natin ang mga bata.” Sabi ng papa ni Jayden.

    Nagkibit balikat ang mama niya. Sa mukha niya ngayon ay hindi ako siguradong tunay na tumitigil na siya.

    Noon, palagi akong nakakatanggap ng puri… lahat… They all love me. Pero simula nang nakilala ko si Jayden, sinampal sa mukha ko na hindi lahat ng tao ay mamahalin ka… Some people will hate your for no apparent reason. Kahit na wala kang ginawang masama, hahanapan ka nila ng butas. They just simply hate you…

  • Chapter 41Open or Close

    Chapter 41
    Ang Kondisyon

    Buong hapon kong pinanood si Jayden at ang kanyang mga kapatid na naglalaro ng Xbox. Mabuti na lang at hindi na ako masyadong ginulo ng mommy niya kasi may lakad sila ng kanyang daddy.

    Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Wala sa isip kong kinuha ito at muntikan na akong malakas na napamura dahil sa sakit na naramdaman ko sa kamay ko.

    Bago ko sinagot ang cellphone ko ay nakita kong may nakasalubsob na bubog sa palad ko. Kanina, akala ko mahapdi lang ito dahil may sugat. Pero ngayon, iyon naman pala. May bubog na hindi natanggal.

    Sumulyap si Jayden sakin nang nanalo siya.

    “Damn! I hate you, Kuya!” Sabi ni Jude.

    Ngumisi ako at agad ng tumayo para sagutin ang cellphone ko.

    “Hello?” Tumatawag si A sakin.
    “Hello!?” Excited niyang sabi. “Nasan ka?”
    “Syempre, nasa bahay nina Jayden.”

    Lumingon ako kay Jayden at sinenyasang lalabas muna ako nang sa ganun ay makausap kong mabuti si A. Tumango naman siya.

    Pagkalabas ko sa bahay nila, bumungad sakin ang naka tayong mga malalaking tent. Sa loob ng mga tent ay ang nakalatag na bilog na mga mesa. Mukhang pinaghandaan nga ng mabuti ng mama ni Jayden ang pagbalik niya. Iyon nga lang, sobrang disappointment ang natamo niya dahil sa akin.

    “Sama ka? Punta tayo Premier.” Anyaya niya.

    Kumalabog ang puso ko. Naiimagine kong maglalakad kami ni Jayden at nag ho-holding hands habang namimili o nag wi-window shopping sa mall na iyon.

    “Huh? Ah… Eh…” Hinawi ko ang buhok ko at hinarap ang fountain nila sa garden.
    “Sige na! Magpaalam na lang muna kayo dyan. Let’s say, uuwi ka rin ng mga alas otso.”

    Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas singko na. Apat na oras ng wala ang mama at papa di Jayden. Malamang ay pauwi na sila ngayon sa kung saan man sila nagpunta.

    “Gusto ko. Kaso. Mejo masungit yung mama ni Jayden sakin. Baka hindi kami payagan.”
    “Ano? Problema pa ba yan? Kasal na kayo. Wala na silang magagawa. And besides, who wouldn’t like you?”

    Napapikit ako sa linya ni A.

    “Who wouldn’t like me? Pakiramdam ko katulong lang nila ang kasundo ko dito. Of course, Jayden, too.”
    “O, edi solb! What’s wrong with that? As long as mahal ka nung tao. Walang problema.”

    Umiling ako.

    “You don’t understand, A. Iba pag ganito. It’s like… kasal na kami at pamilya niya iyan. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong makisalamuha sa kanila. I can’t just be tactless here. Kasi konting pagkakamali ko lang, tatatak na yan sa utak nila.”
    Humugot ng hininga si A, “Abah. Bagong linya yan, ah.” Humalakhak siya.

    Napangiti rin ako. Alam kong ang ibig niyang sabihin ay mature na ang mga problema ko. Na ungusan ko na ang mga problema nilang damit at bagong mga club.

    “Alright, Cha. Just be yourself, okay? They will love you.”
    Umiling ulit ako. Hindi ko na lang dinagdagan dahil alam kong kahit anong sabihin ko ay igigiit ni A na magugustuhan ako ng pamilya ni Jayden.
    “Thanks, A. Sorry hindi ako makakasama.”
    “Don’t jail yourself there, Cha. Sayang kasama pa naman yung ate mo sa lakad namin. Akala niya nandyan ka rin. Sinabi ko rin sa kanyang sasama yung asawa mo.”
    “Tsk. Sayang talaga.” Sabi ko. “Sorry.”
    “Okay, sige, just tell me when you’re free. Bye… Good luck!”
    “Bye. Thanks!”

    Binaba ko na ang cellphone at pumihit para bumalik sa loob pero bumulagta sakin ang mukha ng mama ni Jayden. Nakahalukipkip siya at mukhang kanina pa nakatayo sa likod ko.

    “Andito po pala kayo.” Sabi ko.
    “Oo. Nandito ako. And I heard you’re going out?”
    “Ho? Hindi po. I… I rejected the offer. Of course, mas importante sakin yung magstay muna dito-“
    “Sana sumama ka na lang. Pero wa’g mong abalahin si Jayden, ah?”
    Umiling ako. I am so gonna bitchslap my ass if I don’t get this right. “Hindi na po. Uhm… Hindi naman iyon importante. Tsaka gusto ko rin pong mas makilala kayo.”
    Tumaas ang kilay ng mama ni Jayden saka sumulyap sa loob bago bumaling ulit sakin.

    Humilig siya ng konti. Mas lalo kong nakita ang repleksyon ni Jayden sa kanya. Ganitong-ganito ang mga mata ni Jayden tuwing may nakakatawa. Akala ko manang mana si Jayden sa papa niya, pero ngayong malapitan ko nag nakita ang mama niya ay may resemblance din pala sila.

    “You know what, hija?” Nakangisi niyang sinabi. “Didiretsuhin na kita. Hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa kanya at ganyan siya makapagsalita sa harap ko para lang sayo. Sa oras na mag away kayo, I will fund your anullment. Hindi ko alam kung bakit ang bilis niyong nagpakasal. Pinikot mo ba siya?”

    Napaawang na ang bibig ko. I can’t believe my ears!

    “Hindi po-“
    “I don’t know. Pinaabangan mo ba sa goons ng Mayor mong daddy?”

    Halos pumutok na ang mga braincells ko. Not my Dad, please!

    “Hindi po ganyan si Daddy!” Tumaas ng kaonti ang tono ng boses ko. “Please…” Hininaan ko ito agad nang nakita kong nanlaki ang mga mata niya. “Wa’g po kayong manghusga. Saka na pag nakilala niyo na kami-“
    “Sinisigawan mo ba ako, hija?” Ngayon ay naka pamaywang na siya at mukha na talagang naghahamon ng away.

    Ngumuso ako at nag iwas ng tingin. God, I’m so frustrated.

    “Can’t believe this. I knew you were a brat! Mukha at kilos mo pa lang alam ko na agad. At ngayong anak ka pa ng isang politiko, mas lalong nadagdagan ang pagdududa ko. Ngayong sinasagot sagot mo na ako, talagang nakumpirma ko na…”

    Nanginginig ang lalamunan ko. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako halos makahinga. Napatingin ako sa mga mata niya.

    “Ni hindi ka man lang nag sorry sakin? What kind of girl are you?”

    Pwedeng umalis na? No, Cha… I love Jayden… I love everything about him. Including the details… his family… and the person who brought him in this world.

    “Sorry, po.”

    Tumawa siya at tinignan ako ng matatalim.

    “You better not ruin my son. Successful siya at may mararating pa. Wa’g na wa’g kang magiging pabigat. Kung ano man ang desisyon niya ay respetuhin mo. Wa’g na wa’g kang makealam.”

    Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

    “Ma, ano yan?” Maigting na tanong ng papa ni Jayden.

    Kakalabas lang ata nito sa sasakyan.

    “Nothing.” Sagot ng mama ni Jayden saka ngumiti sakin.

    Nag iwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

    “If you want me to like you, wa’g kang masyadong maging PDA sa anak ko. It will gross me out. Naiintindihan mo naman siguro, ano? Alam mo naman siguro kung anong naabutan ko sa suite kaya ganito ang paningin ko sayo. Ngayon, deal with the consequences… if you want to stay.”

    Tinalikuran niya ako at umalis na.

    “I’m sorry sa mama ni Jayden, Charity.” Sabi ng papa ni Jayden.
    “Okay lang po, sir.”
    Umiling siya, “Just call me tito.” Nag isip siya. “Hindi naman siya ganun sa ibang mga girlfriend ni Jayden. Ngayon lang talaga siya nagkaganito. Siguro dahil sa pagkakakilala namin kay Jayden ay kalmado at hindi siya impulsive. I’m not saying na masyadong impulsive ang naging desisyon niyong kasal, ah. But you see…” Ngumisi siya. “Yung hindi na talaga kayo nakaabot ng Manila para magpakasal? That’s different. Alam ng mama niya iyon. Na iba ka sa mga naging girlfriend ng anak namin.”
    “S-Salamat po.”

    Ngayon, parang pinipiga ang puso ko sa sinabi ng papa ni Jayden.

    Tinapik niya ako sa likod.

    “Let’s go? Gumagabi na. Mag didinner na tayo.” Pagkasabi niya naman noon ay aktong lumabas si Jayden galing sa bahay nila.

    “CHA?” Malakas ang boses niya nang tinawag ako. Halatang nag aaalala.

    Ngumisi ako. There is nothing to worry. Thanks to your dad.

    Nilingon ako ng papa niya bago umalis sa tabi ko. May sinabi pa siya kay Jayden bago pumasok sa bahay. Tumango si Jayden at seryoso ang mukhang dumiretso sakin.

    “Are you okay?” Tanong niya. “I-I’m sorry.”

    Hinawakan niya ang kamay ko. Kumunot ang noo niya at tinignan ang palad ko.

    “Ano to?” Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang mga sugat ko ang isang kapirasong bubog na nasa palad ko.
    “Uhm-“
    “Jayden!”

    Binawi ko agad ang kamay ko nang narinig ang mama niyang nagsasalita. Hindi. Pwede. Ang. PDA. Bawal. Hawakan. Ang. Kamay. Ko. Bawal. Bawal. Bawal.

    “What, ma?” Galit na nilingon ni Jayden ang mama niya.
    “The dinner is ready.” Tumaas ang kilay ng mama niya sakin.

    Napalunok ako. Alam ko agad kung ano ang gusto niyang mangyari. At syempre, ang ayaw niyang mangyari.

    “Let’s go, Jayden.” Sabi ko at inunahan na si Jayden sa paglalakad.
    “What?”

    Hindi ko na siya nilingon. Nang nakasalubong ko na ang mama niya sa pintuan ay bumulong siya sakin…

    “Good girl.”

    What have I done to deserve this?

    Buong dinner ay hinayaan ako ng mama niyang matahimik. Si Jayden naman ngayon ang hindi matahimik. Panay ang titig niya sakin. Ako naman, todo iwas ng tingin.

    “Mejo pamilyar pala sakin ang papa mo. Isa pala yung mga pamilya niyo sa mga pamoso sa Cebu.” Sabi ng papa ni Jayden.
    Tumango ako, “Opo. Tsaka marami din po kami dun. Halos lahat ng angkan namin nandun lang sa Cebu. Nagkalat sa iba-ibang syudad.”
    “Tumatakbo din ba sa eleksyon yung mga ibang relatives mo?”

    Sumulyap ako sa mama ni Jayden na ngayon ay nakataas ang kilay.

    “Opo.”

    Tinitigan ko siya. Hinihintay ko na ang linya niyang, ‘Political Dynasty’, pero wala siyang imik. Siguro iyon ang resulta pag sinunod ko ang payo niyang bawal mag PDA kay Jayden.

    “Pagod na po kayo, manang? Si Lisa? Asan?” Tanong ng mama ni Jayden sa mga katulong na kanina pa abala sa paghahanda sa party bukas.

    Lumingon siya sakin at sumenyas na maghugas ng plato.

    “A-Ako na po maghuhugas ng plato.” Sapilitan akong nag volunteer.
    “What, Cha? Ni hindi ko pa naaayos ang sugat mo.” Kumunot ang noo ni Jayden at hinawakan ulit ang kamay ko.

    Binawi ko ulit ito saka tumayo na para pumunta sa loob ng kitchen at makapaghugas na ng plato.

  • Chapter 42Open or Close

    Chapter 42
    Ang Bubog

    “Jayden, dito muna tayo sa sala, mag pag uusapan muna tayo tungkol bukas.” Tawag ng mama ni Jayden.

    Nag aabang na kasi siya sakin dito sa kusina.

    “Oo nga. Doon ka na lang muna.” Sabi ko at agad nag iwas ng tingin.

    Inaayos ko ang mga pinggan sa lababo.

    “Ma, mauna na kayo.” Malamig na sinabi ni Jayden.
    “Pero this is important…” Giit ng mama niya.
    “No, ma, this is more important.”

    Napalingon ako sa kay Jayden na ngayon ay tinitigan ng seryoso ang mama niya. Tumikhim ang kanyang mama at tinalikuran kaming dalawa.

    “Bilisan mo. O walang party’ng mangyayari bukas.”

    Bumaling si Jayden sakin nang nakaalis na ang kanyang mama. Magsisimula na sana ako sa paghuhugas nang bigla niyang hinablot ang kamay ko.

    “Anong nangyari dito?” Tanong niya habang dinudungaw iyon.

    Umiling siya at agad akong hinila.

    “Kanina pa ba ito?” Tumingala siya sakin saka dahan-dahang hinaplos ang palad ko.

    Hindi ako umimik. Ngayon ay may halo ng galit ang titig niya sakin. Hindi ko alam kung para ba iyon sa akin o para sa ibang tao.

    “Wait here. Don’t touch the plates.” Matama niyang sinabi saka iniwan ako sa kusina.

    Ilang sandali ang nakalipas ay nakabalik siya doon na may dalang isang katulong saka first aid kit. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon niya. Mejo galit parin at seryoso.

    “Okay lang naman ako.” Sabi ko saka tinignan ang katulong na nagsisimula ng maghugas. “Baka magalit ang mama mo.”
    “You are not here to please her, Cha.” Aniya.
    Napalunok ako.

    Baka mamaya ay mag away pa sila ni Jayden dahil sa akin. Hindi ko gusto ang asal ng mama niya sakin. Masyado akong kinakawawa. Hindi naman talaga ako yung tipong nagpapaapi pero nirerespeto ko siya dahil mama siya ni Jayden. Makakasalamuha ko siya habang buhay dahil pinakasalan ko na si Jayden.

    Nilagyan niya ng Betadine ang sugat. Kumuha din siya ng puller at hinila ang bubog na nakasalubsob sa palad ko. Napapikit ako sa sakit. Hinalikan niya ang pisngi ko at bumulong siya sa tainga ko…

    “Everything for my wife.”

    Kinagat ko ang labi ko nang dumilat ako. Nakangisi na siya pero malungkot ang mga mata niya.

    “Yes, and… everything for my husband.”
    Ngumuso siya sa dugtong ko at umiling, “No.”

    Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa ‘No’. Nawala na iyon sa utak ko dahil biglang sumulpot ang mama niya at nahuli kaming nagtititigan. Nagpabalik-balik ang titig niya samin, sa katulong, at sa amin ulit.

    “What is it, Ma? May sugat si Charity dahil sa mga bubog kanina sa vase ninyo. I can’t just let her wash the plates. Bisita siya dito. And she’s my wife…”

    Nakita kong halos umusok ang ilong ng mama niya sa akin. Pinigilan niya iyon.

    “Of course, Jayden. Now if you don’t mind… Halika na sa sala.” Aniya.

    Tumango si Jayden at tumayo.

    “Let’s go.”

    Nakita kong napangiwi ang mama niya sa anyaya ni Jayden sakin pero wala siyang nagawa kasi hinila niya na ako sa sala.

    Pinag-usapan namin ang mga mangyayari bukas. Halos buong angkan pala ng mga Corpuz ang pupunta. Maging ang mga pinsan niya sa mother’s side ay pupunta rin dito sa bahay nila. Kaya naman pala magarbo ang paghahanda nila.

    Halos mapanis ang laway ko. Hindi naman nila hinihingi ang opinyon ko. Si Jayden lang ang madalas na nagsasabi sakin ng…

    “What do you think?”

    Pinapanood ako ng mama niya nang nakataas ang isang kilay kaya wala akong magagawa kundi ang tumango at magpatianod sa desisyon nila.

    “So… Ma, by the way, tungkol sa Church wedding. Okay na ba sa inyo yong desisyon ko?”
    Kumunot ang noo ng mama niya, “Ano nga pala yung desisyon mo, Jayden? Pasensya na’t nakalimutan ko. Makakalimutin na talaga ako.” Tumawa siya.
    “Sa Cebu po ang church wedding namin ni Charity.”

    Pinisil ni Jayden ang kamay ko.

    “Sa Cebu? Next year ba?”
    “Hindi ma, diba sinabi ko na sa inyo sa cellphone noong tumawag ako na sa susunod na buwan na?”
    Tumango ang papa ni Jayden, “Saan sa Cebu-“
    Pero di pinatapos ng kanyang mama ang papa niya, “Why in such a rush, Jayden? Bata ka pa at pwede pang magbago ang desisyon mo… niyo…”
    Suminghap si Jayden, “Ma, I’ve decided. Besides, kahit na magpasakal man kami sa simbahan o hindi, kasal parin kami kaya next year man o bukas namin agad gawin, pareho lang po iyon. Don’t tell me that I may change my mind, this is it, Ma. I’m building my future with her. And that’s it.”

    Napalunok ang mama niya.

    “Tama na. Matatanda na sila. Alam na nila kung anong tama at mali. Let them decide.” Untag ng papa niya.
    “Alright.” Malamig na sinabi ng mama niya saka tumayo. “Inaantok na ako. Matulog na tayo.” Anyaya ng mama niya sa papa niya.

    Umiling ang kanyang papa.

    “Mauna ka na. I want to talk to my son.”

    Dumiretso na ang kanyang mama sa taas. Mukha atang badtrip. Inaantok na rin ako. Bunga siguro ng pagpaparty namin kagabi at sa pagod ko ngayong araw ay madali akong inantok.

    “Do you wanna sleep na, Cha?” Masuyong tanong ni Jayden sakin.

    Ngumisi lang ako.

    “Pa, ihahatid ko lang si Charity sa kwarto.” Aniya saka tumayo at naglahad ng kamay.

    “Jayden…” Halos mapapikit ako nang narinig ko ang boses ng mama niya sa likod namin. “Bakante ang isang guestroom para kay Cha.” Suhestyon ng mama niya.

    YES! OO NA! Sa Guestroom na ako! Don na! Tapos!

    Tumawa si Jayden. Yung tipong tawa na halatang naiirita na.

    “Ma, we’re married. Hindi na kami mga teenager. At kung iniisip mong baka may mangyari samin at mabuntis ko siya, well, isn’t it obvious? Kahit ilang beses siyang mabuntis pananagutan ko siya kaya ko nga siya pinakasalan diba?”

    Nalaglag ang panga ng kanyang mama.

    Tumawa ang kanyang papa sa background.

    “Hayaan mo na, Ma.” Sabi ng papa niya. “Ayaw mo nun, magkakaapo na tayo?”

    Bumuntong-hininga ang mama niya at matalim akong tinignan bago nagmartsa pabalik sa kwarto niya.

    Hinatid ako ni Jayden sa kwarto niya. Malaki ang kwarto niya at malinis kahit matagal na siyang wala sa bahay nila. Kahit sa choice ng kulay at mga furniture ay kitang kita mo talaga na lalaking moderno at mature ang may ari. Wala masyadong gamit. Konting bookshelf na may lamang mga libro, isang frame na may abstract painting, malaking salamin, closet at isang sofa lang meron dito. Mayroon din siyang bathroom sa loob ng kwarto. Hmmm, sleek.

    Umupo ako sa kama niya. Agad gumapang ang antok ko. Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

    “I love you so much, Cha. You don’t have to sacrifice for me… Hindi na kailangan dahil mahal na mahal kita.”
    Ngumisi ako, “I love you, too.”

    Hinalikan niya ang noo ko saka ako pinahiga.

    “Mag uusap lang kami ni papa. Matulog ka na.” Aniya.

    Komportable kong hiniga ang ulo ko sa unan niya.

    “Gisingin mo ako paghiga mo sa kama…” Sabi ko.
    “Yes,” Kinurot niya ang ilong ko at ngumisi, “I will, surely.”

  • Chapter 43Open or Close

    Chapter 43
    Ang Ex

    Kinaumagahan, masaya ang gising ko. Unang nagising si Jayden. Pero hindi siya lumabas ng kwarto, hinitay niya ang pag gising ko.

    “Good morning, Mrs. Corpuz.” Sabay halik sa akin.

    Ngumisi ako at umupo sa kama.

    “Good morning.” Sabi ko at kinusot ang mga mata.

    Hinagip niya ang baywang ko saka binalot ako sa mainit na yakap. Wala siyang pa siyang t-shirt. Napangiti ako. Ugh! Sana nasa Cebu ulit kami… nasa Condo… O di kaya nasa Bantayan na lang. I hate it here. Pero dito siya lumaki kaya hahayaan ko na.

    Busy ang buong bahay nina Jayden. Abala sa paglilinis ang mga katulong nila. Panay naman ang datingan ng mga inorder na pagkain. Mukha atang nagpacater sila. Intimate ang okasyon pero bongga parin ang handa. Parang engagement party lang… He-he. Kung malaman ng mama niya ang tungkol sa iniisip kong engagement party baka masupalpal ako nun.

    Wala siyang imik sakin tuwing nag kakasalubong kaming dalawa.

    Nang malapit ng mag tanghalian at dumating na ang unang mga bisita (na mukhang gmga Corpuz) ay nagbihis na kami ni Jayden. Syempre, excited ang lahat na makilala ako dahil iyon naman talaga ang rason ng party na ito.

    Pagkatapos naming magbihis ay dumiretso na kami sa garden kung saan naroon ang mga bisita. Agad kaming dinumog.

    “Jayden!!! Talagang Corpuz na Corpuz ang dating! Ang gwapo gwapo mo!” Sabi ng isang tita niya.

    Nasa likod lang ako ni Jayden at kinakabahan ng bongga dahil sa dami ng matang nakapasada saming dalawa.

    “Dahil yan may dugong Sy siya, noh!” Umirap ang isang intsik sa nagsalita.

    Dinumog pa siya lalo ng mga pinsan niya.

    “Ah, eto nga pala si Charity Rama.” Sabay pakita niya sakin. “Corpuz.” Kinindatan niya ang nagtawanang tita, tito at mga pinsan niya.
    “Ang bilis talaga! Hindi mo man lag kami inimbita!” Anila.
    “Next month magpapakasal ulit kami sa Cebu.” Sumulyap si Jayden sakin at ngumisi.

    Isa-isa ko rin silang nginitian.

    “Ang ganda naman nitong girlfriend mo, Kuya.” Sabi ng isang bata.
    “Wife, Althea.” Pagtatama ni Jayden sa bata.

    Nakita kong pumula ang pisngi nung bata at tinitigan ako. Nginitian ko siya at kinawayan. Halos tumakbo siya sa hiya sakin. Hindi ko naman alam kung bakit.

    “Saan ka nag college, Charity?” Tanong ng ka-edad ni Jen na pinsan ni Jayden sakin.
    “Sa University of San Carlos.” Sabi ko.
    Tumango siya at ngumisi, “Dyan nag aaral ang crush ko noon. Baka kilala mo?”
    “Hmmm… Malaki yung USC, eh. Kaya hindi ako sigurado.”
    “Ay? Ganun. Kasi ang alam ko sikat yun… Uhmm… Ilang taon ka na nga ba?”
    “Twenty-one.” Sagot ko.
    “Kung ganoon, ka-batch mo talaga.” Aniya.
    “Ano bang pangalan?” Tanong ko.
    “Chancellor Jory…” Nag isip siya.
    Nanliit ang mga mata ko.

    Wala ng iba. I’m sure of that.

    “Rama.”
    Napatingin siya sakin nang nakaawang ang bibig, “Kilala mo?”
    “Pinsan ko.” Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

    CJ Rama. Umabot dito ang kamandag ng lalaking iyon.

    Pumula ng parang kamatis ang pisngi ng pinsan ni Jayden.

    “Ano nga palang pangalan mo?” Tanong ko.
    Umiling-iling siya, “Hindi niya ako kilala. Please, don’t tell him he’s my crush!” Aniya. Defensive.

    Tumawa ako.

    “I won’t…” Add you on his list. Masyadong matayog ang ego nun, pakiramdam nun na lahat ay nagkakagusto sa kanya kaya wa’g na nating dagdagan.
    Naglahad siya ng kamay sakin at, “I’m Justice Corpuz.”

    Tumango ako at ngumisi. That’s a secret I’ll never tell. X-O-X-O.

    Nilingon ko si Jayden na akto ring tumitingin sakin nang nakangisi. Busy siya sa pakikihalubilo sa kanyang mga tito at tita. Sinenyasan pa niya akong pumunta doon.

    “Excuse me.” Ngumiti ako kay Justice at dumiretso kay Jayden.

    Hindi ko na makuha kung sino-sino sila at kung ano ang mga relasyon nila kay Jayden dahil masyado silang marami. Syempre, may ilan din sa mga Sy ang may ayaw sa akin. Halatang na brainwash ng mama niya ang ibang tita niya.

    “Bakit ba kasi nagmamadali? Marami pang opportunities abroad, Jayden. Pag nagkapamilya ka, mahirap ng iwan.” Inirapan ako ng tita niya.
    “Hindi ko naman iiwan, dadalhin ko.” Tumawa si Jayden pero seryoso parin ang tita niya sa sinabi niya.

    Ilang sandali ay kumain na kami. Busy rin sa pakikipag kwentuhan ang mama niya sa ibang mga relatives. Mukha pa silang nagpapabonggahan ng mga damit at alahas sa mga Corpuz. Buti na lang at mukhang mga kalmado ang mga Corpuz at hindi pinapatulan ang mga Sy.

    “Weird family, huh?” Ani Jayden sakin nang nagkaroon kami ng oras sa isa’t-isa.

    Pero hindi nagtagal ay dinaluhan naman kami ng ilang tito at tita niya.

    “Jayden, kumusta yung offer sayo ng tito mo sa Taj Palace ng Dubai? Tinanggap mo ba?”

    TAJ PALACE NG DUBAI? That’s one big hotel!

    “Hindi po.”
    “ANO?” Sabay sabay na nagsalita ang dalawang tita niya.
    “Hindi niya tinanggap. Sayang nga at General Manager position iyon.” Sabi naman ng tito niya.

    Pinisil ko ang braso niya.

    “Kailan?” Tanong ko.

    Hindi sumagot si Jayden. Nakita kong kumuyom ang panga niya kaya bumaling ako sa tito niya.

    “Next month.” Umiling ang tito niya at tinignan ako.
    “Talaga?” Napalingon ako kay Jayden.

    Malungkot niya akong tinignan.

    “Don’t worry about that, Cha.”
    “That’s a big offer.” Sabi ko.

    Parang kinurot ang puso ko sa offer na tinanggihan niya. Iyon lang naman ang isa sa pinakamalaki at tanyag na Taj dito sa mundo. Bakit hindi niya iyong tinanggap?

    “We’re getting married next month.” Simple niyang sinabi.
    “P-Pwede namang walang church wedding-“
    “No, Cha.” Giit niya.
    “How about after the wedding?” His jaw clenched again.
    “No… That’s our honeymoon.”

    Napatingin ako sa mga tito at tita niyang umiiling sa disappointment. I can’t believe he’s letting this go. Kahit na ayaw ko at gusto kong dito lang siya sa tabi ko ay nanghihinayang ako sa opportunity na ito.

    “Pwede naman kitang isama. Pero saka na… Just let me enjoy our couple life, first.” Hinagkan niya ako sa harap ng kanyang tito at tita.

    Uminit ang pisngi ko. Kasabay noon ay ang pagngiwi ng mama niya sa malayo. Agad kong kinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sakin. Kumunot ang noo niya pero hinayaan ko na lang. Maiintindihan rin naman niya siguro kung bakit ko iyon ginagawa. I’m trying to win her mother, kahit hindi na naman kailangan.

    Habang nag uusap kami ni Jayden ay nakita kong may pinagkakaguluhan si Jen at si Justice sa iPad. Mabilis ang hininga ni Jen habang pinapanood ito. Si Justice naman ay tulala lang.

    Binitiwan ni Justice ang iPad at umalis. Sinundan siya ng tingin ni Jen at nakita kong lumapit si Justice sa gate. Binuksan niya ito at halos malaglag ako sa upuan ko nang nakita kung sino ang nandoon sa labas, may dalang bouquet.

    “Shit.” Hindi ko mapigilan ang pagmumura.

    Nakita kong malamig na pinapasok ni Jen ang bisita. Halatang nag aaway ang dalawa.

    “Oh, nandyan na pala si Jake.” Sabi ng isang tita ni Jayden.

    Napatingin narin si Jayden sa kakarating na bisita. Nalaglag ang kanyang panga nang nakita kung sino ang pumasok.

    “Why is he here?” Mejo napalakas ang tono ng boses ni Jayden kaya napatingin ang mga tito at tita niya sa kanya.
    “Ah, oo nga pala, hindi mo siya kilala. SIya si Jake yung boyfriend ni Justice.”

    WHAT THE? Binitiwan ni Jayden ang kamay ko at dumiretso kay Jake. Uh-oh!

    “Jayden!” I called.

    Buti na lang at hinarangan siya ni Jen. Hinawi ni Jayden si Jen pero nagpumilit si Jen na ipakita ang kanyang iPad.

    “What’s wrong?” Narinig kong tanong ng mama ni Jayden.

    Mas lalong naging obvious ang pangyayari nang biglang sinampal ni Justice si Jake.

    “Justice? Oh my God!” Napalingon silang lahat sa kanila.

    Yung iba ay lumapit pa sa kay Justice. Nahagip ni Jake ang tingin ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Si Justice naman ay nag walk out.

    Nilingon ko si Jayden at nakita kong sinilip nila ang iPad ni Jen. Katabi niya ang kanyang mama habang nanonood ng kung ano doon.

    “Ate Charity,” Napatalon ako sa kumalabit sakin.

    Nakita ko si Jude, malungkot ang mga mata.

    “Curious si Ate Jen sayo kaya tinignan niya ang profile mo sa Facebook. May nag post doon ng video mo, kasayaw si Kuya Jake. Kaya ganun.”

    WHAT? Bumaling ako kay Jayden at nakita ko ang nag aalab na galit sa mga mata niya. Nangatog ang binti ko. Lalong lalo na nang nakita kong umiilim ang mama niya sakin. Oh, this is enough.

    I’VE HAD ENOUGH!

  • Chapter 44Open or Close

    Chapter 44
    Ang Cheater

    Sa pagkakaalala ko sa nangyari sa bar ay pahapyaw lang ang sayaw namin. Noong naramdaman ko ng may sumasayaw sakin ay agad ko siyang tinulak palayo. Nanlaki ang mga mata ko nang narealize na may ibinulong nga pala siya sakin noon bago ako umalis. Bumulong din ako sa kanya noon. Hindi kaya… nagmumukhang may something sa ginawa naming bulungan? Anong klaseng anggulo kaya nakuha ang video?

    Nakumpirma ko lahat ng pagdududa ko nang nakita ko ang sobra-sobrang galit sa mga mata ni Jayden.

    Wala akong ginawa kundi ang dumungaw sa cellphone ko. Hinanap ko agad ang number ni CJ – ang pinakamabilis na driver sa mga pinsan ko.

    Ako:
    Cej, fetch me please. Domino Heights, Phase 3, 12.

    Pagkasend ko noon ay may humila agad sa braso ko.

    “Come here.” Malambing na tono ang pagkakasabi niya.

    Hindi iyon namalayan ng iba. Masyado silang abala sa pag co-comfort kay Justice. Umalis na si Jake. Masyado atang nahiya sa lahat ng nagawa.

    Nang nakapasok na kami sa loob ng bahay nila ay hinawi ni Jayden ang kamay ng mama niya sa braso ko.

    “Stop it, Ma! She’s my wife! I’ll deal with her!” Aniya.
    “No. I… deal with her, Jayden!” Tinuro ako ng mama niya.

    Nasa likod ng mama niya si Jen na malungkot ang mukha at si Jude na umiiling. Ang mga katulong naman doon ay halos magsitakbuhan sa gulat.

    “YOU CHEATER!” Sigaw niya sakin.
    “I’m not a cheater!” Sabi ko.
    “Ano? Eh ano ‘to? Just a fake? It’s clearly you at naghahalikan kayo!”
    “No-“

    Napatingin ako kay Jayden na ngayon ay seryoso at pinapanood lang ako. I guess that’s it, huh? Pati siya ay nagbago na rin ang tingin sakin.

    “Naghalikan ba kayo, Charity?” Tanong niya.

    Nanlaki ang mga mata ko. Parang dinurog ng pinung-pino ang puso ko. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Siguro si CJ ito, tumatawag.

    “We didn’t kiss, Jayden.” Sabi ko.
    “You were too drunk, right? Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Yan ang ayaw ko sa mga babaeng kagaya mong masyadong liberated! Akala ko pa naman pinalaki ka ng maayos ng ama mong Mayor pa! What happened? Jayden, son, its never too late-“
    “SHUT UP!” Sigaw ko sa mama ni Jayden.

    Nakita kong napatalon si Jen at Jude sa likod niya.

    “Alam kong kahit kailan masama ang tingin mo sa ama ko kaya hindi mo magagawang isipin na pinalaki niya ako ng maayos! But guess what, yes, pinalaki niya ako ng maayos! Kaya nakapagtimpi ako ng ganito ka tagal kahit masahol ang ugali ninyo. At pinalaki niya nga ako ng maayos kasi kaya kong magsalita kung kinakailangan!”

    Dirediretso ang pagsasalita ko.

    “Aba’t sumasagot kapa kahit na kitang kita sa video-“
    “I did not kiss him, alright! Sumayaw ako at bigla siyang sumulpot. Bumulong siya sakin at bumulong ako sa kanyang aalis na ako. Tinulak ko siya at umalis ako ng tuluyan! Seriously, have you seen the video?” Napangiwi ako.
    “Umalis kayo para pumunta kung saan and to do God knows what!” Hysterical na ang mama niya.

    Npapapikit ako sa frustration at inis. For the last effing time, sumulyap ako kay Jayden para mag abang ng tulong niya pero wala siyang ginawa kundi ang mag iwas ng tingin at matulala sa sahig.

    “Oh God, what’s the use of explaining myself! Believe what you want to believe. Kung gusto ninyong sirain kaming dalawa, then you’re probably really happy right now!”
    “Ang kapal ng mukha mong sumagot-sagot sakin!” Humakbang ang mama niya sakin. “You should thank me at hindi kita pinahiya sa buong angkan namin! At ang boyfriend pa talaga ni Justice ang biniktima mo.”

    Gusto kong magtatawa sa frustration.

    “Hindi ko siya biktima-“
    “Then what, just some fling? Sa bar mo lang nakita?”

    Tumaas ang altapresyon ko sa mga tanong niya. Daig pa nito si Jayden. Parang pinipiga ang dibdib ko nang naisip ulit si Jayden. Nandoon lang siya at mukhang malalim ang iniisip. He’s probably doubting me too.

    “He’s my ex. An old friend! Hindi ko alam na sila ni Justice! Wala akong alam! He showed up that night…”

    Habang nagsasalita ako ay nakita kong humalukipkip ang mama niy Jayden at tumataas ang kilay. Kahit anong sabihin ko, hindi siya maniniwala.

    “…and damn it! This is enough! I’VE HAD ENOUGH! KUNG AYAW NIYONG MANIWALA EDI WA’G!” Napatalon ang mama ni Jayden sa biglaan kong pagsabog.

    Hinawi ko ang buhok ko at pinikit ang mga mata upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas.

    “Jayden…” Napailing si Jayden nang tinawag ko siya.

    Ugh! Is he going to hate me again? Back to zero? Again?

    “Damn it!” Just… fvck you all!

    Padarag kong tinumba ang vase na nabasag ko kahapon kaya mas lalo itong nasira.

    “WHAT ARE YOU DOING?” Sigaw ng mama niya.

    “Gusto niyong masira ako ng tuluyan diba? There! Ipagkalat ninyo kung gaano ako kasamang tao. I’m not going to prove myself to anyone anymore.”
    “Aba’t-” Sinubukan niyang lumapit sakin pero mabilis akong naglakad palabas ng bahay.

    “Enough. Enough. Enough!” Halos malimutan ko na ang meaning ng salitang ito dahil paulit-ulit kong sinasabi.
    “Charity?” Dinig kong tawag ng papa niya.

    Hindi na ako lumingon. Alam kong tinitignan nila ako ngayon. Pinapanood nila ang pagwawalk out ko… But I’m not turning back. There is no turning back.

    “Charity!” Narinig ko ang boses na nagpapalambot ng aking puso.

    Umiling ako nang nahawakan ko na ang gate. Naaninag ko agad ang naka hazard na sasakyan ng ate ko, nakababa ang salamin nito at nakita ko ang nakakunot na noo ni CJ. Bumuhos ang luha ko. That’s the only thing I got… My family.

    Mahal ko siya. Pero hindi ko kayang siraan nila ang pamilya ko ng ganoon. Hindi ko kaya ang panghuhusga nila sakin. Hindi ko kaya.

    “What the hell happened?” Pabasag niyang tanong sakin pagkapasok ko.
    “Just go.” Sabi ko.
    “Cha, what happened?” Dinig kong tanong ni Erica sa likod ng sasakyan.

    Wala akong tanong na sinagot.

    “Just drive.”

    Pinatay ko ang cellphone ko. I want to be alone. Gusto kong mag isip. Jayden will just cloud my mind. Alam kong pagkatapos ng lahat ng ito, mahal ko parin siya. Pero ang hirap palang mag mahal. Ang hirap maging mature. Ang hirap makulong sa isang sitwasyong ayaw mo. I can’t pretend anymore…

    I’m not happy.

    Napapikit ako at bumuhos na lang ang luha ko. Wala silang nagawa kundi ang pasiyahin ako. Dinala nila ako sa mall na sinabi ni A. Wala akong ibang binili kundi ang isang aviators. Hindi ko kasi mapigilang umiyak kaya buti na iyong may pang cover-up sa mata.

    Walang nagtanong sakin kung anong nangyari. Patuloy silang nagshopping na nagtatawanan. At iyon ang kailangan ko. I want normal people with me. Kahit na durog na durog ako. Pakiramdam ko pag malungkot ang mga kasama ko, mas lalo lang akong madudurog.

    May naramdaman akong mga pakpak sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon.

    Napatingin si Lyka sakin at inakbayan ako.

    “Ano, Cha? Atin ang Cebu. I-ban sa Cebu?” Humalakhak siya.

    Masama ang tingin ni Jeremy at CJ sa joke niya. Ngumisi ako kahit na basa parin ang mga mata ko.

    “When are we going home?” Tanong ko.

    Napaatras si Lyka.

    “Seriously?”
    “Kailan?” Tanong ko ulit.
    “You’re leaving your husband here?” Tanong ni A.

    Ngayon nasakin na ang buong atensyon nila.

    “Cha, are you crazy? Ano ba kasing nangyari?” Utas ni CJ.

    Nagkibit-balikat ako.

    Sinabi ko sa kanilang lahat ang buong nangyari sa amin ni Jayden. Nakita kong kumuyom ang panga ni CJ. Nakita ko rin ang madidilim na tingin ni A at Lyka.

    “You should tell tito.” Sabi ni A.
    “No, A. Jayden’s family will be ruined sa utak ni tito. Mahirap pag nabali ang trust. Hindi agad na bubuo ulit. Paano kung magbago ang isip ng pamilya niya? What if Jayden will chase after her?”
    “No. Ngayon pa lang, ayaw ko ng makihalubilo sa pamilya ni Jayden. At si Jayden naman, hinayaan niyang ganun ang mangyari kay Cha.” sabi ni Erica.
    “The video should be deleted.” Sabi ni CJ habang panay ang pagtatype niya sa ellphone niya.
    “He tried to chase her-“
    “He tried.” Pag uulit ni A. “But he didn’t.”
    “Paano mo nalamang hindi?” Tanong ni Erica.
    “Well, he’s not here.” Umirap si A.
    Pinutol ko ang pagtatalo nila. “Just… I want to go home.”

    Bumuntong hininga sila.

    “Bukas, Charity.” Sabi ni CJ.

    Tumango ako at tinignan sila isa-isa.

    “Let’s go out tonight?” Sabi ko.

    Nakita ko ang sabay sabay nilang pag iling. Nabigla ako sa mga reaksyon nila.

    “No, Cha… You shouldn’t.” Sabi ni Jeremy.
    “Bakit hindi?”
    “Iyan yung dahilan kung bakit nasira ka sa pamilya ni Jayden diba? This is a wrong time, Cha. Learn from your mistakes.” Aniya.
    Umiling ako, “No. Hindi iyon pagkakamali. Hindi ko pinagsisihan lahat ng nangyari dahil wala akong ginawang masama. Yes, I was tipsy pero kaya kong tanggihan lahat ng lalaki because I freaking love him but he didn’t believe me, okay?” Namuo ang luha sa mga mata ko. “Wala akong ginawang masama. Walang mistake doon. Yung mga utak lang nila. I’m going out, whether you like it or not!”

    Hinding hindi ako makakatulog sa kakaisip sa mga nangyari. Kaya gusto kong lumabas ngayong gabi. Magpuyat nang walang iniisip kundi ang paligid ko at hindi ang totoong nangyayari. I will run, for now… Kasi bukas, pagkabalik ko ng Cebu, paniguradong iyon ang tanging istoryang uulitin ko sa buong pamilya ko.

  • Chapter 45Open or Close

    Chapter 45
    Ang Gustong-Gusto

    Wala silang nagawa kundi pagbigyan ako sa hiling ko. Nagpunta kami sa isang mamahaling bar. Iyon ang mga tipo ni CJ. Chill. Ayaw ko nga sana dito pero dahil ipapatapon kami ng ate ko kung sa isang club kami pumunta kaya pumayag na lang ako.

    Nasa bar ako malapit sa bartender habang ang mga pinsan ko naman ay nakaupo sa malayong sofa.

    “Bakit di ka sumama sa mga kaibigan mo, miss?” Tanong noong bartender.

    Mag isa ako dito sa high chair at nakahilig ang ulo sa table. Para bang tinatamad sa ginagawa. Panay ang pitik ko sa shotglass na hindi ko pa nagagalaw. Screw driver, natatawa ako sa pangalan ng inumin.

    “Wala lang.” Sagot ko sa bartender.

    Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

    “Cha, kung sana sinabi mong magiging tulala ka na lang pala sana sa condo na lang tayo ng ate mo.” Sabi ni Erica nang dumaan sakin galing CR.

    Hindi ako umimik at hinayaan siyang umalis na. Umupo ako ng maayos at napagtanto kung gaano ka sakit ng likod ko dahil sa posisyon ko kanina.

    Nalaglag ang panga ko nang nakitang alas diyes na pala ng gabi. Dalawang oras akong tulala sa isang inumin lang?

    Nilagok ko ang screw driver. Pinaka mura ata sa lahat ng inumin dito. Nahirapan pa sila dahil wala pa masyadong ingredients non dito. Puro wine lang kasi ang meron.

    Umorder ako ng isang shot ng pinakamahal na wine doon. Natawa pa ako sa price nito. Laslas. Bakit ang mahal? Well, isang shot lang naman.

    Nilagok ko iyon ay hinawi ang buhok ko. Naramdaman ko talaga ang wine sa dila, sa lalamunan at sa tiyan kong dumaan. Napatingin ako sa table nina CJ. Nakatingin siya sakin at umiling.

    Agad nag alon ang paningin ko. Seriously? Yung isang shot nung wine nakakatipsy? Akala ko ba hindi nakakalasing yung wine? Ang mahal naman noon. Nanghihinayang ako kasi nilagok ko lahat. Huhu. Pero nag aalon na ang paningin ko.

    Napapikit ako at pinisil ang ulo ko. Gusto ko na lang bumagsak. Baka isugod ako sa ospital nito. Nakakalasing ba ang mga wine?

    May bigla akong naramdaman sa skirt ko. Hinihila ng isang kamay iyon pababa.

    “What the fvck!” Sabi ko agad kahit hindi ko pa nakikita kung sino iyon.

    Nasa likod ko kaya nag effort pa akong lumingon para tignan kung sino iyon.

    Lasing na ata talaga ako. It was Jayden. No. It can’t be… lasing lang talaga ako.

    “Stop wearing his mask you ugly pig!” Sabi ko sabay sampal sa kamay niya.
    “Your panties are showing!” Matalim niyang sinabi sa tainga ko.
    “Sino ka ba at anong pakealam mo? You’re not my husband.” Sabi ko ng wala sa sarili.

    “Hey, Sakin lahat ng bill ngayong gabi. Let’s call this a night.” napatingin ako kay CJ na nag lagay ng cold cash sa harap ng bartender at tinuro ako. “You… be a good girl.” Itinuro niya ako. Dalawang daliri ang nakabalandra sa harapan ko.

    Seriously? Anong wine ba iyong nainom ko?

    “What? wait? Sama ako.” Tatalon na sana ako sa high chair pero may kamay na pumulupot sa baywang ko.
    “You’re not going anywhere without me, Charity.”

    Yung bastos na lalaki kanina, kilala pala ako?

    Ngayon ay matama ko na siyang tinignan. Who the hell is this guy? Pero iyon parin, si Jayden parin ang nakikita ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at kinalabit ang pisngi ng lalaki.

    Ang mga mata niya, mejo chinito, ang ilong na matangos at perpekto, ang pangang perpekto ang anggulo, ang labing pula, makinis na kutis, clean cut na buhok, at katawang memorize ko bawat linya kahit may damit siya.

    Pumihit ako at nakitang wala na ang mga pinsan ko. Oh? Sinubukan kong maglakad palabas pero hinawakan niya naman ang braso ko saka hinila ulit pababa ang skirt ko.

    “Ang manyak mo naman! Hindi ikaw si Jayden ko!” Sabi ko.

    Bigla niya akong hinila at hinarap sa kanya.

    “Charity Corpuz!” Sigaw niya.

    Kinagat ko ang labi ko. It’s really him!

    “Bakit ka nandito?” Tanong ko.
    “Iyan ang sasabihin mo sakin pagkatapos kong maghanap sayo buong araw? Ito ang dadatnan ko sayo? Ikaw na lasing?”
    “O edi break up with me! Pa-annul tayo kasi ganito ako!”
    “You don’t say that like it’s easy, Charity!” Aniya.
    “It’s easy! Mga lawyer ang tito at tita ko. Lawyers din ang ibang pinsan ko. Baka gusto mong magpatulong.”

    Humigpit ang hawak niya sa magkabilang balikat ko. Iyong tipong nakakapagpabalik sa ulirat ko.

    “Hahabulin ba kita dito kung gusto kong magpa annul sayo? Hindi, diba? Hinabol kita coz I wanna talk to you… see you…”
    “Hinahabol mo lang ako kasi kasal tayo… Kasi may obligasyon ka.” I spat.

    Kinurot ang puso ko sa sariling linya ko. Hindi ko kayang tanggapin kung ganoon nga. Parang nababasag ang buong pagkatao ko. I’m so in love with him. Pero it’s just not meant to be. Ayaw ng pamilya niya sakin. At ayaw kong mapilitan lang siya dahil kasal na kami.

    “Hinahabol kita kasi mahal kita.”

    Hinawi ko ang kamay niyang nasa balikat ko.

    “Mahal mo ako pero pinagdudahan mo ako diba? I’ve seen your face, Jayden. Anong tingin mo sakin ngayon? That I am such a slut? Pinatulan ko yung ex ko?”

    Hindi siya umimik. Pero nakita ko ang galit sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

    “Answer me, Jayden!” Sabi ko at pumiglas sa kamay niya.

    Kinuha niya ulit ang kamay ko. Kaya lang, hinawi ko ulit iyon.

    “Damn it, Cha! Stop pushing all the buttons!” Sigaw niya.
    “I’ll push your damn buttons, Jayden. Forever. Now… Answer me.”

    Pinagsalikop niya ang mga daliri namin kaya ngayon ay mas mahirap nang pumiglas sa kamay niya. Halos magwala ako para lang mahawi ang kamay niya pero di ko nagawa. Kinaladkad niya ako papuntang elevator.

    “Where are we going?” Tanong ko.

    Hindi siya umimik.

    “Bitiwan mo ako!” Sabi ko.

    Hindi parin siya umimik. Tumigil ang elevator sa 12th floor. Kinaladkad niya ako sa isang room. Nagulat ako ng binuksan niya ang pintuan ng isang napakalaking condo unit.

    “Where are we, Jayden!?” Sigaw ko.

    Padabog niyang sinarado ang pintuan.

    “This is my condo unit, Charity.”

    Natigilan ako. Right! Damn it!

    “And? Ba’t tayo nandito?” Napalunok ako.

    Humakbang siya palapit sakin. Wala akong ginawa kundi ang humugot nga mabibigat at malalalim na hininga. Oh… My… Gosh… Jayden’s with me in his freaking large condo unit. Overlooking ang buong Manila.

    Hinaplos niya ang hita ko.

    “I hate your night life so much that sometimes i want you locked in my arms for good, Cha. “

    Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya sa tainga ko. Pumikit ako at naramdaman na lang ang kung anong init sa buong sistema ko. And it’s not the wine.

    “Ayoko talagang may nakakakitang iba sa mga iniingatan ko sayo.”

    Nalusaw ang bawat muscles ko sa katawan. Nakalimutan kong tulala siya kanina habang nagtatalo kami ng mama niya. Buong akala ko hindi niya na ako matatanggap dahil sa pagsagot-sagot ko sa mama niya. Ngayon, nandito siya at sinasabi lahat ng ito sakin? Wala na yata akong chance na makalimutan siya. Mag pa annul man kami, buong buhay na siyang naka ukit sa puso ko.

    Hinaplos niya ang hita ko pataas naman ngayon sa likod ko.

    “Are you mad at me?” Maliit ang boses ko nang tinanong ko siya.

    Ginalit ko ang mama niya. Tapos, may video pa akong ganoon. Sinagot ko ang mama niya at sinira ko ang party. Of course he’s mad!

    “Really, really, really mad, Charity.”

    Hindi ko alam kung bakit mabigat ang puso ko at para itong nahuhulog.

    “Then… ba’t ka nandito?” Nabasag ang boses ko.
    “Because I’m madly in love with you.” Simple niyang sinabi.

    Patuloy siya sa paghaplos ng pabalik balik sa hita ko. Ramdam ko na ang hininga niya sa ilong ko. I can almost kiss him.

    “Galit ka ba kasi sinagot ko ang mama mo?” Tanong ko.
    “No.” Aniya.

    Napadilat ako at nakita kong diretso ang titig niya sakin gamit ang mapupungay na mga mata.

    “Galit ka ba dahil nasira ko ang party?”
    “No…” Aniya.
    Kumunot ang noo ko, “Kung ganoon, ba’t ka galit?”
    “Caught you dancing with another man, Cha-“
    “Pero wala kaming ginagawang masama!” Giit ko. “Tinulak ko siya! Ha-Have you seen the video, Jayden?” May bahid ng frustration ang boses ko.
    “I know…” Masuyo niyang sinabi. “But… I’m still… really, really damn jealous, Charity. Really, really jealous.” Pag uulit niya.

    Natahimik ako.

    “I’m trying to be mature, Cha. But you are seriously driving me insane. Bakit ka biglaang nag wo-walk out doon? Bakit mo ako iniwan? Ganun ba iyon ka simple sayo? We’re married! Kaya nga kita pinakasalan para matali ka na sakin, pero madulas ka parin!?”

    Napatingin na ako sa labi niya. Gustong-gusto ko na iyong halikan pero inilalayo niya sakin bawat amba ko.

    “Hindi mo ako pinansin. Akala ko nagtampo ka sakin kasi sinagot ko ang mama mo at naniwala kang may nangyari pagkatapos ng video.”
    “Alam ko kung kailan iyon. Ang nangyari pagkatapos ng video na iyon ay ang bridal shower mo. I’m not stupid, Cha.”

    I really just wanna kiss him right now. Oh… My… Gosh!

    “I was damn frustrated. Tulala ka lang sa sahig habang nagtatalo kami ng mama mo. Para bang kumbinsido kang nag cheat ako sayo…”

    Masuyo niyang siniil nang halik ang labi ko. Saglit lang. Kaya nakaawang ang bibig ko at nakatingin lang sa labi niya ngayon.

    “Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa buong angkan namin na hindi na magbabago ang desisyon ko kahit na may ganoong video. I told them na walang nangyari doon sa video. Hindi kayo naghalikan. Wala. And I was just so damn jealous that I can’t look at you in the eye, Cha.”

    Ok. I really just want to kiss him. Umamba na naman akong halikan siya.

    “You remember the deal?” Hinawi niya ako at hinaplos ulit ang likod sa hita ko pataas.

    It sent shivers down my spine. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang ginawa niya iyon.

    “You make me jealous, I’ll make love to you… I’ll remind you kung sinong may ari sayo… You’re mine, Charity. Only mine.”

    Pumikit siya saka hinalikan ako ng mas mapusok at mas matagal na halik. Wala na. Lusaw na lusaw na ako. Nanginig na lang ang binti ko sa mga halik niya.

    “P-Pero ayaw ng pamilya mo sakin…” Marahan kong sinabi.
    “Pero gustong-gusto kita.” His voice was husky. “Gustong gusto. Kaya anong magagawa nila?”

  • Chapter 46Open or Close

    Chapter 46
    Ang Pagpapaalam

    Nakatingala ako sa kisame habang hinahaplos ni Jayden ang buhok ko. Nakabalot kaming dalawa sa iisang kumot.

    “I’m sorry.” Paulit-ulit niyang sinabi ito sakin.

    Suminghap ako.

    “Okay lang. Nabigla ka rin siguro. Hindi ko kasi nasabi sayo yung tungkol sa pagpapakita ni Jake. It wasn’t significant for me. Ngayon ko nga lang naalala na nagkita kami sa bar bago yung Bridal Shower.”
    “Oo,” Tumikhim siya, “Inaamin ko, hindi ako agad nalinaw sayo, pinangunahan ako ng selos. But damn, Cha, nagulat ako noong nag walk out ka. Akala ko simpleng walk out lang. Nung nakita kitang dumiretso sa gate namin, doon pa lang ako natauhan.”

    Hindi ako umimik. I just can’t take your family anymore, Jayden. Well, the Sys. Ayos naman ang mga Corpuz. At nahiya na rin ako. Nagpunta doon ang ex kong boyfriend pala ni Justice. Nasaktan namin si Justice kahit wala naman talagang nangyaring masama doon. Dapat akong mag apologize kay Justice, pero wala na… hindi ko na ata kayang pumunta pa sa bahay nila at humarap sa kanyang pamilya pagkatapos ng kahihiyang natamo.

    “I’m really sorry for being… just… to jealous… everytime.” Hinalikan niya ang pisngi ko.

    Sumulyap ako sa kanya at ngumisi. For some reason, nagugustuhan ko ang pagseselos niya. Kahit na noong nandoon ako sa scene ay mejo nawasak ang puso ko nang wala siyang ginawa. Madali talagang magpatawad pag mahal mo ang tao.

    “Cha…” Malambing niyang utas.
    “Hmmm?”
    “Bakit di ka nag re-react diyan?”
    “I’m thinking…” Nakapirmi ang mga mata ko sa kisame.

    Siya naman ay nakatitig sakin. Kitang kita ko ang mga mata niyang mabigat akong tinititigan.

    “What are you thinking?” Mabilis niyang tanong.

    Hindi ako umimik. Iniisip ko kung paano namin malalagpasan ‘to. I mean, it’s his family. Sa buhay mag asawa, parte sila ng buhay ninyong dalawa. Hindi pwedeng kayong dalawa lang. Importante din ang family ties. Lalong lalo na sa pamilya ko, inaasahan na nila ang pagkakasundo ko sa pamilya ni Jayden. Importante din kasi sa amin ang pamilya. Kaya nga close na close ako sa mga pinsan ko ay dahil masyadong kaming family-oriented.

    “Charity…” I can hear his frustration.
    “Just about us.” Tinignan ko ang mga kuko ko.

    Hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko sa kanyang mukha.

    “What about us?” Nakakunot na ang noo niya at namumutla.
    Kumunot din ang noo ko, “Paano na ito ngayon? Anong gagawin natin? Kasal na tayo pero hindi ako matanggap ng pamilya mo…”
    Mabigat siyang bumuntong hininga.

    Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon niya. Para siyang nabunutan ng tinik. Kinusot niya ang mga mata niya saka bumuntong-hininga ulit bago tumitig ulit sakin.

    Umiling siya, “Akala ko kung ano na ang problema mo.” Buntong hininga niya ulit.
    I tilted my head, “Bakit? Anong iniisip mong problema ko?”
    “Akala ko give up ka na sakin. Akala ko papatulan mo na ang annulment na sinasabi ni mama.”

    Tumawa ako at pinagmasdan siyang mabuti. Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Nataranta ata siya kanina kaya lubos ang paghinga niya ng malalim nang malamang hindi ganun yung iniisip ko.

    “Hindi kailanman magiging option yan sakin.” Sabi ko.

    Idiniin niya ang sarili niya sakin.

    KItang-kita ko na ang topless niyang dibdib. I missed him. Parang ang tagal naming di nagkita dahil sa lahat ng nangyari. Binalot niya ako sa mainit niyang yakap.

    “Good. Kasi hindi kita hahayaan. I’ll find ways to make you love me so much, Cha. Gusto ko yung hulog na hulog ka na sakin. Yung hindi ka na makakaahon kahit gustuhin mo man.” Sinasabi niya ito sa leeg ko.

    Dahan-dahan ko siyang binalot ng aking braso. Damn. Hinding-hindi kita iiwan. Ang tanga ko nang iniwan ko siya. Parang kinukurot yung dibdib ko. Paano ko naisip na iwan siya? Masyado ata akong nagpadala sa emosyon ko.

    Ramdam ko ang maiinit niyang hininga sa leeg ko. Nakapirmi doon ang kanyang mukha habang hinahagkan ko siya.

    “I-I’m sorry.” Nabasag ang boses ko. “I tried to leave…”

    Napalunok ako. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako gamit ang nag aalalalang mga mata.

    “Nagplano akong bumalik ng Cebu. Iwan ka dito. Coz I thought naniwala ka sa parents mo. Akala ko din iiwan mo na talaga ako.”
    Nagkasalubong ang kilay niya, “Pinatay mo ang phone mo.” Aniya. “Kaya paano kita mahahabol. I tried to chase the car, Cha. Pero mabilis magpatakbo si CJ. Parang alam niya pa ang pasikot sikot dito sa Manila. Bumalik ako doon para mag wala sa pamilya ko. Umalis din agad at naghanap sayo.”
    “Paano mo nalamang nasa baba ako nitong condo mo?”
    “Kay CJ.” Aniya.
    “May number ka ba niya?” Tanong ko.
    “Wala. Si Justice, meron.”

    Tumango ako. Such as small world. Sa sobrang liit, masikip na. But, hey, that’s a good thing. Except doon sa pagpapakita ni Jake sa party.

    “Look at me, Charity.” Nag aalala parin ang mga mata niya nang bumaling ulit ako sa kanya. “Are you still madly smitten? Are you still in love with me?”
    “Yes, Jayden. Kaya nga nandito ako ngayon, sumasama sayo.”
    “But, Cha… Sinubukan mong umalis.” Paliwanag niya.
    “I got scared. Hindi na ito boyfriend-girlfriend relationship. This is forever, Jayden. At hindi ko matanggap na ayaw ng pamilya mo sakin.”
    “All the more, Cha. Kasi habang-buhay na ang pangako natin sa isa’t-isa, dapat hindi ka basta-bastang umaalis. We will compromise. I will compromise. I will sacrifice. Kaya supportahan mo ako.”

    Natahimik ako. Determinado siya. At sa sobrang passionate niya sa mga sinasabi niya sakin, mas lalo lang akong nahuhulog at nawawala sa mga mata niya.

    “Hindi pwedeng agad ka na lang mawawala just because of small things…”
    “Maliit ba na bagay iyon? Ang laking bagay nun. It’s your parents! Sila ang nagpalaki sayo-”
    “Trust me… maliit na bagay lang iyon kumpara sa nararamdaman ko sayo.”

    Tinitigan ko siya. Damn this man. I give up my forever… kanya na lang iyon. Tutal sa kanya lang ako sasaya. Kahit na anong mangyari.

    “I’m sorry.” Sabi ko.
    “Don’t pull that stunt again, Charity.”

    Nanginig ang lalamunan ko sa utos na narinig ko sa boses niya.

    “We’ll have another deal, Cha.”
    “Ano?” Tinaas ko ang isang kilay ko.
    “You try to leave me again, aanakan na talaga kita.”

    Napangiwi ako.

    “So? Kung hindi ako aalis, hindi mo rin ako aanakan?”
    Ngumisi siya, “No…”
    “Kung ganun? Paano ang deal na yan?”
    “Aanakan kita para mas lalo kang mahirapan na iwan ako. I’ll do everything, Cha… just to keep you… I want you to fall for me over and over again. Kung pwede lang, I want you so obsessed with me. Wala akong pakealam kung pagselosan mo lahat ng babaeng aaligid sakin. Damn, I’ll give the moon for that.” Humalakhak siya.

    Tumindig ang balahibo ko. Wala akong ibang masabi. Niyakap ko na lang siya. I really, really want my forever with this man. Di bale na nga lang ang pamilya. Ang importante mahal siya ng pamilya ko. But will they love him still kung nalaman nilang ganito ang nangyari sa Manila? Dad’s considerate. Mom? I don’t think so. Baka sumugod iyon dito.

    “Let’s sleep, Cha… Pupunta tayo ng bahay bukas. Pagkatapos ay diretso tayo ng NAIA. Umuwi na tayo ng Cebu.”
    “What? Why?” Nabigla ako sa desisyon niya.

    Umayos siya sa paghiga at pinulupot ang braso sakin. Pumikit na rin siya. Samantalang dilat na dilat na ang mga mata ko dahil sa biglaan niyang sinabi.

    “We’re going home, Cha. Aayusin ko pa yung company ni Chase Martin saka we’ll plan the wedding.”

    Nanahimik na lang ako. Sa tono niya kasi ay mukhang nakahilera na talaga itong mga plano niya. Hindi na pwedeng ma cancel. Matutuloy parin pala ang wedding namin kahit wala naman sa pamilya niya ang makakadalo.

    Liningon ko siya pero nakita kong mahimbing na ang tulog niya. Hindi man lang siya nahirapang matulog sa desisyon niya. Para bang wala talaga siyang pinagsisisihan. It’s all okay for him. Mas nag aalala pa yata ako sa pamilya niya kay sa sa kanya.

    Kaya kinaumagahan, pinaulanan ko siya ng mga tanong na naisip ko kagabi.

    “Mejo mabait naman yung daddy mo sa akin. Pwede naman sigurong imbitahin siya sa wedding?”
    “Under si papa kay mama kaya wala iyong magagawa.” Sabi ni Jayden.
    “What about Jen, Justice or Jude?”
    “Si Justice at Jude, pwede. Jennifer’s stubborn. Mana kay mama.”
    “Then… great! We can invite Justice and Jude!”

    Ano ba naman ito? Silang dalawa lang sa kasal namin ni Jayden?

    “Stop worrying, Cha. Magkaka wrinkles ka lang niyan.” Tumawa siya.

    Inirapan ko siya. Masyado talaga siyang cool sa sitwasyon. Ako pa yata ang namomroblema ng malaki sa pamilya niya. Bakit naman kaya? Well, siguro nature ko na talagang mamroblema dahil importante sakin ang approval ng pamilya niya.

    Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay niya ay naestatwa na ako sa upuan ng sasakyan niya.

    “Let’s go?” Yaya niya.

    Umiling ako. May mga lumilipad na paru-paru sa tiyan ko. Pinagpapawisan pa ako ng malamig.

    Binuksan niya ang pintuan ko at inanyayahan ulit ako.

    “Natatakot ako.” Sabi ko.

    Tumango siya. Kasabay nang pagtango niya ay may boses akong narinig.

    “Jayden!”

    Napatingin ako sa gate nilang nakabukas na ngayon. Nandoon ang mama niya. Nasa likod si Jen, Jude, Justice at isang tita niya.

    “Ma…” Tamad na utas ng mama ni Jayden.

    Tiningnan ng mama ni Jayden ang salamin ng sasakyan niya. Kahit na tinted ito ay parang tumatagos ang mga mata niya at nakikita niya ako sa loob. Kinagat ko ang labi ko.

    “You’re with her aga-”
    “MA! Stop treating Charity this way!” Sabi ni Jayden.

    Humalukipkip ang mama ni Jayden.

    “I told you. Wala ng makakapagpabago sa desisyon ko.”

    Natahimik ang mama niya at naghintay sa sasabihin ni Jayden. No… It won’t be this way. Ang sabi ni Jayden ay pupunta kami dito at magpapaalam ng maayos. Para kahit paano, pag naiisip nila ang ginawa namin, hindi tatatak sa mga utak nila ang pag wo-walk out ko… Na maganda parin ang pakikitungo ko sa kanila sa huli. Lumabas ako ng sasakyan at umikot para harapin sila.

    Nabigla si Jayden sa ginawa ko. Maging ang tita at mama niya ay nabigla din. Yumuko ako ng walang pag aalinlangan.

    “Babalik na po kami ni Jayden sa Cebu. Maraming salamat sa pagtanggap niyo sakin sa bahay ninyo-”
    “Aba’t-”
    “MA!” Sigaw ni Jayden.

    Hinawakan niya agad ang braso ko. Mariin kong tinitigan ang mga mata ng mama niya.

    “Alam ko pong ayaw ninyo sakin para sa kanya. Tanggap ko na po yun. At hindi ko na kayo guguluhin. Hindi ko kayo pipiliting magustuhan ako. Hindi ko rin po pipilitin si Jayden kung isang araw ay ayawan niya ako dahil hindi tayo nagkakasundo. Hindi po dahil hindi ko siya gaanong mahal, kundi dahil naiintindihan kong importante ang pamilya-”
    “Charity! Stop saying that! Kahit kailan, di yan mangyayari.” Sabi ni Jayden at pinagsalikop ang mga daliri namin.
    “Kung alam mo naman palang ayaw namin sayo, ba’t di mo siya iniwan?”
    “Ma-ma!” Narinig ko ang sobra-sobrang frustration sa boses ni Jayden.

    Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatingin talaga ako sa kamay naming dalawa dahil sa higpit nito.

    “Ikaw, Jayden, sinong pipiliin mo ngayon? I’ll ask you for the last time? Your family or this girl?”

    Umiling si Jayden.

    Nakita ko ang awa sa mata niya. Naaawa siya. Naaawa, nagui-guilty, at nag aalala.

    “No, ma. That’s not the two choices I want you to see. It’s either you love her… or I’ll leave you.”

    Nalaglag ang panga ko sa linya ni Jayden. Maging ang mama at tita niya ay napanganga na rin.

    “I’m sorry but I’m building my life with her, Ma.”
    “Ayaw mo sa success mo sa Dubai para sa babaeng iyan? Tapos ngayon tatalikuran mo kami?” Nabasag ang boses ng mama niya.
    “Hindi po ako aayaw sa Dubai. Hindi ko rin po kayo tatalikuran. Kayo ang tumalikod samin… sakin. Dahil hindi niyo siya natanggap… It’s either tanggapin mo kami o iiwan ko kayo. I’ve made a decision. And it will always be her. She will always be my decision. Nasa sa inyo kung sasama kayo sa desisyon kong ito. Para sa akin, sasama man kayo o hindi, tutuloy parin ako. Kami paring dalawa.”

    Nagpunas ng luha ang mama niya. Tinahan iyon ni Jen.

    Nag iwas ako ng tingin. Naiiyak na rin kasi ako. Nakikita ko si mama na umiiyak kahit na mama naman iyon ni Jayden.

    “Now… ang desisyon ay nasa sa inyo. Dahil ako, sigurado na ako dito. Hindi niyo na kailangang itanong. Siya na talaga. Kayo ng bahala kung anong desisyon ninyo.”

    Pumihit si Jayden at hinarap ako. Nang nag tagpo ang mga mata namin ay tumango siya. Bumuhos ang luha ko. He’s going to leave his family for me… Kung loka-loka ako tapos iwan ko siya, wala na siyang matatakbuhan pa. Kinukurot ang puso ko. Bakit ko ba ito iniisip? I will never leave him. NEVER. Magkakamatayan na.

    “Let’s go home, Charity.” Aniya.

  • Chapter 47Open or Close

    Chapter 47
    Ang Bet

    Nakarating na kami ng Cebu ni Jayden. Kasama namin ang mga pinsan at mga kaibigan ko. Na hiwa-hiwalay din kami pagkadating namin sa airport. Dumiretso kaming dalawa ni Jayden sa Riala.

    “Kailan natin bibisitahin si Daddy?” Tanong ko.

    Humugot siya ng malalim na hininga.

    “Maybe tomorrow?”

    Alam ko. Patay kaming dalawa. Patay siya. Patay sa daddy ko. Pag nalaman nilang hindi kami aprobado sa side niya ay magwawala iyon. Bakit hindi aprobado ang isang Rama? Paano nangyari iyon?

    “Alright.”

    Inakbayan niya ako at hinila niya ang katawan ko palapit sa kanya.

    “I’m sorry.” Aniya.
    “It’s okay. I’m sorry din.”

    Tumunog ang elevator. Hudyat na nakarating na kami sa 15th floor ng Riala. Naunang maglakad si Jayden kasi umugat na ang mga paa ko nang nakita ko kung sinu-sino ang naroon.

    “Jake? Anthony?”

    Napatingin si Jayden sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatayo sa tapat ng elevator na para bang may inaabangan. Nagkatinginan din si Jake at Anthony. Hindi magkakilala ang dalawa kaya nabigla sila nang sabay kong tinawag.

    “I just wanna apologize.” Sabay pa nilang sinabi.

    Napatingin ako kay Jayden na ngayon ay mabilis na ang paghinga. Nakita ko ang madilim niyang titig sa dalawa. Agad kong hinigit ang braso niya kahit nahirapan ako. Lumabas na rin ako ng elevator at hinarap ang dalawa. Si Jayden ay nasa likod ko na ngayon.

    “Jake… I’m sorry din kasi nagkahiwalay kayo ni Justice dahil sa video.”
    Umiling si Jake, “Kasalanan ko rin naman.” Namutla siya.
    “I’m sorry, man.” Aniya kay Jayden.

    Pero ganun parin ang ekspresyong ipinakita ni Jayden. Mariin paring nakatikom ang bibig niya para sa kanilang dalawa.

    “Cha, I’m sorry.” Si Anthony naman ngayon.

    Hindi ako umimik. Nawala na siya sa utak ko. Halos makalimutan ko na nga ang ginawa niyang pamimilit niya sakin noon. Pero ngayong nakita ko ulit siya ay naalala ko na naman.

    “Please, bumalik ka na sa dating condo natin. It’s been 8 months, Cha. 8 months.” Pag uulit niya.

    Hindi na iyon pinalagpas ni Jayden. Agad nang humandusay sa sahig si Anthony. Nabigla si Anthony sa ginawa ni Jayden. Napahawak siya sa kanyang pisngi.

    “What the fvck? Ikaw na naman!” Naaalala kita, ah?” Tinuro niya si Jayden.
    “Is this one of your exes, Cha?” Tanong ni Jake.

    Tumango ako at agad nang hinila ulit ang braso ni Jayden. Ngayon si Jake naman ang sumuntok sa kanya.

    “Dude, may asawa na yung tao. Wa’g ka ng mamilit!”

    Nagpabalik-balik ang tingin ni Anthony sa aming tatlo.

    “What? Totoo ba yan, Cha? Asawa mo ang isang yan?” Tinuro ni Anthony si Jayden.
    “Oo!” Sigaw ni Jayden at umamba ulit na susuntukin si Anthony.

    Napatayo si Anthony. Napigilan ko rin si Jayden.

    “Umalis ka na dito kung ayaw mong mapatay!” Napatalon ako sa banta ni Jayden.

    Pinatayo ni Jake si Anthony. Pumiglas ito at tinitigan siya gamit ang matatalim na mata.

    “Bitiwan mo nga ako!” Sigaw ni Anthony kay Jake.

    Tinitigan niya ako bago siya tumalikod at dumiretso sa elevator. Ngayon ay si Jake na lang ang naiwan. Nabigla ako nang tinalikuran ako ni Jayden at kinuha niya ang cellphone niya.

    “So… Cha… I’m sorry sa panggugulo ko sa inyo.” Aniya.

    Nakabaling ang atensyon ko kay Jayden na ngayon ay may kausap na sa cellphone niya.

    “Pababa na siya- Oo- Ako na ang bahala.”

    Ano? Sino kaya ang kausap niya?

    “It’s okay, Jake. Panu na yan? Nagkahiwalay na kayo ni Justice. Makipagbalikan ka sa kanya. Kung gusto mo susubukan kong kausapin siya?”
    Umiling si Jake, “Hindi na siguro. Matagal na rin kaming mejo shaky. Alam mo na. Mahirap ang long distance. Nasa States ako ng ilang taon at nandito lang siya. Hindi ko nga alam kung ganun parin ang nararamdaman niya sakin o nanghihinayang lang siya.” Aniya.
    “I’m sorry.”

    Ngumiti siya ng isang malungkot na ngiti. Bumukas ang bibig niya na para bang may sasabihin pa siya pero sumulyap siya kay Jayden at tinikom na lang ang bibig niya.

    Binaba ni Jayden ang cellphone niya saka hinawakan ang braso ko.

    “Let’s go, Cha. Pahinga na muna tayo.” Binalewala niya si Jake.

    Kaya ako na lang ang nag paalam kay Jake.

    “Sorry, again, Jake. Papasok na kami sa condo.”
    Tumango si Jake at tinalikuran na rin kami.

    Hinila ako ni Jayden. Ngayon ay seryoso at galit ang mukha niya.

    “Sinong kausap mo sa telephone?”
    “Yung bodyguard mo.” Aniya.

    WHUT?

    “Meron ba ako nun?” Tanong ko nang nakakunot ang noo.
    “Oo. Manhid ka kasi kaya di mo nararamdaman pero pinapasundan ka ng daddy mo sa mga bodyguard mo. Sa Manila ka lang tinantanan kasi nandun ako. Pero dito sa Cebu? Nakaaligid sila sayo nang di mo namamalayan.”

    Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

    “At kung hindi ka pa tuluyang tatantanan ng Anthony na iyon ay ipapakulong ko siya. I don’t want anyone touching you, Cha. Na ha-highblood ako tuwing naiisip ko iyong mga pilit niyang halik sayo. Kahit na kay Jake, nahahighblood ako. Seriously, puro pagboboyfriend ba ang inatupag mo noong college at bakit ang dami mong nakarelasyon?”

    Kumunot ang noo ko at ngumuso. Napansin niya iyon kaya hinagkan niya ako pagkabukas ng pintuan sa condo.

    “I just hate your exes. Kung sana inagahan ko ang pagdating sa buhay mo para ako ang unang halik mo. Unang ka holding hands. Unang lahat. Buti na lang ako ang nakauna sayo sa kama at baka hindi matahimik ang kaluluwa ko kung may nauna sakin.”

    Hindi ko mapigilan ang pag angat ng labi ko. Napangisi na talaga ako. Natutuwa talaga ako sa mga sinasabi niya. What happened to freedom?

    “Kung noon pa kita nakilala, baka hindi magiging tayo. You know, I’m obsessed with freedom, Jayden. Ayaw kong may boyfriend kasi nasasakal ako. Kung meron man akong maging boyfriend, gusto ko parin ng freedom. Hihingi ako ng space.”
    “You want to try me, Charity?” Ngumisi siya. “Tingin mo talaga hindi ka mahuhulog sakin kung dumating ako ng mas maaga.”
    Tumango ako at ngumisi.
    “Really?”
    Mariin akong tumango.
    “Wanna bet?”
    “Paano natin malalaman ang sagot eh hindi na natin maibabalik ang panahon?” Tinaas ko ang kilay ko. “Jayden, I swear, kung malala na ang tingin mo sakin ngayon, mas malala ako noong college. Noong highschool.”
    Ngumisi siya, “Mas malala din naman ang topak ko noong highschool, Cha. Baka mabaliw ka sakin.”
    Napangiwi ako, “I doubt it.”

    Idiniin niya ang dibdib niya sakin. Napaatras ako dahil matigas at mainit ito. Ayaw niya talagang magpatalo sakin, ah?

    “Maarte ako Jayden. At masyado pang free at liberated noon. Mahilig akong mag cut class at marami akong nagawang kabulastugan. Eh, ikaw? You were like the cool nerd!” Tumawa ako.
    Ngumuso siya.
    “I’ve seen your certificates and trophies. Nakalatag sa bahay ninyo. Class valedictorian ka noong higschool at halos lahat ng mga quiz bee ay napanalunan mo. Kung hindi ko lang nakita ang picture mo sa isang frame noong high school ka pa, naisipan ko nang nerd kang may malaking salamin tsaka naka suspenders.”

    Humagalpak ako sa tawa. Natahimik lang ako nang idiniin niya pa lalo ang sarili niya at napasandal na ako sa pintuan ng bathroom.

    “Hindi ko nga alam bakit nagkagirlfriend ka pa nun? Dapat yung mga nerd, walang girlfriend. Well, sa bagay, gwapong gwapo ka parin noong highschool. Pero hindi ako naghahabol sa mga gwapo lang. At ayaw ko sa nerd kaya hinding hindi ako maattract sayo.”
    “Really?”

    Nagkatinginan kaming dalawa. Tumindig ang balahibo ko sa titig niya.

    Inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang init sa kalooblooban ko. Unti-unti akong napapikit nang naramdaman ko na ang mabango niyang hininga sa labi ko. Napaawang ang bibig ko para salubungin ang halik niya pero hindi niya ako hinalikan. He just chuckled.

    Dumilat ako ng bahagya para tignan siya. Niliko niya ang labi niya sa labi ko saka inilapit niya iyon sa tainga ko. Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang dingding. Para bang ikinukulong niya ako sa pintuang sinasandalan ko.

    “I really wanna meet your highschool or college self, Cha. Pero baka kung mas maaga kitang nakilala, maaga rin kitang mabuntis.”

    Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

    “Baka highschool pa lang, may anak na tayo.” Tumawa siya sa tainga ko. “I really wanna meet your highschool self.” Malamig niyang sinabi ulit.

    Napapikit ako. Bawat himaymay ng katawan ko ay parang sumusuko na lang. Gusto ko na rin tuloy siyang makilala noong higschool pa lang ako. Kahit na alam kong nakakahiya ang pagiging badgirl ko noon.

    Marahan niyang siniil ng maiinit na halik ang labi ko.

    Hindi ko alam kung mahuhulog ba ako kay Jayden kung noon ko pa siya nakilala pero bakit ako mamomroblema ng ganun eh nandito naman siya sakin ngayon at hinahalikan ako? I’m contented with my life. Di bale na kung hindi man ako nagustuhan ng pamilya niya. Ang importante sakin ay mahal na mahal niya ako.

    Sa araw na iyon, kinausap namin si Chase Martin. Ipagpapatuloy ni Jayden ang pagmamanage sa resort at mag ti-train din siya ng bagong General Manager. Aniya’y aalis daw kami… Oo, dadalhin niya daw ako sa Dubai pagkatapos ng honeymoon namin. Siguro mga give or take two months.

    Noong una ay kinakabahan pa siya, baka daw ayaw kong sumama sa Dubai.

    “Kahit saan basta kasama kita.” Iyon lang ang nasabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

    Pwede naman akong sumama kaya hindi namin kailangang magkalayo. And knowing Jayden, pag hindi ako papayag sumama ay hindi rin iyon tutuloy. He would rather be with me than have his own success. Weird but I love him for that. Nakakasakal ba? I guess I have a new fetish, huh?

  • Chapter 48Open or Close

    Chapter 48
    Ang Pamilya

    Sa sumunod na araw, agad na akong ginapangan ng kaba. Nanghihingi ng update sina daddy at mommy samin. Pupuntahan namin sila ngayon sa bahay namin.

    “Cha, I won’t help you this time.” Sabi ni CJ sakin nang tinawagan ko siya.
    “Ano ka ba. Alam ko. Hindi naman ako tumawag para magpatulong. I just want to ask if mom or dad’s in a good mood?” Tanong ko.

    Suminghap si CJ bago ako sinagot.

    “Well, they are? Want to ruin their moods?” Tumawa siya.

    Nandoon na kasi ang ibang pinsan, tito at tita ko. Pinagpapawisan tuloy ako ng marami. Hindi naman ako ang first born sa mga Rama pero para narin silang nabunutan ng tinik nang nalamang nagpakasal na ako. Syempre, ako ang nakakapagpa-highblood sa kanila kaya ganun sila makareact.

    Naghihintay na si Jayden sakin sa sofa. Ako naman ay di na mapakali.

    “Jayden, what if magalit ang parents ko? What if magalit sila sayo?”

    Tumikhim siya at tinitigan ako.

    “I don’t blame them…”
    “Jayden, paano kung magalit sila sayo at aayaw na sila sayo? Anong gagawin natin?”

    Tinitigan niya lang ako. I know… Kung aayaw sila kay Jayden, ipaglalaban ko siya. Pero I can’t walk away from my family like what he did. Hindi ko kaya. A Rama will always be a Rama. We treasure our families so much.

    Nakita ko sa mga mata niya ang aking mga pangarap. I won’t let Jayden down. I can’t. Mahal na mahal ko siya.

    “I’m not asking you to leave them for me, Cha.” Mariin niyang sinabi.

    Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya.

    “H-Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.”

    Tumayo siya at lumapit sakin. Pareho kaming nakabihis na para sa brunch namin kasama ang buong pamilya ko sa bahay. Ito na rin ang araw na magpaplano na kami sa kasal. Kung saan gaganapin, exact date, at kung anu-ano pa.

    “Cha, desisyon ko iyong nangyari sa Manila. I know you feel guilty about it.”

    Kinagat ko ang labi ko.

    “You don’t need to do the same.”
    Tumango ako.

    Yes, I feel so guilty. Lagi kong naaalala ang pag iyak ng mama niya sa harapan naming dalawa. Talagang ayaw niya lang sakin kaya niya iyon nagawa kay Jayden. Hindi niya naman siguro inakalang ako ang pipiliin ni Jayden. Maligaya akong ako ang pinili ni Jayden, pero nasasaktan ako para sa pamilya niya.

    Yinugyog ni Jayden ang balikat ko. Ngayon ko lang narealize na natulala na pala ako sa dami ng iniisip ko.

    “Charity!” Tawag niya.

    Agad akong tumingin sa mga mata niya. Pinipiga ang puso ko tuwing nakikita ko ito. Ang dami niyang sinakripisyo para sakin.

    “Listen… It’s a no alright? Kung iniisip mong pakawalan na lang ako para makabalik na ako sa pamilya ko… It’s a no… Okay? Wa’g kang mag isip ng ganyan.”

    Mas lalo lang piniga ang puso ko. Litong-lito na ako. Hindi ko na namalayan ang pagbuhos ng luha ko.

    “J-Jayden… I love my family. At hindi ko talaga kayang isipin na nakaya mong iwan sila para sakin.”
    Umiling siya, “Like I said, hindi ko sila tinalikuran, Cha. Sila ang tumalikod sakin. Don’t feel guilty. Kung magalit man ang pamilya mo sakin, tatanggapin ko ang galit nila. Just…”

    Humikbi ako. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.

    “Just… don’t leave me. Alright?”
    Tumango ako at humikbi ulit.

    Mainit akong niyakap ni Jayden. I won’t. Kahit na gulong-gulo na ang isipan ko, siya parin ang nangingibabaw sa puso ko.

    Kaya nang nakarating na kami sa bahay at nakita ko na ang nakakunot na noo ni Erica, Lyka, at CJ nang nakita kaming nagho-holding hands ni Jayden papasok sa bahay.

    “Charity!!! Blooming!!!” Tumaas ang kilay ng tita ko nang hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko.

    Ngumisi na lang ako sa kanila. Isa-isa akong nagmano sa mga tita ko at sumulyap kay CJ na ngayon ay nakakunot ang noo.

    Si Jayden naman ay kilala na ng ibang tito ko. Pinakilala naman siya sa hindi niya pa kilala. Welcome na welcome siya dito samin. Taliwas sakin sa pamilya niya.

    Nasa mahabang table kami ng dining room namin. Kasya kami ng buong extended family namin dito sa sobrang haba.

    “How was the trip, Charity?” Tanong ng tito kong daddy ni CJ.
    “Okay lang po.” Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Jayden.

    Umupo kami at nilapag na ng mga katulong ang mga pagkain.

    “Kamusta, Jayden?” Tanong ng mommy ko.

    Napatingin ako kay Jayden na ngayon ay diretso ang tingin sa mommy ko.

    “Okay naman po. Pumunta po kami sa bahay.” Aniya.
    Tumango si mommy, “Hindi ba isang linggo ang balak niyong mag stay doon? Bakit apat na araw lang?”

    Kinabahan ako. Padarag na nahulog ang kutsara at tinidor ni Lyka. Napatingin si mommy sa nangyari kay Lyka. Ngumisi lang si Lyka kay mommy saka bumaling ulit si mommy kay Jayden. Santisima, aatakihin na ata ako sa puso.

    “Kasi po…” Sabi oo agad. “Miss na miss ko na po ang Cebu-“
    “Cha…” Pinigilan ako ni Jayden na pagtakpan ang nangyari. “Umalis po kami sa bahay.” Aniya sa mommy ko. “Hindi po kami magkaunawaan ng mama ko.”
    Tumango si mommy at natigilan sa pag inom niyang tubig, “Why?”

    Ngayon ay maging ang mga tita at tito ko ay inaabangan na ang sagot ni Jayden.

    “Ayaw niya ba sa anak ko?” Diretsong tanong ni daddy.

    Napanganga ako. Nakita kong nabasa ni daddy ang reaksyon ko kaya’t nakumpirma niya ito. Nakakabinging katahimikan ang natamo namin ni Jayden galing sa kanila. Ilang sandali pa ang lumipas bago sila nakapagsalita muli.

    “Bakit? What’s with Cha?” Tanong ni tita.
    “Why would they hate a Rama?” Tanong ng tito ko.
    “Bakit, Jayden? My daughter is a bit liberated pero pinalaki namin siya ng maayos? I mean… this is stupid. Bakit ko sinasabi ito na parang kinukumbinsi ka na pinalaki ko siya ng maayos?” Nakita ko sa mukha ni mommy at narinig ko rin sa kanyang boses ang pagpapanic.

    Hinawakan na ni daddy ang kamay niya para kumalma ito.

    “I don’t understand it, Fred. Hindi pwedeng ganito-“
    “I’m sorry po. I tried to convince them. Gusto ko nga po sanang baguhin ang mga iniisip nila habang nandoon kami. Kaso hindi ko po kayang nahihirapan si Charity.”
    “NAHIHIRAPAN?” Mariing binanggit ni mommy ang bawat pantig ng salitang ito. “Anong klaseng paghihirap, Cha?” Bumaling siya sakin.
    “Ma, don’t be OA. Wala naman.” Sabi ko.
    “Pinapili po ako ng mama ko kung si Charity ba o ang pamilya ko. Ayaw niya po kay Cha para sakin. And I’m sorry kung ganun sila.”
    “At sinong pinili mo?” Tanong ni mommy sa gitna ng katahimikan.
    “Isn’t it obvious, ma? Kung hindi po ako ang pinili ni Jayden, wala siya dito.”

    Natahimik sila.

    “I’m sorry po, tito, tita.” Sabi ni Jayden. “Gusto ko po sanang subukan ulit namin ni Cha na kumbinsihin sila. Pero ayaw ko pong mahirapan siya. Mas mabuti na pong nandito kami sa Cebu-“
    “It’s my fault.” Sumulyap ako kay Jayden kasi pinutol ko siya.

    Ayaw kong ilagay ang lahat ng blame sa pamilya niya. May problema din ako.

    “Mom, mejo pangit po ang unang impression nila sakin. Tsaka nadagdagan pa ang pagpapakita ni Jake sa family gathering nila. May video kami ni Jake sa Facebook na sumasayaw.”
    “I’ve seen that one, couz.” Singit ng pinsan kong si Cole.
    “Nangyari po yun nung unang gabi namin sa Manila. Bridal Shower ko. Hindi ko inakalang kakalat iyon. Nakita po yun ng pinsan niyang girlfriend ni Jake. Naghiwalay sila at syempre nalaman iyon ng buong angkan nila. Hindi na po maganda ang simula ko sa pamilya niya, mas lalo lang pong nadungisan ang tingin nila sakin. Hindi po sa kanila lahat ng kasalanan. May kasalanan din po ako.”

    Tumango si mommy at tinignan si daddy na ngayon ay nakangiti at nakatitig sakin.

    “Still, you don’t hate a Rama.” Kumbinsidong sinabi ng tita ko.
    “Yes coz you married a Rama.” Tumawa si tito sa kanyang asawa.

    Ngumuso ako sa reaksyon nila. Buong akala ko ay ipagtatabuyan nila si Jayden nang nalaman nila ito pero hindi… This is why I love my family. Hindi sila mapanghusga. Natural silang mababait at walang arte.

    “Damn I love your family.” Bulong ni Jayden sa akin.

    Ngumisi ako at bumaling ulit sa nakangisi kong ama. Pinunasan niya ang kanyang luha sa likod ng kanyang salamin.

    “Dad? What?” Tanong ko.

    Hindi ko maintindihan. Bakit siya ngumingisi at naiiyak at the same time.

    “Pakiramdam ko nagkamali ako sa pamimressure sayong magpakasal na. Hindi ko inakalang you were capable of being a mature woman, Cha.” Nabasag ang boses ni daddy.

    Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang pilit na pagsikip ng dibdib ko. Nanginig ang labi ko saka ko naramdamang tumulo ang maiinit na luha galing sa mga mata ko. Niyakap agad ako ni Jayden nang nakita niya iyon.

    “Tito, don’t say that. Hindi rin po ako papayag na babawiin niyo siya sakin.”

    Pumikit na lang ako at umiyak sa balikat ni Jayden. Yakap-yakap niya ako. I can’t help but cry. Syempre, daddy ko na iyong nagsalita. Ewan ko ba kung bakit nahabag ako sa sinabi niya.

    “She’s stubborn. Ayaw kong nakikita siyang nag paparty gabi-gabi, pinagsasabihan ko pero hindi nakikinig. Walang makakakontrol sa kanya. Kahit kaming mga magulang niya. Kahit anong disiplina, may mga paraan siya. Kaya gustong gusto kong mahulog ang loob niya sa isang mabuting lalaki para umayos na siya. At ngayong nakita kong nag mamature na siya, sorry Jayden pero nagkamali ako. I want her back. I want my hard headed girl back. I can’t watch her go with you…”

    Mas lalong kinurot ang puso ko nang narinig na humagulhol ang ama ko. Wala na. Pakiramdam ko hindi na mauubos ang luha ko. Hindi na ito titigil sa pag iyak.

    Nagsitayuan ang mga tito at tita ko para daluhan si daddy. Ako naman ay nandoon parin at nakapikit sa balikat ni Jayden habang pinipigilan ang pagbuhos ng luha ko.

    “It’s too late now, tito.” Sabi ni Jayden.

    Hinampas ko siya.

    “Ang lakas talaga ng loob mo, no?” Sabi ko kahit na basag na basag ang boses ko.

    Tumawa ang mga tito ko sa sinabi ni Jayden.

    “Sa apo mo na lang ibuhos yang pakiramdam mo, Fred. Wa’g na dito kay Charity. Ayan, may iba ng nagmamay-ari.” Tumawa ang daddy ni CJ.

    “Now, now, nag da-dramahan na ata kayo dito.” Tumawa si Cole. “Planuhin na lang ang kasal?”
    “Paano yan, Jayden? Sinong pupunta sa kasal?” Tanong ni mommy. “I mean, yung family mo? Pwede naman sigurong ipagpaliban na lang muna.”
    “Hindi po. Gusto ko pong magpakasal next month. Wa’g na po nating ipagpaliban. It’s my original plan.”
    “Isiwalat mo na lang yan sa buong Cebu, Jayden, baka ideklara pa ng mayor na single si Charity para lang masaya na siya.” Tumawa si CJ.

    Mejo humupa na ang pag iyak ko kaya dumilat ako at pinunasan ang sarili kong luha. Hinaplos ni Jayden ang likod ko.

    “Hush, Charity…” Bulong niya.

    Nakita kong may lumapit na katulong kay CJ at may binulong sa kanya. Maingay na sa table kasi panay ang tawanan ng mga tito at tita ko sa paligid ni daddy at mommy. Nagtatalakan na rin ang mga pinsan ko. Si CJ lang ata ang tahimik at nakakunot ang noo.

    “Bro, may naghahanap sa labas. Corpuz daw. Tatlo. Dalawang babae, isang lalaki.”

    Umayos ako at nakitang tumayo si CJ.

    “Pupuntahan ko lang.”

    Kumunot ang noo ni Jayden at bumaling sakin.

    “Sasama ako.” Aniya.
    Tumango ako at tumayo na rin. “Sasama din ako.” Pinunasan ko ang pisngi ko mejo basa parin dahil sa luha.

    Sinong Corpuz kaya ang mga iyon?

  • Chapter 49Open or Close

    Chapter 49
    Ang Kasal

    Naunang humakbang si CJ palabas ng bahay namin. Hindi kasi pinapasok ang naghahanap sa labas. Syempre, mahigpit ang seguridad sa bahay namin. May dalawang armadong security guards ang nagbukas ng gate namin.

    Sinubukan kong tumiyad para makita kung sino ang nasa likod ng gate namin. Pareho kasing matangkad si CJ at Jayden kaya hindi ko makita. Nang sa wakas ay nakita ko kung sino, bumuntong hininga na lang ako. Nalaglag ang panga ni Justice habang hinaharap si CJ na ngayon ay nakahalukipkip. Sa likod ni Justice ay ang dalawang kapatid ni Jayden, si Jude at Jen.

    “Anong ginagawa niyo dito?” Malamig na tanong ni CJ.
    “CJ!” Saway ko sa pinsan ko.

    Lumingon siya sakin at nakita kong nakakunot na ang mga noo niya.

    “Pinahirapan ka nila sa pamamahay nila, edi papahirapan ko rin sila dito satin.”
    “CJ! Mga kapatid iyan ni Jayden!” Sabi ko.

    Nabigla din kasi ang tatlo sa tanong ni Jayden.

    “Hindi tayo ganyan.”

    Bumuntong-hininga si CJ at umiling.

    “Sorry, Justice, Jude at Jen…” Sabi ko sa kanilang tatlo.

    Humakbang si Jayden palapit sa mga kapatid niya.

    “Kayong tatlo lang ba?” Tanong niya.
    Tumango si Jen dahil mukha atang nawalan na ng kaluluwa si Justice.

    Napatingin tuloy ako kay CJ. May naaalala ako. Crush nga pala ni Justice si CJ.

    “Mom’s hysterical, kuya.” Utas ni Jen.
    Tumikhim si Jayden, “It’s her fault.”
    “Baka magkasakit siya.”

    Nagulat ako sa sinabi ni Jen. Bakit hindi ko iyon naisip? Pwedeng magkasakit ang mama ni Jayden dahil sa ginawa naming dalawa. Nanginig ang tuhod ko nang naisip ko iyon. Paano kung dapuan siya ng mga sakit dahil sa inis sa ginawa naming dalawa?

    Hindi na nagsalita si Jayden. Naramdaman ko ang guilt na gumagapang sa kanya. Kinagat ko ang labi ko at sinulyapan si CJ na ngayon ay nakahalukipkip parin habang tinititigan si Jen.

    “Siya yung magdudulot sa sarili niyang sakit. Kung sana hindi siya nag inarte at tinanggap na lang si Cha, ay sana okay ang lahat.”

    Hinampas ko ang braso ni CJ.

    “CJ, stop that!” Saway ko.
    “Anong gusto niyong gawin ko ngayon? Bumalik doon para maging masaya ulit kayo? Jen, this is ridiculous. I’m already married, alright? Mom knows that. Gusto niya lang kayong manipulahin.” Ani Jayden.
    “Yes, kuya. We know that. Kaya nga nandito kami ngayon.” Nabigla ako sa biglaang pagsasalita ni Justice.
    “Hindi muna kami uuwi hanggang di pupunta dito ang buong angkan. Kuya, kumbinsido na ang mga tito at tita natin. Si mama na lang talaga ang nagmamatigas. Ready na silang kumuha ng ticket para mamanhikan dito sa Cebu. I mean, silang lahat. Si mama na lang ang kulang.” Sabi ni Jen.

    Humupa ang kaba ko sa sinabi ni Jen. Konting push na lang siguro ay papayag na iyon. Hindi na ako mag eexpect na magiging okay kami na parang walang nangyari, pero sana naman kahit pagpapakita na lang sa kasal namin ay gawin niya. Di bale na kung habang buhay niya akong pagagalitan tungkol sa mga walang katuturang bagay. Basta ang importante sakin ay niresperto niya ang desisyon ni Jayden. Ayaw ko rin namang magkasiraan sila sa pamilya niya dahil syempre, pamilya niya iyon.

    “Sino yan?” Tanong ni Erica sa likod ko.

    Sumunod din pala siya dito.

    “Mga kapatid ni Jayden, Erica.” Sabi ko. “Pasok kayo.”

    Nakalimutan ko palang anyayahan sila papasok sa bahay namin.

    “Uhmm…” Umatras si Jen at tinignan ang kabuuan ng bahay namin.
    “Seriously, Cha? Inanyayahan mo pa talaga?” Masungit na sinabi ni CJ saka bumuntong hininga.

    Binigyan ko na lang siya ng matatalim na tingin.

    “Pasok kayo.” Sabi ko ulit.

    Tumango si Justice at pumasok na sa loob. Sumunod na rin si Jude at Jen. Nang nasa loob na kami ng bahay, nadatnan namin sa dining room ang mga tito at tita kong nagtatawanan parin habang kumakain. Natigil sila nang nakita ang mga bagong dating na bisita.

    “Ah, eto po yung mga kapatid ni Jayden. Tsaka yung pinsan niya po.”

    Tumaas ang kilay ni mommy saka pinagsalikop ang mga daliri sa harap ng hapagkainan habang masusing pinagmasdan ang tatlo.

    “Ito po si Jen at Jude, yung kapatid niya. Ito naman si Justice Corpuz ang pinsan niya.” Sabi ko sa gitna ng katahimikan.

    Bumaling ako sa kanilang tatlo na ngayon ay halos mahimatay na sa pamumutla.

    “Yan ang daddy at mommy ko, mga tito at tita ko naman ang nandito. Tapos mga pinsan ko.” Hindi ko kayang ipakilala sila isa-isa dahil sa dami.

    Alam ko ring hindi nila maaalala ang mga pangalan ng mga ito.

    “Oh, ba’t kayo namumutla?” Patawang sinabi ni mommy. “Don’t worry, we’re not monsters. Welcome kayo dito samin.”

    Natawa rin ang tita at tito ko sa sinabi ni mommy.

    “Pakidagdagan ng tatlong pinggan.” Utos ni daddy sa isang katulong.

    Kinabahan tuloy ako. Ang awkward kasi.

    “Dito kayo umupo.” Sabi ko nang nakitang may bakanteng upuan sa tabi ni Cole at CJ. Buti na lang at mahaba itong dining table namin, kayang i-accomodate kaming lahat.

    “Oh, ba’t nga pala kayo nandito? Buong akala ko galit ang mga magulang ninyo sa Charity ko? Hindi ba kayo papagalitan?” Tanong ni daddy sa tatlo.
    “Hindi naman po. Si mama lang yung mejo nagtatampo.” Sabi ni Jen.
    “Alam ba nilang nandito kayo? Gusto niyo bang iuwi na lang ulit si Jayden?”
    “Tito, my mom knows na hindi na po magbabago ang desisyon ko.”
    Tumango si dad sa singit ni Jayden, “Kung ganun… baka akala ng mga magulang ninyo na kinidnap kayo namin dito, ah?” Tumawa si daddy.
    Umiling si Justice, “Mamaya po tatawag kami at kukumbinsihin namin si tita na pumunta na lang po ng Cebu para mamanhikan.”
    “Wa’g na kasing pilitin.” Singit ni CJ sa background. “Kung ayaw niyo sa mga Rama, hindi kami mamimilit. Tss…”

    Bumaling na talaga ako sa nakahalukipkip na masungit. Anong problema ng lalaking ito? Nagkatitigan kami. Ngumisi siya sakin. Kumunot naman ang noo ko. What the hell is wrong with you, CJ?

    “Tama si Chance, Ba’t natin pipilitin? Baka isipin nilang mamamatay na talaga si Charity pag hindi maging okay ang pamilya sa kanya ni Jayden. We won’t beg for that.” Tumango si tito.

    Nagtanguan din ang iba kong tito.

    “Well, it’s their problem. Basta ang importante, kung pumayag man sila sa pangungumbinsi nitong mga anak nila, edi maganda, at kung hindi naman, well, it will also be okay with us. Walang namimilit dito. Jayden, hindi ka naman namin pinipilit. You can cancel the church wedding if you want.” Sabi ni mommy.
    “No, tita, talagang buo ang desisyon ko. Kahit bumagyo pa, magpapakasal po kami ni Cha. Kahit silang tatlo lang ang witness sa kasal ko, kahit wala, magpapakasal po kami.”
    “We already booked Mr. Magbanua as their photographer tsaka para na rin sa Pre-nup vids nila. Hindi na pwedeng ma cancel.” Tumawa si Lyka. “Ang hirap kayang i-book nun.”
    Tumango si Jayden at ngumisi, “Mamaya rin po kami mag fafinalize ng date ng kasal tsaka nakapili na rin po ako ng organizer.”

    WHAT? I can’t believe it! Ang alam ko lang ay mag fa-finalize kami ng date sa kasal. Hindi ko inasahang malayo na ang naabot ni Jayden sa pagpaplano sa kasal namin.

    Tumawa si Jayden nang nakita ang gulat kong mukha.

    “And you’re meeting your designer tonight, Cha. There is no turning back.” Bulong niya sakin.

    “Mukha atang nakapag asawa ka ng isa sa mga most eligible bachelor ng Pilipinas, Charity. Now I understand why his mother’s over protective.” Tumawa si mommy sakin.

    Ngumisi na rin ako. Perks of having Jayden as my husband, huh?

    Nagpatuloy kami sa pagkain. Mejo yung mga matatanda kasi ay panay na ang talakan tungkol sa mga nangyayari sa buhay-buhay nila. Kaming mga magpipinsan na lang dito ang nag uusap. Ang tatlong Corpuz naman ay tahimik ding kumakain.

    “Kailan uuwi yung ate mo, Cha? Tsaka kasama ba yung husband at anak nila?” Tanong ni Erica.
    Nagkibit balikat ako. “Hindi ko pa naitatanong. Siguro pag malapit na ang kasal. Busy iyon.”
    “Mag ba-bride’s maid ako, ah?” Tumawa si Lyka.
    Tumango ako.
    “Sinong best man? Sinong Maid of honor?” Tanong ni Erica. “Mag babride’s maid lang din ako.

    Namimili pa ang mga ito.

    “Best man would be CJ. Period.” Tumawa ako.
    “What?” Tumikhim si CJ at inirapan ako. Nginitian ko na lang siya.
    “Kung ganoon, galing sa mga Corpuz ang maid of honor?” Napatingin ang mga pinsan ko sa mga Corpuz na nasa mesa. “Sino?”
    “Well, saka ko na yan poproblemahin kung papayag na sila.” Tumawa si Jayden at umiling.
    Tumango ako.

    Siguro naman hindi pa kami makakapagdesisyon niyan ngayon, hindi ba?

    “Sasali ako.” Utas ni Jen sabay sulyap sakin.
    “Pero baka magalit ang mama niyo?”
    “Kaya naman sigurong kumbinsihin ni Justice si mama mamaya. Let’s just wait, ate.” Aniya sakin.

    Sana nga. Nang sa ganun ay masaya na ako. Gaya ng sabi ko, kahit pumunta na lang siya at bigyan ng basbas ang kasal namin ni Jayden. Kahit hindi na lang kami tuluyang magkasundo.

    “So, anong pangalan mo?” Nagkasalubong ang kilay ni Lyka habang tinitignan si Jen. “You’re Jayden’s only sister, siguro ikaw yung babagay sa Maid or Honor.”
    “Then we’ll have Jen.” Sabi ko. “Siya na ang maid of honor.”

    Sumulyap ako kay Jayden na ngayon ay nakangisi at inakbayan ako.

    Padarag na nabitawan ni Justice ang mga kubyertos. Bakit ko ba nakakalimutang crush niya si CJ? Dapat siya ang ginawa kong maid of honor! Kinagat ko na lang ang labi ko. Now, I can’t take back my word.

    Napatingin kaming lahat sa kanya. Tumunog naman ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha.

    Sumulyap siya samin bago niya tinignan ang cellphone niyang maingay na tumutunog.

    “Excuse me, sasagutin ko lang ito. Tumatawag si tita.” Aniya kay Jayden at tumayo na para sagutin iyon.

  • Chapter 50Open or Close

    Chapter 50
    Ang Paghaharap

    Nang bumalik si Justice ay nakita kong pulang pula ang pisngi niya. Halos matumba pa siya pagkaupo niya.

    “Dahan-dahan, Justice.” Utas ni Jayden sa pinsan niyang muntikan ng mahulog.

    Mas lalong pumula ang pisngi niya. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kami ata ng mga pinsan ko ang naghihintay. Ang mga tito at tita ko kasi ay abala parin sa pagtatalakan tungkol sa kung anu-anong issue sa lipunan.

    “Ano daw?” Tanong ni Jayden.
    “N-Nasa airport na sila.”
    “A-Anong sabi mo?” Tanong ni Jen.
    “Sina mommy at daddy nasa airport. Pati na rin sina tito at tita, Jayden. Sila ata lahat.” Umaliwalas ang kanyang mukha.

    Ako naman ang dinalaw ng kaba. Sinong nasa airport? Ang pamilya ni Jayden? Para ano? Baka magkagulo lang?

    “Susunduin ko sila.” Aniya saka tumayo ulit.
    “Sasama ako, Justice.” Ani Jen.
    “Let’s go, Jayden.” Sabi ko kay Jayden na nagulat ata sa nangyayari.
    Napatalon siya sa sinabi ko, “Ilan ba sila?” Tanong niya kina Jen.
    “Hindi ko alam, kuya. Silang lahat ata. Wala pa namang dalang sasakyan.” Sabi ni Justice.
    Tumango ako, “Cole, CJ, drive, please. Ako rin. Tsaka yung isang driver namin.”
    “Sure, couz.” Agad tumayo si Cole.
    Si CJ naman ay napapaawang ang bibig, ready na atang umangal pero tinakpan ni Erica ang bibig niya. “Shut up and drive.” Humalakhak si Erica.

    Nagsitayuan ang mga pinsan ko. Ako na mismo ang nagpaalam sa walang kamuwang-muwang kong mga tito at tita.

    “Cole, where are you going?” Tanong ni tito sa anak niya.
    “Tito, papasama lang po ako kay Cole sa Mactan. Susunduin po namin ang pamilya ni Jayden.”

    Napainom ng tubig si daddy sa narinig niya.

    “Pamilya ni Jayden, Cha?” Tanong ni tita.
    “Nasa airport po daw sila. Silang lahat. Marami po sila kaya magpapatulong po sana ako sa pagsundo.”
    “Sure, hijo.” Sabi ni tito. “Pero pamilya mo? Akala ko ba ayaw nila kay Cha? Bakit sila nandito?”
    “Oh no, Charity. Don’t tell me sinundan talaga nila si Jayden dito para lang mabawi siya sayo?” Tumawa si mommy.
    “Mom, we don’t know. Kaya nga pupuntahan.”
    “Alright. You kids go. Saan niyo ba sila dadalhin pagkatapos?” Tanong ni mommy.

    Natahimik ako. Hindi ko rin kasi alam. Depende pa kung ano ang gusto nilang mangyari.

    “Pwedeng dito, Charity. Malaki naman itong bahay natin.” Sabi ni mommy.
    “Mom, they will probably not approve. Siguro sa isang hotel na lang.”
    “Ay? Ganun?” Panunuyang sinabi ni mommy.

    Matalim ko siyang tinitigan.

    “Kidding, Charity. Sige, puntahan niyo na ang mga iyon. CJ, yung mga-“
    “Yes, tita.” Pinutol ni CJ si mommy.

    Umiling na lang si mommy at tumawa.

    “Okay, you take care.” Aniya.

    Pagkalabas namin ng bahay at pagpunta namin sa garahe ay isa-isang nagtunugan ang mga alarm. Si Cole ang tumawag sa isang driver namin. Hindi kasi pwedeng pagsabayin lahat ng driver namin dahil nandito sina daddy, baka may biglaang importanteng lakad.

    “Cha, don’t drive. Yung sasakyan ko na lang ang gamitin natin.” Sabi ni Jayden sabay turo sa pulang Mitsubishi Strada niya.

    Tumango ako.

    Lima lahat ang dala naming sasakyan. Yung kay Jayden, kay Cole, kay Matteo, kay CJ at yung sa isang driver.

    “Cej, since malaki ang Expi mo, paki sakay sina Justice diyan.”
    “What? Sakay ko na sina Erica. Ang lalaki ng mga pwet nito.”
    “Hoy excuse me, no!” Sigaw ni Erica. “Kay Cole ako sasakay. Bwiset. Maiihi ako sa sobrang bilis mong magdrive!”
    “Fvck.” Mura ni CJ habang padabog niyang binubuksan ang sasakyan niya.
    Tumawa na lang ako.

    “Uhm… Di ata kami welcome.” Matabang na sabi ni Jen.
    “Di, Jen. Sige na. Pumasok na kayo.” Sabi ko sabay bukas sa pintuan ng sasakyan ni CJ.
    “Uhm…” Napakamot sa ulo si Justice.

    Nakalimutan ko na naman siyang pasakayin sa front seat ng sasakyan ni CJ! Hayun na kasi at umupo na si Jen doon. Shet! Ang hina ko talaga. Bad match maker.

    “Let’s go?” Nakaabang na si CJ sa labas ng sasakyan at naghihintay ng signal ko.

    “Pwedeng kay uhm… Matteo na lang ako sumabay.” Sabay turo sa tahimik kong pinsan.
    “At bakit?” Nakakabiglang tanong ni CJ.

    Napalingon si Justice kay CJ na ngayon ay masungit at mukhang puputok ang mga veins sa ulo.

    “Ah? Ha? Kasi wala siyang sakay.”
    “Gusto mo ng walang sakay edi kay Mang Kaloy ka na lang.” Malamig niyang sinabi kay Justice.
    “Huy! Cej! Chill, man!” Sabi ni Lyka. “Highblood ito.”
    “Hindi… Ang ibig kong sabihin ay para naman-“
    “Ah… Excuses.” Pumasok na si CJ sa loob ng sasakyan at padabog itong sinarado.

    Napatingin ang namumutlang si Justice sakin.

    “Sorry.” Iyon lang ang nasabi ko sa kanya.
    “Justice…” Nahihiyang tawag ni Lyka sa kanya. “Doon ka na lang kay Matt. Sama ako. Tapos si Erica naman kay Cole.”
    Tumango si Justice at walang pag aalinlangang at agad ng sumakay.

    Sumakay na kami sa mga sasakyan. Agad kong binuksan ang bintana at sinenyasan si CJ na tumigil. Binuksan niya rin yung bintana niya.

    “Ha?” Tanong niya sakin.
    “Sa huli ka na! Ipauna mo si Mang Kaloy. Ayaw kong mahighblood sa driving skills mo.”
    Umirap siya at sinunod ang sinabi ko.

    Convoy ang nangyari papuntang Mactan. Nang nakarating kami ay naabutan namin ang buong pamilya ni Jayden na may dala-dalang mga maleta at malalaking bag sa may taxi waiting area.

    Napalunok ako nang nag park na kami. Walang naglakas loob na lumabas sa kanila. Umurong ata ang guts ni Jen, Justice at Jude kaya kaming dalawa na mismo ni Jayden ang lumabas.

    Agad kaming nakita ng mama at papa niya. Kumaway at tumawa ang papa niya nang natagpuan ang mga mata ko. Ang mama niya naman ay humalukipkip at tumalikod.

    “Jayden!” Niyakap si Jayden ng kanyang mga tita at tito.
    “Kakarating niyo lang po ba?” Tanong ni Jayden.

    Binati pa siya ng lahat bago sinagot.

    “Oo. Buti nalaman mo. Sinabi ko kasi kay Justice na wa’g ng sabihin sayo. Naabala ka pa tuloy. Asan ba sila?”

    Nilingon ni Jayden ang sasakyan ni CJ na ngayon ay bumukas at lumabas si Jen at Jude. Sa sasakyan naman ni Matteo ay lumabas si Justice.

    “Dad!” Sabay yakap ni Justice sa kay tito. “Nagpunta po kami kina Charity. Ang bait po ng pamilya niya.”

    Napatingin si tito sakin. Yumuko na lang ako.

    “Mama,” Dinig kong tawag ni Jayden sa kanyang ina. “Bakit po kayo nandito?” Tanong niya.

    Bumaling ang mama ni Jayden. Agad kong nakita ang galit, panghihinayang at pagkainis sa mukha niya.

    “Ganyan ba talaga ang tanong na isasalubong mo sa mama mo Jayden?” Tanong niya.
    Umiling si Jayden, “Ma… Kasi naman, pakiramdam ko po pumunta kayo dito para guluhin kami ni Charity. I mean, noong isang araw, nasa Manila pa lang kami, galit na galit kayo. What do you want me to expect?”

    Tumulo ang luha sa mga mata ng kanyang mama. Saka biglaang niyakap si Jayden.

    “Pupunta ba ako dito para lang ganun? Syempre pumunta ako dito coz I’m giving up!” Aniya. “Hindi ko kayang mawala ka kahit na… ayaw ko sa mapapangasawa mo.”

    Nagtawanan ang ibang tito at tita ni Jayden. Yung iba naman ay masama parin ang tingin sa akin.

    “Kung ganun po, mamamanhikan kayo?” Tanong ni Jayden. “Sasamahan niyo ako?”
    Pinunasan ng kanyang mama ang mga luha sa mga mata, “Taga saan ba sila?” Ngayon ay nagbalik ang maarteng aura niya.

    Napatingin siya sakin at wala siyang ginawa kundi irapan ako.

    “Pumasok na lang kayo sa sasakyan. Ihahatid namin kayo diretso sa bahay nila.”
    “Ano? No. Way. Jayden. Nakabook kami sa Radisson Blu. Doon mo kami dalhin. Hindi sa bahay nila. Mag aayos muna kami bago kami pupunta doon.” Aniya.
    Tumango si Jayden.

    Bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Syempre, kahit di niya sinasabi sakin, mejo malungkot siya nitong mga nakaraang araw dahil sa mga nangyayari. At ngayong mejo maayos-ayos na ay masaya na siya.

    Sa amin sumakay ang mama at papa ni Jayden. Ang iba niya namang tito at tita ay nagkalat sa mga sasakyan ng pinsan ko. Sa sobrang dami nila, narealize kong baka hindi lang pamamanhikan ang mangyari. Pwedeng diretso na ang kasalan para di na sila gumastos pa ng pamasahe pabalik dito next month.

    “Ang init dito sa Cebu.” Reklamo ng mama ni Jayden habang nag dadrive kami papuntang SM at papuntang Radisson Blu.

    Di hamak ata na mas mainit sa Manila. Pero di na lang ako magkukumento.

    “Ang traffic.” Reklamo niya.

    Leche. Mas traffic sa Manila!

    “May skyscrappers in pala dito.”

    My gosh! What do you think? Lintek talaga pakiramdam ko kahit kailan ay di kami magkakasundo nito.

    “Sa dinner na lang kami pupunta, Jayden.” Utas ng mama niya samin pagkalabas nila ng sasakyan.
    “Naku, buti pa ngayon na lang mismo. Magcheck in na lang tayo tapos diretso na agad.” Sabi ng daddy niya.
    “Ano? Hindi pwede… magbibihis pa ako.” She insisted.

    Pero para atang natanggalan na siya ng powers at mas nasunod ang papa ni Jayden. Naghintay lang kami ng labing limang minuto ay nakababa na sila sa hotel at nakapasok ulit sa sasakyan.

    “Hay nako! Kung sana nakapag ayos lang ako edi mas maganda sana ang damit ko.” Reklamo ng mama ni Jayden.

    Nakapulang damit na siya at may mga gold na accessories.

    “Maganda naman ho yung damit niyo.” Singit ko.

    Tahimik lang siya at hindi na nagsalita pagkatapos ko siyang puriin. Sumulyap si Jayden sakin at ngumiti. Hinaplos niya ang hita ko.

    “Jayden, malayo pa ba?” Tanong ng mama niya.

    Tinanggal ko agad ang kamay niya sa hita ko.

    “Malapit na.” Sagot niya.

    Halos matawa na lang ako dahil ang laki ng ngisi ni Jayden. Nananadya pa ata ang isang ito. Nang sa wakas ay nakarating na kami sa bahay, naubusan ata ng reklamo ang mama niya.

    “Ganyan dapat yung fountain natin sa bahay.” Aniya sa papa ni Jayden.

    Narinig ko yun, ah! Ngumisi ako pero di na nagreact.

    “May swimming pool ba dito?” Tanong niya kay Jayden. “Mukhang wala.” Dagdag niya.
    “Nasa rooftop yung swimmingpool namin.” Sabi ko.

    Natahimik siya. Kaya naman tahimik din siya nung lumabas na kami sa sasakyan.

    Yung mga tita at tito naman ni Jayden ay parehong tahimik din.

    “Pasok po kayo.” Anyaya ko sa kanila.

    Nauna na kasi ang mga pinsan ko.

    Nang binuksan ko ang double doors namin ay nagulat ako nang nandoon at kumpleto ang buong pamilya ko habang hinihintay sila. Nakatayo silang lahat. Si mommy lang ang nakaupo. Napatingin ako sa pamilya ni Jayden na ngayon ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng aming bahay.

    “Dad, Mom, eto po yung mga kamag anak ni Jayden. Eto po yung mama at papa niya.” Nahihiya kong utas kay daddy at mommy.

    Tumango silang dalawa. Humakbang si daddy palapit sa papa ni Jayden.

    “Frederico Rama.” Aniya sabay lahad ng kamay.
    “Mayor.” Tumawa ang papa ni Jayden. “William Corpuz. Eto ang asawa kong si Josephine Corpuz.”
    Ngumiti ang mama ni Jayden at naglahad din ng kamay kay daddy.

    Nginitian din ito ni Daddy. Nakita kong tumaas ang kilay ni mommy. Tumayo siya at humakbang palapit sa mama at papa ni Jayden.

    “Alexandria Rama.” Naglahad siya ng kamay sa mama ni Jayden. “Ako ang mommy ni Charity.” Ngumiti si mommy.

    Nalaglag ang panga ng mama ni Jayden. Nihead to foot niya si mommy saka tinanggap ang kamay.

    “So… When’s the church wedding?” Tanong ng mama ni Jayden.

    Nabunutan ako ng tinik. Thank God.

  • EpilogueOpen or Close

    Epilogue

    “Hey, baby, what’s your name?” Tanong ng isang lalaki sa matigas na ingles.

    Napatingin ako sa babaeng kinakausap niya. Lumakas ulit ang music sa bar. Sa sobrang lakas ay halos di ko na marinig ang sinabi noong babae. Ininom niya ang shot na mukha atang malakas ang tama galing sa lalaki.

    “… Trisha.”

    Nagkataon na humina ang trance music sa bar nang binanggit niya ang pangalan niya. Nalaglag ang panga ko. Trisha?

    Tinignan kong mabuti ang babaeng iyon. She’s pretty. Really pretty. Kahit na may make up siya ay alam mong sa likod noon ay isang magandang mukha. The way her lips curved when she talks. Hindi ko masisisi kung bakit ang foreigner na kausap niya ay diretso sa labi kung makatingin. Medyo maputi siya at halatang mayaman kasi makinis. Ang buhok niya naman ay nagpapaalala sakin sa buhok ng Trisha’ng kilala ko bago niya nakilala si Troy. Wavy and thick. But there’s something in the way she flips her hair… Tuwing kumikisap siya ay nakikita mo kung gaano kaganda ang mga mata niya. Tumayo ako. Unti-unti kong naramdaman ang namumuong galit sa kalooblooban ko. Why? I don’t know. Maybe coz she’s ‘Trisha’…

    Umalis silang dalawa ng foreigner. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya papunta sa dancefloor. May kung anong nag init sa ulo ko nang nakita kung paano siya sumayaw. Pinaglalaruan niya ang buhok niya habang matamang gumigiling at napapaliyad sa bawat pitik ng mga nota sa trance music.

    Sumiklab pa lalo ang galit ko. I know Chase and Eli’s somewhere on the dancefloor at sinabi ko sa kanilang doon lang muna ako sa table dahil hindi naman ako mahilig sumayaw, pero ngayon ay gusto ko na ring pumunta sa gitna. Not to dance… But to stop Trisha.

    Bago ko siya napigilan ay tamad siyang bumulong sa lalaki saka pumihit na ito. Hinawakan ng foreigner ang kamay niya.

    Kumulo ang dugo ko at halos itulak ko ang mga taong baliw na sumasayaw sa gilid. Matalim niyang tinitigan ang foreigner saka kumawala dito. Napabuntong-hininga ako.

    Seriously, what is wrong with me? Ah! It’s just the name. I guess I’m not yet over her. Tatlong babae lang ang nakarelasyon ko. Una ay si Anna, ang highschool girlfriend ko. Sabi ng iba, 99% ng mga relationship na nagsimula sa highschool ay hindi magtatagal. Tama sila. We grew apart. Nag iba ang pananaw ko sa buhay, ganoon din siya. It turns out, hindi kami para sa isa’t-isa. Noong college ako, si Olivia. She was the typical mahinhin. Simple lang siya at galing sa isang mabuting pamilya. Masyado ata akong naging engrossed sa pag aaral ko kaya nababawasan ang atensyon ko sa kanya. Iyon rin siguro ang nagtutulak sa kanya para pagdudahan ako tuwing nakakalimutan ko siya. She became paranoid. Kinain siya ng mga pagdududa at mistrust niya sakin. We broke up. Ayoko na. Nasasakal ako sa kanya. I loved her… but I’m fed up. She asked for me to come back, I didn’t. We need to learn from our mistakes. Ako, kailangan kong matutong pahalagahan ang taong nagmamahal sakin. Siya, kailangan niyang matutong i-let go ang taong mahal niya.

    The last girlfriend… was Trisha Roncesvalles. She broke my heart. Masyado akong nahumaling sa mga nakalaang trabaho para sa akin. Gutom sa tagumpay, minahal niya ako, minahal ko rin siya, pero napabayaan ko. For the first time, I felt really stupid and irresponsible. Kung sana ay mas binigyan ko siya ng atensyon, sana ay di siya nakawala. Kung sana ay mas minahal ko siya, sana hindi ako nasaktan. She cheated on me. Habang kami ay may minahal siyang iba. Kaya kong magpatawad. Kaya kong tanggapin ulit siya kung sakaling sinabi niya saking hindi niya minahal ang lalaking iyon, pero di, eh, minahal niya. Talo ako. Kasi ako yung una, si Troy ang pangalawa. Walang pangalawa kung mahal ang una.

    Umalis ako. Ayaw kong makipag ugnayan sa kanya. Kahit noong mga araw na nalaman kong naaksidente si Troy. Pwede niya akong tawagan at humingi ng maiiyakan sakin… di niya ginawa. Kaya niyang wala ako. Kaya niyang kay Troy humugot ng lakas. Halos isang buwan lang kami ni Trisha pero ang laki ng impact sakin nun. Siguro ay dahil sa lahat ng mga naging relasyon ko, dito ko lang sinisi ng husto ang sarili ko. The blame was all on me. I didn’t love her enough.

    No… My love is not enough for her.

    “What’s your problem? I’ll smoke if I want to.” Sigaw ni Trisha sakin.

    Inupos ko ang sigarilyo niya. Hindi pwedeng manigarilyo ang isang Trisha.

    “Nakakababa ka ng tingin. Trisha pa naman ang pangalan mo.”
    Kumunot ang kanyang noo, “What?”
    “Kung makasayaw ka kanina para kang prostitute. At kung makapanigarilyo ka para kang addict. Wala ka bang matinong nagagawa?”
    “WHAT?” Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang tumayo. “Wa’g mo nga akong pagsabihan na parang kilala mo ako!”

    Ayaw kong maunahan sa pagtalikod kaya ako na mismo ang tumalikod sa kanya.

    “Forget it… Wala akong time para makipag usap sayo.” Sabi ko.
    “WHAT THE HECK!? Ikaw itong lumapit sakin tapos ganyan ka makaasta?” Sigaw niya sa likod ko.

    Nilingon ko siya at matalim na tinignan.

    “Sorry, miss. Concerned lang ako sayo kaya ganito. Forget it. I hate your dress.” Nihead to foot ko siya. “I hate your attitude. You should change it. It doesn’t suit you.”

    Sa gabi ding iyon ay napag alaman kong magkapitbahay kami. Muntikan pa siyang na rape ng ex niyang mukhang adik. Seriously? Wala bang magawang matino ang babaeng ito? Kung ayaw niyang nababastos siya, hindi dapat ganyan ka iksi ang soot niya. At isa pa, sa sobrang pagiging party girl niya, dapat alam niya na kung anong nakaabang sa kanya tuwing pumupunta siya sa bar, diba? Pumupunta ang mga tao sa bar para makakilala ng ibang tao, mag saya at maghanap ng pwedeng maka-sex. Ano naman kaya ang sadya niya sa bar? Well, sa pagsasayaw niya pa lang ay napagtanto ko na.

    I HATE THIS GIRL. Sa hindi malamang kadahilanan ay palagi kaming nagtatagpo. Magkapit bahay kami, magkaibigan sila ni Chase Martin, anak siya ng Mayor at makakasama ko pa siya sa trabaho ko sa Bantayan. Lucky me!

    “I don’t really like seatbelts. Pakiramdam ko nasasakal ako tuwing sinusoot ko sila.”

    Look at the logic of this girl. Pagkatapos kong ilock ang seatbelt niya nang sumakay siya sa sasakyan ko ay iyon ang sasabihin niya sakin. Kumunot ang noo ko at matama siyang pinagsabihan.

    “It’s not about you like it or not… Ang importante ay kailangan mo ito. For your safety.”

    Well, I don’t think she’s listening.

    Tumawa siya, “Ayaw mo ba ng may konting thrill?”
    Umiling na lang ako, “Ayaw kong nakikipag usap sayo. Kaya just wait till we get there, alright.” I hate this girl, damn it!

    Nang gusto niyang pumunta sa bar sa gabing iyon ay hindi ko siya pinagan. I want to lock her in my room. Ang dulas niya. Ayaw kong nakikita siyang nagsasayaw ng hinahawi ang buhok at lumiliyad sa iba’t-ibang lalaki.

    “CLOSE IT!” Sigaw ko nang binuksan niya ang pintuan habang umaandar pa ang sasakyan. “STUPID STUBBORN GIRL!”
    “Bakit di mo pa tinitigil? Do you want me to jump from here?” Banta niya nang nakataas ang kilay.

    May kung anong nagsasabi saking kaya niyang tumalon dito. I didn’t like the idea. Magiging kriminal pa ata ako sa babaeng ito.

    “Fine! Ihahatid kita sa night life mong yan. But I won’t give you that satisfaction.”

    Sasamahan kita at babantayan buong gabi.

    Why do I care too much? I really don’t know. Gaya ng sabi ko… ayaw kong nakikita siyang nagkakaganun. Yes, she isn’t Trisha. She’s Charity Rama the daughter of Cebu’s most loved mayor.

    Guess what? Ang dami niyang lalaki. Sa gabing iyon ay ipinakilala ako sa mga kaibigan niya, at sa limang lalaking malagkit ang tingin sa kanya. At ang mga kaibigan niya pang babae ay nag kakaroon ng pagdududang ako ang kanyang boyfriend. Oo, ayokong paniwalaan ng mga naglalaway na lalaking iyon na free siya. Pero ayaw ko rin namang pagdudahan ng buong mundo na may relasyon kami. No. Way. Yes, deal with my shit. Kung naguguluhan ka, ako rin. At wala akong pakialam. I hate you anyway.

    Why do I seriously care too much? Gusto niya ng freedom sa kanyang buhay, edi kainin niya ang freedom niya. You get what you want, girl.

    Tinititigan ko siya habang nilalagok ang mga shot ng iba’t-ibang hard drinks. Look at that! Tignan mo ang naidulot ng freedom! Sobrang pag inom! Pariwara ang babaeng ito! Kung makaupo akala mo naka longsleeve at pajama pero ang iksi namang ng soot.

    Isinayaw pa siya noong kaibigan niyang lalaki. Nakita kong bahagya siyang natalisod pag tayo. Tumayo agad ako sa kinauupuan ko. Kung maka sayaw ito parang walang nagmamay-ari ah?

    Hinila ko agad siya. Napawi ang ngiti niya nang nagmura ako.

    “Dude, what the fvck!?” Inatake agad ako ng kasayaw niya.

    Tinaas ko ang kilay ko at di nagpatinag. Ano? Suntukan na lang?

    Tinulak niya ako. Umamba ako ng isang suntok pero pumagitna ang bouncer. Hinarap niya ang kasayaw ni Charity.

    Pagkatapos ng pagtatalo namin noong lalaki niya ay kinaladkad ko na siya palabas ng Club. This is what you get, Charity.

    “I said, let’s go home.” Sigaw ko.

    Hindi siya umimik. Too tipsy. Too drunk. I hate this girl.

    “Charity! Where’s your freedom now?” Sigaw nung lalaki.

    No freedom for her anymore.

    Kinaladkad ko siya patungo sa condo niya. Hinaplos niya ang pisngi ko habang nagtatalo kami.

    “Kung hindi ako ang lalaki dito sa tabi mo, what do you think will happen to you?” Sigaw ko nang tumindig ang balahibo ko sa haplos niya.
    “Can I smoke?” Akalain mong iyon ang sagot niya sa tanong ko?
    “No. I’m asking you… Kung wala ako dito, anong mangyayari sayo? Kung ibang lalaki ito, anong mangyayari sayo?”
    “Why can’t I smoke?”

    Napapikit ako sa inis. Just. Look. At. This. Girl.

    “Because I said so… Now, I’m asking you… Kung ibang lalaki ako, anong mangyayari sayo?”
    “I don’t just go with anyone, Jayden.” Mariin niyang sinabi.

    Hindi ko alam kung bakit napunta ang usapan namin sa ganito…

    “Really? Hindi ka sumama kasi nandito ako. Paano kung wala ako?”
    “Nandyan ka naman.” Ngumisi siya.
    “I’m not always here.” Umiling ako.
    “I want you to be always here.”
    “No. I won’t be.” Malamig kong sinabi.
    “Damn Jack Daniels.” Iyon ang sinabi niya pagkatapos kong i-turn down ang hiling niya.

    Seriously?

    Sa gabing iyon ay bigla niya akong hinalikan. Kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. Yes, she’s hot and all… pero hindi ko nagustuhan ang pagiging aggresibo niya! Ilan na kami ang bigla niyang nahalikan? Ilang lalaki ang nahalikan niya? At kung ibang lalaki ako, she probably got laid tonight. I hate the fact. I hate it so much I don’t want her to be with anyone else. Weird, right?

    “GANYAN BA ANG GAGAWIN MO SA MGA LALAKING MAGHAHATID SAYO DITO?”
    “Hindi, Jayden! I kissed YOU! Hindi yung ibang lalaki. Stop thinking about the ‘other’ boys. Kasi walang ganun.”
    “Paano kung ibang lalaki yung naghatid sayo? GANUN ANG MANGYAYARI!?”
    “No! I kissed you because I like you!”

    Obvious sa pagiging aggressive niya. Pero ang tanong… pang ilan ako sa sinabihan niya nito?

    “I don’t like you…” I spat. “I even hate girls like you…”
    “How do I get you to like me, Jayden?” Tanong niya.

    Ayaw ko sanang sagutin pero pursigido siya.

    “Then… change.”

    Pursigido siyang magbago. Uunahin niya daw ang damit niya. Wala naman sigurong makakapagpabago sa isipan ko sa kanya hindi ba. I hate her because I simply hate her. Kahit na ano pang baguhin niya sa sarili niya, hindi yan tatalab sakin.

    “Now, tell me. What do you want me to wear, Jayden?” Tanong niya.
    “Tsss.”
    “Sige na, sabi mo diba? You hate my clothes-“
    “I hate you…” Malamig kong sinabi. “Not just your clothes.”

    Nakita kong napaawang ang bibig niya. Para bang may idudugtong pa dapat siya pero hindi niya nagawa. Nawalan siya ng lakas. Pakiramdam ko tuloy ay naubos ang dugo ko sa mukha. No. No. No. Charity. No… I mean… No… I didn’t mean that.

    Ngayon ko lang narealize kung gaano ko ka ayaw na ganun ang reaksyon niya. Pursigido siya simula pa lang. Pero ngayon ay parang unti-unti siyang natatauhan. I didn’t like that. Kung nabaliw ka man dahil gusto mo ako, gusto kong mabaliw ka na lang sakin palagi. No… Charity, you can’t escape. Not today.

    “I’ll take you there.”
    “Huh? Wa’g na. Mag tataxi na lang ako.” Aniya.
    “I said, I’ll take you. Sasamahan kita. Tignan natin kung damit ba talaga ang pupuntahan mo dun.” Malamig kong sinabi habang pinagmamasdan ang pagkunot ng kanyang noo.

    Still. I didn’t like the feeling.

    Lintek sa araw ding iyon ay nalaman kong nakikipag communicate parin siya sa baliw niyang ex na rapist na rin. Nabibiyayaan ata talaga ang babaeng ito ng makinang na utak ah? Sa sobrang kinang, akala mo maraming laman, iyon naman pala makinang lang dahil malinis, walang dumi… walang laman!

    “It’s because you’re too naive! Alam mong dapat hindi pwede pero lumalandi ka parin.”
    “Jayden, you’re drunk.”
    “Kaya ayaw ko sa mga tulad mo, eh. Malalandi. Part here, party there… Bakit ka nag ba-bar? Para makahanap ng lalaki? Hindi mapagkakatiwalaan yung mga taong name-meet mo sa bar. Example, Anthony!”
    “College friends kami ni Anthony, Jayden. At hindi naman ako naglalandi sa bar-“
    “No. The fact na palagi ka sa bar, meaning malandi ka. 90% chance of cheating pag may boyfriend ka na. Haha!” I hate cheaters by the way.

    At kung mabait si Trisha at hindi nag babar ay nagawang mag cheat, eto pa kayang si Charity na halos gabi gabing sumasayaw ng iba-ibang lalaki?

    “Really? Try me, Jayden.” Aniya.
    “Para saan pa? To prove to my self that you’re a cheater? No, thanks!”
    “To prove to you that I’m not.”

    Her face was too passionate. Para bang wala na siyang ibang gusto sa mundo kundi ang magustuhan ko. Kundi ang ibigin ko. Kaya ayun at diretso kong hinalikan ang labi niya ng wala sa sarili.

    “Trisha…” Sabi ko.

    Agad kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. No… I’m not falling in love. Kinakabahan ako ng sobra sobra. Dahil alam kong nagkamali ako sa pangalan niya. This isn’t Trisha, alright, Jayden. This is Charity.

    “Charity, Jayden.” Aniya.

    Tumigil ako sa paghalik. YES, I KNOW! Umiling ako ng ilang beses bago pinasadahan ng palad ang buhok. I made a big, big mistake.

    Kung sakaling magtanong na siya tungkol sa mga pangalan ng mga ex ko at malaman niyang ang huling ex ko ay si Trisha… She’s going to hate me so much. Hate me to hell. I walked away.

    “Ah! Ikaw yung nakasayaw ko last year sa Life Dance?” Tanong ng isang lalaking taga Resort.

    Seriously? Lahat ata ng lalaki sa Cebu ay kilala si Charity Rama. Lahat ay nakasayaw niya nang di niya naaalala. Lahat ay laging may ugnayan sa kanya. Kumulo agad ang dugo ko. I just wanna punch this guy.

    “Really? Anong pangalan mo?” Tanong ni Charity.

    Talaga lang ah? Kaya niya pang magtanong kahit matalim na ang titig ko sa kanya. Manhid.

    “I’m Christian.”
    Tumango si Charity at ngumiti.

    This girl is really an ass! Ang sarap kaladkarin palagi.

    Umupo ako atsaka siya bumaling sa akin. Tinitigan ko ang mga kamay nilang magkahawak. Ganyan naba talaga dapat ang tanawin ko dito? Sa mukha ko pa talaga, ah? Ganyan? Cha? Wala ka bang konsiderasyon man lang kasi nandito ako? Nananadya ba ang babaeng ito? Kung nananadya ito, naku!

    “Christian, asan yung kwarto namin? Magpapahinga muna ako. Pakidala na rin yung mga papeles na kailangan kong ireview.” Utas ko sa lalaking kahawak kamay niya kanina.

    Your life will be hell, boy.

    “Okay po, Mr. Corpuz.”

    Nang dinalhan ako nI Charity ng papeles na may calling card ni Christian ay agad ko itong nilukot at tinapon sa basurahan. Kinalkal niya ito at may balak pa atang irecycle. Kumulo ulit ang dugo ko. Ano bang problema ng babaeng ito? Nangongolekta ba ito ng lalaki? Akala ko ba ako ang gusto niya? Kung nagkataon mahal niya pa dapat ako pero bakit ganito?

    “Kainis ka naman. Kukunin ko pa number niya-“
    “For what?”
    “Para communication?”
    “Give me that calling card.”

    Communication, huh?

    “Give me that, Charity.”
    “Bakit?” Inilayo niya sakin ang calling card.

    What’s wrong with me? Bakit hindi ko maiwan-iwan ang Cebu? At bakit naiinis ako sa babaeng ito nang di ko alam kung bakit? Doon ko lang napagtanto.

    “You can’t have flings.” Mariin kong sinabi.
    “Hindi naman talaga. But I can have a friend, too, Jayden.” Ngumisi siya. “You’re jealous. Admit it.”

    Humakbang ako palapit sa kanya. This is the reason why I hate her so much… I hate her because I’m falling for her… fast and really really hard. Naunahan ko pa ata siya. The last time I checked gusto niya lang ako, pero ako… lintek ngayon ako pa ata ang tinamaan.

    Hinalikan ko siya at doon ko nakumpirma ang nararamdaman ko. No. No freedom for you, Charity. I’ll make sure of that.

    “I said, you shut up or I’ll kiss you.” Binaba niya ang kamay niya.

    Agad kong kinuha ang calling card.

    “Gotcha!” Pinunit ko iyon sa harapan niya.

    You can’t date anyone now. Kung ako ang gusto mo, sisiguraduhin kong ako lang talaga. Kung pwedeng pagselosin kita, gagawin ko, gusto kong mabaliw na lang siya sakin at hindi na matauhan pa. I’m gonna make sure of that. Sisiguraduhin kong sabay kaming mag ma-mature, sisiguraduhin kong kaya kong ihandle kung sasakalin niya ako at magselos siya sa bawat babaeng makakasalamuha ko, at higit sa lahat, sisiguraduhin kong ako lang ang titignan niya para hindi siya magmahal ng iba. I’ve learned from my mistakes… And Charity… she’s going to be my last. Kung mangyari man lahat ng gusto ko ngayon, didiretsuhin ko na. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.

    The best way to get people to like you is not to like them too much. Or at least don’t make them feel that you like them too much. At itong si Charity ay mukhang madaling magsawa sa lalaki. Ang alam ko ay mejo marami-rami na ang naging boyfriend niya. Ang dahilan kung bakit sila naghihiwalay? Walang katuturan. Dahil gusto niya lang. Dahil nasasakal. Dahil nag fall-out. Ang bilis niyang mainlove, ang bilis niya ring kumalas.

    Sinubukan ko iyon sa kanya. I tried to flirt with other girls. Tuwing nagdadabog siya at nag iiwas ng tingin ay saka ko naman siya pinagmamasdan ng nakangisi. Frustrated, Charity?

    “Wow! You two like each other.” Matabang niyang sinabi ng nakangiti.

    Halos makita ko ng puputok ang ugat niya sa noo dahil sa inis. Tinakpan ko ng daliri ang labi kong unti-unting umangat at napapangisi. Kinunot ko ang noo ko saka matama siyang tinignan.

    “Oo nga!” Tumawa pa si Shiela.

    Tumawa na rin ako. Hindi dahil nagustuhan ko ang sinabi ni Charity para samin ni Tina, kung hindi dahil nakikita ko ang pagseselos niya. The frustrated Charity there… Ang bilis mong ma fall-out, ha? Ang bilis mong umayaw sa mga lalaki mo! Kung makapagpalit ka ng boyfriend ay parang nagpapalit lang ng damit. Now, let’s see, Cha.

    Damn it! Sa gabing iyon ay narinig kong umalis siya sa kwarto niya. Nag aayos ako ng data sa kompanya nang narinig ko ang mahihinang footsteps palabas ng kwarto niya. Dahil gabi na, mas nasasagap ng tainga ko ang mga konting ingay sa labas. Binuksan ko ang pintuan ko at nakita ko siyang patiyad na naglalakad palayo sa corridor. Damn this girl. So stubborn.

    Sinundan ko siya at nakita kong nakipagkita siya sa mga pinsan niya. Not bad. Pinsan lang pala. But I just can’t leave her. Nakita ako ng pinsan niyang lalaki at itinaas niya ang inumin niya sakin. He flashed an evil smile. Dahilan kung bakit hindi ko siya pwedeng iwan dito. Umiling ako.

    Tama ang hinala ko. Ilang sandali ang nakalipas ay nagkaroon na sila ng laro. Bodyshot sa ibang tao. Sa taong di nila kilala. Sinulyapan ulit ako ng pinsan niyang lalaki. Tinaas niya ulit ang inumin niya bago binulungan si Charity ng kung ano. Hinamon niya yata ito. Nag pasikat siya. Nilagyan niya ng asin ang leeg ng isang babae at dinilaan iyon bago ininom ang tequila. Nakita kong nag thumbs down si Charity. Talagang hinahamon siya nitong pinsan niya, ah?

    Nang si Cha na ang gagawa nito ay agad na akong tumayo.

    Kinausap niya muna ang lalaking bibiktimahin niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko. Nang nakalapit ako ay walang pasubaling hinigit ko na lang siya palayo sa lalaking kinakausap. Nabigla pa siya at napalingon sakin. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong umangal.

    Charity Rama, kung kailangan kong umamin sayo para lang tigilan mo na iyang kabaliwan mo ay gagawin ko.

    Sa gabing iyon, naramdaman ko kung paano niya iningatan iyon. Totoo, buong akala ko ay hindi siya untouched. Syempre, sa dami ng naging lalaki niya. Hindi niya naman inamin sakin pero naramdaman ko talaga kung anong nakuha ko sa gabing iyon. No. This is bad. Ako ang una. Ngayong nalaman niya na kung paano ito at anong pakiramdam, baka mas lalo lang siyang maghanap ng iba.

    Am I being too paranoid? Siguro masyado akong naapektuhan samin ni Trisha na ayaw kong may iba si Charity.

    Let’s stick to the main rule… The best way to get people to like you is not to like them too much. I’ll frustrate her after this. Kasi kung araw-araw ko siyang pauulanan ng magagandang salita ay baka matulad ako sa mga ex niyang agad niyang dinispatsya.

    She’s an alpha female. Kaya niyang wasakin ang puso ng isang lalaki ng di kumukurap.

    Kaya sa sumunod na araw, nang hinawakan ko ang kamay niya patungo sa restaurant, naalala ko iyon. Agad kong binawi ang kamay ko.

    Magsasawa ka sakin, Charity, kung i-s-spoil kita. Kaya ang bagay sayo ay mabigo. Kailangan… I don’t want to lose her just because she’s falling out of love.

    Pero gumuho agad ang mundo ko nang nagtanong na siya tungkol sa mga ex ko.

    “Bakit gusto mo silang makilala?”
    “Of course, gusto kong malaman anong nangyari at bakit nag end ang mga relationships mo with them. Yung una, anong nangyari?” Tanong niya.
    “We’re too young? Nag mature kami so we fell apart.”
    “How about the next one?”
    “She’s too immature… selosa… Always accusing me about silly things… Na may iba ako.”

    I really don’t like this conversation.

    “Okay… How about the third?”

    Pakiramdam ko ay naubos ang dugo sa mukha ko. Sa oras na malaman niyang Trisha ang pangalan ng pangatlo kong girlfriend ay patay ako dito…

    Charity isn’t stupid… Alam kong oras na lang ang hihintayin ko bago niya maramdaman kung ano iyong iniiwasan ko. Kaya naman nang nalaman kong nasa Manila siya ay agad na akong kumuha ng ticket. Uunahan ko siya.

    “Hello, Trisha…” Sabi ko.
    “JAYDEN!” Pasigaw nang sinagot niya ito.
    “Trish… I need your help.”
    “Ha? Kumusta ka na?” Tanong niya.
    “Sinong kausap mo?” Tanong ni Troy sa background.
    “Si Jayden.” Sagot niya.
    “Hey, nakakaistorbo ba ako?” Tanong ko.

    Pero sorry, talagang iistorbohin ko muna kayo ngayon.

    “No. No. It’s okay. Anong gusto mong pag usapan? I mean, ba’t ka napatawag?”
    “Nasa Manila na ako ngayon. Galing akong Cebu. Look. There’s this…”

    I don’t know how to say it really.

    “Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang in person. Hindi ko alam kung kaya ko bang ikwento sayo over the phone.” Sabi ko.
    “Troy, sandali lang.” Sabi ni Trisha saka narinig kong sinarado niya ang pintuan.
    “Saan? C-Can I bring… Troy?” Tanong niya.
    “Of course!” Sabi ko.
    “Good. So… kailan?”
    “Kung pwede sana ngayon na.” Sabi ko.
    “Alright.”

    Binaba ko na. Hindi ko alam kung didiretso ba ako ng Le Marcelle o ano. Kaya tumuloy na lang muna ako sa condo ko habang nag hihintay sa reply ni Trisha. Nang nitext niya ako sa gabing iyon na magkikita kaming dalawa sa resto bar ng Le Marcelle ay agad na akong pumunta doon.

    Sana lang ay wala pang nakakalap na impormasyon si Charity.

    “Akala ko ba kasama mo si Troy?” Tanong ko.
    Malungkot siyang ngumisi at umiling, “He’s jealous, Jayden.”
    Nalaglag ang panga ko.

    Nawala iyon sa utak ko. RIGHT! May past nga pala kami ni Trisha at ibang usapan para kay Troy ang pagkikita namin ngayon.

    “It’s my fault. Alam mo na.” Aniya.
    “I’m sorry.” Sabi ko.
    “No… It’s okay. Saka ko na lang siya poproblemahin dahil alam ko namang mukhang importante ata itong sasabihin mo sakin.”

    Sinabi ko sa kanya ang lahat. Mabuti naman at naintindihan niya.

    Ngumisi siya nang nakita akong tinitignang mabuti ang cellphone ko.

    “Nasa Tribe Loungue siya.” Utas ko.
    “Nasa Tribe Loungue din si Troy!” Aniya. “Sasama ako!”

    Kaya sabay kaming pumunta doon. Nagkaalaman. I’ve never seen Charity so mad at me. Pakiramdam ko ito na iyong kinatatakutan kong mangyari. Buong akala ko magsasawa siya sakin, nagkamali ako, mawawala siya sakin dahil sa pagkakamaling nagawa ko sa kanya noon.

    I hated her for the wrong reasons. Now she thinks I loved her for the wrong reasons, too.

    Nasampal siya ni Trisha. Naramdaman ko ang sakit noon. Wala akong nagawa kundi ang matulala lang dahil tinitigan niya ako gamit ang matatalim at puno ng pagkamuhing mga mata.

    “You… You didn’t really love me, Jayden.” Sigaw niya.
    “Charity, stop being so immature.”
    “I’m a rebound.”
    “Charity, mahal ka ni Jay-“
    “Shut up!”
    “Wa’g kang bastos, Charity.” Sigaw ko.
    “You still love her. You are still in love with her! Kaya nung narinig mong Trisha ang pangalan ko, naagaw ko ang atensyon mo. Kaya nung una nating halik, Trisha ang tinawag mo sakin. You want me to wear sneakers, you want me to stay home, ayaw mong lumalabas ako tuwing gabi. You are turning me into her… And lastly…” Nanginig ang boses niya, “You didn’t make love with me. Siya yung inisip mo habang ginagawa natin iyon.”

    Now, I’m speechless. Nangyayari na ang kinatatakutan ko. Sa unang pagkakataon, wala akong plano. Hindi ko alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin ko. I want to hug her so tight and convince her that she’s wrong. Pero paano? Gayung tinititigan niya ako gamit ang mga mata niyang umaapaw sa galit.

    Nanginig ang buong katawan ko nang nakitang tumulo ang luha galing sa mga mata niya. Hindi man lang siya napangiwi. Kusa itong tumulo habang galit siyang nagsasalita.

    “Tell me, Jayden, why do you hate me?” Matapang niyang tanong.

    Gusto kong marinig ang paghikbi niya. Gusto kong maramdamang nanghihina siya dito at hindi puro galit ang naramdaman niya.

    “Charity. Stop this nonsense, please-” Nanunuyo kong sinabi.

    Napapikit ako nang mabilis niya akong sinabuyan ng alak galing sa shot niya. Nainis ako. Nagalit. Pero higit sa lahat ay kinabahan. Am I losing her?

    “You hated me because you thought my name’s Trisha. Pero nakita mong magkasalungat ang ugali namin, right?” Tumawa siya.

    Nilagpasan niya ako. Agad kong hinila ang braso niya.

    “Will you stop acting like a brat, Charity?” Utas ko.

    Hindi ko alam na mali iyong hiningi ko sa kanya. Gumuho ang mundo ko nang narinig ko ang matapang niyang sagot.

    “Yes. I will, Jayden.”

    Ibig sabihin ba nito ay titigil na siya sakin? No. I will claim her… again. Di bale ng anong mangyari dito. At sa oras na bumalik siya sakin, sisiguraduhin kong di na siya makakaalis ulit.

    Siniko ako ni Troy. Inaayos ko ang cuffs ng soot ko. Mejo nagulo kasi ito dahil sa relong soot ko.

    “Hmm?” Nilingon ko siya.
    “Baka hindi na iyon sumipot.” Humalakhak siya.
    Sinimangutan ko siya, “Shut up, Troy.”

    Halos puno na ang Cebu Metropolitant Cathedral. Ayaw ni Charity ng engrandeng kasal, kaya lang hindi maiiwasan dahil anak siya ng Mayor at tanyag ang pamilya nila dito sa Cebu.

    “Hay nakooo! Jayden magkano ba ang nagastos mo dito? Sobrang daming invited at sobrang engrande. Narinig kong Photographer pa lang ninyo ay nakakabutas-bulsa na.”

    Umiling ako kay mama. Kanina pa niya pinapaypayan ang sarili niya.

    “Mama, don’t worry about it. It’s my money.” Inaayos ko parin ang cuffs ko at ang relo ko.
    “I know, hijo. Pero ang gumastos ng ganito?” Tumaas ang kilay niya.
    “Bakit, mare, may problema ba sa gastos? Sinabi ko naman kay Charity na hindi na uso na ang lalaki ang gumastos ng lahat. Dapat silang dalawa ni Jayden.” Sumingit bigla ang mommy ni Charity.

    Napatalon si mama at agad ngumisi sa biglang tumabi sa kanya.

    “Ay! Wa’g na. Kaya na iyon ng anak ko. Gusto ko lang malaman kung magkano. Alam mo naman ang mga kasal ngayon ibang iba sa kapanahunan natin ngayon. Masyado ng komersyal at mahal. I’m just curious, mare. He-he.”

    Umiling ako nang nakitang pinasadahan ni mama ng tingin ang soot ng mommy ni Charity. Pareho silang nakaputi. Kay mama ay studded at puno ng mga diamonds. Sa mommy naman ni Charity ay simple at kumikinang na tela ang ginamit.

    “Hindi naman kailangang komersyal, mare. But you know, this is a Rama you’re talking about. Her dad won’t allow an intimate wedding. Kailangang pang magazine. Kung ako ang masusunod ay pwedeng sa ibang bansa ko na lang sila ipakasal para naman wala ng media.” nagkibit-balikat ang mommy ni Charity.
    “Mas mahal ata sa ibang bansa? I mean… he-he. Mas mabuting dito na sila ikasal para bongga!” Sabi ni mama.

    Kahit kailan talaga itong si mama. Napatingin ako sa relo ko.

    “Tita, si Cha po?” Tanong ko.
    “Ay. Oo, hijo. Papunta na iyon kanina.”
    “Talaga?”

    Ginapang ako ng kaba. Kanina pa iyon ah? Hindi kaya umatras iyon? Pinagpawisan na ako at hindi ko na nasundan ang pinag usapan ni mama at ng mommy ni Charity.

    “Jayden!” Tawag ni Trisha.
    Ngumisi ako pero hindi ko maiwasan ang kabang nangingibabaw.
    Kumaway siya nang nakitang may kumausap sakin.
    “Traffic ata, Jayden.” Bulong ni Chase sakin.
    Tumango ako.
    “Upo lang kami ah?”
    “Sige, man. Salamat.”

    Pinagmasdan ko silang umupo sa unahan ni Eliana. Where is Charity?

    “CJ!” Tawag ko sa bestman kong kanina pa nakikipag usap sa ibang pinsan ni Cha. “Asan na si Cha?”
    “Hindi na iyon sisipot.” Aniya.
    “Seriously, dude, asan na siya?”
    “Ayaw niyang magpatali, Jayden. Gusto niya ng freedom. If only she could marry freedom.” Humalakhak siya.

    Nanliit ang mga mata ko.

    “Joke, bro, ayun oh!” Tinuro niya ang likod ko.

    Kasabay ng paglingon ko ay ang pagbukas ng double doors ng simbahan. Tumigil sa pagpintig ang puso ko. Nakatayo siya doon soot-soot ang wedding gown niya. I’m gonna marry her now… sa harap ng simbahan… sa harap ng pamilya namin… sa harap ng mga tao… sa harap ng Diyos.

    Nagpanic agad ang mga tao. Pumwesto sa kani-kanilang pwesto. At ako ay walang ginawa kundi tumayo roon at maghintay na dumating siya.

    Nagmartsa isa-isa ang entourage. Marahan silang naglalakad. Pero gustong gusto ko nang makitang maglakad si Charity papunta sakin. I just want her now… please.

    Napapikit ako nang tumunog ang nirequest niyang kanta sa pagmamartsa niya. Now I know why she chose this song… soothing, malamig, at makahulugan ang bawat nota. Piano lang ang tumutugtog habang unti-unti na siyang nagmamartsa palapit sa mga magulang niyang naghihintay sa gitna ng red carpet.

    Pinatalilis niya ang kanyang kamay sa inilahad na braso ng kanyang ama. Hinawakan naman ng mommy niya ang kamay niya. Narinig kong humagulhol si mama kung saan. Nakita ko ring tumigil sila sa paglalakad dahil pinunasan pa ng kanyang ama ang kanyang luha.

    No… Please…

    Tumawa si Charity. Malakas na ang pintig ng puso ko. Nakita kong pinunasan niya ang mga mata ng kanyang ama. Mabilis na lumagitik ang mga camera at parang kidlat kung kumuha ng picture naming lahat. Pagkatapos niyang punasan ang luha ng kanyang ama ay napawi ang ngiti niya… Tumingin muna siya sa red carpet saka unti-unting iniangat ang mga mata para tignan ako ng diretso sa kaluluwa ko.

    I’m marrying the most beautiful girl. No… I’m already married. Kaya bakit kanina pa ako kinakabahan dahil hindi pa siya dumadating dito sa tabi ko? I didn’t understand.

    Umangat ang labi niya nang nagpatuloy sila sa paglalakad.

    Bahagya akong tinulak ni CJ sa likod ko.

    “Congrats.” Aniya.

    Tinapik ni Chase ang balikat ko.

    “Congrats, man.”

    Shhh! Hindi pa siya nakakarating.

    “Congrats.” Andaming bumati sakin.

    Nakita kong ngumisi si Charity. Damn… I’m just so in love with this girl. Hindi ko na mapangatwiranan kung bakit parehong pinipiga at masaya ang puso ko.

    Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko dahil alam kong tutulo na ang luha ko. Umiling ako at ngumisi nang hindi ko iyon napigilan.

    “Hoy, ayos lang yan! Iyo na, oh! Congrats!” Utas ni Cole.
    Tumawa sila. Tumawa na rin ako at umiling ulit.

    Nang nilingon ko pabalik si Charity ay nasa harap ko na siya. Tumagilid ang ulo niya para tignang mabuti ang mukha ko. Tumawa na lang ako nang nakita siyang nakangisi at nakakunot ang noo.

    “I love you, Cha.” Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
    “I love you, Jayden.” Nilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

    Nilingon niya ang ama niyang nakahawak pa sa braso niya.

    Tumawa siya. Humagulhol ulit ang daddy niya. Dahilan kung bakit dinaluhan ulit ito ni Charity.

    “Tito, please, let her go…” Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Charity.

    Tumango si Mayor Rama sakin kahit na basang-basa pa ang kanyang pisngi. Tumawa si Charity sa sinabi ko.

    “At ikaw… don’t let her go.” Nanginig ang boses niya nang sinabi iyon sakin.
    “Never.”

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

13

15 Responses to Why Do You Hate Me?

  1. Super fan po ako ng mga stories nyo. Ugh. Sobra po nilang ganda as in. Hope you’ll be writing more stories. Tuloy nyo po yung mga hindi nyo pa natatapos like downfall chronicles. Sana marami pa po kayong masulat na storya. Na adik po talaga ko sa wattpad dahil sa mga storya nyo. Thank you po. Hope you see this. God bless! ??

    Reply
  2. Hi Ate Jonaxx, super cute po nitong Why do you hate me. Kinikilig pa rin po ako kahit na ilang beses ko ng binasa po . Meron din po bang story si Justice at CJ, parang ang cute po kasi nila kinikilig na rin ako sa kanila. Hihihi thank you po for sharing your stories Ate

    Reply
  3. Kahit ilang beses ko na tong nabasa . Natutuwa pa rin ako. Hahaha ito talaga favorite ko sa lahat ng story mo e ???

    Reply
  4. I am often to blogging and i really appreciate your content. The article has really peaks my interest. I am going to bookmark your site and keep checking for new information.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

two × 4 =

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>